

HINDI ZOO ANG PAARALAN
Pagpapastol ng mga hayop sa paaralan, inirereklamo
DIVINE XIANNE SAUNIL
PAG-ASA SA PAGBASA
2 kahong libro mula Hawaii, handog sa mga batang Carusipenyo
Inirereklamo ng pamunuan ng Carusipan Elementary School ang matagal nang problemang patuloy na pagpapastol ng mga hayop sa loob ng paaralan.
Ilang magulang at guro ang nagulat na may mga baka, kalabaw, at kambing na pakalat-kalat sa bakuran ng paaralan kapag walang pasok o tapos na ang klase.
Ayon kay Genius Asper, school
GRAPI-KAALAMAN
sa pagpapastol ng kanilang mga hayop sa loob ng paaralan.
“Bibigyan natin ng agarang aksyon ang isyung ito sapagkat isang malaking insulto ito para sa akin na gawing bahaypastulan ang lugar kung saan umiigib ng karunungan ang mga bata,” pahayag



PANGANIB SA KALIGTASAN. Si John Alfjay Garcia, guro, habang inililipat ang isang bakang nakatali sa mismong bakuran ng paaralan.
LARAWAN NI RBALASAN
Obrang Carusipenyo, bida sa National Arts Month
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral ng
Carusipan Elementary School na ipakita ang kanilang husay sa sining sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na isinagawa sa pagdiriwang ng National Arts Month noong Pebrero 29.
Lumahok ang mga mag-aaral sa mga aktibiti na nagbigay-daan upang maipamalas nila ang kanilang mga obra’t talento sa pagpipinta at pagguhit.
Ayon kay Melody Guerzon, Project Development Officer I, ang mga gawaing ito ay naglalayong palakasin ang
kanilang kumpiyansa at hikayatin ang mas malalim na pagpapahalaga sa sining.
“Isang mahalagang pagdiriwang ang National Arts Month upang bigyan ng pansin ang kahalagahan ng sining sa edukasyon at sa paghubog ng kabataan. Natutuwa ako na makita
ang dedikasyon at talento ng ating mga mag-aaral,” dagdag ni Guerzon.
‘Ani ng Sining Bayang Malikhain’ ang naging tema ng pagdiriwang sa taong ito na nagpakita naman ng suporta ang paaralan sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga batang Carusipenyo sa larangan ng sining.

Mainit na classroom, ipinag-aalala ng mga mag-aaral
Mainit-init na problema!
Ganito ang pahayag ng mga mag-aaral ng Grade 3 at 4 na labis ang pag-aalala sa sobrang init ng classroom, na nagdudulot ng hindi komportableng pagaaral. Maraming magulang ang nagpakita ng pag-aalala.
“Madalas umuuwi ang aking anak na pawis na pawis at pagod dahil sa init,” kuwento ni Ronalyn Somera, magulang.
Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng paaralan sa barangay para makahanap ng solusyon.
Ang mga guro ay nagdadala ng portable fans at hinihikayat ang mga bata na uminom ng maraming tubig.
“Napakahirap magturo sa ganitong kondisyon, kaya kailangan ng agarang solusyon,” pahayag ni Estrellita Siruno, Ulongguro IV.
Umaasa ang komunidad ng Carusipan na matutugunan ito agad.

PAG-ASA SA PAGBASA
2 kahong libro mula Hawaii, handog sa mga batang Carusipenyo
Bilang suporta sa edukasyon ng mga batang Carusipenyo, nakatanggap ang paaralan ng dalawang kahong donasyon ng mga libro mula kay Fely Pula ng Waipahu, Hawaii.
Ang donasyon ay bahagi ng Project ARAL, isang inisyatiba na naglalayong magbigay ng mga aklat sa paaralan.
Ang mga aklat na natanggap ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng babasahin, mula sa mga kuwentong pamabata, agham, hanggang sa mga aklat-pagsasanay sa pagbasa at pagsulat.
Ang mga ito ay inaasahang makatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman


at kasanayan ng mga magaaral.
Sa isang simpleng seremonya na ginanap nitong, Agosto 6, ipinahayag ng mga guro at mag-aaral ang kanilang buong pusong pasasalamat sa nagbigay, na isa ring alumna ng paaralan.
“Ang mga aklat na ito ay magbibigay inspirasyon para sa ating mga magaaral. Maraming salamat, Ma’am Fely Pula, sa inyong walang sawang suporta sa edukasyon ng ating kabataan,” pahayag ni Luzviminda Soto, school reading coordinator.
Nagpakita rin ng suporta at kasiyahan ang mga magulang at guro ay sa natanggap na donasyon.
Ayon kay Roxanne Tabula, isang magulang, “Malaking tulong ang mga aklat na ito sa paghubog ng kaalaman ng aming mga anak. Tunay na napakahalaga ng inyong donasyon.”
Isang malaking biyaya ang donasyong ito na magbibigay inspirasyon at kaalaman sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Samantala, sa taong ito, tinatayang nasa 35.71% ng mag-aaral ang nahihirapan pa ring bumasa base sa resulta ng reading assessment na isinagawa ng mga guro.
Pagkakakilanlan natin ang wikang Filipino — Garcia
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, muling binigyang-diin ni John Alfjay Garcia, Filipino koordineytor ng paaralan ang kahalagahan ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating pambansang wika, ang Filipino.
Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang bawat mag-aaral na gamitin at ipagmalaki ang ating wika bilang simbolo ng pagkakakilanlan.
“Ang wika ay hindi lamang isang kasangkapan sa komunikasyon kundi
isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan at pagkakaisa bilang isang bansa,” dagdag ni Garcia. Binigyang-diin din niya ang papel ng wika sa paghubog ng ating pambansang kamalayan at sa pagpapanatili ng ating mga tradisyon at kaugalian.
Nagkaroon ng programa at mga aktibiti ang paaralan nitong ika-30 ng Agosto, kabilang na ang parada ng kasuotang Filipino, talentadong Carusipan, sine’t wika, photosining, i-ispel mo, at wikang pagkukulay.
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral at magulang sa pagdiriwang na talaga namang pinaghandaan ang katutubong kasuotan ng kanilang mga anak. Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nanawagan si Garcia sa lahat ng batang Carusipenyo na patuloy na mahalin at ipagmalaki ang wikang Filipino, at gamitin ito bilang instrumento ng pagpapalaya mula sa pagkawatak-watak ng bawat Pilipino.
Seguridad sa paaralan, pinaigting sa tulong ng CCTV
llang kaso ng pagkakalat, pagtatambay, panghihimasok, at pagnanakaw ang nagbunsod sa pamunuan upang maglagay ng mga Closed-circuit Television o CCTV cameras nitong ika27 ng Marso.
Sa mga nakalipas na mga taon ay maraming gamit ng paaralan ang nawawala at nasisira at hindi matukoy kung sino ang may kagagawan nito lalo na kapag walang pasok ang mga bata.
Magsisilbi umanong mata ng sinumang papasok sa paaralan ang naturang makabagong kagamitan

KABATAAN ANG PAG-ASA. Isang araw ng inspirasyon para sa boses ng mga kabataan ang aktibong pakikilahok ang mga magaaral sa SELG election, Mayo 10. LARAWAN NI RBALASAN

Carusipan, humakot ng panalo sa Cabugao
Samiweng Festival
Spelling Bee
Competition
sapagkat makikita sa kamera ang bawat kilos ng mga ito.
Ayon kay Grepa Gem Sunio, Officer-in-Charge, ang paglalagay ng CCTV ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kaayusan at disiplina sa paaralan.
“Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at guro ang ating pangunahing prayoridad. Sa pamamagitan ng CCTV, masusubaybayan natin ang mga kaganapan sa loob ng paaralan at agad na makakagawa ng aksyon kung kinakailangan,” ani Sunio.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga
magulang sa proyektong ito sapagkat bukod sa kaligtasan, inaasahan din na ang pagkakaroon ng CCTV ay makatutulong sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa paaralan.
Ayon kay John Rey Sabugo, isang magulang, “Mas panatag ang ating kalooban dahil alam nating ligtas ang mga bata habang nasa paaralan. Malaking tulong ang CCTV sa pagpapanatili ng seguridad.”
Ang 5 na CCTV na ikinabit sa iba’t bang bahagi ng paaralan na nagkakahalaga ng P27,000.00 mula sa MOOE.

SEGURIDAD AT KALIGTASAN. Nagsimula na ang pagkakabit ng mga CCTV sa paaralan, na inaasahang magbibigay ng ligtas na kapaligiran, Marso 27. LARAWAN NI ECAGLEAM
Bagong liderato ng SELG, inihalal; Saunil, handang maglingkod para sa mga batang Carusipenyo
Nitong ika-10 ng Mayo, matagumpay na naisagawa ang halalan para sa Supreme Elementary Learner Government (SELG) ng Carusipan Elementary School para sa taong 20242025.
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa proseso ng pagboto upang pumili ng kanilang mga bagong lider na maglilingkod sa paaralan.
Naging mahigpit ang halalan lalo na sa posisyon ng pangulo, kung saan si Divine Xianne Saunil ng Sandigan Partylist ay nanalo ng may 50.1% ng boto laban kay Princess Chleo Batingeg ng Liwanag Partylist na
Umani ng pagkilala ang mga piling mag-aaral ng Carusipan Elementary School para sa kanilang kahanga-hangang performance sa Cabugao Samiweng Festival Spelling Bee Competition na ginanap noong Abril 24.
Dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Cabugao, ipinakita ng bawat isa ang kanilang husay sa pagbabaybay.
nakakuha ng 49.9%.
Sa kabila ng pagkakaiba ng boto, ipinakita ng mga kandidato ang kanilang dedikasyon at pagsusumikap para sa kapakanan ng kanilang mga kapwa magaaral.
Ayon kay Randell Balasan, tagapayo ng SELG, “Ang aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa halalan ay nagpapakita ng kanilang kamalayan at kahandaan na maging mga lider sa hinaharap. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga bagong halal na opisyal sa kanilang mga kapwa magaaral.”
Ang mga bagong opisyal ng SELG ay inaasahang
Pinahangahan ni Divine Xianne Saunil ang lahat matapos makapasok sa Top 5 sa kompetisyon.
Samantala, naging qualifier sa Round 6 si Elynah Celine Agleam, at si Princess Chleo Batingeg ay Round 2 qualifier.
Nagpasalamat si Saunil sa kanyang pamilya at mga guro sa walang sawang suporta.
“Sila ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Sa tuwing mahirap ang salitang ibinabaybay ko,

magbibigay ng kanilang buong suporta at serbisyo upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang paaralan at magbigay ng inspirasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral.
“Handa na akong maglingkod para sa mga batang Carusipenyo. Marami akong mga gustong gawin upang sa kahit simpleng paraan, magiging boses tayo ng mga kabataan,” pahayag ni Saunil.
Samantala, inihalal din si Saunil bilang District SELG Zone 4 Representative sa naganap na eleksyon noong Mayo 18.
iniisip ko lang na ginagawa ko ito hindi lang para sa sarili ko kundi para sa lahat ng nagmamahal at naniniwala sa akin,” wika niya.
Lubos din ang kasiyahan ni G. John Alfjoy Garcia, tagapagsaysay sa ispelling sa naging resulta ng kompetisyon.
Patunay na ang kanilang tagumpay ay dulot ng pagsusumikap at suporta mula sa kanilang mga guro at pamilya.

BARANGAY UPDATE
DILG
Ilocos Sur, kinilala ang Carusipan sa KALINISAN Program
Kamakailan lamang ay kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) Ilocos Sur Provincial Office ang mga nangungunang barangay sa bawat Local Government Unit (LGU) sa Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program na naglalayong mapabuti ang kaligtasan, kalinisan, at kalusigan ng mga komunidad. Sa ilalim ng Barangay Road Clearing Operations (BARCO), pumangatlo ang Barangay Carusipan sa buong bayan ng Cabugao sa pagpapanatili ng kaayusan sa lugar.
BABAE KA, HINDI BABAE LANG
MUNICIPAL UPDATE
Paligsahan sa photography at filmmaking, isasagawa ng CITOP
Nagagalak na ipahayag ng Cabugao Interactive Tourism Online Promotion (CITOP) ang nalalapit na paligsahan sa Photography at Filmmaking, para ipagdiwang ang mayamang kultura at tradisyon ng Cabugao.
May dalawang kategorya ang nasabing paligsahan – Cine Iloco Baton Lagip Short Film Competition at ang Ladawan Photography Contest. Bukas ang kompetisyon sa lahat ng Cabugaoenians at maaaring makipag-ugnayan sa Cabugao Tourism Office para sa karagdagang impormasyon.
PROVINCIAL UPDATE
Resolusyon ng lalawigan, pinarangalan ang
Carusipan Elementary School
Nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Sur ng Resolusyon Blg. CLXI, s. 2024, upang ipahayag ang kanilang taos-pusong pagbati sa Carusipan Elementary School sa kanilang kahanga-hangang tagumpay sa 2024 National Schools Press Conference na ginanap sa Carcar City, Cebu noong Hulyo 10.
Ang resolusyon, na isinulat nina Bise Gobernador Singson at SPM Vic Singson, ay nagsisilbing patunay sa dedikasyon ng mga guro at mag-aaral. Ang mga miyembro ng ika-11 Sangguniang Panlalawigan ay nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa paaralan sa pagbibigay ng karangalan sa lalawigan.


Malalagpasan natin lahat dahil mga babae tayo — Francisco
NI DIVINE XIANNE SAUNIL
Ipinagdiwang ng Carusipan Elementary School ang pagtatapos ng National Women’s Month sa pamamagitan ng serye ng mga makabuluhang aktibiti na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan sa loob ng komunidad ng paaralan nitong Marso 27.
Sa ilalim ng temang, ‘Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan,’ ipinakita ng programa ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan.
Nagsimula ang pagdiriwang sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa pagpapalakas ng kababaihan na pinangunahan ni Gng. Darwina Y. Francisco, Nurse II mula sa SDO
Ilocos Sur.
“Kahit gaano man kahirap ang pinagdaraanan nating mga nanay, alam kong malalagpasan natin lahat dahil mga babae tayo, hindi babae lang,” sabi ni Francisco.
Binigyang-diin ni Francisco ang kahalagahan ng pakikilahok ng kababaihan sa pagbuo ng bansa at ang halaga ng kanilang mga kontribusyon sa pag-unlad ng komunidad.
Kasunod ng inspirasyonal na talakayan, ang mga kalahok ay sumabak sa isang praktikal na workshop tungkol sa paggawa ng dishwashing liquid.
Pinangunahan ng
Supreme Elementary Learner Government (SELG), ang workshop ay nagbigay sa mga dumalo, kabilang ang mga ina at kababaihan na stakeholder
ng paaralan, ng praktikal na kaalaman at kasanayan upang makalikha ng kanilang sariling mga produktong panlinis.
Layunin ng inisyatibong ito na bigyan ng kasanayan ang mga kababaihan upang magkaroon ng karagdagang kita. Sa pagdiriwang ng National Women’s Month, tinupad ang pangako ng paaralan na isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, pagpapalakas ng kababaihan, at inklusibong edukasyon.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap at makabuluhang mga aktibiti, nagsilbi itong plataporma upang parangalan ang napakahalagang kontribusyon ng mga kababaihan at magbigay inspirasyon sa positibong pagbabago sa loob ng komunidad.

Wakasan ang child labor
PAGKAKATAON NG KINABUKASAN
Wakasan ang child labor
Ayon sa pinakahuling
datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), noong 2021, tinatayang 1.37 milyong bata na may edad 5 hanggang 17 ang nagtatrabaho. Ito ay katumbas ng 4.3% ng kabuuang populasyon ng mga bata sa nasabing edad na grupo. Sa mga batang ito, karamihan ay nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, na sinusundan ng sektor ng serbisyo at industriya.
Bagama’t bumaba ang bilang ng mga batang manggagawa mula sa nakaraang taon, nananatiling mataas ang bilang ng mga batang sangkot sa child labor, lalo na sa mga mapanganib na trabaho. Patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan at iba’t ibang organisasyon upang
protektahan ang karapatan ng mga bata.
Ginugunita tuwing ika-1 ng Mayo ang Labor Day. Sa araw na ito, sana’y mabigyan ng pansin ang mga batang manggagawa. Sa halip na gugulin ang kanilang panahon sa pag-aaral, sila ay nagtatrabaho na. Subalit dahil sa kahirapan ng buhay, napipilitan silang tumigil upang tulungan ang kanilang magulang. Ang mga batang ito ay nasasadlak sa mga trabahong hindi angkop sa kanilang edad at kalagayan, tulad ng pagtatrabaho sa mga bukid.
Malawakang kahirapan ang pangunahing sanhi ng child labor. Maraming pamilya ang walang sapat na kita upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak, kaya’t napipilitan
emosyonal, at intelektwal na kalagayan ng mga bata. Ang mga batang manggagawa ay madalas na nakakaranas ng pagod, sakit, at pinsala dahil sa mga mapanganib na kondisyon sa trabaho. Bukod dito, nawawalan sila ng pagkakataon na makapagaral at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Upang tuldukan ang child labor, kinakailangan ang mas maigting na pagpapatupad ng mga batas na nagpoprotekta sa mga bata. Dapat ding palakasin ang mga programa na nagbibigay ng suporta sa mga pamilyang nasa kahirapan upang hindi na nila kailangang pagtrabahuhin ang kanilang mga anak. Ang edukasyon ay isa ring mahalagang aspeto; dapat tiyakin na ang lahat ng bata ay may access sa dekalidad na edukasyon.
Isang isyung nangangailangan ng agarang aksyon mula sa lahat ng sektor ng lipunan ang child labor. Hindi lamang ito usapin ng karapatan ng mga bata, kundi pati na rin ng kinabukasan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsusumikap, maaari nating wakasan ang child labor at bigyan ang mga bata ng pagkakataon na makamit ang kanilang mga pangarap.

ang
‘‘
“Upang tuldukan ang child labor, kinakailangan ang mas maigting na pagpapatupad ng mga batas na nagpoprotekta sa mga bata.”
1.37M

1.37 milyong edad 5 hanggang 17 ang nagtatrabaho. Ito ay 4.3% ng kabuuang populasyon ng mga bata sa nasabing edad na grupo.

KOMENTARYO
Sa Pagbabawas ng mga Holiday sa Bansa
Noong Agosto 2024, isinulong sa Senado ang pagbabawas o paglilimita ng mga holiday sa Pilipinas. Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, napagkasunduan ng mga senador na bawasan ang mga holiday dahil mahigit isang buwan na ang kabuuang bilang ng mga holiday sa bansa, na nagiging sanhi ng pagbaba ng pagiging competitive ng mga kumpanya at manggagawang Pilipino. Narito ang opinyon ilan tungkol sa isyu ng pagbabawas ng mga holiday sa bansa:

ANIZA MARIE PAJE, GRADE 6
“Sa tingin ko, makaktulong ito sa amin na mas focus sa pag-aaral. Mas maraming araw ng klase, mas maraming oras para matutunan ang mga aralin.”

ROXANNE PASTOR, PTA PRESIDENT
“Siguro pwede namang bawasan ang ilang holiday pero hindi lahat. Pwede ring gawing special working days para may option pa rin kung gusto magtrabaho o magpahinga.”

LUZVIMINDA SOTO, GURO III
Kailangan din namin ng pahinga. Ang mga holiday ay nagbibigay ng pagkakataon para makapg-recharge at makapag-bonding kasama ang pamilya.”

MAY VALENCIA, KONSEHAL NG BARANGAY CARUSIPAN
“Mahalaga ang mga holiday para sa ating kultura at kasaysayan. Dapat ipagdiwang natin ang mga ito at hindi bawasan.”

WIKA NG BAYAN
KRISTEL PASTOR, GRADE 5
“Mas maraming araw ng klase ay nangangahulugang mas maraming oras para sa pag-aaral at pag-review ng mga lessons.”


‘‘ Huwag maging dayuhan sa sariling bayan
“Alisin ang pagiging estranghero sa sariling wika, at yakapin ang pambansang identidad.”
Sa kasalukuyang panahon, tila nagiging dayuhan ang mga Pilipino sa sariling bayan dahil sa labis na pagkiling sa wikang Ingles. Marami ang nag-aakalang mas mataas ang antas ng karunungan kapag Ingles ang gamit, samantalang ang paggamit ng Filipino ay itinuturing na mababa. Ang ganitong pananaw ay bunga ng malalim na impluwensiya ng kolonyalismo at patuloy na pagyakap sa banyagang wika.
Sa pagpapatupad ng Republic Act No. 12027, na nag-aalis ng mandatoryong paggamit ng mother tongue bilang medium ng pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3, ay nagdudulot ng ilang mga alalahanin. Bagama’t layunin ng batas na ito na gamitin ang Filipino at Ingles bilang pangunahing wika ng pagtuturo upang tugunan ang mga hamon sa implementasyon ng mother tongue-based multilingual education (MTB-MLE), may mga negatibong epekto itong maaaring idulot. Maaaring magdulot ng pagkawala ng koneksyon ng mga bata sa kanilang sariling kultura at wika
ang pag-aalis ng mother tongue bilang pangunahing medium ng pagtuturo. Ang paggamit ng mother tongue sa mga unang taon ng edukasyon ay napatunayang nakakatulong sa mas mabilis at mas epektibong pagkatuto ng mga bata. Sa pamamagitan ng kanilang sariling wika, mas nauunawaan nila ang mga konsepto at mas nagiging aktibo sila sa klase. Tila nagpapakita ang batas na ito ng kawalan ng pagpapahalaga sa mga rehiyonal na wika ng Pilipinas. Ang mga rehiyonal na wika ay bahagi ng pambansang identidad at kultura. Ang hindi paggamit ng mga ito bilang medium ng pagtuturo ay maaaring magdulot ng unti-unting pagkawala ng mga wikang ito, na isang malaking kawalan sa kultura at kasaysayan. Bagama’t may mabuting layunin ang RA 12027, mahalaga pa ring isaalang-alang ang mga epekto nito. Ang paggamit ng sariling wika sa edukasyon ay


Kapangyarihan ng balota
DIVINE XIANNE SAUNIL

‘‘
“Sa darating na halalan, gamitin natin ang ating karapatan nang may pananagutan at pagmamahal sa bayan.”

PAMATNUGUTAN
Divine Xianne Saunil Ulong Patnugot
mahalaga hindi lamang sa pagkatuto ng mga bata kundi pati na rin sa pagpapanatili ng ating kultura at identidad bilang mga Pilipino. Dapat magpatuloy ang mga hakbang upang palakasin ang paggamit ng mother tongue sa edukasyon, kasabay ng pagpapabuti ng kasanayan sa Filipino at Ingles.
Ayon sa Seksiyon 6, Artikulo XIV ng 1987 Konstitusyon, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, na dapat payabungin batay sa mga umiiral na wika. Gayunpaman, tila walang pangil ang mga kautusang nagtataguyod ng paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksiyon at komunikasyon ng pamahalaan. Ang problema ay nakaugat din sa hindi lubos na pagpapaunlad ng wikang Filipino sa mga silid-aralan.
Mahalaga ang paggamit ng sariling wika sa mga usaping pampolitika at pampubliko upang magdulot ng pag-unlad ng bansa. Ang mga bansang tulad ng Thailand at Malaysia
ay umunlad gamit ang kanilang sariling wika. Kaya naman, dapat paigtingin ang mga adbokasiya para maipaintindi sa mga kabataan ang halaga ng sariling wika. Mahalaga rin ang mga inisyatiba tulad ng paggunita ng Buwan ng Wika at pagsusulat ng panitikan sa Filipino at katutubong wika.
Sa kabila ng mga pagbabago, mahalaga pa ring itaguyod ang paggamit ng sariling wika sa iba’t ibang aspeto ng edukasyon at pamumuhay. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa pagkilala at pagpapahalaga sa ating sariling kultura at wika.
Nawa’y dumating ang panahon na walang wika ang mas higit sa iba, at kaalinsabay ng pagiging matatas sa wikang Ingles ang pangangalaga at paggamit sa sariling wika. Alisin ang pagiging estranghero sa sariling wika, at yakapin ang pambansang identidad. Huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Huwag maging isang malansang isda.
Habang papalapit ang national at local elections sa Pilipinas, muling nagiging sentro ng atensyon ang balota—isang simbolo ng demokrasya at kapangyarihan ng mamamayan. Sa darating na halalan sa Mayo 2025, higit sa 18,000 posisyon ang paglalabanan, kabilang ang 12 bagong senador, 63 party-list representatives, at mga lokal na opisyal mula gobernador hanggang konsehal. Ang mga kandidato ay nagsimula nang maghain ng kanilang mga certificates of candidacy mula Oktubre 1 hanggang 8.
Sa kabila ng mga pangakong pagbabago at pag-unlad, marami sa mga kakandidato ang may mga bahid ng kontrobersiya at katiwalian. Ang ilan sa kanila ay nahaharap sa mga kaso ng korapsyon, pandarambong, at iba pang mga paglabag sa batas. Ang mga ganitong kandidato ay nagdudulot ng pangamba sa mga botante na tunay na naghahangad ng malinis at tapat na pamahalaan. May kakayahang magdala ng pagbabago ang bawat boto, at sa darating na halalan, mahalaga ang bawat isa sa atin na maging mapanuri at responsable sa pagpili ng mga lider na maglilingkod sa bayan.
Sa kasalukuyang panahon, maraming isyu ang kinakaharap ng bansa—mula sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan, hanggang sa kapayapaan at kaayusan. Ang mga kandidatong tatakbo ay may kanya-kanyang plataporma at pangako, ngunit bilang mga botante, tungkulin nating suriin ang kanilang mga kredibilidad at kakayahan. Hindi sapat ang magpadala sa mga
matatamis na salita at pangako; kailangan nating tingnan ang kanilang mga nagawa at kung paano nila isinasabuhay ang kanilang mga prinsipyo. Nagiging pangunahing plataporma ng kampanya ang social media, at dito rin nagmumula ang maraming maling impormasyon. Sa mga responsableng botante, nararapat lamang na maging mapanuri tayo sa mga impormasyong ating tinatanggap at ibinabahagi. Ang tamang impormasyon ay mahalaga upang makabuo tayo ng matalinong desisyon. Hindi lamang isang piraso ng papel ang balota. Ito ay simbolo ng ating pag-asa at pananampalataya sa isang mas magandang kinabukasan. Sa darating na halalan, gamitin natin ang ating karapatan nang may pananagutan at pagmamahal sa bayan. Ang bawat boto ay mahalaga, at sa ating sama-samang pagkilos, maaari nating makamit ang tunay na pagbabago.
Princess Chleo Batingeg Pangalawang Patnugot
Rhian Nitch Tabula Tagapangasiwang Patnugot
Aquisha Yhandra Jaramillo Patnugot sa Balita
Jessalyn Joyce Carla Tajardon Patnugot sa Lathalain
Herald Jacob Flores Patnugot sa Palakasan
Iyana Rayne Pugrad Patnugot sa Dibuho
Elmer Christoph Agleam Patnugot sa Potograpiya
Lhander Jafet Valencia Tagapagwasto ng Pahina
Kristel Pastor Aniza Marie Paje Kontribyutor
Randell Balasan Tagapayo
Estrellita Siruno Punongguro IV

‘‘
Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga magulang at ng komunidad upang masiguro ang tagumpay.
LIHAM SA PATNUGOT
SA PATNUGUTAN,
Nais ko pong ipahayag ang aking pag-aalala sa kawalan ng suplay ng tubig sa ating paaralan simula pa noong umpisa ng klase.
Mahalaga ang tubig para sa kalinisan at kalusugan ng ating mga anak. Sana po ay mabigyan ninyo kami ng update tungkol sa mga hakbang na ginagawa upang maresolba ito at kung kailan magkakaroon ng normal na suplay ng tubig.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Umaasa ako sa inyong agarang tugon.
Lubos na gumagalang, Jay-Anne Unciano, ina ng nasa ikalawang baitang
GNG. UNCIANO,
Maraming salamat sa inyong liham at suporta sa Carusipan Elementary School. Alam po namin ang problema sa suplay ng tubig at kasalukuyan kaming nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga ahensya para ito ay agad na masolusyunan. Inaasahan naming maibabalik ang normal na suplay ng tubig bago matapos ang taon.
Magbibigay kami ng updates sa inyo at sa iba pang mga magulang. Kung mayroon po kayong katanungan, huwag mag-atubiling makipagugnayan.
Bawal ang pasaway
NI PRINCESS CHLEO BATINGEG
Isang mahalagang institusyon sa ating komunidad ang paaralan, ngunit tulad ng maraming paaralan, hindi ito ligtas sa mga isyu na maaaring makaapekto sa kalidad ng edukasyon at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Isa sa mga pangunahing isyu ay ang kakulangan sa disiplina ng ilang mag-aaral. Ang pagiging pasaway ay hindi lamang nakakaapekto sa kanilang sariling pag-aaral kundi pati na rin sa kanilang mga kaklase. Mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na mga patakaran at ang mahigpit na pagpapatupad nito upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa loob ng paaralan. Mahalagang isyu rin ang kalinisan sa paaralan. Ang
BANAAG
NI AQUISHA YHANDRA JARAMILLO PUNTO
mga mag-aaral ay dapat turuan ng tamang kalinisan upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit. Ang pagkakaroon ng sapat na mga palikuran at wastong pamamahala ng basura ay mahalaga upang mapanatili ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro.
Haligi ng edukasyon ang mga guro, ngunit madalas silang nahaharap sa mga hamon tulad ng mababang sahod. Ang pagbibigay ng sapat na suporta at insentibo sa mga guro ay makakatulong upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa paaralan.
Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga magulang at ng komunidad ay upang masiguro ang tagumpay ng mga programa at

proyekto ng paaralan. Ang pagkakaroon ng mga regular na pagpupulong at konsultasyon ay makakatulong upang masolusyunan ang mga isyu at mapabuti ang kalagayan ng paaralan. May potensyal na maging isang modelo ng maayos at de-kalidad na edukasyon ang paaralan ng Carusipan. Ngunit upang makamit ito, kinakailangan ang pagtutulungan ng lahat ng sektor—pamahalaan, guro, magulang, at komunidad. Sa pamamagitan ng pagtutok sa mga isyung nabanggit, masisiguro natin na ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng ligtas at makabuluhang karanasan sa kanilang pag-aaral.
Nabulag sa resiliency, nagkulang sa accountability
Sa tuwing may kalamidad o krisis na dumadaan sa Pilipinas, madalas nating marinig ang salitang “resiliency” o katatagan. Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang kakayahang bumangon mula sa mga pagsubok, ngunit sapat na ba ang pagiging matatag? Sa kabila ng ating katatagan, tila paulit-ulit na lamang ang mga problema. Dito pumapasok ang konsepto ng “accountability” o pananagutan.
Walang duda na ang pagiging matatag ay isang mahalagang katangian. Sa harap ng mga bagyo, lindol, at iba pang kalamidad, ang kakayahan ng mga Pilipino na magpatuloy at bumangon ay kahanga-hanga. Ngunit, ang pagiging matatag ay tila nagiging dahilan upang
hindi na natin hanapin ang mga ugat ng problema. Sa halip na maghanap ng pangmatagalang solusyon, umaasa tayo sa ating kakayahang mag-adjust at mag-survive.
Kapag sinabing pananagutan, ito ay nangangahulugang mayroong mga taong dapat managot sa kanilang mga aksyon at desisyon. Sa konteksto ng pamahalaan at mga lider, ito ay nangangahulugang dapat silang maging transparent at responsable sa kanilang mga gawain. Halimbawa, sa usapin ng korapsyon, hindi sapat na tayo ay magtiis at mag-adjust. Dapat nating hanapin ang mga may sala at papanagutin sila upang hindi na maulit ang mga ganitong problema.
Isang malinaw na halimbawa ay ang mga proyekto ng imprastruktura

na hindi natatapos o kaya’y substandard ang kalidad. Sa halip na magpatuloy sa pagiging matatag at magadjust sa mga kakulangan, dapat nating hanapin ang mga responsable sa mga kapalpakan at papanagutin sila. Sa ganitong paraan, masisiguro natin na ang mga susunod na proyekto ay magiging mas maayos at kapaki-pakinabang.
Mahalaga ang pagiging matatag, ngunit hindi ito dapat maging dahilan upang hindi na natin hanapin ang mga ugat ng problema. Ang pananagutan ay isang mahalagang aspeto ng isang maayos at progresibong lipunan. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kultura ng pananagutan, masisiguro natin na ang mga problema ay hindi na mauulit at ang ating bansa ay tunay na uunlad.

TAMBULI
Sandigan ng katotohanan at kasaysayan
NI HERALD JACOB FLORES
Edukasyon, ayon sa akdang ‘The Miseducation of the Filipino’ ni Renato Constantino, ay hindi lamang para magbigay ng kaalaman, kundi para rin maghubog ng makabayan at kritikal na mamamayan. Sa pamamagitan ng tamang edukasyon, naipapasa sa mga kabataan ang tunay na diwa ng kasaysayan at mga aral mula sa nakaraan. Ito ay naglalaman ng mas malalim na kahulugan— ang pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa at ang daluyan ng ating kasaysayan at mga aral mula sa nakaraan. Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng sektor ng edukasyon, paano natin masisiguro na ang katotohanan at kasaysayan ay patuloy na magiging bahagi ng sistema nito?
Hindi maikakailang malaki ang naging papel ng edukasyon sa pagbubuo ng kamalayan ng bawat Pilipino. Subalit, sa kasalukuyang panahon, tila may unti-unting pagbabaliktad sa diwa ng kasaysayan. Isa na rito ang pagtanggal sa mga aklat ng mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan, tulad ng EDSA People Power Revolution. Ang insidenteng ito, na naganap noong 1986, ay isang malinaw na halimbawa ng pagkakaisa at

BARAT
tapang ng mga Pilipino upang ipaglaban ang demokrasya laban sa diktadura. Ngunit, paano kung sa mga susunod na henerasyon, ang kabanatang ito ay burahin o baguhin?
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang kasaysayan ay unti-unting nagiging biktima ng tinatawag na historical revisionism. Sa ilalim ng administrasyon ngayon, hindi na ginawang opisyal na pista opisyal ang paggunita sa EDSA Revolution. Ang desisyong ito, ayon sa gobyerno, ay bahagi ng holiday economics upang pasiglahin ang turismo. Subalit, ang tanong, paano natin maisusulong ang tunay na progreso kung hindi natin kinikilala ang ating pinagdaanan bilang isang bayan?
May mahalagang tungkulin ang Department of Education (DepEd) sa usaping ito. Ang mga guro, mga aklat, at kurikulum ang bumubuo sa pundasyon ng pagkatuto ng kabataan. Kaya naman, kinakailangang masiguro na ang bawat talata, bawat leksyon, ay sumasalamin sa tunay na kasaysayan ng bansa. Hindi maaaring balewalain ang papel ng kasaysayan sa paghubog ng kritikal na pagiisip at pagmamahal sa bayan. Ang maling impormasyon o pagtanggal ng mahahalagang bahagi ng ating kasaysayan ay ay
SHA ang pangakong napako
NI RANDELL BALASAN
Isa akong guro sa multigrade, at alam ko ang bigat ng trabaho ng mga kaguruan na humaharap sa hamon ng pagtuturo ng iba’t ibang baitang sa iisang silidaralan. Hindi biro ang pagsasanib ng magkakaibang lebel ng karunungan, pangangailangan, at edad ng mga mag-aaral. Ngunit higit pa rito, ang tunay na hamon ay ang kakulangan ng suporta mula sa sistema—lalo na pagdating sa Special Hardship Allowance (SHA) na dapat sana’y tulong sa aming mga nagtuturo sa mga liblib, mapanganib, o hirap maabot na lugar. Malinaw na nakasaad sa DepEd Order No. 91, s. 1997 na naglalaman ng mga patakaran at gabay sa pagbibigay ng SHA sa mga guro na nagtuturo ng multigrade classes. Mayroon ding DepEd Order No. 81, s. 20092 na naglalayong palakasin ang implementasyon ng Multigrade Program sa edukasyon sa Pilipinas at binibigyang-diin ang mahigpit na pagpapatupad ng SHA para sa mga multigrade teachers.
Sa kabila ng pangako ng DepEd na magbigay ng karampatang allowance para sa mga guro ng multigrade, ang mabagal na proseso ng pagapruba at pamamahagi nito ay tila isa nang kalbaryo. Marami sa
pagnanakaw sa kinabukasan ng mga mag-aaral. Dapat maging bukal ng katotohanan ang edukasyon. Hindi sapat na ituro lamang ang mga petsa, pangalan, at lugar. Dapat itanim sa puso’t isipan ng mga kabataan ang mga aral mula sa nakaraan: ang kahalagahan ng pagkakaisa, ang tapang sa harap ng pagsubok, at ang pagpapahalaga sa kalayaan. Sa kabila ng mga hamon, nananatili ang pag-asa. Ang kabataan, na itinuturing na pag-asa ng bayan, ay may kapangyarihang ipaglaban ang katotohanan. Ang papel ng DepEd ay magmulat at magudyok ng kamulatan. Dapat itong maging kasangkapan sa paglaban sa historical revisionism at sa pagpapalaganap ng makabayaning diwa. Tulad ng sinabi ni Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit, magiging pag-asa lamang sila kung ang kanilang edukasyon ay puno ng katotohanan. Dapat manatiling buhay sa mga puso at isipan ng bawat Pilipino ang kasaysayan, at sa tulong ng paaralan, magagamit natin ito bilang gabay sa mas magandang kinabukasan. Ang tunay na layunin ng edukasyon maghubog ng mga mamamayang handang ipaglaban ang katotohanan, katarungan, at kalayaan.
amin ang umaasa sa SHA para maibsan kahit papaano ang gastusin sa araw-araw—mula sa pamasahe papunta sa mga malalayong paaralan, pagkain habang nasa biyahe, hanggang sa pagbili ng sariling kagamitan para sa klase dahil wala nang pondo para rito. Ngunit madalas, ang allowance na dapat natanggap noong nakaraang taon ay darating pa lamang sa sumunod na taon, kung hindi man maantala nang tuluyan. Hindi maitatangging maraming guro ang nanlulumo dahil sa sistemang tila walang malasakit sa kanilang sakripisyo. Ang hirap maghintay nang walang kasiguraduhan, lalo pa’t ang perang iyon ay sadyang mahalaga sa mga guro na nagtuturo sa mga lugar kung saan ang kuryente, tubig, at maayos na daan ay madalas pangarap lang. Maraming pagkakataon na ang delay ng SHA ay nagdudulot ng pagkakautang, pagod, at demoralisasyon sa mga gurong tulad ko.
Hindi rin makatwiran na patuloy na pangakuan ang mga guro ng allowances na hindi naman agad naibibigay. Kapag ang sistema mismo ang nagpapabaya, paano pa maaasahan na ang mga guro ay
magpapatuloy nang buong puso sa kanilang pagtuturo? Hindi sapat ang mga papuri at parangal na ibinibigay sa amin; kailangan namin ng konkretong aksyon— tulad ng maayos at mabilis na pagbibigay ng SHA. Ang mabagal na proseso ay hindi lamang usapin ng administratibong problema. Isa itong patunay ng kakulangan ng pagpapahalaga sa mga guro sa multigrade na nagdadala ng edukasyon sa mga pinakamalayong sulok ng bansa. Hindi namin hinihingi ang sobra—ang tanging nais namin ay ang makuha ang nararapat sa amin nang naaayon sa tamang panahon. Hangad ko ang isang sistema kung saan ang allowances tulad ng SHA ay hindi na kailangang hintayin nang matagal. Kung tunay na kinikilala ng gobyerno ang sakripisyo ng mga guro, nararapat lamang na gawin nila ang kanilang tungkulin upang suportahan kami. Sana’y dumating ang panahon na ang mga gurong tulad ko ay hindi na kailangang maghintay o magtiis pa. Ang edukasyon ay hindi lamang responsibilidad ng mga guro—ito ay responsibilidad ng bawat isa, lalo na ng mga nasa posisyon na kayang gumawa ng pagbabago.
“Dapat maging
bukal ng katotohanan ang edukasyon. Hindi sapat na ituro lamang ang mga petsa, pangalan, at lugar.”
‘‘ ‘‘
“Kung tunay na kinikilala ng gobyerno ang sakripisyo ng mga guro, nararapat lamang na gawin nila ang kanilang tungkulin upang suportahan kami.”
SA MGA NUMERO ng buwanang basic salary ang natatanggap ng mga multigrade teachers bilang Special Hardship Allowance (SHA) na dapat ibinibigay buwan-buwan.


Siya Ang Una Kong Haligi
Sa bawat hakbang ng aking paglalakbay, laging nariyan si Mama, ang aking unang haligi. Mula sa mga unang araw ng aking pag-aaral hanggang sa mga tagumpay na aking nakamit, siya ang naging gabay at inspirasyon ko.
Narinig ko na ang pagtawag sa aking ngalan sa harapan, at umakyat ako kasama si Mama upang tanggapin ang gintong medalya. Ang kanyang malawak na ngiti ay tila isang pilat na hindi ko malimutan, bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan at pagmamalaki. Hindi ko man maalala ang mga naging guro ko noong ako’y wala pang sapat na kaalaman, ngunit may isa akong guro na hindi ko malilimutan—ang aking ina; ang ilaw ng aming tahanan. Siya ang unang nagturo sa aking humawak ng panulat at sa pagsulat. Tinuruan niya akong bumasa at maging matiyaga. Hindi ko makakalimutan ang pamalo na palagi naming katabi sa
Pagpag ang
Bumuhay sa Amin


tuwing ako’y tinuturuan. Hanggang sa mabasa ng mga luha ang papel na aking sinusulatan, nakabantay si Mama habang sinusubukan kong isulat ang aking pangalan. Oras na ako’y ‘di sumunod, tiyak na ako’y mapagagalitan. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, alam kong ang kanyang layunin ay ang aking ikabubuti. Kung ‘di dahil sa kanya’y wala ako ngayon sa aking kinatatayuan. Wala sana akong alam sa mundong ibabaw. Ibinigay niya sa akin lahat ng suporta kong kailangan; siya ang ilaw na sa aki’y tumanglaw. Iba-iba at maraming mga guro na ang nagturo sa akin, lahat sila’y naging malaking parte ng aking kaalaman, ngunit wala pa rin papantay sa kanya—sa aking mama; ang aking kaunaunahang guro at suporta.
Sa araw na ito ng mga ina, alalahanin natin ang kanilang walang kapantay na pagmamahal at sakripisyo. Ipagdiwang natin ang ating mga ina, ang ating mga unang guro at haligi ng ating buhay.
Sa mundo kung saan ang pagkain ay sagana ngunit malimit na sinasayang, lumalaban ang maraming Pilipino sa pang-araw-araw na hamon ng kagutuman. Isa na rito ang magpinsang Jullia, 7, at John Laurence, 8, galing Tandang Sora sa Quezon City at ngayo’y lumipat at nag-aaral na sa Carusipan Elementary School. Dama ng magpinsan ang matinding pagbabago mula sa kanilang dating buhay sa Tandang Sora.
Ngunit may isa pang bagay na kinailangan nilang matutuhan—ang pagkain ng pagpag o tira-tirang pagkain mula sa mga fast food. Dahil sa hirap ng buhay at limitadong kita ng kanilang mga magulang, minsan ay napipilitan ang pamilya ni Jullia at Jhon Laurence na mangalakal ng natirang pagkain. Ang pagpag ay karaniwang tirang pagkain mula sa mga fast food restaurant na pinipili at nililinis ng mga nangangalakal bago iluto muli upang kainin.
Naranasan ng magpinsan ang magtungo araw-araw sa palengke para mangolekta ng mga gulay at tira-tirang pagkain mula sa mga fast food restaurants. Kahit hindi na pwedeng ibenta at kainin, sa kanila, ang mga pagkaing ito ay buhay at pag-asa para sa kanyang pamilya. Sa mga salita ni Jullia, “Kahit tira-tira na lang, ang mahalaga ay may makakain kami arawaraw.”
Ang kulturang pagpag ay sumasalamin sa nakakalungkot na
katotohanan: maraming Pilipino ang walang access sa malinis at ligtas na pagkain. “Nung una, nahihirapan kami tanggapin kasi hindi namin ito ginagawa dati,” kwento pa ni Jullia. “Pero sa hirap ng buhay, natutuhan namin na mas mahalaga na hindi kami magutom kaysa sa mag-alala sa itsura ng kinakain namin.”
“Masarap rin naman minsan, lalo na kapag gutom ka na,” sabi naman ni Jhon Lawrence. Bagamat hindi normal ang ganitong pamumuhay, para kay Jhon Laurence at ng kanyang pamilya, ito ang naging paraan nila upang makatawid sa pang-araw-araw. Sa kabila ng maraming beses na paghuhugas ng mga pagkain upang matiyak na malinis ito, nananatili ang pangamba ni Jhon Laurence na maaaring magdulot ng sakit ang pagpag sa mga kumakain nito.
Ayon sa datos mula sa Food and Nutrition Research Institute noong 2015, umaabot sa 1,212 metric tons ng pagkain ang nasasayang araw-araw sa Pilipinas. Kasama rito ang mga gulay, prutas, at iba pang pagkain na hindi nakapasa sa quality control ng mga supermarket at malalaking establisyemento. Sa gitna ng lumalalang problema sa food waste at kakulangan ng access sa sapat at masustansyang pagkain, kapansin-pansin na tila wala pa ring konkretong solusyon ang gobyerno sa problemang ito. Ayon sa datos ng DSWD, mayroong humigitkumulang na 50 milyong food insecure na Pilipino noong 2022 – pinakamataas ito sa buong Timog Silangang Asya. Isang kasalukuyang
programa ng DSWD, ang “Walang Gutom 2027” o Food Stamp Program, ay naglalayong mabigyan ang mga pamilya ng Php 3,000 na food credits bawat buwan upang makabili ng masustansyang pagkain. Ngunit sa kabila ng mga ganitong programa, marami pa ring pamilya ang hindi nararating ng tulong. Ang programang ito ay limitado at nangangailangan ng mas masusing implementasyon upang mas mabigyan ng oportunidad ang mga pamilyang nasa ilalim ng food insecurity. Ang mga panukalang batas at programa na naglalayong bawasan ang pag-aaksaya ng pagkain ay may pag-asa na mabigyang-lunas ang suliranin ng kagutuman sa Pilipinas. Sa wakas, ang mga tinatawag na ‘tira-tira’ ay maaaring magsilbing simbolo ng pag-asa para sa mga Pilipinong patuloy na nagtataguyod ng mas makatao at makatarungang lipunan.
Ang kwento nina Jullia at Jhon Laurence ay nagpapaalala sa atin ng dalawang magkasalungat na realidad sa bansa—ang kakulangan sa pagkain sa isang bahagi at ang pag-aaksaya naman sa kabilang banda. Naniniwala ang magpinsan na kahit saan man sila dalhin ng buhay, madadala nila ang mga aral na natutuhan nila sa Tandang Sora at patuloy nilang pagbubutihin ang pag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Nawa’y maging inspirasyon ang kuwentong ito upang higit pang pagtuunan ng pansin ang mga solusyon na pangmatagalan – isang lipunan na walang gutom at puno ng pag-asa.
Isang Libo’t Isang Hakbang

Sa pagitan ng mga kalsada’t burol, araw-araw na naglalakbay si Jaylord Tajardon,10, Grade 4, at nag-aaral sa Carusipan Elementary School. Bitbit ang kanyang bag at matibay na determinasyon, arawaraw siyang naglalakad ng halos 10 kilometro upang makarating sa kanyang silid-aralan. Ang kanyang paglalakbay, na pinapagana ng matinding pagnanais para sa edukasyon at pangarap, ay naglalarawan ng kanyang sakripisyo at katatagan.
Si Jaylord ay pangalawa sa limang anak nina G. at Gng. Jesus Tajardon. Tulad ng maraming pamilya sa kanilang komunidad, ang mga hamon sa pinansyal ay laging naroon. Sa kabila ng mga pagsubok na ito, sabik si Jaylord na matuto, at nais na buksan ang mga pintuan ng oportunidad sa pamamagitan ng edukasyon.
Tuwing umaga, bago pa man sumikat ang araw, gising na si Jaylord ng alas-4 ng
madaling-araw. Sa katahimikan ng madaling araw, kasama ang kanyang mga kapatid, nagsisimula na siya sa kanyang mahabang paglalakad patungo sa paaralan.
Ngunit hindi nagtatapos ang paglalakbay ni Jaylord pagdating sa paaralan. Mahusay niyang ginagawa ang mga walis tingting mula sa mga dahon ng niyog. Ang kanyang malilikot na mga daliri ay naglalala ng mga hilaw na materyales upang maging walis. Bawat walis na kanyang ginagawa ay kumakatawan sa oras ng pagsusumikap, isang patunay ng kanyang hindi matitinag na husay. Ang mga walis na ito, na may presyong 30 pesos bawat isa, ay kanyang pinagkukunan ng pera, na tumutulong sa maliit na kita ng pamilya. Ang perang kinikita ay ginagamit upang ibili ng mga gamit sa paaralan, na nagpapagaan ng ilang mga pasanin sa pinansyal ng kanyang mga magulang. Naiintindihan ni Jaylord ang kahalagahan ng edukasyon, hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para rin sa kinabukasan ng kanyang mga kapatid.
Ang kwento ni Jaylord ay hindi lamang tungkol sa mga kilometro na
Naglaho sa Panahon

kanyang nilalakad o sa mga walis na kanyang ginagawa. Ito ay kwento ng hindi matitinag na adhikain ng tao, tungkol sa kapangyarihan ng mga pangarap na nagtutulak sa atin pasulong kahit sa harap ng mga pagsubok. Ang kanyang dedikasyon sa pagaaral, ang kanyang kahandaang magsakripisyo, at ang kanyang pagiging madiskarte sa buhay ay nagsisilbing inspirasyon sa ating lahat. Sa isang mundo kung saan hindi laging pantay ang akses sa edukasyon, ang kwento ni Jaylord ay nagbibigay liwanag sa mga kahanga-hangang haba na tinatahak ng ilang mga bata sa paghahanap ng kaalaman. Ang kanyang paglalakbay ay isang panawagan sa aksyon, hinihimok tayo na kilalanin at suportahan ang pangarap ng mga batang ito na nagsusumikap para sa isang mas maliwanag na kinabukasan, isang hakbang, isang walis, isang aral sa bawat pagkakataon.
Isang bagay na minsa’y bahagi ng ating kasaysayan, ay tila nalimutan na ng panahon. Gaya ng alikabok ay natatakpan na ng mga alaala ng nakaraan at unti-unting nawawala sa ating kamalayan. Ganyan ang sinapit ng Angklung, isang instrumentong musikal na dati’y masigla at malakas, ngayon ay tahimik at napabayaan. Ang pamana ng Angklung, na nakaugnay rin sa buhay ng mga tao sa Cabugao, Ilocos Sur, ay nag-iwan na ng katahimikan na noon isang tinig mula sa nakaraan.
Ang Angklung, isang tradisyunal na instrumentong pangmusika, ay mahalagang bahagi ng kultura ng Indonesia at nagkaroon din ng makabuluhang impluwensiya sa Pilipinas. Ang paggawa ng Angklung ay isang masusing proseso. Ang mga kawayan ay pinoproseso upang makuha ang tamang tunog. Ang bawat tubo ay maingat na hinuhubog at tinutono upang makalikha ng tamang nota. Ang mga ito ay pagkatapos pinagsasama-sama upang makabuo ng isang Angklung na maaaring gamitin sa iba’t ibang uri ng musika.
Isang muling pagbangon ang
nagaganap. Sa gabay ng nag-aapoy na puso ng mga Cabugaoenians, misyon nila na buhayin ang mga tahimik na piyesa ng Angklung. Ang susi sa pagbukas ng mga instrumentong ito ay nasa pamilyar at masiglang mga melodiya ng pagdiriwang ng Cabugao Samiweng Festival. Habang napupuno ang parke ng Cabugao ng tunog ng kawayan, ang kaganapang ito ay inaalok ang mga kabataan na palaganapin ang kaalaman at pahalagahan ang instrumentong ito.
“Sayang dahil nahaharap ang Angklung sa mga hamon ng modernong panahon. Ang mabilis
na pag-unlad ng teknolohiya at pagbabago ng mga interes ng kabataan ay ilan sa mga dahilan kung bakit unti-unting nawawala ang interes sa tradisyonal na musika tulad ng Angklung,” saad ni Gng. Richelle Siruno, isang dalubguro, na ipinapahayag ang matamis at mapait na pagnanais na muling makakonekta sa nakalimutang pamana. Dahil sa Samiweng Festival, ang plano na muling buhayin ang instrumentong ito ay unti-unting nabubuo, hinahabi ang mga melodiya ng Angklung sa masiglang mga pagtatanghal sa bayan.
Sa modernong mundong ito,
kung saan madalas nawawala ang nakaraan sa limot, nagsisilbing tunog ang Angklung na nagbibigayawit sa mayaman, ngunit madalas na hindi pinapansin ang mga kayamanang kultura nito. Ang Angklung ay hindi lamang isang instrumentong musikal kundi isang tagapagtaguyod ng ating kultura at kasaysayan. Ang tunog ng Angklung ay umaasang makakahanap ng lugar sa kasalukuyan, tinitiyak na ang mga melodiya ng ating pamana ay tutunog para sa mga susunod na henerasyon.



Mula sa mga simpleng post sa social media hanggang sa mga viral na video, ang bawat isa ay may pagkakataong maging sentro ng atensyon. Madaming mga kuwentong nagpaikot sa mundo ng social media – mga kuwentong nagbigay-inspirasyon, nagpasaya, nagpaiyak, at minsan pa’y nagdulot ng kontrobersya. Tuklasin natin ang mga kuwentong nagbigay-kulay sa mundo ng online.
Paglipadng‘Maybe This Time’
Isa sa mga trending dance na ngayon ay ang “Maybe This Time,” isang choreography na batay sa kanta ni Sarah Geronimo. Ang sayaw ay nagbigay ng bagong buhay sa kantang ito at nagiging dahilan ng
VIRAL SENSATION
Mga Kuwentong Nagpaikot sa Mundo ng Social Media
kalakalan sa mga social media platforms. Sa bawat bidyu, makikita ang mga kabataan na gumagawa ng kanilang sariling twist sa sayaw. Sikat din ang mga tutorial at breakdowns ng sayaw, na nagbigay-pagkakataon sa mga manonood na matuto at sumali sa trend.
DigitalFameni
Palibhassaaa Isang pangalan ang patuloy na umaangat at nagiging paborito ng marami, lalo na sa mga Ilokano – si Palibhassaaa. Kilala sa kanyang mga nakaaaliw na mga bidyu, si Palibhassaaa, na may tunay na pangalan na Rayver Angelo Solima mula Cabugao, Ilocos Sur, ay nagkaroon ng malaking followers sa TikTok. Sa kasalukuyan, mayroon
NI ANIZA MARIE PAJE
siyang mahigit 421.2K followers at 9.6M likes. Ang kanyang mga bidyu ay nagtatampok ng iba’t ibat tema mula sa mga nakakatawang skits, sayaw, at mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay. Ang kanyang kakayahan na magpatawa at magbigay-aliw sa kanyang mga manonood ay nagdala sa kanya ng kasikatan sa social media.
CropTopCrazesa mgaKalalakihan Hindi rin pahuhuli ang mga kalalakihan sa mundo ng fashion. Hindi na sila nag-iisa sa paggamit ng mga stylish at trendy na outfit. Isa sa mga bagong trends na nagiging sikat sa mga kabataan ay ang crop top outfits para sa kalalakihan. Ang crop top, na dati ay itinuturing
na eksklusibo para sa kababaihan, ay ngayon ay nagiging isang popular na paboritong kasuotan ng mga lalaki. Ipinapakita rito ang pagbabago sa mundo ng fashion at pagpapalaganap ng gender-neutral na estilo. Ang mga kalalakihan ay nagiging bahagi na rin ng isang mas malaking komunidad na nagpapalaganap ng kultura ng pagiging bago at moderno, anuman ang kasarian.
LoloandtheKid:Isang
PusongPelikulasaNetflix
Ang ‘Lolo and the Kid,’ isang 2024 drama film na idinirekta ni Benedict Mique, ay umani ng maraming tagahanga sa Netflix. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Euwenn Mikaell at Joel
Torre, kasama ang espesyal na pagganap ni Juan Karlos. Ikinukwento nito ang buhay ng isang hustler at ang batang inampon niya na magkasamang naloloko sa mga mayayaman. Subalit, isang oportunidad na maaaring magbago sa kanilang buhay ang nagbabanta na wakasan ang kanilang hindi mapaghiwalay na samahan.
Isang mahalagang paalala ang pelikula ang kahalagahan ng pamilya at ang mga sakripisyo na handang gawin para protektahan at alagaan ang mga mahal sa buhay. Isang pelikula na dapat panoorin ng mga mahilig sa emosyonal at karakter-driven na mga naratibo na nag-iiwan ng pangmatagalang epekto.


KAHIRAPAN SA EDUKASYON
Bodega na pala ang bagong ICT room
Ikinagulat ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na may mga gamit tulad ng mga laptop at mga libro na apat na taon nang nakatambak sa bodega ng kagawaran. Ayon sa ulat, nasa 1.5 milyong items ng mga kagamitan at kasangkapan, kabilang
naipapamahagi mula pa noong 2020.
Samanatala, ayon sa pag-aaral, 55 porsyento ng mga mag-aaral ay pumapasok sa mga paaralan kung saan walang educational materials, kabilang ang mga textbook, information
internet access, learning management systems, o mga school learning platforms.
Sa mga laptop at iba pang kagamitan na apat na taon nang nakatambak sa bodega ng DepEd ay isang malinaw na halimbawa ng pag-aaksaya ng yaman at oportunidad. Sa halip na magamit ng mga guro at mag-aaral, ang mga kagamitan ay nabubulok lamang at nawawalan ng halaga.

SIYE-LINE
Malapit na ang finish line
NI RHIAN NITCH TABULA
Lumabas sa isinagawang pagsusuri nitong taon na ang mundo ay malayo pa sa pagtupad ng Sustainable Development Goals (SDG) 2030 Agenda. Sa 169 na target, 135 ang maaaring masuri gamit ang ginagamit na global trend data mula sa 2015 baseline hanggang sa pinakabagong taon. 17 porsyento lamang ang nagpapakita ng sapat na progreso para sa pagkamit sa 2030. Nakababahala, 18 porsyento ang nagpapakita ng stagnation o walang pag-unlad at 17 porsyento ang nagpapakita ng pagurong sa ibaba ng antas ng 2015 baseline.
Sa pagsusuring ito ay nagpapakita ng agarang pangangailangan para sa
mas pinatinding pagsisikap upang mailagay ang SDGs sa tamang landas.
Sa paglipas ng mga taon, ang Sustainable Development Goals (SDGs) ay naging gabay natin tungo sa isang mas makatarungan at mas maunlad na mundo. Habang papalapit tayo sa 2030, ang itinakdang taon para makamit ang mga layuning ito, mahalagang suriin kung nasaan na tayo at kung ano pa ang kailangan nating gawin.
Ang SDGs ay binubuo ng 17 layunin na sumasaklaw sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay—mula sa pag-alis ng kahirapan at kagutuman, hanggang sa pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon at kalusugan para sa lahat. Sa kabila ng mga hamon, marami na tayong nakamit.
Nakikita sa sitwasyong ito ang kakulangan sa epektibong pamamahala at distribusyon ng mga resources sa loob ng DepEd. Sa panahon kung saan ang teknolohiya ay mahalaga sa edukasyon, ang pagkakaroon ng mga hindi nagagamit na laptop ay isang malaking kawalan para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng mga ito upang mapabuti ang kanilang pag-aaral.
Dapat agarang aksyunan ng DepEd ang problemang ito sa pamamagitan ng mas
mabilis at sistematikong distribusyon ng mga kagamitan. Kailangan din ng mas mahigpit na pagsisiyasat upang masiguro na ang mga ICT equipment na ito ay napapakinabangan ng mga dapat makinabang. Ang transparency at accountability sa pamamahala ng mga pondo at kagamitan ay mahalaga upang maiwasan ang ganitong uri ng pagaaksaya sa hinaharap. Bawat kagamitan na hindi nagagamit ay isang nasayang na pagkakataon para sa pag-unlad ng edukasyon sa ating bansa. Panahon na upang itama ang mga pagkakamali at tiyakin na ang mga ito ay nagagamit nang tama at epektibo para sa kapakanan ng mga magaaral at guro.
Halimbawa, ang antas ng kahirapan sa buong mundo ay bumaba, at mas maraming bata ang nakakapasok sa paaralan kaysa dati.
Ngunit hindi pa tapos ang laban. Ang pagbabago ng klima, hindi pagkakapantaypantay, at iba pang mga isyu ay patuloy na humahadlang sa ating pagunlad. Kailangan ng mas pinagsamang pagsisikap mula sa lahat ng sektor ng lipunan—gobyerno, pribadong sektor, at mga indibidwal—upang matiyak na walang maiiwan.
Ang bawat isa sa atin ay may papel na ginagampanan. Sa pamamagitan ng simpleng mga aksyon tulad ng pagtitipid ng tubig, pagrecycle, at pagsuporta sa

mga lokal na produkto, makakatulong tayo sa pag-abot ng mga layuning ito. Ang edukasyon at kamalayan ay susi rin; ang pag-unawa sa mga SDGs at ang kanilang kahalagahan ay magbibigay inspirasyon sa mas marami pang tao na kumilos.
Sa huli, ang SDGs ay hindi lamang mga layunin ng gobyerno o mga internasyonal na organisasyon. Ito ay mga layunin ng bawat isa sa atin. Habang papalapit tayo sa finish line, tandaan natin na ang bawat hakbang, gaano man kaliit, ay mahalaga. Sama-sama, malapit na tayong makarating sa ating destinasyon—isang mas maliwanag at mas makatarungang mundo para sa lahat.
DENTAL PROGRAM
Pangangalaga sa ngipin, tampok sa Buwan ng Pambansang Kalusugan sa Ngipin
NI DIVINE XIANNE SAUNIL
Sa layuning mapanatili ang magandang kalusugan ng bibig, nagsagawa si Dr. Josefina Angelica Peralta, Dentista II ng SDO Ilocos Sur, ng masusing pagsusuri sa kalusugan ng bibig at ngipin ng mga mag-aaral ng Carusipan Elementary School, Pebrero 22.
Nagpakita si Peralta ng tamang paraan ng pagsisipilyo ng ngipin at pagkatapos ay naglagay siya ng fluoride varnish sa
mga mag-aaral. “Ang pag-aalaga sa ating mga ngipin ay hindi lamang nagbibigay sa atin ng magandang ngiti kundi mahalaga rin para sa pangkalahatang kalusugan. Dapat itong maging bahagi ng ating pang-araw-araw na gawain,” binigyang-diin ni Peralta.
Bukod dito, ang ilang mag-aaral ay nakatanggap ng mga oral kits bilang bahagi ng programa.
Ang pagpapatupad ng School Dental Health Care Program ay naaayon sa Basic Education-Learning Continuity Plan.
Inaasahan na ang ganitong uri ng kampanya sa kalusugan ay magiging regular na aktibidad sa paaralan upang matiyak ang kahandaan ng mga mag-aaral sa pag-aalaga ng kanilang kalusugan sa bibig at ngipin.
Pebrero ang itinalagang Buwan ng Pambansang Kalusugan sa Ngipin.


75% ng mga mag-aaral ay hindi sumusunod sa tamang paghihiwalay ng basura.
40% ng kabuuang basura sa paaralan ay binubuo ng mga single-use plastic.
Sa layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa paaralan, inilunsad ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ang kampanyang ‘Clean As You Go’ o CLAYGO.
Naglalayong turuan ng kampanyang ito ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang mga kalat at basura.
Ayon kay Princess Chleo Batingeg, YES-O President, isang paraan ito upang ipakita sa mga mag-aaral ang
kahalagahan ng kalinisan at disiplina.
“Mahigpit naming ipapatupad ang CLAYGO dahil masarap pumasok sa paaralan kapag malinis ang paligid,” dagdag ni Batingeg.
Upang masiguro ang tagumpay ng kampanya, narito ang ilang hakbang na ipapatupad ng YES-O:
1. Paglalagay ng mga
Basurahan: Magkakaroon ng karagdagang mga basurahan sa bawat sulok ng paaralan upang mas madaling maitapon ng mga mag-aaral ang kanilang basura.
Lead-contaminated tumblers, panganib sa kalusugan
ng mga bata; Pamunuan ng paaralan, nagbabala
Isang babala ang inilabas kamakailan tungkol sa mga tumbler na kontaminado ng lead na maaaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan ng mga bata, lalo na ang mga mag-aaral ng Carusipan.
Ang lead ay isang nakalalasong kemikal na maaaring magdulot ng iba’t ibang problema sa kalusugan, lalo na sa mga bata na mas sensitibo sa mga epekto nito. Nakukuha ang kemikal
na ito sa iba’t ibang produkto tulad ng pintura, gasolina, at ilang uri ng mga kagamitan sa kusina.
“Maaaring makontamina ng lead ang mga tumbler na gamit ng ating mga mag-aaral sa proseso ng paggawa, lalo na kung ang mga materyales na ginamit ay hindi nasuri nang mabuti,” pahayag ni Melody Guerzon, Project Development Officer ng paaralan.
Dagdag pa nito na kapag gawa sa
mababang kalidad na materyales ang mga murang tumbler, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng lead contamination.
Agad namang kumilos ang pamunuan ng paaralan at pinayuhan ang mga magulang na tiyaking ligtas ang mga gamit na ipinapadala sa mga anak sa paaralan.
Patuloy na pinapaalalahanan ang lahat na pumili ng de-kalidad at ligtas na produkto upang maiwasan ang ganitong panganib sa hinaharap


Mahigpit naming ipapatupad ang CLAYGO – YES-O Officers
2. Mga Paalala at Poster: Maglalagay ng mga paalala at poster sa bawat silid-aralan at pasilyo upang ipaalala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng CLAYGO.
3. Mga Gawain at Aktibidad: Magkakaroon ng mga gawain at aktibidad na magtuturo sa mga mag-aaral ng tamang pagtatapon ng basura at pag-recycle.
4. Pagsubaybay at Pagbibigay Gantimpala: Magkakaroon ng regular na pagsubaybay sa kalinisan ng paaralan at pagbibigay ng gantimpala sa mga mag-aaral at silid-
aralan na nagpapanatili ng kalinisan.
“Masaya ako sa kampanyang ito dahil natututo kaming maging responsable at disiplinado. Sana lahat kami ay makiisa para sa mas malinis na paaralan,” ani Gabriel Sabado, mag-aaral sa ika-apat na baitang.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, inaasahang magiging matagumpay ang kampanyang CLAYGO at magdudulot ng positibong pagbabago sa paaralan.


STARBOOKS ng DOST, naipamahagi sa Carusipan ES Asteroid, nagdulot ng ‘fireball’ sa kalangitan ng Pilipinas
NI ANIZA MARIE PAJE
Isang maliit na asteroid na tinatawag na 2024 RW1 ang pumasok sa atmospera ng Earth at nagdulot ng kamanghamanghang ‘fireball’ na nakita mula sa Luzon noong Setyembre 5.
Ang asteroid, na may sukat na humigit-kumulang isang metro, ay natuklasan ilang oras bago pumasok sa atmospera. Ayon sa mga eksperto, nakita ito ng Catalina Sky Survey sa Arizona na pinondohan ng NASA.
Nagdulot ang pagpasok ng asteroid ng matinding liwanag at init, na umani ng pansin mula sa maraming tao sa bansa. Bagama’t ito ay maliit at walang pinsalang idinulot, nagbigay ito ng pagkakataon sa mga siyentipiko na pag-aralan ang mga ganitong kaganapan.
Bihira ang mga ito at nagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga bagay mula sa kalawakan. Maraming residente ang nagbahagi ng mga larawan ng ‘fireball’ sa social media, na nagdulot ng kaguluhan at pagkamangha.
Nagsisilbing paalala ito sa atin ng kahalagahan ng patuloy na pag-aaral at pagmamatyag sa kalawakan para sa kaligtasan ng ating planeta.
NI RHIAN NITCH TABULA
Upang mapalapit ang agham at teknolohiya sa mga mag-aaral, ang Department of Science and Technology (DOST) ay naglaan ng STARBOOKS digital library unit sa Carusipan Elementary School kamakailan. edukasyon at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Idanaos ang turnover ceremony sa Philippine Science High SchoolIlocos Region Campus (PSHS-IRC) na dinaluhan ng mga kawani ng DOST.
Ang STARBOOKS, o Science and Technology Academic and ResearchBased Openly-Operated Kiosk Stations, ay isang digital library system na naglalaman ng mga aklat, journal, at multimedia resources na sumasaklaw

sa iba’t ibang larangan ng agham, teknolohiya, at inobasyon.
Sa pamamagitan ng programang ito, layon ng DOST na mapalakas ang edukasyon sa agham at teknolohiya sa komunidad, lalo na sa mga paaralan.
Ayon kay Jericho Padilla, Special Science Teacher II ng PSHC-IRC, ang STARBOOKS ay hindi lamang nagdadala ng impormasyon kundi nagbubukas din ng mga oportunidad para sa bagong henerasyon.
“With STARBOOKS, we’re not merely providing information; we’re unlocking avenues to dreams and opportunities, sparking a love for learning that will mold futures and motivate generations to come,” ani Padilla.
Bahagi ng mas malawak na estratehiya ng DOST ang pamamahagi ng STARBOOKS sa Carusipan na mapunan ang mga kakulangan sa edukasyon at mapalaganap ang pagkatuto sa agham, teknolohiya, inhenyeriya, at matematika sa buong bansa. Inaasahang magbibigay ng inspirasyon at pag-asa ang inisyatibang ito sa mga mag-aaral at magpapalakas ng kanilang interes sa larangang ito.

PANGKALUSUGANG PANGANIB
Altapresyon, posible sa mga bata; isang kaso nito, ikinababahala ng paaralan
Tinatayang
5% ng mga kabataang Pilipino ay may mataas na presyon ng dugo.
Pinagmulan: Philippine Heart Association, 2023
Natuklasan kamakailan nitong Agosto lamang na may sakit na hypertension o altapresyon ang magaaral na si Rhycel
Anne Tabula, 7 taong gulang at kasalukuyang nasa ikalawang baitang.
Napansin ng kanyang guro na kakaiba ang itsura ng kanyang paa at nang ipatingin ng nanay nito sa ospital ay umabot na pala sa 130/100 ang kanyang blood pressure.
Magana at maya’t maya ang kain ni Rhycel kaya kumpara sa mga kaedaran niya, mas malaki ang katawan niya.
“Malakas siyang kumain. Mahilig
rin siyang kumain ng pagkaing matataba, maaalat, at matatamis tulad ng tsokolate. Pinakapaborito at hindi niya pinagsasawaang kainin ang tocino at marami rin siyang kinakaing kanin,” pahayag ni Roxanne Tabula, ina ni Rhycel. Hindi puwedeng mapagod si Rhycel dahil sa kanyang sakit na pangkaraniwan sa mga matatanda pero ngayon ay nakikita na rin sa mga bata. Ayon sa mga doktor, dapat sinasanay ng mga magulang ang anak sa wastong pagkain at lifestyle dahil pati mga bata, puwedeng magkapediatric hypertension. Ang altapresyon ay
isa sa pangunahing dahilan ng sakit sa puso na maaaring magdulot ng heart attack at stoke. Sa datos ng Department of Health, nasa 25% na Pilipino ay may altapresyon. Ang kultura ng labis na pagkain ng mga Pinoy at stress ang mga itinuturong dahilan ng pagkakaroon nito, na nararanasan na rin ng mga bata tulad ni Rhycel.
Sa kasalukuyan, may iniinom na gamot si Rhycel upang mapanatili ang katamtaman nitong blood pressure at hindi na muling tataas pa.
KALUSUGAN PARA SA CARUSIPAN, HATID NG BHW
NI HERALD JACOB FLORES
Isang hakbang patungo sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ang inilunsad ng Carusipan Barangay Health Workers (BHW) ang isinagawang feeding program para sa mga mag-aaral ng Carusipan
Bilang parte ng programa ang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon, layunin ng feeding program ay tiyakin na ang bawat mag-aaral ay makakatanggap ng sapat na pagkain.
Nakatanggap ang mga
Ayon kay Emy Agdios, Carusipan BHW, “Napakahalaga na ang ating mga kabataan ay mabigyan ng tamang nutrisyon upang sila ay lumaking malusog at maging handa sa kanilang pag-aaral.”
Nagkaroon din ng maikling talakayan ukol sa kahalagahan ng tamang paglilinis sa paligid kontradengue upang mapanatili

BHW ang patuloy na pagsisikap na itaguyod ang kalusugan ng mga mamamayan, lalo na ng mga kabataan upang matiyak na ang bawat bata ay may sapat na lakas at sigla upang harapin ang bawat araw ng kanilang pag-aaral.
program ng Carusipan


Carusipan ES, tumanggap ng kagamitang pang-agham at matematika
Masayang tinanggap ng Carusipan Elementary School ang isang komprehensibong pakete ng mga kagamitang pangagham at matematika bilang bahagi ng pambansang inisyatiba na palakasin ang edukasyon sa STEM sa mga pampublikong paaralan, Enero 20.
Layunin ng inisyatibang ito na suportahan ang mass production, supply, at delivery ng mahahalagang kagamitang pang-edukasyon para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6.
Kasama sa mga kagamitan ang iba’t ibang resources na idinisenyo upang mapabuti ang handson learning experiences sa agham at matematika.
Ang mga resources na ito ay makakatulong sa mga guro na maghatid ng
NI KRISTEL PASTOR
mas nakakaengganyo at epektibong mga aralin, na magpapalalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga asignaturang STEM.
“Ang paghatid ng mga kagamitan sa ating paaralan ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na bigyan tayo ng sapat na kagamitan sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon,” pahayag ni Richelle Siruno, guro.
Nagpahayag ng pasasalamat ang PTA para sa mga bagong kagamitan, na inaasahang magpapahusay at magbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang interes sa agham at matematika.



isports
ISDAA Meet 2025, pinaghahandaan na ng SDO Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur – Ang School Division Office (SDO) ng Ilocos Sur ay naghahanda na para sa inaabangang
Ilocos Sur Division Athletic Association (ISDAA) Meet 2025 na gaganapin sa Quirino Stadium, Bantay, Ilocos Sur mula Pebrero 20 hanggang 23, 2025.
Sa temang ‘Atletang Pilipino: Dangal ng Bayan Ko,’ layunin ng palaro na itaguyod ang kabuuang pagunlad ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang pisikal at pampalakasan na aktibidad.
Isa sa mga pangunahing layunin ng ISDAA Meet ay ang makatarungang paghahanap ng pinakamahusay na sinanay at pinakapanalong kalahok ng dibisyon.
Kasama rito ang mga atleta, tagapagsanay, at opisyal na kakatawan sa Ilocos Sur
ISPORT NA MAY PUSO’T SIGASIG
NI JESSALYN JOYCE CARLA TAJARDON
Sa paglipas ng panahon, maraming bagong talento sa larangan ng pampalakasan ang nagsilabasan. Noong ika-17 at 18 ng Disyembre, ginanap ang 2024 Unit 1 Athletic Association Meet sa Cabugao. Sa kaganapang ito, nakilahok ang mga magaaral sa iba’t ibang palaro, kabilang na ang Dancesport. Nagpakitang-gilas ang mga mananayaw sa iba’t ibang kategorya ng Dancesport. Ang mga kalahok mula elementarya at sekondarya ay nagpakita ng kanilang husay sa juvenile standard, Latin juvenile, junior standard, at junior Latin na nagbigay ng kasiyahan at inspirasyon sa mga manonood.
Ang Dancesport ay isang masining at kompetitibong uri ng pagsasayaw na pinagsasama ang kagalingan sa ritmo, teknikal na kasanayan, at ang disiplina ng palakasan. Hindi ito simpleng sayaw lamang, kundi isang isport na nangangailangan ng pisikal na lakas, stamina, at tamang pag-iisip upang maisagawa nang maayos ang
bawat galaw. Kabilang sa mga sayaw na ito ang Latin dances tulad ng Cha-cha, Rumba, at Jive, pati na rin ang mga Standard dances tulad ng Waltz, Tango, at Quickstep. Sa bawat sayaw, hindi lamang ang galaw ng katawan ang mahalaga, kundi pati na rin ang tamang ekspresyon, postura, at pagsabay sa ritmo ng musika.
Bagamat ang Dancesport ay isang sining, kinikilala rin ito bilang isang isport dahil sa mga aspeto ng pisikal na paghahanda at disiplina na kinakailangan upang magtagumpay. Katulad ng iba pang isport tulad ng gymnastics, ang bawat hakbang, ikot, at tindig ng mga mananayaw ay kinakailangang perpekto upang makamit ang mataas na puntos mula sa mga hurado. Upang magtagumpay sa Dancesport, hindi sapat ang natural na talento—kailangan ng matinding pagsasanay at tiyaga. Ang bawat sayaw ay isang pagsubok ng pisikal at mental na lakas, kung saan ang mananayaw ay patuloy na naghahasa ng kanilang mga
kasanayan upang mapabuti ang kanilang pagtatanghal.
Sa Pilipinas, nagsimula nang makilala ang Dancesport bilang isang lehitimong isport at patuloy na lumalago ang interes ng mga kabataan at mananayaw sa buong bansa. Kinilala ito ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang bahagi ng mga isport na may mga organisadong kompetisyon. Sa kasalukuyan, isinasama na ang Dancesport sa mga prestihiyosong paligsahan tulad ng Southeast Asian Games (SEA Games) at Asian Games, kung saan ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang kanilang galing at talento sa buong mundo. Sa hinaharap, inaasahan itong magiging bahagi ng Olympic Games, na magbibigay daan sa mas maraming Pilipino upang ipakita ang kanilang kakayahan at sumikat sa internasyonal na entablado.
Ang DanceSport

sa 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet.
Abangan ang mga karagdagang balita at coverage ng ISDAA Meet 2025, kung saan ang mga hinaharap na bituin ng Philippine sports ay magpapakitang-gilas.
ay higit pa sa isang isport. Ito ay isang makulay na pagpapahayag ng damdamin, kultura, at kasaysayan ng isang bansa. Sa bawat kumpas ng katawan at paggalaw sa sayaw, isang kwento ang naipapahayag—kwento ng mga mananayaw, ng kanilang pagsisikap, at ng kanilang pagmamahal sa sining at isport. Sa pamamagitan ng DanceSport, natututo ang mga kalahok ng mahahalagang aral tulad ng teamwork, dedikasyon, at disiplina.
Bagamat ito ay isang kompetisyon, ang bawat hakbang ay nagsisilbing isang selebrasyon ng kultura, kasaysayan, at sining. Sabi nga nila, lahat mahirap sa umpisa, pero kung patuloy mong gagawin, magiging magaan na sa huli. Sabi pa nila, kung mahal mo ang ginagawa mo, hindi mo ito mararamdamang mahirap.


PITIK-BULAG
Sa Labas ng Silid-Aralan
NI AQUISHA YHANDRA JARAMILLO
Naging mahalagang bahagi na ng sistema ng edukasyon sa buong mundo ang isports. Ang integrasyon ng isports sa edukasyon ay hindi lamang nagbibigay ng plataporma para sa mga batang atleta na magtagisan ng galing kundi pati na rin ng mga mahahalagang pisikal at mental na hamon na mahalaga sa kanilang pag-unlad.
Ang Sports Education, na tradisyonal na kilala bilang Physical Education (PE), ay nagtataglay ng pagtuturo ng mga pangunahing kasanayan sa isports. Ito ay nagbibigay ng alternatibong paraan ng tradisyonal na pag-aaral, na nagbibigay ng mas malawak na karanasan sa edukasyon. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa isports, ang mga magaaral ay nasasanay sa mga pisikal at mental na hamon na malaki ang ambag sa kanilang paglago at pag-unlad.
Isa sa mga pangunahing pagpapahalagang itinuturo sa pamamagitan ng sports education ay ang sportsmanship. Higit pa sa panalo o pagkatalo, natututo ang mga magaaral ng kahalagahan ng patas na laro, paggalang sa kalaban, at integridad. Ang mga pagpapahalagang ito ay hinuhubog ang karakter ng indibidwal at pinapalakas ang mga katangian tulad ng pamumuno at pakikipagkapwa.
Sa pamamagitan ng pagkilala ng Sports Education, maaari tayong makahanap ng mas malalim sa esensya ng sportsmanship at sa mga aral na nakapaloob sa isports. Sa loob man ng silid-aralan o lampas pa rito, ang aktibong pakikilahok sa mga kaganapang pampalakasan ay nagbibigay ng kultura ng pisikal na aktibidad at personal na pag-unlad.
Sa huli, ang kahalagahan ng sports ay hindi lamang tungkol sa mga laro at kumpetisyon. Nawa’y matagpuan ng bawat indibidwal ang kahulugan ng isports sa kanilang buhay. Patuloy tayong lumahok sa mga kaganapang pampalakasan, sa loob man o labas ng ating kurikulum sa edukasyon, upang magtaguyod ng kultura ng pisikal na aktibidad at personal na paglago.
SA IBANG PALAKASAN NAMAN
Sa nakaraang dalawang Olympics, nakamit ng Pilipinas ang gintong medalya, isang patunay na kayang makipagsabayan ang bansa sa pandaigdigang entablado. Ang tagumpay nina Carlos Yulo sa gymnastics at Hidilyn Diaz sa weightlifting ay nagpapakita ng potensyal ng mga atleta sa iba’t ibang larangan.
Isa lamang ang basketball sa mga pinakasikat na laro sa bansa, pero dahil sa labis na pagtuon sa mga larangan na ito, hindi nabibigyan ng pansin ang ibang laro. Bakit ang mga Pinoy ay nakapokus lamang sa basketball kung sa ibang larangan naman nakaaangat? Bagama’t mahalaga ang basketball, hindi dapat kalimutan ang ibang palakasan na may kakayahang magbigay ng karangalan sa bansa.
Si Diaz, na nagbigay sa Pilipinas ng kaunaunahang gintong medalya sa Olympics, ay nakaranas ng matinding pagsubok sa paghahanap ng suporta.
“Kailangan ko ng team. Paano ang coaches ko? Paano ang pagkain ko? Nutrition really helps sa laro, tapos sports psychologist. Kailangan ko ng team,” aniya.
Ayon din kay Joanie Delgaco na sumabak rin sa Olympics sa larangan ng rowing, tunay na makabubuti kung maraming
magbibigay ng suporta sa kanila upang mapalakas ang rowing community.
Sa tagumpay din ni Yulo na nag-uwi ng double gold, mas naging malinaw ang tanong tungkol sa suporta para sa mga palakasan na may potensyal sa Olympics. Lumalakas ang panawagan na bigyan din ng sapat na suporta ang ibang uri ng palakasan.
Karaniwan ding nakatuon sa basketball ang mga pa-liga ng Sangguniang Kabataan (SK). Bagama’t ito ay mabisang paraan upang hikayatin ang kabataan na maging aktibo, panahon na upang isaalangalang ang pagdaragdag ng iba pang palakasan sa kanilang mga programa. Ang pag-organisa ng mga ibang palakasan ay hindi lamang magbibigay ng bagong oportunidad sa mga kabataan kundi magpapalawak din ng kanilang interes at kasanayan.
Patunay na sa kakulangan ng suporta sa iba pang larangan ay halos maipagkait na ang pagkakataon ng mga atletang ito na hindi makapaglaro sa istadyum at mamroblema na lang sa magkapagbibigay sa kanila ng suporta. Tunay na hinahamon ang kanilang katatagan na magsikap na makuha ang inaasam na tagumpay.
Sa kabila ng kasikatan ng basketball, mahalaga ang pagkakaroon ng balanseng suporta para sa
Gagamba Derby ni Justine
lahat ng uri ng palakasan. Ang tagumpay ng mga atleta sa iba’t ibang larangan ay patunay na may potensyal tayo sa higit pa sa basketball. Panahon na upang muling suriin ang mga prayoridad at tiyakin na ang bawat atleta, anuman ang kanilang isport, ay may pantay na pagkakataon na magtagumpay.



NI IYANA RAYNE PUGRAD

Sa tuwing walang ginagawa, makikita ang mga lalaking mag-aaral na nagkukumpulan at abala sa paghahanap ng mga gagamba sa paligid ng
Isang kakaibang libangan ang sumikat na naman sa mga mag-aaral ngayon—ang pag-aalaga at pagpapalaban ng mga gagamba. Nagdulot ng kasiyahan at pananabik ang libangang ito sa grupo ng mga magkakaibigan, kabilang dito si Justine Serna na tila ba bumalik sa panahon ng kanilang mga magulang na mahilig din sa ganitong laro. Seryoso si Justine sa kanyang bagong libangan, pinapakain niya nang mabuti ang kanyang gagamba at tinitiyak na handa ito para sa laban. Si Jacob Flores, isa
sa mga kaklase niya, ay labis na tiwala sa kakayahan ng kanyang.
Nagtipon ang magkaibigan, bawat isa ay tiwala sa lakas ng kanilang gagamba. Matindi ang laban, bawat gagamba ay ipinakita ang kanilang natatanging kakayahan. Sa huli, ang gagamba ni Justine ang nagwagi, na labis niyang ikinatuwa.
Para kay Justine, ang gagamba derby ay hindi lamang isang laro kundi isang paraan upang matuto ng disiplina at tiyaga. Natututo siya ng mga estratehiya na magagamit niya sa ibang aspeto ng buhay. Ang kanyang mga kaklase ay madalas na sumasali sa kanya, nagiging dahilan upang mas lalong lumalim ang kanilang pagkakaibigan.
Ang kwento ni Justine ay isang patunay na ang mga simpleng libangan ay maaaring magdala ng malaking epekto sa buhay ng isang bata. Ito ay isang paraan upang matuto ng responsibilidad, at magkaroon ng kasiyahan sa isang simpleng paraan. Nawa’y hindi maglaho ang tradisyunal na larong ito at patuloy pa ring lumaganap susunod pang henerasyon.
Ginugugol ni Justine ang kanyang bakanteng oras sa paghuli at pagsasanay ng mga gagamba. Ang uso ay lumalawak sa paaralan, na may mas maraming mag-aaral ang sumasali, at nagbibigay ng mas matibay na samahan sa mga kaklase. Sa kabila ng pag-usbong ng mga teknolohiyang laro, pinipili pa rin ni Justine ang tradisyunal na mga laro. Para sa kanya, ang gagamba derby ay isang mahalagang bahagi ng kanilang kultura at kasaysayan na hindi dapat kalimutan.
Flores, nanaig sa badminton men’s singles
Muling rumatsada si Herald Jacob Flores para masungkit ng Carusipan Gray Falcons ang 2-0 panalo kontra Sisim Orange Jaguars para sa back-to-back title sa Zone 4 Sports Competition Badminton men’s singles championship noong Nobyembre 7.
Madaling tinalo ni Flores ang kanyang kalaban sa iskor na 2-0 (21-15, 21-10) sa deciding singles sa loob lamang ng 39 minutong hatawan para maangkin ang kampeonato.
Ang laban, na ginanap sa Arnap Covered Court, ay nagsimula sa maagang pangunguna ni Flores na napanatili niya hanggang sa huli.
Ang kanyang mga estratehikong galaw at malalakas na smash ay nagiwan sa kanyang kalaban na nahirapang makasabay.
Sa pangalawa at huling set, nangibabaw muli ang mapanlinlang na taktika ni Flores matapos kumana ng drop shots at masigurong mailusot ang bawat tira.
“Masaya ako na nanalo sa championship,” pahayag ni Flores.
“Pinaghirapan ko ito, at nakakatuwang makita na nagbunga ang aking pagsisikap. Inaasahan ko na maipagtanggol ko ang titulo sa Municipal Meet.”
Si Flores ang top-seed sa nasabing tournament, nasilo ang pangalawang kampeonato ngayong taon.

marahuyo isports ang
magpabatid at magpamulat

PANGKALAHATANG KAMPEON
Zone 4 Green Chameleons, nangibabaw sa CAA Meet; bagong rekord, itinala
Muling pinatunayan ng
Zone 4 Green Chameleons ang husay matapos mangibabaw at makapagtala ng bagong rekord sa Cabugao Athletic Association (CAA) Meet at noong Nobyembre 13 sa Cabugao Athletic Oval.
Sa high jump, namayani si Carl Sidney Incillo matapos maitala ang personal best na 1.65 metro.
Umangat si Kent Brayan Morciga matapos makapagtala ng oras na 55.75 segundo sa 400-meter dash, na nagbigay sa kanya ng gintong medalya. Nagningning din si Anna Marie Tindoc sa chess matapos talunin ang seeded player mula Zone 3 na nagbigay sa kanya ng titulo bilang kampeon.
Hindi rin nagpahuli ang badminton girls’ singles na si Cassey Ann Sumibcay sa kanyang ipinamalas na net play at smashes na nagresulta ng kanyang pagkakuha ng pilak.
PAMATAYSMASHES NI FLORES. Umeksena ng mga pamatay na smashes ni Herald Jacob Flores dahilan upang umabante sa laban sa Zone 4 Sports Competition, Nob. 7. LARAWAN NI RSIRUNO




Pilak na medalya naman ang nakuha ng baseball team, kung saan nakapagtala sila ng tatlong puntos mula sa sunod-sunod na hits at agresibong base running. Habang papalapit ang Unit 1 Athletic Association Meet, determinado at mataas ang kumpiyansa ang delegasyon

1ST DISTRICT ISI-T BASKETBALL TOURNAMENT
Umalingawngaw ang hiyawan ng mga tagahanga habang nagpapalitan ng puntos ang dalawang koponan sa isang dikit na laban. Sa huli, nanaig ang liksi, diskarte, at matinding determinasyon ng koponang Santo Domingo.
Sa unang yugto ng laro, agresibong pinangunahan ng Santo Domingo sina Cris Emanuel Tagorda at James Pacaoan, na parehong nagpakitang-gilas sa opensa at Hindi naman nagpahuli si Mark James Ramos ng Cabugao na nagtangkang itabla ang laban gamit ang kanyang mga malalakas na drives at pullup jumpers.
Parehong umarangkada ang mga koponan, at makailang beses ding nagpalitan ng bentahe sa unang kalahati ng laro.
Naging kaabang-abang ang pangatlong yugto nang ipakita ni Tagorda ang kanyang malupit na crossover move na nagresulta sa ilang matagumpay na puntos sa ilalim ng ring.
Kasabay nito, nagpatuloy ang mainit na laban sa pagitan nina Ramos at Pacaoan, na parehong nagbigay ng enerhiya sa kanilang mga teammates. Ang kanilang mga back-to-back passes at crosscourt assists ay nagbigay ng malinis na tira mula sa labas at fastbreak layups.
Sa ikaapat na yugto,
napalitan ng tensyon ang bawat hiyawan mula sa mga tagahanga nang tumama ang puntos sa huling dalawang minuto ng laro. Nang pumasok ang crucial three-point shot ni Pacaoan, nagbigay ito ng 3 puntos na kalamangan sa Santo Domingo. Subalit, hindi pa rin bumitaw ang Cabugao.
Nagsagawa sila ng matitinding depensa, kung saan naselyuhan ang steal ni Dale Jovan Paiste at nagresulta sa fastbreak layup. Ngunit ang hindi napigilang rebound ni Tagorda ang naging susi upang mapanatili ng Santo Domingo ang kanilang kalamangan.