1 minute read

KASO NG COVID-19 SA TANDAG BUMABA AYON SA CHO

Patuloy ngayong bumubuti ang sitwasyon ng lungsod ng Tandag kaugnay sa pakikipaglaban nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ito ang inihayag ni Dr. Ruth Arraz, ang hepe ng City Health Office nitong lungsod.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas – Tandag, sinabi nito na kanilang naoobserbahan mula sa nakalipas na mga linggo na kumukunti na lang ang naidagdag na mga bagong kaso ng COVID-19 bawat araw dito sa lungsod. Sa katunayan, nasa apat na mga bagong kaso na lang ang naidagdag dito sa lungsod nuong Hulyo 22, ng taong kasalukuyan.

Advertisement

Aniya, na isa sa mga nakitang dahilan nito ay ang naging kooperasyon ng publiko sa kanilang kampanya laban sa naturang sakit lalo na ang palagiang pagsunod sa Minimum Public Health and Safety Protocol.

Maliban dito, dumarami na rin ang bilang ng mga nagpapabakuna ng COVID-19 vaccine. Ayon kay Dr. Arraz na sa kasalukuyan, hindi na bababa sa 200 katao ang kanilang nababakunahan arawaraw.

Kaugnay nito, patuloy itong nananawagan sa publiko na suportahan palagi ang immunization program ngayon ng pamahalaan upang mabigyan ng proteksyunan laban sa COVID-19 at ang palagiang pagsunod sa mga basic health protocol laban sa nasabing sakit. (Raymond Aplaya - DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)

This article is from: