ANG MAGITING

Page 1

‘Kaya’t paanong mararamdaman ang “pag-angat sa laylayan” kung sa pagbaba ng implasyon ay kasabay naman nito ang pagtaas ng presyo ng bigas at maliit lamang ang paggalaw sa sahod ng mga mamamayan?

Matapat na pagbabalita, maasahang mamamahayag

MALAYO SA BITUKA

Pagbaba ng inflation rate sa Pinas, ramdam ba?

Jana Heintjie Y. Espino, 10-aguinaldo Hindi na mabatid kung ano ang kailangang gawin upang makamit ang kaginhawaan na inaasam. Kahit anong doble kayod ay kulang na kulang pa rin. Halos manlimos na ang lahat ng mga Pilipino sa kaliwa’t kanang pagtaas ng mga bilihin. Kabaliktaran naman nito ang kinikita ng mga mamamayang manggagawa; mababa at hindi sapat upang mapunan ang lahat ng mga pangangailangan. Butas na ang bulsa, butas pa ang bituka.

Nitong ika-6 ng Pebrero, naglabas ng datos ang Philippine Statistics Authority (PSA) ukol sa pagbabago ng implasyon sa 2.8 na porsyento sa unang buwan ng taon. Mas mababa ito nang bahagya kumpara sa 3.9 na porsyentong naitala noong Disyembre 2023. Naniniwala ang gobyerno na ito ay malaking pagbaba at ang bansa ay umuusad na mula sa laylayan.

Dahil din umano ito sa bumabang presyo ng ilan sa mga gulay at karne sa pamilihan. Subalit, hindi lang naman ang mga ito ang pang araw-araw na pangangailangan ng bawat -sundan sa pahina 07-

sa mga numero

Saan aabot ng 500 piso mo sa palengke ng West Crame, San Juan?

500

2 kilo

100 piso para sa bigas

1/2 kilo

125 piso para sa leimpo

1/4 kilo

100 piso para sa sibuyas

1 tali

15 piso para sa malunggay

1 kilo

30 piso para sa mantika

1/4 kilo

30 piso para sa monggo

1 piraso

8 piso para sa Knorr cubes

5 piraso

50 piso para sa bawang

3 piraso

30 piso para sa kamatis

1/2 kilo

25 piso para sa asin 488

Kabuoang iginastos ng isang ina sa palengke ng West Crame bilang paghahanda sa hapag ng kaniyang mag-anak

tanim para sa lahat

sa mga numero

491 sa kabuoang bilang na 611 na magaaral sa Camp Crame High School ay mula sa Lungsod ng San Juan

CCHS, nakiisa sa Nationwide Simultaneous Tree-Planting

Yassen M. Usman, 10-aguinaldo

Nakibahagi ang Mataas na Paaralan ng Kampo Crame sa ginanap na Nationwide Simultaneous TreePlanting Activity.

Ang Senior Scouts at Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng paaralan ang nanguna sa pagsasakatuparan ng pagtatanim sa botanical garden sa ilalim ng paggabay ni Bb. Maricar Convencido sa scouts, at Bb. Ronalyn Lopez sa SSLG.

Mayroong 17 halaman na itinanim sa paaralan na may anim na uri: apat na lemon, isang atis at avocado, tatlong guyabano at langka, at limang anonas.

Idinaos ito noong ika-6 ng Disyembre 2023.

Alinsunod ang naturang tree-planting sa inilabas na DepEd Memorandum No. 069, s. 2023.

Maliban sa mga guro at mag-aaral, nakiisa rin sa aktibidad ang punongguro ng paaralan, G. Edwin Abengoza.

Ayon kay G. Abengoza, “Ang purpose ng event natin ngayon ay makapagtanim tayo ng around 200,000 plus trees, for this year. Actually, partial pa lang naman itong ginagawa natin and this is nationwide. Hindi lang Camp Crame High School ang nagtatanim, maging sa buong lupalop ng Pilipinas, sabay-sabay nagtatanim ang mga bata at mga guro natin.”

“Well, it will benefit our school to the point that the trees inside our school will increase. And you know, the effect of the trees, as I’ve said a while ago, it can reduce the greenhouse gases. So siguro kapag lumaki na ‘yang mga punong ‘yan, bukod sa pagkain, mas magiging maganda ang hangin sa loob ng ating campus.”

“If we’re going to plant more trees in our campus, in different corners of our campus, then we can reduce all these greenhouse gases and we will reduce the greenhouse effect. And, of course, we can minimize or reduce the climate change,” pagsasalaysay ng punongguro.

Batay sa kautusang inilabas ng DepEd noong ika-17 ng Nobyembre 2023, layon ng kagawaran na makapagtanim ng hindi bababa sa 236,000 na puno sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa bilang regalo

sa kabataan noong Kapaskuhan.

Dagdag pa rito, nais ng DepEd na magkaroon ng malinis at mas luntiang kapaligiran ang mga mag-aaral at ang mga susunod na henerasyon.

Ang proyekto pa umano ay magbibigay ng panibagong oportunidad sa mga mag-aaral na makikiisa na matuto sa aktibong pakikilahok, at magkaroon ng mas malalim na pagkatuto sa mga isyung pangkapaligiran.

Makatutulong din daw ang pagtatanim ng mga puno sa pagpapaganda ng paaralan. Malaki rin ang magiging epekto nito sa kalidad ng hanging nalalanghap, na gagawa ng kalmadong atmospera at mas mapapaganda ang kabuuang aliwalas para sa mas maayos na pagkatuto ng isang bata.

Para kay Gng. Miriam Castañeto, isang guro sa Agham, “The tree-planting last December 2023 was a successful project of DepEd. This tree-planting activity will help us lessen the effect of climate change, erosion, and pollution.”

“This tree-planting will also make the students be more responsible in taking good care of the young seedlings being planted. Tree planting will also help in cleaning the air by absorbing the carbon dioxide and give us oxygen to breathe.”

“And aside from that, if fruit-bearing trees will bear fruit, then there is no need to buy in the market and we can save money. During rainy days, these plants will help in preventing soil erosion,” dagdag pa nito.

Sa kabuuan, ang pinakalayon ng kagawaran ay magkaroon ng mas malusog na kapaligiran ang mga paaralan sa bansa, hindi lang para sa mga magaaral, kundi pati na rin sa mga minamahal na guro at manggagawa. Kung mas malinis ang kalidad ng hanging nalalanghap, mas makaiiwas ang mga tao sa eskwela sa mga sakit na may kaugnayan sa paghinga.

TUTOK BATA, TURO BASA, Learning gap, binigyang pansin ng Crame

Safe Spaces Act, suportado ng Cramenians

DENZELLE ROME G. SALVADOR, 9-ROCO

Nagkaroon muli ng mga bagong panawagan na amiyendahan ang Safe Spaces Act (SSA) noong ika-8 ng Marso 2024 kahit limang taon na nang ito’y maisabatas sa bansa.

Ang Safer Campuses PH, isang bagong koalisyon na itinatag noong ika-10 ng Marso ang naglabas ng naturang panawagan. Isa itong samahan ng mga mag-aaral at mga konseho sa buong bansa. Kasabay sa pagdiriwang ng International Women’s Day ang paglulunsad. Inilabas ang panawagan sa gitna ng patuloy na pang-aabusong seksuwal sa mga pamantasan at mga institusyong pang-edukasyon. Hinimok naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na patuloy na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan laban sa anumang uri ng kabastusan o masamang asal. Sa isang pahayag, sinabi ng DILG na tungkulin ito ng mga LGU sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11313, o ang SSA, kabilang ang pagpapasa ng mga ordinansa upang tiyakin at panatilihin ang batas at kaayusan sa mga kalsada at iba pang pampublikong lugar. Pahayag ni G. Edwin Abengoza, punongguro ng Camp Crame High School, “Actually, noong nakaraang seminar, pinag-usapan na natin ‘yan, pinag-usapan na namin ‘yan ng mga guro. Patuloy naming paguusapan ‘yan dahil may mga bagay kasi na nagiging sensitive.”

“Nagiging maselan, pero sa umpisa, hindi naman. May mga issue kasi na lumalabas na depende ‘yan dun sa taong tumatanggap ng kritisismo o ng aksyon na ginagawa ng isang -sundan sa pahina 03-

Nagkaroon ng biglaang pagbabago sa pang-akademikong kaldendaryo batay sa inilabas na memorandum ng Department of Education (DepEd). Sa ilalim ng Department Order No. 003 S. of 2024, dineklarang magtatapos ang taong panuruan sa ika-31 ng Mayo 2024. Sa isinagawang surbey ng CCHS-SSLG at Ang Magiting, 80% ng mga mag-aaral ay sang-ayon at 20% naman ang hindi sang-ayon na ibalik ang dating kalendaryo, na nagsisimula tuwing buwan ng Hunyo at nagtatapos sa buwan ng Marso.

National Capital Region - Lungsod ng Quezon Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 2 bil Ang 1 Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame
pahina 13 pahina
02
-sundan sa pahina 03-
BATANG MATATAG KAISA SA PAGBABAGO:
mga mag-aaral ng Camp Crame High School ay nakiisa sa Simultaneous tree planting.
Ang
‘ pulso ng cramenians 80% 20%
491
PNP, pinaalalahanan ang CRAMEnians sa drug use

balitang pampaaralan

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame

yassen m. usman, 10-aguinaldo

Pabasa sa batang Matatag: Bilang tugon sa inilabas na DepEd Order, ilalaan ang bawat Biyernes sa Catch-up Fridays. Nakiisa ang CCHS sa layuning mapaunlad ang pagbabasa, pagsusulat, kritikal na pag-iisip, at pag-aanalisa ng bawat estudyante.

Kuha ni Bb. Alexandria M. Castillo

Ang paghabol sa learning gap ay isa sa binibigyang-pansin ng Department of Education (DepEd) sa pagpasok ng kasalukuyang taong panuruan. Ang Camp Crame High School (CCHS) ay nagpatupad ng mga programa na naglalayong pigilan ang pagkawala ng kaalaman sa pagitan ng mga mag-aaral.

Habang patuloy pa rin ang pagsasaayos ng paglipat ng moda ng pagtuturo mula sa online, naging blended, hanggang sa tuluyang naging face-to-face, gumawa ng iba’t ibang paraan ang DepEd upang matugunan ang mga problema sa edukasyon, partikular na sa pagbasa.

National Learning Camp

Upang palakasin pa ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral, isinagawa ng paaralan ang kanilang National Learning Camp sa Ingles, Sipnayan, at Agham mula Hulyo 25 hanggang ika-24 ng Agosto 2023.

Nag-alok ang paaralan ng isang gawain ng pagpapaigting kung saan maaaring sanayin at mas mapalalim ng mga magaaral ang kanilang kaalaman sa kanilang mga aralin.

“Bilang bahagi ng Learning Recovery and Continuity Plan, ang NLC ay isang magandang hakbang upang makatulong sa mga batang makamit ang mga kompetensiya na dapat ay kanilang malunasan at mga kompetensiya na kanilang matututunan sa susunod na taon,” saad ni Gng. Maria Friendly Teologo, pangunahing tao sa Ingles para sa NLC.

“Hanggang ngayon, may mga batang napapansin na

Alam mo ba?

mas komportable na sa paggamit ng Ingles. Hindi na katulad noong una na mahihiya pa ang mga bata na makihalubilo at magsalita,” dagdag pa ni Teologo.

Catch-up Fridays

Isang bagong programa ang inilunsad ng DepEd na tinatawag na “Drop Everything and Read” (DEAR) Day o mas kilala bilang Catch-up Fridays upang tulungan ang mga estudyante na palawakin ang kanilang kakayahan sa pagbabasa, pagsusulat, kritikal na pag-iisip, at pag-aanalisa. Sa kanyang talumpati sa culmination ng National Reading Month na ginanap sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City noong Nobyembre 21, 2023, inanunsyo ni Bise Presidente at Kalihim ng DepEd, Sara Duterte-Carpio na ang programa ay magsisimula sa Enero 12, 2024.

Ang programa ay naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabasa at pagsusulat bilang pundasyon ng kaalaman at kasanayan ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng mga aktibidad at oras na nakalaan para sa pagbabasa, inaasahang mapalalakas ang kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang aspeto ng edukasyon.

Gabay sa Suspensyon ng Klase sa QC

Automatic Class Suspension

Mula Kindergarten hanggang

Senior High School sa Public Schools kapag may:

Kapag WALANG TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL o ORANGE/RED RAINFALL WARNING

Kapag WALANG ANUNSYO ang QCDRRMO

Tropical Cyclone Wind Signal No. 1. 2. 3. 4. 5 mula sa PAGASA

Orange/Red Rainfall Warning sa Metro Manila

Earthquake Intensity Level 5 o Pataas base sa deped order no. 037, s 2022

Mag-aanunsyo ang QCDRRMO sa Official Quezon City Governemtn

Facebook Page: 4:00 AM- Para sa pang-umagang klase sa Public School

10:00AM-Para sa panghapong klase sa Public School

Barangay ang mag-aanunsyo

4:01-4:30 AM - Para sa pang-umagang klase sa Public School

10:01-10:30 AM- Para sa panghapong klase sa Public School

*Maaring magkansela ng klase ang School Principal sa anumang earthquake intensity level sa kaniyang assessment ay magdudulot ito ng panganib * Nasa PRIVATE SCHOOLS ang pagpapasya kung magsususpinde ng klase subalit hinihikayat silang sumunod sa national o localized class suspension -mula sa Qc news letter vol. 2, issue 2, december 2023-

CCHS,

“Sa pamamagitan ng mga Catch-up Friday, lumalalim ang aking pag-unawa sa iba’t ibang bagay. Nagbago ang aking pananaw at nakakita ako ng mga bagay na may mas malalim na kahulugan,” sabi ni Jana Espino ng Grade 10-Aguinaldo.

Iba pang mga aktibidad sa pagbasa

Kasali ang CCHS sa World Read Aloud Day noong Pebrero 7, 2024 kung saan nagkaroon ng aktibidad ng pagkukuwento ang mga mag-aaral at guro.

Tinukoy ni Gng. Teologo, guro sa ika-10 baitang, na ang aktibidad ay nagpapalakas ng pagmamahal sa pagbasa at nagtataguyod ng aktibong pakikilahok sa mga mag-aaral.

Pahayag naman ng reading coordinator, na si G. Querubin Quejado, “Dahil sa pandemya, nalulong ang mga kabataan sa paggamit ng mga gadget dahil hindi sila pwedeng lumabas. Kung ano lang ang available resources na maaaring magamit sa loob ng tahanan ay kanilang ginagamit. Tulad nga ng paggamit ng gadget, merong mga laro o games na naka-install doon.”

“Kapag maturuan sila ng mga paraan para maunawaan ang isang teksto, maaaring mag-improve hindi lang ‘yung kanilang pagbabasa, ang kanilang pagbigkas ng mga salita, kundi [pati na rin] ‘yung kanilang pag-unawa,” dagdag pa nito.

QCG, naglabas ng guidelines sa pagsususpinde ng klase

ALEXANDRIA M. CASTILLO, 10-aguinaldo

Naglabas ang Quezon City Government ng mga gabay ukol sa pagsususpinde ng mga paaralan ng klase.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 10, s. 2022 na nagtatakda ng mga patakaran sa lokal na pagsususpinde ng mga klase sa lungsod, batay sa Department Order No. 37, s. 2022 ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).

Ayon sa nabanggit na memorandum, ang mga klase mula sa kindergarten hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan ay maaaring awtomatikong suspendihin sa oras na maglabas ng tropical cyclone wind signal ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) o kaya’y maghayag ng orange o red rainfall warning, at sa pangyayari ng lindol na may Intensity Level 5 o mas mataas pa. Kung mayroong ganap na suspensiyon, maglalabas ang Quezon City Disaster and Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) ng anunsyo sa kanilang opisyal na Facebook page sa ganap na ika-4 ng umaga para sa umagang mga klase at ika-10 ng umaga para sa mga hapon na klase.

Kapag wala pang anunsiyo mula sa

QCDRRMO, ang mga anunsyo ay gagawin ng barangay mula 4:01-4:30 ng umaga para sa umagang mga klase at mula 10:01-10:30 naman ng umaga para sa mga hapon na klase. Samantalan, para sa mga kaso ng lindol, ang punongguro ng paaralan ang may kapangyarihang isuspende ang mga klase batay sa pagsusuri ng panganib. Pinasalamatan ng Cramenians ang pagpapalaganap muli ng mga gabay, sapagkat ang ilang lugar sa paligid ng paaralan ay madalas na binabaha, na nagiging sanhi ng pagiging mahirap para sa mga mag-aaral na pumasok sa paaralan. “Maganda na may malinaw na mga gabay sa pagsuspinde ng klase. Naranasan kong mapauwi kahit nasa paaralan na ako dahil sa matagal na anunsyo ng pagsuspinde. Sayang ang pagod at oras,” saad ng mag-aaral ng ;paaralan na si Johanna Pepito. “Mabuti na idinagdag na ang mga gabay, ito ay labis na makatutulong upang maiwasan ang mga huli nang anunsyo ng pagsuspinde ng klase,” dagdag pa nito.

nagtala ng na kaso sa guidance 14

Ayon sa datos ng Guidance Office ng Camp Crame High School (CCHS), mayroong sumatotal na 14 na naitalang kaso sa loob ng paaralan ngayong Taong Panuruan 20232024.

Sa naturang bilang, anim dito ay bullying, tatlo ang cyberbullying, lima ang kaso ng paggamit ng vape, at isang kaso naman sa pagpapakalat ng malaswang larawan ng mag-aaral Ayon sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, batay kay CPNF Executive Director Bernadette Madrid na base sa 2016 National Baseline Survey on Violence Against Children, pinamumunuan ng Council for the Welfare of Children, 65% ng mga estudyanteng Pilipino ang nabu-bully.

Sa naitalang bullying sa nakalipas na taon sa Pilipinas, ang naganap na physical bulllying ay 56.79%; social bullying, 25.43%; gender-based/biased, 5.92%; cyberbullying, 6.03%; at retaliation, 5.83%.

Para kay G. Kim Ampo, ang guidance counselor ng CCHS, “Intervention, we are doing counselling. Sa program na pwede nating i-launch in the near future, siguro magkaroon tayo ng peer group, peer organisation.”

Ayon naman sa punongguro ng paaralan, G. Edwin Abengoza, “Unang una, kinakausap natin ang mga bata through our guidance counsellor. And then, tine-test natin ‘yung mga severity, ‘yung impact doon sa bata sa kung ano mang klase ng kaso ang ipinasok sa guidance office.”Inaaksyunan naman ng CCHS ang mga naitalang kaso sa pamamagitan ng

pagpapatupad ng counselling, pagsulong ng Gender and Development (GAD), pagpapalakas ng Guidance Office, kasabay ng pagtatakda ng home study at referral system.

YASSEN USMAN, 10-aguinaldo

“Hindi lang naman sa teacher eh, even the students. Akala ng estudyante, feeling siga siya, ‘yun pala nakakadestruct na siya ng emotion ng ibang tao. And then after that, there will be an intervention and counselling para ma-classify natin ‘yung emotion ng bata. Kasi kung ‘yan ay severe ang impact, ang mangyayari diyan is pupunta sa parents, the parents will file a complain on the teacher.

Dagdag pa ni G. Abengoza, “Now, if the concern is the students, kakausapin din ng guidance counsellor ang student. Kasi dalawa ‘yan eh, hindi ang victim lang.”

Batay naman kay Yuri Aquino, isang mag-aaral sa CCHS, “Huwag magsagawa ng alam nilang ikapapahamak nila. Maging responsable sa mga action na iyong gagawin.”

Kung kinakailangan ng mga biktima ng rape ng tulong, maaaring ikontak ang mga NonGovernmental Organizations (NGOs), mga barangay na mayroong women’s desk at lokal na pulisya upang maagapan ang mga kaso na dinadala sa opisina na kinasasangkutan ng ibang mga mag-aaral.

Kategorya: Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita

10-aguinaldo

Kategorya: Pagsulat ng Kolum

pwesto sandy barang, 9-roco

bil Ang
Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 2
1
BALITA
TUTOK BATA, TURO BASA
pansin ng Crame
Learning gap, binigyang
ikawalong
iKaapat na pwesto DIVISION SECONDARY SCHOOLS PRESS CONFERENCE
michelle s. nayanga, 10-aguinaldo
journalist CORNER
Bilang ng mga kaso sa guidance office ng CCHS na ibinahagi sa panayam ng mga miyembro ng Ang Magiting ni G. Kim Ampo ang opisyal na Guidance Councelor 14+
yassen usman,

balitang pananaliksik

Geographical issue ‘yan—Abengoza

Paninirahan ng CRAMEnians: San Juan o QC?

MARJELYN D. PANINGBATAN, 7-AQUINO

“Tinatawag ko na geographical issue ‘yan. Wala naman tayong magagawa, Pilipino rin ang taga-San Juan, kamukha ng taga-Quezon City,” pahayag ni G. Edwin Abengoza, punongguro ng Camp Crame High School (CCHS).

Ito ang kanyang naging salaysay sa lumabas na datos na mas maraming mag-aaral ng CCHS ang nagmula sa lungsod ng San Juan.

Batay sa iniulat na datos ng CCHS ngayong Taong Panuruan 2023-2024, lumalabas na 491 o 80.36% ng mga mag-aaral ng paaralan ay naninirahan sa lungsod ng San Juan. Mayroong sumatotal na 611 na estudyante ang eskwelahan.

Ang CCHS ay matatagpuan sa kalsada ng General Castañeda, Camp Crame Compound, Brgy. Bagong Lipunan ng Crame sa lungsod ng Quezon. Katabi lamang ng paaralan ang San Juan City. Mayroon itong dalawang lagusan, isang papasok sa kampo, at isang papasok ng Brgy. West Crame sa San Juan.

Base pa sa naturang datos ng paaralan, 107 na magaaral ang nagmulang Quezon City o 17.51 porsyento lamang. Hindi pa aabot ng kalahati sa mga ito ang mga mag-aaral na PNP-dependent. 13 naman ang mga nagmula sa iba pang lugar o 2.12 porsyento lamang.

Dagdag pa ni G. Abengoza, “No matter what, tiga-San Juan na ‘yan, may pagkakataon na magsilbi sa Quezon City. At ‘yang mga tiga-Quezon City na ‘yan, may pagkakataon din na magsilbi sa San Juan. So, this is just a geopolitical issue. You know, our politicians, they want their funds to be spent on their constituents, so it’s hard for them to provide budget allocations on a group of people which are not their constituents.”

Para naman kay Bb. Gisela Marie Pareñas, “The reason why a lot of students chose to study at CCHS is because it’s a walking distance from their place of residence. Their family will save some of their income from jeepney or tricycle fares.”-

“Also, CCHS is a secured school due to the fact that the campus is inside the grounds of Camp Crame, thus having the umbrella effect of security within the compound,” pagsasalaysay ni Bb. Pareñas.

Ayon naman kay Andrew Almachar, mag-aaral ng paaralan, “Malapit lang ito sa aming tirahan kaya pinili ko mag-aral sa Camp Crame High School. Para na rin makatipid at hindi na ako mamamasahe pa, at para hindi na ako makipagsapalaran sa bagal ng trapiko sa ating komunidad.”

Unang itinayo ang paaralan bilang karugtong Ponciano Bernardo High School noong 1970 na layuning makapagbigay ng sekondaryang edukasyon sa mga kabataang nakatira sa loob ng Kampo Crame, sa mga kamag-anak ng pulisya at mga manggagawa rito, at pati na rin sa mga residente ng Barangay Bagong Lipunan at West Crame, San Juan City Nagsawa naman ng surbey ang “Ang Magiting” at Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng paaralan sa mga mag-aaral ng CCHS. Base sa naturang surbey, 25 estudyante ang sumagot na sa San Juan sila naninirahan, lima ang sumagot na sila ay tiga-Quezon City, at dalawa naman ang nagsabing sa ibang lugar sila naninirahan.

Ayon pa rito, 26 mag-aaral ang nagbigay kasagutan na sila ay nag-aaral sa CCHS sapagkat malapit ito sa kanilang bahay, apat ang sumagot na dahil dito nag-aral ang kanilang magulang, kapatid, o di kaya kamag-anak, at dalawa naman ang sumagot na siya ay PNP-dependent.

Safe Space Act

PARA SA BAYAN

Matagumpay na naipatayo ng West Crame Barangay Hall ang EZ Pay Machine Kiosk na nagpadali ng pang-arawaraw na pamumuhay ng mga mamamayan sa West Crame.

Ang EZ Pay Machine Kiosk ay isang makina na ginagamitan ng semi-artificial intelligence (AI) upang ito’y mapagana na maihahantulad sa mga machine na makikita sa mga convenience store katulad ng 7-Eleven kung saan magagamit mo ito upang makapagbayad sa iba’t ibang service provider companies katulad ng tubig, kuryente, wi-fi o internet, bank loan at marami pang iba.

Itinayo ito sa barangay hall noong Agosto taong 2023 sa tulong ng kumpanya ng Globe, sa ilalim ng isang Memorandum of Agreement (MOA).

“You can also use this machine by loading your e-wallet without any service fee, but there is a limit of load amount that you can make every month,” saad ni Kagawad Emman Banton Aquino.

Ayon naman kay Neil De Vera, isang mag-aaral na naninirahan sa West Crame, “Napakalaking tulong nitong EZ Pay Machine sapagkat nagkakaroon ng mas mabilis at maayos na paraan ng pagbabayad o pagpapasok ng pera sa mga e-wallet sa panahon ngayon.”

“Lalo na’t mataas na rin ang

presyo ng mga bilihin, nakatutulong ito para hindi na maging mabigat pa ang babayaran kapag gagamitin itong machine dahil wala naman na itong service fee, kaya laking tuwa ko na mayroon ganito sa Barangay West Crame. Mas nakatitipid ako tuwing nag-ccash in ako sa aking e-wallet,” kanyang pagsasalaysay. Para naman kay Anita Castillo, caretaker ng barangay, “Minsang magbayad ako sa GCash ay nakalimutan kong kumuha ng resibo kaya nagloko ang makina at noong una kong paggamit nito ay nagkamali ako sa pag-uri ng pera kaya naman nagkulang ang aking babayaran.

“Kung tutuusin, mahirap man itong gamitin sa una, ngunit madali lang itong aralin kaya’t madali lang itong paganahin. Paminsan-minsan, nagloloko ito, hindi gumagana sa loob ng isang araw o sa mga sumunod pa,” pagtatapos nito. Layunin ng makinang ito na mapadali ang pang-araw-araw na transaksyon ng mga mamamayan kasabay nito ang makapagtipid ng salaping ibabayad sana sa service fee.

tao. Kagaya diyan sa mga bata natin ngayon na sa unang tingin mo, naghaharutan sila, bandang huli, magsusumbong ‘yung isa sa guidance office na binubully siya. Depende kasi ‘yan eh no,” pagsasalaysay ni G. Abengoza.

Nitong ika-24 ng Pebrero 2024, nagkaroon ng seminar ang mga guro sa kanilang In-Service Education and Training (INSET) ukol sa Safe Space Act. Si Atty. Queenie Jane Saplagio ang naging tagapagsalita, ang CCHS Alumni Doctorate for Personnel and Records Management/Discipline, Law and Order Division.

Sa kabilang banda naman, bilang tugon naman sa posibilidad ng paggamit ng droga at karahasan sa mga mag-aaral, nagdaos ang Police Security & Protection Group (PSPG) sa Mataas na Paaralan ng Kampo Crame (CCHS) ng isang seminar ukol sa mga epekto ng paggamit ng droga at kung papaano nagiiwan ng trauma ang karahasan sa isang tao. Ginanap ito noong ika-8 ng Pebrero ngayong taon.

Isa rin sa mga naging pokus ng seminar ang AntiBastos Law. Ang pinakapaksa nito ay ang pagtuturo ng safe spaces sa kabataan. Pinangunahan ni Police Executive Manager Sergeant Bernardino Nolasco ang leksyon.

Batay sa survey na isinagawa ng Ang Magiting sa tulong ng CCHS Supreme Secondary Learner Government (SSLG), 13 ang sumagot na nakaranas na sila ng pambabastos, catcalling, at iba na nalalabag ang safe spaces sa loob ng paaralan. 50 naman ang nagsabing wala silang naranasang pambabastos. Sa naturang survey, 53 kababaihan ang lumahok at 13 lamang na lalaki ang piniling magbigay kasagutan. Ang Safe Spaces Act, o Republic Act 11313, ay isang batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019. Ipinapaliwanag ng batas ang pagtatanggol at pagpaparusa sa gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar, institusyon ng edukasyon, mga lugar ng trabaho, at online na mga espasyo.

Nakatanggap ng mga donasyong libro ang Mataas na Paaralan ng Kampo Crame mula sa Batch 1985 ng paaralan. Ito ay pinangunahan nina G. Zosimo Latoja, G. Danilo Marquez, Gng. Maria Louisa Orcilla-Barker, G. Rex Barker, at His Legacy Inc. noong ika-2 ng Pebrero 2024. Ang mga nasabing libro ay naging materyal sa pagsasagawa ng Catch-Up Friday alinsunod sa panukalang batas ng Kgawaran ng Edukasyon na paglalaan ng Biyernes bilang pagbabasa.

tulong ng SIGLAP33 at CCHS Batch

03 BALITA Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 1 bil Ang 1
Eira Joedi R. Baldevarona, 10-aguinaldo
balitang PANGKOMUNIDAD
Bill payment kiosk, tampok sa Brgy West Crame
larawan
-mula sa pahina 1-
balitang
Sa 1981, nagsagawa sila ng repainting sa school gate. Ang gawaing ito ay nagpalakas sa ugnayan ng paaralan ng Alumni Association. Isinigawa ang gate noong ika-14 ng Enero ngayong taon bilang tulong at ayon kay G. Peter Philip Ogena May malaking impact siya kasi bukod sa mas magandang outcome yung kalalabasan, mas makabagong style din eh, kumbaga mas pleasing sa mata ng mga estudyante at visitors.
Tulong dunong para sa Cramenians Batch , pinaayos ang CCHS gate Unang edisyon ng Campus Idol
Bukod sa matinding pasabog ng Grade 10 - Blue Scorpions sa programang field demonstration na naganap sa Founding Anniversary ng Camp Crame High School (CCHS), Matagumpay na nagpasiklab din sina Jana Heintjie Espino at Michaelstephen Salapantan sa pagganap bilang kumakatawan ng ika-10 baitang, at itinanghal bilang CCHS Campus Idol 2024. Sa ginanap na talent portion, nagwagi ang Grade 7 Green Mamba sa Best in Talent, at Best in Costume naman ang Grade 9 Red Cardinals. EZ Pay, EZ Day: Sa pagbabago ng moda ng transaksyon, naglagay ng EZ Pay machine kiosk ang Barangay West Crame. Kuha ni Janna Christina C. Berjay
‘81
Safe Space Act para sa lahat: Tinalakay ni Atty. Queenie Jane Saplagio ang Anti-Bastos law para sa mga guro ng Camp Crame High school Kuha ni: Noime P. Lebico Kuha ni: Denzelle Rome G. Salvador Larawan mula sa: Camp Crame High School Facebook Page Kuha ni: Bb. Ronalyn A. Lopez

Agosto 2023 - MArso 2024

toMo 2 bil Ang 1

balitang pampaaralan

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame

Seguridad ng Cramenians, pinaigting

Janna christina c. berjay, 10-aguinaldo

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at seguridad ng paaralan, nagkaroon na ng dalawang security guard ang Camp Crame High School (CCHS).

Dagdag ito sa plano ng paaralan na maiwasan ang mga insidenteng ikapapahamak ng mga mag-aaral nito kagaya na lamang ng mga nangyayari sa ibang paaralan.

Sina Safiero Mamarion, 46 taong gulang, at Sonny Torres, 37 taong gulang ang magsisilbing bantay sa mga lagusan ng paaralan. Ani Mamarion, “Pinapanatili ko ‘yung kaligtasan at seguridad ng paaralan sa pamamagitan ng ano pag-dodouble check ng kanilang bag sa tuwing papasok ‘yung mga bata at tinatanong kung nasaan ang ID nila para ma-confirm ko kung dito ba talaga sila nag-aaral, baka kasi kung anong mangyari.”

“Monitoring ng mga properties at ipatupad ang mga patakaran ng school, katulad ng pagpapasok ng mga batang nakasuot ng tamang damit saka nakasuot ng white t-shirt, at bawal pumasok ang nakacolored,” pagtatapos nito.

Panayam kay Johanna Pepito, President ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), “Kasi diba, ang mga guard ang nagmamasid sa mga pumapasok na kamag-aral, kumbaga, nakakatulong ang mga guard para maging mas presentable at karespe-respeto ang mga mag-aaral.”

Prayoridad ng paaralan ang kaligtasan ng mga guro at estudyante kung kaya’t marapat lamang na magkaroon ng guard sa bawat paaralan upang masiguradong walang mapapahamak sa padalo-dalos na kilos.

pulso ng

cramenians

SPECIAL REPORT

Pinaigting

Bilang mag-aaral na nasa ikasampung baitang, ano ang nais mong kuning strand sa Senior High School?

NAno ang pamantayan niyo sa pagpili ng Senior High School (SHS) strand?

Base sa interes at hilig ko. Sa tingin ko, mas mag-eenjoy ako kapag masaya ako sa ginagawa ko.

Sommayah Mariano, 9 - Roco

Kung ano ang nakakatulong para sa kinabukasan, makakapagbigay ng maganda at mabilis na trabaho.

Llyhean Deoso, 10 - Aguinaldo

Ano ang gusto niyong rebisahin sa K-12 Program?

Siguro sana ay maging K-10 nalang instead of K-12 kasi parang aksaya lang sa panahon ‘yung 2 years, at na-ooverwork na rin ‘yung mga students sa mga schoolworks.

samantha jade ramos, 7-bonifacio

Kulang talaga sa paghahanda ang mga student para sa college, kaya sa tingin ko, mas dapat na paigtingin ang programa kaysa tanggalin ito.

Angelo panahon, 8-fronda

SHS Program, pinasusuri

FRANCEL V. PEñARANDA, 9-ROCO

agsagawa ng career orientation sa Mataas na Paaralan ng Kampo Crame (CCHS) para sa mga mag-aaral sa ika-10 baitang noong Disyembre 11, 2023 na dinaluhan ng mga piling unibersidad.

Tinulungan ng mga dumalong pamantasan at paaralan ang mga mag-aaral na pumili ng kanilang strand na tatahakin sa kanilang pagtuntong sa senior high school (SHS). Pinakilala rin nila ang kanikanilang paaralan, kasama na ang mga vouchers at discounts na kanilang maaaring ibigay sa mga balak mag-enroll.

Ilan sa mga paaralang bumisita sa CCHS ay ang Far Eastern University (FEU), Jose Rizal University (JRU), Systems Technology Institute (STI) Cubao, Samson College, World Citi Colleges (WCC), Centro Escolar University (CEU), Technological Institute of the Philippines (TIP) Quezon City, at ang JBEST School of Technology and Practical Skills.

Ayon kay Gng. Arlene Tusing, ang naging coordinator ng programa, “Upang mas malinawan at madagdagan ang kaalaman ninyo kung ano ang dapat niyong kuning strand at trabaho, pati na rin sa pagpili ng school. Tingin ko effective naman yung program para sa inyo lalo na kung talagang nakinig kayo.”

SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM

Simula nang ipatupad noong 2016, ang senior high school program ay nabalot na ng iba’t ibang alalahanin.

Ipinakita sa isang survey ng Pulse Asia na pinamahalaan ni Senador Sherwin Gatchalian at inilabas noong Setyembre 2023, na apat sa 10 Pilipino lamang ang nasisiyahan sa SHS program.

Pinangakuan ng programang ito na paunlarin ang mga mag-aaral upang maging handa sa kolehiyo at sa trabaho, at magbukas ng mga pintuan ng oportunidad sa mga nagtapos nito.

Base kay Yassen Usman, mag-aaral ng CCHS na tutuntong na ng senior high school, “Okay naman ang senior high eh. Ayun nga lang, masyado siyang mabigat sa bulsa, magastos. Ang pinakalayunin naman ng senior high school ay paunlarin pa lalo ang mga kasanayan

ng mga katulad ko bago sila tumuntong ng kolehiyo.” Bagaman malayo pa ang programa mula sa pagiging perpekto, ang pagsulong na maging opsyonal ito ay naipagsasabahala ang pinakalayunin ng programa. Inihain ni Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang House Bill No. 7893 na magpapalit sa kasalukuyang kurikulum ng K to 12 tungo sa K to 10 + 2, kung saan ang huling dalawang taon ay opsyonal na lamang para sa mga mag-aaral na nais magpatuloy sa propesyonal na edukasyon pagkatapos ng high school.

Saad naman ni G. Kim Ampo, guidance counselor ng CCHS, “Sa pagkakaalam ko, sa senior high, may research at thesis na, kaya kakailanganin talaga ng pera. Kailangan talaga ng suporta ng magulang lalo na sa pinansyal na aspekto. You can simply just search or Google for it, pero syempre gagastos ka pa rin sa pagpapaprint at kapag grupo kayong gagawa, lalabas ka so kailangan mo ng pera panggastos ng pamasahe at pangkain.” Ang kamakailang desisyon ng Komisyon sa mas Mataas na Edukasyon (CHED) na itigil ang pag-aalok ng mga programa ng SHS sa mga pampubliko at pampribadong kolehiyo’t unibersidad (SUCs at LUCs) ay nagdagdag sa bigat na dinadala ng programa. Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), tanging isang maliit na bahagi lamang ng 70 pangunahing kumpanya sa bansa ang handang mag-empleyo ng mga nagtapos ng SHS.

Para naman kay Michelle Nayanga, mag-aaral ng CCHS na tutuntong na rin sa senior high, “Hindi talaga ako payag na matanggal ang senior high. Oo, tunay talaga ‘yung dinadahilan ng iba na mabigat talaga sa bulsa ito. Pero para sa akin, mas mahahanda talaga kami sa college kung dadaan kami sa senior high.”

SSLG, nagsagawa ng school fair bazaar

Sandy H. Barang, 9-roco

Isang hindi malilimutang karanasan para sa mga mag-aaral, guro, alumni, at iba pang mga dumalo

sa pagdiriwang ng Founding Anniversary ng Camp Crame High School (CCHS). Bukod sa iba’t ibang patimpalak na naganap kagaya na lamang ng field demonstration, Campus Idol, at CRAMElympics, mayroon ding school fair bazaar na siyang nagsilbi upang mas maging masigla ang programa.

Sa pamamagitan ng pamumuno ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng paaraalan, nabuo ang ideya ng pagsasagawa ng isang bagong kaganapan na tiyak na aaliw sa mga dadalo sa Foundation Day—ang school fair bazaar.

Sa kabuuan, 16 na booths ang naitayo ng bazaar. Hindi lamang ang mga mag-aaral ng CCHS ang nakilahok sa pagtatayo ng iba’t ibang booths, kundi nakiisa rin ang mga outsiders, at mga alumni ng paaralan kagaya na lamang ng Batch 1981, Batch 1985, at Batch 1989.

Samu’t-saring produkto ang makikita sa lugar. Hindi mawawala ang mga pagkaing nagsilbing pantawid-gutom ng mga manonood ng mga ginanap na patimpalak. Naroon ang street foods, mga iba’t ibang

klase ng silog, kape, hopia, kakanin, herbal juice, mga halamang gamot, at iba pa.

Patok ang iba’t ibang booths na dinagsa ng mga estudyante kagaya na lamang ng photobooth, marriage booth, jail booth, shooting, at booths kung saan makabibili ng K-pop merchandise, friendship bracelets, at mga alahas.

Nagkaroon din ng kompetisyon ang mga booth at binubuo ito ng iba’t ibang pamatayan. Itinanghal ang Best Booth Award sa “West Brew” ng 10-Quezon dahil sa namamayaning lasa ng mga trending na kape na kanilang ibinibenta. Patok ito hindi lamang sa mga estudyante, kundi pati na rin sa mga guro ng paaralan dahil sa mura ngunit sulit nitong produkto

CCHS-SSLG, namahagi ng school supplies sa Outreach

ALEXANDRIA M. CASTILLO, 10-aguinaldo

Nagsagawa ng isang outreach program ang Camp Crame High School (CCHS) Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa Manila Boystown sa Parang, Marikina. Sa programa, binigyan ng school supplies at pagkain hindi lamang ang mga bata, kundi pati na rin ang mga guro at mga kasapi ng programa. Mayroon ding ibinahagi na laruan para sa mga bata.

Naging matagumpay ang programa noong ika-9 ng Marso sa tulong ni Dr. Alexandria Castillo. Nagbigay ng coloring materials ang grupo upang magkaroon ng pansamantalang libangan ang mga bata. Nataon din ito sa pagdiriwang ng kaarawan ng tigagabay ng SSLG, Bb. Ronalyn Lopez.

Ang Manila Boystown ay matatagpuan sa Marikina, minsan, ito’y tinatawag na Marikina Boystown ngunit ito ay pinatatakbo ng Manila City Government. Karamihan sa mga bata rito ay nailigtas lamang sa kanilang pagiging palaboy sa kalsada. 25 ang kabuuang bilang ng mga bata at iilan pa rito ay mula sa inabandona at pinabayaan na pamilya.

“Other department rescued children and families who were staying or roaming around the streets. They have different categories: they are abandoned, neglected by their families, and other terms. So basically they

need toiletries and milk,” pahayag ni Thelma M. Janeo, tagapangasiwa ng Boystown.

Bukod sa school supplies na ibinahagi ng SSLG, nakatulong din ang grupo sa kalusugang mental at pisikal ng mga kabataan. Naipahahayag ng kabataan ang kanilang kasiyahan sa mga aktibidad na isinagawa ng guro, mga tauhan at mga opisyales.

Anang Eira Joedi Baldevarona, ang kalihim ng CCHS-SSLG, “Sana sa tulong naman nitong isinagawang outreach program, nabigyan sila ng pagkakataong maging mas masaya pa.”

Bukod sa school supplies na ibinahagi ng SSLG, nakatulong din ang grupo sa kalusugang mental at pisikal ng mga kabataan. Naipahahayag ng kabataan ang kanilang kasiyahan sa mga aktibidad na isinagawa ng guro, mga tauhan at mga opisyales.

04BALITA
Bantay Seguridad: ng Camp Crame High School ang seguridad ng paaralan para sa mga mag-aaral nito. Kuha ni Eira Joedi R. Baldevarona Kape, patok sa panlasa ng CRAMEnians: Ginantimpalaan ang West Brew na pagmamayari ni Kyle Calaunan, isang mag-aaral ng ikabaitang, ng Camp Crame Highschool (CCHS) Supreme Student Learner Government (SSLG) ng Best Booth Award. Kuha ni: Denzelle Rome G. Salvador 10 Programa ng Bagong Pag-asa: Bilang programa ng Supreme Secondary Learner Government, isinagawa ang outreach program para sa mga kabataang naninirahan sa Manila, Boystown. Kuha ni Eira Joedi R. Baldevarona

Admin tasks, tanggal na sa mga guro—DepEd

Abengoza: Implementasyon ng DO, mabigat

Yassen M. Usman, 10-aguinaldo

Batay sa Department of Education (DepEd) Order 002, s. 2024 ang mga guro ay hindi na magiging bahagi ng mga gawaing administratibo. Sa halip, ang mga School Heads at non-teaching personnel ang magkakaroon ng tungkulin sa mga nasabing gawain. Kabilang sa mga ito ay:

General

Financial Management

Support

Records Management

Feeding

School Disaster Risk Reduction And Management

Other Related Programs

Upang mapunan ang pangangailangan sa mga non-teaching personnel, maaaring ipatupad ang mga sumusunod na hakbang: Ang mga SDOs ay maaaring mag-cluster ng non-teaching personnel ayon sa mga patnubay ng BHROD. Maaari ring mag-hire ang mga SDOs at paaralan ng mga personnel sa ilalim ng Contract of Service (COS) o Job Order (JO) na maaaring selyado laban sa MOOE o iba pang mapagkukunan ng pondo.

balitang dagli

Childrens Month, naging makulay sa Crame

HAZEL M. MOISES, 7-aQUINO

Noong ika-7 hanggang ika-10 ng Nobyembre taong 2023, naghanda ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG), bilang selebrasyon na rin ng Children’s Month, ng nakadudurog puso na mga pelikula na pinamagatang Wonder ni Jacob Tremblay para sa mga ika-pito at ikawalong baitang, at Anak ni Vilma Santos para naman sa ika-siyam at ika-10 baitang.

“Malaking impact ito saakin. Nung nalaman ko na totoo nga pala talagang Expectation vs. Reality. Kasi sa palabas, akala ng mama niya ay sapat na iyung binibigay niya kasi nga galing siyang abroad. Pero sa reyalidad, may hinihingi pa iyung mga anak niyang mas higit sa mga materialistic na bagay kung hindi iyung pagmamahal” pagsasalaysay ni Jerald Arnaldo na nagmula sa ika-10 baitang ng pangkat Aquinaldo.

Handwashing, pinaigting sa CCHS

RALPH ETHAN G. LAYON, 9-CARINO

Upang makaiwas sa mga sakit na dala ng bakteriya, hinikayat at mas lalong pinaigting ng Mataas na Paaaralan ng Kampo Crame (CCHS) ang paghuhugas ng kamay ng mga mag-aaral nito. Mas pinadali ang proseso ng paghuhugas ng kamay sa paaralan sa tulong ng dalawang handwashing area rito na itinayo noong 2019 at 2022. Mayroon na ring mga sabon na nakalagay sa mga naturang handwashing area.

Ang Wash in School (WinS) Policy o ang Department of Education (DepEd) Order No. 10, s. 2016 na pinamagatang Policy and Guidelines for the Comprehensive Water, Sanitation and Hygiene in Schools (WinS) Program ay inilabas noong ika-19 ng Pebrero taong 2016. Ito ay idinisenyo upang makamit ang mga resulta ng pagkatuto at kalusugan ng mga estudyanteng Pilipino sa pamamagitan ng isang komprehensibo, napapanatili, at nasusukat na programang WASH na nakabatay sa paaralan alinsunod sa mandato ng pamahaalaan na ipagtanggol ang karapatan ng mga kabataan sa dignidad, tulong, at proteksyon mula sa mga kondisyon na hadlangan ang kanilang pag-unlad.

Piling CRAMEnians, nakatanggap ng school supplies

ALYA U. ISMAEL, 10-QUEZON Bilang tugon sa suliraning kinahaharap ng mga estudyante sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, nagbahagi ng school uniform, school bag, at black shoes ang Quezon City District IV Representative Marvin Rillo at Councilor Imee Rillo noong ika-18 ng Setyembre taong 2023. Ayon sa datos, 52 ang nabigyan ng school supplies sa kabuuan na 611 na mag-aaral sa Camp Crame High School (CCHS). Anim sa mga ito ay nagmula sa ika-7 baitang, 14 sa ika-8 baitang, at 16 sa Grade 9 at 10. Sa panayam kay Cong. Rillo, “Bilang isang gobyernong maayos at gusto talaga maging maganda tignan ang mga estudyante, marapat naman talaga na dapat na magkaroon ng programang kagaya ng free uniform para naman presentable at disenteng tignan iyong mga mag-aaral natin.”

journalist CORNER

DISTRICT SECONDARY SCHOOLS PRESS CONFERENCE

Opisyal nang ipinag-utos ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang agarang pag-alis ng mga gawaing administratibo (administrative tasks) sa trabaho ng mga guro noong ika-26 ng Enero

Batay sa inilabas na DepEd Order No 002, s. 2024, ang mga gawaing tatanggalin ay sasaluhin ng mga school head at mga non-teaching personnel.

Saad ng punongguro ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame, G. Edwin Abnengoza, “Mabigat na pagsunod o implementasyon dahil may mga assignment o designation yung mga teacher natin. Hindi basta-basta pwedeng ituro sa mga tao na hindi naman talagang tugma ang kanilang interes o kakayahan doon sa trabaho na ‘yun. Pangalawa, hindi naman karamihan ng ating non-teaching personnel ay may posibilidad na magdoble-doble ang kanilang mga assignments para sa school.”

Para naman kay G. Niven Fernandez, ang bagong TLE Head Teacher ng CCHS, “Okay siya sa ibang mga teacher, focus lang talaga ‘yung mga ibang teacher at mawawalan sila ng admin task. But ang problema sa isang school kagaya ng Camp Crame High School, konti lang ang mga non-teaching personnel.”

Inilabas ang naturang kautusan isang araw matapos ipahayag ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon, Sara Duterte. Ang nasabing inisyatiba ay kanyang ipinaalam sa kanyang presentasyon ng 2024 Basic

Education Report.

“The Department of Education (DepEd) believes that the core of quality basic education is a vibrant and quality teaching workforce. Under the MATATAG Agenda, the department is committed to enhancing the delivery of quality basic education while promoting teacher quality and teacher welfare,” pahayag ni Duterte sa naturang utos.

Kamalayan sa Social Media, tinalakay

FRANCEL V. PENARANDA, 9-ROCO

Binisita ang Mataas na Paaralan ng Kampo Crame (CCHS) ng TryNew PH upang magpalaganap ng kamalayan patungkol sa paggamit ng mga social media apps.

Naganap ang naturang pagbisita noong ika-8 ng Marso 2024. Piling mag-aaral lamang mula ika-9 na baitang ang nakadalo sa ginanap na seminar.

Ayon kay Mark Romulo, “Ang kabataan talaga ang isa sa mga pinakapinupukaw namin para sa programang ito, kasi ‘yung mga kabataan, tulad ng sinasabi natin, sila amg pag-asa ng bayan. Nakasalalay sa atin ang future kung ano ang magiging kahihinatnan natin sa hinaharap.”

“Alam naman natin na ‘yung kanilang attention span is hindi naman ganon talaga katagal ‘no. Syempre para sa amin, para mapukaw ang kanilang atensyon is nagkaroon kami ng games at prizes upang sila ay maging competetive at makinig nang maigi sa aming mga sinasabi,” pagsasalaysay ni Romulo.

Namigay rin sila ng mga produktong pangskincare tulad ng sabon, lotion, at sunscreen. “Aside sa pinamigay nila, super helpful ng kanilang dinaos na seminar. Very relevant at timely siya lalo na’t babad naman na talaga kami sa social media,” ani Avhelaine Cecogo, isa sa mga dumalo sa seminar.

SMASHED PH, dumayo sa CCHS

Dumayo ang SMASHED Philippines sa Camp Crame High School (CCHS) upang magbigay kaalaman sa CRAMEnians ng mga masasamang epekto ng underage drinking sa pisikal at mental na kalusugan.

Ang rollout ng SMASHED Philippines ay pinangunahan ni Zoe Damag, isang Senior ArtistTeacher ng Philippine Educational Theater Association (PETA) at ang associate project manager nito. Kasama niya rin ang iba pang artist-teacher ng PETA, na sina Ada Tayao at Donn Bocco.

survey nito. At 82% ang nagsabing mas hindi sila mapapainom ng alak habang underaged dulot ng Smashed.

Sila ay naghanda ng interaktibong maikling pelikula na pinamagatang “Smashed” noong ika-7 ng Pebrero taong kasalukuyan kung saan pinakita rito ang epekto ng alak sa maraming aspekto: sa pag-aaral, pisikal at mental na kalusugan; at kung ano ang maaaring magawa ng alak sa pag-iisip ng tao.

Ayon sa isinagawang survey ng SMASHED Philippines sa mga CRAMEnians, 78% ang may sapat na kaalaman tungkol sa panganib na dala ng underage drinking kumpara sa 4% pre-survey nito. 84% naman ang nagsabing handa silang gumawa ng tamang desisyon tungkol sa pag-inom ng alcohol kumpara sa 66% na pre-survey nito. 69% ang nagsabing alam nila kung saan pwedeng humingi ng tulong hinggil sa mga alcohol related issues kumpara sa 17% na pre-

“Ang naihatid na aral sa akin ng seminar ay unahin muna natin yung mga responsibilidad natin, yung mga kailangan natin gawin. Wala pa tayo sa tamang edad upang mag-inom,” pahayag ni Chedris Rael, mag-aaral ng paaralan. Para naman kay Anthony Castillo, isa ring mag-aaral, “Habang bata ka pa, i-enjoy mo muna yung buhay mo. Huwag mo muna ilulong yung sarili mo sa alak.”

Matapos ang programa na nilahad ng PETA, gamit ang daglat na SMASHED, nanumpa ang mga mag-aaral ng CCHS kasama ang mga miyembro ng SMASHED Philippines na: Sa bawat desisyon na aking gagawin, May kapangyarihan akong maging mapanuri, Ako ay responsableng kabataan, Sinisigurong sarili at kapwa ay nasa kaligtasan, Haharapin ang mga pagsubok at hamon, Empowered tayo,

05 BALITA
Opisyal
Mataas
Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 1 bil Ang 1 balitang PAMBANSA
Ang
na Pahayagan sa Filipino ng
na Paaralan ng Kampo Krame
MICHELLE S. NAYANGA, 10-aguinaldo CRAMEnians, sumailalim sa Alcohol Awareness seminar
ikatlong pwesto Yassen M. Usman, 10-aguinaldo Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita ikatlong pwesto EIRA JOEDI R. BALDEVARONA Pagsulat ng Agham ikapitong pwesto ALLANAH ELSEAH C. JUANCE Mobile Journalism ikasiyam na pwesto JANNA CHRISTINA C. BERJAY Pagsulat ng Lathalain 2nd Yassen M. Usman Denzelle Rome G. Salvador Francel V. Peñaranda Michelle Anne S. Nayanga Angel-Anne A. Vicente Online Publication Overall Ranking 1st Best News Page 1st Best Editorial Page 1st Best Feature Page 2nd Janna Christina C. Berjay EIRA JOEDI R. BALDEVARONA Alya U. Ismael charles anthony nava marjelyn paningbatan Radio Broadcasting Best Script ikawalong pwesto Alya U. Ismael Pagsulat ng Editoryal Alam
ba?
Administration
Facilities Custodianship
mo
Personnel
Property/Physical
Administrative
Kaalaman sa makabagong kabataan: Matalinong paggamit ng social media sa mga magaaral sa Kampo Crame ng organisasyong “Try New PH.” Kuha ni Denzelle Salvador “SMASHED” na smash: Nagbahagi ng kaalaman ang SMASHED Philippines tungkol sa epekto ng underage drinking sa kalusugan. Kuha ni: Eira Joedi R. Baldevarona Guro para sa Bayan: Kabilang si Bb. Maricar Convencido, ang dating ang dating Risk Reduction School and Management coordinator ng CCHS sa mga guro na natanggalan ng administrative task. Kuha ni Janna Christina C. Berjay

pulso ng cramenians

Sa pag-aaral na isinagawa ng mga mamamahayag ng Ang Magiting sa piling magaaral ng Camp Crame High School (CCHS) tungkol sa epekto ng pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI) sa pagkatuto, natuklasan na 70% ng mga mag-aaral ay sumang-ayon sa paggamit nito, samantalang 30% ang hindi pabor sa paggamit nito.

suMAsAng-Ayon 30%

di-suMAsAng-Ayon

Bilang mag-aaral nakakatulong ba ang AI sa pag-unlad ng edukasyon sa kasalukuyang panahon?

Ang aking opinyon ay nagpapahayag na ang paggamit ng artificial intelligence (AI) ay maaaring maging kapakipakinabang sa mga estudyante sa kanilang pananaliksik. Sa pamamagitan ng AI, nagiging mas madali at mabilis ang proseso ng paghahanap ng impormasyon na kailangan sa pagsasagawa ng mga gawain sa pananaliksik

-Josephine Argarin, 9 Roco

Sa aking palagay, hindi nakakatulong ang AI sa pag-unlad ng edukasyon sa kasalukuyang panahon dahil nagiging sanhi ito ng kawalan ng paggamit ng ating sariling kaisipan.

-Mujib A. Omar, 9- Gonzales

Bilang isang guro, sang-ayon ba kayo sa paggamit ng AI sa mga gawain ng mag-aaral?

Hindi nawawalan ng saysay ang pagkakaroon ng aralin tungkol sa pag-unawa dahil sa limitasyon ng pagiging mapanuri ng mga mag-aaral.

-g. marvin louise baldestamon guro sa matematika

Hindi, kasi hindi mo na magagamit ‘yung kakayahan mo bilang isang estudyante pati ‘yung ano mo pati ‘yung utak mo.

-Bb. Gisela marie m. parenas guro sa mapeh

Hindi, kasi kailangang i-practice critical thinking at skills ng mga bata lalo na ngayong mababa ang PISA result ng Pilipinas.

bb. ronalyn a. lopez guro saaraling panlipunan

EDITORYAL

Sa bilis ng pag-unlad ng teknolohiya, hindi maitatangging napakalaki ng papel na ginagampanan ng Artificial Intelligence (AI) sa iba’t ibang larangan at sektor ng lipunan. Isa sa mga lubos na naapektuhan ng paglaganap ng AI ay ang sektor ng edukasyon.

Sa pagpasok ng AI sa larangan ng edukasyon, nagbukas ito ng maraming mga oportunidad, subalit mayroon din itong kaakibat na mga epekto at hamon. Isa sa mga positibong epekto ng AI sa edukasyon ay ang mas madaling pagkuha ng mga impormasyon. Noong hindi pa gaanong kapatok sa midya ang AI, kinakailangan ng mano-manong pananaliksik online.

Ngunit ngayon, isang pindot lamang sa mga AIgenerated apps, makukuha mo na kaagad ang mga impormasyong iyong hinahanap.

Isa pa, ang AI ay nagbibigay ng malaking tulong sa mga mag-aaral lalo na sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan sa larangan ng pagsusulat. Sa bilis ng AI, makagagawa agad ito ng iba’t ibang uri ng teksto na maaaring gawing batayan ng mga mag-aaral, kung papaano ang estilo ng pagsusulat at papaano binanghay ang mga impormasyon.

Tulad ng anumang bagong teknolohiya, ang pagpasok ng AI sa edukasyon ay may dalang mga bagong hamon at oportunidad. Ang pagpapalakas ng kaalaman sa larangan ng AI ay magiging mahalaga upang matiyak ang epektibong paggamit ng teknolohiyang ito. Bukod pa rito, ang pagbibigay ng sapat na suporta at pondo para sa pagsasanay at pagpapatupad ng AI sa mga paaralan ay magiging pangunahing hakbang tungo sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon.

Gayunpaman, hindi maiiwasan ang ilang mga negatibong epekto ng AI sa edukasyon. Isa na rito ang posibleng pagkawala ng ilang mga mahahalagang gawain at papel sa sektor ng edukasyon, at ang untiunting pagkitil sa mga tradisyunal na pinagkukunan ng pangangailangan sa edukasyon. Sa pagpasok ng mga mas pinausbong na sistema ng AI, maaaring mabawasan ang mga nakasanayan at mahalagang resources sa pagaaral tulad na lamang ng mga self-learning modules, mga aklat, at mga importanteng papeles. Ang labis na paggamit ng AI sa edukasyon ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng depersonalisadong pagtuturo. Sa halip na makipagugnayan sa mga guro at kapwa mag-aaral, maaaring mawala ang personal na aspeto ng pag-aaral at maging limitado na lamang sa interaksyon sa isang makina. Ito ay maaring magdulot ng pagkawala ng pagkakataon na magkaroon ng mga karanasan sa tunay na buhay at makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao.

Pangalawa, ang labis na pagtitiwala sa AI sa

At ang oras ng mga guro ay matutuon na lamang sa pag gawa ng mas mahalagang gawain.‘

Isang magandang balita ang kamakailangan inilabas na utos ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na tanggalin ang mga administratibong gawain ng mga guro. Layunin ng kautusan na mabigyan ng mga guro ng sapat na pansin ang kanilang mga pangunahing tungkulin, gaya ng pagtuturo sa kanilang mga magaaral.

edukasyon ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng kakulangan sa kritikal na pag-iisip at kakayahan sa pagsasaliksik sa mga mag-aaral. Sa halip na magbuo ng sariling opinyon at magpamalas ng kritikal na pag-iisip, maaaring dumepende lamang ang mga mag-aaral sa mga algoritmo at prediksyon ng AI. Ito ay maaring humantong sa pagkakaroon ng henerasyon ng mag-aaral na hindi marunong mag-isip sa kanilang kakayanan at umasa lamang sa teknolohiya.

Isa pa, sa labis na bilis at epektibo ng AI hindi imposibleng ginagamit ito sa mga pagnanasa ng mga sekswal na mandaranggit (sexual predators). Ang mga AI-generated apps ay maaaring makabuo ng larawang aaakalin mong tunay. Ito ang isa sa pinakanakababahalang epekto at gamit ng AI, masyado itong mapanlinlang.

Bagaman may mga potensyal na benepisyo ang paggamit ng AI sa edukasyon, hindi natin dapat balewalain ang mga posibleng negatibong epekto nito.

Sa halip na labisang umasa sa teknolohiya, mahalaga pa rin na itaguyod ang personal na pag-unlad sa pamamagitan ng edukasyon na mayroong tunay na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga guro at mag-aaral.

Mahalaga ring isaalang-alang ang naging ulat ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2023, kung saan muling binigyang-diin ang pangangailangan ng Piìpinas na mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Sa kabila ng pag-usbong ng teknolohiya, ang literacy rate ng kabataang Pilipino ay nananatiling mababa.

Ipinapakita ng PISA results na ang mga magaaral sa Pilipinas ay may mababang antas ng pagbabasa, matematika, at agham. Dahil dito, hindi sapat ang pagtutok lamang sa teknolohiya tulad ng AI; kinakailangan din ng masusing pagpaplano at pagtutok sa pagpapabuti ng basic literacy skills ng mga magaaral.

Sa huli, habang patuloy na lumalago ang papel ng Artificial Intelligence sa larangan ng edukasyon, mahalagang tandaan na ang layunin nito ay dapat laging nakatuon sa pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral. Sa tamang paggamit at pagpaplano, magiging instrumento ang AI sa pagtataguyod ng mas malawak at mas mabisang sistema ng edukasyon para sa hinaharap. Ngunit huwag din nating kalimutan na sa bawat makabagong teknolohiya, may dala itong mapanlilnlang na ideya.

Nararapat lamang na tanggalin na ang mga gawaing ito upang mas mabigyang-tuon ng mga guro ang kanilang pagtuturo. Isa sa mga nagiging balakid sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng oras sa diskusyon kasama ang guro. Nasaan ang guro ng mga oras na iyon? Gumagawa ng mga administratibong gawain. Walang magawa sapagkat utos ng nakatataas. Pinagtibay ang kautusan sa pamamagitan ng DepEd Order No. 002, s. 2024 na inilabas noong ika-26 ng Enero ngayong taon. Batay sa naturang utos, kasama ang hakbang na ito sa pagpapalawig ng MATATAG Agenda na isinusulong ng bagong administrasyon sa ilalim ng pamamahala ni Bise Presidente Sara Duterte. Ang pagtanggal ng administratibong gawain sa mga guro ay makakatulong sa kanila at sa kanilang estudyante na kanilang ginagabayan sa pag talakay sa makabagong kaalaman. At ang oras ng mga guro ay matutuon na lamang sa pag gawa ng mas mahalagang gawain at malaking epekto sa mga estudyante. Bilang isang mag-aaral, makatutulong din

Kampo Krame

General Canstaneda Camp Cram

Compound, Lungsod ng Quezon

Punong patnugot

Yassen M. Usman

Katuwang na Patnugot

Eira Joedi R. Baldevarona

Patnugot ng Balita

Janna Christina C. Berjay

Patnugot ng Opinyon

Sandy H. Barang

Patnugot ng Lathalain

Francel V. Peñaranda

Patnugot ng Agham at Teknolohiya

Ralph Ethan Layon

Patnugot ng Isports

Hazel Moises

Kartunista

Michelle Anne S. Nayanga

Tagakuha ng larawan

Eira Joedi R. Baldevarona

Tag-ayon

Denzelle Rome G. Salvador

Mga Manunulat

Jana Heintjie Y. Espino

Avryll Jhaice P. Caldamo

Aliah Madlangbaya

Marjelyn D. Paningbatan

Princess Julian B. Raagas

Samantha Nicole P. Gallera

Allanah Hannag A. Juance

Tagapayo ng Publikasyon

Alexandria M. Castillo, PhD

Punongguro

Edwin M. Abengoza

Tagamasid Pansangay sa Filipino at Pamamahayag

Pangkampus

Nimfa Gabertan

3.5% uneMployMent rAte

1.8muneMployed

96.5%eMployMent rAte

48.9m eMployed

12.4% undereMployMent rAte

6.08m undereMployed

Inilaba sa ulat ng Philippine star na ayon sa February 2024 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay lumiit patungong 3.5% ang unemployed mula sa 4.5% noong Enero. Ipinakita ang kapansin-pansing pagbaba ang underemployed at underemployment rate nitong Pebrero kumpara noong Enero, nagpapakita na “gumanda” ang kaledad ng mga trabaho kumpara noong nagsimula ang taon.

ito sa amin, lalong-lalo na sa mga guro. Kung ating pagmamasdan, sa pagtuturo at paggawa ng mga opisyal na papeles pa lamang ay pagod na ang mga kaguruan. Dinagdagan pa ito ng gawaing hindi naman dapat tungkulin ng isang guro. Nang dahil sa kakulangan ng mga manggagawa sa paaralan, napipilitan ang mga guro na saluhin ang mga gawaing labas na sa kapasidad nilang magturo. Kung sapat sana ang sahod na matatanggap ng mga gagawa ng mga gawaing ito, hindi na kakailanganin ng mga gurong pasanin ito. Kulang ang sweldo, ngunit labis ang trabaho. ‘Yan ang dinanas ng mga gurong mayroong nakaatang na administratibong gawain sa loob ng ilang taon. Bilang pagtatapos, tunay na napakagandang balita ng inilabas na kautusan ng DepEd. Ngunit tiyak na mayroon din itong kaakibat na problema. Gaano karami ang sasaluhin ng mga bagong gagawa ng mga administratibong gawain? Sapat ba ang matatanggap nilang sweldo? Paano ang mga guro? May idadagdag ba ang kagawaran na gawain kapalit nito? Sana bigyanghalaga ang mga guro. Sana guro naman.

70%
Pansamantalang solusyon?
YASSEN M. USMAN, 10-aguinaldo
Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 2 bil Ang 1 sana guro naman

pamilya, kaya’t kung tutuusin ay maliit lamang ang maitutulong nito. Tatlong porsyento ang itinaas ng presyo ng bigas sa merkado. Mula sa 19.6% noong Disyembre 2023, tumalon ito sa 22.6% nitong buwan ng Enero. Bigas ang palaging nangunguna sa prayoridad ng mga Pilipino; kanin na siyang pantaboy ng gutom. Kaya’t paanong mararamdaman ang “pag-angat sa laylayan” kung sa pagbaba ng implasyon ay kasabay naman nito ang pagtaas ng presyo ng bigas at maliit lamang ang paggalaw sa sahod ng mga mamamayan? Kulang ang balanse dahil kapag bahagyang naibsan ang isang problema, nalilingat naman ang iba pa. Hindi makukuntento ang bansa sa simpleng pagbabago ng mga numero sa datos kung ang mga ito ay urong sulong. Tila duwag na hindi malabanan ang pagkadukha.

Sa pagtaas o pagbaba ng implasyon nga lang ba nakasalalay ang kaginhawaan ng mamamayan? Mas nakakalula pa ang presyo ng mga bilihin kaysa sa sahod kaya hindi mapuksa ang paghihirap. Inaasa pa ito sa pagbaba o pagtaas ng implasyon na bahagi lamang ng problema, hindi ito solusyon. Maraming tiyan at ulo ang kukulo kung ganito ang patuloy na mangyayari sa atin. Ang sambayanan ay mauupos sa liyab ng sariling bugso ng damdamin sa mga ganitong kinakaharap na natatanggap nila, o dahil wala naman silang natatanggap. Sobra-sobra ang bayad, ni walang sukli.

Wala sa kakarampot na porsyento ang pag-asa. Ang malawakang pagbabago at pag-unlad ang magpapagaan sa pakiramdam ng bayan, ang makakapagpalobo ng mga pitaka at ang maglalagay ng laman sa mga tiyan. Kung magsasalubong ang pagbaba ng presyo at pataas na sweldo, sa hampas ng hangin nito, madarama ang simoy ng pag-asa. Pag-asang makararating mula sa bulsa hanggang sa bituka.

‘Ibigay ang nararapat na ibigay na bayad sa mga guro mahalaga na bigyan ng suporta ang edukasyon.

‘Ibigay ang nararapat na ibigay

siyasating mabuti

Pawis, pagod, at dugo. Patuloy ang mga kaguruan sa ating bansa sa pag-aalay ng mga ito. Mababa ang pasahod, pero tambak na tambak sa trabahong itataguyod. Ilang dekada na ring tinitiis ng kanilang sektor ang ganitong senaryo.

Nang dahil sa ganitong sitwasyon, napipilitan ang iba na makipagsapalaran sa ibang bansa kung saan higit na mas mataas ang sweldong kanilang matatanggap. O di kaya nama’y nililisan ang pagkaguro at mas piniling tahakin ang ibang propesyong sapat ang sahod.

Kung magpapatuloy ang pagtratong ito, mababawasan ang kapasidad sa guro ng mga paaralan sa bansa. Mapipilitan na naman ang mga matitirang guro na saluhin ang trabaho na maiiwan ng mga piniling umalis. Maaari rin itong mauwi sa pagbaba ng kalidad ng edukasyong matatanggap ng mga mag-aaral.

Mababa na nga ang sahod, mababa pa ang kalidad ng edukasyon. Ano ang aksyon ng administrasyon? Tagpi-tagping solusyon muli? Nakakapagod na at tila paulit-ulit na ang nagiging ikot ng mga problema sa ating bansa. Nitong ika-13 naman ng Pebrero ngayong taon, naglabas ng panukala ang Makabayan bloc sa Kongreso na P50k buwanang sahod para sa mga gurong nagtatrabaho sa pampublikong paaralan. Mas mataas ito ng labis sa P20k kumpara sa kasalukuyang average salary na P29,500 ng mga guro sa public

schools.

Napakalaki ng magiging tulong nito sa mga guro kung sakaling mapasa ang naturang panukala. Sana lamang ay hindi ito magaya sa mga naunang panukala na hindi na umusad at natabunan na ng panahon.

Ang mga guro ang nagsisilbing pangalawang magulang at gabay ng mga kabataan tungo sa kanilang mga pangarap. Kaya mas mainam kung sisiyasating mabuti ng pamahalaan ang mga pangangailangan at paghihirap na dinaranas ng mga guro.

Alam naman natin na malaki ang papel ng isang guro sa ating mga kabataan ngunit hindi lamang sa kanila kundi pati sa lipunan. Ang pagiging isang guro ay hindi biro sapagkat sila ay nag-uulat ng iba’t ibang kaalaman sa mga estudyante, nagbibigay sila ng sapat na edukasyon at dapat din silang makatanggap ng sapat na bayad sakabila ng kanilang pagiging bayani sa mga kabataan. Ibigay ang nararapat sa kanila, suporta, at halaga upang kanilang mapanatili ang pagiging mahusay na isang guro at mapanatili ang kanilang pagiging dedikasyon at pagmamahal sa propesyon.

Liham sa patnugot

Mahal na Patnugot,

Magandang araw sa inyo, mahal na patnugot. Nais ko lang po itanong kung ano ang iyong pananaw sa insidenteng nangyari sa isang guro na nag viral sa social media. Napanood ko po ang video kung saan sinabi niya na “hindi ako nagboard exam para hindi respetuhin ng mga kagaya niyong wala pa namang nararating sa buhay.” Bilang isang estudyante, nakakabahala po ito para sa akin at sa aking kapwa mag-aaral.

Lubos na gumagalang, Mag-aaral ng Baitang 9

Bilang tao, likas na mangailangan tayo ng maasahan at masasandalan. Kailangan natin ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, damit, trabaho, at pera upang makaraos sa pang-araw-araw na buhay. Kapag tayo’y nagkakasakit, kailangan natin ng suporta para mabayaran ang gastusin. Dito pumapasok ang PhilHealth bilang kasangga ng mga Pilipino. Upang maging ganap na miyembro at makakuha ng benepisyo, kailangan mag-apply kapag ikaw ay empleyado ng pamahalaan o isang trabahador. Malaking tulong ito, lalo na’t ang pinansyal na problema ay laganap, at ang sahod ng mga manggagawa sa bansa ay mababa.

Sa tulong ng PhilHealth, nababawasan kahit papaano ang gastusin sa ospital at mga pangmedikal na pasanin. Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, kung madaragdagan ang kontribusyon ng mga miyembro, nararapat lamang na suklian ito ng magandang serbisyo.

Kung maaprubahan ang dagdag-kontribusyon, dapat patunayan ng PhilHealth na maaasahan ang kanilang serbisyo at seguridad para sa bawat Pilipino. Ang kalusugan ay isang kayamanang hindi matatawaran, kaya nararapat lamang na ang bawat sentimong ibinabayad ay matumbasan ng tunay na ginhawa at katiyakan ng serbisyo. Panahon na upang ipakita ng PhilHealth na sila ay tunay na katuwang ng bawat Pilipino sa oras ng pangangailangan.

‘Wala ring saysay ang dagdag sahod kung kasabay naman nito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Tugon ng iba: Kapahamakan o ka-angatan?

hindi na tama

Naglabas ang pamahalaan ng panukalang P100 daily wage hike para sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Habang marami ang natuwa, marami rin ang nangangamba. Ang pagsulong ng panukalang ito ay may kaakibat na magandang tulong ngunit may banta ng implasyon. Malaki ang magiging epekto nito sa atin, may mabuti at masama.

Marami ang nagsasabing makatutulong ito sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang umaasa sa pribadong sektor. Para sa kanila, ang dagdag P100 sa minimum wage ay solusyon sa kanilang kakulangan at makakapagdulot ng ginhawa sa mga problemang pinansyal. Ngunit sapat ba ito? Hindi, sapagkat magreresulta ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Maaaring mawalan ng saysay ang dagdag-sahod kung kasabay nito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Oo, makatutulong ito sa mga manggagawa para sa edukasyon, pagkain, at iba pa. Subalit, ito ay hindi sapat kahit saan pa man tingnan. Lubos itong makakaapekto sa mga negosyante at mga nagsisimula pa lamang. Pati na rin ang mga mamimili na hindi rin sapat ang salapi para sa pagbili. Maaaring taasan ng mga negosyante ang presyo ng kanilang mga paninda upang mapanatili ang kanilang kita, na magreresulta sa mas mataas na implasyon. Aprubado na ng Senado ang panukalang ito sa ilalim ng Senate Bill (SB) 2534 matapos itong sang-ayunan ng mga mambabatas noong Pebrero 19, 2024. Ang huling naisabatas na taas-sahod ay noong 1989 pa sa ilalim ng Republic Act 6727 o Wage Rationalization Act, kung saan itinatakda ang sahod sa batayang

Mag-aaral ng Baitang 9,

rehiyonal ng regional wage boards. Kapag naipasa, sinumang employer na lalabag sa batas ay pagmumultahin ng PHP25,000 hanggang PHP100,000, o pagkakakulong ng dalawa hanggang apat na taon, pati na rin ang pagbibigay ng back pay. Ang pagtaas ng minimum wage ay isang malaking hakbang. Dapat itong gabayan at suriin nang tama upang maiwasan ang masamang epekto sa mga mamamayan. Kung hindi mababalanse nang maayos, magdudulot ito ng problemang pinansyal at implasyon na magpapababa sa atin. Upang mapanatili ang maayos na pagpapasahod sa bansa, dapat tiyakin ng pamahalaan ang kabutihan ng bawat isa at ang iba’t ibang sektor ng lipunan. Mapananatili ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang tulad ng training at skills development para sa mga manggagawa, upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa kanilang karapatan at kakayahan. Dapat ding suportahan ang mga nagsisimula pa lamang na negosyo at ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng pondo at iba pang tulong. Ang mga inisyatibong ito ay makakatulong upang mapuksa ang negatibong epekto ng panukalang batas.

Magandang araw rin sa’yo. Hinggil sa iyong liham, lubos kong nauunawaan ang iyong mga alalahanin at pagkabalisa sa kamakailang pangyayari na kumakalat sa social media. Gusto kong ipahayag na bilang isang estudyante, ako rin ay lubos na nababahala at nababagabag sa nakita at narinig ko sa video ng guro. Gayunpaman, sa aking pananaw mahalaga rin na tingnan natin ang iba’t ibang panig ng kwento at subukan nating unawain ang mga posibleng dahilan kung bakit naganap ang insidenteng ito. Sa kabila ng mga posibleng dahilan sa likod ng ganitong uri ng pangyayari, ako ay sumasang-ayon sa iyong pangangailangan ng agarang aksyon at paglilinaw hinggil sa pangyayaring ito. Mahalaga na magkaroon tayo ng malalim na pang-unawa at pagtutulungan upang matiyak ang ligtas at makabuluhang paaralan. Nagpapasalamat ako sa iyong lakas ng loob sa pagpapahayag ng iyong saloobin at sa pagbibigaydiin sa mahahalagang isyu na kagaya nito sa mga paaralan.

Lubos na nagpapasalamat, Punong Patnugot

Sa bawat sulok ng paaralan, ang mga Campus Journalist ay hindi lamang tagapagbalita kundi mga bantay ng katotohanan at liwanag sa lipunan. Subalit sa kabila ng kanilang mahalagang papel, ang kanilang mga karapatan at tungkulin ay madalas na hindi nabibigyang sapat na halaga.

Sa ilalim ng Republic Act 7079 o “Campus Journalism Act of 1991,” ang bawat campus journalist ay binigyan ng karapatan at tungkulin na maging tagapagtaguyod ng malayang pamamahayag at kritikal na pag-iisip.

Sa pamamagitan ng batas na ito, ang mga mag-aaral ay nabigyan ng karapatan upang magpahayag ng kanilang mga opinyon, ideya, at mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsusulat at iba pang anyo ng midya na puno ng katotohanan.

Sa loob ng mga paaralan, ang mga campus journalist ay may tungkulin na maging boses ng mga kapwa mag-aaral. Sila ay nagbibigay-impormasyon hinggil sa mga isyu at pangyayari na kadalasang hindi nabibigyang pansin ng iba.

Sa kasalukuyang panahon, ang mga campus journalist ay higit na kailangan kaysa sa dati. Sa gitna ng patuloy na pagbabago at hamon sa lipunan, ang kanilang mga boses ay naging mas mahalaga.

Sa pagtupad ng RA 7079, hindi lamang binibigyang halaga ang mga karapatan at tungkulin ng bawat mamamahayag, bagkus ay pinapalakas din ang kanilang papel bilang mga boses ng kabataan at kinabukasan ng lipunan.

Sa patuloy na pagtitiyak ng suporta at pag-unawa mula sa lahat ng sektor, tiyak na ang bawat campus journalist ay magiging isang instrumento ng pagbabago at pag-unlad sa ating lipunan.

07EDITORYAL Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 1 bil Ang 1 -mula sa pahina 1-
Dagdag Halaga Tungo sa Ginhawa sandy h. barang, 9-roco ralph ethan layom. 9-roco Avryll Jhaica P. Caldamo, 10-aguinaldo Hamon, Karapatan, Tungkulin francel v. penaranda, 9-roco

Ang tatsulok Himig ng Atensyon

raw-araw ang tipikal na himig ng mga Pilipino ay ang mga kalsadang abala sa mga namamalimos. Ang tinig ng matokhang. Ito’y naging karaniwan na. Marami rin ang pamilyar sa boses ng mga pulis na humihingi ng Hindi na nakakagulat kung may biglang mayroong malakas boses na magrarally sa mga kalsada. Ang holdapan ay Kamakailan lamang ay inilabas ng National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, ang mga jobless Pinoy na may 2.09 milyon noong October 2023. Mababa rin ito sa 2.18 milyon sa kaparehong period ng November 2022. Tunay at ganap

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban

Ang kulay at tatak ay di syang dahilan

Presyo Pwersa

Sa pagdaan ng mga buwan, hindi maiiwasan ang pagtatala ng patuloy na pagtaas ng inflation rate sa ating bansa. Ito ay isang isyu na hindi lamang nakakaapekto sa ating mga indibidwal na gastusin, kundi pati na rin sa kabuuang kalagayan ng ating pamilya. Bilang isang ina, lubos kong nararamdaman ang epekto nito sa araw-araw na pamumuhay ng aming pamilya.

Sa pag-usbong ng inflation rate, napakabilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ang dating halagang kayang bilhin ng 500 pesos, ngayon ay tila kakarampot na lamang ang mabibili at maidudulot sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang pambili ko ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, karne, gulay, at gatas para sa aking pamilya ay unti-unting nagiging hamak na kakaunti na lamang kumpara sa dati.

Napipilitan kaming mga ina na magbalanse ng aming badyet upang matugunan ang pangangailangan ng aming pamilya. Mas mahigpit na pag-iipon sa bawat sentimo, pagpaplano nang mas mabuti sa bawat gastusin, at pag-iisip ng mga alternatibong paraan upang makatipid ay ilan lamang sa mga hakbang na kinakailangan naming gawin. Subalit kahit gaano man kami katiyak sa aming mga hakbang, tila hindi pa rin sapat upang makasabay sa mabilis na pagtaas ng presyo.

Patuloy na pagtaas ng inflation ay nangangahulugang patuloy na pammroblema sa pagbabadyet ng pera, hindi lamang nagdudulot ng pag-aalala sa kasalukuyang kalagayan ng aming pamilya kundi pati na rin sa aming kinabukasan. Ang kakulangan sa pagkakakitaan, ang pagbawas ng pagkonsumo, at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay mga hamon na patuloy naming hinaharap.

Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy kaming nagtitiwala at umaasa sa kakayahan ng ating pamahalaan na tugunan ang suliranin sa implasyon. Nananalig kami na sa tulong ng maayos na patakaran at tamang hakbang, magiging maayos din ang kalagayan ng ekonomiya at magkakaroon ng pagbabago na magbibigay ng ginhawa sa aming pamilya.

Patuloy kaming nagsusumikap na harapin ang hamon sa pagtaas ng implasyon sa pamamagitan ng pagiging masinop sa aming badyet, pagtutulungan sa loob ng pamilya, at pagtitiwala sa mga plano at programang pang-ekonomiya ng ating pamahalaan. Presyo pwersa, isang hamon na kinakaharap ng bawat ina, ngunit sa pagkakaisa at pagtitiwala, tayo ay lumalaban at umaasang magkakaroon ng mas maginhawang bukas.

Kasama sa mga salik o end of contract. Ito ay gawain ika-anim na buwan para maiwasang benepisyo ang mga manggagawa

Sa oras na natapos ang ng panibagong trabaho. May ay hindi pa rin ito nasosolusyonan. sistema sa paggawa? Sa gitna Trabaho – ito na siguro kailangan sa araw-araw. Ang pagkain, tirahan, kuryente,

Sa kabilang ng ayon sa sa 3.6% noong Nobyembre malaking bahagdan ng may Paraan – Tila papasok Isa na rito ang kuwento ni Malayo sa pangarap niya mag training sa pagiging pagtatrabaho, tanging naging years ganyan. Kapag gusto kami.” Sa ganitong sistema, Namamayagpag ang tinatawag na napakaambisyosong Dutertenomics) na ang layunin ay gugugol ang gobyerno mga proyekto ay ang anim na seaports, apat na energy

Pera – Di lamang mga nagiging abusado. Sa patuloy mga Pinoy pero nananatiling ekonomiya pero sa pag-aray

Sa loob ng isang dekadang Torres, hiling niya ay wakasan Manong Torres sa mga empleyadong

Dapat wala ENDO steady ang mga Kasi kapag tructual tiis-tiis naman kaming kasi hindi kami Kaya sana lahat may permanenteng trabaho
Para Paraan francel penaranda, 9-roco
Hangga’t At

tatsulok Atensyon

tinig ng sikmurang nagugutom ay palasak. Hindi na bago para sa ilan ang sigawan ng pagkakaroon lagay. Madalas malakas ang iyak ng mga naaksidente. Maraming humihiyaw dahil sa namatay. ay karaniwan na rin. Ito’y ilan lamang sa mga hamon na ating hinaharap bilang isang bansa. may edad 15-anyos pataas ay bumaba sa 1.83 milyon noong November 2023, mas mababa ito sa ganap na bang nakakaangat sa lipunan ang mga Pinoy?

‘Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok

Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Paraan para mabuhay

Endo Wakasan

kung bakit lumolobo ang bilang ng mga naghihirap na manggagawa ay dahil sa endo gawain kung saan tinatapos ng employer ang kontrata ng empleyado bago pa ang maiwasang ma-regular sa trabaho. Isang dahilan din nito ay upang hindi mabigyan ng manggagawa na pumoprotekta sa kapitalismong mentalidad ng isang kompanya. ang iyong kontrata ay maaaring mabigyan ka ng panibagong kontrata o maghanap ka May ibang mga mahihirap na nagsusumigaw na “alisin na ito” ngunit hanggang ngayon nasosolusyonan. Ano kaya ang mangyayari sa mga mamamayan na natatamaan ng ganitong gitna kaya ng sitwasyong ito ay mananatili sila sa pagkapit? siguro ang pinakakailangan ng tao. Para magkapera at para may maipambili ng mga Ang minimum wage na halagang P610 araw-araw ay kadalasang hindi sapat sa ating kuryente, pamasahe, at kung ano-ano pa. sa Philippine Statistics Authority (PSA) bumaba pa ang unemployment rate ng bansa Nobyembre 2023 mula sa 4.2% noong mga nakaraang buwan. Ngunit hindi maitatanggi na may trabaho sa bansa ay nakapailalim sa kontraktwalisasyon. papasok ka sa butas ng karayom para makakita ng trabahong bukas para sa regularisasyon. Sonny Ramos Torres, isang security guard dito sa Camp Crame High School. niya ang trabaho niya ngayon. Dahil sa kakapusan ng pera, pinili na lamang niyang isang security guard. Nang tanungin ko siya kung balak na niyang huminto sa naging sagot niya lamang ay, “Actually, wala talagang kontrata. Hangga’t magsawa, 3 gusto pa ng kliyente dere-deretso ‘yon, pero kung ayaw na ng kliyente edi bibitawan na sistema, hindi siya sigurado na kapag natapos na ang tatlong taon ay may trabaho pa siya. mga trabaho sa Pilipinas sa ilalim ng Build, Build, Build program ng gobyerno. Ito ay napakaambisyosong infrastructure program ng administrasyon ni Pangulong Duterte (tinaguriang layunin ay mapalaya ang Pilipinas sa katawagang Sick Man of Asia. Sa programang ito gobyerno ng P9 trilyon ($180 bilyon) para sa 75 flagship projects sa loob ng isang dekada. Ang anim na airports, siyam na railways, tatlong bus rapid transits, 32 lansangan at tulay, apat energy facilities, 10 water resource projects at limang flood control facilities.

mga Pilipino ang kailangan ng pera mabuhay. Kasama na rito ang mga kapitalistang patuloy na pagpasok ng mga dayuhang negosyante na nakikinabang sa lakas ng nananatiling walang regularisasyong nagaganap. Malaki ang epekto ng programang ito sa pag-aray ng mga manggagawang Pilipino ay nagiging bingi ang palasyo sa boses ng bayan. dekadang nakakaranas ng renew of contract dahil sa natapos na kontrata ni Manong wakasan na ito. Isa lamang sa mga Pilipinong nais ng maayos na pamumuhay. Isa si empleyadong patuloy na isisigaw ng Endo: Wakasan na!

“Sakay na kayo!”

“Isa na lang, aalis na ang jeep.”

“Upong siyam lang po.”

Sigaw ng barker sa terminal. Ika-9 na araw ng Marso, sa tanghali, habang ang araw ay maalinsangan, isang jeepney ang naglakbay sa daan ng Cubao patungong Crame. Ang mga pasahero ay unti-unti nang nagsisilabasan, ngunit may isa pang pasahero na inaasahang aalis. Samantalang nag-aabang pa ng isa o dalawa, ang mga tambutsyo ng mga jeep ay nagtunog-tunog sa pagpupugay sa kanilang hari ng kalsada.

Hawak ng masikap na si Crystel Anne ang manibela, siya ang mananakay na maghahatid sa iba’t ibang destinasyon. Sa loob ng walong taon, siya ay naging kabilang sa hanay ng mga tsuper na naglilingkod sa Cubao at Crame Papasok.

Ang jeep ay hindi lamang simpleng sasakyan; ito ay may palamuti na nagpapakita ng pagmamahal sa sining at kultura ng Pilipinas. Kabayong nagbibigay pugay sa kalesa, tsubibo, salamin, at mga banderitas ang nagbibigay-kulay sa daan.

Dapat wala ng para sa mga Pilipino, kapag may contiis-tiis kami, wala kaming karapatan kami regular. lahat ng Pinoy permanenteng trabaho

‘Subalit sa kabila ng pagiging pintoresko ng mga jeepney, mayroon pa ring mga hamon sa biyahe. Hanggang saan nga ba ang mararating ng pambansang sasakyan ng Pilipinas? Ang mga tanong tungkol sa kaayusan ng sistema at maluwag na kalsada ay patuloy na bumabalot sa isipan.

Ang mga barker ay patuloy na nananawagan sa mga pasahero, ngunit sa likod ng kanilang pangako ng “maluwag pa,” ang katotohanan ay masikip na talaga. Ang mga solusyong nagpapaluwag ng kalsada ay madalas na nagiging dagdag pasanin sa bulsa ng mga tsuper. Subalit, mayroon ding mga inisyatiba na naglalayong gawing mas eco-friendly ang mga jeepney, bagaman ito ay may kaukulang gastos.

Sa kabilang banda, ang pagpapalit ng mga tradisyunal na jeepney sa modernong bersyon ay hindi lamang simpleng desisyon para sa mga tsuper tulad ni Nanay Crystel. Ang pagiging mahal ng modernisasyon ay nagtutulak sa ilang mga tsuper na manatili sa mga lumang unit, sa kabila ng kanilang pangarap na makapagsilbi nang mas marami at mas mabilis.

Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin sa oras na darating na muli ang dedlayn ng pagpapasa ng konsolidasyon ng prangkisa sa dulo ng Abril. Kung hindi siya makapagpapasa, tiyak na magtatapos na ang lahat para sa kanya. Hindi na siya papayagang mag-opereyt ng pamahalaan.

9-roco

KAPIT-TUKO

yassen m. usman , 10-aguinaldo

“Dong, dito mo ‘yan ilapag sa gilid!”

Taas-noo pa ring nakayuko ang batang si Dong. Isang binatilyong nagbabalatkayo para sa pamilyang itinataguyod. Sa murang edad, hindi siya nagdadalawang-isip na kumilos para maitawid ang isang araw na gastusin nila ng anim niya pang kapatid.

Kapit-tuko ang mga kuko nito sa mga sako-sakong gulay na binubuhat niya sa palengke. Halos magkandakuba na ito sa kilo-kilong bigat na pinapasan; kapalit ng singkwenta pesos na ibinabayad sa kaniya para sa isang araw. Kung susumahin, lugi pa ang batang si Dong dahil hindi sapat ang halaga nito sa pambili ng tanghalian at hapunan ng kaniyang pamilya.

Isa lamang si Dong sa mga nakararanas ng child labor o ang pagtatrabaho ng mga kabataang nasa edad na labing anim na taon pababa. Isa ito sa mga bunga ng matinding hirap na kinahaharap ng ating lipunan. Sa pamamagitan ng MSSD-BARMM, inilunsad ang proyektong KALYE at SECL kung saan pinagtitibay ang proteksyon ng mga kabataang nagtatrabaho para sa kanilang mga pamilya, at mabigyan sila ng sapat na suportang pinansyal para sa kanilang rehabilitasyon.

Sa bawat pagbabalatkayo, at sa bawat pagkapit ng mga kuko ni Dong, sinisimbolo nito ang mga pangarap at masaganang buhay na nais at dapat nararanasan ng mga kabataang katulad niya. Mga kabataang pinagkaitan ng karapatang makapag-aral, at mangarap ng hindi nalilimitahan. Ngunit sa kabila nito, mayroon pa ring sinag ng liwanag na makapagbibigay-daan patungo sa magandang kinabukasan.

Dear Nanay,

denzelle salvador, 9-roco

Kumusta ka na, Nay? Alam mo bang ngayong araw ang pinakamasayang selebrasyon ng aking kaarawan? Marami akong bisita na dinalhan ng maraming pagkain at laruan. Ngunit alam mo ba, Nay, marami ang nag-celebrate ng birthday ko dahil sa mga litrato na kasama ang cake ko na binili ni Teacher Nanay. Alam mo ba, Nay, may bago kaming Teacher Nanay ngayon, at nagtataka ako kung bakit iba ang kanilang itsura ngunit pareho naming silang tinatawag. Ngunit sa kabila ng lahat, masaya ako na mayroon kaming Teacher Nanay dahil tinatawag niya kaming lahat na “anak.” Nay, pitong beses na akong nagdiriwang dito sa bahay ni Teacher Nanay ngunit sabi niya, hintayin ko raw ang iyong pagbabalik dito. Tuwing umaga, naghihintay ako sa iyo, Nay, kasama si Junior. Alam mo ba, pareho kaming hinihintay ang aming mga nanay. Tinanong ko siya kung ano ang itsura ng kanyang nanay ngunit pareho kaming walang maalala at pareho pa rin kaming naghihintay sa aming mga nanay.

Kahit na mahal na mahal kami ni Teacher Nanay at halos buwan-buwan ay may mga bisita kaming may dalang iba’t ibang pagkain at laruan, ikaw pa rin ang pinakamasayang regalo na matatanggap ko. Kahit hindi pa sa Pasko o sa aking kaarawan, Nay, basta dumating ka lang kahit anong araw. Gusto ko na pong makita ang sinasabi ni Teacher Nanay na pareho tayo ng mga mata, pareho tayo ng kutis, ngunit ang akin ay may mga kunting sugat dahil sa pagkamot ko at minsan kapag naglalaro kami sa labas o tumutulong sa bahay.

Nay, alam mo ba na ang dami na naming dito sa bahay? Masaya kasi maraming kalaro pero minsan mainit, at minsan may mga kasama akong hindi nakikinig kay Teacher Nanay. Kaya minsan alam kong pagod na pagod na talaga si Teacher Nanay. Kaya, Nay, sana puntahan mo na ako dito para tayo naman ang maglalaro, kahit madapa ako, basta ikaw ang hahabol sa akin.

Nandito pa rin ako, Nay, sa Manila Kids Homes, sabi ni Teacher Nanay sa Marikina City ito. Siguro malayo ito sa tunay nating bahay, pero Nay, maghihintay ako sa iyo. Hindi ako magsasawang tumungo sa gate. Mahal kita, Nay. Mahal na mahal po kita.

Lubos na nagngungulila, Amboy

Pag-asa sa Pagbasa

sandy h. barang 9-roco

Naaalala mo pa ba noong una kang natutong magbasa? Naalala mo pa ba ang mga panahong pilit mong iniintindi ang bawat pantig ng mga salitang nakalimbag sa mumunting libro ng Abakada?

Sa ating tahanan, unang itinuturo sa atin ng ating mga magulang ang kahalagahan ng pagbasa. Dito natin unang natututunan ang tamang pagbigkas ng mga salita. Sa murang edad, natutunan na natin ang mga salitang Tagalog at Ingles. Sa paaralan, hindi rin ito mawawala. Binibigyan tayo ng mga guro ng gabay sa pagbuo ng ating kaalaman sa pagbasa. Bagaman sa una’y nahihirapan tayo, sa paglipas ng panahon, tayo’y nagsasanay at mas lalo pang tumatatag.

A... Ang aklat ay sagisag ng pag-asa sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng pagbasa, untiunti nilang natutuklasan ang reyalidad ng mundo. Ang mga aklat ay nagiging gabay sa kanilang pag-unlad at pagyabong ng kanilang mga diwa, na siyang magtutulak sa kanila tungo sa isang magandang kinabukasan.

E... Ang edukasyon ay isang kayamanang hindi maaring agawin ninuman. Dapat natin itong pahalagahan. Ang pagbabasa ay isang mahalagang bahagi ng edukasyon na nagdaragdag ng ating kaalaman at pag-unawa sa mga bagay-bagay. Bagamat ang mundo ay umuusbong sa teknolohiya, hindi natin dapat kalimutan ang halaga ng mga aklat na nagdadala ng tunay na kaalaman at katotohanan.

I... Isang pindot lang at maaari na nating makuha ang lahat ng impormasyon na ating kailangan. Sa kasalukuyang mundo ng modernisasyon, maaaring nakakalimutan na natin ang halaga ng mga aklat. Subalit, mahalaga pa rin ang kanilang papel sa pagpapalaganap ng kaalaman at kultura.

O... Bagaman moderno na ang ating panahon, may mga aklat pa rin mula sa nakaraan na may patuloy na bisa at halaga sa kasalukuyan. Ang mga ito’y hindi lamang mga pahayag ng nakaraan, kundi pati na rin mga gabay sa ating hinaharap. Ang kanilang mga aral ay patuloy na nagtuturo sa atin hanggang sa kasalukuyan.

U... Ang pagbabasa ay hindi lamang simpleng pagtugon sa A-E-I-O-U, o sa pagbigkas ng mga salita. Ito ay pag-unawa at pagpapalago ng ating kamalayan at pananaw sa buhay. Hindi lang ito nagtatapos sa pagtuklas ng mga letra at salita, ito’y patuloy na pag-aaral at pag-unlad ng ating pagkatao.

Ang pagbabasa ay isang kayamanang dala-dala natin saan man tayo magpunta. Ito ang nagbibigay sa atin ng pag-asa at gabay sa paglalakbay ng ating buhay. Ito ang nagbubukas ng ating isip at puso sa mga bagong kaalaman at karanasan. Ang pagbasa ay hindi lamang simpleng gawain, ito’y isang paraan ng buhay na nagbubukas ng mga pintuan tungo sa mga bagong mundo at posibilidad.

Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 2 bil Ang 1 Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame 10LATHALAIN

Biyahe ni Rev

Sa gitna ng kaguluhan at kawalan ng pag-asa noong panahon ng pandemya sa taong 2022, nagsimula akong mag-upload ng mga video sa internet, hindi lamang bilang isang libangan kundi bilang isang paraan upang magbigay ng inspirasyon at aliw sa aking mga manonood. Ang pagnanais na ipakita sa iba ang kagandahan ng mga destinasyon sa Pilipinas, tulad ng Boracay sa Aklan, Bolinao sa Pangasinan at Esmeris Farm at Yambo Lake sa Laguna ang nagtulak sa akin upang simulan ang aking paglalakbay sa pagbuo ng mga travel vlogs.

Ako si Alrhod Genrev P. Rona. Sa bawat video, pinapakita ko ang kahalagahan ng paglalakbay at pagtuklas sa mga bagong lugar. Ang pagsasalin ng mga karanasan at pagpapakita ng kagandahan ng kalikasan at kultura ay naging mahalaga sa akin. Sa bawat destinasyon na pinupuntahan ko, mayroong isang kwento na handang ibahagi sa mga taong sumusubaybay. Ngunit sa kabila ng saya na tinatamasa bilang isang vlogger, naisip ko na may mas malalim pa akong pangarap na nais tuparin. Sa pagsusugal sa hamon ng panahon, nagpasya akong sumubok sa Civil Service Exam. At sa aking matinding determinasyon at sipag, nagtagumpay ako sa pagsusulit na ito.

Nakita ko ang isang pagkakataon sa posisyon ng Administrative Assistant (ADAS), kung saan naglilingkod ang aking kuya. Ang pagiging ADAS ay hindi lamang isang trabaho para sa akin, kundi isang pagkakataon upang makapaglingkod sa aking komunidad at bansa. Kaya naman, walang pagaatubiling sumubok ako at mag-apply para sa posisyon ng Administrative Assistant sa Divisions Office.

Sa bawat kabanata ng aking paglalakbay, itinataguyod ko ang prinsipyo ng determinasyon at pagmamahal sa paglilingkod sa pamamagitan ng aking mga gawa at dedikasyon sa trabaho. At ngayon, bilang isang ADAS, patuloy kong pinaiiral ang mga aral at karanasan na aking natutunan mula sa aking mga paglalakbay at sa mundo ng vlogging.

Sa kabuuan, ang aking paglipat mula sa mundong ng vlogging tungo sa pampublikong serbisyo ay isang desisyon na puno ng pag-asa at pangarap. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy akong nagbibigay ng buong husay at dedikasyon sa aking trabaho, bilang patunay ng aking pagmamahal at paglilingkod sa aking bayan.

Sa puso ng mga Pinoy

yassen m. usman, 10-aguinaldo

Bakit nga ba tila napakabongga ng epekto ni Taylor Swift sa mga tao lalo na sa Generation Z? Eto ang masasabi ko sa inyo, mga kaibigan, si Taylor ay hindi lamang basta basta mang-aawit, dahil dito, bawat kanta ay parang scene sa teleserye! Ito ang kwento ng buhay mo - may drama, kilig, tawa, at minsan, iiyak ka!

Ready na ba kayo para sa isang roller-coaster ride sa enchanted world ni Taylor Swift? Tara, samahan n’yo ako sa pagsilip sa mga epektong hugot lines gamit ang mga kanta ni Taylor sa mga Gen Z na swifties!

Feeling mo bang nasa clouds ka na sa sobrang pag-ibig? Sabi mo, Sa gitna ng “Sparks Fly,” natagpuan ko ang tunay na “Lover” ko, at handa akong magsimula ng panibagong “Love Story” ko.”

O baka naman, nagkaroon ka na ng major crush na nagdulot sa’yo ng mga “Dear Mr. Perfectly Fine” moments. Noong panahon na binigyan mo ako ng “Cardigan” at “Paper Rings,” agad akong nahulog at na-’Enchanted’ sa’yo.”

Pero wait, stop the kilig for a moment! Let’s switch gears at harapin ang sakit na dulot ng ex mo. Kaya naman noong naheartbroken ka, ang peg mo, “Everything Has Changed” noong lokohin mo ako, kaya “Don’t Blame Me” kung sasabihin ko sa’yo na “I Forgot That You Existed.”

Pero astig ka, diba? Naging matapang at “Fearless” ka nang maging “22” ka, kaya sinabi mo sa ex mo, “We Are Never Ever Getting Back Together!”

At alam mo, minsan maiinis ka na lang sa mga tao sa paligid mo, pero kahit may mga “Bad Blood” sa paligid, alam mong kailangan mong mag “Shake It Off” at magpatuloy sa buhay!

Sa mundo ng Swifties, ang bawat kanta ay isang kwento kung saan ay makakaugnay ka, at ang bawat hugot ay isang bahagi ng ating sariling kwento. Kaya’t magsama-sama tayong magsaya, umiyak, at magmahal sa musikang nagpapatibok ng ating mga puso!

Kaya bakit nga ba may “Taylor Swift Phenomenon”? Dahil sa bawat kanta at salita, si Taylor Swift ay nakukuha ang pulso ng puso ng bawat isa. Ang kanyang musika ay hindi lamang pang-aliw, kundi isang kwento ng damdamin at karanasan sa puso ng mga Pinoy. Sa mundong puno ng pagbabago at emosyon, si Taylor Swift ay isang gabay at kaibigan, at isang tunay na alamat sa industriya ng musika!

Insta-Collage

Puso’t Isipan

Sa aking puso’t isipan, ikaw ay dakilang guro, Sa bawat aral, ang iyong liwanag ay hindi naglaho, Sa silid-aralan, tayo’y naglakbay nang magkasama, Ngunit ang iyong paglisan, tila nagdulot ng pagdurusa.

Narito ako ngayon, naiwang puno ng pangungulila, Sa iyong mga payo’t pangaral, ‘di mabilang na aral ang nahinuha, Ang bawat kwento’t aral, aking dadalhin sa bawat yugto ng buhay, Sa aking puso’t isipan, ikaw ay laging mananatili pa rin nang tunay.

Kahit ang iyong paglisan, tila nagdulot ng lungkot, Ang alaala mo’y patuloy kong pangangalagaan, ‘di malilimot, Taglay mong galing at pagmamahal, sa aki’y mamamalagi Pasasalamat ang aking dala, sa bawat sandali.

Sa bagong paglalakbay, mga aral na itinuro’y bitbit, Sa bawat tula at awit, alaala mo’y nakaukit, Sa iyong paglisan, pagpapahalaga ay walang hanggan, Ang iyong pangalan, patuloy na mamamayani sa puso’t isipan

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa malansang isda.” Ito ang katagang binitawan ni Dr. Jose Rizal na hindi natin maaalis sa ating isipan bilang isang Pilipino.

1. KEME LANG BHIE — “biro lamang” ; ginagamit ito sa mapagbirong usapan. halimbawang pangungusap: Nakapapagod nang mag-aral, kaso hindi ako magiging girlfriend ni Jungkook kung hindi ako gagraduate! Oops, keme lang bhie!

2. B11 — “bELEVEN” ; nagmula sa salitang ‘believe in’. halimbawang pangungusap: Huwag kang panghinaan ng loob, kaya mo ‘yan! I b11 you!

3. KORIQUE — “tama” ; nagmula sa salitang “korek” o “correct”. halimbawang pangungusap: Babae: Grabe ang kapogian ni Joshua Garcia, parang ang sarap niyang ibulsa!

Kaibigan: Korique ka diyan mhie!

4. KALERKI — “grabe” ; nagmula sa salitang ‘nakakaloka,’ ginagamit ito kapag ang ekspresyon ay hindi makapaniwala. halimbawang pangungusap: Sobrang daming schoolworks, kalerki!

5. SUS — “kahina-hinala” ; nagmula sa salitang ‘suspicious’, ginagamit sa pagkilatis ng kilos ng isang tao. halimbawang pangungusap: Ewan ko ha, pero ang sus niya sa group chat, bakit magsi-seen lang siya kapag may issue?

Oh ayan, knows mo na ang mga makabagong terminolohiya ng Gen Z! Pero beh, magdaan man ang ilang libong taon, at ilang terminolohiya pa man ang madagdag, huwag nating kalimutan na dapat pa ring mamayani sa ating puso at kultura ang ating sariling wika, ang wikang Filipino.

11 LATHALAIN Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 1 bil Ang 1
FRANCEL V. PENARANDA, 9-ROCO
Makabagong terminolohiya ng GenZs Mga salitang “in” sa kabataan ngayon!
Nagdaan man ang ilang libong taon, ilang henerasyon, kasama ng iba’t ibang karanasan sa mga nanakop sa bansa, ay hindi kailanman mawawala ang wikang Filipino. Narito ang diksyonaryo ng makabagong terminolohiya! janna christina c. berjay, 10-aguinaldo

2023 - MArso 2024

TAPUSIN ANG MALNOURISHMENT

CRAMEnians, sumailalim sa feeding program

yassen m. usman, 10-aguinaldo

Camp Crame Highschool (CCHS) na may mababang BMI. Kuha ni: Eira Joedi R. Baldevarona

Sa dami ng mga severely wasted na mag-aaral sa Camp Crame High School (CCHS), nagsagawa ang departamento ng Technology and Livelihood Education (TLE) ng paaralan ng feeding program para sa mga mag-aaral nito na mula sa ika-7 baitang.

Ginanap ito noong unang araw ng Marso ngayong taon sa pamumuno ng TLE Head Teacher G. Niven Fernandez. 25 mag-aaral lang muna ang naging bahagi ng naturang programa, mga mag-aaral na mababa ang body mass index (BMI).

Pahayag ni G. Fernandez, “Actually, mga nutritious foods lang siya, bawal ang junk foods, mga sitsirya, mga ganoon. Basta ano lang, nutritious food tulad ng kanin, gulay, meal talaga siya na nakabubusog.”

“Initially, TLE Department muna. Kami-kami muna ang nagtutulungan para roon sa programa at naging

matagumpay naman kami. Minsan tumutulong sa amin si Ma’am Ronalyn [Lopez], isa siya sa AP Department, nagluluto siya ng boluntaryo,” dagdag pa nito.

Saad naman ni G. Edwin Abengoza, “The only program that we have is the feeding program. We have a volunteer na nagpoprovide ng pagkain para sa mga estudyante. Some alumni volunteered to provide food too para sa mga students.”

“Maraming paraan, the only thing is mahirap makipagcommunicate outside campus because of the restrictions. We are not like other schools na isolated, dito sa atin kailangan lahat dadaan sa kampo,” salaysay pa nito.

AngAGHAM

QC bike-friendly city

Siklistang Cramenians sumusupota

SANDY H. BARANG, 9-ROCO

mga Cramenians ay nagpahayag ng kasiyahan sa pagkilala sa Quezon City bilang pinakamahusay na lungsod sa pagbibisikleta sa bansa matapos itong makamit ang Ginto na Parangal at italaga bilang Pinakamahusay na Lungsod sa Pagbibisikleta sa bansa sa ginanap na 2023 Mobility Awards noong Nobyembre 24, 2023.

“Natutuwa akong malaman na inire-recognize ang Quezon City sa kanilang mga inisyatiba sa pagiging bike-friendly. Magandang balita ito para sa akin at sa mga Cramenians na gumagamit ng bisikleta bilang paraan ng transportasyon at libangan. Magiging daan din ito para mas maging popular pa ang pagbibisikleta sa atin at para sa mas magandang mga programa para sa pagbibisikleta,” ayon kay Edrienne Gaerlan , isang mag-aaral sa Grade 10 at isang siklista.

Sinabi ni Gen. Elmo San Diego, ang pinuno ng Quezon City Department of Public Order and Safety, na ipinapakita ng pagkilala ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng pagbibisikleta bilang isang mapanatiling anyo ng transportasyon.

Kabilang sa mga inisyatiba sa pagbibisikleta ng Quezon City ay ang isang tiyak na network ng mga bike lane sa pinakakanan ng mga pangunahing kalsada sa lungsod, kasama na ang Commonwealth Avenue; paglalagay ng mga rampa para sa bisikleta sa mga footbridge; at pagpapasa ng mga ordinansang nagtataguyod ng pagbibisikleta, kabilang ang Ordinance No. SP-2988, s. 2020 na nagtataguyod ng ligtas na pagbibisikleta at aktibong transportasyon bilang alternatibong paraan ng transportasyon sa lungsod.

Bukod dito, naglagay din ang Quezon City

Parks Administration and Development Department at ang Department of Public Order and Safety – Green Transport Office ng mga plant box barrier sa mga bike lane upang magtaguyod ng kalikasan.

Bukod sa Quezon City, kinilala rin ang Iloilo City at Baguio City bilang mga bike-friendly na lungsod, habang ang Magdamag Market Cafe sa South Triangle ay itinalaga bilang silver awardee sa Most Bike-Friendly Standalone Establishments.

Sa layuning mapabuti ang kalagayan para sa mga Pilipino na gumagamit ng bisikleta para sa transportasyon, ang Mobility Awards, na ngayon ay nasa ikatlong taon na, ay inorganisa ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), MNL Moves, Climate Reality Project-Philippines, 350. Org Pilipinas, at Pinay Bike Commuter.

GALAW PILIPINAS: Ehersisyo ng batang MATATAG

Eira Joedi R. Baldevarona, 10-aguinaldo

Gumigising na lang ata tayo upang gawin ang walang kasawaang routine na ginagawa natin — gumising, gumawa ng schoolworks at performance tasks, pumasok, matulog, at kung minsan nga ay nakalilimutan nang kumain at maligo maiusad lamang ang mga gawain.

Sa ganitong sitwasyon, hindi na napaglalaanan ng oras ng mga estudyante, kabilang na rin ang mga guro, ang kanilang healthy lifestyle. Kung kaya’t nagiging dahilan ito ng walang maayos na pahinga pati na rin ang hindi mapanatili ng bawat isa ang kanilang malusog na pangangatawan.

Kaya bilang solusyon sa problemang ito, naglatag ng memorandum ang Department of Education (DepEd) ng programang makatutulong sa mga magaaral at guro na mapanatiling malusog at malakas ang kanilang pangangatawan.

Ipinatupad ng DepEd, kasama ng National Calisthenics Exercise Program nito, ang Galaw Pilipinas noong ika-14 ng Pebrero taong 2022 nationwide upang maisulong ang aktibong pamumuhay ng mga Pilipino na magiging parte na ng school routine.

Ang Galaw Pilipinas ay limang minutong calisthenic routine na binubuo ng madadaling steps hango sa Philippine folk dances, festival movements at arnis stances bilang pagkilala ng pambansang martial arts at isports ng bansa. Upang matiyak na lahat ay

Sa kabila ng napakaraming bansa na unti-unti at patuloy ang pag-unlad ng kani-kanilang sistema, ang Pilipinas ay nananatiling kabilang sa listahan ng mga bansang malala pa rin ang nararanasang kahirapan. Maraming kakulangan ang bansa, tulad na lamang ng kakulangan sa tamang edukasyon tungkol sa sekswalidad na nagdudulot ng mga hamon sa kabataan. Ang nakasanayan ng mga Pilipino na pagturing na sensitibo ang paksang sex education ay isa sa mga rason kung bakit nagbubunga ng kahihiyan at takot sa pag-uusap tungkol dito.

Ang hindi inaasahang pagbubuntis sa murang edad ay naglalaman ng maraming negatibong epekto, lalo na sa isang batang ina. Mula sa emosyonal, hanggang sa pisikal na kalusugan, at pati na rin sa kinabukasan nito. Ito ay maaaring magdulot ng pagdurusang emosyonal at labis na paghihirap, kagaya ng pagkakaroon ng depresyon, pagkabalisa, at pagkabigo sa sarili. Sa pisikal na aspeto naman, maaaring ang katawan ng isang dalaga ay hindi pa handa sa pagbubuntis na may malaking panganib sa kanyang buhay sa oras ng panganganak. Sa kabilang banda, ang sanggol na isinilang sa maagang pagbubuntis ay maaaring magkaroon ng mga pangmatagalang problema sa kalusugan, tulad ng kahinaan sa pangangatawan, kahirapan sa paghinga, at pagkapinsala sa utak.

Sexuality education o sex education. Isang proseso ng pagbibigay ng kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga sa mga usapin kaugnay ng sekswalidad. Sa pamamagitan ng malayang pagtanggap ng sex education, mabibigyan ng pagkakataon ang marami, lalo na ang mga kabataan na hindi nagagabayan nang maayos na maunawaan ang kanilang katawan, damdamin, at karapatan sa usaping sekswalidad. Natututunan nila ang mga tamang paraan ng pag-iisip, at pagpapasya sa mga sitwasyong may kaugnayan dito, na naglalayong mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kapakanan.

Mahalaga ang pagpapalawak ng inisyatibong ito sa mga paaralan at komunidad. Bahagi na ito ng kasalukuyang kurikulum, ngunit dapat itong gawing iisang asignatura lamang upang makatulong sa pang-araw-araw na kaalaman ng mga kabataan. Bukod dito, mahalaga rin ang kooperasyon ng mga magulang at mga guro sa pagbibigay ng tamang gabay at suporta sa mga kabataan sa kanilang pag-aaral tungkol sa sekswalidad.

Ang layunin ng sex education ay hindi lamang upang magbigay ng impormasyon, kundi pati na rin ang pagbibigay benepisyo sa mga kabataan upang magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan. Ito ay magbibigay ng matatalinong desisyon upang maging responsable at makaiwas sa mga hindi ligtas na sitwasyon kaugnay ng sekswalidad. Sa ganitong paraan, ang sex education ay naglalayong makamit ng mga kabataan ang masigla, magaan, at maayos na kinabukasan.

makalalahok, ang antas ng kahirapan ng sayaw na Galaw Pilipinas ay dapat mag-iba depende sa uri ng mag-aaral maaaring iakma sa mga pangangailangan at kalagayan ng mga Learners with Disabilities (LWDs).

Noong kasisimula pa lang ng face-to-face classes, bahagi lamang ito ng performance task sa MAPEH, partikular na sa PE at Health, na gayong kinagulat ng karamihan pagkat ito ay kailangan nang gawin linggolinggo ng mga pang-umaga at pang-hapon, lalo na tuwing flag ceremony at flag retreat.

Sa ginanap na 48th Founding Anniversary ng Camp Crame Highschool (CCHS), sa halip na festival dance ang kanilang paghahandaang sayaw ay naging Galaw Pilipinas ito na kailangang sumunod ng magaaral bilang bahagi ng kanilang performance task.

Ang paglunsad ng DepEd ng Galaw Pilipinas bilang pang araw-araw na ehersisyo sa loob ng paraalan bilang tugon sa epekto ng pandemya sa mga nabawasang pisikal na aktibidad ng ating mga mag-aaral na nakaapekto sa kanilang pangkalahatang kalusugan.

Sinabi ng Save the Children na mahalaga ang sex education sa tahanan at paaralan, pati na rin ang mga serbisyong pangkalusugan na mas kaaya-aya sa mga kabataan, upang tugunan ang pagtaas na 35% sa bilang ng pagbubuntis ng mga batang babae na may edad na 15 pababa mula 2021 hanggang 2022 sa Pilipinas.

-datos mula sa save the children 2024-

toMo
bil Ang
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame
Agosto
2
1
balitang pampaaralan
35% kasongteen pregnanciessa pilipinas
PANANAW AT PAGBABAGO
balitang qc
Nutrisyon ay pahalagahan, kalusugan ang prayoridad: Sa pangunguna ng TLE Department nagsagawa ito ng feeding program mga mag-aaral ng EZ Pay, EZ Day: Bike lane sa QC, ligtas para sa mga siklista at tulong sa kalikasan. Iyan ang adhikain ng QC LGU sa paglulunsad ng QC Bike lane. Larawan mula sa Quezon City FB Page
EDITORYAL
Galaw Pilipinas, Galaw Kalusugan: Lumahok sa field demonstration ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang baitang ng Camp Crame Highschool (CCHS). Kuha ni Denzelle Salvador

CRAMEnians will beat the heat

francel v. penAranda, 9-roco

Sa tindi ng init ngayong papasok na ang panahon ng tag-init, madalas itong nababanggit ng mga Pinoy.

Ngunit may mga pagkakataong hindi agadagad nawawala o nag-eevaporate ang pawis dahil sa moisture ng hangin na nagdudulot ng discomfort o malagkit na pakiramdam. Ang init ng katawan ay dulot ng aktuwal na temperatura at dami ng moisture sa hangin. Ito ay tinatawag na heat index (HI).

Ang Heat Index ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao na taliwas sa aktwal na temperatura ng hangin o sa madaling salita ay ang feels-like temperature o kung gaano talaga kainit sa pakiramdam kapag ang alinsangan ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin. Tumataas ang Heat Index kapag mas maalinsangan o mas marami ang moisture sa hangin. Isa rin itong malaking tulong upang ma-forecast ang init ng panahon upang maiwasan ang heat stress at makapag handa ang publiko rito.

Kaya bilang tugon sa init na kinakaharap ng magaaral ng Camp Crame Highschool (CCHS), ang Batch ‘96 ay nagdonate ng drinking fountain sa loob ng gymnasium ng paaralan noong taong

balitang pampaaralan

2022. Ang drinking fountain ay ginagamitan ng kuryente kaya malamig ang nilalabas nitong tubig. Ang tubig na iniinom ng mga bata ay malinis dahil ini-sterilize ito ng makina na makikita sa loob na nililinisan kada linggo.

“Sobrang convenient niya sa mga students para hindi na bumili nang bumili ng water sa canteen or outside the school, since pwede naman na mag refill doon and hindi siya ganon na nakakapagod lalo na if nasa gymnasium lang kayo gumagawa ng physical activities.” pagsasalaysay ni Samanthan Jade Ramos, isang mag-aaral Ang pagbabalik ng dating school calendar ng June-March ay makakatulong sa gobyerno na maiwasan at bumaba ang mga naitalang kaso ng mga estudyante na na-heat stroke sa loob ng paaralan at para na rin sakanilang kaligtasan at kapakanan. Huwag kalimutang uminom ng maraming tubig, magsuot ng maluwag at komportableng damit, pagiwas sa mabibigat na gawaing bahay o ehersisyo, at gumamit ng payong at subrero tuwing lalabas.

PNP, pinaalalahanan ang CRAMEnians sa drug use

michelle s. nayanga, 10-aguinaldo

Hinikayat muli ng Philippine National Police (PNP) Police Security & Protection Group (PSPG) ang ika-10 baitang ng Camp Crame High School (CCHS) na umiwas sa paggamit ng droga dahil sa mga maaaring maging epekto nito sa pisikal at mental na kalusugan.

Pinangunahan ni Police Executive Master Sergeannt (PEMS) Bernardino N. Nolasco ang naganap na drug awareness seminar noong ika-8 ng Pebrero ngayon taon. Tinuro rin sa seminar na ito ang safe spaces na naglalayong maprotektahan ang bawat isa sa gender-based sexual harassment (GBSH) sa mga pampublikong lugar.

Tinalakay rin ng PSPG ang iba’t ibang uri ng gateway drugs, kung paano at saan ito ginagamit, at kung paano tumataas ang mga gumagamit ng droga sa bawat taon na lumilipas na umabot na sa milyon-milyong gumagamit.

Ayon sa panayam kay PEMS Nolasco, “Isinagawa ang seminar na ito upang malaman niyo ang tama’t mali. Although malaki na kayo, ginagawa pa rin namin ito upang ibahagi sa

balitang surbey

Nagtatanong ang mga mamamahayag kung ang magiting sa mga Cramenians ang nakararanas ng pagkalabo ng mata. Lubos na dalawang sa sampung mag-aaral ang nakararanas nito at gumagamit ng salamin.

inyo, sa ating lahat ang mga possible outcome ng drugs sa atin na magiging sanhi rin minsan [kung] bakit hindi natin makukuha ang ating pangarap.”

“Napapanahon ang lecture na ito sapagkat maraming mga kabataan ang napapariwara at nawawala sa tamang landas dahil sa paggamit ng pinagbabawal na droga,” dugtong ni Police Captain Maricar Ansus.

Para kay Charise Empuerto, mag-aaral sa CCHS, “Sa walang kasawaang pagpapaala ng PNP, malaking tulong itong ginanap na seminar, lalo na’t nagdagdag sila ng topic which is ‘yung Safe Space Act. Tinuro rin nila na walang magandang maidudulot sa atin iyong illegal drugs kung susubukan man ito ng iba.”

Malabo na ba ang lahat

eira joedi r. baldevarona, 10-aguinaldo

Unti-unting panlalabo ng mata? O hindi kaya’y biglaang panlalabo ng mata?

Maaaring senyales ito ng katawan na mayroon kang malubhang problema sa iyong kalusugan.

Marami ang nahihirapang kumilos sa pang-araw-araw na mga gawain dahil sa problemang ito. Nasesermonan dahil babad sa gadyet, nagbabasa sa madilim, o hindi kaya ay puyat at walang maayos na pahinga.

Maaari rin itong dulot ng kaakibat na sakit. Nakadepende sa kung anong kaakibat na sakit at kung gaano na ito kalala para matamaan ang paningin. Bukod dito, ang malabong paningin ay maaaring makaapekto sa parehong mga mata para sa karamihan, at iba naman ay nakararanas ng malabong paningin sa isang bahagi ng mata lamang.

Ilan sa mga maaaring maging sanhi ng panlalabo ng mata ay ang refractive errors. Ito ay problema sa paningin kung saan ang mata ay hindi makapagpokus sa mga imahe galing sa paligid na maaaring nakuha dahil may edad na o maaaring nabuo noong kabataan katulad ng mga sumusunod:

Myopia or Nearsightedness

Ito ay isang pangkaraniwang kondisyon sa paningin kung saan ang malapit na mga bagay ay lumilitaw na malinaw, ngunit ang mga bagay sa malayo ay mukhang malabo. Ito ay isa sa pinaka-karaniwang sakit sa lente ng mata na nagiging dahilan ng panlalabo ng paningin. yperopia or Farsightedness

Isang sakit sa mata na kung saan malinaw na nakikita ang bagay na nasa malayo, ngunit hindi maipokus ang mga mata sa mas malalapit na mga bagay.

Astigmatism

Ang malabong paningin sa lahat ng anggulo at distansya ay kadalasang sintomas ng astigmatism. Ang liwanag ay hindi nakapapasok nang maayos sa retina kaya hindi ito makabuo ng malinaw na imahe, gaano man kalayo ang bagay na tinitingnan. Ang sakit na ito ay kadalasang sanhi ng irregular na hugis ng cornea na nagdudulot ng distorted o baluktot na paningin.

Presbyopia

Kung ikaw ay 40 taong gulang na at kasalukuyang nakararanas ng panlalabo ng mata, kapag nagbabasa ng dyaryo o maliliit na letra, malamang na ikaw ay may presbyopia, isang karamdaman sa mata na may kaugnayan sa pagtanda.

Palamig ka muna: Nagbigay donasyon ang Batch ng water fountain para sa CRAMEnians.

Kuha ni Denzelle Salvador ‘81

Alam mo ba?

Narito ang mga potensyal na epekto kapag umabot sa sumusunod na temperatura ang heat index, ayon sa PAGASA:

27°C hanggang 32°C Caution o Mag-ingat

33°C hanggang 41°C

Extreme Caution o Malubhang Mag-ingat

42°C hanggang 51°C Danger o Panganib

52°C pataas

Extreme Danger o Lubhang Mapanganib

Maaaring magkaroon ng pagkapagod sa mahabang panahon ng pagkalantad at aktibidad.

Ang patuloy na pagkilos ay maaaring magresulta sa heat cramps.

Maaaring magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion. Ang patuloy na aktibidad ay maaaring magresulta sa heat stroke.

Maaaring magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion.

Malamang ang pagkakaroon ng heat stroke sa patuloy na aktibidad.

Ang heat stroke ay malapit nang mangyari.

Nagbigay ng sumusunod na payo ang PAGASA:

1. Manatiling nasa loob ng bahay hangga’t maaari. Kung wala kang air-conditioning, manatili sa pinakababang palapag, palayo sa sikat ng araw.

2. Magsuot ng mga damit na magaan at may kulay na maliwanag.

3. Uminom ng maraming tubig nang regular.

4. Ang tubig ang pinakaligtas na inumin sa panahon ng mga emergency na dulot ng init.

Vape. ligtas nga ba?

Ang bagong kinaadikan ng kabataan janna christina c. berjay, 10-aguinaldo

Ang pagdadala ng vape ay isa sa mga kasong naitala ng Guidance Office . Isa sa kinagigiliwan at kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon ang vape. Isa itong uri ng device na nagpapainit at nagpapa-aerosolize ng liquid solution o tinatawag nilang “juice” (nicotine content) na naglalaman ng artificial flavorings na maaaring mabili sa mga tindahan. Ang vape at sigarilyo ay pareho ang proseso na nilalanghap ang singaw na likido nito.

Ang nakakaadik na nilalaman ng E-cigarettes (Electric Cigarettes) o vape ay bumuhay sa vape epedemic ng Pilipinas na pumupuntirya sa kalusugan ng mga kabataang nasa edad 13-24. Nasa 14.1% – o isa sa pitong mag-aaral sa edad na 13-15 ang gumagamit ng e-cigarettes. Ang bilang ng mga batang na-eenganyo sa vape ay tila mas mataas kumpara sa mga matatandang gumagamit ng vape. Patuloy ang pagdami ng free radicals sa paggamit ng vape. Ang free radicals ay ang unstable atoms na nagbubunga ng pollutant na nagiging sanhi ng pagkasira ng cells, immature aging, at mga sakit sa katawan. Ang vapor ng e-cigarette ay nagdudulot ng lung illnesses katulad ng Tonsillar Abscess, Bronchitis, Lung Cancer, Emphysema, at Cardiovascular diseases.

Epekto ng E-cigarattes. Nagdudulot ng malulubhang sakit ang vape dahil makakukuha ang mga gumagamit nito ng mas maraming nicotine kaysa sa ibang combustible tobacco products katulad ng

13 AGHAM Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 1 bil Ang 1
2 10
“Magtanim ay ‘di biro Maghapong nakayuko ‘Di man lang makaupo ‘Di man lang makatayo”.

Pagtatanim na Soil-less Way

Kaibigan, ano ba kasi ang Hydroponics Farming?

ralph ethan g. layon, 9-carino

Noong tayo ay mga bata pa, tinanong tayo kung ano ang mga bagay na kailangan para lumaki ang mga halaman, at sinabi natin ang buto, tubig, liwanag ng araw, at lupa. Karaniwan itong sagot dito, ngunit ano kaya kung sabihin ko sa inyo na may mga bagong uso sa pagsasaka na hindi nangangailangan ng lupa? Medyo nakakagulat at nakakalito, di ba? Paano nga ba natin mapapalago ang halaman nang wala ang isa sa mga pangunahing pangangailangan nito?

Samantalang nakatayo ako na may sakit sa likod at leeg, tinitingnan ko ang susunod na bahagi ng aking mga silid upang itanim ang aking mga halaman. Parang isang pagong na ako kapag bumababa para magtanim. Ito ang pang-araw-araw na eksena ko sa aking mga halaman, ngunit wala akong ibang magagawa kundi ituloy ito dahil dito ko kinukuha ang aking pagkain at ito ang paraan kung paano ako kumikita. Nalalantad ako sa mga kemikal tulad ng mga pesticide at insecticide na tunay na banta hindi lamang sa aking kalusugan kundi sa kalikasan rin. Gumigising ako nang maaga at naglalaan ng mga 15 na oras bawat araw sa pag-aani at pagtatanim ng bagong pananim.

Narinig ko na may bagong uso sa pagsasaka, tinatawag nila itong “hydroponic farming”. Naging curious ako kung ano ito, kaya’t sinubukan kong hanapin ito sa internet at naghanap ng sagot. At, narito na! Sabi nga sa internet, ang hydroponic farming ay isang paraan ng pagtatanim ng halaman nang walang lupa at ito ay isa sa mga pinakabagong uso sa smart farming. Gumagawa ito ng mga halaman na mayaman sa sustansya sa pamamagitan ng polusyon ng tubig at nakakabawas ng pinsala sa kalikasan dahil sa likas na paraan nito. Ginamit ng mga tao ang teknik na ito libong taon na ang nakakalipas, at nasaksihan ito sa Hanging Gardens ng Babylon at ang mga lumilipad na hardin ng Tsina. Medyo nakakagulat, di ba? Maaaring magmukhang mahirap na proseso ito, ngunit hindi naman. Ito ay perpekto para sa indoor growing, ibig sabihin ay maaari mong simulan ito kahit sa isang kontroladong kapaligiran, sa mga urbanong lugar, at sa mga ekstremong klima.

Sa aking natutunan mula sa isang artikulo ni Allison Dupuis, may ilang mga benepisyo tayo na maaaring makuha mula sa hydroponics. Kabilang sa mga benepisyong ito ang karagdagang espasyo para sa pagtatanim, pagtitipid sa tubig, pangangailangan ng mas kaunting paggawa, at hindi nangangailangan ng lupa.

Video mo, edit mo!

Mga hakbang sa paggamit ng CapCut

jerald firei f. arnaldo, 10-aguinaldo

Maaari kong itanim ang iba’t ibang uri ng mga berdeng gulay tulad ng lettuce (Lactuca Sativa), mga dahon ng gulay, mga halaman, at mga microherbs (tulad ng microbroccoli, red sorrel) na maaaring gamitin sa pagkain. Ang mga berdeng gulay ang pinakamabuti. Ang nakakagulat sa akin ay ang sistemang ito ay nagbibigay-daan sa pag-recycle at paggamit muli ng tubig at nutrient solutions, at ang katotohanan na walang tubig ang nasasayang. Hindi rin ito nakakailang sa oras kapag dating sa pag-aani kumpara sa tradisyunal na pagtatanim, na kadalasang tumatagal ng mga buwan bago lumaki.

Natuklasan ko na may ilang mga uri ng hydroponic systems, kabilang ang Ebb and Flow Systems (na nagbibigay-stability sa mga ugat ng halaman), Nutrient Film Technique (walang lupa o anumang medium), Drip Systems (ang tubig ay pumupunta sa pamamagitan ng mga maliit na tubo at dumadaloy sa ibabaw ng mga halaman), Aeroponics (na tulad ng NFT, ay hindi nangangailangan ng medium), at Wick Systems (na inilalagay sa isang tray at hindi nangangailangan ng mga pump).

Ang kagamitan na kailangan sa teknik na ito ay isang nutrient solution na binubuo ng iba’t ibang mga sustansya tulad ng nitrogen, potassium, calcium, magnesium, at iba pang mga mineral na maaaring makuha mula sa gardening centers at mga nurseries. Huwag ding kalimutan ang rock wool na gawa sa tunaw na bato ng basalto. Ito ay isang maaasahang medium sa hydroponic gardening, at ito ay abot-kaya at nagbibigay ng madaling pagtulo. Bukod dito, ang paggamit ng ilaw upang magawa ang fotosintesis. Dagdag pa, dapat bantayan at regularin ang mga antas ng PH (ang antas kung gaano kahalay o ka-alkalino ang tubig).

Lumipas ang mga buwan, at ako ay nagtanim ng maganda, berdeng, at may malalambot na mga dahon ng lettuce. Tumutulong sa akin ang paraang ito ng hydroponics sa aking mga pananim, pinagkukunan ng pagkain, at kita. Ito rin ay nakakatipid ng lupa at espasyo, at dahil dito, mas marami akong ani kumpara sa aking dating paraan. Ang teknik na ito ay bukas sa mga maliit na magsasaka, mga hobbista, at marami pang iba, pati na rin sa inyo. Ano pa ang hinihintay ninyo? Simulan na natin ang pagexplore sa pagsasaka sa paraang walang lupa ngayon rin!

Sa mundong kinagigisnan na ang digital arts at komunikasyon, ang pag-eedit ng video ay isa sa mga popular na gawain ngayon. Ang pag-eedit ng video ay nakatutulong din sa mga mag-aaral na maipakita ang kanilang pagkamalikhain. Nakatutulong din ito sa kanila na mapadali ang kanilang paggawa ng mga school project, kahit saan, kahit anong oras.

Isa na rito ang aplikasyon na CapCut. Ang CapCut ay isang aplikasyong gawa ng Shenzhen Lianmeng Technology noong 2018 na tampok ang pag-eedit ng mga bidyo na maaaring lumikha ng mga maganda at nakabibighaning mga video.

Narito ang mga simpleng hakbang kung paano gamitin ang CapCut:

1. Buksan ang aplikasyong CapCut sa iyong device at pindutin ang New Project at pumili ng litrato o video upang makapagsimula.

2. Maaari mong i-trim ang haba (ng oras na ilalagay) at mga hindi kinakailangang bahagi at i-cut ang mga eksena ayon sa iyong kagustuhan.

3. Sa toolbar na makikita sa babang bahagi ng aplikasyon, narito ang mga tampok na kagamitan ng CapCut tulad ng audio kung saan maaari kang maglagay at mag mute ng sound, mga transition na maaari mong i-apply sa mga larawan at video upang maging kawiliwili ito, at iba pang mga epekto upang maging nakalilibang ang iyong video.

4. Mula sa malalawak na hanay ng filter, mga sticker, at effects, maaari mo itong gamitin upang mapaganda ang iyong ineedit.

5. Ang “text” na makikita sa tool bar ay maaaring idagdag ang teksto sa iyong video upang magbigay ng konteksto, impormasyon, o deskripsyon sa mga manonood.

6. At sa huli, kung tapos kanang mag edit ng iyong proyekto, maaari mo na itong i-export sa pamamagitan ng pag pindot ng ↥ sa taas na kanang bahagi ng inyong screen. Hintaying matapos ang pag-export at tapos na!

Sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang na ito, maaari mong gamitin ang CapCut upang lumikha ng mga kahanga-hangang mga video na may professional na kalidad. Magsimula na ngayon at ipakita ang iyong galing sa pag-eedit!

TRIVIA TIME

Alam mo ba na noong 1859, nagkaroon ng solar storm kung saan binansagan itong “Largest Geomagnetic Storm” sa solar system na nagdulot ng sunog sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil nagulo nito ang flow ng kuryente ng mga telegraph systems?

Ang Solar Superstorm ay isang phenomenon na maaaring magresulta sa pagkabura o pagkawala ng internet sa loob ng ilang linggo. Maaari itong tumagal ng ilang buwan na makaaapekto sa sistema ng komunikasyon. Ito ay isang uri ng disturbance sa magnetic field ng araw na lumilikha ng malakas na enerhiya sa kalawakan sa pamamagitan ng solar flares na maaaring magresulta sa pagsabog ng high-energy particles, electromagnetic radiation, at intense magnetic fields.

Marami ang nabahala noong buwan ng Nobyembre nang pumutok ang balitang maaaring mangyari itong muli at maaari pang tumagal nang ilang buwan kung sakaling matutuloy ang solar superstorm ngayong taon. Puspusan na ang pagtatrabaho ng mga dalub-agham (scientist) upang makagawa ng early warning system sa mundo na makapaghahanda sa mga tao bago pa man ito tumama sa ating planeta dahil sa advanced at makabagong teknolohiya ngayon na makapagpapabawas din sa lakas ng epekto nito na malayo sa naganap na 1859 Geomagnetic Storm.

E-Games at kalusugan

michelle s. nayanga, 10-aguinaldo

Sa panahong ito, napakasarap maging bata lalo na’t napakaraming bagay na maaari mong magawa upang malibang ang sarili. Dahil ito sa pag-unlad ng ating teknolohiya sa paglipas ng mga taon na naging bahagi na ng ating buhay. Nabigyan teknolohiya ng pagkakataon ang mga kabataan na matuklasan ang kanilang mga kasanayan at mapaunlad pa ito lalo.

Narito ang ilan sa mga sikat na online games: Call of Duty Mobile (CoDM)

Isa itong realistic military shooter-game na maaaring maglaro sa iba’t-ibang uri ng mapa at mangolekta ng baril at skins. Inilabas ito noong Marso 2019. Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) Ito ay isang laro na binubuo ng kathang-isip na karakter (fictional heroes) na may natatanging kakayahan at katangian. Ang larong ito ay binuo at inilathala ng MOONTON noong ika-16 ng Hulyo taong 2016.

Valorant

Ito naman ay isang sci-fiction shooting game na inilathala ng Riot Games noong Hunyo taong 2020. Ang laro ay binubuo ng 5-man team. Ito rin ay mayroong ranked at non-ranked options. Tulad ng CoDM, ang Valorant ay mayroon ding paglalaban sa isang mapa na may baril at panaksak ngunit ang mga karakter dito ay may kanyakanyang abilidad.

Maaari nga bang pagmulan ng malulubhang karamdaman ang kakulangan sa tulog at labis na pagpupuyat?

Ayon sa mga eksperto, may masamang epekto sa kalusugan ang pagpupuyat at hindi nagkakaroon ng sapat na oras ng tulog.

Ang kakulangan sa tulog ay maaring umanong magdulot ng iba’t ibang medical condition tulad ng cardiovascular disease, increase risk sa stroke, sa cancer, at neurocognitive disorder tulad ng dementia. Para magkaroon ng maayos na tulog, kailangan daw gawin ang tinatawag na “sleep hygiene.”

Kabilang dito ang paggising sa parehong oras araw-araw, paglimita sa iniinom na tubig bago matulog, at huwag uminom ng caffeinated drinks gaya ng kape o soda, anim hanggang siyam na oras bago matulog.

14AGHAM
2023 - MArso 2024 toMo 2 bil Ang 1 Ang
Agosto
Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame

balitang pampaaralan

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame

CRAMEnians, nagpakitang gilas sa e-sports

JANNA CHRISTINA BERJAY, 10-aguinaldo

Sinungkit ng 7-Aquino at ng 10-Quezon ang unang gantimpala sa e-sports ng Mobile Legends Bang Bang (MLBB) at Call of Duty Mobile (CoDM) sa ginanap na CRAMElympics ng Camp Crame High School (CCHS) nang matagumpay nilang napabagsak ang 14 pang ibang baitang

Sa nangyaring eliminasyon ng ML noong ika-4 ng Marso, nagtagumpay ang 7-Aquino kaya dumiretso ang mga ito sa finals. Sa eliminasyon naman ng CoDM, nagwagi ang 10-Aguinaldo na ginanap naman noong ika-5 ng Marso.

Nagpakitang gilas ang 7-Aquino sa first game kung saan kinalaban nila ang 9-Roco nang magtapos ang laro sa bilang na 32 kills. Sa ikalawang laro, kinalaban ng naturang pangkat ang 9-Benitez kung saan nagwagi rin sila sa bilang na 32 kills.

Ang 10-Quezon naman ang nagwagi sa patimpalak ng CoDM laban sa 10-Laurel, 8-Velasquez, at ang pinaghalo-halong pangkat sa ika-siyam na baitang.

Sa finals ng e-sport na ginanap sa gymnasium ng CCHS noong ika-9 ng Marso, nagtapat ang 7-Aquino at 10-Aguinaldo sa larong ML kung saan nagwagi ang 7-Aquino na may 26 kills at ang most valuable player (MVP) hero nila ay si Faramis na ginamit ni Hazel Moises at ang kaniyang mga kasamahan ay sina Laurenz Basco, Prince Feranil, Diego Cala at Vince Fariñas. Habang sa laban sa CoDM, ang 10-Quezon ay natapat sa pinaghalo-halong pangkat ng ika-siyam na baitang ngunit matagumpay nilang nakuha ang ika-unang gantimpala.

“Masaya po. Dahil akala ko po, namin, hindi kami mananalo doon sa e-sports. Siyempre matataas po iyung grade level ng kalaban namin kaya medyo kabado po. Pero nung ano po, nanalo po ako, sobrang saya ko dahil hindi ko po expected iyung gano’n” ani Hazel Moises, MVP ng ML.

Panayam kay Kyle Calaunan, MVP ng CoDM, “E-games for this generation made a big impact on our lives, specially the kids who enjoy it, specially the year 2020 when there was pandemic. Everyone was everywhere on the internet — it was all fun. I love playing e-games since 2017 and never expected na my talent can be used pala.”

Sa hindi inaasahang kaganapan, nang dahil sa pandemya ay pinaunlad ng mga bata ang kanilang balitang lathalain

Mas mabilis, mas mataas, mas malakas – Sama-sama

francel v, penaranda, 9-roco

In-game ang CRAMEnians!: CRAMEnians, nagpakitang gilas sa larangan ng e-sports.

Larawan mula sa Camp Crame High School Page

kakayahan sa mga online games simula noong pandemya. Nagbigay dangal ito hindi lamang para sa kanilang pangkat, kung hindi pati na rin sa kanilang sarili dahil nagamit at napakinabangan nila ang kanilang kaalaman sa ganitong larangan ng isports.

Para sa maraming atleta, ang pumasok sa teritoryo ng Olympics ay isang pangarap na natupad

– naglalaro ng kanilang minamahal na sport laban sa pinakamahuhusay sa buong mundo. Sa quadrennial event na nagtatampok ng pinakamakapangyarihang mga delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo, ang 2024 Paris Olympics ay ang pinakainaabangang kaganapan sa larangan ng palakasan ngayong taon, na may Pilipinas na may kanyang bahagi ng mga atletang susubok na abutin ang kanilang mga pangarap at gumawa ng marka sa pandaigdigang entablado.

Sa kasalukuyan, anim na atletang Pilipino ang nakapasok na sa Paris, umaasang magkaroon ng podium finish at mag-uwi ng tagumpay.

Ang boksing ay nananatiling isang matibay na sport para sa Pilipinas, sapagkat magpapadala ito ng tatlong atleta para sa nasabing sport. Bagaman siya ay natalo sa kanyang laban laban sa China’s Tuohetaerbieke Tanglatihan, ang pilak na medalya ni Eumir Marcial ang nagtulak sa kanya patungo sa Paris, lumalaban sa 80-kg class.

Kalabisan ang pag-ban sa bandila at isang nasyon na wala pang patunay sa alegasyon, parang kwinestiyon na rin ang kakayahan ng mga Atletang Pilipino.

Kanang kamay sa kaliwang dibdib

Ang bandila ang pagkakakilanlan ng isang nasyon. Hindi na ito maiaalis sa pagiging isang ganap na bansa, at kung babalakin man, ang pag-aalis sa isang bandila ay pagpapa alis na rin sa mga mamamayan nito. Tila ganito na nga ang kasalukuyang nangyayari sa larangan ng isports, kung saan binalaan ng World AntiDoping Agency (WADA) na ma-ban ang Pilipinas sa paglahok at paghost sa mga malaking sporting events dahil sa hindi umano pagsunod sa Anti-Doping rules.

Ang WADA ang nag titiyak na hindi gumagamit ng performance enhancing drugs ang mga atleta. Dahil isa itong pandaraya at sumisira sa integridad ng isports. Taong 2016 nang mayroong Pilipinong nag positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na enhancing drugs, kaya siguro naisipan na may posibilidad na maulit ito ng isang atletang Pilipino. Ngunit ang nakaraang ito ay hindi basehan ng kasalukuyan. Setyembre taong 2023 pa noong unang abiso ng WADA sa Philippine Sports Commission (PSC) ukol sa isyu na ito at binigyan silang palugi hanggang enero taong 2024. Iginiit ng PSC na pinabayaan nila ang abiso, bagkus ay matagal na nilang inaasikaso ang mga papeles na kinakailangan. Nakipag ugnayan na rin sila sa iba’t ibang ahensya ng bansa para sa karagdagang badyet na ilalaan sa Anti-Doping tests. Dahil ito ang nais ng WAD, na mapatunayan ng Philippine Anti-Doping Organization na mayroon silang kapasidad para dito. Hanggat hindi napapatunayan ang mga alegasyon na ito, hindi rin dapat basta-basta ang paglalahad ng babala sa isang bansa. Halos tila tanggalan ng karapatan ang mga manlalarong Pilipino na lumahok sa mga pang malakihang patimpalak ng isports kahit na hindi pa batid ang

tinutukoy na paglabag sa AntiDoping rule. Hinaing rin ito ng mga manlalaro na nag eensayo para sa papalapit na paligsahan sa Asian Olympics. Nakakadismaya kung masayang ang kanilang paghihirap at paghahanda nang dahil lamang sa alegasyon. Lalo’t inaasahan na rin nila ang maka-abot sa 2024 Paris Olympics. Mas pagtibayin pa dapat ng WADA ang kanilang basehan sa pagpapanukala ng Anti-Doping rules. Upang walang makalusot na sino mang atleta mula sa anumang bansa at hindi maghinala. Kalabisan ang pag-ban sa bandila at isang nasyon na wala pang patunay sa alegasyon, parang kwinestiyon na rin ang kakayahan ng mga Atletang Pilipino. Dahil ba labis na mahusay? O wala lang silang bilib? Ang pagban ng WADA ang dapat na alisin at hindi ang bandila natin. Karapatan ng mga atletang Pilipino na patuloy pang ipamalas ang kanilang mga talento sa buong mundo. Kasabay nito ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas, taas noong haharap sa entablado, nakatayong tuwid, ang kanang kamay ay nasa kaliwang dibdib at ang pambansang himno ay iaawit.

Ang kaniyang kapwa nagsilbing mga medalyado sa Tokyo Games na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas ay nakakuha ng kanilang mga puwesto matapos manalo sa kanilang mga laban sa World Qualification Tournament sa Italya. Si Petecio ay nakamit ang pangalawang puwesto sa women’s 57-kg category matapos talunin si Turkey’s Esra Yildiz sa isang split decision. Samantala, si Villegas naman ay maglalaban sa 50-kg event matapos ang kanyang walang dudang panalo laban sa Bulgaria’s Zlatislava Chukanova.

Bukod sa boksing, ang mga Pilipino ay nangunguna rin sa Gymnastics, kung saan mayroon din silang mga atletang magrerepresenta ng bansa sa pandaigdigang entablado. Nakasiguro ng kanyang Olympic puwesto si Aleah Finnegan matapos itong mapabilang sa mga nangungunang 14 sa women’s all-around qualification sa

World Artistic Gymnastics Championships sa Antwerp, Belgium. Samantala, nakapasok rin sa kategoryang floor exercise si Carlos Yulo, isang world medalist, matapos itong italaga bilang pinakamataas na rangkado na kwalipikadong atleta sa nasabing event. Nakuha ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang pilak sa Stockholm Diamond League, na nagiging unang atleta ng Pilipinas na nakapasok sa 2024 Games. Nagtampok si Obiena ng 5.82 metro upang tiyakin ang kanyang diretso Olympic puwesto. Siya ay naunang pumwesto sa likod ng world no. 1, si Armand Duplantis ng Sweden.

Ayon sa pangulo ng Philippine Olympic Committee na si Abraham Tolentino, inaasam ng komite na magkaroon ng 19 na mga atleta na bahagi ng Philippine delegation sa Games, na gaganapin mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Tunay ngang ibibigay ng mga atletang ito ang kanilang pinakamahusay sa pagrepresenta ng pulang, puti, asul, at dilaw sa entablado ng Olympics, sinusubukan na gayahin at higitan pa ang mga naunang nagtagumpay. Habang lumalapit ang Paris Olympics, ang mga atleta ay gumagawa ng kanilang makakaya upang maging mas mabilis, mas mataas, at mas malakas, kasama ang pinakamahuhusay na mga atleta sa mundo.

PH nagsungkit ng medalya sa Asian Para-Games

sandy h. barang, 9-roco

Patunay na nagpapakita ng kanilang kakayahan sa larangan ng palakasan, ang koponan ng Pilipinas ay lumitaw na nagwagi at nagkamada ng mga medalya sa ika-19 na Asian at Asian Para-Games sa Hangzhou, China. Idinaos mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8, 2023, nagtamo ang Pilipinas ng mga podium finishes, na kumamada ng 18 medalya – apat na ginto, dalawang pilak, at labing-apat na tanso – na kumupas sa ika-17 na puwesto sa gitna ng mga National Olympic Committees (NOCs) na nakilahok sa kaganapan.

Nasungkit ng Pilipinas ang mga gintong medalya matapos na pumanguna si Ernest John Obiena sa men’s pole vault, sina Meggie Ochoa at Annie Ramirez sa jiu jitsu, at ang Gilas Pilipinas sa men’s basketball.

Ang boxing at wushu ang nagdala ng mga pilak para sa bansa, habang ang taekwondo, wushu, tennis, cycling, weightlifting, karate, sepak takraw, at jiu jitsu ang nagbunga ng mga tanso.

Samantala, nagtala ang Pilipinas ng kanilang pinakamahusay na puwesto hanggang sa petsa sa Asian ParaGames na idinaos mula Oktubre 22 hanggang 28, 2024.

Nakuha ng koponan ang 19 medalya – sampung ginto, apat na pilak, at limang tanso – na inilagay ang bansa sa ika-9 na puwesto sa medal standings matapos ang kaganapan.

Ang chess ay napatunayang pinakamatibay na sport para sa koponan dahil ito ay nagbigay ng walong sa sampung gintong medalya, samantalang ang dalawa ay mula sa swimming at athletics.

Bukod dito, nagdala rin ang chess ng tatlong pilak at dalawang tanso, ang athletics ng isang pilak, at ang swimming ng tatlong tanso.

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga atleta, pinupuri sila para sa kanilang pagganap sa mga nakaraang laro.

Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 1 bil Ang 1 ISPORTS
Mula sa gma ai sports series
jana heintjie y. espino, 10-aguinaldo Larawan mula sa manila standard time

Agosto 2023 - MArso 2024 toMo 2 bil Ang 1 Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Krame pulso ng cramenians

Naging maingay ang E-Games sa bilang isang isports. Nagsagawa ng pag-aaral ang mga mamamahayag ng Ang Magiting sa pananaw ng mga Crameniansa tungkol sa pagsasagawa ng E-Games bilang bahagi ng Intramurals. Lumabas na anim sa 10 magaaral ang sumasang-ayon dito.

suMAsAng-Ayon

4

Bilang mag-aaral sang-ayon ka ba sa pagsama ng E-Games sa intramurals?

Para sa akin pabor ako at nilu-look forward ko ang ganitong events, kasi nagkakaroon kami ng opportunity na maipakita ang galing ko sa maraming tao

Hazel Moises, 7-Aquino

Oo, kasi hindi naman lahat mayroong kakayahan na maglaro ng pisikal na isport, tsaka mas naeexpress din ng ibang tao ang galing nila through online games.”

Avryll Caldamo, 10-Aguinaldo

Hindi ako sang-ayon diyan, kasi syempre nakasasama ‘yung gadgets sa mata natin eh, tsaka dapat libangan lang talaga ‘yan.” Angelo Panahon, 8-Fronda

athlete corner

Takbo ng Karera ni Gaerlan

“Lodi ka talaga, Edong!”

Mailalarawan bilang isang makisig, masayahin, pilyo, at gwapings ang atletang si Edrienne Gaerlan o mas kilala bilang “Edong” ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame.

Sa loob ng dalawang taon mula nang ibalik ang face-to-face classes, naging usap-usapan ang pangalan ng atleta sa paaralan nang makakamit ito ng mahigit 12 medalya sa larangan ng iba’t ibang isport katulad na lamang ng Basketball, Track & Field, Swimming, at Cycling.

Mula pagkabata ay tila kakambal na ni “Edong” ang pagsali sa mga kompetisyon dahil sa impluwensiya ng kaniyang ama na nagsisilbi bilang coach nito sa paglangoy. Taong 2011 nang unang sumali si Gaerlan sa swimming competition sa edad na limang taon. Nagtuloy-tuloy ang kanyang paglangoy hanggang sa kasalukuyan, at habang tumatagal ay sinabayan pa ng pagkadiskubre nito ng iba pang isport kagaya ng Basketball, Track & Field, at Cycling. Palarin man o hindi, basta’t masaya ang binatang si “Edong” sa kanyang mga ginagawa, itinuturing niyang panalo ang sarili kasama ng matinding suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng mga kaibigan at pamilya.

Isang malaking inspirasyon ang atleta sa bawat mag-aaral ng CCHS, at tunay itong pinagmamalaki ng bawat kaguruan. Ipinapakita ni Gaerlan na ang tunay na sikreto ng tagumpay ay pagsisikap, at ang patuloy na pagbangon. Idol ka talaga, “Edong!”

Pambansang Atleta, nagsisimula sa paaralan: Kabilang si Angelo F. Panahon (kaliwa), sa atletang Cramenians na lumahok sa District meet, at si Vinz Delos Reyes (kanan) ang nagsilbing tagapagsanay ng mga atletang naguwi ng medalya sa isport na boxing sa katatapos na Division Meet.

BATANG MAGITING

yassen usman, 10-aguinaldo

Atletang Cramenians, wagi sa QC meet

Muling nagpakitang-gilas ang mga atletang mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame (CCHS) sa iba’t ibang naganap na kompetisyon. Mula sa larangan ng triathlon, boxing, hanggang sa track and field.

Triathlon, Swimming: Edrienne Gaerlan

Nasungkit ng atleta at mag-aaral na si Edrienne Gaerlan ang championship medal para sa triathlon sa Subic Beachfront, Zambales noong ika-10 ng Marso ngayong taon. Sa kabila ng pagharap sa mahigpit na kompetisyon mula sa 247 iba pang mga atleta, naungusan sila ni Gaerlan sa kanyang pambihirang pagganap. Overall champion si Gaerlan sa kanyang age group sa naganap na My Daily Collagen ng SuperSeries Philippines at tinanghal na ika-pito sa lahat ng age bracket.

Sa swimming, 1.5km ang nilangoy ni Gaerlan, 40km sa pagb-bike, at 10km naman sa running. Ang kanyang tagumpay ay isang monumento sa kanyang pagsusumikap at dedikasyon sa kanyang isport. Hindi nakapagtataka na siya ay kinikilala bilang isang sumisikat na bituin sa paaralan bilang kampeon na atleta.

Bukod pa rito, nakuha rin niya ang ikatlong pwesto sa 1500 meter freestyle Division Swimming competition na naganap noong ika-9 ng Pebrero ngayong taon sa Amoranto Sports Center sa Quezon City.

Plano ni Gaerlan na maging bahagi ng pambansang koponan, at maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan na maaaring makasira sa kanyang imahe. Nais niyang disiplinahin ang kanyang sarili at magtrabaho nang mas matindi kaysa sa dati niyang ginagawa at maglalaan ng oras para sa kanyang sarili na magsikap pasulong.

Ani Gaerlan, “Forever akong nagpapasalamat sa aking paaralan, sa mga taong tumitingin sa akin bilang kanilang idolo at inspirasyon. At sa aking kaibigan na walang katapusang sumusuporta sa akin.”

Boxing: Panti, Galapon Nagpasiklab naman ang mga boksingero ng paaralan sa pagsabak sa kompetisyon ng boxing na

ginanap sa Jose P. Laurel High School noong ika-17 ng Pebrero ngayong taon.

Bukod sa ngayon na lamang uli nakilahok ang paaralan sa kompetisyon ng boxing, panibagong karanasan din ito para sa mga atleta.

Isa sa mga nakilahok ang mag-aaral ng ika-10 baitang na si Jian Carlo Panti na siyang nag uwi ng ikalawang puwesto, kasama si Carlos Uwin Galapon na mag-aaral mula sa ika-8 baitang. Ibinahagi ng mga atleta sa panayam ang karanasan nila sa ginawang paghahanda sa kompetisyon.

Nagsilbing coach naman ng mga kalahok si Vinz Delos Reyes, isang dalubhasang boksingero na magaaral mula sa ika-10 baitang. Ayon sa kanya, hindi niya masusukat ang kasiyahan nang malamang nagwagi ang dalawang atleta.

Track and Field: John Anthony Castillo

Nakamit naman ni John Anthony Castillo mula 10-Aguinaldo ang ika-4 na pwesto sa semi-finals ng 200m run ng track and field sa Quezon City Division Meet. Ginanap ang laro sa Pasig Ultra Philsports Arena noong ika-15 ng Pebrero ngayong taon.

“Alam ko sa sarili ko na ginawa ko naman lahat ng aking makakaya. Malaki na rin naman na ‘yung parangal na nauwi ko para sa ating paaralan. Sana marami pang mga CRAMEnian ang maenganyo na sumali sa mga ganitong uri ng patimpalak para maipakita nila ‘yung mga skills nila na hindi pa nila naipapakita at baka sakaling makapag-uwi sila ng parangal para sa paaralan,” pagsasaad ni Castillo.

Tunay ngang maipagmamalaki at napakamagiting ng mga CRAMEnians sa larangan ng isports. Marami ang nagwagi, mayroon din namang hindi nakamit ang tagumpay na inaasam ngunit ang mahalaga, inilaban nila at itinaas ang bandera ng ating paaralan.

Pinta para sa kalikasan: SSa pamamagitan ng MAPEH Department, pinamunuan ni Bb. Maricar Convencido ang pagpinta ng bleachers ng paaralan. Katuwang ang ikawalong baitang, nakiisa ang mga mag-aaral para sa layuning mas mapaganda ang paaralan Kuha ni Janna Christina C. Berjay

sa mga numero Nalalapit na ang pagdaraos ng Olympic Games 2024 sa Paris, France. Ngayon, ating alamin kung ano-ano nga bang isport sa Olympic ang patok sa puso ng mga mag-aaral ng Camp Crame High School (CCHS) natin anoanong Olympic sports ang patok sa puso ng mga atleta sa Crame. 2

Sa darating na Paris Olympic sa ka-26 ng Hulyo at magtatapos sa ika-11 ng Agosto ngayong taon ay mayroong 41 na sports ang paglalaban. Kabilang dito ang Archery, athletics, badminton, basketball , basketball 3×3, boxing, canoe slalom, canoe sprint, road cycling, cycling track, mountain bike, BMX freestyle, BMX racing, equestrian, fencing, football, golf, artistic gymnastics, rhythmic gymnastics, trampoline, handball, hockey, judo, modern pentathlon, rowing, rugby, sailing, shooting, table tennis, taekwondo, tennis, triathlon, volleyball, beach volleyball, diving, marathon swimming, artistic swimming, swimming, water polo, weightlifting at wrestling. Makasaysayan rin ito dahil sa pagbubukas ng apat na bagong sports na breaking, sport climbing, skateboarding, surfing.

-Mula sa https://www.paris2024.org/-
Boxing 2 Beach Volleyball 2 Boxing 41
1 Triathlon 1 Track and field 1 Gymnastics 1 Skateboarding 1 Pole Vault Isports
6
di-suMAsAng-Ayon Atletang Cramenians, kampeyon: Nagwagi si Edrienne Gaerlan ng kampeyonato sa larang ng triatlon sa ginanap sa Subic, Zambales Kuha ni mula kay Edrienne Gaerlan
balitang larawan
janna christina c. berjay, 10-aguinaldo

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.