Caraga InFocus – December 25-31, 2021

Page 17

Caraga RDRRMC bukas para sa mga sektor na nais magbahagi ng kanilang donasyon sa lugar na apektado ng Typhoon Odette Bagamat patuloy ang gobyerno sa pagbibigay ng relief assistance sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Typhoon Odette partikular na sa Surigao City, Siargao Island at Dinagat Islands, binigyang-diin ng Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) na handa ang emergency operations center (EOC) na tumanggap ng tulong o donasyon mula sa iba’t-ibang sektor. Isa na dito ang PDRRMO ng South Cotabato na malayo pa ang biniyahe papuntang Butuan City sakay ng malalaking truck na may lamang ayuda bilang tulong sa mga apektadong residente. Ayon kay Rolly Doane Aquino, PDRRMO ng South Cotabato, dala nila ang mga food at non-food items para sa mga residente ng apektadong lugar sa rehiyon at may cash assistance din na nagkakahalaga ng P100,000 na kanilang ibibigay sa lokal na pamahalaan ng Surigao City upang maibahagi rin sa mga residente. “Hindi tinamaan ng Typhoon Odette ang South Cotabato o ang Region 12 kaya sa tingin namin nararapat lang din na tumulong kami sa mga kababayan nating mga Filipino na lubhang naapektohan. Patuloy po ang tulong na ibibigay natin sa Surigao del Norte at Dinagat Islands,” dagdag ni Aquino. Ayon kay RDRRMC chairperson at Office of Civil Defense (OCD)-Caraga regional director Liza Mazo, may mga organisasyon at pribadong sektor na ang nakikipag-ugnayan sa kanila para sa agarang paghatid ng mga food at non-food items at maayos na distribusyon nito sa mga apektadong lugar ng rehiyon. Target din ng Council na masiguro ang long term

Caraga INFOCUS

Mazo

assistance hanggang sa makabangong muli ang mga apektadong residente. “Patuloy ang pagtulong ng gobyerno sa mga lugar na apektado ng Typhoon Odette sa Surigao City, Dinagat Islands at Siargao Island ng Surigao del Norte at hindi ito tumitigil. Subalit, bukas rin po ang ating gobyerno sa pagtanggap ng mga donasyon mula sa iba pang sektor na nais magbahagi ng tulong sa mga residente. Maaari lang po silang tumawag sa hotline numbers ng OCD Caraga para magabayan rin po naming sila sa relief operations,” ani ni Mazo. Tiniyak din ni Mazo na patuloy ang koordinasyon ng iba’t-ibang ahensiya para sa kaukulang tulong tulad ng pabahay, sanitation, tubig at kuryente sa mga apektadong lugar. Sa pamamagitan ng EOC, mas nagiging madali rin ang pagtanggap ng mga ahensya sa concerns ng local government units at agad na napag-uusapan at natutugunan ang mga ito. Samantala, nanawagan din si Mazo sa mga gustong mag-volunteer sa relief operations na makipag-ugnayan sa Caraga RDRRMC. (JPG/ PIA-Caraga)

December 25-31, 2021 |

17


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.