1 minute read
MINDA, LGU SURSUR PIPIRMA NG MOA KAUGNAY SA PAGPAPALAGO NG INDUSTRIYA NG PANANIM
Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nakatakdang pirmahan sa pagitan ng Mindanao Development Authority (MinDA) at pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Sur.
Advertisement
Sa panayam kay Provincial Agriculturist Marcos Quico, inihayag nito na inaasahan nilang darating dito sa lalawigan si MinDA Sec. Emmanuel Piñol sa susunod na linggo upang pangunahan ang nasabing okasyon.
Aniya, ang kasunduan ay may kinalaman sa isang digital platform kung saan ipoproseso ang mga impormasyong may kaugnayan sa mga pang-agrikulturang kalakal na magagamit ng mga value chain partners at economic stakeholders larangan ng pananim.
Dagdag pa ni Quico na naipasa na nito ang nasabing MOA upang mabasa o ma-review at ma-aprubahan ni Gobernador Alexander Pimentel bago pa man ang pagpirma nito at ni Sec. Piñol. (DXJS RPTandag/PIA-Surigao del Sur/Nerissa Espinosa)