Ang aklat na ito ay isang gabay sa paghahanda para sa mga bata, gayundin sa kanilang mga mgalulang, buong pamilya, at komunidad.
Layunin nitong bigyang-kaalaman ang mga bata at kanilang mga pamilya patungkol sa mga bantang panganib at kung paano maiiwasan o mababawasan ang maaaring maging epekto nito. Gumamit ng iba't ibang mga laro at aktibidad ang gabay na ito upang mas madaling maunawaan ng mga bata mula edad 9 pataas ang paksa ng disaster at maagang maituro sa kanila ang kahalagahan ng paghahanda.
Naniniwala ang CDP na maaaring ituro ang mga konsepto ng disaster risk reduction sa mga bata at maging aktibong makibahagi sa pagsusulong ng kanilang mga karapatan sa isang ligtas, maunlad, at matatag na mga komunidad.
Halina't samahan si Ana at ang kanyang komunidad tungo sa pagsusulong ng isang bayang handa at matatag!