2 minute read
CARAGA RNC CONDUCTS POST-DISASTER ASSESSMENT IN DINAGAT ISLANDS
Caraga RNC conducts postdisaster assessment in Dinagat Islands
The National Nutrition Council (NNC) Caraga, in close collaboration with United Nations Children’s Fund (UNICEF) Philippines, conducted a post-disaster nutrition initial needs assessment at the Province of Dinagat Islands on Day 22 after Super Typhoon Odette ravaged the area.
Advertisement
NOII Raphael Ochavo, together with UNICEF Philippines Nutrition Officer Pete John Biscarra and Programme Assistant Leah Tacsan. paid a courtesy visit to Dinagat Islands Health Cluster headed by the PHO II Dr. Jillian Francise Lee, together with PHO I Dr. Juan Javier Garchitorena, and PNAO Joanna Jessica Yasay.
The deployment mission of the Regional Nutrition Cluster (RNC) to the Province of Dinagat Islands was to gather data through the Nutrition Initial Needs Assessment (NINA) tool to generate information regarding the nutrition situation of the province and to conduct rapid case finding of nutritionally at-risk children and pregnant women. provide immediate and initial assessment of the nutrition situation among the affected population particularly among the nutrition vulnerable groups, i.e. children 0-59 months, pregnant and lactating women, women of reproductive age, elderly, and persons with disabilities after onset of emergency or disaster.
Also, part of the deployment mission is to scout for storage facilities and coordinate for the delivery of Ready-toUse Therapeutic Food (RUTF) and Micronutrient Powder for the target beneficiaries in the province. The RNC will continue to coordinate the implementation of nutrition and health responses of the national government agencies and international humanitarian organizations in the affected areas of Typhoon Odette. (RPOchavo, NNCCaraga/PIA-Caraga)
Iba’t-ibang sektor sa probinsya ng Agusan del Sur nagkaisa para sa ‘Project Buhay sa Kalikasan’
Ni Jennifer P. Gaitano
Nagsagawa ng Tree Planting activity sa pangunguna ng Agusan Media Club at Philippine National Police (PNP) bilang kontribusyon sa pagpapanatili ng maayos na kalikasan at maaliwalas na kapaligiran.
Ayon sa PNP-Agusan del Sur, layon ng iba’t-ibang sektor na maprotektahan ang Mt. Magdiwata na siyang pinagkukunan ng tubig sa lugar.
“Nagpapasalamat kami na naging parte ang PNP sa tree planting activity na ito. Ang Mt. Magdiwata na siyang pinagkukunan natin ng tubig ay mahalaga, kaya naman ang PNP ay committed na protektahan ito,” ani ni PCol. Ruben Delos Santos, dating provincial director ng PNP-Agusan del Sur.
May ilang kabataan ang sumama kagaya ng magpinsan na sina Samantha at John Ruiz dahil naniniwala sila na mapapakinabangan din nila ito at maging ng susunod na henerasyon. “Masaya po ako na nakasali ako sa tree planting na ito,” ani ni Samantha Ruiz.
“Umaasa po ako na lalaki pa ng ilang taon itong mga seedlings na aming itinanim,” banggit naman ni John Ruiz.
Nakilahok din ang ilang representante mula sa pribadong sektor.
“Hindi lang po ito para sa amin, kung hindi pati rin po sa aming mga anak at mga apo sa susunod pang henerasyon para rin po maprotektahan ang ating kalikasan at ang ating watershed area,” pahayag ni Mari Cris Inson na mula sa pribadong sektor.
Ibinahagi rin ni Richard Grande, presidente ng Agusan Media Club, na naging tradisyon na ng iba’t-ibang sektor sa probinsya na magtanim ng mga punla malapit sa watershed.
“Ang pagtatanim ng puno ay buhay. Ang pagprotekta sa Mt. Magdiwata ay buhay. Kung may mga punong kahoy, may mapopondo na tubig at marami pang ibang magandang naibibigay nito sa atin,” sabi ni Grande. (JPG/PIAAgsuan del Sur)