2 minute read

COMMS TEAM NG DILG-13, NAGSASANAY PARA MAPABUTI PA ANG SERBISYO

COMMS TEAM NG DILG-13, NAGSASANAY PARA MAPABUTI PA ANG SERBISYO

Advertisement

Comms team ng DILG13, nagsasanay para mapabuti pa ang serbisyo

Sumailalim sa two-day skills enhancement ang mga communication at information technology (IT) personnel sa regional at field offices ng

By Venus L. Garcia Department of the Interior and Local Government o DILG Caraga upang mas lalo pang mapahusay ang kakayahan para maipaabot ang importanteng impormasyon tungkol sa mga programa at proyekto ng pamahalaan gamit ang angkop na pamamaraan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Bahagi ito sa pagtugon ng nasabing ahensya sa hamon ng pagbabago o “paradigm shift” sa pagpapatupad ng mga programa at at iba pang inisyatibo ngayong new normal. At dahil nga may pagbabawal pa Caraga INFOCUS

ang pagtitipon-tipon para magsagawa ng information education and communication (IEC) campaign, tinuruan at sinanay sila sa graphic designing at lay-outing para makapagproduce rin ng epektibong infographics maliban sa karaniwang pagsusulat ng mga press release. “There is a need to respond to the call of the times. Thus, the planning and communication teams have to play a bigger, more active role in DILG plans, programs and activities (PPAs) implementation,” sabi ni Donald Seronay, assistant regional director ng DILGCaraga. Tinalakay ng resource person galing sa Philippine Information Agency - Caraga kung paano bumuo ng contents para sa social media materials. “This is also our proactive response by capacitating them with the strategies and techniques for right messaging and delivery of information to the local government units,” ani Seronay. Ayon kay Seronay, makakatulong din anya ito sa pagbuo ng campaign materials ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTFELCAC) at collaterals ng Mandanas Ruling. Ang mga virtual participants na nasa kanikanilang probinsiya ay sumabay din sa practical hands-on exercise gamit ang tools ng photo at design software. “This training will surely equip them with the skills and knowledge that will be most advantageous in popularizing the programs of the DILG,” sabi ni Seronay. Naging sentro rin ng pagtalakay ang management of webinars, teleconferences at social media management. Ang mga output naman sa paggawa ng infographics ay iprenisenta ng bawat online participant para sa critiquing. “I am very thankful that I’m able to learn a lot of techniques. It has given me the idea on how to improve the messaging of the office. Malaking tulong talaga ito sa amin lalo na ngayong may pandemya kasi we need to maximize the use of social media para maipaabot ang mensahe ng DILG sa LGUs at publiko. Masaya ako na napasali sa training na ito,” sabi ni Ednon John Aparicio, LGOO III ng DILG-Agusan del Sur. (VLG/PIA-Caraga) December 12-18, 2020 |

This article is from: