1 minute read
Golden Lions, panalo kontra Sagay FC sa MYC ‘19
ni Ryan Dave Poral
Nakamit ng CPU Golden Lions ang kampeonato kontra sa Sagay Football Club sa Marañon Youth Cup 2019 na ginanap sa Sagay City, Negros Occidental, Oktubre 26-30.
Advertisement
Nilampaso ng CPU Highschool Footballers ang Sagay Football club sa ikalawang taon ng Marañon Youth Cup sa iskor na 2-1.
Makapigil hininga ang labanan: ang bawat isa ay nagpakita ng matinding opensa at matibay na depensa na kahit ang mga manonood ay hindi alam kung sino ba ang dapat na tanghalin bilang kampeon.
Sa 1st half, unang naka-goal ang CPU sa pamumuno ni Jil Sander Pillora. Agad namang nakabawi ang Sagay Football club, pero hindi na ulit ito nakalusot sa depensa ng Golden Lions. Tabla ang laban sa iskor na 1-1.
Sa 2nd half mas naging mainit ang laban. Naging agresibo ang bawat kupunan at determinadong maka puntos upang makuha ang inaasam na tropeyo. Sampung minutos na lang ang natitira nang naghiyawan ang lahat dahil nakagoal si Rejie Rafols at inalalayan ni Jhong Silao ng CPU.
Sinubukang bumawi ng Sagay FC ngunit hindi na ito hinayaan ng Golden Lions at nakamit nila ang panalo sa iskor na 2-1.
“Wala sekreto, just hard work, determination, and team work,” pahayag ni Mel Askia Supena, manlalaro ng Football sa CPUHS nang tanungin kung ano ang sekreto nila upang makamit ang kampeonato.
Dagdag pa ni Supena “Ang ini nga experience will surely strengthen our bonds and chemistry as a team kag maka-help gid ini sa mga upcoming games namon.”
Nang tanungin si Supena tungkol sa mensahe niya sa mga kapwang gustong maglaro ng football, ang sabi niya ay, “Indi gid mag duwa duwa mag try football kay kanami gid ni na sports para sa tanan kag damo kadi may ma meet na new set of friends kag mapalayo ka gid sa bisyo.”
Ang Marañon Youth Cup ay kabilang sa mga akitibidad na sinosuportahan ng Lokal na Pamahalaan ng Sagay City upang maisulong ang isports na football pati narin ang turismo ng lungsod.