1 minute read
IKA-24TH CARAGA BUSINESS CONFERENCE, INILUNSAD NG SURIGAO DEL NORTE
Inilunsad ng Surigao Chamber of Commerce and Industry ang 24th Caraga Business Conference.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry, lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte at Surigao City, itinakda ang three-day event o hybrid conference na gagawin sa ika-17 hanggang 19 ng Agosto ngayong taon, sa pamamagitan ng online platform, live streaming, virtual plenaries, at trade fair exhibit.
Advertisement
Sa temang “Business beyond COVID-19: The path to the new normal” na angkop sa kalagayan ng ekonomiya sa gitna ng pandemya ay may layuning pasiglahin at patatagin ang business industry sa buong rehiyon. ordinaryong katawhan unsaon pag palambo sa ilang tagsatagsa ka panginabuhi, kay thru this business conference we will be sharing the best practices used by successful big corporations through the years na ato ipasabot sa ordinaryong katawhan para dili kita ma iwit sa kalamboan (Malaking tulong ito sa mga ordinaryong mamamayan, kung paano mapalago ang kanilang negosyo. Through this business conference, we will be sharing the best practices used by successful big corporations through the years, para hindi tayo mapagiwanan sa pag-unlad),” sabi ni Willie Gan, presidente ng Surigao Chamber of Commerce and Industry.
Ang gagawing onlive events ay magsisilbi ring daan para sa negosyante, representante ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, academe, at local chamber members, na talakayin ang mga isyu na magbibigay daan sa pagbuo ng mga rekomendasyon at resolusyon.
“So, number one namo concern is mapaabot sa national government na kaning mga negosyante mabalik ang ilang mga negosyo or to support the financial needs sa industry mao gyud sila ang number one namo nga concern (Ang pinakaunang concern namin ay maiparating sa national government na itong mga negosyante natin ay tulungan makabangon and if we can support them with their financial needs, yan ang talaga ang concern namin),” ani Julie Senense, PCCI regional governor for eastern Mindanao.
Samantala, bubuksan na sa publiko ang Caraga Trade Fair expo sa Butuan City simula Agosto 15 hanggang 19, at ang Agri Trade Fair sa Surigao City grandstand sa Agosto 17-19.
Hinihikayat naman ang lahat ng mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na sumali sa nasabing exhibit para maibenta ang kanilang mga produktong may kalidad. (VLG/Surigao del Norte) Caraga INFOCUS