1 minute read

COMMIT TO QUIT: NAGKAKAISANG PILIPINO PARA SA ‘NO YOSI’

Commit to Quit: Nagkakaisang Pilipino para sa ‘NO Yosi’

Ang sigarilyo ay lason sa katawan ng tao. Maraming sakit ang dulot ng patuloy na paninigarilyo. Lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemya, higit na pinalala ng sigarilyo at adiksyon nito ang tama ng virus sa ating katawan at kalusugan.

Advertisement

“Mamamatay ka sa paninigarilyo na walang kaakibat na responsibilidad ang industry ng tabako na nagbebenta ng masamang produktong ito.‘Nilalason ng sigarilyo pati ang ating kapaligiran, ang lupa, dagat, hangin, at ang ating mga komunidad at pamahayanan,” banggit ni Ka Ernesto Ofracio, president ng Aktibong Kilusan Tungo sa Iisang Bayan (AKTIB).

Ngayong araw, Mayo 31, ipagdiriwang natin ang World No Tobacco Day. Ang panawagan natin ay Commit to Quit: Nagkakaisang Pilipino para sa NO Yosi! Buong araw ang ihinandang programa na pinagtulungang i-organisa ng Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at iba pang ahensya ng pamahalaan, katuwang ang iba’t ibang barangay, civil society organizations at people’s organization sa ilalim ng Philippine Smoke-Free Movement (PSFM).

Nagbalangkas ng programa ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), AKTIB, PUP SPEAK, Sustainable Development Network Solutions (SDSN-Youth), ImagineLaw, at iba pa para linawin ang konsepto ng smokefree at ang masamang epekto ng sigarilyo at iba pang produktong tabako sa ating kalusugan at kapaligiran.

Ang PSFM ay kilusan ng mamamayan na pinangangasiwaan ng SWP upang itaguyod ang mahigpit na pagpapatupad ng Executive Order 26 na nilagdaan ni Presidente Duterte o ang pagbabawal ng paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar at sasakyan, at isabatas ang Smoke-Free Act sa lalung madaling panahon.

Bilang paghahanda, ang SWP at AKTIB ay kasalukuyang nagiikot sa iba’t ibang barangay at komunidad upang hikayatin ang mamamayan na itigil ang paninigarilyo at proteksyunan ang ating mga kabataan at pamayanan, nagtatayo ng mga smoke-free homes, smoke-free communities, at smokefree barangays. Ang lahat ay inaanyayahang lumahok sa May 31 World No Tobacco Day. Mapapanood ang selebrasyon na ito sa sa Department of Health (DOH), Department of Education, at Philippine Smoke-Free Movement (PSFM) FaceBook Live. (Social Watch Philippines/ PIA-Surigao del Norte)

This article is from: