SULONG CALABARZON

Page 1

Ilang kooperatiba sa lungsod ng Calamba ang nakatanggap ng mahigit 2.1-milyong piso mula sa Department of Trade and Industry. Ang nasabing pondo ay nakapaloob sa Bottom-Up budgeting program ng ahensiya at ilalaan para sa mga proyektong pangkabuhayan ng mga kooperatiba. Buong detalye sa Pahina 9

OF 3 STATUS BUB PROJECTS

MGA KWENTO NG PAGSULONG

8

6

DOLE UPDATES

#BUBSUMMITPH

10

11 CSO ASSEMBLY

Mas pinaigting na pagpapatupad ng BuB, sinusulong ng RPRAT

Patuloy ang Regional Poverty Reduction Action Team sa pagpapaigting ng pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng programang Bottom-Up Budgeting. Base sa pinakahuling datos na nakalap ng RPRAT noong Oktubre 31, 79-porsiyento na ng kabuuang 181 na proyekto ang naisakatuparan ng mga kasaping ahensiya sa taong 2013; 38-porsiyento ng 844 na proyekto sa taong 2014 at; 4-porsiyento ng kabuuang

1,249 na proyekto para sa taong 2015. Umaasa ang mga pangunahing ahensiya ng RPRAT na sa mas pinaigting na pagpapatupad ng programa ay matagumpay na maisasakatuparan ang BuB. Kaugnay nito, hinihikayat ni Department of Interior and Local Government Regional Director Renato L. Brion na siya ring chairman ng RPRAT ang mga kasaping ahensiya na palakasin ang pagpapatupad ng kanilang mga proyekto. Sinabi ni Dir. Brion na nararapat lamang na ibalik sa mga mamamayan ang pondo ng bayan bilang pangunahing layunin ng programang Bottom-Up Budgeting. Hinihikayat din niya ang mga miyembro ng Civil Society Organizations na mas lalo pa nitong palakasin ang partisipasyon sa Bottom-Up Budgeting dahil sa mahalagang papel na ginagampanan nito sa pagsasakatuparan ng mga proyekto. RPRAT | Pahina 2


Naglabas ng panibagong Joint Memorandum Circular ang mga pangunahing ahensiya ng Bottom-Up Budgeting para sa mas pinalakas na pagpapatupad ng programa.

MGA BAGONG PROBISYON SA JOINT MEMORANDUM CIRCULAR NO. 7

S

a ilalim ng Joint Memorandum Circular 7, makakatanggap ng karagdagang 5-milyong piso ang mga lokal na pamahalaan na may maayos na sistema ng paghahawak ng pondo at matagumpay na makapagsasagawa ng mga proyektong nakapaloob sa BuB. Layunin nito na mahikayat at mapalakas ang partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan at Civil Society Organizations sa pagbuo ng kanilang Local Poverty Reduction Action Plan o mga proyektong popondohan sa ilalim ng BuB. Kinakailangan lamang na maayos ang sistema ng paghawak ng pondo ang isang lokal na pamahalaan at matapos nito ang 80-porsiyento ng mga proyekto na sinimulan nila ng nakaraang taon (2014) at 40-porsiyento ng mga proyekto ng kasalukuyang taon (2015). Mula sa 5-milyong pisong insentibo ay bibigyan sila ng pagkakataon na makapaghain pa ng karagdagang dalawang proyekto na hindi nakapaloob

sa kanilang LPRAP. Kabilang din sa mga bagong probisyon ng JMC 7 ang blacklisting ng mga lokal na pamahalaan at pagbuo ng isang Grievance Committee. Maaaring matanggal bilang benifeciary ng BuB ang mga lokal na pamahalaan na hindi makakasunod sa mga itinakdang patakarang ng National Poverty Reduction Action Team. Sakaling makitaan ng paglabag ang isang lokal na pamahalaan partikular sa Republic Act 9184 o Procurement Act ay hindi na ito maaring makilahok sa susunod na round ng BUB. Gayunpaman, ibibigay sa Civil Society Organizations ang kapangyarihan sa pagbuo ng Local Poverty Reduction Action Plan. Kaugnay nito, isang Grievance Committee rin ang nakatakdang buuin upang magsilbing frontliners ng National at Regional Poverty Reduction Action Team sa pagtugon sa mga katanungan gayundin sa mga reklamo ng mga mamamayan ukol sa naturang programa.

Ang Joint Memorandum Circular ang pangunahing batayan ng mga kasaping ahensiya ng Regional Paoverty Reduction Action Team sa pagpapatupad ng mga proyektong nakapaloob sa Bottom-Up Budgeting

RPRAT Sa ilalim ng programa, ibinibigay sa mga CSOs ang kapangyarihan na bumuo ng mga proyektong tutugon sa paglaban sa kanilang kahirapan. Ang CSOs ang siyang bumubuo ng 50-porsiyento ng Local Poverty Reduction Action Team na nakatakdang bumuo ng Local Poverty Reduction Plan o LPRAP. Umaasa si Dir. Brion na sa mas pinaigting at pinagsamang kapangyarihan ng gobyerno at amamayan ay makakamit ang hinahangad na progreso ng rehiyon at buong bansa. 2 SULONG CALABARZON

REGIONAL POVERTY REDUCTION ACTION TEAM Ang Regional poverty Reduction Action Team ang siyang gumagabay at sumusuporta sa mga lokal na pamahalaan sa buong proseso ng BottomUp Budgeting program, mula sa pagbuo ng mga proyekto hanggang sa implementasyon ng mga ito. Ito ay pinapangunahan ni Dir. Renato L. Brion ng Department of Interior and Local Government-IVA bilang Chairman, at binubuo ng mga ahensiya ng gobyerno sa pangrehiyon na lebel bilang mga miyembro nito.


Amount of Locally Developed Projects

Participating Local Government Units

2013 (Enacted)

2014 (Enacted)

2015 (Enacted)

2016 (Proposed)

P8 B

P20 B

P20.9 B

P24.7 B

595

1,125

1,590

1,514

Cities and Municipalities

Cities and Municipalities

Cities and Municipalities

Cities and Municipalities

SULONG CALABARZON 3


TINDAHAN PARA SA LAHAT P

ara sa 70 na mga ina sa Brgy. Anabu 2C sa Imus City, Cavite, ang tindahan na ito na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting Program, ay itinuturing nilang isang paraan upang maiahon sa kahirapan ang kanilang mga pamilya. Mula sa isang tindahan na ito ay nagbukas pa muli sila ng isa pang tindahan, patunay ng kanilang dedikasyon upang sama-samang makaahon at magtagumpay.

Para sa 70 mga ina sa Brgy. Anabu 2C sa Imus City, Cavite, malaki ang pinagbago ng buhay ng kanilang mga pamilya simula ng magbukas ang tindahang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting Program nito. Mula sa tulong na natatanggap sa ahensiya bilang mga benepisyaryo ng Panatawid Pamilya Pilipino Program, malayo na ang narating ng kanilang pamilya dahil sa pagsusumikap nilang makaahon sa kahirapan. Nakasalalay ngayon sa pagkakapit-bisig nila at sa hanapbuhay na ipinagkaloob ng ahensiya ang kaginhawan ng kanilang pamilya na matustusan ang

4 SULONG CALABARZON

pang-araw araw nilang gastusin. Bilang mga miyembro ng Pantawid Pamilya, nakakatanggap ang mga benepisyaryo ng pinansiyal na suporta mula sa gobyerno upang suportahan ang mga pangkalausugan na pangangailangan at edukasyon ng kanilang mga anak. Upang tuloy-tuloy na makaahon sa kahirapan ay kasabay na ipinagkakaloob ng ahensiya ang Sustainable Livelihood Program kung saan binibigyan ng sila ng pagkakataong makapaghanapbuhay at makapaghanap ng trabaho mula sa suporta ng DSWD. Pinapalakas ng SLP ang kapasidad ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng mga skills training nang sa gayon ay makapaghanap ito ng trabaho o makapagtayo ng sarili nilang negosyo. Nito lamang buwan ng Hulyo ng

maghain ng kanilang proposal ang 70 na ina sa Brgy. Anabu 2C kung saan nakapaloob ang kanilang hiling na community store. Hindi naman nag-atubili ang DSWD at ipinagkalooban sila ng mahigit P700,000 sa ilalim ng BottomUp Budgeting Program nito. “Noong nabigyan sila ng puhunan, sila mismo ang nagasikaso ng lahat ng papeles para sa kanilang tindahan,� ani Leilanie Arquiza, project development officer ng ahensiya. Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo ng proyekto at agad nilang sinimulan ang pagsasaayos ng kanilang pwesto sa palengke at mga kinakailangang dokumento tulad ng business requirements. Kasunod nito, agad


din silang naghanap ng supplier na siyang pagkukunan ng kanilang mga paninda. “Nagpapasalamat talaga kami sa puhunan na ito dahil ngayon, hindi lang kami mga ordinaryong nanay o simpleng mga benepisyaryo lang ng Pantawid. Kami ay mga negosyante na ngayon na nagsisikap na mapalago ang puhunan at matulungan ang aming mga pamilya,” shared Rosita Tabia, the president of the association. Pagtutulungan Para sa mga benepisyaryo, ang tindahan na ipinagkaloob ng ahensiya ay hindi lamang isang negosyo. “Malaking tulong ito sa amin dahil may nahihiraman na kami ng bigas at ibang pangangailangan sa bahay. Dito kasi sa tindahan, ang mga members, p’wedeng mangutang muna at babayaran na lang after one week,” ani Eufemia

Cabatay, isa sa mga benepisyaryo. Kasunod ng pagsisimula ng kanilang negosyo, napagkasunduan nila na ang mga miyembro, o mga benepisyaryo ng tindahan ay maaring makautang kung saan bawat isa ay nakatakdang magbayad tuwing katapusan ng linggo, Upang masiguro ang paglago ng kanilang negosyo, nagpataw sila ng mahigit P30 na interes sa mga miyembro na hindi makakabayad sa pinagkasunduang araw. Ayon kay Lydia Ginolos, isa sa mga benepisyaryo ng proyekto, masayang-masaya siya sa oportunidad na ipinagkaloob ng DSWD sa kanila. “Nagtitinda ako ng gulay at prutas sa kariton dito sa palengke. Dati, nanghihiram ako sa 5-6 para magkaroon ng puhunan. Pero ngayon, pinayagan nila akong makahiram ng PhP1,000 para sa puhunan ko. Ngayon, mas malaki na

ang naiuuwi ko para sa pamilya ko dahil nagbabayad lang ako ng interest kapag hindi ako nakakabayad sa nakatakdang oras, at kung may interest man ay maliit lang,” pagbabahagi ni Lydia. Para sa mga benepisyaryo, ang kanilang pagtutulungan ay sapat na upang makabayad sa mga oportunidad na ipinagkakaloob sa kanila ng DSWD. Dagdag pa ng mga ito na ang lumalago nilang negosyo ay malaking bagay at oportunidad na makaahon sila sa kahirapan. “Aalagaan namin at palalaguin ang negosyo dahil ito lang ang aming paraan para ibalik ang naitulong sa amin,” batid ni Elsa Canubas. Bilang patunay sa kanilang dedikasyon, isa na namang community store ang kanilang binuksan nito lamang buwan ng Oktubre.

MGA ESTUDYANTE SA GUINAYANGAN, NAKATANGGAP NG PAGSASANAY MULA SA NCST Mahigit 71 estudyante sa Guinayangan, lalawigan ng Quezon ang nakatanggap ng pagsasanay mula sa National College of Science and Technology sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting Program ng Department of Social Welfare and Development. Ang mga estudyante ay pawang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program kung saan binibigyan ng tulong pinansiyal ang mga mahihirap na pamilya upang suportahan ang kalusugan at edukasyon ng mga bata hanggang makaabot ito ng edad 18. Kasabay na ipinagkakaloob ng ahensiya sa mga benepisyaryo ng nasabing programa ang Sustainable

Livelihood Program kung saan binibigyan naman sila ng libreng pagsasanay upang makapagtayo ng sariling negosyo o makapaghanap ng trabaho, Nitong nakaraang Hunyo ng kasalukuyang taon ay lumagda ang DSWD Field Office IV-A at ang National College of Science and Technology sa isang kasunduan kung saan nakapaloob ang pagbibigay ng skills training sa ilalim ng Zero-Cash-Out Study-Now-Pay-Later program. Kaugnay nito, makakatanggap ng tatlong buwan na academic training at 12 buwan na industry-based training sa mga NCST partner companies ang mga benepisyaryo ng programa.

At habang sumasailalim sila sa kanilang industry-based training ay makakatanggap ang mga ito ng kaukulang sweldo na siya namang hahatiin upang ipambabayad sa kanilang mga matrikula. Samantala, sasagutin ng ahensiya ang kaukulang gastos ng mga benepisyaryo sa unang tatlong buwan ng kanilang pagsasanay kabilang ang pagkain at tirahan. Ayon kay Dir. Diokno, higit itong makakatulong upang mapalakas ang kanilang kakayahan at makahanap ng trabaho na tiyak na makapag-aangat sa kanilang kasalukuyang antas.

SENIOR CITIZENS NAKATANGGAP NG PINANSIYAL NA TULONG MULA SA DSWD Mahigit 682 na kapus-palad na mga senior citizens sa Pitogo, Quezon ang nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalga ng P3,600.00. Ito ay isa sa mga proyekto ng Department of Social Welfare and Development na ipinapatupad sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting Program. Sa kabuuan, ang tulong pinansiyal ay nagkakahalaga ng P2,455,200.00. Malaking tulong para sa mga senior citizens ang natanggap na tulong lalo na sa kanilang pang-araw araw at medikal na gastusin.

SULONG CALABARZON 5


-Maria Luisa Carabuena Sabang Piris, Buenavista Quezon

SULONG “Mga kwento ng pag-ahon ng mga simpleng mamamayan sa rehiyon ng Calabarzon”

“Noon, ang mga bata, naglalakad, mahigit isang oras bago marating ang school ngayon hindi na namin madescribe kung gaano kami kasaya sa kauna-unahang pagkakataon, masesemnto na ang aming daan.” -Gregorio Siaron Farm to Market Road Beneficiary in Cabang Norte Guinayangan, Quezon

Sa Bottom-Up Budgeting, magkasama ang lokal na pamahalaan at mga civil society organizations sa pagbabalangkas ng ng plano at budget para sa mga programa laban sa kahirapan. Ito ang isa sa mga pamamaraan ng gobyerno upang tugunan ang problema sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga mamamayan. Ito ay hindi lamang programang nakatuon sa paglaban sa kahirapan, ito rin ay nakasentro sa paglinang ng kakayahan ng mga mamamayan na nagsisilbing pundasyon ng matatag na gobyerno at lipunan.

“Noong araw na hindi pa po ako marunong gumawa ng mga bag, laman po ako ng kalsada, tsismis at nariyan pong ako’y magsugal. Ngunit nang ako po ay natutong gumawa ng bag na gumawa sa buri ay utay-utay na pong nawala ang bisyo kong yan.” -Normita Alvarez Unisan, Quezon

Narito ang ilang mga kwento ng pag-asa, pag-angat, pag-ahon at pagsulong dahil sa programang Bottom-Up Budgeting. Malayo pa ang tatahaking landas, marami pang bayan ang aangat at susulong. Hindi pa tayo tapos, kayo ang magpapatuloy ng kwentong BuB. “Nagpapasalamat talaga kami sa puhunan na ito dahil ngayon, hindi lang kami mga ordinaryong nanay o simpleng mga benepisyaryo lang ng Pantawid. Kami ay mga negosyante na ngayon na nagsisikap na mapalago ang puhunan at matulungan ang aming mga pamilya,” » Rosita Tabia, Tindahan Para sa Lahat Beneficiary

Alamin ang estado ng mga proyekto sa inyong bayan o lungsod. Bisitahin ang BuB Portal sa www.openbub.gov.ph

Screenshots from Department of Budget and Management videographic


REHABILITASYON NG MGA COMMUNAL IRRIGATION SYSTEMS

Isa sa mga proyektong nakapaloob sa Bottom-Up Budgeting ng Department of Agriculture ang pagsasaayos ng mga irigasyon. Para kay Jess Lacorte, magsasaka mula sa San Antonio, Quezon, malaki ang naitulong ng proyekto sa kanilang lugar dahil hindi na nila kinakailang pang gumastos ng malaking halaga para lamang makagamit ng water pump para sa kanilang mga pananim. Malaking bagay rin para kay Petronio Tapire ang rehabilitasyon ng irigasyon dahil hindi na kinakailangan pang umasa ng mga magsasaka sa tubig ulan upang tubigan ang kanilang mga sakahan. Aniya, lubos na napapakinabangan ng mga magsasaka ang proyektong ito ng ahensiya. Kabilang din sa mga proyektong ipinapatupad ng nasabing ahensiya sa ilalim ng BuB ang pagpapaunlad ng kakayahan sa paggawa ng organic fertilizers at iba pang mga proyektong nakatuon sa agrikultura at paghahayupan. PAGSASAAYOS NG MGA DAAN Kasama rin sa mga proyektong nailatag sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting ang pagsasaayos ng mga lokal na kalsada. Ayon kay Socorro Litan, residente ng Brgy. Bulakin 1, Dolores, Quezon, “Hindi na masyadong maalikabok ang daan lalo na sa panahon ng tag-init. Malaking ginhawa ang naibigay sa amin ng masemento ang kalsada, hindi na kami maglalakad ng malayo sapagkat naihahatid na kami dito sa loob ang mga tricycle pag kami ay namamalengke. Patag na ang aming nilalakaran ngayon.” Madali na rin para sa mga magsasaka ang mailabas ang kanilang kalsada dahil maayos na ito at hindi na nila kailangan pang umupa ng kariton para hakutin ang kanilang ani dahil nakakadaan na ang mga sasakyan. Ayon kay Eduardo Bomiel, Malaki ang naitutulong ng proyekto dahil nababawasan ang kanilang gastos sa upa at karga. Gayundin sa mga residente ng Brgy. Parang Buho sa Sta. Maria Laguna. Ayon kay Emma Morada, Day Care Worker at residente ng nasabing barangay, laking pasasalamat nila sa BuB sa pagsasaayos ng kanilang pangunahing daan patungo sa bayan. Aniya, hindi na sila mangangamba pa para sa kanilang kaligtasan tuwing umuulan. MATATAG NA KABUHAYAN AT KAKAYAHAN Patuloy din ang Department of Social Welfare and Development sa pag-aangat ng antas at kakayahan ng mga simpleng mamamayan sa pamamagitan ng mga livelihood programs at libreng pagsasanay. Dahil ditto, nagkaroon ang mga benepisyaryo ng pagkakataong makapagtayo ng sarili nilang pagkakakitaan na batid nilang makakatulong sa pang araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya. Bukod sa mga proyektong ito ay libre ring nagkakaloob ng mga libreng pagsasanay sa mga kursong technical ang ahensiya katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. (Basahin ang pahina para sa mas pinalawak na impormasyon tungkol sa programa) “Ang mga ganitong proyekto ng gobyerno ay malaking tulong sa mga mamamayan partikular sa mga kabataan na wala o kulang ang kakayahan ng mga magulang,” Sherwin Dimapasok Chairman ng Persons with Disabilities ng San Pascual Batangas. Bukod sa DSWD, tuloy-tuloy din ang Department of Trade and Industry gayundin ang Department of Labor and Employment sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga mamamayan. Sa General Nakar sa lalawigan ng Quezon, tumaas ang kita ng mga mangagawang nakapaloob sa sector ng panggugupit dahil sa libreng pagsasanay na ipinagkaloob sa kanila ng DOLE. Ayon kay Rochelle Aumentado, tumaas ng mahigit 150-piso ang kanilang kinikita dahil sa proyektong ito. MAS MALAKAS NA HANAPBUHAY Pangingisda ang pangunahing ikinabubuahay ng mga mamamayan sa barangay ng Marao, Padre Burgos, Quezon kung kaya’t ito ang isa sa mga bayang tinutukan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na pagkalooban ng mga proyekto sa ilalim ng BuB. Isa sa mga ito ang National Fisheries Program kung saan nagkaroon ng kaalaman ang sa simpleng mangingisda ng Brgy. Marao Padre Burgos sa pagpapalaki ng isda sa mga fish cages. Ayon kay Romeo Manalo, Pangulo ng Laguimanok Cage Operators Association, dahil sa programa ay hindi na nila kinakailangan pang dumayo sa ibang lugar upang mamalakaya ng mga isda. Aniya, nabawasan din ang mga illegal na pangingisda dahil sa programang ito. Nabigyan din ng libreng Bangka ang ilang mga mangingisda sa tulong programa. SULONG CALABARZON 7


PAGPAPALAKAS NG KAKAYAHAN NG MGA KABABAIHAN SA PAMAMAGITAN NG BUB “Ipinakita ninyo na kayang-kayang lumahok ng mga kababaihan sa mga gawaing pangkaunlaran sa inyong lugar. Nawa’y ang Gender and Development Center na ito ay magsilbing lugar upang patuloy pang mapalakas ang kakayahan ng mga kababaihan sa Lemery” - Dir. Leticia T. Diokno Matagumpay na naisakatuparan ng samahan ng mga womenvolunteers sa Lemery, Batangas ang Gender and Development Resource Center na proyekto ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting program nito. Ang BuB ay pambansang proyekto ng pamahalaan na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng mga ordinaryong mamamayan sa pagbuo at pagbalangkas ng mga proyekto laban sa kahirapan. Upang matagumpay na maisakatuparan ang programa, gumagamit ang ahensiya ng kaparehas na stratehiya sa KalahiCIDSS’ CDD program nito kung saan Hinihikayat ni DSWD IV-A Regional Director Leticia t. Diokno ang mga women-volunteers na miyembro rin ng iba’t ibang organisasyon na paigtingin ang mga programa at proyekto para isinasali ang mga volunteers sa buong sa mga kababaihan tungo sa pagkamit ng progresibong komunidad. proseso ng implementasyon ng ng Sustainable proyekto, mula sa pagbabalangkas bilang training facility at permanenteng benepisyaryo Program, lubos ang hanggang sa pagsasaayos ng mga opisina ng mga samahan ng Livelihood pasasalamat niya sa DSWD sa materyales na kakailanganin at kababaihan sa bayan ng Lemery. Kaugnay nito, mahigit 119 na pagkakaloob ng gusali dahil hindi na pagtatayo ng gusali. Ang 131-square meters na GAD benepisyaryo ng SLP ang sumasailalim nila kinakailangan sa iba’t ibang lugar Resource Center na nagkakahalaga ngayon sa hand wash and detergent para lamang magpuling. Target ngayon ng DSWD Field ng mahigit P2.65-milyon ay mayroong sopar making kung saan bibigyan dalawang comfort rooms, kusina na din sila ng mahigit P10,000 upang Office IV-A na matapos ang 42 BuB na proyekto nito sa rehiyon ng Calabarzon. may mga gamit kabilang ang mga makapagsimula ng kanilang negosyo. Ayon kay Celia Umali, pinuno lamesa at upuan. Ito ay nakatakdang gamitin ng mga volunteers at isa sa mga

D DOLE UPDATES

8 SULONG CALABARZON

ahil sa tagumpay ng implementasyon ng Bottom-Up Budgeting ay maglalaan ng mahigit 1.6-bilyong piso ang Department of Labor and Employment IV-A para sa mga proyektong ipapatupad ng ahensiya sa susunod na taon (2016). Ito ay higit na mas mataas ng 520-porsiyento kumpara sa inilaang pondo ngayong taon (2015). Sinabi ni Director Zenaida Campita, malaking hamon para sa kanilang ahensiya ang pagpapatupad ng mga proyekto sa susunod na taon kung kaya’t hinihikayat niya ang mga stakeholders ng programa sa iba’t ibang bayan at lungsod na paigtingin ang pagsubaybay sa implemenatasyon ng mga ito. Ayon kay Campita, mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa sa pagsasakatuparan at tagumpay ng mga proyekto. Kaugnay nito, hinihikayat din ng direktor ng ahensiya ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na kumpletuhin na ang mga dokumentong kinakailangan upang maisagawa ang proyekto dahil Enero sa susunod na taon ay maaari na silang makapaglabas ng pondo para sa mga nakaambang proyekto.


‘SAGANA AT LIGTAS NA TUBIG PARA SA LAHAT’

Dahil sa Salintubig, mayroon ng malinis na tubig na naiinom sa Brgy. San Gabriel, Laurel Batangas

“Noon ay kinakailangan pa naming mag-igib ng tubig sa bukal na mahigit isang kilometro ang layo mula sa aming mga bahay. Bukod sa mabigat na container o kaya timba na punong tubig, kinakailangan pa naming maghintay dahil minsan, malabo ang tubig. Ngayon, sa tulong ng proyektong ito ay hindi na naming kinakailangan pang maglakad ng malayo dahil abot kamay na namin ang malinis na tubig.” » Nelly A. Saura/ Salintubig Beneficiary, Polilio Quezon

MGA KOOPERATIBA SA LAGUNA, NAKATANGGAP NG P2.1-M MULA SA DTI /Zen Trinidad, Philippine News Agency

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna — Nagkaloob ng mahigit P2.1 milyong piso ang Department of Trade and Industry sa mga kooperatiba ng lungsod na ito para sa mga proyektong pangkabuhayan na ipinapatupad ng ahensiya sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting program. Ang pondo ay pormal na ipinagkaloob ni DTI Calabarzon Regional Director Marilou Q. Toledo sa pamamagitan ni Laguna Provincial Director Susan R. Palo. Ayon kay Leonardo Opulencia, head ng City Cooperative and Livelihood Development Office, ang pondong ipinagkaloob ay gagamitin sa mga kasalukuyang livelihood programs ng mga kooperatiba. Kabilang sa mga programang ito ang Candle Manufacturing Project ng Mayapa Group of Kalambenyo Kabalikat sa Kaunlaran; Water Hyacinth Product Enhancement Training ng Likhang Kamay ng Kalambenyo Producers

at; Advance Training on Dressmaking Techniques at Pattern Making ng Tahing Calambeno Producers Cooperative. Kasama rin sa napagkalooban ng pondo ang mga programang Integration for Lake-Based Young Enterprises ng Water Hyacinth Group; Yaman PINOY Program (crochet products manufacturing) ng Crochet Division ng Likhang Kamay ng Kalambenyo Producers Cooperative at; mga miyembro ng Improvement Club of the City Agriculturist’s Office at Calamba Parish Development Cooperative. Sinabi ni Opulencia na dahil sa patuloy na suporta na ibinibigay ng lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng gobyerno ay lumalaki ang papel na ginagampanan ng mga kooperatiba sa paglago ng ekonomiya ng lungsod. Dahil sa paglakas ng mga kooperatiba sa lungsod ay patuloy silang nagpapadala ng mga kinatawan sa mga pagsasanay, summit, conferences, conventions at livelihood fairs upang mapalawak ang kaalaman ng mga

miyembro nito. Dagdag pa nito, gumagamit na rin sila ng mga makabagong marketing strategies, isa sa nakikita nilang pamamaraan upang makapasok sa international world market. ”We are into product development and we are having partnership with University of the Philippines Los Baños (UPLB) College of Economics on the marketing aspects of the cooperatives where we train members to become marketing people,” Layon ngayon ng City Cooperative and Livelihood Development Office na maging pangunahing pinagkukunan ng mga produkto ng mga residente gayundin ng mga turistang bumibisita sa kanilang lungsod. Kaugnay nito, ang leatherized water hyacinth na mga produkto sa mga pinagtutuunan ngayon ng ahensiya katuwang ang Department of Science and Technology na mabenta ngayon sa

SULONG CALABARZON 9


D

alawang taon pagkatapos ilunsad ang Bottom-Up Budgeting Program at ipaloob sa 2013 National Budget, plano ngayon ng pamahalaan na palawakin ang sakop ng programa upang masiguro ang pagpapatuloy nito. Sa ngayon, mahigit 1,590 na mga bayan at munisipyo sa buong bansa ang nakikiisa tungo sa tagumpay ng programang ito.

#SaBuBMaySayKami #BuBSummitPh

MGA BENEPISYO AT REPORMA, TAMPOK SA BUB SUMMIT Mahigit P24.7 milyon ang panukalang pondo ng pamahalaan para sa implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting program sa buong bansa. Sa nagdaang BuB Summit na ginanap sa Crowne Plaza Manila, sa Ortigas, Quezon City, sinabi ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad, higit na nakatulong ang partisipasyon ng mga ordinaryong mamamayan sa pagbuo ng mga proyekto laban sa kahirapan simula ng ilunsad ng pamahalaan ang programa noong 2013. Dagdag pa nito, ang tanging hamon lamang sa programa ay ang pagpapaigting nito upang higit na mapalakas ang partisipasyon ng mga mamamayan. Mahigit 1,000 miyembro ng civil society organizations, mga opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan ang dumalo sa nagdaang 10 SULONG CALABARZON

BuB Summit na inorganisa ng National Anti-Poverty Commission katuwang ang Deoartment of Interior and Local Government, Department of Budget and Management, Department of Social Welfare and Development at National Economic Development Authority. Nagsilbing daan ang BuB summit sa pagsasaayos ng proseso ng programa maging sa pagpapabilis ng implementasyon nito. Ipinakita sa summit kung paano pinapalakas ang pinagsamang boses ng lokal na pamaahalaan at ng iba’t ibang organisasyon. Nagsilbi rin itong daan upang maliwanagan ang publiko sa mga layunin ng BuB sa kabila ng mga alegasyon ng mga kritiko nito na ginagamit lamang ng kasalukuyang administrasyon ang programa para sa kanilang pansariling interes. “Ipinatupad ang BuB upang

palakasin ang mga grassroots communities at ang kanilang mga lokal na pamahalaan. Dahil dito, nagkaroon kami ng ilang pagbabago kabilang ang pagpapahintulot sa mga LGUs na dertsong magpatupad ng proyekto kaysa idadaan pa sa mga ahensiya ng gaobyerno,” paliwanag ni Abad. Ang BuB ay isa sa nakikitang solusyon ng pamahalaan upang makamit ang Millenium Development Goals nito sa patuloy na paglago ng ekonomiya, paglaban sa kahirapan. Ito ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagtataas ng antas ng access ng mga mamamayan sa mga serbisyo ng lokal na pamahalaan. Mahigit 595 na mga bayan at lungsod ang nakilahok sa programa simula ng gumulong ito noong 2013. Simula sa P8 billion noong 2013, itinass ito sa P20 billion upang mapunan ang mga proyekto ng mahigit 1,225 na mga


A

142ASSEMBLY

ng CSO Assembly ang unang hakbang sa proseso ng programang Bottom-Up Budgeting kung saan tinitipon ang lahat ng mga Civil Society Organizations, miyembro ng iba’t-ibang sektor gayundin ang iba pang grassroots organizations sa isang komunidad upang pagusapan ang mga proyektong maaari nilang ihain sa Local Poverty Reduction Action Team o LPRAT. Layunin din ng pagtitipon na maghalal ng mga kinatawan para sa LPRAT.

CIVIL SOCIETY ORGANIZATIONS

Makialam sa paggugol ng Budget ng Bayan Makilahok sa Bottom-Up Budgeting Nitong nakaraang buwan ng Oktubre ay nagtipon-tipon ang mga Civil Society Organizations sa iba’t ibang bayan sa rehiyon ng Calabarzon para paghandaan ang susunod na yugto ng Bottom-Up Budgeting sa taong 2017. Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng Regional Poverty Reduction Action Team ang lahat ng mga Civil Society Organizations sa buong rehiyon na makiisa at makilahok sa paglalatag ng mga solusyon laban sa kahirapan.

EDITORIAL BOARD Renato L. Brion, CESO III Editor in Chief

Sulong—Layunin ng Bottom-Up Budgeting na mawaksi ang antas ng kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng mga proyektong tiyak na makapag-aangat sa bawat isa. Itinutulak tayo nito ng pasulong tungo sa isang matatag at maunlad na ekonomiya na maituturing natin na isang hakbang hindi lamang sa mga suliraning kinakaharap natin sa kasalukuyan kung hind imaging sa ating kinabukasan. Ngunit ang pagsulong ay may kaakibat na responsibilidad. Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na ginagampanan tungo sa mithiin na pag-unlad. Tayo ang haligi ng bukas. Nasa atin na ang kapangyarihan. Sama-sama nating labanan ang kahirapan, makilahok, makisali, Sulong Calabarzon! Ang pahayagang ito ay inilimbag ng Calabarzon Regional Poverty Reduction Action Team sa tulong ng Bottom-Up Budgeting Program Regional Project Management Team. Para sa mga katanungan, komento at kontribusyon, ipadala lamang sa gpb.calabarzon@yahoo.com.

Department of Budget and Management Department of Social Welfare and Development Department of Trade and Industry Department of Labor and Employment Contributing Agencies Candice B. Ramirez Hidylene C. Mayo Leora Alyana G. Tanzo Kier John R. Dawinan Juan Rodrigo A. Vera Cruz Editors Fredmoore S. Cavan Layout and Design

SULONG CALABARZON 11


Bottom-Up Budgeting Sa pamamagitan ng BuB, hinihikayat at pinapalakas ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagbalangkas ng Local Poverty Reduction Action Plan. Ang boses at boto ng mamamayan sa pagtukoy at pagpapasya ng mga proyekto kontra kahirapan ay malaking hakbang para sa isang pangmatagalang solusyon sa kahirapan. Narito ang proseso kung paano isinasakatuparan ang Bottom-Up Budgeting.

01 CSO ASSEMBLY Pagtitipon ng mga batayang sektor at mga Civil Society Organizations kung saan inihahal ang magiging kintawan para sa Local Poverty Reduction Action Team na silang babalangkas ng mga pangunahing proyekto. Mula sa hanay ng mga CSOs ay ihahalal ang co-chairperson ng LPRAT at ang tatlong co-signatories ng Local poverty Reduction Action Plan.

04 IMPLEMENTATION Matapos makapaglaan ng pondo ang kinauukulang ahensiya ay maaari ng simulan ng lokal na pamahalaan ang pagsasakatuparan ng mga proyekto.

02 LPRAT WORKSHOP Ngayong may kinatawan na ang Civil Society Organizations ay maari ng makapagbalangkas ng mga proyekto o ng Local Poverty Reduction Action Plan ang Local Poverty Reduction Action Team.

03 REVIEW AND VALIDATION

05 MONITORING Ang pagsubaybay sa mga proyekto ay gagawin sa pamamagitan ng pagpupulong ng LPRAT minsan sa tatlong buwan at pagsusumite ng mga quarterly reports sa RPRAT at mga kinauukulang ahensiya. Mayroon din isang parallel CSO monitoring system kung saan ang mga mismong benepisyaryo ng programa ay kalahok sa pagsubaybay.

Ang nabuong Local Poverty Reduction Action Plan ay sasailalim sa pagsusuri ng RPRAT. Ang pinal na plano at budget ay isusumite sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na siyang maglalaan ng pondo para sa mga proyektong nakapaloob dito.

Gamit ang ating smartphone, desktop o tablet, mabilis na nating makikita ang estado ng mga proyekto na ipinapatupad ng mga ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting Program. Bisitahin lamang ang Bub Portal sa www.openbub.gov.ph Para naman sa mga lugar na hindi pa abot ng makabagong teknolohiya, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong Local Government Operation Officer para sa estado ng mga proyekto.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.