1 minute read
Olympic-size swimming pool sa Surigao del Norte binuksan na sa publiko
Isang 50-meter Olympicsize swimming pool ang benindisyunan at binuksan kamakailan sa loob ng Provincial Sports omplex sa pamamagitan ng isang simple at makabuluhang selebrasyon. Ang pagbubukas ng bagong olympic size swimming pool ay naglalayun na palakasin ang inisyatibo ng provincial government na ma promote at mapaigting pa ang mabuting kalusugan ng mga surigaonon kahit sa gitna ng pandemya na kinakaharap ng bansa. Ang nasabing selebrasyon ay inumpisan isang motorcade paikot sa syudad patungo sa provincial sports complex at sumunod na ang blessing na pinangunahan ni Fr. Larry
By Venus L. Garcia Espuerta at isinunod din ang inagurasyon sa pangunguna ni Gobernador Francisco Matugas kasama ang iba pang lokal na opisyal ng probinsya ng Surigao del Norte at lungsod ng Surigao. “Kahit pa sa nararanasang pandemya buo pa rin ang paniwala ko na kailangan pa rin ng probinsya na mapanatili ang mabuting kalusugan ng mga Surigaonon sa pamamagitan ng reconstruction sa nasabing swimming pool na magiging importanteng bahagi ng buhay ng bawat Surigaonon,” ani Gob. Matugas. Samantala laking pasasalamat naman ni Edwin Ausa, ang kasalukuyang provincial wellness sports and youth development officer, dahil aniya makakatulong ang nasabing swimming pool sa mga studyante ng ibat’ ibang paaralan sa Surigao del Norte na gustong mag-ensayo kasama na ang mga residente na gusto ring maligo. “Basically, itong swimming pool na ito will cater all those who are here in the mainland. I’m sure in the future we can have superstars in terms of swimming,” ani Ausa. Pero kasabay ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya, pansamantala munang isinara sa publiko ang pag gamit sa nasabing swimming pool. (VLG/ SDR/PIA-Surigao del Norte)
Advertisement