1 minute read
MAS KOMPORTABLENG BIYAHE SINIGURADO NG DOTR AT PPA SA CARAGA REGION
Patuloy man ang banta sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), hindi ito naging hadlang para tapusin ang mga infra projects sa Caraga region.
Kabilang dito ang port expansion sa Cantilan Port, Surigao del Sur at Malasakit Hall sa Bancasi Airport, Butuan City. Ang Cantilan Port expansion project ay nagkakahalaga ng mahigit P198 million na sinimulan noong Septyembre 2018 at natapos noong Septyembre 2020.
Advertisement
Dahil dito, inaasahang mas aangat pa ang negosyo sa rehiyon dahil mas nadoble pa ang kapasidad ng shipment ng kargamento at semento mula sa ibat-ibang lugar at mas madali nang makakagalaw dahil sa lawak nito.
Ayon kay Secretary Art Tugade ng Department of Transportation (DOTr), parte ng development projects sa Cantilan port ang construction ng reinforced concrete pier,
back-up area at port lighting system.
“Maraming benepisyo ‘yan. Mayroong employment potentials. Nagkakaroon ka rin ng convenient mobility. Napalawak ‘yung puerto, mga kargamentong pisikal, ‘yung mga semento at kargamento mas madali at mas malawak ang kilos mo diyan.
Sa madaling salita, makakadagdag sa negosyo mo ‘yan. Kung mayroon kang pasilidad na ganito at magiging mas malawak ang objectives mo, magkakaroon ka rin ng connectivity,” ani ni Tugade. Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago na malapit na ring matapos ang infra projects sa mga pantalan ng Masao, Nasipit, Lipata, maging ang Jubang Cruise Terminal, Cargo Terminal at Donya Helene Port ng Siargao.
“Tuloy-tuluy ang pagimprove natin sa mga pasilidad natin dito sa Caraga region. Sisikapin po natin na bago matapos ang termino ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay marami po tayong nakumpletong proyekto for the convenience and comfort of our fellow Filipinos,” tugon ni Santiago. ring ang makikinabang sa Malasakit Hall sa Bancasi Airport dahil mayroon na itong clinic, childcare room, lounge para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), prayer room, wash room at concession space sa mga biyahero.
Binigyang-diin ni Director-General Jim Sydiongco ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na susunod na ang expansion project para sa passenger terminal building ng Bancasi Airport para madoble na rin ang kapasidad ng pasahero. Target nitong masimulan sa October 10, 2021 at matatapos sa May 23, 2022. (JPG/PIACaraga)