Si Maru, ang Batang Marahuyo

Tularan si Maru na isang marahuyo –isang batang kaakit-akit. sundan sa pahina 11
SPG gumawa ng dishwahing liquid Nakagawa ang grupo ng 70 na maliliit bote ng dishwashing liquid. sundan sa pahina 15


Si Maru, ang Batang Marahuyo
Tularan si Maru na isang marahuyo –isang batang kaakit-akit. sundan sa pahina 11
SPG gumawa ng dishwahing liquid Nakagawa ang grupo ng 70 na maliliit bote ng dishwashing liquid. sundan sa pahina 15
uluyan nang giniba ang makasaysayang Gabaldon Building noong Oktubre 17, 2022 matapos ang ilang dekadang pagkakatayo nito sa Carusipan Elementary School. Matatandaang tumama ang
ISANGLAHI. Masayangipinaparadangmga magaralangkanilangmgakasuotanparasa pagdiriwangngUN2022,Nob.3(BPastor)
magnitude 7 na lindol sa Hilagang Luzon noong Hulyo
Nlalo na at maraming mga bato ang naglalaglagan mula rito,” pahayag ni G. Edwin C. Duque, Ulong-guro.
Ang isang natitirang
Gabaldon Building na ito ay mula pa noong 1935 na siyang nagsilbing silid-aralan ng mga batang nag-aral dito sa mula pa sa mga karatig-barangay.
Ayon kay Simeon Serna,
98, pinakamatandang residente ng Carusipan, Cabugao, Ilocos Sur, marami pang mga gusali sa paaralan ang naitayo noon pero unti-unti itong inanod ng ilog na katabi lang ng paaralan.
Ang Carusipan Elementary School ang isa sa mga kauna-unahan at pinakamatandang paaralang naitayo sa silangang bahagi ng bayan ng Cabugao, Ilocos Sur.
akiisa ang Carusipan Elementary School mula Day Care hanggang Ikaanim na baitang sa pagdiriwang ng United Nations 2022, Nobyembre 3.
Nakamit nina
Herald Jacob R. Flores, Grade III at Mhira Chlea
Louise P. Salamanca, Day Care ang titulong Mr. & Ms. United Nations (UN) 2022.
Nakuha naman nina
John Tristan M. Sabugo at Alexa Louise I. Cabanig ang Mr. & Ms. Peace, samantalang sina Aldrich
Ken R. Pugrad at Cassey Dior M. Padron ang Mr. & Ms. Freedom.
Nagkaroon ng parada ang lahat ng mga mag-aaral suot ang National Costume ng bansang kanilang inirepresenta.
Samantala, nakuha naman nina Mark Dave T. Pastor at Divine Xianne U. Saunil ang Best in Costume.
“Napakagandang panoorin ang mga batang rumarampa suot ang kanilang mga
napakagandang costumes,” wika ni Gng. Rosalie C. Sonido, magulang. Mayroon ding nagpamalas ng talento sa pagsayaw at pag “Kailangang ipaliwanag natin sa mga bata ang kahalagahan ng UN kung saan ituturo natin sa kanila ang pagkakapantay
magkaroon ng kapayapaan bawat isa,” pahayag ni G. Edwin C. Duque, Ulong-
Tuwing Oktubre ginugunita ang Buwan ng UN dito sa bansa at isa ang paaralan sa mga nakikiisa rito.
aaral ng Carusipan Elementary School ang bakunado na kontra COVID-19
Ayon sa datos ng paaralan, umabot na sa 45 mag-aaral ang kompleto na ang bakuna, kasama na ang first booster shot.
Parte ng paghahanda sa pagbubukas muli ng paaralan ang paghihikayat sa mga magulang na kung hangga’t maaari ay pabakunahan ang mga anak para mas ligtas sila sa kanilang pagpasok.
Tiniyak ng Barangay Health Worker ng Carusipan, Cabugao, Ilocos Sur ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa lokal
Isa sa mga dahilan kung bakit
DaisyGraceC.Sonido
MHAng mga kasapi ng ParentTeacher’s Association (PTA) ang nanguna sa aktibidad na ito upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng paaralan.
Bukod sa mga magulang, nakiisa din ang barangay officials ng Barangay Caruipan, NGOs, at iba pang mga nagboluntaryo na naglinis at nagsaayos ng eskwelahan na nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral.
“Ikinagagalak kong gawin ang simpleng bagay na ito sapagkat ito ay para rin sa ikabubuti ng aming mga anak,” turan ni Gng. Grace U. Saunil, pangulo ng PTA.
Dagdag pa ni Saunil na planong gawing buwan-buwan ang paglilinis kung saan ang mga
ula sa taunang programa ng Department of Education (DepEd) na Brigada Eskwela, muli na namang nakiisa ang mga magulang at volunteers ng Carusipan Elementary School sa bayanihan na nagsimula noong Agosto 1-26.
magulang ng bawat baitang ay may kanya-kanyang iskedyul nakatoka.
Sa paabiso ng DepEd, ang tema ng Brigada Eskwela ngayong taon ay, “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral”. “Patuloy kong hinihikayat ang mga stakeholders ng Carusipan na panatilihin ang kalinisan at kaligtasan ng paaralan at patuloy sana nating suportahan ang programa ng ating departamento,” pahayag ni G. John Alfjay V. Garcia, School Brigada Eskwela Coordinator. Layunin ng programa ang pagtutulungan ng mga stakeholders sa pagbibigay ng magandang simula ng pagpasok ng mga mag-aaral sa kabila ng hamon ng pandemya.
andang-handa na ang Carusipan Elementary School sa muling pagbubukas ng klase ngayong taongpanuruan 2022-2023.
Mula sa pagsagot sa mga modyuls sa kanya-kanyang tahanan ay sa wakas mararanasang muli ng mga magaaral ang face-to-face na klase.
Marami ang ginawang paghahanda ng mga guro para sa pagbabalik ng klase kabilang na dito ang pagsasaayos ng mga silid-aralan.
“Kailangan naming sundin at gawin ang lahat ng mga kinakailangan upang masiguro na
ligtas ang mga bata sa kanilang pagbabalik-eskwela,” pahayag ni Gng. Luzviminda P. Soto, guro. Lahat ng mga magulang na ini-enrol ang kanilang anak sa paaralan ay mas pinili ang face-to-face na klase bilang mode of learning ng mga anak.
“Wala pa ring makakapantay sa pagsasagawa ng mga klase sa loob ng klasrum,” pahayag ni Gng. Mylene Pastor, magulang. Samantala, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang planong maibalik na sa full capacity ang face-to-face na klase sa Nobyembre.
Ericka JaneO.Purisima
Magkatuwang na isinakatuparan ng Rotaract Club of Magsingal North Ilocos Sur (RACMNIS) at Carusipan Elementary School teaching staff ang paglulunsad ng “WASH in Schools Project”, Agosto 9. Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang nasabing organisasyon ay bumuo ng partnership sa paaralan upang ipatayo ang isang washing facility na may sampung gripo. Ang proyektong ito ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral para sa ligtas na balik-eskwela.
Ayon kay Rotaract President Ernest Carlo Guiuntab, ang hand washing station na itinayo ay isa
sa mga pokus ng organisasyon na bigyang solusyon ang komunidad na magkaroon ng malinis na tubig. Buong puso namang pinasalamatan ni G. Ferdinand G. Asistin, Teacher in-charge, sa pagbibigay ng donasyon sa paaralan.
“Hinihimok natin ang lahat ng mga magulang at stakeholders na tulungan ang mga guro na ayusin ang paaralan para mas ligtas ang mga mag-aaral sa kanilang muling pagpasok sa paaralan,” pahayag ni Asistin.
Bago pa man dumating ang COVID-19, isa na sa mga programa ng paaralan ang bigyang -diin ang kahalagahan ng kalinisan sa kamay upang maiwasan ang mga iba’t ibang sakit.
“No learners shall be left behind.”
Ito ang patuloy na tinatanggap na hamon para sa mga guro ng paaralan ng Carusipan na patuloy na paigtingin ang programang ‘Bawat Bata Bumabasa’ (3Bs) isang programa ng Department of Education na naglalayong paigtingin pa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa upang masolusyonan ang problema ng ‘learning poverty’ dulot ng pandemya na kung saan halos dalawang taong hindi pumasok ang mga mag-aaral sa paaralan.
Sa isang panayam kay G. Ronel M. Ubaldo, isa sa mga school heads na nagsagawa ng reading validation sa paaralan, kailangan talagang tutukan ang mga mag-aaral lalo na ang mga batang nahihirapan pa ring bumasa.
“Importanteng hindi lamang marunong silang [mag-aaral] bumasa kundi dapat naiintindihan nila ang kanilang binabasa,” pahayag ni Ubaldo.
Sa isinagawang reading assessment ng Schools Division Office ng Ilocos Sur, noong Marso 7, 2023, lumabas na may limang slow readers at tatlong non-readers ang paaralan.
Hinimok din ni G. Randell D. Balasan, School Reading Coordinator ang mga magulang at stakeholders na patuloy na suportahan ang nasabing
programa.
“I am therefore positive that if we all work together, we will be close to achieving the goal of ‘every child a reader’, dagdag pa ni Balasan.
Binigyaang-diin din ni G.
“Nasudi nga Ilocano” .
Ganyan kung paano ilarawan ang mga guro ng Cabugao District sa naganap na Folk Dance Competition noong ika-4 ng Pebrero 2023 sa Quirino Stadium, Bantay, Ilocos Sur. Pinatunayan ng Tarnaw
Gil-ayab Dancers na talaga namang talentado ang mga guro ng Cabugao nang makuha ang ikatlong puwesto. Nakipagsabayan ang mga guro ng Cabugao sa ibang grupo mula sa anim na distrito na lumahok sa paligsahan. Nakuha ng Sinait District
Edwin C. Duque, Ulong-guro ang napakahalagang papel ng mga guro sa pagtiyak ng kalidad na edukasyon para sa mga magaaral
Samantala, sinusuportahan naman ng 3Bs ang mga programa
tulad ng Reading First for Region I, Adopt-a-Struggling Reader Program, CID-WIFI (Wikang Iloko at Filipino Isulong), at Family Reading Nook sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa SDO Ilocos Sur.
ang unang puwesto samantalang itinanghal naman na ikalawang puwesto ang Sta. Lucia District.
Tampok ang mayamang kultura ng mga Ilocano nang sayawin nila ang ‘Binatbatan’ at ‘Nasudi nga Ilocano’.
“Masaya na ako na kahit hindi natin nakuha ang pagiging kampeon ngayong taon, kahit papaano ay may nakuha pa ring puwesto ang Cabugao District,” pahayag ni G. Arnel Sinampaga, guro sa Lipit National High School na siyang nagsilbing
tagapagsanay.
Matatandaang naging kampeon ang Cabugao District noong 2019.
Isa sa mga kasali sa patimpalak ay si G. Randell D. Balasan na guro din ng paaralan.
Tuwang-tuwa at ipinagmalaki din ng LGU Cabugao ang nakuhang karangalan ng mga guro. Ang nasabing patimpalak ay parte ng pagdiriwang ng Kannawidan Festival na ginaganap taon-taon sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Ayon sa report ng COA o Commission on Audit, pasok sa top 10 wealthiest provinces at municipalities sa bansa ang lalawigan ng Ilocos Sur at bayan ng Cabugao sa taong 2021 batay sa assets.
Sa kabuuang asset na P17.399 bilyong piso, pampito sa sampung probinsya ang Ilocos Sur.
Ang lalawigan ng Cebu ang nananatiling una na may kabuuang asset na P215.27 bilyong piso.
Samantala, mula sa kategorya ng mga munisipalidad, nanguna ang
KareeshaLeighR.Purisima
Nakiisa ang mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines ng Carusipan Elementary School sa pagdiriwang ng Scouting Month, Oktubre 20.
Bilang bahagi ng selebrasyon, tulong-tulong na nag-ayos, naglinis, at nagtanim ang mga iskawts sa isang bahagi ng garden area ng paaralan.
Nagsilbing tagasubaybay si G. Randell D. Balasan, Troop Leader sa paggawa at pagpapaganda ng mga iskawts ng
kanilang hardin.
“Mahalagang maging aktibo sila sa iskawting sapagkat sa paraang ito rin nila matututunang maging mabuting tao,” pahayag ni Balasan.
Layunin ng scouting na hasain ang moralidad at upang ihanda silang maging responsable sa bahay at sa komunidad.
Inihayag ni Mark Gerald Santella, isang Boy Scout ang kanyang kasiyahan na pamunuan ang grupo sa pagtatanim.
Nahalal bilang bagong Supreme Pupil Government (SPG) President si Mark Dave T. Pastor, ika-anim na baitang sa naganap na SPG Election, Setyembre 2.
Sa pagpapatuloy ng programa ng paaralan na paigtingin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagiging lider, naisagawa nang maayos ang eleksyon.
Ang mga sumusunod ang bagong opisyales ng SPG para sa taong-panuruan 2022-2023: Mark Dave T. Pastor, President; Divine Grace U. Saunil, Vice President; Ellynah Celine T. Agleam, Secretary; Mark Gerald S. Santella, Treasurer; Kareesha Leigh R. Purisima, Auditor; Daisy Grace C. Sonido, PIO; Jessalyn Joyce Carla S. Tajardon, Ericka Jane O. Purisima, John Rey S. Pacleb, Protocol Officers.
“Ito na ang bagong simula ng SPG. Pagkatapos ng halos tatlong taong hindi naging aktibo ang SPG sa paaralan, sa wakas ay mahahasa na nating mabuti ang kakayahan ng ating mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng SPG,” pahayag ni G. Randell D. Balasan, tagapayo ng SPG.
Layunin ng SPG na hubugin ang kakayahan ng bawat mag-aaral upang maging produktibong mamamayan ng bansa at magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap.
Bukod sa mga bag, nakatanggap din ang paaralan ng pinansyal na tulong mula kay Duque.
“Isa sa mga paraan upang maibahagi ko rin ang aking mga biyayang natatanggap ay sa pamamagitan ng pagbibigay tulong at suporta sa mga paaralan, lalong-lalo na ang mga bata. Gusto ko silang bigyan ng inspirasyon na sa pamamagitan ng mga bag na aking naipamahagi, nagkakaroon tayo ng pag-asa na balang araw, makakamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay,”
pahayag niya.
Isa si Juvelyn Sabugo, magulang, ang natulungan nito lalo na at apat ang kanyang anak na nag-aaral sa paaralan at kailangan niyang ibilhan ng mga gamit sa eskwela ang mga ito.
“Malaking tulong ito lalong lalo na sa pamilya ko kasi hindi naman sapat ang kinikita ng aking asawa sa mula sa pagtatanim,” pahayag niya.
Sa pamamagitan ng mga taong may mga pusong tumulong, maraming mga bata pa ang matutulungan sa darating na panahon.
Bumisita sa Carusipan Elementary School noong Marso 7, 2022 ang University of Northern Philippines Extension Office (UNP-EO) upang tingnan at kumustahin ang sitwasyon ng paaralan.
Kasama sa mga bumisita sina Dr. Christopher F. Bueno, UNPEO Director, Dr. Lloyd Mata, at G. Venerand dela Cruz.
“Bumisita kami upang pag-aralan ang posibleng kolaboratibong proyekto ng UNP Extension Office dito sa paaralan,”
Nsabi ni Dr. Bueno.
Dagdag pa niya na maraming programa ang unibersidad ang pwedeng ipamahagi sa paaralan.
Nagpasalamat naman si G. Ferdinand G. Asistin, Teacher-In -Charge sa inisyatibo ng unibersidad na tulungan ang paaralan at mga guro sa pamamagitan ng kanilang extension programs
Ang Extension Office ay isang programa ng UNP na magbigay ng dekalidad na serbisyo sa nangangailangan.
CESians nabiyayaan
akibahagi ang Carusipan Elementary School sa pagsasagawa ng 2023 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill noong Marso 9, 2023.
Pinangunahan ni G. John Alfjay V. Garcia, School Disaster Risk Reduction and Management Coordinator ang aktibidad na ito.
Sa pagsagawa ng drill, tinalakay ni Garcia ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol. Pagkatapos ng maikling pagtatalakay ay isinagawa na ang naturang drill.
“Sa pagnanais na magkaroon ng kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral sa mga hindi inaasahang sakuna katulad ng lindol, kailangang isagawa ang mga aktibidad na ito,” pahayag ni Garcia.
Lubos ang kasiyahan ng mga mag-aaral ng Carusipan Elementary School na matapos mabiyayaan ng libreng school supplies mula sa Rotaract Club of Magsingal North Ilocos Sur sa ilalim ng ‘Project ARAL sa Bahay’ noong Hulyo 25, 2022.
Ang pamamahagi ng mga school supplies sa mahigit 50 na mag-aaral ay bahagi ng proyekto ng Rotaract Club na suportahan ang edukasyon sa panahon ng pandemya.
Naroon din ang lahat ng mga guro upang gabayan ang mga mag-aaral sa tamang proseso ng drill.
“Hindi na bago sa atin ang pangyayaring ito lalo na noong tumama sa atin ang magnitude 7.0 na lindol. Napakaimportante na handa tayo sa mga ganitong pangyayari,” pahayag naman ni G. Randell D. Balasan, guro.
Bilang pagpupugay sa mga guro sa mahalagang kontribusyon ng mga ito sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon, ginunita ang World Teachers’ Day Celebration ang mga guro sa Cabugao District, Oktubre 5, 2022.
Sa pangunguna ng LGU Cabugao, bahagi ng selebrasyon ang paghahandog ng parangal sa mga natatanging mga guro sa Cabugao, presentasyon ng mga talento, at mga papremyong raffle tulad ng bisikleta, telebisyon, desk fans, at rice cooker.
“We are beyond thankful for your efforts and sacrifices to provide our students quality education,” pahayag ni Mayor Josh Edward S. Cobangbang.
Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino”.
Ipinagdidiriwang ng Pilipinas ang National Teachers’ Month sa bisa ng Proclamation No. 242, sisimulan ng Setyembre 5 at magtatapos sa World Teachers’ Day sa Oktubre 5.
Kasama sa mga natanggap na mga gamit ay mga libro, reading charts, papel, lapis, bolpen, alcohol, facemasks, at toothbrush.
“Sa taong ito, dito sa Carusipan Elementary School namin unang inilunsad ang proyektong ito upang tulungan din ang paaralan, mga magulang, at lalong-lalo na ang mga mag-aaral. Hangarin ng grupo na itanim sa mga bata ang kahalagahan ng edukasyon kahit nasa kalagitnaan pa tayo ng pandemya,” pahayag ni G. Vhaliant Angelo Baptista, Presidente ng Rotaract Club.
Ayon pa kay Baptista, karaniwang isinasagawa ang pamamahagi ng mga kagamitan ng mga mag-aaral sa buwan ng Setyembre bilang selebrasyon ng “Basic Education and Literacy Month” ng organisasyon.
“Nagpapasalamat ako sa Rotaract Club na pinili nila ang ating paaralan upang dito ipamahagi ang mga kagamitang ito. Marami sa ating mga mag-aaral ang walang sapat na kagamitan para sa kanilang pagbabalik-eskwela,” pahayag ni G. Randell D. Balasan, guro, miyembro at naging presidente din ng Rotaract.
Sa panahong may kinakaharap na krisis sa kalusugan, hindi maikakaila na bumaba ang kalidad ng edukasyon. Naobserbahan na ang mga mag-aaral ay bumaba rin ang kanilang antas ng pagbabasa.
Sabi nga natin na it s more fun in the Philippines. Ang mga Pilipino ay natatangi sa lahat ng mga tao sa mundo. Tayo ay kakaiba. Nakikita pa rin natin ang mga ngiti sa labi kahit na lubog na tayo sa baha. Tumatawa pa rin tayo kahit na tayo ay nahihirapan na mula sa mga pagsubok na dumadaan sa buhay natin. Ito ang positibong pag-uugali natin. Ito ang ugali nating wala sa ibang lahi.
Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang Abra noong Hulyo 27 at naapektuhan ang ibang mga lugar tulad ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, Benguet, at Pangasinan. Nitong Oktubre 25 lang, muli na namang niyanig ng magnitude 6.4 na lindol na nagsentro sa Abra. Ang trahedyang ito ay nag-iwan ng sugat sa marami nating mga kababayan sa Hilagang Luzon, lalo na ang Abra. Ang mga simbahan, bahay, gusali, paaralan, at iba pang imprastraktura ay nasira at hindi na mapapakinabangan pa.
Hindi nakaligtas ang Vigan Cathedral at Bantay Belltower mula sa trahedyang ito na naitayo pa daang taon na ang nakararaan. Sa isang iglap lamang ay tuluyan na itong nasira. Lalo na ang
Ang mga materyal na bagay ay naibabalik, pero ang buhay na nawala ay hindi na.
ELLYNAH CELINE T. AGLEAM
Punong Patnugot
JOHN REY S. PACLEB
Katulong na Patnugot
Bantay Belltower na dito nasaksihan ang mayamang kultura ng Ilocos.
Gayunpaman, may mga bagay talaga sa buhay na hindi natin kayang kontrolin. Ang pinakamagandang gawin natin ay ihanda ang sarili sa lahat ng oras. Hindi natin alam kung anong mangyayari kinabukasan o sa mga susunod na oras.
Magtiwala sa sarili. Sa oras ng pagsubok, kailangang maging kalmado tayo. Tulungan ang isa’t isa. Sa huli, mas maganda pa rin ang nagtutulungan sa oras ng kagipitan. Ang mga materyal na bagay ay naibabalik, pero ang buhay na nawala ay hindi na. Maging positibo tayo at magpakatatag.
Maikli lamang ang buhay kaya gawin itong makabuluhan. Gumawa ng mabuti sa kapwa. Ang nangyari sa Hilagang Luzon ay isang pagsubok na sumasalamin na tayo ay banat na sa mga ganitong pangyayari. Kunin natin itong pagkakataong ito na pahalagahan ang buhay at oras habang tayo ay nabubuhay sa mundo. Tulad ng ilang parte ng simbahan at belltower ay babagsak ito nang walang babala. Minsan, ang mga bagay nating pinakaiingatan ay mawawala sa isang pangyayaring hindi natin inaasahan.
Sa ngayon, makiisa tayo sa pagsulong sa kagandahan ng ating bansa. Hanga ako sa mga positibong pag-uugali ng mga Pilipino. Bakit ito nangyayari? Ang sagot ay only in the Philippines. #
DAISY GRACE C. SONIDO, DIVINE XIANNE U. SAUNIL
KAREESHA LEIGH R. PURISIMA, ERICKA JANE O. PURISIMA
Mga Tagapamalita
MARK DAVE T. PASTOR, JASMINE S. BALTAZAR
Mga Patnugot sa Isports
BRIANA LOUISE PASTOR Retratista
GERALD S. SANTELLA Dibuhista
RANDELL D. BALASAN Tagapayo
EDWIN C. DUQUE Ulong-guro
May isang teorya. Kung sana lahat ng mga kabataan ay disiplinado, baka wala na tayong makikitang basurang nagkalat sa kung saan-saan. Isa lamang itong pagninilay mula sa munting karanasan.
Nakakalungkot lang kapag may mga batang sinasabihan ng “Parang wala kang pinag-aralan sa eskwelahan.” Sadyang napakasakit isipin na nagiging iba na ang kaugalian ng mga batang Pilipino. Mahirap tanggapin na ito ang nakikita sa mga batang nasa kasalukuyang henerasyon.
Kapag may mga kalat tayong nadadaanan, hindi man lang natin magawang pulutan man lang at ilagay sa tamang lalagyan. Kapag tayo ay gumagamit ng palikuran, hindi man lang natin magawang buhusan ng tubig ang inidoro. Kaunting respeto naman sana sa susunod na gagamit. Paano naman iyong mga maiingay habang oras ng pagbabasa o pagrerebyu? Nakaka-istorbo din kasi minsan.
Tulad minsan, tayo ay nagrereklamo sa mga bagay na nangyayari sa paligid natin dahil sa hindi tayo komportable at masama ang loob natin kapag nakakakita tayo ng mga batang gumagawa ng mga bagay na hindi na katanggap-tanggap sa murang edad, lalo na ang mga nasa may mataas na antas. Hindi mawari kung bakit may mga batang pasaway pa rin, na sa tingin natin ay alam naman na natin kung ano ang dapat gawin. Palagi naman tayong pinapangaralan ng ating mga guro tungkol sa mga tamang pag-uugali.
Sa ating paaralan at sa kagawaran, tayo ay palaging pinaaalalahanan tungkol sa pagiging Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa. Kahit nga bawat mag-aaral ay may sariling responsibilidad na kailangang gampanin. Pero ano ang nangyayari? Tulad na lamang ng pagtatapon sa kung saan-saan. Napakasimpleng gawain, pero bakit hindi natin magawa? Isa pa ay iyong sa palikuran na nabanggit kanina. Bilang mag-aaral, hindi sana natin binabalewala ang mga responsibilidad na ito. Tingnan mo, nakakapanlinlang kapag hindi natin pinapansin ang mga isyung ito. Hindi na etikal ito. Oo, walang perpektong tao. Lahat ay nagkakamali. Pero bilang mga mag-aaral na itinuturing na pangalawang tahanan ang paaralan, maging inspirasyon sana tayo sa mga katulad nating bata. Hindi lamang tayo pumapasok sa paaralan dala-dala ang kagandahang pisikal kundi pati rin sana ang loob.
nating haharapin. Takot sa puso'y alisin sapagkat lahat ng ito'y lilipas din at walang pagsubok na 'di kakayanin.”
Magtatatlong-taon na mula noong umatake ang COVID-19 sa bansa, pati na rin sa buong mundo. Hanggang ngayon ay dala-dala pa rin natin ang pandemyang ito. Marami na ang nagbago sa nakalipas na tatlong taon. Marami ang sinubok ng katatagan at pag-asa, lalo na ang mga Pilipino. Bakit nga ba hindi tayo nakakalaya? Kailan kaya matatapos ito? O hindi na ito matatapos? Ito na talaga ang tinatawag nating ‘new normal’.
Buwan ng Marso, taong 2020 noong ideklarang pandemya na ang COVID-19. Nagulantang ang sambayanan sa balitang ito. Sa simula, takot na takot ang mga tao na baka sila’y mahawaan.
issue ang karamihan sa atin, na baka tayo ang susunod na mahahawaan. Wala namang pinipiling edad o kasarian ang sakit na ito.
Gayunpaman, pinipilit pa rin nating magkaroon ng positibong pananaw sa buhay na balang araw ay makakalaya rin tayo mula sa pandemya. Hindi lamang pandemya ang nalampasan natin. Nandiyan ang mga bagyo, lindol, at mga sakunang hindi natin inaasahang mangyari. Tayo ay matatag na sa anumang hamon sa buhay.
Itinanim ko na sa isip ko na bahagi na ng new normal ang pagdating nga mga iba’t ibang klase ng sakit. Nagbabago ang mundo. Nagbabago ang oras at panahon. Nagkaroon ng matinding pangangailangan ang medikal na aspeto. Nagdulot din
Barangay eleksyon na naman ba? Tuloy nga ba o ano?
Napakaimportante ang barangay eleksyon. Ika nga, ang barangay ang pinakamaliit na pamahalaang lokal na yunit sa bansa. Kaya, kapag may mga alalahanin tayo, sa barangay muna tayo pupunta at magpapatulong.
Hindi ako naniniwalang hanggang basketball court na lang at pa-liga ang naibibigay na serbisyo ng SK.
Ang mga opisyales ng barangay ang nasa ‘frontline’ parte sila ng pagpapalaganap ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Bukod doon, sila din ay nagpaplano para matugunan ang pangangailangan ng bawat miyembro ng komunidad na kanilang nasasakupan mula sa pagbabadyet at pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng barangay.
Malaki ang gampanin ng
ito ang malaking agwat sa larangan ng edukasyon. Napakalaki din ang naging epekto ng ekonomiya. Lalong naghirap ang mga mahihirap. Panahon ma’y nagdidilim, liwanag ay sisikat din. Sa kabila ng mga nagdaang pagsubok, hindi tayo sumusuko at patuloy lang ang laban sa buhay. Hindi man natin maaninag ang dating kulay ng mundo na masigla,
Ang mga materyal na bagay ay naibabalik, pero ang buhay na nawala ay hindi na.
masagana, at puno ng galak, ito’y babalik din. Naniniwala ako na balang araw, makikita rin natin ang ilaw ng pag-asa – pag-asang mawawala ang lahat ng ito. Sabi nga sa isang kasabihang, “There’s a rainbow after the rain.” Na habang umiikot pa ang mundo, magkakaroon pa rin ng umaga ang gabi.
May pag-asa pa na kahit may ilang pandemya pa ang dadaan sa atin, makakaahon tayo ulit. Takot sa puso'y alisin sapagkat lahat ng ito'y lilipas din at walang pagsubok na 'di kakayanin. Hawak-kamay tayong kumilos upang tugunan ang krisis. Iniaalay ko ang piyesang ito sa mga taong matapang na hinarap ang mga pagsubok sa
Sangguniang Barangay sa pagsasagawa ng mga planong pagpapaunlad sapagkat ang barangay ang katulong ng munisipyo, lalo na ang mayor ng bayan.
Sa pagsasagawa ng mga plano ng barangay nakasalalay ang tagumpay ng Sangguniang Kabataan (SK). Ang mga nahalal na opisyales ng Sangguniang Kabataan ay dapat mayroon siyang sapat na katangian at kakayahan upang makamit ang papel at responsibilidad nila sa komunidad. Malaya at may karapatan ang mga tao na pumili ang sa tingin nila’y pinakamahusay at karapat-dapat na maging SK Chairman at SK Kagawads. Katulong dito ang opisyales ng barangay na nagsisilbing gabay nila upang maisagawa nang wasto ang mga proyekto ng SK.
Sa bisa ng Republic Act 11935, na-iskedyul ang barangay at SK eleksyon sa Oktubre 2023 na dapat sana ay gaganapin ngayong Disyembre 2022. Sa tingin ko, ang mga botante at mga kandidato ay dapat ding
isaalang-alang ang maliit lamang na gastos sa kampanya. Maliit lamang ang sakop barangay. Sa totoo lang, nagtatrabaho ba talaga ang mga Opisyales ng SK? Hanggang pa-liga na lang ba sila? Sa aking obserbasyon, walang masyadong konkretong proyekto ang SK kaya hindi ko mawari kung sila ay kumikilos ba o hindi. Paano naging importante ang SK kung ang mga nahalal ay hindi nakikitaan ng kalidad ng isang lider? Sabi naman sa Local Government Code, responsibilidad ng SK ang maglunsad ng mga programang mag-aangat sa sosyal, political, spiritwal, moral, pisikal, at kultural na na pag-unlad ng mga kabataan sa barangay. Pero umaasa ako ng pagbabago. Umaasa ako ng bagong henerasyon, ng bagong pag-asa. Matalino naman sa tingin ko ang mga botante na pumili ang karapat-dapat at ayaw na sana nating maulit pa ang mga nangyari sa nakaraan. Hindi ako naniniwalang hanggang basketball court na lang at pa-liga ang naibibigay na serbisyo ng
SK. Hindi ito ang sa tingin ko’y nararapat sa mga kabataang Pilipino. Pag-isipang mabuti.
Ang SK sana ang tumutulong na iahon ang mga kapwa kabataan sa komunidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Magkaroon nawa sila ng mga proyektong makabuluhan at pangmatagalan upang mapaunlad ang partisipasyon ng bawat kabataan na isulong ang pagiging makabayan. Palakasin pa natin ang pagtutulungan at boluntirismo upang mapaunlad ang kasalukuyang estado ng mga kabataan. Ako’y naniniwala pa rin na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ang kahalagahan ng bawat eleksyon ay ito ang importanteng oras at panahon ng bawat mamamayan sa bansa. Kaya para sa mga nahalal na mga opisyales mapa-barangay man yan o SK, kumilos tayo at gawin ang nararapat. Bilang isang malayang bansa, tayong mga mamamayan ang mas makapangyarihan. Mayroon tayong boses, lalo na ang mga kabataan. #
Ika nga nila na ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Ito ay isang sagradong lugar na kung saan dito umiigib ng karunungan ang mga batang musmos. Dito natututuhan ang iba’t ibang kaalaman at kasanayan. Pero napapansin ko lamang na maraming mga bagay sa loob ng paaralan na hindi dapat ipinapasok dito. Mahiya ka naman!
Ang sa akin lang, hindi bukid ang paaralan na dito niyo ipinapastol ang mga alagang kalabaw at baka. Kapag walang pasok ang mga bata o weekend, ginagawang bahay pastulan ang paaralan. Mali iyon, kaibigan. Nasisira ang mga halamang itinatanim dito. Mahirap ang magpaganda ng paaralan kaya sana ay makisama kayo. Sana malaman ninyo ang salitang respeto. Sino’ng sisisihin? Isa pang nakakahiyang gawain
ng mga tao sa paligid ng paaralan ay ang pagpapatakbo ng sasakyan nang napakabilis at napakaingay. Nakaka-istorbo din ng klase kapag maingay ang paligid. Nahihirapang makapag-pokus ang mga mag-aaral dahil ang mga maiingay na sasakyan na lamang ang naririnig.
Nakaka-alarma lamang na kung minsan habang itinataas ang watawat ng Pilipinas at habang inaawit ang Lupang Hinirang, hindi pa rin tumitigil sa pagpapatakbo ang mga nagmamaneho ng mga sasakyan. Isang simpleng bagay, hindi ninyo alam? Nasa batas iyon. Huwag niyong sabihing wala kayong kamalay-malay sa batas na ito. Ano ba iyan?
Ang paaralan ay isang sagradong lugar kung saan dito umiigib ng karunungan ang mga batang musmos.
Oras ng klase, may mga nagkakantahan sa kapitbahay. Hindi naman sa bawal ang magkaroon ng kasiyahan pero siyempre, isaalang-alang din sana na oras ng klase iyon. Malapit pa naman sa paaralan, buti sana kung hindi. Buti rin sana kung napakaganda ang boses, hindi naman kaaya-ayang pakinggan.
Naku naman!
Nandiyan din ang mga taong lakad nang lakad sa loob ng paaralan. May daanan naman sa
Halos lahat na yata ng kabataan ngayon ay hindi na mapigilang buksan ang camera ng kanilang mga cellphone saan man magpunta. Sino’ng hindi pamilyar sa pagseselfie at pagbibidyu?
Madami na ang nagbago mula sa simpleng pagseselfie lamang. Nasa kasagsagan ng pandemya nang naging tanyag ang TikTok. Ito ay isang app na puro bidyu ang makikita rito. Dahil walang magawa ang mga taong hindi makalabas ng bahay, inaaliw na lamang ang mga sarili sa pamamagitan ng pagbi-bidyu sa sarili o sa ibang tao at ini-a-upload ito sa TikTok Malaki ang impluwensiya ng TikTok sa panahong ito. Inaakit nito ang mga manonood at sa kalaunan ay nagiging ‘viral’ ito
kapag madami itong views. Puwede na ding kumita ng pera dito sa pamamagitan ng pagla-liveselling katulad ng sa Facebook at iba pang social networking site. Itong katangian ng app na ito ang umaakit sa mga tao sapagkat madaming puwedeng magawa rito.
Ang pagbabahagi ng mga bidyu sa Tiktok ay nakatutulong kung gagamitin ito nang tama. Madami ding mga hindi kanais-nais na napapanood dito at ito ay isa ring problema na dapat pagtuunan ng pansin. Magaling humatak ng ang Tiktok. Bigyang pansin ang tamang pagkontrol na makatutulong sa paghahanap ng tunay na kasiyahan. Sabi nga, ‘think before you click’. Maging mapanuri sa online. #
sa loob ng paaralan upang magpataya ng jueteng sa mga magulang na nagbabantay. Nakikita naman ng mga kapwa ko mag-aaral. Magandang modelo bang matatawag iyon? Sobra na! Ito ay ilan lamang sa aking mga napapnsin bilang mag-aaral. Hindi ito simpleng problema lamang. Nakakahiya sa lipunan. Ako rin ay nahihiya bilang mag-aaral. Kailangan na nating makialam. Hindi na ito magagawa sa simpleng usapan lang. Aksiyon
Ibalik ang pagtuturo ng GMRC sa mga mag aaral?
Ang isang taong nangongopya sa paaralan ay hindi makatarungan sa mga mag-aaral. Ang pangongopya ay hindinghindi at kailanman hindi magandang ugali sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos.
Ito ay isang parang laro na hindi sinusunod ang mga panuntunan nito, Alam naman natin na masama ito sapagkat hindi nito binibigyan ng halaga ang pamumuhay. Hindi ito isang magandang halimbawa sa kapwa. Kapag ikaw ay nangongopya, hindi lamang dinadaya mo ang iyong guro at kaklase, kundi dinadaya mo na rin ang iyong sarili.
Bakit ka nga ba nangongopya? Bakit hindi mo maiwasang gawin
ito? Walang itwala sa sarili o kaya’y dahil sa katamaran siguro ang ilan sa mga dahilan. Ang ibang tao ay walang matinding paniniwala nila sa kanilang sarili. Ayaw nilang mag-aral, magtrabaho nang maayos, o magsakripisyo. Gusto nila ng madalian o instant
Sa henerasyong ito, mapamaraan na ang mga kabataan na nagiging sanhi ng hindi nila paggamit nang tama ang kakayahan nilang ito. Halimbawa, kapag may pagsusulit, alam kong lahat ay abala. Nakakamangha lamang na ang iba ay abala sa pagbabasa ng kanilang mga leksyon, nakalulungkot na marami ring abala sa paggawa ng kanilang kodigo
kodigo? Hindi ka uunlad. Pumapasok ka sa paaralan upang matuto ng mabubuting asal, hindi magkalat ng mga maling gawain.
Kung ngayon na ang pangongopya ay iyong sandalan at inaasahan, paano ang iyong kinabukasan? Baka matukso ka pang magnakaw o sumali sa mga grupo na mali ang ginagawa. Ito na ang oras upang wakasan ang pangongopya. Huwag gawing ugali ang maling gawaing ito.
Palaging mayroong pangalawang pagkakataon. Laging iisipin na kahit walang nakakakita sa iyo, na walang nakapapansin sa iyo, pinapanood ka ng Diyos. Tinitingnan ng
kailanman hindi magandang ugali sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos.
Diyos ang mga kilos mo. Alam niya lahat.
Alam ko na ang mga taong nangongopya ay mayroon pa ring konsensiya. Itigil ang pangongopya para sa mas magandang kinabukasan. Itigil ang pangongopya para ikaw ay isang magandang modelo at kapaki-pakinabang na mamamayang Pilipino. #
Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng kakaibang katangian, at ito ay ang hindi pagpasok sa tamang oras na tinatawag din nila itong “Filipino time”. Sa kasamaang palad, naging kultura na ito ng mga Pilipino.
Ang isang mabuting mag-aaral ng Carusipan ay maagang pumapasok at masunurin sa lahat ng oras.
Bilang isang batang makabansa, lahat dapat ay sumusunod sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan. Ang isang mabuting mag-aaral ng Carusipan ay maagang pumapasok at masunurin sa lahat ng oras.
Sa aking naoobserbahan, may mga mag-aaral at guro na huling pumapasok sa paaralan. Paano natin mapapangalagaan ang mataas na pamantayan kung hindi natin kayang idisiplina ang ating mga sarili?
Naoobserbahan ko rin na sa Flag Ceremony, marami ring hindi pa nakakaalam sa Pambansang Awit. Nararapat lamang na kantahin natin nang mabuti at may respeto ang
Pambansang Awit. Ito ay isang simpleng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. May mga iba rin na hang itinataas ang bandila, hindi pa rin alam ng mga tao sa labas ang tumigil kahit saglit man lang.
Iyong ibang mga mag-aaral, sa halip na pumasok at dumeretso sa paaralan ay nagpupupunta sa kung saan-saan. Marami akong kakilalang nakatira malapit lamang sa paaralan at sila pa ang madalas na nahuhuli sa pagpasok.
Bilang isang mag-aaral, dapat alamin natin ang ating responsibilidad sa pagpasok nang maaga. Siguro ibalik ang parusa sa mga nahuhuling pumapasok. #
Sa mga usaping bataas, ang pinakamalaking balakid sa progreso ay ang ignoransya at kawalan ng pakialam sa nangyayari sa lipunan.
Isa ako sa sumasang-ayon sa pagpapatupad ng SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity and Expression) Bill dahil layunin naman nitong mabigyan ng oportunidad at pantay na pagtingin mula sa lahat ng kasarian.
Ang panukalang ito ay ginawa upang mabawasan ang diskrimnasyon sa mga ikatlong kasarian na hanggang nayon ay hindi pa rin naisasabatas.
Ang pagkakapantay ay hindi lamang tungkol sa estado ng pamumuhay, kundi angkop din ito sa kasarian ng tao, anuman ang kanyang sekswal na oryentasyon.
Ang punto ko rito ay sana mabigyan ng pagkakataon na maprotektahan ang lahat ng kasarian. #
Babae ka, hindi basta babae lang.
Hindi siya si Darna. Hindi rin siya ang Diyosa. Siya ay isang talang nagniningning sa kalangitan. Hindi rin siya si Wonderwoman. Isa siyang superstar. Wala siyang superpowers ngunit walang kadudadudang siya ay isang ‘Supermom’.
Malakas, matapang, masipag, at maalaga ganito ilarawan ng kapwa niya nanay si Juvylyn Sabugo-Tajardon ng Carusipan, Cabugao, Ilocos Sur. Siya ay ina at mayroong apat na anak na lahat nag-aaral sa Carusipan Elementary School. Habang nag-aaral ang kanyang mga anak, si Juvylyn ay nag-aaral din sa Alternative Learning System (ALS).
Ang ALS ay isang programa para sa mga hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Ginawa ito upang maging isang alternatibong paraan para matuto ng mga kaalaman at kasanayang makatutulong sa pagpapaunlad ng kalidad ng pamumuhay. Kaya naman kinuha ni Juvylyn ang oportunidad na ito.
“Dahil sa hirap ng buhay, hindi ko naabot ang pangarap kong maging isang nars. Sinusubukan kong tapusin ang pag-aaral ko sa ALS upang kahit papaano, makahanap ako ng mas magandang trabaho,” ani ni Tajardon.
Siya ay isang malakas na babae na parang wala siyang iniindang sakit. Ang pagiging ina ni Juvylyn ay isang malaking responsibiliad habang sila ay nabubuhay. Bukod tangi ang kanyang aruga at sakripisyo para sa kanyang apat na anak. Si Juvylyn ay babaeng may busilak na puso at walang kondisyon kung magmahal hindi lamang sa kanyang mga anak, kundi pati sa kanyang asawa.
Sa likod ng masayang mukha ni Juvylyn ay marami ring masasalimuot na karanasan sa kanyang paglalakbay. Mahirap mang paniwalaan pero mahirap pa sa mahirap ang kanilang buhay.
Wala ring supplyng kuryente ang kanilang tirahan sapagkat malayo ito at mahirap abutin. Ang bahay nila ang pinakamalayo sa kanilang barangay.
“Araw-araw kaming naglalakad ng mga anak ko papasok ng paaralan. Halos isang oras din ang ginugugol namin upang makababa. Kapag malakas ang ulan, kinakailangan naming umuwi nang maaga kasi lalakas ang tubig sa ilog na aming tatawirin,” paglalahad niya.
Si Juvylyn, wala mang angkop na trabaho na katulad ng mga propesyunal ay marami siyang ginagawang paraan upang makatulong sa kanyang asawa. Sa umaga, pagkatapos ng kanyang klase sa ALS, may itinitinda siyang samot-saring pagkain. Sa hapon, naghahanap ng labada at nag-aaruga ng anak. Walang katapusang pagbabanat ng buto ang ginagawa makaraos lamang sa pang arawaraw na kakailanganin sa loob ng pamilya.
Sa kasalukuyan, isang patunay si Juvylyn na taglay din ng mga kababaihan ang lakas ng mga kalalakihan. Ang kakayahan ng bawat tao ay pantay-pantay lamang.
Sadyang laging aabante ang mga babae. Tuwing Marso ay Buwan ng Kababaihan. Isang paalala ang kuwento ni Juvylyn na may pangalan din ang mga kababaihan sa lipunan.
“Naniniwala ako sa kakayahan ng kapwa ko kababaihan at nanay na araw-araw lumalaban sa mga pagsubok sa buhay,” pahayag niya.
Ito si Juvylyn at ang kanyang kuwento. Babae siya, hindi basta babae lang.
XianneU.Saunil
Sa paglaganap ng pandemyang
COVID-19, hindi maikakaila na labis na naapektuhan ang edukasyon ng mga bata. Isa si Maru ang nasubukan ang katatagan. Sa kabila ng hirap sa buhay at banta ng sakit, patuloy niyang ipinamalas ang kabutihang loob sa pamamagitan ng mabuting pag-uugali at magandang gawain.
SI MARU AY MAKA-DIYOS.
Lahat ay galing sa Diyos at mula sa Diyos. Si Maru ay isang madasaling bata. Siya ay madalas humarap sa Diyos. Lahat ng gagawin niya ay para sa Diyos.
Mula sa pagbangon sa umaga hanggang pagtulog ay hindi niya nakakalimutang magdasal. Palaging siya ang nangunguna sa pagdarasal bago kumain. Ito ay bilang pagpapakita ng pagiging mapagpasalamat. Magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap sa araw-araw. Manalangin at unawain ang kalooban ng Diyos.
Ang batang si Maru ay may kaibuturan ng puso. Modelo siya ng isang batang may mabuting pag-uugali sapagkat iginagalang niya ang paniniwala ng iba.
SI MARU AY MAKATAO.
Marami ang natutuwa sa kanya dahil sa kanyang angking kabaitan at ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan. Sa loob ng sampung taong nabubuhay siya sa mundo, nakasanayan na niyang mabuhay nang may pagtulong. Palagi niyang tinutulungan ang isang kapitbahay niyang hindi na makalakad dahil sa sakit.
Hindi na bago kay Maru ang paggawa ng mabuti. Sa paaralan, tinutulungan din niya ang kapwa niya mag-aaral na magbasa kapag may bakanteng oras. Madaming mga bata rin ang nagpapaturo sa kanya sapagkat siya ay magaling din at madaling nakakatuto sa mga aralin. Isa rin sa mga katangiang tglay ni Maru ay ang pagiging marespeto sa mga guro. Sinusunod niya ang iniuutos ng kanyang guro.
Lahat ng ginagawa ng tao ay may layunin. Kasama sa mabubuting gawa ang pagsunod sa kagandahang-asal, mga tuntunin ng pagiging sa lipunan, at paggalang sa ibang mga indibidwal.
Hindi rin papahuli sa Maru sa pagiging aktibo pagdating sa pangangalaga sa paligid. Isa siyang huwaran ng pagiging malinis, matipid, at madiskarte. Isa siya sa mga nangunang tumulong sa paglilinis noong Brigada Eskwela. Kaya naman binigyan ng paaralan si Maru ng sertipiko ng pagkilala bilang isa sa mga aktibong nakilahok sa programa ng paaralan. Sa araw-araw na pagpasok niya sa paaralan, hindi niya nakakaligtaang maglinis at magdilig ng mga halaman. Si Maru ang presidente ng YES-O ng paaralan. Palagi niyang pinaaalalahanan ang kanyang kapwa mag-aaral na magtipid sa paggamit ng kuryente. Pinangunahan niya ang pagpapalaganap ng ‘no to single-use plastic’ policy sa paaralan.
SI MARU AY MAKABANSA. Ang paboritong parte ng flag ceremony ni Maru ay ang pag-awit ng Pambansang Awit. Kaya niya bigkasin ang Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas sa harap ng kanyang kamag-aral.
Mahilig makilahok si Maru sa mga programa ng paaralan tulad ng Buwan ng Wika at United Nations. Lagi niyang isinusulong ang paggamit ng wikang Filipino. Sa oras ng paglalaro, may gusto ni Maru na maglaro ng mga laro ng lahi tulad ng tumbang preso at patintero. Sa panahong mabilis magbago dahil sa paglago ng teknolohiya, unti-unti ng nawawala ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Kaisa si Maru sa pagsulong ng pagiging makabayan at pagtangkilik sa sariling atin.
Kaya bilang mag-aaral ng Carusipan Elementary School, kailangang isabuhay natin ang pagiging isang mabuting halimbawa sa kapwa. Maging isang tunay na huwaran na may kakayahang makapag-impluwensiya sa kapwa mag-aaral. Tulad ni Maru, hangad ng paaralan na maging matagumpay ang hangarin ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng mabuting pagtuturo at pagiging isang anak ng tunay na Pilipino. Tularan si Maru na isang marahuyo –isang batang kaakit-akit.
“
Kahit gaano ka pa kasama sa mata ng maraming tao, may isa pa ring tao ang tanggap ka at mamahalin ka.”
Nang mapanood ko ang pelikulang “Doll House” sa Netflix, hindi ko alam kung anong naramdaman ko. Hindi ko mawari kung malungkot ba o masaya ang palabas. Magkahalong emosyon. Napakaganda.
Ang pelikula ay napakasimple ang pagkakagawa pero makatotohanan at nangyayari talaga ito sa totoong buhay. Ang lalim ng hugot at napaka-natural ang pag-arte ng mga gumanap sa palabas. Isa itong kuwento ng isang adik na ama na gustong bumawi sa kanyang anak.
Nag-umpisa ang kuwento sa pagdating ng isang dalaga (Yumi) sa isang nursing home para sa matatanda para bisitahin ang kanyang ama.
niya. Buntis si Sheena nang iwan niya ito dahil mas pinili niya ang pagbabanda.
Namatay si Sheena at naiwan kina Bok at Rachelle ang kanyang anak (Yumi). Mula sa araw na iyon, hindi na muli nagparamdam si Rustin. Sa pagbabalik niya sa Rotterdam niya nalaman na nagkaanak pala si Sheena at siya ang ama. Nagpanggap si Rustin bilang Clyde dahil gusto niyang makilala pa ang kanyang anak.
Hindi tayo perpekto. Tao tayo, nagkakamali. Tulad ni Rustin, nadapa man pero nakitaan siya ang pagbabagong-buhay. Mahaba ang proseso ang pagbabago at pagsisisi na kung minsan ay nakakapagod. Kaya,
habang may panahon pa tayo, itama na natin ang ating pagkakamali. Makapangyarihan ang pag-asa.
Laging pamilya dapat ang inuuna. Regalo iyan. May kanya-kanya tayong responsibilidad sa pamilya.
Sila ang ating kasama, sa hirap at ginhawa. Iwan ka man ng mga kaibigan mo, nananatiling pamilya mo ang tatanggap at sasalo sa’yo. Mahalaga ang oras ng bawat isa, oras sa pamilya, at oras para sa sarili.
kailangang tuparin. Kahit anong mangyari, matuto tayong tumupad sa pangako. Lahat tayo ay may limitasyon. Nauubos din at napapagod. Pero kahit ganun pa man, hanapin natin ang bagay na nakapagpapasaya sa atin. Maikli lang ang buhay.
Itong pelikulang ito ay hindi ko malilimutan. Kahit sa pagtatapos ng palabas, umasa rin ako na magkakaroon ng masayang wakas. Sa kabila man ng mga pagsubok sa buhay,
Sa bawat paggising ko sa umaga, araw-araw kong natutunghayan ang nanay at tatay na nag-uusap sa may beranda habang humihigop ng mainit na kape na may isinasawsaw na tinapay. Sa totoo lang, coffee is life.
Maaga akong nagigising sapagkat may importante akong kailangang gawin sa bawat umaga – ang magkape. Nag-inat-inat ako ayos ng aking higaan. Pakiramdam ko ay nanghihina ako kung walang higop ng kape sa isang araw. Ang mahalaga ay makapagkape.
Sa bahay, karaniwan ay 3-in-1 lang naman ang makikita. Masaya na ako ‘dun na ako ang naglalagay ng mainit na tubig sa tasa at naaamoy ang mabangong samyo ng kape. Ang linamnam.
Lagi ko ding napapanood sa patalastas ang iced coffee. Nang nagpunta kami ng nanay sa Vigan City, nagpabili ako nito sa McDonalds, French vanilla. Ang lasa? 8/10.
Kapag nagpupunta ako sa bayan tuwing Linggo pagkatapos ng misa, hindi puwedeng hindi ako dadaan sa 7 Eleven. Masarap din ang kape nila doon. Mura na, sulit pa. Kahit anong klaseng inumin man ang iinumin, basta masaya ka. May kanya-kanyang istorya ang bawat baso. Para talagang parte na ng buhay ng tao ang pagkakape. Kaya sa lahat ng mga mahihilig magkape, tara, kape!
Noong ika-30 ng Enero 2023, inilahad ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon Sara Z. Duterte ang Basic Education Report 2023 sa Sofitel Philippine Plaza, Pasay City.
Inilunsad ni Duterte ang “MATATAG” agenda na siyang magsisilbing gabay ng Department of Education (DepEd) sa paglutas ng mga problema sa edukasyon. Hiniling niya sa kanyang mensahe ang suporta ng mamamayan sa planong ito.
“Improving access, equity, quality, resiliency and well-being will not happen overnight nor can it be done by DepEd alone. We need a national commitment and sustained effort from all sectors of the society,” dagdag niya.
Sa paglalahad ni Duterte, ang "MATATAG" ay:
MAke the curriculum relevant to produce job-ready, active and responsible citizens.
“We will reduce the number of learning areas in K to 3 from 7 to 5 to focus on foundational skills in literacy and numeracy in the early grades, particularly among disadvantaged students,” saad niya.
Ang isang batang makabansa ay ay kailangang magkaroon ng sapat na edukasyon at naaangkop na programa para sa mga Pilipino. Ito ang magiging armas natin upang malabanan ang mga bagay na kaakibat ng pag-asa at kinabukasan. At dahil kabataan ang pag-asa ng bayan, nararapat lamang na ituon ang nararapat na edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.
TAke steps to accelerate the delivery of basic education services and provision of facilities.
Nakatutuwang isipin na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan upan matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante sa paaralan. Natutuwa din ako na makita ang mga kapwa ko mag-aaral na nakasuot ng malinis na uniporme. Masaya ako dahil ang mga programa ng Department of Education ay unti-unti nababago ang sistema nito mula sa pagpapatayo ng mga pasilidad at pagkakaroon ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo. Sana maipagpatuloy pa ni VP Duterte ang programang ito para mas umunlad ang ating komunidad.
TAke good care of learners by promoting learner well-being, inclusive education and a positive learning environment is the third component that will undertake initiatives to provide schooling to many more children and youth in situations of disadvantage, regardless of gender, abilities, psycho-emotional and physical conditions, cultural and religious identity, and socio-economic standing.
“We will work with legislators and local government units through the Literacy Coordinating Council to eradicate illiteracy at the city, municipal, and barangay levels through relevant policy issuances, and community literacy program interventions,” paliwanag ni Duterte.
Matatag na edukasyon ang magiging daan upang magkaroon ng maayos at masaganang bansa. Ang pagkakaroon ng isang matatag na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang dating takbo ng lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang nakabase sa mga itinuturo sa aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matatag ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral sa ilang asignatura at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Give support for teachers to teach better.
“We will capacitate our teachers and learners in utilizing technology in remote learning to maximize the benefits of digital learning,” dagdag niya.
Bilang isang manunulat, hanga ako sa galing ng aming mga guro sa pagtityagang pagtuturo sa amin. Dapat lamang ng bigyan ng sapat na suporta ang mga kaguruan upang mas lalo silang gumaling at matutuhan ang mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo lalo na ngayong nasa ‘digital era’ na ang mundo.
Ang pagbabagong ito sa sektor ng edukasyon ay hindi kaagad mangyayari. Kailangan ng pagtutulungan ng mamamayang Pilipino at hindi kayang gawin lamang ito ng DepEd.
Habang ang mga ibang mag-aaral ay nagmamadali o halos hindi na nagrerebyu bago ang araw ng pagsusulit, alam naman natin na HINDI ito magandang kaugalian upang maghanda sa anumang klase ng pagsusulit. Maaaring nahihirapan ka sa pagrerebyu pero may mapapadali ito kung susundin mo itong mga tips upang ikaw ay magkaroon ng tiwala sa sarili na masasagutan nang maayos at maipapasa
laman ang iyong tiyan kaya siguraduhin mong nakapag nang maaga sa paaralan at pasadahan nang mabilisan ang iyong aralin. Kailangan mayroon kang mga naihandang gamit ballpen, lapis, papel, at iba pa na puwedeng dalhin.
Tandaan na napakaimportante ang bawat puntos kaya’t maging mapanuri. Huwag mahihiyang magtanong sa guro kung hindi maintindihan ang panuto.
tama ang oras na inilaan sa pagsusulit.
Magrelaks at huwag magpanic.
Ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa kalagitnaan ng pagsusulit ay nakakatulong upang ikaw ay kumalma. Kapag ikaw ay ninenerbiyus, huminga lamang nang malalim. Pokus sa pagsusulit at huwag mabahala kapag may naunang nakatapos na kaysa sa iyo.
DivineXianneU.Saunil
Gumawa ng dishwashing liquid ang mga officers ng Supreme Pupil Government (SPG) bilang parte ng kanilang income-generating project, Oktubre 18.
Pinangunahan ni Mark Dave Pastor, SPG President ang paggawa nito na naging isang kasiya-siyang aktibiti para sa kanyang mga kasamahan.
“Layunin ng gawaing ito na magkaroon ng pondo ang organisasyon para sa mga proyektong gagawin sa mga susunod na araw,” wika ni G. Randell D. Balasan, tagapayo ng SPG.
Ayon pa kay Balasan, ito lamang ang simula ng aktibidad ng SPG sapagkat marami pang mga nakaplanong mga programa para sa mga mag-aaral.
“Masaya ang aming ginawa sapagkat natutuhan naming kung paano gumawa ng dishwashing liquid,” pahayag ni Mark Dave T. Pastor, SPG President.
Nakagawa ang grupo ng 70 na maliliit bote ng dishwashing liquid na niresiklo nila mula sa pinag-inuman ng kanilang mga kamag-aral. Ang bawat bote ay nagkakahalaga ng 15 piso.
Nakatakda ang mga itong ibenta ang mga nagawa sa kanilang mga
SPGINACTION.Pinagtutulungangisalin samaliliitnabotengplasticangginawang dishwashingliquidng
Pagtitipid at pagpapanatili ang kalinisan sa paaralan ang hangarin ng ‘no to single-use plastics’ na inilunsad nitong buwan ng Oktubre sa paaralan ng Carusipan alinsunod na rin sa implementasyong ipinatupad ng LGU-Cabugao.
Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Cabugao, sinabi ni Sangguniang Bayan Member Jemaima Tan-Yee sa kanilang isinagawang pagpupulong na ang nakikitang solusyon upang mabawasan ang mga basura sa paaralan ay dapat ang mga mag-aaral ay magdala na ng sariling tumbler at lunch box upang lalagyanan ng inumin at pagkain.
“Kailangan simulan natin ito sa paaralan ang pagpapatupad nito. Ito ay isang simpleng paraan lamang upang mabawasan ang kalat at polusyon,” ayon kay G. Edwin C. Duque, Ulong-guro sa kanyang pakikipag-usap sa mga mag-aaral at magulang.
Dagdag pa nito na maraming puwedeng paraan upang makatulong tayo sa pagpapalaganap ng zero-plastic community sa paaralan at sa mga sariling tahanan.
Kabilang sa mga single-use plastics na kalimitang nakikita sa mga basura sa paaralan ay ang junk food wrappers, plastic drinking straws, plastic cups, plastic drinking bottles, at sando bags.
Samantala, magkakaroon na din ng iskedyul ng pagkolekta ng mga basura ang munisipyo tuwing Biyernes.
Hindi na bago sa Pilipinas ang lindol. Kamakailan lamang ay niyanig ang Northern Luzon ng napakalakas na lindol na naging sanhi ng pagkapinsala ng ilan sa mga gusali, partikular na sa Abra.
Nandito na sa Pilipinas ang isang bagong teknolohiya na gagawing matibay ang istruktura na kahit gaano kalakas na lindol ang yayanig dito ay hindi ito agad masisira.
Kahit na matagal nang may ganitong klaseng teknolohiya sa ibang bansa pero parang bago ito sa Pilipinas.
Gaya ng sa Japan, Amerika,
imbensyon si Ruel Ramirez, isang Structural Engineer.
Sa pamamagitan ng madaming pananaliksik at pag-aaral, nakabuo si Engy. Ramirez ng sariling bersiyon ng teknolohiyang tinatawag na “seismic isolator”.
Naging pioneer ang Ruel B. Ramirez and Associates (RBRA) ang anti-earthquake technology na ito.
Ang St. Vincent de Paul Parish na matatagpuan sa Ermita, Manila ang itinuturing naman na pinakaunang earthquake-proof church dito sa Pilipinas na ginawa ng RBRA.
Kamakailan lamang ay itinurn -over na ito sa Parokya ng
86 na seismic isolators ang ikinabit sa naturang simbahan. Marami nang napagdaanang
kalamidad ang simbahan pero kumpiyansa naman si Engr. Ramirez na epektibo ito sapagkat dumaan ito sa masusing pagaaral na hindi
nalalayo sa mga teknolohiya ng ibang
KareeshaLeighR.Purisima
Kasabay ng pagdiriwang ng National Environmental Awareness Month sa buwan ng Nobyembre, isinusulong ang Rotaract Club, isang grupo ng mga kabataan ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ‘bokashi balls’ sa mga ilog, sapa, at kanal sa ilang parte ng bansa.
Ang bokashi ball ay isang teknolohiya mula sa Japan na ang ibig sabihin ay “fermented organic matter”.
Ito ay ginagamitan ng mga mga sangkap tulad ng lupa, pulot, at rice hull, mga organikong sangkap upang matunaw ang mga lason at maubos ang mga masamang bakterya sa tubig.
Parte si G. Randell D. Balasan, guro sa paaralan ng Carusipan at miyembro din ng Rotaract Club sa adbokasiyang ito.
“Isa sa mga pokus ng ating grupo ang pangalagaan ang kalikasan at magkaroon ng kamalayan ang mga tao na dapat makibahagi rin tayo sa pagsusulong nito,” pahayag ni Balasan.
Dagdag pa nito na magkakaroon ng pagsasanay ang mga miyembro at boluntaryo sa paggawa ng mga ito.
Planong bumuo ang grupo ng kabuuang 10,000 na bola na ikakalat sa iba’t ibang parte ng bansa, lalo na sa mga maruruming ilog.
Nitong ika-Abril ng 2022 lamang nagsagawa ng pagbabato ng mga bokashi balls sa Balabag Wetland Park sa Boracay Island na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) bilang parte ng rehabilitasyon sa nasabing lugar.
Taong 2007 pa nang ipakilala ang teknolohiyang ito sa Pilipinas at nakarating na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang kampanyang ito.
(https://www.facebook.com/zzvllnva/posts/ pfbid02f45LnVUVhuzgR1wRS2wRkEUUoY6hZt4EfX8uPLcYLjpCEnsGepLbqsarDQZfxYm5l)
Halos magdoble o magtriple na ang presyo ng mga mabibili sa palengke, kasabay na rin ang biglang pagtaas sa singil ng kuryente. Dahil sa init ng panahon, marami ang gumagamit ng anumang klase ng pampalamig tulad ng electric fan at aircon upang kahit papaano ay mabawasan ang init sa paligid.
Tulad sa paaralan, araw-araw ay gumagamit ang klasrum ng electric fan upan maginhawaan ang mga mag-aaral at makapokus sa kanilang aralin.
Narito ang ilan sa mga puwedeng gawin upang makatipid sa kuryente:
Patayin ang mga appliance o nakasaksak na gadgets tulad ng t.v., electric fan, at iba pa kapag hindi ginagamit. Siguraduhing tanggalin ang saksakan.
Panatilihing malinis ang electric fan o anumang appliances at walang alikabok. Nakakatulong ito upang gumana nang maayos at mas mabisa ang paggamit dito.
Patayin din ang ilaw ng klasrum kapag walang gumagamit dito. Kapag sa umaga naman na maliwanag ang kapaligiran, hindi kailangang laging nakabukas ang ilaw.
Upang mas maliwanag ang klasrum, buksan lahat ng bintana. Sa paraang ito, hindi na natin kailangan pang magbukas ng ilaw.
Maghanap ng alternatibong paraan na hindi gagamit ng kuryente kapag hindi naman masyadong kailangan ang paggamit nito.
Sa lahat ng bagay, disiplina ang kailangan. Kung mayroon tayo nito, alam nating pahalagahan ang bawat bagay sa paligid natin. Tayo ay magtipid, hindi lamang sa kuryente kundi pati na rin sa lahat ng aspeto.
Ang kinabukasan ng mga Pilipino ay naka-depende sa kalidad ng edukasyon.
Maraming mga hamon na ang kinaharap ng mundo. Ang kahirapan, problema sa kapaligiran, pagbabago ng klima, edukasyon, at kagutuman ay ilan sa mga ito.
Taong 2015 nang ilunsad ang Sustainable Development Goals (SDG) bilang kapalit ng Millenium Development Goals (MDS). Ito ay pinagtibay batay sa isang malawakang internasyonal na pagtitipon na ginawa ng United Nations (UN).
Layunin ng SDG na ikalat ang isang konsepto sa larangan ng kaunlaran ng mga tao, bansa at pandaigdigang pamayanan. Sa pangkalahatan, ang SDG ay dapat humantong sa isang bagong anyo ng mundo.
Layunin din ng SDG na bigyan ng proteksyon ang kapaligiran pati na rin ang pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon at pagkakapantaypantay. Parte rin ng pagpanatili sa matatag na ekonomiya ang SDG.
‘
Bagamat matagal ng naipakilala ang ‘online learning’ o birtwal na pagtuturo bago pa man pumutok ang pandemya, bago ito karamihan sa mga Pilipino. Bilang tugon ng gobyerno upang solusyonan ang naantalang edukasyon, bagong istilo ng pagtuturo at bagong paggamit ng teknolohiya na naman ang kinakailangan.
Hindi gano’n kadali sa panig ng mga guro at mag-aaral pero positibo at determinado sila na tanggapin ang bagong sistemang ito. Madaming mga katanungan ang kinakailangan ng kasagutan at madaming pananaliksik pa ang dapat gawin upang masabi natin na epektibo ang paraang ito.
Para sa Department of Education (DepEd), kailangang mapabuti at mapalakas ang pagtuturo sa agham at teknolohiya sa basic education upang ihanda ang mga Pilipino sa henerasyong ito sa mga bagong hamon sa lipunan. Mayroon o wala mang
pandemya, hindi na mawawala ang birtwal na pagtuturo. Gumagawa ng paraan ang DepEd upang maipatupad at mapagtibay ang mga inobatibong paraan ng pagtuturo, kasama na rito ang online learning. Hinamon tayo ng pandemya at dapat ring yakapin natin ang ‘new normal’. Nagsilbing paaralan ang “Zoom app”. Hindi na kailangan pang lumakad o bumiyahe papasok sa paaralan. Sa harapan ng kompyuter tayo kumakain ng meryenda o tanghalian. Gayunpaman, itong sitwasyong ito ay nahihirapan ang mga mag-aaral na matuto.
Ito ang resulta ng negatibong pananaw sa birtwal na pagtuturo. Karamihan din sa mga lugar sa bansa ay hindi sapat ang lakas ng internet upang makapasok sa birtwal na klasrum.
Marami tayong natutuhang leksyon sa pagharap sa pagbabagong ito. Ang kinabukasan ng mga Pilipino ay naka-depende sa kalidad ng edukasyon. Sana nakikita at natutugunan ng mga nasa itaas ang mga hamong ito.
Sa huli, ang kailangan natin ngayon ay ang pagyakap sa pagbabagong dala ng teknolohiya. #
Marami na ang nagsusulong sa SDG sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa, polisiya, at adbokasiya upang tuluyan nang wakasan ang mga suliraning kaugnay sa edukasyon, kahirapan, kalusugan, at iba pa. Malapit na ang taong itinakda upang makamtan ang mga layunin ng SDG. Ilang taon na lamang ang natitira ngunit parang kulang pa ang mga nagawa. Marami pang mga hakbang ang kailangang gawin upang mapalawak at mapabisa ang ‘development agenda’ para matupad ang hangarin ng SDG.
Base sa pag-aaral, kapag hindi pa nalutas ang mga suliraning ito pagdating ng taong 2030, malabo nang maibabalik pa ang dating mundo. Mahirap nang gawan ng paraan upang malutas ang mga problemang kinakaharap ng mundo.
Nakasalalay sa mga tao sa lipunan ang katuparan ng SDG dahil ang katuparang ito ay dulot ang kaunlaran, kapayapaan at pagkakaisa ng lipunan. Malapit na ang ‘finish line’.
Matapos ang tatlongtaon, muli na namang idinaraos ang Batang Pinoy 2022 na ginanap sa Vigan City, Ilocos Sur noong Disyembre 17-22, 2022.
Ang Batang Pinoy ay isang multi-sports event para na nalikha para sa mga batang Pilipino sa edad na 15 pababa.
Nagkaroon ng memorandum of agreement signing sina Philippine Sports Commission (PSC) chair Noli Eala at Ilocos Sur Governor Jerry Singson.
Pahayag ni Eala na ang 2022 batang Pinoy National Championship ang magiging kauna-unahang kompetisyon na iyo-organisa ng PSC mula sa kanyang pamumuno.
Dagdag pa ni Eala na inaasahang mayroong 7,000 na atleta mula sa 81 na probinsiya ang dadalo rito mula sa 17 na isports.
Dahil nasa gitna pa rin tayo ng pandemya ay gagawing online at face-to-face ang palaro.
Sabi naman ni Singson na isang malaking karangalan na dito sa Ilocos Sur gaganapin ang Batang Pinoy 2022.
Kumpiyansa naman si Singson na lagging handa ang Ilocos Sur para dito sapagkat nasubukan na ng probinsiya ang maging host ng malalaking kaganapan sa larangan ng isports.
Matatandaang ginanap din ang Palarong Pambansa dito sa probinsiya noong Abril 2018.
Ang tumbang preso ay isang larong pambata. Masaya itong laro sapagkat kahit ilan ay puwedeng sumali rito. Itong larong ito ay sinasabing lumaganap mula sa San Rafael, Bulacan.
Maraming maaaring lumahok sa larong ito. Walang pinipiling edad o kasarian ang larong ito. Naalala ko pa na nilalaro namin ito noon sa bakuran o sa lansangan. Hanggang sa ngayon, kapag naiisipan naking laruin ito ay ginagawa namin sa likod-bahay kasama ang mga kaibigan at kalaro.
Parte rin ng aming araling sa Edukasyong Pangkatawan ang larong ito. Ang larong tumbang preso ay kailangang mayroong mga lata na walang laman, karaniwang basyong lata ng gatas, na magsisilbing target ng mga manlalaro. Ang bawat manlalaro rin ay kailangang may
hawak na pamato na karaniwan ay tsinelas. Dinadaan din sa iba’t ibang paraan upang malaman kung sino ang magiging taya.
Sa larong ito nalilinang ang kasanayan sa pagtakbo at pagtira sa target. Nahahasa din sa pisikal na kakayahan, tamang diskarte, kooperasyon, at koordinasyon ng mga manlalaro.
Kapag wala namang takdang aralin, itong larong ito ay magandang libangan kaysa nakatutok lamang tayo sa selpon at kompyuter.
Sa preparasyon ng laro, ilalagay ang mga lata, 6-8 metro ang layo mula sa linyang pupuwestuhan ng mga manlalaro. Pumipila ang mga manlalaro sa linya at hawak ang kanilang mga pamato ay isa-isa nilang susubukang patumbahin ang mga nakatayong lata. Hindi maaaring magbato ng pamato ang susunod na manlalaro hanggang napapatumba pa ng unang manlalaro ang mga lata.
Nakakaaliw ang larong ito. Nakakapagod man dahil sa katatakbo pero masaya naman sa huli.
Nakilahok si G. John Alfjay V. Garcia, guro sa Carusipan Elementary School sa naganap na Cabugao Basketball Boot Camp (CBBC) sa Cabugao Sports Complex noong Oktubre 28-30, 2022. Itong aktibiting ito ay pinangunahan ng National Amateur Basketball Referee Organization (NABRO) bilang parte ng pagsasanay sa mga magiging bagong referee at officiating officials
Naging tagapagsanay sina Bryan Tabanag, Presidente ng NABRO at FIBA International Referee, Mario Montiel, National Vice President ng NABRO, at si Gharchee Ferrer, Training Officer ng NABRO.
Karamihan sa mga kalahok ay mga guro upang ihanda sila sa mga paparating na mga kaganapan pagdating sa pampalakasan.
“Masaya at hindi ko malilimutan ang pagsasanay na ito sapagkat marami akong natutuhan pagdating sa aspetong teknikal sa paglalaro ng basketball,” pahayag ni Garcia.
Bukod sa basketball ay madaming pagsasanay sa isports pa ang nakaabang sa mga susunod na araw.
Dumadagundong ang sambayanang Pilipino kada may Pilipinong atleta ang magbibigay ng karangalan sa ating bansa. Madami nang mga atleta ang buong tapang na nagpakita ng gilas at galing kahit sa mga internasyonal na mga patimpalak.
Naging kauna-unahang Pilipino si Carlos Yulo nang makuha niya ang pilak na medalya sa larangan ng artistic gymnastics sa naganap na FIG Artistic Gymnastics World Championships. Nagbigay din ng karangalan si Hidilyn Diaz sa larangan ng weightlifting nang makuha niya ang kauna-unahang gintong medalya sa Tokyo Olympics. Pinaghahandaan ulit ni Diaz ang paparating na 2024 Paris Olympics.
Sa kabila ng bawat istorya ng pagkapanalo ng ilan sa mga atleta, hindi pa rin nawawala ang problema sa kakulangang pinansiyal. Mula sa mga iba’t ibang klase ng pagsasanay ay talagang kinakailangan ito ng sapat na pondo. Isa itong malaking hamon sa pamahalaan upang makagawa ulit ang Pilipinas ng ‘world-class champions’.
Noong nasa kasagsagan ng pandemya ang bansa, walang ginawa ang mga bata kundi maghapong nakatutok sa kanilang mga selpon o di kaya’y sa telebisyon nanonood. Walang ginawa ang mga bata kundi umupo maghapon. Hindi naging aktibo ang kilos ng mga bata.
Kapag malusog ang isang bata, nagiging
aktibo sila at mas mabilis din ang kanilang pagkatuto sa paaralan.
Kapag ang isang bata ay hindi aktibo ang katawan, may posibilidad na magkaroon ito ng iba’t ibang klase ng sakit tulad ng sakit sa puso.
Ang aktibong paglalaro ay isang paraan upang masanay ang katawan sa gawaing pisikal. Nakabubuti ito sa katawan. Kung selpon lamang ang ginagamit maghapon, kulang sa pisikal na gawain ang katawan kung kaya’t hindi nagagamit nang tama ang enerhiya.
Maraming mga bata ngayon ang kulang sa pisikal na gawain. Kaya naman ay hinihikayat ang
mga bata na magkaroon ng regular na ehersisyo at igalaw ang mga katawan. Maraming mga aktibiti o gawain ang puwedeng gawin ng mga bata sa tahanan. Nandiyan ang pagsasayaw at paglalaro ng mga larong lahi tulad ng patintero, luksong baka, luksong tinik, at kickball o batuhang bola. Ang pagtulong din sa mga gawaing bahay ay isang halimbawa ng pisikal na gawain na puwedeng ipagawa sa mga bata. Mula sa simpleng paglilinis sa bakuran at paghuhugas ng pinggan ay nasasanay ang katawan sa pisikal na gawain kaysa naman maglaro sa selpon o manood ng telebisyon.
Kapag malusog ang isang bata, nagiging aktibo sila at mas mabilis din ang kanilang pagkatuto sa paaralan. Kaya hayaang maglaro ang mga anak dahil napalilinang din ang sosyal na kalusugan nila na makisama sa ibang bata. #
Mahirap ang pinagdadaanang mga pagsasanay ang mga atleta. Matindi rin ang sakripisyo nila makuha lamang ang inaasam-asam na medalya. Umaasa tayo na sa susunod pang mga patimpalak tulad ng Olympics ay makakasungkit muli ang Pilipinas ng karangalan.
Ang pagkapanalo nina Yulo at Diaz ang nagmulat sa sambayanang Pilipino na kailangan pang pagtuunnan ng pansin ng gobyerno ang pagbibigay ng sapat na pondo para sa larangan ng pampalakasan. Kahit na madaming tulong-pinansiyal at suporta ang nanggagaling sa pribadong sector, hindi pa rin ito sapat upang matugunan ang pangangailangan ng mga atleta.
Ipinapakita nina Yulo at Diaz na sa pamamagitan ng tiyaga at disiplina, ang mga Pilipinong atleta ay kayang makipagsabayan sa internasyonal na kompetisyon.
Parte ito ng pag-usad.
Isa ring paraan upang mapagtrabahuan natin ang ating kahinaan ay maghanap ng taong bihasa na sa larangan ng isports. Sa madaling salita, propesyunal na tao na handing tulungan ka. Ang mga atleta na eksperto na sa sariling larangan ay handang tulungan ka. Maiiwasan din ang anumang klase ng aksidente kapag propesyunal ang gagabay sa iyo. Kapag alam mo ang basic knowledge na napag-aralan mo mula sa mga eksperto, mas mapapadali ang iyong hangaring palakasin pa ang iyong kahinaan.
Kapag mahal mo talaga ang larangang iyong napili, kailangan din ng pagsisikap. Walang madali. Kahit gaano man kahirap ang aralin ang mga bagong kasanayan, mararating mo rin ang iyong inaasam na tagumpay. Lahat ay nag-uumpisa sa baba.
Lahat ng tao ay may kahinaan. Alam natin ito at sinusubukang palakasin ang aspetong ito ng ating buhay. Sa pag-usad ng panahon, itong mga kahinaang ito ay tuloy-tuloy na nagiging ating kalakasan. Tulad ng mga manlalaro, kinakailangang panatilihin nila ang kanilang magandang pangangatawan upang maiwasan ang banta ng aksidente. Nagsasanay araw-araw, nag-eehersisyo, kumakain nang wasto. Nakatuon sila sa kanilang layunin na magbigay ng karangalan sa bansa. Madaming paraan upang makamit natin ang layuning gawing kalakasan ang kahinaan.
JasmineS.Baltazar
miskor ng 3 puntos si Briana Louise Pastor upang daigin ang karibal nitong si Miyah Raineth del Castillo sa naganap na school-based sports tournament, Okt. 21. Isang sertipiko ang iginawad kay Pastor na unang beses pa lamang niyang sumubok sa larangang ito.
“May kaunting kaalaman naman ako sa paglalaro ng chess pero ito ang kauna-unahan kong karanasan na makipaglaban sa larong ito,” pahayag ni Pastor. Inaasang si Pastor ang magiging kinatawan ng paaralan sa mga gaganaping kompetisyon sa larangan ng sports sa Cabugao District.
kampeyon, 45 43 matapos maka
Lance Einsly Somera sa kanilang basketball championship game sa naganap na school sports tournament, Oktubre 21.
Walang hirap na pinataob ng Team Grade 5 ang Team Grade 6 gamit ang kanilang bilis at kakaibang liksi sa loob ng court.
Gitgitang sagupaan ang tumambad sa mga manonood sa huling mga segundo ng laban hanggang sa tuluyan nang sinakmal ng Team Grade 5 ang mainit ang galing sa laro.
Manalo o matalo, kami pa rin ay makakaibigan sa huli...
Ang huling tres ni Lance Einsly V. Somera ang umarangkada sa Team Grade 5.
“Kahit matagal kaming hindi nakapaglaro at kulang sa training, hindi rason upang hindi naming makuha ang pagiging kampeon sa basketball, Somera.
Handang iharap ang Team Grade 5 sa paparating na sports competition sa Cabugao District.
pagiging atleta. Kailangan ko pa ng matinding training,” pahayag niya.
Nakatakda ring makilahok si Yulo sa World Cup series na gaganapin sa Germany, Qatar, Azerbaijan, at Egypt sa susunod na taon.