Balitang BondocPen Taon 2 Isyu 1

Page 1

www.balitangbondocpen.wordpress.com

Ang alternatibong pahayagan sa lalawigan ng Quezon

ISYU 2, HUNYO - AGOSTO 2013

Ang hagupit ng

tunay na mukha ng

Rehimeng Aquino Simoun Fernandez

Matuwid na daan saan nga ba talaga hahantong? Sa nakaraang tatlong taon ng pagkakaupo ni Benigno "Noynoy" Aquino III bilang presidente ng Pilipinas, nanatiling naghihintay ang mamamayang Pilipino sa pag-ahon nito sa lugmok na kalagayan ng bansa. Sa mga tampok nitong polisiya kagaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, conditional cash transfer, Public Private Partnership at ang paglago umano ng ekonomiya, ang nakararaming mamamayan ay nakaasang maambunan ng biyaya. Kung tutuusin maaaring sabihin na ang tatlong taon ay maiksing panahon, ngunit sa nanatiling busabos na kalagayan ng karamihan sa ating bansa, ang inaasahang kahit mumunting pag-unlad, kahit kalahati sa inaasahan ay hindi natatamasa. Ang matuwid nitong daan ay pawang sa ibang landas patungo, lalo nang mabunyag ang mga anomalyang kinasasangkutan ng mga kongresista at senador ukol sa Pork Barrel. Sa lalawigan ng Quezon, tiyak na ramdam ng mga mamamayan kung ano ang tunay na adyenda ng administrasyong PNoy, lalo nang tambakan ito ng humigit-kumulang sa walong batalyong sundalo dulot ng Oplan Bayanihan noong nakarang taon kasabay pa ng sigalot sa mga asyenda at pananatiling walang sariling mga lupa ang mga magsasaka rito.

Sabwatang Alcala-Akbayan sa Quezon - galamay ni Aquino? Eleksyong 2013, buwan ng Mayo, bumaha ng mga pabida ang mga lokal na kandidato sa lalawigan at sa nasyunal sa mga tumatakbo bilang mga senador. Hinding-hindi pinalampas ng administrasyong Aquino ang panahon upang sagpangin ang pagkakataong maaaring magamit ang pondo at plataporma de gubyerno nito upang ang malaking bilang ng boto sa lalawigan ay makamit. Isang halimbawa nito ang mismong kalihim ng Department of Agriculture na si Proceso Alcala kasama ang nangangampanyang partylist na Akbayan, na namigay ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA). Tila isang malaking

1

sundan sa pahina 5


EDITORYAL editoryal

Walang puwang ang pananahimik

Pagpapaputok ng mga militar sa QRT ng Karapatan, kinundena

Kasalanan daw ng mga mahihirap kung bakit sila ay mahirap dahilan sa marami silang anak. Kasalanan daw nila, sapagkat matitigas ang kanilang ulo, laging sumusuway sa utos ng pamahalaan. Sa tuwinang may may kalamidad sa ating bansa, nagkakaroon ng piyesta ng pagsisi at lalo na, ang paninisi sa mga pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruz. Ang mga maralitang nakatira sa magubat na lungsod, sinisisi kung bakit naninirahan sa tabi ng estero at mapanganib na lugar. Ang mga maralita naman sa kanayunan, sinisisi kung bakit ayaw umalis sa kani-kanilang bahay kapag mataas na ang baha at pinipilit ilikas ng mga rescuer. Nitong huli, sinisisi sila sa pagbaha, dahil sila raw ang nagtatapon ng basura na bumabara sa mga daanan ng tubig. Magandang itanong sa ating lahat, dati na bang ganito? Noon pa ba sinisisi ang maralita sa pinsalang dulot ng mga kalamidad, mga pinsalang sila rin ang kadalasan at palagi na lamang biktima? Ang isang impresyon, sa pagtindi ng pinsalang dulot ng mga kalamidad, tumitindi rin ang pagsisi sa mahihirap. Kahit ang usong paliwanag na “global warming” at “climate change,” nakakalimutan kapag ibinubunton ang sisi sa kanila. Paanong inabot sa ating lipunan ang ganitong kalupitan sa pagtingin sa maralita? Isang maituturo ang kawalan ng pag-unawa sa mga maralita at ng pagsisikap na unawain sila. Sa mga mapagpasyang pwersa sa ating lipunan, kahit ang midya at Simbahan, walang nagpapaliwanag sa bagay na ito. Lagi tuloy may sasagot na talagang may pagpililian kapag sinasabi ito. Para sa iba, kasalanan talaga ng napakarami nating kababayan ang pagtira nila sa mga estero at lugar na peligroso sa baha. Kung tutuusin, panay na panay ang labas ng maralita sa midya. Tingnan na lang natin ang mga detalyadong mga palabas na sa noontime televisions na nagtatampok ng karalitaan ng mga Juan at Juana dela Cruz na ipinapakete sa paraang katawa-tawa ng mga host at hostess. Sadyang pinapalabas ang kawalan ng kapangyarihan at pananagutan ng gobyerno sa mahahalagang usapin sa bansa, lalo na sa ekonomiya. Dahil kailangang may managot para sa pinsala ng mga disaster, sinisisi nila ang madaling ituro – ang mahihirap. Walang duda: napapatatag ang mga patakarang makadayuhan at nakikinabang ang kasalukuyang gobyerno kapag mga maralita ang sinisisi sa mga sakunang nabanggit. Sa ganitong sitwasyon, walang puwang ang pananahimik at pagsasawalang-bahala ng mayoryang apektado ng sitwasyon.

Mga sibilyang nadamay sa engkwentro sa Catanuan, lumikas

2

CATANAUAN QUEZON Mariing kinukundena ng KARAPATAN - Alliance for the Advancement of People's Rights, Quezon chapter ang pagpapaputok ng anim (6) na beses ng mga militar ng 74th Infantry Battalion sa Quick Reaction Team (QRT) ng KARAPATAN habang nagdodokumento sa katatapos na engkwentro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng New People's Army (NPA) sa Brgy. Ilayang Doongan, Catanauan Quezon, Mayo 31. Pagkatapos ng engkwentro ng NPA at AFP na tumagal ng ilang minuto, ay agad tumungo ang QRT

CATANAUAN QUEZON Dalawampu't pitong (27) mga indibidwal mula sa Brgy. Ilayang Doongan, Catanauan Quezon ang nasa pangangalaga ngayon ng Karapatan-Quezon. Ito ay hinggil sa naganap na engkwentro ng Armed Forces of the Philippines at New People's Army sa nasabing baranggay nitong nakaraang Mayo 31. Napilitang lumikas ang nasabing mga residente dahil sa pursuit operation na isinasagawa ng militar sa pangunguna ng 74th Infantry Battalion sa lugar. Inaasahan pa ang pagdami ng mga lilikas dahil sa operasyong ito. Nananawagan ng suporta sa kinauukulan ang mga biktima ng engkwentro. Ipinanawagan ng KARAPATAN-Quezon, na dapat ay hindi kalimutan lalo na ng mga kinauukulan ang mga residente ng lugar na pagkatapos maapektuhan at madamay sa napakatinding operasyong militar ay maaaring dumagdag pa sa mga biktima ng human rights violations na naiitala, dapat managot ang mga militar na

ng KARAPATAN-Quezon upang magdokumento at mangalap ng datos sa nasabing barangay kung may naganap mang human rights violations at kung may mga sibilyang nadamay. Bagama't tapos na ang engkwentro ay walang habas pa ring pinaputukan ng mga militar ang grupo na binubuo ng labimpitong (17) mga indibidwal. Ang 17 indibidwal na orihinal na bumubuo sa team ay naging 30 dahil sa pakikiisa ng mga residente at concerned individuals sa pagdo-t dokumento at pagtulong sa mga naapektuhan ng engkwentro. Cesar Arenas Jr.

nagpaputok sa Quick Response Team ng Karapatan habang ito ay nagsasagawa ng dokumentasyon, wala raw naman ibang nais ang grupo kundi magdokumento at tumulong sa mga residente at biktima subalit mismong sila ay pinuntirya ng AFP. Lans Tolda

Aranilla Compound, Ibabang Dupay, Lucena City

EDITORIAL POOL Michael Alegre Yvonne Charisse Gamis Lans Tolda Cesar Arenas Jr. Cris Sayat CONTRIBUTING WRITER Simoun Fernandez CONTRIBUTING ARTISTS Aaron Bonette She Garcia Jayven Villamater EDITORIAL CONSULTANT Atty. Rey Oliver Alejandrino _____________________________

Ang Balitang BondocPen ay inilalathala ng Crimson Sky Publishing ng ikatlong distrito ng Lalawigan ng Quezon at may elektronikong pahatirang sulat na balitangbondocpen@gmail.com


BALITA/KOMIKS

YOUR AD HERE! Balitang BondocPen is accepting advertisements, announcements and contributions, feel free to contact us at balitangbondocpen@gmail.com for more details.

BALITA

Pork?

Kuha ng isang estudyante na pagpapakita ng tahasang paglabag ng mga sundalo sa Prudente-Ramos agreement; hindi nangimi ang mga itong pumasok at bumalandra sa Polytechnic University of the Philippines Lopez Quezon campus at nagsagawa rin ito ng isa umanong "Symposium for Peace".

Oplan Bayanihan, kinundena ng Kabataan Partylist-Quezon

Lider-estudyante ng PUP-Lopez, biktima ng red-tagging ng AFP LOPEZ QUEZON – Lubos na nababahala at natatakot si Mark Anda, isang konsehal ng Supreme Student Council (SSC) ng Polytechnic University of the Philippines – (PUP) Lopez nang mabalitaan niya sa kanyang schoolmate na inannounce ng 85th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap ng napakaraming estudyante ng PUP-Lopez ang mga paninira sa kanya, Agosto 24. Nagsagawa ang mga militar sa loob ng PUP campus gymnasium ng isang “Symposium for Peace” na dinaluhan ng maraming mga estudyante. Hindi nakadalo si Mark dahil sa mga exams nito, kaya lubha niyang ikinagulat ang mga paninirang ginawa sa kanya ng mga militar. Sa inilabas na statement ni Anda, nasa sampung mga sundalo na sakay ng six by six military truck ang pinayagang papasukin ng administrayon ng PUP Lopez umaga ng Agosto 23 at isang speaker sa symposium umano ang nagbanggit, na kaya raw hindi pa siya nagtatapos ng kolehiyo ay recruiter umano

3

siya ng New People’s Army. Binanggit din ni Anda na lubha ang paglabag ng mga militar at ng administrasyon ng PUPLopez sa Prudente-Ramos Memorandum of Agreement, ang kasunduang nagbabawal sa presensya ng mga sundalo at pulis sa loob ng mga school. “Pasismo ito ng rehimeng Aquino at isang malinaw na katangian ng Oplan Bayanihan;” ayon kay NJ Pavino ng Kabataan Partylist-Quezon, “Mariin naming kinukundena ang Armed Forces of the Philippines partikular ang mga nakadeploy na humigitkumulang na walong batalyon ng sundalo sa South QuezonBondoc Peninsula, una dahil sa ginawa nitong paglabag sa Prudente-Ramos Memorandum of Agreement nang pumasok sila sa PUP-Lopez campus, sa ginawa nilang reg-tagging kay Anda; isa rin itong tipo ng harassment at paninirang puri sa isang inosenteng estudyante. Sa halip na kapayapaan ang dalhin ng mga sundalong ito ay takot at pangamba ang inihahatid nila sa mga kabataan. Tuwirang paglabag ito sa ating mga karapatan,” dagdag pa ni Pavino.

Bukod sa pagiging konsehal ni Mark, aktibo rin itong miyembro ng Kabataan Partylist at kilala sa pagsusulong ng mga karapatan ng mga estudyante.Lubos din ang suporta nito sa campus press freedom na isinusulong College Editors Guild of the Phils. (CEGP) at sa pagbabalik ng The Epitome, ang opisyal ng publikasyon ng mga estudyante ng PUP-Lopez na ilang taon na ring naparalisa dahil sa restriksyon ng administrasyon sa nasabing paaralan. Walang kasiguruhan si Anda kung matutulungan siya ng administrasyon ng PUP o maging mga kasamahan niya sa student council dahil sa takot ng mga ito at dahil ilan sa mga nasa SSC ay miyembro ng Reserve Officers Training Corps (ROTC). Kaya nananawagan siya ng suporta, proteksyon at tulong mula sa mga miyembro ng midya, mga organisasyon at indibidwal upang mailantad ang ginawa sa kanya ng AFP. Dahil hindi niya alam ang maaaring mangyari sa kanya. Aniya, pati ang kanyang mga kamag-aaral ay nababahala at natatakot na rin.Cesar Arenas Jr.

ni Jayven Villamater

Ang Tunay na SONA ...mula sa pahina 5

karapatan ang isang banyaga na maunawaan ang kalagayan ng kapwa tao sa gitna ng nangyayari sa bansa nito at wala itong batayan upang sumama sa pagkilos ng mamamayan. Ibig sabihin ba nito, maaaring ang turing lang ng estado sa mga banyagang nagtutungo dito ay bilang mga turista lamang? "Anuman ang mangyari, handa kaming harapin at sagutin ang lahat ng kasong ihahain nila (pulis) sa amin at magpapatuloy kaming mananawagan at igigiit ang batayang karapatan ng mamamayan," ani ni Renato Reyes, Secretary-General ng BAYAN. "Pinatutunayan lamang ng rehimeng Aquino ang mapanupil at pasista nitong imahe katulad ng mga nagdaang rehimen. Maikli ang pasensiya niya sa kritisismo ngunit patuloy itong nagiging sangkot sa mga anomalya at panlilinlang sa sambayanan. Pinagtatakpan niya ang isyu ng korapsyon samantalang patuloy ang pagtugis niya sa kanyang mga kritiko," dagdag pa si Reyes. Ang SONA ng Mamamayan Tunay na kasaysayan na ang mismong nagiging pinaka-mabisang gabay ng mamamayan sa patuloy na pakikipaglaban para sa mga batayang karapatan. Malinaw na isang malaking tagumpay ang pagkakaisa ng malawak na hanay ng mamamayan para ipakita ang disgusto nito sa kasalukuyang rehimen-patunay ang mga ganitong pagkilos sa tuloy-tuloy na paglakas ng sambayanan para sa matagal nang panawagan para sa karapatan at makataong pamumuhay. Kabisado na ng masa ang lumang istilo ng esado, kaya naman ang pagkakaisa ay lalong umigting habang patuloy ang nararanasang paniniil. Hanggang sa susunod na SONA. Padayon pa rin ang masa!


Nagsimulang umawit ang bata sa bidyo: “O, Bakwet, kami po ay bakwet / Mula sa probinsya, pilit na umalis...” Bahagi ng “Rights 1” ang nasabing bidyo na likha ng Southern Tagalog Exposure (STEx), kolektibo ng mga manggagawang pangkultura, aktibista, artista, at alagad ng midya na nakabase sa Timog Katagalugan. Mabilis na kukunot ang noo at ilang segundong hihinto ang mundo ng mga nanonood ng bidyo dahil sa isang salitang tila estranghero sa kanila. Ilang sandali pa’y bigla silang matatawa ngunit mabilis ding matatahimik at mapapaisip nang maintindihan na nila ang ibig sabihin ng salitang inutita o inulit-ulit sa liriko ng awit: Bakwet.

SAMPUNG KARAPATAN NG MGA BATA 1. Karapatang ipanganak, magkaroon ng pangalan at pambansang identidad 2. Karapatang magkaroon ng maayos na tahanan at pamilyang kakalinga sa kanila 3. Karapatang makakain ng masustansyang pagkain upang maging malusog at aktibo ang pangangatawan 4. Karapatang magkaroon ng sapat na edukasyon upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at talento 5. Karapatang makapaglaro at maging masaya kasama ng kanilang mga kaibigan 6. Karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng tipo ng pang-aabuso 7. Karapatang mabuhay sa isang mapayapa at maka-bata na komunidad 8. Karapatang mapangalagaan at matulungan ng gobyerno 9. Karapatang maipahayag ang kanilang mga saloobin, opinyon at ideya

Bakit bakwet? Hango ang salitang “bakwet” sa salitang evacuation na popular na tumutungkol sa mga taong lumilikas mula sa kanilang lugar-panirahan. Tinatawag itong evacuees kung ilan sa mga dahilan ng pag-alis sa isang lugar ay dulot ng kalamidad, sunog, tagtuyot o tag-gutom. Samantala, tinatawag namang refugees ang mga taong ito kung ang dahilan naman ay ang maituturing na pinakamabigat na sa lahat ng sanhi ng sapilitang paglikas: ang kasalukuyang nagaganap na armadong labanan at matinding militarisasyon sa kanayunan man o kalunsuran. No’ng umaga ng ika-31 ng Mayo 2013, isa ang pamilya Arevalo sa mga nabulabog na inosenteng sibilyan bago naganap ang engkwentro sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army (NPA). Napilitan silang lisanin ang kanilang bahay sa Sitio Pange, Brgy. Ilayang Doongan, Catanauan, Quezon nang gulantangin sila ng mga putok ng baril mula sa tropa ng mga militar ng 74th Infantry Batallion. Kahulugan ng mga iginuhit Sa isinagawang psychological

therapy sa mga batang dumating ang mga sundalo sa itinuturing na hindi-mapaparisanbakwet na bahagi ng kanilang bahay, kinausap ang sa-dami na bilang ng mga ginanap na International kanyang nanay at tatay bago sundalo buhat pa no’ng Batas Solidarity Mission (ISM) tuluyang umalis. Ilang sandali Militar, dahil halos katumbas ito ng noong ika-14 hanggang pa, nakarinig sila ng mga putok 4000 katao, ay bunsod ng kontraika-17 ng Hulyo ngayong ng baril kung kaya takot na takot insurhensyang programang Oplan taon sa bayan ng silang tumalilis ng takbo sa iba’t Bayanihan (OpBay) ng rehimen ni Catanauan, naging tampok ibang direksyon upang makalayo Noynoy Aquino. ang pagguhit upang agad sa kanilang bahay. Matapos Binabantayan lamang umano maibsan ang sikolohikal ang gapang-takbong paglayo, ng mga sundalo ang mga residente na trauma ng mga batang saka na lamang niya napansin laban sa mga NPA ngunit kung nakaranas ng matinding na wala na s’yang suot na sapin pagbabatayan at pag-aaralang militarisasyon. sa paa. Dalawang araw ang maigi ang yamang agrikutural at Damit ang iginuhit nakalipas nang mabalikan nila ang mineral mayro’n ang lalawigan ni Ervil, labing-anim kanilang bahay at habang nasa ng Quezon partikular na sa may na taong gulang at daan, nakita na lamang n’ya ang bandang Bondoc Peninsula pangalawa sa panganay kanyang tsinelas na kababakasan (BondocPen) na may lupang sa magkakapatid na na nang pagkasira. sakahang umaabot ang sukat Arevalo. Tinutulungan n’ya Ang pinsan nilang si Jay sa 16,748 ektarya at sinasabing noon sa koprahan malapit Lacsa, sampung taong gulang pagmamay-ari lamang umano ng sa kanilang bahay ang at hindi nag-aaral dulot ng walong pamilya, tila lumalabas kanyang amang si Ernesto kahirapan, ay gumuhit naman ang totoong dahilan ng OpBay sa Arevalo nang maganap kwaderno. Pansamantala siyang Bondoc Peninsula. Makikita kasi ang pamamaril. Ayon kay nakatira sa bahay ng mga Arevalo ang nagbabanggaang-interes sa Mang Ernesto, muntik nang mangyari ang putukan. pagitan ng kakaunting nagmamaynang tamaan ng bala si Dahil sa nasabing insidente, ari ng lupa at ang malaking Ervil habang nagtatago nalulungkot s’yang hindi na rin bahagdan ng populasyon ng sa isang malapit na puno. makapagpapatuloy sa pag-aaral mga magbubukid sa Quezon na Tandang-tanda pa ni Ervil ang kanyang mga pinsan dulot ng tinatayang 78% ng kabuuan nitong kung pa’no sila bumalik, pagba-bakwet ng mga ito. populasyon. dalawang araw matapos Idagdag pa ang mga inilulunsad ang insidente, sa kanilang Totoong dahilan at sinapit na proyekto ng gobyerno at bahay upang kumuha Buwan pa ng Marso ng pribadong kumpanya sa lalawigan lamang ng mga damit at nakaraang taon nang pumutok sa ilalim ng “sabwatang” PPT o gamit bago tuluyan ding ang balita sa pagdagsa ng Private-Public Partnership na tila umalis. Ayon pa sa kanya, walong batalyon ng AFP, PMG, piping pinipigilan ng karamihan sa natatakot siya sa mga PNP, CAFGU at paramilitaries sa mga taga-Quezon dahil marahil sundalo at sa kanilang lalawigan ng Quezon. Hanggang sa takot. Nagdudulot kasi ang mga baril. sa kasalukuyan, tinatayang batakaramihan sa mga ito ng banta Upuan naman ang batalyong sundalo pa rin ang nakasa kalusugan at malimit iginuhit ng labing-apat na deploy. Ang nasabing deployment Michael Alegre taong gulang na si Ervin n a Arevalo, pangatlo sa kanilang magkakapatid. Bago naganap ang insidente, nakaupo s’ya sa kanilang mahabang upuan habang nagaantay sa nilulutong saging ng kanyang kapatid na si Ervie. Si Ervie, labintatlong taong gulang at pang-apat sa magkakapatid na Arevalo, ay tsinelas naman ang iginuhit. Nagluluto s’ya ng saging sa kanilang maliit na kusina nang maganap ang nasabing Walang pinipiling edad ang panganib. Kahit insidente. Ayon sa kanya, na sino, maski pa ‘yong mga nasa murang bigla na lang umanong

Maligalig na kamusmusan: ILANG TALA SA LIKOD NG AWIT AT GUHIT NG SAPILITANG PAGLIKAS

edad, ay maluwag na nahaharap sa delikadong sitwasyon.

10. Karapatang maging bahagi ng mga aktibidad at panlipunang pagtitipon

Southern Tagalog Exposure. “Bakwet: Mga biktima ng sapilitang paglikas dulot ng militarisasyon,” Axel Pinpin (2013) | www.facebook.com/stexposure/photo/albu

4


LATHALAIN na humahantong sa sapilitang paglikas o pag-bakwet ng mga mamamayan kapalit ng pagsasakatuparan ng mga ito. Higit sa lahat, pinakamalala na marahil ang usapin sa seguridad ng mga mamamayan kung saan hindi maikakailang biktima rin ang mga bata ng nagaganap na malawakang paglabag sa karapatang pantao sa lalawigan. Bulnerableng sektor ng mga paslit Sa pananaliksik na isinagawa ng Akap Bata Partylist (ABPL), lumalabas na mahigit apatnapung porsyento (40%) ng populasyon o apat sa bawat sampung Pilipino ay binubuo ng mga bata. Ang “Bata” ay binibigyang-kahulugan ng United Nations (UN) bilang isang salitang tumutukoy sa kahit na sinong tao na may edad 17 taon pababa. Sa ganitong estadistika, maaaring sabihin na ang kalagayan ng mga bata ay sumasalamin din, kung ‘di man ay signipikanteng nagpapakita sa kalagayan ng kalakhan ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Limitado lamang, ayon pa sa ABPL, ang kaalaman at pisikal na

5

kakayahan ng mga bata upang ipagtanggol ang kanilang sarili mula sa iba’t ibang tipo ng paglabag sa kanilang mga batayang karapatan (sumangguni sa sidebar para sa 10 Karapatan ng Bata) kung kaya walang duda na ituring sila bilang isa sa pinakabulnerableng sektor sa lalawigan at sa buong bansa sa kabuuan na hindi mapasusubaliang laganap ang inhustisya, kahirapan at iba’t iba pang isyung panlipunan. Awit ng batang bakwet “...Nagbakwet, kami ay umalis / Doon po sa amin, sundalo’y malupit / Sundalo’y walang galang, hindi yata nag-aral / Matanda at bata, sinasaktan, pinapatay / Hindi nila pakinggan ang aming katuwiran / Kaagad dadamputin, nasasaktan / O, Bayan ko; o, Bayan ko, / Paano ang pag-aaral ko? / Napatigil, o, bayan ko / Sundalo, kami ay ginugulo / Sundalo, kami ay ginugulo...” Wala nang pinipiling edad ang panganib. Kahit na sino, maski pa ‘yong mga nasa murang edad, ay hindi sinasanto ng pasismo ng estado at maluwag na nahaharap sa delikadong sitwasyon. Ang maligalig na kalagayan ng mga bata at ng iba pang inaaping sektor ang inaasahang lalong magpapasidhi sa ahitas yon ng mga mamamayan na komprehensibong tumugon sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at panawagan na ipaglaban ang proteksyon, karapatan at kagalingan nila.

Mamamayan ng Timog Katagalugan - Ayaw sa Pork Barrel System, i-abolish ito Ilaan ang pondong ito sa serbisyong panlipunan. Larawang kuha ng Southern Tagalog Exposure

Ang Tunay na SONA... mula sa pahina 7 Nagkaroon din ng iba't-ibang kulturang pagtatanghal. Ipinakita sa mga pagtatanghal na ito ang iba’t- ibang isyu ng mamamayanlumalalang kagutuman, kawalan ng matinong kabuhayan at ang mapaminsalang militarisasyon sa kanayunan at maging ang mainit na isyu sa panawagang pag- abolish sa pork barrel system. Nagmistulang mga bubuyog naman ang midya at mga dumalo sa protesta sa pagkuha ng bidyu at larawan ng pagsusunog ng effigy na highlight ng prorgama -tila artistang inaabangan tuwing may

kilos protesta lalung-lalo na tuwing SONA.

Bigwas ng estado Hindi na rin bago ang isyu ng ilegal na pag-aresto at pagdampot sa mga militante tuwing may malakihang pagkilos-tila ba isang banta sa tuwing magpapakita ng pagkakaisa ang mamamayan. Hindi nangingimi sa pagdampot ang mga kapulisan. Sa gitna ng nangyaring kaguluhan ay nakapagtala ang mga kapulisan ng 22 nasaktan sa kanilang hanay at 41 sa mga militante. Naging handa naman dito

ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) dahil hindi na bago ang ganitong paniniil ng pamahalaan sa mga nagpo-protesta. Maging ang taga-Netherlands na si Thomas Van Beersum, na kabilang sa International Solidarity Mission inilunsad sa bansa, ay hindi rin nakatakas sa malupit na kamay ng estado. Kinasuhan siya dahil umano sa paglabag nito sa batas bilang isa banyagang turista, tila inalisan siya ng karapatang makiisa sa panawagan ng mamamayang Pilipino. Tila sinasabing walang sundan sa pahina 3

Ang hagupit ng tunay na mukha... mula sa pahina 1 palabas na sadyang itinaong sa panahon ng kampanya ilarga, mabilis nitong maaakit ang mga magsasaka at mamamayan upang sila ang suportahan dahil sa esensya, aakalain ng isang magsasaka na mayroon na siyang sariling lupa, ngunit ang 'award' na ito na inaasahang mag-aahon sa kanya sa kahirapan ay pawang kapirasong papel lamang na babayaran pa. Matinding kaltas din ang epekto sa kanilang kalagayan. Sa halip na paalwanin nito ang kasalukuyang katayuan ng isang magsasaka, maaaring maging dagdag isipin at bayarin pa ito sa kanila. Ang Coco Levy Funds na matagal na ipinagkakait sa mga magninigyog, umano'y kinatas rin lalo ng Akbayan at ng angkan ng mga Alcala. Hindi na

rin siguro magtataka ang mga magniniyog ng Quezon kung nagamit ng mga kandidatong ito sa pangangampanya ang pondo dahil sa pagiging dikit nila mismo sa presidente, bilang mga galamay nito tiyak na mabilis silang mapapaboran. Sa huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reform (CARPER) at pamimigay ng lupa sa pamamagitan ng CLOA, ang karaniwang magsasaka sa Quezon ay lubusang nabibiktima.

Oplan Bayanihan at matinding militarisasyon

Bago magtapos ang taong 2012, hinding-hindi makakalimutan ng mga mamamayan ng Quezon ang tindi ng pinsalang idininulot

nito, ang pagtambak ng humigit-kumulang na walong batalyon ng AFP, PNP, CAFGU, PPMG at iba oang paramilitaries, partikular sa South Quezon - Bondoc Peninsula, ang Bondoc Peninsula na pawang naging 'Bundok Pininsala'. Lumobo ang mga naitalang paglabag sa karapatang pantao, simula taong 2010 hanggang ngayon, hindi pa rin naililitaw ang kaunaunahang desiparasido sa panahon ni Aquino na si Felix Balaston. Ngayong taong 2013, lalong tumindi ang mga paglabag. Ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso; threat, intimidation, divesment of properties, indiscriminate firing ang ilan sa mga nararanasan ng mga sundan sa pahina 7

5


LATHALAIN/BALITA

Lans Tolda

State of the Nation Adress o SONA, ito ang tawag sa taunang ‘report’ ng pangulo ng Pilipinas sa mamamayan. Dito inilalahad ng pangulo ang kanya umanong mga ‘nagawa’ at mga planong kaniya raw naisakatuparan - ang mga paulitulit na binabanggit sa taunang SONA. Ngunit kung tatanungin ba natin ang ating mga sarili, mayroon nga ba tayong nakikitang konkretong pagbabago sa takbo ng buhay ng isang ordinaryong Pilipino? Ito ang sagot ng mamamayan . Ika-21 ng Hulyo. Unang Salbo Ika-7 ng umaga nag-umpisa ang martsa ng mga mamamayang nagmula sa iba't ibang sektor ng lipunan sa Timog Katagalugan sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) para sa isang pangrehiyong bersyon ng SONA na tinaguriang "State of the Region Address" o SORA. Naging hudyat ang sabayang programa na ginanap sa Cavite, Laguna at kalapit na mga probinsya para sa isang mas malaki at malawak na kilosprotesta ng mamamayan upang ipakita ang disgusto sa kasalukuyang rehimen. Habang patungo naman ng Maynila ang delegasyon ng Quezon ay hinarang sila ng Laguna Provincial Police sa San Pablo City dahil ‘out of lane' umano sila. Matapos ang tatlong oras na negosasyon ay hindi pa rin sila pinayagan. Kalaunan ay nakalusot din

Ang Tunay na SONA ay SONA ng Mamamayan

sila at nagpatuloy patungong Maynila. Nagsanib ang delegasyon ng rehiyong Timog Katagalugan at ang karagdagang bilang ng mamamayan mula sa kalakhang Maynila at ilan pa sa mga kalapit na probinsya sa Welcome Rotonda sa Lungsod ng Quezon. Pagkatapos ng i s a n g p r o g r a m a a y nagmartsa a n g

delegasyon sa Times Street kung saan naroroon ang bahay ni PNoy. Tinangka ng delegasyon na makalapit sa bahay nito ngunit marami na rin ang mga pulis na nakahanda at may harang na ang kalye. Ngunit hindi nito napigilan ang programang protesta ng mamamayan-nagkaroon ng pananalita ang bawat sektor-bitbit ang hinaing at panawagan.

Pagkatapos ng programa ay tumulak ang delegasyon sa Balara at doon nagpalipas ng gabi. Ika-22 ng Hulyo. Araw ng SONA Habang abala sa paghahanda ang mga pulitiko, mga kongresista at mga artista, para sa SONA ni PNoy, maaga ring nagmartsa ang delegasyon patungong Commonwealth. Handang-handa na ang buong bilang ng mamamayang hindi lamang sa mga plakard, streamers at watawat ang panawagan, ngunit higit dito, tangan sa kani-kanilang sarili ang pagnanais na maipanawagan na makamit ang mga lehitimong ipinaglalabang karapatan. Tinangkang harangan ang delegasyon na patungong Commonwealth sa pamamagitan ng mga concrete barriers ngunit ilang sandali lang ay naitumba na ito at nagpatuloy ang martsa. Sa malayo pa lamang ay kitang-kita na ang lumalaking bilang din ng mga puliskumpleto ang kasuotang pang 'anti-riot'. Ilang sandali ay may mga nagtangkang suhulan ng lobo at bulaklak ang mga nagpo-protesta-animo'y inaamo ang mamamayan sa kanilang mga lipas nang istilo ng panlilinlang. Sa pangalawang pagkakataon, habang papalapit ang delegasyon ng kalakhang

Maynila, nagawang pabagsakin nito ang steel barriers na inihanda ng mga kapulisan laban sa mga nagpo-protesta. Sumugod ang malaking bilang ng kapulisan at nagsimula na'ng magkasakitan sa pagitan ng mga militante at kapulisan. Naghain ng permit to rally sa harap sana ng Batasan Road, malapit sa House of Representatives kung saan ibubulalas ni PNoy ang kanyang SONA, ngunit hindi ito pinayagan, ito rin ang dahilan ng pag-igting ng engkwentro sa pagitan ng dalawang kampo. Sa kabila ng kaguluhan ay patuloy na iginiit ng mga ito ang kanilang karapatan at sinimulan ang isang programang protesta sa harap ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth na pormal na programa ng SONA ng mamamayan. Hindi naging hadlang maging ang mga concrete at steel barriers kasama pa ang maraming hanay ng kapulisan at bumbero bagkus ay mas nagbigay ito ng tapang at mas matamang determinasyong ipakita ang pagkakaisa ng mamamayan. Nakiisa sa SONA ng mamamayan ang iba't-ibang sektor: kabataan, magsasaka, manggagawa, propesyunal, mga taong simbahan, kababaihan at ang Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community. sundan sa pahina 5

Pagbubuo ng CLAIM-Quezon pinasinayaan Protesta hinggil sa harassment ng pulis at militar, inilunsad PROBINSYA NG QUEZON - Sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS), naglunsad ng isang malawakang pagkilos ang mga magsasaka lalo na ang mga manggagawang bukid sa niyugan mula sa iba't ibang bayan sa Quezon. Ito ay upang igiit ang pagbawi sa Coco Levy Funds (CLF) na matagal na ring nabinbin kahit nanalo at pumabor ang desisyon ng Korte Suprema sa mga maliliit

6

na magniniyog. Sa kabila ng pagtangkang pagpigil ng mga pulis sa karaban sa Gen. Luna at ng 416th PPMG sa bayan ng Macalelon, naipagpatuloy ng delegasyon ang pagkilos at pagsasagawa ng programa sa Ibabang Dupay Covered Court, Lucena City, Agosto 18. Ang orihinal na planong mas malawak na pagkilos at pagtungo ng mga magniniyog mula sa ating lalawigan sa National Capital Region dahil sa masamang

panahon ay ipinihit sa pormal na pagbuo ng CLAIM o Coco Levy Funds Ibalik sa Amin Quezon chapter at upang mapalawak pa ang kasapian nito sa bawat bayan ng lalawigan para sa mas solidong pagkalamapag sa kinauukulan para sa tuluyang pagpapamahagi ng bilyong pisong Coco Levy Funds. Hindi nagpapigil ang buong delegasyon upang itambol ang mga panawagang ito at ipaalam pa sa mamamayan ang nararanasan ng mga

magniniyog sa kamay ng mga gahaman sa CLF kagaya ng malaking panginoong maylupa na si Danding Cojuangco. Kasama sa mga ginanap ang isang programa sa Lucena Public Market at isang pagkalampag sa Southern Luzon Command dahil sa mga anti-magniniyog nitong mga aksyon at harassments sa mga lider-masa. Pagkatapos ay nagkaraban muli ang bawat delegasyon sa kani-kanilang mga bayan. Cris Sayat


BALITA

Hunyo - Agosto, 2013

Kapit-Bisig Para Sa Timog Quezon! Yvonne Charisse Gamis Sapagkat ang tao ay nilalang para rin sa tao, kaya naman walang dahilan para pigilan ang mithiin nitong magkaisa lalo na sa panahon ng kagipitan. Malaki ang nagagawa ng nagkakaisang pagkilos para sa mga taong lubos na nangangailangan at nanghihina. Bilang patunay, isinagawa ang isang International Solidarity Mission sa Catanauan, Quezon noong ika-14 hanggang ika-17 ng Hulyo. Ang nasabing pagkilos ay isinagawa ng Save Bondoc Peninsula, Save the People! na nasa ilalim sa Save Bondoc Peninsula Movement, isang organisasyong nangunguna at namumuno sa mga lumalaban para sa karapatang pantao dito sa bansa. Naglalayon ang nasabing pagkilos na kunin ang pansin ng mga human rights defenders, advocates at mga mamamayan ng buong mundo para magkaisa at tumulong upang maisakatuparan ang tunay na reporma sa lupa, mawala ang pagnanakaw ng likas na yaman sa lalawigan at puksain ang paglaganap ng paglabag sa karapatang-pantao at militarisasyon sa Bondoc Peninsula. Misyon upang tumulong Ang pagtulong ay naisasagawa sa pamamagitan ng kongkreto at ‘di kongkretong paraan, at nagawang mapunan ng misyong ito ang parehong paraan sa alam nitong kulang sa kanila at

makakabuti sa lahat. At tunay ngang marami ang nakinabang dito. Dahil ang Catanauan ay isang liblib na lugar na malimit mabigyan ng serbisyong sosyal, hindi ito pinalampas ng mga residente dito. Ang misyong ito ay tumugon sa mga residente ng Catanauan at iba pang bayan sa third at fourth district ng Quezon sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo-medikal, ecumenical at pagmumulat sa pamamagitan ng isang pagtatanghal na isinagawa ng Teatro ng Kabataan sa Nayon (TEKA MUNA). Nagawa rin ng pagkilos na ito na tumugon sa mga biktima ng Martial Law sa mga nabanggit na lugar. Misyon upang makinig at makiramay Nagawang matipon ng pagkilos na ito ang mga mamamayan ng bansa at mamamayan ng ibang lahi sa kadahilanang mayroon silang iisang layunin, at iyon ay ang ipaglaban ang karapatan nila bilang tao. Isang lupon ng mga human right advocates mula sa Peru, Guatemala, Canada, USA, Japan, at Belgium ang dumalo, nakinig, nagbigay ng mensahe at nakiramay sa ating nanghihinang mamamayan ng Quezon. Si Jeanelle, isang FilipinoAmerican, ay nagbalik sa kanyang pinanggalingan at nakisama sa mga mamamayan na pinaniniwalaan

niyang dapat tumayo at lumaban para puksain ang opresyon. Si Paige, isang kalahok mula sa California-Nevada-Philippine Solidarity Task Force, ay nagbigay ng kanyang pagkamuhi sa pwersamilitar ng US dahil sa kanilang kapangyarihan sa mga bansa ng Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas. Marami pang ibang tumugon sa mga pangangailangan ng mga ‘bakwet’ ng Timog Quezon at siyang nagsagawa ng dokumentasyon at mga workshops para sa kanila. Isa sa mga nagbigay ng cultural workshop sa kanila ay ang Sinagbayan ng UP Diliman at si Pau Sarigumba, isang kalahok mula sa UP Los Baños na siyang tumulong sa pagsasaling-wika para sa mga kalahok mula sa Latin America. Isang misyon para mapakinggan Marami sa ating mamamayan ang nagbigay ng mga karanasan nila sa ilalim ng pwersa-militar, at marami rin ang nakinig at nakisimpatya sa mga ito. Pinangunahan ni Tata Pido Gonzales, spokesperson ng Save Bondoc Peninsula Movement, ang pagbibigay ng mungkahi ukol sa paghihirap na dinaranas ng mga taga-Timog Quezon. Ang ilan pa sa mga nagsalita ay sina Nanay Vilma at Nanay Ligaya. Si Nanay Vilma ay isang residenteng nakaranas ng takot mula sa insidenteng pinamunuan ng mga militar. Siya raw ay tumakbo habang hawak-hawak ang anak para

Hindi napigilang mapaluha ng batang bakwet ng isinalaysay nito ang kanyang karanasan dulot ng matinding militarisasyon sa kanilang lugar partikular sa Catanauan Quezon. Larawan ng Southern Tagalog Exposure

makatakas mula sa kamatayang hatid ng pagdating ng mga sundalo sa kanyang kinatitirahan. Si Nanay Ligaya naman, animnapu’t-apat na taong gulang, ay nagbukas ng kanyang mga alaala ukol sa takot na kaniyang naramdaman noong ika-31 ng Mayo. Walang humpay na pagpapaputok ang kanyang narinig mula sa mga baril ng AFP. Sa nasabing mga testimonya ay marami ang nabigyang-linaw sa tunay na kalagayan ng ating mga kapatid sa Timog Quezon. Isang pagkilos para pumukaw ng isipan Tagumpay ang nasabing misyon ng Save Bondoc Peninsula Movement dahil marami ang tumugon at nakinabang dito. At dahil sa patuloy na pagkilos para labanan ang malawakang

paglaganap ng paglabag sa karapatang-pantao, tinatawagan nito ang lahat ng sumusuporta sa laban para sa pantay-pantay na pagtrato sa mamamayang Pilipino na makiisa sa layuning ito.

Ang hagupit ng tunay na mukha... mula sa pahina 5

mamamayan. Ang mga kasong ito ay bukod pa sa paggamit ng mga malalaking panginoong maylupa sa Armed Forces of the Philippines mismo upang ang mga magsasaka ay mapigilang igiit ang kanilang mga karapatan. Bilang 'hacienda belt' ng Quezon, hindi malabong talamak ang mga pagsasamantala sa Bondoc Peninsula kaya ganun na lang ang desperasyon ng administrasyong Aquino upang gumamit ng dahas para patahimikin ang mga mamamayan. Ang tunay na boss ni Aquino Hindi na nakakapagtaka, lumabas ang tunay na mukha ng nagpapanggap na tagapaglingkod ng bansa. Dahil sa mga anomalyang ito, partikular na ramdam ng mga mamamayan ng Quezon kung sino ang boss ni Aquino na mga kagaya nyang haciendero. Ngunit hindi titigil ang mga Pilipino lalo na ang mga Quezonian upang igiit ang mga batayan nilang karapatan para sa maayos na pamumuhay at mapayapang pamayanan.

7


LATHALAIN

Hunyo - Agosto, 2013

Pork at PDAF Ang PDAF ay ang taunang budget na ibinibigay sa mga kongresita na P70,000,000 at mga senador na P200,000,000 ay ang pondong mula sa binabayarang buwis ng taumbayan at mula sa talamak na pangungutang ng gubyerno. Sa bahagi ng pangulo ng bansa na si Noynoy Aquino, hindi bahagi ng PDAF ang 1.43 TRILYON na PORK na ibinigay sa kanya. Halos kalahati ng pondo ng gubyerno ay inilalaan lamang sa PORK BARREL, kaya kung susumahin natin ang maaaring korapsyong umiikot sa mga kamay ng mga mambabatas at sa pangulo mismo ay maaaring mahimatay na lamang tayo sa inis, dahil sa laki ng pondong maaari na sanang makatulong sa atin. Protestang Bayan Isa sa mga pangunahing umalma sa umusbong na anomalya sa pork barrel ay ang mga panggitnang uri o middle class. Para ring virus sa cyberspace sa bilis ng pagkalat ng impormasyong ito sa mga ‘netizens’. Dahil dito mabilis ring naikasa ang isang protestang bayan na tinawag sa hashtag na #MillionPeople'sMarch sa Luneta Park noong Agosto 26. At sa bahagi naman ng mga progresibong grupo, bukod sa Luneta ay nagpatuloy ang mga ito sa Mendiola upang lubos pang kalampagin ang administrasyong sa pagbabasura ng Pork Barrel. Mapanlinlang na Abolisyon at Pork Ni Aquino

Dahil sa samasamang pagkilos ng mamamayan, napilitan ang Malacañang na i-announce na abolished na ang PDAF, ngunit totoo nga bang tuluyan na nila itong ibinasura? Maaaring ipinahinto nila ang pagrerelease ng PDAF ngunit hindi rin malabong ibahin lamang nila ang pangalan nito. Bakit ganun na lamang kadali nang sabihin ni PNoy na abolished na ang PDAF? Ito ay dahil hindi bahagi ng PDAF ang 1.43 TRILYONG pork na ibinibigay sa kanya. Ang pork ni Aquino ay nahahati sa 229 bilyong piso para sa Special Purpose Fund, 200 bilyon Lump Sum (for school buildings) na tanging siya lamang ang maaaring magrelis; hindi programadong pondo (maaaring gamitin sa kahit saang gastusin ng opisina ng presidente) na P139.9 bilyon at P600 bilyon na Intelligence Funds, presidential “social” funds, travel funds, debt servicing na maaari pang lumaki depende sa paggastos nito. Bukod sa maaari lamang baguhin ang pangalan ng PDAF ay nanatili rin sa kamay ni Pangulong Aquino ang napakalaking pork nito. What Happens Next? Sa mga panggitnang uri, maraming nagtatanong: ano nga ba ang kasunod na mangyayari? Dahil sa mapanlinlang na abolisyon ng PDAF, kasama na ang pagsuko ni Janette Napoles, maaaring isipin

tampok ng isyu sa Pork Barrel Parang malakas na kidlat ang biglaang pag nang madawit ang apelyidong System sa buong bansa. Nagsimula ito nakukurakot ng mga mambabatas Napoles at ang anomalya sa laki umano ng Pork Barrel? Ano nga ba PDAF o sa kaban ng bayan. Ngunit ano nga ba Priority Development Allocation Fund?

T R I LY O N G P O N D O NI

AQUINO, SENADO'T KONGRESO

T R I LY O N G H I R A P

N G S A M B AYA N A N G P I L I P I N O

ng sambayanan na nalalapit na ang hustisya at mawawala na ang korapsyon. Ngunit kung tutuusin, maaari itong isang palabas lamang. Dahil alam naman natin na maaaring sinabayan lamang ni PNoy ang pagsuporta sa pag-abolish sa PDAF upang pakalmahin ang galit ng taumbayan habang nananatiling tikom ang bibig nito sa napakalaking pondong nakalaan lamang para sa kanya. Pondo ng Bayan, sino ang Nakinabang? Batayang serbisyong panlipunan, ito ang dapat na kauna-unahan sa listahan ni PNoy na bigyang pondo. Subalit sa trilyong pisong umiikot lamang sa kamay ng mga mambabatas at sa kanyang kamay mismo, pinananatili nitong mga nanlilimahid at manlilimos ang mga

Ilan sa mga larawan ng mga taga-Quezon na nakiisa sa laban ng sambayang Pilipino upang ma-abolish ang maanomalyang pork barrel system at lahat ng klase ng ‘pork’. [Aaron Bonette]

8

Pilipino. Isa sa mga popular na statement ang kumalat din sa internet. Ang sinabi umano ni CongW. Lani Mercado na binabanggit nitong pabor ito sa pagbasura sa pork ngunit huwag lamang daw umanong manghihingi ang mga mamamayan sa kanila. Isa itong patunay kung ilang taon na nilang ginagawang mga manlilimos ang mga Pilipino. Tuwang-tuwa silang makitang mahaba ang pila sa kanilang mga opisina upang humingi lamang ng biyaya sa kakarampot nilang ibinibigay samantalang maaari naman palang ilaan na lamang ang pondong ito sa mga batayang serbisyong panlipunan kagaya ng matino at libreng serbisyo sa kalusugan para sa mga pampublikong ospital at libre at de-kalidad na edukasyon sa mga pampublikong paaralan at kolehiyo. Ngunit bakit ang solusyon na inilalaan ng mismong administrasyong Aquino ay ang Public Private Partnership at Budget Cut sa Edukasyon?

Pahirap na Pork Malinaw na malinaw na pinapa-ikot lamang tayo ng gubyernong ito sa mga reaksyunaryo nitong mga polisiya. Ngunit dapat nating alalahanin na dahil sa samasamang pagkilos nating mga mamamayan, naipakita sa isang lebel na kayang-kaya nating ituwid ang kabuktutan ng pamahalaan. Pero dapat nating mas imulat pa ang ating mga sarili dahil hindi dapat huminto lamang sa iisang usapin kagaya ng Pork Barrel ang ating pagkakaisa. Maraming pagpapaikot at panlilinlang pa ang maaari nilang gawin upang tayong mga Pilipino ay patahimikin nila para muli na naman silang magsamantala. Ipagpatuloy natin ang ating pagiging mapanuri at pakikisangkot sa mga usapin sa ating bansa dahil ang ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos lamang ang tunay na magpapalaya sa atin sa lusak na kinalulubugan ng sistema ng ating lipunan. She Garcia


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.