Campus Stellae - Filipino | Tomo 12, Isyu 1

Page 1


Kasulukuyang trend

Pilipinas sa resulta ng PISA

Average na itinalaga ng OECD

Regional Director ng Region 7, Bumisita sa CSTHS, plano ng paaralan sinuportahan

Matapos ang mababang pagganap ng Pilipinas sa PISA 2022, kung saan nakakuha lamang ito ng ranggo na 77 sa 81 na bansang kalahok, nagkaroon ng PISA Readiness Visit si Director IV Regional Director Salustiano T. Jimenez, JD, EDD, CESO III, kasama si PSDS Dr. Omega D. Monisit sa Compostela Science and Technology High School (CSTHS) noong Enero 2, 2025.

CAMPUS STELLAE

Ang Opisyal na Paaralang Pahayagan ng Compostela Science and Technology High School Tomo XII Blg. 1 - Hulyo 2024 - Pebrero 2025

COMPOSTELA, Itinaas na sa Ranggong Unang Klaseng Munisipalidad

hangang ika-13 ng Nobyembre taong 2024.

SA RITMO NG

ng

Pamahalaan: Ilaw ng Kaunlaran

Husay ni SINSAY! on TOP!

Tagumpay sa Teknolohiya: SciTech Namayagpag sa RoboQuest 2024!

Mga Student Leaders ng CSTHS, Nagsanib-Puwersa sa Pagpapabuti ng Paaralan

ni Hansen Dave Somblingo

Sa kagustuhang mapabuti ang mga Priority Improvement Areas (PIA) batay sa direktang input ng mga mag-aaral, nagsagawa ng "KULUKABILDO" (Discussion) ang Compostela Science And Technology High School (CSTHS) noong ika-21 ng Agosto, 2024. Pinakinggan ni G. Cyrele C. Quinio, ang pamunuan ng paaralan, ang mga suhestiyon at alalahanin ng mga estudyante sa ICT- Robotics Laboratory. Tinalakay ang mga isyung may kinalaman sa iskedyul ng klase, kalinisan ng paligid, uniporme, at iba pang mga alalahanin ng mga mag-aaral. Ang kaganapang ito ay isang mahalagang hakbang sa patuloy na pagpapabuti ng paaralan, na ginagabayan ng DepEd Order No. 44, s. 2015.

SULYAP BALITA
P5 / Opinyon
P8 / Lathalain
P2 / Balita
P12 / Agtek
P5 / Opinyon
Hansen Dave Somblingo
magpatuloy sa Pahina 3
PLAKAdo
TITULO: Simbolo
matamis na tagumpay ang mga plakang natanggap ng mga SciTechians sa kategoryang TUKLAS at Siyensikula nang nagdaang RSTF 2024.
Para sa karagdagang impormasyon, subukang iaccess ang QR code
Larawan mula kay Sherlice Rom
Larawan mula kay Marielle Gelogo
PISA 2018 PISA 2022
Datos mula sa PISA 2022 results Country Notes: Philippines ng OECD.org Publications

Balita

COMPOSTELA, Itinaas

na sa Ranggong Unang Klaseng Munisipalidad

Isang makasaysayang tagumpay ang sumalubong sa bayan ng Compostela, Cebu! Opisyal na itong itinaas sa antas ng unang klaseng munisipalidad o First Class Municipality, mula sa dating ikatlong klase.

Inihayag ito noong Pebrero 8, 2024, ng Bureau of Local Government Finance (BLGF), batay sa average income classification status ng bayan sa nakalipas na tatlong taon.

Ang pag-upgrade na ito ay alinsunod sa Department Order 074-2024 ng Department of Finance, ayon sa Republic Act 11964.

Labis ang kagalakan at kasiyahan ng Alkalde na si Mayor Felijur Quiño habang inaanunsyo ang magandang balita noong ika-5 Disyembre, 2024.

“Dakong garbo ug kalipay nako nga ipahibawo kaninyong tanan nga ang atong minahal nga Lungsod sa Compostela, nisaka na isip First Class Municipality gikan sa Third Class category.”

(Malaking karangalan at kaligayahan ko na ipaalam sa inyong lahat na ang ating mahal na Bayan ng Compostela, ay umakyat na bilang First Class Municipality mula sa Third Class category.)

Nakibahagi sa kasiyahang ito si Bise-Mayor Froilan Quiño na aniya ang tagumpay na ito ay bunga ng dedikasyon at pagsusumikap ni Mayor Quiño at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

“Kini resulta sa pagpaningkamot sa atong Mayor Na May Puso Hon. Felijur “Jury” Quiño uban sa atong Sangguniang Bayan Members diin usa ang ilang paglantaw

sa atong Lungsod mao ang kalambuan.”

(Ito ay resulta ng pagsisikap ng ating Mayor Na May Puso na si Hon. Felijur “Jury” Quiño kasama ang ating mga Miyembro ng Sangguniang Bayan kung saan isa sa kanilang pananaw para sa ating Bayan ay ang pag-unlad.)

Samantala, ayon naman kay G. Joel Durante, municipal administrator, patuloy ang pag-unlad ng Compostela sa pamamagitan ng mga proyektong tulad ng seafront public market at boardwalk.

“We have this ongoing projects here in the municipality of Compostela which are the sea front public market at the same time. So as we clinche to a first class municipality, it is a manifestation that indeed we are doing well.”

(Mayroon tayong patuloy na mga proyekto dito sa munisipalidad ng Compostela na siyang pampublikong palengke sa tabi ng dagat. Kaya bilang patunay na isang unang klase na munisipalidad, ito ay isang pagpapakita na tunay na maayos ang ating ginagawa.)

Inaasahan pa ng lokal na pamahalaan na makapagtayo ng international at local port upang matupad ang layunin na maging isang opisyal na siyudad ang Compostela.

BALITANG KINIPIL

BALITANG PANGKAMPUS

Dahil sa layuning maging angkop at epektibo

SPS Kurikulum Pinagtibay, CSET 2025 Pinaghandaan

HIMIG NG HILIG

CSTHS nagdaos ng Brigada Concert for a Cause 2; Benepisyong Faculty Room Aasahan Larawan

Dahil sa layuning magkaroon ng maayos na silid para sa mga guro para sa paparating na taong panuruan, Compostela Science and Technology High School (CSTHS) nagsagawa ng Brigada Eskwela Concert nitong ika-21 ng Hulyo taong 2024 sa Compostela D.M. Reynes Gymnasium.

Sa halip na tipikal na donasyon, isang makabuluhang konsyerto ang ginawa ng paaralan bilang bahagi ng DepEd Memorandum No. 33, S. 2024 ukol sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa naturang taon sa panguguna ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG), Faculty Association, School Parent-Teachers Association (SPTA) at ang CSTHS Admin sa pakikipag-ugnayan sa LGU Compostela. Ito ay nagsilbi ring highlight sa mga aktibidad ng kapistahan ng lungsod.

Tampok sa ginanap na konsyerto ay ang Tawag ng Tanghalan Duets Grand Champion na sina JM dela Cerna at Marielle Montellano na kilala bilang “adopted child” ng Compostela. Ani ni Marielle na isang karangalan ang maghandog muli sa nasabing paaralan at kung saan siya nagsimula sa kanyang karera. Nakalikom ng halos Php 300, 000 ang paaralan sa Brigada Concert for a Cause na siyang pinakamalaking natanggap na donasyon mga nagdaang konsyerto. Ang pondo ay gagamitin para sa planong pag-ayos ng Faculty Room at ng Learning Resource Center ng CSTHS sa taong 2024-2025.

Upang gawing mas angkop at mas epektibo ang programang naglalayong linangin ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral, inilunsad ng Compostela Science and Technology High School (CSTHS) ang bagong alituntunin para sa Special Program for Science (SPS) ngayong taong ito.

Nito lang taong 2023, matatandaang inilabas ng Department of Education (DepEd) ang Regional Memorandum No. 538, s. 2013 kung saan nagsasaad ng mga alituntunin para sa mga paaralang bahagi ng programang SPS sa buong Region 7. Bagong Bihis, Bagong Bersyon

Iginiit ni Gng. Mary Jean S. Gutierrez, SPA Koordineytor ng paaralan na nagkaroon ng pagbabago sa proseso ng pagpili nila ng mga mag-aaral na nais mag-aral sa nasabing paaralan bilang bahagi umano ng alituntuning nakasaad sa nabanggit na programa.

"There is [a] research subject na sa grade 7 pa lang which is sauna nag start siya kay grade 9, maong sa admission test pa lang daan which is need pasaron sa gusto mo sulod sa Sci-Tech kay giwala na ang assessment of talent which is naa sauna and giilisan na og project pitching," saad ng SPS Koordineytor.

gaya ng Science, Mathematics, at English ay nadagdagan umano ng mga paksa kung saan wala sa ordinaryong mga programa na sinusunod ng ibang mga paaralan sa lungsod.

Batay sa pahayag ng isang mag-aaral na nasa ikapitong baitang, ang mga asignatura nila lalo na sa Agham at Teknolohiya ay may mga paksang may mataas na antas, kung saan nauuna umano nila itong natatalakay kumpara sa ibang mga paaralan sa lungsod.

(Mayroong nang Research na asignatura simula ikapitong baitang ngayon kung saan noon ay nagsisimula sa ika-siyam na baitang, kaya sa proseso ng pagsusuri ng mga aplikanteng mag-aaral na karapat-dapat makapag-aral sa paaralan, inalis na ang pagsusuri ng talento at pinalitan na ngayon ng project pitching.)

Reporma sa Kurikulum

Ayon kay G. Cyrele C. Quinio, gurong tagapamahala ng naturang paaralan, ang mga magaaral na nasa ikawalo at pitong baitang ang naging parte umano ng bagong alituntunin ng programa.

“Ang sa kanang grade 9 karon og grade 10 maoy grabe gyud ka loaded kay imagine kaabot gud sila og 5:00 p.m. ang klase, unya ang grade 8 karon maabot ra og 3:00 p.m. ang klase, so giibanan ang ilahang mga elective subjects like katong Bio-Tech, wala na ani nga subject ang grade 8 karon, pero mas taas og time nila sa ilahang research nga subject,” pahayag ng gurong tagapamahala. (Ang mga mag-aaral sa ikasiyam at ikasampung baitang ngayon ang talagang nakararanas ng napakaraming asignatura sa kanilang klase kung saan umaabot sila hanggang alas-5 ng hapon, habang ang mga mag-aaral sa ikawalong baitang ngayon ay hanggang alas-3 ng hapon lang natatapos ang kanilang klase, kaya binawasan ang kanilang mga asignatura gaya ng Bio-Technology na wala na ngayon sa kasalukuyan nilang asignatura, ngunit, ang oras nila sa kanilang asignaturang Research ay mas pinahaba.) Dagdag pa niya, ang mga asignatura

"Our lessons, especially in Science, are much more advanced. We have done many activities which are very educational and enjoyable at the same time,” pahayag ng mag-aaral. (Ang mga paksa namin lalo sa Agham ay may mas mataas na antas. Marami kaming nagawang mga aktibidad kung saan marami kaming natutunan habang naaliw rin.)

Ayon naman sa isa pang mag-aaral mula sa ikawalong baitang, pabor daw sa kanila na mayroon na silang Pananaliksik o Research na asignatura ngayon dahil nagiging mas handa sila pagdating nila ng kolehiyo.

Mas Pinatibay, Mas Pinalakas Sa taong ito, magaganap ang ikatlong taon ng entrance test na alinsunod sa PRIMER. Kasabay ng pagbabago ay ang pagbigay ng bagong pangalan ng nasabing test bilang Compostela Science Entrance Test (CSET) 2025, kung saan mas pinagtibay at pinalakas ang krayterya sa pagpili ng bagong SciTechian sa susunod na taong panuruan bilang parte ng Mental Ability Test. Pinaigting din ang preparasyon sa Communication Test at ng Project Pitching, kung saan may malaking porsyento sa kabuuang performance ng aplikante. Sa ngayon, inaasahang aabot sa tinatayang 200 ang mga aplikante sa ikapitong baitang na siyang aabangan ngayong Marso 2025.

ni Hansen Dave Somblingo
ni Precious Hanna Aliño
Precious Hanna Aliño
BALITANG LOKAL
Larawan mula sa FB Page ng Municipality Of Compostela - Gobyernong May Puso
mula kay Janessa Batucan
TUNGO SA INAASAM NA KAUNLARAN: Isang karangalan para kay Mayor Felijur “Jury” Quino ang nakamit na ranggo ng Compostela. Aniya, ang pangarap na ito ay isang palatandaan na unti-unting magbibigay ng pag-asa, trabaho at oportunidad sa bawat Compostelanhon.
Larawan mula kay Lyka Cunanan-Lucero

The vendors were accommodated with new building stalls and they are safer in their temporary place because we assigned market cleaners, and guards to mobilize the situation in the market.

Hangad na Pag-unlad

Maayos, malinis, at bago. Ito ang hangarin ng Local Government Unit (LGU) ng Compostela matapos gibain ang dating pampublikong merkado na nagdudulot ng matinding epekto ngayon sa pangkabuhayan ng mga apektadong nagtitinda.

Matatandaang matapos ang ginawang pagsira sa nasabing merkado sa taong 2023, pansamantalang pinalipat ng pwesto ang mga nagtitinda alinsunod sa utos ng LGU ng lungsod.

Ayon sa pahayag ni Compostela Municipal Administrator Joel Durante, matapos tumama ang bagyong Odette sa lungsod, maraming mga establisyemento ang nasira kabilang na ang pampublikong merkado ng naturang lungsod.

“The Commission on Audit had inspected the old public market in line with the Republic Act 10121 or the Disaster Reduction Act in which states that we need to be compliant and prioritize the safety of the people because after the typhoon Odette, the structure of which is almost 80 years old market was then dilapidated because of typhoon Odette.” pahayag ng Municipal Administrator.

(Ang Commission on Audit ay nagsagawa ng inspeksyon sa dating palengke alinsunod sa Republic Act 10121 o Disaster Reduction Act na nagsasaad na kinakailangang isaalangalang at unahin ang kaligtasan ng mga mamamayan dahil sa kalagayan ng halos 80 taong gulang na palengke matapos masira noong pagsagupit ng bagyong Odette.)

Dagdag pa niya, pinamamahayan na umano ng mga ipis at sira-sira na rin ang kisame at bubong ng nasabing merkado na siyang isang naging dahilan upang tuluyan itong gibain.

Aniya, “Giguba ang karaang Merkado aron paghatag og mas

nindot ug lapad nga pagpanerbisyo para sa tanang mopalit didto.”

(Sinira ang lumang palengke upang magbigay na mas maganda at malawak na pagserbisyo sa lahat ng mga mamimili roon.)

Samantala, ang sitwasyong ito ay labis namang naghatid ng matinding epekto para sa mga nagtitinda. Ayon sa pahayag ng isang tindera ng tuyo, humina raw ang kita nila matapos silang ilipat sa kanilang pansamantalang pwesto.

“Karong panahuna, murag halos usa ka tuig nami dinhi nga nag sige og balhin-balhin og pwesto maong walay gyuy klaro ang income namo karon,” pahayag ng naturang tindera.

(Ngayong mga panahong ito, mahigit isang taon na kaming palipatlipat ng pwesto kaya wala kaming maayos na kita ngayon.)

Dagdag pa niya, may malaking pagkakaiba sa kanilang kita ngayon kumpara noong nasa dating pwesto sila.

“Dako kaayo og deperensya sa among kita sa daan nga pwesto namo ug karon. Dako gyud kaayo ko og mahalin ngadto nya pag abot diri kay nigamay na gyud tungod sa pwesto namo karon nga dili kaayu makita sa mga tawo,” salaysay ng nasabing tindera.

(Sobrang laki ng kaibahan ng aming kita sa dating pwesto namin at sa ngayon. Malaki talaga ang kinikita namin doon sa dati naming pwesto pero pagdating namin ngayon sa bago naming pwesto ay lumiit na talaga bunsod ng hindi gaanong nakikita ng mga tao ang

bagong pwesto namin ngayon.)

Samatala, ayon pa rin kay Administrator Durante, pansamantala lamang umano ang kalagayan ng mga nagtitinda sa kasalukuyan nilang pwesto habang patuloy pa ang proseso ng paggawa nila sa bagong pampublikong merkado ng lungsod. Binigyang-linaw ng Administrator na hindi nila pinababayaan ang mga apektadong nagtitinda.

Aniya, “The vendors were accommodated with new building stalls and they are safer in their temporary place because we assigned market cleaners, and guards to mobilize the situation in the market. We also have 24 hours CCTV to monitor if there are other lawless elements happening there. (Ang mga nagtitinda ay aming pinaunlakan ng mga bagong pwesto at sinigurado naming sila ay ligtas sa pansamantala nilang pinaglalagyan dahil nagtalaga kami ng taga paglinis ng merkado at mga guwardiya para magbantay sa sitwasyon ng palengke. Naglagay rin kami ng mga CCTV camera na 24 oras na nakatutok upang mamonitor ang mga hindi kaaya-ayang pangyayari sa loob nito.)

Sa ngayon, asahan daw ang posibleng pagbubukas ng bagong pampublikong merkado ng lungsod sa publiko kung saan tinatayang gaganapin sa susunod na mga buwan sa taong ito.

Punong-puno ng pag-asa si Director Jimenez na ang CSTHS ang mangunguna sa PISA 2025. Sa kanyang pahayag, sinabi niya, "Naniniwala akong mangunguna ang Scitech sa paparating na PISA 2025," na nagpapahayag ng kanyang tiwala sa kakayahan ng paaralan at ng mga estudyante nito. Hindi naman itinanggi ni Director Jimenez

ang hamon na kinakaharap ng mga estudyante, ngunit binigyang-diin niya ang kahalagahan ng suporta at gabay mula sa mga guro. Aniya, "Hindi ako naniniwalang kulang sa kaalaman ang mga mag-aaral.

Ang kailangan lang nating gawin ay magbigay ng suporta sa kanila." "Mga guro, ang tulong ninyo ay makakagawa ng pagbabago," dagdag pa niya.

Ang pagbisita ni Director Jimenez ay isang senyales ng pagkilala sa potensyal ng CSTHS at isang malakas na pagpapakita ng suporta ng Department of Education (DepEd) sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa.

Ayon naman sa pahayag ng gurong si Sherlice Rom, gurong tagapagsanay sa kategoryang Siyensikula, ang palaging pagkapanalo ng mga mag-aaral sa Regional na lebel ay dahil sa husay at dedikasyon ng mga ito, pati na rin sa gabay ng kaniyang mga kapwa guro. "With the help of my co-teachers kay gitudluan pud sila (students) on how they can improve their performance for the Regional Contest, together with their hard work and dedication, I think that's what managed them to win the contest.", pahayag ng guro. (Sa tulong ng aking mga kapwa guro na tinuruan din sila (mag-aaral) kung paano mapaunlad ang kanilang kakayahan para sa Regional na kompetesyon, kasabay ng kanilang pagpupursigi at dedikasyon, ay sa tingin ko ang nagudyok sa kanila para manalo.) Matatandaang sa naganap na RSTF nitong nakaraang taong, nakamit din ng paaralan ang ikalimang pwesto para sa kategoryang TUKLAS Life Science na kung saan isang grupong kompetisyon.

Merkado sa Compostela, Giniba; mga Nagtitinda Apektado
ni Precious Hanna Aliño - Municipal Administrator
ni Precious Hanna Aliño
LOKAL
Hansen Dave Somblingo
Larawan mula kay Janessa Batucan
BALITANG KINIPIL
Dave Somblingo
sa Pahina 1
mula sa Pahina 1
IBA SA NAKASANAYAN: Hamon pa rin kay Aling Remedios Reticio, 63 anyos, ang mailipat ng pwesto kumpara sa dating stall ng Buwad.
Mula sa 3,000 na kita ay aabot na lamang sa 800 kada araw-mababa sa nakasanayan.
Christer Justin Cortel, paghahanda at pananalig sa sarili pa rin ang sandatang
tungo sa RSTF 2024.
Larawan mula sa FB Page ni Marielle Montellano
Larawan mula kay Sherlice Rom

2025 Budget ng DepEd, nabawasan; PBBM, umalma

Dagdag na pondo para sa sektor ng edukasyon ang isinusulong ngayon ni Pangulong Ferdinand "Bong-Bong" Marcos Jr. matapos mabawasan ang badyet nito isinagawang Budget Approval ng Kongreso para sa taong 2025.

Sa naganap na pagpupulong ng Pangulo at ng Department of Education (DepEd) nitong ika-16 ng Enero sa kasalukuyang taon, binigyang pansin ang kakulangan ng badyet para sa mga programa ng ahensya na pinangangambahang magdulot ng matinding epekto sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

“We have to be able to show that that’s (education) the priority,” pahayag ng Pangulo, mula sa balitang nilabas ng GMA Integrated News

nitong ika-17 ng Enero. Ayon sa Presidential Communications Office, P737 bilyon ang badyet na inaprubahan ng Kongreso para sa sektor ng edukasyon, kung saan mas mababa sa inimungkahing budget nito na P748 bilyon.

Kabilang sa nabawasan ng badyet ay ang proyekto ng ahensya na New School Personnel positions o pwesto para sa mga bagong kawani ng paaralan.

Ani ng DepEd, ang mababang badyet para sa proyektong ito ay maaring magdulot ng paglala sa kaso ng kakulangan ng guro sa bansa. Sa ngayon, wala pang tiyak na aksiyon dito ang pangulo ngunit patuloy pa rin ang hangarin nilang paunlarin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

BALITANG INTERNASYONAL

Hidwaang

DepEd badyet sa taong 2024

P P 717B 737B = =

DepEd badyet sa taong 2025

Ukraine at Russia

Europa, nangangamba sa posibleng ‘maduming kasunduan’ nina Trump at Putin ukol sa Ukraine ni Precious Hanna Aliño

Pangamba at pagdududa ang nadarama ngayon ng mga lider sa Europa matapos ang ginawang ‘maduming pagpupulong’ sa pagitan ng pangulo ng Estados Unidos at pangulo ng Russia bunsod ng mabilisang desisyon ukol sa planong pagpapalaya ng Ukraine sa kamay ng Russia na hindi isinasaalang-alang ang interes ng Kyiv.

Matapos ang isinagawang 'mahabang' usapan sa telepono sa pagitan ng pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump at pangulo ng Russia na si Vladimir Putin nitong ika-12 ng Pebrero, nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine dahil hindi siya unang kinonsulta bago ang anunsyo ng negosasyon sa kapayapaan.

Aniya, hindi katanggap-tanggap ang anumang kasunduan kung hindi kasali ang kanyang bansa sa usapan. Dagdag pa nito, hindi kanais-nais na mas naunang makipag-usap si Trump kay Putin bago siya tawagan, na tila lumalabag sa prinsipyong “walang kasunduan tungkol sa Ukraine nang walang Ukraine.”

Samantala, nagbabala si Kaja Kallas, punong opisyal ng panlabas na ugnayan ng European Union, laban sa isang “madaliang kasunduan” na maaaring mapaboran ang Russia habang ang

Queseo sa Kumbira

Compostela, isinapubliko ang bagong festival nito

ni Precious Hanna Aliño

Kasabay ng ninanais na pag-unlad sa lungsod ng Compostela, pormal na ibinahagi sa publiko noong ika-17 ng Enero sa kasalukuyang taon ang bagong kapistahan nito bilang bahagi ng pagdiriwang sa taunang anibersaryo ng pagkatatag ng lungsod.

Sa pangunguna ni Mayor Felijur P. Quiño, kasalukuyang Mayor ng Compostela, opisyal na pinalitan ng Kumbira Festival ang dating ipinagdiriwang ng lungsod na kilala bilang Queseo Festival.

Ayon kay Tourism Officer Christopher “Krissy” Paradiang ng Local Government Unit (LGU) ng Compostela, ang rason umano ng paglunsad nila ng bagong festival ay dahil sa hamon ng lalawiganing Governor ng Cebu na si Gwen Garcia, na maghatid ng bago at mas pinagandang produkto ang naturang lungsod na maibabahagi hindi lamang sa buong lalawigan ng Cebu, kung hindi sa buong bansa.

“The reason for that is ang atong current nga governor, Gwen Garcia. Ang kani man gyud si Gov. ganahan nga mo level up ta, year after year. So we have to innovate, we have to level-up,” pahayag ni Tourism Officer Krissy Paradiang.

(Ang dahilan dito ay ang ating kasalukuyang gobernador na si Gwen Garcia. Ito kasing si Gov., gusto na tayo ay mag level-up bawat taon.)

Dagdag pa niya, isa rin umano sa naging rason na nag-ugat sa pangyayaring ito ay ang humihinang produksyon ng Queseo o kesong puti sa lungsod.

“Ang atong Queseo industry mura bitaw og ni hinay ang iyang production since nigamay na ang mga kabaw sa bukid, so nag hinay-hinay og ka hinay ang production sa milk nga mao ang main ingredient sa paghimo sa maong Queseo,” ani Tourism Officer Paradiang.

(Ang ating industriya ng Queseo ay para bang humihina ang produksyon bunsod ng kakaunting bilang ng mga kalabaw doon, kaya humihina na rin ang produksiyon ng gatas nito na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng naturang Queseo.)

Samantala, binigyang diin ng nabanggit na opisyal na hindi nila inalis ang Queseo sa mga produktong itinatampok nila, kung hindi ito ay binigyan lamang umano nila ng bagong bihis at inobasyon.

“Instead nga mo focus ta sa only one product which is the Queseo, atong gi rebrand ang Queseo

Europa ang sasalo sa bigat ng pagpapatupad nito. Isang malaking bahagi ng isyung ito ay ang papel ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), ang alyansang pangdepensa na kinabibilangan ng Estados Unidos at maraming bansang Europeo na kung saan sa loob ng maraming dekada, nakaasa ang Europa sa NATO, lalo na sa pwersang militar ng Estados Unidos, para sa seguridad laban sa banta ng Russia. Ngunit matapos ipahayag ni US Defense Secretary Pete Hegseth sa Brussels na ang pagpapatrolya sa anumang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine ay ipauubaya sa mga sundalong Europeo at hindi sa mga Amerikano. Ang pahayag na ito mula sa kalihim ay nagbigay linaw sa Europa

ukol sa pagpapaigting ng seguridad sa rehiyon. Bukod dito, mariin ding sinabi ni Hegseth na malabong maisama ang Ukraine sa NATO, na isang pangunahing layunin ng Kyiv upang matiyak ang proteksyon laban sa muling pagsalakay ng Russia. Salungat ito sa pahayag ng NATO, kung saan iginiit ng isang opisyal na nasa tamang landas pa rin ang Ukraine sa pagiging miyembro ng alyansa. Dahil sa pangyayaring ito, pinangangambahan ng mga bansang Europeo na nasa frontline laban sa banta ng Russia, tulad ng Poland at mga bansang Baltic—Estonia, Latvia, at Lithuania—ang posibleng epekto kung mawawala ang suporta ng Estados Unidos na maaaring magdulot ng mas mahirap na sitwasyon para sa NATO na ipagtanggol ang rehiyon laban sa anumang agresyon mula sa Moscow.

just last year because naa naman sad tay nangabot nga mga new products in Compostela nga kinahanglan sad nato nga i-feature and i-highlight like the empanada de compostela, bikong pinadukot, lechon, adobo, bolabola og ang fried egg sa Compostela,” pahayag niya.

(Sa halip na magpokus tayo sa tanging isang produkto na queseo, ating nirebrand ang queseo noong nagdaang taon dahil mayroon na rin tayong umusbong na mga bagong produkto sa Compostela na kinakailangan din nating itampok at bigyang pansin tulad ng empanada de compostela, bikong pinadukot, lechon, adobo, bola-bola at ang fried egg ng Compostela.)

Ayon naman sa pahayag ng isang residente ng lungsod, nabigla umano siya at naguluhan sa anunsiyong pinalitan ang dating Queseo Festival at ginawang Kumbira Festival dahil hindi niya lubos na maunawaan kung bakit kailangan pa umano itong palitan lalo na at ito ang kanyang nakagisnan na

pagdiriwang.

"Pag-una ato kay wala gyud ko kasabot nya na sad ko kay wala na ang Queseo festival, pero pagkadungog nako sa reason nganong na ingon ana kay nakasabot ra pud ko mao to nga okay na sad nako" pahayag ng nasabing residente.

(Noong una ay hindi ko talaga lubos maintindihan at na lungkot ako dahil wala na ang Queseo festival, pero pagkarinig ko sa dahilan kung bakit ito nangyari ay naunawaan ko naman kaya naging okay na din sa akin.) Bagama’t ganito, matagumpay umano ang naging paglunsad sa bagong kapistahan ng lungsod, ayon pa rin sa pahayag ng naturang opisyal.

Inaanyayahan naman ng lokal na pamahalaan ng Compostela ang mga mamamayan sa loob at labas ng bansa na makiisa at makilahok sa Kumbira Festival sa susunod na taon.

Larawan mula sa https://tinyurl.com/4yk3ddsd
Larawan mula sa https://tinyurl.com/4pxhwyr4
Larawan mula sa FB Page ng Municipality Of Compostela - Gobyernong May Puso
BALITANG LOKAL

EDITORYAL

Pamahalaan: Ilaw ng Kaunlaran

Ang pagiging isang ina ay mahahalintulad sa isang lipunan na kung saan ang pamahalaan ang siyang nagsisilbing ilaw ng tahanan. Ang pag-unlad at kapakanan ng kanyang nasasakupan ay nasa kanyang sinapupunan. Sa panahon ng kanyang pagdadalang tao, may mga namumuong ideya sa kanyang isipan kagaya ng kung ano ang wangis ng kanyang magiging supling. Kagaya ng mga proyektong nais maisakatuparan ng pamahalaan na layong tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Ngunit kaakibat nito ang mga hamon at mabibigat na pasanin na kinakailangang pagdaanan bago matamasa ang bunga ng kanyang pagsusumikap. Sa mga usaping saklaw ang mga plano ng pamahalaan, ano nga ba ang presyo ng pag-asenso? Magiging matamis kaya ang bunga ng ating mga sakripisyo?

Sa nagdaang inspeksyon na ginawa ng Commission on Audit (COA) sa dating pampublikong palengke ng Compostela, napagalaman na ilan sa mga parte ng establisyemento ang nasira na dahil sa kalumaan na tinatayang nasa 70 taong gulang na ang tanda at dahil na rin sa mga sakunang napagdaanan nito kabilang na ang mapaminsalang bagyong Odette. Pinamumugaran din umano ito ng mga daga at iba pang uri ng peste na nakadagdag sa mga maaaring peligro na makukuha sa nasabing palengke.

Alinsunod na rin sa Republic Act 10121 o ang Disaster Risk Reduction Act na layong masiguro ang kaligtasan ng mga indibidwal na pumupunta sa gusali gayon din ang mga nakasaad sa Section 1 Article 3 ng 1987 Constitution "responsibilidad ng mga namamahala na protektahan ang buhay at mga ari arian ng kanilang nasasakupan". Sa mga nasabing batas, naisilang ang ideyang gibain ang pampublikong merkado na siyang naging ugat sa

pansamantalang pagpapalipat sa mga nagtitinda. Ang aksyong ito ay kinakailangan upang mabigyang daan ang pinalawig na konstruksyon para mas magbigay ng mas dekalidad na serbisyo. Isa ito sa mga mandato ng lokal na pamahalaan upang mapalawig ang pagbibigay tulong sa mas malaking bilang ng mga mamamayan.

"The vendors were accommodated with new building stalls, we assigned market cleaners and guards. We also have 24 hours CCTV to monitor if there are other lawless elements" pahayag ng

Maimulat sana nito ang mata hindi lamang ng mga nasa panunungkulan kung pati na rin ang mga mata ng normal na mamamayan, maunawaan na hindi lamang ang mga naglalakihang imprastraktura at modernisasyon ang batayan ng pag-unlad.

Municipal Administrator ng Compostela na si Mr. Joel Durante.

Sa kabila ng tila positibong tugon ng lokal na pamahalaan patungkol sa pansamantalang pagpapalipat sa mga nagtitinda, tila naging kabaliktaran naman nito ang tunay na nararanasan ng mga nagtitinda. Umani ito ng samut saring opinyon at daing mula sa mga taong napalipat na ayon sa kanila "hugaw gyud diring dapita kay ang hugaw sa fast food chain kay wala nay kalutsan

Bagyo ng Pagkalito

ni Bea Manlangit

Ulan. Hangin. Pagguho. Stranded na estudyante. Ito ang paulit-ulit na eksena sa tuwing may masama na panahon. Pero higit sa lahat, may isang bagay na tila hindi nagbabago—ang mabagal na anunsyo ng suspensyon ng klase na nagbibigay kalituhan sa mga mag-aaral. Bilang isang mag-aaral, sanay na tayo sa pang-umagang ritwal ng paghihintay: tititig sa bintana, titingin sa Facebook page ng paaralan, makikinig sa radyo, at magbabakasakali sa group chat na may “official update” na. Pero madalas, ang sagot ay isang malaking blanko. Kaya kahit bumabaha na sa labas, napipilitan pa ring bumyahe ang ilan sa takot na baka mahuli sa klase o mas malala, sa takot na baka may pasok nga. Alam naman nating hindi madaling magdesisyon. Hindi lang naman simpleng “may ulan = no classes” ang

formula rito. Ayon sa DepEd Order No. 37, s. 2022, ang suspensyon ng klase ay nakadepende sa storm signals ng PAGASA. Pero paano kung malakas ang ulan pero walang storm signal? Sa ganitong kaso, nasa kamay ng lokal na pamahalaan ang desisyon. Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, na nagbibigay ng awtoridad sa mga alkalde at gobernador na magpatupad ng suspensyon batay sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan. Gayundin, may National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Memorandum No. 12, s. 2012, na nag-uutos sa Local Government Unit na suriin ang lagay ng panahon at ipahayag ang suspensyon sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang panganib sa mga magaaral at guro.

nya inig uwan mo bulwak gyud ang hugaw". Bukod sa isyu sa kalinisan, dagdag pasakit pa sa kanila ang pagtumal ng kanilang benta dahil umano sa masamang amoy na nanggagaling sa kanal. "Murag usahay mag duha-duha na ang mga mo palit kay baho man nya murag maka ana sila nga hugaw among gi baligya. Ni ana sad sila nga temporary ra daw ni, mao to nga murag wala na kaayo na sulusyunan kay hapit naman daw mo abli ang merkado"

Sa kabilang banda, nang tanungin si Ginoong Durante tungkol sa problemang nararanasan ng ilan sa mga nagtitinda " We can't please everybody but we have to provide for the majority but rest assured gi buhatan na ni namo siya ug pamaagi. Hopefully by next month ma turn-over na ang new public market"

Aminado siya na hindi lahat ng hinaing ang kanilang kayang tugunan. Ayon sa kanilang nakalap na datos, halos 85%-95% na mga nagtitinda ang kayang i-accommodate ng palengke o katumbas ng humigit kumulang 200 na mga nagtitinda.

Sa pagluwal ng ina sa kanyang sanggol, hatid nito ang saya at pag-asa sa pagbubukas ng panibagong kabanata. Sa kabila ng hirap na kinakailangang pagdaanan, kaakibat nito ang determinasyon na mahubog ang kakayanan ng bata at para maging handa ito sa mga hamong dala ng mundo. Naway maipagpatuloy ng pamahalaan ang kanilang serbisyong may puso na kaakibat ang pag-iisip hindi lamang sa kapakanan ng nakararami kundi para sa kabutihang panlahat. Maimulat sana nito ang mata hindi lamang ng mga nasa panunungkulan kung pati na rin ang mga mata ng normal na mamamayan, maunawaan na hindi lamang ang mga naglalakihang imprastraktura at modernisasyon ang batayan ng pag-unlad, kundi ang pagkonsidera, pag-iisip, at pakikinig sa hinaing ng lahat.

Campus Stellae Patnugutan S.Y 2024-2025

Punong Patnugot

Irish Kate Abad

Pangalawang Patnugot Je Marielle Potot

Tagapamahala ng Sirkulasyon

Rhaiza Mae Manisan

Patnugot sa Balita

Precious Hanna Aliño

Patnugot sa Editoryal

Bea Manlangit

Patnugot sa Lathalain

Je Marielle Potot

Patnugot sa Agham at Teknolohiya

Rhaiza Mae Manisan

Patnugot sa Pampalakasan

Angel Nuñez

Tagaguhit

Ashennete Pelari

Kate Laurence Wong

Taga-anyo ng Pahina

Psyrex Tanjay

Cassiopia Sheen Evangelista

Tagakuha ng Larawan

Ma. Janessa Therese Batucan

Severino Reyes III

Mga Manunulat at Kontribyutor

Christer Justin Cortel

Maure Claire Tirado

Hansen Somblingo

Margie Lou Jasmin

Bea Manlangit

Emmanuel Bagatsolon

Jellah Sheene Gahi

Tagapayo

Lyka Mae Cunanan-Lucero

Nanette Tagalog

Tagasangguni

Cyrele C. Quiño

Sa Patnugot,

Nais kong ibahagi ang aking agamagam tungkol sa istriktong patakaran ng gatepass sa paaralan. Naiintindihan ko naman na mahigpit noon ang mga tuntunin dahil sa Covid-19, pero ngayong humihinga na ang mga restriksyon, parang sumusobra na yata na kahit sa mismong lunch time ay hindi kami pinapalabas.

Bukod pa rito, wala ring functional printer para sa mga mag-aaral at kailangan pa kumuha ng gatepass para makalabas kahit nasa tapat lang naman ng paaralan ang tagapag-print. Kahit na masama rin ang inyong pakiramdam at ika’y matamlay na, kailangan mo pa talaga lumapit sa inyong guro at magpalagda bago makauwi. Nakakalungkot na para kang malugutan ng hininga dahil sa higpit ng mga panukala.

Sana’y mabigyang pansin ang aking hinaing at mag-alok ng agarang plano.

Jesse Belciña,

Ang problema ay hindi lahat ng LGU ay may mabilis na tugon. Minsan, huli na ang anunsyo. Nakapasok na ang mga estudyante na basa na ang sapatos at supot. Nakapagtataka lang na kaya nating mag-trend sa social media sa loob ng ilang minuto, pero hindi natin magamit ang parehong teknolohiya para sa mabilis at malinaw na anunsyo? Hindi natin kontrolado ang panahon, pero kontrolado natin kung paano tayo tutugon dito. Ang suspensyon ng klase ay hindi dapat isang guessing game, lalo na kung kaligtasan ng mga estudyante ang nakataya. Kaya sa susunod na bumuhos ang malakas na ulan, sana hindi lang baha ang bumaha kundi pati ang tamang impormasyon, sa tamang oras.

ng mga mag-aaral sa SciTech ang sumasang-ayon na hindi sapat ang bilis ng paghatid ng anunsyo ng LGU

81.5% 19.5%

ng mga mag-aaral sa SciTech ang hindi sumasang-ayon na hindi sapat ang bilis ng paghatid ng anunsyo ng LGU

Lubos ang aking pasasalamat sa iyong paglaan ng oras para ipahayag ang inyong agam-agam sa humihigpit na patakaran ng gatepass sa paaralan. Ang inyong puntiryang ito ay lubos na makatutulong na bigyan ng sapat na pansin ang proteksyon ng mga mag-aaral habang hindi rin nakakalimutan ang pagiging libre at malaya. Nangangako ako na susubukan kong makipag-usap sa mga guro o sa mga nasa pamunuan ng paaralan tungkol sa mga paraan kung paano mapapabuti ang sistema nang hindi naapektuhan ang kaligtasan. Wala na mang ibang hangad ang paaralan kundi ang kapakanan ng mga mag-aaral. Kami ay nakikiisa sa inyong panawagan na pagbutihin pa ang implementasyon ng mga patakaran. Nais ko lang malaman mo na ang iyong boses ay rinig at karapat-dapat bigyan ng tugon.

Pagtuon sa mga late suspension sa nakababahalang panahon Late suspension ng Local Government Unit tuwing may bagyo
Sa mga Numero
Guhit ni Ashennete Pelari
KOLUM

Paglimos ng Pag-unawa

Pagtutok sa nakababahalang isyu ng Depression at Bullying

ni Irish Kate Abad

Tunay na nakababahala ang estado natin ngayon bilang isang lipunan. Sa patuloy na pagtaas ng karahasan at maging ang pangungutya sa mga seryosong sitwasyon, ito ay nagpapakita ng unti-unting paglabo ng ating kakayahan para sa simpatya, empatiya, at pagkatao. Nang dahil sa labis na kalayaan na ating tinatamasa, hindi na natin namamalayan na ang mga salitang binibitawan ay may katumbas na konsekwensyang mabigat at marahil hindi makatao. Nakaaalarma kung paano lantad na sa mga social media ang mga sensitibong pangyayari, at ang mas malala pa ay ang reaksyon na natatanggap na para bang ginagawa na lang itong katatawanan. Noong Enero 27, isang lalaki mula sa Cebu ang nagtangkang magpakamatay habang nasa Facebook Live matapos niyang matuklasan na ang kanyang kasintahan ay nangloko. Nakakalungkot na imbes na mag-alok ng suporta, ang mga nanonood ay pinapalakas pa siya na ituloy ito ( “ang tagal naman” “barilin mo na kuya kasi matutulog na kami”) at tinutukso pa ang kanyang kalagayan.

Kaya ayaw magsalita ng ilang tao lalo na ang tinatayang 3.8% na nakakaranas ng depresyon, dahil sa takot. Kahit sa sektor ng

edukasyon, may isang guidance counselor lamang para sa bawat 13,400 estudyante sa mga pampublikong paaralan kung saan mas nagpapahirap sa mga mag-aaral na maging bukas sa kanilang nararamdaman. Ang nakakalungkot, sila pa ang mas pinupuntirya ng pang-aapi at pananakot. Kahit sa matagal nang implementasyon ng Anti-Bullying Act of 2013, nakababahala pa rin ang taas ng kaso ng bullying ayon sa internasyonal na malawakang pagsusuri.

Nakapag-aalala na kayang isakripisyo ng iba ang moralidad para sa kalokohan. Huwag sana nating hayaan na mas malunod ang mga biktima sapagkat mahirap makaahon sa mga reperkusyon nito. Sa isang eksklusibong panayam ng isang mag-aaral, 17 taong gulang na diagnosed ng depression, hindi raw biro ang magkaroon nito. Ani niya ay para siyang nasa sa isang kuweba na madilim, mag-isa at malungkot. Nahihirapang matulog, walang ganang kumain, at parang wala sa sarili. Kaya kung maaari ay humingi ng tulong dahil hindi madali ang maging bitag nito. Sa tuluyang pagsisikap ng 2024-2028 Strategic Framework ng Philippine Council for Mental Health (PCMH), sana ay magabayan ang pagbuo at pagpapatupad ng mga polisiya,

programa, at serbisyo ukol sa kalusugang pangkaisipan na tutugon sa malaking pasanin ng mga sakit sa pag-iisip. Likas nating mga Pilipino ang magkaroon ng pag-aalinlangan sa paghahanap ng tulong, ngunit sana ay tanggalin natin ang stigma na nakakubkob dito. Hindi content ang mental health na pwede maging paksa ng katuwaan. Tulungan natin silang makatakas sa mapalinlang na kaaway dahil ito’y indikasyon ng isang responsableng mamamayan. Mas pagbutihin natin ang access sa mga mental health services at pagpapromote ng mga healthy lifestyle at stress management techniques. Bigyan ng sapat na suporta at kalinga na nararapat para sa kanila.

Ang pag-asa ang lumilikha ng pagbabago at ang pagbabago ang lumilikha ng pag-asa. Pag-usapan ngunit pag-isipan ang mga salitang bibitawan. Huwag natin hayaan na mas lumala pa ang sensitibong pangyayari na ito. Hindi mahal ang magkaroon ng malasakit at respeto sa kapwa. Kung natatawa ka sa mga bagay na ito, baka ikaw ang problema at hindi ang sistema.

Karapatan, hindi Kasalanan!

Pag-unawa sa Kahalagahan ng Comprehensive Sex Education

ni Bea Manlangit

Sa murang edad nahuhubog na ang kuryusidad ng kabataan, isa na rito ang tungkol sa sekswalidad. Habang lumalaki, gumagana din ang kanilang pagka-mausisa lalong lalo sa mga pangyayari sa kanilang katawan. Napupuno na ng mga tanong na walang konkretong kasagutan ang kanilang isipan. Pero ano kaya ang kanilang magiging takbuhan?

Walang alam, walang tamang gabay, walang ligtas na espasyo upang magtanong— iyan ang realidad ng mga kabataan sa Pilipinas. Sa halip, natututo sila sa internet, sa maling sabi-sabi, sa mga kuro kuro, sa mga karanasang maaring magdala ng pagsisisi sa huli.

At dito pumasok ang Comprehensive

Sex Education (CSE), isang solusyon na dapat sana matagal ng bahagi ng sistema ng ating edukasyon. Ngunit sa halip na yakapin ito bilang hakbang upang makatulong sa mga kabataan, bakit tila ito’y isang naging bawal na paksa, isang kasalanang hindi dapat pag-usapan? Sa ipinasa na panukalang batas patungkol sa Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023 na pinangunahan si Sen. Risa Hontiveros, nadani nito ang atensyon ng mga relihiyoso at ng ating pangulo na sadyang tutol sa batas na ito. Ayon sa kanila, sa pamamagitan ng pagturo ng sex education mas magiging mapusok ang mga kabataan. Pero hindi ba mas nakakatakot kung ang isang bata ay lumaki sa

Pulso Punto

96.9% ng SciTechians ang pabor sa integrasyon ng CSE sa kurikulum

dilim, walang kaalam alam sa kung ano dapat ang gawin?

Ayon sa datos mula sa Commission on Population and Development (POPCOM), patuloy na tumataas ang bilang ng teenage pregnancies sa bansa. Sa kabila nito, nananatiling kulang ang access ng mga kabataan sa tamang edukasyon tungkol sa reproductive health at responsible relationships.

Sa katunayan, may mga umiiral nang batas na sumusuporta sa pagpapalaganap ng sex education, tulad ng Republic Act No. 10354 o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012, na naglalayong isulong ang reproductive health education sa mga paaralan. Mayroon ding

Republic Act No. 7610, na nagpoprotekta sa mga bata laban sa pang-aabusong sekswal, at Republic Act No. 11313, na nagbibigay ng proteksyon laban sa sexual harassment. Ngunit paano magagampanan ng mga batas na ito ang kanilang tungkulin kung hindi sapat ang kaalaman ng kabataan tungkol sa kanilang mga karapatan?

Sa magiging desisyon ng pangulo na e-veto ang batas na ito ay para narin niyang tinatanggalan ng kaalaman ang bawat kabataan. Nakasaad sa ipapasang batas na ang Sex Education ay hindi lang tungkol sa pagkikipagtalik, ito ay tungkol sa karapatan—karapatang maunawaan ang sariling katawan, karapatang matuto kung paano protektahan ang sarili, at karapatang

Tsismis ng Katotohanan o Kalokohan?

Ang pag-ugat ng pagiging ‘Marites’ sa kultura ng Pilipino

ni Irish Kate Abad

Kailan nagiging masama ang pagiging updated sa buhay ng iba?

Mas mabilis pa kay The Flash ang pagkalat ng balita at tsismis sa barangay at sa online. Ika nga nila, gossip mode on ang mga marites sa tuwing may nangyayaring kaguluhan at eskandalo. Pinapakinggan ang bulungan, binibigyang kahulugan,tapos ibinabahagi at binabalita. Pero bukod sa madaling komunikasyon, ano nga ba ang tunay na nagagawa ng tsismis sa atin? Magwasak ng tiwala, at sirain ang mga relasyon, lahat dahil sa isang kwentong walang kasiguruhan?

Hindi maikakailang naging parte ng social fabric ng Pilipinas ang mga marites dahil sa pagbahagi ng impormasyon, opinyon, at mga tsismis sa masa. Sa ibang konteksto, sila ay maituturing na nagpapahalaga at nag-aalalang mamamayan. Noong 2020, nakilala ang marites nang ipahayag ng ilang tao ang kanilang mga alalahanin tungkol sa pagtanggal ng liquor ban ni Manila Mayor Isko Moreno. Nagresulta ito sa paggamit ng pariralang “Manahimik ka, Marites” na naging viral online. Ang mga tradisyonal na gawain ng tsismis ay may malaking impluwensya rin sa kulturang marites sa Pilipinas. Ang tsismis ay ginagamit na sa loob ng maraming siglo upang magtayo ng mga relasyon, magtakda ng mga pamantayan ng grupo, at magpatupad ng social control. Ngunit habang tumatagal, ang pagpasa natin sa kulturang ito ay may pasan din na mga kahihinatnan na tayo lang din naman ang naaapektuhan. Dahil sa matulin na pagbahagi ng balita, iba’t ibang bersyon ng kwento ang nagagawa kaya mas marami ang napapahamak. Kagaya ni Ogie Diaz na isang talent

Dahil sa matulin na pagbahagi ng balita, iba’t ibang bersyon ng kwento ang nagagawa kaya mas marami ang napapahamak.

magkaroon ng boses sa usaping madalas na hindi pinapansin ng lipunan. Kaya tanong ko lang, ano ang mali sa pagiging mulat sa kamalayan? Takot ba sila sa kaalaman? Tama na ang takot. Tama na ang maling impormasyon. Bilang isang teenager, naniniwala akong dapat na huwag ipagpaliban ang Comprehensive Sex Education. Hindi ito isang kasalan kundi isang sandata na gagawing tayong mas matalino, mas responsable, at mas ligtas sa pagharap sa tunay na mundo. Dahil sa dulo ng lahat ng ito, hindi naman kamangmangan ang magpapalaya sa atin kundi kalaaman ang magbibigay sa atin ng proteksiyon.

manager pero binansagan ng mga tao bilang fake news peddler dahil sa pagpapakalat ng mga isyu tungkol sa hiwalayan at eskandalo. Kaayon nito, batay sa Pulse Asia, 58% ng mga tao ang nag-akusa sa mga social media influencers bilang pangunahing salarin sa pagpapalaganap ng maling impormasyon. Kalakip sa Data Privacy Act of 2012 na protektahan ang pangunahing karapatang pantao ng privacy at komunikasyon habang tinitiyak ang malayang pagdaloy ng impormasyon upang isulong ang inobasyon at pag-unlad. Habang ang tsismis ay naging kultura ng Pilipino noong panahon pa man ng Kastila para mabuhay at labanan ang rehimen, ang pagkompromiso sa katotohanan ay hindi pa rin katanggap-tanggap.

Walang halaga ang isang kuwento kung ang layunin nito ay magdulot ng sakit. Sa panahon ng misinformation, ipalaganap natin ang information literacy upang matututo ang mga tao kung paano makilala ang mga kredibleng pinagmulan, magtanong ng mga tamang katanungan, at maging responsable sa paggamit ng impormasyon. Ang kulturang marites ay nagpapakita ng mas malalawak na trend sa kultura ng bansa, kabilang ang kahalagahan ng social connections at ang impluwensiya ng mga tradisyonal na gawain ng tsismis. Hindi masama ang maging updated sa buhay ng iba, nagiging mali lang ito kung iba ang paraan sa pagpapakalat nito. Hindi kasalanan sa batas ang maging tsismoso basta may pagtitimpi lang sa mga kwentong hindi pa napapatunayan.

Guhit ni Kate Wong
KOLUM
KOLUM
KOLUM
Mababasa sa Pahina 8
Mga Larawan mula nina
Janessa Batucan Lhar Sinsay
Compostela

Husay ni SINSAY, on TOP!

BUEN CAMINO:

Tawag para sa Peregrinos

"You are called to know."—mga salitang nanatili sa akin matapos ang isang makabagbag-damdaming pag-uusap.

Habang minamaneho ni Manong drayber ang kanyang pedikab papunta sa simbahan ng Archdiocesan Shrine of Santiago Apostol De Compostela, samu't saring palaisipan ang naglalaro sa aking isipan. Ang bawat punong nadaraanan ay tahimik na saksi sa aking pagtatangkang buuin ang lathalaing ito. Ngunit sa gitna ng aking pagmumuni-muni, isang bagay ang patuloy na pumupukaw sa akin—ang tawag ng kabibe.

Kilala siya bilang isa sa mga masipag at masigasig na mag-aaral. Isang “comlab boy” na bihasa sa kompyuter at sining, pag-layout, paggawa ng tarpaulin, at video editing. Aktibo rin siya sa mga kompetisyon tulad ng quiz bowls, journalism (radio broadcasting), at tarpaulin designing sa division level. Ngunit higit sa lahat aniya, malaki ang naging epekto ng kanyang research projects noong siya ay nasa Senior High School.

“Murag na-ahat kog kakugihan. Nya sukad ato, murag nadala nako hantod pag-college, since CNU is also a research university,” pagbabalik-tanaw niya. (Parang naapektuhan ako ng sipag. At mula noon, parang nadala ko na ito hanggang sa kolehiyo, lalo na't ang CNU ay isang research university rin.)

Hindi man niya unang pangarap ang maging guro, at mas gusto sana niyang tahakin ang larangan ng engineering, napunta siya sa kursong BSEd Science sa Cebu Normal University (CNU). Napagtanto niyang akma ito sa kanyang interes, at higit sa lahat, libre. Tila malaki rin ang naging impluwensya ng kanyang mga guro sa SciTech, lalo na si Ma’am Rhea Caraballe, sa kanyang desisyon na piliin ang landas ng pagtuturo.

Kolehiyo, Here I Go! Sa loob ng apat na taon sa CNU, pinatunayan ni Lhar na tama ang kanyang desisyon. Hindi naging madali ang kolehiyo, ngunit dahil sa karanasan niya mula sa SciTech, mas madali niyang naiangkop ang sarili sa mga hamon. Aniya, “College is difficult, but SciTech is also difficult.” Ngunit hindi ito nangangahulugan na wala siyang pinagdaanang hirap. Nariyan pa rin ang matinding pressure, puyat, at pagsasabay ng akademya at trabaho sa videography. Ngunit anuman ang pagsubok, hindi siya bumitiw sa kanyang pangarap.

Ika niya, “keep your eyes on the prize. Not just that, take action sad jud.” (Ituon ang mata sa layunin at hindi lang ‘yan, kumilos ka talaga.)

At hindi lang siya pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET), kundi napabilang pa siya sa mga nangungunang mag-aaral sa buong

Matagal na kaming naaakit sa mga ito na nakapalibot sa simbahan, hindi lamang dahil sa kanilang kakaibang presensya kundi pati na rin sa mga kwento at alamat na bumabalot sa kanila.

Kabibe ng Camino Isa, dalawa, tatlo. Habang binibilang ko ang mga ito sa daanan, isang tanong na naman ang biglang sumagi sa aking isipan. "Bakit nga ba sandamakmak ang mga ito rito? Ano ang nais nitong ipahiwatig?" Sa aming panayam kina Brother at Sister na matagal nang konektado sa simbahan, natuklasan namin ang kaugnayan ng kabibe sa Camino de Santiago, isang banal na pilgrimage patungo sa libingan ni Apostol Santiago sa Espanya. Noon, ginamit ito ng mga peregrino bilang sisidlan ng tubig at pagkain. Ang mga guhit nito ay sumisimbolo sa iba't ibang ruta ng Camino na nagmumula sa iba’t ibang panig ng mundo, ngunit tulad ng mga linya sa kabibe, nagtatagpo sa iisang destinasyon, ang simbahan.

Nagsimula ang lokal na Camino noong 2017 dito sa Compostela, Cebu. Isang 30-kilometrong paglalakad sa loob ng dalawang araw. Mula simbahan, dumadaan ito sa Bali-Bali, ilang mabukid na bahagi ng Liloan, Mulao, Basak, at bumabalik sa simbahan. Sinasalubong ng banal na misa sa bawat pag-alis at pagdating sa isang chapel.

Sa Camino, bawat hakbang ay dasal, at ang bawat pagod at pawis ay sakripisyong iniaalay sa Diyos. May mga naglalakad nang ilang araw habang ang iba nama’y umaabot ng isang buwan, tulad ng Camino de Santiago sa Espanya. Ayon sa tagapangalaga ng tradisyon, may himala sa Camino—maraming gumagaling sa kanilang karamdaman sa pamamagitan ng pananampalataya kay Santiago.

Isang Espiritwal na Paglalakbay

“Dili ka mahadlok because you're offering yourself to God. And that walk is primarily for God. ‘Buen Camino’ meaning ‘good walk’, ‘good way’,” (Hindi ka matatakot kasi inaalay mo ang iyong sarili sa Diyos. At ang lakad na iyan ay para talaga sa Diyos. ‘Buen camino’ meaning ‘good walk’, ‘good way’,) ani Sister, 20 taon nang naglilingkod sa simbahan at isa sa mga unang nagpasimula ng Camino sa Compostela, Cebu.

Dagdag ni Brother, isang lay minister mula 2014, ang Camino ay hindi lamang isang pisikal na paglalakbay kundi isang espiritwal na proseso ng pagpapanibago ng sarili. Ito’y may tatlong uri. “Mini Camino” na mula sa simbahan patungo sa dambana ni Birheng Maria at kay Santiago, “Junior Camino” na ruta mula sa paaralan patungo sa simbahan, at ang “Mahabang Camino” na maaaring tumagal ng ilang araw hanggang buwan. At tila sa bawat hakbang, para kang mas napapalapit sa Diyos. Bawat peregrino ay may kanya-kanyang layunin sa paglalakad. May mga

Dagdag pa nga ni Sister, tinatadtad na lamang nila paminsan ng bandaid ang kanilang mga paa maiwasan lang ang mga paltos at sugat na inireregalo ng kanilang mga sapatos sa mahabang paglalakad.

(Maraming pagsubok sa Camino. Nararamdaman talaga ang init, sinusundan ka talaga ng araw, minsan ng ulan, at ng pagod na rin. Pero hanggang ngayon, wala pa ring sumusuko.)

Hamon sa pananampalataya

May mga sumasali sa Camino hindi para sa espiritwalidad, kundi para makasama ang barkada, magpakitang-gilas, o gawing adventure. Kaya bago magsimula, tinuturuan ang mga kalahok tungkol sa tunay na kahulugan ng lakad na ito. Ayon kay Brother, "Wala ring magandang kinalabasan sa espiritualidad kung maglalakad ka lang nang walang dahilan."

Hindi kailangan pumunta sa Espanya upang maranasan ang Camino. Paliwanag ni Sister, "Ang lahat ng biyaya na makukuha mo doon, iyon din ang makukuha mo dito."

Hindi ba't ganoon din naman ang aming paglalakbay bilang mga mamamahayag? ang aming sariling paglalakbay sa pagsasaliksik tungkol sa kabibe at ang biglaang pagtuklas sa Camino ay para na mismong Camino. Nagsimula sa isang maliit na tanong, isang tila mababaw na obserbasyon. Ngunit sa patuloy naming paghahanap ng sagot, unti-unti kaming ginabayan ng landas ng mga kabibe. Isa, dalawa, tatlo, patungo sa mas malalim na kaalaman at pananampalataya.

Tunay ngang tinawag kami upang malaman, upang maunawaan, at upang ipahayag ang natuklasan namin sa iba. Ika nga ni Brother, “you ought to be proud of this as a Compostelahanon. Why? Because this is the only Camino outside Santiago there in Spain. This is the only one and nothing more.”

(Dapat kang maging proud nito bilang isang Compostelahanon. Bakit? Kasi ito ang tanging Camino na nasa labas ng Santiago sa Espanya. Ito lang at wala nang iba.)

pumasok sa pagtuturo. Sa ngayon, masaya siya sa kanyang trabaho bilang videographer at editor, kung saan nagagamit niya ang kanyang talento sa paggawa ng malikhaing nilalaman.

“Keep on shooting, keep on clicking,” (Patuloy sa pagkuha, patuloy sa pag pindot) payo niya sa mga may hilig din sa larangang ito.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na tuluyan na niyang iiwan ang mundo ng edukasyon.

“If ever mo-pursue kog education in the future, I think i-adapt gyud nako ang technological skills na akong na-gain.” (Kung sakaling ipagpatuloy ko ang pagtuturo sa hinaharap, sa tingin ko, iaangkop ko talaga ang mga teknolohikal na kasanayan na nakuha ko.)

Kung sakali man, naisniyang maging isang guro na hindi lang nagtuturo ng leksyon kundi isang taong maaaring lapitan ng kanyang mga estudyante. Isang masigla at inspirasyong guro na hindi nila katatakutan. Dagdag pa ni Lhar, “Somebody they can rely on, they can talk to. A teacher na vibrant ang vibes na i-give off, someone na dili sila mahadlok.” (Isang tao na maaari nilang pagkatiwalaan, kausapin. Isang guro na may makulay na awra na ipinapakita, isang tao na hindi sila matatakot.)

Nosyon ng Inspirasyon. Kalaunan, kinilala siya ng kanyang bayan sa Compostela, kasama ang iba pang topnotchers ng taong 2024 sa lungsod, sa pagbubukas ng Kumbira Festival. Sa harap ng mga punong guro, kabataang sumasailalim sa Work Immersion, at mga opisyal, ramdam niya ang saya ng tagumpay.

“Nindot kaayo na feeling ba nga imong hard work kay na pay off and na recognize sa imong hometown.” (Napakagandang pakiramdam na ang iyong pagsusumikap ay nagbunga at kinilala ng iyong bayan.)

Sa kanyang kwento, pinatunayan ni Lhar Briane C. Sinsay, isang SciTechian, isang CNU graduate, isang topnotcher, isang direktor sa ‘Hiraya Films

Nakipag kape ako kasama ang aking batang sarili ngayong umaga. Nakarating ako isang oras bago ang usapan namin. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkasabik o dahil sanay na ako sa pagiging maaga sa lahat ng bagay. Nakaupo ako sa isang tahimik na sulok ng C’s Cafe—paborito kong coffee shop sa lungsod ng Compostela, iniinom ang isang mainit na tasa ng kape habang binabalikan ang mga nakaraang taon.

Pahingal niyang iginugol ang kanyang mga mata sa sulok-sulok hanggang sa ako’y kanyang nasilayan. Sampung minuto siyang late. Habang ako, sanay nang umupo at libangin ang sarili. Suot niya ang hot pink na bestida, ang buhok ay mahigpit na nakatali, at ang kanyang salamin ay bahagyang dumudulas sa ilong. Para siyang isdang inalis sa tubig, hindi makahanap ng komportableng pwesto sa sarili niyang balat. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, kita sa mukha ang pagtataka. “Ate… ikaw ba ‘yan?” tanong niya, pinagpapalit-palit ang tingin sa akin at sa sariling repleksyon sa bintana. “Parang… parang hindi naman.” Napatawa ako. “Bakit? Ano bang iniisip mong magiging itsura natin paglaki?” Nagkibit siya ng balikat. “Akala ko mas… maganda?” “Hoy!” Kunot-noo ko siyang tiningnan pero natawa na lang din ako. “Pasensya na kung hindi tayo naging

K-drama leading lady.”

Umupo siya sa tapat ko at hinigop ang inorder kong milk tea para sa kanya. “Ano ba ‘yan, ba’t kape? Eh coffee date nga!”

“Matututo ka rin,” sagot ko. “Hintayin ‘yung unang all-nighter mo.”

“Galing ako sa unang araw ko sa SciTech,” aniya habang inaalis ang kulay rosas na tali sa “Nakakapagod. Pero alam mo

animo’y isang pamilyar na pangalan
(Nandoon si Sinsay, Lhar
itinanim at inalagaan
ni Je Marielle Potot
ni Je Marielle Potot
Larawan mula kay Janessa Batucan
Larawan mula kay Janessa Batucan
Larawan mula kay Lhar Sinsay

Kumbira ni Martha

Bibo, mabait, palasayaw—‘yan ang batang si Martha. Pitong taong gulang ngunit punong-puno ng pangarap. Araw ng Biyernes, maaga siyang gumising upang gawin ang lahat ng mga gawaing bahay bago sumapit ang ala-una. Bakit? Anong meron sa ala-una? Si Martha ay gustong pumunta at manood ng parada. Kahit mainit at kahit nakakapagod, walang makakapigil sa kanya. Tuwing sasapit ang Kumbira Festival sa kanilang bayan, hindi niya mapigilang mamangha sa mga magagandang festival queen—ang marangyang kasuotan, ang mala-diyosang lakad, at ang matamis na ngiti na tila sumasalamin sa kasayahan ng buong bayan. Pagkauwi niya mula sa panonood ng parada, agad siyang tumakbo sa kaniyang silid. Kinuha niya ang pinakamakulay na kumot, isinabit sa kaniyang balikat na tila isang kapa, at tinuhog ang ilang bulaklak mula sa paso ni Mama upang gawing koronang tiniklop mula sa buhok niyang sapin-sapin ang tali. Sa harap ng salamin, sinubukan niyang gayahin ang mga mariringal na galaw ng isang festival queen— ang pagtaas ng kamay na parang humihimig ng awitin ng bayan, ang malumanay na pag-indak, at ang tinging puno ng diwa ng pagdiriwang. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagsasanay, bumukas ang pinto. Napatigil siya at napatingin kay Mama, na nakatayo roon habang pinipigilan ang tawa. "Anong ginagawa mo, 'nak?" tanong nito, sabay lapit upang ayusin ang koronang gawa sa bulaklak. "Mama, gusto ko rin maging festival queen balang araw!" sagot ni Martha, puno ng kasabikan.

Ngumiti si ina at hinaplos ang kaniyang pisngi. "Maganda 'yan, anak. Pero alam mo, ang pinakamahalagang parte ng Kumbira ay hindi lang ang pagiging reyna sa entablado, kundi ang pagiging reyna ng iyong sariling pamilya—pinag-iisa, pinagsasama-sama, at pinapasaya ang bawat isa."Ngayon, ikaw ang magiging reyna ng ating pamilya, ang pinakamagandang reyna na aking nakita.” Agad naming ngumiti si Martha at niyakap ang kanyang ina.

“O siya tawagin mo na ang iyong Aling Nena ng makagayak na tayo papunta sa bahay ni Lola.” Agad naman sinunod ni Martha ang utos ng ina at habang binabaybay ang daan papunta sa bahay ni Aling Nena, nakita nya si Joshua na nagwawalis sa kanilang tarangkahan at bigla niya itong sinigawan, “Joshua! Mangumbira na ta!” Nang makarating sila sa bahay ni Lola, kanilang nakita ang

napakaraming bisita at ang ilan ay nagkakantahan pa bitbit ang ice cream na tunaw na. Agad silang sinalubong ni T’yang Amie at pinapasok sa loob kung saan nakita ni Martha si Lola na abala sa paghahanda ng mga pagkain para sa mga bisita.

“Lola, ang dami n’yo naming pagkain na hinanda, mauubos ba nila ‘yan?” inosenteng tanong ni Martha sa kanyang lola. “Oo naman, marami pang mga bisitang darating para mangumbira.” Hindi maipinta ang mukha ni Martha sapagka’t hindi niya alam kung ano ang tunay na saysay ng Kumbira.

“Lola, ano ba ang kumbira?” tanong ni Martha.

“Apo, ang Kumbira ay isang engrandeng handaan na karaniwang isinasagawa sa mga pagdiriwang tulad ng pista, kasal o hindi kaya kaarawan, kung saan tayo ay naghahanda ng mga iba't ibang klase ng pagkain na inihahandog natin sa ating mga bisita,” tugon ni lola.

“Lola, ano ‘yang nasa puting supot na parang mga bola?” tanong ulit ni Martha.

“Iyan ang pinakasikat at pinakamasarap na bola-bola sa Compostela. Ang Singson’s BolaBola. Maliban diyan, mayroon din tayong handang empanada de compostela, bikong pinadukot, barbeque, hotdog, litsong kawali, fried egg, manok, at siyempre, hindi pwedeng mawala ang star of the night, ang paborito ng masa—ang lechon.

Manghang-mangha si Martha. Pagkatapos nilang mag-usap mag-lola ay agad naman siyang tumulong sa paghahanda ng lamesa. Kalaunan ay agad nang tinawag ni Lola ang lahat ng bisita upang kumain na.

Maririnig mo sa bawat sulok ang tawanan at hiyawan ng mga taong nagsasaya..

Habang pinagmamasdan ni Martha ang mga bisita, may biglang tumapik sa kanyang likuran at noong siya’y napatingala, ito pala’y kaniyang lola na bumulong sa kanya ng, “Ang kumbira ay hindi lang tungkol sa

Saan aabot ang 40 pesos mo?

Sawa ka na ba sa Kwek-Kwek at Tempura na makikita mo sa bawat lingon mo sa inyong eskinita? Halina't dumayo sa Compostela!

Kung gaano kaingay ang lansangan ng Compostela, kabaliktaran naman itong ating meryenda, dahil sa kulay ng tindahang kariton pa

Sa lungsod ng Compostela, ito’y isang meryenda na kinagigiliwan at inaabangan ng masa.

“Alas 3 na! Nasa’n na siya?”

“Ayan na! Paparating na, natatanaw ko na!”

“Oi... ako ang nauna ha!”

“Pabili po, isang fried egg po at sukang maanghang sana. Soft drinks din po! Pampagana.”

‘Yan ang mga parating bukambibig ng mga tao sa kaniya. Teka, sino nga ba siya? Dilaw na kariton, basket na pula, at si aleng naka shades pa.

Tiyak alam na kung sino s'ya—Ang Gudong's Fried egg sa Compostela!

Mula noon hanggang ngayon. Sila ay nagsimula sa kanilang negosyo taong 1987 sa pangunguna ni kuya Ramil Calo na mas kilala bilang alias “Gudong”.

Si kuya Ramil mismo ang tutok sa pagluluto sa negosyo habang si ate Anne Marie, ang kanyang pinsang babae, ang nagtitinda. Ayon kay ate Anne, nakakaubos daw sila ng mahigit kumulang 700 piraso roon sa kanilang dating pwesto, ngunit ngayon nakaka 400 piraso na lang sila dahil marami na ring nagtitinda ng fried egg. Ngunit sa kabila ng napakaraming kakompetensya, maraming mga tao ang tumatangkilik pa rin sa kanilang produkto.

“Daghan jud mu palit diri na gikan pa lain lugar,” ayon kay ate Anne. (Maraming mga bumibili rito na galing pa sa ibang lugar.)

Ganyan ka sikat ang fried egg ni Gudong, pinagpipilahan at patuloy na binabalik-balikan.

Ang kanilang pagtitinda ng fried egg ay nagsisimula alas tres ng hapon hanggang alas siyete ng gabi, at ito’y pinaka pumapatok naman sa tuwing sumasapit ang alas kwatro hanggang alas sais ng hapon. Ano nga ba ang dahilan kung ba’t masarap ang kanilang luto?

“Tindera siguro” pabirong sabi ni ate Anne.

Ang Gudongs Fried Egg ay hindi lang basta pagkain kundi isang patunay ng pagkamalikhain at sipag ng mga compostelahanon. Sa simpleng pritong itlog, nagawa nitong bumuo ng isang tatak na kinagigiliwan ng marami, nagdadala ng identidad at yaman sa ating lungsod at sining. Masarap talaga ang fried egg sa compostela lalo na’t may suka at softdrinks na kasama. Sa 20 pesos kada isa, sabayan mo lang ng 20 pesos na panulak, tiyak na mabubusog ka! Naku! 40 pesos lang, abot langit na!

akong nag-debut

“Pero kung proud na nang may graduating?” first day ko, araw na ‘to!”

reklamo niya, sabay higop na naman ng milk tea.

“Akala mo lang ‘yan.” Napatingin ako sa bintana, sa mga estudyanteng naglalakad sa gilid. “Bago mo malaman, ikaw na rin ‘yung nakaupo sa harap ng isang mas batang bersyon ng sarili mo. Mapaglaro ang oras, kaya sulitin mo.”

“May boyfriend ba tayo?” sabik niyang bulalas. Napatawa ako. “Wala.”

Sumimangot siya. “Eh masaya ba?”

“Masayang-masaya!” sagot ko. “'Di naman 'yan importante eh. Isang kisap lang, tapos na oras mo. Pasalamatan mo mga guro mo, kahit minsan pakiramdam mo masungit sila. Hindi mo lang napapansin ngayon, pero ang dami mong matututunan sa kanila, at hindi lang tungkol sa libro.”

Tumango siya, nakikinig.

“Mahalin mo mga kaibigan mo. Hindi mo alam kung hanggang kailan mo sila makakasama. May ilang mawawala, may ilang mananatili, pero bawat isa sa kanila, may ituturo sa’yo.”

“Paano kung hindi ako maging handa?” tanong niya, halos pabulong.

Napangiti ako. “Kailan ka ba naging handa? Sa entrance exam? Sa unang araw sa SciTech? Hindi naman, ‘di ba? Tanda ko nanghiram pa nga tayo ng Monggol 2 na lapis eh. Pero kinaya mo. Gano’n din sa hinaharap.”

Tumingin siya sa akin, tapos sa orasan, saka

nagmamadaling tumayo. “Kailangan ko nang umuwi. Baka pagalitan ako ni Mama.”

Bago siya tuluyang lumayo, tinawag niya ako. “Uy.”

Habang lumingon ako sa kanya, naisip ko ang lahat ng bagay na mangyayari pa lamang sa kanya.

“Congrats sa pagtatapos!”

Ngumiti siya, saka tumakbo palayo. Sa paglabas niya sa coffee shop, parang nakita ko ang sarili kong limang taon na ang nakalipas—takot, kinakabahan, pero puno ng kasabikan at pangarap.

Ngayong paalis na ako sa paaralang humubog sa aking pagkatao, matapos ang lahat ng pagod, halakhak, at kaunting pag-aalboroto dahil sa sandamakmak na responsibilidad, naiwan sa akin ang isang paalala na sa bilis ng panahon, ang pinakamahalagang gawin ay yakapin ang bawat sandaling lilipas.

Nanatili ako saglit. Habang nakaupo, malumanay kong napagtanto na marahil ako rin ngayon ay isang nakababatang bersyon ng aking sarili. Takot at kinakabahan, pero puno ng kasabikan at pangarap, nakatadhanang makipagkape sa mas magulang kong

masasarap na pagkain o magarang handaan. Ito ay tungkol sa
sarili.
Guhit ni Ashennete Pelari
Guhit ni Ashennete Pelari

Sa harap ng tarangkahan ng Compostela Science and Technology High School, sa lilim ng isang dalawang dekadang puno ng Magtalisay na itinanim niya mismo, naroon si Kuya Bebot, puma-padyak at pume-pedal mula noon, hanggang ngayon.

Alexander A. Consuelo ang pangalan, ngunit sa kalsadang ginagalawan, lumilingon ng mabilisan sa bansag na “Bebot”—pangalang bitbit niya mula pagkabata sa Mindanao, hanggang sa lansangan ng Compostela kung saan nagpatuloy ang kanyang munting paglalakbay sa buhay.

“Gihimo ko nilang sundanan, maong naa ko anas luyo.” (Ginawa nila akong huwarang modelo kaya may plakard ako sa likod.)

Kakaibang sigla ang nakaguhit sa mukha ni Kuya Bebot. Kakatapos lang mabayaran ang hulog ng kanyang e-pedikab kaya nakaplastar sa likuran ng kanyang sikad ang isang gantimpalang taas-noo niyang dinadala.

Ako si Bebot, bunga ng aking pagsisikap.”

Mula sa unang pangkat ng mga estudyante noong 2001 hanggang sa kasalukuyan, nagkaroon na siya ng pwesto sa puso ng SciTech.

Hindi niya kailangan ng dugong guro o magulang upang mahalin ang SciTech. Para sa kanya, ang bawat estudyante rito ay kanyang anak at bawat guro ay kapatid.

Hindi man nagturo sa silid-aralan, o kaya nagbigay ng pagsusulit o marka, may sariling “love language” naman si Kuya Bebot. Unang humahawak ng pintura tuwing may Brigada Eskwela, at unang nalalapitan kapag may kailangan bilhin pang-proyekto sa oras ng klase. Isang “Kuya Bebot, pwede pasuyo?” mo lang, on the way na ka-agad sa pamilihan.

Php 200 pesos lang ang kuha kada araw kaya ‘pag siya’y nagutom ng wala pang kita, kendi lang, sakto na. At kapag may pasaherong kulang ang bayad, o nagsasabing wala raw barya kahit halata namang meron, hindi siya nagrereklamo. Ang kanya lang, tuloy ang pasada, tuloy sa pag-pedal. Mula sa pagiging bantay ng isang bise mayor, hanggang sa pagkapadpad sa kumbento ng Poor Clare, lahat naranasan na niya. Minsan, pinangarap niyang maging abogado—tagapagtanggol ng naaapi, boses sa mga walang tinig. At kahit hindi napadpad sa korte, nasa kanya pa rin ang diwa ng isang tagapaglingkod. Mithiin? Wala siyang hinihinging marangyang bagay. Ang tanging nais lamang ay humaba pa ang buhay, para patuloy na maglingkod, magmaneho, at maging bahagi ng lumalaking pamilya ng SciTech.

“Bisan pag unsa pa mo ka kwartahan, ug wa moy kurso, wa. Pagkayabo sa inyong kwarta, wa na, di na mo dawaton. Karon akong namatiktdan, ang grado kinahanglan. Pag padayon mo. unsa inyong gusto gyung kuhaon, kuhaa gyud na ninyo.”

(Kahit gaano pa kayo kayaman, kung wala kayong kurso, wala. Kapag nawaldas na ang inyong pera, wala na, hindi na kayo tatanggapin. Ngayon sa napansin ko, ang grado ay kinakailangan. Magpatuloy kayo. Kung ano man ang gusto ninyong kunin, kunin ninyo talaga.)

Ika nga nila, ang diploma, hindi nananakaw. Bilang estudyante, ang mabuting marka ang iyong sandata, katuwang sa buhay, at ang magdadala ng ginhawa. Gayunpaman, sa iba-ibang bersyon ng realidad na ating nararanasan, patuloy na nagpapatunay si Kuya Bebot na kahit busog ng suliranin ang iyong buhay, hindi kailangang magkaroon ng titulo upang maging mabuting tao at bayani sa araw-araw.

Kwentong

Ang gulong ng buhay ay parang gulong ng isang pedikab. Paikot-ikot, pagalagala, pero palaging may patutunguhan. Sa diwa ng mga kwentong ito, tila mapagtatanto ang isang kabalintunaan na kung sino pa ang may pinakamabigat na pasanin sa buhay, sila pa ang may pinakamalambot na puso. Tunghayan ang makabagbagdamdaming mga kwento sa salumpwet ng pedikab, sa likod ng manibela.

“ Ay babae, baka mabagal ah.” “ Ay babae? Baka mapano kami?” “ Ay… babae?”

Pumapasok sa isang tenga, lumalabas sa kabila.

Mag iisang buwan nang nagmamaneho si Ate Christine para makatulong sa kanyang asawa na nagtatrabaho sa konstruksyon. Hindi niya ito tinitingnang isang trabaho na dapat ikahiya, kundi isang marangal na paraan para makapag-ambag sa gastusin nilang mag asawa.

“Rent-to-own ito, six months na lang, magiging amin na rin,” masaya niyang kuwento. Aminadong hindi kasinggara ng iba ang kanilang sitwasyon pero ipinagmamalaki niyang nabubuhay sila nang hindi umaasa sa pera ng iba.

Mula alas singko ng umaga hanggang sa ma ang kanyang byahe. Kada araw, ang kitang 600 hanggang 800 piso ay may bawas na Php 200 para sa hulugan ng maitawid ang tatlong beses na pagkain sa isang araw.

Isang pedikab, dalawang drayber.

Christine na si Mary Ann Aron ay sumasabak rin sa ganitong trabaho.

Kahit buntis ng limang buwan, mula umaga hanggang gabi, patuloy siya sa biyahe upang makapagbigay ng baon sa apat niyang anak na maliliit pa. Aniya, mamaya nalang daw hihinto kapag pitong buwan na ang kanyang dinadala.

Masyado silang mapagmaliit kapag babae ang drayber, ani

Ate Christine. Pero payo niya sa kababaihang may ganitong hanapbuhay,

“Dili jud ni siya angay ikauwaw ang pagpamasahero kay wala man ta nangawat, nanginabuhi man tag tinarong.”

(Hindi talaga dapat ikahiya ang pamamasada dahil hindi naman tayo nagnanakaw. Nagsisikap naman tayo nang marangal.)

Nananatiling determinado hindi lang para sa sarili, kundi para sa pamilyang minumutya.

Sa bawat andar ng pangarap ng mas maayos na buhay, at ang patunay na ang sipag at tiyaga ay hindi nasusukat ng kasarian.

MANIBELA Mga

Hindi nagpapadala sina Ate Christine Bravo Pugoy, 26, at ang kanyang bayaw na si Mary Ann Aron, 30, sa mga salitang kadalasang naririnig mula sa ilang pasahero. Sa mundo ng pedikaban, kung saan binansagang hari ang kalalakihan, sila’y hindi natitinag sa anumang pangmamaliit.

ni Je Marielle
Mga Larawan mula kay

MANIBELA

Lungsod ng Compostela

Kasangga Si

Kung may babaeng draybers, syempre may mag-asawa rin in tandem!

Si Tatay Romeo Paran Buro, 58, at ang kanyang langga na si Nanay Lolita

Ynot Buro, 49, ay palaging magkasama sa buhay at sa hanapbuhay. Sila ang kilalang ng pedikab sa Compostela. Sa loob ng mahigit tatlong dekada, hindi lang sila mag-asawa kundi magkakampi sa lahat ng laban ng buhay.

“Ang babae tan-aw ko murag sa iyang bana wala siyay kumpyansa, mura bang kana gyung hadlok sila makakitag lain ba mao na akong pagtuo sad,” ika ng kapwa nila sikad driver. (‘Yung babae, sa tingin ko, walang kumpyansa sa asawa niya. Para bang takot sila makahanap ng iba.)

Madaming haka-haka ang iba, pero totoo nga ba?

Gusto talaga ni tatay na magkasama sila lagi.

diretsong sabi ni Nanay. Madalas silang magpahinga sa lilim ng sineguelas, magkatabi, nagtatawanan—parang gas at preno, laging magkasama sa kalsada. Kahit kulang minsan ang pamasahe ng mga estudyante, hinahatid pa rin nila. Kahit Php 20 ang regyular na pamasahe, pumapayag sila sa 15, 10, o

Ngunit hindi lang ito tungkol sa biyahe at kita. Mas malalim pa ang kwento ng mag-asawa. Noong 2024, inatake si Tatay pero sa awa ng Diyos ay siya’y nakaligtas. Nakiusap ang kanilang siyam na anak na magpahinga na sila, pero hindi nila maiwan ang pagsisikad. Kaya ngayon, sikad-sikad nalang pag may taym. Ginagawa na lang nila ito nang magkasama para may aalalay

Ang sikreto lang daw para magtagalan ay ang pagpapakumbaba. Kapag ‘yung isa mainit ang ulo, ‘yung isa, uunawa. Isang patunay na ang pagmamahal ay hindi lang sa matamis na salita, kundi sa

Ngayong paparating na araw ng mga puso, pano nilang mag-tour sa lungsod gamit ang e-pedikab kasama ang mga Valentine’s mo?

Pasaherong Hindi Bumababa.

Andito si Tatay Manuel Esmedina, ang 60 anyos na e-pedikab driver na may kakaibang kasama. Hindi tao, pero para namang tao kung umasta. Ang pangalan niya? Darna Esmedina. Ang wonderdog na may panlasang pang-kuripot na gourmet!

Kasama na ni Tatay Manuel si Darna sa byahe, limang taon na. Mula noon hanggang ngayon, si Darna ang certified backride ng Lungsod. Kung may pasaherong kinakabahan o mukhang malungkot, si Darna mismo na ang bahala! Sino ba naman kase ang hindi malilibang sa asong marunong magpakitang gilas habang sakay ng pedikab?

Ding, ang bato! Darna!

Pero hindi bato ang nilulunok ni Darna Esmedina. Crispy fried chicken, preskong ham, at isda lang ang katapat niyan! Samantalang si Tatay? Ayos na sa ginamos, basta’t may espesyal na pagkain si Darna. “Ako pa gai nang gi tiki-tiki sauna gamay pa,” kwento niya, sabay tawa. “Bahalag wa koy sud-an basta kana iyaha, sigurado gyud na.” (Pinapainom ko pa nga ‘yan ng tiki-tiki noong maliit pa. ‘Di bale nang wala akong ulam, basta sigurado na ‘yung kanya.)

Tuwing gabi, magkatabi pa silang natutulog. Sa pagbuklad pa lang ng banig, nakauna na si Darna sa pwesto—parang batang excited sa bagong kama! Natutulog sa gitna, halos agawan pa si Tatay ng unan.

Pag-ibig sa unang tingin. Nakilala ni Tatay si Darna sa sementeryo, regalo ng isang tindera ng kandila. Sino ba mag-aakalang sa lugar ng mga yumao niya makikilala ang pinakabibo niyang kasama? “Para nako kanang iro dili gyud na angay nga daugdaugon. Ituring gyud na nimo na murag bata,” aniya. (Para sa akin, ‘yang aso, hindi ‘yan dapat minamaltrato. Kailangan mo talaga sila ituring na parang bata.)

Kapag nagkasakit si Darna, naku! Hindi mo gugustuhing makita si Tatay na mag-alala. Sa dami ng pasaherong sumakay na sa e-pedikab niya, isa lang ang hindi kailanman bumaba at ‘yan ang kanyang wonderdog

Hindi lang pala sa tao nahahanap ang true love no? Minsan sa aso, kagaya ni Tatay Manuel na humuhugot ng lakas kay Darna.

Man’s best friend nga, walang labis, walang kulang.

Padyak, Padyak, Pedal

.

Tahimik, makinis, at mabilis. Isang makabagong sagot sa pangangailangang maglakbay nang mas episyente, ang mga e-bike o e-pedicab. Kasabay ng pag-usbong nito noong taong 2023, nagbabago rin ang kwento ng mga tradisyunal na sikad drivers na dati’y hari ng kalsada.

Si Camilo Dayon, 57 anyos at may limang anak, ay nananatiling matibay sa kanyang sikad. Kinikilala niya ang kaginhawaan ng e-bike dahil mas mabilis, mas madaling pag-aralan, at hindi kasing-hirap sa katawan gaya ng padyak. Ngunit sa ngayon, hindi niya pa ito kayang bilhin. “Pangandoy lang nako, dae, nga tagaan lang kog taas na kinabuhi, mayng lawas, okay ra. Makakaon, di lang magkalisod-lisod ba,” ika niya. (Pangarap ko lang, iha, na mabigyan ako ng mahabang buhay, mabuting kalusugan, okay na. Makakain, basta’t hindi lang mag-hirap.)

Sa kabila ng pagbaba ng kita, Php 200 kada araw, hindi niya magawang bumitiw sa bisikleta na naging bahagi na ng kanyang buhay. Alas nuwebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon, ang kanyang araw-araw na padyak, isang sayaw pa rin sa ilalim ng araw.

Pangingibabaw ng pagbabago. Kung dati, sila ang pangunahing transportasyon sa bayan,

Marielle M. Potot
kay Janessa Batucan

Tatlong mag-aaral ang nag-uwi ng karangalan matapos inirepresenta ang Compostela Science and Techonology High School sa RoboQuest 2024 na idinaos sa Cebu Institute of Technology noong Disyembre 7,

Umupo ako sa malambot, kulay cremang upuan, at banayad tunog ng musika sa loob ng klinika ang bumabalot sa akin. Ang nars na may mainit na ngiti ay maingat na ipinapasok ang karayom sa aking ugat at pinanood ko habang ang malina sisimulang tumulo sa daluyan ng aking dugo.

Sa unang mga sesyon ay walang nangyaring kakaiba. Isaura ko ang dalawang mata, mararamdaman ang maingat na pagdampi ng karayom, at hayaan ang nakagigintawang stonespera sa bunat sa akin. Ngunit habang nagpapatuloy ang sesyon, nagsimula akong makaramdam ng.... hindi maganda.

Noong una, ito ay isang kaunting pakiramdam ng pagkapagod na parang unti-unting nauubos ang aking baterya. Minsan nahuhuli ko na lamang ang aking sarili na napapapikit sa gitna ng mga usapan, o nahihirapang mag-ipon ng lakas kahit sa pinakamadaling gawain. Pinabayaan ko na lang ito at inisip na baka "stress" lang dahil sa dami ng dapat isipin.

Hanggang sa hindi ko na natiis at nagpatingin na ako sa doktor. Nalaman kong ang glutathione ay hindi pa napapatunayan na epektibo para sa pampapaputi ng balat. Ang paggamit nito ay maaaring magresulta sa kidney failure, gastritis, pagsakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, pamamantal ng balat, pamamaga ng mata at pagputok ng ugat.

Maliit. Hindi madali ng mata. Malaki. Ang tulong na dulot nya. Mapanganib. Kapag nginunguya at umabot sa sikmura. Ito ang bagsik ng Microplastics(MP).

Ano ang Microplastic?

Ito ay maliliit na butil ng matigas na plastik na hindi lumalagpas sa limang milimetrong sukat. Mula ito sa mga malalaking tipak ng plastik na nadurog na maaaring magdulot ng iba't ibang pagbabago sa kalusugan ng tao kapag nilunok. Ngunit sa kabila ng panganib na dulot nito, mayroon pa rin itong dalang positibo

Microplastics sa araw-araw

Araw-araw tayong makakasalubong ng bagong ideya, at nagiging sanhi ito ng mga bunga, negatibo o positibo. Ngunit hindi natin alam kung alin ang nakakapahamak sa atin, kagaya ng mga kosmetikong mayroong MP. Hindi lang iyan, pansin n’yo ba ang inyong mga disposable kubyertos? May kakayahan rin gumawa ng MP. Marami pang bunga ang MP na ginagamit natin araw-araw, hindi lang natin namamalayan.

Tinataya nga ng isang pag-aaral noong 2024, na pinangunahan ni Yinai Liu, na ang kusina ang pangunahing nagbubunga ng MP dahil sa mga nonstick pans, at plastic chopping boards na araw-araw nating

Nabulag ako sa pangako ng mabilisang solusyon. Natutunan ko mula sa aking personal na karanasan na ang pagsusumikap ng kagandahang pisikal ay mayroong kaakibat na negatibong mga epekto na kapag hindi naagapan, maaaring magresulta sa mas malaking problema.

ginagamit sa pagluluto.

MP sa katawan ng Tao Hindi man lang umabot sa limang milimetro, ngunit singtaas ng tore ang banta nito. Araw-araw na gawain, unti-unting nagiging dahilan ng balakid ng kalusugan. Ayon sa pag-aaral ni Yinai Liu, mas nagdadala ang mga pagkain, tubig at hangin sa pagpapalaganap ng MP sa katawan. Suportado rin ng pag-aaral na ito ang pag-iral ng MP sa mga nonstick pans.

Sa paraang ito, malaki ang posibilidad na makakain tayo ng MP araw-araw, kasabay ng paglago ng posibilidad na magkaroon tayo ng sakit sa iba’t ibang parte ng ating katawan.

Sinasabi ring dahil lamang sa paglanghap o pagkain ng pinakamaliit na piraso ng MP, nagbabanta na itong magdulot ng mga sakit na kagaya ng diabetes, metabolic disorders at immune injury, na nakakapanghina ng resistensya.

Nagpapatunay ito na hindi lahat ng nagdadala ng kaginhawaan sa ating buhay ay palaging positibo. Maaring katapat mo lang ang kabilang mukha ng isang barya. Kaya dapat tayong maging alerto dahil hindi natin alam ang epekto ng mga pumapaligid sa atin. Kaya't laging tandaan na “ligtas ang may alam."

Jellah Sheene Gahi
ni Jellah Sheene Gahi
Mga larawan mula kay Marielle Gelogo

Pagsulong ng Teknolohiya

Kaakibat ay Pagbagsak

Artificial Intelligence o mas kilala bilang AI ay isang kasangkapan na binubuo ng makabagong teknolohiya upang lahat ng gawain ay mapadali, mga tanong ay masagutan, at maibigay ang katuparan ng imahinasyon ng tao sa Kahit saan man, gumagamit ng AI ang tao nang hindi namamalayan. Mula sa mamahaling orasan, electric fan kapag naiinitan, mga aplayanses na parang robot dahil nauutusan hanggang sa pagsagot sa mga takdangaralin bago pumasok sa paaralan. Ang AI ay nakatutulong sa tao sa napakaraming paraan, hindi lamang sa bahay at paaralan kung hindi ay pati na rin sa pagpapalago ng ekonomiya at

Sa kabila ng maraming positibong katangian, kasabay nito ang iba’t ibang negatibong epekto sa ibat ibang aspeto. Mga makabagong inbensyon ay labis na nakatutulong sa medikal na mga gawain sa ospital, pang-ekonomiyang kasaganaan, at pagpapaunlad ng kabuhayan.

Sa aspetong pang edukasyon naman, ginagamit ito ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa AI upang mapadali ang gawain imbes

na mag-aral.

Isang kamakailang pag-aaral ng Instructure, isang nangungunang kumpanya sa teknolohiyang pangedukasyon na 83% ng mga estudyanteng Pilipino ang gumagamit ng mga AI tool sa kanilang pag-aaral. Ang bilang na ito ay mas mataas kaysa sa pandaigdigang average, na nagbibigay potensyal sa Pilipinas bilang nangungunang bansa na gumagamit ng AI sa edukasyon.

Nakaaalarma ito sa susunod na mga henerasyon dahil ito ay negatibong indikasyon na nagpapatunay na hindi na napapahalagahan ng maayos ang edukasyon sa Pilipinas

Nakaaalarma ito sa susunod na mga henerasyon dahil Ito ay negatibong indikasyon na nagpapatunay na hindi na napapahalagahan ng maayos ang edukasyon sa Pilipinas at kapag lahat ng tao ay nakadepende rito lalo na ang inaasahang pag-asa ng bayan, nababawasan ang kanilang kakayahan na maging malikhain, lutasin ang suliranin, at pagkakaroon ng sariling intuwisyon. Sa kabuuan, ang paggamit ng Artificial Intelligence ay mayroong kaakibat na positibo at negatibong epekto sa isang tao. Subalit ang responsable at wais na paggamit ay magreresulta sa kasagaanan ng bawat isa. Kaya AI ay gawing kaibigan at ang gawin siyang pinuno ay iwasan.

Central Visayas, Ikaapat sa may Pinakamaraming kaso ng HIV sa Pilipinas

ni Jellah Sheene Gahi

Patuloy na nananatili ang Central Visayas bilang ikaapat na may pinakamaraming kaso ng Human-Immunodeficiency Virus (HIV) sa buong Pilipinas.

Ang mga lalaki ang patuloy na labis naapektuhan na bumubuo sa malaking bahagi ng bagong kaso at sekswal na pakikipag-ugnayan sa kapwa lalaki ang nananatiling pangunahing paraan ng pagkalat nito. Ipinapakita rin na ng datos 3,263 kaso ang nauugnay sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki habang 623 ang kinasangkutan ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki / babae, at 538 ang sa pakikipagtalik sa salungat na kasarian. Ang pagbabahagi ng kontaminadong

karayom, at paglipat ng sakit mula sa ina patungo sa anak ay mababa lamang ang porsyento habang 141 kaso ang walang nakatalang paraan ng paglipat ng sakit mula noong ma magpasuri. lalong naapektuhan ng virus. Mula noong 2006, ang pangunahing pangkat ng edad ay lumipat mula 35-49 taong gulang patungo 25-34 taong gulang. Tumaas din ang mga kaso sa mga batang wala pang 15 taong gulang na may 292 na naitala mula 2019 hanggang 2024.

1,011

Batas,

Habang ang antiretroviral therapy (ART)

“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, pagbilang kong tatlo nakatago na kayo, isa, dalawa, tatlo!” Laro ng dalaga sa isang taong gulang nyang anak. Sa patuloy na paglaganap ng Teenage Pregnancy sa bansa, may ginawa ba ang gobyerno upang labanan ito? Ayon sa Philippine Orphanage Foundation, 6% sa mga Pilipinong dalaga ang apektado ng Teenage Pregnancy, maliit man itong porsyento ngunit ito ang ikalawa sa pinakamataas na naitala sa buong Southeast Asia. Upang kontrahin ang isyung ito, ipinatupad ng pamahalaan ang Comprehensive Sexuality Education ngunit kung ako ang inyong tatanungin, hindi epektibo. Sapagkat, isa rin lang itong pangalan na may parehong layunin sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Law, pinagkaiba lang ay ang taon ng pagtupad nito. Mas mabuti pang ipagpatuloy at ipagpabuti na lang ang pag implementa ng RH law kesa gumawa ng bago, sang ayon ako sa sinabi ng Senate Committee on Basic Education Chair Sherwin Gatchalian na magdudulot lang ito ng kalituhan sa mga gurong nagtuturo nito, dagdag pa niya na maraming guro na ang nasanay sa pagtuturo ng RH kasama na rin dito ang mga magulang ng mga kabataan dahil kasama rin sa layunin ng RH Law ang pagtuturo sa mga magulang ng Sex Education. Sang-ayon ako sa sinabi ni Gatchalian na ang mga magulang ang pinakaunang contact ng bata kaya’t mahalaga rin ang kaalaman nila sa napapanahong isyung sangkot ang mga kabataan. Sa liwanag ng sitwasyon sa kasalukuyan, dapat mas ipako pa ng gobyerno ang kanilang atensyon kung paano maitataguyod ang mga batas na naipatupad na, hindi nang gumawa ng gumawa hanggang sa lugmok na ang pondo ng bansa.

natin sa kapwa-tao kung hindi ay mas nalilinang natin ito sa pangangalaga sa lahat ng organismong may buhay. Kaya sa mga taong may balak mag-alaga ng hayop, siguruhin na kaya niyo itong panindigan at alagaan hanggang sa huling hininga. Kung maaari ay Humigit kumulang 1 sa bawat 120 na filipino ay nagkakaroon ng Chronic Renal Failure bawat oras ayon sa National Kidney and

CKD: Traydor na Sakit, Tahimik

Dahil sa lumalagong banta ng Chronic Kidney Disease (CKD) sa Pilipinas, milyong-milyong Pilipino apektado.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2022, umangat ang porsyento ng mga Pilipinong may CKD ng 35.94% na mas angat pa sa pandaigdigang pamantayan na 9.1-13.4%.

Ang CKD ay isang progresibong kondisyon na tahimik na nagdudulot ng problema sa pagsasala ng kidney sa mga likido ng katawan. Sa kasong ito mahirap itong suriin ng mga eksperto dahil sa mga karaniwang sintomas nito.

Bigyang kamalayan ang mga pa simpleng sintomas ng CKD na mabulang ihi, madalas na pag-ihi, tuyo at makating balat, pamamaga sa bukong-bukong (ankles), paa o sa mga kamay, kadalasang pagkapagod at pagsuka, paghihirap sa paghinga, mga komplikasyong dulot ng high blood pressure kagaya ng atake sa puso at strokes, at mga isyung Neurological kagaya ng pagkalito at seizures.

Batay kay Dr. Alina Duque, isang nephrologist sa Capital Medical Center, ang diabetes ang nangungunang sanhi ng CKD, na

sinusundan naman ng Hypertension, ngunit maari ring magbatay ang sanhi nito sa kasaysayan ng pamilya pagdating sa mga isyung medikal. Magmasid rin sa mga posibleng kasanayan na maaaring magdulot ng heart disease at obesity sa mga taong may edad na kagaya ng pagkain ng mga chichirya at mga pagkaing mamantika. Isa sa mga posibleng mga lunas sa CKD ay ang pagkontrol sa mga kinakain at antas ng medikasyon, kasama ang Dialysis at Kidney Transplant. Ngunit hindi lahat ng pasyente ay parepareho pagdating sakanilang pamamaraan sa paggamot, dagdag pa ni Dr. Duque, “Treatment is done on a case-to-case basis. What works for one patient might not be suitable for another.” Kaya’t importanteng tandaan na alagaan ang sarili at pahalagahan ang estado ng ating mga katawan at sa mga bumubuo nito, dahil mas mabuting iwasan ang sanhi kesa maranasan ang panghabangbuhay na lunas.

o ang medikal na paggamot ng mga PLHIV ay umunlad, isang malaking bilang ng mga indibidwal na dati nang ginagamot ay tumigil, pangunahing dahilan ay ang pagtigil
KOLUM
Guhit ni Kate Wong

Isports

Yulo, sinungkit ang unang gintong medalya sa Paris Olympics 2024

Napasakamay ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa men’s floor exercise dahilan upang siya ang hiranging kauna-unahang Pilipino sa larangan ng gymnastics na makarating sa Summer Games sa Paris Olympics 2024 na ginanap sa Bercy Arena noong ikatatlo ng Enero, taong 2024.

Sa isang makapigil hiningang pagpapakitanggilas ng kanyang talento at kahusayan sa larangan ng gymnastics upang maiuwi ang unang medalya ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024 ay sinungkit niya ang puntos na 15.000 sa routine na ipinamalas, 6.600 para sa difficulty at 8.400 naman para sa execution. Hindi naging madali ang kanyang pagkamit sa tagumpay dahil kinailangan niya munang harapin at talunin ang kinikilalang defending gold medalist na si Artem Dolgopyat ng Israel, isang halimaw sa larangan ng pagtatanghal at kinailangan din niyang magpakitanggilas laban kay Jake Jarman ng Great Britain, isang de-kalibreng manlalaro na nanguna sa qualification round. Sa harap ng mga hamon na ito, sinubok ang kanyang kakayahan, tiyaga, at determinasyon patungo sa tagumpay na matagal niyang pinangarap.

Sa pagtatapos ng routine na isinagawa ng dalawa ay hindi nila nalamangan ang waging iskor ni Yulo— medalyang pilak ang nakuha mi Dolgopyat sa iskor na

14.966 habang medalyang tanso naman ang nakamit ni Jarman sa puntos na 14.933. Sa paghirang kay Yulo bilang isang kampeonato sa patimpalak ay nabawi niya ang pagkatalo noong taong 2021 sa Tokyo campaign, kung saan 13.566 na puntos lamang ang kanyang nasungkit.

Si Carlos Yulo ang unang naging gold medalist ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024, at ang pumapangalawa sa weightlifter na si Hidilyn Diaz bilang isang gold medalist ng bansang Pilipinas.

Compostela, aarangkada na sa Provincial Meet 2025

ni Angel Nuñez

Handa na ang distrito ng lungsod ng Compostela sa inaabangan at nalalapit na Provincial Meet 2025 na gaganapin sa Naga City, Cebu sa darating na ikasiyam hanggang ika-14 ng Pebrero, taong kasalukuyan.

Base sa datos na nakalap noong Municipal Meet 2024 ay nanguna ang Magay Elementary School ng kanilang makamit ang 16 na medalya sa naganap na mga paligsahan kontra sa lahat ng elementarya, sinundan naman ito ng Mulao Elementary School na may 12 gintong medalya at pumangatlo naman ang Lupa Elementary School nang makakuha sila ng anim na gintong medalya. Pagtungtong naman sa yugtong sekondarya, napasakamay ng Compostela National High School (Day Class) ang unang pwesto laban sa lahat ng kanilang katunggali sa lungsod nang masungkit nila ang 25 na gintong medalya. Pumangalawa sa kanila ang paaralang Green Rose Center for Academe na nakakuha ng 16 na gintong medalya habang nakahabol naman sa ikatlong puwesto ang Compostela Science and Technology High School ng 11 na gintong medalya ang nakamit nila sa lahat ng paligsahang sinalihan.

Ang mga isports na softball at

table tennis ang minsang nagdala sa pangalan ng lungsod ng Compostela sa Palarong Pambansa kaya’t pagdating sa kakayahan ng mga atleta ay hindi ito problema. Ayon kay Mrs. Ferna Lawas Paruhinog, kahit pumasok ang pandemya sa eksena, hindi naputol ang pag-eensayo ng mga bata. Sa pagsulong ng mga atleta sa Provincial Meet 2025, malaki ang suportang inilaan ng LGU ng Compostela at nagbigay din sila ng Php 500,000 na badyet sa parehong elementarya at sekondaryang mga atleta.

Umaatikabong labanan ang masasaksihan ng karamihan dahil sa mga paghahandang ginagawa ngayon ng mga atleta sa Compostela. Marapat na abangan ng karamihan ang gintong medalya na makukuha ng mga atleta.

Takbo!

Sigaw ng isang kagrupong pintig na lamang ng sariling dibdib ang ramdam upang masungkit lamang ang waging titulo. Sa pagbabalik-arangkada ng larong gamit ay bat at bola o mas kilala sa tawag na Softball, marami rin ang naghihintay at nangangarap na makuhang muli ng lungsod ng Compostela ang tagumpay na nabilang dati sa kanila.

Pagbabalik sa nakaraan na unti-unting nakakalimutan

Sa pagpasok ng mga taong 2000 hanggang 2005 ay nag-umpisa ring umusbong ang isports na kakaiba ang pangalan sapagkat hindi pa karamihan ang nakakaalam sa kasaysayan ng larong ito. Ang pagsulong sa larangan ng Softball ay maihahalintulad din sa karanasan ng kalakhan kung saan mga kagamitan at angkop na kasuotan nila’y kulang kulang at kahit sa lugar na pinaggaganapan ng kanilang pagsasanay ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na pilit silang tinutuksong tumigil sa gitna ng laban ay nakamit nilang makapalo sa provincial meet para sa prestihiyosong CVRAA dahil sa 44 na munisipalidad ng Cebu ay ang lungsod lamang ng Compostela ang bukod-tanging nagbukas ng pintuan para sa larangan ng Softball. Nang pumatak sa kalendaryo ang mga taong galing 2005 hanggang 2010, napalo ng mga atleta ang kanilang koponan tungo sa Palarong Pambansa kung saan hindi na sapat sa mga kamay nilang pinagsama ang lakas at dami ng suportang natatanggap nila

kagaya na lamang ng mga kagamitan at perang nagkakahalaga lang naman ng 50,000 pesos galing sa LGU ng lungsod ng Compostela at 20,000 pesos na ibinigay ng SK ng barangay Cabadiangan.

Pagkatapos mamukadkad ang pangalan ng Softball sa mga munisipalidad ng Cebu ay dumami na rin ang sumubok na makabuo ng koponan.

Pagwawakas sa pangarap Sa kabila ng mga parangal na natanggap ay nagkaroon din ng hangganan ang tagumpay ng koponan.

Nagsirado ang pintuang akala nila’y patuloy lamang magbubukas dahil kinukuha na ng may-ari ang karapatan sa lugar na kanilang pinamamalagian. Pinilit ng kanilang tagapagsanay na makahanap ng angkop na lugar para sa mga batang matayog ang pangarap sa larangan ngunit sa huli ay wala siyang nagawa dahil malaking puwesto ang kailangan para sa paghahasa ng kanilang kakayahan.

Ibinaon na lamang sa limot ang mga masasayang alaala at alikabok na lamang ang nararamdaman ng mga kagamitang minsa’y

naging haplos ng mga kamay na puno ng determinasyon at pangarap.

Pagbubukas sa hangaring minsa’y ibinaon

Sa pagdating ng taong 2024, dininig ang hiling ng sangkatauhan sa lungsod ng Compostela na ibalik ang larong noo’y yumakap sa kanilang mga puso’t isipan. Mismong ang kapitan ng lungsod ang naghanap ng puwestong pagtataniman ng bagong pangarap ng mga atleta sa larangan ng Softball para sa inaasam na masungkit muli ang titulong dati’y abot kamay nila.

Sa pagbabalik-loob nila sa isports na nagbigay oportunidad sa mga bata at naging dahilan upang mas makilala ang lungsod ng Compostela, nangangarap ang lahat na hindi na mawala pa ang sindi ng kandilang dala dala ng mga atleta sa simpleng ihip ng mahinang hangin dahil ang katagang “Our Home Compostela”, naglalarawan lamang na ang lungsod ay bahay ng mga atletang patuloy lumalaban lalo na sa larangan ng Softball na biglang nawala, ani nga “Softball para atleta sa Compostela”.

ni Angel Nuñez
Larawan mula sa https://bit.ly/3CToIhY
ni Angel Nuñez
Larawan mula kay Urlindo Chavez
Larawan mula kay Aldin Pelayo

BALITANG ISPORTS

BALITANG ISPORTS

Team Red taob sa Team Orange, 2-0

ni Apol Roli Yakit

COMPOSTELA, Cebu — Ibinida ng Team Orange ang angking husay sa pagpalo ng bola laban sa Team Red, sa Compostela Science and Technology High School (CSTHS) Intramurals Championship Volleyball Girls na ginanap noong hapon ng ika-18 ng Nobyembre, taong 2024, sa CSTHS Field, sa iskor na 25-12, 25-6. Sa pagsisimula ng unang set, pareho ang determinasyon ng dalawang koponan kung kaya’t grabe ang init sa palitan ng bola. Subalit, nang makabisado na ng Team Orange ang mga taktika ng Team Red ay sinamantala nila ito upang pahinain ang depensa ng Team Red. Sinubukan man na harbatin ng Team Red ang pangunguna ay bigo nila itong makuha, sabayan pa ng mga pasok na tirada ng Team Orange na tumapos kaagad sa unang set sa iskor na 25-12. Pagpasok ng ikalawang set ay mas naging

mapusok ang tunggalian nang pinakawalan ng Team Orange ang sunod-sunod na palo kaya’t

Kagaya ng ginawa ng mga karaniwang manlalaro ay pinaghandaan namin ito ng may pagsasanay sa mga batayang posisyon ng Volleyball, kaagapay pa rin ang aking mga kasama

naging pabor sa kanila ang mga bigong pag-atake ng Team Red sa ikalawang set, dahilan upang mas paigtingin nila ang depensa at makapagbigay ng malaking agwat sa iskor laban sa Team Red.

SUMIKLAB AT NAMAYAGPAG

CSTHS pinataob ang GRCA sa Municipal Meet 2024

COMPOSTELA, CEBU - Nakamit ng Compostela Science and Technology High School (CSTHS) ang pwesto upang makalaban sa Provincial Meet 2025 sa iskor na 23-0 kontra sa Green Rose Center for Academe (GRCA) sa Futsal Municipal Meet 2024 sa pamamagitan ng mahuhusay na depensa at bilis sa laro na ginanap sa Compostela Science and Technology High School Gymnasium noong ika-17 ng Nobyembre, taong 2024.

Nagpakita ng pambihirang opensa at kasanayan sa pagsipa ng bola si Marthina Mareyell Andrin dahilan upang kanyang makamit ang anim na puntos na nakatulong sa pagkapanalo ng kanyang koponan. Sa unang yugto pa lang ng laro, agad nang nagpamalas ng kakaibang kontrol sa bola ang koponan ng CSTHS na nagtuloy-tuloy hanggang sa hindi na

nahabol pa ng koponan ng GRCA ang mga sipa ng katunggaling koponan at natapos ang laro sa iskor na 14-0. Pagtuntong ng laro sa huling yugto ay sinikap ng GRCA na makasungkit ng puntos ngunit hindi na nagpapigil pa ang koponan ng CSTHS at nagpakitanggilas sila ng mga kalkyuladong sipa na nagresulta

upang kanilang makuha ang waging puntos na 23-0. “Grateful kaayo ko sa akong team kay nadaog jud mi, and di jud ni mahitabo kung wala sila”, saad ni Andrin matapos hiranging MVP sa laro sa pamamagitan ng kanyang malaking ambag sa puntos ng CSTHS. Isa sa mga inaasahang kompetisyon ng koponan

Tinuldukan ni Sofia Ashley Caballes ng Team Orange ang ikalawang set sa kaniyang lumalagablab na palo, 25-6. “Kagaya ng ginawa ng mga karaniwang manlalaro ay pinaghandaan namin ito ng may pagsasanay sa mga batayang posisyon ng Volleyball, kaagapay pa rin ang aking mga kasama,” pahayag ni Caballes, ang MVP sa larong ito, na nagpakitanggilas sa dalawang set ng laro. Ang Team Orange ang nag-uwi sa tropeyo para sa CSTHS Volleyball Girls Intramurals Championship, kaya naman halos lahat sa kanila ang naging kalahok ng CSTHS sa naganap na Municipal Meet 2024.

Ang tagumpay ng ating lahi sa larangan ng isports, sapat nga ba ang mga palakpak at panandaliang ingay bilang pagpupugay? Kahit maraming medalyang naiuwi sa Pilipinas noong nakaraang 2024 Paris Olympics, wala pa ring usad sa sistema ng pampalakasan. Ibinaba pa lalo ng administrasyon ang pondo para sa Philippine Sports Commission (PSC) ngayong 2025 mula 1.156 bilyon na ngayon ay naging 7.25 milyon na lamang. Sa pagbabang ito, asahang lalong maghihirap ang mga atletang Pinoy na makapagsanay para sa kani-kanilang paligsahan at dadami ang mga atletang kakatawan sa ibang bansa. Bago sumalang sa mga paligsahan sa isports, lahat ng mga atleta ay kinakailangang magsanay upang mahasa ang kanilang kakayahan sa paglalaro at pagestratehiya. Ilan sa mga atletang Pinoy ang napiling mag-ensayo sa ibang bansa, gaya ni Carlos Yulo sa Japan mula 2016 hanggang 2023. Dahil sa kakulangan ng mga pasilidad at pondo para sa kanyang isports, tinutustusan

ng mga pribadong isponsor ang kanyang pagsasanay. Ngayong mas mababa ang sustento ng pamahalaan, nagigipit ang mga atleta at mas lalong matutukso sa mga oportunidad sa ibang bansa. Hindi lamang ito tunay kay Yulo. Maraming atleta ang piniling hindi lamang magsanay, kundi maglaro para sa banyagang koponan, ayon sa artikulo ng One Sports PH. Isa sa mga salik na pinaghihinalaang dahilan ng pag-alis ng mga Pilipinong atleta ay ang kawalan ng badyet ng Pilipinas para sa isports, bagamat walang umaamin nito. Si Jaja Santiago, kilalang middle blocker, ay propesyunal na manlalaro sa Japan mula 2018 para sa Saitama Ageo Medics. Siya ay naghain ng citizenship sa Japan

noong 2023, isang indikasyon na maaring hindi na siya maglalaro para sa Pilipinas. Bago tuluyang gumuho ang larangan ng pampalakasan sa Pilipinas, nawa'y

ni Angel Nuñez
Larawan mula kay Janessa Batucan
Mga Larawan mula kay Rhea Caraballe
ni Chirstine Agravante
KOLUM

Standing ng CSTHS noong Municipal Meet 2024 Sa mga Numero

11 9 4

Jugalbot, sinikwat ang dalawang gintong medalya sa Municipal Meet 2024 ISPORTS

COMPOSTELA, Cebu — Tagumpay na napasakamay ni Ariane Jugalbot ng Compostela Science and Technology High School (CSTHS) ang dalawang ginto sa Rhythmic Gymnastics, gamit ang hoop at bolang aparato na ginanap sa St. James Technical Skills College Inc., noong umaga ng ika-16 ng Nobyembre, taong 2024.

Nang simulan ni Ariane Jugalbot ang kanyang unang pagtanghal sa kategoryang Rhythmic Gymnastics gamit ang hoop na aparato ay naakit niya ang manonood sa kanyang mahusay na pagsagawa ng routine, balanseng pagsalo ng hoop, at malalambot na galawan habang sinasabayan ang musika na naging dahilan sa kanyang pag-uwi ng gintong medalya sa puntos na 10.96.

Sa bolang aparato na presentasyon ni Jugalbot ay kahanga-hangang pagganap ang isinabuhay niya sa entablado sa pamamagitan ng maayos na paggamit at pagsalo sa bola habang sinasabayan ng koreograpiya. Bagama’t si Jugalbot lang ang merong routine sa bolang aparato sa lahat ng kalahok ng Rhythmic Gymnastics, hindi niya binigo ang mga tao na humanga sa

Kampeonato sa sariling kwento

“Kung gusto niyong mag-aral sa kolehiyo na walang binabayaran ang inyong mga magulang ay isang isport lamang ang kailangan niyong matutunan at iyan ang paraan upang libre kayong makapag-aral sa kolehiyo.”

Sa sandaling pumasok sa butas ng tenga ng batang walang kamalay-malay sa mga karikutan ng mundong kanyang ginagalawan ang mga katagang ito, ay hindi na niya ito pinalabas pa.

Sa pagyakap ng batang musmos sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang isang atleta sa larangan ng pagsipa ay hindi na lamang papel at lapis ang kanyang dala-dala, bitbit na rin niya ang determinasyon na balang araw ay may mararating ang kanyang pagsasanay sa lupang araw-araw nang nararamdaman ang pagsipa ng kanyang mumunting mga paa.

Simula nang kanyang pasukin ang pintong hindi pa niya kailanman nabubuksan, hindi na siya tumigil na lakbayin ito hanggang sa ito’y nagbunga. Noong pagtuntong ng taong 2006, nasungkit niya ang pagkakataong makapaglaro sa CVRAA na naging daan sa kanyang pagkamit sa magandang kinabukasan sa kasalukuyan.

Sa pagtahak ng isa na ngayong binata na kasing lalim ng boses ang pangarap sa huling bahagi ng hayskul ay hindi na siya naglakad pa sa ibang daanan, bagkus ay ipinagpatuloy niyang lakarin ang daang alam niyang may patutunguhan kaya’t sa huli tinamasa rin niya ang karangalang maging isang atleta na lalahok sa Palarong Pambansa sa 2010. Pagdating ng binata sa kolehiyo na noo'y kanya

lamang pinangarap na maabot, sinubok siya ng mga balakid. Pili lamang ang maaaring makapasok sa paaralang gusto niyang mapabilangan kaya’t kaba ang naramdaman at iba’t ibang bagay ang pumasok sa isipan.

Sa kabila nito, hindi siya sumuko sa pagtatangka na lampasan ang mga pagsubok na humarang. Sa mga yugto ng kanyang pagtuklas sa sarili, nagtagumpay siyang makapaglaro sa CESAFI at PRISAA noong taong 2013 kung saan sila hinirang ng kanyang koponan bilang isang kampeon hanggang sa narating din nila ang Pambansang Kompetisyon.

Matapos ang kanyang yugto sa kolehiyo, agad siyang naghari ng landas patungo sa susunod na yugto ng kanyang paglalakbay. Napadpad siya sa tarangkahan ng paaralang Compostela Science and Technology High School (CSTHS) noong 2019. Hindi man ito ang unang pasilidad na kanyang pinangarap na pasukan, gayunpaman, marahil dito siya dinala upang baguhin ang sistema at magbigay daan sa mga mag-aaral na nagnanais na maabot ang kanyang narating.

Habang nasa loob siya ng apat na sulok ng silid-aralan tuwing umaga, nagtuturo sa dinadalang asignatura, naghahanap naman siya sa hapon ng mga estudyanteng gustong matutong sumipa.

Noong unang taon ng koponang kanyang dinadala, ang kanilang badyet at mga kagamitan ay kulang-kulang, at sa ilang kaso, kahit ang kanyang sariling pera ay nagagamit na.

Ngunit sa kasalukuyan, ang kanilang mga pagsisikap ay nagbunga, at tulong-tulong silang nagtatagumpay upang punan ang mga kakulangan,

kanyang inihandang presentasyon at siya’y idineklarang nag-iisang panalo.

“Nakakakaba man maging nag-iisang kalahok sa kategoryang ito ay pinili kong maging kalma at magtiwala sa sarili sapagka’t alam kong suportado ako ng aking pamilya,” pahayag ni Jugalbot matapos makuha ang dalawang gintong medalya sa parehong hoop at bolang aparato sa Rhythmic

patunay ng kanilang matatag na determinasyon. Mula sa isang koponan na minsan lamang nakakapuntos sa laro noong nakaraang municipal meet, ngayo'y handa na silang hamunin ang probinsyal na kompetisyon.

“Hindi ako titigil na turuan itong mga batang matayog ang pangarap, magiging tulay nila ako tungo sa tagumpay.”

Malayo na ang narating ng koponan ng Futsal sa CSTHS.

Masasabing hindi madaling yugto ang pinagdaanan ng binatang pinasok lamang ang larangan ng isports upang makapag-aral ng libre sa kolehiyo. ‘Di alintang ngayo'y tanyag na ang kanyang pangalan sa paaralan.

Sir Marjun Capul, ang minsa'y musmos na batang gusto lamang makuha ang inaasam na diploma, ngayo’y kampeonato hindi lamang sa kanyang sariling kwento, kundi marahil sa buhay na rin ng mga kabataan na kanyang minumutya at inuulanan ng diwa ng inspirasyon.

Kung gusto niyong mag-aral sa kolehiyo na walang binabayaran ang inyong mga magulang ay isang isport lamang ang kailangan niyong matutunan at iyan ang paraan upang libre kayong makapag-aral sa kolehiyo “ ”

Gymnastics. Sa pamamagitan ng kaniyang determinasyon at sipag na makuha ang dalawang gintong medalya, siya ngayon ay aabante at magpapatuloy sa kaniyang laban patungong Provincial Meet sa Rhythmic Gymnastics gamit ang mga aparato na hoop at bola na gaganapin ngayong Pebrero,

SIRyoso

ni Angel Nuñez
SA KORTE: Mapagbiro man sa paningin ng karamihan ang estado ni G. Marjun Capul sa buong kampus, subalit strikto at pokus naman sa pagsasanay sa koponan ng Futsal ng SciTech. Tunay na kinahahangaan ng mga batang Futsalistas.
Larawan mula kay Janessa Batucan
Larawan mula kay Janessa Batucan

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.