1 minute read

LUGAR NA APEKTADO NG ASF SA SURSUR NADAGDAGAN

Mula sa apat na local government units (LGUs), nasa kabuuang lima na ang apektado ng African Swine Fever (ASF) sa Surigao del Sur. Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Margarito Latore, napabilang na sa red zone ang Bislig City, partikular ang Barangay Cumawas, matapos mag-positibo ang ipinasuring blood sample.

Nagsagawa na rin aniya sila ng “depopulation” katuwang ang Bislig City Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Rochelle Barrios nitong nagdaang linggo.

Advertisement

Subali’t, ani Latore, ang ginawang “depop” sa loob ng 500-meter radius ay hindi ratsada dahil sa pasya umano ng konseho ng lungsod. Malayo din aniya sa kabihasnan ang nabanggit na barangay. Unang nagkaroon ng ASF sa Surigao del Sur ang bayan ng Cortes, San Miguel, Tandag City at Bayabas na pawang nasa 1st District. Ang Bislig City naman ay matatagpuan sa 2nd District. (DXJS RPTandag/PIA-Surigao del Sur/Greg Tataro Jr.)

This article is from: