1 minute read
Lungkot sa pagkakapagod
REALEE GABARRA
May demonyong sa utak ko ay bumubulong habang hawak ang huling bote ng red horse na aking iniinom, sa likod ng usok ng sigarilyo ng mga kainumang langong-lango ay lumalaban ang himig ng aking bawat tugon. Parang ang sarap umakyat sa gubat, sa ulap ay mag palutang-lutang dala ang mga pasaning ibig na bitawan na para bang kay sarap maging malaya sa bigat ng kinabukasan. Pangarap sa buhay ang kasalungat ng reyalidad at hindi alam kung hanggang kailan ito pasan na para bang lahat ng bagay na iyong gagawin at mamahalin ay may kasiguraduhang dulot nito ay sakit na ilang beses nang binabalik balikan. Ang buhay ay pareho lang naman na kamatayan ang katapusan, sarili ay kailangang buuin mula sa pagkakabiyak dahil sa kalungkutan at pagod, dagdagan pa ng isip kong hapong-hapo na sa kakatakbo. Ang sarap na lamang maging isang bata, kailan nga ba magiging malaya? Gusto kong maranasang muli ang kasiyahang naibibigay ng pagiging malaya.
Advertisement
Nabuhay akong ang tanging asam ay maabot ang mga inaasahan ng aking mga magulang. Alinsunod sa kanilang nais ay nakipagsapalan ako sa paaralang malayo sa kanila nang sa gayon ay matutong maging magisa. Kasabay nito ay nahanap ang mga bagay na magbibigay ng panandaliang saya na kasabay ng agam-agam kung tama pa ba ang daang aking tinatahak. Nababalot ang puso’t-isipan kung patuloy bang isawalang-bahala ang mga boses na patuloy na naririnig sa aking munting
Sinubukang hamakin ang mundo nagsumikap para ang pangarap ay maging totoo, ngunit hindi malaman bakit hanggang ngayon ako parin ay nandirito. Pinasok ang kweba ng sakripisyo, pighati’t paghihirap, kahit walang gabay ay nangapa’t gupamapang at nagpakatapang ngunit kahit anong gawin, liwanag ng tagumpay ay hindi mahagilap. Ito na ba ang kaloob ng mga tugon? Masyadong kabaliktaran ng inaasahan ko noon, mga panalangin at hiling ay tiWla taliwas sa plano ng Panginoon.
Hindi alintanang ang kahihinatnan kong buhay sa aking paglaki ay ganito, kinakain ng puot sa bawat pagkabigo kahit ilang ulit nang sumubok, ang resulta ay pare-pareho. Panghuhusga ng mga tao at mga inspirasyong naglaho, lahat ng ito ay pinasan ko hanggang bumulusok sa puntong gusto nang maglaho. Kasayahan ay saglit na makakamtan habang hawak ang baso ng alak, para bang itoy inuming lasong nakakahilo at pampamanhid sa kirot na nadarama ko. At ngayon nasa punto nako ng buhay na para bang may hawak na pistola’t nakatutok sa aking ulo, hinihintay na lamang magkaroon ng lakas ng loob na kalabitin ang gatilyo ng humiwalay ang kaluluwa mula sa mga pasakit ng mundo.
Huling narinig kasabay ng pagpikit ng aking mata ay ang mga salitang, “BAANNGG!!”