1 minute read

COVID-19 QUARANTINE AT TREATMENT FACILITY NG AGUSAN NORTE MAGBUBUKAS NA NGAYONG DISYEMBRE

By Nora C. Lanuza Patuloy ang pagtutok ng probinsya ng Agusan del Norte sa kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon kay Gobernador Dale B. Corvera kahit may mga positive cases na patuloy na naitala, pero mataas naman ang recoveries at mababa ang occupancy rate sa mga hospital. Tugon ni Gob. Corvera, upang mas matugonan pa ang mga pangangailan ng mga Agusanon, inihanda na ang lahat ng mga requirements upang makapagsimula na sa kasalukuyang buwan ang operasyon ng 50-bed COVID-19 quarantine at treatment

monitoring facility ng probinsya na itinurn-over ng Department of Public Works and Highways na matatagpuan sa lungsod ng Carmen. Plano din ng probinsya na gawin itong extension ng kasalukuyang Nasipit District Hospital COVID facility. Ayon din kay provincial health officer, Dr. Odelio Y. Ferrer ang nasabing pasilidad ay accredited ng Department of Health at Philhealth at inaasahang makakatulong sa mga COVID-19 patients na may mild cases. Ito ay pangangasiwaan ng Provinical Health Office at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng probinsya. Nananawagan din si Gob. Corvera sa mga Caraganon lalo na sa mga Agusanon na iwasan muna ang pagdalo ng mga kasiyahan sa panahon ng pasko upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Dagdag pa ni Gob. Corvera na manatiling malinis, malusog at sundin ang BIDAsolusyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na’t mataas ang local transmission sa rehiyon. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

Advertisement

This article is from: