El Filibusterismo ____________________ Isang Pagsusuri na iniharap kay Gng. Rossete M. Bañez ____________________ Bilang Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 10 _____________________ Pangkat G Mga miyembro
Tessel Almonte Elyce Cruz Vincent Perry Divino Zairose Mina Stephanie Mallari Leila Ocampo Jaiden Ramirez Mica Ella Valerio
Petsa Mayo 14, 2021
TALAAN NG NILALAMAN
Nilalaman
Pahina
ARALIN 1
Talambuhay ni Rizal ………………………………….…………………………….……..…….1 Kasaysayan ng El Filibusterismo.………………..………………………………..……….2 Mga Tauhan ……………..…………………………………………..……………………..………..3
ARALIN 2: PAGLALANTAD NG KATOTOHANAN
Mga Pagsusuri (buod )…………..………………………………………………………………..… Kabanata 1: Sa Kubyerta ……………………….……………………….…………..…...8 Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta…...….………………………….……..……....11
Kabanata 3: Mga Alamat ……………….…….…………………………….……..……...13 Kabanata 4: Kabesang Tales ……………….…….…………………….……….……….15 Kabanata 5: Noche Buena ng Isang Kutsero …………………….……..….…...18 Kabanata 6: Si Basilio ……………….…….…………………………….…….…..….…...22 Kabanata 7: Si Simoun ……………….…….…………….………………….……..……...25 Kabanata 8: Maasyang Pasko ……………….…….……………………….…….……...28 Kabanata 9: Si Pilato ……………….…….…………………………………….……..……...31 Kabanata 10: Kayamanan at Kagustuhan ……………………………………………34
ARALIN 3: PAGKAMULAT NG ISIPAN AT PAGLULUNSAD NG PAGBABAGO
Kabanata 11: Los Baños…………………………………………………….…………………47 Kabanata 12: Si Placido Pinetente…………………………………….…………………40 Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika………………………………………….……………43 Kabanata 14: Ang Tirahan ng Mag-aaral………………………………….…………46 Kabanata 15: Si Ginoong Pasta…………………….………………….…………………49 Kabanata 16: Mga Kapighatian ng Isang Intsik…………………….……….……52 Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo…………………….………………….……………55 Kabanata 18: Ang Kadayaan…………………….…………………………….……………58
ARALIN 4: ANG PAIT NG KATOTOHANAN
Kabanata 19: Mga Kapighatian ng Isang Intsik…………………….……….……61 Kabanata 20: Ang Nagpapasiya…………………….……….……………………………64 Kabanata 21: Mga Ayos ng Maynila……………………………………...……….……67 Kabanata 22: Ang Palabas…………………….………………………………….…….……70 Kabanata 23: Isang Bangkay…………………….……………………………….….……73 Kabanata 24: Mga Pangarap…………………….…………………………………….……76 Kabanata 25: Tawanan at Iyakan………………………………………….……….……78
ARALIIN 5: ANG MGA PAGTUTUOS AT PAGKAMIT NG PAGBABAGO
Kabanata 26: Mga Paskin……………………………………………………….……….……81 Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino…………………….………………….……84 Kabanata 28: Pagkatakot………………………………………….……….…………………87 Kabanata 29: Ang Huling Salita Tungkol kay Kapitan Tiago ………………90 Kabanata 30: Juli……………………….………………………………………….……….……93 Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani…………………………….…….……….……96 Kabanata 32: Mga Ibinunga ng Paskin ………………………………………………99
ARALIN 6: ANG KAHINAAN NG MGA PAGPAPAKASAKIT
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid ……………………………………………………102 Kabanata 34: Ang Kasal………………………. …………………………………………..105 Kabanata 35: Ang Piging ……………………………………………………………………107 Kabanata 36: Mga Kagipitan ……………….……………………………………………110
Kabanata 37: Mga Hiwaga………………………………………………………………113 Kabanata 38: Kasawian …………………………….…………………………………116 Kabanata 39: Katapusan ……………………………………………………………………119
Talasanggunian Online Aklat
1
Talambuhay ni Rizal Si Jose Protasio Rizal o mas kilalang Jose Rizal ay ang pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang magulang ay si Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy ito sa Biñan, Laguna. Nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo De Manila noong Marso 23, 1876. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba't ibang wika kabilang na ang latin at greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany. Ang kanyang Dalawang Nobela "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga pilipino at mga katiwalaan sa pamahalaan ng kastila. Noong Hulyo 6, 1892 nakulong si Jose Rizal sa Fort Santiago at ipinatapon sa dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa dapitan kung saan gumagamot siya ng may sakit. Hinikayat nya ang mga ito na magbukas ng paaralan at ang pagpapaunlad ng kanilang kapaligiran. Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya ng Cuba upang magsilbi siya ay inaresto. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon ay ikinulong sa Fort Santiago. Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay hinatulan ng kamatayan dahil napagbintangan siya sa salang pagsisimula ng rebelyon laban sa mga kastila.
sanggunian: joserizal.com
2
Kasaysayan ng El Filibusterismo
Ang El Filibusterismo ang ikalawang nobela na kanyang isinulat. Ang El Filibusterismo ay karugtong o sequel ng unang nobela na Noli Me Tangere. Ang may akda ay dumanas ng hirap habang sinusulat ito. Sinimulan nya itong isulat sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi ay sinulat nya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang buong akda noong Marso 29, 1891. Ang El filibusterismo ay Nalimbag sa Gante, Belhika. Si Valentin Ventura ang kaibigang nagpahiram kay Rizal para malimbag ang nobela. Ito ay nobelang pampulitika at inaalay sa GOMBURZA.
Sanggunian: www.coursehero.com
3
Mga Tauhan 1. Simoun Siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa El Filibusterismo 2. Basilio Kasintahan ni Huli; mag-aaral sa medisana; kalaunan ay napapayag ni Simoun na sumapi sa kanya 3. Kapitan Tiago Kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at libing 4. Isagani Pamangkin ni Padre Florentino; kasintahan ni Paulita Gomez 5. Kabesang Tales Anak Tandang Selo; Ama ni Lucia, Huli at ni Tano; ginipit ng mga pari sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking buwis 6. Tandang Selo Ama ni Kabesang Tales; lolo ni Huli 7. Huli Anak ni Kabesang Tales; apo ni Tandang Selo; kasintahan ni Basilio; nagpakamatay dahil hinalay Padre Camorra 8. Kapitan Heneral Kaibigan ni Simoun na may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan 9. Mataas na Kawani Kagalanggalang; tumutupad sa tungkulin; may paninindigan at may pananagutan. 10. Don Timoteo Pelaez
4
Ama ni Juanito Pelaez; naging kasanib ni Simoun sa negosyo 11. Juanito Pelaez Pinakasalan ni Paulita Gomez bandang huli 12. Paulita Gomez Naging kasintahan ni Isagani; napangasawa ni Juanito Pelaez; pamangkin ni Donya Victorina 13. Donya Victorina Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio 14. Don Tiburcio Pinagtaguan ang asawang si Donya Victorina; nagtungo kay Padre Florentino upang doon magtago 15. Ben Zayb Isang mamahayag na gumagawa ng sariling bersyon ng mga balita 16. Macaraig Isa sa mga nakikiisa sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila 17. Pecson Mag-aaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria; isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas ngunit hindi umaasang matutupad ang hangaring ito 18. Sandoval Kastila na sumasang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral 19. Placido Penitente Estudyanteng nais nang tumigil sa pag-aaral; anak ni Kabesang Andang na taga-Batangas; nilait ni Padre Millon ng wala itong maisagot sa kanyang klase sa Pisika 20. Tadeo Tamad na mag-aaral; mahilig magdahilan na may sakit upang hindi makapasok sa paaralan 21. Padre Salvi
5
Dating kura sa San Diego; pansamantalang nanungkulan sa Sta. Clara (ang kumbento kung saan naroon si Maria Clara); malapit na kaalyado ng Kapitan Heneral 22. Padre Camorra Paring gumahasa kay Huli 23. Padre Fernandez Paring natatangi; may paninindigan; hindi nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle. 24. Padre Florentino Amain ni Isagani; Pilipinong pari na pinuntahan at nakausap ni Simoun bago ito mamatay 25. Padre Irene Paring nakikiisa sa pagtatatag ng akademya ng wikang Kastila 26. Padre Millon Paring guro sa pisika; lumait-lait sa estudyanteng si Placido Penitente ng wala itong maisagot sa kanyang klase 27. Ginoong Pasta Tagapayo ng mga prayle 28. Don Custodio Siya si Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo na tinaguriang “Buena Tinta”; ang magdedesiyon sa akademya ng wikang kastila 29. Quiroga Intsik na mangangalakal; sa bodega nito ipinatago ni Simoun ang mga armas na gagamitin sa paghihimagsik 30. Kapitan Basilio Mayaman na Kapitan sa San Diego; asawa ni Kapitana Tika; ama ni Sinang 31. Hermana Bali Ang nagsabi kay Huli na lumapit kay Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio
6
32. Hermana Penchang Relihiyosang amo ni Huli 33. Kabesang Andang Ina ni Placido Penitente; taga-Batangas 34. Kapitana Tika Asawa ni Kapitan Basilio; ina ni Sinang 35. Ginoong Leeds Amerikanong nagtanghal sa perya 36. Imuthis Nagsasalitang ulo sa perya 37. Pepay Isang mananayaw; hiningian ng tulong ng mga mag-aaral upang kausapin si Don Custodio tungkol sa akademya ng wikang Kastila 38. Sinong Kutsero; ilang beses nabugbog dahil nakalimutan ang sedula at napundihan ng ilaw sa kasagsagan ng prusisyon 39. Mautang Pilipinong gwardiya sibil na nagpapahirap sa kapwa Pilipinong bilanggo 40. Carolino Nakapatay kay Tandang Selo na kaniyang lolo 41. Tiyo Kiko Matalik na kaibigan ni Camaroncocido. 42. Paciano Gomez Kapatid ni Paulita. 43. Camaroncocido Isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. 44. Sinang
7
Kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio at Kapitana Tika 45. Momoy Isa sa panauhin sa kasalan nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; kasali sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; 46. Kapitan Loleng Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; nagpayo kay Isagani na magtago dahil baka mapagbintangan na siyang may kagagawan sa kaguluhan sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez 47. Kapitan Toringgoy Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; nagsabi na baka ang mga prayle, o si Quiroga o si Makaraeg ay may kagagawan ng kaguluhan 48. Chichoy Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; nagsabi na si Simoun ang naglagay ng bayong na puno ng pulbura 49. Maria Clara Namatay sa kumbento ng Sta. Clara; sinasabing paulit-ulit na hinalay ni Padre Salvi
Sanggunian: www.coursehero.com
Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Buod:
8
Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun. Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral. Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napagusapan nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila. Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na pinandidirihan niya.
Mensahe: Ang mensahe nito ay tungkol sa ating pamahalaan ang ating pamahalaan ay ikinukumpara sa bapor tabo sa mabagal na takbo ng bapor tabo sa mabagal na takbo nito dahil sa mababaw na ang ilog pasig at marami ng burak parang ang ating pamahalaan mabagal ang takbo ng pagababago sa ating lipunan dahil sa maling pamamahala ng mga nanunungkulan sa pamahalaan, at ito ang nagsisilbing balakid sa lipunan
Pagsusuri: 1. Sinu-sino ang mga pasahero sa itaas ng kubyerta? Ilarawan ang bawat isa.
9
• Don Custodio - Ang kilala sa tawag na Buena Tinta. • Ben Zayb - Ang mamamahayag sa pahayagan. • Padre Irene - Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. • Padre Sibyla - Siya ay isang pareng Dominiko na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ng binatang si Crisostomo Ibarra. • Padre Salvi - Ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego. • Donya Victorina - Ang mapagpanggap na isang European ngunit isa namang Pilipina. • Kapitan Heneral - Ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari at malapit na kaibigan ni Simoun. • Simoun - Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalamig may kulay.
2. Ano ang kanilang pinagtatalunan? Pinag-uusapan? - Nasa Bapor Tabo ang mga tauhan at pinag uusapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Sila ay nagbibigay ng kani-kanilang mungkahi at pahayag tungkol dito ngunit nagkaroon ng ilang sagutan. 3. Bakit kakaiba ang ang Bapor Tabo sa ibang barko? - Ito ay hugis bilog at walang direksyon, nakabase lamang sa alon ng tubig. 4. Sang-ayon ka ba sa mga mungkahi ni Simoun upang mapalawak ang ilog at mapabilis ang paglalakbay ng bapor? Katwiranan. - Hindi dahil ang plano ni Simoun para mapalawak ang ilog ay gumawa ng tuwid na kanal ngunit isasagawa niya nito sa pagpipilit na magtrabaho sa lahat ng bata at matanda. Ito'y delikado para sa bata at sa matanda kaya ako'y hindi sumasang-ayon dito.
Implikasyon: 5. Ibigay ang katangian ng Bapor Tabo at ng pamahalaang Kastila batay sa kabanatang tinalakay. Sundan ang pormat na makikita sa ibaba.
10
BAPOR TABO
PAMAHALAAN
• Nahahati sa 2 (dalawang) bahagi: Kubyerta at Ibaba • Mabagal ang takbo
• 'Di pantay na pagtingin sa mga tao • Mabagal na pag-unlad • Mayabang na pamamalakad
• Paos ang silbato
• Mapagpanggap na mga opisyal
• Marumi bagamat may pintang puti • Hugis tabo/bilog
• Walang patutunguhan • Pagkalat ng masamang gawain
• Bumubuga ng itim na usok • Maingay ang makina
• Puro salita, walang gawa • Makasariling hangarin
• Ibig durugin ang mga salambaw
6. Saan inihalintulad ni rizal ang bapor tabo? ano ang sinisimbolismo nito sa atin? Ang sinisimbolo ng Bapor Tabo ay ang pamahalaan at inihahalintulad ang bapor sa pamamalakad ng mga kastila at sa kalagayan ng bansang Pilipinas noon, Ang mabagal na takbo ng bapor dahil sa malubak na ilog ng pasig ay parang inihahalintulad sa bagal ng takbo ng pag –unlad ng Pilipinas at ang itinuturing na Burak kung bakit di makausad sa pag-unlad ang Pilipinas ay ang mga nanunugkulan dito.
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Buod:
11
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero at naroon din ang mga bagahe at kargamenrto. Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay. Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña. Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas. Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa. Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.
Mensahe: Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging mahusay at kapakipakinabang.
Pagsusuri: 1.Ilarawan ang ilalim ng kubyerta? - Ang ilalim ng kubyerta ay pwesto ng mga Indio, mainit at maingay ang makina ng Bapor.
2. Ano-ano ang mga balak ng kabataang mag-aaral sakaling mapahintulutan ang pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila? - Ang mga balak ng kabataang mag-aaral kung sakaling sila ay pahintulutan ay pag-aaralan ang wikang Kastila. 3. Bakit kaya nasabi ni Kapitan Basilio na hindi magtatagumpay ang plano ng dalawang magkaibigan na sina Basilio at Isagani?
12
- Sinabi ni Kapitan Basilio na hindi magtatagumpay ang pagtatayo ng wikang akademya dahil sasalungatin lamang ito ni Padre Sibyla at kulang sila sa salaping ipanggugugol sa pagpapatayo ng wikang akademya. 4. Paano mo ilalarawan ang pagkikita nina Simouh, Basilio at Isagani? Ano ang masasabi mo sa katauhan ng tatlo batay sa kanilang ipinahayag sa kabanata? - Mailalarawan ko ang kanilang pagkikita batay sa mga pangaral nina Basilio, Isagani at Simoun dahil ang gusto lamang nila ay ang makabubuti sa isa’t isa. 5. Sino sa kanila ang masasabi mong pinaniniwalaan mo o yaong may katulad mong katangian?Ipaliwanag. - Sa aking tingin ang masasabi kong pinaniniwalaan ay sina Basilio at Isagani dahil ang kanilang gusto ay makatulong at ang makabubuti para sa kapwa nila na nag-aaral pa. 6. Ipaliwanag ang ipinahihiwatig ng ilalim ng kubyerta sa uri ng lipunang Pilipino. Ang ipinahihiwatig ng ilalim ng kubyerta sa uri ng lipunang Pilipino ay ang pamahalaang mabagal ang usad at ang takbo ay paurong dahil ang ating pamahalaan ay pinapagana ang salita kaysa gawin ang nararapat. 7. Masasabi kayang may kinabukasan ang bayan sa mga kabataang mag-aaral noon? Bakit? - Masasabi na ang kabataan noon ay kinabukasan ng bayan dahil ang kabataan noon ay gusto lamang ibahagi ang kanilang kaalaman para ang iba ay matuto at magbigay ng kabutihan sa kapwa.
Sanggunian: https://elfilibusterismo000rainargifel.wordpress.com/2008/01/09/ kabanata-4/
Kabanata 3: Ang mga Alamat
Buod:
13
Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang ikuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng mga katutubo ang lugar at tahanan ng mga espiritu. Ngunit nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba sa mga kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga tao. Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima. Nagkaroon dawn g kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig. Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng isang buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo. Nabling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.
Mensahe: Ang aking aral na napulot ay kung alam mong may ibang pananagutan ang minamahal mo, matuto kang magparaya at huwag ipagpilitan ang iyong sarili sa mga bagau na alam mong imposible nang mangyari.
Pagsusuri: 1.Alin sa mga alamat ng Ilog Pasig na naikuwento ang iyong nagustuhan at bakit? -Ang aking nagustuhan ay ang kwento tungkol sa magkasintahan. Nagustuhan ko ang kanilang kwento dahil doon nanggaling ang pangalan na ‘Pasig’ at pinakita rin dito ang pagmamahalan ng dalawang tao.
2. Bakit nayanig si Padre Salvi pagkatapos magkuwento ni Padre Forentino tungkol sa kuweba at nang tanungin siya ni Simoun kung
14
mas mabuti bang itinago sa beateryo ng Sta Clara si Donya Geronim sa halip na inilagay sa isang yungib sa ilog? -Nayanig si Padre Salvi dahil ginahasa niya si Maria Clara.
3. Ano ang nais bigyang-diin ni Simoun sa kanyang mga pag-uusisa kay Padre Salvi nang sandaling iyong tungkol sa beateryo? Nagtagumpay ba si Simoun na mausig ang kanyang konsensiya? Bakit? -Ang nais bigyang diin ni Simoun ay ang beateryo ng Sta Clara. Sa tingin ko nagtagumpay siya na mausig ang kaniyang konsensiya dahil inililihis niya ito.
4. Paano inilihis at pilit itinago ni Padre Salvi ang kabyang pagkabigla nang maungkat ang tungkol sa pangalan ng beateryo ng Sta Clara? -Nagbabanggit ng ibang alamat si Padre Salvi para maiba ang kanilang paksa.
5. Bakit biglang natahimik at sumama ang pakiramdam ni Simoun nang mapunta ang usapan sa pagkasawi ni Ibarra nang mapasok ang usapan sa Lawa ng Laguna? Ano-anong mga alaala at damdamin kaya ang ibinabalik ng usapan sa lugar na ito sa kanya? -May nadatnan silang lawa at biglang nagtanong si Ben Zayb kung saan doon napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra. Nabuhay ang kanilang ala-ala tungkol sa naganap na barilan doon na kung saan binaril si Ibarra. Si Simoun ay namutla dahil ang Ibarra na kanilang tinutukoy ay walang iba kundi siya.
Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/kabanata-3-alamat-elfilibusterismo-buod Kabanata 4: Kabesang Tales
15
Buod: Naninirahan sila dati sa pusod ng gubat. Si Tandang Selo, Telesforo – kanyang asawa at 3 anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan sapagkat akala nila’y wala naman itong may-ari at sa pangyayaring ito namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat. Noong umpisa walang pumapansin sa kanila nguning nang aani na sila sa unang pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na mayari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagama’t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na 20 o 30 piso. Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang nagpupuno dito galing sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay. Sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado. Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan, nakidnap si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay Hermana Bali upang punan ang 250 Piso na kulang.
Mensahe: - May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad ng kuwento ni Kabesang Tales na nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling interes ng mga prayle.
Pagsusuri: 1. Ilarawan si Kabesang Tales bilang: a. anak ni Tata Selo
16
- Bilang anak ni Tata Selo siya ay laging may gabay at binibigyan ito ng nakas ng loob at babala. b. bilang magulang nina Juli at Tano - Bilang magulang nina juli at tano ay gumagawa si Kabesang Tales ng paraan upang iligtas ang kaniyang anak ngunit pag di siya makahanap ng paraan ay mawawala siya ng pake sa kaniyang anak. c. bilang kabesa ng barangay Bilang kabesa ng barangay si Kabesang Kales ay naging magastos dahil kinakailangan niya bumili ng mga magagarang damit at naubusan din siya ng oras sa pagpunta sa kabisera.
2. Ano-anong kasawian ang sinapit ni Kabesang Tales gayong isa siyang mabuti at marangal na tao ng Tiani? Halos lahat ng tao ay pinagsasamantalahan ang kaniyang kabutihan at kamangmangan.
3. Kung ikaw si Kabesang Tales, sasang-ayon ka rin ba sa pagbubuwis sa iyong sariling nilinang na lupa? Susunod ka rin ba sa payo ng iyong ama na huwag lumaban sa may kapangyarihan? Kung ako si Kabesang Tales, ako ay sasangayon sa pagbubuwis ng aking sariling nilalang lupa kahit na alam ko na ito ang mali at susunod sa aking ama sapagkat alam na alam naten na mahirap lumaban sa mga may kapangarihan. Kahit ano pang gawin ko ay siguradong matatalo't matalo lamang.
4. Kung sa una pa lamang ay hindi na nagbayad ng buwis si Kabesang Tales sa mga prayle, ano kaya ang nangyari sa kanyang buhay? Maghinuha. - Sa aking tingin ay mas magiging maganda at tahimik ang kaniyang buhay at hindi rin sila naghihirap na humanap ng paraan sa lahat na nagyayari. 5. Bakit nagbago si Kabesang Tales mula sa pagiging maamong tupa tungosa pagiging mabangis na nilalang? Ano ang kinalaman ng
17
panggigipit na pinagdaanan niya sa kamay ng mga prayle sa malaking pagbabagong ito? - Dahil tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle ang lupa. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya. Napilitan din si Juli na mamasukan kay Hermana Penchang. Nung nakalabas na sya sa kulungan at nakita niya ang prayle kasama ang bagong may ari, kinuha nya ang rebolber ni Simoun at ipinagpalit ito sa kwintas ni Juli.
Implikasyon: 6. Ano ang ipinahihiwatig ni Rizal na "siya ay llumalaban sa isang makapangyarihang korporasyon na pinagyuyukaran ng ulo ng katarunag, kung saan pinabayaan ng hukom na hindi magpantay ang timbangan at isinuko espada"? Ang pinapahiwatig ni Rizal dito ay lumaban sya sa isang korporasyon na puro kasamaan ang ginagawa, hindi tinitingnan kung ikaw ay mahirap o mayaman. Para sa kanila ikaw ay kanilang pahihirapan hanggang sa makuha nila ang gusto nila.
7.Batay sa iyong oberbasyon, nangyayari pa ba ang ganito sa kasalukuyan? Magbanggit ng mga patunay. - Oo, katulad na lang ng mga taong lumalaban para sa kanilang karapatan pero sa kasamaang palad, sila pa ang napapahamak. Sa kagustuhan nilang makuha ang karapatan na dapat sa kanila, sa bandang huli sila pa ang napapasama. Katulad na lang sa mga korporasyon na ginagawa ang lahat pero sa loob neto meron palang anumalyang nangyayari.
Sanggunian: https://elfilibusterismo000rainargifel.wordpress.com/2008/01/09/ kabanata-4/
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
18
Buod: Nang gabi na iyon, nakarating si Basilio sa kanilang bayan upang ipagdiriwang ang Noche Buena sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Habang na sa daan ay naabala sila dahil nakita niyang binubugbog ang isang kutserong na si Sinong dahil nalimutan nito ang kaniyang sedula. Bukod dito ay mayroon ding prusisyon ng mga imahen na pinangunahan ng imahen ni Metusalem na pinaniniwalaang ang pinakamatandang tao na nabuhay sa mundo. Ito ay sinundan ng imahen ng tatlong haring Mago. Sa dulo ng prusisyon ay ang imahen ng Birheng Maria. Itinanong kay Basilio ng kutsero kung nakaligtas ba ang kanang paa ng bayaning si Bernardo Carpio na naipit sa bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga Pilipino si Bernardo Carpio na makapagpapalaya sa kanila. Nahuli muli si Sinong dahil napansin ng mga guwardiya sibil na namatay ang ilaw ng kaniyang karitela at dadalhin siya sa presinto upang kanyang iharap ang kanyang parusa. Dahil dito ay naglakad na lamang si Basilio patungo sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa wakas ay nakarating na rin si Basilio sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Dito ay nakatanggap siya ng ulat ng matandang katiwala na may kalabaw na namatay, mga katulong na dinala sa kulungan, at matandang tanod sa gubat na namatay. Dagdag pa rito na dinakip si Kabesang Tales ng mga tulisan. Nang gabing iyon ay nawalan ng gana si Basilio na kumain dahil sa mga balitang kanyang nalaman at siya ay naging malungkot.
Mensahe: Ang aral o mensahe nito ay ang bawat pagkakamali na ating makamit ay mayroong kapalit o parusa. Kahit gaano ito kababaw o kalala, ay ating dapat harapin natin dahil awat pagkakamali ay may karampatang parusa na ating ihaharap.
Pagsusuri:
19
1. Ilarawan ang kutsero bilang isang mamamayan at bilang isang Katoliko. Bakit makalawang beses hinuli ng mga guwardiya sibil si Sinong? Ano-anong mga pagmamalabis ang ginawa ng mga guwardiya sibil sa kanya? -Ang kutsero, biilang isang mamamayan ay nabibigyan ng pangbubugbog ng mga guwardiya sibil dahil sa kanyang mga pagkakamali na wala siyang perang pang bayad at iba ba. Bilang isang katoliko naman ay siya ay maraming alam na kung ano ano at mukhang ito ay kanyang nirerespeto. Ang mga pagmamalabis na ginawa ng mga guwardiya sibil sa kanya ay dinala siya sa kwartel at binugbig nila ang kutsero ng walang awa.
2. Bait walang mga sibil noong panahon ng mga santo ayon kay Sinong? Ayon kay Sinong, wala daw guwardiya sibil noong panahon ng mga santo ay dahil magkakaroon lamang ng pangungulata ay sila ay hindi mabubuhay ng matagal.
3. Ano ang paniniwala ng mga Indiyo ukol sa sa alamat ni Bernardo Carpio? -Ang paniniwala ng mga indiyo tungkol sa alamat ni Bernardo Carpio ay, siya raw ang Hari ng mga Pilipino. Siya raw ang magliligtas sa kanila. Siya ay pinaniniwalaang nakaipit sa dalawang bato at lumilindol daw kapag pinipilit niyang makawala.
4. Bakit ibig ni Kapitan Basilio na makasundo niyang mabuti ang alperes at kura? Ibig ni Kapitan Basilio na makasundo ng mabuti ang alpares at kura dahil sila ay makapangyarihan.
5. Ayon kay Basilio, anu-ano ang mga dahilan at may kalungkutan ang notse Buena? - Dahil nakita ni Basilio na naiwan ni Sinong ang kayang sedula at nabugbog pa siya ng mga guwardiya sibil at ang mas malala pa rito ay hindi niya
20
napansin na patay na ang ilaw ng kanyang kalesa kaya’t dinala siya sa presinto dahil. Kung kaya’t napilitang maglakad si Basilio patungo sa bahay ni Kapitan Tiyago at siya ay nakatanggap pa ng masamang balita.
6. Ano-ano ang masamang balita ang narinig/nalaman ni Basilio? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan paano mo haharapin ang mga ito? - Ito ay ang pagdakip kay Kabesang Tales at ang pagkamatay ng mga hayop sa gubat. Kung ako man makakarinig ng mga ganitong balita, ako ay magiging malungkot at magtataka kung ano man ang dahilan kung bakita ba ito nangyayari.
Implikasyon: 7. Paano mo maihahambing ang prusisyon noon sa kasalukuyan? Noon, tahimik ang mga tao sa pananampalataya nila at di tulad ngayon ay taos pusong nananampalataya ang mga tao sa kanilang pananampalataya at payapa pa.
8. Ihambing ang paraan ng pagbibigay-parusa ng makapangyarihan sa mga kutsero noon at sa mga tsuper ngayon. Noon, malubha sinasaktan ng mga guwardiya sibil ang mga kutsero kapag sila ay nagkakamali katulad ng pagkakalimot ng kanilang mga sedula o dalhin ang kanilang mga ilaw. Ngayon, kapag nakakalimutan ng mga tsuper ang kanilang mga lisensya ay magbabayad sila ng buwis. O makagawa man lang mga pagkakamali, ngunit pwede rin sila makulong depende kung gaano ito kalubha.
9. Noon, kailangang magpalakas ka sa mga may kapangyarihan upang makapangalakal ka ng malaya. Gayon pa rin ba sa kasalukuyan? Ipaliwanag. -Sa kasalukuyan, napapansin ko parin may mga tao parin na nagbibigay ng mga gamit, pera at iba pa para lang magpalakas sa mga makapangyarihan. Upang mapalapit ka at hindi magkaroon ng problema a pagiging malaya sa
21
iyong syudad. Hindi lahat ay ganito, pero hindi parin ito nagbabago at may mga tao paring ganito.
10. Anong kamangmangan ang ng mga Pilipino ang tinuligsa ni Rizal sa kabanatang ito? Ilahad. - Tinuligsa ni Rizal ang kamamangmagan ng mga Pilipino sa paniniwala kay Bernardo Carpio na pinaniniwalaan nilang tagapagligtas sa kanilang kahirapan. Na balang araw daw ay sila ay maliligtas ng bayani na naipit umano sa bundok ng San Mateo. Siya daw kasi ang hari ng mga Pilipino at siya ang tanging makapagpapalaya sa kanila.
Sanggunian: Panitikan.com.ph
Kabanata 6: Si Basilio
Buod: Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa lamang. Nagtungo siya sa libingan ng mga Ibarra sapagkat anibersaryo ng pagyao ng
22
kaniyang ina. Nag-alay siya ng isang panalangin para sa ina. Matapos iyon ay lumisan na rin si Basilio at bumalik na sa Maynila. Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-aral ito sa Letran. Hirap noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging “adsum” o “narito” ang kaniyang nababanggit. Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang lumang kasuotan. Gayunman, walang nakapigil kay Basilio na mag-aral. Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka siyang lituhin sa isang aralin. Ngunit nasagot ni Basilio nang ilang beses ang tangka ng guro. Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at nagkaroon pa ng laban sa sable at baston. Naging sobresaliente din siya o may may pinakamataas na marka. Hinikayat naman siya ni Tiago na mag-aral sa Ateneo Municipal kung saan siya kumuha ng medisina.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI •Pagpunta ng palihim ni Basilio sa kagubatan patungo sa puntod ng kanyang yumaong na ina. •Pagalaala ni Basilio sa kanyang mga naging karanasan at pagsubok sa buhay at paano siya natagpuan ni Kapitan Tiyago. •Paglalarawan ni Basilio sa kanyang pag-aaral sa San Juan de Letran at paano siya naging matagumpay sa pagaaral.
Mensahe: Wala sa katayuan sa buhay o anyo ang pagiging mahusay. Sabi nga, huwag husgahan ang aklat ayon lamang sa pabalat. Minsan ang kagalingan ay ikinukubli lamang at inilalabas sa tamang pagkakataon.
Pagsusuri: 1. Ano-anoong mga kasawian ang naranasan ni Basilio nang maulila? Paano niya naharap ang mga ito? binaril siya ng guardiya dahil sa kanyang pagtakas
23
2. Paano natulungan ni kapitan Tiago si Basilio na makapag simula ng bagong buhay? -sa kabaittan 3. Alin bahagi ng buhay ni Basilio ang nakapnlulumo o nakapagbabagabag ng iyong loob at bakit? Aling bahagi naman ng kanyang buhay ang nais mong siya ay batiin at gayahin? Ilahad. -nakaawa si Basilio sapagkat kahit labing taon na Ang nakakalipas ay Hindi nya padin nakakalimutan Ang sakit na nangyare sa kanyang nanay at kapatid. Gusto ko din maging matatag at mahusay katulad ni basilio, siya ay nag aral ng mabuti kahit sya Ang tinutukso sa kanyang paaralan 4. Anong uri ng mga mag-aaral ang kinikilala sa San Juan de Letran? -Ang mga mag aaral doon ay mapanglait kay basilio kahit pinaglabanan nya Ang lahat na eto 5. Anong uri naman ng pagtuturo ang pinalilitaw ni Rizal sa paaralan ni Basilio? - pag tuturong mag kabisado at pag memedisina Ang pinalitaw ni Rizal sa paaralan ni Basilio. Ngunit tingin nya kailangan to ng bawat isa kaya nya siguro to naisama. Tingin nya ay magandang isama to dahil mas maiingganyo at matuto 6. Paano siya nakilala sa San Juan de Letran? -nakilala si Basilio dahil sakanyang katalinuhan at kagalingan. Kaya sya nakilala sa San Juan dahil sa lubos na kahanga hanga ang kanyang pinapakita. 7. Anu-anong pagbabago ang nakita niya sa Ateneo Municipal? - Pagkalipat ni Basilio sa Ateneo Municipal ay mas marami ang natutunan nya kumpara sa kanyang karanasan sa dting eskuwela. Nakapagsulit siya ng batsilyer habang ipinagmalaki ng mga propesor nya. Nakakuha sya at nakapagtapos ng medisina. Dahil sa tiyaga at pagpupusigi ni Basilio sa pag aaral ay kahit di pa sya nakakatapos ay nakapanggamot na siya ng mga tao. 8. Paano napapayag ni Basilio si Kapitan Tiago na medisina ang kanyang nais pag-aralan? - Noong una ay nais ni Kapitan Tiago na mag abogasiya si Basilio ngunit nagbago ang isip nya dahil matagal at mahabang proseso ang pag abogado
24
y pinayagan nya nag mag medisina na lang. Naisip nya na makakatulong si Basilio sa mga bangkay at sa lason na mayroon sa tari ng panabong niyang manok.
Implikasyon: 9. Paghahambing: a. Paraan ng pagtuturo noon sa kasalukuyan - Kumpara ngayon ang pag tuturo sa kasalukuyan ay gamit ang digital. Ang mga guro ay nagtuturo gamit ang mga gadget sa tulong ng technology. Mas mabilis din ang pag access sa mga aralin. Habang noon naman ay nagtuturo ng harap-harapan. Mas strikto din ang pagtuturo noon kumpara ngayon. b. Mga gurong nagtuturo - Mas strikto ang mga guro noon at maaring gumamit ng panghampas bilang parusa sa estudyante. Ngayon ay ipinagbabawal na ito at ang sino mang guro gagawa nito ay pwedeng matanggalan ng lisensya bilang guro. 10. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapili ng isang paaralang papasukan, saan mo nanaisin at bakit? Ano-anong mga katangian ng isang paaralan ang iyong hahanapin? Ipaliwanag. - Kung ako ay bibigyan ng pagkakataong makapili ng paaralang papasukin ay ito ang Unibersidad ng Santo Tomas. Pinapangarap ko na makapag-aral at makapag tapos sa paaralan na ito dahil bukod isa ito sa mga prestihiyosong paaralan. Marami ring oportunidad ang pwedeng magbukas sayo pag ika'y nakapag tapos ng pag aaral dito dahil nga isa na rin ito sa mga matatandang paaralan ng buong bansa. Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 7: Si Simoun
Buod:
Sa libingan na pinagmumultuhan ni Basilio, nakakita siya ng isang estranghero sa di kalayuan, iyon si Simoun. Ang mag-aalahas ay nagmimina
25
at wala siyang suot na asul na baso, kaya't nagbago ang kanyang hitsura. Takot na takot si Basilio sapagkat alam niya na ito rin ang hindi kilalang lalaki na naghukay sa libingan ng kanyang ina 13 taon na ang nakakalipas. Siya ay matanda na ngayon, may puting buhok, balbas at balbas, ngunit iyon pa rin ang kanyang mga mata at mapanglaw na mukha. Naniniwala siya na ang tagapagmana ng pagkawala ng lupa na ito ay ang alahas na si Simoun. Ang katedral ay inayos ni Simoun Ibarra (Simoun Ibarra). Lumapit siya sa kanya at tinanong kung makakatulong siya. Nagulat si Simoun, tinanong niya si Basilio kung kilala niya kung sino siya, at sumagot si Basilio na mula noong siya ay 13 taong gulang, tinulungan niya siyang dumalo sa libing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na may lihim itong Basilio sapagkat masisira nito ang kanyang plano.
Mensahe: Minsan sa ating buhay ay may mga kailangan tayong ipagparaya at isantabi ang ibang mga bagay kung kinakailangan. Ito ay dahil may mga tamang oras na nakalaan sa bawat hangarin. Kailangan lang natin maghintay para sa tamang oras.
Pagsusuri: 1. Bakit nagtungo si Simoun sa sa gubat nang hatinggabi? -Sa tingin ko ay nagtungo si Simoun sa gubat para ihukay ang salapi at kayamanan na nasa balete. Dahil rin and gubat ay pagmamay-ari rin niya.
2. Paano nakilala at natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun?
26
-Dahil naalala niya na si Simoun ang tanging tumulong sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina at sa pagsunog ng isang lalaki na namatay din doon. At dahil nang magpakita si Basilio, umamin si Simoun na siya nga si Ibarra at dito niya rin inamin young lihim niya.
3. Ipaliwanang ang hangarin ng mag-aalahas sa kanyang pagbabaltkayo at pagbabalik sa San Diego? -Bumalik sa San Diego ang mag-aalahas dahil nais niyang maghigante at ibagsak ang masama at hindi patsa pamahalaan. Para ringisingin ang bayan at mga mamamayan sa paghihimagsikan.
4. Makatwiran bang harapin na lamang ni Basilio ang kanyang pagaaral sa halip na makiisa kay Simoun? katwiranan. -Oo, sa aking tingin ay dahil mas ikabubuti pang harapin nalang ni Basilip ang kanyang pag aaral para hindi na lumaki ang mga pag-aaway at mas makagawa siya ng iba pang paraan na hindi nadadamay ang mga buhay ng kanyang mga minamahal.
5. Sa iyong palagay, bakit hindi pinaslang ni Simoun si Basilio? -Sa aking palagay, hindi pinaslang ni Simoun si Basilio dahil kinakailangan ni Simoun si Basilio upang maitulak niya ang kanyang plano at matulungang mapainam ang kanyang sikreto. Dahil din ay pinagkakatiwalaan ni Simoun na hindi ibubunyag ni Basilio and kanyang lihim.
Implikasyon: 6. Ang kalayaan nga kaya ng isang bansa ay sa dahas o labanan lamang makakamit? Patunayan. -Ito ay depende sa sitwasyon ngunit hindi lahat ng kalayaan ay kinakailangan dumaan sa dahas o labanan. Pwede natin ito makuha sa simpleng pagkakaisa lamang. Kapag ating ipinarinig ang ating mga boses at iparating na tayo ay nararapat ng kalayaan. Pwede rin ang pagbibigay
27
edukasyon sa mga mamamayan tungkol sa ating sitwasyon at para maging isang motibo para lahat tayo ay gumalaw at magasama-sama.
7. Ipaliwanag ang pahayag na ang sariling wika ang kaluluwa ng isang bansa. -Masasabi natin na ang wika ng sariling bansa ang kaluluwa ng isang bansa dahil ito ay nagbibigay buhay dito. Ito ay maaaring maging tulay sa atin para kumonekta sa mga mamamayan na naninirahan sa isang bansa. Ito rin ang nagsisilbing ilaw para sa ating pagkakakilanlan.
8. Kung ikaw ang masusunod, ano ang pagbabago sa bansa na hangad mo at bakit? -Kung ako man ang masusunod, ang unang pagbabago sa bansa na aking gagawin ay ang pagiging malinis ng kapaligiran dahil sa panahon natin, maraming lugar ang makakalat at dumi. Pangalawa ay tuturuan ang ibang mamamayan ng tamang pagboboto sa mga taong talagang mapagkakatiwalaan. Pangatlo ay tutulungan ang mga mahihirap, lahat tayo ay magtutulungan kasama ang mga mayayaman para makatulong sa iba at umunlad rin sila.
Sanggunian: brainly.ph
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Buod: Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na balang araw ang kanyang mga panalangin ay masasagot ng isang himala.
28
Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at buong pusong umaasa na sana ay hindi na sisikat ang araw. Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng Birhen sa pagbabasakaling nagkaroon na ng himala. Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha niya tungkol sa milagro. Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili habang siya ay abalang nag-gagayak.
Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa bahay ng bago niyang panginoon, si Hermana Pencahang. Bago siya umalis kinausap at binilin niya ang kanyang lelong. Nang mapansin iniya ang nangingilid na luha ng matanda ay dali-dali siyang umalis.
Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang mga kamag-anak upang mamasko. Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang gawin niyang magsalita o sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Mensahe: Ang buhay ay parang isang gulong. Ang mga pangarap sa buhay ang gawing inspirasyon upang mabilis ang pag-ikot ng mga gulong tungo sa tagumpay.
Pagsusuri:
1. Bakit kaya umaasa sa milagro si Juli? -Kaya umaasa si Juli sa milagro dahil baka mag katotoo ang kanyang mga panalangin.
29
2. Patunayang ang mag-anak na Pilipino ay may matibay na pagbubuklod. -Dahil ang pamilya ay isa sa pinakamahalaga sa ating buhay. Mahalaga ito dahil naasikaso ang pangangailangan ng bawat miyembro.
3. Dapat nga kayang ikalungkot ang kawalang kakayahang magbigay ng aguinaldo kung Pasko? Bakit? -Hindi ka dapat maging malungkot kung hindi ka nakapag bigay ng aguinaldo sa pasko dahil hindi naman palagi meron ka paang bili ng aguinaldo sa pasko.
4. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang pagkapipi ng isang taong tumatanggap ng matinding kalungkutan o pagkasiphayo? Katwiranan. -Ito ay depende sa tao kung papano sila mag isip sa isang bagay na kaya nyang akuhin o dibdibin ang kanyang mga problemang pinag dadaanan.
Implikasyon:
5. Ipaliwanag ang pagiging mapaniwalain ng mga Pilipino sa milagro o himala. -Sa aking obserbasyon marami sa ating mga pilipino ay naniniwala sa milagro at himala dahilan ng kakulangan ng pera kadalasan kasi pinipili na lamang nila maniwala dito na maaari sila pagalingin sa sakit dahil yun nalang ang huling bagay na maaari nilang kapitan, kung ito rin naman ay
30
libre wala nmn mawawala kung ito ay kanilang paniniwalaan at nagbabakasakaling makatulong ito sa kanila.
6. Patunayan ang kawalan ng kalayaan sa pagpapahayag ay hindi natamasa ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila. -Ayon sa mga kwento kwento ng ating mga ninuno ay bawat pilipino ay walang karapatan tumawalis sa anumang aktibidad na gagawin ng mga kastila kahit pa labag ito sakanilang mga nais. Dito rin natin nakamulatan ang pagiging Kristiyano na ngayon ay atin ng ginagawa at nakasanayang relihiyon.
7. Bigyang liwanag ang kasabihang, "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa". -Sa kasabihang ito ay ipinaparating sa atin na ang Diyos ay isa lamang gabay sa mga bagay na ating gagawin ang isang halimbaww nito pinagdadasal mo na sana panginoon magkatrabaho na ako subalit hindi ka naman humahanap at nagtitiyaga kumuha nito anu nmn ang maitutulong ng Diyos kung ang katawang lupa na ibinigay sayo na kanyang bibiyayaan ay hindi mo gagamitin upang makuha ang pagpapala na ibibigay niya sayo dahil may gagamiting instrumento ang Diyos para maisakatuparan niya ang bagay na naaayon sa iyo. Minsan hindi natin napapansin kapag kailangan ntin ng tulong may bigla nalang may taong gagawa nito sa hindi nating inaasahang pagkakataon, ito ay ang pagkilos ng Diyos na hindi natin nakikita
Sanggunian: brainly.ph Kabanata 9: Ang mga Pilato
Buod: Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga armas.
31
Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa wikang Kastila. Ito daw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila marunong manalangin sa langit.
Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.
Mensahe: Ang mga kasawian at pagsubok sa buhay ay hindi dapat inilalagay sa puso at isipan. Labanan ito at huwag hayaang maging lason na sisira sa iyong pagkatao.
Pagsusuri: 1. Kani-kanino ipinamahagi ni Kapitan Tiago ang kanyang kayamanan? - Ang kanyang kayamanan ay ipinamahiga niya sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, sa mga orden, at sa mga mahihirap na nag-aaral.
2. Bakit hindi itinuloy ang pagpapamana kay Basilio? - Dahil sa masamang inasal ni Basilio nang mga huling araw, at kawalangutang na loob nito.
32
3. Isalaysay ang mga paksa ng usapan nang mamatay si Kapitan Tiago. - Pinagusapan ang mga himala na nangyari nang mamataya si Kapitan Tiyago, sinasabi nil ana nagpakita ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago sa mga mongha sa Sta.Cruz noong siya ay naghihingalo. Dahil sa pamana iniwan sa mga simbahan, ang kanyang kaluluwa ay iniligtas ng Diyos.
4. Makatotohanan ba ang usapan nina Don Primitivo at Martin Aristorenas? Bakit? - Hindi, dahil ang kanilang usapan ay ukol sa kung sino ang mananalo sa pagitan ni Kapitan Tiyago at San Pero sa pagsasabog sa langit. Hindi maaaring magkatotoo ang ganoong pangyayari dahil iyon ay kanilang imahinasyon lamang.
Implikasyon: 5. Anu-anong matatandang kaugalian ang ipinakita sa kabanatang ito? Mabuti ba ito? Patunayan. - Ang pagsasabi ng mga himala na kanilang naranasan sa buhay, at mga imposibleng imahinasyon nakanilang pinaguusapan upang malibang. Maaaring maging mabuti ito sa pag papagaan ng kanilang nararamdaman ngunit maaaring may maniwala rito.
6. Ano-anong pamamalakad sa simbahan ang tinutukoy dito ni Rizal? Mabuti ba ang mga ito? Bakit.
33
- Na walang seremonyas ang taong namatay kapag ito ay hindi nakapangumpisal at walang pambayad ngunit kapag hindi nakapangumpisal at may pambayad ay bibigyan parin ng seremonyas.
7. Ano ang nais ipakita sa atin ng mau-akda sa pakikipagpalaluan no Donya Patrocinio kay Kapitan Tiago? Punahin. - Si Donya Patrocinio ay nakikipagtaasan sa pagiging banal kay Kapitan Tiyago, kaya naman kahit siya ay banal, dahil sa pagkainggit niya ay ninanais narin niyang mamatay upang magkaroon ng libing na mas higit pa kay Kapitan Tiyago.
Sanggunian: brainly.ph
Kabanata 10: Si Simoun
Buod: Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may dalang pagkain at ang kanyang ibang kailangan, at dalawang kaban ng mga alahas. Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun na sina Kapitan Basilio at ang kanyang anak na si Sinang at kanyang asawa, at si Hermana Penchang na kung saan may balak bumili ng isang singsing na may brilyante para sa birhen ng Antipolo. Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales naman ay napaisip sa kayamanang dala dala ni
34
Simoun.Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito naman pumili si Sinang at iba pa. Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili ito sa ama niyang si Kabesang Tales.Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas ng kanyang naging kasintahan na pumasok sa pagmomongha. Ito ay may halagang limang daang piso.
Mensahe: Maging makatao sa iyong mga kakilala at kababayan. Nasa taong namamahala ang isinasama ng mga mamayanan. Ugali din ng Pilipino ang magbuwi buhay alang-alang sa kanilang karapatan.
Pagsusuri: 1. Bakit mas pinili ni Simoun na manuluyan sa tahanan ni Tales? Nagustuhan ni Simoun ang bahay ni kabesang Tales sapagkat ayon sa kanya iyon ang pinakamalaki at pinakamasinop na bahay sa pagitan ng bayan ng San Diego at Tiyani. -Sinabi at Napagtanto ni Simoun na ang bahay raw ni kabesang tales ay maayos at ang pinakamalaki, nais din ni Simoun tulungan at kilalanin si Kabesang tales dahil baka makatulong siya sa kanyang mga plano.
2. Paano inakit ni Simoun ang mga mamimili niya? - Tinulungan pa siya ng kabesa ng magbenta ng kanyang mga alahas. Nagawa ni Simoun ang lahat ng kanyang nais sapagkat si Kabesang Tales ay
35
totoong suportado siya. Katunayan, tinulungan pa siya ng kabesa ng magbenta ng kanyang mga alahas.
3. Napakahalaga ba ang agnos upang palitan ni Simoun ng mga pambihirang hiyas? Bakit? - Nang natagpuan at nabigay ng kabesa ang agnos kay Simoun, sinuri niya itong mabuti, makailang isara at bukas. Ang agnos ay suot ni Maria Clara noong Pista sa San Diego.
4. Ipaliwanag ang tunay na layunin ni Simoun kaya ipinakikkita - Determinado si Simoun na igaganti ni Tales ang pari na nagbigay ng kanyang lupa sa ibang tao. Nang magising si Simoun upang makita ang kanyang revolver na nawawala na may natitirang tala sa kanyang mesa, nagulat siya na sumali sa paghihimagsik si Tales. Ang dahilan kung bakit ipinagmamalaki ni Simoun si Tales, ay ginamit niya ang galit ni Tales upang ma-inspire siya sa pagsali sa rebelyon.
5. Makatwiran ba ang ginawa ni Tales sa mga pinagbigyan na lupain at kay Padre Clemente? Panindigan. - Hindi matitiis ni Tales ang galit at sakit na ibinigay sa kanya ng mga pari. Lubhang makatwiran para kay Tales na patayin ang bagong may-ari ng kanyang lote, asawa ng bagong may-ari at isa sa mga pari. Dahil dito, nagkaroon siya ng interes na sumali sa himagsikan at nagawa niya ito. Naiintindihan ko ang pakiramdam na tratuhin nang hindi patas, at kahit na sinusubukan niya ang iba pang mga bagay upang dalhin sa hustisya ang mga pari, ang mga pari ay lalabas na matagumpay dahil mayroon silang kapangyarihan, kaya't ito ay malamang na dahilan para patayin niya ang pari, ang bagong may-ari, at kanyang asawa.
Implikasyon:
36
6. Iugnay kay Tales ang ksabihang, " ang taong nagigipit, sa patalim ay kumakapit". -Bakit malaking kapintasan sa isang tao ang pagiging mapanghatol sakapwa? Malaking kapintasan ito dahil kung mapanghatol ka eh ibig sabihin hindi mo sinusuportahan ang kaniyang mga ginagawa 7. Bakit sinabi ng mag-aalahas na ang mga hiyas ay sapat nang lumunod sa buong Pilipinas? -Bigyan ng reaksyon ang pagiging madasaling Kristyani ni Hermana Penchang? Ang pagiging madasalin ni kristyani ay makakabuti ito sakaniya dahil ang pagiging madasalin ay mas bibigyan ng biyaya. 8. Bigyan ng sariling pagkukuro ang pagkuha ni Telesforo sa baril ni Simoun at pag-anib sa mga tulisan. -Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkuha niya ng baril ng magaalahas dahil kinailangan niyang sumapi sa mga tulisan. Pinagbilinan din niya si Simoun na mag-ingat sa mga tulisan dahil mapahamak ang mga ito. Si Tandang Selo ay hinuli ng mga gwardiya sibil. Natuwa naman si Simoun dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang taong kanyang kailangan, isang pangahas ngunit marunong tumupad sa mga pangako.
Sanggunian: panitikan.com.ph Kabanata 11: Los Banos
Buod: Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos. Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pzmamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa. Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.
37
Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako. Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan.
Mensahe:
Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang Pilipino na nasusunod ang lahat ng utos at gusto ng isang makapangyarihang tao at dapat natin respetuhin at suyuin ang taong iyon.
Pagsusuri: 1. Paano mo ilalarawan ang Kapitan-heneral bilang isang pinuno? Siya ay makapangyarihan. Para sa akin kanya namang pinapahalagahan ang kanyang nasasakupan subalit siya ay walang pakialam sa paaralan.
2. Isa-isahin ang mga paksang pinag-usapan sa Los Baῆos. -Punagusapan ng mga padre at ng kapitan ang kanilang mga magiging kabayaran. Simula sa kabaitan, ilang mga pangako at brilyante.
3. Ipaliwanag ang pagiging marangal ng mga tulisang bundok kaysa sa mga tulisang-bayan.
38
-Ang mga tulisan daw ay mararangal subalit sila lamang ay nagtatrabaho. Ang mga tulisang bundok ay mapayapa habang ang tulisang bayan ay may kasamaan.
4. Makatotohanan ba sa kasaysayan ang di-pagnanais ng Pamahalaang Kastila na manatiling mangmang ang mga indiyo? Bakit? -Ayon sa aking pagbabasa sa iilang sites ito ay makatotohanan. May iba na ayaw matuto ang mga indiyo sapangkat gaya nga sa el filibusterismo ayaw nilang malamangan at tingin nila ay mababang uri lamang ang mga indiyo.
5. Ano ang opinyon at reaksiyon ng mga sumusunod hinggil sa hiling ng mga mag-aaral na pagbubukas sa pagtuturo ng wikang Kastila? Padre Sibyla- Siya ay sang ayon sa pagpapatayo ng paaralan. Binaggit pa niya si socrates na nagtuturo sa plasa at plato sa ilalim ng kahoy. Binaggit din nito si Hesus na nagtuturo sa nga bundok. Padres Camorra- Ipinasya daw nito na ipigil ang pagtuturo, sa tingin ko siya rin ay tutol. Simoun - Si simoun ay sagayon din sapangkat nais nya na matuto ang mga indiyo kaysa matapaktapakan lamang ng mga mamayayamang kastila. Padre Irene- siya ay sanngayon din. Padre Fernandez - sangayon siya sa pagpapatayo ng paaralan. Mataas na Kawani- tutol ito sa pagpapatayo ng paaralan.
Implikasyon: 6. Paano kaya sa iyong palagay maiiwasan ang panunuyo o paninipsip ng mga Pilipino sa mga may katungkulan?
39
-Dapat matuto na paghirapan ang mga gustong gawin. At huwag sumipsip para lamang makuha ang iyong nais sapangkat may iba din na nangangailangan na pinili paghirapan ang nais kesa sumipsip.
7. Dapat nga kayang magsikap ang mga kabataan para sa kanilang pagkatuto? Bakit? -Oo, dapat nila pagsikapan para sila ay matuto sapangkat ang pagkatuto ay isang magandang aral na hindi lang magagamit sa atin kundi para na rin sa ating buhay.
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 12: Placido Penintente
Buod: Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nasa ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Ngunit, malungkot ang binata at nais na niyang tumigil sa pag-aaral. Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang ang natitira niyang taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon. Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila.
40
Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata. Tinanong din ni Paelez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon dahil noong araw lamang na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya naman ni Paelez si Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito.
Mensahe:
Ang pamahaalan ay minsang abusado at sakim sa kapangyarihan dahil sa pagtuttol nila ang pagtututo ng mga tao.
Pagsusuri: 1. Bakit kaya nais ni Placido na tumigil sa kanyang pag-aaral? Ilang taon na siyang nagaaral subalit hindi pa din sya nakikilala at napapansin ng mga guro. Hindi sana masakkit para sakanya subalit nais niyang pumasa.
2. Paghambingin ang mga katangian ng mga mag-aaral sa iba-ibang paaralan. UST -Maayos manamit at imbis na aklat ang dala baston ang dala dala nito. LETRAN- Di gaanong nagdadala ng mga aklat. Sila ay nakadamit pilipino. ATENEO- Ang kanilang damit ay pang europea, mabilis sila maglakad at palaging madaming dalang aklat at mga kwaderno.
41
3. Makatwiran baa ng paraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa guro noon upang makapasa sa pag-aaral? Bakit? -Sa tingin ko hindi. Wala naman sa pakikitungo iyon. Dapat nasa respeto at pagunawa nalamang. Lalong lalo na dapat siya ay pumapasa sa pamamagitan ng kanyang katalinuhan at hindi sa nakapaligid sakaniya.
4. Kung ikaw si Placido, gagawin mo bang kunin ang atensiyon ng iyong guro sa paglikha ng ingay sa klase para mapansin? Katwiranan. -Hindi, gaya ng sabi ko dapat tayo ay magaral ng mabuti. Mapapansin naman siguro tayo ng guro kung tayo talaga ay nagsusumikap.
5. Bigyang-liwanag ang paniniwalang ang guro ay may malaking kinalaman sa paghubog sa kabataan. -Dahil ang mga guro ang pangalawang ina/ama ng mga estudyante. Sila rin ang nagtuturi ng mga bagay na hindi natin alam. Palagi rin silang nariyan upang tayo ay gabayan. Implikasyon: 6. Bakit kailangang harapin ng isang mag-aaral ang kanyang pagaaral? -Dahil ang pagaaral ay parte ng ating kabataan. Ang pagaaral ay isang malaking bagay sa bawat magaaral subalit dito tayo ay natuturuan ng mga bagay na hindi natin alam.
7. Ipaliwanag ang kahinaan ng pagtuturo noon kaysa sa ngayon? -Noon gaya kay placido kailangan mo pang makuha ang atensyon ng mga guro. Sa tingin ko noon ang mga resources na kailangana sa pagaaral ay may limitasyon. Ngayon, tayo ay tinutulungan ng mga guro sa kahit ano mang paraan. Marami na din tayong resources dahil sa mga iilang aklat at dahil sa teknolohiya.
42
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika
Buod: Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ng sukat. Ang mga bintana ay malalaki rin na may rehas na bakal. Mayroong upuang kahoy sa magkabilang panig ng kuwarto na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang ma mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido. Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit ang mga ito’y nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado. Ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran ay si Padre Millon. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upangtanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido. Ayan tuloy, siya ay napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka
43
habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.
Mensahe: Kung minsan ay lumalabis na sa pagdidisiplina ang iba. Kahit maganda ang intension, kung hindi maganda ang pamamaraan ay wala rin itong bisa.
Pagsusuri:
1. Ilarawan ang silid-aralan sa Pisika. -Ang silid ay hugis talahuba. Ang mga upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa silid. Sa dulo ay nakalagay ang hapag ng guro. Walang palamuti ang mga dingding ng silid.
2. Paano mo ilalarawan naman si Padre Millon bilang isang guro? -Siya ay isang striktomg guro.
3. Matatawag ba siyang mahusay na guro? Ipaliwanag ang iyong sagot. -Para sa akin oo na hindi sapangkat ang mga estudyante ay gustong matuto at nakikinig sakanya. Pag mali ang naisagot siya naman ay tinatama o
44
binibigyan pa ito ng sunod na katanungan. Hindi, sapangkat maaring makaramdam ng matinding pressure ang mga estudyante.
4. Mayroon pa ba ang tulad ni Padre Millon sa panahong ito? Magbahagi ng isang pagkakataong na magpapatunay rito. -Ang ibang mga guro ay kagaya pa din ni Padre Millon sapangkat sila ay istrikto para matuto ang kanyang mga estudyante.
5. Anong sistema ng edukasyon noon ang masasabi mong nananatili pa rin hanggang ngayon? -Sa tingin ko ay ang pagsasama ng babae at lalaki sa panahon ng amerikano hanggang ngayon. Pati narin ang pagpapasa ng mga gawain at ang pagreresitasyon.
6. Makatutulong ba ng sistemang ito sa pagsulong ng kalidad ng edukasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. -Sa tingin ko nakakatulong ito upang makapagaral pa lalo ang mga magaaral.
7. Kung ikaw si Placido Penitente, gagawin mo rin baa ng kanyang ginawa? Bakit?
Hindi, sapangkat bastos nga ang ginawa ni Placido. Sapangkat kakausapin ko naman ang guro dahil hindi tama na dagdaan ng limang liban dahil lumiban ka lamang ng isa.
8. Ano ang kinahinatnan ni Placido Penitente? Maghinuha. -Sa tingin ko siya ay mabibigyan ng mabababg grado dahilnga binastos nya ang kanyang guro.
45
Implikasyon:
9. Bigyan ng reaksiyon ang pagtatalo ni Placido at ng kanyang guro ukol sa pagtatala ng liban sa talaan.
-Gaya ng aking nabanggit kanina, hindi tama ang ginawa ng guro na dagdagan ng limang liban ang kanyang attendance sapangkat siya ay isang beses lamang lumiban. Hindi tama at hindi makatarungan saakin iyon. Pero hindi din tama na binastos nalamang ni Placidi ang kanyang guro sapangkat mas nakakatanda ito.
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral
Buod: Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila. Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala. Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo. Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio, isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit daw kasi ang mga ito sa pari. Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle.
46
Mensahe: Isang magandang gawi ang pagpaplano ang pag-uusap tungkol sa mga adhikain. Kung kikilos nang sabay-sabay at iisa ang pangkat, tiyak na makakamit ang mithiin.
Pagsusuri:
1.Ilarawan ang tahanan ni Macaraig? -Malaki ang bahay na tinitirhan ni Makaraig na halos mga lalaki ang nakatira sa bahay na iyon. Ipinapakita nito ang karangyaan ng buhay na mayroon siya gayundin ang pagnanais niyang maisulong ang kanilang mithiin.
2.Ano ang pinag-uusapan sa bahay ni Macaraig? Sino-sino ang mga dumalo sa pulong? -Pinag-usapan nila sa bahay ni Makaraig ang ukol sa isyu tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila na ninanais nilang maipatayo para sa mga mag-aaral na Pilipino. Ang mga dumalo sa pagpupulong na iyon ay sina Isagani, Pecson, Sandoval at Pelaez.
3.Ano ang damdamin ng mga estudyanteng sina Isagani, Sandoval, at Pecson ukol sa kanilang hiling?
47
-Nanalig si Isagani at Sandoval na pagbibigyan ang hiling nila na maipatayo ang akademya ngunit nagdadalawang isip sa Pecson na pagbibigyan ng mga nakakataas ang kanilang hinihiling na maipatayo ang Akademya ng Wikang Kastila.
4.Sa iyong palagay, totoo kayang maka-Pilipino at pusong Pilipino si Sandoval na isang tunay na Espanyol? Patunayan ang iyong sagot.
-Hindi dahil si Sandoval ay makabayan sa Espanya, at hindi sa Pilipinas. Paniniwala niya na dahil nasa ilalim ng Pilipinas ang Espanya, lahat ng probolema ng Pilipinas ay problema rin ng Espanya. May mataas siya na tingin sa Espanya, at naniniwala siya na mas mataas pa ito kaysa sa Pransya. Tumutulong lamang siya sa mga Pilipino dahil paniniwala niya na bilang isa sa mga bansa na sakop ng Espanya, ito ay responsibilidad niya. 5.Ano-anong paraan ang kanilang nais upang mapagbigyan at makapasa ang kanilang hiling sa kinauukulan? -Ang paraan upang mapagbigyan ng hiling sa kinauukulan ay dapat ito ay tama at mayroong pagtutunguan ang mga hiling na ibibigay mo at gagamitin ito sa wasto.
6.Kung ikaw ay kabilang sa samahan ng makabagong mag-aaral, paano mo haharapin ang isang kahilingang alam mong magdaraan sa butas ng karayom? -Ipagpapatuloy na matupad ang kahilingan. Walang pangarap na madaling matupad lahat kailangan pag hirapan
Implikasyon:
7.Makatwiran ba sa mga kabataan na humanap ng paraan upang mapasulong ang kaalaman? Bakit?
48
-Oo, dahil bilang mag-aaral, dapat ay sumali ka sa mga pamahalaang pampaaralan, upang maisulong mo ang mga programa at proyektong pangkaayusan at pang kapayapaan. Maging mabuting halimbawa sa iyong mga kapatid at kapwa mo, ibahagi ang mabubuting kaalaman at katangiang mayroon ka.
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Buod: Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.
Mensahe: Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna ang kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.
49
Pagsusuri: 1. Sino si Ginoong Pasta? Paano mo siya ilalarawan bilang isanng abogado? -Isang bantog na mananaggol ng Maynila. Siya ay kilala bilang isang tanyag na manananggol. Kilala siya dahil sa kanyang katalinuhan at katayugan ng pag-iisip kaya't sinubukan ni Isagani na lumapit dito tungkol sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. 2. Ano ang hangarin ng mga mag-aaral sa paglapit ni Isagani sa abogado? - Inilahad ng pabuod ni Isagani ang mga nangyari habang pinakikiramdaman ang naging bisa ng kanyang mga salita sa abogado. Nakinig itong mabuti at kahit alam ang kilusan ng mga estudyante, nagkunwari itong walang alam para ipahalata agad sa binata na wala itong pakialam sa gawain ng kabataan. 3. Bakit hindi sang-ayon si Ginoong Pasta sa isinusulong ng mga mag-aaral? -Nais ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang Akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag makialam dahil sa maselan ang usapan.
50
4. Ano ang kanyang ipinasayo kay Isagani sa halip na ipagpatuloy ang kanilang adhikain? Sang-ayon ka ba rito ukol sa pag-aaral panggagamutan at pagaasawa? Bakit? -Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga idealismo ng mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan. sumasangayaon ako subalit ang mamayanan ay kailangan ng kalayaan para sa kanilang pinapatunayan.
5. Sa iyong palagay, nararapat pa bang humingi ang mga mamamayan sa pamahalaan ukol sa kanilang mga pangangilangan? Ipaliwanag. -Oo, Dahil ang pamahalaan ay ang isa sa mga dapat na tumulang sa mga mamayanan at sila rin ay isa sa mga kinakailangan ng mga mamayanan. Implikasyon: 6. Totoo kaya ang sinasabi ni Isagani na dapat ikahiya ang putting buhok kung ikaw ay hindi nag-uukol ng sarili sa bayan? Katwiranan. -Kung sa araw ng kanyang pag tanda ay hindi nya na maggaabayan ang mga mamayanan at mapagtungkolan ang kanyang mga kinakailang na gampanan 7. Bakit kailangang samantalahin at pagsikapan ng kabataan ang pagtuklas ng katarungan? -kailangan Nating Malaman ito Sapagkat bahagi ng Buhay ng Isang Bata na Mamulat sa kaniyang Edad na May Alam sa Katarungang panlipunan at mga Karapatang Pantao.
Sanggunian: panitikan.com.ph
51
Kabanata 16: Mga Kapighatian ng Isang Intsik
Buod: Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papayagang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo. Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.
Mensahe:
52
Sa oras ng kagipitan, kahit hindi pabor ay napapasang-ayon ang isang tao. Kahit mayroong pangambang nararamdaman, basta para sa ikaluluwag ng sitwasyon, ay aayon ito.
Pagsusuri: 1. Sino si Quiroga? Ano ang kanyang hangad sa Pilipinas? - Isang negosyanteng Intsik si Quiroga, Pakay niya na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa bansa.
2. Bakit dumaraing ang mga mangangalakal kay Simoun? -Dahil si si Quiroga ay may utang kay Simoun at upang singilin ang negosyanteng Intsik sa kanyang pagkakautang na siyam na libong piso. 3.Paano nagkaroon ng malaking utang si Quiroga kay Simoun? -Ang utang na ito ay bunga ng pagnanais niya na makapaghandog ng tatlong pulseras sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki. Sinabi ni Quiroga na wala pa siyang kakayahang magbayad sapagkat nalulugi ang kanyang negosyo. 4. Anu-ano ang kapighatian ng isang Intsik?Bakit kaya nangyari ang mga ganitong kalungkutan sa kanyang buhay? Makatotohana nga ba ito? Maghinuha. -Si Quiroga ay naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa kaya siya ay naghandog ng isang hapunan. Dumalo ang mga tanyag na
53
panauhin kabilang na ang mga kilalang mangangalakal, mga pari, mga militar, mga kawani ng pamahalaan pati na din ang kanilang mga suki. 5. Ano ang pagkakaiba ng pangangalakal ng mga Pilipino sa mga Intsik? Alin ang mas Mabuti? Bakit? -Ang mas mabuti ang mga nagangalaka dahil ito ay may isa lamang serbisyo at may roon itong mabuting puso at inutangan pa ng isang intsik. 6. Ano ang tunay na layunin ni Simoun sa paglalagay ng mga armas sa bahay-bahay? Ibig nga lang ba niyang pagkakitaan ito? Ipaliwanag. -Ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. At sa tingin ko ay gagamitin nya ito upang kumita.
Implikasyon:
7. Paano maaaring ibagsak ng panunuhol ang ekonomiya ng isang bansa? -Dahil sa maling ginagawa ng ilan, nadadamay at napapasama ang matutuwid at tapat na opisyal ng pamahalaan at nagiging dahilan ito ng desmoralisasyon (demoralization) sa kanilang hanay.
8. Kailan nga kayang panuyuan ng mga mamamayan ang mga tao sa pamahalaan? Katwiranan. -Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang pagsasamantala sa mga lumalapit sa kanila ay nakapagdaragdag ng paghihirap ng bayan. Ito ang pinakamalubhang sakit ng lipunan sa ngayon.
Sanggunian: panitikan.com.ph
54
Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo
Buod: Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kurasa Quaipo, anang makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay Paulita.May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle.May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba . Pinagtawanan din nila ito.May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang magaalahas. Wala ito. Ayon kay Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa palabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka
55
natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang.
Mensahe: Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang singing ay kinakikitaan ng damdamin at ng iniisip ng gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan sa kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari noong panahong yaon.
Pagsusuri: 1. Paano mo ilalarawan ang perya sa Quiapo? - Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o pabaril na tulad ng kasalukuyang gamit ng taguring ito. Ito ay Fair o mga kubol ng siriko, mahika (magic), mga tindahan ng laruan, paninda mga ari, at iba pa. 2. Bakit galak na galak si Padre Camorra nanng gabing iyon? Marami pa bang katulad si Padre Camorra nsa ngayon? -Dahil si Padre Camorra ay lalaking lalaki ang ugali na may malinis na tingin sa mga tao kaya ito galak na galak at saaking tingin sa panahon ngayon ay kaonti na lamang ang mga nagagagalak sa pag punta sa perya. 3.Ano ang dahilan ng pagkayamot ni Isagani? Ano ang iyong masasabi ukol rito? -Subalit may mga ibang tao na tumitingin kay Paulita na pinapantasya niya. 5. Ano ang nais isagawa o patunayan ni Ben Zayb at ng iba pang prayle kaya gusting makipagkita kay Mr. Leeds bago ang palabas? - Ang nais nilang isagawa ng mga prayle kaya gustong makipagkita kay Mr. Leeds bago ang palabas ay gusto nila patunayan ang mga alahas. 6. Ano ang iyong masasabi ukol kay Ben Zayb bilang mamamahayag?
56
-dapat niyang mapaniwala ang mga mamamayan sa kanyang mga patunay o nais isagawa.
7. Bakit biglang Nawala si Simoun? Ano ang sinbi ni Don Custodio ukol dito? -May kasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng binigkas din ni Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa pagtutulong ng apoy at nang tirahan daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu.
Implikasyon: 8. Anu-anong mga kaugalliang Pilipino ang makikita sa pagdaraos ng Pista? Ilahad. - kasayahan sa buhay ng mga Pilipino. Namana nila ito sa mga kastila na sumakop sa Pilipinasna may apatnaraangtaon. Ang pista ay kainan, inuman, mgapalabas, paligsahan, palaro at paseyong mga bandang musiko. May nobena at rosary sa loob ng siyam na araw. Nagdarasal ang mga tao sakanilang patron. Sa ika-siyam na araw ng kapistahan, nagpapasalamat sila san karaangtaon at humihingi ngi sa pang mabutingtaon, o ng masaganangani. 9. Anu-anong pag-uugali ng alagad ng Diyos ang tinutuligsa sa kabanatang ito? Ipaliwanag. -Dito sa kabanatang ito ay ang tunay na pagka lalaki na may malinis na tingin sa mga kababaihan tao, kahit gaano pa ito kaganda pati na ang magarbong katawan, dapat parin ito respetuhin bilang babae dahil dito sila sumasaya bilang babae.
Sanggunian: panitikan.com.ph
57
Kabanata 18: Ang Kadayaan
Buod: Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng dalawang karakter na sina Simoun at Mr. Leeds. Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna ni Ben Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay hindi rin niya pinalampas. Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit sa pandaraya sa mga tanghalan. Wala siyang natagpuan kaya inumpisahan na ang palabas. Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr. Leeds. Sinabi niya na natagpuan niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang nabuksan ang kaha. Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at makapal na buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng tulong. Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga mapang-aping prayle at saserdote noong panahon ni Amasis Dahil sa mga narinig ay kinilabutan at hinimatay si Padre Salvi.
58
Mensahe: Ang pagnanasa at makamundong gawain ay walang pinipiling anyo o antas sa buhay. Basta hindi bukas sa pagbabago, iikot sa mga masasamang pagnanasa ang isang tao. Kaya dahil sa aral na ito pede natin ito maging aral upang maging tatak sa isip natin na meron mga kababaihan na nawawalan ng dignidad dahil sa pag iisip ng mga ibang kalalakihan ng makamundong gawain.
Pagsusuri:
1. Paano mo ilalarawan si Mr. LeedsBakit nais ipakita o ibunyag ni Ben Zayb ang sikreto sa likod ng kanyang palabas? -Punong puno raw ng pandaraya ni mr. leeds. gumagamit daw siya ng mga salamin.
2. Ano ang kakaiba sa kanyang palabas at nais itong panoorin ng pangkat nina Ben Zayb? - Ang kakaiba sa kanyang palabas ay nabubuhay niya ang isang ulo na nag ngangalangimuthis. at nais nilang ibuking si mr. leeds ay puno ng pandaraya.
3.Anong kadayaan ang makikita sa palabas? Natuklasan bai to ni Ben Zayb? - Hindi nagtagumpay si benzayb sapagkat hindi niya ito tinignang mabuti sapagkat ang salaminna kanyang hinahanap ay nasa ilalim lamang ng plataporma.
59
4. Ano ang isinalaysay ni Imuthis kaugnay sa kanyang buhay? -Ayon kay Imuthis, ipinagutos siyang patayin ni Gaumata, ang salamangkerong impostor na sapagkat ayaw niyang ibunyang ni Imuthis na sila ay mandaraya. Ginamit ng mga mananakop ang mga prayle dahil alam nilang sila’y mapakikinabangan sapagkat ang mga prayle noon ay ang pinakamataas na posisyon sa lipunan.
5. Kaninong buhay mo kaya maaaring maihambing ang buhay ni Imuthis Ipaliwanag ang iyong sagot. - Maihahalintulad ko ang buhay ni Imuthis sa buhay ng mga bakla na tulad ko sapagkat hindi kami nabibigigyan ng oportunidad na ipahayag ng malaya ang aming nararamdaman. 6. Balit labis na naapektuhan si Padre Salvi sa sa isinalaysay ni Imuthis? Kung ikaw si Padre Salvi, ano ang mararamdaman mo pagkatapos ng paglalahad ni Imuthis? - Malungkot dahil ang paglalahad ni Imuthis ay hindi normal na paglalahad lamang kundi kumbaga sa palabas ito ay totoong pangyayari na naranasan niya noon.
Implikasyon: 7. Naniniwala ka bang, walang lihim anng hindi nabubunyag? Patunayan ang iyong sagot. -Naniniwala ako kasi kahit anong tago mo ng iyong sekreto aalingasaw at aalingasaw padin yan hindi man ngayon, bukas o sa makalawa pero darating Ang panahon na wla kanang magagawa
Sanggunian: panitikan.com.ph
60
Kabanata 19: Ang Mitsa
Buod: Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya ay mapusok, nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang tamang daan tungo sa magandang kinabukasan. Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni Placido hinggil sa kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos ng abogasya. Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang ina. Sa kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya si Simoun. Lumapit siya dito at isinalaysay ang nangyari sa kanya. Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura. Nasaksihan ng binata ang hirap ng kalagayan ng mga mangagawa ni Simoun. Sunod nilang pinuntahan ang bahay ng mag-aalahas. Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong matanda ang itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi ng mabibigat na gawain na naiatang sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang isip at kalooban ni Placido.
61
Mensahe: Hindi dapat isipin ng magulang ang karangalan at titulo kung hindi naman natutunan ang kaniyang anak.
Pagsusuri: 1. Bakit nagngingitngit ang kalooban ni Placido? -
Sinagot ni Placido ang kaniyang guro at alam niyang hindi na siya makakabalik sa kaniyang eskuwelahan kaya ganyan ang kalooban niya.
2. Paano isasagawa ni Placido ang kanyang mga balak laban sa mga prayle? - Isasagawa niya ito sa pamamagitan ng pag punta sa Hong Kong at magpayaman. 3. Isalaysay ang mga natuklasan ni Placido sa Kalye Iris? -
Natuklasan ni Placido sa Kalye Iris ang mga armas na gagamitin ni Simoun sa paghihignti, tungkol sa Maestro na iniligtas ni Simoun kaya ito ay nasa kaniyang panig, at kung paano napapanig ni Simoun ang kastila na iika-ika. At napapanig ito ni Simoun sapagkat dumanas siya ng kahirapan mula sa mga prayle.
4. May katwiran kaya si Simoun na maghimagsik sa paggamit ng mga kanyon at paputok? Bakit? -
Kung titignan mo ang mga pangyayari sa panahon nila, may katwiran naman ang kanilang gagawin na paghihimagsik gamit ang mga kanyon at paputok sapagkat karapat-dapat naman ito at gagamitin din nila ang putok ng kanyon bilang palatandaan na pakakawalan ang mga naka-bilanggo.
62
5. Kung ikaw si Placido, aanib ka ba sa balak ni Simoun? Katwiranan. -Oo, gaya nga ng sinabi ko kanina, karapat-dapat naman ito sapagkat makakapaghiganti na sila.
Implikasyon: 6. Paano mo maiuugnay ang pamagat ng kabanata sa mga pangyayari? -
Maiuugnay ko ang pamagat ng kabanata na ito na “Mitsa” sa kanyon.
7. Anu-anong kauglian ni Placido ang maiuugnay ninyo sa mga kabataan ngayon? -
Ang kaugalian na maiiugnay natin sa mga kabataan ngayon ay ang pagiging matapang at pabugso-bugso ang damdamin.
8. Ano-ano ang tinalakay sa kabanata na nagpapakilala ng kamangmangan ng mga Pilipino? -
Ang pagtigil sa kaniyang pag-aaral.
9. Sa paanong paraan hinimok ni Simoun sa kabanatang ito na maghimagsik ang mga kabataan? - Kinakausap ito ni Simoun at parang iniugnay niya ang kaniyang sarili sakanila at yung iba naman ay tinulungan ni Simoun.
Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/kabanata-19-angmitsa-buod-el-filibusterismo
63
Kabanata 20: Si Don Custodio
Buod: Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay kilalang tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag. Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid. Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol. Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.
Mensahe:
64
Dapat gamitin ang iyong kapangyarihan upang makatulong sa kapwa sapagkat walang kuwenta ang iyong mataas na katungkulan kung hindi mo ito gagamitin sa tama.
Pagsusuri: 1. Sino si Don Custodio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo? Paghambingin ang kanyang buhay sa Pilipinas at kanyang mga karanasan sa Espanya. Paano niya nagamit ang mga karanasang iyon sa pagbabalik bansa? -
Si Don Custodio ay hindi naniniwala sa milagro ng mga santo, pangungumpisal at ang pagiging banal na papa.
2. Sinu-sino ang nais bigyan ng kasiyahan ni Don Custodio sa kanyang pagpapasiya? -
Ang mga Pilipino.
3. Bakit hindi nasiyahan si Don Custodio sa kanyang pag-uwi sa Espanya nang magpagaling ng sakit sa atay? -
Wala kasing pumansin sa kaniya dahil sa kakulangan niya sa pagaaral.
4. Sa iyong palagay, nararapat bang tuluran si Don Custodio sa pagasenso niya sa buhay? Bakit? -
Sa aking palagay hindi dapat tularan si Don Custodio, Siya ay mayaman, matalino, at masipag ngunit walang kababaang loob. Hindi porket ikaw ay nasa taas na at mataas ang katungkulan, ikaw ay hindi na marunong lumingon sa pinagmulan, dapat marunong tayo mag pakumbaba kahit anong mangyari.
5. May kakilala ka ba o masasabing katulad ni Don Custodio ang nabubuhay sa kasalukuyang panahon? Patunayan ang iyong sagot.
65
- Sa buhay natin mayroon tayong makikilala na tao na tulad ni Don Custodio, malayo na ang narating, nasa magandang buhay at kalagayan na ngunit hindi marunong tumingin sa pinanggalingan. May mga tao na lumalaki ang ulo dahil nakuha na nila ang kanilang ninanais, nakakalimutan na nila ang mga taong tumulong sa kanila.
Implikasyon: 6. Ano ang ibig ipakita sa mambabasa ni Rizal ukol sa kabanatang ito? - Na kapag ikaw ay hindi nakapag tapos o ikaw ay may kakulangan sa pagaaral, hindi ka papansinin ng mga tao. 7. Anu-ano ang nais palitawin ni Don Custodio sa kanyang panunuligsa sa rellihiyon? Bakit? -
Para sa kaniya siya ay maka-diyos. Siya ay nag santu-santuhan ngunit kabaligtaran ang kaniyang ginagawa. Halimbawa mahal na araw ngunit kumakain siya ng karne.
8. Ipaliwanag ang iyong pananaw: “ang iba’y ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang maglingkod”. -
Ang aking pananaw tungkol dito ay yung ibang mga mayayaman o may-kaya ‘yung mag uutos at yung mga naghihirap naman ang maglilingkod.
9. Sa iyong palagay, may mga tao ba na nasa tungkulin na hindi naman karapat-dapat? Patunayan. -
Oo may mga taong nasa tungkulin na hindi naman karapat-dapat gaya nalang ng karamihan na nakaupo sa gobyerno. Ngayon na tayo ay nasa lagpas na isang taon sa pandemya, imbis na gumaganda ang resulta ay lalo lang lumalala sapagkat walang saysay ang mga pinaggagagawa at pinag-sasabi ng ibang nakaupo sa taas.
10. Madali bang makilala o kilalanin kung sino ang taong marunong sa/o hindi. Ipaliwanag.
66
- Depende. Kasi kung hindi naman natin makikita ang kanilang ginawa, hindi natin masasabi kung ‘yung tao ba na ito ay marunong o hindi.
Sanggunian: http://www.joserizal.ph/fi22.html
Kabanata 21: Ang Anyo ng Taga-Maynila
Buod: Ang pagtatanghal sa Dulaang Variadades ay nagdulot ng salungat na opinyon. Ang grupo nina Padre Salvi ay tutol sa pagtatanghal ng dulaan, habang ang mga kawani, hukbong dagat at taong lipunan ay nasasabik na sa nalalapit na pagtatanghal ng nasabing palabras Maaga pa ang gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na ring dumating ang mga panuhin at mga manonood, isa na rito si Camaroncocido.Siya ay buhat sa isang kilalang angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na tila hampas-lupa dahil sa kanyang pananamit. Dumating din si Tiyo Kiko, ang kayumangging matanda na hinahangaan sa kanyang maayos na bihis mula ulo hanggang paa. Sila ni Camaroncocido ay parehong nabubuhay sa pagbabalita at pagdirikit ng mga kartel ng mga dulaan. Ang katotohanan ay labag sa kalooban ng mga prayle ang pagtatanghal dahil sa isyu ng moralidad at kalaswaan na paksa ng dula. Ngunit sa huli ay pumayag din sila dahil sa panghihinayang sa perang malilikom mula sa bentahan ng bilyete.
Mensahe:
Kung manonood ka ng ganitong klase, dapat bigyan mo ng limitasyon ang iyong sarili at ang iyong layunin ay para lamang lumawak ang iyong kaalaman.
67
Pagsusuri: 1. Anong malaking palabas sa Teatro de Variedades ang hinihintay ng mga manonood? Ano ang pananaw ng mga tao sa palabas na ito? -Ang malaking palabas sa Teatro de Variedades ay ang Les Choches de Corneville na bantog ng mga Prances.
2. Sino-sino ang mga pabor at salungat sa pagpapalabas nito? Bakit sila pabor o bakit sila salungat? -Ang di pabor sa pagpapalabas nito ay sina Don Custodio at ang mga prayle, Ang salungat naman ay ang mga kawani, pinuno ng mga hukbo at iba pang matataas na mga tao. Hindi sila pabor sapagkat ang palabas ay bilang masagwa at laban sa moralidad. 3. Bakit marami pa ring taong ang nanood nito gayong ipinagbabawal nina Camaroncocido at Tiyo Kiko? Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? -Marami pa ring tao ang nanonood kahit ipinagbabawal nila ito sapagkat parang ang mga tao ay nausisa kung tungkol saan at ano ang palabas na iyon kasi sabi nina Tiyo Kiko na bawal ito panoorin kaya sila ay nanonood. 4. Paano mo ilalarawan ang pisikal at panloob na katangian nina Camaroncocido at Tiyo Kiko? Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? -Si Camaroncodio ay may anyong pang pulubi at si Tiyo Kiko naman ay isang matandang lalaki na kayumanggi na naka amerikanong mahaba na hanggang tuhod. Ang kanilang pagkakatulad ay iisa ang kanilang hanapbuhay kundi ang magdikit ng paskil. Ang knilang pagkakaiba ay mas
68
maayos kung titignan ang pisikal na anyo ni Tiyo Kiko kaysa kay Camaroncocido. 5. Sino naman kina Tadeo at anong ugali mayroon siya? Batay sa iyong obeserbasyon, mayroon bang Camaroncocido, Tiyo Kiko at Tadeo na nabubuhay sa kasalukuyan? Patunayan ang iyong sagot. -Si Tadeo ay isang kababayang bago lang sakanilang lungsod at ang ugali na mayroon siya ay ang mapagbiro. Oo, mayroon na nabubuhay na ganyan sa kasalukuyan. Gaya na lamang ni Camaroncocido na kahit may Nakita silang krimen, o bagay na nangyari na hindi maganda na hinayaan lang nila o hindi nagsumbong sa pulis sapagkat hindi naman siya naapektuhan. Implikasyon: 6. Anu-ano ang napuna ninyo sa lipunang tinalakay ni Rizal dito? Katulad pa rin ba ito ng lipunan sa ating ngayon? -
Oo katulad pa rin ito ng lipunan sa ngayon. Gaya ng sinabi ko kanina, wala silang gagawin o hindi nila papansinin ang krimen o pangyayari na hindi maganda basta ito ay walang kinalaman sakanila o hindi sila maapektuhan nito. Para bang wala silang paki sa mundo.
7. Ugali nga kaya ng mga Pilipino na higit na tangkilikin ang mga panooring dayuhan kaysa sa lokal? Patunayan. - Oo. Ugaling ugali na ito ng mga Pilipino. Gaya ngayon na usong uso na talaga ang mga Korean dramas kesa sa mga palabas dito sa ating bansa. Mga kaibigan ko, at ang aking mga kamag-anak ay laging naka subaybay sa mga bagong palabas na Korean dramas at lagi silang nakasubaybay.
Sanggunian: http://www.joserizal.ph/fi23.html
69
Kabanata 22: Ang Palabas Buod: Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na makakita. Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating na ang may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip. Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral. Nasa loob din ng dulaan si Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring kay Don Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una sa “ayuntamiento”. Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila may nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko. Siya ay isa sa mga sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si Pecson ay naniniwalang wala silang mahihita sa lakad nila. Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doña Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas. Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang napakagandang babae na sumusulyap sa Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily. Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang “cancan”. Sa kabanatang ito, nagsimula ang
70
pagkakagusto ni Doña Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalakinglalaki at maginoo. Mensahe: Ang pagkakaroon ng sariling wika ay tanda ng isang ganap na kalayaan. Hindi lamang ito karapatan bilang isang tao bagkus ay para rin sa kalayaan ng pang-unawa at kaisipan. Pagsusuri: 1. Ilarawan: Alin sa mga ito ang iyong nagustuhan at hindi nagustuhan at bakit? a. dulaan - Ang dulaan ay maganda ngunit maraming kaguluhan tsimisan. b.manonood - Hindi ko nagustuhan ang inasal ng mga manonood sa loob ng theatro sila ay hindi bastos, maingay at walang respetoac. k. eksena sa teatro - Hindi ko rin ito nagustuhan dahil sa loob ng theatro ay maingay, marami ang maingay, sumisigaw sila na buksan na ang tabing at ang pang-aagaw ng upuan ni Don Primitivo ay naganap habang hinihintay ang pagdating ng Kapitan Heneral. 2. Bakit nagkaloob ng palko si Makaraig para kay Don Custodio? -Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kaya’t di man ibig ay napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan. 3. Ipaliwanag ang mga damdamin nina Isagani at Paulita habang nasa dulaan? -
Si Isagani ay natutuwa, pangiti-ngiti, ngunit malamig ang kanyang mga pagbati dahil Nakita kani-kanina si Paulita dahil malaki ang kanyang panibuhgo at galit sa babae
4. Makatwiran ba para sa mga mag-aaral ang pasiya tungkol sa akademya? BAkit? - Ang mga mag-aaral ay wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga Dominikano.
71
Implikasyon: 5. Anong kaugaliang Pilipino ang makikita sa kabanatang ito? Ipaliwanag. -
Ang kaugaliang Pilipino ay makikita sa kabanatang ito ay tayong mga Pilipino ay mahilig sa mga palabas na gawa ng mga local pati rin ang ano mang bagay na gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin.
7. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan ang mga kaugaliang ito? Ilahad ang iyong sagot. -
Ang mga Pilipino ay mas lalong natangkilik sa panood ng mga palabas lalo na ang mga gawa ng ibang bansa, karamihan sa mga Pilipino ay mas pinipiling panoorin ang mga palabas na gawa ng mga amerikano kesa sa local kaya naiiwanan na ang industriya ng Pilipinas.
8. Ano ang ipig palitawin ng may-akda sa pagkakalapit ni Makaraig kay Pepay? -
Si Macaraig ay makahulugang tumingin kay Pepay, siya ay parang ibig ipahiwatig na may gusto siyang sabihin kay Pepay.
9. Sino sa mga mag-aaral ang iyong naibigan? Bakit? - Si Isagani ang naibigan ko dahil siya ang pinakamasipag at tagapagtaguyod.
Sanggunian: https://elfilibusterismo000rainargifel.wordpress.com/2008/01/09/ kabanata-22/
72
Kabanata 23: Isang Bangkay
Buod:
Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pagaalaga kay Kapitan Tiyago na noo’y lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy niyang bibigyan. Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi man lamang niya binubuklat. Mayamaya ay dumating si Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa pagkakabanggit na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis. Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn, bihasa, Malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayn at may magandang kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan.
Mensahe:
73
- Ang pagtalikod sa pakikipaglaban na walang katiyakan ay hindi isang kaduwagan o kahinaan. Matalino at matapang ang mga tao na mayroong ganitong pananaw sa buhay.
Pagsusuri: 1. Anong uri ng tagapag-alaga si Basilio? Ilarawan ang kanyang kalagayan sa pag-aalaga kay Kapitan Tiago? -
Si Basilio ay mapagmahal at maalaga dahil may malaking utang na loob siya kay Kapitan Tiago sapagkat pinag-aral siya ng medisina.
2. Bakit patuloy na lumalala ang kalagayan ng kalusugan ni Kapitan Tiago? Saan kaya ito nakakakuha ng apyan gayong mahigpit sa pagaalaga si Basiliio? Maghinuha. -
Si Kapitan Tiyago an nalason ng apyan at patuloy na kumakalat sa kanyang buong katawan, nakuha niyo ito siguro dahil may sakit na lumalaganap sa bayan na iyon at nahawa si Kapitan Tiyago.
3. Anu-anong bagay sa pamahalaan ang inihambing ni Simoun kay Kapitan Tiago? -
Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na kabulukan sa bayan, ay malapit nang “maglagot” ang bayang Pilipinas.
4. Bakit hindi binasa ni Basilio ang maliit na aklat ni ipinadala ni Simoun? Anu-ano ang kanyang malalaman sa aklat na iyon? - Binigyan ng librong pang-rebolusyonaryo ni Simoun si Basilio, pero hindi binabasa ni Basilio sapagkat siya ay abala sap ag-aalaga at pagbabantay kay Kapitan Tiyago, at isa pa si Basilio ay nag-aaral ng medisina at hinahanap niya sa mga libro ang sakit na nakuha ni Kapitan Tiyago. 5. Anong uri ng himagsikan ang inihanda ni Simoun? Sang-ayunan kaya ni Elias ang himagsikang ito? Bakit. - Ang layunin ni Simoun ay hindi para sa bayan sa paghihimagsik na ito. Ito’y ginawa lamang niyang kasangkapan sa isang makasariling layunin---
74
ang maka-paghiganti at mailigtas si Maria Clara sa mga pagdurusa sa kumbento.
Implikasyon: 8. Ipaliwanag. Ang tapat bang pag-ibig ay dapat na hanggang kamatayan? Bakit oo? Bakit hindi? Pangatwiran ang iyong sagot. -
Kapag ang magkasintahan ay nagmahalan ng lubusan, kahit ang kahat pai nito ay pumanay, dito malalaman kung kahit wala na ang kanyang kahati ay mamahalin niya pa rin. Para sa akin ay oo, lalo na kapag ang nararamdaman mo ay nahanap mo ang soulmate mo.
9. Sa inyong palagay, may mga bhinata pa bas a kasalikuyan na gagawin ang lahat dahil sa isang pag-ibig na naharang ng masamang kapalaran? Patunayan. - May mga tao pa ring gagawin ang lahat para makasama habang buhay ang kanyang kasintahan, kahit na tayo ay nasa modernong pamumuhay. Sa palagay ko ay meron dahil ang mga binate kapag nagmahal ay gagawin ang lahat upang makasama niya ang kanyang kasintahan kahit anong mangyari.
Sanggunian: https://elfilibusterismo000rainargifel.wordpress.com/2008/01/09/ kabanata-23/
75
Kabanata 24: Ang Pangarap
Buod: Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at Elias at Salome sa Noli Me Tangere, ito ay kabanata rin ng dalawang magkatipan, sina Isagani at Paulita Gomez. Buhat ng magkatampuhan sa naganap na palabas (sapagkat si Isagani ay nagselos kay Juanito at si Paulita ay nagselos sa panonood ni Isagani sa mga artistang Pranses), nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang mag-usap. Dito, nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isa’t isa. Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng mga estudyante na maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doña Victorina na makapiling at makasal siya kay Juanito Pelaez. Sa una, dahil sa kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan ang kanilang mga balak, nakipagkasundo siya kay Paulita na hindi na ito makikipagtipan sa huli. Ayaw raw maging sagabal ni Isagani sa mga pangarap ni Paulita. Sa ikalawa, dahil pangarap nga ni Doña Victorina na makasal kay Juanito Pelaez, payag raw ang una na si paulita ang makatuluyan ni Isagani upang masolo niya si Juanito.
Mensahe: - Ang lihim ay lihim. Kapag masyadong masaya, huwag magpapadala sa emosyon upang isiwalat ang mga nakatagong lihim.
76
Pagsusuri: 1. Bakit magkikita sina Isagani at Paulita? - Upang pag-usapan nila ang mangyayari sa dulaan na magaganap. Atsaka si Paulita ay kasintahan ni Isagani kaya sila nagkikita upang masilayan at makausapa ang isa’t isa at upang imungkahi ang magiging daloy ng dulaan. 2. Paano ipinahiwatig ni Donya Victorina kay Isagani na may damdamin siya kay Juanito? -Ipinahiwatig niya ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng kanyang nararamdaman para kay Juanito. Si Donya Victorina ay lubusang umiibig para kay Juanito Palaez at sinabi at pinaramdam niya ang kanyang pag ibig. 3. Ilarawan ang bayang pinapangarap ni Isagani. -Pinapangarap ni Isagani na magkaroon ng pagawaan ang bawat pook, mga daungan at tanggulang bansa. Ito ang pangarap ni Isagani sa kanyang minamahal na bayan. 4. Masasabi nga kayang higit ang pag-ibig ni Isagani kaysa kay Paulita sa pagiging magkasintahan nila? Ipaliwanag. -Sa tingin ko higit ang pag-iibigan nilang dalawa dahil pinapakita nila sa isa’t isa na may pag-aalala at pagpapahalaga sa bawat ginagawa nilang magkasintahan. Kaya masasabi ko na higit ang pag-iibigan ni Paulita at Isagani sa isa’t isa.
Implikasyon: 5. Ano-anong pangunahing kaisipan o aral ang iyong nakuha sa kabanatang ito particular sa pag-ibig? Paano mo magagamit ang mga ito sa iyong buhay? - Ang pangunahing aral na nakuha ko sa pag-ibig ay wag basta magpadala sa emosyon o nakikita at dapat may tiwala kayo sa isa’t isa. Magagamit ito sa ating buhay dahil ang pag-ibig ay nagbibigay kaligayan sa atin at dapat
77
kapag papasok ka sa pag-ibig ay handa kang magtiwala sa iyong kasintahan. Sanggunian: https://elfilibusterismo000rainargifel.wordpress.com/2008/01/09/ kabanata-24/ Kabanata 25: Tawanan at Iyakan
Buod: Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila, kasama si Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: “Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!” Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan sila’y pilit at may tunog ng paghihinakit. Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sana’y si Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng impormal na si Juanito. At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha. Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang klay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala; lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene; ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ayon kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay ng pansitkay Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit. Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan. Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin. May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagtiktik ito sa mga estudyante. Ani Makaraig: “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!”
78
Mensahe: - Ang aral sa kabanatang ito ay ang pagsisisi ay laging nasa huli. At ang pagiging mapusok ay walang naidudulot na maganda sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Pagsusuri: 1. Anu-ano ang mga bagong karanasan ni Placido nang lumisan sa klase ni Padre Millon? -
Ninais niyang maghiganti sa gurong nampahiya sakanya sapagkat siya ay wala naming maling ginawa kundi ang tulungan lang ang kanyang kaklase. Nagsuwail si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng Kastila.
2. Anong pasiya kaya ang nabuo sa isip ni Placido pagkatapos niyang makadaupang-palad ang mag-aalahas? - Napasiya niyang gumanti sa mga kastilang nangapi sakanya at marahil ay parehas sila ni simoun na mayroong balak na paghigantihan. 3. May mga opisyal ba tayo sa nagyon ang katulad ni Don Custodio pagdating sa laranagan ng pagpapasiya? Patotohanan o pasinungalingan ang iyong sagot. -
Para sa akin ay oo sapagkat mayroong mga opisyal na bumabase lamang sa desisyon ng mga nakakataas.
4. May mga dayuhang palabas o panoorin na dumarating sa bansa. Ihambing ang suporta ng mga Pilipino sa mga dayuahan at local na palabas. Ano ang iyong konklusyon ukol rito? - Sa kasalukuyang panahon ay lalong dumadami ang mga panoorin mula sa ibang bansa, ang mga Pilipino ay sumusuporta at hinahangaan ang mga bida rito.
Implikasyon: 5. Bakit kaya binigo ni Rizal si Simoun na mailigtas si Maria Clara? Ano ang ipinahihiwatig niya sa mga mambabasa?
79
- Hindi lahat ng kuwento sa buhay man o nobela ay mayroong magandang wakas at kahit na ano pa ang pinagdaanan mo upang makuha ang ninanais kung ito ay nakatadhana sayo hindi mo na mababago pa. 6. Ano o sino kaya ang sinisimbolo ni Paulita na kaakit-akit subalit taliwas ang pangarap sa kapwa Pilipino? - Si Isagani na kanyang iniibig, Nangako si Isagani sa sarili niya na iaalay niya ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang bayan na kanyang tinubuan. Sinabi niya sa sarili niya na kung hindi siya mag tatagumpay ay masaya at ikatutuwa pa rin niya na sa paanuman ay isa siya sa mga bayaning nagpakita at nagpadami ng pagibig sa kanilang kalayaan. 7. Nakita ng mga mag-aaral na may isang binatang nagmamadaling sumakay sa karwahe ni Simoun. Sino kaya ito at bakit hindi lantarang inihayag ng may-akda ang katauhan nito? Maghinuha. - Si Basilio, hindi linataran ang pagpapahayag ng katauhan niya sapagkat walang may alam na siya ang kasama ni Simoun sa gabing iyon, at wala ding ideya ang mga studyante na isa si Basilio sa mga nais maghiganti. 8. Anu-anong mga aral at mahalagang kaisipan ang iyong natutuhan sa kabuoan sa kabanatang ito? - Ang aral sa kabanatang ito ay ang pagiging mapusok ay walang mabuting maidudulot lalo na sa mga kabataan. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Ang pagiging mapusok ng mga kabataan ay makikita sa kung papaano ipinamalas ng mga mag aaral ang kanilang mga saloobin ukol sa akademiya na nais nilang magkaroon.
Sanggunian: http://www.joserizal.ph/fi27.html
80
Kabanata 26: Mga Paskin
Buod: Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na pera para makuha na niya ang kanyang grado. Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinaguusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan. Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan. Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan. Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.
Mensahe: - Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.
81
Pagsusuri: 1.Bakit maagang lumabas ng tahanan si Basilio? -dahil pupunta siya ng san juan de dios para bisitahin ang pasyente niya at aasikasuhin niya ang lisensya niya. At pumunta din kay macaraig para mangutang . 2. Isalaysay ang natuklasan ni Basilio sa ospital at Pamantasan. -ang kanyang kaibigan na may mensahe na ukol sa pakanang natuklasan. Na di natuloy na may masamang balak sana si simoun.at nalaman niya sa propesor niya na may nangyari nung gabi na buti na wala daw siya dun. 3. Ano kaya ang nilalaman ng poster at sino-sino kaya ang nagpaskil ng mga ito? May kinalaman kaya si Simoun dito? Maghinuha. - dahil sa mag aaral pangkat ng grupo na gumagawa ng paglulungsad ng himagsikan. At wala naman din kinalaman dito si simoun. 4. Bakit at paanong naubusan ng pera si Basilio? Bakit kay Makaraig pa siya nanghiram at hindi kaya Kapitan Tiago? - Sapagkat alam niyang matutulungan siya ni Makaraig at ang perang gugugulin ay hindi dapat malaman ni kapitan tiyago ang dahilan nito. 5. Ano ang sinisimbolismo ng mga mag- aaral na sina Sandoval, Tadeo, at Juanito? Ano ang Nakita mo sa kanilang pagkatao nang sila’y pare-parehong maharap sa isang suliranin? Paghambingin. -Sapagkat sila ay may mga galit din sa prayle at natuwa noong nakita nila ng mga paskin na nakapaloob sa kanilang paaralan kayat sila ay maaring gumawa nito
82
Implikasyon: 6. Anong uri ng pagkatao ang ibig buhayin ni Rizal sa pagkatao ni Basilio? Bakit? -
Si Basilio ay isang mag-aaral na naging matapang upang gumawa ng mga bagay na alam niyang delikado para lamang sa paghihiganti niya sa mga taong masasama.
7. Maituturing bang duwag si Basilio nang talikuran niya ang kaibigang si Isagani na noo’y hindi alintana kung maririnig man siya ng mga prayle sa pagsanib sa may kagagwan ng paskin? Ano ang masasabi sa katangiang ito ni Isagani? - Hindi, dahil ayaw lamang niyang siya ay mahuli sapagkat maaaring masira ag plano nila ni Simoun. Ang katangian ni Isagani sa nangyari ay hindi pawanv pangkaibigan sapagkat ang unang niyang maaaring gawin ay lumapit muna kay Basilio kung siya ba ay may kinalaman at ano ang dahilan nito. 8. Tama ba ang pagkakahuli kay Basilio sa kabanatang ito? Ano ang ibig palitawin ng may-akda ukol rito? Ipinalilitaw rito na kung saan naroon ang panganib ay doon tayo pumunta dahil naroon ang karangalan. Sanggunian: http://www.joserizal.ph/fi27.html
83
Kabanata 27: Ang Mga Prayle at Pilipino
Buod: Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang kaniyang magaaral na si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung kasama ba ito sa hapunan. Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si Isagani na kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa mga pari. Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng argumento. Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng pari na malabis na ang sinasabi ni Isagani. Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at karunungan ay kasama sa pagkatao ng mga nilalang. Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino upang maging maginhawa lamang. Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pakikipagtalo sa isang estudyanteng Filipino.
Mensahe: - Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama o nasa katuwiran. Hindi naibibigay ng edad ang pagkamulat bagkus ang mga karanasan at pinaniniwalaan ang siyang ugat ng pagiging matuwid.
Pagsusuri:
84
1. Anu-ano ang mga hangarin ng mga mag-aaral na Pilipino sa mga paring nagtuturo sa kanila? -maging maunlad ang mga tulad nilang kabataan sa mga larangan ng pisika, intelektuwal, at moral. Isa pa sa hangarin nila ay maging tapat ang mga prayle at gawin ang mga oblisgasyon nila. 2. Bakit naglakas loob si Isagani na makipagtalo kay Padre Fernandez? -Dahil si Isagani ay isang magaaral na may ipinaglalaban para sa katarungan nila ng mga kapwa niya magaaral. Nais din niyang gawin ng mga prayle ang kanilang mga obligasyon at maging tapat sa mga tungkuling kanilang isinasagawa 3. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa tinuran niyang; “kayo rin ay walanng awang lumalait sa mangmang na Indio.Ipinagkakait ninyo sa kanya ang mga Karapatan sa dahilang siyaay mangmang. Hinuhubaran ninyo siya. Pagkatapos, kinukutya at ito’y kanyang ikinakahiya.” -minamaliit at ginagawang walang silbi at walang bilang kung baga. 4. Ano naman ang kahulugan ng sinabi ni Padre Fernandez na “ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapat-dapat pagkalooba” Masasabi bang hindi dapat pagkalooban nito ang mga mag-aral na Pilipino o sa mga tamad na lamang na mag-aaral? -Ang nais iparating dito ni Padre Fernandez ay ang mga taong nararapat lamang na turuan at magkaroon ng mga bagong kaalaman ay ang mga taong may utak at hindi mangmang o tamad. 5. Paano nagtapos ang tunggalian ng kaisipan ng prayle at ng magaaral na Pilipino? Bakit sa ganitong paraan nagwakas ang kanilang usapan? -Humanga si Padre Fernandez sa mga pahayag ni Isagani, ngunit nag-aalala siya sa maaring kahinatnan ng isang katulad ni Isagani mayroong paninindigan. Sa ganitong paraan natapos ang usapan sapagkat alam ni padre Fernandez na tama ang mga layunin at pinaglalaban ni Isagani
Implikasyon:
85
6. Ipaliwanag ang malaking panangutan ng mga guro sa mga kabataang nag-aaral. -Bilang isang guro, pangunahing adhikain nito ang matuto ang kanyang mga estudyante. Tungkulin nitong maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman na ituturo sa mga mag-aaral kaya naman malaking tulong ang mga pamamaraan ng pagtuturo bilang tulay upangmaunawaan ng lubos ng mga mag-aaral ang nais na ibahaging impormasyon nito. 7. Wala nga ba/kayang pagsulong ang edukasyon sa isang bansa kung hindi ito pagsisikapan ng pamahalaan? Katwiranan. -Oo dahil sa kanila nang gagaling ang publikong paaralan at mga pangangailangan ng mga studyente. Gayun paman marapat na bigyang pansin ng pamahalaan ang edukasyon at pati na rin ang mga studyante. Dapat na ito’y unahin dahil ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan kayat dapat na pagyabungin ang mga karunungan ng mga mag-aaral.
Sanggunian: http://www.joserizal.ph/fi27.html
Kabanata 28: Pagkatakot
86
Buod: Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na wasto ang kaniyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan. Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari. Nais namang konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun tungkol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay. Ngunit nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na wag galawin ang mga ito. Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya kay Ben Zayb siya nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya umalis na ito agad. Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan na ito ng buhay. Kumaripas naman ng takbo ang pari. May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa isang binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon. Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.
Mensahe: - Kahit ang mga nilalang na ipinakikitang mas matapang sila sa kapwa ay mayroon ding kinatatakutan. Lahat ng katapangan ay may hangganan, at lahat ng matatapang ay may katapat.
87
Pagsusuri:
1.Bakit tumindi ang pagkabahala ni Quiroga sa pagkatuklas sa mga Paskin? -Natakot si Quiroga
2.Paano lumaki ang paniniwala ni Ben Zayb sa kanyang katalinuhan? -Dahil mayroon siyang tiwala sa kanyang sarili.
3.Ilahad ang mga kumakalat na balita na nagpatakot sa maraming tao? -Dahil mayroon nag paagaw ng pera sa binyagan.
4.Ipaliwanag ang hindi pagbabalita sa pahayagan tungkol sa dalagitang bangkay na natagpuan ni Ben Zyb? -Ayaw mabalita ni Ben Zayb.
5.Kung ikaw si Padre Irene, ibabalita mo ba kay Kapitan Tiago ang mgma kaganapan? Bakit? -Oo. Dapat lang malaman ang mag katotohanan na balita.
Implikasyon:
88
6.Makatotohanan ba sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging mapaniwalain sa mga bulong-bululngan? Patunayan. -Oo. Dahil maraming nag kakalat ng mga maling impormasyon. 7.Sa iyong pagkukuro, bakit higit na nakatatakot ang mga balitang naririnig sa radio kaysa sa mga pangyayaring iniuulat sa telebisyon? -Mas nakakatakot sa akin ang balita sa telebisyon dahil naglalaman ito ng mga imahe.
Sanggunian: http://www.joserizal.ph/fi27.html
Kabanata 29: Mga Huling Salita Tungkol kay Kapitan Tiago
89
Buod: Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiago. Napunta ang naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral. Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Tiago sa kaniyang libing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot. May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit. Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong. Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.
Mensahe: - Kung ano ang kabutihang itinanim ay siya ring aanihin.
Pagsusuri: 1. Kani-kanino ipinamahagi ni Kapitan Tiago ang kanyang kayamanan?
90
- Ang kanyang kayamanan ay ipinamahiga niya sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, sa mga orden, at sa mga mahihirap na nag-aaral.
2. Bakit hindi itinuloy ang pagpapamana kay Basilio? - Dahil sa masamang inasal ni Basilio nang mga huling araw, at kawalangutang na loob nito.
3. Isalaysay ang mga paksa ng usapan nang mamatay si Kapitan Tiago. - Pinagusapan ang mga himala na nangyari nang mamataya si Kapitan Tiyago, sinasabi nil ana nagpakita ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago sa mga mongha sa Sta.Cruz noong siya ay naghihingalo. Dahil sa pamana iniwan sa mga simbahan, ang kanyang kaluluwa ay iniligtas ng Diyos.
4. Makatotohanan ba ang usapan nina Don Primitivo at Martin Aristorenas? Bakit? - Hindi, dahil ang kanilang usapan ay ukol sa kung sino ang mananalo sa pagitan ni Kapitan Tiyago at San Pero sa pagsasabog sa langit. Hindi maaaring magkatotoo ang ganoong pangyayari dahil iyon ay kanilang imahinasyon lamang.
Implikasyon:
91
5. Anu-anong matatandang kaugalian ang ipinakita sa kabanatang ito? Mabuti ba ito? Patunayan. - Ang pagsasabi ng mga himala na kanilang naranasan sa buhay, at mga imposibleng imahinasyon nakanilang pinaguusapan upang malibang. Maaaring maging mabuti ito sa pag papagaan ng kanilang nararamdaman ngunit maaaring may maniwala rito. 6. Ano-anong pamamalakad sa simbahan ang tinutukoy dito ni Rizal? Mabuti ba ang mga ito? Bakit. - Na walang seremonyas ang taong namatay kapag ito ay hindi nakapangumpisal at walang pambayad ngunit kapag hindi nakapangumpisal at may pambayad ay bibigyan parin ng seremonyas. 7. Ano ang nais ipakita sa atin ng mau-akda sa pakikipagpalaluan no Donya Patrocinio kay Kapitan Tiago? Punahin. - Si Donya Patrocinio ay nakikipagtaasan sa pagiging banal kay Kapitan Tiyago, kaya naman kahit siya ay banal, dahil sa pagkainggit niya ay ninanais narin niyang mamatay upang magkaroon ng libing na mas higit pa kay Kapitan Tiyago.
Sanggunian: http://www.joserizal.ph/fi31.html
Kabanata 30: Si Juli
92
Buod: Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago at pagkakahuli kay Basilio. Labis namang nalulungkot si Juli dahil sa nangyari sa kasintahan. Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit kay Padre Camorra. Ngunit nag-aalangan ito dahil sa maaaring gawin sa kaniya. Gayunman, ilang gabi nang binabagabag si Juli sa kaniyang panaginip. Nabalitaan pa nitong nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa tulong ng mga kaanak. Naisip niyang wala nang tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Tiago. Ayaw man niya ay nagtungo si Juli kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa para sa nobyo. Nagtungo si Juli sa kombento. At tulad ng naiisip ni Juli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi kinaya ang kahihiyang ginawa, tumalon si Juli sa bintana ng kombento. Hindi kinaya ng lolo ni Juli na si Tandang Selo ang nangyari sa apo. Wala siyang makuhang hustisya para sa apo kaya sumama na lamang ito sa mga tulisan ng bayan.
Mensahe: - Kapag mahal ang isang tao, gagawin nito ang lahat kahit kapalit nito ay ang kaniyang kaligtasan.
Pagsusuri:
1.Ano-ano ang palagay sa pagkakabilanggo ni Basilio?
93
-Masyadong inabuso ni Basilio.
2.Bakit natatakot si Juli sa paglapit kay Padre Camorra? -Dahil nakilalang malikot si Padre Camorra.
3.Paano napapayag ni Hermana Bali si Juli na magtungo sa kumbento? -Ang payo ni Tandang Basyo Macunat ay ibinigay ni Hermana Bali.
4.Makatwiran .ba ang ginawang pagtalon ni Juli mula sa bintana ng kumbento? Katwiranan. -Hindi makatuwiran iyon, ngunit hindi namin siya masisisi na hindi niya nagustuhan ang nangyari.
5.Bigyan ng palagay ang pagpapahalaga ng mga Pilipina sa puri o dangal -Pinahahalagahan ng mga Pilipino ang mga papuri.
Implikasyon: 6.Ihambing ang kadalagahan noon sa ngayon sa pagpapahalaga sa pag-ibig? -Noon, nahihiya ang mga kababaihan, at marami sila. Ang mga kababaihan ay katumbas ngayon sa mga kalalakihan sa bukid.
94
7.Patunayang ang kahirapan ay may malaking kinalaman sa kasawian ng mahihirap na bilanggo. -Dahil ang ibang mayayaman ay madaling makawala dito kapag nasisingil, ang hustisya ay para lamang sa mayayaman. Hindi sila binibigyan ng pagkakataong magbago kung mahirap ang mga bagay.
8.Patunayan na kinakatawan ni Juli ang ating bayan sa kasaysayang ito. -Dahil maraming kababaihan ang inaabuso at ginahasa, si Juli ay naging isang simbolo para sa aming pamayanan. Hindi ito katanggap-tanggap sapagkat dapat nating igalang ang bawat isa nang may paggalang.
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani
Buod: Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb, hindi lumabas sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Tanging lumabas sa mga sirkulasyon ay
95
ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa lamang nila. Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na lamang ang nasa loob ng bilangguan. May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan. Sinabi niyang mabuti si Basilio at sa katunayan ay malapit nang matapos sa kurso sa medisina. Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng kawani. Panay kasi ang pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito. Sinabihan ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan. Sabi naman ng heneral, sa Espanya siya may utang na loob dahil sila ang nagbigay ng kapangyarihan at hindi ang mga Pilipino. Bigong lumisan ang kawani na kinabukasan ay nagbitiw umano sa puwesto at babalik na lamang Espanya.
Mensahe: - May mga taong kahit na alam na mali sila ay paninindigan na lamang ito upang hindi maibaba ang sarili at mapahiya. Ipipilit nila ang gusto kahit mayroong masamang epekto sa kanilang kapuwa.
Pagsusuri:
1. Ipakilala ang mataas na kawani. - Ang mga empleyado ng gobyerno na may mataas na posisyon ay tinukoy bilang mataas na kawani.
96
2. Paano ipinagtanggol ng kawani si Basilio? - Dahil alam nyang mabuting tao si basilio.
3. Bakit nakasama sa halip na nakabuti ang pagtatanggol kay Basilio ng mataas na kawani? - Sapagkat kinukutya ito ng Heneral at binibitiw ito. Bilang karagdagan, iginiit niya ang pagkakaroon ng mga libro na nagbabawal sa medikal na pagsasanay.
4. Ipaliwanag ang katwiran ng Kapitan Heneral sa kanyang ginawang pasiya kay Basilio? - Sa kanyang pananaw, si Basilio ay isang masamang tao.
5. Bigyan ng reaksyon ang pag-alis sa tungkulin ng mataas na kawani. - Nalulungkot ako sapagkat siya ay natanggal sa trabaho para sa simpleng pagtulong.
Implikasyon: 6. Paano ipinakita ng may-akda sa kabanatang ito ang kapangyarihan ng salapi.? - Ang karapatan ay ang awtoridad sa moral na gawin, hawakan, makinabang mula sa, at magtaglay ng mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang kasalukuyang estado ng buhay. Ang pagtupad sa mga responsibilidad ay isang gawaing moral, at ito ay bahagi ng moralidad ng tao.
97
7. Bakit nagbitiw sa tungkulin ang kawani? May kawani pa bang katulad niya sa ating bayan? - Pagod na siyang maging hindi niya mawari ang nangyayari sa bayan. Mayroon pa ring isa, ngunit pareho ito. 8. Sa ngayon, may mga Kapitan Heneral pa kaya sa ating pamahalaan? Patunayan ang sagot. - Ang ating gobyerno ay mayroon pa ring mga heneral ng kapitan, ngunit hindi kami sigurado kung ginagawa nila ang kanilang mga trabaho nang matapat.
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 32: Ang Bunga ng mga Paskil
Buod: Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring pagpapaskil. Wala na halos mga magulang ang nagpapaaral ng mga anak. Habang bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit. Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito. Nagmamadali
98
namang nagpunta ng Europa si Makaraig habang si Juanito naman ay kasama ng ama nito sa negosyo. Pinalad namang makapasa sina Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nasa piitan pa ito. Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang Selo dahil sa kutserong si Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio. Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.
Mensahe: - Dahil sa paninira ng mga nasa kapangyarihan sa isang institusyon o gawain, nawawala ang kredibilidad nito kahit ang katotohanan ay nais lamang ng mga ito ang mapabuti ang mga kapuwa.
Pagsusuri: 1. Bakit natatakot ang mga magulang ng mga mag-aaral na probinsyano? - Narito ang insidente ng mga Natatakot na Magulang. Narito ang paglitaw ng mga magulang na nagtuturo sa kanilang mga anak.
2. Paano tinanggap nina Tadeo at Juanito ang kanilang pagkakatigil sap ag-aaral?
99
- Tinanggap nila ang pagtatapos ng kanilang pag-aaral sa parehong paraan ng pagsunog ni Tadeo ng kanyang mga libro, habang si Juanito ay pinilit na alagaan ang negosyo ng kanyang ama, ngunit siya ay masaya pagkatapos ng ilang araw din.
3. Paghambingin sina Juanito at Isagani batay sa pasiya ni Paulita na pakasal sa una? - Si Juanito, ayon kay Paulita, ay matalino, mayaman, at may lahi sa Espanya. Sinasabi ni Paulita na ang Isagani ay isang probinsiya na walang pangarap kundi mga kagubatang puno ng linta.
4. Ilahad ang mga bali-balita tungkol kay Simoun. - Plano raw ni Simoun na palabasin ang isang chunk ng brilyante at isabog ang mga perlas bilang parangal sa anak ng kapareha.
5. Sa palagay mo ba ay dapat kainggitan si Don Timoteo Pelaez? Bakit? - Nakalulungkot ako sapagkat siya ay natanggal sa trabaho para sa simpleng pagtulong.
Implikasyon: 6. Dapat nga kayang ikalungkot o ikatuwa ang di pagpasok sa paaralan? Katwiranan. - Ang nawawalang paaralan ay dapat magpalungkot sa iyo bilang isang magaaral na may mataas na hangarin sapagkat tayo ay mga bata lamang minsan; darating ang araw na ang iyong edad ay wala na sa kalendaryo; maaari mong isipin na tatapusin mo ang iyong pag-aaral noong ikaw ay mas bata dahil maaari kang lumayo nang mas malayo kung mas mahusay ang iyong mga marka.
100
7. Kung kayo ay iibig, ano ang iyong gagamitin? Puso o pag-iisip? - Mas gusto kong mag-isip dahil kung hindi mo muna iniisip, peligro mong saktan ang iyong puso sa pamamagitan ng paggawa ng hindi magandang pasya.
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 33: Ang Mahuling Matuwid
Buod: Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang papapasukin kapag dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata. Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.
101
Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at sumama sa mga plano nito na dati ay tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na yumao. Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan. Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si Simoun na magkita sila ni Basilip sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano.
Mensahe: - Kahit na nag-iisip ng matuwid ang isang tao, may mga pagkakataong kakapit din siya sa patalim dahil nabubulagan ng mga suliranin at pinagdaraanan sa buhay.
Pagsusuri:
1. Paano nakalaya si Basilio? -Tinulungan ito ni Simoun para maka laya ang binata.
2. Ilarawan si Basilio nang humarap sa mag-aalahas. -Hindi niya nakilala si Simoun dahil sa tagal niyang pagkakabilanggo.
102
3. Bakit nagtungo si Basilio kay Simoun? -Pumunta ito sa bahay ni Simoun dahil nagsisisi ito sa pang tanggi ng alok ni Simoun noon at naging determinado si Basilio na lumaban at maghimagsikan para maka ganti sa namayapang ina at kapatid.
4. Ilahad ang mga balak ni Simoun sa gabi ng kasal nina Juanito at Paulita? - Pumunta sila sa laboratory at pinakita doon ang isang nakakamatay na pampasabog at sabi naman ni Simoun ay gagamitin ito habang nagaganap ang kapistahan.
5. Makatwiran ba ang pasya ni Basilio na makiisa kay Simoun? Bakit? - Makatriwan naman ito kung ilalagay ko man ang aking sarili sa pangyayari. Madami nang mapapait na karanasan sa buhay na napasakamay ng mga kastila at ang mga prayle.
Implikasyon: 6. Ang poot nga kaya ay nakapanghihina sa katwiran? Patunayan. - Oo dahil kung matindi ang iyong galit ay hindi na makakapag isip ng maayos at minsan ay nakakasakit ka pa sa iyong kapwa, para maiwasan ay gumawa ng isang hindi nakakasakit na paraan para mag higanti na walang pagsisisi at hindi nagdadalawang-isip. 7. Kung ikaw ay naghahangad ng pagbabag, mamarapatin mo ba ang dahas upang madali ang pagtatagumpay? Katwiranan.
103
- Para sa akin hindi, dahil una sa lahat mataas ang aking pride at medyo “toxic” kaya ayoko na masaktan ang iba sa kapaligiran. Idaan nalang ito sa usapan.
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 34: Ang Kasal ni Paulita
Buod: Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala ang kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di umuwi. Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara. Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani. Inisip niyang ayain ito sa
104
himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay sa mangyayaring pagsabog. Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging. Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog. Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.
Mensahe: - Kahit na nag-iisip ng matuwid ang isang tao, may mga pagkakataong kakapit din siya sa patalim dahil nabubulagan ng mga suliranin at pinagdaraanan sa buhay.
Pagsusuri: 1. Abu-ano ang pagbabago sa tahanan ni Kapitan Tiago? Mahalimuyak na at colorful na ang bahay o kapaligiran nito. 2. Bakit napakalaki ng kapalarang napasakamay ni Don Timoteo Pelaez? Dahil napakasalan nya at magkakaron nasya ng mayamang manugang. 3. Paano nakilala ang mga dakilang panauhin sa kasal nina Juanito at Paulita?
105
Dahil ito sa mga bisita. 4. Sa palagay mo, bakit naging mauwag si don Timoteo sapag-aayos si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago? Dahil ang bahay na iyon ay importante kay kapitan tiago 5. Kung ikaw si Basilio mangangarap ka kaya ng pagkilala ng iba sa gawaing iniatas saiyo ni Simoun? Bakit? Hindi kasi gusto ko makilala ako ng tao talaga hindi galing sa opinyon ng ibang tao.
Implikasyon: 6. Mahalaga nga kaya sapag-aasawa ang marangyang kasalan? Bakit? - Sa opinyon ko depende ito sa tao kung madami ka naman pera at budget deserve mong magkaron ng marangyang kasalan. kung kaoonti lang naman ito hindi importante dahil ang importante sa kasalan ay ang nagmamahalan talaha kyo at handa kayong icommit ang pagmamahal nyo sa diyos. 7. Hangad mo bang makilala at makasama ng mga kilalang tao kahit ito’y palabas lamang? Katwiranan. - Oo dahil sa tingin ko napaka maayos at astig din ng kanilang mga personalidad sa kwento.
Sanggunian: panitikan.com.ph Kabanata 35: Ang Piging / Pista
Buod: Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Nasa loob na rin ng bulwagan si Padre Salvi pero ang heneral ay hindi pa dumarating. Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa
106
madungis niyang anyo. Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis ang binata mula sa usapan dahil naisip si Paulita. Habang nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may nakasulat na “MANE THACEL PAHRES JUAN CRISOSTOMO IBARRA.” Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti si Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa pagkain. Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawa nang pumasok naman si Isagani at kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog mula sa asotea.
Mensahe:
- Namamayani pa rin sa ilan ang kabutihang loob kahit na mayroong pagnanasang gumanti sa kapuwa. Bandang huli, ang paghihiganti ay hindi lunas sa sugat ng kahapon.
Pagsusuri: 1. Anong larawan o kaugalian ng mga Pilipino ang masasalamin sa nangyaring handaan? Ipaliwanag ang iyong sagot. - Ang katangian ng isang makabayang pilipino ay isang kayumanggi at isa tayo sa mga taong hindi sumusuko. Ang kaugalian naman ng isang pilipino ay mababait, matatapang, masipag, matalino, at mapagmahal. 2. Ano-anong mga bagay ang pumasok sa isip ni Basilio nang makita niya ang lamparang naglilinis ng masasama sa bayan? Ano ang damdaming nanaig sa kanya nang makita ito?
107
- Pumasok sa isip ni Basilio ang mga inosenteng mamamatay at madadamay sa pag-sabog. Nanaig ang pagmamalasakit ni Basilio sa mga tao sa Piging. 3. Dapat nga kayang mamutla si Padre Salvi sa lagda ni Ibarra? Bakit? - Dahil alam nyang marami syang ginawang kasalanan hindi lang kay Ibarra kundi sa taong bayan. 4. Bakit pinigilan ni Basilio si Isagani na magtungo sa kasalan? BAkit hindi matiis ni Isagani na mailigtas ang kanyang kasintahan gayong talusira ito sa kanilang pag-iibigan? - Dahil alam nyang marami syang ginawang kasalanan hindi lang kay Ibarra kundi sa taong bayan. 5. Bakit kaya hindi natuloy ang ikalawang hudyat para sa naduging rebolusyon? Ano ang nais ipahiwatig dito ng may-akda? - Dahil sa nangyari hindi sumabog ang lampara na dapat ikalawang hudyat para sa naduging rebolusyon. 6. Ano ang iyong naramdaman sa bahaging malapit nang magtagumoay si Simoun subalit naapigilan ni Isaganing malipol ang mga sanhi ng pighati at kasawian ng napakaraming Pilipino? - Masaya ako na malapit nang magtugumpay si Simoun ngunit malungkot sa mga inosenteng buhay na masasawi. Masaya ako na napigilan ni Isagani ang pagsabog at hindi nasawi ang napakaraming Pilipino 7. Paano haharapin ni Simoun ang mga pangkat ng tulisan at mga guwardiya-sibil sa nabigong pagsabog? Maniniwala pa kaya silang muli kay Simoun? Bakit? - Sinabi pa niya na ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok kundi sa mga tulisan na nasa bayan at siyudad. 8. Sino kaya ang madidiin kapag natagpuan ng mga imbestgador na sa bahay ni Don Timoteo ay may mina ng pulbura? Ano kaya ang magiging buhay nina Paulita at Juanto pagkatapos nito? - Mahahati ang mga opinion tungkol kay Don Timoteo at ang buhay ni Paulita at Juanto. Pwedeng mag-iba ang buhay ni Paulita at Juanto, pwede silang mahirapan sa pamumuhay dahil sa mga iba’t-ibang kwento at opinion ng mga tao, paguusapan din sila ng mga ito.
108
Implikasyon: 9. Ang pagmamahal ng aba sa kasintahan ay dapaat pa rin pangibabawin kahit na ito’y tumaliwas na sa inyong pagmamahalan? Ipaliwanag. - Dapat mangibabaw nalamang ay ang pagmamalasakit sa kapwa. Ituring mo nalang syang isang pagmamahal bilang kaibigan nalamang.
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 36: Mga Kagipitan ni Ben Zayb
Buod: Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at hindi makatulog. Dito ay nakaisip na naman niyang gumawa ng balita na bayani raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at Irene, at si Don Custodio. Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben dahil ipinagbawal daw ng heneral ang pag-alala sa anumang nangyari noong gabing iyon. Nabalitaan naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais na naman niyang gumawa ng balita ukol doon.
109
Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan daw ng mga naghimagsik. Gustong dagdagan ni Ben ang bilang ng mga lumusob. May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat dawn g paglusob nila ang pagputok na nangyari. Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno nila. Ngunit nawawala na si Simoun at wala na rin ang mga armas doon.
Mensahe: - May mga kuwento at bali-balitang ginagawa at pinalalala lamang ng mga mananahi ng istorya. May mga taong napapahamak at naniniwala kaya kailangan ay maging mapagmatiyag.
Pagsusuri: 1. Bakit hindi na dumalo sa hapunan at sayawan si Ben Zayb? - Hindi pinahintulutan ng kapitan Heneral na mailathala ang Artikulo ni Ben Zayb dahil tinatalakay nito ang kasamaan ng pamahlaan, at simbahan. kung paano pinapahiya ng mga prayle ang kanilang mga estuyanteng Pilipino at sinasabi nila itong mga Indiyo o mga mangmang o walang alam. 2. Paano tinaggap ni Zayb ang pagbabawal ng heneral sa mga lathalain tungko sa pista? - Sa aking paningin ay nadismaya si Ben Zayb dahil pinagbawalan na maipalabas ang isinulat nya ngunit sa tignin ko ay pinag-sa-walang bahala
110
na lang nya ito ng makakuha pa sya ng isang balita ukol sa mga tulisan nanloob at nagnakaw. 3.Ilahad ang pagkabigo ng mga tulisan sa mga pangako ni Simoun. - Napatunayan niya ito ng minsang maharang siya ng mga tulisan at ang kinuha lamang ay ang kanyang mga armas at hindi ginalaw o pinag interesan. Sinabi pa niya na ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok kundi sa mga tulisan na nasa bayan at siyudad. 4. Matibay ba ang mga ebidensya laban kay Simoun? Patunayan. - Oo matibay ang ebidensya laban kay Simoun dahil hindi lang sa anyo umayon ang ebidensya pati narin ang pagkawala nya at Nakita ring may maraming bala at bulbura sa kanyang bahay. 5. Kung ikaw si Simoun, magtatago ka rin ba? Bakit? - Oo gagawin ko ang ginawa niyang pagbabalik sa San Diego dahil alam kung andun ang babaeng pinakamamahal ko, gusto ko siyang balikan para ialis sa bayan na iyon at mamuhay ng tahimik.
Implikasyon: 6. Maituturing bang magaling na mamahayag si Zayb? Bakit? - Pinapaganda at pinapabango nya lang ang mga reputasyon at pangalan ng mga maimpluwensyang tao sa kanyang mg sulat. 7. Makatwiran bang tugisin si Simoun ng pamahalaan, tulisan at ng taong bayan? Katwiranan. - Dapat alamin muna ng mga tulisan ang totoong nangyari kung bakit hindi natuloy ang piangplanuhan nila kasama si Simoun bago nila tugisin ito.
111
Sanggunian: panitikan.com.ph
Kabanata 37: Ang Hiwagaan Buod: Sa kabila ng pagpipigil sa balita sa mga kaganapan noong gabi sa piging ay nalaman pa rin ito ng madla. Naging usap-usapan ito ng lahat ngunit palihim nga lamang. Ang payat na platerong si Chichoy ay nagdala kasi ng hikaw kay Paulita. Tinatanggal na noon ang mga palamuti at sa mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang maraming supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, at sa likod ng mga upuan. Ayon daw kay Ginoong Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon. Maaring isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito kay Paulita.
112
Binalaan agad ng may-ari ng bahay na si Kapitan Loleng kung saan nanunuluyan si Isagani na magtago ito. Ngunit ngumiti lamang ang binata. Ipinagpatuloy ni Chikoy ang pagbabalita. Aniya, dumating daw ang mga sibil ngunit wala namang mapagbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na pinagdausan ng piging. Pinaalis daw ang lahat ng mga ‘di kailangan sa imbestigasyon. Natakot ang mga babaeng nakikinig sa ibinalita ni Chikoy. Hinulaan nila kung sino ang may kagagawan ng lahat. May nagsabing ang mga prayle daw. Ang iba ay si Quiroga daw, o kaya ay ang mga mag-aaral. Baka daw si Makaraig. At tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani.Ang sabi ni Chikoy, ayon daw sa ilang kawani ay si Simoun ang may kagagawan noon. Kaya naman nagtaka ang lahat. Biglang naalala ni Momoy, isa sa mga dumalo sa piging, ang pag-alis ni Simoun bago magsimula ang hapunan. Ang sabi naman ni Chikoy ay nawawala daw si Simoun at kasalukuyang pinaghahahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkatawan umanong tao. Dagdag pa ni Chikoy, iniisip umano ng mga may kapangyarihan na ang ilawan ang siyang magpapasiklab sa pulbura na nasa buong kabahayan. Biglang natakot si Momoy ngunit nang makita ang kasintahan na si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangan ito. Makaraan ng ilang sandali ay nagpaalam na si Isagani at umalis. Hindi na ito kaylan man bumalik pa sa kanyang amain Mensahe: -Bahagi na rin sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng tsismis, o pagbibigay ng mga hindi kumpirmadong impormasyon. Kailangan na natin ito itigil dahil ito lamang ay maguugat ng kalituhan, at katagdagang suliranin. Pagsusuri: 1. Anu-anong pagbabago ang napansin sa karaniwang nangyayari sa mag-anak na Orenda? -Ito ay ang isyung tungkol sa kaguluhan sa kasalan. Napagusapan sa bahay ng mga Orenda ang isyu tungkol sa isang magnanakaw na kinuha ang lampara at hindi napasabog ang palasyo dahil ito lamang ang lunasa nila sa simbahan at sa pamahalaan. 2. Bakit maraming naibabalita si Chichoy? -
Dahil maaaring naririnig niya ito sa mga taong na sa loob ng palasyo na ung iba ay nakakita sa pangyayari, at ung iba nakakita sa
113
magnanakaw na nakatakas. Naibunhi rin dito ang katotohanan tungkol kay Simoun. 3. Paano iniligaw ni Isagani ang mga kausap upang hindi siya paghinalaan? -Sinabi niya ang kanyang opinion ukol sa isyu at sinabi niya na kung alam man lang ng magnanakaw ang katumbas ay hindi niya ito gagawin. Sabir in ni Isagani na hindi rin daw niya ito gagawin kung sakaling na sa sapatos siya ng magnanakaw. Siya sin ay nanahimik lamang para hindi siya mapansin. 4. Sa iyong palagay bakit hindi pinasabog ng may-akda ang lampara? -
Dahil maraming tao ang madadamay. Maaaring lahat ng tao na nasa palasyo ay mamamatay.
5. Makatotohanan ba ang pag-uusap sa mga bayan-bayan tungkol sa isang isyu kahit sab aging panahon? Patunayan. -Hindi. Dahil hindi porket ay hindi nila ang mga pangyayari ay gagawa sila ng mga kung anu-anong kuwento para lang magkaroon ng hiwaga ang madla. Hindi nila alam ang lahat ng nangyari at kung anong kuwentong patago ang kanilang ipinagkakalat.
Implikasyon:
6. Ipaliwanag ang kahulugan ng pamagat ng kabanata. -
Dahil sa kabanatang ito ay pinag-uusapan ang nangyaring kaguluhan sa kasal nina Juanito at Paulita na bumalot lamang ng hiwaga sa mga madla. Nagkukuwento ang mga tao ng kung anu-ano kahit walang nakakaalam sa buong pangyayari.
7. Kung ikaw si Isagani, pagsisisihan mo ba ang pagkuha sa lampara? Bakit?
114
- Hindi, dahil kay naisip ni Isagani na nanganganib ang buhay ng kanyang minamahal na si Paulita kung kaya’t kinuha niya ito at itinapon sa ilog. Kung ito ay mangyari man sa akin ay gagawin ko rin ang ginawa ni Juanito. Maari rin na sa isang iglap ay maraming mamamatay doon sa palasyo.
Sanggunian: Panitikan.com.ph
Kabanata 38: Ang Kasawian
Buod: Si Kabesang Tales ay tinatawag ng Matanglawin at isa nang kilabot na tulisan, pati na rin si Tandang Selo. Habang Si Tano naman ay isang Gwardya Sibil at mas kilala na sa pangalang Carolino. Si Carolino at ang iba pang mga gwardya sibil ay nagpapahirap sa mga bihag na pinaghihinalaang mga tulisan. Ipinapalakad sa ilalim ng init ng araw ng walang saplot sa paa at hindi binibigyan ng tubig ang mga bihag. Dahil sa mabait si Carolino ay pinagsabihan niya si Mautang dahil sa paghahagupit sa mga bilanggo tuwing sila ay ntutumba. Hindi nila inaasahan
115
na may mga tulisang mula sa gubat. Sumugod ang mga tulisan at linabanan ang mga gwardya sibil. Nagpalitan ng putukan at namatay si Mautang kasama ang iba pang gwardya sibil. Nang may makita silang tao sa may itaas ng bato sa bundok ay iniutos kay Carolino na barilin ito. At ginawa nga ni Carolino. Matapos ang putukan ay may lumapit ang guwardiya sibil at isinaksak ang taong binaril ni Carolino gamit ang bayoneta. tiningnan nila ang mga tulisang namatay at doon ay nakilala ni Carolino ang taong binaril niya sa taas ng bato sa bundok. Ito ay ang kanyang Lolo Selo. Hindi na nakaimik at tila nawalan ng lakas si Carolino dahil hindi siya makapaniwalang siya ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo.
Mensahe: Dahil sa pagiging mapangabuso ng mga Pilipinong gwardya sibil sa kapwa nilang Pilipino, hindi nagkakaisa ang mga Pilipino dahil sa kanilang mga sariling paniniwala. Kailangan nating tandaan na kapag mayroon tayong paninindigan sa sariling paniniwala, ay mayroon din itong kapalit. Katulad lang ng nangyari kay Carolino ay nakuhaan ng buhay ang kanyang Lolo Selo dahil sa barilan na nangyari mula sa dalawang panig. Isa pa dito ay, ang katarungan ay hindi nakakamit gamit ang sariling kakayahan dahil dapat sama sama tayong magtutulungan.
Pagsusuri: 1. Ilarawan ang pamiminsala ni Matanglawin sa bayan-bayan. -Si Matangalawin ay kilala rin bilang Kabesang Tales at siya ay isa nang kilabot ng mga tulisan. Biglaan kasi ang kanyang pagsasalakay sa hindi inaasahan ng lahat. Sinunog niya ang isang kabyawan, nanira ng mga pananim at iba pa. 2. Bakit maraming umanib kay Matanglawin sa kabila ng kanyang paglusob sa Luzon? -Dahil pinaglalaban niya ang kanyang karapatan at paniniwala. Kalaban ng mga guwardiya sibil at mga pari na nang-aabuso sa kanila. Gusto rin ito
116
gawin ng iabng tao upang magkaroon man lang ng pag-asa sa pagbabago na kanilang kinakailangan. 3. Makatwiran ba ang pagmamalupit ng mga sundalo sa mga bihag? Bakit? -
Para sa akin, hindi ito tama dahil hindi naman sila sigurado na ang mga bihag ang natatanging kasamahan nila Kabesang Tales. Ang mas Malala pa rito ay mismong lahing Pilipino pa ang nagmamaltrato sa kapwa nilang Pilipino.
4. Kung ikaw ay isang bilanggo, nanaisin mo bang mamatay kaysa tumanggap ng mga parusa? Katwiranan. -Oo. Dahil kapag ako ay makakakuha ng parusa na galling sa mga guwardiya sibil, ay natatanging makukuha rin nila ang aking buhay. Kaya’t mas maganda pang lumaban ng nalang para sa aking karapatan ay para sa bayan. 5. Sa iyong palagay, ano ang damdamin ng Tandang Selo sa kanyang apo na si Tano nang magkita sila? Si Tano sa kanyang lelong? - Siyempre pareho silang magugulat at hindi inaasahang magkikita sa gitna pa ng barilan. Katulad ni Tano, lungkot na lungkot si Tandang Selo na Makita ang kanyang apo na nasa kabilang panig at sila pa ay magkalaban. Lungkot din si Tano dahil siya pa mismo ang nakabaril sa kanyang lolo.
Implikasyon:
6. Ang pagsunod ba sa utos ng nakatataas ay dapat sundin kahit ikamatay ng iyong mahal sa buhay? Katwiranan. -
ito ay depende kung mayroon talagang sala ang iong minamahal sa buhay, kahit masakit, trabaho moa ng gawin ito. Pero dahil sa kuwentong ito ay parehong may mali ang dalawang panig ay dapat hindi nalang nila ipinabahala sa labanan at naghanap na lamang ng iba pang solusyon na hindi kinakailngan ng kamatayan o duguan.
117
7. Ipaliwanag ang pamagat ng kabanata batay sa sinapit ng maganak ni Tadang Selo? - Ang pamagat ay Kasawian, at ang ibig sabihin nito ay kamalasan o pagkawala ng buhay ng isang tao. Katulad ng Kabanata ay namatay ang minamahal sa buhay ni Tano. Ito ay si Tandang Selo at sa Kasawiang Palad ay si Tano pa mismo ang nakabaril sa kana at ito a isang lungkot na sitwsyon para sa dalawa na hindi nila inaasahan.
Sanggunian: Panitikan.com.ph
Kabanata 39: Ang Katapusan
Buod: Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil akala ay siya ang pinadadakip na Kastila. Ngunit ang tinutukoy ay si Simoun na nasa puder ni Don Florentino. Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng alahero na nakuha niya ang sugat sa isang aksidente. Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si Simoun nang mabasa ang telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang
118
nais ni Simoun na mag-alaga sa kaniya. Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip kasi nito ang pakutyang pag-ngiti ni Simoun. Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun. Ito ay ang pagpapalaya ni Simoun kay Isagani sa pilitan at ang paggawa nito ng paraan upang makasal sina Paulita at Juanito. Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may malubhang sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng lason. Dinasalan ng pari ang binata hanggang nalagutan ng hininga.
Mensahe: Madalas ay kamatayan ang madalas naiisip ng iba na solusyon kahit sila pa mismo ang sanhi ng problema. Ang katotohanan nito ay, may iba pang maraming solusyon kaysa ditto sa kapighating hinaharap.
Pagsusuri: 1. Bakit umalis si Don Tuburcio sa tahanan ni Padre Florentino? -Dahil inaakala niya na sia ang ipinapadakip ng mga kastila ngunit ito ay si Simoun na nagtatago sa tahanan ni Padre Florentino. 2. Ipaliwanag ang pagtataka ni Padre Florentino sa pagtungo ni Simoun sa kanyang tahanan. -Dahil sugatan si Simoun nang makadating ito sa bayan nila Padre Florentino at inakala pa niya na naghiganti si Simoun dahil sa pagkamatay ni Kapitan Heneral. Ngunit sabi ni Simoun na dahil lamang ito sa pagkawalang bahala sa sarili kaya siya sugatan.
119
3. Isalaysay ang pangungumpisal ni Simoun. -Inamin niya dito ang kanyang buong katauhan. Labintatlo siyang tumigil sa Europa upang mag-aral atsaka siy bumalik sa Pilipinas n may planong pagasa. Maraming nangyari sa kanyang buhay, sa isang iglap ay nawala ang lahat, ang kanyang pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, at kalayaan. Siya ay naligtas lamang sa kamatayan sahil sa tulong ng isang kaibigan. Nakilala nia si Kapitan Heneral noon at siya ay tinulungan nito. Maami pa siayng ipinagtapat na nakaabot sila ng gabi ng pari. 4. Sa palagay mo ba ay namatay si Simoun nang walang pananalig sa Diyos? Patunayan. - Para sa akin, namatay si Simoun na mayroon paring pananalig sa Diyos, katumbas ng lahat ay alam niyang siya ay nagkamali. Ang kanyang mga aksyon ay maaasahang hindi maganda ang kalalabasan nito. Lalo na dahil maaasahang may mga taong madadamay dito. Dahil sa pari, maaaring nabuksan ang mga mata ni Simoun sa kanyang mga maling aksyon ngunit alam niyang mabait ng Panginoon, nabaon lang siya sa pagkakaroon ng kaisipan tungkol sa paghihiganti. Alam niyang magkakaroon ng katarungan at kalayaan ng maaayos ang mga bayan kung ito ay gagawin sa tamang paraan na walang buhay na nadadamay o dugo na mailalabas. 5. Kung ikaw si Padre Florentino, ano ang gagawin mo sa kayamanang naiwan ni Simoun? - Ito ay gagamitin ko nalang na pagtulong sa bayan o mga taong nangangailangan upang may kagandang naidulot dito ang mga kayamanan ni Simoun, at magkaroon man lang ng isang magandang alaala na tungkol sa kanya. Implikasyon: 6. Talaga nga kayang ang kayamanang material ay walang puwang sa kabilang buhay? Ipaliwanag. -Oo, kahit pa tayo ay mamatay na mayaman o maraming pera at maraming mga mamahaling kagamitan ay hindi natin ito maidadala sa kabilang buhay. Ang maaaring maka tumbas ng ating kabuhayan ay ang ating mga kasalanan, kabutihan at pananalig sa Panginoon. Ang ating mga kayamanan ay kagamitan lamang at hindi ito ang natatanging magpapasaya sa atin dahil sa huli ay tayo lamang ay magiisa.
120
7. Sa iyong palagay, makatwiran ba si Padre Flrorentino sa kanyang mga payo at paliwanag kay Simoun? Bakit? -Para sa akin ay hindi, tama lamang ang mga nasabi ni Padre Florentino kay Simoun dahil ito ay makatotohanan at tama lamng. Hindi lahat ay nasosolusyonan sa tulis ng espada at sa dami na dugo na napapala. Tama lang ang kanyang nasabi na sinabing ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap. Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa. At ang tungkol sa Diyos siya ang makatarungan at nagpaparusa sa kakulangan ng tao ng pananalig at sa mga gawang masama.
Sanggunian: Panitikan.com.ph