Ang Burabod ang opisyal na pahayagan ng UP Ibalon.
Sa muling pagbabalik ng Burabod, higit nitong patatatagin ang pundasyon bilang isang tagapaghatid ng katotohanan. Magsisilbi itong tulay ng UP Ibalon na sa loob ng 46 taon ay nagpupursigeng maipakilala ang sosyal at kultural na estado ng Bicol.
Halos limang taon na ang nakalilipas nang huling mailimbag ang opisyal na isyu ng Burabod. Sisikapin nitong buhayin at masimulan muli ang daloy ng malayang pamamahayag upang mabigyan ng boses at mapagsilbihan ang masang Bicolano.
Tungo sa malaya at mapagpalayang pamamahayag.
#Burabod2021 #UPIbalon46 #MalayangPamamahayag