1 minute read

Sirang Karayom

Next Article
Cat Valley

Cat Valley

Balita ko, Ang dati’y isang napakagandang damit, Magiging basahan na lang

Ang noo’y pinaghirapang makuha, Hinanap sa kahit saang lupalop, At pinag-ingatang gawin ang mga hibla, Nilalagay na lang kahit saan

Advertisement

Ang minsa’y naging akin, Ngunit napunta pa sa iba, Ang akala ko’y husto at akma, May gusto pa palang bagayan

Nang masilayan kitang muli Ika’y sira’t napinsala na Punit-punit at gutay-gutay

Ninais kong ayusin ka Kukumpunihin kita sana

Pero sino ako, Para tahiin, pagtagpi-tagpiin ayusin ka Kung ako mismo, Winasak mo na

Angel Rose Lepaña

Higit Pa

Palagi mong tatandaan Na walang sapat na dahilan Para ikaw ay hubaran.

Hindi kailanman nasusukat sa kinis ng katawan, Hindi rin sa paraan ng pagkilos At wala rin sa pinagtagpi mong pananamit.

Wala silang karapatan na ika’y tanggalan ng saplot, Ang iyong puso’t katawan ang bumubuo Sa pagkatao mo.

Hindi ka kanino man pagmamay-ari Na kung saan ika’y gagamitin Ikaw ay tao, labis pa sa kanilang iniisip.

Wala silang dahilan para ika’y pagsamantalahan. Sapagkat ikaw ay higit pa sa’yong kasarian At mga dikta sa iyo ng lipunan.

Karren Jay Asgar

broken bonds broken hearts,

the lovers

hand in hand, 'til death, 'til the edge

This article is from: