Habambuhay Peanut Butter (save-the-date screenplay)

Page 1

“HABAMBUHAY PEANUT BUTTER” 2013 Screenplay by: CARLA SAMANTHA OCAMPO Habi Collective


EXT. HARAPAN NG ISANG BAKERY – HAPON Darating si YO sa harap ng bakery, lulan ng bisikleta. Bababa siya at bibili ng tinapay. Nakaupo at namamaypay ng abaniko ang TINDERA.

TINDERA Ano „†on seeer? Bili naaaa…

Ipakikita sa kamera ang detal†e ng iba‟t ibang klase ng tinapa† na naka-display. YO Miss, meron ba ka†ong… pag-ibig na wagas?

Tataas ang kilay ng tindera. FADE TO BLACK FADE IN NEXT DAY, SAME PLACE Darating ulit si Yo sa harap ng bakery, lulan ng bisikleta. Bababa siya at bibili ng tinapay. Nakaupo at namamaypay ng abaniko ang Tindera .

TINDERA Hi seeer. Ano „†ooon? Bili naaa.

YO Miss, meron habambuhay?

Tataas ulit ang kilay ng tindera.

ba

ka†ong…


YO Jok lang „†tn miss ha, ikaw naman, di na mabiro. Sampung pan de regla, tsaka limang pan de coco.

FADE TO BLACK FADE IN NEXT DAY, SAME PLACE Darating ulit si Yo sa harap ng bakery, lulan ng bisikleta. Bababa siya at bibili ng tinapay. Agad na tatayo ang Tindera at sigaw-bulong na tatawagin ang atensyon ni Yo.

TINDERA Ser Yo! „Wag kang mainga† ha… meron na kaming pag-ibig na wagas!

Pa-kyut na hindi maniniwala si Yo.

YO Ahuuummm… ikaw naman, maganda ang gising mo nga†on, „noh?

TINDERA Hindi ser, pramis! Ito o!

Pakikitaan ni Tindera si Yo ng isang garapon ng homemade peanut butter, na may tatak na “Pag-ibig na Wagas” na kulot-kulot ang font.

TINDERA Sinubukan ko kahapon ser, kaya kagabi natikman ko na sa wakas „yung nililigawan kong guwardya! Hihihi!


Tataas ang kilay ni Yo.

YO Sige ngaaa. Eh meron ba kayong HABAMBUHAY?

TINDERA Meron din ser!

Pakikitaan ni Tindera si Yo ng isang garapon ng homemade peanut butter, na may tatak na “HABAMBUHAY PEANUT BUTTER” na kulot-kulot ang font.

TINDERA Kapag pinalaman n‟yo „yan sa tinapay ng bakery na ito, at ipinakain n‟yo sa babaeng mahal n‟yo, „yung babae mismo ang mamagtatanong sa inyo ng Will You Marry Me!

Ibibigay ng Tindera kay Yo ang garapon ng HABAMBUHAY PEANUT BUTTER. Tititigan ni Yo ang garapon. Sasayaw pataas-pababa ang kilay ni Yo sa harap ng kamera, nagsasabing may plano siyang malupit.

YO Magkano ang isang garapon?

TINDERA „Yung mild ser, 500 pesos. „Yung moderate, 2,000 pesos. „Yung extra strength na ang bilhin ninyo ser para sigurado.


YO Magkano „yung extra strength?

TINDERA 5,000 pesos po.

Maghi-Hitchcock Effect ang zoom sa gulantang na mukha ni Yo. Paghinto ng kamera sa kanya ay magsasalita siya agad.

YO Magwi-withdraw ako. Wait lang you.

Exit frame si Yo.

INT. BAHAY NI YO – HAPON Naglalatag ng mga tinapay sa hapagkainan si Yo. Maingat niyang ilalapag ang mga kailangang kagamitan para sa espesyal na meryenda ng hapong iyon: dalawang magandang platito, dalawang magandang kutsarita, dalawang magandang tasa, magandang lalagyan ng mainit na kape, at magandang lalagyan ng gatas. Ang finale: ang mahiwagang garapon ng HABAMBUHAY PEANUT BUTTER. Darating na si MICA.

MICA Hello Dear!

Sa pagpasok niya sa pinto ay tila may mabining hangin na nagpalipad sa kanyang buhok. Napakaganda niya sa kanyang grand entrance. Tutugtog ang “Beautiful Girl” ni Jose Mari Chan habang slow mo siyang lalapit sa dining area… kung saan naroon si Yo, tulala sa kanya, at may bitbit na malaking industrial fan na nakatutok kay Mica. Magtititigan sila. Kumakanta pa rin si Jose Mari Chan sa background. Abrupt rewind sound.


YO Kain na tayo dear.

START OF FAST FORWARD SEQUENCE, SAME PLACE Ibababa ni Yo ang industrial fan, at pauupuin si Mica sa harap ng mesa. Magsisimula silang kumain. Magpapalaman, kakain. Magpapalaman ng panibago, kakain. Kada kain at kada palaman ay makikitang tumitindi ang kaba at excitement sa mukha ni Yo, habang si Mica ay kain lang nang kain na parang… wala lang. END OF FAST FORWARD SEQUENCE SAME PLACE, MOMENTS LATER Ubos na ang HABAMBUHAY PEANUT BUTTER. Ubos na rin ang mga tinapay. Busog na busog si Mica, maghihimas ng tiyan.

MICA Grabe, dear! Sobrang sarap nitong peanut butter! Saan mo nabili?

YO Du‟n pa rin, sa dati.

Katahimikan.

YO Wala ka nang ibang tanong?

MICA? Hm? Wala naman. Bakit?

Titingin si Yo kay Mica. Titingin sa basyo ng HABAMBUHAY PEANUT BUTTER. Titingin ulit kay Mica. Titingin ulit sa basyo ng HABAMBUHAY PEANUT BUTTER. Kukunin niya ito, at tatayo na siya.


YO Saglit lang dear, a.

MICA O, sa‟n ka pupunta?

YO (mala-endorser ang boses) Aba‟y… magpapa-refill ng HABAMBUHAY PEANUT BUTTER sa ating suking tindahan!

CUT TO: EXT. BAKERY – HAPON Mag-uusap nang nakatago sa gilid ng bakery sina Yo at ang Tindera. Kapwa sila nakaupo sa gutter, na parang walang isyu. Sigaw-bulong ang kanilang komprontasyon, upang hindi marinig masyado ng mga nagdadaang mga tao, at ng mga tao sa loob ng bakery.

YO Hoy bruha ka, walang epekto ang HABAMBUHAY PEANUT BUTTER mo.

TINDERA Ser, baka naman hindi masyadong kumain „yung babaeng mahal n‟yo?

YO Anong hindi kumain? Naubos nga n‟ya itong buong garapon?! Ibalik mo ang limanlibo ko!


TINDERA Hindi na ser, sulit naman „yang HABAMBUHAY PEANUT BUTTER. May engegament ring sa loob.

Anyong hindi maniniwala si Yo, pero magmamadali siyang buksan ang garapon. Mayroon nga itong engagement ring sa loob. Kukunin niya ito, gamit ang kutsarang biglang nilabas ng Tindera, at didilaan at sisipsipin ang singsing upang masimot ang peanut butter.

YO Pwede na „to. At itaga mo sa bato, erap. Ako mismo ang magpopropose kay Mica mamaya. AKO MISMO ANG MAGPO-PROPOSE KAY MICA!

CUT TO: INT. KWARTO NI YO – HAPON Wagas ang pag-iyak ni Yo sa harap mismo ng kamera. Katabi niya si ROEL at si BUTSOY.

YO E pa‟no ktng „di s‟†a tmoo?!

ROEL Ok lang „†aaan. E di mag-propose ka sa iba! Hahaha!

YO (iyak) HINDE! SI MICA LANG ANG GUSTO KO, SI MICA LANG!

Patuloy ang pag-iyak ni Yo. Aaluin siya ni Roel.


Aalis sa frame si Butsoy sa kanyang pagka-bwisit sa pag-iyak ni Yo, at anyong pupunta sa likod ng camera. Lalabas ang kamay ni Butsoy sa harap ng kamera, tulad ng sa “Palibhasa Lalaki” at aabutan niya ng panyo si Yo. Sisinga rito si Yo. Sasampalin ng kamay ni Butsoy si Yo.

YO Aray ko…

Aagawin ng kamay ni Butsoy ang panyo mula kay Yo. Anyong manduduro ang kamay ni Butsoy, at anyong sasabihin ng kamay na “Be a man! Eto ang singsing, mag-propose ka na!” Tatango si Yo, parang mabubuhayan. Mag-a-apir si Roel at ang kamay ni Butsoy. Thumbs-up sign. DISSOLVE TO

EXT. ROOFTOP – GABI Aakyat sina Yo at Mica sa isang rooftop. May dala-dala silang isang kumot na mukhang hindi nalabhan nang matagal. Ito ang ipangbabalabal nila sa kanilang sarili kontra-hamog. Magkatabi sila sa ilalim ng kumot na ito. Titingin sila sa langit.

MICA Ganda ng stars, „noh?

YO Pero alam mo dear, mas maganda ka sa stars…

MICA Ganun? Hehehe.


YO Dear…

MICA Yes dear…

YO Labyu…

MICA Ayiiiee… Labyutu!

YO Dear…

MICA Yes dear…

YO Para kang marahang ambon isang mapagkalingang umaga…

sa

MICA Ayiiieee… Anlandi-landi mo naman ngayon, Dear…

Mao-overwhelm na ng tunay niyang emosyon si Yo.

YO Dear (puputok na ang iyak)…

MICA Yes dear…


Ilalabas ni Yo ang singsing.

YO (mango-ngongo na sa pagkaoverwhelm) WILL YOU MARRY ME?

MICA (walang isip-isip) Ay oo naman!

Hahalikan ni Mica si Yo sa pisngi. Maghi-Hitchcock Effect ang zoom sa gulantang na mukha ni Yo. Paghinto ng kamera sa kanya ay kikiligin siya agad.

YO Ihihihi!

CUT TO BLACK START OF CLOSING SONG (narrative blues song tungkol sa pag-ibig na wagas at habambuhay, na ideally kimompose ni Yo at Roel, a la “Bochog”) EPILOGUE TITLE CARDS: (with supporting photos) FRAME 1 Sa totoong buhay, hindi sa rooftop nag-propose si Yo kay Mica, kundi sa Roof of Luzon: sa Mt. Pulag. Pero

totoong

ang

sagot

ni

Mica

ay

“Oo

naman!”

FRAME 2 Sa totoong buhay, wala kang mabibiling “Pag-ibig na wagas” o kaya “Habambuhay”. Pero try mo na rin. Malay mo. CBB (wakas)


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.