Campus Stellae - Filipino | Tomo 11, Isyu 1

Page 1

Makasaysayan ang araw na ito para sa Compostela Science and Technology High School (CSTHS). Pinagsama-sama ang anim na aktibidad sa loob ng isang araw noong ika-24 ng Nobyembre, Biyernes, bandang alas 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ang mga aktibidad na ito ay ang pagbubukas ng Ika-89 National Book Week, State of the school address (SOSA); School Monitoring, Evaluation and Adjustment (SMEA); Education summit; PTA General

Compostela, Cebu – Muling nagpakitang gilas ang CSTHS sa pagtatalumpati nang masungkit ni Darvy Mancao, magaaral ng Compostela Science and Technology High School (CSTHS) ang ikalawang gantimpala sa naganap na Read A-Thon: Sulat Bigkas ng Talumpati noong ika13 ng Disyembre, 2023 na ginanap sa Compostela Central Elementary School.

PAGPAPAHALAGA SA ATING

PAGKAKAKILANLAN

Pista ng wika ipinagdiriwang sa CSTHS

Pagpapahala, pagkakaisa, at pagkamalikhain! Ito ang makikita sa naganap na pagdiriwang ng kapistahan ng wika taong 2023 sa Compostela Science and Technology High School (CSTHS) noong ikawalo ng Setyembre, Lunes.

HERricanes, inungusan ang Thunder BELLES, 12-10

Precious Hanna Aliño

Ang pistang ito na may temang; “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan” ay pinangunahan ng mga guro sa Filipino ng paaralan. Sila ay naghanda ng ibat ibang mga aktibidad sa araw na iyon.

PAGPATULOY SA PAHINA 2 | BALITA Hansen Dave Somblingo PAGPATULOY SA PAHINA 2 | BALITA IPINAGDIWANG NG CSTHS Abante sa Karera: Pagsingap sa pasulong na akademikong pagtatapos PAHINA4 PAHINA3
PAHINA
I-SCAN DITO!
13 PAHINA 10

IPINAGPATULOY

Binuksan ang ika-89 National Book Week bilang paunang aktibidad sa araw na iyon na idinaos sa Learning Resource Management Development (LRMDS) ng paaralan. Ito ay dinaluhan ng mga piling magaaral mula sa iba’t ibang antas.

Samantala, inihilira ng mga mag-aaral sa labas ng kanyakanyang silid-aralan ang kani-kanilang mga nagawang proyekto ta pangalawang kwarter bilang aktibidad sa Education Summit.

Kasunod na ginanap ng magkasabay ang aktibidad - SOSA, SMEA, at PTA General Assembly sa dyim ng paaralan na pinangunahan ni Cyrele Quiño, punong guro ng

IPINAGPATULOY

paaralan na siyang dinaluhan ng mga magulang ng mga mag-aaral at mga stakeholders.

Isinagawa ang pamimigay ng kard ng mga mag-aaral sa kanya-kanyang silidaralan, bilang panhuling aktibidad sa araw na iyon.

Ayon kay Mayflor C. Balansag, guro ng paaralan, ang mga aktibidad na ito ay isang oportunidad upang magkaisa ang mga magulang, guro, at stakeholders sa pagpapaunlad ng paaralan.

Ang pagsasama-sama ng anim na aktibidad to isang araw ay napakahalaga sapagkat ito ay kauna-unahang nangyari sa kasaysayan ng CSTHS.

Nasungkit pa rin ni Darvy Mancao ang ikalawang gantimpala sa kabila ng mga pagsubok na kaniyang nadaanan, tulad ng pagsubok sa pagbigkas ng mga salita, pagsulat ng talumpati, paggamit ng mga salita at maikling panahon na pag-eensayo nila ng kanyang tagapagsanay na si Bb. Lyka Cunanan, guro ng CSTHS kung saan sa onlayn lang sila nag-ensayo. Nakatanagap din sila ng payo galing kay Emanuel Jess Calderon, isa sa mga mag-aaral na nasanay ni Bb. Lyka Cunanan sa pagsasalita. Lumiban siya sa klase para lang makadalo sa mismong patimpalak at maipakita ang suporta kay Darvy Mancao.

“After hearing that I was placed 2nd, I was astonished yet delightful since our day of effort really pulled off”, wika ni Darvy Mancao bilang reaksiyon sa kanyang pagkapanalo.

Matatandaan na nagwagi ng unang gantimpala sa nasabing patimpalak ang CSTHS na siyang nirepresenta ni Emanuel Jess Calderon noong nakaraang Municipal Festival of Talents 2023 noong ika-29 ng Mayo, 2023. Ito ang kauna-unahan at makasaysayang pagwagi pagkatapos ng pandenya na maipagmamalaki ng Departamento ng Filipino at ng buong CSTHS.

Bilang paunang aktibidad, nagkaroon ng isang ‘salosalo’ ang bawat mag-aaral mula sa iba’t ibang antas at pangkat na ginanap sa kanya-kanyang mga silid-aralan.

Samantala, ang ilan sa mga aktibidad ay hinati sa dalawang kategorya-kategorya A, kung saan ang mga kalahok ay mula sa ika-pito, walo, at siyam na baitang; at kategorya B na ang mga kalahok ay mula naman sa ika-10, 11, at 12 na baitang.

Ang mga aktibidad sa kategorya A ay ang paggawa ng poster, at masining na pagkukwento. Habang, sa kategorya B ay ang pagsulat ng sanaysay, pagsulat-bigkas ng talumpati, at madulang sabayang pagbigkas.

Sa hulihang bahagi ng kapistahan, pinarangalan ang mga nanalong mag-aaral na lumahok sa mga patimpalak.

Itinanghal na mga kampiyon sa kategorya A ang mag-aaral na sina Richell Mae Barawedan mula sa 8-Galileo para sa paggawa ng poster, at Roni James Vincent Lauron mula sa 9-Mendeleev para sa masining na pagkukwento. Habang, sa kategorya B ay sina Irish Abad mula sa 11- Tesla para sa pagsulat ng sanaysay, Christine Joyohoy mula sa 12-Einstein para sa pagsulat-bigkas ng talumpati, at ang mga mag-aaral mula sa 12-Edison para sa madulang sabayang pagbigkas.

Ang pagdiriwang ng kapistahan ng wika sa CSTHS ay isang paraan upang magbigay halaga sa ating sariling wika at iparating sa mga mag-aaral ang kalagahan ng wika sa ating pagkakakilanlang Pilipino.

Homeroom PTA Meeting at First Quarter Card Distribution, isinagawa sa Compostela Science and Technology High School (CSTHS)

Isinagawa ang Homeroom PTA meeting at first grading card distribution sa CSTHS noong ika-24 ng Nobyembre, Biyernes, bandang alas 4:00 ng hapon.

Tumungo ang mga magulang sa kani-kaniyang silidaralan ng kanilang mga anak pagkatapos ng isinagawang

General Assembly Meeting sa covered court ng paaralan. Tinalakay sa pagtitipon ang tamang pagsuot ng uniporme, paglahok sa flag ceremony, pagpasok ng maaga, pagliban sa klase, paglabas sa paaralan, paggamit ng selpon, pagpopost sa social media at ang paparating na Family Day.

Pinag-usapan din ng mga guro at mga magulang ang mga isyu o suliranin na kinakaharap ng kanilang mga anak sa loob ng paaralan.

Isinagawa ang pamimigay ng kard sa mga magulang pagkatapos ng talakayan. Sinundan ito ng pagbibigay ng mga parangal sa

ilang mga mag-aaral ng CSTHS. Sa kasalukuyan, ang Homeroom PTA meeting na ginanap sa araw na iyon ay pangalawang beses nang nangyari simula ng pagbubukas ng klase. Habang ang pamimigay ng kard ay kaunaunahan palang sa taong ito.

2
BALITA
MULA SA PAHINA 1 MULA SA PAHINA 1 Precious Hanna Aliño

Intramurals 2023 pormal

Isinagawa ang pormal na pagbubukas ng Intramurals sa Compostela Science and Technology High School (CSTHS) noong Nobyembre 29, 2023, Miyerkules, bandang ala 1:00 ng hapon.

Sinimulan ito sa isang parada na umikot sa loob ng paaralan na nilahukan ng mga magaaral mula sa iba’t ibang grupo at lilang mga guro. Ang mga grupong ito ay mula sa white team, blue team, red team, at brown team. Pinangunahan ng ilang guro

na binuksan sa CSTHS

at mag-aaral ng paaralan ang pormal na pagbubukas ng aktibidad na ito. Pinailawan ni Christian Robert Israel, badminton player ng Provincial Meet 2028 ang Athletic Flame bilang pahiwatig ng pagbubukas ng aktibidad.

Nagkaharap ang iba’t ibang grupo at nagpasiklaban sa pag- taas ng mga bandera ng kani-kanilang grupo.

Bilang pang wakas na aktibidad, isinagawa ang Mr. and Mr. Intramurals 2023

89th National Book Week

Ipinagdiwang ng CSTHS

Hansen Dave Somblingo

na nilahukan ng 16 na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang grupo. Sa huli, itinanghal si Breah Bontol bilang Ms. Intramurals 2023 na mula sa white team at Niño Philip Lavador bilang Mr. Intramurals 2023 na mula sa red team.

Inanyayahan ng mga guro ang mga mag-aaral na makilahok at makibahagi sa darating pang mga aktibidad ra susunod na mga araw ng Intramurals 2023 sa CSTHS.

Ginanap ang pagdiriwang na may temang “Read, Reread and Relive”. Ito ay pinangunahan nila Gng. Johna Jumamil at Gng. Emalyn Astronomo, mga guro ca CSTHS.

aaral na muling ibalik ang hilig sa pagbabasa ng mga aklat.

Ipinagdiwang ang nasabing kaganapan sa pamamagitan ng iilang paligsahan at trivia games na nilahokan ng mga mag-aaral sa Junior High School. Ang mga paligsahan ay binubuo ng: Book Sphine sa ika-7 baitang, Get Caught Reading sa ika-8 baitang, Cutest Photo in the Library sa ika-9 na baitang at Book Talk Challenge naman para sa ika-10 baitang.

Ayon kay Gng. Emalyn Astronomo na ang layunin ng kaganapan ay hikayatin ang mga mag-

“Who I am today is the acclamation of what I read. Reading is not just an escape of reality. Reading is a stem that we make. Literature should never die because that’s what our society is”, tugon ni Thian Isaac Castillon, Science Club President, bilang isa sa mga mag-aaral na mahilig magbasa ng aklat at para hikayatin ang kapwa mag-aaral na magbasa.

Natapos ang pagdiriwang ng 89th National Book Week noong ika30 ng Nobyembre. Kung saan naipakita ng mga baitang 11 ang kanilang likha sa pagganap bilang mga karakter sa iba’t ibang aklat.

ika-24 ng
alas 10:00 ng
Idinaos ang 89th National Book week sa Compostela Science and Technology High School (CSTHS) noong
Nobyembre, 2023 bandang
umaga, Huwebes.

Abante sa Karera:

Pagsingap sa pasulong na akademikong pagtatapos

Tila totoong nakakahingal maghabol sa mga ayaw sa’yo lalo na kung ang mga ito ay mahirap abutin. Para ka lang nasa karera, nakakahilo at nakakayamot. Hindi ko ibig na isipin mo ang iyong mga kalaguyo at mga nagugustuhan. Hindi iyan ang aking punto. Ibig kong iparating ay mga nakabinbin na mga takdang-aralin mo! Dosenang nakatambak na gawain at aktibidad na animo’y hindi na matuldukan dahil kay hirap ng mga pamantayan.

Ngunit huwag kang matakot at huwag nga ng isang karakter, sapagkat ginawan na ng paraan ng Department of Education (DepEd) para pasulong tayong umabante sa mas matatag at handa na akademikong taon.

Sa kabila ng salansan na gawain at patong-patong na mga kaso patungkol sa kalusugan, tinugunan ng nasabing ahensya ang suliraning ito sa pamamagitan ng unti-unting pagbalik sa unang kalendaryo ng paaralan. Bagama’t nakokompromiso nito ang araw ng pagkatuto, sapat lamang ito para magpatuloy ng nakaangkla sa kabutihan ng guro at mag-aaral. Habang sinisira natin ang siwang na naiwan ng pandemia, itinataguyod din natin ang mas epektibong akademya kung saan dinig ang kolektibong daing ng mga kabahagi. Mas pasulong nating sinasagot ang mga panganib sa kalusugan ng kabataan at kawani na pumailanglang tuwing Marso hanggang Mayo. Alinsunod sa petisyong ito, mas nakakatakbo ang imahinasyon ng kabataan kung hindi binabahala ng

angsistemagayundinangpisikalnakabutihannglahat.

Sa pagsara ng taong panuruan, dal anito ang pagsingap sa sumisilip na makabagong kagalingan. Kung naayos nila ang kalemdaryo, nawa’y sa susunod ang buong sistemang edukasyon na. Na kahit dahanurong-sulong. Kahit walang karera, panalo. Abante, takbo hanggang sa maabot. Hanggang sa matapos. Nawa’y iyan ang panghawakan hanggang sa pagtatapos.

“Bakit parang kasalanan ko?”

“Mayabang at matapobre na yang bata na iyan, nakapag-asawa kasi ng banyaga”. Iyan lamang ang iilang bukambibig ng mga tao kapag marangya mo ng naibabandera ang kakarampot na narating mo sa buhay. Paulit-ulit nitong sinasampal ang delikadesa ng babae na nais lang naman tugunan ang mapanghamon na sistema. Hindi ba nakakayamot na rin minsan pakinggan ang kanilang sentisismo na taliwas sa kontekstong pagdedesisyon? Subalit, masisisi ko ba sila sa kanilang paniniwalang hinubog ng baluktot na lipunan? Nananahan na sa kaibuturan ng ating pagka Pilipino ang gampaning tagapagbigay ng sustento, komersiyo, at kwalidad na edukasyon sa ating pamilya. Hindi natin kayang tingnan na magkandakupa sila para lang makapagbayad sa mga bayaring tila hindi matuldukan ng isang tao lang. Dahil sa mga nakagisnang paghihirap sa laylayan, likas na nating mga Pilipino ang mangarap ng matayog kagaya ng guryon.

Ayon sa estadistika ng Philippine Statistics Authority na inilabas noong Disyembre 22, bahagdang 22.4% ang naghihirap na pamilya. Sa milyon-milyong pamilyang Pilipinong naniniwala na sila ay mahirap, mahigitf 3.3% ang naniniwala na mas nakikita

nila ang saysay ng buhay sa pagpapakasal ng banyaga.

Kaugnay nito, iginiit ng Philippine Law na walang hadlang sa dugong intrusyon ng mga banyaga o foreigner at sa mga Pilipino. Ang pagpapakasalisang sagradong pagdiriwang, ay walang kamalian sa taong gusto magmahalan at magkaroon ng personal na katumbasan sa inalay na pangako.

Hindi natin masisisi ang indibidwal na nais lamang masulyapan ang masaganang pamumuhay. Hindi ko kasalanan na nais mo maiwan sa laylayan para sa ngalan ng pag-ibig. At hindi ko maibibintang sa kanila ang buhay na walang akses sa kahalagahan ng kalusugan at edukasyon kung ang tanging ginawa nila ay iromantisa ang diwa ng kahirapan. Hindi ko kasalanan kung bulag at nagbibingi- bingahan ka sa konteksto ng masaganang buhay at pamumuhay.

Ani nga ni Bobbie sa pelikulang Four Sisters and a Wedding, “Bakit parang kasalanan ko?” Bakit parang kasalanan naming matatayog ang lipad at may malilinis na intensyon ang magkaroon ng dugong intrusyon?

Kasalanan ko ba talaga o kasalanan ko lang dahil ito na ang hinubog sa mata ng lipunan?

Pula sa Puti:

Marupok na implementasyon sa MATATAG na kurikulum

Isang karapatan ang matuto, malaking pribilehiyo kung mas palalawakin at uunawain. Mapalad ka na kung may aklat kang madadalumat at mga kuwadernong mapapahiran ng kaalaman. Ngunit kung wala, aasa ka pa sa siwang na sistemang kinakalawang.

Sa estilo ng huwad na sistema, pangkalahatang binago nito ang kurikulum na siyang taliwas pa rin sa pangangailangan ng kabataan. Sa halip na mapadali ang lahat, mas naiiwan lamang ang lipunang walang mga kagamitan at kasangkapan. Mas naging obhetibo nang nasa itaas ang pagbuo ng kanilang imahe, at pilit winaksi na lamang ang mga prayoridad sa edukasyon. Nagpapatunay, na ito’y isang manipestasyon sa

lipunang singkad ng puwersa na nais baluktutin pa ang sistema.

Tiis at dusa para sa mga nasa ibaba, halakhak para sa mga nasa itaas.

Kung sa laro pa , hindi pa rin, at hindi kailanman naging matatag ang kanilang estratehiya. Ang MATATAG Kurikulum ay isang depektibong implementasyon at isang patunay sa pagpapaigting ng anti-demokratiko at kolonyal na edukasyon na siyang nagpapalaki sa siwang na pamumuno.

Bagaman nakokompromiso ang mga kasanayan, paano ito magagamit kung walang sapat na kagamitan at kasangkapan sa paaralan? Hindi ba dapat pagtuunan ng pansin muna ang mga batang pinagkaitan ng mga silid-aralan

bago irebisa ang kurikulum na wala rin namang epekto para sa mga nasa ibaba?

Ang pulang istorikong konteksto ay pilit binubura at ginagawang puti. Ang nakapulupit ay mas tinatali at ang nakalibing ay mas binabaon. Ang pagbabago ay pilit kinukubli pa rin na para bang isang pagkakataon lamang ang pagkatuto.

Kung kahirapan ang hadlang sa edukasyon, bakit ang kurikulum ang iniiba? Yaring naghahabulan lang tayo dito na walang paroroonan. Walang pagbabago. Kurbada, hindi tuwid. Matabang, hindi matapang.

Marupok, hindi matatag. Kulang na kulang pa sa kabila ng lahat.

Irish Kate Abad

Batang Mangmang:

Pagsingap sa siwang na kakanyahan ng mga panukala

Handa ka na bang makinig sa katotohanan ng hindi napipikon? Handa ka na bang mamulat sa mapait na katotohanan ng sistemang baluktot?

Mga mangmang lamang ang nangingialam. Mga mangmang na hindi alam paano basahin ang iilang salitang sinatitik, ni di alam kung paano gamitin ang ibang pormula sa matematika. Pero sinusubukan nila, sinusubukan natin.

Dahil sa mga pansariling kakulangan, naging ugat ng

Department of Education (DepEd) na isabuhay ang “Catch-up Friday”. Isinabuhay ito upang paigtingin ang naiwang kakanyahan ng mga mag-aaral at para matuldukan ang siwang na naiwan ng pandemya.

Ngunit aminin man natin o hindi, isa lamang itong marupok na implementasyon at bigo na aplikasyon sa pagtala ng kakulangan ng mga bata. Bukod sa depektibong pamamaraan sa pagtukoy ng kompetensya, wala ring hinaing ang mga magaaral sa paraang gusto nilang matuto.

Ipinipikit lamang ng mga ahensya at kawani ang kakulangan sa mga silid na kagamitan at siyentipikong kasangkapan na sana’y pagtuunan ng pansin bilang malaking bahagdan sa pagkatuto ng bata.

Itinitikon lamang ng mga nasa taas ang kanilang bibig tuwing isinasalaysay natin

ang ating daing sapagkat takot sila sa mga posibleng opresyon ng mga naitalagang proyekto. Napipikon sila sa mga bukambibig ng mga mangmang na nais mangialam.

Sa integrasyong ito, mas pinapasan lamang ng mga guro ang malaking bahagdan sa akademikong kakulangan. Bilang resulta, walang konkretong ebidensya na nasisiyasat ang bawat bata sa personal na kakayahan, sa halip nagbibigay tandang pananong lamang ito sa intelektwal na kapasidad ng bata.

Sa kabila ng mga pagbabagong nakaangkla sa mga mag-aaral, hindi pa rin ito sapat upang makahabol sa karera ang mga batang pasan ang mga hinaing na hindi binibigyang-diin.

Nawa’y mas bigyang pokus ng ahensya ang pamamaraang makakabuti at makabibigay ng matatag na impluwensiya sa mga bata.

Sana’y kaagapay na ang lahat. Sana bahagi pa din ang mga mangmang.

Patnugutan

Punong Patnugot

Irish Kate Abad

Pangalawang Patnugot

Earl Jade Pitogo

Mary Lianel Sabas

Patnugot ng Balita

Precious Hana Aliño

Patnugot ng Lathalain

Je Marielle Potot

Patnugot ng Balitang Pampalakasan

Angel M. Nuñez

Tagapagsulat ng Balita

Hansen Dave Somblingo

Tagapagsulat ng Lathalain

Arnalyn Sangre

Tagapagsulat ng Balitang Pampalakasan

Krystel Alcaria

Kolumnista

Irish Kate Abad

Helsha Cate Nepangue

Emanuel Bagatsolon

Tagapagsulat ng Artikulong Agham

Rhaiza Manisan

Margie Lou Jasmin

Kartunista

Maria Ives Pasaol

Ashenette Pelari

Tagakuha ng Larawan

Janessa Therese Batucan

Breah Bontol

Tagapag-anyo

Jay Evan Catubig

Gurong Tagapayo

Gng. Nanette S. Tagalog

Bb. Lyka

Mae G. Cunanan

Konsultant

Cyrele C. Quinio

OPINYON 5

Bida ang Saya sa CSTHS Acquaintance Party 2023

‘Hey Kids, halina’t magsaya. Si bestfriend Jollibee narito na lalalala’

Hiyawan, kantahan at sayawan. Iyan ang mga salitang maiuugnay mo sa Acquaintance Party 2023 ng Compostela Science and Technology High School na ginanap noong Setyembre 29, 2023 sa CSTHS Gymnasium. Ang pagdiriwang ay may temang “Building Bridges Where Camaraderie meets Inner Child”. Ibinida nito ang sikat na fastfood chain sa bansa na patok sa ating mga pinoy, mapabata man o matanda. Walang iba kundi ang Jollibee. Upang maging mas kapanapanabik ang nasabing pagdiriwang ay hinati ang mga mag-aaral sa limang grupo: Ang team Jollibee, team Hetty, team Popo, team Yum, at team Twirlie.

Lahat ng grupo ay may kanikanilang kulay na mas lalong nagbigay kulay sa pagdiriwang buong maghapon. Hindi lang iyan, lahat ng grupo ay may kani-kanila ring malikhain na yell, simbolismo na ang mga Scitechians ay palaban at hindi nagpapatalo. Ang pagdiriwang ay pinangunahan nina Carlos Ethan Acaso at Christine Joyohoy na siniguradong hindi magiging matamlay ang pagdiriwang. Nalilinang rin ng

mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng mga DIY costumes/mascots para sa kanilang mga pangkat. Higit na hiyawan at sigawan ang maririnig mula sa mga mag-aaral matapos ipakilala ang maskot ng bawat grupo. Hindi rin nagpahuli ang bawat grupo sa mga palaro tulad ng ‘Sack Race’ at ‘Maria went to town’. Ngunit, hindi diyan nagtatapos ang Acquaintance Party, sapagkat sumunod ang pinaka-importante o ang rason kung bakit ipinagdiriwang ang Acquaintance Party – ang makilala ang bawat isa. Sa pamamagitan ng tinatawag nila na ‘Friendship Circle’ ay nagkaroon ang bawat isa na makilala ang isa’t isa. Ito ay tinapos sa pamamagitan ng live band na pinagbidahan ng ilan sa mga mag-aaral mula sa Grade 11.

Ang buong maghapon ay puno ng kulay, tulad ng ibatibang nararamdaman ng mga mag- aaral sa pagdiriwang. Sa hapon ring iyon nahulma ang bagong pagkakaibigan, mas naging matatag ang mga sarili at nalinang ang paraan ng pakikipaghalobilo sa kapwa. Patunay na ang pagdiriwang ay naging matagumpay sa pagabot ng layunin, kaya tiyak na sa CSTHS Acquaintance Party 2023, bida ang saya!

CHEMISTRY within CHEMISTRY:

Indayog ng

Paggawa, Pagkakataon, at tadhana. Majoridad ng tao’y naniniwala na ang mga kasangkapang ito ang kukumpleto at maghahatid sa’yo kung saan mo gusto at kung saan ka dapat sa buhay. Maiisip mo ba na ang pinong linya sa pagitan ng personal at propesyonal na buhay ay may ikaliliit pa pala? Sinong mag-aakala na ang mag-asawang parehong nagtuturo ng agham ay magkakatrabaho sa iisang paaralan lamang?

Ba’t ‘di tayo magsimula sa kung paano sila nagkakilala? Paano nga ba sumibol ang pagmamahalan nilang dalawa?

“Kolehiyo nun, 2005, sa unibersidad ng Cebu Normal University.” sabi ng dalawa. Parehong naging Science Majors ang dalawa at ani pa ni Mr. Lord Norland Cabanes, nagulat na lamang siya at alam na ni Mrs. Jayve ang pangalan niya. “Kana bitawng feeling nga kaila naka niya bisag wa pa?” ani ni Mrs. Jayve. Panay stalk daw siya kay Sir Lord nun hanggang dumating sa puntong nalaman niya address nito. Hahay, Pagibig nga naman talaga. “Sa CNU,

lathalain 6
di ko motingog; nagsige kog hulog og piso bisag pobre mi ato.” Naging determinadong studyante si Mrs. Cabanes noon. Nagkaroon siya ng malinaw na prioridad at inuna niya talaga ang pag-aaral. Ang naging routine niya lang talaga ay: campus papuntang boarding house, at boarding house papuntang campus. “When did you realize she was the one?” tanong ng interviewer kay Mr. Cabanes. “Practicum year, 2008, naa mi off-campus teaching
naay hulog-hulog piso - kana pang tawag ba - nagsige kog tawag sa iyahang landline, pero
Larawan l Regine Faye Oliverio Larawan

CHEMISTRY within CHEMISTRY:

ato, gipaadto mig Medellin. I said to myself, this is the right time for me to court her kay manggraduate nami, di nami magkita.” Ani ng dalawa, “opposites do attract.” Mas gusto man ni Mrs. Cabanes yung mga gulay at prutas, at mas nais man ni Mr. Cabanes ang mga karneng ulam, nagkakasundo sila na para bang mga piraso ng isang jigsaw puzzle.

Hindi planado ang paglipat at pagtrabaho ni Mrs. Cabanes sa paaralang CSTHS ngunit ikinagalak ito ng dalawa. Ani pa ni Mr. Cabanes, “Mura ko’g naay instant secretary kay naay mosuwat sa akong ngalan sa logbook… naa pud ko emotional support, convenient kaayo for us both.” Ang mag-asawang nagtuturo ng agham ay mas may hawak na sa oras nilang dalawa. Bukod pa rito, ‘di alintanang mas matutulungan nila ang isa’t isa. Sa kabila ng propesyonal na larangan, sa labas ng ating silidaralan, matutunghayan ang iba’t ibang bahagi ng buhay ng isang tao. Mapa abogado man, doktor, arkitekto, estudyante, o guro, sa labas ng propesyon, may buhay na ‘di kilala ngunit ‘di rin nakatago. Sa CSTHS, makikita ang mga dagasang guro na may labis na pagmamahal sa larangan ng edukasyon. Ngunit, sa kabila ng kanilang kahusayan sa pagtuturo, hindi dapat kalimutan na sila’y mga indibidwal na may sariling damdamin, pangangailangan, at pinapahalagahan. Sa labas ng mga lessons o kurikulum na tinatanto, naroon ang mga bagay na malapit sa kanilang puso - pamilya, anak, asawa, at kaibigan.

Sumibol ang Sigwa, Sumilakbo ang Tiyaga

Talino, Talento, at Tiyaga – handog ng mga mag-aaral sa Compostela Science and Technology High School. Kilala sa palagiang pagsabak sa mga patimpalak at patalastasan, ang angking kahusayan at pagkahumaling sa paboritong larangan ng paksa ng mga Scitechians ay naipapamalas sa madla. Ngunit, paano nga ba kung ang bagay na sa iyo’y nagbibigay-galak ay hindi mo magawa nang dahil sa isang sakuna? Paano ba sinubok at napagwagian ng mga Scitechians ang kauna-unahang pagbabalik ng patimpalak sa saliksikan matapos sumawata ang matinding pandemya?

Nitong ika-23 ng Oktubre, taong 2023, sumabak at nanalo sa “TUKLAS Research Competition (DTFS)” na inilahad sa Buanoy National High School sa Balamban, Cebu, sina Geraldin Luna, Dwayne Anthony Aseo, at Jan Christian Jay Abella.

Ang “TUKLAS Research Competition, Divisional Science and Technology Fair 2023” ay ang kauna-unahang kompetisyon sa Research matapos lumaganap at nanalanta ang pandemyang COVID-19.

Sa tulong ng kanilang mga tagapag sanay na sina Bb. Jaemaica P. Jimena –

isang mahusay na guro sa CSTHS, at ang kagalang-galang na si James Ulysses A. Gastador – dating guro na patuloy na nagpapamalas ng kaniyang pagmamahal para sa paaralan at para sa mga estudyante, ang kanilang guro sa pananaliksik sa kategorya ng “Life Science” na may panibagong pamagat na “Phytochemical Analysis and Antibacterial Effect of Papaya (Carica Papaya) Male flower extract and Neem Tree (Azadirachta indica) Leaf Extract against Escherichia Coli (E.coli)” ay inaprubahan at ang siyang humantong sa kanilang pagkapanalo sa DTFS.

Nahadlangan man ang halos lahat ng paligsahang tumutugong makaragdag sa kaalaman at kakayahan ng mga estudyante dahil sa pamdemya, pursigidong tinungo nina Luna, Aseo, Abella, at iba pang miyembro ng kanilang pangkat, sa tulong ng mga guro at ng optimistikong pag-iisip, ang mga hamon na nagbibigay-galak sa kanila sa pamamagitan ng malawakang pag-eensayo at determinasyon.

“Pag may tiyaga, may nilaga”. Bawat hamon at sigwa na dumarating ay hindi hadlang. Sa halip, ito’y pagkakataon para matuto, lumago, at sumibol.

Je Marielle Potot

Eduk-AKSYON: Epektibong Special Program for Sciences

Ang SPS program o Special Program for Sciences ay isang programa na handog ng Compostela Science and Technology High School. Ito ay nagaalok ng mga asignatura sa English, Science, at Mathematics para sa mga estudyante na gustong maagang magaral nito. Hindi lang itong tatlo, pero may ibang mga asignatura din na pwede mong isulong ang pag-aaral.

Ang buhay ng isang estudyante na nasa ilalim ng sps program ay mahirap, sapagkat may ibang estudyanteng nagpupuyat hanggang kalahating gabi

upang matapos nila ang kanilang mga gawain o proyekto dahil maikli lamang ang ibinigay na oras para gawin ito. May iba sa kanila na hindi kayang i-balanse ang paggawa sa mga takdang aralin at mga gawaing pang-bahay kung kaya’t pagdating sa paaralan ay wala silang maipasa na gawain sa guro. Sa kabilang banda naman, ipinagpapasalamat nang mga estudyante ang oportunidad na makapag-aral sa CSTHS, sapagkat hindi basta basta ang pagpasok sa paaralang ito. Sila ay nagagalak na makabilang sa mga napalad na mga estudyanteng nakapasok at unang nakaranas sa programang sps na

iniaalok ng paaralan. Sa kabila ng kanilang mga paghihirap, sila ay matagumpay na nakapasok sa nasabing paaralan. Sa kabuuan, hindi lang ganyan kadali ang buhay ng isang estudyante na nasa ilalim ng SPS program. Mayroon mang mga kawalan ito para sa mga katangiang pisikal at kaisipan ng isang estudyante na nagaaral dito. Pero ang importante sa lahat ay mayroong mga magandang pakinabang ito para sa mga mag-aaral na gustong mag-aral sa ilalim ng programang ito.

Arnalynn Grace L. Sangre

lathalain 7
Je Marielle Potot
ng Agham
Larawan l Ms. Jaemaica Gimena Larawan l Janessa Therese Batucan

BABAe: may boses, may nagagawa, may magagawa

“Klak! Klak! Klak!” - tunog ng takong na itinatapak sa entablado. Rinig mo ba? Boses na nangangatwiran at patuloy na nagpupugay para sa isa’t isa; tunog ng tadyak at indak na nagpapahiwatig na buhay ang diwa ng kababaihan; kakoponya ng iyak ng batang ni-segundo’y di pa nakakakita sa sinag ng araw dahil kakalabas lamang sa sinapupunan ng kanyang ina. Magbigay-pugay! Ramdam mo ba ang nararapat na ekwalidad na ibinibigat sa kababaihan? Ramdam mo ba talaga?

Anong unang kaisipan ang sumasagi sa iyong isip ‘pag narinig mo ang salitang “babae?” ito ba’y kagandahan? Ang kulay pink? Bulaklak na rosas? O ang lahat ng karahasang dinanas ng bawat babae? - babae man sa puso, sa isip; babae higit sa anyo. Ngayong buwan ng Marso, marubdob na pagpupugay ang hatid ng lahat para sa kababaihan; para sa lahat ng patuloy nagsusulong sa karapatan na nais maibahagi sa lahat ng parte ng mundo.

“Kapag babae ka, ‘di ka pwede gumawa nito o ng ganyan; di ka pwede magpahayag ng ganito o ng ganyan; bawal ka magbuhat, magsalita, magreklamo,

o mangarap ng malaki.” - kadalasang batbat ng lipunan sa kababaihan. Kadalsan ay nasasawaangbahala ng lahat ang impluwensya ng kababaihan sa mundo. “Eh, porket babae, ‘di na kaya?” lahat ng kaya ng lalake ay nagagawa at ginagawa ng babae. Mapa-construction, polisya, piloto, weight-lifting, at politika. Mga kilalang babae sa dinami-daming larangan, sa iba’t ibang parte ng mundo - Gabriela Silang, Leni Robredo, Hidilyn Diaz, Miriam Defensor Santiago, atbp. - sila ang kadahilanan kung bakit napakaganda ng mundong kinagagalawan ng lahat ngayon. Lahat ng babae - minor de edad, matanda, maykaya o wala, ‘di alintana, may nagagawa.

Ang buwan ng Marso ay buwan ng pagpupugay, paalala sa lahat na hindi lamang lalake ang maaaring makapagsindi ng apoy at magpugay. Hahayaan bang hindi maramdaman ng iilan sa kababaihan ang ekwalidad na karapatdapat naman talagang malasahan? Patuloy bang isasawalang-bahala ang kakayahang naipapakita ng bawat nakatakong? Ang buwan ng Marso ay ang pagpupugay at pagbibigaypugay. Babae ang dahilan kung bakit ang mundong iyong ginagalawan ay maybuhay at makulay.

lathalain 8
Je Marielle Potot Larawan l Maria Tan, Rappler

Bunga ng Paghihirap at Tiyaga:

Ang Mga Nagwagi sa Math Sayaw Competition ng CSTHS

Sa naganap na Math

Culmination ng Compostela Science and Technology High School (CSTHS) noong Oktubre 13, 2023, nagpakitanggilas ang mga mag-aaral sa pagrepresenta ng kanikanilang pangkat sa larangan ng pagsasayaw. Ang paligsahan ay hinati sa dalawang kategorya — Kategorya A, na nilahokan ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang hanggang ikasiyam na baitang at Kategorya B, na nilahokan naman ng ikasampung baitang hanggang ika-labindalawang baitang.

Sa mga nakaraang araw bago ang paglalahad ng kanilang presentasyon, hinubog ng mga mananayaw ng bawat pangkat ang kani-kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pageensayo sa tuwing nabibigyan ng bakanteng oras. Dahil dito, naipakita ng mga mag-aaral ang kanilang husay at angking kagalingan sa pagsasayaw na hinaluan pa ng mga malikhaing galaw na hango sa iba’tibang simbolo ng matematika.

Para sa kategorya A, ang nanalo ng ikatlong gantimpala ay ang mga mananayaw na nagmula sa

ika-walong baitang ng pangkat Galen. Ang nanalo naman sa ikalawang gantimpala ay ang mga mananayaw mula sa ikasiyam na baitang ng pangkat Moseley. Habang ang nakakuha sa unang gantimpala ay ang mga mananayaw mula sa ika-pitong baitang ng pangkat Aristotle. Hindi inaasahan ang mga naging resulta dahilan upang mamangha ang karamihan.

Pag-usapan naman natin ang mga lumahok at umuwing wagi sa Kategoryang B Ang nagwagi sa 3rd place ng Kategoryang B ay ang mga mananayaw

mula sa ikalabing-dalawang baitang ng pangkat Edison at ang nagwagi naman ng 2nd place ay ang mga mag-aaral mula sa ikalabing-dalawang baitang ng pangkat Einstein.

At ang nagwagi sa Math Sayaw ng Kategoryang B ay ang mga mananayaw galing sa ikalabingisang baitang ng pangkat Tyndall. Ginawa ng mga kalahok ang kanilang makakaya pero mayroon talagang aangat at aangat, may natalo man importante pa ring pahalagahan ang paghihirap at pagtatiyaga ng lahat.

SA LARANGAN NG PAGPAPAKITANG

GILAS, UMAALPAS

Sa mundo ng pagpapakitang-gilas, dala-dala ng mga kandidato ang kanilang kompyansa sa sarili at talento. Paano nga ba nagbukas ang daan para sa grade 11 student na si Niño Phillip A. Lavador sa mundong ‘di pa gaanong pamilyar para sa kanya? Ano ba ang naging gampanin ng pagtahak sa mundong ito sa kanyang sarili?

“What drives you to enter the world of pageantry?” tanong ng interviewer na si Carlos Ethan Acaso sa representatibo ng CSTHS para sa papalapit na district meet ng Mr. Intramurals, at walang alinlangangang sinagot naman ito ni Niño. “This would serve me as an opportunity to showcase my talents and also to serve or to advocate for causes and to simply enjoy the experience of this… of such glamorous events”

Ang mundo ng pageantry ay ‘di lamang pagalingan ng mutya. Ito’y isang pagkakataon para makagawa ng mga magagandang bagay para sa ating komunidad at kapwa. Bukod pa rito, ito’y isang entablado para marilag na maipakita ang talento ng isang tao. Ngunit, kagaya ng lahat na nakikilahok sa mundong ito, naging kabado rin si Nino. Hirit pa niya ng tinanong ng interviewer kung nakaranas na ba ng pagsubok sa larangang ito, “As a first-timer in pageantry, one of the things that I am really afraid of is of course having the self-doubt but as I continue on my journey to this kind of world, I found myself enjoying it and then I just go with the flow and I think that didn’t really make me to be challenged in this new world.”

Hindi biro ang kabang madadanas lalo na ‘pag ito’y estranghero pa sa iyo ngunit bubungad rin sayo kinabukasan ang mga aralin na matutunan mo sa larangang ito. Ani pa ni Niño, “The important lesson I learned in this journey is the power of trying and also the value of belief and self-confidence. I think that having these kinds of values along my journey helped me enjoy this kind of experience more and also to know what really is my purpose in doing this kind of journey.

9
lathalain
Larawan l Ms. Marielle Gelogo Je Marielle Potot

LABAN KABABAIHAN:

Nakakakaba. Nakakatindig-balahibo. Gambal sa isipan. Sa lumalaking bilang ng mga alalahanin ng mga kababaihan, dumagdag pa ang posibilidad sa pagkakaroon ng PCOS o Hyperglycemia. Sa tingin mo, meron ka ba nito?

Sa ating bansa, may halos limang milyong pilipina ang mayroon ng PCOS. Ito ay ayon sa Belo Medical Group, Deputy Medical Director na si Dr. Jacqueline Luna. Ayon sa Statistika, naitalang ang kontinente ng Timog-Silangang Asya ang may pinakamataas na bilang ng panganganak na apektado ng Hyperglycemia. Ano nga ba ang mga sakit na ito at ano ang mga dahilan upang makaapekto sa kababaihan?

Ang Hyperglycemia ay isa sa mga karaniwang medikal na kondisyon na nakakaapekto sa pagdadalang tao ng isang babae. Ito ay dulot ng pagharang ng mga hormones– na lumalabas lamang sa tuwing

nagdadalang tao ang isang babae– sa supply ng insulin na nag resulta sa pagtaas ng blood sugar levels na dahilan ng pagkakaroon ng Hyperglycemia. Sa kabilang dako naman, ang Polycystic Ovary Syndrome o PCOS ay ang kondisyon kung saan ang ovaries ay naglalabas ng malaking bilang ng hormones na karaniwang nasa mababa lamang. Wala pang eksaktong dahilan kung ano ang dahilan nito ngunit inaanyayahan ko ang lahat na mayroong sakit na ito na huwag mabahala dahil meron naman itong lunas.

Ang paghihirap at sakripisyo ng mga babaeng mayroon ng PCOS at Hyperglycemia ay talagang hindi biro. Ang kanilang pagsisikap ay totoong dapat hangaan sapagkat sa kabila ng mga problema ay hindi sila nawawalan ng pag-asa at kakayahan upang umusad sa buhay. Sabaysabay nating ip agdiwang ang kanilang pagsisikap sa buwan ng ito. Maligayang Buwan ng Kababaihan!

ALINDOG NG COVID-19

Tumaas ang bilang ng mga namatay sa panahon ng pandemya, kumpara sa bilang ng mga kabataang babae, mas mataas ang bilang ng mga namatay sa lalaki sa unang dalawang taon ng pandemya. Ang ebidensiyang ito ang siyang nagdulot ng malaking pagbabago sa takbo ng global life expectancy na pinaghirapan ng ilang dekada na bumaba ng 84 na porsyento.

Ang COVID-19 ay nagdulot ng halos 16 milyong kamatayan sa kahit anong edad, mapa matanda man o bata. Ang mga kamatayang nabilang ay maaaring dulot ng mismong sakit o epekto ng pandemya, kagaya na lamang ng pagkagutom dahil sa pagkawala ng trabaho.

Ayon kay Austin Schumacher, isang Institute of Health Metrics and Evaluation (IHME) researcher, ang kaganapang ito ay may mas malaking epekto kaysa sa mga isyu at mga natural na sakuna.

Tinawag itong “incredible progress” ni Hmwe Hmwe Kyu at inilahad na dapat na nating ituon ang pansin sa susunod pang pandemya at mga problema sa kalusugan sa ilalim ng iba’t ibang bansa. Sang-ayon ka ba?

AGHAM aT teKNOLOHIYA 10
Pakikibaka at Pagsisikap Rhaiza Mae B. Manisan Rhaiza Mae Manisan

HALAGA

Ang pag-usbong ng negosyo ni Josh Mojica, isang 17 taong gulang na negosyante na nagmamay-ari ng kompanya tungkol sa paggawa ng “Kangkong Chips” ay natulungan ng Go Negosyo sa pag-angkat ng kaniyang produkto abroad. Ito ay nagsisilbing patunay na mayroong iba’t ibang paraan upang maisulong ang pamumuhay sa isang ligtas at malusog na pamamaraan. Isang mahusay na kasanayan na dapat gawin sa anumang produktong kinakain ay ang maiging paghuhugas, lalong-lalo na pagdating sa mga gulay upang masiguradong ligtas and malinis ang iyong kinakain.

Nakatala sa pag-aaral na may titulong “Lead, Cadmium, and Bacterial Determination in Kangkong Sold in Selected Markets of Bacoor,” ang pagbaba sa bilang ng mga bacteria sa isang sample ng

Masustansyang Kangkong

na nahugasan ng mas mahabang panahon. Kaya, acterial contamination sa kangkong (Ipomea aquatic) na ibinebenta sa iilang pamilihan sa lungsod ng Bacoor sa Cavite. Isinagawa ito ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga preskong kangkong sa pamilihang ito at hinugasan sa loob ng; isang minuto, tatlong minuto at limang minuto. Batay sa resulta, ang kangkong samples na hinugasan ng limang minuto ay may pinakamababang bacteria contamination.

Ang kangkong ay kadalasang natatagpuan sa mga tropikal at subtropikal na rehiyon sa mundo sapagkat hindi pa talaga natutukoy ang pinagmulan nito. Marami itong pangalan, iilan sa mga ito ay ang: water spinach, river spinach, water morning glory at water convolvulus.

Ang Kangkong ay isang masustansyang gulay na naglalaman ng protein, calcium, iron, Vitamin A at Vitamin C. Ang gulay na ito ay sinasabing may iilang benepisyon katulad ng pagpapanatili sa presyon sa dugo, pagbibigayimmunity laban sa Cancer, pagpapabuti ng paningin, pagbibigay ng immunity sa anumang sakit at paggamot sa ibat ibang mga sakit sa balat.

Dagdag pa rito, nagbibigay din ito ng maraming electrolytes dahil ito ay tumutubo sa semi-aquatic environment. Ang gulay na ito ay naglalaman ng mga bitamina, mineral at antioxidants kasama dito ang potassium at iron. Benepisyo rin sa pagkain nito ay ang pagka-iwas sa pagtitibi dahil ito sa taglay nitong malaking bahagdan ng fiber.

Ang Kangkong ay isa naman sa mga tanim na

KAIlangan: Gabay at tulong

ng Artificial Intelligence

Bilang isang mag-aaral, naging malaking tulong ang Aritificial Intelligence (AI) pagdating sa paggawa ng mga salaysay at talata para sa mga mag-aaral na nahihirapan sa pagsusulat. Kagaya ng ChatGPT, Gemini, Socratic at iba pang mga chatbots na idinesenyo upang gumawa ng mga pormal na salaysay at talata sa iba’t ibang paksa.

Ang Artificial Intelligence o AI ay ang mga sistema at makinaryang may katangian katulad ng isang tao. Ang makinang ito ay may kakayahang matuto at mag-isip ng mag-isa, pati na rin ang pagdedesisyon kahit walang tulong ng mga tao na siyang gumagamit

nito. Ang layunin ng AI ay ang payabungin ang kakayahan ng mga tao sa paggamit ng kompyuter, teknolohiya at makinarya sa pamimigitan ng pagdisenyo nito sa pamamaraan na ito ay umaasta na parang isang tao upang mas mapadali at mas mapabuti pa ang mga gawaing ginagawa gamit ang kasalukuyang teknolohiya. Nagagawa ang makinang ito sa pamamagitan ng pagprogram ng sistema at algorithm o ang mga proseso at hakbang na dapat gawin para magaya ang gawain at pag-iisip ng tao. Halimbawa ang kakayahang mag-aral ng datos, gumawa ng desisyon at mag-isip

napakadaling alagaan sa paglaki at dahil dito, palagi itong inererekomenda sa mga taong nais magtanim sa kanilang mga bakuran. Kaya rin nitong lumaki sa mga basang lupa kaya masasabing walang kahirap-hirap ang pag-aalaga nito.

Batay sa salaysay ni Joselito Carteciano, pinuno ng Information section ng Department of Science and Technology (DOST) National Research of the Philippines, ang kangkong ay interesadong pagaralan dahil kinakain ito ng karamihan ng Pilipino ngunit kailangan pa ng masusing pag-aaral at experimentasyon upang malaman kung ligtas ba na patuloy na pagkonsumo sa nasabing gulay.

Mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga hindi pinahahalagahan, sa pagkain man o sa buhay.

Rhaiza Mae Manisan

Ginagamit ang AI sa larangan ng elektroniks at robotiks. Isa sa mga tampok na gawa nito ay ang mga sasakyang marunong magmaneho kahit walang nagmamaneho at mga chatbots kagaya ng Siri at Alexa.

Ang AI ay may layuning magbigay tulong sa mga mag-aaral, trabahante at may edad na. Para itong tao pero ang pagkakaiba lang ay kaya nitong gawin ang mga bagay na limitado kahit sa atin. “Maari kang magkaroon ng trabaho kung naisin mo, pero kaya itong gawin ng AI para sayo.”

teKNOLOHIYA 11
Rhaiza Mae Manisan

LEVIATHANS, NILUNOD AT DINOMINA ANG KORTE LABAN SA GAIA, 46-41

Nagbunyi ang koponan ng Asul nang manalo ang Unfathomable Blue Leviathans laban sa Tribo Gaia, koponan ng berde sa iskor na 46-41, sa ginanap na Basketball League kaugnay sa kasalukuyang Intramurals ng Compostela Science and Technology High School (CSTHS) nitong Martes, ika-21 na araw ng Nobyembre sa taong kasalukuyan. Ang larong ito ang nagsilbing

pinakaunang laro sa hapong ito.

Sa unang kwarter, agad na nakapuntos ng dalawa si Mancao mula sa koponan ng Asul na siyang naging hudyat sa pagsisimula ng labanan. Nagpatuloy ang paglamang ng naturang koponan sa iskor na 12-8 hanggang sa matapos ang unang bahagi ng paligsahan.

Gayunman, sa pagpasok ng mga

sumunod na kwarter, nahirapang lumamang ang Leviathans na naging mitsa sa pagkakaroon ng mas mainit na labanan. Naging kaabang-abang ang panghuling kwarter dahil sa umaarangkadang pagbawi nina

James Alerta at Jieloue Tudio na kung saan, nangunang muli ang Leviathans sa iskor na 44-37.

Sa huli, itinatak ang pagkawagi ng Unfathomable Blue Leviathans

taglay ang lamang na limang puntos (46-41) kontra sa Tribo Gaia. Itinuring naman na “star player” si Jieloue Tudio dahil sa 14 na kabuuang puntos na naiambag sa kasagsagan ng laro.

Ang pagkapanalo ng koponan ang nagbigay ng oportunidad sa Leviathans upang magpatuloy at muling lumaban para sa susunod na laro na gaganapin sa linggong ito.

GAIA, NINAMNAM ANG TAMIS NG PANALO KONTRA AVIANS

Dumaan sa butas ng karayom ang Tribo Gaia bago tuluyang magapi ang Stentorian Borias Avians sa iskor na 25-14, 17-25, 15-12, nitong Huwebes ng hapon, ika-23 ng Nobyembre taong 2023 sa kategoriya ng Volleyball Boys na idinaos sa Compostela Science and Technology High School ( CSTHS).

Simula pa lamang ay malaki na ang naging agwat sa puntos ng Gaia laban sa Avians. Naging kalamangan nila ang errors ng kabilang koponan at

dinomina ang unang set sa iskor na 25-14.

Nakuha man ng Avians ang ikalawang set sa iskor na 17-25, hindi nawalan ng pag-asa ang team captain ng Tribo Gaia na si Christian Chavit na patuloy sa pagudyok sa kaniyang mga kasamahan habang naghahanda para sa ikatlong set.

“Unrealistic kaayo. Wala mi gatuo nga makadaog kay daghan ko ug error. Pero I’m so proud sa akong team,” tila naluluha sa saya na pahayag ng Team Captain ng Tribo Gaia.

Ang labanan ng iyon ang kanilang unang panalo sa kategoriya ng Volleyball Boys, at sila ay muling Alcaria

Naging madugo ang labanan sa pagitan ng Gaia at Avians sa huling set, subalit sa huli ay itinanghal na panalo ang Tribo Gaia sa naging iskor na 15-12.

Sinungkit ni Francheska Yecyec ng Stentorian Borias Avians ang unang panalo sa kategoryang Badminton Girls Singles A laban kay Jamica Grenjia ng Valorous Red Mockingjays na ginanap sa Compostela Science and Technology High School Gymnasium, alas tres ng hapon, ika-28 na araw ng Nobyembre sa taong 2023.

Binigo ni Yecyec sa loob ng

YECYEC, INUNGUSAN AGAD ANG MOCKINGJAYS SA UNANG LARO, 21-13

dalawang set ang nakatapat na si Grenjia ng Mockingjays, 21-13, 2113. Marami ang naging error ng kabilang manlalaro kaya mabilis na umarangkada at lumamang si Yecyec.

Tila mala-sniper na smash ang pinakawalang hampas ni Yecyec sa bola na siyang tumapos sa kaniyang unang laro ng hapong iyon.

“Before magstart, nagwarm-up

ko ug wala jud ko ga-expect nga makadaog kay higher year baya siya,” pahayag ni Yecyec ilang minuto matapos ang kaniyang laro.

Lalaban muli si Yecyec upang makapasok sa semi-finals sa kategoriyang Singles A Girls na siyang gaganapin sa kaparehong linggo.

Alcaria

isports 12

HERricanes, inungusan ang Thunder BELLES, 12-10

COMPOSTELA, Cebu— Umaatikabong mga tira sa bola ang ipinamalas ng koponan ng HERricanes dahilan upang kanilang maungusan ang Thunder BELLES sa iskor na 12-10 kaya’t kanilang nasungkit ang kampeonato sa Basketball Tournament— Teacher’s Edition sa Compostela Science and Technology High School (CSTHS) Covered Court, sa ika-29 ng Nobyembre, taong 2023.

Sa unang kwarter pa lamang ng laro ay nanguna na ang Thunder BELLES hanggang sa umabot ito ng ikalawang kwarter.

Ngunit, pagdating sa ikatlong kwarter ay agad na humabol ang

HERricanes at nagpakitang-gilas ng kanilang mga kalkuladong pagtira sa bola at matitibay na mga depensa at opensa.

Nagtuloy-tuloy ang kanilang magandang laro hanggang sa huling kwarter sa pamamagitan ng kanilang mga hindi matitinag na mga atake na nakapagtala sa kanila ng iskor na 12-10.

“Kay wala man mi practice no, gipangita ra gyud namo kung unsa ang strength ug weakness sa among kontra.” pahayag ni Nanette Tagalog, ang kinilalang best player ng laro.

“Sa kato nga duwa kay narealize jud nako nga hangin jud ang kinahanglan. Kay kung kabantay kas score, nag contest nalang jud tos depensa so gamit kaayo imong mga kusog.” ani Rhea Caraballe, ang pumapangalawa sa kinilalang best player ng laro.

Nakakamangha na sa naganap na laro, hindi lamang layunin ng mga guro ang manalo kundi layunin din nilang magtatag ng pakikipagtulungan at kaisahan.

Nakatulong din ang naganap na laro sa mga guro hindi lamang sa pisikal aspekto ngunit, pati na rin sa kanilang mga alalahanin na kahit pansamantala lamang ay makalimutan nila ang kanilang mga problema at magsaya lang.

Angel Nuñez

HARI NG KORTE: ISRAel NAGWAGI

Inangkin muli ni Christian Robert Israel ang kaniyang titulo bilang kampeon sa Badminton Boys-Singles Category sa isinagawang Municipal Sports and Cultural Meet na ginanap noong Sabado, ika-10 araw ng Disyembre, taong 2023, sa Compostela National High School.

Unang tinalo ni Israel ang nakatapat na manlalaro mula sa Child and Eco-Friendly Academy of Compostela INC. Nagtuloytuloy ang kaniyang naging panalo sa mga sumunod na laban.

Binigo ni Israel sa loob ng dalawang

set ang nakatapat na si Moses Cabahug, mula sa Mulao National High School, 21-10, 21-7, upang makapasok sa Championship.

Dahil sa kaniyang wais na galawan at mala-sniper na hampas, nagwagi si Israel bilang kampeonato laban kay Jian Arias sa iskor na 21-12, 21-10.

Sa kanyang laban para sa Selection for Overall Winner sa kategoryang Singles Boys, naging kalaban niya si Japheth Son ng Green Rose Center for Academe. Madikit ang naging laban sa pagitan ng dalawa, umabot pa ito sa ikatlong set ngunit si Israel pa rin ang nagwagi

sa iskor na, 22-20, 18-21, 24-22.

“Wa ko ga-expect nga makadaog kay gamay ra og time para maka practice. I will definitely aim for a gold medal in the provincials,” masayang saad ni Israel matapos matanghal bilang kampeon sa Singles Boys Category.

Matatandaang kampeon din si Christian Israel sa parehong kategorya noong nakaraang taon. Ito ang kaniyang pangalawang gitong medalya na naisungkit magmula noong tumungtong siya ng high school.

Larawan l Janessa Therese Batucan

GALERIYA

Isang biswal na salaysay ng tapiserya pinagtatagpi ng mga emosyon, sulyap ng kawalang-hanggan. ng isang testamento sa kagandahan pinagtibay ng panahon para

14
Tomo 11 Isyu 1 Agosto 2023 - Enero 2024 “timeless snapshots” Mga Mukha ng Bawat

GALERIYA

Bawat SciTechian

tapiserya ng bawat SciTechian: emosyon, kulay, at panandaliang mga Bawat isa ay nagbabalangkas kagandahan ng pag-iral, na makita at mahalin ng lahat.

15
Larawan I R. F. O at J. T. B.
Ang Opisyal na Pahayagan ng Compostela Science and Technology High School Marian Angelie Q. Apostol

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.