![](https://assets.isu.pub/document-structure/231005004445-26b860be45a3a8f3d351a87c435fbd65/v1/2c198ac53620e7cbe9c3857852c4978e.jpeg?originalHeight=NaN&originalWidth=NaN&zoom=NaN&width=720&quality=85%2C50)
4 minute read
MSU riders, mag-aaral nanawagang ipaayos ang sirang daan sa kampus
nina MARK NEGRO, LOURENZ JAY LOREGAS
Nanawagan na sa mga kinauukulan ang mga MSU rider at estudyante sa pagkumpuni ng mga lubak-lubak na kalsada dahil sa panganib na maaaring maidulot nito sa araw-araw na pagbabyahe.
Hiling ng MSU Rider
Ipinahayag ni Dennis Tabanao, isa sa mga MSU Riders na nakatalaga sa Gemma Road, na araw-araw na nilang binabaybay ang mga sirang kalsada sa loob ng mahigit dalawang dekada kung kaya hiling nila na ito’y ipaayos.
“Sa hapit kapin duha ka dekada kay dugay-dugay na pod ko namasahero diri kay 2006 pa gud ko nagsugod aning trabahoa, naa na jud ning mga lubaklubak na semento, bisan sauna, guba na jud ni siya (Gemma road),” ani ni Tabanao.
Nanawagan din ang driver na sana ay mabigyang-pansin ang sirang bahagi ng kalsada upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyanteng pasahero nila.
“Unta tagaan og pansin ba nga maayo ning ubang parte sa dalan kay para safety ta kanunay og mahilayo sa disgrasya kay estudyante baya ni among mga bitbit.” panawagan ni Tabanao.
Hinaing ng motoristang estudyante Gayundin, nanawagan ang isang motoristang estudyante na si Kent Troy Mansueto, isang mag-aaral ng BA Sociology na kasalukuyang nasa ikalawang taon, sa administrasyon ng unibersidad na bigyang pansin ang kasalukuyang kondisyon ng mga kalsada sa kampus.
“Unta tagaan ug pansin sa atong admin basig minor changes lang gud, bahalag dili sa nila usbon ang tanan dalan diri basig tapakan lang ang mga buslotbuslot.” panawagan ni Mansueto.
Inilarawan ni Mansueto ang partikular na senaryo kung bakit mayroong delikadong dulot ang mga sirang kalsada sa campus.
“Delikado sya kay halimbawa ikaw naguna tapos naa pod nagsunod sa imuha nga motor, niya wala ka kabantay nga naa diay pot hole, niya natumba ka or onsa ba na disgrasya. Unya katong naga sunod sa imuha mao ano pod, madamay pod,” pahayag ni Mansueto.
Ikinababahala rin niya ang pinsala sa mga motorsiklo na maaaring idulot ng pagdaan sa mga sirang kalsadang ito. “Sa parte pod sa motor, possible nga ma damage imong shock absorber kung dili nimo mabantayan nga naa diay lubak mao nang mag amping jud,” ani ni Mansueto.
Depensa ng Kinauukulan
Iginiit naman ni Prof. Shiela J. Loable, Vice Chancellor for Planning and Development na hindi madali ang pagpasa ng mga proyekto dahil may prosesong sinusunod ang kanilang tanggapan na siyang binubusisi at hinimay-himay ng mga responsableng ahensya.
“Since patapos naman ang fiscal year kasi nasa fourth quarter naman tayo, and kung mag-program kasi ng project nasa two years ‘yan siya bago maaprobahan,” diin pa niya.
“We actually conducted consultative meeting with the DPWH at pinapasok talaga nila pero hindi siya nasali for next year na major projects kasi sabi ko nga two years nga ‘yong pag-program and it takes millions per meter which hindi pa kaya ni MSU-Gensan kung University income ang gagamitin kaya inuna muna natin ang ibang projects like canteen, kasi ang daan, pupwede pa naman siyang madaanan,” pahayag ni Loable.
Nilinaw din niya na mayroong prayoridad ang administrasyon na kailangang aksiyonan at pondohan na mas higit na mahalaga kung ikokompara sa iba.
“Ang priorities talaga natin for next year, uunahin talaga natin ang school canteen kasi wala talaga tayong ganiyan; ang Gymnasium, ang Infirmary, at pagbayad ng mga utang natin sa mga scholars kasi may utang pa talaga tayo,” paglilinaw ng opisyal.
Eco Campus Plan
Inilahad din ni Loable na may aksiyon at konkretong solusyon ang MSUGensan hinggil sa problema sa daanan na siyang nakapaloob sa Eco Campus na kung saan isa itong “10-year long term plan” ng pamantasan.
Kasalukuyan naman itong ini-endorso ng NEDA sa mga ahensiya para sa pondo.
Kabilang sa naturang plano ang pagsasa-ayos ng daan, drainage canals, landscape, green parks, forestry, at marami pang iba.
Samantala, hinihingi ng opisyal ang kooperasyon at pag-intindi ng mga motorista at pinaalalahanan na patuloy na mag-ingat at sundin ang speed limit na 20 KPH upang maiwasan ang anumang disgrasya.