1 minute read

Mga guro at tricycle drivers, nakabenepisyo sa ayudang hatid ng LGU-Trento

Mga guro at tricycle drivers, nakabenepisyo sa ayudang hatid ng LGU-Trento By Jennifer P. Gaitano

Mahigit 800 guro mula sa ibatibang pribado at pampublikong paaralan ng nasabing bayan ang tumanggap ng isang sakong bigas mula sa lokal na pamahalaan. Paglilinaw ng LGU-Trento, na ang mga benepisyaryong guro ay yung napabilang sa “No work, No pay status”, special education fund at Parents-Teachers Asociation (PTA)- paid, at mga volunteer teachers na hindi nakatanggap ng ayuda mula sa eskwelahang kanilang pinagtatrabahoan. Samantala, tumanggap din ng tig-P2,000.00 ang bawat isa ng may mahigit 300 tricycle drivers bilang ayuda sa nasabing sektor mula sa lokal na pamahalaan. Base sa tala ng Business Permit and Licensing Office ng Trento, naging

Advertisement

LUNGSOD NG BUTUAN - Sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis, patuloy ang pamimigay ng ayuda ng lokal na pamahalaan sa ibat-ibang sektor. Kabilang sa nakabenepisyo ang dalawang magkaibang displaced workers sa bayan ng Trento, Agusan del Sur.

This article is from: