1 minute read

DOT CARAGA INILUNSAD ANG “CARAGA NA!” BILANG BAGONG TOURISM TAGLINE SA REHIYON

Ni Jennifer P. Gaitano

Mas pinaigting ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang mga hakbang para palaganapin ang turismo at mas makilala pa ng lubusan ang mga tourist destinations sa Caraga region.

Advertisement

Ayon kay DOT Caraga regional director Nelia Arina, sa pamamagitan ng bagong tagline na “Caraga Na!”, kanilang palalaganapin ang mga tourist destinations na tiyak na kagigiliwan ng mga turista sa “new normal”.

“Ito ay isang paraan ng ahensiya upang mas mapalaganap pa ang domestic tourism sa rehiyon. Nais nating maging ligtas ang pagbiyahe at pagdiskubre ng mga turista sa mga magagandang lugar dito sa Caraga sa kabila ng COVID-19 pandemic,” ani ni Arina.

Ipinaliwanag din ni Junesther Jean Valdez, tourism operations officer ng DOT Caraga, ang ibig sabihin ng tagline na “Caraga Na!”. Ayon sa kanya, hango sa salitang “gana” o kaakit-akit ang mga lugar sa rehiyon na dapat na madskubre ng mga turista. May iba’tibang aktibidad din sa mga tourist destinations.

Tiwala si Director Arina na lalago pa rin ang turismo sa rehiyon kahit patuloy ang COVID-19 pandemic.

May mga protocols ding ipinatutupad para mapanatili ang seguridad ng mga turista, sa tulong na rin ng iba’t-ibang sektor at organizations lalo na sa isinasagawang disaster response at tourism recovery interventions sa mga lugar na madalas na dinarayo tulad ng Siargao Island.

Tiniyak din ng nasabing ahensiya na patuloy nilang tinutulungan ang mga apektadong manggagawa sa tourism sector upang maibalik na rin sa normal ang nakasanayan nilang trabaho.

Inaasahan ng ahensiya na sa bagong tagline na “Caraga Na!”, mas dadami pa ang mga turista, investments, at tataas pa ang employment rate sa tourism sector. (JPG/PIACaraga)

PROVINCIAL NEWS

This article is from: