1 minute read
Dagdag na contiuous ambient air quality monitoring station sa Agusan del Norte matatagpuan sa Cabadbaran City
Isang continuous ambient air quality monitoring station ang pinasinayahan sa public transport terminal ng Cabadbaran. Pinangunahan Environmental Management Bureau (EMB) Caraga regional director Engr. Albert Arcamo ang pagturnover sa local government unit (LGU) ng Cabadbaran sa pangunguna ni mayor Judy Chin Amante.
Layon nito na masmamonitor pa at masuri ang ambient air quality sa probinsya ng Agusan del Norte partikular na sa lungsod ng Cabadbaran. Ang LGU cabadbaran ang siyang magpapanatili nang maayos sa operasyon ng nasabing station.
Advertisement
Ito’y isang proyekto sa ilalim ng adopt an ambient air quality monitoring station program ng Department of Environment and Natural Resources - Environmental Management Bureau (DENREMB) na umabot sa mahigit walong milyong peso na pinunduhan ng tatlong malalaking kompanya, ang Philsaga Mining Corporation, Agata Mining Ventures, Inc. at Aboitiz Power-Therma Marine Inc.
“The beauty of this station is we can directly search the quality of the air in this area. We don’t have to come here every week to remove the filter and compute all the dust, we can do it online. We can have the data realtime,” tugon ni director Arcamo.
Ang nasabing station ay pangatlo sa probinsya ng Agusan del Norte, ang dalawang station ay matatagpuan naman sa Caraga State University main campus sa Butuan City at Nasipit, Agusan del Norte.
Sa ngayon, ayon kay director Arcamo, nananatiling maayos ang quality of air sa Agusan del Norte at maging ang buong Caraga Region base na rin sa air quality index kung kaya’t upang mapanatili ang maging kalidad ng ambient air, nanawagan si director Arcamo sa transport sector na panatilihing gumamit ng malinis na kalidad ng gasoline.
Dagdag pa ni director Arcamo, “so far since 2015, the quality of the air in Caraga, particularly in Agusan del Norte is still in the level of good.” (NCLM, PIA Agusan del Norte)