1 minute read
Sitio Electrification Program matagumpay na ipinatutupad ng SURSECO-I sa SurSur, 529
SITIO ELECTRIFICATION PROGRAM MATAGUMPAY NA IPINATUTUPAD NG SURSECO-I SA SURSUR, 529 KABAHAYAN NAKINABANG
Matagumpay ang pagpapatupad ng Sitio Electrification Program (SEP) 2021 ng Surigao del Sur Electric Cooperative I o SURSECO-I na nakabase sa Segundo distrito sa Probinsya ng Surigao del Sur. Sakop nito ang isang syudad ng Bislig at ang apat munisipyo.
Advertisement
Batay sa ulat na ipinalabas ng SURSECO-I, umabot sa 18 na mga sitio na may 529 na kabahayan ang naging benepisyaryo ang nakinabang sa Sitio Electrification Program. Sa ulat na ipinalabas, ang mga liblib na napailawan na ng kurente ay ang mga sumusunod: *Limang (5) sitio na meron 95 householdbeneficiaries sa Bislig City; *Anim (6) na sitio na meron 205 householdbeneficiaries sa munisipalidad ng Hinatuan; * Limang (5) sitio na may 151 householdbeneficiaries sa munisipalidad ng Tagbina; * Isang (1) sitio na may 36 na householdbeneficiaries sa munisipalidad ng Barobo; at *Isang (1) sitio na merong 42 householdbeneficiaries sa munisipalidad ng Lingig.
Ang Sitio Electrification Program ay naging posible sa pamamagitan ng National Electrification Administration (NEA), katuwang ang lahat ng electric cooperatives sa buong bansa upang maisakatuparan ang layuning pasiglahin ang pinakamalayong bahagi ng mga sitio at magbigay ng liwanag sa lahat. (NGPB/PIA-SDS)