1 minute read
MAGSASAKA NG NIYOG SA AGUSAN DEL NORTE MAKIKINABANG SA COCONUT PROCESSING UPGRADING PROJECT
Ni Nora C. Lanuza
Mahigit P17 Million na pondo ang itinur-over para sa gagawing Coconut Oil Processing Facility na makikita sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte ang pakikinabangan ng mga magsasaka ng niyog sa lugar at karatig bayan nito.
Advertisement
Emosyonal si Rebecca Felix, ang chairperson ng Libas Farmers MultiPurpose Cooperative, dahil sa dinami-daming probinsya sa bansa, kasama ang Agusan del Norte na nabigyan ng biyaya upang maiangat ang kanilang estado sa buhay. Nangako ang mga opisyales ng probinsya sa pangunguna ni Agusan del Norte Gobernador Dale B. Corvera na patuloy nilang tututukan ang nasabing proyekto at ang pagtulong nila sa mga magsasaka upang patuloy din ang pagangat nila sa buhay at magkaroon ng kanilang trabaho.
Pinaalalahanan din second district representative Ma. Angelica Rosedell M. Amante-Matba ang mga magsasaka na pahalagahan ang proyektong ito dahil magbibigay ito ng pagbabago sa kanilang buhay.
Nangako din ang mga myembro ng Libas Farmers Cooperative na alagaan at pagbutihin nila ang operasyon ng nasabing processing plant.
Ang nasabing proyekto ay isa sa mga 12 core projects sa AGUSAN UP at inaasahang magpapataas ng produksyon ng Libas Farmers mula sa 200 niyog kada linggo sa 10,000 niyog kada araw. (NCLM/PIA Agusan del Norte)