1 minute read

GROUNDBREAKING NG ELCAC INFRA PROJECTS GINANAP SA SURSUR

By: Nida Grace P. Barcena

Matagumpay na idinaos ang ground breaking ceremony nang proyektong pang imprastraktura na pinunduhan ng National Task Force - End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSFSBDP) sa probinsiya ng Surigao del Sur.

Advertisement

Photo credit to PGO-SDS Kamakailan lang idinaos sa Sitio Simuwao (Kilometer 9), Barangay Diatagon, sa bayan ng Lianga, ang groundbreaking ng dalawang proyekto na farm-to-market road (FMR) at school building construction na nagkakahalaga ng P18 Milyon at P2 Milyon. 6,000 mga residente ang makikinabang sa gagawing farm-to-market road samantalang nasa 200 mag-aaral naman ang makikinabang sa itatayong paaralan sa nasabing lugar.

Kinumpirma ni Regional Peace and Order Council Chair (RPOC) at Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel na anim na proyekto ang pinunduhan ng NTF-ELCAC para sa limang barangay sa bayan ng Lianga.

Ito ay ang road concreting sa Barangay Bocawe, Barangay San Isidro, Barangay San Pedro, at Barangay St. Christine, at FMR at construction of school building naman ang sa Barangay Diatagon. Bawat barangay parehong pinunduhan na nagkakahalaga ng P20 milyon mula sa NTF-ELCAC para sa mga proyektong nabanggit.

Una ng isinasagawa ang parehong aktibidad sa tatlong barangay sa bayan ng Tagbina sa Distrito 2 ng probinysa, ang road concreting sa Barangay Doña Carmen, at Barangay Soriano, at FMR naman sa Barangay Ugoban ng nasabing bayan. Bawat proyekto nagkakahalaga ng P20 milyon.

Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Caraga Regional Director Lilibeth Farmacion na 60 proyekto ang pinunduhan ng pamahalaan para sa 46 na barangay sa probinsya ng Surigao del Sur. (PIA-Surigao del Sur)

This article is from: