ISYU Blg. 3
Setyembre 2013 - Enero 2014
ANG ALTERNATIBONG PAHAYAGAN SA LALAWIGAN NG QUEZON
Alay na Abo ni Aquino:
Ang Nauupos na Pag-asa sa Ilalim ng Hacienderong Pangulo BBP Reportorial Team
P54,500, ‘yan ang utang ng bawat Pilipino, ayon sa inilabas ng PhilStar. com noong Agosto 2013, at patuloy itong tumataas kada buwan ng 1.6%, na pawang hindi naman natin maramdamang tayo ay nakinabang. Sa laki ng utang panlabas ng gubyerno at sa bawat pera at buwis na sinisingil nila sa atin, ang pagkaganid ng mga namumuno sa atin ay lampas na sa sobra. Sa kabila ng ating pagsisikap at paghihirap, bukod pa sa value added tax, ganoon na lamang nila tayo pagsamantalahan at pagnakawan, at ang isa na, sa nagpapasidhi ng ating kalagayan ay ang sistemang Pork Barrel.
I-abolish ang Pork ni Aquino at lahat ng klase ng Pork Imbyerna! Sa salita ng mga kapatid nating bading, ang ibig sabihin ng salitang ‘imbyerna’ ay ‘nakakakainis’, ‘nakakasura/nakakasuya’ at maaari ring ‘nakakagalit’. Iyan marahil ang naging reaksyon ng sambayanang Pilipino nang nabulalas ang anomalya, na ikinubli, matagal na ng mga mambabatas at mga opisyal ng gubyerno sa tinatawag na Priority Development Allocation Fund (PDAF) at mas kilala bilang Pork Barrel. Sino ang nakakalimot sa August 26, 2013 #MillionPeoplesMarch at sa napakakontrobersyal na pangalang Janet Lim-Napoles (JLN). Sino ang makakalimot sa korapsyong hatid nito at sa posibilidad na marami pang JLN na dapat ibunyag, at ang mga utak sa likod nito. Sa napakalaking bilang, milyong Pilipinong namulat sa katotohanang ang perang pinaghihirapan ng sambayanan ay napupunta lamang sa bulsa ng iilan ay hindi maikakailang nagpakita kung gaano kalaking pagbabago ang maaaring magawa ng sama-samang pagkilos, lalo na sa panahon ng krisis. Ngunit, ating himayin, bagama’t noong Nobyembre 19, 2013, idineklara ng Korte Suprema ang pagbabawal sa PDAF, mayroong naiikubling mga detalye at impormasyong maaaring magpaimbyerna muli, at lalo, sa atin, at panghuli totoo nga kayang wala ng pork barrel?
basahin ang buong istorya sa pahina 3
Hamon ng mga Quezonian,
GOB. SUAREZ,
TUMINDIG KA, PARA SA MAMAMAYAN! 2 basahin ang istorya sa pahina
editoryal
Hamon ng mga Quezonian,
GOB. SUAREZ, TUMINDIG KA, PARA SA MAMAMAYAN!
Kilalang-kilala ang Quezon bilang isang agrikultural na lalawigan at malaking suplayer din ng mga produktong agrikultural ‘di lamang sa buong rehiyon kundi sa buong bansa, kaya nararapat lamang maramdaman ng mga Quezonian, hanggang sa mga maliliit na magsasaka at magniniyog lalo na sa parte ng South Quezon, Bondoc Peninsula (SQBP) na umuusad at umuunlad ang kanilang kabuhayan. Ngunit, tila nanatiling naghihintay ang ating mga kababayan sa pag-usad ng kani-kanilang kabuhayan, nakakapit pa rin sa pangako ng ama ng lungsod na si gubernador David “Jay-jay” Suarez. Kung matatandaan natin noong mga nakaraang eleksyon, upang makahamig ng suporta, ang isa sa pangunahin niyang ipinanawagan ay ang paniningil ng 6.1 bilyon utang na buwis ng Tepco Marubeni (Team Energy) noong taon 2011. Nitong nakaraang eleksyong 2013 naging patok rin ang kanyang pagpapanawagan sa pagbawi sa Coco Levy Funds, kasama ng mga dinadala niyang mga mayor, upang mapaunlad umano ang industriya ng niyog kaya ganun na lang ang pagkontra nila sa palm oil; mga panawagang tila naungkat lamang noong panahon ng eleksyon, ngunit kung mapapansin sa kasalukuyan ay tikom na ang kanilang mga bibig. Nasaan na ang kanilang paninindigan? Nasaan na ang paninindigan ng ating gubernador? Ngayon na dapat ang panahon upang tuparin niya ang kanyang mga pangako. Igiit ang pamamahagi ng Coco Levy Funds
Bilang isa sa mga pangunahing tagasupply ng produktong niyog, nararapat lamang na ang mga mamamayan ng Quezon, lalo na ang mga maliliit na magniniyog ay nangunguna rin sa pagangat ng kabuhayan. Kaya kung titindig ang ating gubernador upang tuluyang maipamahagi ang Coco Levy Funds, na ang direkta mismong mabebenepisyuhan ay ang mga magniniyog, ay mabilis na mai-aangat ang ating kabuhayan. Bagama’t naipanalo na ng sambayanan at magniniyog ang kaso nito, at pinaburan mismo ng Korte Suprema, upang mabawi ang Coco Levy Funds (CLF) ay hindi pa rin napapasakamay ng kahit sinong maliit na magniniyog sa lalawigan ni isang kusing mula sa CLF. Kahit na libu-libo na ang miyembro ng itinayong alyansa sa pagbawi ng CLF, ang CLAIM o Coco Levy Funds Ibalik sa Amin, sadya yatang malabo pa sa tubig ng imburnal na ito’y maipamahagi. Ngunit, kung tutuparin lamang ng ating gubernador ang kanyang ipinangakong suporta upang mabawi ang CLF noong nakaraang eleksyon at upang maipamahagi na ito sa direktang benepisyo ng mga maliliit na magniniyog, at hindi sa anyo ng Conditional Cash Transfer, Pantawid Pamilayang Pilipino Program or 4Ps, malaki ang posibilidad na magtagumpay ang adhikaing ito kung mismong siya’y titindig kasama ang ating
2
mga manggagawang bukid sa niyugan. Napakalaki ng magiging pakinabang ng mamamayan sa bahaging ito, iyon ay kung kikilos siya kagaya ng sinabi niya noong nasa entablado siya noong panahon ng eleksyon. Palayasin ang bata-batalyong sundalo sa SQBP, hustisya para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa lalawigan! Hinding-hindi pa rin nawawala ang trauma ng mamamayan ng Quezon lalo na sa Bondoc Peninsula na nakaranas ng matinding militarisasyon noong taong 2012. At ngayong taong 2014, wala yatang pinagbago dahil nananatiling militarisado ang ating lalawigan. Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit tatambakan ang ating lalawigan ng ganito kadaming sundalo? Ang Bondoc Peninsula ay kilalang hacienda belt ng lalawigan, kung gayon sino ba ang pakay ng mga batabatalyong sundalong ito? Ayon kay Genelyn Dechoso, tagapagsalita ng Anakpawis Partylist sa Quezon, “Dahil sa nararanasang kahirapan ng mamamayan sa kanayunan sa Quezon—kawalan ng sariling lupang sasakahin, pangangamkam ng lupa, kasalatan sa pagkukunan ng kabuhayan, matinding kahirapan, lalo na sa mga lugar na tila hindi na naitatala ng kabihasnan, hindi malabong mabuo ang samahan ng mamamayan upang igiit ang kanilang mga batayang karapatan sa lupa, sahod, trabaho, edukasyon at kabuhayan para sa isang maaayos at sustenableng pamumuhay. Dahil dito, hindi rin malabong gamitin ng mga malalaking haciendero sa lalawigan ang presensya ng mga sundalo at mga paramilitaries upang supilin ang diwa ng mga mamamayang lumaban. Ito marahil ang pinakamalinaw na dahilan ng paglalagak ng ganito karaming presensya ng mga sundalo.” Dagdag pa ni Dechoso, “sa ganitong kalagayan, ang konsekwensya ng militarisasyon ay
Huwad na Daan
Nitong mga nakaraang panahon, mabentang tulad ng murang karne sa palengke ang isyu ng pork barrel simula nang mabunyag ang P10 billion pork barrel scam na kinasangkutan ng JLN group na pag-aari ni Janet Lim-Napoles. Subalit tulad ng botcha, pinalamon ni Aquino ng kasinungalingan at panlilinlang ang publiko sa pamamagitan ng publisidad na wala na at “inabolish” na umano ang makontrobersyal na pork barrel o PDAF (Priority Development Assistance Fund). Kung matatandaan, sa unang bahagi ng panawagang ibasura ang pork barrel ay atubili na si Aquino na tanggalin ito at nagpahayag na lang ng pagsuporta sa “reporma” na lamang. Subalit dahil “na-pressure” sa malakas na panawagan ng mamamayan, sa kalagitnaan ng paghahanda ng mamamayan para sa panibagong sigwa ng Million People March, si Aquino ay nagdeklara ng pag-abolish ng PDAF. Para sa ating kaaalaman, ang bawat kongresista ay may P70 million na pork barrel para sa kanilang pet project at P200 million naman sa bawat senador. Pero ang pinakamatindi rito at pilit na ikinukubli sa lahat ay ang pinakamalaking alokasyon ay napupunta sa Pangulo — ang presidential pork. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang “pork” ni Aquino ay inilaan sa mga sumusunod: pagsusuhol sa mga kaalyadong nagsampa ng malalaking boto para sa kanya, malaking pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na lumobo sa P23 bilyon sa kabila ng mga panukalang ibasura dahil batbat ng korupsyon at pansuhol sa mga kongresistang bumoto para maimpeach si Corona. Sa sumatotal, makasariling interes. Samakatwid, moro-moro lang ang deklarasyong tuluyang tinanggal ng pangulo ang PDAF. Malinaw na walang pinag-iba si Aquino sa mga nauna sa kanya, bagkus ay mas matindi pa siya sa kabulukan at pagpapakatuta sa dayuhan. Kabalintunaan ang mga pangakong binitawan ng rehimeng Noynoy Aquino na umano’y tuwid na daan para sa bawat Juan at Juana dela Cruzes ng ating bansa. Sa halip, huwad na daan na puno ng kasinungalingan at panlilinlang ang nilikha at patuloy na nililikha ng kanyang administrasyon sampu ng kanyang mga alipores. Higit kailanman, ngayon mas nangangailangan ng mulat na mga mata at mapagpasyang kaisipan ng mga mamamayang naghahangad ng tunay na pagbabago ng sambayanan ang paglobo ng kaso sa paglabag sa karapatang pantao, kaya sa bahaging ito, bilang tunay na tagapaglingkod ng mga Quezonian ang ating gubernador ay dapat manatiling kaisa ng malawak na hanay ng mamamayan upang magkaroon ng hustisya sa lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa lalawigan.” 6.1 Bilyong at ang E.O. 27 Napakalaking halaga ng 6.1 bilyong pisong dapat ay napapakinabangan ng mga Quezonian, hinding-hindi malilimutan ng mamamayan noong ang ating gubernador ay masigasig upang singilin ang Tepco Marubeni Corporation (kilala rin bilang Team Energy, planta sa Pagbilao, Quezon) sa ilang taong utang na buwis nito na umabot na sa ganito kalaking halaga. Noo’y walang ngimi itong tumayo kasama ang malawak na hanay ng mamamayan upang ang halagang ito ay masingil at mapakinabangan. Ngunit hindi pa man nakakatagal ang pag-init ng isyu ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang ibaba ang Executive Order 27 ni Pangulong Noynoy Aquino na siyang nagpigil upang masingil ang planta.
Walang kaabog-abog, kahit naipangako ng gubernador at kahit napakalaki sana ng maaaring maitulong nito sa mamamayan, dahil lamang sa pakikipagkumpromiso sa pangulo ng bansa, ay biglang tumigil ang panawagan at suporta ng ating gubernador upang masingil pa ito. Sa ganitong sitwasyon, hindi malabong magalit ang mamamayan, dahil sa halagang disin sana’y marami nang matutulungan. Maaari pa ba nating asahang para sa mga mahihirap ng lalawigan ang ating gubernador kung sa isang kumpas lamang ng presidente, kahit alam naman nating ito ang dapat nyang gawin, ay titiklop siya at tatalikod sa pangangailangan ng mamamamayan? Suporta at hindi pagkakaso Dahil sa pagpipigil ni PNoy at sa pagpayag ng ating gubernador na hindi na masingil ang 6.1 bilyong back taxes ng Team Energy, nasindihan ang diwa ng mamamayan na huwag hayaang talikuran ang paniningil. Kung tutuusin, sundan sa pahina 7
Aranilla Compound, Ibabang Dupay, Lucena City
DTI Certificate Number: 03076581
www.balitangbondocpen.wordpress.com
EDITORIAL POOL: Michael Alegre, Yvonne Charisse Gamis, Lans Tolda, Marlon Ala, Cris Sayat CONTRIBUTING ARTISTS: Aaron Bonette, She Garcia, Jayven Villamater EDITORIAL CONSULTANT: Atty. Rey Oliver Alejandrino
Meron ka bang KKK?
Komento? Kuwestyon? Kontribusyon?
I-email lang sa balitangbondocpen@gmail.com
Alay na Abo ni Aquino: ... mula sa pahina 1
AT ANG
KARAPATAN, KATARUNGAN AT KAPAYAPAANG
HANGAD NG MAMAMAYAN ILU
ST RA May mga mapapait na alaalang mas nanaisin mong ibaon sa limot, ngunit, SY ON hindi katulad ng malagim na sinapit ng mga biktima ng Guinayangan Massacre, NI LA NS tatlumpu’t tatlong taon na ang nakalilipas, hinding-hindi mabubura sa ating alaala ang TO LD A kabayanihan at pagkakaisa ng mamamayan ng Quezon para makamit ang mga lehitimong karapatan na pilit pinagkakait ng kinauukulan. Higit pa sa pagpaparangal sa mga martir, nanatiling lehitimo ang hinaing ng sambayanan para muling igiit ang katarungan para makamit ang tunay na kapayapaan
Kahit anong saklap ng ating nararanasan at ang mga taong lagi tayong nilalamangan at sinasaktan, ang laging payo sa atin ng mga kaibigan at kapamilya ay magpatawad. Maaaring may punto sila. At sa haba na rin siguro ng ating mga karanasan, hindi malabong tanganan natin ang paniniwala sa pagpapatawad. Ngunit sa isang banda, mayroon tayong hindi dapat ikubli at yun ay ang makalimot. Lalo na kung wala naman tayong natatamong katarungan na dahilan na rin ng kawalan ng kapayapaan. Bunsod nito, mas lapat ang pagpapatuloy ng ating paggiit ng ating mga karapatan. Kagaya ng naganap tatlumpu’t talong taon na ang nakalipas, Pebrero 1, 1981. Isang martsa sa diwang pagkakaisa ng mahigit anim na libong tao, mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa Quezon ang ginanap, upang iparating sa mga kinauukulan ang nararanasang sobrang kahirapan, ‘di lamang sa lalawigan, subalit sa buong bansa. Sobrang taas ng presyo ng bilihin, ang dustang pamumuhay ng sambayanan lalo na ng mga magsasaka, ang ‘di masukat akalaing pagkabarat ng presyo ng koprang umabot na sa piso kung minsa’y animnapong sentimo lamang kada kilo, at ang matinding militarisasyon at laganap na paglabag sa karapatang pantao. Ito ang nagbunsod upang magbuklod ang mga mamamayan at nararapat lamang din namang ito’y ganapin dahil sino rin ba ang makatitiis sa ganitong kalagayan? Sa halip na solusyon ang isagot ng kinauukulan - sa pamamagitan ng mga militar, Philippine Constabulary (PC) noon - ang isinukli ng mga ito ay dahas; walang habas na pinagraratrat ang
mga mamamayang mapayapang nagmamartsa, at sa isang iglap, dalawa agad ang binawian ng buhay, at humigit-kumulang isandaan ang sugatan. Hindi nakakalimot at nanatiling pilat sa ating mga puso ang kalagim-lagim na nangyari. Ang mas mabigat pa sa pakiramdam, mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas at tila mailap ang hustisya sa mga biktima. Karamihan sa kanila ay hindi man lamang nahagip ng inaasahang katarungan at ni isa’y walang naparusahan. Tunay ngang ang lagim ng Guinayangan Massacre ay nananatili, parang itinanim na bangungot, ‘di lamang sa mga biktima kundi sa mga pamilya nito at mismong sa sambayanan. Sa kadilimang dulot ng Batas Militar noon ng dating rehimeng Marcos, hindi rin malabong ang mapayapang pagkilos para lamang iangat ang kabuhayan ng mamamayan ay bala ng baril at kamatayan ang isasagot. Marahil sa ngayon, hindi naman halos kaiba ang ating nararanasan. May Martial Law man o wala, ang dusta ay nanatiling dusta at ang mapagsamantala at mang-aaalipusta ay nanatiling nakaupo sa kani-kanilang mga trono na may mga utusang de latigo. Sa kahit anong anggulo natin tingnan, ang problema na noon pa man ng mamamayan, lalo na ng ating mga kapatid na magsasaka ay nanatiling problema pa rin natin ngayon. Sa kabilang banda ang pagkakaisa naman ng mamamayan ay nananatili. Sa pagbubuklod noon ng mga magbubukid kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan, marami ang hindi nawawalan ng pag-
asa na kung ating pag-iibayuhin ang pagkakaisa, makakamit natin ang ating mga hangarin para sa kagalingan ng bawat isa. Kung noon, anim na libo ang mapayapang nagmartsa na kahit karahasan ang isinagot, nananatili ang bukluran dahil sa suporta ng mamamayan at mga sumunod pang pagkilos. Ngayon ay walang dahilan upang hindi natin gunitain at buhayin ang diwa ng pagkakaisa, walang dahilang ibaon sa limot ang mga karanasan, walang dahilan upang huwag bigyan ng parangal ang mga nakiisa noong Pebrero 1, 1981. Ngayong Pebrero 1, 2014, bubuhayin natin ang diwang nasindihan noon, ang diwa ng pagkakaisa upang tuluyang makamit ang karapatan natin bilang mga mamamayan, upang ang katarungan ay maigawad na sa mga biktima at sa lahat ng naging biktima ng karahasang militar at paglabag sa karapatang pantao at upang makamit ang tunay na kapayapaan, na mangyayari lamang kung nasusuklian nang wasto ang mga sakripisyong ginagawa ng sambayanang Pilipino.BBP Reportorial Team
Ang Pork ni Aquino Ito na marahil ang pinakamataba at pinakamalusog sa lahat ng baboy kung ikukumpara sa mga pipitsuging biik na napupunta sa mga senador at kongresista, dahil halos kalahati ng pondo ng ating bansa sa loob ng isang taon ay hawak lamang ng ating presidente. Ang lump-sum fund ng presidente na daan-daang bilyong pisong hindi nakaprogramang pondo, para umano sa 'special purposes' kasama ang mga ayuda sa mga lokal na gubyerno at sa Government-Owned and Conrolled Corporations, pension at gratuity, calamity at contingent funds, may dagdag pa na P130M rehabilitation fund na nakapaloob sa iba't ibang ahensya ng gubyerno. Sa kabilang banda naman, ang mga off-budget items na kagaya ng Malampaya, Road Users’ Tax at Presidential Social Fund na tanging ang presidente lamang ang may kontrol. At ang Development Allocation Fund o DAP na si Aquino lamang ang maaaring mag-impound at realign na labag sa Saligang Batas. Sa ganitong sistema, ang ipinagmamalaki na pag-abolish umano sa pork barrel ay maaaring isang napakalaking panlilinlang sapagkat ipinapasok lamang ang badyet sa mga departamento at ahensya ng gubyerno at nananatiling nasa kamay ng mga kongresista at senador ang pagaapruba ng mga pondong ito. Bukod sa nananatiling iskema, ang sistemang padrino at paggamit ng pork barrel upang madaling mahawakan ng rehimeng Aquino ang kongreso na maaaring walang ibang lulunduan kundi ang korapsyon. Noong nabulgar ang pandarambong sa katiwalian sa paggamit ng pondo ng DAP, Malampaya, PCSO, PAGCOR, intelligence fund, road user's tax, napatunayan lamang ang kabulnerablehan ng ganitong klaseng pag-aloka sa badyet. Daandaang bilyong pondo ang nananakaw at nawalang parang bula dahil lamang sa sistemang pork barrel. Kaya huwag na tayong magtaka kung ang mga nagagawa at ang naipaprayoridad na batas sa ating bayan ay hindi para sa interes ng
nakararami at interes ng mas malawak na hanay at sektor ng lipunan, kundi sa iilang mga negosyante at mga pulitko (na negosyante na rin), at sinu-sino ba ang magkukuntsabahan kundi sila-sila ring mga nasa pwesto. People’s Initiative at ang Pagbubuklod ng Sambayanan Laban sa Pork Barrel at Korapsyon Sa kahitikan ng isyung ito, patok na patok at napapanahon lamang ang isang people's initiative, ang pagbubuklod ng sambayanan laban sa kabulukan ng sistema at tuluyang pagbabasura sa pork barrel system at lahat ng klase ng pork, ito'y nararapat lamang dahil ito'y pondong pinaghirapan ng sambayanan at dapat nagagamit sa tamang paraan, kagaya ng pagpapalawak sa sistema ng pampublikong paaralan, ospital at pabahay, pagpapaunlad ng agrikultura at industriya at rehabilitasyon ng mga sinalanta ng kalamidad at pagtugon sa iba pang pangangailangan ng bayan. Ang pagbubuo ng mga grupo sa bawat sulok ng bansa, kagaya ng Quezon Kontra-Pork sa ating lalawigan ay isa sa magpapatibay at magpapalawig ng kampanya sa tuluyang pagbabasura ng Pork Barrel System, na mas papalakasin pa ng suporta sa pamamagitan ng pagpirma ng limang milyong Pilipinong botante. Sa ganitong kalagayan, mapagbabawalan ang lump sum at pork barrel ng ating pangulo, ng kongreso at ng iba't ibang ahensya ng gubyerno, kaalinsabay ang pagrereporma sa sistema ng pagbabadyet at paggugol ng pondo publiko sa kapakanan ng mamamayan. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili, ang sambayanan, at ang ating pagkakaisa upang magkaroon ng signipikanteng pagbabago sa ating lipunan, lalo na ang napakalalang koprasyon sa ating bansa. Ang pagbubuklod natin sa pamamagitan ng isang people's initiative ay isang halimbawa na hindi dapat natin iniaasa sa iilang mga tao ang aksyon, dahil, ang lakas ng mamamayang nagkakaisa ay isang napakatinding sandata laban sa mga mapagsamantalang laging nakaabang upang tayo'y muling isahan. BBP Reportorial Team MAPANIRA SA KALIKASAN. Sa panahon ng Rehimeng US-Aquino, kitang-kita kung gaanong napipinsala ang ating kalikasan dahilan lamang sa mga kumpromiso nito sa mga dayuhan at lokal na mga kapitalistang kumita ang laging nauuna sa listahan ng prayoridad. Ang pagkaganid sa pera at kapangyarihan ang dahilan kung bakit ganuon kalala ang mga epekto ng sakuna at kalamidad sa ating pamumuhay. BBP, larawang kuha ni Aaron Bonette
3
LATHA QUEZON POLDET
Ang espesyal na seksyong ito ay laan ng Balitang BondocPen (BBP) sa mga “poldet” o political detainees ng Quezon. Ang poldet, ayon sa grupong Karapatan, ay tumutukoy sa mga taong inaresto at ibinilanggo sa gawa-gawang mga kasong kriminal dahil sa pagsusulong ng mga pampulitika nilang paniniwala. Sa kasalukuyan, ayon sa tala, mahigit nang 300 ang bilang ng mga poldet kung saan humigit-kumulang sa 16 ay hinuli sa Quezon. Karamihan sa kanila ay sadyang sinampahan ng mga karaniwang kasong gaya ng illegal possession of firearms and explosives, murder, kidnapping, arson, at iba pa. Layunin ng paglalathalang ito ng BBP na igiit sa Malacañang, partikular kay Noynoy Aquino na anak pa naman ni Ninoy Aquino (dati ring isang detenidong pulitikal), na palayain na ang lahat ng poldet sa buong bansa. Ito ay sa kabila ng ipinangangalandakan nilang “Walang bilanggong pulitikal sa Pilipinas.” Inaasahan tuloy na ipagpapatuloy natin ang panawagan para sa hustisya, kalayaan at pagrespeto sa karapatang pantao ng mga bilanggong pulitikal sa buong bansa. Para sa unang bahagi ng artikulong ito, itinatampok ang tatlong poldet na sina Miguela Peniero, Fidel Holanda at ang menor de edad na si Grego Guevarra.
May kakaibang lamig na dala ang hangin ngayong bumulaga na sa kalendaryo ang 2014. Nakakapanibago. Nanunuot sa laman. Tagos hanggang buto. Parang nagpapahiwatig. May importanteng sasabihin. Kaya mo kayang makinig? Unawain ang karanasan nilang maligalig? Ilang buwan pa lang nang mag-Pasko. Kamusta na kaya ang mga “himas-rehas” sa nakabuburyong at metro-kuwadrado nilang mundo?
44
Pasado alas kuwatro na ng madaling-araw nang makasakay kami sa Lucena ng bus pa-Alabang. Tatlo kami no’n; Enero, 2014. Alas nuwebe raw binubuksan ang piitan para sa mga dalaw kaya hindi na kami nagsayang ng oras at sumakay agad ng bus pasibat ng Lucena. Ito ang pinaka-unang beses ko nang pagdalaw sa kulungan. At hindi ako handa dahil ilang araw pa lamang ang nakararaan nang impormahan ako ng kasamahan ko rito sa dyaryo na mga “Poldet” o Political Detainees mula sa Quezon na kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa Taguig (CBDT) ang gagawan ko ng artikulo. Lakas-loob ko na lang tinanggap ang hamon kahit nag-aalangan ako no’ng una dahil iniisip kong mahirap s’yang isulat. Wala naman kasing mawawala kung susubukan, matuto pa ko sa kanilang karanasan. Sa bus, habang papalapit sa aming detstinasyon, hindi ko mawari kung ‘kinakabahan’ o ‘excited’ ba ang nararamdaman ko. Siguro pareho. Hindi ko masigurado. Matapos bumaba sa Metropolis (Alabang), sumakay na kami ng dyip pa-Taguig. Pagkababa naman, naglakad na lang kami pakampo. Sa isang karinderyang malapit, kumain muna kami bago tuluyang lumapit sa tarangkahan ng CBDT na may nandidilat na pangalan nito. Akala namin hindi na kami makakapasok ng mga kasama ko. Nakatsinelas kasi kaming tatlo. “Bawal, mahigpit ngayon dahil may mga trainee,” sabi ng babaeng jail guard na nakasimangot. Kaya namroblema kami ng ilang segundo kung sa’n kami maghahagilap ng sapatos. Sinabi ko na lang na galing pa kaming Quezon at parang sin’werte namang sa Lucena raw s’ya nag-training kaya matapos ang kakaunting koneksyon na nakuha namin sa jail guard ay pinapasok din kami. Pero bago ‘yon, isa-isa munang tinanggal ng mga kasamahan n’yang bantay ang lahat ng laman ng bag namin. Kumakayat na pala ‘yong bukas na toothpaste sa bag ko kaya medyo nandidiring isinauli ng jail guard sa bag ko ang lahat ng laman nito. Sa huli, habang lihim akong tumatawa, inabot na sa ‘kin ‘yong medyo malaking I.D. bilang gate pass namin na may nakasulat na “visitor.” Kapalit ‘yon ng postal I.D. ko na pansamantala kong isinurender sa kanila. Napakalawak ng loob ng CBDT at ‘di namin alam kung matatawa ba kami o maiinis—ang dami kasing nakatsinelas. Bubulung-bulong pa kami habang binabagtas ang kahabaan ng daan patungo sa una naming pakay: ang Taguig City Jail (TCJ)-Female Dorm. Medyo maaga pa pala nang dumating kami kaya mga ilang minuto muna ang inantay namin bago nakapasok sa TCJ. Do’n lang din naalala ng isa kong kasama (na naka-ilang dalaw na sa kulungan) na bawal nga pala ang nakasuot ng dilaw ‘pag dadalaw sa preso kaya pinabalik muna namin sa pinaghabilinan namin ng bag ‘yong isa pa naming kasamang aksidenteng nakasuot pala ng T-shirt na dilaw upang makapagpalit ito ng damit. Pahigpit nang pahigpit ang umaatikabong kapkapan at bulatlatan. Sa ikatlong pagtse-tsek lang sa ‘min at sa dala-dala namin nagtapos ang lahat matapos naming akyatin sa ikaapat na palapag ang isang brigada (cell block) kung saan nasa pinakangdulo
"Palayain at detinidong puli panalangin sa m / Kadluan ng ka sila kriminal / A salamin ng mg mamam
—Awit ng mga Det
The Cam
ang selda ng dadalawin namin. Do’n, sinalubong kami ng ngiti ng tatlong babaeng poldet mula sa Quezon na sina Miguela Peniero, Rhea Pareja at Gemma Carag. Lumapit agad sa ‘min si Miguela. Kaya s’ya na ang inuna kong kapanayamin habang tumutugtog ng gitara si Gemma at nakikipagkuwentuhan naman si Rhea sa isa kong kasama. Miguela Ocampo Peniero Dating magsasaka at community health worker si Miguela, 47 anyos, bago s’ya hinuli ng mga sundalo dalawang taon na ang nakakaraan. Nang tanungin ko kung ano’ng birthday n’ya, “1966” lang ang sinabi n’ya kaya tatawa-tawa pa kaming nag-compute kung ilang taon na s’ya ngayon. Ika-4 ng Pebrero, 2012 nang arestuhin s’ya sa Lopez, Quezon at dalhin sa malapit na kampo bago idineretso sa Southern Luzon Command (SOLCOM). Ika-7 naman ng Pebrero nang dalhin s’ya sa CBDT. Kuwento ni Miguela bago s’ya hinuli, papunta sana s’ya no’n sa kapatid n’ya sa Calauag, Quezon upang pag-usapan ang relyebuhan nila sa pag-aalaga ng kanilang magulang. “‘Yong unang 24 oras ang pinakamahirap ‘pag naaresto kasi ‘di mo alam kung mabubuhay ka,” ani Miguela nang matanong ko kung anong pakiramdam n’ya nang mga panahong nasa kamay na s’ya ng mga sundalo. Nakapiring daw s’ya no’n at mga ilang oras ding hindi kinakausap ng mga ito. Tandang-tanda pa n’ya ang sinabi n’ya sa mga sundalo nang interogahin na s’ya ng mga ito: “May sakit po ako sa puso, baka ako’y mamatay. P’wede po bang makainom ng tubig?” Sa kasalukuyan, bukod sa sinasabing 14 na gawa-gawang kasong isinampa sa kanya kung saan ilan sa mga ito ay rebelyon, destructive arson, frustrated murder, iniinda rin n’ya sa loob ng kulungan ang sakit n’yang goiter at spondylosis (isang uri ng sakit sa buto na nakakaapekto sa gulugod). Sa ika-18 ng Pebrero ngayong taon, nakatakdang humarap sa hearing si Miguela sa ikaapat nang pagkakataon. Hindi raw dumating ‘yong complainant no’ng ikatlong pagdinig ng kanyang “kaso.” “Gusto ko namang makalaya habang hindi pa ako iginugupo ng katandaan. Gusto ko nang makapiling ang pamilya ko. ‘Wag naman sana akong parusahan. ‘Yon yata ang kasalanan ko sa gobyerno, tumulong ako sa masa; nanggamot lang naman ako.” sabi n’ya bago naputol ang pag-uusap namin dahil lampas na kami sa oras nang pagdalaw. Nanananghalian na halos lahat ng mga babaeng bilanggo nang putulin na ng warden ang pagbisita ng mga dumadalaw. Kalahating-araw lang pala pinapayagan ang sinumang bisita sa TCJ kaya kahit bitin, nagpaalam na kami sa mga babeng Poldet at nangakong babalik sa mga susunod na pagkakataon. Samantala, naghanda na kami papunta sa Bureau of Jail Management and Penology
Himas-Rehas, B
ILUSTRASYON NI
Sanaysay at mga Salaysay tungkol sa mga Poldet
ALAIN
lingapin ang itikal / Awit at mga naninindigan arapatan / Hindi Ang buhay nila’y ga ordinaryong mayan."
tenidong Pulitikal,
merawalls
(BJMP)-Special Intensive Care Area (SICA) kung saan nakakulong naman ang 13 lalaking poldet mula sa Quezon. Tulad sa TCJ, hindi pa rin nagbubukas ang SICA nang pumunta kami ro’n pagkakain namin ng meryenda. Hindi kami nakapagtanghalian no’n kasi lalabas pa kami ng CBDT; e, ang hirap makapasok. Bago binuksan ang SICA, napansin kong dagsa ang mga babaeng naka-abaya (damit ng babaeng Muslim). Sa loob ko lang nalaman, mula sa isang poldet, na kasama rin kasi nila sa SICA ‘yong mga dinakip sa Zamboanga siege at mga Abu Sayyaf. Sabi tuloy ng isa kong kasama, “Sa bawat isandaang Muslim na nakakulong, lima lang daw do’n ang tunay na MILF.” Bago pa kami tuluyang nakapasok sa SICA, kinunan muna kami isa-isa ng biometrics (photo, fingerprints and basic personal information). At matapos ibigay ang number na dapat naming tandaan paglabas namin at sa mga susunod naming pagdalaw, isa-isa na kaming pinapasok sa isang ga-dipang kuwarto kung saan kami kinapkapan at pinatanggal lahat ng laman ng bulsa. Napakahigpit ng seguridad sa SICA kaya napakaimposibleng makatakas ang sinumang magbabalak na pumuga. Sa brigada sa ikaapat na palapag din kung saan matatagpuan ang selda ng mga lalaking poldet, kapansin-pansin ang pagkakaiba ng mga selda depende sa uri ng pamumuhay ng tao na nakakulong. Sa pinakaunang selda, may singkit (Intsik yata o Koreano) na may flat screen tv pang nakadikit sa pader. Kitang-kita tuloy ang napakalaking pagkakaiba ng selda ng mga ito kumpara sa mga pangkaraniwang bilanggo at poldet. Pagpasok namin sa isa sa mga selda ng mga poldet, bumulaga agad sa bungad ang karatulang “Free All Political Prisoners!” Pinaupo agad kami sa isa sa mga higaan at pinakain bago namin sila nakapanayam. Nakakahiya man, masaya naming nilantakan ang inihain nilang ginataang kalabasa na rasyon daw nila at paksiw na isdang binili pa nila. Wala raw kasing lasa minsan ‘yong rasyong pagkain sa kanila kaya napipilitan silang magpabili sa labas. Hindi raw nasusunod minsan ‘yong nakikita naming nakasulat na menu sa bukana ng piitan. Isa sa pinakatuwang-tuwang umistima sa ‘min ng araw na ‘yon ay si Fidel Holanda. At dahil ang dami agad naming napagkuwentuhan, siya na ang una kong ininterbyu. Fidel Tarasona Holanda Tulad ni Miguela, dalawang taon na ring nakapiit si Fidel, 52 anyos. Dinakip s’ya noong ika-27 ng Enero, humigit-kumulang alas-10:00 ng gabi, sa Pagbilao, Quezon, habang sakay ng kotse na minamaneho ng kasama n’ya na nagngangalang Erwen. Bigla na lang umanong hinarang ang kanilang sasakyan ng mga armadong lalaki na nagpakilalang mga pulis. Sukat noo’y sapilitan silang pinababa ng sinasakyan nila habang hila-hila s’ya sa buhok ng isa sa mga pulis. Kasunod noo’y tinutukan na sila ng baril, pinosasan sa kamay na inilagay sa kanilang likuran, at piniringan sa mata. “Gan’to ‘yan kapag hinuli ka, bilang ka ng 12 oras, tapos 24 oras, tapos 48 oras,” payo ni Fidel. Mula sa kampo sa Villa Prinsipe, Gumaca, Quezon, gabi ng ika-28 ng Enero, 2012 nang dalhin naman sila sa kampo ng Special Weapons and Tactics (SWAT). Nakaposas sila no’ng pinakain do’n pero tumanggi sila. Nang mag-umaga na, dinala na sila sa Lucena City Jail at ikinulong. Ilang sandali pa, may dumating umanong tao na gusto s’yang interbyuhin. Naghinala agad s’yang pakawala ito ng mga
o
pasism
Bihag ng Dahas
I AARON BONETTE
na hinuli sa Quezon (Unang Bahagi)
Michael Alegre
pulis kaya hindi n’ya ito kinausap. Dahil do’n, kinunan na lang umano s’ya nito ng litrato sa iba’t ibang anggulo. Makalipas ang dalawang araw, sa Pagbilao naman umano sila ikinulong at do’n ay kinunan ulit sila ng litrato. Kulang-kulang isang buwan din silang napiit sa Pagbilao kung saan bigla na lang silang mabilisang pinaggayak isang araw (ika28 ng Pebrero) upang dalhin sa CBDT. Bago s’ya napunta sa SICA, sa Metro Manila District Jail (MMDJ) muna sila ipiniit ng kulang sa limang buwan. Mahirap daw sa kulungan lalo na sa katulad niyang hindi masyadong nadadalaw ng pamilya dahil mahagad sa pamasahe ang pagbisita mula sa Pitogo, Quezon kung saan s’ya nakatira. Sabi n’ya, huli pa s’yang nabisita ng pamangkin n’ya no’ng ika-22 ng Disyembre. Nakatakdang dinggin ang kanyang kaso sa Lucena sa ika-25 ng Pebrero ngayong taon. Ilan sa mga kinakaharap n’yang mga kaso ay ang attempted murder at illegal possession of explosives. Tulad ng maraming mga poldet, kabilang sa problemang kinakaharap nila ay ang kawalan ng abogado, hindi pagdadala sa kanila sa mismong lugar sa tuwing sumasapit ang hearing, at marami pang iba. “Tuloy lang ang laban,” nakangiting sabi sa ‘kin ni Fidel nang hingan ko s’ya ng huling mensahe. Bago ko nakausap ang kasunod kong iinterbyuhin, binigyan ako ni Fidel ng hinabi n’yang pitaka na gawa pa sa mga kumikinang na beads. Isa raw ‘yon sa mga gawaing-selda na pinagkakaabalahan nila para labanan ang pagkabagot at pinagkakakitaan na rin para kahit pa’no ay makatulong sila sa kanilang pamilya. Ilang sandali pa, sumalang naman sa interbyu si Grego Guevarra, pero bago iyon, umaatikabong kuwentuhan muna ang naganap. Nagtimpla ng kape si Alan Jazminez, National Democratic Front of the Philippines (NDFP) for the peace talks na ilang beses nang nahuli magmula pa no’ng panahon ng Batas Militar at kasalukuyang kakosa nina Holanda at Guevarra sa SICA. Grego Camay Guevarra Marahil ay isa sa mga poldet na may pinakamahirap na sitwasyon ngayon ay si Grego na nagmula sa uri ng mga maralitang magsasaka at magdidisiotso pa lamang sa ika-10 ng Agosto. Ito ay dahil menor de edad pa lamang s’ya nang dakpin ng mga lasing na sundalo mula sa 74th Infantry Batallion (IB) at dahil hindi na s’ya nadadalaw sa piitan ng kanyang mga kamag-anak. Ayon sa kanya, sa San Andres, Quezon s’ya pinanganak at dalawang buwan sa unang baitang ng elementarya lamang ang inabot n’ya sa pag-aaral. Pagbabalik-tanaw n’ya sa nangyari, sa checkpoint sa Brgy. Tayuman, San Francisco, Quezon sila nahuli noong ika-21 ng Disyembre, 2012 habang sakay ng motorsiklo na pinatatakbo ng isang nagngangalang Alex. Papunta sana silang Agdangan, Quezon para maghanapbuhay sa ulingan na pinagkakakitaan ng pamilya ng ate ni Eliseo Lopez na kaangkas rin n’ya no’n sa motorsiklo at kasama n’ya rin ngayong nakakulong sa SICA. “‘Wag saktan, kilala ko ‘yan!” naalala pa n’yang sabi ng isang sundalo sa kampo ng mga ito sa 74th IB sa Mulanay, Quezon nang isalang na sila sa isang masusing interogasyon na inabot hanggang umaga. Nang mga panahong ‘yon ay namamayani ang ceasefire sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at New Peoples Army (NPA) kaya isang kabalintunaan ang ginawang pagdakip sa kanila dahil ang pag-aresto sa kanila ay dulot ng paghihinalang mga NPA raw sila. Kasama sa mga gawa-gawang kasong kinakaharap ngayon ni Grego ay illegal possession of explosives at murder. Isa s’ya sa mga kinunan ng litrato na kaharap ang granada at bomba na pilit na pinaaamin ng pulis-Mulanay na dala nila nang madakip sila kahit na ang totoo ay unang beses pa lamang nilang nakakita ng mga ganitong pampasabog sa personal. Dininig ang kanyang kaso noong ika-14 ng Enero (ilang araw bago isinagawa ang interbyung ito kung kaya hindi na naisama ang update sa nangyari sa hearing). Sa ngayon, isang dental examination ang inaasahang gawin kay Grego upang madetermina ang tunay n’yang edad. Tumanggi kasing magbigay ng kopya ng kanyang birth certificate ang munisipyo ng San Andres, Quezon. “Bulok ang sistema; mga kabataan, hinuhuli. Gusto ko nang makalaya,” determinadong pagtatapos ni Grego.
sundan sa pahina 8
5
LATHALAIN
ANG KALBARYO SA MT. CADIG
Marlon Ala
Isa ang Mt. Cadig sa mga kabundukan sa Pilipinas na kasalukuyang hinahalukay ng mga dayuhan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 79. Ang EO 79 ay isang pakunwaring pag-iingat sa kalikasan at pagtataas ng buwis sa mga dayuhang nagmimina subalit kung susuriin, ito`y paraan lamang upang madulas na maisentralisa sa pambansang gobyerno ang permiso. Sapagkat kung aanalisahin, ito`y lalo pang pagwasak sa kalikasan, pagkakait ng kabuhayan, maayos na pamumuhay at ng malinis na kapaligiran sa mga taong naninirahan dito na labis na apektado ng mapanirang pagmimina. Ayon sa website ng Mines Geoscience Beaureu (MGB) may 31 mining permit na ang naiproseso na sumasaklaw sa 163, 291.30 ektarya. Pinapalakad ito ng 22 kumpanya sa pagmimina at kabilang dito ang 2 kumpanya na diumano ay pag-aari ni Gobernador Tallado ng Camarines Norte. Ito ay ang Dore Mining Corporation at ang Mt. Labo Exploration and Development Corporation. Ang una ay may 11, 988 ektarya sa Tagkawayan kung saan matatagpuan ang Mt. Cadig at ang ikalawa ay may 499.7 ektarya sa Labo. Sa saklaw ng bayan ng Tagkawayan, may 157,690.6 ektarya na ipinagkaloob sa mga kumpanya sa pagmimina. Kapag natuloy ang lahat ng ito, halos pinawi na sa mapa ang kabuuan ng kalupaan ng bayan ng Tagkawayan dahil sa mapangwasak na pagmimina. Ang mga pangyayaring ito ay pasok sa kabuuang plano ng rehimeng US-Aquino na halukayin ang kagubatan, kabundukan at karagatan ng Pilipinas para mabungkal ang walang kapantay na likas na yaman ng Pilipinas kung saan tanging mga dayuhan, mga kapitalista at burukrata-kapitalista lamang ang nakikinabang imbes na ang mamamayan. Sa kasamaang-palad, perwisyo pa ang inaabot sa mga pakanang ito ng rehimeng US-Aquino. Kung kaya`t hindi rin nakapagtataka na ikinasa ang AFPPNP-CAFGU sa ilalim ng Oplan Bayanihan (OpBay) upang supilin ang mga mamamayang tumututol sa imbing plano ng rehimeng ito. Mula pa noong Nobyembre 2012, rumaragasa na ang operasyong militar sa buong saklaw ng mga bayan ng Tagkawayan, ng Santa Elena at ng Labo. Daan-daang sundalo ang ikinalat upang maniobrahan at saklawin ang mga kabundukan, kabaryuhan at kabayanan ng mga nabanggit na bayan. Sa kritikal na pagsusuri, hindi maikakailang magkaugnay o kasapakat ang OpBay upang mamintina ang planong pagmimina at masupil ang mga uusbong na pagtutol ng mga mamamayang apektado at ng mga taong hindi pabor sa mapanirang pagmimina. Pinatunayan at pinagtitibay ng mga taong naninirahan sa mga nasabing lugar kung saan at kailan nagsulputan ang presensya ng mga militar ay kasabay ring nagsulputan ang mga kompanya sa pagmimina upang protektahan ang mga ito. Isang patay na patunay ang pagpaslang sa Kapitang si Merlyn Bermas sa Brgy. Malaya ng Labo, na pinaghihinalaang tuluyang pinatay pagkaraan ng maraming beses na pagbabanta sa kanyang buhay dahil sa lantarang pangunguna sa pagtutol sa mapanirang pagmimina sa kanyang nasasakupan. Ang masaklap nito ay may nadamay pang musmos na bata sa naganap na pamamaslang. Hindi rin maikakaila na kaya madaling naisasagawa ang hindi makatao at labag sa batas ng kalikasan ang karahasang ito ng mga nasa kapangyarihan ay sa dahilang mula sa punong opisyal hanggang sa kaduluhang mga sanga nito ay may mga kasapakat na uring nagsasamantala sa karamihan. May mga tongpats kumbaga. May kanyakanyang lagay sa mga nanunungkulan o awtoridad upang mapadulas pang lalo ang pagbungkal ng mga kumpanya sa pagmimina. Hindi na isinaalang-alang kung masisira ang Inang Kalikasan pati ang mga karampot na
6
paghahanapbuhay ng mga lehitimong naninirahan sa mga apektadong lugar basta`t sila`y magkamal lamang ng sobra-sobrang yaman sa kanilang mga palad at mga bank account. Hindi lingid sa atin na winawasak nang walang habas na pagmimina ang gubat at kabundukan pati ang mga sapa`t ilog at karagatan. Kung saan maraming likas na nabubuhay rito ang nalalason o kung ‘di man itinataboy sa mga lugar na hindi angkop sa kaparaanan ng kanilang buhay. Idagdag na rito ang mga buhay at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa apektadong lugar gaya ng Mt. Cadig dahil sa mapanirang pagmimina. Maraming maliliit na hanapbuhay ng mga tagarito ang sinasagasaan tulad ng mano-manong pagmimina, pagkakaingin, pagsasaka, at iba pang ikinabubuhay na may kinalaman sa paggugubat at paglulupa. Ang Mt. Cadig ay isa na sa mga namimiligrong kabundukan sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang Veronica Ineguez Lee (VIL) Mining Corporation ang may proyektong eksplorasyon para sa nickel. Sakop ng nasabing kumpanya ang 11,126.36 ektarya sa tatlong bayang nabanggit na sinasaklaw ng operasyong militar. Saklaw nito ang Barangay Tinigiban, Guisican, Bayabas at Cabatuhan sa bayan ng Labo, Camarines Norte, ng Barangay Villa San Isidro ng Bayan ng Santa Elena, Camarines Norte at ng Barangay Casispalan, Santa Monica at Bagong Silang sa bayan ng Tagkawayan, Quezon. Nagsimula pa silang magbutas noong Setyembre 2012 sa nabanggit na mga bayan. Ito ay protektado ng mga nagsulputan o dagsa ng operasyong militar. Hindi maikukubling matapos ang pag-uumpisa ng pagmimina ng VIL Mines Corp noong Setyembre 2012, isang buwan lamang ang pinalipas at agad sinimulan noong Nobyembre 2012 ang malakihang operasyong militar na nilahukan ng 49th IBPA ng 902nd Bde, ng 76th IBPA ng 202nd Bde at ng 22nd Division Recon Company (DRC) ng 2nd ID sa ilalim ng Southern Luzon Command. Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang operasyon ng nasabing mga yunit ng AFP para ipagtanggol ang proyektong pagmimina at supilin ang anumang pagusbong o pag-iral ng pagtutol ng mamamayan. Malinaw na ngayon na hindi maihihiwalay ang operasyong militar sa ngalan ng OpBay at ang malakihang pagmimina na pakikinabangan ng rehimeng US-Aquino, ng gubernador sa mga lalawigang nakasasakop at iba pang lokal na opisyal, ng mga senior na opisyal ng AFPPNP at mga ganid na kapitalista sa pagmimina. Kung kaya`t hinihingi ang suporta ng mayoryang mamamayan, hindi lamang ang mga taong direktang apektado ng mga pagmimina, kundi lahat ng taong may pagmamahal sa kalikasan, na sama-samang kumilos upang tutulan, labanan at supilin ang mapanirang pagmimina sa ating mga kabundukan upang ingatan at ipreserba ang kaluguran ng kalikasan para sa mga susunod pang henerasyon. Ilang sa mga siyentipikong dahilan kung bakit kailangang tutulan ang mapanirang pagmimina:
Unang-una, ang mina ay hindi pinakikinabangan ng mamamayan kundi ng rehimeng US-Aquino, ng mga gubernador sa nasasakupang lalawigan at mga lokal na opisyal sa mga bayan, ilang opisyal na ahensya ng gubyerno, mga senior na opisyales ng AFP-PNP, lokal at dayuhang kapitalista sa pagmimina. Ikalawa, ang pagmimina ay makasisira sa kagubatan, ilog, sapa at iba pang yamang likas. Alam ng lahat na bago pa makapagbutas ang mga kumpanya, hahawanin muna nila ang dadaanan ng dambuhalang makinaryang panghukay. Sa laki ng mga makinaryang ito, madaling ilarawan sa isip kung gaano kalawak na kahuyan at halamanan ang mahahawan. Tiyak na may masasagasaang daluyan ng tubig, ito man ay bukal, sapa o ilog. Walang sasantuhin ang mga makinarya para bigyang-daan ang malaking proyektong ito. Bago pa makuha ang yaman sa ilalim ng lupa, wawasakin muna nila ang yaman na nasa ibabaw nito. Kaya nga masasabing napakamapaminsala at mapangwasak ng industriyang ito sa panahon ng pag-iral ng lipunang malakolonyal at malapyudal. Ikatlo, kapag nasira ang likas na yaman sa paligid ng mamamayan, masisira na ang kanilang kabuhayan. Lahat ng madadaanang mga taniman ng masa, danawan man o kaingin ay mawawasak at mawawala. Sino pa ba ang mapapayagang magtrabaho sa kagubatan kung ito ay pag-aari na ng mga kompanyang nabanggit? Sino pa ang papayagang magkaingin, mag-uling, mangahoy ng panggamit sa pagtatayo ng bahay at pagluluto, magbating ng mga baboy damo at iba pang hayop kung ito ay may bakod na ng mga kumpanyang may-ari ng lugar? Ang pinagkukunan ng masaganang tubig para sa danaw ay mawawasak na dahil mismong kabundukan na ang wawasakin. Kung nawawalan ng tubig kapag naputol na ang malalaking kahoy, paano pa aasa sa tubig kung pati lupa ay aalwasin ng mga kumpanya? Ikaapat, makaaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan ang mga basura at dumi na manggagaling sa minahan. Walang minahan na hindi nagtatapon ng basura. Kung sa pagkakaingin o pag-uuling ay may mga basurang nalilikha, paano pa ang pagmimina na hamak na ilandaang ulit na mas malawak at mas malaki ang aabutin? Sarisaring kemikal ang itatapon nito. Saksi ang mamamayan ng Marinduque nang itapon ang lason na galing sa Marcopper Mining patungong ilog ng Boac. Hanggang sa ngayon ay nagkakasakit pa ang mga tao sa balat kapag nadadampian ng tubig sa ilog na ito. Hindi man lang ito pinalinis ng mga nagdaang rehimen at kasalukuyang gobyerno. Tiyak na malalason ang mga ilog mula sa bundok Cadig tulad ng Ilog Kabibihan, Ilog Bayabas, Ilog Busigon, Ilog Gumihan, Ilog Santol, Ilog Minasag, Ilog Kabuluan at Ilog Basyad. Ang mga mayor na ilog na ito mula sa kabundukan ng Cadig ang pinagmumulan ng lahat-lahat nang ikinabubuhay at pinagkakabuhayan ng mga mamamayan sa paligid ng bundok Cadig. Mula sa inuming tubig, tubig panligo, tubig panghugas, tubig panlaba, tubig para sa mga sakahan at palaisdaan at lahat-lahat na. Ikalima, ikakasa ng malakihang pagmimina ang
Setyembre-Oktubre 2013 tiyak na kalamidad na likha ng tao. Hindi malilimutan sa alaala ang mga pangyayari sa Ormoc, Leyte na nagdala ng flashflood at pumatay sa libong tao, sa Real, Infanta at Nakar (REINA) ng Quezon na nagdala rin ng flashflood at landslide at lumipol din ng libong tao, sa Cagayan de Oro City at Iligan City na ilang daan ang namatay sa flashflood, at pinakahuli ay ang flashflood at landslide sa Davao Oriental at Compostela Valley na halos libo ang namatay at nawala. Lahat ng ito ay isinisisi sa pagkasira ng kabundukan at kagubatan doon. Pero hanggang ngayon, patuloy pa rin ang plano ng rehimeng US-Aquino sa malawakang pagmimina na tiyak na sisira sa kabundukan at kagubatan. Kinabukasan ng ating mamamayan ang nakasalang sa usaping ito. Ikaanim, WALANG PAKINABANG ang mga mamamayan sa pagmimina. Laging sinasabing magkakaroon umano ng hanapbuhay ang mga tao, pero saksi ang mga nagtatrabaho sa lugar na napakababa ng sahod, walang benepisyo at ‘di makatao ang kalagayan ng paggawa. Maging ang hanay ng mga manggagawa ay biktima pa rin
ng mga sundalong nag-ooperasyon sa kabundukan na sinasabing bantay sa pagmimina. Ang mga pakitang-taong proyekto na pinondohan at pinangunahan ng mga kumpanya sa mina ay puno rin ng korapsyon at hindi nararamdaman ang pakinabang ng mamamayan. Pilit ginagawa itong dekorasyon para ipakita na 'nakikinabang' ang komunidad sa mapanirang pagmimina. Sa sumada, ang malakihang pagmimina ay makadayuhan, kontramamamayan at mapangwasak. Sasagasaan nito ang kabuhayan, buhay, kalusugan at kinabukasan ng mamamayan. Huwag tayong matakot na manindigan para sa ikabubuti ng nakakarami at higit sa lahat protektahan natin ang ating kalikasan na tanging maipamamana natin sa susunod na henerasyon upang mapanatili ang malinis at malusog na kapaligirang sandigan ng pagpipreserba sa buhay at pamumuhay ng tao pati ng mga buhay na nananahan dito gaya ng mga puno`t halaman, mga hayop at iba png yamang-likas.#
GOB. SUAREZ, TUMINDIG KA, PARA SA MAMAMAYAN... nagsimula ang adhikaing ito nang magkaisa ang mamamayan na kailangang singilin ang planta dahil sa napakalaking tulong na maaari nitong maidulot sa mga Quezonian, kaya hindi ganuon kadaling mawawalan ng pag-asa ang mamamayan dahil lamang sa mga pagpigil na ito. Ilang beses humingi ng dayalogo at pormal na usap ang mga lider masa sa gubernador upang ilinaw kung paanong ang ating gubernador ay huminto na sa pagsingil ngunit hindi umano sila hinarap. Kaya dahil sa ganitong mga pangyayari ay humantong sa isang lightning rally sa pangunguna ng mga progresibong organisasyon upang lubusang maipanawagan ang pagsuporta at paniningil noong State of the Province Address nito sa Quezon Convention Center, Agosto, taong 2011. Dahil dito, iligal na hinuli at ikinulong ang ilan sa mga lider masa na sumamang nagpanawagan kasunod ang pagsasampa ng kaso ng pinagsamang pwersa ng kampo ng mga Suarez, Philippine National Police at Criminal Investigation and Detection Group, ayon sa fact sheet ng Karapatan, taong 2011. Sampung mga lider masa ng mga grupong Anakpawis, PIGLAS at Kabataan Partylist ang kinasuhan, dahil lamang iginigiit nitong masingil ang 6.1 Bilyong back taxes ng Tepco-Marubeni power plant/Team Energy sa Pagbilao Quezon. Sa isang statement ni Christopher Regencia, tagapagsalita ng Karapatan-Quezon, kung noon daw ay napakadaling lapitan ng ating gubernador, kaisa pa ito upang singilin ang planta; ngayong tapos na ang eleksyon, pangalwang termino na niya, tila wala na itong natatandaang paniningil sa utang ng buwis ng planta, at wala na rin itong pakialam sa mamamayang nagsusulong ng mga adhikaing sana’y malaki
mula sa pahina 2
ang maiitulong sa mga Quezonian. Nabanggit din ni Regencia na, sa mga naging usap ng grupo sa kampo ng mga Suarez ay tila mga kontrabida sa pelikula ang dating ng mga ito, tila wala na ang kanilang pagkapropesyunal dahil sa pagbababa ng telepono habang kinakausap, walang maayos na tugon sa mga dayalogo at mistulang limot sa mga naipangako noong panahong eleksyon. Ang mamamayan pa raw at mga lider masa ang dapat humingi sa kanya ng despensa. Ayon pa kay Regencia, napakabibo ng kampo ng mga Suarez noong humingi sila ng boto. Ngayon namang sila na ang nasa pwesto, nagbibingi-bingihan at nagbubulagbulagan na ang mga ito, wala na yatang pakiramdam at natatandaan sa mga nauna nitong mga ipinanawagan, ganun na lang nila aksayahin ang pondong dapat ay natatamasa ng mamamayan kagaya ng 6.1 bilyon at ng CLF.
Kilos KABATAAN
Enjay Pavino
Tungkulin ng Makabagong Kabataan
Higit pa sa mga teoryang natutunan mo sa pamantasan ang kailangan mong malaman upang higit mong masabing isa kang kabataang bunga ng isang mainam na pamantasan. Hindi ito tungkol sa aktibidad na nagaganap ngayon ngunit ito ay totoong nagaganap at nararanasan ng nakararami sa atin. Sinasabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit tila bakit maraming mga kabataan ang ‘di umano’y silang sumisira sa mga kataga ng kanilang pinipintuhong bayani? Bakit sa dinami-dami ng sektor sa ating lipunan, Kabataan pa ang napili ni Rizal upang maging pag-asa? Bakit kailangan pa nating intindihin ang mga katagang ito kung ang pagiging Kabataan ay maglalaon din? Maraming mga pilosopo na ang sumagot sa mga katanungang ito, ngunit sa isandaang kataong nagtangkang sagutin ito, sampu lang ang nakasagot nang tama at patuloy na isinasabuhay ang kanilang mga natutunan. Ibig sabihin malaki pa rin ang kakulangan pagdating sa pag-eeduka at pagpukaw sa malawak na hanay ng mga kabataan hinggil sa kung ano na ang kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan at ano nga ba ang tungkulin ng mga kabataan sa patuloy na pagbubuo ng ating bayan. Maraming kabataan sa ating lipunan ang nahahati sa kanilang uring pinagmulan, merong magsasaka, manggagawa, estudyante, at maraming pang iba at lahat ng mga ito ay bahagi lamang ng sinasabing pag-asa ng ating lipunan at ang konsentrasyon ng mga kabataan ay matatagpuan sa mga eskwelahan o pamantasan. Sa mga lugar na ito pinapanday ang mga kabataan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ngunit nakakalungkot mang isipin, hindi lahat ng mga kabataan ay nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral dahil sa sistema ng edukasyon na meron tayo, at sa mga neoliberal na polisiya na inimplimenta ng estado‘t lokal na pamantasan upang gawing atrasado at supilin ang mga batayang karapatan ng mga kabataan sa iba’t ibang paraan. Sadyang napakarami pang kailangang bagtasing landas bago ka makatapos ng iyong pag-aaral at sa paglaon ng ating panahon, nagmimistulang karaniwan na sa atin ang sumunod sa mga bagay na kinagawian ng mga naunang henerasyon sa atin, sapagkat isang napakalaking instrumento ang edukasyon upang manipulahin ang ang pag-iisip ng isang indibidwal. Kaya napakalaki ng responsibildad ng kabataan upang baguhin ang kasalukuyang sistema ng lipunan. Ito ay dahil hindi aksidente na sinabi ni Rizal ang mga katagang “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” sapagkat kung pag-aaralan nating mabuti ang kasaysayan, nakita na ni Rizal noon pa man na malaki na ang pangangailangan ng malawak na hanay ng pinagsasamantalahang mamamayan ang lakas at dunong ng kabataan upang magbigay ng edukasyon at imulat ang mga ito sa tunay na kalagayan ng ating bayan. Ang sampu sa mga pilosopong nakasagot sa mga katanungan kanina ay sila ring mga bayani na kilala na rin natin, ilan sa kanila ay sina Andres, Macario, Bobby, Lean at marami pang iba, na pawang mga kabataan nang sila’y magsimulang kumilos at maghangad ng paglaya ng bayan sa tanikala ng mga dayuhan. Tayo ang makabagong kabataan na tinutukoy ni Rizal noon pa man, tayo ang mga kabataan na kailangang masagot ang mga katanungang “Para kanino ba tayo [naglilingkod]?”, tayo ang mga kabataan na kailangang mag-eduka sa mga mamamayan, at tayo ang makabagong kabataan na magtutuloy ng kanilang mga nasimulan. Isang katanungan na lamang ang nais kong iwan sa kapwa ko kabataan: Sapat ba na tawaging edukado tayo kung hindi naman tayo natuto?
kahit sinong nagpapagamot sa Quezon Medical Center sa Lucena at ang sasabihin nito sa inyo ay kulang ang gamit, kulang ang gamot, ang ilan nga’y sinasabing mamamatay ka muna bago ka gumaling. Pagdating naman sa kasiguruhan sa kabuhayan, paanong magiging panatag ang mga kababayan natin kung ang kanilang lupang pinaninirahan, sakahang pinagtataniman at pinagkukunan ng kabuhayan, sa isang iglap ay maaaring mawala, makamkam ng kung sinong bigla na lamang susulpot. Ang sapilitang pagpapalayas at pagpapa-bakwet dahil sa matinding militarisasyon ang karamihan din sa trauma ng mga Quezonian. Kung hindi man kasalanan ng ating gubernador ang mga ganitong sirkumstansya at ang mga tao nito ang may kapabayaan, marahil kailangan mismong siya ang gumawa ng solusyon at irebyu ang mga polisiyang kanyang ipinatutupad. Bilang ama ng ating lalawigan, kailangan niyang tumindig at solusyunan ang mga problemang ito. Isipin na lamang natin, kung nasingil sana ang Maayos na serbisyong panlipunan Ang ‘Serbisyong Suarez’ ay palagian nating 6.1 bilyon sa planta sa Pagbilao at nabawi na ng tuluyang ang CLF, aba’y napakalaking pondo nakikita sa mga tarpaulin at nakabalandra sa nitong mainam na makakatulong sa ating lalawigan. bawat sulok ng ating lalawigan, kaya kung gaano karami rin sana ang mga tarpaulin na Sumama sa malawak na hanay ng mamamayan! Sa kabila ng matinding kahirapang ating nararanasan, hindi naman nawawalan ng pag-asa ito ay ganuon din ang repleksyon nito sa ating ang mamamayan ng Quezon na ipaalala sa ating gubernador kung sino dapat ang kanyang mga nararanasan. Ngunit kung tatanungin naman natin ang pinagsisilbihan. Malinaw na dapat ang pinakaprayoridad na paunlarin at tutukan niya ay ang mga mamamayan sa lalawigan, karamihan interes ng mga naaaping sektor. Walang ibang solusyon kundi ang pangunguna sa paglutas ng problema, kung tutuparin lamang ay maaaring magbanggit na hanggang sa tarpaulin na lamang yata ang serbisyo. IIlan niya ang kaniyang mga sinabi noong panahon ng eleksyon (di lamang puro pangako para lamang lamang naman ang batayang serbisyong dapat makakuha ng boto), kung sasagutin lamang nito at haharapin ang mamamayan, ang interes ng sana ay sapat na ating matamasa: maaayos sambayanan ang kauna-unahan dapat sa listahan ng ating mahal na gubernador. Sa ganitong na panirikan, serbisyong pangkalusugan, paraan lamang uunlad at tuluyang mapapawi ang matinding kahirapang nararanasan ng bawat isa libre at maayos na edukasyon, kabuhayan at sa atin, ang pagkakaisa sa interes ng nakararami at di lamang ng mga iilang panginoong maylupa, mapayapang pamayanan. Kung tutuusin ay haciendero’t mga negosyante, sa halip ay sa mas nakararaming populasyon ng lalawigan, ang simple lamang naman ang pangangailangan mga magsasaka, bukod pa sa iba’t ibang miyembro ng sektor ng lipunan na progresibo at laging ng mamamayan, ngunit tanungin mo ang nagsusulong ng tunay na pagbabago para sa ikabubuti ng lahat. BBP Reportorial Team
7
>>mula sa pahina 5
Himas-Rehas, Bihag ng Dahas Sanaysay at mga Salaysay tungkol sa mga Poldet na hinuli sa Quezon (Unang Bahagi)
Tulad ng nangyayari sa ‘tin ngayon sa labas ng kulungan, walang dudang hindi rin nalalayo ang sitwasyon natin sa mga poldet. “Ang nangyayari rito sa loob (kulungan) ay replekyon lang ng nangyayari sa labas,” sabi ni Jasminez nang ituloy namin ang kuwentuhan tungkol sa mga anomalyang nangyayari rin sa loob ng kulungan dahil tapos na ang interbyu. Totoo. Magkakaugnay ang lahat ng bagay. Pareho-pareho lang naman talaga tayong nakakulong at gustong makahulagpos sa kasalukuyang bulok na sistemang namamayani sa lipunan. Magtatakipsilim na nang magpaalam kami sa kanila. Hinding-hindi man namin sila puwedeng isama, masaya pa rin naming nilisan ang mundo nila dahil bitbit namin ang malaya nilang diwa at isipan. Paalis na kami ng CBDT pero hindi pa rin ako tinatantanan ng mga totoong istoryang pumuga sa piitan. “Babalik talaga ako,” naisaloob ko na lang habang unti-unting nawawala sa mata ko ang kampong nasa magubat na lungsod.#
Palayain lahat ng bilanggong pulitikal! itigil ang pampulitikang panunupil! Pasismo ng estado, tutulan! ILUSTRASYON NI JAYVEN VILLAMATER
Ika-33 Taon ng Guinayangan Massacre, ginunita
Panggigipit ni Mayor Isaac ng Guinayangan, mga pulis at militar, kinondena GUINAYANGAN QUEZON - Sa pangunguna ng KARAPATANQuezon at sa pakikipagtulungan ng PIGLAS at CLAIM (Coco Levy Funds Ibalik sa Amin), Quezon chapter, magdaraos sana ng isang komemorasyon ng ika-33 taon ng Guinayangan Massacre, ngunit dahil umano sa pagpigil ng kampo ng mga Tañada, sa mismong kaorasan ng aktibidad, Pebrero 1, alas-8 ng umaga, hindi hinayaang magdaos ng komemorasyon ang humigit kumulang na isandaang mga delegado ng aktibidad, ni Mayor Boyboy Isaac ng Guinayangan Quezon sa plaza at covered court sa nasabing bayan. Kabilang sa aktibidad ang porum at pagtalakay sa usapin sa pagbawi sa Coco Levy Funds at pag-abolish sa maanomalyang Pork Barrel System. Sa kabilang banda, ito rin sana ang magbibigay-daan sa pagbubuo ng isang People's Initiative kontra-pork. Ayon sa statement ni Christopher Regencia, spokesperson ng KARAPATAN-Quezon, hindi umano
8
sila makapaniwalang sa mismong araw ng aktibidad ay hindi papayagan ni Mayor Boyboy Isaac na ganapin ang komemorasyon sa Guinayangan Town Plaza dahil lamang sa inutos ito ng mga Tañada, gayong sa mga unang usap ay positibo ang tugon nito. Ayon pa kay Regencia, isa itong malinaw na manipestasyon na hindi nagsisilbi si Mayor sa mga kababayan kundi sa iilang mga politiko. "Maaaring dahil sa pagkakasangkot ng pangalan ni Congressman Erin Tañada sa anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) kaya nila pinigilang ganapin ang aktibidad. Nakapagtataka rin na noong nakaraang 2010 ay pabor na pabor ang kampo ng mga Tañada at si Mayor Isaac at masigla itong nakilahok sa Guinayangan Massacre Commemoration, noong wala pa si Mayor sa pwesto, ngunit ngayong nasa pwesto na ay gayon na lamang niya pagbawalan ang aktibidad. Malinaw na malinaw na hindi ito sinsero sa kanyang paglilingkod.
Ang hamon ng sambayanan sa kanya: Ang dapat paglingkuran nito ay ang mamamayan at hindi ang iilan. Kinukondena rin namin ang ginawang pananakot ng kanilang kampo sa pamamagitan ng paggamit nito sa mga pulis at militar upang hindi na tumuloy ang mga delegado sa pagdalo." dagdag ni Regencia sa kanyang statement. Bagama't hindi pinayagang ganapin ang aktibidad sa pampublikong espasyo, kagaya ng Guinayangan Town Plaza (kahit galing sa buwis ng mamamayan ang ginamit upang maitayo ang mga ito, kaya mamamayan naman talaga ang nagmamay-ari), ay naidaos pa rin ng matiwasay ang aktibidad sa isang baranggay sa Guinayangan. Sinabayan ito ng isang mobile prop action sa kabayanan upang sagutin at ipakitang hindi natitinag ang mamamayan kahit ginigipit ito ng kinauukulan Nilahukan ng iba't ibang sektor ang paggunita sa Guinayangan Massacre*, kabilang ang mga kabataan, kababaihan, pesante,
BAWAL PUMASOK! Sa kabila ng ipinasa at aprubadong rekwes ng dayalogo sa Opisina ng Sangguniang Panlalawigan, hindi pa rin hinayaang makapasok ang mga delegado at lider masa sa bulwagan nito. Ayon sa isang lider masa roon: sa bilang ng pulis na humarang sa kanila, mistulang kriminal kung ituring ang mamamayan kahit pormal na dayalogo lamang ang pakay nito sa kinauukulan. BBP
Linggo ng mga pesante, ginanap Isinagawa ang ilang serye ng mga aktibidad sa lalawigan bilang pagtutol sa mapanirang pagmimina at pagtatayo ng dam at ang pagkilos upang mabawi ang COCO LEVY FUNDS sa pangunguna ng PIGLAS at CLAIM Quezon LUCENA CITY - Matagumpay na idinaos noong nakaraang Oktubre 2021, 2013 ang Linggo ng mga Pesante sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS) at Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM)-Quezon. Kaalinsabay na isinagawa ng mga magsasaka, magniniyog at manggagawang-bukid sa iba't ibang parte ng lalawigan ang mga serye ng aktibidad kaugnay ng Pagdiriwang ng Linggo ng mga Pesante kasama ng iba't ibang sektor sa lipunan. Binuo ang isang porum sa unang araw ng pagdiriwang kung saan tinalakay ang paggigiit na maibalik sa mga magniniyog ang Coco Levy Funds na para sa kabutihan ng mga magsasaka sa lalawigan. Binigyang-diin din ang mainit na isyu tungkol sa mapanirang pagmimina sa Mt. Cadig, Tagkawayan,
Quezon. Nilinaw rin ang mga panibagong dagdag na bilang ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao o ang extra-judicial killings na laganap sa buong bansa. Ganap na ala sais ng gabi, itinampok ang cultural night na dinaluhan at nilahukan ng sektor ng kabataan mula sa iba`t ibang kolehiyo at pamantasan sa lalawigan. Sa ikalawang araw, Oktubre 21, isinagawa naman ang pagsunog ng tila backhoe na effigy ni PNoy, pagsasalarawan ito ng pagtutol sa mapanirang pagmimina sa kabundukan at kagubatan ng Mt. Cadig, Tagkawayan, Quezon. Sinundan ito ng mobilisasyon sa iba't ibang parte ng lungsod patungo sa Southern Luzon Command (SOLCOM) at ipinahayag ang damdamin ng mga aping mamamayan. Marlon Ala
REBONIFACIO. Mga kabataan at ang kanilang mga likhang sining alay sa kabataang nanguna sa 1986 rebolusyong Pilipino-Gat Andres Bonifacio. Larawan sa kaliwa: Ang mga kabataang estudyante ng Southern Luzon State University habang nagmumural upang muling buhayin ang Freedom park ng paaralan. Larawan sa kanan: Mga kabataang artista ng Guni-guri Collective at Silayan cultural group habang nagpipinta sa Bonifacio St. sa noong mismong Nob. 30 sa Lucena City. Larawang kontribusyon ng Guni-guri Collective
mangingisda, manggagawang bukid sa niyugan at iba pa, naisagawa din ang porum ng CLAIM at usapin ukol sa pag-abolish sa pork barrel. Naitayo din ang isang people's initiative laban
sa pork barrel; ang Quezon KontraPork, a movement for the abolition of PORK BARREL SYSTEM and all kinds of PORK. KAPARAPATANQuezon News Bureau PAGKILOS LABAN SA PANGGIGIPIT. Ang mobile propaganda action ng KARAPATAN at CLAIM Quezon bilang sagot sa hindi pagpayag ni Mayor Boyboy Isaac na ganapin sa Guinayangan Town Plaza ang Guinayangan Massacre Commemoration. Porum, pagtalakay sa pagbawi sa Coco Levy Funds at ang tuluyang pagpapa-abolish sa Pork Barrel System ang kabilang sana sa mga aktibidad, Pebrero 1, 2014. BBP, larawang kuha ni Cris Sayat