Proyektong imprastraktura sa ilalim ng programa ng NTF-ELCAC, sinimulan na sa Surigao del Norte Naghatid ng bagong pag-asa sa mamamayan ng Barangay Mahanub, Gigaquit, Surigao del Norte ang ginawang seremonya ng Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict o PTF-ELCAC para sa proyektong pagsasagawa ng farm to market road (FMR) para sa komunidad noong ika-8 ng Hulyo 2021. Ang nasabing FMR construction ay kabilang sa mga proyektong nakapaloob sa Barangay Development Program (BDP) ng Barangay Mahanub na napondohan ng P20 milyon mula sa Local Government Support Fund para suportahan ang nasabing proyekto. Matatandaan na noong nakaraang ika-29 ng Hunyo ay pormal na inanunsiyo ng Probinsiya ng Surigao del Norte ang pagsisimula ng Caraga INFOCUS
pagsasagawa ng mga proyekto sa mga barangays sa nasabing probinsya, kabilang din dito ang Retooled Community Support Program projects pagkatapos na maideklarang ‘cleared’ mula sa mga impluwensiya ng terorismo and nasabing barangay. Kung kaya, ngayon ay pormal nang inilunsad ang Ground Breaking
ceremony para sa gagawin na FMR kung saan sesementuhin at papagandahin ang kalsada mula sa sentro ng Barangay Mahanub na may sukat na 774.5 metro at 2.5 metrong lapad para buuin ang dalawang linya nito. Ang nasabing daanan ay magbibigay ng katiwasayan lalo na sa mga magbubukid at mga katutubong mamamayan na July 17-23, 2021 |
43