5 minute read

Natatanaw na ang Dulo littlewriterofreality

Nasa sulok ng silid na walang mga bintana ni pintuan. Narito ako sa gitna, naghahanap ng labasan ngunit walang makita. Tanging dilim lamang ang aking kasangga sa silid na ito. Paano ako makalalabas? Saan ang mas madali? Lumabas na mayroon pang hininga o wala na? Ito ang pakiramdam ng batang nagsusumamo sa kalinga ng simpleng ina’t ama.

Napakalalim ng gabi, umaalingawngaw ang huni ng mga insektong nasa paligid. Mga panahong nagpapatunay na nag-iisa kang lumalaban sa buhay. Nagbabasa ng mga araling binigay ng mga propesor. Gabing nagpapahiwatig ng iba-ibang kaisipang nagtatanong kung makikita pa ba ang umaga base sa estadong kinaroroonan sa sulok na walang liwanag na natatanaw.

Advertisement

Hindi ko alintana dati ang mga kwentong naririnig mula sa aking mga kaibigan na napakaraming kumitil ng buhay dahil sa mga akademikong gawain. Akala ko noon, madali lang iyan, alam ko naming makakaya ko. Hindi nga ako matalino subalit nag-aaral naman ako. Ito ang mga katagang sinasabi ko sa aking sarili noon. Subalit, kabaliktaran nito ang aking mga nahihinuha sa kasalukuyan. Kasabay ng mga agam-agam ay ang mga tanong kung kailan ang “graduation day” habang ako ay narito sa sulok nagtatanong sa aking sarili kung isa ba ako sa mga gagamit ng maroon na toga. Naghahanap ako ng kalinga ngunit paano. Sanay kasi sila na hindi ako nahihirapan, sanay silang sa bawat araw ay nakikita ang mukhang nagbibigay saya sa kanila... kasiyahang walang problemang iniinda, tanging pagmamahal lamang para sa kanila.

Ang tanging hiling ko lang naman sanay kamustahin ako. Nakakapagod, opo. Nananabik ako sa ilang segundong yakap galing sa inyo, subalit wala akong matanggap. Nariyan nga kayo, ngunit nasaan ang arugang ninanais ko? Alam kong kay raming bayarin dagdag pa ang mga problemang walang araw na hindi dumarating, daragdag pa ba ako? Alam ko sa sarili kong wala akong karapatang magtanong kung bakit ganito ang mga pangyayari sa buhay. Malapit na ang dulo subalit kay hirap maglakad patungo roon. Ang daan ay patuloy na sumisikip dahil sa mga bayarin at mga salitang hindi nagbibigay ng liwanag, datapwa’t ito’y nagpapahiwatig na ikaw ay isang pasanin sa inyong pamilya.

Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Ako ay nagsusumamo sa simpleng pasasalamat na maririnig o kaya ay tapik sa balikat na nagsasabing, “Narito kami. Lumaban ka hanggat kaya.” Kasabay ng paghihinuha sa sitwasong ito ay ang pagtulo ng luhang nagpapahiwatig na pagod na ako. Sa bawat luhang nahuhulog sa pahina ng aklat na nasa mesa ay ang paglabas ng mga saloobing humihikayat ng negatibong gawain.

Subalit sa kabila ng kayraming luhang pumatak ay pinili pa ring itiklop ang aklat. Humiling sa Panginoon ng katahimikan na galing sa kanya. Nagsusumamo sa yakap na hindi nakikita. Piniling matulog sa higaan, umaasam na sa pagdilat ng dalawang mata ay may umagang nagpapahiwatig ng liwanag. Umagang hindi man sigurado sa minutong ito subalit piniling maniwalang matatanaw pa.

Kinaumagahan, ito ay linggo. Pinili kong patuloy na makipagsapalaran, hinanda ang sarili sa panibagong linggong punong-puno ng mga katanungang dumaragdag sa aking paulit-ulit na mga tanong. Kinuha ang bag sabay sabing, “Ma, Pa, alis na po ako”.

Sa paglisan ay kasabay ang pagtulo ng aking luha na sakit ang iniinda, bumabalot sa aking isipan ang mga katagang ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan. Natatanaw ang dulo, kahit mahirap ay ipagpatuloy mo.

Nariyan ang sarili mo lalong-lalo na ang pamilya mong hindi mo man ramdam sa kasalukuyan ay tiyak na magpapasalamat kapag natanaw nila na suot-suot mo ang maroon na toga sa araw ng iyong pagtatapos.

“Magpatuloy ka at siguraduhing lalabas kang may hininga pa!”

The Horror Of My

Madam A

I disrobe the black wake-inspired cloth that’s shrouding my skin hours a while back in the interment.

“Sweet dreams,” beeped my Mom high hoping to antagonize the threat of bad dreams.

Before I will my wearied orbs to close, my peripheral vision whispered that someone is looking at me. I craned my neck and averted my vision behind my glass window. My sight focused on a frame of a creepy pale man stabbed a couple of times in his torso. I played a blind eye right, I beheld horror and in just a minute fleeting moment, I chose to sink myself into deeper unconsciousness.

“I am going to kill you,” the middleaged woman roared like a rumbling thunder while choking me. I did not waste my strength to fight back. Instead, I give her a smirk.

I was brought back into consciousness when I heard a gunshot. The sound became louder and louder until I saw a man covered with blood in my room.

“You will die,” he said with so much grudge in every word as he pointed the gun at my head and he’s going to pull the trigger any time very soon.

“I will not,” I muttered back to the man whose burial was the one I recently attended. I plastered an evil smile, blinked thrice, and he was gone out of my sight.

Yes, I see ghosts. The ghosts and the nightmares that perpetually haunt me are the remnants of the deeds I did. I killed. Fear not the dead ones because they are not the demons. Fear the alive ones because they are the real demons.

“Please, don’t do this to me. I still have a family waiting for me,” the bearded man pleaded like a weeping dog with his knees bending. As a person who abominates beseeching, my fire to run the knife in one’s neck intensifies at a higher rate.

“Why would I?” I whispered to his quivering right ear. I pressed further the knife that I think has created a minute cut. But apparently, no blood sheds. Not yet.

“Don’t you think you’re being ironic?” I smirked as I resumed my sweet litany.

“You almost killed me minutes ago. Good thing, I am much more skillful than you. Tables have turned. Last prayers please.” I counted until 50 in a mental note but I heard nothing from his trembling mouth. He probably does it in silence.

“Let’s make your silence eternal,” and with that, fresh blood squelches out from his poor neck. I craned my head in all angles of the vicinity. I see someone seemingly hiding a phone in her chest like she just dialed seconds ago. I scrutinized her eyes, it reflected abomination, horror, rage, and anguish.

“Mom,” my trembling lips mumbled. I saw her orbs turning into waterfalls. She was the bravest woman I’ve ever known in the entire universe, but right now I just broke that high wall she built.

Things passed in a blur. My senses failed to keep track. My eyes were blinded by the police cars’ light. My ears went deaf of their sirens.

“Fuck,” the only profanity I uttered. The men in uniform approached my stance. All guns are pointing at me. I know they would not shoot me to death. They only want me to turn myself in.

But…I won’t. My foot moved backwardly. But, my back soon hit a wall. This is a dead end. My dead end, perhaps.

I put down the reddish knife only to trick them. I pulled out a 45-calibre and fired to them. To say I’m frenzied is an understatement. But then, I am outnumbered.

Before their bullets sent me to unconsciousness, I pulled the trigger to my head.

Yes, I am a killer. I am MY killer.

This article is from: