Sa DSPC
BL1, pang-9 over-all; 2 istapers, tuloy sa RSPC Tinanghal na 9th Best Performing School ang Paaralang Elementarya ng Bayan Luma 1 matapos magwagi ang tatlo sa 14 na batang manunulat nito sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC). Nakamit ni Leonard Z. Farparan ng VI-Quartz, punong ika-11 puwesto sa Best in Scriptwriting (Fil). patnugot ng Ang BL1 Bulletin, ang ikatlong puwesto sa Pagsulat Ginanap ang DSPC sa Paaralang Elementarya ng Editoryal habang nag-uwi ang kaklaseng si Princess Dheinielle ng Felipe Calderon sa Tanza Cavite noong Set. 17-19 Talens, katulong na patnugot, ng ikalimang puwesto sa News na nilahukan ng humigit-kumulang 200 pampubliko at Writing. pribadong paaralan. Nagwagi rin si Danica Alwhiz Joson ng V-Venus na Kasalukuyang sumasailalim sa mas matinding tinanghal na 7th placer sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita. pagsasanay sina Farparan at Talens bilang paghahanda Samantala, nagwagi ngunit nabigong makapasok sa Top 7 sa pagkatawan sa Sangay ng Cavite sa gaganaping ang dalawang grupo ng BL1 na lumahok sa Radio Broadcasting Regional Schools Press Conference (RSPC) sa Enero and Script Writing. 13-18. Nasungkit ni Meshezabel Hallohesh Banasta ng V-Venus Nag-back out naman si Joson na hindi na ang ikawalong karangalan bilang Best Anchor habang ika-12 pinahintulutan ng mga magulang. puwesto ang inuwi ni Kim Ayen Mendez ng V-Earth bilang Sina G. Christian Mespher A. Hernandez at G. Best News Presenter, gayundin sa Best Infomercial. Alexis Pomasin ang kanilang mga gurong Samantala, si Iris Julia Presas naman ang nag-uwi ng tagapagsanay. (LEONARD FARPARAN)
LAKAS NG PANULAT. Iginawad kay Leonard Z. Farparan (kaliwa) ang ikatlong puwesto sa Pagsulat ng Editoryal sa Division Schools Press Conference noong Set. 19. (KIM AYEN MENDEZ)
Gurong tagapayo, kinilala ang serbisyo Bahagi ng pagdiriwang ng ika237 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Imus, kinilala ng pamahalaang lokal ang 12 awardees sa idinaos na 25th Gawad Parangal. Tinanggap ni Christian Mespher A. Hernandez, gurong tagapayo ng Ang BL1 Bulletin, pangulo ng JCI Imus Haligue at editor-in-chief ng Pulso ng Makabagong Caviteño, ang Gen. Pantaleon Garcia Award bilang Outstanding Public Servant. Hinirang namang adopted daughter si Dr. Lualhati O. Cadavedo, bagong schools division superintendent ng City Schools Division of Imus. Kinilala rin sina Budget and ANG PAGSILANG. Pinangunahan nina (mula kaliwa) Dr. Yolanda V. Carpina, Cavite schools division superintendent; bagong-talagang Management Secretary Florencio City Schools Division of Imus Superintendent Lualhati O. Cadavedo; Mayor Manny Maliksi; Vice Mayor Mandy Ilano at city accountant ang ribbon-cutting ng bagong gusali ng City Schools Division of Imus sa inagurasyon nito noong Dis. 20. (HELENA PATRICIA GUBAN) “Butch” Abad bilang adopted son; Joshua G. Arma at Jhio Aranzaso, Gen. Cayetano Topacio awardees para sa outstanding students; Ana Marie S. Topacio, ang Col. Jose S. Tagle Award Ngayon ang anak ay marunong nang tumayo sa sarili nitong mga paa. para sa young achiever; at Pormal nang humiwalay ang bagong City Schools Division of Imus mula sa inang Division of Cavite Province sa PUREGOLD Price Club, Inc. para sa inagurasyong ginanap noong Dis. 20. Gen. Flaviano A. Yengko Award. Alinsunod ang pagtatayo ng bagong Cadavedo naman sa Imus II. Samantala, apat ang hinirang na dibisyon sa RA 10161 o “An Act ConvertSamantala, inihayag ni Gng. Andrea Gen. Juan S. Castañeda Awardees sa ing the Municipality of Imus in the ProvA. Angeles, punongguro, na mananatili katauhan nina Dr. Encarnacion N. ince of Cavite into a Component City to sa District 1 ang Bayan Luma 1 kasama Raralio, Lito O. Cruz, Dr. Emmanuel be known as the City of Imus” na ang Imus Pilot E/S, Palico E/S at Tanzang L. Santiaguel, at Ramoncito O. Cruz. nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino Luma E/S. (KRISTINE MAE DE JESUS) Ipinagkaloob naman kay Dr. III noong Abril 11. Elmer A. Pinangunahan ni Mayor Emmanuel Ordoñez ang ‘Manny’ S. Maliksi ang naturang okasyon pinakamataas at ipinakilala si Dr. Lualhati O. Cadavedo na pagkilala bilang unang schools division superintenbilang Gen. dent ng bagong sangay. Licerio C. Kaugnay nito, binasbasan ang bagong To p a c i o Division Office na itinayo sa Brgy. Awardee for Toclong I-C at binuksan na rin ang apat Most Outna District Offices: District 1 sa Imus standing Pilot E/S, District 2 sa Gov. D. M. Imuseño. Camerino E/S, District 3 sa Buhay na Ginanap Tubig E/S, at District 4 sa Malagasang II NATATANGING IMUSEÑO. Pinarangalan ng pamahalaang lungsod ang parangal ng Imus ang 12 natatanging mamamayan nito na nagpakita ng sa Faustino’s E/S. kahusayan sa iba’t ibang larangan sa isinagawang 25th Gawad Parangal Matatandaang dalawa lamang ang Events Place kabilang sina G. Christian Mespher A. Hernandez (ikatlo sa ikalawang orihinal na distrito ng Imus kung saan si hanay), gurong tagapayo ng Ang BL1 Bulletin, at Dr. Lualhati Cadavedo noong Okt. 7. Gng. Dalisay S. Esguerra ang (ikalawa sa unang hanay), bagong schools division superintendent ng ( J O H N I E L GABUTIN) tagapamanihala sa Imus I at si Dr. City of Imus. (GLENN CALICA)
City Schools Division of Imus, binuksan
2
BALITA
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
Tikas animé ng BL1, patok sa Reading Fest Nagbunga ang pagtitiyaga ng mga tagapagsanay sa pangunguna nina G. Genel Rodrigo, Gng. Lunesa Napoles at G. Alexis Pomasin matapos umani ng panalo ang mga ginabayang mag-aaral sa 2012 District Reading Camp and Literary Festival and Read-a-thon noong Nob. 9-10 at 12 sa Imus Pilot Elementary School. Nakamit ng Bayan Luma 1 E/S ang ikatlong puwesto sa Best School Over-all at ikaapat na puwesto sa Best School Presentation sa kumpetisyong nilahukan ng 15 paaralan sa Distrito ng Imus I. Humakot din ng panalo ang mga lahok ng BL1 sa mga individual at group contest. Nakuha ng reader’s theater group ng pinagsamang Grades 5 at 6 ang unang karangalan habang ikatlong puwesto naman ang jazz chant ng Grades 4-6. Sa mga indibidwal na laban, inuwi
nina Rhona Margareth H. Legaspi ng IVFalcon at Meshezabel Hallohesh Banasta ng V-Venus ang ikalawang puwesto sa Oral Interpretation at Declamation ayon sa pagkasunod. Nakamit naman ni John Benedict F. Hernandez ng VI-Quartz ang ikaapat na puwesto sa Oration. Nagkaroon ng iba’t ibang tema ang bawat paaralan tulad ng animé, Halloween, cartoon characters, kuwentong bayan, alamat, pabula, royalties, at iba pa.
HAME-HAME WAVE. Pumormang maglalabas ng “super powers” ang mga batang anime ng BL1 na nag-ala Dragonball Z kalaban si G. Genel Rodrigo (kaliwa) na nagpanggap namang si “Cell” sa ginanap na Reading and Literary Festival. (HELENA PATRICIA GUBAN)
(ANGELICA MARIE GARCIA)
Populasyon, tumaas ng 6.28% Tumaas ng 6.28 porsyento ang bilang ng mga batang nag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Bayan Luma 1 sa S.Y. 2012-2013. Mula sa bilang na 1,098 noong S.Y. 2011-2012, may kabuuang 1,167 na ngayon ang populasyon ng paaralan, ayon sa tala ni Bb. Alwyn C. Cuenca, gurong pamatnubay. Mas marami rito ang batang lalaki na nasa 596 habang ang mga batang babae naman ay 571. Pinakamarami ang mga naka-enroll sa Grade 1 na may kabuuang 206 habang
TIKAS BL1. Nagpaunlak sa isang larawan ang mga nagwaging mag-aaral ng Bayan Luma 1 E/S sa District Math Showdown kasama ang mga gurong tagapagsanay at si Gng. Andrea A. Angeles, punongguro (unang babae sa kaliwa). (JOHN CARLO ESTANISLAO)
BL1 whiz kids, nag-uwi ng karangalan Tiwala sa Diyos at sarili. Sapat na pagsasanay at pamatnubay. Angking galing at talas ng pag-iisip. Sa mga bagay na ito sumandig ang mga mag-aaral ng Bayan Luma 1 E/S na sumabak sa iba’t ibang paligsahang pangakademiko sa distrito at sangay. Sa District ICT quiz bee, hinirang na kampeon si Angelica Marie Garcia ng VI-Quartz habang pumangalawa naman si Kim Nicole Ibardaloza sa poster making at inuwi ni Charlene Concepcion ang ikatlong karangalan sa basic encoding sa pamatnubay ni G. Arnel S. Orpia. Kinatawan ni Garcia ang Distrito ng Imus I sa pansangay na paligsahan. Sa Science quiz bee, pumangatlo si Jayrich Lattao ng V-Venus ni Gng. Arlene P. Mate at pumanglima si John Benedict Hernandez ng VI-Quartz ni Gng. Lunesa A. Napoles. Humirit din ng panalo ang mga magaaral sa District Math Showdown sa pangunguna nina Andrea Nicole C. Sabater ng III-Apple, Lattao, at Stephen T. Langrio ng VI-Quartz, parehong ikatlong karangalan, sa pagsasanay nina
Gng. Adora Bautista at Gng. Napoles. Samantala, humataw din ng panalo ang mga kinatawan sa District HEKASI quiz bee matapos pumangalawa si Xy Gelera ng IV-Falcon ni Gng. Enesita Pasilan at pumangatlo naman si Lidominuz M. Tipanao ng V-Venus ni Gng. Vanessa Marie E. Paraguya. Hindi rin nagpahuli ang mga batang Kinder nina Teacher Fe Dioso at Teacher Julie Ann Avelinia na pumuwesto sa District Kindergarten Festival of Talents. Pumangatlo si Mike Vincent Arnaiz sa storytelling (Filipino), pang-apat si Ashlee D. Decena sa vocal solo at panglima si Ma. Ayesa Argosino sa rhyme. Sa District Math Challenge, pumuwesto ng ikalawa sa Grade 6 ang grupo nina Ibardaloza, Langrio at Garcia; pumang-apat sina Danica Alwhiz Joson, Jonino Mar Javier, at Lattao ng Grade 5; at pumanglima naman sina Golerson Mahinay, Rhona Margareth Legaspi, at Adan Samontanes ng Grade 4.
pinakamaliit naman ang Kinder na mayroon lamang 129, at Grade 6 na may 130. Limampung mag-aaral ang naitalang transferees. “Ang hanapbuhay ng mga magulang ang pangunahing dahilan ng pagdami ng transferees sa ating paaralan kung kaya’t bahagyang tumaas ang ating populasyon,” ani Bb. Cuenca. (DANICA ALWHIZ JOSON)
Values Ed booklets, ipinamahagi Tumanggap ng Values Education booklet ang bawat isang mag-aaral ng Bayan Luma 1 mula sa One Hope Philippines sa pakikipagtulungan sa Center for Excellent Character (CEC). Layon ng organisasyong nakabase sa guro noong Agosto 13. US na magkaroon ang lahat ng mga magAng naturang proyekto ay aaral sa mga pampubliko at pribadong naisakatuparan sa inisyatiba ng Parentspaaralan sa Imus ng Values Ed booklet na Teachers Association sa pangunguna ng makatutulong sa kanilang paghubog sa pangulo nitong si Gng. Elizabeth Malabed. mga sarili – sa isip, sa salita, at sa gawa. Aprubado ito ng DepEd noon pang Ipinamahagi ang mga booklets 2008 alinsunod sa Memorandum No. 193. (JUSTINE CLAIRE MANILA) kasama ang Teaching Manual para sa mga
PAGHUBOG SA SARILI. Gamit ang mga bagong bigay na Values Education booklets, inaasahang mas mahuhubog ang pag-uugali ng mga batang BL1. (KIM AYEN MENDEZ)
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
BALITA
3
1st Imus City Camporee, hindi napigil ng habagat Hindi nagawang pigilan ng malakas na buhos ng ulan ang isinagawang 1st Imus City Camporee ng mga kabataang scouts sa lungsod ng Imus na ginanap sa Imus Pilot Elementary School grandstand noong Set. 28-30.
LAGING HANDA. Sari-saring ‘life skills’ ang natutunan ng mga batang iskawts ng BL1 sa kauna-unahang Imus City Camporee noong Set. 28-30. (GENEL RODRIGO)
2 bagong gusali, itatayo
Sa kabila ng masamang panahon sanhi ng hanging Habagat, pinasigla ni City Mayor Emmanuel ‘Manny’ Maliksi ang pagb ubukas ng camp oree na dinaluhan ng mga batang scouts mula sa pampubliko at mga pribadong paaralan sa lungsod. “Ang programang tulad nito ang isang magandang training ground para sa mga kabataan upang mahubog ang kanilang leadership ability. Ako ay isang produkto ng mga camping na tulad nito kung saan marami akong natutunan na aking napapakinabangan sa ngayon,” pahayag ni
City Mayor Maliksi. “Sa susunod na taon, paglalaanan natin ng isang permanenteng lokasyon sa ating lungsod ang ganitong programa, lugar na magiging camping venue sa Imus,” paniniyak ng punong-lungsod. Sa pagtatapos ng camporee, natuto ang mga iskawts ng BL1 na pinangunahan ni Scouter Genel Rodrigo at mga Gr. 6 na sina Joshua Balonzo at Kevin Ke ng iba’t ibang training gaya ng knot-tying, map reading, WIGWAG, at Cookout kung saan sila ang nanguna. (M A. CESLINDE RECOMES)
NAT 2012
Upang bigyang daan ang pagiging recipient ng Private-Public Partnership Program ng Department of Education (DepEd), dalawang bagong gusali ang nakatakdang itayo na inaasahang magsisimula sa katapusan ng Enero. Isang two-storey, three-classroom at isang two-storey, two-classroom building ang magiging bagong kanlungan ng mga batang mag-aaral ng BL1. Una nang nagpadala ng request letter si Gng. Andrea A. Angeles, punongguro, ng demolisyon ng Cariño Building na ginagamit ng IV-Falcon, ang
hindi na nagagamit at inaanay nang Industrial Arts Building, at ng Bagong Lipunan School Type Building na pinagkaklasehan ng Grades 3 at 4. In ap ru ba ha n na i to n g Ci ty Engineer’s Office at hinihintay na lamang ang approval ng DepEd Division Office. (CHRISTINE JOY CAMUNGOL)
Kab, Star scouts nagpasiklab; de Aro, 2nd sa That’s My Boy Alinsabay sa pagbubukas ng unang camporee sa lungsod ng Imus, bumida rin ang mga mas nakababata nilang kabaro—ang mga Kab at Star Scouts—sa isinagawang Kawan at Star Holiday na may paksang “Mahalin ang Kalikasan, Ihanda ang Ating Kinabukasan.” Ipinakita ng mga Kab iskawts ang kahusayan at ‘teamwork’ sa iba’t ibang gawain sa Kab Olympics, at mga palaro gaya ng calamansi relay, tug-of-war, postermaking, clay design, at iba pa. Tampok din dito ang patimpalak na That’s My Boy kung saan nagtagisan ng galing sa pagdadala ng damit, pagpapakita ng talento, at matalinong pagsagot sa mga tanong ang mga piling Kab iskawts. Tinanghal na 2nd placer si John Raver de Aro ng Grade II-Orchid at nag-uwi rin ng Best in Formal Attire at Best in Question and Answer, sa pagsasanay ni Gng. Marites B. Legaspi. Samantala, hindi nagpahuli ang mga Star Scouts sa kanilang Star Holiday na nilahukan ng mga babaeng iskawts mula sa una hanggang ikatlong baitang. Kani-kanyang cheer ang inihanda ng mga kalahok at nagkaroon din ng pakikinig ng kuwento, mga makabuluhang palaro at paligsahang “Ms. Imus City Star 2012” na pinagwagian ng mga kalahok mula sa Imus Pilot E/S, Malagasang II E/S at Malagasang III E/S. (CHEDDY JOY MACADAEG)
Gr. VI, pasado sa NAT Pasado! Inilabas na noong Setyembre ng National Education Testing and Research Center ang resulta ng 2012 National Achievement Test (NAT) ng mga mag-aaral na Grade VI ng Bayan Luma 1 E/S. Pumasa ang mga nagsipagtapos na mag-aaral ng S.Y. 2011-2012 sa pambansang pagsusulit pang-akademiko na kanilang kinuha noong Marso 8. Pinakamataas ang nakuha nilang iskor sa Agham na may raw score na 35.78 at percentage score na 89.45. Sunod na mataas ang Matematika na 35.14 at 87.85.
Magkakalapit naman ang iskor ng Ingles, 33.06 at 82.65; HEKASI na 32.98 at 82.45; at Filipino na 32.71 at 81.77. Sa naturang 200-item test, nagtamo ang Bayan Luma 1 E/S ng raw score na 169.67 at percentage score na 84.83 na katumbas ng “Moving Towards Mastery” o MTM. ( RHONA MARGARETH LEGASPI)
School grounds, sinementuhan Para maiwasan ang aksidente bunsod ng baku-bakong daanan, agad ipinasemento ni Gng. Andrea A. Angeles, punongguro, ang mga piling bahagi ng school grounds. Isinagawa ito noong mga buwan ng Nobyembre at Disyembre. Nagmula ang pondo sa naisubing salapi ng kantina at MOOE na laan para sa school improvement.
“Atin pong nakikita ang mga kakulangan sa paaralan kaya’t sa abot ng makakaya, sa tulong ng mga stakeholders, ay ipaprayoridad natin ang kaayusan ng paaralan,” ani Gng. Angeles.
4
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
BALITA
Araw ng mga Guro, ipinagdiwang “Salamat sa inyo, mga pangalawang magulang.” Isang espesyal na araw ang inilaan para sa mga guro sa pandistritong pagdiriwang ng Araw ng Mga Guro na ginanap sa Colossians Garden, Tagaytay City, noong Okt. 5. May temang “Aking Guro, Aking Bayani,” nagsama-sama at nagsaya ang mga guro mula sa 15 pampublikong paaralang elementaryang bumubuo sa Distrito ng Imus I sa makulay na programang inihanda para sa kanila.
Tinanghal na Most Outstanding Teacher ng buong distrito si G. Christian Mespher A. Hernandez, gurong tagapayo ng Ang BL1 Bulletin. Ginawaran din ng pagpupugay ang mga gurong service awardees kasama si
‘YAN ANG GURONG BL1. Pinarangalan ang mga guro ng Bayan Luma 1 sa pangunguna nina G. Christian Mespher A. Hernandez, Most Outstanding Teacher ng Imus 1; at Gng. Adora Bautista, service awardee, sa Araw ng mga Guro noong Okt. 5. (JONATHAN PADRE)
Gng. Adora Bautista, guro ng BL1, na nasa ika-30 taon na ng serbisyo. Pinarangalan din ang mga gurong winning coaches ngayong taon kabilang ang mga guro ng BL1 na sina G. Hernandez at G. Alexis V. Pomasin. Kinilala rin ang mga gurong gumawa ng mga pagsusulit kung saan natawag ang halos buong kaguruan ng BL1. Sumentro ang pagdiriwang ngayong taon sa temang ‘cowboy’ na kinatampukan ng mga natatanging bilang, iba’t ibang palaro at mga pa-raffle. “Isang malaking bagay sa aking murang edad sa serbisyo ang magawaran ng ganitong parangal. Para po ito sa buong BL1,” ani G. Hernandez. (EJ KARLO SICAT)
ESPESYAL NA ULAT
Budul-budol, umatake sa Bl1; babaeng suspek, nasakote Hindi dahilan ang anupaman para gumawa ng masama sa kapwa. Ito ang aral na natutunan ng isang miyembro ng Budul-Budol gang matapos masakote sa pambibiktima ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, kabilang ang apat na guro ng BL1. Nahuli sa aktong panloloko si Cherry Santos ng Dasmariñas City noong Oktubre matapos subukang mambiktima sa Palico E/S. Lingid sa kaalaman ni Santos, naitimbre na sa mga paaralaan ang kanyang modus operandi kung kaya madali siyang nasukol at nadala sa pinakamalapit na pulisya. Buwan ng Hulyo nang nagpakilala si “Cherry” na isa umanong dating estudyante ng BL1. P AG KA MA NG HA . I no s ent eng tinititigan ng dalawang batang magaaral ng BL1 ang isang istanteng rep l ika ng komuni dad - i s ang kaalamang matatagpuan sa Science Discovery sa Mall of Asia noong Nob. 17. (RHEA ANGELES)
Aniya, isa siyang empleyado ng Gawad Kalinga at nag-aalok ng murang pabahay sa Bacoor. Dahil sa murang halaga, naganyak ang apat na guro at agad nagbayad ng P8,000 para sa apat na slot. Nangako ang babae na babalik para sa tripping hanggang sa malaon ay hindi na ito nagpakita. Ayon naman sa Gawad Kalinga, wala silang anumang koneksyon kay Santos at nalulungkot sila na ang kanilang
HULI KA! Pinag-iingat ang publiko sa mga budul-budol gaya ni alyas Cherry Santos.
organisasyong tumutulong sa mga tao ay nagagamit ng mga masasamang-loob sa panloloko ng kapwa. Ilang araw matapos ang pagkahuli, binayaran ng kaanak ng suspek ang P8,000 na-budol ni Santos mula sa mga guro.
BASA MUNA BAGO ANG IBA PA. Matiyagang nagbabasa ang isang magaaral ng donasyong Reader’s Digest. (HELENA PATRICIA GUBAN)
Reader’s Digest back issues, tinanggap ng BL1 Tila umulan ng libro sa Bayan Luma 1 E/S matapos magkaloob ang Emerald Digest Inc. ng libu-libong back issues ng babasahing Reader’s Digest. Tinanggap noong Nob. 8 ni Gng. Andrea A. Angeles, punongguro, ang may kabuuang 42, 123 back issues mula kay Virgilio dela Cruz, kinatawan ng naturang kumpanya. Pinalakas ng boluntaryong pagkakaloob na ito ang Adopt-a-School Program ng DepEd at ng BL1. Mula buwan ng Abril hanggang Disyembre 2011 ang mga isyu ng kahun-kahong mga libro. Ipinamahagi na ito ng mga guro sa lahat ng mga mag-aaral at kasalukuyan nang ginagamit habang ang iba pa ay itinabi para magamit sa mga susunod na taon. “Nakatutuwang may mga kumpanyang tulad ng Emerald Digest Inc. na tumutulong para mas mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bisa ng pagkakaloob ng mga babasahing tulad ng Reader’s Digest,” ani Gng. Angeles. (STEPHEN LANGRIO)
LAKBAY-ARAL
Kasiyahang may saysay Layong magkaroon ng kasiyahang may kabuluhan at pagkatuto ang mga mag-aaral, nagsagawa ng taunang lakbay-aral ang Paaralang Elementarya ng Bayan Luma 1 noong Nob. 17. Nakibahagi rito ang 61 mag-aaral at mga guro. Una nilang pinuntahan ang Science Discovery sa Mall of Asia. Nagkaroon ang mga bata ng firsthand experience sa mga bagay na may kinalaman sa Agham at Teknolohiya. Kasunod na pinuntahan ang Ballet Manila, isang pagsilay sa mga world-class
na mananayaw na Pilipino. Pinuntahan din ang Star City kung saan nawili ang mga bata sa rides. “Ang lakbay-aral ay isang malaking tulong sa pagkatuto ng mga bata. Dito ay na-e-expose sila sa mga realia o buhay na halimbawa,” ani Gng. Andrea A. Angeles, punongguro. (JUSTINE CLAIRE MANILA)
BALITA
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
5
Project C-CARE, suportado Patuloy ang pagsuporta ng Paaralang Elementarya ng Bayan Luma 1 sa ikalawang taon ng implementasyon ng Project C-CARE o CALABARZON – Children’s Assistance for Relevant Education. Sa pangunguna ni Gng. Andrea A. Angeles, punongguro, nagkaloob ang mga guro ng uniporme, bag, sapatos, medyas, pamasahe, at gamit pang-eskwela sa mga piling mag-aaral mula sa primary sa pagsisimula ng klase. Ang Project C-CARE ay proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa Rehiyon IV-A sa pangunguna ni Regional Director Dr. Lorna Dig Dino. “Now, I take all the opportunities to inspire other educators to happily make a difference at DepEd, not because we are mandated but because we truly care,” ani RD Dino. Layon ng Project C-CARE na magpatuloy ang pagpasok sa eskwela ng mga batang grade one na nangangailangan
ng tulong sa mga pangunahing pangangailangan para maihanda ang mga ito at matulungan sa kanilang pag-aaral. Sa ilalim ng naturang programa, target ng Kagawaran makahimok ng donors o foster parents mula mismo sa mga kawani nito: mga teaching personnel, nonteaching, teaching related, at mga kaibigan. Samantala, ipinaliwanag ni Gng. Angeles na ang pagtulong ay boluntaryo at hindi basta pagsunod lamang. Aniya, “Hindi po tayo tumutulong para masabi lang na sumusunod sa proyekto ng rehiyon. Bagkus ito po ay bukal sa ating kalooban at isang gawain na bahagi na ng ating kultura bilang mga Pilipino. (PRINCESS DHEINIELLE M. TALENS)
BALITANG LARAWAN Pasko sa BL1, makabuluhan
WIKA KO, TATAG KO’T LAKAS. Ipinakita ng mga mag-aaral ng BL1 sa bisa ng pagsayaw at iba pang gawain ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. (JOHN CARLO ESTANISLAO)
Wikang Filipino, pinahalagahan Tanda ng pagpapahalaga sa ebolusyon ng wika at kontribusyon nito sa pagkakakilanlan, ginunita ng sambayanan ng Bayan Luma 1 E/S ang Buwan ng Wika na may temang “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino.” Iba’t ibang bilang ang inihanda ng bawat baitang tulad ng katutubong sayaw, akrostik, awiting makabayan, tula, dula, at sabayang pagbigkas. Nagkaroon din ng mga gawain sa pagsulat gaya ng pagbabaybay, pagsulat ng liham, paggawa ng anunsyo, at pagsulat ng sanaysay.
Nagsagawa rin ng padiktang pangungusap, paggawa ng islogan at poster, at pagbigkas ng tula. Ginanap ang pangwakas na gawain noong Agosto 31. “Sino pa ang magmamahal sa ating wika, kundi tayo?” hamon ni Bb. Alwyn Cuenca, guro sa Filipino.(JANELLE FLORES)
2nd Alumni Homecoming, ginanap Tinatayang nasa 200 mga alumni o nagsipagtapos sa Paaralang Elementarya ng Bayan Luma 1 ang dumalo sa ikalawang Alumni Homecoming na ginanap sa BL1ES grounds noong Dis. 29.
PAPASKO PARA SA’YO. Gamit ang kinita mula sa pangangaroling, pinagkalooban ng groceries ng mga guro ng BL1 sa pangunguna ni Gng. Lunesa A. Napoles (kaliwa) ang mga piling mahihirap na mag-aaral sa ginanap na Christmas program. (HELENA PATRICIA GUBAN)
Nagsimula ito ganap na alas-6:00 ng umaga para sa isang misa na sinundan ng parada, palaro, at kinatampukan ng mga presentasyon mula sa mga piling batch. Layunin ng naturang pagtitipon ang magkahalubilong muli ang mga magkakabatch at magkaisa tungo sa pagpapaunlad ng paaralan. Nagsilbing in-charge sa programa
ang Batch 1981-82. Ang mga sumusunod ang officers ng Bayan Luma 1 E/S Alumni Association: Jose Elmer “Emoy” Francisco, pangulo; Eric Posadas, pangalawangpangulo; Aida Camungol, kalihim; Leonisa Bautista, ingat-yaman; Engr. Aurelio Bautista, awditor; at sina Romulo Lacson, Noel Temporal, at Andrea Angeles, mga tagapayo.(IRIS JULIA PRESAS)
Gr. V, VI tumanggap ng tulong pinansyal “Sa pagtahak sa magandang kinabukasan, edukasyon ang kinakailangan. Atin itong pahalagahan.” Ito ang gintong aral na ibinahagi ni Imus Mayor Manny Maliksi bilang kinatawan ng amang si Cong. Ayong Maliksi sa 287 mag-aaral mula Baitang V at VI na tumanggap ng halagang P300.00 bawat isa noong Agosto. Bahagi ito ng proyektong educational assistance ng kongresista para sa mga mag-aaral na nasa Baitang V at VI sa 15 pampublikong paaralang
elementarya sa Distrito ng Imus I. Ani Maliksi, ang mga kabataan ang pinakamahalagang yaman ng bansa kung kaya’t dapat mabigyang prayoridad ang kanilang edukasyon. Nagpasalamat naman ang mga bata at nangakong gagamitin sa tama ang tinanggap na tulong pinansyal. (MESHEZABEL HALLOHESH BANASTA)
SALAMAT PO. Isa-isang tumanggap ng halagang P300.00 ang mga Grade 5 at 6 ng Bayan Luma 1 E/S sa pamamahagi ng tulong pinansyal ni Cong. Ayong S. Maliksi para magamit sa kanilang pag-aaral. (JOHN CARLO ESTANISLAO)
6
EDITORYAL
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
Oras ni Juan?
4Ps vs Kahirapan
O ni Juan Tamad?
I
I
SA sa programa ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) ang “Pantawid Pampamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagbibigay ng insentibo sa mga mahihirap na pamilya upang labanan ang mga problema na dulot ng kahirapan. A ng 4 Ps ay pa ra s a mg a kwalipikadong pamilya kung saan ang may mga anak na may gulang 3 hanggang 14 ay mabibigyan ng halagang P300 bawat bata para sa edukasyon at P500 para sa medical na pangangailangan kada buwan. Mabuti ang layunin ng pamahalaan dahil napangangalagaan din nito ang kalusugan ng mga ina at mga menor de edad. Sakop ng 4Ps ang regular na pagkonsulta sa doktor at libreng pagpaparehistro ng kapanganakan. Ngunit may negatibong epekto rin ito para sa ating mga kababayan. Sapagkat aasa na lamang ang marami sa benepisyong matatanggap kada buwan. Sana naman ay matuto pa ring maghanapbuhay ang bawat pamilya. Dahil kung ito lamang ang laging aasahan ay lalong hindi magsusumikap ang mga kababayan nating mahihirap. Huwag din sana nating kalimutan na ito ay pansamantala lamang. Nais lamang ng pamahalaan na makatulong sa kahirapang ating dinaranas. Gamitin natin sa wasto ang perang matatanggap. Lalo pa sanang magsumikap at matutong iataguyod ang pamilya sa abot ng makakaya.
EDITORYAL
12:30 Reading Habit, nakalimutan na?
N
akalulungkot na halatang kinalimutan nang sumunod ng marami sa ating mga mag-aaral sa 12:30 reading habit na ipinatutupad sa Paaralang Elementarya ng Bayan Luma 1. Imbes na magbasa, mas pinipili ng mga mag-aaral ang maglaro, magtakbuhan, at magpapawis bago ikalembang ang bell ilang minuto bago mag-ala-1:00 ng hapon. Layong mas mapataas ang kalidad ng pagbabasa ng mga batang mag-aaral, matatandaang ipinatupad ni Gng. Andrea A. Angeles, punongguro, ang naturang reading habit na dapat nagaganap 30 minuto bago ang kanilang klase sa hapon. Ipinatutupad ito mula sa una hanggang ika-anim na baitang. Bunsod nito, mas maaga na dapat kung kumain ng pananghalian upang maagang makapagsanay sa pagbabasa hindi lamang ng wikang Filipino kung hindi lalong higit ng wikang Ingles na sinasabing humihina na ang mga mag-aaral. Ayon kay Gng. Angeles, mas nagbabasa, mas maraming matututunan. Lalo at ma-e-expose ang mga bata sa iba’t ibang klase ng babasahin na wala sa kanilang tahanan. Mainam aniyang nabibigyan ng mahabang oras ng mga kabataan ang pagbabasa at maglibang sa kapaki-pakinabang na paraan. Tunay na hindi masama ang maglaro. Bahagi ito ng pagiging bata. Ngunit masama ang kalimutang magbasa. Isa itong yaman na madadala ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda. Sabi nga ni Pangulong Aquino, “may pag-asa sa pagbabasa o pag(b)asa.” Buhaying muli ang pagsunod sa 12:30 reading habit. Ngayon na!
PAMATNUGUTAN 2012-2013 Punong Patnugot Katulong na Patnugot Patnugot sa Balita Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Isports Dibuhista Litratista Kolumnista
: : : : : : :
LEONARD FARPARAN PRINCESS DHEINIELLE TALENS KRISTINE MAE DE JESUS ANGELICA MARIE GARCIA JOHNIEL GABUTIN KIM NICOLE IBARDALOZA JOHN CARLO ESTANISLAO HELENA PATRICIA GUBAN
: MESHEZABEL HALLOHESH BANASTA DANICA ALWHIZ JOSON MA. CESLINDE DENISE RECOMES KYLIE FEMELA DIXON
KINATUWA ng marami noong isang taon ang Juan Time, ang bagong oras Pinoy na proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) katulong ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makikita sa www.dost.gov.ph. Ngunit isang taon mula nang ipinatupad, ano na ba’ng positibong pagbabago ang naganap sa atin? Kung inyong maaalala, nilalayon ng Juan Time na i-synchronize ang relo ng bawat Filipino sa buong bansa. Ito na umano ang susundin sa lahat ng government at private offices, broadcast media gaya ng radyo at telebisyon, at nating lahat na mga Juan dela Cruz. Sa bisa nito, mas magiging tiyak ang mga galaw, monitoring sa mga kalamidad, at higit sa lahat, ang mabura ang masamang ugali ng mga Pinoy na “Filipino time” o pagsipot ng huli sa oras na itinakda. Ngunit tila kabaliktaran ang nangyayari. Marami pa ring mga kapwa ko estudyante na nahuhuli sa flag ceremony. Marami pa ring mga istasyon sa TV at radyo na magkakaiba ng oras. Maging mga empleyado ng gobyerno ay nahuhuli pa rin. Nasaan na ang sinasabing pagkakaisa sa iisang oras? Nasaan na ang pagbabago? Imbes na Juan Time ay nauuwi pa rin tayo sa pagiging Juan Tamad. Naayos nga ang oras pero hindi pa rin napaplantsa ang ating ugaling baluktot sa paggamit ng oras. Sabi sa wikang Ingles, “Time is gold.” Gintong maituturing ngunit ating sinasayang lamang. Mas gamit ang oras, mas maraming magagawa. Mas produktibo. Naniniwala ako na kayang magbago ng mga Pilipino sa tulong ng Juan Time at sa tulong mismo ng sariling motibasyon at disiplina. Kung gusto may paraan, kung ayaw, maraming dahilan.
IBA PANG MANUNULAT: Cheddy Joy Macadaeg, Iris Julia Presas, Lea Pamintuan, EJ Karlo Sicat, Kim Ayen Mendez, Rhona Margareth Legaspi, Christine Joy Camungol, Stephen Langrio, Justine Claire Manila, Janelle Flores, Punong Tagapayo Katulong na Tagapayo
: G. CHRISTIAN MESPHER A. HERNANDEZ : G. ALEXIS V. POMASIN G. GENEL F. RODRIGO
Punongguro Tagamasid Pampurok
: GNG. ANDREA A. ANGELES : GNG. DALISAY S. ESGUERRA
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Paaralang Elementarya ng Bayan Luma 1, I mus, Cavite
OPINYON
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
7
Teknolohiya, gamitin nang tama
N
Ama naming mapagmahal, bigyan ninyo po kami ng sapat na talino upang iboto ang karapat-dapat na mahalal bilang pinuno ng aming inang bansa sa eleksyon sa Mayo 2013 para magkaroon ng pagbabago ang gobyerno at umunlad ang bawat isa lalung-lalo na ang aming pinakamamahal na Pilipinas. AMEN
N
oon, makapaglaro lang sa labas ng bahay ay masaya na ang mga bata. Ngayon, mayroon ng internet shops, PSP, Wii, arcade, at iba pang malalaro. Bukod pa rito ang cellphones at iba pa. Umiikot ang buhay ngayon sa mga teknolohiyang naiimbento sa kasalukuyan at napapalitan o naa-update agad-agad. Tunay na ang teknolohiya ang isa sa nagpapaunlad ng isang bansang tulad ng Pilipinas. Sa libu-libo nga namang tao na tumatangkilik sa mga gadgets, malaki ang nakukuha nilang pera at ang tubo na kinikita mula rito. Pag-usapan natin ang cellphones, internet at CCTV. Natatandaan niyo ba ang sumikat na katagang “Amalayer”? Ano ang masasabi ninyo tungkol dito? Paano kung ikaw si Paula Jamie Salvosa o mas kilala ngayon sa bansag na Amalayer at ikaw ang ma-videohan habang nagwawala at natural ay mahusgahan ng madla matapos itong iupload sa internet? Matutuwa ka ba? Magagawa mo pa bang idepensa ang iyong sarili? Maaaring nagkamali at lumagpas sa tamang pagpapasensiya si Amalayer ngunit hindi pa rin iyon dahilan para maging biktima siya ng cyber bullying. Ang cyber bullying ay binigyangdepinisyon sa tl.wikipedia.org na “paggamit ng teknolohiyang pang-
impormasyon at pang-komunikasyon para suportahan ang sinasadya at paulit ulit na mapanirang pamamaraan ng is ang in dib id wa l o gru po u pa ng makasakit ng tao” at “kapag ginagamit ang Internet, teleponong selular at iba pa sa paghahatid ng mensahe o mga larawan na naglalayong manakit o magpahiya ng kapwa.” Sana lang ay maisip ng bawat isa na kung minsan ay sumosobra tayo sa ating mga ginagawa. Alamin natin ang ating mga limitasyon. Pag-isipan natin ang mga masasamang epekto nito sa atin. Gamitin lamang natin ito sa tama at alamin ang idudulot nito sa kapwa. Sapagkat ang teknolohiya ay ginawa para makatulong, hindi makagawa ng eksenang pag-uusapan.
Eleksyon sa mata ng mga kabataan
alalapit na naman ang panahon ng eleksyon at kapuna- puna na ang mga ginagawang pagkakampanya sa telebisyon, radio at diyaryo ng mga kandidatong nagnanais na maupo sa halalan 2013. Bilang isang simpleng estudyante na wala pang karapatang bumoto, di ko lubos maisip ang dambuhalang gastusin na inuubos ng mga kakandidato. Kung sabagay, ano nga ba ang pakialam natin? Pera naman nila yun, hindi ba? Ngunit hindi ko maiwasang magtaka at mapaisip sa kabila ng mga ito. Marami ang naghihinala na ginagamit ng mga nakaluklok sa pamahalaan ang kaban ng bayan para sa kanilang pagkakampanya. Kung gayunman, ito ay hindi katanggap-
tanggap, imoral at mali dahil ito ay pera ng sambayanan na nagbabayad ng mga buwis. Ayon sa ulat, kung pagsasama-
“Kung ang kamay mo at paa ay dadalhin ka sa kasalanan, putulin mo ito at itapon. Mas makabubuti sa ating buhay nang walang kamay at paa kaysa itapon sa impyerno nang mayroon nito.” - Mateo 18:8 Kung ang mga taong nasa palibot mo ay dadalhin ka sa masama, ngayon palang ay tumiwalag at umalis ka na, kaysa sa sumama ka pa sa kanila at maging masama.
samahin ang lahat ng ginagastos sa mga infomercials ay lalagpas ito ng isang bilyong piso. Sa halagang ito, libu-libong nagugutom na Pilipino na ang mabibigyan ng pagkain. Sa halagang ito, maraming eskuwelahan at pagamutan ang maitatayo. Sa madaling salita, sa laki ng perang ito, napakaraming bagay ang magagawa upang mapabuti ang serbisyo sa sambayanan. Kaya sana ay tuluyang nang maisabatas ang panukalang Anti-Epal bill ni Senadora Miriam Defensor Santiago. Sa panukalang b atas na ito, kailangang mag-file muna ng Certificate of Intent to Run for Public Office (CIRPO) ang isang kandidato sa Commission on Elections anim ba buwan bago ang filing ng Certificate of Candidacy. Magsisilbi din itong requirement bago pahihintulutang tumakbo ang isang kandidato sa eleksyon. Matapos makapagfile ng CIRPO, hindi na maaring lumabas sa mga telebisyon bilang mga product endorsers o bilang mga media talents, writers at iba pang mga paraan na kinukonsidera ng COMELEC bilang premature campaign. Ano kaya talaga ang meron at handang-handa silang gumastos ng napakalaki? Kasikatan ba? Kapangyarihan? O mas malaking kayamanan? Nais ba talaga ay paunlarin ang bansa o ang sarili lamang? Nakapagtataka!
Sa kinauukulan, Sumulat po ako para maliwanagan sa mga pagbabagong kaugnay ng K-12 kurikulum ng DepEd. Nais ko po sanang alamin kung anu-ano ito lalo na po ang pagko-compute ng grades ng mga anak namin na ang isa ay kabilang sa honor roll. Kami po bilang mga magulang ay bukas sa pagbabagong ipinapatupad ng DepEd. Sapat na kaalaman lang po ang aming hinihiling. Gumagalang, Magulang ng Grade VI Mahal na Magulang ng Grade VI, Kami po sa Paaralang Elementarya ng Bayan Luma I E/S ay natutuwang ang mga magulang ay nagpapakita ng interes sa edukasyon ng kanilang mga anak. Tunay pong malaki ang pagbabago sa kanilang pag-aaral na ngayon ay nadagdagan ng dalawang taon sa sekundarya bago pa sila makapagkolehiyo. Ngunit sa atin po sa elementarya, ang malaking pagbabago ay ang pagdaragdag ng Kindergarten sa basic education. Nangangahulugan po ito na bago makapag-Grade 1 ay kailangang nakatapos muna ng Kindergarten ang isang bata. Tungkol naman po sa pag-compute ng grades, may bago pong grading system na ngayong taon po ay ipatutupad pa lamang sa Grade 1. Mga letra na po ang makikita sa report card ng inyong mga anak bagama’t maaaring tingnan sa record ng guro ang numerical grade nila. Gaya ng inaasahan, A o Advanced ang pinakamataas na para sa mga 90 pataas ang grado, P o Proficient para sa 85-89, AP o Approaching Proficiency para sa 80-84, D o Developing sa 75-79, at pinakamababa ang B o Beginning na 74 pababa. Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang DepEd Order No. 31, s. 2012 sa www.deped.gov.ph. Gumagalang, Ang BL1 Bulletin Ang Pamunuan
8 B
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
OPINYON
Maging matapat tayo
ILANG mga mag-aaral, tayo ang inaasahang maging mga lider ng susunod na henerasyon. Paano mo aasahang maging isang matinong lider ang isang tao kung noong bata pa lang siya ay hindi na nahubog ang kanyang personalidad? Sinimulan nang ipatupad ng DepEd ang House Resolution 2757, ang resolusyong nanghihikayat sa Department of Education (DepEd) para magpaskil ng karatulang nagsasaad ng “Honesty is the best policy” sa loob ng mga silid-aralan sa lahat ng paaralang elementarya at sa lahat ng tanggapan ng kagawaran alinsunod sa “Daang Matuwid” ni Pangulong Aquino. Ayon kay Davao Oriental Rep. Thelma Almario, may-akda ng resolusyon, sa murang edad ay mahalagang ma-develop agad sa mga bata ang katapatan at iba pang kabutihang asal. Sang-ayon ako rito. Dito lamang sa ating paaralan ay maraming mga bata ang nagpapakita ng sablay na pag-uugali at nakapambabastos ng mga guro at kapwa nila estduyante.
Nariyan din ang insidente ng pandurugas sa mga tinda ng tray, hindi pag-amin ng pagkakamali, at iba pa. Sa bisa ng pagpapaskil ng “Honesty is the best policy,” palagiang mapaaalalahanan ang mga batang estudyante na ang pagiging matapat ay dapat ginagawa sa lahat ng oras. Sabi nga ni Mahatma Gandhi, ama ng kalayaan sa India, “To believe in something, and not to live it, is dishonest.” Kung naniniwala ka sa isang bagay pero hindi mo ito ginawa, hindi ka nagiging matapat.
Sin Tax: Tungo sa Daang Matuwid
M
AS mataas na buwis para sa alak at sigarilyo! Tagumpay na maituturing ang pagkapasa ng Sin Tax Bill sa Senado. Isa itong malaking hakbang tungo sa pagtahak ni Pangulong Benigno S. Aquino III at nating lahat sa daang matuwid. Ang Repulic Act 7171 at RA 8420 ay pinag-aralang mabuti ng mga kongresista at senador bago mapunta kay Pangulong Aquino para lagdaan. Malaking tulong ito sa DOH na maumpisahan ang kanilang laban kontra bisyo na kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan. ‘Ika nga sa wikang Ingles, “hitting two birds in one stone” ang pamahalaan dahil maliban sa mabuti ang nasabing batas sa kalusugan ay madaragdagan din nito ang kabang bayan ng bansa. Maging ang mga mahal nating tatay, lolo, kuya at iba pang naninigarilyo sa pamilya ay dadaan sa malaking pagbabago. Magagamit din ang karagdagang kita sa modernisasyon ng mga ospital at
A
iba pang health facilities, pagpapalawig ng kanilang programa sa ilalim ng kalusugang pangkalahatan at para sa expansion din ng serbisyo ng Philhealth. Inaasahang kikita ang pamahalaan ng hanggang sa Php40 bilyon sa unang taon. Nawa ay maambunan tayong mga mag-aaral sa kikitaing ito ng pamahalaaan. Kagaya na lamang ng sapat na bilang ng mga upuan, silid-aralan, silya, mga libro, mga pentel pen, at iba pang gamit pang-eskwela.
‘YAN ANG BATANG PINOY
S
No to mining sa Palawan, patuloy na suportahan
A WAKAS ay sumuporta na ang pamahalaan sa pagpapatigil ng pagmimina sa Palawan. Ipinag-utos ni Pangulong Benigno S. Aquino III kay Environment Sec. Ramon Paje na wala na munang i-isyu na mining permit, alinsunod sa nilagdaan niyang Executive Order No. 79 noong Hulyo 6, kung saan 78 tourism sites ang idineklarang “nogo” zone. Bag kus, m as hig pitan ang pagpapatupad ng Republic Act No. 7611, o guide for mining and other industries. Ngunit sa lahat ng ito, Palawan lamang ang may aksyong pagpapatigil ang pangulo. Ipinakahuhulugang dahil ito sa pet isyong maba basa s a http :// no2 mining inpal awan.c om na sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit 7 milyong lagda mula sa target na 10 milyon. Matatandaaang noong isang taon ay nagsimulang i-petisyon ang pagmimina sa lalawigang nagkakanlong sa isa sa tinanghal na “new seven wonders of nature,” ang Puerto Princesa Underground River o PPUR kasama ang Halong Bay ng Vietnam, Iguazu Falls ng Argentina, Jeju Island ng South Korea, Komodo ng Indonesia, Table Mountain ng South Africa, at ang Amazon River sa South America.
Ang Palawan ay isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas. Itinuturing itong isang paraiso. Ngunit dahil sa sobrang pagmimina at kapabayaan ng mga tao, unti-unting nasisira ang kalikasan. Nakalulungkot na napipinsala ang kapaligiran at hindi lang dapat sa Palawan itigil ang pagkasira ng kalikasan kundi sa iba pang pangunahing biodiversity areas sa bansa. Bilang isang Pilipinong nagsasabing siya ay maka-Diyos, maka-kalikasan, maka-tao, at maka-bansa, marapat lang na pagyamanin natin at huwag sirain ang mga likas na yaman. Sino pa ba ang mangangalaga dito at magkakalinga, kung hindi tayo?
Makabuluhang programa kung maaari
lam naman po nating lahat na maraming mga palabas sa telebisyon tuwing gabi na nagpapakita ng awayan sa pamilya, sigawan, gantihan, romansa, at iba pa. Nariyan ang Ch. 2, 5, at 7, ang mga pangunahing networks. Patok sa mga manonood ang inyong mga palabas na teleserye kung kaya’t naiintindihan namin kung bakit mas marami ang mga ganitong uri ng programa sa gabi. Ngunit ipinapaalam po namin na kaming mga kabataan ay tuwing alas-5:00 ng hapon pagabi lamang po nabibigyan ng pagkakataong makapanood ng telebisyon. Saglit din lamang dahil kinakailangan naming matulong ng maaga kung kaya’t hangad namin ang mga programang makabuluhan, kapupulutan ng aral, at mga tipong ‘educational.’ Wika nga ni DepEd Sec. Armin Luistro, mas maganda umanong i-promote
ang ‘child-friendly television programming’ sa bansa upang makadagdag sa karunungan na dapat naming matutunan. Kami man ay natutuwa sa mga programang inyong ipinalalabas. Ngunit batid naming hindi ito ang mga nararapat na programa para sa amin. Nakalulungkot na kung minsan, ang mga dekalibreng palabas ay malayo sa oras na maaari kaming manood. Nawa ang aming kahilingan ay inyong mapagbigyan. -Mga batang manunulat ng Ang BL1 Bulletin
OPINYON
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
9
Pinoy ang ‘Pinaka’
M
AY tatalo pa ba sa Pinoy pagdating sa pagiging “pinaka”? Bagama’t ang Pilipinas ay nasa kategoryang “third-world country” o mahirap na bansa, lumalabas pa rin ang ating mga likas na katangian na batay sa mga sarbey ay pasok sa mga “pinaka.” Noong Nobyembre, nanguna ang mga Pilipino bilang pinaka-emosyunal (60 percent) sa buong mundo batay sa sarbey ng U.S. Pollster Gallup sa 140 bansa. Pumangalawa ang El Salvador (57 percent) at pangatlo ang Bahrain (56 percent). Gumamit dito ng mga tanong gaya ng: Nakapagpahinga ka ba ng maayos? Ikaw ba ay tinrato nang may paggalang? Nakaranas ka ba ng kasiyahan, pisikal na sakit, pagaalala, kalungkutan, pagod at galit? Tunay na emosyunal ang mga Pilipino at maawain din. Mapa-batang
M
tulad natin o kaya ang ating mga magulang ay magkakapareho halos pagdating sa usaping awa. Samantala, ang isa sa pinakamayamang bansa na Singapore ang tinanghal na “world’s most emotionless society” kasunod ng Georgia, Lithuania
at Russia. Nangangahulugan ito na hindi lamang pera ang basehan ng kasiyahan ng mga tao. Maraming bagay ang nakaaapekto sa kaligayahan. At sa mga Pilipino, may pera man o wala, ang ating pagiging emosyunal ay nananatili. Bukod sa pagiging emosyunal, tinanghal ding isa ang mga Pilipino sa pinakamapagbigay na tao sa buong mundo, ayon sa pag-aaral ng UK-based Charities Aid Foundation (CAF). Bagama’t nagiging ‘less generous’ na umano ang mundo ay pumasok pa rin ang Pilipinas sa Top 5 countries na nagbibigay ng panahon para tulong sa mga nangangailangan, partikular ang pagboboluntaryo. Iyan ang Pinoy!
Child labor, wakasan
ARAMI ang masaya kapag dumarating na si “ber” – ang huling apat na buwan ng taon - Setyembre, Oktubre, Nobyembre at ang pinakahihintay na Disyembre. Nararamdaman na kasi ang simoy ng Kapaskuhan na siya namang pinakaaasam ng maraming bata. Alam nila, sa kabila ng kahirapan, mabibigyan pa rin sila ng bagong damit, sapatos, laruan at patitikimin ng medyo masasarap na pagkain ng kanilang mga magulang. Masuwerte tayo na nasa paaralan at nag-aaral. Ngunit batid ba natin na marami rin ang bilang ng mga kabataang hindi madama ang sayang hatid ng mga buwan ng “ber?” Sila ang mga menor-de-edad na nasasadlak sa “slave labor” dahil sa matinding kahirapan. Sa mga buwang ito, dapat na natin silang alalahanin. Noong Hulyo, sinabi ng Department
of Labor and Employment (DOLE), umakyat na raw sa 5.49 milyon ang child workers sa Pilipinas. Ang kanilang edad: lima hanggang 17-anyos. Sa numerong ito, 55.1% o 3.02 milyon ang itinala sa kategoryang ‘child labor’ habang 2.99 milyon naman ang nakabilad sa ‘hazardous’ na porma ng
child labor. Ang “child labor” ay pagsasamantala sa kahirapan ng iba. Ang mga batang ito’y nagtratrabaho sa ilalim ng mga sitwasyon at kundisyon na di-makatao at labag sa batas. Dito, sila’y tila mga alipin na halos di makapahinga, kulang sa nutrisyon at pinagkakaitan ng mga karapatan at kalayaang itinatakda ng batas. Sila ang mga kabataang hinuhubaran ng dignidad at nakatitikim ng kalupitang dulot ng pagkagahaman ng kanilang kapwa sa pera. Kung may nalalaman tayong sitwasyon ng “exploitation” ng mga menor-de-edad, mga batang pinagtratrabaho at inaabuso, agad itong isangguni sa mga awtoridad upang maaksyunan. Iligtas natin ang kinabukasan ng mga kabataang inaalipin. Ito ang pinakamagandang regalo para sa kanila.
Cutting classes, sugpuin
B
AKIT nga ba nagka-cutting classes ang mga estudyante? Marahil ay hindi sila interesado sa pag-aaral o di kaya ay nababagot na sila sa paulit-ulit na leksyon ng guro. Iyan ang madalas na dahilan ng mga estudyanteng katulad ko. Marami na akong nakikitang estudyante na nagka-cutting at dumidiretso sa Internet shop. Dapat ipatupad nang istrikto ng pamahalaan ang pagbabawal sa mga estudyante na pumunta sa mga ganitong lugar kasama na ang mga shopping malls sa oras ng klase. Sa pag-obserba ko, may mga nakapaskil namang mga “Bawal ang estudyante sa oras ng klase” ngunit ito ay nagsisilbing palamuti lamang dahil hindi ito iniintindi ng mga batang hayok sa paglalaro ng computer online games. Dapat sigurong mga magulang na
mismo natin ang maghatid at sundo sa atin para maiwasan na ang sadyang pagliban sa klase. Kung maaari nga lang sana ipasara ang mga computer shop sa oras ng klase at buksan na lamang ito kapag uwian na, tiyak na matitigil ang cutting classes.
Kung nag-aaral silang mabuti para maipagmalaki ng mga magulang ay matutuwa pa sa kanila ang marami. Kulang pa ba ang mga nasa anim na Civil Security Unit o CSU na bigay ng lokal na pamahalaan sa mga paaralan para magawa pa ring makatakas ng mga estudyanteng pasaway? Sana wala ng mag-aaral na magcutting at mamulat na sila sa kanilang maling ginagawa. Balang araw ay mapagtatanto nila kung bakit mahalaga ang pag-aaral. Sabi nga ni Gat Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ang sabi ko naman, “Ang kabataang matino at gumagawa ngayon hanggang pagtanda ang tunay na sasagip sa ating bayan.”
May pag-asa na sa PAGASA
S
ARIWA pa sa ating isipan ang pananalasa noong 2009 ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Maraming buhay ang nasawi at bilyun-bilyong piso ang naging pinsala sa agrikultura at imprastraktura. Laman ng balita sa telebisyon, sa radyo, at maging sa internet ang larawan ng takot, pagkalito, pagkabigla, at kawalang kahandaan na nagresulta sa libulibong buhay na nakitil at libu-libo ring ari-arian na nauwi sa wala. Tatlong taon mula noon, tapos na umano ang panahon ng pangangapa at pagkalito, ayon sa pamahalaan. Ito ay matapos ilunsad at magpakita ng tagumpay ngayong taon ang pinagtulungang proyekto ng Department of Science and Technology, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at iba pang ahensya na tinawag na Project NOAH o Nationwide Operational Assessment of Hazards. Layon ng Project NOAH na mabigyan ng warning ang mga komunidad anim na oras bago ang sakuna, ayon kay Director Raymund Liboro ng DOST. Gamit ang naturang weather monitoring system na binubuo ng pawang hitech at mga makabagong kagamitan, mababatid ng publiko ang kundisyon ng panahon at matutukoy ang mga lugar at lansangan na posibleng bahain. Dahil dito, makaiiwas ang mga tao sa tiyak na kapahamakan at makabubuo agad ng desisyon upang makaiwas sa nakaambang sakuna o disgrasya sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Bisitahin lamang ang http:// noah.dost.gov.ph/ para makita ang posibilidad ng pag-ulan saan mang lugar sa bansa. Mayroon din itong mga flood maps, rain gauges, at iba pang tools sa ulat panahon. Maging United Nations ay natutuwa sa programang ito ng pamahalaan. Dahil umano sa Project NOAH, mababawasan na ang trahedya mula sa natural na kalamidad at mas mapapalakas pa ang ekonomiya ng bansa bunsod ng papasok na pamumuhunan. Maniwala ka, hindi tayo nananaginip ng gising. May pag-asa na sa PAGASA.
10
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
Danica Alwhiz Joson
Isang malaking karangalan para sa mga Pilipino, sa mga Caviteño, lalong higit sa mga Imuseño ang magkaroon ng isang mamamayan sa katauhan ni Chito Cardinal Tagle. Itinalaga ni Pope Benedict XVI ang kakaupo lang na si Manila Archbishop Luis Antonio Tagle bilang bagong Cardinal ng Simbahan na may kaakibat na responsibilidad ng pagtulong sa pagpili sa susunod na Santo Papa o kinatawan ng conclave upang patatagin ang prinsipyo at pundasyon ng pagkakaisa at communion ng Simbahang Katoliko. Siya ang ikapitong Cardinal na mula sa Pilipinas na kinabibilangan nina retired Archbishops Gaudencio Cardinal Rosales, 80, at Ricardo Cardinal Vidal, 81, ng Cebu, mga namayapang sina Rufino Cardinal Santos, Julio Cardinal Rosales, Jaime Cardinal Sin at Jose Cardinal Sanchez. Sa edad na 55, si Archbishop Tagle ang pinakabatang cardinal sa mundo. Ipinanganak si Cardinal Tagle sa Maynila noong Hunyo 21, 1957 mula sa taal na Caviteñong si Manuel Topacio Tagle, Sr. at Milagros Gokim at binaw tis muhan noong Hulyo 21 ng parehong taon sa Katedral ng Imus. Nag-aral siy a s a St. Andrew’s School sa Parañaque mula elementarya hanggang hayskul at nagtapos ng Philosophy at Theology sa San Jose Major Seminary ng Ateneo De Manila. Inordinahan siyang pari noong Pebrero 27, 1982, sa edad na 25. Nagtapos siya ng Doctorate in Sacred Theology sa Catholic University of America sa Washington D.C. Mabuhay ka Cardinal Chito! Kaisa mo kami sa iyong laban.
Johniel Gabutin
Bihira na ngayon sa mga kabataan ang hindi nahihilig sa barkada o nauubos ang oras sa paglalaro. Malaki ang ambag na dahilan ng kanilang karanasan sa kanilang galaw. Kung minsan, mas maaga mong maranasan ang hirap, mas maaga kang mamumulat sa reyalidad ng mundo at sa tatahaking landas. Ito ang kuwento ng batang nagsimula ng pagbabago hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa mga kapwa niya batang lansangan. Sa edad na 13, marami nang natulungan ang “istokwa” dahil nakaranas ng pang-aabuso na si Kesz Valdez. Binuo niya ang grupong C3 o “Championing Community Children” kung saan ang mga miyembro ay mga kapwa niya rin bata. At hindi ito fraternity. Isa itong lehitimong grupo na layong makatulong sa mga kapwa nila bata. Tuwing Sabado, pumupunta si Kesz at kanyang mga kasamahan sa isang komunidad sa Cavite City para magsagawa ng isang outreach program kung saan itinuturo nila ang kahalagahan ng nutrisyon, kalinisan sa katawan at karapatan ng bawat bata mula apat na taong gulang pataas. Matindi talaga ang nagagawa ng pinagmulan. Ito ang naging inspirasyon ni Kesz sa kanyang adbokasya. Naranasan niya kasi kung paano maging isang palaboy sa kalye at mangalakal ng basura. Isang araw, naaksidente si Kesz at nasunog ang braso. Ito ang naging mitsa ng matinding pananalig niya sa Diyos at ipinangako sa sariling balang araw ay mababago rin ang kanyang buhay. Sa tulong ng grupong “Club 8586,” nabago ang kapalaran ni Kesz. Ang dating natulungan ang siya naman ngayong tumutulong. Buong pusong nagbahagi ng kaalaman, pag-asa, pagbabago at inspirasyon si Kesz sa ibang bata. Bunsod nito, hindi man niya hangad, pinagpalang lalo si Kesz nang mapagwagian ang “International Children’s Peace Prize” o “Nobel Peace Prize” ng mga kabataan sa The Netherlands noong Set. 19 na may kalakip na 100,000-euro cash prize. Inialay niya ang nakuhang pagkilala sa tagapag-alagang si Harnin Manalaysay na siyang nagpalaki at nagsilbi niyang tatay. Tunay na kampeon ng kabataan si Kesz. Pinatunayan niyang hindi basehan ang edad para magbigay inspirasyon sa iba. Sa pawat pagdapa, kayang bumangon kung kakayanin. At hindi lamang sarili ang minamahal, kundi maging ang kapwa. At isa pang aral, tumanaw ng utang na loob.
ti Kr is
ae ne M
12 ko 20 demi buso a k a ng -aa ng tao a pang ng m imula ban sa mg ng grupo a s i s g Sa pa g-aaral la gtulungan aigdigang y pand a ma kikipa bata a ng mg lines sa pa alan, mg a , “Bawat r e o a d r a i t Gu ad ong p c. Luis tuldu e b at ma ng u at pri yon kay S .” n a h a a b A gtrato maobser g, at iba p alan a ng pa r in abuso polisiya n on, bull y bawat paa on na ng sy sy ng a a a n n k o t i u y a a d m p “L , diskri lahat ng e a da an loob dito n sa malaya o mul a sa ng n s a h a kar Nakapa rapatan otektad agsusulo ay pr ay m ng ka aaral mga bata a paaralan g a rpor m Ang ang mg n g co g a w a t a a N agp ng m n indi p alan g to bata; Ang ha dapat ig pagmama k t a o N g y l n mag i u-bul pamb Dapat ang kama s a a pil t mapa ang pagsu da at Na L C
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
syon rotek ang p olicy and n o i t uca tection P publiko of Ed o ment Child Pr g mga pam es us t J r a e p e n g n n D e D a s g kn ataw laba pangti niya a pagpapa r, mga kin dvocates. tas at ma , 3 1 0 a a s o 2-2 ahasan ekt tect ion hindi p on, ong s ytasy at kar ro, pribad child pro n mul a sa g u eksplo o n g y , a s e a p s u g t a u m ti ib a d ab Kons ya at ng mg a chil ahens ektado ng oon a bag s r a a l k g g t a a tm na p n. y pro il i; kilos to at a a sa s ar mang sa paaral sa pagkatu u n a ansa ina sa mga g y o i r n s a p a u g b kum didisipl ukan pa ng-aa -ayang lu g s ang uri ng ging kaaya g takot; a mapataa itibong pa lina; s n a r o a d m p p i y idisip mula sa o h o a d a s n g b u a a s b g p aa ha an ng lalo na a wal i ng pang- alang kara n bi l a a r aarala kaes kwel p a t ng u okasyang w ayong s a a t g a b aglal lina, m b n g d g n a a n a n a g n um g kanil an isip aaral n s a si n agdid pamp sitibong p ment karapatan gipit; h g s i n i n a t ral pu aaral ang o panggi mga gaw a anak, po e icy; a mag - r pressur gulang sa nilang mg n Pol tion o i t c c a a te ee Prote n at p ng mga m patan ng k ld Pro a g Chi ng Ch ild n a a tibo a nila sa kar t isi gkaroo n er a mga b alayan llying; d Ord m sa dapat m a l a u a DepE b y a g ip sa n a n a a m l ing ara apin ov.ph. , han ap at dng mga pa ). aman w.deped.g l t a C a a P h k w La ittee ( C buong 2 sa w sa m Para 40, s. 201 Co m N o.
Legaspi Rhona Margaret h
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
11
Angelica Marie Garcia
Sino ba si Ped ro Calu ngso d? Kilalanin siya sa bisa ng isang timeline. 1654. Ipinanganak si Pedro Calungso ang mga maaaring lugar ng kanyang kapa d sa Visayas. Base sa mga dokumento, ito nganakan: Ginatilan at Tuburan sa Cebu ; Loboc sa Bohol; at Leon sa Iloilo. Hunyo 16, 1668. Isang misyon ng mga Hesw ita sa pang ungu na ni Fr. Diego Luis de San Vitores ang dumating sa Ladrones Islands, o Marianas Islands, na bahagi Diyosesis ng Cebu. Kabilang dito ang 30 ng Filipino laymen at ang batang si Calungsod , na isa sa mga boluntaryo at katekista. Sa pagtatapos ng kanilang misyon, 13,00 0 katutubo ang kanilang nabawtismuhan. April 2, 1672. Namatay si Calungsod mga umat akeng katutubo. Nangyari ito habang ipinagtatanggol si San Vitores sa matapos magalit ang mga katut ubo nang malamang binawtismuhan ni San Vitor es ang anak ng lider ng katutubo nang wala paalam. ng Isang sibat ang tumusok sa dibdib ni Calu ngso d at isang machete ang humati sa kanyang bungo na kanyang ikinamatay. Ang itinali sa mabigat na bato bago itinapon katawan niya, gaya ng kay San Vitores, ay sa dagat. Marso 5, 2000. Si Calungsod ay tinanghal ni Pope John Paul II sa Roma na beato (“pinagpala” o “mapalad”) ng Santa Igles ia Romana Katolika. Aniya, dapat magsilbing halimbawa sa mga kabataan ang pagka-martir ni Calungsod na hindi naging hadlang ang kabataan para sundin ang tawag ng Pang inoon. Mar. 26, 2003. Naganap ang unang milag ro na dahil umano kay Calungso Isang babaeng negosyante ang di uman o’y nabuhay pagkatapos mamatay ng dahil d. sa sakit na stroke at comatose. Ang dokt or mismo ang nanalangin umano kay Bless Pedro para masagip ang buhay ng pasye ed nte. Apat na oras ang lumi pas at buma lik sa kamalayan ang naturang babae. Okt. 21, 2012. Ipinaalam ng Santo Papa ang kanya ng pasyang pagtalaga ng mga bagong Santo kasali na dito si Pedro Calu ngsod.
Marahil ay kakaunti na lamang ang hindi pa nakakakilala kay Kabang, ang bayaning “Aspin” (Pinoy na aso na may pinaghalong lahi) mula sa Zamboanga City na pagmamay-ari ng pamilya Bunggal. Iniligtas ni Kabang sa tiyak na kapahamakan ang magpinsang Dina Bunggal, 11 at Princess Diansing, 3 na noon ay tumatawid sa kalye nang biglang may dumating na matuling motorsiklo. Tila action movie ang sumunod na eksena nang sagipin ni Kabang ang dalawang bata sa pamamagitan ng pagtakbo sa harap ng motorsiklo. Dahil sa matinding gulat, natumba ang mga bata ngunit hindi sila napahamak habang si Kabang, sa kasamaang palad, ang nasagasaan ng motorsiklo. Nang matanggal sa pagkaipit sa gulong, duguan ang bayaning aso at mabilis na tumakbo palayo. Hindi nagpakita sa pamilya Bunggal si Kabang sa loob ng dalawang linggo at nang bumalik ay iba na ang anyo kung saan wala na ang taas na bahagi ng kanyang nguso. Itinuring ng pamilya hindi lamang bilang isang bayani kundi maging isang bestfriend at kapamilya si Kabang. Simbilis ng kuryente ang pagkalat ng balita ng kanyang kabayanihan na umabot hanggang sa Amerika at iba pang bahagi ng mundo. Mahal na mahal pa din ng pamilya Bunggal si Kabang kahit hindi na kanais-nais ang anyo nito. Kasalukuyan ngayong sumasailalim sa gamutan at chemotherapy sa New York si ang bayaning aso at inaasahang makakauwi sa Mayo. Kabilang sa mga parangal kay Kabang ang “everyday hero” ng American Red Cross sa Davis County sa California at napabilang siya sa top ten most heroic dogs ng 2012. Kung iisipin, dinaig pa ni Kabang ang mga taong may kakayahan namang tumulong ngunit patuloy lamang sa pagkikibit ng balikat kahit may nangangailangan. Ikaw, isa ka bang asong bahag ang buntot? O kaya mong maging bayani tulad ni Kabang?
12
Tomo TomoIIIIIIBlg. Blg. 11 Hunyo Hunyo2012 2012- -Enero Enero2013 2013
LLATHALAIN ATHALAIN
Opo, may sariling Gangnam style ang mga Pinoy! Halaw mula sa Gangnam ng Korea ngunit nilapatan ng orihinal na liriko. Ito ang “Opo Pinoy Style” na isang parodyang video ni Mikey Bustos kasama ang babae sa Amalayer na si Paula Jamie Salvosa. Kung ang Gangnam ay tungkol sa mga sosyal na problema ng K-pop star na si Psy, ang “Opo Pinoy Style” ay pagpapakita naman ng mga aral at kulturang Pilipino habang si Bustos na isang Fil-Canadian ay nakabarong at nagga-Gangnam sa Luneta, taas ng dyip, at iba pang lugar habang ang liriko ay gaya ng “Blessing to the elderly, I mano to the lola; but now my forehead smells like ginger because she cook tinola.” Ipinakita rin dito ang pamosong balot at pagsakay sa kalesa. Sa isang bahagi ng video, makikitang kasama ni Bustos ang mga naka-Filipiniana na kabataan habang nagti-tinikling gamit ang mga mahahabang kawayan. Si Bustos ay isang musikerong komedyante na naging finalist sa Canadian Idol noong 2003. Una siyang nakilala sa mga homemade YouTube tutorial niya tungkol sa pagiging isang Pilipino na umani ng libu-libong views sa naturang video sharing website. Ang “Opo Pinoy Style” ay nagkaroon agad ng 43,000 views sa YouTube sa unang 24 oras mula nang i-upload ito. “As ambassador of Filipinos online, I wanted to create a song that showed the world what makes us Pinoy. I wanted to rewrite a version (of “Gangnam Style”) that people could understand,” ani Bustos.
Ang pelikulang “Like Stars on Earth” ng India ay tungkol sa walong-taong gulang na lalaki na laging napapasok sa gulo. Isa siyang mapag-isang bata na mas pinipili pang makipaglaro sa mga aso kaysa mga kapwa niya bata sa komunidad. Mas gusto pa niyang managinip kaysa pumasok sa eskwela. Kakaiba si Ishaan Avasti sa kanyang mga kaklase. Bukod sa hindi siya marunong makihalubilo, mababa rin ang kanyang mga marka sa lahat ng asignatura. Bali-baliktad ang kanyang sulat. Puro bilog lamang. Hindi makapag-add, subtract, multiply at divide. Dahil dito, nalulungkot na at may halong inis ang mga magulang niya at guro sa galaw ni Ishaan na dahil umano sa kakulitan nito at kawalan ng disiplina. Itinapon siya sa isang malayong boarding school at doon siya nadiskubre ng art teacher na si Ram Shankar Nikhumb na agad nahalata ang problema ng bata at siyang humalukay ng records nito gaya ng notebook at mga exam. May sakit si Ishaan at kailangang maliwanagan ang mga tao sa paligid niya. Ito ang misyon ni Nikhumb. Masasagip pa kaya niya si Ishaan mula sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili? Panoorin ninyo nang buo ang pelikula nang mamulat sa ganda at aral nito. Tandaan: Maaaring ang batang makulit ay hindi lamang naiintindihan. Bigyan siya ng pagkakataong mahanap at malinang ang kanyang mga kakayahan.
Si Licerio Cuenca Topacio (Agosto 27, 1839-Abril19, 1925) ay isang rebolusyonaryong lider at bayan i mula sa Imus, Cavite. Anak siya nina Miguel Topacio, isang gobernadorcillo, at Marta Cuenca.
Ito ay tungkol sa isang caterpillar o higad na nagngangalang Stripe. Hangad niya ay masaksihan kung ano talaga ang mundo. Sa kanyang paglalakbay, nadiskubre niya ang mataas na tumpok ng mga higad na umaakyat sa taas ng isa’t isa para lamang marating ang tuktok na hindi naman nakikita at natatakpan ng ulap. Hindi alam ni Stripe kung ano nga ba ang mayroon sa itaas at kung bakit nila ito inaakyat. Ganoon din ang pakiramdam ng iba pang umaakyat. Ngunit hindi nagpapigil si Stripe at nagsimula na ring makiakyat. Habang tumatapak sa iba at umiiwas na matapakan, doon niya nakilala si Yellow na kanyang nakakuwentuhan at nakapalagayang loob. Sabay nilang inakyat ang tumpok at nakaranas ng mga suliranin hanggang sa madiskubre nilang sila pala ay nakatadhang lumipad. Ang librong ito ay isinulat na pambata ngunit nagtataglay ng mga aral na angkop din sa mga matatanda. Ipinaaalala ng aklat na tayo ay higit pa sa inaakala natin. Ang mga kaya nating gawin ay mahihigitan pa natin kung tayo lamang ay maniniwala at hindi gagawa ng ikapapahamak ng iba. Ano pa ang hinihintay mo? Tumungo ka na sa pinakamalapit na bookstore at hanapin na ang aklat na ito. Tinitiyak kong uulit-ulitin mo ang pagbabasa at babalik-balikan ang aral na mapupulot sa librong mapagsasalaminan ng reyalidad ng buhay.
Isa si Topacio sa mga unang Caviteño na sumali sa Katipunan. Isa rin siya sa mga unang Katipunero na humi mok kay Andres Bonifacio na ituloy na ang rebolusyon kontra Espa nya para wakasan na ang mga pang-aabuso ng mga opisyal na Kastila. Si Topacio ang orihinal na inalok ng posisyong pangulo ng pamahalaang rebolusyonaryo at munt ik na sanang makaharap ng Supremo sa isang eleksyon ngunit imbe s na tanggapin ito ay buong pusong inihalal ng noon ay 58-taong gulang na si Licerio ang kalalawigang batang heneral na si Emil io Aguinaldo sa Kumbensyon sa Imus noong 1897. Mula noon, si Topacio ang naging tagap ayo ni Aguinaldo, parti kular sa mga pagdedesisyon, at itinuturing na tanging kasamahan ni Aguinaldo na nakakapag palakas ng kanyang loob. Makailang ulit na pinalakas ni Topacio ang loob ni Aguinaldo lalo na sa pagsulong ng pakikidigma kontr a mga Espanyol. Bunsod ng kanyang serbisyo at merito sa pakikidigma, gayundin ang matinding katapangan at buong loob, ginawa siyang ministro de formento noong panahon ng pamahalaa ng rebolusyonaryo at naging responsable sa pagpapalakas ng tulay ng Zapote na nakilala sa kasaysayan sa Labanan sa Zapote noon g Pebrero 1897. Matapos ang labanang Pilipino-Amerikano , dalawang ulit siyang naging pangulo municipal ng Imus bago namatay sa edad na 86. Isinunod sa kanyang pangalan ang plaza municipal ng Imus. Siya ang ating nag-iisang Licerio Topacio, dugong Imuseño, dangal ng Cavite.
LATHALAIN
Tomo TomoIIIIIIBlg. Blg.1 1 Hunyo Hunyo2012 2012- -Enero Enero2013 2013
13
Halos lahat marahil ng nakapanood ng pageant night ng Ms. Universe 2012 ay napabilib sa sagot ng ating kandidatang si Janine Marie Tugonon. Sa tanong na “As a global ambassador, do you think speaking English should be a prerequisite to being Miss Universe?” sinagot ito ng ating Ms. Universe ng “Being Ms. Universe is not just about knowing how to speak a specific language. It’s about being able to influence and inspire other people.” Hindi pa man natatapos sumagot ay nagpalakpakan na ang mga manonood bago naidugtong ni Janine ang sagot pang “If you have a heart to serve and a strong mind to show people, then you can be Miss Universe. Walang kakakaba-kaba ang ating 23-anyos na kandidata sa kumpetisyong nilahukan ng 89 na naggagandahang mga kandidata na kumatawan sa kani-kanilang bansa. Ipinakita ni Janine, isang license pharmacist at cum laude ng UST, na kayang-kaya ng isang Pilipinang makipagsabayan sa labanan ng ganda, puso, talino, at lakas ng loob. Bukod sa kanyang matalinong sagot, sumikat din ang kanyang Cobra walk na nagpapakita ng kumbinasyon ng lakas at ganda habang naglalakad. Bagama’t hindi tinanghal na Ms. Universe si Janine na ikinatunaw ng Noong unang panahon, mayroong isang lobo na puso ng marami, sa ating mga puso’t naninirahan sa gubat kasama ng ibang mga hayop. Hinahangaan isipan, siya ang tunay na Ms. U. siya dahil sa angking karunungan. Isang araw, habang namamasyal sa kagubatan, nakita siya ng isang mabangis na tigre at dali-daling hinuli. Papatayin na sana siya ng tigre upang Hindi napapansin ng marami na sila lagin g kainin bilang hapunan nang bigla siyang nagsalita at tumutol. ay nabu buha y at nasa sana y ng hind i kulang sa tulog . Isa itong isyu na “Huwag mo akong saktan! Ayaw maniwala ng oon mga iyon at lumisan nang takut na takot. mas yadong nabibigy ang pansin. Mayr ang Huwag mo akong kainin!” ang sabi tigre. “Sa pagkakaalam ko, ang leon ang na unay apat pagp maka ang ensy ebid ng Laking paghanga ng tigre sa lobo. dapat ng lobo. tinaguriang hari ng mga halimaw sa buong pagkakaroon ng sapat na Zzzzzz’s ang “Totoo nga pala ang iyong sinabi! “At bakit naman?” tanong kagubatan!” wika ng tigre. d. orida pray man guna sa iyon g Dapat ka ngang katakutan!” at al atag m ng ng tigre. “Kung gayon” ang sabi ng lobo, 1. Mas mab ubu hay Dali-daling tumakbo ang tigre ang ulog pagt ng nan “Sapagkat ako ay dapat “sumama ka sa’kin at patutunayan ko!” laba Nala . gaya mali palayo. Hindi niya alam, sa kanya totoong an, kapag mong katakutan! Hindi mo ba Sumama ang tigre sa lobo. Lumakad pagkakaro on ng sakit. Ang katotohan natakot ang mga hayop at hindi sa lobo. mas para log pagtu ang ng alam na ako ang itinuturing na sila nang magkasabay sa isang may sakit, nakatutulo oras na hari at pantas ng mga halimaw? bahagi ng kagubatan kung saan umepekto ang gamot. Mas mara ming o. naitulog, mas maha ba ang buhay sa mund ang Kapag ako’y iyong kinain, may mga iba’t ibang uri ng 2. Mag anda ang hitsu ra, mag anda magagalit sa iyo ang Diyos na hayop. Nang makita at lago luma , tulog natu g paki ramd am. Kapa naglalang sa akin at parurusahan sila ng mga hayop na para gan ailan nabubuha y ang hormones na kinak ka niya!” naruroon, dali-dali .’ ‘fresh at os maay ng ukha magm mas nang nagtatakbo ang ss.’ ‘stre ang s bawa l dahi ya masa 3. Mas sa pit mala mas ay tulog ng Ang mga taong wala insomnia. depre syon at maaa ring magkaroon ng tutuw a. naka hindi at nito aroon magk ang di Matin ya. masa mas Isang malungkot na bata at ha, tulog oong mayr Kapag mas los ulila na dahil nasa ibang bansa ang mga 4. Mas maay os na pag- iisip. Isang pagmagulang at tanging nakatatandang kapatid walang aaral ang nagpapakitang ang mga taong ang tumatayong ama’t ina. Siya si Ashley. akaro on sila ng patNagk . clock body ang tulog ay nasisira Nakapagpadala na ng package ang ama ni Dahil dito, nagig ing tern ng puyat at bangong tanghali na. Ashley na napakabata pa para maramdaman ang te. malilimutin sila at hirap makapag- concentra lagi kang puyat, mas malaki ang posibilidad pagiging ulila sa mga magulang. Isang 5. Nakababawas ng timbang. Kapag Kapag ikaw ay gising, ang hanap mo ay pagkain. makalumang teleskopyo ang nasa loob nito. Hindi ng pagtaba. lubos maisip ni Ashley kung bakit teleskopyo Kaya matu log ka nang maaga. ang napiling ibigay sa kanya ng kanyang ama. Pagsilip mula sa ikalawang palapag, “Powers! Nakikita ko mula rito ang mommy at daddy!” Nabighani si Ashley. Hindi niya mawari kung bakit may powers ang lumang teleskopyo sa package. Gamit ito, nakita niya ang mommy niya na masayang nakikipag-kuwentuhan at umiinom naman ang daddy niya. Nagtampo si Ashley at inisip na hindi sila mahal elica Marie Garcia Ang ni ino Filip sa (Sinalin ng kanilang mga magulang. Ngunit hindi nila alam na ’s Digest 2008) der Rea sa la mu go han nasasaktan ang mga ito ngunit ‘di pwedeng ipakita dahil ginagawa nila iyon para sa kinabukasan ng mga anak. Nais iparating ng kuwentong ito sa Wansapanataym na huwag muna tayong magdamdam o magtampo sa ating mga dakilang magulang dahil walang ina o ama na nawala sa isipan ni minsan ang kabutihan at kinabukasan ng kanilang mga anak.
14
AGHAM
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
Batang BL1, lumahok sa Handwashing Day Nakiisa ang mga batang BL1 sa isinagawang Global Handwashing Day o GHD nn oong Okt. 15 na isinagawa rin sa iba’t ibang panig ng mundo.
HUGAS KAMAY, IWAS SAKIT. Malaking tulong ang tatlong handwashing area na itinayo sa paaralan kaya mas madali na ngayong isulong ang paghuhugas ng kamay bilang bahagi ng kanilang ‘hygiene.’ (HELENA PATRICIA GUBAN)
Gr. 1 at 2, tinuruang magsepilyo May kabuuang 249 mag-aaral sa una at ikalawang baitang ang binigyan ng tig-i-isang sepilyo at toothpaste at tinuruang gumamit nito. B ah ag i ang pags es ep il yo ng programang “Bright Smiles, Bright Future” ng Department of Education katulong ang Colgate Phils. Layon nitong maging ugali ng mga bata ang magsepilyo matapos kumain nang maiwasan ang pananakit at pagkasira ng mga ngipin.
Binigyan ng isang bigbook at DVD ang mga guro upang makapagbigay ng leksyon at madaling maipaunawa sa mga bata ang naturang gawain. Pinangunahan ito nina Gng. Andrea A. Angeles, punongguro at Gng. Marites B. Legaspi, clinic teacher.(MA. CESLINDE
Ang GHD ay isang Globa PublicPrivate Partnership initiative na naglalayong isulong ang kultura ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon sa buong mundo. Sumusuporta rin dito ang Department of Education (DepEd) sa bisa ng inilabas na Memorandum No. 184, s. 2012 at kanilang Essential Healt Care Program (EHCP). Ayon sa DepEd, sa paghuhugas ng kamay, mapapangalagaan ang kalusugan ng mga estudyante at maiiwasan ang pagliban sa klase, na minsan ay humahantong sa pagtigil sa pag-aaral. Ani Gng. Andrea A. Angeles,
punongguro, ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon pagkatapos manggaling sa comfort rooms, bago kumain o pagkatapos umubo ay napatunayang nakapipigil ng mga sakit tulad ng diarrhea at acute respiratory tract infections. Isa sa mga pangunahing dahilan ng child mortality sa mga developing countries tulad ng Pilipinas ang diarrhea at respiratory tract infection, ayon naman sa website ng Department of Health. Bukod sa panlaban kontra sakit, ang paghuhugas ng kamay ay nagsusulong ng kalinisan at personal hygiene, bagay na napakahalaga sa lahat. (IRIS JULIA PRESAS)
RECOMES)
AGHAM SA KOMUNIDAD
Malunggaypandesal,‘available’na Nagsimula nang magbenta ng masustansyang pandesal na hinaluan ng malunggay ang kalapit na bakery ng Bayan Luma 1 E/S, ang KC Farmer’s. Sa isang panayam ng mga istapers, sinabi ni Maeztro, ang chief baker, na ginawa ito dahil lumabas sa pag-aaral na maraming sustansiya ang makukuha sa malunggay at nagpapahaba ito ng buhay. “Magandang promosyon ito ng aming bakery. At hindi lamang ito basta promosyon, dahil malaki ang naitutulong nito sa nutrisyon ng mga
bumibili,” ani Maeztro. Ayon sa Bureau of Plant Industry, siksik sa bitamina ang malunggay tulad ng vitamin C, protein, potassium, at iron kaya mabuti ito sa katawan. Sinimulan ang pagtitinda ng malunggay pandesal ngayong Enero. Mabibili ito sa murang halaga na dalawang piso bawat piraso. (JUSTINE CLAIRE MANILA)
OL trap: Solusyon sa Dengue “Gamit ang OL trap, ang lamok ay siguradong tepok.” Ito ang pangganyak ni Gng. Lunesa Napoles, Science key teacher, sa mga kapwa guro at mag-aaral sa pagsisimula ng paggamit ng 36 Ovicidal Larvacidal (OL) traps na ipinamahagi ng DepEd at DOST noong buwan ng Agosto. Layon nitong masugpo ang pagdami ng lamok lalo na ng Aedes Aegypti na nagdadala ng nakamamatay na sakit na dengue. Binigyan ng OL trap kit ang bawat seksyon na naglalaman ng itim na baso, pellets at lawanit stick. Dalawang mag-aaral ang itinalagang mag-check ng bilang ng itlog o larvae na didikit sa OL trap kada linggo at saka ito papatayin gamit ang pagba-brush sa stick at pagbuhos ng mainit na tubig. Ayon sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST), ang pinakaepektibong paraan para mapatay ang mga lamok ay sa first stage of development nito. (DANICA ALWHIZ JOSON)
455 bata, pinayagang sumailalim sa deworming Tanggal bulate. Maganang kain. Iwas sakit. Tinatayang 234 na batang lalaki at 221 batang babae ang pinahintulutan ng kanilang mga magulang para mapurga gamit ang Albendazole deworming tablets. Sa pangunguna ni Gng. Marites B. bawas ang lakas ng isang batang may STH Legaspi, clinic teacher, katulong ang mga na madalas nagreresulta sa pagliban sa Health Assistance volunteers, isinagawa klase. ang naturang pagpupurga noong Hunyo 29. Ayon sa pag-aaral, sa Pilipinas ay 7 Sa bisa ng deworming, maiiwas ang sa sampung mag-aaral sa elementarya ang mga bata sa tinatawag na soil transmitted binubulate, kung saan dalawa sa sampu helminth (STH). ang matindi ang impeksyon. Ayon sa Department of Health Ani Legaspi, dahil sa deworming, (DOH), ang STH infection o mas kilala marami na ang batang malulusog at bilang worm infection at schistosomiasis maganang kumain dahil wala na silang ay palasak sa mga batang mag-aaral. bulateng sumasalo sa mga kinakain at Kapag hindi nagamot, ang malayo na rin sila sa ibang karamdaman. impeksyon ay nauuwi sa anemia at Nakatakdang magkaroon ng panghihina ng mga mata. ikalawang yugto ng deworming sa Nawawala sa konsentrasyon at tila Enero.(PRINCESS DHEINIELLE M. TALENS)
AGHAM
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
15
Plastic ban, ipinatupad sa Imus; Kantina ng BL1, sumunod agad Sa panahon ng Kapaskuhan nagsimula ang pagbabagong pangkapaligiran sa lungsod ng Imus. Pormal nang ipinatupad ng pamahalaang lungsod ang ordinansang nagbabawal na sa paggamit ng mga plastik at iba pang non-biodegradable na materyales noong Dis. 15. Sa City Ordinance 2012-134 na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod
sa pamumuno ni City Vice Mayor at presiding officer Mandy Ilano at nilagdaan ni Mayor Manny Maliksi ilang buwan na ang nakararan, sinasabing “prohibits the use of plastic bags on dry good, regulating its utilization on wet goods and prohibiting the use of Styrofoam/styrofoar in the city and prescribing penalties thereof.” Ayon sa ordinansa, ang mga plastic bags ay non-biodegradable o hindi nabubulok kung kaya’t nakaaapekto nang malaki sa kalikasan. Kapag ginamit, kalimitan umano sa mga ito ay nauuwi sa mga daanang tubig, kanal, kalye at maging sa mga pampubliko at pribadong lugar na siyang dahilan ng pagbaha. Kapag naman sinunog ng mga hindi disiplinadong tao, nagdadala
naman ito ng lason sa hangin. Para masiguro ang maayos na implementasyon ng naturang ordinansa, sinabi ng City Environment and Natural Resources Office na imo-monitor nila ang mga pangunahing lugar at mag-iikot sa mga barangay. Ani Mayor Maliksi, “Kailan pa tayo makikiisa? Kailan makikialam? Samasama po tayong kumilos. Tayo ang inaasahan hindi lamang ng ating lungsod kundi maging ng ating kapaligiran.” Samantala, bago pa man naipatupad ang naturang ordinansa, una nang tumigil sa paggamit ng plastik ang kantina ng BL1 noong Oktubre. Sa halip na mga plastik labo ay mga Tupperware na nahuhugasan ang ginagamit ng mga canteener sa paghahatid ng ‘cooked food’ sa mga bata. (STEPHEN LANGRIO)
Unang Pinoy astronaut, inaasahan sa 2014 Nanguna mismo ang American astronaut na si Buzz Aldrin sa kick off ng AXE Apollo Space Academy (AASA) sa New York para ilunsad ang pagpili sa 22 mananalo na mga sibilyan na mapapasama sa space exploration sa taong 2014. Tiyak na umanong mapapabilang ang isang Pinoy mula sa napiling mga bansa. Ang pagpili sa magiging astraunat ay sa pamamagitan ng online contest na inisponsor ng men’s personal care line mula sa kompaniyang Unilever sa pakikipagtulungan ng American space travel agency na Space Expedition Corporation (Space XC). “Space travel for everyone is the next frontier in the human experience,” ani Aldrin, ang ikalawang tao sa mundo na nakaapak sa buwan matapos NASA expedition noong 1969 na Apollo 11. “I’m thrilled that AXE is giving the young people of today such an extraordinary opportunity to experience some of what I’ve encountered in space.” Ang 22 mananalo ay sasakay ng private spaceship na Lynx space plane na ginawa ng XCOR Aerospace. Ang selection process ay dadaan sa maraming pagsubok
upang madetermina ang “First Filipino Astronaut.” Ang una umanong hakbang ay magsign up sa mission na www.AxeApollo.com website. May maximum na 10,000 namga Pinoy ang sasailaim sa mga paghamon hanggang sa dalawa na lamang ang matira na sasailalim sa training sa isang space camp sa Orlando, Florida. Pero sa huli isa lamang ang matitira. Batay sa panuntunan ng NASA kung lumagpas na sa 80 kilometro ang narating ng isang tao sa space ay kinokonsidera na
isang astronaut. Ang mga eroplano kadalasan ay nasa 30 kilometro lamang ang taas ng lipad. Samantala, narito ang kompletong mga bansa na kalahok sa naturang kompetisyon at makukuha ang 22 swerteng sibilyan:United Kingdom, Germany, The Netherlands, Russia, Turkey, India, Indonesia, China, Japan, Vietnam, Australia New Zealand, South Africa, France, Canada, Brazil, Spain, Slovakia, Czech Republic, Hungary. (ME SHEZA BEL HALLOHESH BANASTA)
PINOY SA KALAWAKAN. Isang Pilipino ang mapalad na mapapabilang sa isang 22man space exploration sa 2014, bahagi ng online contest ng kumpanyang Unilever sa pakikipagtulungan sa Space Expedition Corporation (Space XC). (LARAWAN MULA SA GOOGLE)
MAL INIS, MA SAYA . Nangung una ang mg a is kaw ts s a pagbubunot ng damo at paglilinis ng bakuran ng paaralan. (SALOME MURCIANO) PAARA LANG
Problema sa basura, inaaksyunan Gamit ang mga walis ting-ting, tambo, pandakot, kahon at sako, patuloy ang pag-aksyon ng Paaralang Elementarya ng Bayan Luma 1 kontra basura alinsunod sa programa ng pamahalaan na nakasaad sa RA 9003 o “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.” Tuwing Biyernes, sama-samang naglilinis ng mga kanal, estero at kanikanilang silid-aralan ang mga magaaral bilang pakikiisa sa proyektong suportado rin ng iba’t ibang samahang sibiko, barangay, at mga ahensiya ng gobyerno. Layon ng paglilinis na mapataas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng kalinisan bilang isang hakbang tungo sa pagsasaayos ng kapaligiran at isang mabuting halimbawa ng bayanihan. Hangad din nitong maiiwas ang mga bata sa mga sakit gaya ng dengue H-fever, asthma at leptospirosis na dulot ng maruruming lugar alinsunod sa DepEd Memorandum No. 153, s. 2012 na nilagdaan noong Set. 5. Noong isang taon, gamit ang “Reuse, Reduce, Recycle,” ang kinita mula sa mga pinagbentahan ng bote, diyaryo, plastic at iba pa ay naipambili na ng telebisyon at DVD player na nagagamit na sa bawat silid-aralan. “Sa bisa ng pakikiisa sa mga ganitong proyekto, natututo ang mga bata magpahalaga sa kalinisan at sa kalikasan, at matuto ng pakikipagkapwa,” ani Gng. Andrea A. Angeles, punongguro. (JOHNIEL GABUTIN)
16
AGHAM
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
Multimedia classroom, ‘katuwang’ ng guro Nagpahayag ng kagaanan sa pagtuturo ang mga guro ng BL1 gamit ang multimedia classroom na ipinagkaloob ng Department of Education (DepEd) noong isang taon. Ani Arnel Orpia, ICT key teacher, nagsisilbing kaibigan o katuwang ng mga guro ang multimedia classroom upang mas lalong mapaintindi nang maayos sa mga bata ang kanilang mga asignatura. Halimbawa umano nito ang mga pagtuturo ng halaman, hayop, katawan at planeta sa Agham; mga kanta sa MSEP; mga kuwento at pelikula sa Ingles at Filipino; at mga buhay ng bayani sa HEKASI. Layon ng DepEd Computerization
Program na maihanda ang kabataang Pilipino sa pagsabay sa modernisasyong nagaganap sa buong mundo. Laman ng multimedia classroom package ang isang host PC, 6 17" LCD monitor, anim na keyboard at mouse, dalawang kit na naglalaman ng desktop virtualization kit, isang UPS, isang interactive whiteboard, isang 3-in-1 inkjet printer, isang LCD projector, lektyur at training para sa desktop computer. (JANELLE FLORES)
BL1, nakiisa sa Earthquake drill KASANGGA. Nagsisilbing katuwang at kaibigan ng mga guro ang multimedia classroom sa pagtuturo sa mga bata ng iba’t ibang leksyon gaya ng suring pelikula, mga musika, buhay ng mga bayani at marami pang iba. (JOHN CARLO ESTANISLAO)
Buwan ng Nutrisyon, binigyang halaga “Kumain ng gulay nang buhay ay maging makulay.” Isa lamang ito sa mga gintong aral ng nutrisyon na binigyang halaga sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon noong katapusan ng Hulyo. Pinatnubayan ng temang “Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain,” nagsagawa ng iba’t ibang presentasyon ang bawat baitang gaya ng pagparada gamit ang mga damit na gawa sa gulay at prutas, pagsayaw, pag-awit, at iba pa. Layon ng pagdiriwang ang mapataas ang promosyon ng pagkain ng gulay sa mga
Bilang paghahanda sa mga kalamidad tulad ng lindol, nagsagawa ng isang malawakang National Earthquake Drill ang lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa noong Hunyo 29. Nakiisa ang lahat ng mag-aaral at mga guro ng BL1 sa nasabing drill na layong maging alerto ang bawat mag-aaral, magulang at maging mga guro sa mga nararapat na aksyon tuwing darating ang lindol. Alinsunod ito sa DepEd Order No.
48, s. 2012 o “Quarterly Conduct of the National School-Based Earthquake and Fire Drills.” Sa bisa nito, mas napepreserba ang kaligtasan sa gitna ng matinding pinsala sa isang lugar. (LEONARD FARPARAN)
batang mag-aaral at mamulat sa mga benepisyong makukuha mula sa pagkain nito na nakasaad sa DepEd Memorandum No. 101, s. 2012. Kaugnay nito, sinimulan din noong Hulyo ang pagtatanim ng halaman sa hardin ng paaralan. (ANGELICA MARIE GARCIA)
Gatas, regular na ipinaiinom Ang kalusugan ay kayamanan. Sa pangununa ng guro ng Home Economics na si Gng. Salome Murciano katulong ang mga iskawts, regular na ipinaiinom ngayong S.Y. 2012-2013 sa mga piling mag-aaral ang 48 latang donasyong Reliv Milk ng Kalogris Foundation. Layon nitong makatulo ng sa kalusugan ng mga batang underweight o mababa sa timbang, maayos ang kanilang kalusugan at mahasa ang kanilang tinatawag na mental alertness. “Kinakailangang malusog ang
kaisipan at katawan ng mga bata dahil ito ang kanilang sandata sa pagtupad ng kanil ang mga pangar ap,” ani Murciano. Ang Parents-Teachers Association (PTA) sa pangunguna ni Pastora Elizabeth Malabed ang nakipagugnayan sa A Blessed Vineyard of Christ Int’l Ministr ies para sa naturang donasyon. Nagkakahalag a ng P2,800 ang bawat lata na m a y P134,400 sa BATANG MALUSOG, BATANG ALERTO. Binibigyang-halaga sa k a b u u a n . Bayan Luma 1 E/S ang kalusugan ng mga bata sa paniwalang ito ang solusyon para mas matuto sila sa mga leksyon. (HELENA PATRICIA GUBAN)
(CHEDDY JOY MACADAEG)
HUWAG MAG-PANIC. Tinuruan ng mga tamang galaw o aksyon sa oras ng kalamidad tulad ng lindol ang mga mag-aaral ng Bayan Luma 1 noong Hunyo 29. (ALEXIS POMASIN)
Buong BL1, inisyuhan ng LRN Sinimulang i-encode noong Setyembre hanggang sa tuluyang ma-validate noong Nobyembre, nagkaroon ng sari-sariling online learner reference numbers (LRN) ang lahat ng 1, 167 mga mag-aaral ng Bayan Luma 1 E/S at mga sariling accounts naman ang mga gurong tagapayo. Alinsunod ito sa pag-i-isyu ng Department of Education (DepEd) ng permanenteng ID number sa mga magaaral sa elementarya at hayskul para masubaybayan ang record ng bawat bata. Ani Education Sec. Br. Armin Luistro, gamit ang LRN, mamo-monitor na ang progreso ng isang bata at kung saang paaralan ito pumasok. “Ito ay para matutukan ang development ng students para hindi sila maiwan. Kung hindi man sila mag-enrol ay hahanapin natin kung saan sila,” ani
Luistro. Sinabi pa ng kalihim na lahat ng mag-aaral sa pampublikong paaralan ay magkakaroon ng LRN, isang 12-digit number na siyang gagamitin ng isang bata hanggang sa makumpleto niya ang basic education program. Bunsod nito, ang LRN ay matatagpuan na sa bawat form, dokumento, at database ng mga estudyante gaya ng Permanent Record (Form 137), Report Card (Form 138), at diploma o portfolio. (KRISTINE MAE DE JESUS)
ISPORTS EDITORYAL
B
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
17
Kulay ng Tagumpay
awat atleta ay naghahangad na maging kampeon. Isa itong bagay na hindi maikakaila. Ang paghahangad sa tagumpay ay palaging kasama sa paglalaro. Ngunit paano kung ang tagumpay ay mahaluan ng kulay? Isang halimbawa nito ang nangyayari sa kasalukuyan sa sikat na cyclist na si Lance Armstrong. Matapos ang makailang-ulit na pagtanggi na siya ay gumamit ng performance-enhancing drugs na siyang paratang ng US Anti-Doping Agency, ngayon ay umamin na siya at lumantad na siya nga ay nagkasala at nagsisisi na sa nagawa. Ang taong ito ay 7-time winner ng Tour de France, ang isa sa pinakaprestihiyosong torneyo para sa mga siklista. Ngayon ay binawi na sa kanya lahat ng mga titulong kanyang nakamit. At patuloy ang paghahanap sa iba pang mga atleta na nilagyan ng kulay ang kanilang tagumpay.
Ito rin ang paratang kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao at maging sa mahigpit na katunggaling Mehikano na si Juan Manuel Marquez. Ngunit nananatili silang malinis base sa pag-aaral. Tunay na hindi maikakailang nakasisilaw ang tagumpay. Kung kaya’t may mga napatutunayang gumagaw a ng kababalaghan matamo lamang ito. Ngunit may roon din namang mga napaghihinalaan ngunit nananatiling malinis umano ang konsensiya at hindi naman mapatunayang nagkasala. Maging sa paglalaro ay dapat maging matapat tayo. Sa lahat ng bagay ay isapuso natin ang pagiging matapat. Mas matamis ang tagumpay kapag mananamnam mo ito ng buong puso, ng walang halong pangamba na ikaw ay nandaya lamang kaya mo ito nakuha. Ang tagumpay na pinaghirapan, kailanman ay maipagmamalaki kaninuman.
Pagkakaisa, kailangan
I
REPLEKSYON
Justine Claire Manila
Paa sa Lupa
PANULAANG ISPORTS
Bawat isang atleta ay nangangarap matupad ang kanyang mga minimithi. Ang iba ay tinatahak ang hindi dapat lakarang landas; ang paggamit ng maruming taktika para lamang maipanalo ang laro. Hindi nila niyayakap ang tunay na kahulugan ng ‘sportsmanship’ at ginagawa ang ninanais kahit pa makasagasa ng kapwa at hindi na iniisip kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang personalidad. Ang iba naman ay inilalagay sa ulo makamit ang mga pangarap sa bisa ng ang pagkapanalo at walang inatupag kundi kababaang-loob at pagtitiyaga. ipagyabang ang mga tinamong karangalan Kung gusto mong maging isang sikat at nakukuha pang pagsalitaan ng masama na atleta baling araw, alalahanin na may ang mga manlalaro ng kalabang koponan. kaakibat itong mabigat na responsibilidad, Ngunit sa kabila nito, nakatutuwa partikular sa mga nanonood, naniniwala, pa ring malaman na may mga atletang at iba pa. nananatiling may positibong disposisyon Paalala: Ang paa ay laging sa lupa at ginagawa ang buong makakaya para lamang itapak.
ISPORTS TRIBYA
MUS. I’m us. Ang ako ay tayo. Ang tayo ay ako. Ito ang gintong aral na umuusbong ngayon sa lungsod ng Imus na maaaring iapply sa larangan ng isports o pampalakasan. Bilang isang manlalaro, mahalaga na tayo ay marunong magtiwala sa ating mga kakampi o kasamahan. Ang teamwork ay ang pagtutulungan ng mga manlalaro tungo sa isang layunin, ang manalo o makapag-perform ng maayos sa isang laro. Sa bisa nito, matutuklasan din ang lakas at kahinaan ng bawat isa na siyang magagamit sa oras ng kagipitan. Dapat ay nagkakaisa sa iisang layunin at nabibigkis ng isang pilosopiya o paniniwala. Nasasalamin sa bawat hakbang at kilos ang nag-iisang pagnanais na magtagumpay. Tandaan natin na ang isang koponan o grupo ay binubuo ng mga miyembro na may sari-sariling kakayahan, abilidad at personalidad.
Stephen Langrio
Alam mo ba? • Nanalo ng ginto si Arianne Cerdena sa tenpin bowling sa 1988 Seoul Olympics ngunit hindi ito isinama sa medal tally dahil ang bowling noon ay isa lamang demonstration sport . • Isang Pilipino sa katauhan ni Carlos Padilla Jr. na miyembro ng International Association of Boxing Referees and Judges ang nag-referee sa “Thrilla in Manila” nina Muhammad Ali at Joe Frazier na ginanap sa Araneta Coliseum noong 1975. • Ang Pilipinas ang nagpakilala sa mundo ng larong arnis o kali. Ang tawag sa mga naglalaro nito ay arnisadores.
Gaya na lamang sa basketball, mayroong scorer, rebounder, point guard, hustle player at iba pang bahaging ginagampanan ng isang player. Kapag hindi nagkasundo, maaari itong mauwi sa samaan ng loob at pagkabuwag ng grupo na nakapanghihinayang kapag nagkataon. Tunay na teamwork ang kailangan para mas madaling mapasakamay ang tagumpay. Janelle Flores
Ngayo’y Biyernes na Tayo’y may laro Kalaban ibang tropa Katunggaling mahigpit Uniporme ko’y plantsado na Nguni t masyado pang maaga Sabi ni Ina, “umalis ka na” Sabi ko naman, “mayamaya po” Ngayon ang unang laro Kinakabahan na ako Para akong inaantok Hindi kasi nakatulog Medyo kabado ng kaunti Ngunit hindi sa paglalaro Kundi sa mga manonood Ano kayang sasabihin ng, Crush ko …
18
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
ISPORTS SARBEY
i “Chieffy” Caligdong ng Philippine Azkals ang patunay na hindi kinakailangang maging matangkad para maging mahusay sa isport na football. Sa taas na 5’5", tinatalo niya sa pagtakbo at diskarte maging mga matataas na defender, at naglalaro ng buo ang puso para sa bansa. “S’yempre, hindi porke maliit ka, hindi mo kayang maglaro ng football,” ayon sa 28-anyos na Azkals co-team captain sa isang panayam. Siya lang naman ang ipinagmamalaking miyembro ng Philippine Azkals na pure-bred o Pinoy ang parehong magulang at dito lumaki sa bansa. Ang mga impresibo niyang laro ay nasaksihan na sa mga laban ng Azkals kontra Indonesia, Malaysia, Thailand at Vietnam, iba pang bansa sa Asya, at maging kontra sa LA Galaxy na binanderahan ng sikat at mahusay na futbolistang si David Beckham. Sinong makakalimot sa late goal niya bilang substitute kontra Vietnam sa AFC Challenge Cup? Para kay Caligdong, “Show your best palagi at pakita mong kaya mo ang laro.”
Ngayong nagpalakas ng kanikanilang roster ang mga koponan sa NBA, magagawa pa kayang idepensa nina Lebron James, Dwayne Wade at Chris Bosh ng Miami Heat ang kanilang titulo lalo’t kakampi na nila ngayon ang dating Celtic na si sniper Ray Allen? O maaagaw na ito ng mga koponang malalakas din gaya ng New York Knicks ni Carmelo Anthony, LA Lakers nina Kobe Bryant at Dwight Howard, LA Clippers nina Blake Griffin at Chris Paul, at siyempre ang runner-up na Oklahoma City Thunder na binabanderahan pa rin nina Kevin Durant at Russell Westbrook. Kinuha ng istapers ng Ang BL1 Bulletin ang pulso ng mga kamag-aral sa kung sino ang mananaig na koponan ngayong taon at ito ang resulta: 40% 35% 30% 25% 20%
ISPORTS FORUM EJ Karlo Sicat
Sa kasagsagan ng laban ng ating mga atleta, tinanong natin sila kung ano ang motibasyon nila para manalo sa kanikanilang laban? Narito ang ilan sa kanilang mga kasagutan: • Gusto ko kasi kumain nang libre sa Jollibee kaya pinipilit kong manalo EJ • Sabi kasi ni Sir, magpapa-ice cream daw siya – Rovic • Magagamit ko kasi ito sa extracurricular – Stephen • Ito na kasi ang huling eligibility year ko – Leslie • Para matuwa sa’kin ang mga magulang ko – Rusty • Kasi masarap sa pakiramdam ang manalo – Arsie • Ayaw kong matalo ng taga-ibang iskul – Sean • Dala-dala ko kasi ang pangalan ng BL1 – Christian • Sino ba naman ang gustong umiyak sa pagkatalo? – Joseph • Para makapagpabili ako ng PSP kay Lola – Mike • Kasi nagtiyaga ako sa training kaya alam ko mananalo ko – Ranold
SUDOKU SUDOKU Ang mga Pinoy ay mahilig maglibang at hamunin ang isipan kung hindi man sa pabilisan ng mata ay sa pagsagot sa mga bagay-bagay. Nariyan ang kinagigiliwang crossword puzzles, scrabble, word factory, memory game, at iba pa. Sa paglalaro ng Sudoku, masasabing pinagsama-sama ang husay ng mata, talas ng pag-iisip, at tibay ng memorya. Bukod kasi sa mabilis na pagsipat, kinakailangang punan ng mga angkop na numero ang mga blangkong kahon nang hindi inuulit ang numero mula 1-9 pahalang, pababa, at sa kinabibilangang kahon. Tinatanggap mo ba ang hamon? Kung oo, tena maglaro!
15% 10% 5%
Boston Celtics
LA Clippers
San Antonio Spurs
New York Knicks
LA Lakers
Oklahoma City Thunder
0% Miami Heat
Personal na Impormasyon Pangalan: Emilio Caligdong Nickname: Chieffy Edad: 28 Kapanganakan: Set. 28, 1982 Lugar ng Kapanganakan: Barotac Nuevo, Iloilo Posisyon sa Azkals: Left wing Paboritong manlalaro: Lionel Messi Libangan: Pelikula Edad nagsimula mag-football: 7
SUDOKU SUDOKU SUDOKU
ISPORTS
Tomo III Blg. 1 Hunyo 2012 - Enero 2013
19
Badminton
Girls doubles, pumalo ng tanso
Mabibilis. Malalakas. Mauutak. Ganitong mga klase ng tira ang ipinamalas ng duo nina Michi Anne Calimbahin at Stefanie Fernando sa badminton girls doubles, sapat para sa medalyang tanso. Umaatikabong hampasan ang nasaksihan ng mga manonood sa unang laban ng BL1 duo kontra sa pares mula sa Anabu I E/S. Umarangkada agad sa panimula ng laban sina Calimbahin-Fernando at kinopo ang unang set sa iskor na 15-9 sa tulong ng mga kalkuladong tira. Tinapos ito ng isang mautak na drop shot ni Fernando na gumulat sa kalaban. Sa ikalawang set, patuloy na ginulantang ng BL1 shuttlers ng sunud-sunod na matutulis na tira at mapanlansing na slices ang mga katunggali at tuluyan nang tapusin ang set, 15-10. Inangkin ng BL1 girls ang laban, 2-0. Matapos ang masasabing “near perfect game” ng dalawa, yumukod ang mga ito sa mas disiplinado at mas bihasang pares mula sa Jesus Good Sheperd School, ang tinanghal na kampeon ng torneyo. “Ang maganda sa mga batang ito ay Grade 5 pa lang sila. May pag-asa pang makabawi sa susunod na taon at tinitiyak kong mas handa na sila at mas ekspiryensyado na sa laban,” ani Marites B. Legaspi, gurong tagapagsanay.
Banasta, musa ng BL1 Bagama’t hindi napili bilang Best Muse sa District Meet, buo pa rin ang suporta at pagmamahal ng Bayan Luma 1 E/S kay Meshezabel Hallohesh Banasta, ang muse ng BL1 ngayong taon. Malakas na palakpakan at mga paghiyaw ang inani ni Banasta sa kanyang pagrampa at pagsagot sa tanong ngunit hindi pinalad na mapahanga ang mga hurado na kinabibilangan nina City Mayor Manny Maliksi at ilang konsehal. Sa ginanap na opening ng District Meet, isa ang ganda at tindig ni Banasta sa mga umangat at nagpahanga sa mga manonood. Ang pagsali niya sa kumpetisyong pinaglalabanan ng ganda at talino ay bahagi ng pagdaragdag inspirasyon sa mga atleta ng Bayan Luma 1.
Samantala, hindi naman pinalad ang Badminton boys team na binubuo nina Lidominuz Tipanao, Mc Coy Montenegro at Deo Jose Lawrence Fortaleza na yumukod agad sa unang laban matapos makaharap ang powerhouse na Jesus Good Sheperd School. (ANGELICA MARIE GARCIA) DISKA RTENG MAL UPIT. Hindi lamang basta palo sa s hutt l ecock b ag kus matinding diskarte at t amang g alaw ng kat awan ang kinakailangan sa p ag l al aro ng badmint on g aya ng g i na g aw a n i n a
Michi Anne Cal imb ahi n at St efani e Fernando , mg a bro nz e med all is t s s a Di s tri ct Meet . (Helena Patricia Guban)
Laro ng Lahi, binuhay ng MSEP Layong maiparanas sa mga mag-aaral ang sayang hatid ng paglalaro gaya ng naranasan nila noong sila ay bata pa, ipinanumbalik ng mga guro ng MSEP ang mga larong Pinoy sa isang ‘friendly competition’ na nilahukan ng Grades 4-6 noong Enero 15-16. Nagpakitang-gilas ang Team C na binubuo ng V-Earth at VI-Emerald sa tumbang preso, na sumungkit ng unang puwesto. Sinundan ito ng Team A ng pinagsamang VVenus at VI-Sapphire at pumangatlo ang Team B ng V-Jupiter at VIQuartz. Sa patintero, muling nanalasa ang Team C na sinundan pa rin ng Team A at pumangatlo ang Team B.
Nagkaroon din ng mga paligsahan sa hatakang lubid. Samantala, bukod sa patintero, ang mga Grade 4 ay nagkaroon pa ng pagkakataong makapag-siyato at piko bukod sa tumbang preso at patintero. “Panahon na para ibalik muli ang mga larong Pinoy. Ito ay sariling atin at sadyang kagigiliwang higit sa mga mekanikal o electronic gaya ng PSP at iba pa,” ani G. Genel Rodrigo, MSEP teacher. (JANELLE FLORES)
BL1 Kickers kinapos muli kontra BNT Masters, 2-0
SA DYA NG KA POS. T il a g inapusan ang mga bagitong manlalaro ng sipa takraw ng Bayan Luma 1 matapos madaling yumukod sa nagdedepensang kampeon na Buhay na Tubig Masters sa District Meet na ginanap sa Imus Pilot E/S. (GENEL RODRIGO)
Muling binigo ng Buhay na Tubig Masters ang tangkang pagbabalik sa kampeonato ng BL1 Kickers matapos itong paluhurin sa straight sets, 21-14 at 21-13, sa kumpetisyon ng sipa takraw sa District Meet. Walang naging panama ang bagitong galaw Matatandaang ang BayLum Kickers ang datng mga bagong recruit na Kickers ng Bayan Luma ing kampeon ng distrito. 1 sa matatalim na pagsirko sa ere at matataas na Binubuo ang grupo nina Rick Harvey paglundag ng mga nakalabang BNT Masters na Camungol, Neil Patrick de Ocampo, Joseph siyang umagaw ng kampeonato sa BL1 noong Maeso, at Nathaniel Sevilla. isang taon. Sila ay nasa ilalim ng pagsasanay ni G. Arnel Matapos maamoy na nangangapa pa ang Orpia. BL1, walang sinayang na oras ang BNT at agad Ani G. Orpia, “Kinulang talaga sa training nagpaulan ng wallop shots at scissors sa napatdang ang mga bata. Idagdag pa rito ang pagiging mga mga katunggali. baguhan nila lalo’t gumradweyt na ang mga beterano Agad tinapos ng BNT ang laban na sa team. Next year, babawi tayo. Tayo naman ulit lumagpas lamang ng kaunti sa isang oras. ang magkakampeon.” (LEONARD FARPARAN)
Sa Tug-of-War
Grade 5, bagsak sa Grade 6 Mahusay na diskarte. Matibay na paghila. Mahabang pasensiya. Ito ang naging susi ng mga “kuya” at “ate” mula sa Grade 6 upang pabagsakin ang mga mas nakababata at naghahamon nilang kapatid mula Grade 5 sa Palarong Pinoy friendly match na ginanap sa BL1ES school grounds noong Enero 15-16. Nanguna sa mga Grade 6 sina Joshua Balonzo at Kevin Ke habang bumandera naman sa Grade 5 sina Joniño
Mar Javier at Ranold Aldea. Sadyang malakas ang barkadahan ng Grade 6 kaya’t nasungkit nila ang panalong tumagal lamang ng kulang-kulang sampung minuto.
Samantala, nagpahayag ng kasiyahan ang mga mag-aaral matapos maranasan ang mga larong Pinoy na puno umano ng aral, aksyon, saya, at pakikipagkaibigan. “Masayang makita na natutuwa habang natututo ang ating mga bata,” ani Sir Arnel Orpia. (CHEDDY JOY MACADAEG)
STCAA, gaganapin sa Sangay ng Cavite Ang Sangay ng Cavite ang magsisilbing host ng 2013 Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association (STCAA) Meet sa Pebrero 1723. Daan-daang delegado mula sa 16 na sangay sa Rehiyon IV-A ang inaasahang lalahok sa taunang kumpetisyong ito. Mula sa 15, naging 16 ito matapos madagdag ang City Schools Division of Tayabas. Kabilang sa mga laro ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, chess, football, gymnastics, softball, sipa takraw, swimming, table tennis, tennis, at volleyball. “Puspusan ang paghahanda ng Cavite Province sa nalalapit na STCAA. Bilang host, isang hamon sa atin ang makakuha ng mataas na puwesto sa over-all at hindi mapulaan ang pagtanggap sa mga bisita,” lahad ni Dr. Rodolfo V. Cruz, EPS-I sa MSEP. ( M E S H E Z A B E L HALLOHESH BANASTA)
TODO MAX. Buong puwersa sa paghila ang mga nagtunggaling grupo ng Grade 5 at 6 sa Palarong Pinoy friendly match na pinagwagian ng huli. (KIM AYEN MENDEZ)
Sa Ahedres
Sicat, sumikwat ng pilak Aminado si Board 2 woodpusher EJ Karlo Sicat ng VI-Quartz na ibinigay na niya ang lahat ng makakaya sa round-robin chess sa District Meet ngunit kinapos pa rin sa mas beteranong katunggali mula sa Imus Unida Christian School (IUCS). Hindi umubra ang pinaghandaang kampeonato, positibo pa rin ang istratehiya ni Sicat sa mas kalkuladong disposisyon nina Sicat at Langrio at galaw ng think-tank mula sa IUCS na ni sinabing mas pagbubutihin pa nila sa hindi namantsahan ang record na 9-0 para hayskul ang paglalaro ng ahedres. isubi ang gintong medalya. Ilan sa mga opening na ginamit ng Tumapos naman si Sicat ng dalawa ang Ruy Lopez, Caro-Kann, Mokartadang 7-2, sapat para masikwat ang dern, Vienna, Sicilian, at English. medalyang pilak. Sumailalim sila sa matinding S a pagsasanay nina G. Christian Mespher A. mantala, Hernandez at G. Alexis V. Pomasin. nabigong Nag-aral din sila ng ilang chess nomakalusot tations ng mga sa Top 5 kilalang grandang Board 1 masters at naglaro wood-pusher online kalaban ang na si Stephen mga taga-ibang Langrio na may b a n s a . kartadang 4-5. (JO HNIE L Bagama’ t GABUTIN) nabigong iuwi ang
CHECKMATE! Si EJ Karlo Sicat (kanan) habang nagsasanay ng kanyang mga istratehiya sa opening, middle game, at endgame kalaban ang isa pang mag-aaral ng Bayan Luma 1. Tinanghal na silver medalist si Sicat sa Board 2 Chess ng District Meet. (JC Estanislao)
HA G IB I S. K i nat aw an ni Les ley Ann Pineda ang Distrito ng Imus I sa Nort h Cavit e Spo rts U ni t (NCSU) kung saan nag - uw i s iya ng d al awang med al yang pilak mula sa 4x100m at 4x400m relay na ginanap s a Gen. Trias Spo rts P ark, O kt . 2 4 - 25 .
Tangan ang humahagibis na bilis, matinding pokus at hindi matatawarang determinasyon, humataw sa takbuhan si Lesley Ann Pineda ng IV-Eagle na naguwi ng medalyang pilak sa 4x100m at 4x400m relay sa North Cavite Sports Unit (NCSU) na ginanap sa Gen. Trias Sports Park noong Okt. 24-25. Maliban sa nagkampeong Imus II, iniwan ng Imus I Eagles relay team na kinabibilangan ni Pineda (HELENA PATRICIA ang mga katunggali mula sa Bacoor, Noveleta, Kawit at GUBAN) Rosario para tanghaling isa sa mga reyna ng takbuhan. Sa harap ng mga naghihiyawang mga manonood at pabagu-bagong panahon, naitala ng Team Imus I ang oras na 1.31 minuto sa 400m run. “Ibinigay ko na po ang lahat-lahat para sa team namin. Hindi ako puwedeng mag-petiks dahil ang ikatatalo ko ay ikatatalo rin ng team. Sayang nga lamang po at hindi kami ang nag-uwi ng championship,” ani Pineda. Si Pineda ay kinilala sa kumpetisyon bilang isang mabilis at karipas kung tumakbo kagaya rin ng kinatawan ng BL1 noong isang taon na si Divine Grace Lugo na kanyang malapit na kaibigan. Matatandaang nauna nang nanalo si Pineda ng isang medalyang ginto at isang pilak sa 100m at 200m run sa ginanap na District Meet. Nakasama niya rito sina Juwesh Bautista, Alprogie Roldan, Darryll Torres at Mike Ebuenga, na mga 1st placers sa 4x100m at 4x200m relay (boys). Sina G. Genel Rodrigo at Gng. Arlene Mate ang kanilang mga tagapagsanay. (IRIS JULIA PRESAS)