PILIPINAS kong mahal Bilang 1
Disyembre 2020
ESPESYAL NA EDISYON
Isang Magasin na Nagtatampok ng mga Iba’t Ibang kapiyestahan sa Pilipinas
RONEL ANDREW M. TOLENTINO
Tomo I
BenCab PUZZLED.
A Glimpse to the Creativity of the Master of Contemporary Philippine Art
TOMO I
BILANG 1
PILIPINAS kong mahal
DISYEMBRE 2020
TUNGKOL SA PABALAT Itinatampok sa pabalat ng magasin na ito ang iba’t ibang naggagarbohang mga pista ng bansang Pilipinas. Mapapansin na ang bawat litrato ay may kaniya-kaniyang pista na ibinibida. Sadyang napakaraming pagdiriwang ang ginaganap sa ating bansa kaya nararapat lamang na itampok sila.
Disenyo ni: Ronel Andrew Tolentino
TUNGKOL SA MAGASIN Ang Pilipinas Kong Mahal, ay isang magasin na binuo upang itampok ang natatanging ganda ng Pilipinas. Ito ay buwanang nilalathala at sa tuwing at sa bawat edisyon ay may ibinibida na bagay na tungkol sa Pilipinas. Hindi ito basta-basta magasin lamang sapagkat ang bawat laman ay may kwentong binubunyag.
TUNGKOL SA NILALAMAN Sa edisyong ito, itatampok ang limang pista na ipanagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ang Ati-Atihan, Panagbenga, MassKara, Sinulog, at Sublian. Kaya ano pang hinihintay niyo, simulan nang buklatin ang magasin at tuklasin ang natatanging ganda ng ating mga pista.
Nilalaman Prologo.............................................................................................I Ati-Atihan Festival.....................................................................05 Sayaw at Pagdiriwang...............................................................09 Pagkain ng Aklan.......................................................................13 Panagbenga Festival.................................................................15 Pagkain ng Baguio.....................................................................19 Sinulog Festival.........................................................................21 Pagkain ng Cebu........................................................................25 MassKara Festival.....................................................................27 Pagkain ng Bacolod...................................................................31 Sublian Festival.........................................................................33 Pagkain ng Batangas................................................................37 Sanggunian.................................................................................II Repleksyon.................................................................................III
PROLOGO
Para sa mga mambabasa Alam kong marami kang pinagdadaanan ngayon, gusto mo na ring maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ngunit hindi pa maaari. Kaya ang magasin na ito ay para sa iyo, nawa sa bawat buklat mo ng pahina ay maramdaman mo rin na parang naglalakbay ka at nakikilahok sa mga itatampok na pista ng ating bansa,
Ronel Tolentino
PILIPINAS kong mahal
TOMO 1 | BILANG 1
05
KASAYSAYAN AT KASUOTAN
ATI-ATIHAN FESTIVAL
K
ung ang Atiatihan lang naman ang pag-uusapan, isang salita na ang agad na makakapagbigay deskripsyon sa selebrasyon ito: ang kulay na itim. Pero bakit nga ba sa matitingkad na kulay na kanilang sinusuot, mas kapansin-pansin pa rin ang itim na kanilang kulay rin? Isinasagawa ang Ati-atihan Festival tuwing ika-3 linggo ng buwan ng Enero upang bigyang papuri ang Sto. NiĂąo ng isla ng Panay, probinsya ng Aklan sa Kalibo. Noong unang panahon, ito ay pinagdiriwang lamang upang igunita ang Barter ng Panay, kung saan tumatanggap ng regalo ang mga Aeta na galing sa mga Datu na lumikas o tumakas. Ang regalo ay upang sila ay patirahin sila sa kalupaan ng mga Aeta. Kaya naman nang napatira ang mga Borneong dayuhan, sila ay
nagpinta sa kanilang mga katawan ng itim upang pasasalamat at para makihalubilo sila sa mga Aeta habang sila ay sumasayaw sa indayog ng musikang Aeta. Kinalaunan, binago ng simbahan ang kahulugan ng pagdiriwang. Ito ay ipinagdiriwang na upang gunitain ang Kristyanismo sa kapuluan sa imahe ng Sto. NiĂąo.
06 Pilipinas
07 Pilipinas
A
ng kahulugan ng Ati-Atihan ay “to imitate Ati� o gayahin ang mga Ati, na lokal na tawag sa mga Aeta kung saan ang mga Aeta ang mga naunang nanirahan sa isla ng Panay at iba pang bahagi ng kapuluan.
08 Pilipinas
TOMO 1 | BILANG 1
PILIPINAS kong mahal
09
SAYAW AT PAGDIRIWANG
ATI-ATIHAN FESTIVAL
B
Sayaw at Pagdiriwang
ilang ang Ati-Atihan festival ay isang relihiyosong selebrasyon, sinisimulan ito ng isang misa. Susundan ito ng isang prusisyon na kasama ang tugtugan na may rhythmo ng dram at samu’t saring sayaw sa parada na isinasagaw sa kalye.
Sa pangalawang araw naman nagsisimula ang isang rosary procession na winawakasan ng isang misa at isa muling parada ng mga sayaw. Pinakagarbong araw naman ang huling araw ng pagdiriwang kung saan nagpapaligsahan ang mga grupong kumakatawan sa kani-kanilang mga tribo. Ang kapistahan ay nagtatapos sa isang prusisyon na dinadaluhan ng libong mga tao dala-dala ang iba’t ibang imahe ng Sto. Niño. Bukod pa rito, ang mga katagang “Hala Bira!” na nangangahulugan na “pull through” sa ingles, at “Viva Kay Señor Stp. Niño!” na ibig sabihin naman ay “Long Live the Holy Child”. Ang mga parirala’t pangungusap na ito ay ang isinisigaw ng mga dayuhan atg deboto sa kasagsagan ng piyesta.
10 Pilipinas
Sadsad
tawag sa sayaw tuwing Ati-Atihan
11 Pilipinas
Ang Ati-Atihan Festival ay binubuo ng mga prusisyon at mga parada sa kalye na nagpapakita ng mga magagarbong themed floats, grupo ng mga mananayaw na makukulay ang mga kasuotan, marching bands, at mga dayuhang nakikidalo sa kasayahan. Ang nasabing street parade ay kilala bilang “Sadsad� na tawag din ng mga lokal sa kanilang sariling sayaw kung saan ang kilos ng kanilang paa habang mistulang hinihila sa lupa ay binabase sa tono ng tunog ng mga banda
Ati-Atihan The Mother of All Philippine Festivals
12 Pilipinas
TOMO 1 | BILANG 1
PILIPINAS kong mahal
13
PAGKAIN NG AKLAN
INUBARANG
MANOK
Inubarang Manok recipe Native Chicken Ubad (Pith of Banana) Lemon Grass Coconut Milk Onion (Sliced) Ginger (Sliced) Garlic (Pounded) Black Pepper (Pounded) Salt Cooking Oil
Ang Inubarang Manok ay isang ulam na sikat sa mga rehiyon ng Bisaya tulad ng Iloilo, Aklan, at Negros. Ang pinakasangkap nito ay ang ubad, na kung saan ay ang tagak ng isang puno ng saging. Hindi ito dapat malito sa ubod, na siyang katapat ng niyog. Ang manok at ubad ay isang karaniwang pagpapares, at pinahiram nito ang ulam ng isang natatanging lasa at pagkakayari.
Igisa ang sibuyas, bawang at luya sa langis ng pagluluto. Magdagdag ng mga piraso ng manok at igisa hanggang sa maluto ang karne. Magdagdag ng mga hiwa ng banana pith at lemon grass. Ibuhos ang ika-2 tasa ng coconut milk at pakuluan. Kapag malambot ang banana pith, idagdag ang 1st cup ng coconut milk Magdagdag ng asin, magic sarap at paminta upang umangkop sa iyong panlasa. Kumulo hanggang malambot ang manok. Pilipinas
14
https://thefatkidinside.com/inubarang-manok-recipe/
TOMO 1 | BILANG 1
PILIPINAS kong mahal
15
KASAYSAYAN, KASUOTAN, SAYAW
PANAGBENGA FESTIVAL
Pista ng Bulaklak
P
anagbenga Festival o Flower Festival ay isang sikat na kapiyestahan ng Baguio. Kapansin-pansin ang mga makukulay na bulaklak na ibinibida sa pagdiriwang nito. Ang Panabenga ay hinango sa katagang Kankanaey na nangangahulugang “season of blooming�. Ito ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero kung saan namumukadkad ang mga naggagandahang bulaklak ng lungsod. Ang nasabing piyesta ay naisagawa upang magbigay pagkilala o alaala sa mga natatanging yaman ng Baguio na mga bulaklak at pati na rin upang makabangon muli ang lungsod sa nangyaring karumaldumal na lindol noong taong 1990. Makikita sa festival na ito ang mga naggagarbohang mga float na puno ng mga bulaklak. Mayroon ding mga street dancing na may kasuotan na mistulang nagsasayawang mga matitingkad na bulaklak na hango sa Bendian, isang sayaw ng Ibaloi mula sa Cordilleras.
16 Pilipinas
Panagbenga Festival M
aliban sa pagpapalago ng ekonomiya sa pmamagitan ng turismo, ang Panagbenga Festival ay nakatulong din sa mga kabataang miyembro ng mga tribo na madiskubre ang kanilang sariling kultura at tradisyon.
17 Pilipinas
Noong 1996, ipinahayag ni Ike Picpican, isang archivist at curator na ang piyesta ay maipangalan na Panagbenga, na hango nga sa Kankanaey na ibig sabihin ay “season of blossoming, a time of flowering� Ngayon kasalukuyan, February 2020, naantala ang pagdiring ng Panagbenga Festival dahil sa COVID-19 at tuluyang hindi na natuloy noong March 2020.
18 BenCab
PILIPINAS kong mahal
TOMO 1 | BILANG 1
19
PAGKAIN NG BAGUIO
KILAWIN AT PANCIT BIHON
Kilawin A
ng Kilawin ay isang kataga na tumutukoy sa isang malawak na pangkat ng mga pagkaing Pilipino na katulad ng Italian crudo o ang Peruvian ceviche. Maaari itong gumamit ng karne o pagkaing-dagat na gupitin o hiniwa, pagkatapos ay pinaghalo ng suka, citrus juice, at iba’t ibang pampalasa at sariwang halaman. Kahit na ang mga sangkap ay paunang luto, sila ay karaniwang ginagamit na hilaw, na pinapayagan ang suka na kumilos bilang isang ahente sa pagluluto. Karaniwang hinahain ang Kilawin bilang isang pampagana o isang ulam sa tradisyonal na sesyon ng pag-inom ng serbesa sa Filipino.
Pancit A
ng Pancit bihon ay isang tanyag na Filipino stir-fry na binubuo ng mga noodles ng bigas na sinamahan ng hiniwang baboy o manok at iba`t ibang gulay. Ang pinggan ay pinagtataniman ng toyo at kadalasang ito ay bahagyang tinimplahan ng lemon juice. Tulad ng iba pang mga iba’t ibang pancit, ang bersyon na ito ay madalas na matatagpuan sa maraming mga stand ng kalye sa buong bansa at isang sangkap na hilaw na ulam na hinahain sa mga espesyal at maligaya na okasyon.
20 Pilipinas
https://www.tasteatlas.com/best-dishes-in-baguio
PILIPINAS kong mahal
TOMO 1 | BILANG 1
21
KASAYSAYAN, KASUOTAN, SAYAW
SINULOG FESTIVAL
K
apag nababanggit ang mga salitang Sto. Niño at piyesta, unang pumapasok sa ating mga isipan ang pinakasikat na sigurong pagdiriwang at inaabangan na selebrasyon, ito ay ang Sinulog Festival.
Sinulog Festival
Tuwing ika-3 ng Linggo sa buwan ng Enero, ipanagdiriwang ang Sinulog Festival sa lalawigan ng Cebu habang sa ika-4 na linggo naman buwan pa rin ng Enero sa bayan ng Carmen, lungsod ng Cebu. Ang sinulog ay tinaguriang “center of the Sto Niño Catholic celebration” sa bansa.
Ang nasabing pista ay tinatawag din bilang reyna ng mga festival sa Pilipinas sapagkat milyong-milyong katao ang dumadalo rito sa bawat pagdiriwang nito taon-taon. Bukod dito, sikat din ang Sinulog sa mga kaganapan nito sa kalsada na madalas isinasagawa tuwing gabi bago ang mismong araw ng pista.
22 Pilipinas
Sayawan sa Sinulog A
ng salitang Sinulog ay galing sa salitang Cebuano na ‘sulog’ na ngangahulugan na “like Water current movement” sa Ingles.
23 Pilipinas
Ang sayaw sa Sinulog ay binubuo ng dalawang hakbang pauna at isang hakbang naman patalikod, habang kasabay ang tugtog ng dram. Ang sayaw na ito ay kinategorya bilang Sinulog-base, freeinterpretation, at street dancing. Samantalang ang mga nagbebenta naman ng mga kandila sa Basilika ay patuloy pa rin sa pagtatanghal ng tradisyunal na bersyon ng sayaw, kaalinsabay ng kanta sa kanilang lengguwahe. Bilang karagdagan, ang Sinulog ay ay insinasayaw upang bigyang parangal ang Señor Santo Niño, batang
imahe ni Hesukristo na sinasabing regalo na bigay ni Ferdinand Magellan Hara Amihan nong Abril ng 1521. Ang sinasabing imahe ay pinapaniwalaang nagtataglay ng himala at ngayon ay matatagpuan sa Basilica Minore del Santo NiĂąo sa Cebu. Habang ang sayaw naman na itinatanghal sa Sinulog ay tila ginagaya ang galaw ng tubig sa ilog Pahina (Pahina River) na matatagpuan din sa Cebu City. Ang mga dance steps daw na ito ay nagmula pa kay Baladhay, adviser ni Rajah Humabon. Sa kasalukuyan, ang Sinulog ay sumisimbolo ng pagtanggap ng mga Pilipino ng relihiyong Kristiyanismo.
24 Pilipinas
PILIPINAS kong mahal
TOMO 1 | BILANG 1
25
PAGKAIN SA CEBU
LECHONG CEBU
I
nasal ay isang Cebuano term para sa Lechon. Maaari itong maging Inasal na Manok o Inasal na Baboy ( Lechon Manok o Lechon Baboy). Ang Cebu ay ang nag iisang lugar sa Pilipinas na pinaka-sikat pagdating sa Lechon dahil sa kakaibang lasa ng kanilang produkto. Kung ito ay iyong titikman ay nais mong bumalik balik sa Cebu para sa kanilang Lechon. Kakaiba ang lasa at walang kapantay.
Inasal 26 Pilipinas
https://kultura.food.blog/2019/02/19/mga-sikat-na-pagkain-sa-cebu/
PILIPINAS kong mahal
TOMO 1 | BILANG 1
27
KASAYSAYAN, KASUOTAN, SAYAW
MASSKARA FESTIVAL
P
ista ng MassKara o mas kilala bilang MassKara Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-4 na linggo ng buwan ng Oktubre sa Bacolod.
Ang salitang Masskara ay nanggaling sa mga salitang mass (a multitude of people) at salitang Kastila na cara (face). Ito rin ay galing sa salitang Pilipino na maskara na ginagamit at ibinibida sa pistang ito. Samantalang ang Bacolod naman ay tinaguriang “City of Smiles� ng bansa.
Mass kara
Nagsimula ang pista na ito nong nagkaroon ng krisis noong 1980. Noon namang nakaraang taong 2019, ipinagdiwang ang ikaapat na pung taong pagsasagawa ng Masskara Festival na tinawag na Ruby Festival.
28 Pilipinas
29 Pilipinas
Mga Kag
ganapan
Samu’t sari ang mga nagaganap sa araw ng pagdiriwang ng Masskara Festival. Isa na rito ay ang street dance competition kung saan nagpapagalingan ang mga kalahok sa pag-indayog habang suot-suot ang kani-kanilang mga nakangiting maskara ang nagtitingkadang mga kasuotan habang sa hymno ng musikang Latin. Isa rin sa mga pinakakaabangan ay ang MassKara Queen beauty pageant na nagpapasiklaban naman sa ganda’t talino. Carnivals, Bugle Corps Competitions, Food Festivals, Sports Event, Musical Concert, Agreiculture-Trade Fairs, Garden Shows ay ilan lamang sa mga aktibidades na nagaganap tuwing Masskara Festival.
30 Pilipinas
PILIPINAS kong mahal
TOMO 1 | BILANG 1
31
PAGKAIN NG BACOLOD
MASSKARA FESTIVAL
Half-Moon Cakes H indi ka magsisisi na kumagat sa specialty ni Pendy, ang Half-Moon Cakes-ang kanilang trademark light at malambot na gintong sponge cake ay natatakpan sa creamy egg custard at seryosong nakakahumaling.
Piaya
A
ng orihinal na crispy piaya ay hindi katulad ng piaya na mahahanap mo sa mga istante ng supermarket. Ang tradisyunal na piaya ay isang simple ngunit masarap na gamutin na gawa sa harina at muscovado (hindi nilinis na asukal). Hindi tulad ng mas makapal, iba’t ibang chewier na maaaring nasubukan mo dati, ang piaya ng Bailon, ay mas payat, halos mala-manipis, at pinahiran ng tamang dami ng muscovado.
https://dealgrocer.com/dgtraveler/articles/more-than-inasal-10-other-must -try-delicacies-in-bacolod-5b3490323720645682000035
32 Pilipinas
PILIPINAS kong mahal
TOMO 1 | BILANG 1
33
KASAYSAYAN, KASUOTAN, SAYAW
SUBLIAN FESTIVAL
H
indi rin naman magpapahuli ang mga Batangueño sa
sayawan at pista. Habang suot-suot ang pambansang kasuotan ng Pilipinas, umiindayog naman ang mga mananayaw sa sayaw na Subli.
Ipinagdiriwang ang Sublian Festival sa araw mismo ng pagkakatatag ng lungsod ng Batangas tuwing buwan ng Hulyo. Ang pistang ito ay naglalayong buhayin muli ang kulturang Batangueño lalo na ang pagsasayaw ng Subli at pagbibigaypuri rin sa Sto. Niño the Child Jesus ng Batangas at sa Holy Cross of Bauan and Agoncillo.
Sublian Festival
34 Pilipinas
Sayaw na Subli
35 Pilipinas
Sinasayaw ang Subli bilang ‘worship dance’ bilang pagbibigay papuri sa Holy Cross. Ang nasabing cross ay natagpuan noong panahon ng Kastila na bayan ng Alitagtag at ito ay naging patron ng bayan ng Bauan. Ang subli naman ay naging lokal na sayaw ng probinsya ng buong Batangas. Ang sayaw ng subli ay binubuo ng mahahabang dasal, kanta, at dalawa hanggang walong pares ng mananayaw. Ang mga mananayaw ay naksuot ng lokal na damit at sombreong pangsubli bilang simbolo ng pagiging Batangueño.
Sinimulan ang Sublian Festival noong Hulyo 23 taong 1988 ng dating Mayor ng lungsod na si Eduardo Dimacuha na may layuning buhayin at ipakilala sa kabataan ang kultura ng lalawigan lalo na ang sayaw na Subli, pati na rin ang paigitingin ang relasyon ng mga BatangueĂąo sa Katolisismo. Sa kasalukuyan, ang
Sublian Festival ay hindi lamang sakaw at kanta ang ibinibida kung ‘di pati rin ang indegenous games, Haransa, Lupakan o paggawa ng BatangueĂąo snack na nilupak, at isang event kung saan nagsasalosalo sa pagkain ng Nilupak kasabay ang pagtugtog ng mga folk song at sayaw.
36 Pilipinas
PILIPINAS kong mahal
TOMO 1 | BILANG 1
37
PAGKAIN NG BATANGAS
NILUPAK
S
a paglipas ng panahon, nagkaroon ng iba’t ibang bersyon ang nilupak. Nagsulputan na rin ang iba’t ibang recipes. Merong may pinipig, minsan may latik, at kung anu ano pang mga toppings gaya ng keso na mas magpapasarap dito. Mas naging madali na rin ang paggawa nito, good bye lusong na tayo dahil sa makabagong teknolohiya.
May dalawang uri ng nilupak, merong nilupak na kamote (usually kamoteng kahoy) at nilupak na saging na saba. Gumagamit ng lusong (huge wooden mortar and pestle) sa paglulupak. Gamit ang mabigat na lusong na ito, binabayo ang nilagang kamote o saging para mas maging pino. Inihahalo na rin minsan ang mantikilya, gatas at asukal para mas luminamnam.
Nilupak 38
Pilipinas http://www.wowbatangas.com/features/tara-tayoy-maglupak/
References https://news.mb.com.ph/2019/01/13/the-ati-atihan-of-devotionand-free-flowing-drinks-in-kalibo/ http://www.ichcap.org/eng/ek/sub3/sub2.php https://books.google.com/books?id=cxzHq4SmCucC https://panagbengafestival.com/ http://services.inquirer.net/mobile/08/01/31/html_output/ xmlhtml/20080126-115006-xml.html http://www.bulatlat.com/news/3-2/3-2-panagbenga.html http://www.sunstar.com.ph/static/bag/2007/11/30/news/ panagbenga.2008.launched.html https://www.bacolodlifestyle.com/masskara-festival-schedule-ofactivities/ https://www.experiencenegros.com/bacolod-masskara-festival https://www.experiencenegros.com/don-juan-tragedy/ https://www.thehappytrip.com/2016/09/bacolod-masskarafestival-schedule/ http://www.rappler.com/newsbreak/iq/119173-fast-facts-sinulogfestival https://www.everythingcebu.com/attractions/festivals/top-sinulogparties/ http://cebu.sunstar.com.ph/sinulog/history/#sthash.ZfFOEFk0.dpuf https://news.mb.com.ph/2018/01/14/all-systems-go-forsinulog-2018 https://www.philstar.com/the-freeman/cebunews/2017/01/13/1661805/devotee-city-opens-today https://cebudailynews.inquirer.net/80475/city-hall-clearscompania-maritima-lot-for-devotee-city https://www.pressreader.com/philippines/the-freem an/20190117/281569471903272 http://manilastandardtoday.com/news/-main-stories/topstories/167030/-bypassed-cebu-to-hold-grand-sinulog.html https://www.myresortsbatangas.com/sublianfestival/#:~:text=Sublian%20sa%20Batangas%20is%20a,Cross%20 of%20Bauan%20and%20Agoncillo. http://batangascity.gov.ph/bats2/?page_id=832
Sa pagsisiyasat ko sa mga selebrasyon at pagdiriwang sa ating bansa ay marami akong napagtanto. Sadyang napakaganda talaga ng ating kultura at kung ito ay lubos na pahahalagahan ay tiyak na mas kukulay pa at mas titingkad pa ang mga kaganapan sa mga pistang ito. Bilang Pilipino, ako ay lubos na namangha sa angking mga pista na ibinibida ng ating bansa. Sa bawat pagdiriwang ay may kwento at kasaysayan na sadyang kawili-wiling alamin at usisain. Ngayong nagkaroon ng pandemya, ang mga kasiyahang ito ay tila naglaho. Ang mga tugtugan ay naging katahimikan, ang pagsasama ng mga dayuhan at lokal ay hindi makamtan, ang magagarbong kasauton ay hindi na naisuot, sadyang nakapanlulumong isipin na sa isang bula ang mga natatanging pistang ito ay napigilan ng isang pandemya. Sa kasalukuyan, lungkot ang nangingibabaw sa ating mga kababayan pati na rin sa akin kaya napakalaking kawalan sa atin ang pagkatigil bigla ng mga ganitong selebrasyon sa ating komunidad. Gusto ko lumabas, makisayaw sa tugtog, kumain ng lokal na produkto, at makilahok sa mga iba’t ibang kompetisyon ngunit tila tumigil nga ang mundo ngayong may pandemya. Ngunit alam kong pagsubok lamang ito sa ating Pilipino sapagkat ang lahi natin ay hindi nagpapatalo sa anumang sakunang dumadating sa ating bansa. Naniniwala pa rin ako na manunumbalik ang mga ganitong kasiyahan at makakasabay muli ang ating napakakulay at marikit na kultura sa agos ng buhay. Pandemya lang iyan, Pilipino tayo. Ang mga selebrasyon natin ay hindi basta-basta matitigil ng anumang sakuna.
Ronel Andrew Tolentino
REPLEKSYON
PATNUGUTAN Punong Patnugot Katulong na Patnugot Patnugot sa Pagkuha ng Litrato Patnugot sa Pagsulat ng Artikulo Patnugot sa Pagdidisenyo
Ronel Andrew Tolentino Ronel Tolentino Andrew Tolentino Ron Drew Tolentino Ant Tolentino
Reserbado ang lahat ng karapatan 2020
PILIPINAS kong mahal