Provincial SERTSS sumailaim sa isang refresher course, ilang pagbabago itinuro sa ilalaim ng new normal sa SurSur
Matapos ang halos isang taon na restriksyon dahil sa pandemya dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), unti-unti nang nanumbalik muli ang pagpapatupad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang iba’tibang aktibidad at pagsasanay sa Probinsya ng Surigao del Sur sa pamaraang “new
26
|August 14-20, 2021
normal.” Sa layunin nito na makamit ang isang matatag na lalawigan sa panahon ng anuman sakuna ang kakaharapin, sumailalim sa isang pagpapahusay na pagsasanay ang 19 na myembro ng Search for Emergency and Response Team of Surigao del Sur (SERTSS) ng probinsya sa limang-
araw na Standard First Aid with Basic Life Support (SFA BLS) na isinasagawa sa La Entrada Beach Resort and Restaurant sa bayan ng San Agustin, Surigao del Sur simula Agosto 11 hanggang 15 ng kasalukuyang taon. Ayun kay PDRRMO chief Abel de Guzman, limitado lamang ang mga galaw sa Caraga INFOCUS