Ang Pluma

Page 1

05

12 3 DCNHSians sumisid ng 16 medalya

07

02

Pluma: Pantabas ng Sungay

DCNHS inilunsad OHSP para sa 29 bilanggo

Buhay sa Likod ng Rehas

Pangisdaan ng Dapitan, pagyayamanin Sa ika-50 taong pagdiriwang ng Fish Conservation Week

Mangrove Planting isinagawa, 23 mag-aaral ng DCNHS nakiisa Janet T. Jardin

Kaalinsabay sa gintong anibersaryo ng Fish Conservation Week, pinagyaman ng Lungsod ng Dapitan ang pangisdaan nito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga makabuluhang proyekto mula Okt. 13 hanggang 19.

Sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Rehiyon IX at Kagawaran ng Agrikultura, isinagawa ang pagpapakawala ng binhing alimango sa Dapitan AquaMarine Park (DAMPA) at sa Ilog ng Dapitan at Pulauan; pagpupulong na nagtalakay sa kahalagahan ng mangroves, corals at marine sanctuary; pamamahagi ng sampung pump boats; seminar sa paggawa ng sardinas; paglilinis ng dagat at ilog, at pagsasanay sa pangangalaga ng alimango. Kaugnay nito, 23 magaaral ng Engineering and Science Education Program (ESEP) ng Dapitan City National High School (DCNHS) ang nakiisa sa pagtatanim ng bakawan sa Barangay Tag-ulo, Okt. 17. Mahigit 11 libong mangrove propagules ang itinanim ng mga kalahok sa pangunguna ni Jennie T. Navaja, koordineytor ng ESEP at guro ng Biotech ng DCNHS kasama ang prinsipal na si Sherlito E. Sagapsapan, ilang piling guro ng paaralan, mga miyembro ng Philippine

Coast Guard (PCG) at ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group. Layunin ng aktibidad na maisulong ang pagpaparami ng mga mangrove na tirahan ng mga isda at iba pang organismo sa dagat at maituro sa mga kabataan ang kahalagahan ng pangangalaga sa pangisdaan na bahagi ng kalikasan. Ang pagtatanim ng bakawan ay naaayon din sa utos ng Malacañang upang mabawasan ang banta ng storm surge gaya ng pinsalang idinulot ng bagyong Yolanda. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Pangisdaang Pinagyaman Ngayon: Henerasyong Sagana sa Panghabang Panahon.” Katatandaang ang Fish Conservation Week ay naisabatas sa bisa ng Presidential Proclamation No. 176 at nakasaad sa

Fisheries Code of the Philippines (RA 8550) ang pagpapalawig ng kabatiran upang mapanatili at mapangalagaan ang pangisdaan at mga yamang-tubig sa bansa.

Sarah Mae Jaralve Tumanggap ng karagdagang ₱4.5 bilyong pondo ang Department of Education (DepEd) para sa pagpapaayos ng mga silid-aralan at pagpapatayo ng mga pasilidad sa kalinisan, ayon sa Department of Budget and Management (DBM). Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, ang pondo ay itinaong mapalabas noong nagbukas ang pagsukan sa Hunyo 3, alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na mapabuti ang kalidad ng pampublikong edukasyon sa bansa. “Ang karagdagang ₱4.5 bilyon ay gagamitin sa pagkukumpuni ng mga silid-aralan, kabilang na ang pagpapatayo

ng water sanitation facilities sa elementarya at sekundaryang pampublikong mga paaralan sa bansa,” pahayag ni Sec. Abad. Dagdag pa ng kalihim, sa pag-uumpisa ng pasukan noong Hunyo, sinisikap ng DepEd na mapalapit sa layuning pagbutihin ang sistema ng pampublikong edukasyon. Sa kabuuang ₱4.5B, ₱1.1B ang gagamitin para sa pagpapanatili ng mga silid-aralan at ₱3.4B para sa mga pasilidad pangkalinisan kung saan ang nasabing halaga ay alinsunod sa pondo ng DepEd para sa pangunahing pasilidad pang-edukasyon sa ilalim ng 2013 General Appropriations Act. Ayon pa rin kay Abad,

maliban sa adhikaing makapagpatayo ng maraming silid-aralan at matugunan ang sapat na mga kagamitan at guro sa pampublikong paaralan, layunin din ng DepEd na mamuhunan para sa kalusugan at kaayusan ng mga mag-aaral sapagkat ang pagkakaroon ng malinis na water facilities ay makatutulong upang maiwasan ang mga karamdaman sa mga paaralan. Katatandaang ang DBM ay nag-apruba rin ng 61,510 bagong teaching positions upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa guro ng pampublikong elementarya at sekundaryang paaralan sa buong bansa.

Mariele C. Sagario Puspusang paghahanda. Masidhing determinasyon. Malalim na pananalig sa Diyos. Ito ang naging susi ni Maria Pamela C. Bation, mag-aaral ng Dapitan City National High School (DCNHS), sa pagkapanalo ng ikalawang gantimpala sa Pambansang Paindis-indis Talino sa Sagisag Kultura na ginanap sa UP Visayas, Lungsod ng Iloilo noong Nobyembre 13. Sa pagsasanay ni Evelin E. Luzarita, guro sa Filipino III, muntik nang makuha ni Bation ang ginto matapos nagtala ng 37 puntos samantalang 39 puntos ang nakuha ng nagkamit sa unang gantimpala mula sa Rehiyon XI sa Davao at 33 puntos naman ang naitala ng KATAS NG TAGUMPAY. Buong kagalakang ibinandera ni Ba- nasa ikatlong puwesto mula sa Rehiyon V sa Bition ang natamong tropeo sa col. Pambansang Paindis-indis Kasama ni Bation si Alessandra Talino sa Sagisag Kultura. Eguia, mag-aaral sa ikaapat na taon ng Jose

Rizal Memorial State University (JRMSU) Corporate High School na tumanggap ng ₱10K perang gantimpala, tropeo at sertipiko. Bilang pagpupugay sa tagumpay na nakamit, inilibot si Bation at Eguia sa Dapitan sa isang motorcade noong Nobyembre, 15. Layunin ng patimpalak na mapalawak ang diseminasyon ng kaalaman at pagunawa sa mga sagisag kultura (cultural icons) at malinang sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa mga sagisag kultura bilang representasyon ng lahing Filipino nang sa gayon ay mabuo sa kasalukuyang henerasyon ang pagmamalasakit at preserbasyon ng mga ipinagmamalaking yaman ng ating kaligiran.

DepEd tumanggap karagdagang ₱4.5B pondo

www.philstar.com

Bation, nagwagi ng pilak sa Pambansang Paindis-indis Talino

ALAY SA KALIKASAN. Masigasig sa pagtatanim ang mga mag-aaral ng ESEP kasama si Sherlito Sagapsapan, punungguro (ikaapat sa kaliwa) at Jennie Navaja, guro sa Biotech (pinakaharap) ng DCNHS.

Tagapangulo ng KWF naging Susing Tagapagsalita Jurelle Gahisan Naging susing taagapagsalita sa 2013 Talakayan ng Ortograpiyang Pambansa ang Pambansang Alagad ng Sining at kasalukuyang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, Virgilio S. Almario sa Jose Rizal Memorial State University Audio-Visual Hall noong Oktubre 4-6. Nilahukan ng 103 gurong nagtuturo ng Filipino sa elementarya, sekundarya at kolehiyo ng Rehiyon IX kabilang na ang Sukat at Talinghaga kung saan limang guro sa Filipino ng Dasumailalim sa pagsasanay sa pitan City National High School pagsulat ng tulang may tugma at (DCNHS) na sina July Saguin, sukat ang mga gurong kalahok. Evelin Luzarita, Mira Esmade, “Mapalad kaming mga Irene Calasang, at Gilyn Carrekalahok dahil nabahagian ng on ang nasabing pagpupulong. ginintuang kaalamang mahalag Ibinahagi naman ng ang taglayin ng gurong nagtutupremyadong manunulat na si Dr. ro ng Filipino,” pahayag ni Gng. Edgar C. Samar ng Linangan sa Saguin, koordineytor sa Filipino Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) ng DCNHS. ang paksang “Sining ng Tugma,

Kawalan ng interes sa pagbabasa; Suliraning dapat bigyang pansin 7 sa 10 mag-aaral, walang interes sa pagbabasa ng libro

Ma. Shelda B. Ecasama oras ang ginugugol ng kabataan ngayon sa gawaing online kay Sa makabago nating sa pagbabasa ng libro, ayon sa panahon ngayon na dala ng pag-aaral ng Department of Edteknolohiya, malaki ang ambag ucation. na impluwensiya ng world wide Apat naman sa limang web o internet sa kawalan ng mag-aaral ang naginteres sa pagbabasa ng mga kabataan Pagsusuri sasabing mas gusto nilang magsaliksik ngayon. sa internet kaysa magbasa ng Sa isinagawang malaylibro. ang sarbey ng patnugutan ng Isinagawa ang pagsusu‘Ang Pluma’, lumalabas na 70 ring ito bilang bahagi ng nalalapit bahagdan sa 500 na mag-aaral na pagdiriwang ng National ang gumagamit ng internet biReading Month na layuning palang sanggunian at pantugon siglahin muli ang pagmamahal sa mga gawaing pampaaralan. sa pagbasa sa gitna ng moderno Kaugnay naman nito, nating panahon ngayon. tinatayang mas maraming


02

DCNHS inilunsad OHSP para sa 29 bilanggo Sarah Mae A. Jaralve

EDUKASYON PARA SA LAHAT. Tinuruan ni Rene Acabal, OHSP Koordineytor ang mga preso sa Dapitan City Jail.

Anti-bullying law nilagdaan; DCNHS paiigtingin kampanya laban pang-aalaska Angel Lee J. Padillo Paiigtingin ng Dapitan City National High School (DCNHS) ang nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong Setyembre 12 na Republic Act No. 10627 o kilala bilang Anti- Bullying Act of 2013. Sa pakikipanayam kay Christine Jera E. Quines, pangulo ng SSG, lumikha ang samahan ng komite na mangangasiwa sa pagpapalaganap ng kabatiran sa mga mag-aaral ukol sa pang-aalaska at mga hakbang ng pagsugpo nito maging ang paglalagay ng booth na maaaring masumbungan ng mga mag-aaral na biktima upang maidulog ang kaso ng pang-aalaska at maipasa sa Guidance Office para sa karampatang aksiyon. Ayon sa Guidance Counselor ng DCNHS na si Cora S. Palmere, hakbang ng kanyang tanggapan na dadaan sa counseling hindi lamang ang mga magaaral na naalaska kundi maging

ang mga nang-alaska. Sa pagsisiyasat ng “Ang Pluma” sa Tanggapan ng Guidance Counselor, umabot sa mahigit 20 na ang kaso ng pang-aalaska ang naitala mula Hunyo hanggang Oktubre ngayong taon. Paliwanag ni Palmere, gagawa rin ng hakbang ang pamunuan ng DCNHS upang mapatawan ng parusa ang mga napatunayang lumabag sa batas laban sa pang-aalaska lalo na sa mga mabibigat na kaso. Kaugnay nito, ipinadala ng paaralan sina Cykee Hanna Q.Lumongsod at Angel Lee J. Padillo sa “Student and Pupil Government Leadership Training: Special Course on Integrating Leadership Values to Fight Against Bullying”, na may temang: “I am a Pupil; I am a Student: The End Of Bullying Begins With Me.” noong Agosto 24-25 sa Travel Bee Heritage Inn kung saan napanalunan ni Lumongsod ang unang puwesto sa poster making contest.

English Dep’t.pinalawig programa ng DepEd ‘Balik kawilihan sa pagbabasa’

Janet T. Jardin Upang mapalawig ang programa ng DepEd na pagdiriwang sa Nobyembre bilang National Reading Month, naglunsad ang English Department ng Dapitan City National High School (DCNHS) ng paglilikom-pondo na “Walk for a Nook” noong Oktubre 25. Sa pangunguna ni Ursulita A. Rafanan, pampaaralang koordineytor sa English at sa pakikipagtulungan ng mga guro, nakalikom ng ₱50,000 ang departamento na gugugulin sa

BAYANIHAN. Magkaagapay sa pagmamasa ng semento sina Sherlito E. Sagapsapan, punungguro (kanan) ng DCNHS at Lindo O. Adasa, Jr., Head Teacher ng Talisay Extension (kaliwa) sa ipinatayong reading center.

pagpapatayo ng reading center na paglalagakan ng mga babasahin lalo na sa Ingles. Sa pakikipanayam kay Rafanan, inihayag nitong isasagawa ng English Department ang nakalinyang gawain na inilabas ng DepEd tulad ng Read-a-Thon, na naglalayong madiskubre ang magagaling na mambabasa sa klase; ang Drop Everything and Read (DEAR) Program kung saan ang mga mag-aaral ay may 15 hanggang 20 minuto na pagbasa bawat araw; at ang programang readers’ mentoring kung saan a n g mga nakatatandang mag-aaral ay hinihikayat na tumulong sa mga may kahirapang bumasa. Paliwanag ni Rafanan, ang pagkakaroon ng reading center ay mabisang hakbang upang mapalawig ng paaralan ang Memorandum blg. 244 na naglalaman ng nakahanay na mga gawaing pagbabasa bilang bahagi sa hakbang ng DepEd na pasiglahin ang pambansang programang “Every Child a Reader”.

Ang edukasyon ay hindi pribilehiyo kundi isang karapatan. Ito ang tinatamasa ng 29 bilanggo ng Dapitan City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos ilunsad ng Dapi-

tan City National High School (DCNHS) ang Open High School Program (OHSP) na bukas hindi lamang sa mga nahihirapang estudyanteng makapag-aral ng regular. Nilahukan ng City Jail Warden, Nathaniel L. Aljas; Chairman of the Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod ng Dapitan, Hermilo R. Hamak; Education Program Supervisor ng Sangay, Ma.Liza R. Tabilon; at ng Prinsipal ng DCNHS na si Sherlito E. Sagapsapan ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Setyembre 12. Sa 29 bilanggo, 11 ang nasa Grade VII, 10 ang nasa Grade VIII, lima sa ikatlo at tatlo

sa ikaapat na taon na tuturuan ng 18 guro ng DCNHS. Bukod sa 29 na preso, may 44 na mag-aaral na walang kakayahang makapag-aral ng regular ang nagpatala sa OHSP kung saan 11 ang nasa Grade VII, 11 sa Grade VIII, 7 sa ikatlo at 15 sa ikaapat na taon. “Aasahang ang programa ay magiging tugon upang magkaroon ng zero drop-out ang DCNHS. Layunin ng programa na mabigyang pagkakataon ang lahat ng mga nahihirapang makapag-aral ng regular na makatapos ng sekondarya sa labas ng pormal na istruktura ng pag-aaral,” pahayag ni Rene Acabal, koordineytor ng OHSP sa paaralan.

Pinas, panlima sa global gender equality DCNHS nakilahok sa kampanya; GAD seminar isinagawa Llana Marie J. Cuartero Sa wakas, nagbunga na rin ang pagpupunyagi ng Pilipinas sa pagsulong ng pagkapantay-pantay ng lahat. Nanguna ang Pilipinas sa Asya at panlima sa buong mundo kung gender equality ang pag-uusapan, ayon sa pinakabagong taunang gender equality focused na ulat ng World Economic Forum (WEF). Napaganda ng bansa ang record nito matapos maiangat sa panglima ang karangalan mula sa pangwalo sa nakaraang taon matapos tumala ng makabuluhang pagbabago sa apat na mahahalagang salik:

economic equality, political participation, health and survival, and educational attainment. Tinatayang may 136 na bansa na sinuri kung saan nanguna ang Iceland, pumangalawa ang Finland, pumangatlo ang Norway at pumang-apat ang Sweden. Kaugnay nito, pinaigting naman ang kampanya sa gender equality sa lahat ng 38,503 paaralan sa elementarya at 7410 sekundaryang paaralan sa Pilipinas na naging susi ng bansa sa tagumpay. Katatandaan na ipinapaturo ng Department of Education ang gender equality at women empowerment bilang bahagi

ng mga asignatura sa paaralan upang simulang magising ang kamalayan ng mga kabataan sa mura nilang edad ang kahalagahan ng pagkapantay-pantay ng lahat sa kasarian. Isinusulong din ng Dapitan City National High School (DCNHS) ang gender equality sa pamamagitan ng pagsagawa ng Gender and Development Seminar na idinaos noong Oktubre 30-31 na dinaluhan ng mga guro ng paaralan. Tinalakay sa nasabing seminar ang human sexuality, sexual health and reproduction, personal safety lessons at violence against women and children.

60th ZANDIDAP Urban Scout Jamboree, idinaos

32 iskawts ng DCNHS, namakyaw ng parangal Julinae Jane D. Sagapsapan Upang mahasa ang talino, galing at kakayahan ng mga kabataan sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan, idinaos ang 60th Zamboanga del Norte, Dipolog at Dapitan (ZANDIDAP) Urban Scout Jamboree sa Zamboanga del Norte Sports Complex sa Lungsod nng Dipolog noong Nobyembre, 13 – 17. Dinaluhan ang nasabing jamboree ng mga mag-aaral mula sa elementarya at sekundaryang paaralan na sakop ng tatlong sangay ng Rehiyon IX. Kaugnay nito, 32 iskawts, dalawang outfit advisors na sina Marvin Jauculan at Bernabe Borgonia at isang scouting coordinator na si Rene Acabal, ang dumalo mula sa Dapitan City National High School na nagpakitang gilas sa iba’t ibang patimpalak kaugnay sa pagtitipong ito. Napagwagian ng DCNHS ang siyam na parangal kabilang na ang Best in Musical Production, Best in Street Dancing,

PAGSASAGIP BUHAY. Nagpakitang gilas ang mga batang scout ng DCNHS sa pagbibigay ng paunang lunas.

at Best in Costume sa ginawang Streedancing and Showdown Competition. Tinanghal ding kampeon ang DCNHS sa Sub-Camp 4 Campfire Presentation at Overall Champion sa Grand Campfire Presentation. Nakamit din ng delegasyon ng DCNHS ang parangal bilang Most Coordinated Group, Most Skillful Talent, Most Coordinated Individual/Group sa Traffic

Dancing, Most Artistic at Best in Communication Skills sa ipinakitang magaling na Community relationship. “Ang nakamit na tagumpay ng ating mga batang iskawts ay patunay lamang na nagbunga ang lahat ng mga pagpupunyagi ng paaralan sa pakikipagtulungan sa mga guro, mag-aaral at magulang,” ani Acabal sa isang panayam ng pamahayagan.

Pag-aaral: Adik sa internet dumaranas ng withdrawal syndrome Jeremie J. Sibal Lumalabas sa bagong pag-aaral na ang labis na paggamit ng internet sa sandali nang pagtigil ay dumaranas ng withdrawal syndrome gaya ng mga gumagamit ng droga. Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa Unibersidad ng Swansea at Milan sa United Kingdom, ang pinakaunang pagsasaliksik na agarang nag-uugnay sa negat-

ibong epekto sa isipan ng labis na paggamit ng internet. Isinagawa ang pag-aaral sa 60 boluntaryo na nasa edad 25 na sumailalim sa pag-aaral upang matukoy ang antas ng paggamit ng internet partikular na ang antas ng pagkagumon at ang pinsalang dulot nito sa pakikipagkapwa at hanapbuhay. Matapos patigilin sa 15 minutong paggamit ng kinahiligang site sa internet ang 60

boluntaryo, lumalabas na nakaranas ng pagtaas ng negatibong mood o lagay ng loob ang mga naunang boluntaryo na may indikasyon ng pagkalulong sa internet. Napag-alaman na ang mga gumon na sa pag-iinternet ay walang ipinagkaiba sa nararanasan ng mga naging adik sa ipinagbabawal na gamot na ecstacy.

(www.bbc.co.uk)


03

upang makapagPatayo ng Audio-visual room

SAMAGFIL lumikom ₱53K Mary Connie T. Sanico

Lumikom ng ₱53K pondo ang Samahan ng mga Magaaral sa Filipino (SAMAGFIL) ng Dapitan City National High School (DCNHS) sa isinagawang kauna-unahang Lakan at Lakambini ng Lahi 2013. Nanguna sa 50% na perang nalikom ang lakan ng ikawalong baitang na si Ian Kaye C. Agalot na nakalikom ng P9,908.00 at lakambini ng ikaapat na taon na si Elren B. Bagon na nakalikom ng P9,027.00 halaga sa huling bilangan na ginanap sa Silid-aklatan ng DCNHS, Agosto 30. Pumangalawa si Archie Lloyd Melendrez, ang lakan

ng ikaapat na taon na lumikom ng P9,530.00 at lakambini ng ikapitong baitang na si Jamaica B. Saguin nakalikom ng P4,964 habang nasa pangatlong puwesto ang lakan ng ikatlong taon na si Laurence Carl B. de Guzman na may nalikom na P3,075.70 at lakambini ng ikawalong baitang na si Jonalyn T. Benida na may nalikom na P3,958.75. Sa pangkalahatan, tinanghal na kauna-unahang Lakan at Lakambini ng Lahi sina Archie Lloyd Melendrez at Elren B. Bagon, kapwa mag-aaral sa ikaapat na taon matapos ang 50% na patalbugan ng ganda’t talino noong Setyembre 2 sa Mango Park ng DCNHS.

Enrolment ng DCNHS tumaas 8% James Ryan C. Delabajan

Tumaas ng walong porsiyento ang enrolment ng Dapitan City National High School (DCNHS) ngayong taong panuruan 2013-2014 kumpara sa nakaraang taon ayon sa pagsusuri ng “Ang Pluma” sa pampaaralang tanggapan ng School Planning. Sa pakikipanayam sa naitalagang School Planning Officer, Vina S. Baes, sinabi niyang malaki ang pag-angat sa enrolment rate ng paaralan ngayong taon kung ikukumpara sa nakaraang taon. Batay sa enrolment records, nakapagtala ng 1,719 bilang ng mga mag-aaral habang umabot sa kabuuang 1864 magaaral ang nagpatala ngayong taon kung saan 568 ang nasa

ikapitong baitang, 454 ang nasa ikawalong baitang, 432 ang ikatlong taon at 415 ang nasa ikaapat na taon. Ayon kay Baes, ang paglipat ng mga mag-aaral mula pribadong paaralan at ang mahusay na pamamahala sa paaralan ang naging dahilan ng pag-usad ng populasyon sa taong ito. Ipinahayag din ni Baes na ang patuloy na pagtaas ng populasyon ng DCNHS ang dahilan kung bakit nadagdagan ng walong bagong guro ang paaralan para ngayong taong panunuran. Sa paglobo rin ng populasyon, dadagdagan ang mga silid-aralan ng paaralan upang mabigyang-lugar ang lahat ng mag-aaral.

Layunin ng aktibidad na makalikom ng sapat na pondo upang makapagpapatayo ng Audio-visual room sa paaralan. Naisakatuparan ang nasabing gawain sa pangunguna ni July G. Saguin, pampaaralang koordineytor sa Filipino sa tulong ng mga guro.

MASINSINANG BILANGAN. Seryosong nagbibilang sa mga perang nalikom ang mga guro sa Filipino sa huling canvassing ng Lakan at Lakambini ng Lahi.

Pagbabasa na may kawilihan, susi sa ikagaganda ng marka sa paaralan, ayon sa pag-aaral

Larra Mae O. Solatorio Napatunayan sa isang pag-aaral na ginawa ng University of London’s Institute of Education (IOE) na ang mga kabataan na nagbabasa ng may kawilihan ay mas maganda ang performance sa paaralan. Sinuri nina Dr. Alice Sullivan at Matt Brown ang mga kabataang may edad 10-16 at napatunayang malaki ang epekto ng pagbabasa na may kawilihan o pleasure reading sa paghahasa ng utak o cognitive development. Napag-alaman din sa pag-aaral na ang kabataan na

6 na DCNHSians umani ng parangal sa Buwan ng Wika Eljean Laclac Muling naibandera ang Dapitan City National High School (DCNHS) nang umani ng parangal ang anim na magaaral ng paaralan sa pansangay na patimpalak na ginanap sa Da-

pitan City Central School at Dapitan City Experimental School noong Agosto 30 kaalinsabay sa pagdiriwang ng Buwang Wikang Pambansa. Sa pagsasanay ni July G. Saguin, guro sa Filipino sa ikaapat na taon nagkampeon

MGA APO NI BALAGTAS. Bigay-todo sa pagbabalagtasan sina Fred John Caidic (kaliwa), Maricon Bobiles (gitna), at Herard Mandantes (kanan) sa Buwan ng Wika.

2 Mag-aaral sa HS kampeon sa Int’l Trade Challenge sa HK

Llana Marie J. Cuartero Iba talaga ang galing ng Pinoy! Tinanghal na kampeon ang dalawang Pinoy high school students sa FedEx – Junior Achievement International Trade Challenge sa Hong Kong noong Agosto 19-22 . Sina Pamela Frances T. Gaw at Katrina L. Chan, kinatawan ng Immaculate Conception Academy Greenhills ay ginawaran ng titulong Entrepreneur of the Year sa tatlong araw na kompetisyon.

Pinahanga nina Gaw at Chan ang mga hurado sa kanilang proposal ukol sa pagbuo ng produkto o serbisyo para sa Argentinian market gamit ang resiklong jeans. Nakabuo ang koponan ng Pilipinas ng konsepto na EcoGear na binubuo ng mga resiklo, matitibay at abot-kayang mga kagamitang pampalakasan tulad ng goalie gloves, bola ng soccer at shin guards na angkop sa mga Argentinian na mahilig sa larong soccer. ( goodnewspilipinas.com)

sa talumpati si Lisette Joy Calasang, mag-aaral ng IV- Mendeleev nang talunin nito ang walong mananalumpati mula sa iba’t ibang paaralang sekondarya ng Sangay ng Dapitan. Pumangalawa si Pamela Bation, mag-aaral ng ikatlong taon sa siyam na kalahok sa Tagisan ng Talino kung saan si Evelin E Luzarita ang naging tagasanay. Pumangatlo naman si Jacinth Claire Cuevas ng ikapitong taon Grade VII sa pagsulat ng Alamat sa pamamatnubay ni Irene Calasang at sina Herard Mandantes, Maricon Bobiles at Fred John Caidic ng Grade VIII ay pumangatlo rin sa timapalak sa Balagtasan na sinanay ni Moises E. Eucogco. Tumanggap ng sertipiko at medalya ang anim na nagwaging DCNHSians sa patimpalak na may temang; “Wika Natin ang Daang Matuwid” para sa taong ito.

nagbabasa ng may kawilihan ay mas nagpapakita ng mabilis na pagkatuto at mataas na marka sa Mathematics, vocabulary at spelling kaysa mga kabataan na hindi masyadong nagbabasa. Inaasahan nina Sullivan at Brown na malaki ang magiging ambag ng pagbabasa sa vocabulary at spelling ngunit hindi nila inakala na malaki ang magiging epekto nito sa Mathematics. Ang kabataan din na palaging nagbabasa sa edad na sampu at isang beses kada linggo pagdating ng edad na 16 ay mas mataas ang marka kaysa mga kabataan na hindi nagba-

basa. Nakita rin na malaki ang nagagawa ng palagiang pagbabasa ng mga magulang sa kanilang anak sa edad na limang taon ayon pa rin sa nasabing pag-aaral matapos silang magpakita ng mataas na marka sa edad na 16 kumpara sa mga kabataan na hindi binabasahan ng mga magulang. Ginawa ang pag-aaral nina Dr. Sullivan at Brown na sumubaybay sa humigit kumulang 6,000 na kabataan mula pagsilang sa tulong ng Economic and Social Research Council ng United Kingdom. (www.ioe.ac.uk)

Sa lawak ng pinsala ng bagyong Yolanda

Dapitan pinaghahandaan posibleng kalamidad Jeremie J. Sibal Pinaghahandaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng lungsod ng Dapitan ang mga posibleng kalamidad sa pamamagitan ng binuong 2014 Disaster Risk Reduction Management Plan. Sa naganap na pagpupulong ng CDRRMC noong Oktubre 10 sa Dapitan City Government Center, inihayag ni Eng. Jeffrey Lasola, focal person ng nabanggit na plano na 70% ng 5% na Regular Income for calamity fund ay gagamitin sa pagbibigay ng training on basic life support and first aid, paghahanda sa mga medikasyon at pagkain sa mga biktima ng kalamidad, at maging sa pagbili ng mga life-saving equipment habang ang 30% ng Calamity Fund o Quick Response Fund ay gagamitin lamang sa oras ng kalamidad.

Iminungkahi ni Mayor Rosalina Jalosjos na liban sa mga aktibong emergency response team tulad ng React Shriners Group at ORACIS, kinakailangan ng lokal na pamahalaan na bumuo ng City Rescue Team at volunteers sa bawat barangay para sa agarang pagresponde sakaling may mangyayaring kalamidad. Ang nasabing pagtitipon ay nilahukan nina Psupt. Jerome D. Afuyog, chief of police; Lt. Aubrey Gale S. Maddul sa Philippine Army 101st Infantry Brigade; Insp. Ricardo I. Acaylar, city fire marshal; Dr. Rolito V. Cataluna, City Health Officer; Dr. Mark Ian L. Llagas, Health Emergency Management Staff (HEMS) Coordinator, DepEd Supervisor Germanico C. Malacat; React Shriners group chief Eleno M. Lasola; at ang mga may kaukulang personahe sa nasyonal at lokal na mga tanggapan.

aaral ang tinatayang nawalan ng tiwala sa kampanya ni PNoy na papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. “Naging kultura na ng pamahalaan ang pangungurakot kaya mahirap nang bunutin ang ugat ng katiwalian,” ani Christine Jera H. Quines, pangulo ng Supreme Student Council. Dagdag pa ni Quines na sa usad-pagong na hustisya sa bansa, manantiling mahirap papanagutin ang sinumang nagkasala sa batas lalo na kung

kilalang tao ang sangkot. Umabot sa apatnapung bahagdan sa 500 na mag-aaral na tinanong ang naniniwala sa kakayahan ng pangulo na maakay ang pamahalaan sa tuwid na daan. “Ang pagkakabunyag ng ₱10B scam kung saan sangkot ang limang senador at si Janet Napoles ay hudyat ng simula ng pagbagsak ng kurapsyon sa bansa,” sabi Mariele Sagario, pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino.

6 sa 10 mag-aaral ng DCNHS dismayado sa kampanya ni PNoy laban kurapsyon

Kayren Rachelle Rosas Sa gitna ng mala-sirko na kaganapan sa pag-iimbestiga sa P10B scam ng pork barrel o Priority Development Assitance Fund (PDAF), 60 bahagdan sa mag-aaral ng Dapitan City National High School ang dismayado sa kampanya ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III laban kurapsyon. Sa ginawang malayang sarbey ng patnugutan ng ‘Ang Pluma,’ anim sa sampung mag-


04

Pluma: Pantabas ng sungay

EDITORIAL

Naging marubdob ang adbokasiya ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III mula nang mailuklok sa puwesto na magkaroon ng tapat at malinis na panunungkulan sa lahat ng sektor ng pamahalaan. Dumagundong sa kaparangan ang kanyang adbokasiyang “Daang Matuwid” kung saan iilang personalidad ng pamahalaan ang naiharap sa hukuman upang mapanagutan ang mga katiwaliang ginawa lalo na ang pagsalaula sa kaban ng bayan. Ang pinakamaugong na kontrobersiya ngayon ay ang pork barrel scam o ang Priority Development Assistance Fund na umaabot sa ₱10B na kinasangkutan ng mga senador at mambabatas na umuukupa sa ginintuang upuaan ng pamahalaan. Ngayon higit kailanman, dahil sa pagpapanibagong pamumuno o transformational leadership ni PNoy ay nagkalakas-loob ang mga mamamahayag na gamitin ang pluma upang ilantad ang bulok na sistema ng pamahalaan at usigin ang mga dapat managot sa pangungulimbat sa kaban ng bayan maging ang mga ito ay nasa mataas na katungkulan. Kung matatandaan, nagawang mapatalsik si dating Pangulong Joseph Estrada sa pagtutulungan ng sambayanan sa paghahayag ng katotohanan at sa paglalakas-loob na tanggalin sa puwesto ang pangulo na taong-bayan mismo ang naghahalal. Nagawa ring mapatalsik sa tungkulin ang punong mahistrado ng Korte Suprema matapos mabunyag ang hindi maipaliwanag na ari-arian at kayamanan habang nasa katungkulan. Sa loob ng mahabang panahon, naging matagumpay ang iba’t ibang kampanya sa bansa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng makabuiuhang mga impormasyon sa tulong ng mga pahayagang pang-kampus. Kaya walang duda na ang pluma ang siyang sandata ng mga batang manunulat ngayon upang maitaguyod ang responsableng pamamahayag. Gamit ang pinakamatalas na pluma, ang mga mamamahayag ay makikipagdigma ngayon gaya ng mga nakalipas na panahon upang labanan ang laganap na katiwalian at tuluyang tabasin ang sungay ng iilang mapagsamantalang nanunungkulan na patuloy na nagpapahirap sa mamamayan.

Repormasyon ang kailangan

Magtanggol Gunigundo, ang House Bill No. 1333 na naglalayong alisin ang inilalaang 10 porEljean S. Laclac syentong alokasyon ng Internal Revenue Allot Yumanig sa ating liment (IRA) ng barangay para sa punan at lumikha ng malaSK, at itaas ang edad ng mga kas na lindol ang abolisyon ng maaaring opisyal at kasapi ng eleksyon ng Sangguniang KaSK, na mula sa kasalukuyang 15 bataan (SK) na patuloy na isa hanggan 17 anyos ay itaas sa 18 sa mga pinakamainit na isyu hanggang 21 taong gulang. ngayon. Malinaw na isang ma Sinasabi ng pamahasusing pagsusuri sa kalagayan laan na ang pagbuwag sa SK ng SK at pagsasaayos ng naay dahil na rin sa katotohanang turang sistema ang kailangan ng nagiging sanayan lamang ito ng pamahalaan upang maibalik ang mga tiwaling opisyal at political paniniwala sa SK bilang pamadynasty sa bansa. maraan upang maitaguyod ang Ngunit, hindi dapat ang representasyon ng mga kabatakabataan ang sisihin ng pamaan sa sistema ng pamahalaan. halaan, sapagkat hindi ang mga Kung kaya, nararakabataan ang tunay na problepat lamang na kumilos na ma kundi ang sistema mismo ng ang pamahalaan, ang mga kasalukuyang SK. Barangay Councils, ang De Matatandaang isa sa partment of Interior and Local mga pagkakamali ng kasulukuGovernment (DILG), at ang Nayang SK ay ang pagbibigay ng tional Youth Commission (NYC) karapatan sa mga kabataang upang gampanan ang nakaatang lider na humawak ng malaking na responsibilidad na gabayan pondo, gayong hindi sila maaaang mga kabataan at ibalik ang ring kasuhan kapag nagkaroon SK bilang institusyon kung saan ng anomalya dahil sa pagiging magsisilbi itong behikulo na menor de edad. maghihikayat sa mga nasasa Kaya naman nararapat kupan na makilahok at makialam ang inihain ni Valenzuela Rep. sa mga isyung panlipunan.

Pananaw

Nasaan ang Pork? Narito ang BEEF

paaralan ding nakakatanggap ng mga kompyuter at ibang mga gamit sa paaralan na nakakatulong sa Sherlito E. Sagapsapan pagsulong ng edukasyon. Ngayong tuluyan ng Pagkatapos katayin natuldukan ang kabanata ng ang pork barrel o mas kilalang PDAF, humigit kumulang ₱25.2 Priority Development Assisbilyon ang mawawala sa 2014 tance Fund (PDAF), isinusulong General Aprropriations kasama naman ngayon ng Senado ang ang budget na dapat sana maBasic Education Enhancement pupunta para sa edukasyon. Fund o ang tinatawag na BEEF. Ngunit may dahilan pa Tunay na nayanig ang rin tayo na magsaya ngayong buong Pilipinas sa pagkakanananawagan si Senate Presibunyag sa tinatayang ₱10B dent Ralph Recto na huwag na scam ng mga mambabatas sa lang kaltasin ang ₱25.2 bilyong pakikipag-ugnayan nila kay Jabudget ng PDAF sa 2014 Gennet Lim-Napoles. eral Appropriations at ipama Sa pagkakatay ng pork hagi na lang ang mas malaki barrel, maaapektuhan ang alokasyon para sa edukasyon ilang lihitimong mga proyekto upang mapondohan ang karagkabilang na ang sa edukasyon dagang guro, silid-aralan, scina itinataguyod ng mga mamence laboratories at maging babatas na naging makatotolibreng pagkain para sa mga hanan sa kanilang sinumpaang mag-aaral na naapektuhan ng tungkulin. malnutrisyon sa pampublikong Tinatayang may ilang paaralan. mambabatas na naghahandog Ang BEEF o Basic Edng scholarship para sa mga ucation Enhancement Fund ang mag-aaral at nagpapatayo ng magiging sagot sa problema mga school building. May mga

Mula sa Punung-guro

Kahandaan: pangontra sa kalamidad Nakakapangilabot isipin ang mga naranasang kalamidad ng bansa ngayong taon na nagdudulot ng pagkasira ng mga ari-arian, kabuhayan, imprastraktura at higit sa lahat pagkalagas ng buhay. Sa ulat ng Center for Research and Epidemiology Disasters (CRED) noong Agosto, ang Pilipinas ay nangunguna sa buong mundo sa pinakamaraming kalamidad sa bilang na 25 habang at ayon din sa Citizen’s Disaster Response Center (CDRC), mayroon nang 99 na kalamidad ang tumama sa Pilipinas sa loob ng anim na buwan ngayong taon. Kung tutuusin madali namang mahulaan ang paparating na kalamidad sa bansa dahil sa dalawa lamang ang panahon dito: tag-ulan at taginit. Kaya madaling matukoy

Ang Pluma Patnugutan

Janet T. Jardin Punong Patnugot

Ma. Shelda B. Icasama Pangalawang Patnugot

Holly-Ann A. Cabasag Tagapamahalang Patnugot

Sarah Mae A. Jaralve Patnugot sa Balita

Mariele C. Sagario Patnugot sa Lathalain

Eljean S. Laclac Isports

Kayren Rachelle L. Rosas Agham at Teknolohiya

Larra Maye O. Solatorio Tagakuha ng Larawan

James Ryan C. Delabajan Kartonista

Jeremie J. Sibal, Mary Conie T. Sanico Angel Lee J. Padillo, Jurelle E. Gahisan Julinae Jane D. Sagapsapan Llana Mariel J. Cuartero Mga Manunulat Mga Mananaliksik

July G. Saguin Tagapayo

Sherlito E. Sagapsapan Punungguro

Ma. Liza R. Tabilon Pansangay na Superbisor sa Filipino

ang mga lugar na may mataas na potensiyal na maging potencial hazard o high risk sa pagkakaroon ng landJanet slide, lindol, pagbaha at maging ang paparating na bagyo. Ngunit ayon kay Carlos Padolina, deputy executive director ng CDRC, ang kahandaan laban sa kalamidad ay kinabibilangan ng disaster management, kasama na ang buong pakete na socioeconomic trainings, capacity building at pamamahagi ng mga gamit pangkaligtasan tulad ng early warning device, rescue gears at iba pa ay maliwanag na mas magastos kung ikukumpara sa pondong inilalaan para sa emergency relief assistance. Dahil dito, hindi nakapagtatakang mas piliin ng gobyerno ang maglaan ng

Panawagan T. Jardin badyet para sa emergency response kaysa sa disaster preparedness. Magkagayunpaman, dapat isipin ng pamahalaan na di lamang imprastraktura, kabuhayan at ariarian ang nasa panganib sa tuwing may kalamidad. Marami pang kalamidad na bubunuin ang bansa, kaya habang hindi pa huli ang lahat ay kailangang gampanan ng pamahalaan ang responsibilidad nito sa ating bansa kabilang ang pagiging tiyak sa ating kahandaan na tanging susi sa kaligtasan ng lahat laban sa kalamidad.

Liham sa Patnugot

Taong Panuruang 2013-2014

ng Department of Education upang mabigyan ng kompyuter ang kalahati sa 38,503 na pampublikong paaralan sa elementarya, kalahating milyong mag-aaral naman ang magiging bahagi ng feeding program para malabanan ang malnutrisyon at makapagpapatayo ng dagdag silid-aralan at makapaglilimbag ng dagdag na aklat para sa tinatayang 658,816 Grade 11 na mag-aaral sa darating na 2015. Ang dagdag pondo mula sa pork barrel ay makakatulong din upang maipatayo ang technical-vocational facilities sa 7,470 na mga pampublikong paaralan sa sekundarya. Tunay na makakatuong ang karagdagang pondo mula sa ipinanukalang BEEF para maisulong ng mga pampublikong paaralan ang K to 12 at nang matugunan ang mga hamon sa pagpapatupad nito. Ang karagdagan pondo kung hindi makukurakot ay makabuluhang ambag para maitaguyod ang makakalidad n edukasyon. Sa pagkawala ng pork, sana yakapin ng pamahalaan ang BEEF!

Lindo O. Adasa, Jr. Konsultant Tamtailer P. Nandu Pansangay na Tagapamanihala

Mahal naming Patnugot, Malugod kaming nagpapasalamat sa puspusang pagpupunyagi ng paaralan upang maisulong ang makakalidad na edukasyon. Kaugnay nito, iba’t ibang programa ang itinaguyod ng paaralan upang malinang ang isip at mahubog ang talento ng mga kabataan hindi lamang sa loob ng silid-aralan kundi maging sa labas nito sa pamamagitan ng pagtatanghal ng iba’t ibang gawain. Labis lamang kaming nababahala sapagkat kasabay ng pagsasagawa ng mga extra-curricular activities ay napapabayaan ng aming mga anak ang kanilang academics. Ang dalangin namin, sana ay matutukan ng paaralan ang problemang ito bago lumala. Lubos na gumagalang, Susan T. Paalisbo

Tugon ng Prinsipal sa Liham ni Susan T. Paalisbo Mahal naming Gng. Paalisbo, Kami ay nagagalak sa inyong ipinakitang pag-aalala at pagsubaybay sa pag-unlad ng edukasyon ng inyong anak. Ukol sa problemang inyong nabanggit, tutulungan ng paaralan ang inyong anak kasama ang iba pang mag-aaral na mapayuhan sa kahalagahan ng academics at extra-curricular activities. Gagabayan din namin, sa tulong ng mga guro ang inyong anak upang matamo ang balanse sa dalawang mahahalagang salik tungo sa ikauusad ng pagkatuto nila sa anumang asignatura. Sumasainyo, Sherlito E. Sagapsapan Prinsipal II


Isulong ang kapayapaan at pagsamantalang pagsasara ng Pandaigdigang Paliparan ng Zamboanga. LubCabasag hang naapektuhan ang industriya at kabuhayan. Sarado ang mga establisyamento. Maraming bahay ang naabo kung kaya napilitang magsilikas ang mga sibilyan at nakipagsiksikan sa evacuation center upang maiwasan ang pagkaipit sa patuloy na labanan at iringan ng puwersa ng pamahalaan at ng mga miyembro ng MNLF. Palala nang palala ang hidwaan ng dalawang panig na humantong sa pagkasawi ng mga miyembro ng militar, MNLF at maging ng mga kaawa-awang sibilyan. Ito nga ba talaga ang wastong paraan ng paghahangad ng kasarinlan? Kaya naman kapayapaan ang naging matayog na pangarap ng Mindanaoan dahil sa nangyayaring walang

humpay na digmaan mula pa panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan. Sa naganap na paglusob ng MNLF ay nasubok ang pagkakaisa sa Zamboanga at namayani ang katatagan, katapangan at pagdadamayan ng mga Muslim at Kristiyano sa oras ng kaguluhan. Isulong ang kapayapaan- ang sigaw sa puso ninuman. Datapwat hindi mapapasubaliang ang karahasang naranasan ng taumbayan ay nagsilbing bangungot na kailanman ay hindi na mabubura sa isipan at gunita lalo na sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay. Naipunla na maging sa murang isipan ng mga kabataan ngayon na ang karahasan ay paraan upang makamit ang karaingan. Kung tayu-tayo rin lang naman ang magpapatayan mas mabuting idaan na lang sa usapang pangkapayapaan. Lagi nating tandaan na sa isang digmaan walang panalo lahat tayo ay talo.

lamang na istriktong ipatupad ng bawat paaralan ang DepEd Order No. series 2007 Marielle C. Sagario o ang “Revised Implementing Guidelines on Nagimbal ang paaralan the Operation and Management sa balitang pagkamatay ng magof School Canteen in the Pubaaral sa ikawalong baitang na si lic and Private Elementary and Fernando B. Cabigayan, Jr. ng Secondary Schools,” tanging nuII- Amethyst sa gulang na katrient-rich foods at fortified food torse dahil sa sakit na nephritic products na may label na mayasyndrome, isang uri ng sakit sa man sa protina, energy, vitamins atay. at minerals ang maaring itinda. Ayon sa mga eksperto, Layon nitong masiguro isa sa dahilan ng karamdamang na ang lahat ng pagkain ng mga ito ay ang mataas na sugar at mag-aaral ay may purong sussalt intake ng tao lalo na sa mga tansya na magbibigay sa kanila kabataan ngayon na nakahiligan ng isang malusog na katawan ang pagkain ng junk foods at sapagkat isang malaking bapag-inom ng soda drink. hagi rin ito ng maayos na per Kaya naman nararapat

formance ng isang mag-aaral sa paaralan liban pa sa pagkakaron ng malusog na pangangatawan. Sa tahanan man o sa paaralan ay dapat mahubog ang ugali ng mga kabataan na makasanayan ang pagkaing masustansiya gaya ng prutas at gulay sa halip na gumastos sa mga pagkaing nagdudulot ng kapahamakan sa kanilang kalusugan. Ang kanyang maagang pamamaalam ay magsilbi sanang halimbawa sa lahat ng mag-aaral na ang karamdaman ay walang pinipiling edad kaya kung may leksyon man tayong dapat na matutunan at sa tuwina’y matangkilik, ito’y ang pangalagaan sa kalusugan maging sa murang gulang.

Tinig Mindanaoan Holly-Ann A. Nakapangingilabot na katotohanan na ang lupaing binabagyo sa likas na yaman, mayabong na pananampalataya at mayamang kultura ay dumaranas ng krisis bunsod ng malawakang kaguluhan kung saan ang mamamayan ay nabalot ng pangamba dahil sa pagdanak ng dugo sa Lungsod ng Zamboanga. Humihiling umano ang pangkat ng Moro National Liberation Front ng pagsasarili ng Bangsamoro Republic kaya nais itaas ang kanilang watawat sa harap ng pamahalaang bayan ng Zamboanga ayon sa kumander nitong si Asamin Hussin. Dahil dito, ang sagupaan ay humantong sa paglikas ng mahigit 100,000 katao, pagkasakop ng ilang barangay

Pangalagaan ang kalusugan

Paalaala

Pagpupugay sa ZN Press Club Nakatataba ng puso ang ipinakitang pagmamalasakit ng mga kasapi ng Zamboanga del Norte Press Club (ZNPC) para sa pagsusulat. Kami ay nagagalak at sumasaludo sa nakakahawang pagsisikap ng organisasyon na ihatid ang responsableng pamamahayag sa pintuan ng bawat paaralan sa mga Sangay ng Zamboanga del Norte, Dipolog at Dapitan. Itinatag ang ZNPC noong 1965 sa pamumuno ng dating gobernador at ngayo’y kongresista sa ikatlong distrito ng lalawigan na si Cong. Isagani

Amatong. Dahil siya ay dating manunulat sa isang lokal na Sarah Mae pahayagan ng Dipolog, nag-alab ang puso ni Amatong sa gumawa ng grupo ng mamamahayag na handang isulong ang maprinsipyong pagbabalita. Ngayon, pagkalipas ng 48 na taon, nanatiling matatag ang organisayon bilang tagahatid ng katotohnan at boses ng mamamayan sa lalawigan. Walang sawa rin itong tu-

Saludar A. Jaralve mutulong sa paggabay sa mga kabataang may puso rin para sa pagsusulat. Kaya, ang aming walang hanggang pasasalamat sa inyong patuloy na dedikasyon sa paghubog sa mga batang manunulat. Ang aming pagpupugay at pagsaludo sa inyo. Mabuhay ang Zamboaga del Norte Press Club!

Iskul Rambol

Taun- taon na lang laging may pagbabagong nagaganap sa DCNHS. Mga bagong silid-aralan, estudyante at pati na mga guro. Kasabay ng mga pagbabago ay ang mga di- matawarang skul rambol. Say ko lang, naku! Talaga nga naman! ---0O0--- Kung ano ang palusot ng mga mag-aaral pagdating sa uniporme, ganoon din ang mga guro. Maliban sa ANYFORM, ANYCOLOR pa, at may ang iba ay ANYTHING na. Di ba’t may kasabihang “like teachers, like students”? Ma’am at Sir, ang say ko lang, naku!, Talaga nga naman!

Julinae Jane O. Sagapsapan

---0O0-- Sa tuwing flag raising ceremony o flag retreat nalang ay maririnig natin ang di lang malumanay kundi sentonadong pag-awit ng Lupang Hinirang at Dapitan City High Hymn. Sa mahigit isang libong populasyon ng paaralan ay masuwerte nalang kung may isang daang magaaral na kakanta ngunit bakit kapag Kpop na mga kanta tulad ng mga sikat ng grupong Super Junior o EXO ay bigay-todo tayo? Memoryadong memoryado ang linya kahit hindi naman nauu-

nawaan ang liriko ng kanta. Di ba natin natatantong ang pambansang awit na ito ay tatak ng ating pagka-Pilipino? Say ko lang, naku! Talaga nga naman! ---0O0-- Kung marami ang pasaway ay marami rin ang masyadong maporma. Pagpasok sa paaralan, naka sunglasses pa, parang mga artista kung umasta. Ala-Daniel Padilla at Kathryn Bernardo lang naman ang dating. Kapag nakasalubong si Maam at Sir, isnab lang ang peg! Parang walang nakita, taas-noo kahit kanino. Say ko lang, naku! Talaga nga naman!

05

Pilipinas o Filipinas: Ano nga ba ang dapat na baybay sa pangalan ng ating bansa?

Nagimbal ang pitong libo at isang daan at pitong isla ng Pilipinans nang isulong ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWK) na “Filipinas” sa halip na “Pilipinas,” ang gamiting baybay sa opisyal na pangalan ng ating bansa. Sa resolusyon ng KWF noong Abril 12, nakasaad doon na panahon na umano para ibalik sa orihinal na Filipinas ang pangalan ng bansa sa halip na ang nakagawiang Pilipinas sapagkat Filipinas ang pangalang ibinigay sa atin nang sinakop tayo ng mga Kastila at sa ganitong pangalan ipinroklama ang kalayaan ng bansa noong Hunyo 1898. Sa pamamagitan umano nito ay mapagbubuklod ang mga Pilipino na may tamang kaalaman kaugnay sa kasaysayan ng bansa. Sinasabing Filipinas ang tawag sa bansa noong 15th century na isinunod sa pangalan ng Spanish King na si Felipe II. Pero nagbago raw ang baybay nito noong 20th Century nang palaganapin na ang abakadang Tagalog kung saan wala ang titik “F.” Paliwanag ng KWF, ang Filipinas ang ginamit umanong baybay ng mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Apolinario Mabini, Andres Bonifacio at iba pa. Subalit batay sa Konstitusyon na pinagtibay noong 1987, ang pangalan ng bans ay Pilipinas at ang mga mamamayan ay Pilipino. Ayon naman kay Professor Susan M. Tindugan, ang tagapayo ng Samahang Sentral ng Filipino sa Tersiyaryong Antas, Departamento ng Filipino, kinakailangan dumaan sa mahabang proseso ang pagpapalit ng ‘Pilipinas’ sa ‘Filipinas’ dahil sa ito na ang nakasanayan ng kulturang Pilipino. Bakit hindi? Ang pagpapalit ay maaring magdulot ng kalituhan sa mga mag-aaral. Hindi naman praktikal na palitan pa dahil ilang dekada na nating ginagamit ang letter ‘P.’ Samakatuwid, malinaw na masalimuot ang simpleng panghihikayat sa pagpapalit ng pangalan ng bansa subalit naniniwala kami na may mas mahahalagang mga bagay pa na dapat atupagin at gawing prayoridad ang pamahalaan. Mas mainam na hayaan na lang natin nating Pilipinas ang pangalan ng ating bansa. Huwag nating kalimutan na hindi masasalamin ang tunay na asenso ng isang bansa sa pamamagitan lamang ng pagpapalit sa pangalan nito.

Reaksyon ni Juan sa PDAF Scam Pulso ng Bayan

Naniniwala ba kayo na kinurakot ng mga senador at mambabatas Larra Maye ang P10B na Priority Development Assistance Fund (PDAF)?

P. Solatorio

“Kailangan munang sumailalim sa due process of law ang sinumang pinaratangan bago mahusgahan. Hindi ko masasabing ang mga sangkot kuno sa PDAF scam ay nagnakaw sa kaban ng bayan hanggat sila ay napapatunayang guilty. Bago tayo tuluyang magturo at hatulan, kailangan natin ng mabigat na ebidensya. -Sherlito E.Sagapsapan Punongguro, DCNHS “Naniniwala akong maaaring may katotohanan ang pagkakasangkot ng mga nasa ginintuang silya ng pamahalaan sa ₱10B pork barrel scam. Dahil sa mga taglay na hindi maipaliwanang na kayamanan ni Janet Napoles, tila maliit ngunit matinik na isda ang huli sa paggamit ng malalaking pating ng gobyerno. Parang ang mga senador at mambabatas ang nasa likod ni Napoles kaya tikom ang bibig ng huli.” -Ursulita Rafanan Guro, DCNHS “Talagang nakakasilaw ang pera. Buo ang aking paniniwala na kinurakot nila ang pork barrel dahil ito ang sinabi at ibinunyag ng mga whistleblower. Sabi nga ng isang kasabihan, walang usok na nakikimkim. Hindi maglalakas-loob ang mga whistleblower na kumanta kung wala silang matibay na ebidensiya sa kanilang paratang gayong malalaking tao ang pader na kanilang babanggain. Dindeny lang ng mga sangkot ang paratang upang mapalagaan ang kanilang reputasyon.” -Cora Palmere Guidance Counselor, DCNHS “Hindi imposible na may katotohanan ang pangungurakot sa kaban ng bayan. Ngunit sa usad pagong na takbo ng hustisya sa ating bansa, mukhang walang mapaparusahan sa sinumang nagkasala. Gawin na lang nating halimbawa ang Maguindanao Massacre na pagkatapos ng apat na taon ay wala pa ring napaparusahan. Ang mabagal na sistema ng ating hudikatura ang nagbunsod ng ilan upang ipagpatuloy ang kanilang tiwaling gawain.” -Christine Jera E. Quines Pangulo, Supreme Student Government

Mahalaga sa amin ang inyong opinyon.

Bukas ang patnugutan ng Ang Pluma para sa inyong reaksyon, mungkahi, o nais ipaabot, maaring mag e-mail sa: angpluma2013@yahoo.com


06

Sa pagbubukas ng Open High School Program ng Dapitan City National High School sa Dapitan City Jail, nabuksan din ang kabanata ng buhay na puno ng kasiphayuan ng mga nilalang na nasadlak sa piitan. Ating silipin ang masalimuot na . . .

Buhay sa Likod ng Rehas Eljean S. Laclac

Nasubukan mo na bang makulong? Maging malayo sa mahal mo sa buhay? Naranasan mo na bang malugmok sa seldang puno ng luha, kalungkutan at kasalanang pinagsisisihan? Nais mo bang mapiit sa seldang ni kahit daga ay hindi makakatakas? Kung ating mapapansin, parang wala man lang tayong daing na naririnig galing sa mga bilanggo. Talaga bang masarap ang buhay-preso? O sadyang puno na sila ng hinanaing kaya nahihiya silang ilabas ito dahil sila’y nagkasala naman? Kung ating susuriin, sadyang mahirap ang buhay-preso sa loob ng seldang bakal na puno ng pulis na hawak ay baril. Sa pagbubukas ng Open High School Program ng Dapitan City National High School sa Dapitan City Jail ay tila nabuksan din ang buhay ng mga nilalang sa loob ng bilangguan. Bagaman sila ay nakukulong ngunit sila ay bahagi pa rin ng lipunan. Kaya, halina’t ating sulyapan ang buhay ng mga nilalang sa likod ng malamig na rehas…. Kilalanin si Danny Jaictin Llena, apatnapu’t tatlong taong gulang mula sa Clarin, Misamis Occidental at ngayo’y nakapiit sa Dapitan City Jail. Ayon sa kanya siya ay nakakulong na ng dalawang taon, pitong buwan at walong araw nang siya ay aming kapanayamin. Nakatutuwang isipin na bilang na bilang ni Mang Danny ang paglipas ng kamay ng orasan at ang paggulong nga mga araw habang siya ay nasa piitan. Nababanaag sa kanyang kayumangging mga mata ang kasiphayuan at pangungulila para sa kanyang pamilya na dalawang taon na niyang hindi nasilayan. Tanging ang mga text at tawag na tila sing dalang ng pagdungaw ng bahaghari sa langit ang siyang pumapawi sa lungkot na nadarama ni Mang Danny sa looban. Isang dating watch repairman si Mang Danny habang ang kanyang asawa ay nagtitinda ng isda sa palengke para sa kanilang tatlong pinakamamahal na anak. Para sa kanila, sapat na ang kanilang kakarampot na kita upang sila’y masayang mamuhay. Hanggang si Mang Danny ay dinakip noong April 18, 2011 dahil sa ipinagbabawal na gamot. Parang sinakluban ng langit at lupa si Mang Danny nang siya ay mapiit sa bilanguan at mawalay sa kaniyang asawa at tatlong anak. Tiniis ni Mang Danny na huwag padalawin sa bilangguan ang kanyang asawa at anak sa pagbabakasakali na makatipid ang mga ito sa ipapasahi pagpunta sa Dapitan mula sa Clarin, Misamis Occidental. Para kay Mang Danny, titiisin na

lang niya ang pag-iisa at ang inggit sa kanyang mga kapwa bilanggo na dinadalaw ng kani-kanilang pamilya, kung ang kapalit nito ay ang pagtitipid ng kaunting kinikita ng kanyang asawa para mailagak sa pag-aaral ng kanilang tatlong anak. Sa kasalukuyan, nasa unang taon sa kolehiyo ang kanyang panganay habang nasa ikaapat at ikatlong taon na sa hayskul ang kanyang pangalawa at bunsong anak. Ang kanyang pamilya, para kay Mang Danny, ang nagsisilbing kanyang lakas at tibay ng loob sa kanyang pakikibaka sa kulungan. Sa pag-ihip ngayon ng malamig na simoy na hangin ng Pasko, muling mangungulila si Mang Danny sa kanyang pamilya. Ngunit handa na niyang tiisin ang pag-iisa. Yayakapin na lang niya ang sarili sa loob ng rehas. At para maibsan ang kanyang pamimighati, handa nang pandayin ni Mang Danny ang kanyang bukas maging siya ay nasa kulungan. Ipinatala ni Mang Danny ang kanyang sarili bilang isa dalawampu’t siyam na mag-aaral ng Open High School Program na inilunsad ng Dapitan City National High School. Bagaman siya ay 43 taong gulang na, handa na siyang bunuin ang mga naiwan niyang bakas ng kanyang pag-aaral noong 1984. Ang kanyang pagiging mag-aaral sa Grade VIII ngayon ay sapat na raw para sa kanya na magbigay ngiti sa kanyang malamig na Pasko tangan ang pag-asa na balang araw makakatapos siya ng pag-aaral at makalaya para sa kanyang pamilya.


07 Lumipas na ang mga sigwang nagdulot ng laksang bangungot sa ating bansa gaya ng giyera sa Zamboanga, lindol sa Cebu at Tacloban at ang pagragasa ng Bagyong Yolanda. Gayunman, bakas pa rin ang maiitim na peklat na sanhi ng malalalim na sugat na iniwan ng mga delubyong naminsala sa buhay at pamayanang Pinoy. Lubhang sariwa pa ang mga gunitang nabalot ng trahedya na patuloy na nagdudulot ng lungkot, hapdi’t kawalang sigla sa higit na nakararaming biktima. Ngunit sa gitna nitong lahat, isang sigaw ang nananaig at iyan ay ang sigaw ng pagbangon!

Bangon Pilipinas Mariele C. Sagario

Sadyang mapagbiro ang buhay. Animo saranggolang napatid ang pisi at tinangay ng hangin ang mga magagandang balaking sana’y magpapasigla sa paskong darating. Sunud-sunod na dumating, nanalasa, nag-iwan ng malalagim na alaala sina Pablo, Santi, Wilma at ang malakas na si Zorayda. Hindi naman nagpahuli ang lindol sa Cebu at Tacloban na yumanig hindi lang sa lupa kundi maging sa mga buhay ng mga Pilipino. Walang akma’t sapat na salita upang ilarawan ang napakapait, napakasakit, at napakalupit na mga karanasang nakaukit na sa puso’t isipan ng sambayanang Pilipinong sinubok ng kaitaasan. Kaalinsabay ng sunud-sunod na dagok, hindi naiwasan ang pagbaha ng mapapait na luha; kasama ng mga bahay at sari-saring ari-ariang inanod ng tubig kasabay ng pagkaanod gahiblang pag-asa; lumubog sa tubig ang mga pinagkukunan ng ikabubuhay sabay ng paglubog ng mga mumunting pangarap. Gumuho ang lumambot na lupa sabay ng pagguho ng kaloobang nanghihina; nalibing ng buhay ang marami kasama ng pagkakalibing ng tuwa’t sigla sa buhay; nawasak ang mga bagay-bagay na pinaghirapan sabay ng pagkawasak ng maraming buhay; at nabago ang lahat sa isang iglap. Isang pagbabagong hinog sa pilit. Isang pagbabagong binibindisyunan ng luha, inaalayan ng dusa’t hinagpis sa paanan ng krus na ibinaon sa putik. Marami ang nagsasabi na likas sa ating mga Pinoy ang palaging nababanat. Para tayong mga kawayan na kayang-kayang mamaluktot at bumalik sa dating tayo kahit na ano pang hirap ang pagdadaanan natin. Iyan na tayo! Kaya kapag ganitong mga pagsubok, hindi tayo basta-basta napapadapa at isa itong magandang katangian nating lahat na kahanga-hanga. Nangibabaw nitong nakalipas na mga araw, nakakapanindig-balahibong makita ang kapwa nating Pinoy na tumutulong sa kanilang kababayang nasalanta ng bagyo. Marami ang nagbigay ng donasyon, tulong-pinansyal at relief goods para ipamahagi sa mga naging biktima. Kitang-kita natin ang damayan at pagtutulungan nating mga Pinoy. Dagsa ang mga tulong na dumarating sa mga evacuation centers. Mga pagkain, gamot at damit na kailangang-kailangan ng mga nasalanta ng bagyo. At kahit papaano, gumagaan ang ating pakiramdam na makita ang ganitong pagmamalakasakit sa ating kapwa. Ito ang tunay na Pilipino... nagtutulungan ... nagdadamayan kahit na ano pa ang estado sa buhay. Sa ganitong mga trahedya ay wala sa atin ang kontrol dahil kalikasan na ang may gawa nito. Subalit sa mga ganitong pagsubok wala tayong hindi kakayanin basta’t mananaig ang tulungan at pagmamahal sa isa’t isa. Likas na matibay at matatag ang Pinoy. Subok sa hirap ng buhay. Subok sa hamon ng mapaglarong kapalaran. Subok sa gitna ng mga nag-uumpugang puwersang patuloy na humuhubog sa ating kamalayan at pagkatao. Subok sa pakikipagsapalaran sa kumpas ng tadhanang salawahan. Subok sa pananalig sa sariling kakayahan kahit ilang ulit masubsob at humalik sa alabok. Kaya, iisa ang ating sigaw ngayon. Bangon Pilipinas. Itayo nating muli ang ating buhay. Itaas uli natin ang ating mga noo, handang lumaban sa gitna ng delubyo. Ano pa man ang masasaklap na mga pangyayaring gumiyagis sa ating mga buhay, nanatiling nakatayo pa rin ang mga Pinoy. Bangon Pilipinas! Tayo’y bumangong muli. Ating ipamalas sa lahat na ang ating pagka-Pilipino ay mas malakas pa sa ano mang delubyo!


08

Bakit mahalaga ang pagdiriwang ng Banderitas doon. Banderitas dito. Baro’t saya rito, barong doon. Buwan ng Wika na naman. Muli na naman nating masasaksihan ang makukulay at makalumang tradisyon at kultura gaya ng balagtasan, katutubong sayaw at maging mga katutubong awit. Ngunit minsan na bang sumagi sa isip nyo kung bakit mahalagang ipagdiwang ang Buwan ng Wika? Ang Buwan ng Wika ang isa sa mga pagkakataon natin upang ang ating kultura ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na

ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa. Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang Filipino pa rin ang siyang mas malimit na

ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan. Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba’t-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura. Kaya tanong ko, like nyo bang magWiFi? Ako, like na like kong mag-wifi, mag-Wikang Filipino, para laging connected. Sapagkat ang diwa ng ating pagiging isa sa pagtahak tungo sa pag-unlad bilang isang bansa ay ating makakamit kung matuto tayong magpahalaga, magmahal, magpayabong at magpunyagi ng ating wikang pambansa. Bilang mga Pilipino, tanggapin natin ang hamon ng makabagong panahon na huwag kaligtaan ang timyas at ganda ng ating wika at huwag mapatangay sa agos ng globalisasyon bagkus ay patuloy natin itong palakasin at patatagin sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika!

Ang Kwento sa Likod ng Tagumpay Julinae Jane D. Sagapsapan

Ang negatibong tao ay nakakakita ng problema sa bawat pagkakataon. Ang positibong tao ay nakikita ang pagkakataon sa bawat problema. Ang mga salitang ito ang buhay na patotoo sa positibong pananaw ni Ma. Pamela Cagbabanua Bation na nagluklok sa kanya bilang pangalawang pinaka-matalinong mag-aaral sa buong Pilipinas matapos siyang magwagi ng pangalawang puwesto sa Pambansang Paindis-indis Talino sa Sagisag Kultura na ginanap sa Iloilo. Habang ipinarada sa buong Dapitan sakay sa isang float na may kasamang banda ng Dapitan City National High School bunsod ng kanyang tagumpay, iisipin ng karamihan na naging madali para kay Pamela ang pag-abot nito sa kanyang kinalulugaran ngayon. Ngunit hindi naging madali ang pagngiti ng tagumpay kay Pamela. Si Pamela ay pang-anim na anak ng isang inang bahay ang naging buhay at amang nagsumusuporta sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagiging foreman. Dahil, hindi sapat ang kinikita

ng kanyang ama para matustusan ang kanyang pag-aaral sa hayskul, namasukan si Pamela sa bahay ng kanyang tiyahin bilang working student. Sa murang edad, namulat si Pamela sa katotohanang dapat siyang kumayod upang matupad ang kanyang mga pangarap sa pamamagitan ng pagaaral. Pinagsabay ni Pamela ang pagtatrabaho at pag-aaral, sa ngalan ng kanyang adhikaing makatapos. Para naman, maipanalo niya ang tagisan ng utak, gumigising si Pamela ng bukang-liwayway upang magsunog ng kilay at kabihasaduhin ang mga sagisag ng kulturang Filipino na nagpapaloob sa limang aklat na may isang libong pahina. “Naging mahirap sa akin sa umpisa ang pagsasaulo ng mga impormasyon. Ngunit sa tulong ng aking pamilya at ng aking tagsanay na labis ang ipinakitang suporta, naging matag ako sa kabila ng mga hamon ng pagsuko” sabi ni Pamela. Dagdag pa niya, sadyang naging maalab ang kanyang pagnanasa na may

Kanin May Ann N. Incepido

Psst. . . Hoy! Oo ikaw wag kang matakot hindi kita kakainin ng buo, Oo ikaw nga , ikaw na may hawak ng pinggan na winawaldas at hindi pinapahalagahan ang bawat butil ng kaning nakahain sa iyong harapan. Alam mo ba kung gaano katagal akong naghintay at naghirap makarating lamang sa iyong pinggan. Sa simula ako’y isa lamang butil na pinunla at binigyang sapat na tubig at sikat ng araw. Habang ako’y nagsimulang sumibol, ako’y itinitirik sa may malaki at malawak na taniman na abot tuhod ang tubig, alam mo ba kung gaano kapait ang aking naranasan. Ako’y nakabilad sa init ng sikat ng araw. At minsan hindi mapigilang madatnan ng unos, ilang beses akong nadapa ngunit pinilit kung bumangon.

idudulot ang maganda ang kanyang puspusang pagpupunyagi. At sa kabutihang palad, ang 15 pulgadang kahoy na tropeo para kay Pamela ang naging patunay na siya ay nagtagumpay. “Matamis ang tagumpay na mararanasan kung ang isang bagay ay lubusang mong pinaghirapan,” nakangiting saad ng kampeon ng DCNHS habang nakatingala sa langit bilang pasasalamat sa kaniyang biyayang natamo.

Lahat ng pagod ay tiniis ko hanggang sa ako’y lumaki at naging kulay ginto. Habang ako’y nagpadala sa ihip ng hangin, dumating ang mga magsasaka at may dalang “sanggot” at pinagtapas-tapas ang aking mapagtiis na katawan. Pagkatapos ako’y dinurog-durog hanggang maging makinis at maputing butil ng bigas at dinala sa pamilihan at ipinagbili. At ngayon. . . ngayon nakapatong sa iyong pinggan. Masayang –masaya ako sa kabila ng aking pagtitiis dahil alam kong sa wakas makakatulong rin ako sa mga taong katulad mo upang lumusog at nalaman kong may pupuntahan ang aking paghihirap. Ngunit ang lahat ng kasiyahang iyon ay napawi lamang at napapalitan ng lungkot at paghihinayang ng makita na inaaksayahan ang mga kanin at hindi pinapahalagahan. Hindi nyo ba inisip ang ganitong pagtitiis, ako ay biyaya ng panginoon sa inyo. Dapat nyo kaming pahalagahan . . . ingatan at ‘wag sayangin!!!


09

Pinoy, Kakampi ng Kalikasan Kayren Rachelle L. Rosas

Hindi na mabilang ang mga Pilipinong may malasakit sa ating kalikasan. Nangunguna sa listahan ang mga mga likhang Pinoy na ginawa para sa ikabubuti ni Inang Kalikasan. Sila ay karapat-dapat na tularan natin sa ating paglaki. Halina’t kilalanin natin ang ilan sa kanila. Sa paghagupit ng bagyong Yolanda, nakabuo isang maka-kalikasan na imbensyo ang grupo ng mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas matapos nilang i-recycle ang mga lumang charger at baterya at gawing pinagmulan ng disposable energy para sa mga naging biktima ng bagyo. Ang bawat recycled unit ay kayang i-charge ang isang cellular phone, sabi ng UP Physics professor na si Gionvanni Tapang na siyang bumuo sa “Project Lightline” kasama ang kanyang mga estudyante upang makabigay ng pagkakataon sa mga biktima na makatawag sa kanilang mahal sa buhay sa kasagsagan ng unos. (inquirer.net)

Isang Pinoy naman ang matagumpay na nakahanap ng paaran upang gawing gasolina, maging ito ay gasoline, diesel o kerosene, ang mga basurang plastic. Nagawa ni Jayme Navarro nag awing gasoline ang mga itinatapon na nating plastic na basura sa pamamagitan ng pyrolysis kung saan ang plastic na basura ay ibinibilad muna sa araw bago pilasin at initin sa isang thermal chamber at patuloy na pakukuluan ang natunaw na plastic hanggang sa kumulo at gumawa ng singaw na dadaan sa mga cooling pipe at dadaan sa distillation bago maging gasolina.

Isang produktong pangkalusugan na gawa mula sa anti-cancer properties ng soybeans ang ginawa ng isang siyentipikong pinoy na ginawaran ng 2013 People’s Choice Stevie Awards bilang bagong paboritong produkto ng mga mamimili at tumanggap ng bronze Stevie Award sa 11th American Business Awards sa San Francisco. Ang Pinoy na Research Geneticist, Alfredo Galvez ay tumanggap ng parangal para sa LunaRich X, na kanyang nagawa na kaagapay ang Reliv International, kompanyang gumagawa ng mga patented nutritional supplements. www.yahoonews.com.ph

Proyektong NOAH, naglabas ng survival kit Mga taong may Depresyon nahihirapan sa Pagmamagulang Jeremie J. Sibal

Inilathala ng mga mananaliksik mula sa University of Exeter na may kaugnayan ang depresyon at kahirapan ng isang tao sa pagmamagulang sa kadahilanang ang hindi nalunasang depresyon

mula sa magulang ay maaaring maipasa sa mga anak. Ang nabanggit na pag-aaral ay isinagawa upang matukoy ang mga kadahilanan ng kahirapan sa pagmamagulang ng isang indibidwal. Sa editoryal na inilathala ng Psychological Medicine journal lumalabas na ang mga magulang na nakaranas ng depresyon ay maaaring magkaroon ng kakulangan ng pagmamahal sa anak at ang resulta ay pagkaramdam ng pagkahiya at pagkakasala sa kanilang tungkulin bilang magulang. Lumalabas din sa pag-aaral ang suliranin sa alaala, sintomas ng depresyon ay may kinalaman sa kakayahan ng magulang na magtakda ng mga layunin para sa mga anak sa angkop na development stages ng anak. www.sciencedaily.com

Paano maiiwasan ang kanser

Kanser? Salitang yumayanig sa sinumang tao na madapuan sa nasabing nakamamatay na karamdaman. Patunay nito ang dalawang buhay ng guro sa Dapitan City National High School na nalagas dahil sa pagtataglay ng sakit na kanser. Sino bang makakalimot sa maagang pamamaalam nina Gng. Letecia Estoque at Gng. Rima Gatcho na dulot ng sakit na kanser.May magagawa ba tayo upang ito’y maiwasan? Ayon sa mga eksperto, habang may malusog pa na pangangatawan, nakabubuting sundin ang sumusunod na paraan upang makaiwas: Iwasan ang paninigarilyo Sa mga naninigarilyo, nararapat na agad itong itigil. Sa mga hindi naninigarilyo, iwasan ang paglapit sa taong naninigarilyo sapagkat nagdudulot ito ng malaking posibilidad sa pagkakaroon ng kanser sa baga kaysa sa mga naninigarilyo. Panatilihin ang tamang timbang ng katawan Ang pagbaba at pagtaas ng timbang upang maabot ang angkop na timbang ng katawan ay hindi madaling matamo. Kailangang baguhin ang mgahindi tamang nakagawian upang ito’y maisakatuparan. Ang tamang timbang ay sa pagitan ng 18.5 hanggang 24 ayon sa pagkalkula ngBody Index Mass (BMI). Laging tandaang ang pagkakaroon ng tamang timbang ng kawatawan ay nakapagpapababa sa posibilidad na magkaroon ng kanser.

Naglunsad ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) saproyekto nitong Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH) ng survival kit o mga kagamitan pangkaligtasan sa tuwing may paparating na kalamidad tulad ng bagyo, lindol, baha at tsunami sa bansa (BLBT). Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Science and Technology Week (NSTW) ngDepartment of Science and Technology (DOST) sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex sa Lungsod ng Pasay noong Hulyo 23. Layunin ng proyekto na mabigyan ng malinaw na pagpapaliwanag ang publiko upang magkaroon ng sapat

na kabatiran at kahandaan kapag may kalamidad kung saan ipinakita sa audio-visual presentation ang proyektong BLTB. Ang video clip ay naglalaman ng interbyu ng NOAH Executive Director Dr. Mahar Lagmay, nang ipinakita niya ang NOAH disaster kits. Hindi lang gamot at first aid supplies ang nilalaman ng isang survival kit kundi naglalaman din ito ng kapote, kumot, tubig at isang energy bar na mayroong 5-shelf life. Ayon kay Dr. Lagmay, naglalaman rin ang survival kit ng solar-powered flashlight na mayroong built-in radio, para sa pagmomonitor ng mga balita. Ang ibang importanteng kagamitan ay compass, cutter, martilyo, at magnet. www.dost.gov.ph

Maging Aktibo Isang paraan upang mabawasan ang papabigat natimbang ay ang palagiang paggalaw. Ang regular na pag-eehersisyo bukod sa nagpapababa sa posibilidad na pagkakaroon ng kanser ay nagdudulot rin ng kaayusan sa estado ng pangangatawan upang makaiwas sa iba’t-ibang karamdaman. Limitahan ang pag-inom ng alak, kumain ng maraming prutas at gulay Ito ay simpleng paraan subalit kung pagtutuunan ng pansin kasabay ng masustansiyang pagkain ay makukuha natin ang malaking benipisyo sa katawan. Kung kinakailangan ay itigil ang pag-inom ng alak at iba pang inuming may alkohol dahil nagdudulot lamang ito ng karamdamansa katawan. Ang dami at tagal sa paggamit ng alkohol ay nakapagpapalaki sa posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa atay, baga o dibdib. Ugaliin din ang pagkain ng prutas at gulay sa araw-araw. Ang mga simpleng gawain na ito, bagama’t may kahirapan sa simula ay magiging mahalagang makagawian sa katagalan tungo sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.

www.sciencedaily.com


10

Solusyon sa mabahong amoy

27 Mendeleevians nagkabit ng uling Ma. Shelda B. Icasama

SOLUSYON SA MABAHONG AMOY. Nagkabit ng isang net bag uling ang isang mag-aaral ng DCNHS upang masolusyonan ang masamang hangiing dala ng Dapitan Slaughter House.

Nagkabit ng mga uling na nakalagay sa netbag ang 27 mag-aaral ng Engineering and Science Education Program (ESEP) sa klaseng IV- Mendeleev ng Dapitan City National High School (DCNHS) noong Agosto 12 upang masolusyunan ang umaalingasaw na amoy na nagmumula Dapitan City Slaughterhouse (DCS) na nasa loob ng DCNHS kampus. Pinangunahan ni Jennie T. Navaja, koordineytor ng ESEP

Pnoy, inaprubahan batas para sa mga guro ng Agham, Matematika Jurelle Gahisan

Nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang batas na nalalayong mapalawak ang sakop ng Science and Technology Scholarship Program at magkaroon ng mga de-kalibreng guro ng Agham at Matematika sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship sa

mga estudyanteng may angking talino at merito sa Agham at Matematika, madadagdagan pa ang magtatapos sa siyensiya , teknolohiya at inhenyeriya. “This Act builds on the current Science and Technology offered by the Department of Science and Technology (DOST), through its Science Education Institute (SEI), as provided for in Republic Act no. 7687, otherwise

known as the ‘Science and Technology Scholarship Act of 1994’,” pahayag ni PNoy. Mag-aalok din ng karagdagang mga insentibo upang akitin ang mga nagtapos sa scholarship program na ituloy ang karera sa pagtuturo ng Agham, Matematika at Teknolohiya sa hayskul lalo na sa rehiyong pinanggalingan. www.philstar.com

magamit ng radio waves, ang wi-fi o internet sa ilalim ng dagat ay gumagamit ng sound waves.

Dagdag pa rito, ang ganitong sistema ay nakatutulong sa alagad ng batas upang matukoy ang mga illegal na gawain sa ilalim ng dagat tulad ng drug smuggling sa pamamgitan ng makeshift submarines. I h a harap ni Melodia at ng kanyang mga estudyante sa International Conference on Underwater Networks and Systems ang kanilang research paper na “The Internet Underwater : An IP-compatibleProtocol Stack for Commercial Undersea Modems” sa darating na Nob. 11-13 na gaganapin sa Taiwan.

ang nabanggit na inisyatiba kung saan isinabit ang mga uling o phosphorus petoxide na nakalagay sa mga netbag sa bakuran na nakapagitan sa (DCS) at silid-aralan ng klaseng IV-Mendeleev. Ayon kay Navaja, ang uling ay hindi lamang panggatong na nakakaluto ng mga pagkain kundi mainam rin na pantanggal sa mga umaalingasaw na amoy sa paligid dahil sa ito’y nabuo mula sa kahoy na nahantad sa napakainit na temperature kaya taglay nito ang katangiang pagiging porous o pagkakaroon ng

mga butas na siyang sumisipsip sa mabahong amoy sa paligid. Katatandaang mula noong Hunyo, dagsa ang reklamo ng mga mag-aaral at guro sa opisina ng prinsipal dahil sa umaalingasaw na amoy mula sa slaugtherhouse na katabi lamang ng DCNHS. Kaugnay dito, nangako rin ang pamunuan ng lugar na papanatilihin nila ang kalinisan upang maiwasan ang masangsang na amoy habang hindi pa ito naisasakatuparan ang inisyal na plano ng Pamahalaang Lokal ng Dapitan na paglilipat sa DCS.

Internet sa ilalim ng dagat isinasakatuparan Llana Mariel J. Cuartero

Isang grupo ng mga researcher ng University of Buffalo sa New York ang nag-eksperimento sa pagkakabit ng wi-fi network sa ilalim ng Lake Erie malapit sa Buffalo. Layunin nito ang makabuo ng wifi network sa ilalim ng tubig upang magkaroon ng internet sa pusod ng karagatan. “A submerged wireless network will give us an unprecedented ability to collect and analyze data from our oceans in real time,”Tommaso Melodia, UB associate professor of electrical engineering and the project lead’s researcher said in a statement. Sinasabi pa na, hindi tulad sa normal na wi- fi na gu-

Ayon pa sa mga researcher, maraming buhay ang maililigtas kung ang impormasyon sa mga kalamidad tulad ng tsunami ay agad na malalaman ng sinumang may cellphone o computer.

Adiksyon sa internet, nakababahala Nakagigimbal ang resulta ng isinagawang pag-aaral ng United Kingdom na nagsasabing ang mga kabataang may adiksyon sa internet ay nakakaranas ng withdrawal symptoms katulad ng nararanasan ng mga adik sa pinagbabawal na gamot. Sa makabago nating panahon ngayon, malaki ang ambag at makabuluhan ang kontribusyon ng kompyuter at internet upang mapabilis ang komunikasyon at mapadali ang pagkalap ng mahahalagang impormasyon. Dahil sa makabuluhang gamit ng internet, naging tanyag ito sa mga Pilipino at tinangkilik ng 33 milyong users ayon sa World Internet Statistics. Dahilan kung bakit ang Pilipinas ay pumangalawa sa may pinakamaraming users sa Asya at panglabimpito sa buong mundo. Nakakalungkot lang isipin na kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay naabuso ang paggamit ng kompyuter at internet lalo na ng mga kabataan na siyang mas gumagamit nito. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng DepEd,sa bawat sampung estudyante na gumagamit ng kompyuter,walo sa kanila ang adik sa internet at kadalasang napupuyat, nalilipasan ng gutom at lumiliban na sa klase. Tungkulin ngayon ng pamahalaan at maging ng paaralan na gabayan ang mga kabataang ito sa matalinong paggamit ng kompyuter at internet maging ang nakaambang panganib ng pag-aabuso sa mga makabagong teknolohiyang ito. Ngayong puspusang ang kampaya ng paaralan na gawing computer literate ang ating mga mag-aaral, isulong din sana natin ang pagbubukas ng kamalayan at isipan ng mga kabataan sa maaring mangyari sa kanila sa panahong magiging gumon na sila ng internet. Kung hindi magagabayan ngayon ang ating mga magaaral, aasahan na lang natin na hindi lang sila magiging adik sa internet kundi para na rin silang adik sa druga.

EDITORYAL

http://www.pcmag.com/article2/0,2817,2425866,00.asp

Scooter na gawa sa hemp pinatatakbo ng kuryente Julinae Jane D. Sagapsapan Ang hemp ay isang fiber na galing sa cannabis plant o sa madaling salita ay marijuana ay kilala sa mala-goma nitong katangian, subalit sa Amsterdam, ito ay kasalukuyang ginagamit sa paggawa ng orihinal na halim-

bawa ng unang hemp scooter na pinatatakbo ng kuryente sa ideya ng mga Dutch Developers. Ayon sa The Weed Blog, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mahigpit na batas laban sa marijuana pero sa ibang lugar sa mundo ang cannabis ay napatunayang may maraming pakinabang hindi lamang

sa medisina kundi maging panghalili na materyales sa iba pang industriya. Ito ay nagbigay daan sa pagiging legal ng halamang ito sa estado ng Estados Unidos sa Washington noong nakaraang taon. Ang tawag sa prototype na scooter na ito ay Be.e at pinatatakbo ng enerhiya ng kuryente na pwedeng umabot sa 25 kph. Ngunit sa inereport ng Reuters, maaari rin itong umabot sa 80 kilometro kung buo ang pagkakacharge. Ang panlabas na takip nito ay gawa sa 80 porsyentong hemp at ang ibang materyales ay gawa sa mga natural na sangkap kaya posible itong panghalili sa fossil fuel. Dito sa atin, ang hemp bilangkapamilya ng Cannabis sativa L ay nanatiling illegal liban na lamang kung gagamitin ito sa mga eksperimento o pananaliksik sa siyensa. www.gmanetwork.com

Resolusyon laban sa mga basura

Panawagan

Kayren Rachelle L. Rosas Nakakalungkot isiping sa kabila ng walang humpay na pagtuturo ng mga guro sa peligrong dulot ng mga basura ay patuloy pa rin ang mga magaaral na walang disiplina sa pagtatapon ng basura kahit saan kaya nararapat lamang na suportahan ang pagpapatupad ng pampaaralang resolusyon blg. 2013-001. Ang resolusyon na ito’y ipinasa ng Youth for Environment in School Organizations (YES-O) ng paaralan. Layunin ng nasabing resolusyon na

madisiplina ang mga mag-aaral sa pagtatapon ng basura saansaan at nang sa gayo’y mapanatili ang kalinisan sa ating paaralan. Ipinanukala ng nasabing resolusyon na patawan ng ₱5.00 ang estudyanteng mahuhuling magtatapon ng basura kahit saan sa loob ng paaralan. Kung ang mga magaaral natin ay may pagpapahalaga sa kalikasan hindi kailangan pang maapektuhan sa nabanggit na resolusyon. Napapanahon ang nabanggit na hakbang na layuning makapagturo ng disiplina nang sa gayon tayong mga kabataan ay magiging tunay na pag-asa hindi lamang sa bayan kundi maging sa kalikasan.


11

Napapanahong tagumpay ni Pacquiao:

Bukal ng ngiti sa mga pusong pighati Eljean S. Laclac

“Ang pagwawagi ni Manny Pacquiao ay nagsisilbing bukal ng lakas at inspirasyon ng buong sambayanan matapos hagupitin ang bansa ng bagyong Yolanda.” Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa isang pahayag sa Official Gazette matapos ihayag ang pagkapanalo ni Pacquiao pagkapanalo via unanimous decision laban sa Amerikanong si Brandon Rios sa Macau noong Nobyembre 24. Tunay na napatunayan

ng boksingero ng General Santos na nakabalik na siya sa ring at buhay muli ang kanyang karera sa boksing. Ipinamalas din niya sa ating lahat, at sa buong daigdig, na siya ay nakabangon mula sa dalawang magkasunod na pagkatalo. Lalong tumibay ang kanyang pananalig na magtagumpay, tulad ng kanyang ipinahiwatig pagkatapos ng kanyang laban kay Rios: nakahanda siyang lumaban kahit kanino. Higit pa sa bagong WBO International Welterweight title na naidagdag sa kanyang 8th

division world championship belt ang dulot na lakas at inspirasyon sa taumbayan, lalo na sa mga biktima ng bagyong Yolanda na buong paghangang sumubaybay sa naturang labanan. Ang pagbangon ni Manny mula sa kanyang pagkatalo ay para na ring pagbangon ng bansa mula sa sunud-sunod na mga bagyong nanalasa sa atin. “Nawa’y hindi magbago ang prinsipyong gumagabay kay Pacquiao sa bawat laban: na sa bawat suntok na kaniyang binibitawan ay suntok para sa dangal ng ating lahi,” ani Lacierda.

Green Phytons nilapa ng Blue Sharks Angel Lee J. Padillo

Sugpuin ang bullying maging sa palakasan

Nakatataba ng puso ang ipinakitang pagmamalasakit ng pamahalaan sa kapakanan ng mga mag-aaral sa paglagda nito sa Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 na tila nagbigay ng sandata upang ipantabas sa sungay ng sinumang mahilig mam-bully o mang-alaska hind lamang sa loob ng silid-aralan kundi maging sa palaruan. Ayon sa sarbey na ginawa ng patnugutan ng ‘Ang Liwanag’, dalawa sa limang mag-aaral sa Dapitan City National High School ang umaming nakaranas ng pang-aalaska, pananakit, pang-aalipusta, pagmumura at iba pang karahasan sa isports. Kaya naman isang hakbang tungo sa pagbibigay ng karagdagang lakas ng loob sa mga binubuskang mag-aaral ang pagkakatatag ng Child Protection Committee (CPC) ng paaralan na tututok sa insidente ng bullying maging sa isports. Bunsod ito ng polisiya ng Department of Education (DepEd) sa pagtatanggol at pagprotekta sa mga mag-aaral sa paaralan laban sa pang-aabuso, diskriminasyon, bullying at iba pang katulad na uri ng pang-aabuso at karahasan kaalinsabay sa pagpapatupad ng Anti-Bullying Act. Si Joseph ng ikapitong baitang, hindi niya tunay na pangalan, ay isa sa mga naiulat na biktima ng bullying sa isports mula buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Inamin ni Joseph na labis siyang napahiya sa pang-aalaska ng mga kaklase niya habang naglalaro kaya nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili at lumiban sa klase ng tatlong araw. Dahil sa pagkakalagda ng R.A. 10627 at pagkabuo ng CPC na didinig sa mga kaso ng pang-aabuso at bullying sa mga mag-aaral, tiyak na matatapos na pambubuska sa kaniya at maging sa ibang biktima. Naitakda na ang mga karampatang parusa at ang hanagrin ng paaralan na papanagutin ang mga mapang-abusong mag-aaral. Magsisilbing punyal na tatabas sa kanilang mga sungay ang mga parusang nakahanda sa bawat paglabag at pang-aapi sa kapwa mag-aaral.

EDITORYAL

Sa isang mala-kidlat na hampas ni Jose Miggie Saguin ay nilapa ng Blue Sharks ang Green Phytons sa kampeonatong laro ng balibol sa Intramural Meet na ginanap sa Dapitan City National High School (DCNHS), Okt. 25. Unang umarangkada ang Green Phytons sa kombinasyong James Barol at Ronil Honorio, Jr. na kapwa nagpakawala ng mala-bagyong mga ismash at ispayk na nagpahirap sa kalaban. Sinikap ng Blue Sharks na umabante subalit hindi nakalusot ang mga hampas nina Samuel Lelic, Jr. sa mga patpatin ngunit mala-bakal na mga bisig ng Phytons at tuluyang pinaharurot ang iskor 25-18. Sa ikalawang set, naalerto ang MALA-TORENG DEPENSA. Isa sa mga maagap sa ekspryensyadong depensa ni Lelic, captain ball ng Blue Sharks laban Sharks kaya agad na sa pamatay na ispayk ni Barol ng Green Phytons sa bumuo ng mala-toreng kampeonatong laro ng balibol sa Intramural Meet. depensa sa pangungu-

Gilas Filipinas nagningning sa FIBA Asia Championships

Jeremie J. Sibal Nagniningning ang Gilas Filipinas matapos na mapasakamay ang silver medal sa katatapos na 27th FIBA Asia Championships. Pahayag ng kapitan ng Gilas na si Jimmy Alapag na sadyang hindi matatawaran ang tagumpay ng koponan matapos maibalik sa mapa ang Pilipinas sa larangan ng basketball makalipas ang may 28 taon sa FIBA World Championships. Lalo pa itong pinaningning sa nakaraang dalawang

Sa loob at labas ng palaruan... Nakakamamangha ang galing ng mga Pinoy sa larangan ng palakasan. Pampaaralan man, pambansa o pandaigdigang kompetisyon ay tunay na nagningning ang husay ng atletang Pilipino. --00o00- Ilan sa mga ito ay ang silver medal na napasakamay ng Gilas Filipinas sa 27th FIBA Asia championships, titulong world slam dunk champion ni Kobe Paras, knockout na pagkapanalo ni Nonito Donaire Jr., muling pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa laban nito kay Brandon Rios at

ang pagiging world pool champion sa ikalawang pagkakataon ni Rubilen Amit. Bigatin talaga ang mga manlalarong Pinoy. Saludo kami sa inyo! --00o00-- Namayani ang tindi ng mga manlalaro ng paaralan sa nasaksihang Intramural Meet ’13. Sa basketbol, badminton, takraw , taekwondo o sa kahit anong laro ay hindi nagpaawat ang mga magkakatunggali. Maliliksing galaw at pautakang diskarte ang ipinamalas sa bawat isports na ginanap. Goodluck! --00o00--

na ng Captain Ball na si Lelic na nagpahina sa alyansa ng bubuwit na Phytons. Agad na hinarang ang mga pamatay na ispayk nina Barol at Honorio kaya umabante ang Sharks sa iskor na 15-25. Kasabay sa mainit na sikat ng araw ay lalo pang nag-init ang Sharks sa sumunod na set at agad na nagpalipad ng mala-ipu-ipong ispayk sina Jhonrey Geronan at Romer Letegio. Kayod-marino ang Phytons at bumida si Yale Tudara upang matugunan ang bawat hampas ng Sharks subalit sa isang kisap-mata’y nagpakawala ng mala-kidlat na hampas si Saguin na tuluyang lumason sa Phytons sa iskor na 2425.

Isports Tsika

Julinae Jane D. Sagapsapan Naging malaking kontrobersiya ang pagka-ospital ni Dante Saguin , manlalaro sa taekwondo ng Talisay Extension dahil sa matinding tama na tinamo habang naglalaro ng taekwondo. Ang ganoong insidente ay nagturo sa atin upang maging maingat bilang manlalaro sapagkat sa kaunting pagkakamali ay maaaring buhay ang nakasalalay sa malupit na mundo ng palakasan. Ibayong pag-iingat sa susunod!!!

huling laban, lalo na ang panalo nila sa semifinals laban sa South Korea. “I couldn’t be more proud to be a Filipino. The support of our country is something else. The crowd support , every night spending hard-earned money to come and support us”, ayon kay Alapag. Dahil sa tagumpay ng koponan, nakamit ng koponan ang dalawa sa tatlong slots na nakalaan sa torneo para sa darating na FIBA World Championships na gaganapin ngayong Setyembre sa Spain.

Nakahanay ang Pilipinas sa host Spain, ang automatic qualifier bilang Olympics champion US, Australia at New Zealand, gayundain ang Iran at ang tinalo nilang Korea bilang mga unang qualifiers sa 24 na mga bansang maglalaban laban para sa ika-17 edisyon ng kampeonato na idaraos sa Spain. “At the end of the day, we will be in Spain next year. It’s a great, great step forward for Philippine Basketball and hopefully we continue to stay there,” dadag ni Alapag. (www.philstar.com)

Isports Trivia 1. Saan gawa ang unang bola na ginagamit sa isports? a. luwad b. bato c. plastic 2. 3. 4. 5.

Ano ang pinakapopular na koponan ng isports? a. New York Yankees b. Chicago Bulls c. Harlem Globetrotters Saan ginanap ang unang laro ng tennis? a. England b. France c. United States Kalian unang nilaro ang Hockey sa Olympics? a. 1920 b. 1930 c. 1940 Kalian unang nilaro ang American Football? a. 1774 b. 1874 c. 1974


1st Governor’s Sports Festival sa Dumaguete

3 DCNHSians sumisid ng 16 medalya Eljean S. Laclac

Eksaktong 16 na medalya ang nasisid ng tatlong mag-aaral ng Dapitan City National High School (DCNHS) na kasapi ng Dapitan City Dolphins Swimming Club sa Invitational Swimming Competition ng 1st Governor’s Sports Festival ni Gobernador Lorenzo G. Teves sa Aqua Center, Lungsod ng Dumaguete noong Oktubre 19-20. Nakasisid ng anim na ginto si Shiloh C. Bandeling ng Gade VII-Jacinto sa 500m individual medley, 50m backstroke, 50m at 100m breaststroke, 50m at 100m freestyle at isang silver para sa 50m butterfly sa age bracket na 11 to 12. Itinaas naman ni Ian Kit Bandeling ang watawat ng DCNHS nang magbunga ang kanyang pag-eensayo nang napagwagian niya ang ginto sa

200m individual medley, dalawang silver sa 50m at 100m butterfly at apat na bronze sa 50m at 100m backstroke at gayundin sa 50m at 100m freestyle para 15 to 17 na age bracket. Hindi naman nagpahuli si Jimson Cayongcong ng III-Aries matapos maiuwi ng dalawang bronze medals sa 50m at 100m breaststoke sa age bracket na 15 to 17. Tinalo ng tatlong man-

lalangoy ng DCNHS ang mga manlalangoy mula sa Negros, Zamboanga at Dumaguete City. Ang DDSC na tumanggap ng suportang-pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Dapitan ay nasa ilalim ng pagsasanay ni Phil Goldman na isang British swimming coach at Minerva Catahay bilang team manager na pampaaralang koordineytor sa MAPEH ng DCNHS.

SISID MARINO ang ginawa ni Ian Kit Bandeling upang maiuwi ang karangalan sa 100m Butterfly Stroke mula sa 1st Governor’s Invitational Sports Festival sa Lungsod ng Dumaguete.

6th ASEAN Schools Games gaganapin sa Pilipinas

LATHALAIN

Kayren Rachelle L. Rosas

Alvin Swiss

Archie Lloyd

Adrian Reed

DUGO SA DUGO Isang sulyap sa siblings rivalry sa isports

Mariele C. Sagario Venus at Serena Williams sa lawn tennis. Michael at Raf Schumacher sa motor racing. Phil at James Younghusband sa football. Jeric at Jeron Teng sa basketball. Iilan lamang ito sa mga matutunog na pangalan ng mga magkakapatid sa larangan ng palakasan. Ito ang patunay na ang sibling rivalry o kompetisyon laban sa magkakapatid ay buhay na buhay maging sa mundo ng isports. Ang sino man na may kapatid maging lalaki o babae ay makapagsasabi na buong buhay ka nang nakakulong sa pakikipagkompetisyon o pakikipagtagisan laban sa iyong kapatid. Dahil pareho kayo ng magulang, parehong dugo rin ang nananalaytay sa inyong mga kalamnan at nangangahulugang kung may naabot ang isa, dapat may maabot ka rin. Sa maniwala man kayo

o hindi, natural ang pagkakaroon ng kompetisyon sa mga magkakapatid maging sa bahay man o maging sa palaruan. Dito sa Dapitan City National High School, may tatlong magkakapatid na naglalaban para sa iisang tropeo sa larong basketbol. Ang magkapatid na sina Archie Lloyd ng Seniors, Adrian Reed ng Juniors at Alvin Swiss Melendrez ng Grade VII ay ang superstar ng kani-kaniyang team. Sapagkat si Alvin ay hindi masyadong gamay sa larong basketbol, nakamit ng kanyang koponan ang ikatlong pwesto. Ngunit, dugo sa dugo ang naging labanan sa kampeonatong laro sa basketbol nang magharap ang magkapatid na Archie Lloyd at Adrian Reed. Dahil parehong matangkad kapwa nakatoka na gwardyahan ang ilalim ng ring at sila ang palaging nag-aagawan sa bola sa rebound. “Pareho talaga kaming

mahilig ni kuya sa basketbol kaya natural sa amin ang maglaban. Bagaman siya ang kuya, hindi ko basta basta isinusuko ang bola sa kanya,” ani Adrian Reed. Pero sa huli, mas nangingibabaw ang edad at karanasan kaya naibuslo ng Seniors ang kampeonato sa pangunguna ni Archie Lloyd. “Ginawa ko ang lahat pero sadyang magaling si kuya at ang kanyang mga ka-teammates. Tanggap ko na iyon,” wika ni Adrian Reed sa pagwawakas ng laro. Tunay na ang mundo ng palakasan ay walang hanggang kompetisyon. Wala itong sinasanto, mababae man o lalaki. Lahat pinapatos, maging ang magkakapatid. Ang mahalaga lang na mananatili tayong mapagkumbaba sa panahon ng tagumpay at laging bukas ang puso na tanggapin ang pagkatalo sa panahon ng kabiguan.

Magiging punong–abala ang Pilipinas sa pangunguna ng Department of Education (DepEd) at ng Philippine Sports Commission (PSC) sa 6th ASEAN Schools Games na gaganapin ngayong Disyembre 2014. Kamakailan lang ang lumahok ang Pilipinas sa 5th ASEAN Schools Games sa Hanoi, Vietnam kung saan ipinadala nito ang mga piling manlalaro na nagwagi sa 2013 Palarong Pambansa. Napanalunan ng delegado mula Pilipinas ang tatlong bronze medals sa balibol-panlalaki, basketbol-pambabae at javelin throw-panlalaki kung saan nagningning ang galing ni Bryan Jay Pacheco na lumamang din ang rekord sa shot put noong

Palarong Pambansa. “I am proud of our athletes and commend their discipline and dedication to their sport. Moreover, I am glad that they are able to participate in event such as this and serve as ambassadors of goodwill to our neighbors,” pahayag ng Kalihim ng DepEd na si Brother Armin Luistro na nagpahayag din ng pasasalamat sa PSC sa aktibo nitong pagsuporta sa DepEd upang hasain ang mga manlalarong Pinoy. Ang ASEAN Schools Games ay taunang paligsahang pampalakasan na naglalayong malinang ang pagkakaibigan ng mga mag-aaral na manlalaro sa buong rehiyon at mapaunlad ang katatagan ng ASEAN sa mga kabataang sa pamamagitan ng palakasan. www.gmanews.com

1 sa 5 mag-aaral, biktima ng bullying sa isports – sarbey Eljean S. Laclac

Labis na nababahala ngayon ang Dapitan City National High School matapos lumabas sa isang malayang sarbey na isinagawa ng patnugutan ng ‘Ang Pluma’ na dalawa sa limang mag-aaral ang nakakaranas ng bullying sa palaruan. Tinatayang 100 sa 500 na mag-aaral na isinailalim sa sarbey ang umaming naging biktima ng pang-aalaska, pananakot, pang-uuyam at pagbibiro habang naglalaro. Napag-alaman din sa nasabing pagsusuri na mas nagiging biktima ng bullying sa isports ang mga kababaihan kaysa kalalakihan matapos magtala

ng 60 ang kababaihan bilang biktima ng bullying kumpara sa kalalakihan na nagtala ng 40. Samantala, 60 bahagdan naman sa 500 mag-aaral na siniyasat ang nagsasabing sila mismo ang nakasaksi ng pambubully habang naglalaro samantalang 55 bahagdan naman ang umaming nawalan ng kompiyansa matapos makaranas ng pangbubuska. “Nagiging bahagi na minsan ng palakasan minsan ang pang-aalaska ngunit dapat din nating isipin na mayroon itong epekto sa mga manlalaro,” ayon kay Josephine Cabasag, tagasanay sa larong track and field.

Demecillo ginulpi Escaner; titulo naidepensa Holly-Ann A. Cabasag

Humabi ng isang hindi malilimutang kasaysayan si Marco Demecillo sa larangan ng boksing matapos niyang dungisan ang malinis na rekord ni Giovanni Escaner upang mapanatili sa kanyang mga kamay ang Philippine superflyweight title sa sagupaang ginanap sa Dipolog Sports Complex, Agosto 17. Sa labang tinaguriang Bakbakan sa Dipolog, nagtagisan ng galing ang dalawang boksingero sa unang sultada pa lamang ng laro na nagpaiinit sa gabing may dalang panaka-nakang pag-ulan. Nagpakawala ng leftright combination si Escaner na

yumanig at tumama sa katawan ni Demecillo sa ikalawang round habang hirap ang huli na hanapin ang kanyang ritmo at tamang diskarte. Ngunit, tila nasa kampo ni Demecillo ang swerte nang makahanap ito ng butas sa depensa ni Escaner at sunud-sunod na nakakonekta ng malalakas na suntok ang una sa kalagitnaan ng ikaaapat na round ng bakbakan. Parang sabungan naman ang mga manonood na hindi magkamayaw sa sigaw nang umarankada si Demecillo gamit ang kanyang mas mahabang karanasan sa boksing sa huling round at pinatunayan na siya ang hari ng ring matapos pagharian ang scorecards ng

mga hurado: 116114, 117-116 at 115113. Tila nakabangon si Demecillo sa pait ng una niyang pagkatalo laban kay Arthur Villanueva noong Abril sa Davao City. Sa kabilang banda, natikman ni Escaner ang saklap ng unag pagkatalo sa kamay ni Demecillo, at dinungisan ang malinis na record nito at ginawang sampung panalo kung saan anim ang TKO at isang talo.

MALA-BAKAL NA KAMAO. Sinasapok ni Marco Demecillo ang kanang panga ni Giovanni Escanner sa sagupaan para sa titulo ng Superflyweight sa Lungsod ng Dipolog.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.