Ang Maligtong

Page 1

Maligtong

Ang

TOMO 2 BLG. 2

Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Elementarya ng San Jose

TUY DISTRICT, BATANGAS PROVINCE, REGION IV-A CALABARZON

HUNYO-OKTUBRE 2012

SJES, Wagi sa District Schools Press Conference

2012

District Schools Press Conference

K-12 Curriculum, Ipinatupad

Grade 1 at Grade 7 na mga guro nagsanay sa Lemery Pilot Elementary School sa loob ng isang Linggo, May 13-May 18 ng K-12 Curriculum. Sa simula ng training ay ipinarinig ang mga mensahe nina Sec. Armin A. Luistro, ang kalihim ng Edukasyon at ang mga kaagapay niya sa pagpapatupad ng K-12 Curriculum na sina Dr. YolandaQuijano, Dr. Paraluman R. Giron at Dr. Marilyn D. Dimaano. Tinalakay sa training na sa ilalim ng K-12 Curriculum ang mga bata ay magsisimula pumasok sa paaralan sa Kindergarten, anim na taon sundan sa pahina 3.

San

T na sa NA

Nangu Jose ES,

ilarawan ng ”,ganyan in a g a il n y a lan ng San y tiyaga m bang Paara a b a M “Kapag ma a s kumu l mag-aara isyo bago mga batang a nilang pagsasakrep sa mga magaw ra ng ent Test pa Jose sa gin l Achievem a kamit din n a o n ti a s N a g k a w uy. ha n T a g S n g. ito na baitan AT sa distr N I g -V n a kaa g ik n in ti p a a ra na aaral s kamataas n ang rating a in in d p M. g o e n It n a e . 2% . Arl paaralan rating na 9 a pamumuno ni Gng g n ng a il la s u g a a lan s ta, m Nakakuh a ng paara ng mga ba h n u a k na g a n n w lu a ie v n tu ipag grere mataas ito sa pakik ahok sa pa il m h o. a lu d a D t b . a a n a S ig ng akin Marasig wing araw guro na m tu a a s g t m a g n n o a p sa kanil -4:30 ng ha simula 3:00 isinagawa

Idinaos ang pangdistritong pamamahayag at pagsulat ng balita, Setyembre 6 sa Mababang Paaralan ng San Jose. Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan ng Tuy. Kasama ang kani-kanilang mga gurong taga-payo. Dahil sa mismong paaralan ng San Jose ginanap ang kompetisyon, masiglang nilahukan ito ng labing-isang bata buhat sa naturang paaralan. Mula sa labing-isang inilahok walo sa kanila ang nakapag-uwi ng tagumpay. Ito ay sina Irinealyn M. Socorro, 1st Place Filipino Cartooning, Jonnel Dulutan 2nd Place English Cartooning, Abegail C. Men-

Operasyon Bunot, isinagawa

doza 2nd Place Filipino Copy Reading, Realyn C. Ramirez, 2nd Place Filipino News Writing, Ma. Hazel R. Mendoza, 3rd Place English News Writing, Sherly Mae B. Alvarez, 3rd Place Filipino Photo Journalism, Edizon S. Valdez, 4th Place English Sports Writing at Erica Mae S, Peña 5th Place English Feature Writing. Sobra-sobrang kasiyahan ang kanilang nadama sa kabila ng masinsinang pagsasanay. Panibagong Paghahanda ang kanilang pagtutuunan upang sumabak sa susunod na kompetisyon sa Division Press Conference na gaganapin sa Paaralang Sentral ng Mataas na Kahoy. Irinealyn M. Socorro Labing pitong (17) magaaral, mula sa baitang I at II ng Mababang Paaralan ng San Jose matapang na sumabana sa “Operasyon Bunot”, ng Kagawaran ng Edukasyon sa pangunguna ng Division Dentist na si Dr. Toti Destreza, Oktubre 9. Kasabay din nito ang pagbibigay ni Nurse Matro ng pangalawang beses na pampurga sa mga bata. Napakaswerte ng mga batang ito dahil di na sila pupunta sa mga Health Center upang mabigyan ng gamot at bunot ng ngipin. Malaking katulungan sa mga magulang at mga bata ang nasabibg operasyon. Realyn C. Ramirez

DEP Confraternity, namahagi ng biyaya

Tatlumpot tatlong kinder ng SJES nabiyayaan ng gamit pampaaralan ng DELTA EPSILON PHI CONFRATERNITY – BATANGAS CHAPTER,Hunyo 26. Sinimulan ng isang simpleng programa bilang pagsalubong , pagtanggap at pagpupugay sa panauhing magkakaloob ng biyaya. sundan sa pahina 2.


2

Balitang Kinipil SJES, nakiisa sa GSP Encampment

Oktubre 15-17, muling idinaos ang Regional GSP Encampment sa Quilo-Quilo Padre Garcia, Batangas. Nilahukan ito ng mahigit 3000 mga bata na nagmula sa iba’t-ibang distrito ng Batangas kasama ang kanilang mga adult leader. Kasamang lumahok ang tatlong magaaral na sina Sherly Mae Alvarez, Abegail Mendoza at Ma. Hazel Mendoza kasama ang gurong si Gng. Rosalia Mendoza ng Mababang Paaralan ng San Jose.

DULOTAN : Wagi sa pagpupunyagi Kilala si Alexis O. Dulotan sa kahusayan niya sa asignaturang mathematika, dahil dito nabansagan siyang “ Mathtenik ng SJES “. Sa tatlong taon niyang pagsali sa Mathrathon, District Level lagi niyang napagwawagian ang unang puwesto. Sa District Step Competition, ika-21 ng Setyembre sa GPES, muli na naman namayagpag at nakitaan ng kahusayan sa kanyang pagpupunyagi si Dulotan, sa Quiz Bee Category. Napagwagian niya ang unang puwesto sa nasabing larangan. K-12 Curriculum, bagong daan tungo sa bagong kaalaman

Ang

BALITA

K to 12 Curriculum ng DEPED ay kinapapalooban ng mga mag-aaral mula kindergarten at 12 taon ng pangunahing pangangailangan sa edukasyon ( 6 na taon sa primarya, 4 na taon sa junior higschool at 2 taon ng senior highschool ) upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na mamemorya ang mga konsepto at mga kaalaman na dapat nilang matutunan, mapaunlad ang mahabang proseso ng pag-aaral at maihanda sila para sa kursong nais nilang kunin sa kolehiyo, sa pagtatrabaho at para sa kanilang kinabukasan. Ang nasabing programa ay ipinatutupad upang matugunan ang pangangailangan ng bansa pagdating sa kaalaman ng mga mamamayan upang sila ay maging mas palaban pagdating sa pandaigdigang kompetisyon.

Maligtong

HUNYO-OKTUBRE 2012

HUNYO-OKTUBRE 2012

Ang

Maligtong

BALITA

3

mula sa p.1 Sinimulang ang programa sa isang panalangin na pinamunuan ni Gng. Maria Teresa A. Dulutan, gurong tagapayo ng Baitang II. Nagbigay din ng kanyang pagtanggap na pananalita si Gng. Arlene M. Marasigan, Ulong guro ng paaralan. Naghayag din ng kanyang mensahe ang Pangulo ng samahan na magkakaloob ng biyaya na si Engr. Maynard De Guzman. Nagbigay din ng mensahe ang isang miyembro ng samahan na si Engr. Margarita Vertucio Fernandez na lehitimong taga San Jose. Pagkatapos niyang magsalita, sinimualn na ang pamimigay. Kitangkita ang tuwa sa bawat Kinder na pinagkalooban ng biyaya. Ang samahang nagkaloob ay ang DELTA EPSILON PHI CONFRATERNITY – BATANGAS CHAPTER. Ayon sa kanila, napili ang paaralan ng SJES dahil sa kanilang ginawang survey mula ikatlong klase ng munisipalidad, marami silang pinagbatayan subalit priyoridad nila ang mga lugar na may miyembro ng DEP at medyo bukid, sapagkat malayo ito sa kabihasnan maliit din ang pagkakataon na mahatiran ng tulong. Nagkaroon muna sila ng fund raising project upang makalikom ng pondo na tinawag nilang “ DEP RUN FOR A CAUSE, TAKBO PARA SA KATULUNGAN 2012”, na ginanap noong Mayo 26, 2012 sa Philippine Port Authority Batangas City. Layunin din ng samahan na ipakita ang kabutihang dulot ng kapatiran. Nais nilang patunayan na di pagsinabing “ Fraternity “ ay puro “hazing “ lamang na katulad ng nababasa, naririni at napapanood natin sa dyaryo, radyo at telebisyon. Malayong-malayo sila sa pagkakakilala ng marami sa “fraternity “, sapagkat ang mga miyembro nila ay 90% engineers at ung 10 % ay mga guro, chemists, nurses, doctors, at iba pang propesyonal. Kaya naman disiplinado sila. Ang motto ng samahan ay “ ONCE A DELTAN, ALWAYS A DELTAN AND AS A DELTAN A BROTHER TO ALL “, kaya ganun na lamang sila kapursigidong tumulong.Kaya naman lubos na nagpapasalamat ang ulong guro, mga guro, mga magulang at mga mag-aaral sa paaralan sa mga gamit na kanilang ipinagkaloob. Abegail C. Mendoza

MASUSTANSYANG PAGKAIN : “ READY TO SERVE “

Matapos mapag-alaman ng mga guro ng paaralang SJES, ang dumaraming bilang ng mga batang kulang ang nutrisyon tinatanggap sa arawaraw.Bukod sa Feeding Program na isinasagawa buwan-buwan, umisip sila ng paraan upang malunasan ito, sa pangunguna ng Ulong Guro na si Gng. Arlene M. Marasigan at ang guro ng nutrisyon na si Gng. Nene C. Cortino. Napagpasyahan na magluto ng masustansyang pagkain araw-araw na ready to serve sa mga bata na babayaran nila sa halagang tatlong piso ( Php 3.00 ) o limang piso ( Php 5.00 ). Sa murang halaga na kanilang gagastusin, sigurado naman sila sa sustansyang makukuha nila. Kaugnay ng nasabing programa, natuto ring magluto ang mga guro ng paaralan sapagkat halinhinan silang nagluluto. Sa bawat araw ay may nakatalagang guro na siyang handang magluto ng menu na dapat lutuin sa araw na iyon. Kaya hamon o “ challenge “ sa bawat na makaluto sila ng masarap. Dahil sa programang ito, lahat ay natulungan sa paaralan. Nabigyan ng massustansyang pagkain ang mga bata sa murang halaga. Lalong nahasa ang kaalaman ng mga guro sa larangan ng pagluluto. Naragdagan ang kita ng kantina ng paaralan na malaking tulong upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan nito. Ma. Hazel R. Mendoza

Division School Press Conference, Idinaos Simula Oktubre 8 hanggang 10 matagumpay na idinaos ang Divi-

sion School Press Conference sa Mataas na Kahoy, Lipa, Batangas mula sa iba’t-ibangpaaralan ng distrito ng Batangas. Sinimulan ang programa sa ganap na ika 8:00 ng umaga. Panauhing pandangal dito si Dr. Donato G. Bueno ang ating School Division Superentendent. Pagkatapos makapagsalita at maipaliwanag sa mga bata ang kanilang gagawin ay isa-isa na silang nagpuntahan sa bawat kwartong gagamitin upang masimulan na ang lecture kasunod nito ay mismong paligsahan na sa paggawa at pagguhit ng balita. Sa loob ng dalawang magkasunod na araw ay kailangang makagawa ng mga bata ng kani-kanilang mga balita. Upang higit na masala kung sino ang pinaka mahusay sa larangan ng balitaan. Bawat kategorya ay nilahukan ng humigit kumulang 100 participant Erica Mae S. Peña

Earthquake Drill, Isinakatuparan

Kaugnay ng mga di-inaasahang pangyayari na nagaganap hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo, naglunsad ng isang malawakang paghahanda ng pamahalaan at ang Kagawaran ng Edukasyon upang maging alerto ang bawat isa lalo na ang mga mag-aaral, sakaling dumating ang ganitong sitwasyon. Sabay-sabay na isinagawa sa mga paaralan sa buong bansa ang earthquake drill, Hulyo . Bago ito, nagbigay muna lectures ang mga guro upang malaman ng mga bata ang unang dapat gawin sakaling maramdaman na lumilindol. Kung saan sila tutungo at ano ang gagawin pagkatapos ng lindol. Nang batid na ng mga bata ang lahat, isinagawa na ang earthquake drill. Dahil sa pagkakaisa at disiplina ng mga bata, matagumpay na naisakatuparan ang nasabing gawain. Jonnel M. Dulutan

Pamunuan ng PTA sa San Jose Elementary School Panuruan 20122013: Itinatag Sa pagkakaisa ng mga guro at mga magulang, muling ngkaroon ng halalan upang magkaroon ng panibagong mamamahala sa samahan ng mga guro at magulang kasabay ng pagpapalit ng taon ng panuruan. Narito ang panibagong hanay ng mga opisyales ng samahan: Pangulo : Ireno Macalalad Pang.Pangulo: Santiago Castillo Kalihim : Shiella Pujante Ingat- Yaman : Rosie Pujante Taga- Audit : Ronnie Noche Mary Joy Dulotan Tagapagbatid : Jonna Rom Myrna Bautista Ellen Pacia Florence Lopez Tagapamayapa :Eddie Mendoza Melecio Bautista Felix Macadangdang Sergio Pujante Tagapamahala:Celerina Macalindong Jenny Estor Leona Alvarez Musa : Elenita Villamayor Eskorte : Melecio Bautista

Marian Regatta, Ginunita Gov. Vilma Santos Recto, mga opisyales ng lalawigan ng Batangas at ang mahigit limang libong deboto na dumalo sa Taal Lake Marian Reggata bilang pag-alala sa kaarawan ng Mahal na Birheng Maria, Setyembre 8. Ito ay isinagawa ng apat na oras na prusisyon sa paligid ng Lawa ng Taal na pinamumunuan ni Gov. Vi. Ito ay mayroong 40 na makukulay na bangka na may dalang imahe ng Mahal na Birheng Maria. Inalala rito ang dalawang imahe ng Mahal na Birhen, ang Our Lady of Caysasay at Our Lady of Mediatrix of All Grace. Sa kanyang pananalita pinasalamatan ni Gov. Vi ang Mahal na Birhen sa paggabay sa probinsya at maproteksyunan ang mga tao laban sa mga kalamidad. Ayon pa rin sa kanya, unang pagkakataon na ginanap ito at iniisip na nila na gawin ito ng taon-taon. Pagkatapos ng prusisyon ay nagkaroon naman ng isang misa na pinamumunuan ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa bayan ng San Nicolas. Ayon kay Archbishop Ramon Arguelles, itong prusisyong ito na may temang Taal Lake Maria Reggata ay para sa Kapayapaan, Pamilya, Buhay, sa Kapaligiran at para din sa proteksyon ng puso ng Batangas, ang Lawa ng Taal. Bukod sa mga panalangin at gawaing panrelihiyon ang DepEd at marian Choral Concert ay may malaking papel din sa pagdiriwang. Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ay isinagawa ang Lantern Peace Offering kung saan ay ipinakita ang 300 sky lanters at 10,000.00 floating candle lanterns sa Lawa ng Taal na isinagawa naman ng mga taga DepEd. Ito ay sumisimbolo sa kaligtasan ng mga likas na yaman at ng kapaligiran.

mula sa pahina 1.. K-12 Curriculum sa elementary (Grades 1-6), apat na taon sa Junior High School (Grades 7-10) at dalawang taon sa Senior High School (Grades 11-12). Ang mga batang nagtapos sa Grade 6 ay makatatanggap ng diploma, ganoon din ang mga nagtapos ng Junior High School at isa pang diploma ang matatanggap nila pag sila ay nakatapos ng Senior High school. Naipaliwanag din dito na simula Kinder hanggang Grade 3 ay gagamitin sa pagtuturo ang Mother Tongue-Based Multi Lingual Education (MTB-MLE). Ayon kay Sec. Armin Luistro, mas mabilis matutunan ng mga bata ang aralin kung ito ay ituturo sa kinagisnang salita. Ayon pa rin sa kanya, ang pagbabagong ito ng kurikulum ay nakasentro sa mga bata at hindi sa mga guro. Ipinakita din dito ang mga batayang kasanayan sa bawat aralin. Nagkaroon ng maraming sesyon at sa bawat sesyon ay may nakahandang gawain ang mga guro. Dito ay ipinakita ng mga guro ang kanilang pagiging malikhain, ang kanilang dedikasyon at pagkakaisa upang maging maayos ang kalalabasan ng mga gawaing inaatas sa kanila. Ang limang araw na training ay sapat na upang malaman nila ay tungkol sa K-12 Curriculm.

Bagong Hand washing facility, ipinagawa para sa mga mag-aaral ng San Jose

Nakatanggap muli ng biyaya ang mga mag-aaral ng San Jose ng magkaloob si Mayor Jey Cerrado mula sa local school board ng mga materyales para sa Handwashing facility ng paaralan. Dahil dito, naglunsad ang mga magulang ng isang proyekto upang maipagawa ang nasabing pasilidad. Nagkaroon ng popularity contest na Mr. and Ms. San Jose.

Nakiisa at naging masigasig ang mga magulang kaya nakakalap sila ng pondo para dito. Laking tuwa ng mga bata ng makita at magamit nila ang nasabing pasilidad, kaya naman taus-puso ang pasasalamat nila hindi lamang kay Mayor kundi pati na rin sa mga magulang. Ngayon malaking tulong ang nasabing pasilidad sa kalinisan ng mga mag-aaral sa San Jose.


4

Ang

OPINYON

Maligtong

HUNYO-OKTUBRE 2012

HUNYO-OKTUBRE 2012

Editoryal

Bunga ng teknolohiya at modernisasyon, isang bagong daigdig muli ang nagbukas ng kumunikasyonat interaksyon sa pagitan ng tao. Mula rito masusundan ang daloy at kalakalan ng impormasyon, ugnayan at transportasyonng mga di-mabilang na datos. Kaugnay nito, gaya ng mga bagay na nagbibigay ng mga supistikadong pamumuhay sa totoong mundo, nagbukas rin ito ng pinto sa mga krimeng kasalukuyan kinakaharap ng populasyon. Laganap ang mapanirang komento, libelo, mahahalay na larawan at ponograpiya , mga pagbabanta, mandaraya at marami pang uri ng makapaminsalang gawin. Naging tugon ng tao kasabay ng mga pagbabagong ito. Dulot ng sitwasyong ito, isa sa pinakamalaking isyu na pilit na isinusulong ng panmahalaan ay ang “Crime Prevention Law of 2012” na naglalayong putulin, tukuyin at hulihin ang mga krimeng ito at ang mga tao sa likod nito. Subalit, di lahat ng mamamayan ay naging pabor sa batas na ito, pahayag ng mga kritiko’y mawawalan ng kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at naisin ang mga tao na kung tutuusin ay oo nga’t kalayaang maitututring ay hindi naman buong kinikilala ng batas. Ayon sa teorya ng sosyal control ang mga tao ay may takot sa batas at dahil nito’y mas pinipiling gumawa ng tama. Dahil rito malinaw na ang kailangan ng tao ay batas na magpaparusa at susupil ng epidemya. Isang batas na para sa lahat ng klase ng tao. Samakatuwid, ang “Crime Prevention Law 2012” ang magiging susi sa pagbabago, kailangan lamang ng malinaw na depinisyon at deklarasyon para sa kaunawaan ng bawat isa. Mahalaga ang kapayapaan saan mang sulok ng mundo na may sigalot at kaguluhan. Ang kooperasyon ng bawat tao ay kailangan para sa iyo subalit para sa lahat ng nangangailangan nito. Ang talino at husay ang utak ng pagbabago.

KAILANGAN ay may pinunong magiging halimbawa ng mamamayan. Kapag nakita ng mamamayan na ang pinuno ay tuwid at matapat, gagayahin nila ito. Kapag nakita nilang naglilingkod nang tapat, susunod sila rito. Matututo ang mamamayan sapagkat sumusunod sa batas ang kanilang pinuno. Wala na ang mga “shortcut” na daan para lamang madaling makarating sa paroroonan. Ganito ang ginagawa ngayon ni President Benigno Aquino III. Kailangan daw ay magkaroon ng tapat at tuwid na pinuno para maging halimbawa ng mamamayan. At iyan ay magsisimula sa kanya. Sisikapin daw niyang mabuti sa pamumuno at hindi sasayangin ang ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mamamayan. Sisiguruhin daw niyang ang adhikain ng kanyang mga kasama sa Gabinete ay kapareho rin ng sa kanya kaya silang lahat ay magiging mabuting halimbawa. Unang ipinakita ni Noynoy ang pagbibigay ng halimbawa nang huminto ang kanyang sasak-yan nang mag-red ang ilaw sa traffic habang patungo sa Malacañang galing sa kanyang tirahan sa Times St. Sa halip na mag-short cut, nagdaan si Noynoy sa karaniwang dinadaanan ng mga sasakyan. Ito ay upang maipakita na sumusunod siya sa batas. Sa talumpati pa ni Noynoy ay inu¬pakan niya ang mga naghahari-harian sa kalsada na gumagamit ng wangwang at blinkers para lamang makalusot sa trapik.

Maligtong

Ang

Irinealyn M. Socorro Editor –in-Chief

Editorial Staff Realyn C. Ramirez News Editor Ma. Hazel R. Mendoza Literary Editor

Abegail C. Mendoza Associate Editor Ericka Mae S. Peña Feature Editor

Claire Trisha P. Caringal Managing Editor

Edison S. Valdez Sports Editor Jonnel M. Dulutan Cartoonist

Contributors Jovelyn D. Castillo Sherly Mae B. Alvarez Andrea D. Salagubang Nene C. Cortino Adviser

Jesse Aerel M. Villamayor Ashley Jeremiah R. Magsino Arlene M. Marasigan Head Teacher-III

Rosemer N. Pujante Rona Mae D. Bautista Emiliano A. Bathan Rosalia C. Mendoza Adviser

Maligtong

OPINYON

5

Basura, Iwaksi

Sakit ng Teknolohiya, Cybercrime Law sagot ba?

Magpakita ng halimbawa

Ang

Pahina

Abegail C. Mendoza

Kahapon, sinimulan nang baklasin ang mga wangwang sa mga pribadong sasakyan. Pagpapakita ng mabuting halimbawa ang magtutuwid sa mga likulikong ginagawa. Sabi rin niya, hindi puwede ang “puwede na” pagdating sa mga pagpapagawa ng kalsada at mga tulay. Kailangan ay maging mahusay ang mga proyekto at nang mapakinabangan nang husto ng mga mamamayan.Hindi pupuwede ang baluktot na gawain. Hindi na puwede ang shortcut. Nararapat maging halimbawa. Nakatatak na ang mga pangakong ito ni Noynoy.

Liham sa Patnugot

Mahal kong Patnugot,

Kami, bilang mag-aaral ng Mababang Paaralan ng San Jose ay lubos na nalulungkot sa kasalukuyang nararanasan ng ating barangay. Ang patuloy na pagputol sa mga puno sa kabundukan na nagbubunga ng pagbaha at pagguho ng ilang bahagi ng bundok ay tunay na ikinababahala ng maraming resedente dito sa barangay. Kami po ay humihingi ng tulong sa inyo bilang kayo ang Editorin-Chief na sumangguni sa mga kaguruan ng Mababang Paaralan ng San Jose na magkaroon ng pagpupulong at pag-aaral upang masolusyunan ang ganitong problema sa ating barangay. Kung patuloy pa din ang pagkakaingin at pag-uuling sa kabundukan maaring maulit ng maraming beses ang ganitong sakuna.

Irinealyn M. Socorro

Irinealyn, Ikinagagalak ko ang iyong pagsulat sa akin upang ipaabot ang iyong mensahe. Umasa ka na ito ay makakarating sa mga kaguruan ng Mababang Paaralan ng San Jose. Isasakatuparan din namin ang lahat ng ito sa tulong ng mga resedente dito upang masolusyunan ang ganitong problema. Patnugot

Kahit modern na ang paraan ng paghahakot ng basura, nagkakaproblema pa rin sa basura. Wari bang hindi makaagapay ang bilang ng mga trak na panghakot ng basura sa dami ng dapat hakutin. Pati kung saan itatapon ang mga nahakot na basura ay nagiging problema rin kung magkaminsan. Minsan na ngang naging ugat ito ng di-pagkakaunawaan ng ilang pinuno ng bayan dahil sa pagtutol nilang papasukin sa kanilang bayan ang mga trak ng basura upang doon itambak ang mga nahakot na basura. Kapag ganitong katatapos lamang ng holiday season, tiyak na santambak na naman ang dapat hakuting basura. Hindi naman pwedeng pabayaan na lamang itong hindi mahakot at madala sa mga tambakan ng basura o mga sanitary landfill. Dahil bukod sa talaga namang pangit sa paningin at masakit sa ilong, maraming purwisyong dulot ng nagkalat na basura. Nagtataka ka ba kung bakit ngayon, kahit sandaling buhos lang ng ulan ay agad na nagbabaha? Iyan ay dahil sa basura pa rin. Wala ng pagdaluyan ang tubig- ulan sa kanal at mga estero dahil sa mga nakabarang basura. Dapat ay sa mga estero, kanal at imburnal umaagos ang tubig-ulan patungo sa mga ilog. Ngunit dahil puno ng basura ang mga lagusan ng tubig, nakukulong ang mga tubig-ulan sa kalsada. Ang resulta: baha. Sa halip na isa, nagiging dalawa ngayon ang problema: basura at baha. Hindi naman pwedeng ipagwalang bahala ito. Sapagkat ang basura ay pinagmumulan din ng iba’t-ibang uri ng sakit. Ang mga basurahan ay pinamumugaran ng mga ipis, lamok, langaw, daga at iba pang mga hayop na nagdadala ng sakit. Maraming mikrobyo ang nakukuha ng mga insekto’t hayop na ito mula sa basura. Nakukuha naman natin ang mga sakit na ito kung tayo ay nakakakain ng mga pagkaing dinapuan ng mga insektong ito. Ilan sa mga sakit na ito ay ang kolera, disenterya, tipus, malaria at iba’tibang uri ng sakit sa balat tulad ng galis. Anu-ano naman kayang hakbang ang ginagawa ng pamahalaan upang malutas ang suliraning ito tungkol sa basura? Ang pamahalaan ay nagtatag ng isang ahensya upang siyang mamahala sa pangungulekta ng mga basura. Ito ay ang Environmental Sanitation Center. Sa bawat munisipyo ay may sangay nito upang matiyak na tama at regular na nahahakot ang mga basura. May mga batas ding ipinalabas ang pamahalaan na nagbabawal sapagtatapon ng basura sa mga bangketa, imburnal at publikong lugar. Ang sinumang mahuling lumalabag sa mga kautusang ito ay pinagmumulta o di kaya nama’y ikinukulong. Subalit higit sa lahat, kailangan ng pamahalaan ang tulong ng bawat mamamayan upang maiwasan ang pagkakalat ng basura. Kailangan na ang disiplina ay magsimula sa bawat isa sa atin. Sa ating tahanan, maglaan ng sariling basurahan. Hintayin ang pagdaan ng trak ng basura at huwag kung saan-saan na lamang itinatapon ang basura. Karaniwan may mga itinakdang araw sa ating mga lugar para sa paghahakot ng basura. Napakainam din kung mapapanatili nating laging malinis ang ating paligid upang hindi ito pamugaran ng daga’t insekto . Panatilihin din nating malinis ang mga kalsada, kanal, estero at mga imburnal. Huwag nating tapunan ng basura ang mga ito. Ang mga basurang itinatapon natin sa mga ito ay maaring magbalik muli sa atin kapag bumaha. Nasa ating pagtutulungan ang kalutasan ng problema sa basura.

Butil ng Biyaya

Ang pag - ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag - ibig ay mapagbata,mapagtiwala, puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas.

-I Corinto 13: 4-7

ABATAAN

IG NG K NTING TIN

MU

ayo ng ang pagpapat an ar p tu ka sa po ito lamat po nai aking tulong al m , n la ra Maraming sa aa p g facility sa bata. Handwashin isan ng mga lin ka g an ili at an ap upang m

sa Provincial in na lalahok am n ro la la ok Batangas ga man omplex, Bolb C s Gudluck sa m rt o p S anapin sa alya... Meet na gag g gintong med an yo n i w iu City. Nawa’y wid ng akan sa pagta aw h g n ay g la o, salamat ng ang pagla kakaroon nit ag p sa Malaking tulo a n an ang saku tulay. Maiiwas akit... pagmamalas po sa inyong a pamahaat sa lokal n o d ra er C y a, napaky Mayor Ja a sa mga bat ar p t la Salamat po ka ak a g g mga magibigay ng m kakayahan n g an laan sa pagb g an in o upang mal unawa. ainam po nit ng may pag a as b ag p sa aaral


6

Ang

Maligtong

HUNYO-OKTUBRE 2012

Ang

Maligtong

District Schools 2012 Press Conference

1st Place Editorial Cartooning Filipino Irinealyn M. Socorro

7


8 LATHALAIN

Ang

Maligtong

HUNYO-OKTUBRE 2012

HUNYO-OKTUBRE 2012

Isang Punongkahoy Kung tatanawin mo sa malayong pook, ako’y tila isang nakadipang kurus; sa napakatagal na pagkakaluhod, parang ang paa ng Diyos. Organo sa loob ng isang simbahan ay nananalangin sa kapighatian, habang ang kandila ng sariling buhay magdamag na tanod sa aking libingan. Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo’t magdamag na nagtutumangis; sa mga sanga ko ay nangakasabit ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; at saka ang buwang tila nagdarasal, ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating, natuyo, namatay sa sariling aliw. Naging kurus ako ng pagsuyong laing at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

LATHALAIN

Ang pinakamatandang unibersidad para sa mga babae ay ang Centro Escolar University.

Aurora ang tanging probinsya sa Pilipinas na ipinangalan sunod sa first lady.

Bagumbayan ang orihinal na pangalan ng Luneta park.

Mi Ultimo Adios ang tulang Filipino na may pinakamaraming pagsasalin sa ibang wika. Sunod ang Pilipinas sa Estados Unidos sa pagkakaroon ng may pinakamaraming boy scouts.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, panakip sa aking namumutlang mukha! Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa. At iyong isiping nang nagdaang araw, isang kahoy akong malago’t malabay. Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan, dahon ko’y ginawang korona sa hukay!

Ang Tsinelas

Maligtong

alam mo ba?

Ang mga kampana sa tuwing orasyon, nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon, batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa lawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan. Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig. Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela. Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. “Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka. “Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

Ang

Ang pinakamalaking buwaya na nahuli sa Pilipinas ay matatagpuan sa Laguna de bay.

Joke Time!!! English-Tagalog Translations Punctuation - pera para maka-enrol Ice Buko - nagtatanong kung ayos na ang buhok Tenacious - sapatos na pang tennis Calculator - tawagan kita mamaya Protestant - Tindahan ng prutas Statue - Ikaw ba yan? Tissue - Ikaw nga! Aspect - Pantusok o pandurog ng yelo City - Bago mag-utso; A number to follow 6 Cattle - Doon nakatila ang Hali at Leyna It Depends - Kainin mo ang bakod Shampoo - Bago mag-labing-isha (11) Profit - Patunayan mo

Pare1: pare parang malalim iniisip mo? Pare2: nanaginip ako kagabi. kasama ko 50 contestants ng ms.universe Pare1: suwerte mo ano problema mo? Pare2: pare ako ang nanalo!!! Human brain is the most outstanding thing... It functions 24 hours and 365 days... It functions right from the time we were born... & it only stops when,..... we take EXAMS. Ü

HANAPIN ANG NAIIBA

9


10 LATHALAIN

Ang

Maligtong

HUNYO-OKTUBRE 2012

Sports Editorial

Gangnam style, flavor of the month

Ang

Maligtong

Mga Larong Pangkabataang Pilipino Noon at Ngayon, Saan Ba Kayo Mas Sumasangayon?

Noong bata pa ako at Magnolia Ice Cream ang pinakapopular na brand, buwanbuwan ay naglalabas ang brand ng “flavor of the month,” isang bagong ice cream combination. Sa gay lingo, ang ibig sabihin ng “flavor of the month” ay paborito, apple of the eyes, pinagkakatangi dahil angat sa iba nitong kahanay, kahit pa nga temporal lang ang interes. Ang “Gangnam Style” ay isang pop song ni Psy, isang Koreanong musikero, medyo nakakatanda kumpara sa iba pa nitong kahanay na buffed na mga kabataang lalake at sexy na mga babae ng K-pop generation. Penomenal ang hit simula ng i-release ang kanta noong 12 Hulyo, nag-top ito sa charts sa Korea. At sa loob lang ng 28 Setyembre 2012 sa video nito sa YouTube, may 307.8 million ulit itong napanood, at sinasabing ito ang “most liked video in YouTube history.” Ang Gangnam ay isang distrito sa Seoul na kilala bilang high-end, kaya ang “Gangnam Style” ay sinasabing pagkopya ng mga taga-labas sa snooty at fashionable sense at lifestyle ng mga taga-distrito. Pakutya ito hindi sa mga taga-loob na hindi nga ginagamit ang stilo para ipamukha ang kanilang karangyaan, pero sa mga wanna-be at uppity quality ng mga nasa labas na nais pumaloob. Kung gayon, ang kinukutya ay hindi ang gahum na uri kundi ang aspekto ng hegemoniya na katulong sa pagpapataas ng turing sa mataas na kultura at lagay-pangekonomiya. Kaya sa maraming tumunghay sa video at naging bahagi ng virtual na tagumpay nito (sinasabing dahil wala raw copyright ang kanta kaya namayagpag ito sa internet, twineet ng maraming celebrity, at nagkaroon nang mas marami pang bersyon lampas sa “Call Me Maybe” ni Carly Rae Jepsen) ay dahil ang pagkutya ay sa sarili nilang mataas na uring aspirasyon. Novelty ang kanta na dance electronica; novelty ang singer-producer nito dahil may edad kaysa karaniwang natutunghayan sa K-pop; novelty ang video dahil exaherado ang costume, makeup, props, at eksena; novelty ang dance moves dahil parang kalaha-

HUNYO-OKTUBRE 2012

ting nangangabayo’t kalahating rumarampa. At ito ang problema sa novelty—umaangat dahil nagtatangka naman talagang umangat at maiba kahit hindi naman talaga natatangi. Nag-take ng risk ang singer at nagtagumpay ito kumpara sa libo-libong novelty songs at performances na hindi napapansin ng virtual na mundo. Sa katunayan, si Psy ay contract artist na ng Schoolboy Records ni Scooter Braun, ang discoverer ni Justin Bieber na isa pang internet success. Nagtagumpay si Psy at ang kanyang awit dahil paratihan namang naghahanap ang mundo, sa partikular, ang U.S. ng bagong pagkakalibangan. Macarena ito ng nauna, naging Papaya, at ngayon nga, itong “Gangnam Style,” pawang mga multicultural na produktong na-import ng U.S. at inakda bilang flavor of the month na libre, may kolektibong formasyon, nakakatuwang gawain, katuwatuwang pagtatawa sa sarili. Politikal din dahil kung hindi ako nagkakamali, ang unang dala-

wang sayaw ay ginamit sa Republican at Democratic conventions ng U.S., at dahil election year na naman sa U.S. ng 2012, interesante kung maitatampok din ang “Gangnam Style.” Ang U.S. ang umaakda ng “flavor of the month” ng mundo sa napakaraming pagkakataon. Itong “Gangnam Style,” halimbawa, 47 porsyento ng nakapanood sa YouTube ay galing sa U.S., o kalahati ng populasyon ng bansang ito. U.S. ang nag-ooverdetermine ng popular culture ng mundo. Malinaw ito sa “Gangnam Style” na kahit K-pop ito ay U.S. ang nag-angat sa estado ng global na kulturang popular. Ang kakatwa sa pagkaangat na ito, hindi para sa lantarang kita ang global na interes kundi sa paglikha ng popular na imahinaryong komunidad. Ito naman ang ehersisyo ng liberal na demokrasya ng U.S. bilang hegemon sa mga formasyon ng bansa: na taumbayang may internet ang nakakapagdikta ng produkto at kalakaran ng pagtangkilik—na lohikal na extensyon din sa konsumeristang kul-

tura. Ang pagkakahalintulad ng “Gangnam Style” sa bagong labas na I-phone 5, halimbawa, ay ang novelty ng bago kaya tatangkilikin dahil may naunang historikal at material na orkestrasyon hatid ng brand na Apple at K-pop. Narito ang “Gangnam Style” na paalaala rin sa atin na ang flavor of the month ay madaling lumipas sa kapitalismong inheriko ang kultura ng obsolescence, kaya ito ay fluke na rin, tulad ng mga naunang usong sayaw, hanggang sa makahanap ng susunod na flavor of the month. At magsisimula na naman ang panibagong siklo na hindi muli babalik sa kanyang pinagmulan dahil may misrekognisyon ang individual na bago muli ang kanyang papaboran sa hinaharap.

Tumbang preso, patintero, tagu-tagoan at luksong tinik. Ito’y iilan lamang sa mga larong nilalaro ng mga kabataang Pilipino. Ngunit dahil sa mga umuunlad nating teknolohiya ay unti-unti nang kumakaunti nag mga naglalaro nito. Bakit nga bang kailangan nating mabahala sa unti-unting pagkawala ng mga larong-Pinoy? Lahat ng mga larong-Pinoy ay nangangailangan ng malakas na pangangatawan, isip, liksi at bilis kaya naman ito’y magandang halimbawa ng ehersisyo hindi lamang sa pisikal nating pangangatawan kun’di sa mental rin nating kalusugan. Ang mga batang nasa panahon ng kalakasan lalo na ang mga batang may edad na apat na taon pataas ay nangangailangan ng napakalaking halaga ng ehersisyo upang mas lumakas ang kanilang mga buto at pangangatawan habang sila’y tumatanda pa. Nakatutulong rin ang paglalaro sa pagpapatibay ng resistensya at pag-iwas sa mga sakit tulad ng hika, ubo, sipon, lagnat, trangkaso at LBM. Siyempre naman ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tamang pagkain. Hindi tulad ng ibang mga laro tulad ng golf, badminton, bowling at iba pang sports, ang mga larongPinoy ay hindi na kailangang gumastos pa upang ito’y malaro. Halimbawa ay ang patintero kung saan ay kailangan lamang ng mga guhit sa sahig at ang tumbang preso na nangangailangan lamang ng isang lata at tsinelas. Sadyang napakamalikhain talaga ang mga Pilipino kaya naman marapat lang nating ipagmalaki an gating mga larong-Pinoy, ngunit bakit nga ba kumakaunti nalang ang mga naglalaro nito? Kasalanan din ba natin ito? Noon wala pang washing machine, vacuum cleaner, cooking stove at dry cleaner na tumutulong sa paglinis ng ating mga tahanan. Lahat ng mga paglilinis noon ay sarili nating ginagawa tulad ng pagwawalis, pagiigib ng tubig, paglalaba at pagsisibak ng kahoy upang magamit sa pagluluto. Dahil mas sumisimple na ang mga gawain nating mga tao. Marami na sa mga kabataan ang nalululong sa mga kalayawan at halos hindi na maiwasang pansariling kagustuhan. At dahil napakadali nang tapusin ang mga gawain ay mas tumataas na rin ang mga panahong walang magawa ang mga tao kung wala na talaga ay iiwasan nalang ang pagkabagot sa pamamagitan ng paglalaro. Paglalaro lalung lalo na sa paggamit ng kompyuter, isang makabagong teknolohiya sa panahon ngayon. Ang mga usong laro tulad ng Angry Birds, DotA, Farmville, Cityville at Gamehouse games ang mga iilan sa mga kinawiwilihang laruin ng mga kabataan ngayon. Kailangan mo lang umupo at gamitin ang iyong mga kamay upang makapaglaro nito. Maaari ka ring humanap at magkaroon ng kaibigan sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng social sites tulad ng Facebook at Twitter. Sa umuunlad nating pamumuhay at gawain, halos lahat na ng mga ginagawa ng tao ay pinapatakbo na ng kompyuter at halos lahat ng tao ay dumedepende nalang sa paggamit ng kompyuter, ngunit alam naman nating ang lahat ng pag-unlad at pagkasira ay kagagawan naman nating mga tao na lumikha ng mga bagay na ito. Sabi nga nila, sa lahat ng sarap ay may magbubungang hirap. Bagama’t napakadali lang ang paglalaro gamit ang teknolohiya kaysa sa mga larong kailangang gumamit ng pisikal na lakas lalo na ang larong-Pinoy, alam naman nating mas marami parin ang maidudulot na mabuti kung maglalaro tayo ng mga larong-Pinoy. Una ay sa kalusugan. Kung maglalaro tayo gamit ang kompyuter, hindi lalakas ang ating mga katawan kung hindi ito’y hihina pa dahil sa napakalakas na radiation nating matatanggap. Maaari din itong magdulot ng pagkabulag at hindi maiwasang panginginig ng katawan. Malaki rin ang maitutulong ng mga larong-Pinoy sa paghulma ng sariling personalidad at pakikitungo sa kapwa. Mas bumubuti kasi ang pakikitungo kung personal nating nakakasama ang ating mga kalaro. Ang paglalaro din ang isang paraan upang makahanap ng iba’t ibang kaibigan na tumutulong sa paghulma ng atin mga ugali. Hindi tulad ng paggamit ng social sites, ang personal na pakikipagkaibigan ay mas nakatutulong upang masanay tayong makipagsalamuha sa iba’t ibang uri ng mga tao at upang mas makilala din natin sila. May mga uri din ng teknolohiya na nakatutulong upang palakasin ang katawan ngunit kailangan lang talaga ng sapat na salapi at kung gamot naman ay tamang preskripsyon ang kailangan. Sa kabuuan ay kailangan rin naman talaga natin ang teknolohiya ngayon at ang mga larong-Pinoy noon na tinatangkilik rin naman hanggang ngayon. Hindi din naman natin maiiwasan ang paglaro ng mga makabagong laro ngayon kaya ang pinakamahalaga lamang sa lahat ay ang respeto sa sarili, tamang pagpipigil at matalas na pag-iintindi.

SPORTS

11

Labanan ng Gamgamba

Kagaya ng ibang tunggalian, depende sa tao ang mga rules ng laban ng gagamba. Ang pinaka-basic rule ay panalo ang gagambang makakabilot sa kalaban nito gamit ang sapot mula sa puwitan nila. Sa isang stick ng kahoy (karaniwan ay tingting) ang fighting arena. Mayroon din namang gumagawa ng mga paglalabanan ng gagamba gaya ng mapapanood sa video. Sinasabing “napatisan” ang isang gagamba kapag nakagat ito sa paa ng kalaban at lumabas ang likidong galing sa katawan na kulay patis. Hindi laging mabibilot ang isang gagamba dahil may mga gagambang “pipitikin” lang ang nakaharang sa dadaanan nila sa stick. Isa ito sa dahilan kaya dapat ay mahaba ang paa ng gagamba mo. Mayroon namang kapag nagpambuno na ang dalawang gagamba, kakapit sila sa isang strand ng bagting/sapot. Ang gagawin ng isang gagamba, puputulin niya ang kinakapitang bagting/sapot ng kalaban niya para mahulog ito. Karaniwan, ang mahulog o mapitik ng dalawang beses ay talo sa laban. May mga naglalaban na for fun lamang subalit para hindi masayang ang effort sa panunulo, di maiiwasan ang magpustahan sa laban. Ang iba naman, imbis na magsugal, binebenta na lamang nila ang mga nahuhuling gagamba sa ibang lugar. Kailangang maingat ka sa paghawak sa gagamba mo. Baka kasi mabalian o maputulan ito ng paa. Makikita nating hinihipan ng may-ari ang gagamba niya kung gusto niya itong tumigil sa pagkilos. Di ko alam kung bakit. Siguro ay nababahuan sa hininga kaya di na makakilos o kaya naman ay instinct ng gagamba na huwag gumalaw kapag lumalakas ang hangin. Kapag nais namang palabasin sa bahay, maingat na pinipitik ng may-ari ang ilalim ng lalagyan ng gagamba. Mayron din namang gumagawa ng parang kutsara para maingat na mailabas ang panlaban. May mga mapamahiin na manlalaro na ayaw nilang ipakain sa kanilang nanalong gagamba ang nabilot na kalaban. Malas daw yun. Ang pinapakain na lamang nila ay mga langaw.

Treadmill

Ang treadmill (bigkas: /tred-mil/), literal na “hakbangang-kabyawan”, ay isang katawagan sa Ingles para sa isang makinang pangehersisyo na ginagamit para sa pagtakbo o paglakad habang nananatili sa isang lugar. Ang salitang tread- m i l l ay tradisyunal na tumutukoy sa isang uri ng kabyaw o kabyawan na pinapaandar ng isang tao o hayop na humakbang sa mga baytang ng isang gulong upang gumiling ng mga butil. Nagbibigay ang makina ng isang umaandar na plataporma o batalan na may isang malapad n a sinturong kumbey or at isang dekuryenteng motor o isang bolante (flywheel). Gum a galaw ang sinturon papunta sa likod upang hayaan ang isang tao na lumakad o tumakbo ng isang katumbas, at talagang kailangang kabaligtad, na belosidad. Ang antas ng bilis ng andar ng sinturon ay ang antas ng paglakad o pagtakbo. Kaya’t ang tulin ng pagtakbo ay maaaring kontrolin at sukatin. Ang m a s mamahalin at may matitibay na mga bersyon ng hakbangan-kabyawan ay pinaaandar ng motor (karaniwan na ng isang dekuryenteng mot o r ) . Ang mas payak, mas magaan, at mas murang mga ber- s y o n ay hindi pakontra ang galaw, sapagkat gumagalaw

lamang ang makinang pangehersisyo kapag itinutulak ng naglalakad ang sinturon sa pamamagitan ng kanilang mga paa. Ang ganitong payak na mga makina ay tinatawag na mga “manual treadmill”, sapagkat ang hakbangang-kabyawan ay ginagamitan ng lakas ng tao.


Mga Manlalaro ng San Jose, Matagumpay na naidaos ang District Athletic Meet sa Putol, Tuy, Batangas, ganap na ika 7:00 ng umaga, Setyembre 27-28 na Namayagpag sa Palarong nilahukan ng mga manlalaro mula sa iba’t-ibang paaralan ng Tuy. Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang parada na nilahukan ng DepEd Family sa pangunguna ng Ama ng Distrito, Dr. Rolando G. Alegre, sinundan Pandistrito

ito ng isang palatuntunan sa Tuy Covered Court. Nagbigay ng kanya-kanyang mensahe, ang district PESS Coordinator na si Ma’am Lucila Rodriguez, Dr. Rolando Alegre at kagalang-galang Mayor Jay Cerrado. Bumisita at nagbigay pugay din sa nasabing pagdiriwang si Bokal Rosales, kasunod nito nagpasiklaban sa kanya-kanyang yells ang bawat manlalaro bilang pagkilala ng kanilang mga paaralan. Nagpatalbugan naman sa pagrampa ang mga kandidatong musa ng bawat paaralan.Nagwagi bilang mutya at kakatawan sa nalalapit na Provincial Meet ang pambato ng Bolbok National High School. Sumunod naman ang pagtataas ng watawat at pagpapalipad ng lobo ng mga punong-guro kasama ang kanilang PTA President at kapitan ng Barangay bilang hudyat ng pagsisimula ng laro. Iba’t-ibang kategorya amg pinaglabanan ng mga manlalaro na puspusang nag-insayo upang makamit ang panalo.Lumahok dito ang mga bata ng Mababang Paaralan ng San Jose na sina Rosemer Pujante bilang kandidata ng musa ng nasabing paaralan, Abegail Mendoza, Angelica De los Reyes, Jenny Castillo, Juanna Salazar, Ma. Hazel Mendoza, Christian De Leola, Derwin Cortino, Ronald Orence Jesse Aerel Villamayor at Jimuel Pujante.Namayagpag dito sina Jimuel Pujante na nasungkit ang unang pwesto sa larangan ng Chess at Juanna Salazar sa unang pwesto din sa larangan naman ng takbuhan. Sa loob ng dalawang araw na pagtatagisan ng husay at galing, pinatunayan ng mga manlalaro ang kanilang talento sa larangan ng isports. Tumanggap ng pagkilala at medalya ang mga nanalong manlalaro na siya ring kakatawan sa nalalapit na Provincial Athletic Meet. Masasabing matagumpay at patas ang ginanap na palarong pandistrito. Edison S. Valdez

Ang

Maligtong

ISports

PH Azkals, wagi sa Singapore

Itinala ng Philippine Azkals national men’s football team ang isang makasaysayang panalo sa isang opisyal na torneo ng FIFA sa pagpapalasap ng kabiguan sa sariling tahanan ng Singapore, 2-0, noong Biyernes ng gabi. Mismong sa harap ng nagkakatuwaang komunidad ng Filipino na binubuo ng OFW’s nagawang itakas ng PH XI ang dalawang importanteng goal sa pamamagitan ng pagsalpak ni team captain Chieffy Caligdong sa ika-8 minuto bago sinundan ni Phil Younghusband sa ika-49 minuto. Ang panalo ang unang tagumpay ng Pilipinas sa loob ng kabuuang siyam na laban kontra Singapore sapol noong taong 1991. Matatandaan na humantong sa draw ang laban ng Singapore at Filipinos sa kanilang huling paghaharap noong nakaraang taon sa 2010 ASEAN Football Federation Suzuki Cup na nagpasimula sa pagtuntong ng Azkals’ sa semifinals ng torneo. Naipaghiganti din ng Pilipinas ang masaklap na 0-2 kabiguan kontra Singapore sa ginanap na friendly match sa tinaguriang Lion City noong Oktubre. Muling makakasagupa ng Azkals ang Singapore sa Cebu sa Nobyembre bago magtungo sa Thailand para sa isasagawang 2012 Suzuki Cup kung saan asam ng koponan na malampasan ang naabot na semifinals may dalawang taon na ang nakalilipas. Sinandigan ng Azkals ang pagbabalik ni Filipino-German midfielder Stephan Schrock na siyang nagtulak sa goals ng matagal na sa pambansang koponan na sina Caligdong at Younghusband. Si Schrock, nakapaglaro para sa Bundesliga first division squad na TSG 1899 Hoffenheim, ang halos naging tulay ng Azkals sa buong laro. Samantala, muling pinangalanan ng Philippine Football Federation ang apat na bansang torneo na tampok ang Philippine national men’s football team sa Setyembre na Philippine Football Peace Cup. Ang torneo ay orihinal na ipinangalanan na Paulino Alcantara Peace Cup, bilang pagkilala sa Filipino-Spanish mestizo na nakilala sa paglalaro sa FC Barcelona may apat na dekada na ang nakalipas. Binago ng PFF ang pangalan ng torneo sa utos ng Philippine Sports Commission na siyang nangangasiwa sa Rizal Football Stadium kung saan ay may kautusan dito na ang mga aktibidad ay hindi maaaring ipangalan sa isang indibidwal.

Ang Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Elementarya ng San Jose

Unfair’ calls in ADMU-UST game?

MANILA, Philippines University of Santo Tomas Growling Tigers head coach Pido Jarencio is known by sports media and spectators to be a colorful character. After a win, he usually steps in the press room with a booming voice and his trademark line: “Nakachamba na naman kami!” (We got lucky again!) But on Saturday, October 6, at the MOA Arena, his tone was serious. “Di naman patas yung laban, ano ba yan. Unfair naman sa amin. Dahil UST lang ba kami, ganon ang tawagan?” the coach told media, referring to calls that he said affected the result of the first Finals game between his squad and the four-peat Ateneo Blue Eagles. (The game wasn’t called fairly. It’s unfair to us. Is it because we’re from UST that the referees called the game that way?) The Eagles won 83-78 in the first of the best of three series, to lead 1-0. Crucial calls He said that never in his years as a collegiate coach has he vented out against game officiating. This

Tuy District, Batangas Province, Region IV - A CALABARZON

time, he said he took offense. “Binigyan namin ng magandang laban ang Ateneo. Pero wag naman ganun. Sa atin lang, parehas naman tayo lumaban,” he said. (We gave Ateneo a good fight. We both gave a good fight.) With around 2:30 left in the game, UST’s Karim Abdul and Kevin Ferrer had 4 fouls to their name. With over 30 seconds left in the game, star center Abdul was called for his 5th and final foul making Jarencio furious. UST was down 3 points. In the next play, Ateneo’s Kiefer Ravena made the final basket of the game. Jarencio also lamented and end-game call on a Jeric Teng basket. “Eh tumawag kayo ng foul kay Teng eh, ‘di tatlong free throw yun, pa-free-throw-in niyo, kahit walang oras. Tapusin natin ng maayos lahat. Eh ba’t guilty sila? Ayaw nila tapusin.” (You called a foul on Teng’s shot, so let him shoot free throws even if there’s no time left. Let’s end the game right. Why are they guilty? They didn’t want to finish it.) Teng also questioned the decision a few hours after their loss to Ateneo.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.