Ang Tanglaw (La Verdad Christian School) - Tomo I Blg. 1

Page 1

• LATHALAIN

• AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Walang Pera? Walang Problema!

• Pahina 12

• Pahina 8-9

angTanglaw

TOMO I • BILANG 1 • ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL, APALIT, PAMPANGA • HUNYO - NOBYEMBRE 2016

P50-M auditorium, aabangan sa S.Y. 2017-18 NI VIVIALYN REA A. YUMUL • 11-STEM (A)

KINUMPIRMA NG La Verdad Christian School (LVCS) Engineering Department na bubuksan na sa susunod na taon ang auditorium na kasalukuyang ginagawa sa paaralan. Sa isang panayam kay G. Ricardo Ramos, Building Administrer, inaasahang sa unang bahagi ng panuruang taong 2017-2018 ay magagamit na ang auditorium para sa mga kaganapan sa paaralan at ng mga kaugnay pa. “By next year, first month ng pasukan, fully operational na ang auditorium na pinakahinihintay ng mga estudyante,” ani Ramos. Ayon pa kay Ra-

mos, nasa 60 porsiyento na sa ngayon ang natatapos sa auditorium at hanggang sa ngayon ay bawal pang pumasok ang kahit na sino. “Sa katunayan wala akong pinapahintulutang pumanik sa ginagawang auditorium, kahit sino mang mag aaral, dahil gusto ko lahat ay masupresa sa kalalabasan nito,” sabi ni Ramos. Tinatayang aabot sa 50-milyong piso

AUDITORIUM...pahina 4

• SARBEY

Senior High, aprub kay Marcos sa LNB NI RYAN REAL S. CAÑEZO • 11-ABM (A) “MARAMI SIYANG nagawa para sa bansa kaya dapat lamang na ilibing siya sa Libingan ng mga Bayani (LNB).” Aprubado para sa mga magaaral ng Senior High School (SHS) ng La Verdad Christian School (LVCS) ang paglibing kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Nobyembre 18, 2016. Sa sarbey na ginawa ng publikasyong ‘Ang Tanglaw’ noong Nobyembre 24 sa 100 respondente, 76 porsiyento sa mga ito ang sang-ayon sa paglibing kay Marcos sa naturang libingan. Ayon sa mga respondente, ang mga

ORGANISADO. Naging maayos ang unang limang buwan ng pagpapatupad ng Senior High School sa La Verdad Christian School. Pruweba rito ay ang larawan kung saan sinasalansan nina Vivialyn Yumul at Paula Orot ng 11-STEM (A) ang mga libreng libro sa SHS. Kuha ni Arnel Tumbali.

Senior HS, naging maayos NI RANDEL LUIS I. PANGAN • 11-STEM (A) BAGAMAN MALAKING pagbabago ang naidulot ng Senior High School, naging positibo naman ang pangkalahatang pananaw ukol dito ng pamunuan ng La Verdad Christian School matapos ang unang anim na buwang pagkaka-implementa. Sa isang panayam kay G. Noriel Mangasil, Teacher Coordinator, kanyang inamin na naging mapanghamon ang implementasyon ng Grade 11, lalo na’t pangatlo ang La Verdad sa may pinakamaraming bilang ng mga Senior High School student, pero sa kabutihang palad ay nakasasabay ang paaralan sa agos nito. “So far hindi pa ganoon ka-smooth pero awa ng Dios ay nagiging maayos naman ang implementasyon ng K to 12 (Senior High School) sa La Verdad,” pahayag ni Mangasil. “Nakatulong ng marami na mayroong kolehiyo ang pamantasan para hindi na tayo ganoon mangapa para sa Senior

SENIOR HIGH...pahina 4

ANGAT TAYO. Kita sa larawan ang isang trabahador habang ginagawa ang elevator ng paaralan. Ayon kay G. Ricardo Ramos, inaasahang magbubukas ito sa susunod na taon, kasama ang auditorium. Kuha ni Jenzon Paul Lelina.

Una sa DSSPC:

14 estudyante, pasok sa RSSPC NI JAIME G. RELAO JR.• 11-ABM (B) AABANTE NA sa susunod na lebel ang 14 na mag-aaral ng La Verdad Christian School matapos magsipagwagi sa kanilang mga kategorya sa ika-35 na Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) sa Holy Cross College, Sta. Ana, Pampanga, Oktubre 11 at 12. Apat na estudyante mula sa inbidwal at 10 sa panggrupong kumpetisyon mula sa paaralan ang magrerepresenta sa Dibisyon ng Pampanga sa taunang Regional Secondary Schools Press Conference (RSSPC) na gaganapin sa Bataan sa Nobyembre 18. Buhat ng 14 na RSSPC qualifiers, nakamit ng paaralan ang pinakamarami nitong bilang ng mga mag-aaral sa High School na lalahok sa pangrehiyon na lebel. “Tumaas ang performance ng

mga bata ngayon dahil sa puspusang ensayo nila. Tumaas din ang performance ng paaralan dahil last year isa lang ang pinalad (sa High School),” wika ni Bb. Arleen Carmona, gurong tagapayo ng pampaaralang pahayagan. Kabilang sa mga nakapasok sa Regional level ay ang kartunistang si Omarsam Batac, sportswriter na si Raymond Joseph Mandap at copyreader na si Love Jezchem Colis na naiuwi ang unang pwesto sa kani-kanilang mga kategorya. Katulad naman noong nakaraang taon, ang transferee na si Julian Rikki Reyes ay pumangalawa sa kanyang kategoryang Sports Writing sa midyum na Ingles. Umusad din sina Mark Eli Cervantes, Aimee Meneses, Maechille De Lima, Arch Requinto, Ashley

14 PASOK...pahina 4

BUSOG NA KATAWAN AT ISIPAN. Isang mag-aaral ng Junior High School ng La Verdad Christian ang kumukuha ng kanyang libreng tanghalian bilang parte ng Full Scholarship grant ng paaralan. Kuha ni Nicole Ferrer.

Sa pagpasok ng SHS,

Full Scholar recipients, pumalo sa 170 NI RANDEL LUIS I. PANGAN • 11-STEM (A) KAALINSABAY NG pagbubukas ng Senior High School (SHS) ngayong taon, tumaas ng 52 porsiyento ang total na bilang ng mga full scholar ng paaralan ngayon, ayon sa datos na ibinigay ng school registrar. Mula sa 112 noong nakaraang taon, umakyat sa 170 ang bilang ng mga estudyanteng nakatanggap ng full scholarship mula sa paaralan ngayong taon, o 58 na mas marami. Ibig sabihin, 16 porsiyento ng kabuuang bilang na 1,065 estudyante ng paaralan sa High School Department ang walang binabayad

FULL SCHOLARS...pahina 4


2 balita

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

Munting Pangarap project, target ng SG ngayong taon

Kabilang ang waiting area sa mga naging proyekto ng Parents, Teachers Association (PTA) noong nakaraang taon. Layon nito na magkaroon ng masisilungan ang mga magulang at mga estudyante habang naghihintay. Kuha ni Aian Yambao.

maibibigay natin iyong mga kailangan nila kahit maliit lang,” pahayag ni Cortez. Kaugnay nito, sinabi rin ni Cortez na isa itong paraan upang matulungan ang pamunuan ng paaralan sa adbokasiya nitong “Walang Pera? Walang Problema!” na nagsimula noong 2009. Kung sakaling ma-approve, ang pondo na nakukuha mula sa mga aktibidades tulad ng Bazaar at iba pa, ang pagmumulan ng mga gagamitin sa ‘Munting Pangarap’ project. Kasalukuyang nasa 1,065 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 11 at halos 81 porsiyento rito ang partial scholar, habang 19 ang full scholar.

SA PAGLOBO NG ENROLLMENT RATE,

Class shifting schedule ipinatupad sa JHS NI VIVIALYN REA A. YUMUL • 11-STEM(A) BILANG SOLUSYON sa lumalaking bilang ng populasyon ng Junior High School (JHS), inimplementa ng La Verdad Christian School ang class shifting schedule para sa baitang ika-pito hanggang ikasampu. Tinatayang nasa 780 mag-aaral ang populasyon ng JHS kaya ginawang 6 am hanggang 12:15 pm ang pasukan ng mga nasa ika-pito at ikawalong baitang habang 12:30pm hanggang 6:45pm naman ang mga nasa ika-siyam at ika-sampung baitang. Ayon sa Registrar’s Office, ang class shifting ang kanilang naisip na solusyon habang hindi pa nagagawa ang balak sana nilang pagpapatayo ng mga bagong gusali. “Sa dami ng mga nagnanais na makapasok sa La Verdad, unti-unti nang lumalaki ang populasyon kaya’t hindi na magkasya ang mga mag aaral sa paaralan na

naging dahilan ng pagkakaroon ng class shifting upang ma-accommodate silang lahat at maturuan ng maayos,” paliwanag ng Registrar’s Office. Nakalikha ng malaking adjustment para sa mga magaaral ang bagong iskedyul lalo na’t malayo ito sa normal na pagpasok ng 7:30 ng umaga. “Kailangan naming mag adjust, lalo na ang mga nasa Grade 7 at 8 dahil ang pasok namin ay 6 am. Kinakailangan naming hindi magpuyat dahil gigising pa kami ng maaga,” pahayag ni Rizalyn Yumul, mag-aaral sa ikawalong baitang. Samantala, sabi naman ni Gng. Shyrell Yrish Tumangday, guro sa JHS, maayos naman ang naging kalakaran ukol sa class shifting dahil wala naman silang problemang nakikita rito, sa ngayon.

DISIPLINADO. Pinapakita ng litrato ang mga mag-aaral sa Grade 9 na kabilang sa Cadet Officer Candidate Core (COCC). Isang paraan ito upang madisiplina ang mga estudyante. Kuha ni Aian Yambao.

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

12 SH lumipat ng strand sa ikalawang semestre NI RYAN REAL S. CAÑEZO • 11-ABM (A)

NI KATEPAULYNE B. TAYCO • 11-HUMSS (A) PAGTULONG SA mga kapwa estudyante na sadyang nangangailangan o ‘Munting Pangarap’ project ang pangunahing adhikain na nais magawa ng Student Government (SG) ng Senior High School (SHS) ngayong taon. Sa isang panayam kay John Lloyd Cortez, SG Governor, kanyang tinuran na bagaman walang binabayaran ang mga estudyanteng ito sa pag-aaral, kailangan pa rin silang tulungan sa mga ibang bagay, katulad ng pag-a-avail ng mga gamit pang-eskwela at iba pa. “Mayroong mga estudyante na partial scholar pero kailangan talagang bigyan. Awa’t tulong, sa pamamagitan ng ‘Munting Pangarap’ project,

balita 3

ANG TANGLAW

LABIN-DALAWANG ESTUDYANTE ng Grade 11 sa La Verdad Christian School ang lumipat ng strand matapos ang unang semestre ng panuruang taong 2016-2017. Nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na lumipat sa ibang strand nang buksan ito sa ginanap na orientation sa mga Senior High School pagpasok ng ikalawang semestre noong November 7.

Waiting shed, movable walk way, pinondohan ng PTA NI RANDEL LUIS I. PANGAN • 11-STEM (A) NAIPATAYO NA ang proyekto ng Parents-Teachers Association (PTA) ng La Verdad Christian School noong nakaraang taon na waiting shed at movable walk way gamit ang halaga ng perang nalikom ng organisasyon mula sa PTA Fee. Ayon kay G. Alvin Requinto, PTA President, nasa P370,500.00 ang nagastos mula sa P395,783.00 na pondo ng organisasyon sa pagpapa-

gawa ng mga ito. Kaugnay nito, layon din ng PTA sa pagpapagawa ng waiting shed ay para may masilungan ang mga magulang habang naghihintay sa kanilang mga anak habang ang movable walk way naman ay upang hindi mabasa ang mga estudyante sa tuwing may ulan. Kabilang din sa mga naging proyekto ng samahan ang paglilinis at pagsasa-ayos ng mga bentilador sa bawat silid ng paaralan. Samantala, ayon pa sa PTA, may-

roon pa rin silang mga nakabinbin na proyekto gaya ng “adopt a student” o ang paggagarantiya ng full scholarship sa mga piling mahihirap na partial scholar ng La Verdad. Naitatag ang PTA sa paaralan noong 2014 bilang pagsunod sa polisiyang ibinaba ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Nakakokolekta ng pondo ang PTA sa mga ibinabayad ng mga mag-aaral na PTA fee na may halagang P250.00 tuwing enrollment.

Wish FM 107.5, nagsagawa ng serbisyo publiko sa La Verdad NI RYAN REAL S. CAÑEZO • 11-ABM (A)

HILING. Pinapakita sa larawan ang isang mag-aaral sa Junior High School na nagdidikit ng kanyang hiling sa wishing wall ng Wish FM 107.5 noong Setyembre 2. Larawan mula sa LVCS Photojournalists.

BUMISITA AT naglunsad ng isang serbisyo publiko sa pamamagitan ng Wishing Wall ang istasyong Wish FM 107.5 sa La Verdad Christian School noong Setyembre 1 at 2. Binigyan ng istasyon ang mga mag-aaral ng La Verdad ng pagkakataon upang isulat ang kanilang mga munting kahilingan at kung sino man ang mapili ay maisasakatuparan ang kanilang hiling. Ayon sa istasyon, layunin nila na magbigay inspirasyon at tuwa

Disiplina, pinakarason sa paglipat sa La Verdad NI JULIAN RIKKI C. REYES • 11-STEM (A) HINDI MAGIGING matagumpay ang isang bagay kung puro karunungan lang ang mayroon ka. Kailangan din, lagi, ng disiplina. At kung disiplina lang ang pag-uusapan, nariyan ang La Verdad Christian School bilang isang mabuti at napakagandang halimbawa. Pagkakaroon ng disiplina ang lumabas na pangunahing dahilan kung bakit dumarayo at lumilipat ang ilang mga magaaral sa institusyon ng La Verdad upang dito

ituloy ang kanilang pag-aaral. Lumitaw na sa bawat tatlong dahilan na ibinigay ng mga bagong estudyante kung bakit sila lumipat sa La Verdad, laging kasama ang disiplina sa kanilang mga sagot. “Dito sa La Verdad ako gustong pagaralin ng mga magulang ko. Maganda raw kasi ang way of teaching, may discipline tsaka maraming rules kaya siguradong hindi raw ako mapapariwara,” pahayag ni Maechille De Lima, bagong estudyante na nanggaling pa sa Luis Aguado National High School sa lungsod ng Trece Martires sa

DISIPLINA...pahina 4

sa mga bata na tumulong sa ibang nangangailangan sa maliit man o malaking paraan. Inanunsyo ang mga masusuwerteng estudyante na napili ng istasyon na kanilang hahandugan ng munting regalo sa programang “Morning Wish”. Binigyan din ng tsansang humiling ang mga mag-aaral ng mga awiting kanilang gustong marinig sa radyo. Kaalinsabay nito, ipinalaganap din ang adbokasiya ng istasyon na ipakilala sa mga bata ang mabuti at malinis na pagbobrodkast.

Bagong sistema sa library, ipinatupad NI JAIME G. RELAO JR. • 11-ABM (B) LIMITADO NA lang ang oras na pwedeng gugulin ng mga estudyante upang makapanatili sa Elementary & High School Library Room. Dulot ng paglaki ng bilang ng mga mag-aaral sa paaralan, napilitan ang mga staffs ng library na ibaba ang bagong kautusan na nagbibigay ng takdang oras sa mga mag-aaral ng bawat baitang kung kailan pwede silang pumunta upang magbasa o manatili. “Iniayos namin ang sistema at kalakaran dito upang maka-iwas sa mga misunderstanding between us and the students at upang mapanitiling maayos ang silid sa kabila ng dumaraming bilang ng mga magaaral,” wika ni Bb. Jasmin Yaon, assistant Librarian. Sa kabila ng pagbabago, bukas pa rin naman ang silid sa mga mag-aaral na nangangailangan talaga ng mga makukuhanang impormasyon sa kanilang pananaliksik.

Mga Asignatura sa STEM Anim sa mga mag-aaral na lumipat ang nanggaling sa strand ng Science and Technology, Engineering and Mathematics (STEM) at ang dahilan nila ay ang mga asignaturang nakapaloob dito. Batay sa curriculum guide na inilabas ng Department of Education (DepEd), kinabibilangan ang strand na ito ng mga asignaturang Pre-Calculus, Basic Calculus, General Biology, General, Chemistry at General Physics, na ayon sa calculus teacher na si G. Rene Vee Sahagun ay komplikado at nangangailangan ng napakatibay na pundasyon. “Yes, science and mathematics are subjects that require an effortful thinking to comprehend its concepts. Kung mahina ang pundasyon ng bata,, tiyak mahihirapan siya,” pahayag ni Sahagun. Kaugnay nito, sa pangunguna ni Sahagun at ng iba pang mga guro sa Senior High School, pinaalalahanan ang mga estudyante ng STEM na habang maaga ay lumipat na dahil hindi magiging madali ang kanilang tatahakin sa mga susunod pang mga buwan ng pag-aaral.

“Kung hindi naman nila planong kumuha ng mga Science and Engineering courses pagdating ng kolehiyo, mas makabubuti sa kanila kung lumipat na lang kaysa sa maghirap at magsumikap sila sa wala,” dagdag ni Sahagun. Kurso ng mga nag-aalinlangan Tatlong mag-aaral naman sa 12 na lumipat ang nanggagaling sa kursong General Academic Strand (GAS) - ang kursong inilaan ng DepEd para sa mga estudyanteng hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin sa kanilang pipiliing kurso pagdating ng kolehiyo. Isa si Jesie Domingo sa mga lumipat mula sa GAS patungong Accountancy and Business Management (ABM) at kanyang inamin na matagal na siyang interesado sa pagkuha ng

mga kursong may kaugnayan sa negosyo ngunit napunta sa GAS dahil sa pag-aalinlangan. “Nandoon din kasi sa NCAE results na natanggap ko ang pagkakaroon ng mataas na marka sa linya ng Business and Commerce, kaya minabuti kong lumipat na lang sa ABM, since wala rin namang conflict dahil we share the same major subject in the first semester,” wika ni Domingo. Samantala, sinisigurado naman ni G. Albert D. Soriano, head registrar, na ito na ang huling pagkakataon na maaaring may lumipat ng strand. Dagdag pa niya, hindi na papayagan ang paglilipat na katulad nito sa Grade 12 dahil mas magiging mahirap ang paghahabol ng mga major at pre-requisite subjects na dapat niyang makuha sa Grade 11.

ITURO MO. Si Bb. Lucky Modelo habang nagtuturo sa kanyang klase sa kolehiyo. Ang asignaturang kanyang itinuturo ay kabilang din sa mga aralin na tututukan sa Senior High School bilang paghahanda sa kolehiyo. Kuha ni Jenzon Paul Lelina.

Grand Finals ng Talent Olympics, bibida sa Foundation Week NI VIVIALYN REA A. YUMUL • 11-STEM (A) SESENTRO SA pagdiriwang ng Foundation Week ng paaralan ang kauna-unahang Grand Finals ng Talent Olympics sa pagitan ng mga Elementary at High School students ng paaralan. Matapos ang apat na buwang paghahanap sa mga talentadong magaaral ng La Verdad Christian School mula Grade One hanggang Grade 11, magsasagupaan ang mga napiling estudyante para sa huling lebel sa Pebrero sa susunod na taon. “Pinlano naming magawa sa taong ito ang Talent Olympics dahil gusto naming madiskubre ang mga talento ng bawat La Verdarian at hikayatin silang ipakita at ibahagi ito,” pahayag ni G. Rommel Alba, guro ng paaralan sa asignaturang

Christian Living. Bago mapili ang mga pinal na kandidato para sa kauna-unahang titulo, dumaan muna sa tatlong lebel ng kumpetisyon ang lahat. Sa Lebel I ay kumpetisyon sa pagitan ng mga magkakaklase sa bawat seksyon habang ang Lebel II naman ay sa pagitan ng bawat seksyon sa bawat baitang. Para sa Grade 11, sila ay nahati sa dalawang dibisyon kung saan ang track na STEM at ABM ay magkasama at ang natira naman ang sa kabila. Ang Lebel III ay sa pagitan ng bawat baitang sa Elementarya, bawat baitang sa Junior High School at lahat ng Grade 11. Bukod sa kumpetisyon, layon din ng Talent Olympics na iparamdam sa mga bata na linangin pa ang kanilang nakatagong talento.

Midyear Thanksgiving, ipinagdiwang; La Verdarians, guro, staffs nakiisa Voucher, ESC, NI RYAN REAL S. CAÑEZO • 11-ABM (A)

SALAMAT SA DIOS. Kaisa ang mga La Verdarians sa pagbibigay papuri sa Dios para sa isang produktibong semestre. Larawan mula sa MCGI.org

PASALAMAT SA Dios ang namayani sa buong kaguruan, estudyante, at mga manggagawa ng La Verdad Christian School and College sa ginanap na Mid-Year Thanksgiving noong Oktubre 16. Sabay-sabay na umawit ng papuri para sa Dios ang mga La Verdarian, kasama ang iba pang nagpapasalamat na kasapi ng Members Church of God International sa kanilang awiting ‘Pag-ibig Mo’y Wagas.’ Naging kaugalian na sa paaralan ang pagpapasalamat sa bawat pagtatapos ng isang semestre bilang pagtanaw ng utang na loob sa pag-iingat ng Maykapal. “Primarily, we offer thanksgiving to God for the guidance, good health and relationships of the whole La Verdad. After a year, we are able to continue in

service due to His mercy for all of us,” ani G. Albert Soriano, head registrar. Ito ang unang pasasalamat ng paaralan sa panuruang taong 2016-17, na siya namang susundan ng Year-End Thanksgiving sa susunod na taon. Kabilang din sa ipinagpapasalamat ng La Verdad ay ang matagumpay na pagtataguyod ng K to 12, partikular na ang pagong pasok na Grade 11 na binubuo ng 349 na mga estudyante. Dagdag pa rito, nagwagi rin ang mga estudyanteng kasali sa mga paligsahan kung saan itinanghal na overall champion ang paaralan. “Everything that happened – ipinagpapasalamat natin iyon, sapagkat we believe that everything happens for a reason… the students performed well, in the academic and sports, and that is only a part of the things why we give thanks to our Lord,” dagdag ni Soriano.

Sa pagpapaigting sa mga polisiya ng paaralan,

Kaligtasan ng mga La Verdarian, sinigurado NI KATEPAULYNE B. TAYCO • 11-HUMSS (A) UPANG MASIGURADO ang disiplina ng mga estudyante at ang mga taong pumapasok dito, lalo pang pinagtibay ang pagpapatupad ng mga bagong patakaran sa La Verdad Christian School para sa panuruang taon 2016-2017. Napagdesisyunan ng pamunuan ng La Verdad na lalo pang higpitan ang pag-iimplementa ng mga polisiyang umiiral dito dahil na rin sa tumataas na bilang ng mga mag-aaral. “Lahat ng school may policy. Ang kinaibahan lang sa La Verdad, we monitor the students regarding their adherence to the strict implementations, upang matuto silang maging disiplinado,” pahayag ni Bb. Katrina Salvador, assistant guidance coun-

selor. Kabilang sa mga patakarang lalong binigyang pansin ay ang “OneDoor Policy” kung saan hiwalay ang hagdan at pinto na ginagamit ng lalaki at babae sa pagpasok at pag-uwi. Kasama rin ang pagkakaroon ng dress code sa lahat ng mga papasok at ang pagbibigay ng visiting hours sa mga magulang. Pagdating naman sa mga magaaral na nahuhuli sa pagpasok, binibigyan na sila ngayon ng late slip at obligadong nagkakaroon ng sariling flag ceremony tuwing Lunes. “Trabaho namin ang ingatan ang mga taong nasa loob ng paaralang ito, kaya iniiwasan namin ang mga maaaring makasama sa kanila at magkaroon tayo ng kaayusan,” wika ni G. Eduardo Marasigan, isang security guard.

BANTAY SARADO. Inilalarawan sa itaas ang pagiging strikto ng pamunuan ng La Verdad Christian School sa mga patakaran para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Kuha ni Aian Yambao.

tinanggap ng La Verdad NI RYAN REAL S. CAÑEZO • 11-ABM (A)

PAGPASOK NG bagong panuruang taon 2016-17, 349 na estudyante ng Senior High School (SHS) ang nag-enrol sa La Verdad Christian School – ang ikatlong pinakamarami sa buong Dibisyon ng Pampanga. Kasabay nito, upang matustusan ang pag-aaral ng mga nasabing bilang ng magaaral, naging tagapagtanggap ng mga benepisyo tulad ng voucher system at Education Service Contracting (ESC) grant ang institusyon mula sa Department of Education (DepEd). Sa datos ng paaralan, umabot sa 319 na estudyante o 90 porsiyento ng mga magaaral ng SHS ng La Verdad ang bahagi ng voucher system, kung saan nakatatanggap sila ng P8,750 kada semestro. Sa kabilang banda, ang 30 estudyante namang natitira ay mga ESC grantees na nakatatanggap ng P7,000.00 sa isang semestre. Ayon kay G. Albert Soriano, head registrar, ang pagtanggap nito ay malaking tulong para sa mga estudyante. “Ang voucher system at ang ESC grant ay ibinibigay sa mga estudyante upang makapag-aral sila ng matiwasay sa K to 12. At dito sa La Verdad, wala ng top-up o anumang dagdag gastos sa kanila. Gaya ng mga libro – lahat, libre,” pahayag ni Soriano, head registrar. Kapag na-drop, bumagsak, o kaya ay hindi nakaabot sa grade requirement ang isang bata, agad siyang matatanggal sa programa sa susunod na semestre at hindi na nila ito muling makukuha pa.


4 balita

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

‘Flyover, mga bagong ruta, sagot sa trapiko’ - Mendoza

ALERTO. Pinapaalalahanan ni Apalit Mayor Peter Nucom ang isang pulis ukol samahigpit na pagpapatupad ng “No to Drugs policy” sa bayan. Larawan mula sa Municipal Information Office (MIO) of Apalit.

NI ARNEL A. TUMBALI • 11-STEM (A)

Dahil sa all-out drug war ni Digong,

Mababang crime rate sa Apalit, tiniyak ng PNP NI JAIME G. RELAO JR. • 11-ABM (B) KINUMPIRMA NG Philippine National Police Apalit Station (PNP-Apalit) na bumaba ang crime rate at ang bilang ng mga drug user at pusher sa bayan ng Apalit dahil na rin sa kampanya ng bagong administrasyon kontra sa ilegal na droga. Ayon kay Senior Police Office 2 (SPO2) Anita Y. Pineda, administrative officer ng PNP-Apalit, nasa 615 katao ang mga sumukong drug addict sa bayan ng Apalit, habang 18 naman ang nahuli at isa ang namatay sa kampanyang isinagawa mula sa buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre. “Naging epektibo ang aming ginawang pagtotokhang

dahil maraming mga durugistang sumuko at gustong magbagong buhay,” ani Pineda. Dagdag pa niya, ang kampanyang ito ng gobyerno ay nagresulta sa mas payapa at ligtas na seguridad sa bayan. “Nagkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa Apalit matapos mabawasan ang mga durugista na siyang puno’t dulo ng mga krimen dito sa ating lugar. Wala ng gaanong report kaming natatanggap,” pahayag ni Pineda. Bukod sa pagpupunta sa mga bahay at pagbibigay ng babala sa mga drug personalities, bahagi rin ng kampanya ng PNP-Apalit ang pagsasagawa ng mga symposium at seminar sa mga paaralan sa buong bayan.

AUDITORIUM ...mula sa pahina 1 ang kabuuang gastos sa pagpapagawa ng auditorium na nanggaling kay Dr. Daniel Razon, Presidente ng La Verdad. Sa halagang ito, pitong milyon dito ang mapupunta para sa LED TV, apat na milyon para sa mga silya, 1.2 milyon para sa carpet at ang natitira ay sa iba pang mga high-tech na materyales na gagamitin. “Napakalaki ng magagastos dahil nasa kontrata na ang ilalagay na kurtina sa auditorium at nagkakahalaga ito ng pitong milyon,” pahayag pa ni Ramos. Bagaman magastos, sinabi naman ni Ramos na masaya siya sa proyektong ito ng paaralan

dahil aniya ay malaking tulong ito para sa mga mag-aaral. “Ang proyektong ito ay para sa lahat, lalo na sa tuwing may ipapanood ang guro na dokumentaryo o pelikula. Gagamitin din ito tuwing graduation, meeting, at iba pang mga kaganapan,” tugon ni Ramos. Samantala, plano rin daw nilang gawing indoor basketball court ang Multi-Purpose Hall ng paaralan na nasa ika-apat na palapag. Ayon kay Ramos, nasa 20 milyon ang tinatayang magagastos sa pagpapagawa nito kabilang ang sahig, bench, court at iba bang mga materyales.

SENIOR HIGH ...mula sa pahina 1 High School,” dagdag niya. Hindi gaanong naging problema para sa paaralan kung anong mga materyales at kagamitan ang kanilang ipagagamit sa mga 349 Grade 11 student dahil bago pa man ang pagbubukas ng klase ay kumpleto na ang mga ito. “Mayroon tayong mga tools and equipment para sa pag-aaral. Nag-hire rin kami ng mga guro na may expertise sa certain fields na ituturo sa Grade 11,” ani Mangasil. Nang itinanong kung ano ang mga pagkukulang na kanil-

ang nakikita sa ngayon, sinabi ni Mangasil na ang mga bagong asignatura ay lumikha ng kaunting pagkabigla sa mga estudyante. Samantala, lumitaw naman sa isang sarbey na 44 sa 50 estudyante ng paaralan ang nagsabing nasisiyahan sila sa kasalukuyang estado ng Senior High School sa paaralan. Giit nila, kung ikukumpara sa ibang mga paaralan, hindi hamak na mas maayos at disiplinado rito at kumpleto sa mga kagamitan tulad ng libro.

MARAMING KASO ng pagiging huli sa pagpasok ang naitala sa mga estudyante, at ang pangunahing sanhi nito ay ang trapiko sa McArthur Highway sa Apalit, Pampanga. Aminado ang lokal na pamahalaan ng Apalit na lumalala na nga ang trapiko sa nasabing highway. Ayon sa panayam kay Konsehal Sonny Mendoza, isa ang trapiko sa mga problemang kanilang kinahaharap at pilit binibigyan ng solusyon sa kasalukuyan. Pangunahing dahilan umano ng trapiko sa na-

turang bayan ay ang pagdami ng mga sasakyan samantalang hindi naman lumalaki ang mga kalsada. “Aware kami na mabagal nga ang daloy ng trapiko sa may market, lalo na kapag rush hour at uwian so we are really thinking for solution na pangmatagalan,” pahayag ni Mendoza. Kabilang sa mga solusyong naisip ng munisipalidad ang pagtatayo ng flyover upang mabigyang daan ang mga sasakyan na patungong Manila at Bulacan. “Hindi na kasi pwede ang road widening kasi marami ng imprastraktura

ang possible na matamaan. Mas magiging mas malaking gastos siya,” dagdag pa ni Mendoza. Kaugnay nito, nais din ng pamahalaan na lumikha ng panibagong ruta para sa mga sasakyan papuntang Macabebe at mga kalapit na bayan upang hindi na ma k ad agdag pa sa bigat ng trapikong dulot ng dumaraming bilang ng mga sasakyan. “Marami kasing dumadaan na sasakyan na iba iba ang destinasyon. Sa mga papunta pa lamang ng San F e r nando, halos s a k o p

na ang buong daan. What more kung sasabay pa ang mga pa-Macabebe?” tugon pa ni Mendoza. Bagaman maraming solusyon ang nakaplano, hindi naman ito naisasakatuparan dahil walang pondo ang gobyerno na nakalaan para rito. “Milyon kasi ang gagastusin at hindi naman kaya ng munisipalidad ng Apalit na sagutin ang gastusing iyon kaya kailangan talaga ng tulong ng national government,” saad pa ng konsehal.

NSPC, muling gaganapin sa Mindanao

Sa ikalawang sunod na taon, muling gaganapin sa Mindanao ang National Schools Press Conference (NSPC). Matapos ang pagho-host ng Koronadal City noong nakaraang taon, sa Pagadian City naman sa Zamboanga del Sur ngayon ang lugar na pagdarausan ng taunang patimpalak sa pamamahayag. Gaganapin ito sa Enero 23 hanggang 26.

Wall clocks, ikinabit sa mga classroom

ABALA AT BABALA. Patunay ang McArthur Highway sa Apalit na hindi lang sa EDSA ang may malalang trapiko. Isang mabigat na suliranin din ito para sa mga motoristang dumadaan sa Apalit, gayon din sa mga residente. Kuha ni Aian Yambao.

14 PASOK ...mula sa pahina 1 Muñoz, Rayza Dela Cruz at Cheska Celso matapos magkampeon bilang grupo sa Radio Scriptwriting and Broadcasting (English). Nakamit din nila ang mga espesyal na parangal na Pinakamahusay sa Iskrip, News Presenter at Technical Application. Kinumpleto naman nina Angelika Cerillano, Mary Ann Veloria at Joshua Espinosa ang mga RSSPC qualifiers ng paaralan na bagaman bigong makuha ang kampeonato sa bagong kategoryang TV Broadcasting ay naiwui naman ang mga espesyal na karangalan na kanilang

naging susi upang makapasok. Samantala, binahagi naman ni Reyes, punong patnugot ng publikasyon at NSPC winner noong nakaraang taon na ang pagkakaroon ng disiplina sa lahat ng bagay ang susi upang manalo. “Napakahalaga ng disiplina. Dapat sa sarili pa lang meron na tayong hakbang na ginagawa at huwag lang umasa sa kung anong meron tayo. Mag-improve,” ani Reyes. “At syempre, hindi sapat ang disiplina lang. Dapat magtiwala tayo at magpasalamat lagi sa Dios,” dagdag niya.

FULL SCHOLARS ...mula sa pahina 1 ni-piso upang makapag-aral. Animnapu’t dalawa sa 170 na total ngayong taon ang nanggaling sa Grade 11, o 18 porsiyento ng total na 349 mag-aaral sa buong SHS. Simula 2009, taun-taon nang nagbibigay ng ganitong pribilehiyo ang institusyon sa mga estudyante na mayroong magandang pagpapakita

sa akademikong larangan at may disiplina, mga atletang nagsisipagwagi sa Provincial level, at yaong mga magaaral na kinukulangan sa pinansiyal na estado. Kung sakaling makakakuha nito, kinakailangan lang ng bata na panatilihin ang kanyang mga grado batay sa pamantayang ibinaba ng pamunuan.

DISIPLINA ...mula sa pahina 2 Cavite. “Na-proved ko naman na totoo at tama ang sinabi ng mga magulang ko,” dagdag ni De Lima. Mahigpit na iniimplementa sa paaralan ang mga polisiyang ibinababa ng pamunuan, tulad ng pagbabawal sa pagdadala ng cellphone, pagkain sa loob ng mga gusali, pagkakaroon ng relasyon, hiwalay na pinto at hagdan

para sa lalaki at babae, at pagdadala at pagnguya ng bubble gum. “Kahit mahigpit pagdating sa personal na buhay, masaya pa rin ako rito sa La Verdad,” sambit pa ni De Lima. “Sobrang halaga kasi ng disiplina. Parang katulad ng understanding at knowledge. Hindi ka magkakaroon ng knowledge kung hindi ka marunong umunawa,” dagdag pa inya.

Bilang proyekto ng Student Government (SG) ng Senior High School, ikinabit na sa mga bawat classroom ang mga wall clocks na nagsisilbing gabay ng mga estudyante upang matukoy ang eksaktong oras. Ito ay upang maitama rin at maisakto sa wastong oras ang paglabas ng mga bata.

La Verdad Filipino school paper, binuo Sa kauna-unahang pagkakataon, mayroon ng pampaaralang pahayagan sa Filipino ang La Verdad Christian School matapos maisakatuparan ang plano ng paaralan na bumuo ng Editorial Board para rito. Bagaman unang taon pa lamang ito, binabalak na ng grupo na lumahok sa Best School Paper contest.

SARBEY ...mula sa pahina 1

DAY 2015 nagawa TEACHERS’ ng administrasyong Marcos tatlong dekada na ang nakakaraan ang naging sandigan nila sa pagsuporta sa pagkalibing ni Marcos sa LNB. “Hindi kasi mapapantayan ang mga nagawa ni Marcos sa bansa, ayon sa sinabi ni Pangulong Duterte,” saad ni Bb. Justine Cabada, isang staff sa silid-aklatan ng LVCS. Isa rin sa mga pangunahing dahilan ng pagsang-ayon nila ang panunungkulan ni Marcos bilang Pangulo ng bansa sa loob ng 21 taon, at ang pagiging beteranong sundalo niya na ayon sa batas ay sapat na upang mailibing sa LNB. “Naglingkod siya ng 21 years bilang Presidente, naging sundalo siya sa bansa natin. I think higit pa ang mga nagawa niya sa isang bayani,” wika ni Pollyana Lorenzo, officer ng Student Government sa SH. Sa kabilang banda, ang hindi makataong Martial Law naman ang naging rason ng karamihan sa 24 na sumalungat sa paglilibing kay Marcos sa LNB. “Hindi siya karapat-dapat na tawagin bilang bayani dahil sa dami ng mga namatay noong Martial Law… ‘di na sila mabibigyan ng hustisya,” pahayag ng isang respondente na tumangging ipalathala ang kanyang pangalan.

opinyon 5

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

EDITORYAL

Kabataang Maka-Totoo-Hanan

Publikasyon para sa Impormasyon

NAKAPANLULUMONG ISIPIN na kahit sa pamamahayag ay may nagaganap na ring korapsiyon na nagdudulot ng pagkamatay ng daan daang mga media men sa Pilipinas. Gayunpaman, ang patuloy na pagdami ng mga kabataang nasasali sa tinatawag na ‘campus journalism’ ay nagiging kapaki-pakinabang na hakbangin upang hindi tuluyang mabura ang responsable at tapat na pamamahayag. Marami na ngang manunulat ang nakakalimutan ang kanilang tungkulin na magpahayag ng pawang katotohanan lamang. Dahilan man nito ang kahirapan, hindi pa rin tamang tumanggap ng kahit anong bayad kapalit ng responsableng pagbabalita. Ayon sa International Federation of Journalists, tinatayang humigit kumulang 200 na mamamahayag na ang napatay sa Pilipinas simula ng taong 1990 hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito, kinilalang “Second Deadliest Coun-

N

AKABABAHALANG ISIPIN NA sa kabila ng pagkakapasa ng Freedom of Information (FOI) Bill bilang Executive No. 02 ng 2016 ay patuloy pa rin itong binabatikos ng ilang mga mambabatas at kongresista. Kung kaya, nararapat lang na gawing armas ng pamahalaan ang mga publikasyong pangkampus upang tuluyan ng maging ganap na batas ang FOI. Sa panahon ngayon na samu’t saring mga kontrobersiya sa pamahalaan at lipunan ang lumilitaw, walang nakapagtataka sa paghiling ng mga Pilipino ng kanilang karapatan na malaman kung ano ba talaga ang nagaganap sa bansa at kung paano ito matutugunan. Taong 1987 nang unang ihain ang FOI Bill o mas kilala pa noon na People’s Right of Information. Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, inihain ito sa Senado upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan sa mga kaganapan sa bansa at aktibo silang makilahok sa mga talakayan na ito. Solusyon din ito upang maiwasang muling mangyari ang Martial Law. Nais din ng mga Pilipino na magkaroon ng bukas at mapanagutang pamahalaan ngunit magpasahanggang ngayon nga, kung saan 29 taon na ang lumipas ay hindi pa rin ito naaamyendahan bilang isang batas at patuloy oa rin na inilalakad sa korte. Kaugnay nito, malaki ang magiging ambag ng publikasyong pangkampus at ng mga kabataang mamamahayag sa pagpapalakas ng FOI upang ganap na itong maging batas. Una, marami na ang mga kabataang lumalahok sa publikasyong pangkampus, at sa ganitong paraan mamumulat sila sa katotohanan at sa kapakinabangan ng FOI sa kanilang pagka-Pilipino. Idagdag na rin na sa mura nilang edad ay aktibo silang makalalahok sa mga nangyayari sa bansa. Ikalawa, kung patuloy na darami ang mga kabataan na nagkakaroon ng sapat na kaalaman sa kanilang mga karapatan, mas lalaki ang tsansa na maipatupad na ang FOI. Mapalalakas ng mga kabataan ito, at ng mga aktibidades na tulad ng publikasyong pangkampus ang pwersa na lumalaban para sa pagkakapasa ng FOI bilang ganap na batas. Higit sa lahat, kung paiiralin na ang FOI bilang batas, walang dudang mawawakasan na ang walang kamatayang korapsyon sa pamahalaan na nagiging ugat ng sandamakmak pang suliranin sa Pilipinas. Ayon sa Union Journalist of the Philippines (UJP), tumataas na nga ang porsiyento ng mga kabataan na nakikiisa sa ‘campus journalism’ at kung ang lahat ng kabataang ito ay magiging instrumento upang maisakatuparan ang FOI Bill, tiyak na sa anumang oras ay magiging maunlad ang Pilipinas. Sa huli, sana ay mas dumami pa ang mga kabataan na handang maging armas ng katotohanan at kung ano ang tama nang sa gayon ay hindi sila maging kawawa sa hinaharap dahil sa pagsasawalang bahala.

PAMATNUGUTAN (S.Y. 2016-17) Punong Patnugot JULIAN RIKKI C. REYES Pangalawang Patnugot KATE PAULYNE B. TAYCO Tagapamahala RYAN REAL S. CAÑEZO JERVEY CHARLES B. DUNGO Editor ng Balita JAIME G. RELAO JR. Editor ng Lathalain ANGELO G. AUSTRIA Editor ng Agham JERYCO R. QUIMMO Editor ng Isports RAYMOND JOSEPH C. MANDAP Tagaguhit ng Larawan ABDIL-ILAH OMARSAM ALMIR B. BATAC, JERVEY CHARLES B. DUNGO Tagakuha ng Larawan MHIRANDA AIAN REIGN F. YAMBAO; JENZON PAUL A. LELINA; MA. NICOLE Y. FERRER; IVY T. MANAG; NICOLE O. FAUSTINO Taga-anyo ng Pahina JULIAN RIKKI C. REYES Staff Writers RANDEL LUIS I. PANGAN; VIVIALYN REA A. YUMUL; DENNIS A. AMOROSO; JHAN HYACINTH F. TAN; NUELA MAWELL R. SAPELINO; PAULA CHRISTINE S. OROT; BRIX S. BERNACER; ARVHIE RAFAEL G. MACAPAYAG; RAYZA MARIZ M. DELA CRUZ; ARNEL A. TUMBALI; PRECIOUS ANNE MAE A. TUBIG; MARY ROSE M. ATIENZA; JERCY S. BAUTISTA; CATHERINE NICOLE A. MANDAP; MARK VINCENT P. CARREON Tagapayo BB. ARLEEN R. CARMONA Punong-Guro DR. LUZVIMINDA E. CRUZ

Maling karanasan para sa tamang kinabukasan UNANG TAON ko pa lamang bilang opisyal na mag-aaral at mamamahayag ng La Verdad Christian School, ngunit masasabi kong marami na rin akong mga ala-alang maaaring hinding-hindi ko makakalimutan. Hindi ako nagsisisi kung napabilang man ako sa mga ito dahil bilang bata na umuusbong pa lamang, paraan ito upang lalo akong tumibay at maging totoong tao. Sa mga unang buwan ng aking pagpasok sa paaralang kilala bilang isa sa mga pinakadisiplinado sa bansa, kung hindi ang pinakadisiplinado, hati ang emosyon na aking nararamdaman. May mga oras na masaya ako, at nariyan din naman ang mga sandali na malungkot ako. Sa loob nga siguro ng limang buwan, nasa limampu at mahigit na ang mga pagkakataong labis kong ikinasaya at ikinalungkot. Ngunit sa halos limampung ito, dalawampu rito ang labis na tumatak at siguro ay maidadala ko hanggang pagtanda. Hindi saya ang mga iyon, at hindi rin naman luha. Bagkus, iyon ay mga aral na dapat matutunan ng isang tao upang maging handa sa hinaharap. Ang mga aral ay hindi makukuha sa mga libro, kung hindi makukuha mo sa bawat pagkakamali. Sa lahat ng aking naranasan, una ay nang makalimutan kong dalhin ang pinaka-una naming assignment. Bilang transferee, nahihiya ako noon dahil dalawang linggo pa lamang matapos magbukas ang klase ay palpak agad ako. Sa aking kaloob-looban, nahihiya man, ay tumatak naman sa aking isip na bago pumasok ay tignan ko muna ang lahat ng aking gamit nang walang makalimutan. Sa ngayon, hindi na ako nakakalimot nang ganoon. Nag-aadjust pa ako ng kaunti sa pamamaraan ng paralan dahil kung ikukumpara sa mga paaralang napasukan ko noon, malaki ang pagkakaiba rito. Katulad noong isang araw sa isang subject ko, kung saan hindi ko sinasadyang pumasok ng late dahil may iba rin akong ginawa. Tatlo kaming napagalitan noon, at sa aming lahat, ako na siyang lalaki ang naunang naluha. Iyon ang unang pagkakataon

na napagalitan ako rito sa paaralan dahil sa pagpasok ng late sa isang asignatura at bilang aral, hindi na ako muling nalate ng ganoon sa kahit anumang subject at sinisigurado ko nang nasa tamang oras ako. Isa pa sa mga pangyayaring nagiwan ng marka sa akin ay noong pumasok ako sa paaralan nang walang kamalayan na wala pala akong ID. Inaamin kong sabog ang aking isip noon at napansin ko lamang na wala akong ID nang sabihin ng aking kamag-aral. Nakapasok ako, pero kalauna’y pinatawag ang aking mga magulang para sila ay kausapin. Iyon ang pangalawang pagkakataon na naluha ako. Sa oras na iyon, nagsisisi ako kung bakit nag-overtime ako sa normal na self-training ko tuwing gabi na naging

dahilan ng aking puyat. Pero pagkatapos, nalaman ko naman at nai-apply ang pagbalanse ng oras ng trabaho at pahinga, at pagdadala ng ID sa bawat oras. Kung titignan, napakasimpleng mga pangyayari lang ang naranasan ko ngunit kung susuriing mabuti, malaki naman ang magagawa nito para sa aking hinaharap. Nakakahiya mang magkamali, pero bilang mga mag-aaral hindi natin ito mapipigilan. Sa bawat pagkakamaling ating nararanasan, dapat may panibagong bagay tayong nalalaman. Gasgas o luma man ito sa ating pandinig, pero siguro nakaka-apekto ito sa pagtingin sa atin ng iba. Ngunit, kung ang mga ito ay hindi mangyayari, laging pride na lamang ba ang iiral? Sa aking mga pagkakamali nagsisisi man ako dahil sila’y aking nagawa, hindi naman ako nagsisisi na napagalitan ako. Sa mundo kung saan sinasabing ang karanasan ang guro ng lahat ng bagay (Julius Caesar), lahat ng ito, gaano man kasimple, ay bahagi pa rin ng ating sarili, makakuha man ng magandang hinaharap.

try Worldwide” ang bansa. Gayunpaman, sa kabila ng sandamakmak na kontrobersiya ng media corruption at media killings hindi nito napipigilan ang patuloy na pagdami ng kabataan na nagiging kaisa ng responsable, tapat at malayang pamamahayag. Taong 1991 nang ideklara ang Republic Act No. 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 kung saan nasusulat rito ang pagprotekta sa malayang pamamahayag kahit na sa mga maliliit na paaralan lamang. Karagdagan dito, layunin din ng batas na ito na ipakilala ang pangkampus na pamamahayag bilang instrumento ng paglilinang ng disiplina at mabuting pag uugali ng mga kabataang ipino. Sa katunayan, ang publikasyong pangkampus ang naging boses ng mga kabataang Pilipino upang labanan ang diktaturya noong panahon ni Pangulong Marcos. Ito ang kanilang naging tinig upang salungatin ang tiraniya at pang-aapi sa panahon ng dating pangulo. Sa kabilang banda, nagsisilbing epektibong adbokasiya ng Kagawaran ng Edukasyon laban sa pag-usbong ng media corruption at media killings sa bansa ang patuloy na pagsuporta at pagpapalakas sa pangkampus na pamamahayag. Resulta nito, mas nagiging responsable ang mga batang mamamahayag sa kanilang mga ibinabalita. Kaugnay rin nito, sa publikasyong pangkampus din naipakikita ng mga kabataan ang kanilang aktibong partisipasyon sa mga nagaganap sa bansa. Kung patuloy na maipakikilala sa bansa ang pangkampus na pamamahayag, walang dudang mabubura sa mahabang listahan ng mga problema sa Pilipinas ang media corruption at killings. Sa huli, kaakibat ng dumaraming bilang ng mga pangkampus na mamamahayag, lumalaki rin ang porsyento na muling babalik ang responsableng pagbabalita sa bansa. Pamamahayag na hindi nabibili ng salapi o hindi nababayaran ng kahit ano. Bagama’t responsable at tapat na pamamahayag na may paninindigan at pawang katotohanan lamang.


6 opinyon

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

Magandang Hinaharap HINDI NA lingid sa ating kaalaman ang lahat ng pagsusumikap ng administrasyong Rodrigo Duterte sa pagsulong ng tunay na pagbabago. Pilit nilalabanan ang mga isyu katulad ng terorismo, k r imina lid ad, droga, korapsyon, at maging ang mga isyu sa globalisasyon. Sa loob ng 100 araw ng panunungkulan, marami na ang nagawa niya upang mapatunayan sa bansa na hindi sila magsisisi sa pagboto sa kanya. Kung magpapatuloy ang ganitong mga pangyayari, ano ang kahihinatnan ng ating bansa pagkatapos ng kaniyang administrasyon? Bagong sistemang politikal Naipangako ni Duterte ang pagkakaroon ng isang sistemang Federal, kagaya ng umiiral sa ibang mga bansa sa Europa. Ito ay isang uri ng pamamahala na nagbabahagi sa bansa sa dalawang unit: ang national government, at ang mga local government units (LGU). Sa ganitong sistema, nagkakaroon ng kalayaan ang mga LGU na gumawa ng sarili nilang programa at batas sa kanilang sariling hurisdiksyon -- isang adbentahe sa bansa sapagka’t hiwa-hiwalay ang pulo ng Pilipinas at may iba’t ibang pangangailangan. Uunlad ng sabay-sabay ang bawat LGU sa isang makatarungang pamamahala, at sa ganoon, uunlad din ang bansa natin. Droga, kriminalidad at terorismo Sa pagtatapos ng administrasyong Duterte, marahil ay makikita natin ang pagkakaroon ng tunay na kapayapaan at kaayusan

sa bansa. Sa dinami-rami ng mga nababalitaang sumuko, nadakip, pati na ang pagkamatay ng mga kriminal at teroristang bumabagabag sa bansa, hindi na katakataka na sa isang punto sa hinaharap, maibabalita ang bansa bilang isa sa pinakaligtas na lugar sa mundo. Korapsyon at kahirapan Kapag nagpatuloy ang pagtugis sa mga kurakot na opisyal ng gobyerno at pati mga sangay na nangunguha ng perang pinaghirapan ng bansa, hindi na tayo mahihirapan pang umunlad. Makikita natin ang isang mayaman at maunlad na Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Duterte. Globalisasyon Matagal nang isyu ang pag-angkin ng iba’t ibang bansa sa Spratlys Islands, partikular na ang China, Taiwan, at mga bansa sa Timog Silangang Asya, kasama ang Pilipinas. Taong 1970 nang maging pormal ang pag-angkin ng bansa sa Kalayaan Group of Islands (KGI), ngunit hanggang ngayon ay may alitan at hidwaan pa rin sa mga partido. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, sinisikap nilang ayusin ang mga alitang ito sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga relasyon sa iba’t ibang bansa sa Silangang Asya, magkakaroon din tayo ng soberanya sa mga nasabing teritoryo. Kung titignan, lahat ng ginagawa ng administrasyong Duterte ay nagpapahiwatig ng kaunlaran at kapayapaan sa ating bansa. Kung tayo ay susuporta, malamang, maganda ang hinaharap.

Nandiyan na si Bantay MALAPIT NG magkaroon ng mga matang magmamatyag sa iyo... Dahil dito, susubukan mo pa bang gumawa ng hindi tama? Hindi sa lahat ng oras ay nababantayan tayo ng ating mga guro at security guards ng ating paaralan. Lalo pa ang mga makukulit na mga magaaral sa elementarya at iyong mga pasaway na est udya nte ng highschool. D a h i l dito, hindi natin maiwasan na magkaroon ng mga aksidente. Kaya, siguro, ay dapat lang na ikonsidera na ang paglalagay ng mga Closed Circuit Television (CCTV) sa koridor at iba pang parte ng paaralan. Minsan nang nasabi ni G. Noriel Mangasil, teacher coordinator, sa isang flag ceremony ang balak na pagkakabit ng mga CCTV camera sa paaralan. Sana nga ay matuloy ito upang mas lalo pang mamonitor

ang mga estudyante at nang mas maging ligtas ang lahat. Malaki ang maitutulong ng mga CCTV camera sa pagtingin sa bawat galaw ng mga mag-aaral, lalo na ngayon na mas pinaigting pa ang pagbabantay dahil sa pagtaas ng bilang ng mga estudyante. Ang paglalagay

ng ganitong mga camera ay maaaring magresulta sa pag-iwas ng mga makukulit na estudyante ng paggawa ng mga kalokohan at iba pang mga galaw na taliwas sa batas na sinusunod sa paaralan. Hindi natin alam kung kailan mailalagay ang mga CCTV camera sa mga pasilidad ng paaralan. Pero bilang La Verdarian, dapat ay maging maingat ang lahat sa kanilang mga aksyon, at gumalaw ayon sa prinsipyong Kristiyano.

• Nanggaling kami mula sa nakaraan at kami ang gagawa para sa kinabukasan...

Kabataan para sa bayan, kabataan para sa bawat isa

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

Huwag mag-alala, ligtas ka NI DENNIS A. AMOROSO • 11-ABM (A)

NI PRECIOUS ANNE MAE A. TUBIG, MARY ROSE M. ATIENZA AT JERCY S. BAUTISTA • 11-GAS SA PAGLIPAS ng panahon at kami ay tumatanda, kasabay nito ang pagkakaroon namin ng kamalayan – sa kapwa, sa paligid, Panginoon at sariling bansa. At isa sa mga kaalamang naitatak na sa aming isipan at maging na rin sa ating kasaysayan ay ang kapanahunan ng dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Noon ay nasa panig kami ng mga Aquino na kung iisipin ngayon ay naaalibadbaran na kami. Ngunit sa kasalukuyan, gusto naming sabihin na hindi kami kontra sa Marcos, o maging kontra sa Aquino, bagkus kakampi kami ng mga Pilipino at ng bansang Pilipinas. Nakapagtataka na mayroong iilang mga dayuhan ang nakakakilala sa mga Marcos at kung ano ang mga naganap noong termino niya pero maraming mga Pilipino na tila walang muwang sa kanilang nakaraan. Para sa mga hindi nakaaalam, ang Pilipinas ay sumailalim sa Martial Law mula Setyembre 1972 hanggang 1981. Sa ilalim ng pamilya ng mga Marcos na iniisip ng mga kapwa naming kabataan na iyon ang “gintong panahon” ng ating kasaysayan kung kailan lahat ay yumabong at umunlad. Ngayon, ang mga balita na matagal nang nakatago ay muli na namang naungkat dahil lamang sa paglibing nila sa dating diktador at doon kami nalunod sa sarili naming pag-iisip. Dapat bang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani? Si Marcos ba ay maituturing na bayani? Oo at sumasang-ayon kami. Bakit? Kami ay nabighani sa mga imprastrakturang napatayo at nagawa noong panahon niya. Pangalawa, legal na ilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sapagkat

isa siyang presidente at sundalo. Pangatlo, hindi lahat ng nakalibing doon ay maituturing na “bayani”. Pero para sa amin, legal ito pero hindi moral. Hindi moral na ilibing doon ang isang tao na kung saan sa panahon ng kanyang panunungkulan ay maraming tao ang nagdusa at nahirapan. Bilang mga kabataan na may kamalayan, nakalulungkot isipin na may mga “matatanda” ang sinusubukan kaming patahimikin. Ang mundo ay hindi umiikot kay Pangulong Duterte, sa mga Marcos at sa mga Aquino. Hindi na ito tungkol sa paglilibing, tungkol na ito sa atin. Bata na kung bata, pero hindi lang kami basta bata. Bata na kung bata pero marunong kaming lumaban. Bilang mga Pilipino, tatayo kami ng taas noo at isisigaw ang tama at mali. Malakas at may paninindigan naming ibubunyag ang katotohanan. Gagawa kami ng pagbabago. Dahil para sa amin, ito ang pinakasaysay ng pagiging isang kabataan Pilipino. Aaminin namin, bilib kami sa mga estudyanteng nakisangkot at naging parte ng rally, dahil iyon ang patunay ng isang taong may alam, isang taong

matapang. Pinipili nilang magsalita upang mapakinggan. Kailan pa naging mali ang pagsisigaw ng katarungan sa gitna ng lansangan? Para saan pa ang tunay na kalayaan? Kaya para sa mga taong nagmamagaling at nagsasabing walang alam ang mga kabataan sa kasaysayan ng bansa at mali ang aming ginagawa, sa tingin namin kailangan ninyong pagaralang muli ang ating nakaraan. Upang tapusin ito, uulitin namin, legal na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngunit hindi ito moral. At sinasabi namin ito, dahil may alam kami. Naging parte kami ng alinmang nangyari dahil “yesterday makes up today and today makes up the future.” Nanggaling kami mula sa nakaraan at kami ang gagawa para sa kinabukasan.

Payo para sa mga Junior High School MGA JUNIOR High School, handa na ba kayo? Karamihan sa mga estudyante ng ikasampung baitang ngayon ay naguguluhan pa rin kung anong track o strand ang kanilang kukunin pagdating ng Senior High School (SHS). Ang ating paaralang La Verdad Christian School (LVCS) ay nag-offer ng iba’tibang mga Academic at Technical-Vocational Track kabilang ang Accountancy, Business and Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering and Mathmetics (STEM) at General Academic Strand (GAS). Kabilang naman sa Tech-Voc ang Information and Communication Technology (ICT) at Cookery. Sa dinami-rami ng mga strand na maaaring pasukan, may iilang mga estudyante ngayon sa SHS na umaaray at nagsisisi sa kanilang mga naunang desisyon. Marahil ay hindi nila lubusang napag-isipan ng maigi ang kanilang mga naging desisyon. Kaya

naman, para sa mga magiging SHS sa susunod na taon, pag-isipang mabuti ang gagawng desisyon. At bilang isa sa mga pioneer ng kurikulum na ito, narito ang ilang paraan kung paano mo mapipili ang angkop na track o strand para sa iyo. Una, alamin mo ang iyong kapasidad at kung kakayanin mo ba ang pipiliin mo o mah i h i r apa n lang. Pangalawa, huwag dumepende sa barkada o mga kaibigan, sa magulang o sa crush dahil kung hindi ang sarili mo ang iyong susundin, darating ang araw na mahihirapan ka. Pangatlo, kapag pumili ka, dapat ay wala ng

atrasan, dapat ay hindi na magbabago ang desisyon mo. Bago pumunta sa kapalarang gusto mong tahakin, dapat ay sigurado ka na at determinado. At huli, dapat handa ka, dahil ang SHS ay malaki ang pagkaka-iba sa JHS lalo na’t isang practice ito upang mahanda ka sa kolehiyo at sa hinaharap. Kapag napagdesisyonan mo ito ng maayos, tiyak na hinding-hindi ka mahihirapan at magsisisi. Magiging madali nalang ang mga bagay na haharapin at gagawin mo sa dalawang taon ng Senior High School. Ngayon, tatanungin ko kayo. Handa na ba kayo?

OPINION POLL

MARCOS SA LNB

76% PABOR

EXTRA-JUDICIAL KILLINGS

24% DI-PABOR

UNANG LIMANG BUWAN NI DU30

86% KASIYA-SIYA

14%

NAGKUKULANG

11% PABOR

89% DI-PABOR

DEATH PENALTY

4% PABOR

96% DI-PABOR

opinyon 7

ANG TANGLAW

ANG “BULLYING” o pambubulas ay isa sa mga problemang kinakaharap ng maraming paaralan. Pero hindi dapat ito umiiral sapagkat ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Education (DepEd), kasama ng Repubic Act (R.A.) No. 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013.” Wala namang mabuting maidudulot ang pambubulas, bagkus ay masama pa. Maaari itong makaresulta sa pagliban nang pagliban ng isang bata dahil sa takot. Parating gustong mapag-isa, hindi pokus sa pag-aaral, walang closeness sa pamilya, emotional trauma, physical abuse, at ang pinakanakababahala, ang pagpapatiwakal. Sa panahon ngayon, hindi mawawala ang bullying sa mga paaralan, pampubliko o pampribado man. Ayon sa DepEd, halos nasa 1,700 na estudyante ang kaso ng pambubulas noong taong 2013-2014. Subalit may isang paaralan sa Apalit, Pampanga na ang bokabularyo at gawaing pambubulas ay hindi umiiral. Ito ang La Verdad Christian School na may prinsipyong “Wisdon Based on The Truth is Priceless.” Patunay na walang pambubulas na nagaganap dito ay ang datos galing sa Guidance Office na nagpapakita ng ‘zero case’ ng bullying sa institusyon. Hindi maikakaila na ang lahat ng mga mag-aaral sa La Verdad ay disiplinado - dahil na rin sa mga turo na binibigay batay sa kung anong nakasulat sa Biblia. Hindi maikakaila na ang mga La Verdarian ay angat sa larangan sa pagkakaroon ng moral. Kaya bilang magaaral dito, isang pribilihiyo ang maging parte nito sapagkat siguradongng ligtas ka.

LIHAM SA

PATNUGOT Mahal kong patnugot, Magandang Araw po! Lubos po akong natutuwa sa nangyaring Bazaar 2016 ng Grade 9 hanggang Grade 11. Sobrang saya lang talaga ng nangyaring Bazaar noong Nobyembre 18. Kahit na sobrang nakakapagod magbenta sulit naman lalo na kasi alam naming kami rin naman ang makikinabang sa perang kikitain. Aaminin ko na ang hirap pala talaga kumita ng pera kahit na binasbasan na namin yung mga presyo ng mga paninda namin tatawarin pa rin at minsan hindi pa talaga bibilhin. Kaya naman todo effort yung ibang grade level sa mga gimik nila para lang maraming bumili. Kahit paos na sigaw parin. Hahaha. Dagdag ko na rin na nakita ko talaga yung pagiging malikhain ng mga estudyante sa mga booth nila, lalo na yung 11-GAS na nanalong Best Booth. Nakatutuwa lang isipin na nagkaroon ng ganitong proyekto iyong SGO kasi bukod sa may pondo na, masaya pa at natututo rin ang mga estudyante sa larangan ng pagnenegosyo. Sana magkaroon pa ulit ng ganitong bazaar, sa mga susunod pang taon. Saludo ako sa SGO at kay Ma’am Kesiah para sa ganitong mga activity. Salamat po sa Dios! Michaela “Mikay” Enclona 11-HUMSS (A)

Matanglawin NAKAGAGALAK ISIPIN na tuluyan na ngang bumaba ang porsyento ng mga Pilipinong gumagamit at nagtutulak ng droga. Gayunpaman, naghahatid naman ito ng kakaibang kilabot hindi lang sa mga Pilipino kundi maging na rin sa buong mundo. Sa loob ng unang tatlong buwan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pwesto, talaga namang pinatunayan niya ang kanyang mga pangako noong eleksyon na lilipulin niya ang mga sindikatong may kaugnayan sa ilegal na droga sa Pilipinas at lilinisin niya ito. Wala namang duda na magagawa ito ni Pangulong Duterte dahil nga nasimulan na niya ito sa Davao, bagama’t nakagugulat ang biglang pagkakaugnay ng kanyang kampanya sa ilegal na droga sa nababalitang extrajudicial killings sa bansa. May katotohanan nga ba ang tsismis na ang pangulo at ang kaniyang administrasyon ang nasa likod ng sandamakmak na patayang nangyayari sa bansa?

Marahil ay masasabi nating may kinalaman ang ilegal na droga sa extrajudicial killings, ngunit walang makapagsasabi na ang pangulo ang nasa likod nito, maliban nalang kung may maihaharap silang konkretong ebidensya na makapagtuturo kay Pangulong Duterte.

Kung tutuusin, marami na rin namang walang habas na patayan ang nangyari kahit noong hindi pa si Duterte ang nakaupo sa pwesto, ngunit hindi naman ito naging “big deal” sa mga Pilipino. Sa totoo nga lang, parang normal na lang sa atin noon ang may makitang

bangkay sa isang lugar. Ngunit, bakit tila binulabog yata ng kampanya ng pangulo ang ganitong mga pangyayari? Dahil ba ito sa pagpuntirya niya sa mga mayayamang negosyante na siya umanong mga totoong drug lord? Walang makapagsasabi kung ano ba talaga ang totoo at hindi sa panahon natin. Wala pa ring sapat na mga patunay kung sino ang mga dapat managot ngunit nararapat na hindi lang tayo umupo at magsawalang bahala sa mga isyu ng bansa. Bilang mga kabataan, hindi na dapat tayo nagbubulag-bulagan sa mga nagaganap na suliranin sa bansa. Hindi na dapat tayo basta naniniwala sa mga tsismis at kwentong barbero. Dapat ay mas nagiging mapagmatyag, mapag-usisa at responsable na tayo sa ating mga naririnig at sinasabing mga kwento. Tandaan, dapat alamin natin ang kung anong mayroon tayo ngayon dahil ito ang magiging dahilan kung ano ang mayroon tayo bukas.

• GUESTCOLUMN

Kakayanin para sa voucher... NI RALPH JOSEPH TUAZON ... Marahil yan ang madalas na litanyang maririnig mo sa isang Senior High School student, puspos man sa mga gawaing akademiko’t pagsusumite ng kung ano-anong ‘requirement’ sa bawat asignatura - talaga namang kakayanin para sa voucher! Taong 2011, pinirmahan ng dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang Republic Act 10533 o ang “Enhancing the Philippine Basic Education System by Strengthenin its Curriculum and Increasing the Number of Years for Basic Education, Appropriating Funds Therefore and for other Purpose” na naglalayong patatagin at paigtingin ang kakayahang intelektwal at bokasyonal ng bawat Pilipinong mag-aaral. Naaayon sa pirmadong kautusan na ang mga institusyong may koneksyon rito, sa pangunguna ng Department of Education, na amyendahan ang 10 taong pangunahing kurikulum pang-edukasyon (BEC) tungo sa 12 pundamental na pag-aaral na kikilalaning K-12 Curriculum. Ito’y bilang kumplementasyon sa hinihinging 12 taon panahon ng pagaaral ng pandaigdigang batayan. Isang taon sa Kinder, anim para sa elementarya, anim para sa hayskul na nahahati sa dalawang uri; unang apat na taon bilang junior high school at para naman sa nalalabing dalawang taon ang senior high school na kukumpleto sa pangunahing pangangailang pagkatuto ng isang Pilipino sa ilalim ng nasabing batas. Napakaraming espekulasyon ang umusbong mula sa umpisa at kasagsagan ng kontrobersyal na batas. Nariyan ang kakulangan sa pasilidad, guro at kagamitang pampagkatuto. Mayroon ring nagsasabing libo-libong propesor mula sa ibat ibang unibersidad at kolehiyo ang mawawalan ng trabaho kung hindi bababa bilang propesor ng senior high school dahil sa pagkaantala ng mga susunod ng freshmen. Ngunit sa napakaraming katigatigang nabuo sa pagbabagong ito, higit na kapangamba-pangamba ang kahihinatnan ng mismong mga mag-aaral na na unang tutungtong sa plataporma ng ‘pinaigting na edukasyon’. Bilang tugon, isa sa mga probisyon ng batas ay ang pagkalooban ng supor-

tang pinansyal para sa karagdagang dalawang taon ang unang batch ng senior high school na lilipat sa mga pribadong paaralan dahil sa di maitatangging kakulangan sa mga kakailanganing sangkap pampagkatuto - sa katauhan ng Voucher System. Depende sa lugar ng paaralang tutunguhan ng estudyante bilang senior high ang magiging kaukulang halaga ng suporta ng gobyerno na pumapalo mula Php22,500 hanggang Php11,250. Limang taon makalipas ilunsad ang nasabing batas, sumampa na sa entablado ng di-katiyakan ang unang batch ng mga senior high. Katuwa-tuwang ang ilan sa kanila’y nakamit ang layunin ng batas - na sila’y ihanda sa mga susunod pang kaganapan bilang manggagawa o mag-aaral sa mas mataas na antas o kolehiyo. Ako, sa kursong Humanities and Social Science (HumSS) mula sa Polytechnic University of the Philippines Quezon City Campus (PUP QC), masasabi kong malaki ang pinagkaiba ng kaalaman at ng paraan ko ng pagkatuto kaysa ngayon. Kung noo’y puro ‘tsamba’ lang ako sa asignaturang Matematika, sa tulong ng programang senior high school, mas lalo ko pang napagayabong ang pang-unawa ko sa iba’t ibang aspeto ng kaalaman. Ayon naman kay Mary Joyce Chen ng Our Lady of Fatima University Dela Paz Norte Campus (OLFU), mula sa kursong Accountancy, Business and Management (ABM), napakalaking gamapanin ng antas ng pagiging senior high school ang naiambag sa kanya. Natuto na siyang manguna sa mga gawain, magsalita sa harap ng maraming tao at makisalamuha sa iba pa. Si Marvil Payumo ng Angeles University Foundation (AUF), sa kursong Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), lumawak ang mundo niya sa pagsampa sa senior high school. Nakakilala siya ng mga taong tumulong sa kanya para makapag-adapt sa inaasahang pagbabago at bilang tugon, naisasadsad naman niya ang mga asignatura sa napiling kurso. Sa kabilang dako, hindi maiaalis ang mga negatibong opinyon ukol sa pagbabagong naganap sa sistema ng edukasyon. “Matinding stress at problema ang idinulot sakin ng Senior High School na

di ko inasahan noong ako’y nasa Junior High School pa lang.” ani Mary Ann Javier, kursong Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) mula sa Systems Technology Institute College San Fernando Campus (STI College). “Sayang [ang] oras at pera!” dahil sa paulit-ulit na leksyon mula pa noong elementarya hanggang ngayon, mga ‘di handang magturong mga propesor at ang aniya’y ‘pa-chill’ nilang sistema ang ikinakukulo ng dugo ni Maybee Begornia mula sa Our Lady of Fatima University Dela Paz Norte Campus (OLFU) sa kursong Accountancy and Business Management (ABM). Higit sa kahit ano pa mang dapat ipinangangamba ng sambayanan patungkol sa R.A 10533, mas mabuting pagtuuunan ng pansin at suriin kung talaga nga bang epektibo ang nasabing batas. Pera mo, pera ko at pera ng bawat naghihikahos ng pamilya, pera ng mga sagana, ang perang ipinampapaaral sa mga mag-aaral na ito. Masusukat ang pagiging episyente kumporme sa kahihinatnan ng mga isinalang sa pagbabagong ito. Ang pagkabagsak sa kahit anong asignatura ng mga mag-aaral na ito ay maaaring magpadiskwalipika sa kanila sa programa at ipapasan ang sa kanila lahat ng gastusin. Kung kaya’t ginagawa nila, namin ang lahat upang mapanatili ang pasadong marka. Sabi nga ng kantang isinulat ng aking kaklase sa pisara bago ang aming finals nung first sem, sa saliwa ng awiting ‘Wag ka nang Umiyak’ ng Sugarfree. “Kung wala ka nang maintindihan, Kung wala ka nang makapitan, Kapit lang sa voucher, Kapit lang sa voucher...” Kitang kita naman na tambak man sa gawain, báon man sa mga assignments at proyekto talagang kakapit at kakayanin para sa kinabukasan - para sa voucher!

Sa kasalukuyan, si Ralph Joseph Tuazon ay Grade 11-Humanities and Social Sciences (HumSS) student sa Polytechnic University of the Philippines-Quezon City Campus (PUP-QC). Siya ay pangkampus na mamamahayag din, partikular sa pagsulat ng mga opinyon.


8-9 lathalain Kapit lang, bes!

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

KUHA NI NICOLE FERRER

Larawan sa Aklat

“Lahat ng bagay, may tamang panahon!”

NI JHAN HYACINTH F. TAN • 11-HUMSS (A)

M

ASARAP GAWIN ang bawal. Pero huwag mo nang subukan kung isa kang La Verdarian. Isa sa mga dahilan kung bakit kilala ang ating paaralan ay ang mga mga polisiya nito at kung paanong seryoso itong sinusunod ng mga estudyante. Mga polisiyang nangangailangan ng pagtitiis at determinasyon. Kaya tara, at namnamin natin ang mga tiising ito. MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL BLG. 1: Pagkain sa loob ng mga klasrum Ang pagkain sa loob ng gusali ng paaralan ay maiging ipinagbabawal sa loob ng kampus. Ito ay upang maiwasan ang pagtira ng mga langgam dito at upang mabawasan ang kalat. Kung

gawain mong ngumatmat at ngumuya-nguya habang nagkaklase, naku, huwag mo nang ituloy. Kailangan mong hintayin ang tamang panahon: recess, at pag-uwi ng bahay. Sanay na naman tayo riyan, hindi ba? Ang maghintay. MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL BLG. 2: Bubble Gum Mahigpit na ipinagbabawal din ang dahilan kung bakit nabuo ang taong kambing: Bubble Gum. Pero seryoso, bakit ba kailangan pang ngumuya nito? Sasakit lang ang panga mo at magkakakabag ka. Huwag itong balewalain, dahil kapag nahulihan ka nito ay walang tanong-tanong: Tanggal ka na! Ipinagbabawal ito dahil sa mga lumipas na nangyaring pagdidikit nito sa ilalim ng mga mesa.

MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL BLG. 3: Pakikipagrelasyon

Ginoong Di Inaakala Ang kwento sa likod ng bawat pangarap NI NUELA MAWELL R. SAPELINO • 9-STEPHEN

“Minsan mang nadapa at nagkamali, muli namang bumangon at nagpunyagi.”

H

INDI NA ito isang ekstraordinayong kwento subalit isa itong pruweba na ang minsang pagkalugmok sa putikan ang maghahatid sa atin sa tunay na rurok ng tagumpay. Sir Roldan S. Villanueva. Isang kilabot sa pagtuturo ng agham: siya ay istrikto ngunit mapagbiro. Sa kaniyang kilos at salita, hindi maipagkakailang siya’y may pinagaralan, hindi lang sa eskwelahan kundi pati na rin sa buhay. Mahirap lamang ang kaniyang pamilya na namumuhay sa Hagonoy, Bulacan. Sabungero ang kaniyang ama na taga-Nueva Ecija samantalang kasambahay naman ang kaniyang ina na isang Bulakenya. Sa kaniyang pagkabata, lumaki siya sa magulong kapaligiran. Bunga nito, maagang namulat ang kaniyang isipan sa kahirapan ng buhay. Katunayan, nang siya ay 10 taong gulang, ang mga kaibigan niya ay nasa edad 16. At dahil doon, sa edad na 12, natuto siyang manigarilyo. Bisyo niya iyon na kahit sa loob ng paaralan ay dinadala niya. Maging ang alak naging laman din ng tiyan niya. “May pagkakataon na pumasok ako na lasing,” giit niya. Ngunit sa kabilang banda ay nangibabaw ang kaniyang pagmamahal sa pag-aaral. Nagsikap siya na matupad ang kaniyang pangarap sa kaniyang pagaaral sa pampublikong paaralan. Mula nang siya ay nasa una hanggang sa ika-anim na baitang, nanatili siyang nasa unang seksyon. Ipinamalas niya ang pagmamahal niya sa pag-aaral sa mga panahong iyon at hanggang ngayon. Kahit sa araw na ito ay pinapakita niya na mahal niya ang mundo ng pagtuturo kahit hindi ito ang kaniyang pangarap.

Oo, hindi niya pinangarap ang maging isang titser kundi ang pagiging inhenyero. At sa arawaraw niyang pagganap dito, unti-unti niya itong naibigan. Minahal niya ito kahit na sa simpleng dahilan lang ito galing. “Mahaba kasi yung pila sa engineering kaya I proceed doon sa mas maikling pila which is education,” sabi niya. At doon nagsimula ang di-pangkaraniwan niyang kwento.

P3,000 ang matrikula niya sa pagpasok niya sa kolehiyo sa Bulacan State University (BulSU). Upang matugunan ito ay nagbanat siya ng buto sa isang fast food chain (Jollibee). Mula hapon hanggang umaga, nagpawis siyang maglinis kahit na ilang araw ng wala tulog. Sa umaga,

NI ANGELO G. AUSTRIA • 11-ABM (A)

Mahigpit na ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon: lalaki sa babae, lalaki sa lalaki, o babae sa babae man. Ipinatupad ito upang makaiwas sa mga hadlang sa pag-aaral. Totoo naman. Imbis na mag-review, siya ang iniisip mo. Imbis na matulog na para hindi mahuli sa klase ay ka-text mo siya. At kapag lumala ay magkakabata pa sa iyong sinapupunan. Kadalasan ay isa ito sa pinakamahirap sundin dahil nasa edad na tayo kung saan ang kuryosidad natin ay buhay na buhay. Gasgas na ang linyang ito, pero may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Sa ngayon, kapit lang bes.

trabaho pagkatapos aral at sa pag-uwi banat na ulit para sa hanapbuhay. Sa mga araw na iyon kailangan niya ng lakas ng loob, determinasyon at masiglang pangangatawan na tatagal sa pagsikat at paglubog ng araw. At dahil sa pangangailangang gising siya parati, nag-droga siya. Tumira siya ng shabu kasabay ng sigarilyo. Bisyoso siya na may pangarap. Pambihira. Adik pero pumapasa. Nakakabilib na nakakagulat. Kung iisipin parang imposible pero naging posible. Naging isa siyang halimbawa sa mga kaibigang lulong din. “Gusto kong mapatunayan na kahit nagbibisyo ako kaya ko pa ring mag-aral,” pahayag niya. At ito na siya ngayon, isang guro na patuloy na nagpupunyagi sa loob ng 13 taon na pamamalagi niya sa La Verdad Christian School. Mula pa noong March 2004 patuloy siyang nagbibigay hamon sa bawat estudyante hindi lang sa larangang pang-akademiko kundi pati na rin sa… Isports. Malupit at batikan rin sa paghawak ng mga atleta. Sa larangan ng table tennis, kinikilala ng mga malalaking unibersidad ang hawak niyang mga bata. Ilang beses na ring sumabak sa Palarong Pambansa ang kaniyang mga pambato na nagdala ng nag-uumapaw na karangalan para sa paaralan. Kaya naman pati La Salle, U.P. at iba pa, ay nagkakandarapang kumuha dito ng mga manlalaro. Atletang may utak. Ganito siya humawak ng mga estudyanteng nais mag-isports. Ayaw niyang bumabagsak ang bata dahil sa paglalaro. Sa kaniyang mga mata, marami pang nakatagong ideya, pangarap, determinasyon at pagsisikap. Nakakamangha nga kung ituring. At ang lahat ng ito ay nagsimula sa isang panimulang pambihira.

P

Walang Pera? Walang Problema! NI MARK VINCENT P. CARREON • 10-PAUL

“Sa panahon natin ngayon, mayroon pang mga bagay na hindi kinakailangan ng pera. Isa na rito ang institusyon na may kalidad na edukasyon, ang La Verdad Christian School.”

KUHA NI ARNEL TUMBALI

M

ARAMING TAO ang nagsasabing wala na raw libre sa panahon natin ngayon. Totoo nga ba? Taong 1998 nang maitatag ang isang paaralang nag-iisa at walang katulad. Sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano at Dr. Daniel Razon, umusbong sa isang lugar sa Pampanga ang isang paaralang may sinasabing “Study Now, Pay Never.” Ito ang school ko, La Verdad Christian School. Nitong nagdaang 2009, naglunsad ang founding chairman na si Bro. Eli ng isang scholarship program. Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ng libre ang mga kabataang nagnanais na makapagtapos ngunit kapos sa pangangailangang pinansyal. Kasabay ng programang ito ang ilang serbisyo publiko tulad ng Libreng Sakay ni Kuya, Free Medical Mission, Feeding Program, at Transient Home. Oo nga pala, bilang patotoo na sa panahon ngayon ay may libre pa. Ang La Verdad Christian School ay “No Tuition Fee,” “No Miscellaneous Fee,” “Free Books,” at ang nakakagulat ay pati ang mga uniporme ng estudyante ay libre, ngunit ang talagang makalaglag-baba ay ang pangako nilang “Free Lunch.” Isipin mo na lang na sa isang araw ay ilang

libong estudyante ang pinapakain mo at sa loob ng isang taon ay may tatlong daa’t mahigit na araw, hindi ba’t kamangha-mangha ito? Ngunit kasabay ng pagpapalawak ng kaalaman ng mga estudyante rito ay ang paglinang sa talento at kakayahan nila sa pamamagitan ng paligsahan sa loob at labas ng paaralan. Bilang patunay, unti-unti nang nakikilala ang paaralan sa tagisan ng talino at sa larangan ng pampalakasan. Mula sa inter-zonal level ay nakakarating ang paaralan sa mga palarong pambansa. Mula sa bilang na anim na pu’t walo ay nagsikap ang paaralan na maglaan ng mga kinakailangan sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon, pinagsikapang maitaguyod ang institusyon hangang sa dumami pa ang nagnais na mag-aral dito. Lumobo ang bilang ng mga estudyante sa mahigit isang libo. Patunay lang na ang paaralang ito ay totoo at naghahatid ng tunay na serbisyo. Kaya masasabi ko na sa panahon natin ngayon, mayroon pang mga bagay na hindi kinakailangan ng pera. Isa na rito ang institusyon na may kalidad na edukasyon, ang La Verdad Christian School.

UNONG GURO. Bansag sa isang taong sinusunod ng ibang guro. Tagapamahala sa lahat ng mga gawain sa isang paaralan. Naka-atang lahat ng responsibilidad sa kanya upang maisaayos ang isang eskwelahan na kanyang pinamumunuhan. Mabuti. May puso. Marunong makinig. Relihiyosa. Pagkakakilala sa kaniya, mga katangian na kanyang taglay at kailanman ay hindi mawawala sa isang punong guro tulad niya. Walang anumang makikitang lubid sa paa upang siya’y hilain pababa. Hustisya sa lahat ang kanyang pinaiiral. Pinakikinggan lahat ng mungkahing kaniyang natatanggap. Malawak na pag-unawa ang kaniyang ipinakikita upang pakiramdaman ang bawat problema. Strikto. Iyan na siguro ang isa sa mga katangian niya kung bakit naging matagumpay ang pagpapaganda sa La Verdad Christian School. Kung bakit maunlad ngayon ang paaralan nito ay dahil sa tulong niya, dahil sa galing niya sa pamamahala. Nakikilala mo na ba siya? Narito pa ang ibang impormasyon nang lubusan mo siyang makilala… Ipinanganak siya noong ika-2 ng Marso, taong 1964 sa Dampol, Pulilan, Bulacan. Nagtapos ng Doctor of Education Major in Education Management sa Bulacan State University taong 2015. At ngayon, labing-pitong taon na siyang punong guro, at tatlumpu’t-anim na taon na siyang kalihim ng Members Church of God International (MCGI). Nakikilala mo na ba siya? Tumpak! Siya si Ms. Luzviminda E. Cruz na nagsasabing… “Trust God in everything for we cannot accomplish anything without Him.”

Magandang Oportunidad sa La Verdad NI ANGELO G. AUSTRIA • 11-ABM (A)

A

NG KANLUNGAN nating kabataan. Linyang nakintal sa aking puso’t isipan nang awitin ng mga estudyante ang ipinagmamalaking himno ng kanilang pamantasan. Naglalakihang estraktura. Malinis na sahig at dingding. Mga tanawing makikita sa paaralang ito. Maaliwalas at preskong paligid. Madarama mo ang yakap ng hangin at madidinig ang musika ng mga ibong nakakantahan at ang paghampas ng mga dahon sa paligid. Patag na bato ang kakalik sa mga sapatos at matitibay na salumpuwit ang sasalo iyo. Hindi na nakapagtatakang isipin kung bakit maraming estudyante ang nagnanais na makapasok sa paaralang ito, na nasa Sampaloc, Apalit, Pampanga. Magandang pasilidad at magandang oportunidad lalo na sa mga kapos-palad. Full scholarship Grant. Iyan na siguro naging pagkakakilanlan ng paaralang ito. Iyan na marahil ang tanda kung bakit nakakakilala nito. Abad hanggang Visayas at Mindanao ang kaniyang kasikatan. Dahil may mga mag-aaral nito ang galing pa sa lupain ng Samar, Bikol at South Cotabato. Maganda ang naging puna ng karamihan sa paaralang ito. Magaling sa pagtuturo ng mga aralin, pati na rin sa pagtuturo ng mga aral tungkol sa Biblia. Disiplinado ang mga guro at mag-aaral. Ito ang naging pundasyon ng mabuting aral at katotohanan. Pagkakaroon ng takot sa Diyos, maging tapat at disiplinado, masipag at may sariling paninindigan, malikhain at produktibo, at matalinong indibidwal kahit saan, kahit kailan at mapaghabang buhay. Ito’y hindi mapapatupad kung walang mga busilak ang puso na magpapa-aral sa mg estudyante nito. Oo, walang iba kundi sina Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel Razon. Sila ang nagsisilbing pundasyon ng paaralan upang manatili itong matatag at nakatindig. Sa unang pagkakataon nakarating rin ako, at ang aking nasabi... La Verdad! Ang layunin mo ay sakdal buti, tunay.


10 lathalain

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

agham at teknolohiya 11

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

Anina ng mga Alon Si Anina ay lumaki sa piling ng mga alon, kabisado niya ang mga awit at bawat damdamin nito tulad ULA SA panulat ng maka- ng isang kaibigan. Bilang isang katang si Eugene Y. Evasco, bataan, si Anina ay nasa edad ng panabuo ang nobelang sady- ghahanap ng sarili sa komplikadong ang kapupulutan ng aral. Nobelang mundong kanyang ginagalawan. Nahindi lamang pang may edad kundi ranasan niya ang hirap ng maging isang katutubo at mahuli sa gitna maging sa mga kabatang kahirapan at karaan. Ito’y pinamagatan hasan. SURINGBASA niyang “Anina ng mga Kung susuriin natin Alon.” Nobelang ilang beses naparangalan dahil sa ganda ay nakakatuwa rin ang paglalaro ng talinghaga ng mga dagat at kaakibat ng nilalaman. Ito’y isang prosang tila isang awit na bagay tulad ng alon upang padadahil sa pagiging lirikal ng pagkaka- luyin ang kwento. Inuugnay ng dagat sulat nito. Ang kwento ay sinusun- ang mga katutubo sa makabagong dan ang buhay sa likod ng mga Bad- karanasan ni Anina, na siya ring jao, lalo na ni Anina, ang anak ng nag-uugat sa kasaysayan ng mga dating Badjao. mga alon. NI JHAN HYACINTH F. TAN • 11-HUMSS (A)

M

LARAWAN MULA SA ADARNA HOUSE, INC.

Aral ng Buhay “Paikot-ikot at komplikado man ang buhay, may solusyon din.” NI ANGELO G. AUSTRIA • 11-ABM (A) June 1, 1857 229 Brgy. Buhay Pag-asa Village Mahal kong bata,

KUHA NI JULIAN RIKKI C. REYES

M

ATAGAL NA rin nang huli tayong nagkasama. Halos tatlong buwan, natapos na kasi ang isang taong pagpasok ko sa paaralan, tapos na rin ang isang taong parati kitang kasama, natapos na rin ang isang taong pagsabit mo sa aking leeg, pati na ang ang aking paghihirap sa pag-aayos sa iyo dahil sadyang napaka-komplikado. Ikot dito, ikot doon. Hila rito, hila roon. Naalala ko pa noong nag-aaral pa ako. Lagi akong nahuhuli sa klase dahil hindi kita alam ayusin. Nagmukha ka tuloy turon na nakorolyong may buntot. Lagi akong natataranta sa tuwing papasok na ako, at kapag ikaw na ang kaharap ko. Alam mo, paraka tuloy istorya ng buhay ko – sadyang magulo, napakakomplikado. Marami akong naranasang mga pagsubok simula noong ako’y iwan mo. Sa tatlong buwan na hindi tayo magkasama, marami akong naging problema. Hindi ko na tuloy alam kung paano ito sosolusyunan. Paulit-ulit na lang na nararanasan, araw-araw na lang na hinaharap. Habang lumilipas ang oras, kaba sa dibdib ang nararamdaman, sapagkat ako’y nawalay sa aking mga magulang. Naghanap ng trabaho upang makatulong sa sa gastusing bahay. Kayod dito, kayod doon. Maraming paikot-ikot, maraming pasikot-sikot. Sadyang magulo, napakakomplikado. Ako’y nalilito sa mga nararanasan ko. Ako’y umiiyak, mga luha’y pumapatak. Nang ako’y nakaipon na, naisipan kong umuwi ng probinsya. Nais kong sorpresahin sila sa aking pagdating. Ngunit hindi ko inakalang ako ang magugulat. Aking nasilayan si ama’t ina, binabantayan ang apat na kandila – dalawa sa ulunan, dalawa rin sa paanan. Puso ko’y nagkapira-piraso, nadurog ang aking puso. Ako’y umiiyak, mga luha’y pumapatak. Sadyang magulo, bata. Paikotikot, pasikot-sikot, at minsan nabubuhol. Ngunit minsan naaayos. Ikot, pasok, hila. Kahit paikot-ikot man ang problema, kailangan mo itong pasukin at hilahin upang maging magaan ang buhay. Ganyan talaga, kurbata.

Nagmamahal, Toto

Sa pagtatapos ng nobela, mauunawaan natin ang pamumuhay ng mga Badjao. Ituturo sa atin ang lipunan at kulturang kanilang kinagisnan. Imumulat tayo sa mga bagay na dating hindi natin nabibigyang pansin. Simpleng mga salita. Walang pasikot-sikot. Ngunit may kurot sa puso. Na tulad sa mga mag-aaral, na pilit na bumabangon sa araw-araw. Gaya ni Anina, naghahanap ng lugar at mga taong babagayan kung saan magiging ligtas at maayos ang buhay. Araw-araw mang may problema, ngunit sa huli, isang matamis at panibagong buhay na ang kanilang tatahakin. Simpleng mga salita, ngunit may kurot sa puso.

DARAL: Tamis ng Kabisayaan NI JHAN HYACINTH F. TAN • 11-HUMSS (A)

D

ARAL. Pamilyar ba? Hindi, ‘di ba? Siya yung binabalewala mo. Iyong dinaraanan mo lang ng tingin. Iyong huling prayoridad mo. Iyong pinagpalit mo sa mas maganda at mas masarap. Siya… si Daral ng kabisayaan. Sa limang araw kada linggong pagpunta mo sa eskwelahan, isa sa mga pala-isipan ang katanungang, “anong kakainin ko?” Totoong masuwerte tayo dahil hindi bara-bara ang itinitinda nila sa kantina. Ngunit, tumingin ka sa bandang kanan ng mga pagkain nakalatag. Makita mo iyong kulay berde? Na minsan ay puti o kaya ay lila? Iyong nakabalot sa plastik na nakarolyo? Iyon ang ‘daral.’ Sa halagang sampung piso ay makakakain ka na ng masarap. Bukod pa rito ay para ka na ring nglakbay sa Visayas. Kung hindi mo alam, ang daral ay may iba’tibang pampalasa: ube, panda, at vanilla. Ang palaman nito ay niyog na hinaluan ng pulang asukal at voila. Bibigyan kita ng isa pang dahilan para tangkilikin mo ito. Alam mo bang kapwa natin estudyante ang gumagawa rito? Siya ay si Vivian Nepomuceno na nasa ika-siyam na baitang. Ayon sa kaniya, gusto ng ate niyang matuto siyang kumita ng pera. At ang pagpapakilala sa produktong Bisaya sa paaralan ang kanyang ginawang paraan upang mai-

M

GA KABABAIHANG unti-unting lumolobo ang tiyan.

Hindi maikakailang marami na tayong nababalitaan tungkol sa mga kabataang maagang tumitibok ang pusok. Lalo na sa mga kababaihang maagang nagkakaroon ng kasintahan. Kaya naman karamihan sa kanila ang nadidisgrasya, marahil ay kulang sa gabay at kaalaman

tungkol sa maagang pagbubuntis o ang ‘teenage pregnancy’. Isa sa bawat sampung babae na

B

ASURA. LUMANG MATERYALES. KAALAMAN. DISKARTE – kapag pinagsama-sama, makabubuo ng isang payong na hindi lang panangga sa ulan o araw, kundi simbolo rin ng kaalaman, lalo na sa larangan ng Matematika. Ito ang ipinakita, ipinatunayan at in-apply ng mga mag-aaral ng Science and Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand ng La Verdad Christian School (LVCS) sa kanilang proyektong “Project RARE” bilang aplikasyon sa kanilang mga natutunan sa asignaturang Pre-Calculus at bilang pagtugon na rin sa lumalalang problema sa kalikasan. Sa pangunguna ng Pre-Calculus teacher ng paaralan na si G. Rene Vee Sahagun, naipalabas at naipakita ang pagkamalikhain ng mga La Verdarians nang hindi lang makagawa ng mga simpleng payong mula sa mga lumang kagamitan, kundi makalikha ng mga kakaibang payong na mayroong iba’tibang gamit, nakabatay sa mga kalkulasyon at pigura na matutunan mula sa mapanghamong asignaturang Pre-Calculus, at syempre, eco-friendly. Pagkatapos ng dalawang linggong paghahanda at paggawa

ng mga estudyante ng mga kakaibang payong, namukod-tangi ang ‘Ombros’ na likha ng STEM-A at ‘Ecolla’ ng STEM-B sa lahat ng mga payong na iprinisinta noong Oktubre 18. Bukod sa panangga ito laban sa init at ulan, ilan sa mga gamit pa ng nasabing mga payong ay ang sumusunod: • Lalagyan ng mga dinadalang bagay upang hindi na mangawit; • Ilaw tuwing madilim; • Ipunan ng tubig ulan na maaaring

Drinking Fountain:

DARAL sakatuparan ang gusto ng ate niya. Isa pa, ito rin ay naangkop, dahil aniya ay gusto niyang maging isang business woman sa hinaharap. Maaring ngayon ay namumuo na ang kuryosidad sa iyong isipan. Gusto mong matikman? Sige lang. Hindi mo pagsisisihan. Lalo na at hindi lang lasa ang iyong makukuhang pakinabang, kung hindi pati ang aral na hindi mo dapat husgahan ang isang bagay ayon sa kaniyang itsura.

POPED: PANANGGA SA TEENAGE PREGNANCY NI ANGELO G. AUSTRIA • 11-ABM (A)

NI RANDEL LUIS I. PANGAN • 11-STEM (A)

may edad 15 hanngang 17 ay ina na. Pumapatak na sa walong porsiyento rito ay matagal nang naging ina. Dalawang porsyento naman ay dinadala pa lamang ang kauna-unahang anak. Kaya naman patuloy na lumolobo ang bilang ng mga tao. Ngunit, paano nga ba ito mapipigilan? Sa tulong ng ‘Population Education’ – programa ng “Population Connection” ng kurikulum ng K-12 na naglalayong magbigay kaalaman tungkol sa populasyon ng mga tao at ang epekto nito sa mundo. Nagsisilbing tulay ito upang maikalat sa mundo ang tungkol sa teenage pregnancy. Nabibigyang linaw ang mga kadalagahan na kung makikisabay sila sa pagkakaroon ng mga anak, puputoko ang bilang ng tao sa buong mundo. Marahil hindi mapigilan ang tukso, ang pagnanasang maranasan ito. Kaya naman napapaaga ang kanilang pagdadalang tao. Napapa-aga ang pagharap nila sa buhay ng pagiging ina. Kahit wala pa sa wastong gulang ay napapasabak na sa mga responsibilidad bilang magulang. Kaya naman isunusulong ang pagtuturo tungkol sa pagdami ng mga tao upang maagapan ang palaki nang palaking populasyon. Sa patuloy na pagbibigay-kaalaman tungkol dito, sana ay lumiit na at hindi na lumaki pa ang bilang ng mga kababaihang maagang nagkakaroon ng… Bola sa tiyan.

Sibol na pamatid uhaw NI JERYCO R. QUIMNO • 10-PAUL

M

ALA-EL NINO na ang labi mo! Tubig lang ang katapat niyan. Diligan nang diligan para mapawi ang uhaw na nararamdaman. Kanya-kanyang paraan

lang yan. Maghanap ng gripo. Buksan ito at solb na ang problema mo. O kaya, punta ka sa tindahan at bumili ng mismong ‘ice water.’ Ganito ang trip ng marami. Basta mababasa lang ang bunganga, okay na. Kaso… Malinis ba ang iniinom mo? Sigurado ka bang ligtas na tunggain ang tubig na galing kung saan? Patay kang bata ka! Diarrhea ang iyong aabutin kung hindi ‘purified’ ang ‘drinking water’ mo. Subukan mo ang bagong imbensyon. Makinaryang naglalabas ng malinis na tubig. ‘Safe’ itong inumin. At syempre, malamig pa.Dahil sa Drinking Fountain, magagawa nitong linisin at alisin ang dumi sa iniinom mo. Tapakan ang bakal, at ayan na! Ready to drink na ang lumalabas na tubig sa nakabaluktot na gripo sa makina. Walang ng reklamo pa sa tubig na iinumin. Basta’t siguraduhing malinis ito, hindi ka na magkakaroon ng problema pa sa iyong tiyan. Wala ng pabalik-balik pa sa banyo. Hindi ka na sisiimangot pa. Maski sa paaralan, gamit na gamit gayon ang Drinking Fountain. Nakagiginhawa sa pakiramdam ng mga mag-aaral kapag nakakainom sila ng tubig mula rito. Ang init ngayon! Walang problema. Madidiligan ang mala-El Nino mong labi. Malinis. Malamig. At ligtas na inumin ang tubig sa ‘machine’. At siguradong kapag natikman mo ang ‘water’ dito, mapapasabi ka na lang ng… Hay!

magamit kapag naglilinis; at iba pa. Mula sa mga basura na nakikita nating pakalat-kalat lamang sa paligid, at mga lumang materyales na halos wala nang silbi para sa atin, posible pa lang makalikha ng mga kakaibang payong basta’t may diskarte at sapat kang kaalaman – payong na hindi lamang panangga sa ulan o araw, kundi simbolo rin ng kaalaman na ang Matematika ay tunay ngang nagagamit sa tunay na buhay.

Siyensiya sa Likod ng Bawat Hakbang... ... nang walang sapin sa paa at ang mabuting epekto nito NI RANDEL LUIS I. PANGAN • 11-STEM (A)

KUHA NI ARNEL A. TUMBALI

M

AGLAKAD SA daan ng walang sapin sa paa. Kilometrong lakad. Sa pag-uwi’y itim ang kulay ng talampakan. Napakarumi. – Mga sitwasyong karamihan sa atin ay naranasan noon na siya namang iniiwasan ngayon dulot na rin ng modernisasyon. Lingid sa karamihan ng lahat, hindi ito basta lakad na walang kahit anong proteksiyon sa paa ngunit isang gawaing tinatawag na ‘earthing’. Ang earthing ay ang paglaya mula sa labis na pagdepende sa anumang uri ng sapin sa paa gaya ng sapatos at tsinelas. Kasama rito ang paglalakad na tanging talampakan lamang ang dumarampi sa sahig, marumi man o malinis. Ayon sa isang rebyu ng Journal of Environment and Public Health, ang earthing ay mainam na solusy-

“Ayos lang na marumihan ang paa basta, walang iniinda, at kung tiyak naman itong magdudulot ng maganda.” on upang maiwasan ang pagkapasma na isang sakit na nakukuha dahil sa labis na pagsusuot ng sapatos at ibang sapin sa paa na hindi napapasukan ng hangin. Ayon pa sa rebyu, ang paglalakad ng nakatapak ay nakatutulong sa ating kalusugan dahil nagiging daan ito upang makakuha ng electrons na kapag nakargahan sa ating katawan ay nagdudulot ng pagtaas ng bilang ng mga anti-oxidants o mga elementong tumutulong upang maging mahimbing ang tulog at matanggal ang pamamaga ng mga sugat. Isa pang magandang naidudulot nito ay ang pagpapababa ng blood pressure at cortisol na responsable sa nararanasang pagkabagabag o ‘stress’. Nirerekomenda ring gawin ito ng mga taong labis na namomroblema at nalulungkot dahil may

epekto ito sa sikolohikal na aspeto ng isang tao dahil sa mga biswal na nakikita ng mata sa paligid. Sa karagdagan, ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ng The Journal of Alternative and Complementary Medicine, nagreresulta rin ito ng pag-aayos ng tibok ng puso, pagpapataas ng ‘surface charge’ ng red blood cells na nakababawas sa posibilidad na pagbabara ng mga ugat sa puso at sa regularidad ng glucose o ang asukal sa dugo sa katawan ng isang tao na nagpapatunay na alaking tulong nga ang Earthing sa pag-iwas sa mga sakit. Tunay ngang marami ang benepisyo ng earthing sa kalusugan ng isang tao ngunit sa kabila nito, upang tuluyan itong makatulong, kailangang suportahan ito ng tamang pagkain at ehersisyo.


12 agham at teknolohiya

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

MANALANGIN NANG WALANG PATID Ang Magandang Epekto ng Panalangin sa Pisikal na Pangangatawan NI RANDEL LUIS I. PANGAN • 11-STEM (A)

S

A PAHAYAG ni Pablo sa 1 Tesalonica 5:17, nakasaad na: “Magsipanalangin kayo ng walang patid.” Ito ay paalala niya sa mga nananampalataya kay Kristo noong panahong nagsisimula palang ang Kristiyanismo. Ito ay upang ingatan sila ng Dios. Ang paalalang ito ay para sa lahat, higit na sa ating mga estudyante ngayon upang mas lumalim pa ang ating pananampalataya. Pero alam mo ba na sa bawat panalanging sinasambit mo ay may magandang epekto ito hindi lang sa iyong espiritu kung hindi pati na rin sa iyong pisikal na pangangatawan? Alam nating ang pagdadasal ay may himalang hatid sa atin dahil ito ay nasusulat sa bibliya. At kung pagbabasehan din ang siyensya ay masasabi mong ganap na ang mga himalang ito. Ayon sa pag-aaral, ang madalas na pagdarasal ay nakababawas ng matinding stress pati rin ng depresyon at pagkabalisang nararanasan. Dahil ayon sa pag-aaral ng British Journal of Health in Psychology, ang pagdarasal ay may

malaking posibilidad na maging positibo at mapaliit ang porsyento ng nararamdaman mong stress. Hindi lamang ang espiritu kundi pati ang estado ng iyong pag-iisip ay naapektuhan ng iyong pananalangin dahil matutulungan ka nitong mag-relax at maiwasan ang stress sa iyong katawan. Sa isang pag-aaral na ginawa ni Lisa Miller, isang clinical psychologist, ay napapakapal ng pagdarasal ang cortex ng ating utak na makakatulong sa atin na labanan ang depresyon. Karagdagan din, may malaking ambag din sa pagkontrol sa ating emosyon ang pagdarasal. Ayon nga sa agham, ang emosyon ay hindi permanente at madalas itong nagbabago depende sa sitwasyon na iyong nararanasan at madalas ay hindi natin makontrol ang bugso ng ating damdamin kaya ay nakakapanakit tayo o tayo ang nasasaktan. Ngunit ang bunga ng pananalangin ay hindi lang magandang damdamin kundi mas pinapataas din nito ang pagpipigil sa sarili. Dahil ang sandaling

oras ng katahimikan para manalangin ay nakakatulong upang makapag-focus tayo sa ating sarili at makontrol ang ating emosyon. Bukod sa pagkabawas ng ating stress ay makakaligtas din tayo sa masamang epekto nito sa ating kalusugan gaya ng diabetes, ulcer, hypertension at pananakit ng ulo dahil sa lang sa pananalangin. Napatunayan na marami rin itong benepisyo sa ating puso at isa na riyan ang pagpapabilis ng recovery ng puso mula sa atake at operasyon. At ang malalalim na sugat na dulot ng mga operasyon na hindi agad gumagaling, gaya ng pangako ng Dios, sa pamamagitan ng taos pusong dasal ay maghihilom ang mga ito. Stress, depresyon, sakit sa puso, sugat at maging problema sa buhay ay mapapagtagumpayan ng dahil sa pananalangin at napatunayan na ito ng siyensya. Gaya ng binanggit ni Pablo, magsipanalanging walang patid at ikaw na mismo ang makakapagpatunay sa himalang hatid nito.

Anino ng Kopiko 78 C o

NI PAULA CHRISTINE S. OROT • 11-STEM (A)

L

AHAT NG sobra may kaakibat na pagkukulang sa benepisyo. Masarap ang bawal kung nais mong mapaikli ang iyong buhay. Hindi lahat ng masarap sa panlasa, maganda ang hatid sa katawan. ‘Kaybango ng hatid nitong aroma, tamang pait sa sangkap na akmang pampagising, masarap ang lasa nito sa bawat dampi sa dila -- iilan lamang sa naidudulot ng isang uri ng kape na patok ngayon sa lahat, ang Kopiko 78 Degrees. Ngunit taliwas sa kaalaman nila, may bumabalot ditong masamang epekto sa katawan. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na patok ito sa lahat lalo na sa kabataan dulot ng sinasabi nilang tamang timpla ng tamis at tapang. Ang produktong ito ay nagmula sa PT. Mayora Indah Tbk ng Indonesia. Tulad din ng ibang produktong may kaugnayan sa kape, ang pangunahing sangkap nito ay mga butil ng kape, tsokolate, krema, asukal, at mga sikretong sangkap. Napag-alaman din ng Food and Drugs Administration (FDA) na nagtataglay ito ng mataas na lebel ng Caffeine na isang kemikal na nakaaapekto sa paggana ng ating utak, kondisyon at kamalayan na kung masobrahan ay maaaring

magdulot ng pagtigil ng normal na daloy ng sistema ng buong katawan kaya’t ang labis na pag-inom ng produktong ito ay nakasasama dahil mayroon itong Caffeine na sobra sa limitasyon ng katawan. Sa karagdagan, may iba’t ibang dahilan ang pagkahilig sa pag-inom ng kape tulad ng: Tambak na gawaing pampaaralan o pangkabuhayan kaya’y kailangan itong panlaban sa antok; base sa pangangailangan tulad ng trabaho ng mga call center, nars, at ibang panggabing hanapbuhay; dahil sa kyuryosidad na maaaring bunga ng pagkakita nito sa merkado; at maaari ring dahil sa labis na pagdepende sa kape kaya’t hinahanap ng sistema ng katawan ang pag-inom nito. Kaugnay nito, sa kabila ng sarap na naidudulot nito, may mga nabiktima na rin ang produktong ito dahil ayon sa nakatala sa isang pahayagan sa Inquirer, higit sa 29 estudyante ng Concord Technical Institute sa Cebu City ang isinugod sa ospital dahil sa pag-inom ng Kopiko 78 Degrees noong ika-28 ng Setyembre. Nakaramdam ang mga estudyante ng pag-

sakit ng sikmura, pagkahilo, pagbilis ng tibok ng puso at pagsusuka pagkatapos inumin ang libreng tikim o halimbawa ng inuming ito. Isa pang insidente ay ang nangyari kay Dannica Joyse Alcazara pagkatapos uminom ng dalawang bote ng inuming ito upang manatiling gising at aktibo dahil sa gagawing proyekto ngunit makalipas lamang ang ilang minuto, ang sigla ng kanyang katawan ay napawi ng abnormal na tibok ng kanyang puso na nagbunga ng pagsikip ng dibdib. Ayon sa kaniyang salaysay, sinabi ng doktor na kung hindi siya agad naidala sa ospital ay maaaring tumigil ang pagtibok ng kaniyang puso dahil sa epekto ng labis na Caffeine na nakuha niya sa produktong kanyang ininom. Ayon pa sa mga pag-aaral, ang pagbigay ng sistema na maaaring makuha sa labis na pag-inom ng mga produktong kape tulad ng Kopiko 78 Degrees ay nagdudulot din ng hindi pagkakatulog, sobrang pangnenerbiyos at pagkabalisa, pagsakit ng tiyan, pagduduwal at pagsusuka, mabilis na pagtibok ng puso at paghinga, pagsakit ng ulo, at pagpantig ng mga tenga. Gayunpaman, sa tulong ng pagkontrol sa sarili at sa paglalagay ng iyong sariling limitasyon, maiiwasan ang labis na pagkukulang sa pagbalanse ng kalusugan, matatanggihan ang bawal dahil walang sarap na maidudulot ito sa iyong nutrisyon, at mapipili na ng mga pagkaing ipapasok sa bibig dahil maliliwanagan ka na hindi lahat ng masarap ay maganda ang hatid sa katawan. Kaya’t laging isali ang kontrol at limitasyon sa bokabularyo ng iyong isipan sa araw-araw na pamumuhay dahil ito ang magliligtas sa iyo.

Applications para sa mga estudyante:

NAGPAPAGAAN SA BUHAY NI JERYCO R. QUIMNO • 10-PAUL

S

ADYANG MAHIRAP ang buhay-estudyante. Papasok nang maaga. Mag-aaral maghapon. Tapos, matatambakan pa ng sandamakmak na proyekto at mga takdang-aralin. Minsan, gusto ng sumuko ng katawan mo pero sabi ng utak mo, hindi pa pwede kasi kailangan mo pang makatapos. Ganyan ang buhay. Kailangang magsumikap para maabot ang pinapangarap. May mga ilang paraan para mabawasan naman ang hirap na iyong nararanasan. Kung may mobile device kang hawak, itigil mo muna ang paglalaro at matutulungan ka nito na mapagaan ang iyong trabaho. Kinakailangan mong i-download ang mga ‘educational apps’ na tutulong sa iyong pag-aaral. Narito ang ilan: • PHOTOMATH Isa ka rin ba sa mga nahihirapang hanapin si X? Huwag ka ng mag-alala dahil matutulungan ka ng app na ito para masagutan mo nang tama ang mga ‘math problems’ at tuturuan ka rin nito kung paano makukuha ang sagot pati na ang solusyon. Kuhanan mo lang ng litrato ang mga tanong at sa ilang segundo, solve na ang problema mo. At kung may problema ka naman sa pagsulat at gusto mong maitama ang iyong grammar, gamitin ang... • GRADEPROOF Ito ang app na kayang mahasa ang kakayahan mo sa pagsusulat. Para siyang personal editor na kayang matukoy ang mga maling grammar. Panahon na para maitama ang pagkakamali sa tulong nito kaya ano pang hinihintay mo, i-download mo na! • MY STUDY LIFE Kung mahilig ka namang gumawa ng schedule para sa buong araw, ang app na ‘to ang babagay sa ‘yo. Hindi lamang ito simpleng planner at kalendaryo, nagbibigay rin ito ng reminders sa iyong mobile device na dapat mong gawin ang naka-schedule sa bawat araw. Hindi mo na makakaligtaan ang mga takdang-aralin at maipapasa mo na rin ang iyong proyekto sa itinakdang oras. Sadya talagang mahirap ang buhay-estudyante. Ngunit sa mga simpleng mga applications na ito, malaki ang maitutulong nito para sa iyong pag-aaral. Napakakomplikado man ang ating buhay pang-eskwela, kung alam mong may katulong ka at marunong kang dumiskarte kung paano mapapaluwag ang isang bagay, masasabi mong okay ka lang sa kung anong meron ka sa ‘yong buhay.

agham at teknolohiya 13

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

Sa Tamang Paraan TULUYAN NA nga tayong dinala ng social media sa makabagong mundo. Ngunit tandaan, may mga tungkulin tayo na dapat gampanann bilang mga gumagamit nito. Usong-uso ngayon ang paggamit ng Facebook, Twitter at Instagram na kinahuhumalingan ng marami; ito kasi ang nagsisilbing daan para makapaglibang at makahanap ng makakausap. Minsan ito pa ang ginagawang kasangkapan para maipalaganap ang kapayapaan at pagmamahalan. Nalalaman din natin sa mga social media sites ang mga isyung pinag-uusapan kaya naman, nailalabas natin ang mga saloobin patungkol dito. Ito rin ay lugar para matagpuan ang mga ‘trending’ ngayon at hindi natin aakalain na magagamit na rin ito sa pagnenegosyo. Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan na may mga mapagsamantala na gagawin ang lahat para makapanakit at makapanlamang sa kapwa. At ang social media ang ginagamit nang maisagawa ang maitim na balak. Ginawa ito para sa mabuting pamamaraan, hindi para makasira ng sinoman.

“Nasa ating mga kamay ang desisyon kung gagamitin natin ang social media sa tama. Ngunit dapat na matutunan natin kung paano maiiwasan ang masamang gawain.” Kaya naman, bilang mga responsableng social media user, dapat na iwasan natin ang mga sumusunod: Paninira at Panloloko. Kung mayroon man tayong nakaalitan, iwasan ang pagpo-post ng mga bagay na ikasisira ng reputasyon ng isang tao. Mas magandang pag-usapan ang problema kaysa magsiraan at ipaalam pa sa marami ang nangyaring awayan. Huwag na huwag magtatangkang manloko ng kapwa. Hindi magandang biro ito lalo na kung paaasahin mo lang ang isang tao. Walang magandang kahahantungan ang isang bagay kung may masasaktan. Pagmumura. Kung isa ka sa mahilig bumisita sa mga social media sites, kinakailangan na maging maingat sa pagbibigay ng mga komento at huwag kang magsasambit ng mga salitang ikagagalit ng sinoman. “Less talk, less mistake” ika nga ng iba. Huwag ugaliin ang pagmumura at iwasan ito. Cyberbullying. Kahit hindi na pisikal na pamamaraan, maituturing na pananakit sa kapwa ang pagsasabi ng mga negatibong salysay na wala namang bahid ng katotohanan. Tandaan na isa na rin itong krimen kaya mag-ingat sa mga ipino-post. Pornography. Nakakalungkot isipin na maraming tao ang nagagawang i-upload ang mga malalaswang videos para lamang magbigay aliw sa iba. Ngunit hindi nila alam na marami na silang nasasaktan. Ang mas masaklap pa ay mga kabataan ang nasasangkot dito. Nasa ating mga kamay ang desisyon kung gagamitin natin ang social media sa tama. Ngunit dapat na matutunan natin kung paano maiiwasan ang masamang gawain. Kailangang maging responsable tayo sa bawat paggamit. Ang bawat kamalian ay may kalakip na kaparusahan. Kaya simulan mo ng baguhin ang nakaugalian at gamit ang social media… Sa tamang paraan.

Myalgia, numero unong sakit ng La Verdarians 466 kaso, naitala

NI RANDEL LUIS I. PANGAN • 11-STEM(A)

M

ULA NOONG pasukan sa buwan ng Hunyo, halos arawaraw ay may naitatalang estudyante sa klinika ng La Verdad Christian School (LVCS) na nakararanas ng pananakit ng katawan na tinatawag ding Myalgia. Karaniwang nararanasan ang Myalgia ng mga kababaihan at mga estudyanteng kasama sa isports at pisikal na aktibidades. Ayon sa datos ng klinika, ito ang may pinakamaraming naitalang kaso ng

sakit ng mga estudyante na umabot sa 466 sa mga nagdaang buwan lamang ng Agosto, Setyembre at Oktubre na kung saan, karamihan sa mga ito ay babae. “Mas maraming babae ang tinatamaan nito dahil sila ang nakakaranas ng Dysmenorrhea na isang sintomas ng Myalgia, ‘di gaya ng mga lalaki na hindi naman nakararanas nito,” paliwanag ng nars sa klinika na si G. Michael Fajardo. Inilahad din niya na walang kinalaman ang panahon sa pagtaas ng kaso nito. Ito ay sanhi pa rin ng mga natural na karamdaman ng katawan . Ayon din kay Fajardo, ang lunas at gamot sa ganitong uri ng sakit ay ‘cold’

at ‘hot compress’ na sasabayan ng pahinga at masahe upang bumalik ang normal na pagdaloy ng dugo sa katawan. Sa kabilang banda, may mga gamot ding maaaring inumin sa tuwing mararanasan ito tulad ng Ibuprofen. Samantala, bukod sa Myalgia, mayroon pang ibang sakit na naitala sa klinika sa loob ng tatlong buwan, tulad ng sakit sa ulo na mayroong 245 na kaso, lagnat na umabot din sa 199, at mga sugat na may 133 na kaso. Sa kabuuan, mayroong naitalang 1043 na kaso ng iba’t ibang sakit sa klinika ng LVCS sa loob lamang ng tatlong buwan.

Agrikultura sa Apalit, patuloy na binubuhay NI CATHERINE NICOLE A. MANDAP • 9-STEPHEN

M

ULA PA noong 1992, ipinapatupad na ng Local Government Unit (LGU) ng bayan ng Apalit ang irigasyon o ang pagpapatubig sa mga bukirin ng mga barangay na sakop nito upang suportahan ang kalagayan ng agrikultura ng buong bayan. Ang irigasyon ay isang paraan ng pagbibigay buhay sa mga tanim sa bukirin dahil ito ang sumusuporta sa katabaan ng lupang tinatamnan. Kung minsan, hinahaluan ng mga kemikal na tinatawag na “fertilizer” ang tubig na pinapadaloy upang magsilbing pampataba na tumutulong sa pagpapalago ng mga tanim. Ayon kay G. Atoy Castro, isang konsehal sa bayang ito, ipinatupad ang irigasyon upang makatulong sa mga

magsasaka at upang mapanatili ang kaayusan at pagkasagana ng kanilang agrikultura partikular sa mga barangay ng Cansinala, Tabuyuc, Balucuc, Capalangan, at Sulipan na kilala sa pagkakaroon ng malawak na bukirin at taniman.

Sa kabilang dako, upang masustentuhan ang patubig ay nagbibigay ang munisipyo ng Php 300,000 kada taon bilang badyet para maipagpatuloy ang proyekto at makamit ang inaasahang paglago ng lokal na ekonomiya dahil ito ang pangunahing produktong pinagkakakitaan ng buong bayan. “Isa ang pagsasaka sa mga pangunahing hanapbuhay rito sa Apalit kaya upang makatulong sa mga kapwa natin Apaliteños, dapat ibigay natin ang para sa kanila,” pahayag ni Castro, na sinabing nagsimula rin siya sa kaparehong gawain sa Barangay Balucuc. “Matagal na naming hanapbuhay ang pagsasaka mula pa pagkabata. Dito namin nakukuha ang arawaraw na pangkain at mga kailangan lalo na sa pinansyal na aspeto,” sabi naman ni G. Andres Cortez na isang batikang magsasaka sa Cansinala.

ZIKA VIRUS: Krisis sa sangkatauhan NI PAULA CHRISTINE S. OROT • 11-STEM (A)

K

ASABAY NG paglitaw ng iba’t ibang imbensiyon ay ang paglitaw din ng iba’t ibang sakit na nagiging balakid sa ating kaligtasan. Kaligtasan sa sakit na hinahangad nang karamihan sa sangkatauhan. Ngunit hindi maisakatuparan ang kahilingan ng karamihan sapagkat walang pinipili ang sakit ng pagdadapuan, mapa-tao o hayop man. Nakikibaka ang buong mundo sa isang sakit na wala pang lunas. Ito ay ang Zika Virus na kasalukuyang kumakalat sa iba’t-ibang parte ng mundo tulad ng Mexico, Brazil, Indonesia, Pilipinas at iba pa. Karaniwan, sa mga tropikal na bansa ito matatagpuan na mayroong mataas na populasyon ng mga lamok. Ang Zika Virus ay maaaring mapasa sa mga tao sa pamamagitan ng pagkagat

sa kanila ng mga lamok na infected tulad ng Aedes aegypti. Ang Aedes aegypti ay ang mga lamok na nagdadala rin ng sakit na dengue at chikungunya sa atin kaya ang mga sintomas na ipinapakita ng Zika Virus ay halos katulad din ng sa dalawang nasabing sakit tulad ng lagnat, skin rashes, pagsakit ng kasukasuan at pamumula ng mata. Ayon sa US Center fo Disease Control and Prevention (CDC), maaaring walang ipakitang sintomas o ‘di gaanong malala ang mga sintomas na ipapakita nito na maaaring magtagal ng ilang araw o lingo. Inaanyayahan din ang mga byahero mula sa ibang bansa lalo na sa mga bansang laganap ang Zika Virus na magpakonsulta sa mga doctor upang makaiwas sa paglaganap ng sakit. Ang Zika Virus ay lubhang makakaapekto sa mga nagdadalang tao batay sa sistematikong pagsusuri ng World Health Organization (WHO) noong ika-30 ng Mayo sa kasalukuyang taon.

Maaari maapektuhan ang bata sa sinapupunan ng ina dahiil sa pagkakaroon nito. Ang microcephaly o pagliit ng ulo ng bata at pagkakaroon ng sakit sa utak ang mga sakit na maaaring mapunta sa bata. May malaking epekto rin ang sakit sa mga nakatatanda. Ang Guillain-Barre Syndrome o ang bihirang kondisyon kung saan ang immune system ay inaatake ang mga ugat, na humahantong sa paghina ng kalamnan at paralisis. Ika nga ni Desiderius Erasmus “prevention is better than cure.” Walang makapagsasabi kung kailan tayo dadapuan ng sakit. Ngunit habang may pagkakatao n, ibigay natin ang ating makakaya upang makaiwas lalo na kung ito ay wala pang lunas.

DEBUHO NI ABDIL-ILAH OMARSAM ALMIR B. BATAC • 7-MATTHEW


14 isports

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

• ISPORTSLATHALAIN

• ISPORTSKOLUM

PAMILYANG KAMPEON:

ANG LEGASIYA NG MAGKAKADUGO WALA NG KANGKUNGAN. Nalusutan ng lay up ni 5-foot-9 guard LA Tenorio (may hawak ng bola) ng Barangay Ginebra ang magandang depensa ng import ng Meralco Bolts na si Allen Durham sa isang laro sa kanilang Best-of-Seven PBA Governors’ Cup Finals. Wagi ang Ginebra 91-88 sa Game 6 upang kunin ang kanilang unang titulo sa walong taon. Larawan mula kay Joey Mendoza Jr. (Philippine Star)

• 2016 PBA GOV’S CUP

COINCIDENCE?

Ginebra tinapos ang 8-taong pagka-uhaw sa pagsalanta ni ‘Karen’ NI JULIAN RIKKI C. REYES • 11-STEM (A) HULING NAG-KAMPEON ang Barangay Ginebra Kings taong 2008 – nang sumalanta sa bansa ang bagyong tinawag na ‘Karen’. Mula noon, hindi na muling nanalo pa ng titulo ang Ginebra. Walong taon pagkatapos, isang bagyo na muling tinawag na ‘Karen’ ang dumating sa bansa – at marahil, ito ay senyales sa isang matamis na pagtatapos para sa kampo ng Ginebra... Pagtatapos ng isang ‘title drought’. Pagtatapos ng walong taong pagka-uhaw mula sa isang PBA title. Ilang gabi pagka-alis ng Bagyong ‘Karen’ sa bansa, nabura rin sa wakas ang sumpa sa Barangay Ginebra nang sandalan ang isang buzzer-beater trey ni import Justine Brownlee upang sikwatin ang 2016 PBA Governors’ Cup title mula sa Meralco Bolts 91-88 sa Game 6 ng kanilang Best-of-Seven Final series. Sa harap nang nagbubunying 22,528 crowd na karamihan ay pawang Ginebra fans, isinalpak ni Brownlee ang isang tres mula sa isang timeout kontra sa depensa ni Allen Durham upang igiya ang Kings tungo sa kanilang ika-siyam na franchise title at una sa ilalim ni coach Tim Cone. “Wow! What an ending! Sometimes players overcame bad coaching,” giit ni Cone matapos ang tira ni Brownlee. “It’s been really a tough road for us to get here, but the team really wanted this championship so badly. We wanted to win it for Mark (Caguioa) and Jayjay (Helterbrand). What an ending. It was pretty much a storybook series,” dagdag pa ni Cone, na nakamit ang kanyang ika-19 PBA bilang coach. Katulad nang nakagawian, humarap muna sa isang maagang pagkakalugmok ang ‘never-say-die’ Ginebra bago isagawa ang huling comeback sa ika-41 season ng PBA. Mula sa 32-45 na pagkakadapa, nakabangon at nakadikit sa 62-64 ang Ginebra sa ikatlong kanto sa pangunguna ni LA Tenorio at Brownlee, na kumamada ng tig-14 at 10 sa kwarter na iyon, ayon sa pagkakasunod. Isang three-point play galing kay rookie Scottie Thompson ang nagbigay ng unang kalamangan para sa Ginebra, 65-64, bago sagutin ang lahat ng tawag ng Bolts upang masungkit ang panalo. Hinirang na Finals MVP ang 5-foot9 na si Tenorio matapos magtala ng 17.2 points, 4.3 assists at 3.8 rebounds na averages sa anim na laro sa serye.

NI RAYMOND JOSEPH C. MANDAP • 11-STEM (B)

S

A MUNDO ng pampalakasan, iba iba ang uri ng kampeon. Ang ilan ay hinuhubog para magpunyagi habang ang iba naman ay natural nang dumadaloy sa kanilang dugo ang bansag na ito. At dito sa La Verdad, tunay ngang “it runs through veins” ang pagiging kampeon. Tangan ang limampu’t apat na medalya, nakabuo ng napakagandang reputasyon sa larangan ng Taekwondo ang pamilya Lescano. Ambag ang dalawampung medalya na kanilang nahakot sa nakaraang pitong taon sa kanilang koleksyon na magkakakapatid, impresibo ang itinatakbo ng karera ng panganay na si Gabriel Lescano. Anim na beses na niyang tinungtong ang entablado ng Pampanga Schools Division Athletic Meet (PaSDAM) ngunit siya ay kinapos. Pero patuloy pa rin ang pagsisikap ng batang atleta na marating ang tugatog at makapaglaro sa pambansang lebel. Hindi naman nagpapahuli ang gitnang anak na si Grace Nadine Lescano. Nakahakot na siya ng may kabuuang dalawampung medalya sa kaniyang batang karera at inaasahang magpapatuloy ang panghahakot ng medalya ng batang ito. At bilang bunso, kamangha-mangha na natatanging si Graze Noreen Lescano pa lamang ang nakakatungtong sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) sa mga magkakapatid. Sa edad na 13, 14 na medalya na ang nakarehistro sa kaniyang pangalan. Patunay na maliwanag ang kaniyang kinabukasan. At kasing lakas ng pamilya Lescano, nandiyan din ang pamilya Bulanadi na may legasiya na sa larangan ng Table Tennis at chess. Ang panganay na si Abiel Bulanadi ay kinikilala ngayon bilang isa sa mga pinakamalakas na pambato ng pamantasan sa Table Tennis. Dalawang beses ng tinungtong ni Abiel ang CLRAA ngunit naging mailap

ang tagumpay para sa kaniya. Pero hindi pa roon nagtatapos ang iginuguhit na karera ni Abiel dahil muli siyang makikipagtagisan sa paparating na PaSDAM at sinusubukang makalusot sa CLRAA at ng Palaro bilang pinakahuling misyon. Sa maagang edad naman narating ni Nammia Bulanadi ang Palarong Pambansa. Ngayong nasa sekondarya na si Nammia, hindi pa nasusundan ang nagawa niya noong elementarya. Marapat na maghintay, muling uusbong ang batang Bulanadi. Isa pang pares ng magkapatid na taglay ang dugong kampeon ang magkapatid na Frankel at Franiel Sorno. Ang matandang Sorno na si Frankel ay ang siyang kasangga ni Abiel at kasamang dinodomina ang Table Tennis ng Pampanga. Ang batang Sorno, sa kabilang banda, ay ang papausbong na pambato ng pamantasan. Sa unang taon ng kaniyang karera, tinungtong na niya agad ang PaSDAM. Iwinawagayway ng mga batang may dugong kampeon ang bandila ng La Verdad,hindi lamang sa dibisyon ng Pampanga kundi pati na rin sa mundo ng pampalakasan. Kaya sa inyong lahat, saludo kami.

‘Sportsfest 2016, kanselado’ - Ma’am Kesiah

NI RAYZA MARIZ M. DELA CRUZ • 8-JAMES KINUMPIRMA NI athletics head coach Bb. Kesiah Cruz na tuluyan na ngang ipagpapaliban ang Sports Festival ng La Verdad Christian School ngayong taon. Sinabi ni Cruz na napagdesisyunang ikansela ang Sportsfest dahil sa mga sunud sunod na pagsuspende ng klase dahil sa mga nagdaang bagyo. “Napakarami ng mga araw

na pinutol natin ang klase kaya kailangan maghabol tayo. Kaya hindi rin matutuloy ang Sportsfest,” pahayag ni Cruz. Gayunpaman, iniisip din nila na isabay ito sa mismong Foundation Week ng paaralan sa Pebrero sa susunod na taon. Samantala, kanselado rin ang nakatakdang Basketball at Volleyball Tournament ng mga Senior High School student dahil na rin sa pagtama ng iba’t ibang mga bagyo sa lugar.

Bukod dito, isa ring dahilan na nakikita ay ang ilang aksidenteng nangyayari sa mga mag-aaral na may kinalaman sa pisikal na mga aktibidades. Noong Oktubre, matatandaang na-dislocate ang kamay ng isang Grade 11 student habang nagsasagawa ng practicum. Natapos na ang unang dalawang laro sa Girls’ Volleyball habang nakatakda na sanang laruin ang Boys’ Basketball nang inanunsyong kanselado na ang kaganapan.

Olympiad na La Verdarian? Posible. LIBRE LANG mangarap. At hindi rin naman masama na mangarap ng mataas. Walang imposible. At para sa institusyon na nakapagtatag na ng legasiya sa South Zone Division ng Pampanga Athletic Association, hinding-hindi magiging malabo ang posibilidad na makapagpalabas ang La Verdad Christian School ng mga atletang makikipagtagisan sa pandaigdigang entablado ng pampalakasan o Olympics. Naitatag ang pamantasan noong taong 1998. Taong 2012 naman nang una nilang makamit ang overall champion title at hanggang sa taong kasalukuyan, ang institusyon pa rin ang may hawak ng titulo. Isa sa mga stand-outs ng paaralan

ay si Ina Aleli Co. Siya ay 4-time South Zone winner sa Women’s Singles Table Tennis, 4-time Pampanga Private Schools Athletic Association (PamPriSAA) champion, 3-time Pampanga Schools Division Athletic Meet (PaSDAM) champion, at 2-time Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) qualifier. Ngayon, nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo at isang atleta sa De La Salle University. Nalibot na niya ang mga bansang China, Thailand, Indonesia at Singapore dahil sa paglalaro. Tunay ngang dekalidad ang mga La Verdarian. At nitong taong kasalukuyan buwan ng Abril, dalawang La Verdarian ang bumandera sa Palarong Pambansa. Si Samuel Delos Santos na nasa ika-walong baitang noon ay tumakbo para sa ginto sa 400-meter at 4x400-meter relay. Si Mary Jane Pineda naman na nasa ika-10 baitang noon ay sumipa sa Women’s Taekwondo Light Middleweight Division. Mga bagito pa sa torneyo kaya’t nabigong makapag-uwi ng medalyaa galing sa Nasyonal. Pero hindi pa rin matatawaran ang kanilang narating. Talaga nga namang ibang klase ang mga La Verdarian. Kung tutuusin, batang-bata pa ang institusyon. Pero hindi maikakaila na ibang lebel na ang ipinakitang husay ng LVCS sa pagha-handle at pagpo-produce ng mga atleta. Sino ang makapagsasabi sa mga mangyayari sa hinaharap? Wala. Pero malay mo, may isang La Verdarian na sa Olympics na makikipagtagisan paglipas ng 10 o 20 taon. Hindi natin hawak ang hinaharap pero kaya nating iguhit ang isang napakagandang hinaharap. Nasa sipag, tiyaga, at puso. At higit sa lahat, nasa Dios.

isports 15

ANG TANGLAW

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

PERPEKTONG KARTADA!

ISPORTSEDITORYAL

La Verdad HS paddlers, 6-0 sa PamPriSAA NI JULIAN RIKKI C. REYES • 11-STEM (A)

BUO AT MATATAG pa rin ang Table Tennis High School team ng La Verdad Christian School matapos kamkamin ng walong paddlers nito ang anim na tiket para sa Pampanga Schools Division Athletic Meet. Muling ibabandera ng La Verdad ang mga pampribadong paaralan sa lahat ng events ng naturang laro sa Provincial Meet matapos umuwing walang bahid nang pagkatalo galing sa Pampanga Private Schools Inter-Zone Athletic Meet na ginanap sa Smash Power Badminton Center sa Telabastagan, San Fernando City, Oktubre 18. Pero bago muling makumpleto ito, kinailangan muna ng koponan na humugot ng isang dikit na panalo – bagay na hindi nila naranasan nang mamayagpag sa South Zone Athletic Meet noong nakaraang buwan. Mula sa 1-2 set na pagkakadapa, matagumpay na nakarekober sa ika-apat na set ang Grade 9 paddler na si Sean Daniel Briones bago tuluyang idomina ang huling set sa kaniyang gold medal game kontra kay Yish Nanquil ng Guagua National Colleges at sikwatin ang pahirapang 7-11, 11-8, 8-11, 11-9, 11-6 panalo.

ISPORTSDAGLI

Antique, host ng Palarong Pambansa 2017 Napili ang Antique bilang susunod na host ng Palarong Pambansa 2017, matapos ang Albay noong nakaraang taon. Ang Palarong Pambansa ay ang pinakamataas na kumpetisyong pampaaralan para sa mga estudyanteng-atleta.

Abante pa ng apat, 5-9, si Nanquil sa dulo ng ika-apat na set nang biglang magising ang diwa ni Briones at manumbalik ang kanyang tikas sa laro. Humataw ang left-handed na si Briones ng mga matutulis na atake bukod pa sa mga mapaglarong services at magandang depensa upang rumatsada tungo sa set-point, 10-9, matapos ang 5-0 run. Ang forehand na atake ni Briones sa huling play, na hindi naibalik ni Nanquil nang maayos, ang nagpwersa sa laban tungo sa ikalima at huling set. Lulan ng momentum, hindi na nagpabaya pa si Briones at nang magbukas ang huling set ay agad itong humugot ng 6-1 run at hindi na tumingin pabalik pa. “Kinabahan po ako kaya slow start po ako. Mayroon na akong experience pagdating sa ganoong sitwasyon kaya na-overcome ko yun. Tsaka alam ko naman na kasama ko ang Panginoon kaya lumakas

ang loob ko non,” pahayag ni Briones. Sa ibang pang mga resulta, muling niyanig ng duo nina Abiel Bulanadi at Frankel Sorno ang mesa matapos lampasuhin ang mga pambato ng Northeast Zone gamit ang kanilang mga matutulis na services at atake sa halos buong laro, at hatakin ang one-sided na 11-6, 11-4, 11-0 sa kanilang sariling gold medal game. Ito ang pangalawang beses ngayong taon na hindi pina-iskor nina Bulanadi at Sorno ang kanilang mga kalaban sa isang set matapos magawa ito noong South Zone Meet. Nakatakas naman mula sa mabagal na simula si Stephen Soliman Co sa kanyang Singles Boys Finals kontra sa isa pang manlalaro ng GNC bago dominahin ang huling set at iposte ang 11-7, 11-9, 11-6 paglampaso. Sa Girls Division, mabilis

POKUS. Buong konsentrasyon ang ipinamalas ni Stephen Soliman Co habang hinihintay na dumating ang bola sa kanyang kampo sa isa niyang laban sa 2016 South Zone Athletic Meet sa Multi-Purpose Hall ng La Verdad Christian School. Kuha ni Ivy T. Manag.

Bigo sa South Zone Athletic Meet,

La Verdad volley team, bagong pag-asa ang naaninag para sa susunod taon NI BRIX S. BERNACER • 8-JAMES

Gilas Pilipinas, bigo sa pagkuha ng Rio berth Hindi pa rin natatapos ang sumpa para sa Philippine national basketball team. Ito ay matapos yumukod ang koponan sa nakaraang 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa bansa. Unang dumapa ang Gilas kontra sa France na pinangunahan nina NBA star Tony Parker at Nicolas Batum bago tuluyang maglaho ang tsansa nang paluhurin ng New Zealand. Huling lumaban ang Pilipinas sa Olympics noong 1972.

na kinuha nina Maytrix Tinio at Jean Chloe Miclat ang unang dalawang sets ng kanilang Girls’ Doubles gold medal game kontra sa Northeast Zone at at hindi na nagpabaya pa para sa 11-3, 11-1, 11-9 na panalo. Ang dominasyon ng La Verdad ay nakumpleto nang iposte nina Pamela Soriano at Pauline Muñoz ang magkasunod pang straight sets victory sa kani-kanilang finals sa Girls’ Singles.

Isang spike ang pinakawalan ni Cyril Capili ng La Verdad Christian School Boys Volleyball team sa kanilang elimination round game sa 2016 South Zone Athletic Meet. Maganda man ang takbo ng koponan, bigo pa rin ang koponan na umusad sa semifinals ng torneyo. Kuha ni Nicole Faustino.

BAGAMAN NABIGO sa kanilang kampanya sa South Zone Athletic Meet (SZAM), nanatiling positibo pa rin ang reaksiyon ng La Verdad Volleyball team sa kanilang narating. Sa isang panayam kay Bro. Alex Talento, trainer ng koponan, kanyang sinabi na dapat pa ring magsaya ang mga manlalaro dahil ang 4th at 5th place finish ay hindi na masama. “Wala tayong dapat ikalungkot sa results. Fourth and fifth place are better kaysa sa nasa dulo tayo, sa baba ng standings,” pahayag ni Tolentino. Pinakita rin ni Talento ang pagtaas ng ranking ng paaralan pagkatapos ng torneyo. “Noong nakaraang taon,

nasa ibaba tayo ng rankings. Pero ngayon nasa 4th na tayo (Girls’ Division),” sambit ni Talento. MAGANDANG KINABUKASAN Sa halip na iyuko ang kanilang ulo, sinabi ni Talento na dapat tignan ng mga manlalaro ang pagkatalong ito bilang motibasyon para sa susunod na taon. “Lalaban tayo. Hindi rito natatapos ang kumpetisyon,” tugon ni Talento. “Magkakaroon tayo ng continuous training this October siguro. Magkakaroon rin sila ng volleyball league ngayong January,” dagdag niya. Naka-akyat sa semifinal round ang Girls’ team ng paaralan habang nalaglag naman ang Boys’ team dahil sa straight sets na pagkadapa sa St. Vincent’s Academy.

ISPORTStastik

M

ARAMI ANG NANINIWALA na ang larangan ng pampalakasan ay hadlang lamang sa pag-aaral ng mga kabataan. Ngunit, para sa mga sports scholars ng La Verdad Christian School, mali ang ideyang ito dahil ang isports ay hindi lamang nagbibigay ng magandang pangangatawan, bagkus ay pinapaunlad din nito ang mental at sosyal na abilidad ng isang atleta. Sa institusyon ng La Verdad, isa sa mga scholarship na ginagarantiya ay ang sports scholarship – na maaaring makuha ng isang estudyanteng-atleta kung sakaling makarating siya sa Provincial Meet. Dito, sinasanay ang mga mag-aaral na patuloy na sumasali sa mga kaganapang may kaugnayan sa isports habang mine-maintain ang kanilang mga grado. Kaya, hindi nangangahulugang ang isang estudyante na kabilang sa isports ay puro paglalaro lamang ang inaatupag, tinuturuan din sila kung paano babalansehin ang kanilang estadong pang-akademiko at pang-atleta. Bukod dito, nakakatulong din ang pagsali sa mga aktibidades na may kaugnayan sa isports sa pagpapa-unlad ng kaalaman. Sa katunayan, ang paglalaro ng mga board games, halimbawa ang chess, ay tinutulungang hasain ang ating pag-iisip. Nililinang nito ang ating kritikal at lohikal na kakayahan. Ayon sa Webster Comprehensive Dictionary, ang chess ay isang laro sa pagitan ng dalawang katao sa isang chess board na nahahati sa 64 parisukat, na may 16 pirasong piyesa sa dalawang gilid. Dahil dito, nagiging maalam tayo sa iba’t-ibang estratehiya at teknik na ating nagagamit sa pag-aaral. Resulta nito, mas napapadali para sa isang manlalaro ng chess na magsagot ng mga tanong na nangangailangan ng matinding pag-aanalisa, katulad ng asignaturang Matematika. Gayundin, natutulungan ng mga team sports tulad ng basketball, volleyball, at iba pa ang mga mag-aaral sa pakikipagtulungan o pakikipagkapwa. Dahil sa mga larong ito, nakakalikha ang mga manlalaro ng team work at chemistry sa ibang tao na malamang ay magagamit sa mga pangkatang gawain sa loob ng klase. Sa larangan ding ito, ang ating lakas ng loob at tiwala sa sarili ay nahuhubog, na lubhang magagamit sa pag-aaral. Bagaman marami ang mga positibong maiaambag ng pagsali sa isports sa buhay ng mga mag-aaral, hindi naman maiiwasan na may mga pagkakataong ang bata ay nakakalimot sa kanyang mga responsibilidad sa loob ng klase, na marahil ay dahil na rin sa puspusang ensayong kanyang ginagawa lalo na sa mga panahong malapit na ang mga Athletic Meet. Gayon pa man, ang pagkukulang na ito ay parte na ng buhay ng isang mag-aaral dahil halos lahat naman ay naranasan na ito, marahil. Kung sa ngayon ay bigo mong magawa ang iyong takdang-gawain, sa susunod ay siguraduhing magagawa ito. Disiplina lang – dahil ang lahat ng ito ay magbubunga ng mga hindi matatawarang kaalaman na hindi makukuha sa libro. Sa huli, ang pagiging atleta ay hindi lamang susi sa mas balanseng pangagatawan, kung hindi pati na sa mas makabuluhang mental at sosyal na aspeto ng tao. Ang isports ay isang sagot tungo sa malakas na pangagatawan at matalas na kaisipan.


• Pahina 14

isports

HATAW SI TAM! Palarong Pambansa qualifier ng La Verdad sa athletics, nagpasiklab sa PamPriSAA NI JULIAN RIKKI C. REYES • 11-STEM (A)

La Verdad Taekwondo player, hindi na maglalaro dahil sa ACL injury

HINDI OPSYON ang pagsuko nang dahil sa ‘upset stomach’ para kay Samuel “Tam-tam” Delos Santos. Pabalbal man sa pandinig, pero ang paglaban sa pananakit ng tiyan ang ginawa ng 2016 Palarong Pambansa qualifier ng La Verdad Christian School sa athletics upang mapanatili ang kanyang korona sa tatlong laro sa Pampanga Private Schools Athletic Association (PamPriSAA) Meet. Bagama’t wala sa pinakaporma sa finals ng kanyang mga laban, naging sapat pa rin ang bilis na inilabas ni Delos Santos upang mapanalunan ang 400-meter, 800-meter at 4x400-meter relay gold medals sa Inter-Zone Meet. “Napasobra ako ng kinain bago sumabak sa laro. Mainit kase kaya lalong sumakit ang tiyan ko,” sabi ni Delos Santos. 1-2 finish ang La Verdad sa 400-meter event kung saan iniwanan ni Delos Santos ang kasanggang si Daryll John Beltran – na pinilit tumakbo kahit pa may iniindang right sprain ankle – upang makuha ang unang pwesto.

Runaway finish naman ang ginawa ni Delos Santos sa 800-meter event kung saan siya ay nanguna mula sa simula at hindi na nagpahabol pa. “Nasa diskarte ‘yan. Basta habang lumalaban, hindi ko inisip ‘yung pananakit ng tiyan ko. Basta takbo lang ako. Bahala na,” pahayag ni Delos Santos. Sa laro kung saan sila’y inaasahang manalo, si Delos Santos din ang gumiya para sa Team South Zone upang makalamang sa dulo at bitbitin ang korona sa 4x400-meter relay. Lamang pagkatapos ng unang takbo ni Miguel Romantico, nahabol at bumaba naman sa pangalawa ang Team South Zone nang bigong mapanatili ng tracker ng San Miguel Academy (SMA) ang liderato. Bahagyang nakalamang naman sila bago ang huling lap nang habulin ng injured na si Beltran ang host na Northeast Zone bago tumakbo palayo si Delos Santos para sa panibagong ginto.

NI ARVHIE RAFAEL G. MACAPAYAG • 8-JAMES

‘NO PAIN, NO GAIN.’ Buong loob na ipinamalas ng 2016 Palarong Pambansa qualifier ng La Verdad Christian School na si Samuel ‘Tam-tam’ Delos Santos na hindi hadlang ang anumang pananakit ng katawan upang marating ang tugatog ng tagumpay. Winalis ni Delos Santos ang gold medal sa 400-meter, 800-meter at 4x400-meter relay ng 2016 Pampanga Private School Athletic Association (PamPriSAA) Meet upang umabante sa Provincial Meet. Kuha ni Aian Yambao.

58 GINTO

32 PILAK

23 BRONSE

NI BRIX S. BERNACER • 8-JAMES KABUUANG 113 medalya ang nasikwat ng La Verdad Christian School sa elementary at high school level ng 2016 Pampanga Private School Athletic Association Meet (PamPriSAA) upang tanghalin ulit bilang overall champion sa taunang kaganapan. Bitbit ang 58 ginto, 32 pilak at 23 bronse sa limang magkaka-ibang laro, muling pinangunahan ng La Verdad ang medal tally pagkatapos ng

limang araw na kumpetisyon. Nanguna para sa medal tally ng paaralan ang bilang ng medalyang kanilang winalis sa Athletics kung saan 23 ginto, 21 pilak at 21 bronse ang naiuwi nito. Halos hindi rin nagmintis ang Table Tennis at umuwing tangan ang 14 ginto, isang pilak at isa pang bronse na medalya.

13 na ginto at walong pilak na medalya naman ang nakopo ng paaralan sa larong Taekwondo. Hindi rin nagpahuli ang mga badminton players sa kanilang pagkuha ng limang gintong medalya at isang pilak, habang tatlong gitno at tig-isang pilak at bronse naman para sa chess. Nakatakdang irepresenta ng mga gold medalist ang mga pribadong paaralan ng Pampanga sa darating na Pampanga Schools Division Athletic Meet (PaSDAM) sa Nobyembre 22 hanggang 25.

TINAPOS NG isang ACL injury ang paglalakbay ngayong taon ng 2016 Palarong Pambansa Taekwondo qualifier ng La Verdad Christian School. Puwersadong sinuko ni Mary Jane Pineda ang kanya sanang pagdepensa sa Girls’ Secondary Taekwondo Light Middleweight title sa Pampanga Schools Division Athletic Meet (PaSDAM) matapos mabali ang anterior cruciate ligament sa unang round ng kanyang 11-2 panalo sa gold medal game ng Pampanga Private Schools Athletic Association (PamPriSAA) Meet. “Nang marinig ko na hindi na ako makalalaro this year, parang na-divide into four ‘yung puso ko. Pero wala tayong magagawa. Siguro may balak ang Dios na better para sa akin,” pahayag ni Pineda. Hindi pa sumailalim sa surgery si Pineda pero kung sakali, inaasahang siyam hanggang 12 na buwan ang hihintayin bagong siya ay makalaban ulit. “Sana nga after ng surgery makabalik pa ako at makalaban,” sambit ni Pineda. Si Pineda, kasalukuyang Grade 11 student, ay qualifier sa Palarong Pambansa noong panuruang taon 2015-16. “Nakaka-disappoint na hindi na ako makababalik sa Palaro ngayon. Nakaka-miss ang lumaban at ang training,” ani Pineda. Kadalasang natatamo ng mga atleta ang ACL injury, partikular sa basketball, na nakukuha dahil sa pag-eextend o pagbe-bend ng tuhod nang higit sa normal, ayon sa WebMD.com. Maraming sikat na atleta na rin ang dumanas nito at sa kabutihang palad ay nakabalik sa kani-kanilang mga sports. Kabilang sa mga nakarekober mula sa ganitong injury na kasalukuyan pang naglalaro ay ang mga NBA player na sina Derrick Rose, David West, Jamal Crawford, Kendrick Perkins, Kyle Lowry at Ricky Rubio.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.