G I IN R A
B
?
o o k k aa
a s g i n g i i T n i y a r g i b g a a P k a M p a r i H
talaan talaan ng ng mga mga nilalaman nilalaman
2 - Pangunahing Salita 3 - Introduksyon sa mga PWDs 4 - Ang Kapansanan sa Pandinig 5 - Rinig ba ako? 78 - Usad sa Tahimik na Karera 12 10 - Mga Sanggunian
pangunahing salita
n g i e R
Ang mga magasin ay karaniwang nababasa ng mga tao para sa sarili nilang kasiyahan, para sa pag-alam ng kasalukuyang balita, o kaya pampalipas lamang ng oras. Ngunit ngayon, ang hinandog naming babasahin ay hindi lamang karaniwan na magasin. Subalit ito'y kawili-wili, nakakaengganyo, at nakakabigay-kaalaman padin, hindi mo makikita ang nilalaman ng edisyon na ito sa kung saan-saan lamang. Ang magasin na ito ay ginawa para sa ating mga kapwa na tinatawag na hard of hearing, o may kapansanan sa pandinig. Ngunit sila'y tinuturing na sagabal sa lipunan. Nandito kami para ipaalala na hindi ito ang kaso. Kahit maraming bagay ang nagkakaiba sa'tin, ang mga pagkakaiba na ito ay ang mga dapat isigaw at ipagmalaki sa mundo. Ito ang kumakatawan sa pagsusulat na ito. Narito kami para ipataas ang aming mga kapatid sa liwanag, at ipakita sa lahat ang mga kakayahan nila. Ang nilalaman ng magasin na ito ay pagsusulat na galing sa aming mga puso, kaya inaasahan naming maiisapuso niyo rin.
Max
- group 5
i h s Jo 2
Beren
ice
PWD
Ang taong may kapansanan o PWD ay isang taong may pisikal, mental, o emosyonal na kondisyon na pumipigil sa kanya na mamuhay ng sosyal/functional na buhay na itinuturing na normal para sa kanilang mga kapantay.
A n g K a n il
s a n i p i l i P a s y a g a ang L
Bilang mga mamimili, ang mga Pilipinong PWD ay binibigyan ng mga karapatan, benepisyo at mga pribilehiyo sa ilalim ng Republic Act 7277 o mas kilala bilang Magna Carta for Persons with Disabilities na sinususugan ng RA 9442 at RA 10754 noong 2007 at 2016.
Tinatantya ng World Health Organization (WHO) na 15% ng populasyon ng alinmang bansa ay may ilang uri ng kapansanan. Sa Pilipinas sa taong 2022, ang bilang na iyon ay higit sa 17 milyong Pilipino.
3
N A N A S N A P A K G I N I D N A P A S Ang karaniwang impresyon sa isang kapansanan sa pandinig ay ang ideya na hindi sila makarinig mula sa magkabilang tainga, ngunit ang katotohanan ay maraming klase pa ng uri ng kapansanan sa pandinig. Kapag ang anumang bahagi ng tainga o auditory (hearing) system ay hindi gumagana sa karaniwang paraan, ito ay kadalasang dahilan sa pagkawala ng pandinig.
4
RINIG RINIG RINIG RINIG TINIG NI REIGN LARRAQUEL
Mula sa aming grupo ay isang miyembro ng Deaf community. Siya si Reign Larraquel, isang estudyante mula sa De La Salle University na kumukuha ng programang BS Computer Science major in Software Technology. Siya ay pinanganak na walang pandinig sa kanang tainga at nabubuhay bilang PWD nang 19 na taon. Ang pagkawalan ng kanyang pandinig ay Congenital at Unilateral.
Congenital o Acquired/Delayed Onset Ang pagkawala ng pandinig ay naroroon sa kapanganakan (congenital) o lumilitaw sa ibang pagkakataon sa buhay (acquired/delayed onset).
Unilateral o Bilateral
Dyagnosis “Ilang beses ko nang naranasan na lumapit sa doktor upang malaman ang sitwasyon ng aking pandinig simula noong nalaman ko na wala akong pandinig sa kanang tainga...” (Tinuloy sa p. 6)
5
Pagkawala ng pandinig sa isang tainga (unilateral) o magkabilang tainga (bilateral).
BA
AK
?
O
“... Ang unang dyagnosis saakin noon ay mayroon akong kakaunting pandinig kaya ilang taon ako nagsuot ng hearing aids, ngunit sa katotohanan ay tuluyan akong walang naririnig sa aking kanang tainga at nanghuhula lamang ako sa aking mga pinagdaanang test dahil wala akong directional hearing at ayoko bumagsak sa test para sa pandinig……. Hehe.”
Directional Hearing
Ang abilidad na malaman saan nanggagaling ang tunog. "Dahil ako ay pinanganak na kaliwa lamang ang nakakarinig, lahat ng tunog saakin ay galing lamang sa kaliwa kaya ako ay walang directional hearing.”
Karanasan “Dahil isa lamang ang aking gumagana na tainga, hirap para sa akin ang mabuhay tulad ng ibang tao. Kinakailangan ko lagi nasa kanan ng iba o kaya ay madalasan akong nagsasabi “ha?” o “ano?”. Mahirap higit na pagdating sa educasyon dahil sa mga guro na mabilis magsalita o mahinhin. Dahil sa aking kapansanan, madalas akong nasasabihan na hirap mabuhay mag-isa.”
Karanasan bilang PWD “Ang aking disibilidad ay hindi halata sa ibang tao, kaya madalas hirap paniwalaan sa iba pagka ako ay nasa lugar or pila para sa PWD. Kinakailangan ko lagi ipakita ang aking card para ipaalam sa mga iba ang aking kondisyon at problema na rin ang pag-iisip ng mga tao na ang mga taong na sa wheelchair lamang ang PWD.”
Limitasyon ng Congenital at Unilateral Hearing Impaired
6
“Hindi pwede mag-commute mag-isa dahil baka hindi marinig ang stop, hindi pwede magtrabaho sa mga lugar na gamit ang tainga tulad ng call agency o cashier, hindi pwede sa mga concert o malaking pagsasama, at iba pa.”
USAD SA TAHIMIK NA KARERA
Sa unang pagmulat ng mga mata’y nakasisilaw na liwanag ang nagisnan. Nagsimula na ang karera. (Tinuloy sa p. 8)
7
USAD SA TAHIMIK NA KARERA Hindi na bago sa taingang marinig na ang buhay ay isang karera. Ngunit ang madalas na nakakalimutan ay magkakaiba ang bilis ng bawat kalahok. Ngunit sa mundo na sinasabing ang mabibilis ang magagaling, hindi maipagkakaila na ang tingin ng nakararami sa mga ibang kalahok na hindi kasing bilis. katulad ng mga PWDs, isa na rito ang mga may kapansanan sa pandinig, ay tila hindi nila kaya. Pinagmumulan ito ng mga pagiisip na napagiiwanan at mag-isa na lang sila sa laban. Ang ibang nakapansin ng dilemang ito ay gumawa ng paraan upang makatulong sa Deaf community sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga negosyo o pagtatanggap ng mga empleyado na kasama sa komunidad. Isa rito ang A & J Cafe and Resto na itinatag ng magasawang sina Ace at Janice na may angking pagmamahal sa pagkain. Parehas silang miyebmro ng komunidad na may kapansanan sa pandinig, mga kalahok na hindi man kasing bilis nang iba’y tumuloy at piniling samahan ang ibang katulad nila sa karera.
8
A&J
CAFE & RESTO
Tumatanggap sila ng mga empleyadong bingi at nakakarinig. Nang tanungin kung bakit, pinahayag ni Ace na “Gusto kong maranasan ng parehong panig ang kultura at komunikasyon ng isa't isa.” (I want both to experience each other’s culture and communication.)
Binigyan diin niya ang kahalagahan ng teamwork sa pagpapanatili ng matibay na pundasyon. “Kung walang sinuman ang sumusuporta, ang bahay ay magigiba. Kaya naman mahalaga para sa atin na magkaroon ng pagtutulungan. Para ang bahay ay nananatiling matatag na may pundasyon.”
Dagdag ni Ace na tuwing tumatanggap sila ng empleyadong nakakarinig, kinakailangan ng empleyadong iyon na matuto ng sign language. “Bakit? Ito ay tungkol sa pagtutulungan ng magkakasama.
Hindi man pinakamagaling sa karera ayon sa paningin ng mundo ay hindi ito naging hadlang para magpursigi ang mga kalahok na may angking sariling usad. At dahil doon ay napapansin rin sila ng iba.
Elait at Overdoughs!
OVERDOUGHS
Sa Elait! na rolled ice cream ang pangunahin tinitinda at ang bakery na Overdoughs, ipinagmamalaki nila ang kanilang komunidad ng mga empleyado kung saan may 83 na may kapansanan sa pandinig. Pahayag ng empleyadong nakunan ng panayam na may kapansanan sa pandinig ay nagsimula ito nang matanggap siya bilang empleyado ng kanilang puno noong 2017. “Humanga ang aming puno at kumuha pa ng mga empleyadong may kapansanan sa pandinig.” (The boss was impressed and hired more deaf workers.) Pahayag ng empleyado na bilang kasama sa unang batch ng mga empleyadong may kapansanan sa pandinig, ito ay pruweba na kaya nila. At patuloy na tumatanggap pa ang kanilang puno ng kasama sa komunidad ng mga Deaf.
9
Iminungkahi naman ng isa pang empleyado na hindi dapat matakot ang iba nilang kapwang kasama sa komunidad ng mga may kapansanan sa pandinig dahil kinakailangan nila ng trabaho upang mabuhay. “Isipin nila [Deaf] na hamon lang ito!” (Deaf must take it as a challenge!) “Hindi dapat matakot ang mga may kapansanan sa padinig sa mga may kakayahang makarinig. Dapat ay ipagpatuloy nila ang kanilang trabaho at kunin ito bilang pagsusubok! Pantay ang mga nakakarinig at mga bingi!” (Deaf should not be intimidated by the hearing. They must keep doing their job and take it as a challenge! Hearing and Deaf are equal!).
Dagdag ng empleyadong kabilang sa naunang batch na natanggap, at pinatuloy na handang tumanggap at “welcome” ang mga may kapansanan sa pandinig. “Alam natin ang ating mga kakayahan/abilidad, pagkamalikhain, karanasan, at mayroong oportunidad ng trabaho para sa mga may kapansanan sa pandinig.” (We know our skills, creativity, experiences and have job opportunities for the deaf.)
DEAFINITE TOURING SERVICES
May ilang kalahok na sa halip na pagtuunan ang kalayuan ng ibang kalahok sa harap nila ay nakita nila ang kagandahan sa kanilang paligid at hiniling na mapakita rin ito sa ibang katulad nila. Para sa presidente ng Deafinite Tour Guiding Services (DTGS) na si Jamie Aquino, naniniwala siya na ang magandang kultura ng Pilipinas ay dapat mapaabot sa lahat, sa partikular ay ang mga may kapansanan sa pandinig. Ang mga tour guide ng DTGS ay mahusay na gumagamit ng sign language upang matulungan ang mga tulad nila na mapalawak ang kanilang kaalaman sa mayaman na kasaysayan ng Intramuros. Pinahayag niya ang kanyang pagkasabik na sumali sa pagsasanay na isinagawa ng Department of Tourism (DOT).
10
“Sa tingin ko ay kailangan ng mga bingi na magkaroon ng access sa komunikasyon sa konteksto ng sign language upang mapabuti ang komunikasyon.” (I think the deaf needs communication access in terms of sign language to improve communication.) Nasimulan ang pagsasanay ng mga tour guides na may kapansanan sa pandinig noong 2018. “Nagsimula kaming magsanay ng mga tour guides na may kapansanan sa pandinig. ‘Kakaiba ang pakiramdam nito; Pakiramdam ko ay parang ako’y bago, nagkaroon ako ng tiwala sa aking sarili bilang isang tour guide.’” (The training started last year (2018). We started with training deaf tour guides. “It felt different; I felt new, I felt confident as a tour guide.”)
Ika ni Jamie, namamangha ang kanyang mga kliente na may kapansanan rin sa pandinig. “Sinasabi nila, ‘Wow, it’s amazing!’ dahil ito ang unang pagkakataon nilang magkaroon ng deaf tour guide sa Pilipinas.” Dagdag niya pa na nagsisilbi itong inspirasyon sa kanila dahil sila ang unang grupo na pinayagang magkaroon ng tour. Ayon kay Jamie, nakikita niya na magsasagawa pa ng mga pagsasanay ang DOT sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. “Oportunidad din ito sa mga may kapansanan sa pandinig na magkaroon ng trabaho sa bawat rehiyon, hindi lamang sa Maynila. Sa tingin ko ay ang aking pangarap ay makapagbigay ng oportunidad sa iba’t ibang klase ng mga bingi sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.”
Ang ilan pa sa mga organisasyon na nakatutulong ay ang mga sumusunod:
Special Training, Employment, Advocacy, and Management for the Deaf Persons Foundation, inc. Philippine Association of Interpreters for Deaf Empowerment Northern Luzon Association for the Deaf National Deaf Independent inc. Kapatiran Kaunlaran Foundation inc. Hangop Kabataan inc. Association of Agencies for the Deaf Filipino Deaf Christian Fellowship inc. La Union Association of the Deaf
Ang mga nabanggit na kumpanya at organisasyon ay iilan lamang sa mga nagiging daan upang maramdaman ng mga kalahok na hindi sila nag-iisa sa kanilang usad. Unti-unting nakikita ng mundo na hindi man parehas ang bilis ng usad ng mga may kapansanan sa pandinig, hindi ibig sabihin ay hindi na nila kaya. Madalas na nakakalimutan ng mundo na, taliwas sa inaakala ng nakararami, hindi importante kung gaano kabilis makalampas ang isang kalahok sa linyang wakas. Ngunit ang higit na mahalaga sa karera ng buhay ay matapos. At paano mo tatapusin ang iyong karera.
11
MGA SANGGUN
IAN
https://www.mccid.edu.ph/directory-of-organizations-for-the-deaf-in-thephilippines/ https://www.ide.go.jp/library/English/Publish/Reports/Jrp/pdf/151_04.pdf https://www.cnnphilippines.com/life/culture/2018/10/29/Filipino-SignLanguage.html?fbcid http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2018/02/APJMR-2017.6.2.09.pdf https://www.hear-it.org/nearly-one-six-philippines-has-serious-hearing-problems https://legacy.senate.gov.ph/press_release/2018/0303_legarda3.asp https://www.ohrc.on.ca/tl/kapansanan-mga-karapatang-pantao https://deafphilippines.wordpress.com/2019/02/01/hindi-lahat-ng-kapansanan-aynakikita-thinkoutsidethechair/ https://nih.upm.edu.ph/institute/philippine-national-ear-institute
maaaring bisitahin ang mga link sa ibaba para masuportahan ang neg osyo nila A&J Cafe and Resto: https://www.facebook.com/AandJcafe/ https://www.instagram.com/AandJcafe/ Elait! at Overdoughs: https://www.facebook.com/elaitph https://overdoughs.ph/ Deafinite Touring Services: https://www.facebook.com/DeafiniteTourGuiding/
12