CLSU Collegian Newsletter Issue (February 2013 - June 2013)

Page 1

1

CLSU Collegian CLSU Collegian

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Tomo XLX Blg. 1

Pebrero 2013 - Hunyo 2013

Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University Student Union Building, CLSU, Science City of Munoz, Nueva Ecija Pebrero 2013 - Hunyo 2013 Miyembro: College Editors Guild of the Philippines

LIPAD PA. Kasabay ng paggunita ng ika-106 na pagkakatatag ng CLSU, sama-samang nagpalipad ng mga lobo ang mga matataas na opisyales sa pangunguna ni president Ruben C. Sevilleja (gitna) kasama ang ibang mga empleyado ng pamantasan. (Litrato mula sa PAO)

Populasyon ng CLSU tumaas ng 9.55% ni Kenneth Antolin

Tumaas ng 9.55% o katumbas ng 1,083 ang bilang ng mga mag-aaral ng CLSU ngayong taon kumpara sa nakalipas na 2012. Base sa datos ng Office of malaki kaysa sa 10,253 noong High School, tatlong laboratory schools at Agricultural Science Admission (OAd) nitong Hu- nakaraang taon. Sa datos na ito, hindi pa and Technology School. nyo 27, mayroong 11,336 esAng paglobong ito ng poputudyante ang opisyal na na-en- kasama ang bilang ng mga eslasyon ng unibersidad ay bunsod roll (officially enrolled) na mas tudyante mula sa CLSU Science ng pagpasok ng higit 3,200 na mga first year na pumasa sa ColIsang bagong kasaysayan sa CLSU, lege Admission Test kasama ang mga napailalim bilang probationary status dahil sa presidenni Kenneth Antolin tial discretion. Ang College of Fisheries Nagtala si Voltaire John ang may pinakamalaking baP. Belacha ng isang bagong hagdan ng pagtaas ng bilang ng kasaysayan sa CLSU mataestudyante na 24.83% habang pos siyang mapili bilang isa sinundan ito ng College of Agrisa labindalawang estudyante culture na mayroong 17.61% na na bumubuo sa National Expagtaas. ecutive Board ng Philippine Ang College of Veterinary Junior Marketing Association Science and Medicine ay may iti(PJMA). naas na 10.70% Uupuan ni Belacha ang ikahabang 9.47% lawang pinakamataas na pwesto naman sa o ang Executive Vice President and COO ng nasabing aso-

Belacha napiling VP ng NEB-PJMA

Belacha

sundan sa pahina 16

sundan sa pahina 14

CVSM nanguna sa 2013 NVAT ni Van Alen Lumandas

Pinatunayang muli ng College of Veterinary Medicine (CVSM) ang kanilang pagiging Center of Excellence pagdating sa Veterenary Medicine. Sinungkit ng tatlong 2nd year BS Animal Husbandry students ang una, ikalawa, at ikatlong pwesto sa katatapos na National Veterinary Admission Test (NVAT) na ginanap sa Benguet State University nitong Abril 6. Kinabibilangan ito nina Alvin John Oliveros, unang pwesto; Razy Mark Sanchez, ikalawang pwesto at; Leynard Marvin Santos, ikatlong pwesto, ayon sa inilabas na resulta ng nasabing pagsusulit noong Mayo 3. sundan sa pahina 15


2

BALITA

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

“Improve services” -San Juan ni Kenneth Antolin

Gusali ng Speech Laboratory

P2M inilaan sa Speech laboratory ni Josh Ann Marie Aguilar

Naglaan ng P2 Milyon si Dr. Ruben C. Sevilleja, presidente ng CLSU, na pondong galing sa Commission on Higher Education (CHED) para sa ipinagawang Speech Laboratory. “The president told us (the college) that there is a grant commission and the department has been set aside a portion of this fund from CHED”, pahayag ni Prof. Adelina B. Soriano, chairperson ng English and Humanities department. Dagdag pa ni Soriano, nagkakahalaga ng P1.1M ang nasabing gusali, samantalang P9M naman ang inilaan para sa mga kagamitan nito kabilang na ang

mga headsets para sa 30 booths at teacher’s console. Ipinatayo ang gusaling ito upang magamit sa pagsasalita ngwikang Ingles sa mga dayuhang mag-aaral ng unibersidad. “This building is for the students of CLSU, then we have English 105-Speech Communication, ABLL students and of course for the other colleges that are in need of that,” sabi ni Soriano. Karagdagan dito ay para sa mga mag-aaral na kumukuha ng Voice and Diction at Public Speaking subjects. “Grateful ako to the presisundan sa pahina 3

“Improve services.” Ito ang saad ng napiling bagong university librarian na si Ms. Nuelah F. San Juan na dating head ng technical services cataloguer ng University Library na epektibong nagsimula nitong Hunyo 13 para sa taong panuruan ng 2013-2014. Nagtapos sa Saint Louis University si San Juan sa kursong Bachelor of Science in Education , major in Library Science at Master in Library Science naman sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Plano ng 48-anyos na si San Juan na lalong pag-ibayuhin ang dating nasimulan ng nakaraang librarian na si Mrs. Zoraida Bartolome. “To improve the book collection, library materials and the physical arrangements of the library”, saad niya. “In the future, air-conditioning of each library sections.” Batid din ng kasalukuyang kumukuha ng doctor’s degree in Education Management na si San Juan na hindi sapat ang pambili ng mga libro at ang mainit na temperatura ng naturang gusali. “Hindi enough ang pambili ng books at mainit sa loob”, saad niya. “Kaya ibinaba namin ang ilang tables na nasa taas.”

San Juan “Books that are needed by the students can be made available especially foreign books na napakamahal ng presyo,” paniniguro ni San juan. Binanggit din ng bagong librarian na magdadagdag ng bagong electric fans. Samantala, nilinaw ni San Juan na maaari ng pumasok ang mga estudyanteng naka-shorts ngunit ito pa rin ay base sa discretion ng nagbabantay. “Papapasukin na ang mga naka-shorts, pero hindi ang mga nakasuot ng indecent dress like spaghetti dress sa babae at sando para sa lalaki,” saad niya. “Pero nakabase pa rin iyan sa discretion ng nagbabantay.” Hinikayat din ni San Juan ang mga estudyante na kapag may problema ay lumapit lamang sa kanya para maaksyunan ang mga ito.

5 gradweyt ng CLSU pumasa sa May 2013 CPA licensure Limang bagong Certified Public Accountants (CPA) ang nakapasa at bumuo sa 38.46% passing rate ng CLSU sa katatapos na CPA Licensure Board Examination nitong Mayo 2013. Sina Sharmaine Cabanting, Robelyn Collado, Roxanne Ramos, Romelaine Santiago, at

ni Elaine Aquino

Mark Anthony Tangonan ang pinalad na pumasa sa 13 na kumuha ng pagsusulit mula sa College of Business Administration and Accountancy kumpara sa nakaraang taon na 24 na nakapasa sa 27 na sumubok. “Mababa ngayon ang passing rate ng CLSU kung ikukumpara [sa] last year passing rate dahil ang basehan ay ang

national passing rate na mababa din sa ngayon,” sabi ng Chair ng Department of Accountancy na si Mrs. Nancy Mulles. “So far ito na ang pinakamababang rating ng national for five years.” Umabot ng 1,553 ang bilang ng nakapasa sa 5,665 na nagtangka at may 27.41 % ang national passing rate sa nasabing eksaminayon.

“Pero always above the national ang CLSU dahil kumpara sa ibang school CLSU pa rin ang palaging nangunguna since then sa CPA board exam” dagdag pa ni Mulles. Inaasahang humigit kumulang 50 ang muling susubok sa darating na CPA board exam sa darating na Oktubre ngayong taon.


www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

BALITA

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

Kauna-unahan sa kasaysayan ng VetMed CLSU

3

Dekano ng CVSM pinarangalan ng PRC Umukit ng kasaysayan si Dr. Romeo S. Gundran, dekano ng College of Veterinary Science and Medicine bilang kauna-unahang Outstanding Profesional of the Year sa larangan ng Veterinary Medicine ng CLSU sa kakatapos na 2013 Philippine Regulation Commission Awards. Sa temang “PC C.A.R.E.S for Nation Building and Competitiveness”, ginanap ang naturang pag-

ni Van Alen Lumandas

paparangal nitong Hunyo 20 sa Fiesta Pavilion, Manila Hotel kasabay ng 40th Founding Anniversary at Professional Regulation week ng naturang ahensya. Kinilala si Dr. Gundran kasama ang iba pang mga propesyonal sa iba’t ibang mga larangan dahil sa mga natatanging katangiang kanilang ipinamalas sa kanikanilang mga propesyon. Binubuo ng walong miyembro ang panel of judges na pawang

DMP inilipat sa RSTC building ni Josh Ann Marie Aguilar Inilipat na sa Regional Science Training Center (RSTC) building ang Department of Mathematics and Physics (DMP) mula sa College of Arts and Sciences( CAS) main building. Ito ay dahil sa lumalaking populasyon ng naturang kolehiyo ayon kay Dr. Renato Reyes, dekano ng CAS. Agad ipinalipat ang DMP nitong Pebrero 1 nang malaman na sakop ng CAS ang RSTC ang paliwanag ni Reyes. Idinagdag pa niya na mas magaganda at malalaki ang mga laboratoryo at iba pang pasilidad sa RSTC, na maaaring magamit ng Physics Department kaya doon niya ito ipinalagay. Samantala, pumalit na-

P2M inilaan

man sa dating kinalalagyan ng DMP ang Psychology Department na mayroon ng psychometric lab, experimental lab at lecture room. Bukod dito, isinalaysay ng dekano ang iba pang mga proyekto gaya ng pagkakalagay ng mga CCTVs para sa seguridad at ang lahat ng silidaralan sa kolehiyo ay gagawing multimedia lecture room na tulad ng sa Biology Department. “We are promoting excellence in this campus at dapat lang kasi nasa academic institution tayo,” diin ni Reyes. “We are supposed to promote excellence, excellence not only in teaching but excellent ka, halimbawa, sa facilities at faculties.”

mga kasapi ng Philippine Veterinary Medical Association (PVMA) at pinili ang mga nominees base sa mga natanggap nilang PVMA Distinguished Professional Award. Kasama sa mga nominado ay ang mga iba’t ibang mga propesyunal sa larangan ng Veterinary Medicine na galing sa iba’t ibang pamantasan at kolehiyo sa bansa. “It’s an added prestige and honor for the college being the dean, at the same time, for the uni-

Gundran

versity ,” saad ni Gundran. Bukod sa iginawad na plaque of recognition ng PRC, nakatanggap din si Gundran ng P5,000 mula sa Program on Awards and Incentives for Service Excellence Committee ng CLSU.

CLSU ROTC pumangatlo sa RAATI ni ElLaine Aquino

Pumangatlo ang CLSU Reserve Officer Training Corps (ROTC) unit sa nagdaang Regional Annual Administrative Tactical Inspection na ginanap sa CLSU Oval nitong Pebrero 28. Nagtala ng 97.61% ang CLSU na nagdala sa ikatlong puwesto, samantalang nanguna ang Tarlac College of Agriculture(TCA) na may 98.2%, habang pumapangalawa ang Bulacan Agricultural State Colleges (BASC) na nakalikom ng 97.7%. Umani rin ng ibat-ibang parangal ang yunit sa nasabing’ inspeksyon. Nailuklok sila sa

ikalawang puwesto sa Administrative Aspect na may iskor na 98.61%, maging sa Ceremonial Parade at Method of Instruction na may 98.34% at 99.33% ayon sa pagkakasunod. Samantala, tinanghal muli ang yunit na may outstanding performance sa isinagawang pagsusulit sa MS 31 at 32 (100%), MS 41 at 42 (100%), MS 1 at 2 (100%) at DRRO/ First Aid Demonstration (99%) Mula sa isang dekadang paghahari ng CLSU-ROTC mula 2002 hanggang 2012 sa RAATI, nakilala ang yunit sa pagkakaroon ng mahabang sundan sa pahina 14

...mula sa pahina 2

dent kasi naalala niya na kailangan magset aside at sa CHED for giving us the fund”, wika niya. “And kay dean who is very supportive to us (department), and to God.” “Masaya ako kasi, dahil may speech lab na tayo, mas mae-en-

hance na at madedevelop yung skills natin sa pagsasalita ng English”, pahayag ni Geraldine A. Valdez, ABLL2. “Saka magiging training ground na rin natin yun para mapractice natin ang pagsasalita sa harap ng maraming tao.”

PAGTATAPOS. Kasalukuyang nakikinig ang mga estudyanteng ito

habang nagbibigay ng mensahe si president Ruben C. Sevilleja sa taunang Graduation Ceremony ng CLSU-ROTC.(Litrato mula sa CERDS)


4

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

OPINYON

www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Editoryal

Pag-isipan

Saan nga ba? ni Jessa M. Rarama Dahil sa mga dumaraming katanungan ng mga mag-aaral ng ating pamantasan ay minabuti ng pahayagang ito na maglaan ng espasyo upang magbigay kasagutan sa mga katanungang naglalaro sa inyong mga isipan. Karamihan sa mga estudyante sa ating unibersidad ay nagtatanong kung saan nga ba napupunta ang kanilang binabayaran na Development Fee. Saan nga ba napupunta ito? Para sa ating kaalaman, ang kabuuan ng perang nakolekta mula sa Development Fund para sa Academic Year 2012-2013 ay umabot ng P8,426,984. Ayon kay Ginang Loreta L. Gavina, Senior Administrative Assistant I ng Accounting Office ay hinahati sa tatlo ang Development Fund na nakokolekta bawat semestre. Una, ang 10% ang napupunta sa Office of the President, ikalawa, ang 30% naman ay nakalaan para sa Student Development Fund at ikatlo, ang pinakamalaking porsyento ay napupunta sa Office of the Vice President for Academic Affairs. Ang pera na nakalaan para sa Student Development Fund (SDF) noong nakaraang taon ay umabot ng P1,436,040.30 at P1,092,054.90 naman ng ikalawang semestre . Ginugol ang pondo para sa Training, Intramural-Inter-Collegiate, Other MOOE-Financial Assistance, General Services, Other Supplies and Materials at Lantern Parade na umabot ng P1,839,714.9. Ang natirang P950,020.30 mula sa SDF ay nakalaan pa rin para sa mga estudyante at kanilang mga proyekto.

CLSU

C

ollegian

Patnugutan ng unang semestre A.Y. 2013-2014

Kenneth F. Antolin: Editor-in-chief/ Layout artist | Van Alen N. Lumandas: Associate editor | Karina Yvonne D. Pascua: Managing editor | Ellaine M. Aquino: Opinion editor | Paul John P. Villamor : Sports editor | Prince Jerson M. Senorin: News editor | Jessa M. Rarama: Feature editor | Christopher E. Narne: Cartoonist | King Philip Briitanico, Ramon Rarama, Lorelyn Casita, Ruwan Weerakkody, Josh Ann Marie Aguilar, Jose Carlo Alarilla:Probationary staffers

Ang paglalagay ng dalawang pedestrian lanes o zebra strips sa Maharlika Hi-way harap ng maingate ay nagpapahiwatig na wala ng saysay ang CLSU overpass. Muli nang dadami ang aksidenteng maitatala. Pinasinayaan noong Nobyembre 16, 2009 dito sa CLSU ang kauna-unahang overpass sa Nueva Ecija sa layuning maiwasan ang dumaraming bilang ng mga aksidenteng naitala ng pulisya sa mga nakalipas na taon. Hiniling ito sa pamunuang panlalawigan ng nasabing probinsya nang sa gayo’y hindi maging biktima ang mga mag-aaral ng CLSU. Ngunit nakalulungkot, pinatay ng mga zebra strips ang layunin nito. Makikita ang mga strips mga 10 metro mula sa ilalim ng overpass at mga nasa 40 metrong layo naman ang isa pa. Kung pagmamasdang mabuti, mali ang paglalagay ng mga ito lalo’t mayroong overpass na nakatayo sa hindi kalayuan mula rito. Ano ang maaaring maging resulta? Imbes na aakyat sa halos apat na metrong taas ng overpass, mauudyukang tumawid ang mga estudyante gamit ang mga strips. Bakit? Dahil wala pang 20 hakbang ang gugulin nila para maisakatuparan ang pagtawid kumpara sa nakapapagod na paghakbang sa overpass. Dahil dito, muling nagkaroon ng posibilidad na tumaas ang bilang ng naitatalang aksidente sa hi-way. Sa mga blotter reports na aming nakalap mula sa University Security Force (USF), lumilitaw na mayroong 10 aksidente ang naitala nito lamang nakalipas na apat na buwan at karamihan sa mga ito ay dulot ng banggaan ng mga sasakyan. Nakalulungkot ngunit ang ilan sa mga biktima ay hindi nagawang makaligtas. Isa nga itong nakaaalarmang sitwasyon! Samantala, tama ang pagtawid sa daanan gamit ang strips. Kaya walang dahilan ang sinomang naatasan na magbantay para hulihin ang mga hindi tumatawid gamit ang overpass. Ang strips, gaya ng overpass, ay dinesenyo para tawiran ng mga tao. Kaya maliwanag na ilegal ang panghuhuli ng mga naatasang security guards sa mga nakikita nilang tumatawid gamit ang strips. Kung gayon, ano pang saysay ng overpass kung mayroong mga strips na ito? Ano pa nga ba talaga ang gamit nito kung bawal din naman palang tumawid gamit ang puting guhit na ito? Isa ngang malaking kalituhan ang strips para sa aming mga estudyante. Kung tatawid ba kami gamit ang strips, nakasisiguro ba kaming hindi kami huhulihin ng USF o sinumang naatasan na nakabantay doon na silang magpapataw ng kaparusahan? Malinaw na wala silang karapatang manghuli. Hindi rin magkasuwato ang ipinaskil na isang ordinansa na nagbabawal tumawid sa hi-way bagkus ay gamitin ang overpass. Pero kamusta nga ang napakaputing strips na inilagay katabi ng overpass? Anong saysay nito? Maliwanag na mayroong mali sa mga bagay na ito. Mukhang naliligaw ang strips na ito. Mas kailangan itong ilagay sa loob mismo ng CLSU at hindi sa hi-way na kung saan hindi malinaw kung ilan nga ba ang katamtamang bilis ng isang sasakyan. Para magkaroon ng kalinawan, kinakailangan ang isang masusing pag-aaral. Kailangan itong aksyunan ng nasa awtoridad para lubos na magamit ang overpass. Kailangan itong masusing pag-isipan.


www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

OPINYON

Nagtatanong lang po Nitong mga nakalipas na semestre, inulan ng pagpuna ang kakaibang istilo ng dentista ng CLSU infirmary. “Multi-tasking”! Kasi habang may estudyante na nagpapalinis ng ngipin ay maya’t mayang nagte-text o tumatawag pa nga. ‘Yung ideya na habang nagre-reply o sumasagot siya sa cellphone ay nakanganga ang pasyente na kulang nalang ay malunok ang mga likidong naipon sa kanilang bunganga. Tama po kaya na sa panahon ng serbisyo ay nagte-text o tumatawag kayo? Ito po kaya ang tamang panuntunan na sinusunod ninyo? Hindi naman po masamang mag-text o tumawag kapag nasa trabaho paminsan-minsan, ngunit sa kasagsagan ng paglilinis ng ngipin na kung saan 360 degrees na nakanganga ang bunganga ng pasyente. Ganoon po ba talaga ang tamang istilo habang may pasyente? Alam po ba ninyo na nasa kasagsagan kayo ng serbisyo? Alam po ba ito ng pamunuan ng ospital? **** Nitong mga nakalipas na linggo, isang estudyante ang nagreklamo sa isang NATO driver dahil sa sobrang paniningil ng pamasahe. Sinabi ng estudyante na siningil siya ng P50. Siya ay galing sa CLSU patungong Bagong Sikat. Hindi naman po siguro magkasinglayo ang Cabanatuan at Bagong Sikat para singilin ang estudyante ng ganoon kalaki. Alam po kaya ito ng presidente ng unibersidad? E ang presidente ng NATO? Umaaksyon po ba kayo sa ganitong usapin? O aaksyunan po ba kaya ninyo ito? *** Noon pa man ay mayroon nang multa ang mga nahuhuling magpasa ng kanilang Form 6 sa kanilang mga guro. Mayroon pa ngang kapag absent ka sa first day of class ay magmumulta ka! Nito lamang ay naging usap-usapan ang paniningil ng P10 (P50 pa nga!) kung ikaw ay nahuli sa pagpasa ng iyong Form 6. Ngunit, bakit kailangang magbayad ng kaukulang multa para rito? Ano po ang basehan ninyo sa paniningil nito? Saan po ninyo ito ginagastos? Alam po kaya ito ng nasa awtoridad? Nasa regulasyon o polisiya po kaya ito ng unibersidad? *** Normal na lang na makakakita ng mga estudyante (lalo na ang mga First year) na madaming uri ng libro ang kanilang hawak. Bawat isa ay nauubligang bumili dahil nakalagay sa loob ng bawat libro ang mga takdang aralin at ilang pagsusulit. Nakatutuwa ngunit hindi pwedeng ipa-xerox ang bawat pahina na naglalaman ng mga nasabing pagsusulit na kung titignan ay halos Xerox-quality din naman ang bawat kopya ng ilang libro. Ano po bang mas mahalaga? Ang sagot na ipapasa ng mag-aaral o ang kalidad ng papel na pinilas sa librong pagkamahal mahal na dapat ay may pilas din para tanggapin po ninyo? *** Inaabot na ng gabi ang mga estudyante sa pag-uwi dahil na rin sa kanilang mga klaseng umaabot ng 7pm - 9pm. Ngunit kapansin-pansin ang tila aandap-andap na mga liwanag sa mga kalsada sa loob ng CLSU. Napakadilim at sadyang mapanganib. Hindi po kaya pwedeng gawing maliwanag ang mga ilaw na mga nakakabit sa bawat sidewalks at pathways sa loob ng unibersidad? Kailan po kaya magliliwanag ang mga daanan sa mga kalimitang dinadaanan ng mga estudyante? Kailan magiging ganap na street lights ang street lights?

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

Kaunting Konsensya Panahon na ng tag-ulan. Panahon na ng basang lansangan. Siyempre pa, lalakas ang kita ng mga NATO drivers. Sa kasalukuyan, umabot na sa humigit 11,000 ang bilang ng estudyante ng CLSU. Isang indikasyon na madaming pasahero ngayong panahon ng tag-ulan. Mahirap nga namang mabasa lalo na kung papasok ka pa lamang sa klase. Ngunit nakalulungkot, tila umaabuso ang ilang NATO drivers sa kasagsagan ng matinding pangngailangan ng mga estudyante sa kanila, maging ng mga ilang guro pa nga, lalo na sa mga panahong mapanganib at malakas ang pagbuhos ng ulan. Kamakailan lamang ay isang estudyante ang nagrekla-

5

ROAD RUNNER

Kenneth F. Antolin

kenneth.antolin@gmail.com ng NATO. Mayroong sisingilin ka ng P20 kapag papuntang Marketing, ngunit galing ka lang sa USSC building. Mayroon namang mababait na P18 balikan mula CEn papuntang marketing.

“Hindi humahaba ang kalsada sa tuwing umuulan.” mo, (bagamat hindi na ito bago sa pandinig ko) sa paniningil sa kanya ng sobra sa nararapat lamang na pamasahe. CLSU hanggang Bagong Sikat ay siningil umano siya ng nagkakahalaga ng P50. Kung iisipin, sobra-sobrang pamasahe papuntang Cabanatuan City. Umulan man o umaraw, dapat ay ganoon padin ang singil sa pamasahe. Labindalawang piso kapag isa ang sakay, P9 kapag dalawa, at P8 kapag tatlo ang sakay. Bakit? Dahil unang una, hindi humahaba ang kalsada kapag umuulan. Hindi rin lumalakas ang konsumo ng gasolina kapag malamig ang panahon o basa ang kalsada. Samakatuwid nga, walang dahilan para itaas ang singil ng pamasahe sa kahit anong uri pa ng klima. Nakapagtataka din na paiba-iba ang singil ng ilang driver

Samantala, mayroong mga driver na nagsasauli pa nga ng mga gamit kapag nakaiiwan ang estudyante sa loob ng kanilang tricycle. Ngunit nakalulungkot na mayroong iba na sinisikmura ang katiting na halaga kapalit ng kanilang dignidag at reputasyon. Isa pang problema bukod sa iregularidad sa paniningil ng pamasahe ay ang kwestyunableng pamimili ng isasakay. Kawawa ang mga nakatira sa dulong bahagi ng unibersidad. Kawawa ang mga mag-aaral ng College of Agriculture at College of Fisheries. Kung napagkaitan man sila ng matinong kalsada, sana naman, huwag silang pagkaitan ng maayos na serbisyo ng tricycle lalo na sa panahon ng tag-ulan. Mayroon pa, ilan ba tasundan sa pahina 6


6

OPINYON

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

Estudyante lang po kami! “Bakit po ba sila aalis?” UNDERSCORED “Bakit po ba magtatang-

gal ng guro ang CLSU? “Paano naman po yung magagaling na teachers na walang master’s degree?” Ang mga ito ay iilan lamang sa mga tanong ng mga estudyante maging ng mga alumni ng CLSU sa loob ng ilang buwan sa bali-balitang pagtatanggal ng mga gurong walang Master’s (MS) Degree. Maging ang publikasyong ito ay naglathala ng isang editoryal patungkol sa isyung ito. Marami ang naging reaksyon na negatibo na naririnig at makikita maging sa mga social networking sites gayundin ang mga haka-hakang may kinalaman ito sa mainit na pulitikang nagaganap sa pamantasan. Kaya upang maliwanagan ang lahat, isa-isahin natin ang mga

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Sabi Nila

Kinalap ni King Philip Britanico

Tinanong namin ang ilang mag-aaral ng CLSU kung ano ang masasabi nila tungkol sa polisiya na pagtatanggal sa mga propesor na walang Masters Degree, sabi nila…

Mas maganda ito para mapataas pang lalo ang standard ng university natin. --- Mer, CEn Nawala na yung mga magagaling na teacher, lalo sa course namin. Dapat hinayaan na lang sila kahit mag-retire man lang --- Chel, CAS Malaki yung epekto dahil sa department namin, kulang na kulang kami ng maayos at magagaling na guro, lalo na at bago ang kurso namin, nawala ang mga magagaling. --- Karen, CAS

Van Alen N. Lumandas

lumandas_van@yahoo.com lang makapagturo. Pangalawa, bilang isang SUC, kinakailangang ipatupad at tumalima ng CLSU sa patakarang ito. Pangatlo, bilang konsiderasyon, patuloy pa ring pinahintulutan ang ating mga guro na walang MS Degree na magturo at binigyan ng palugit na

“Magkakaroon kaya ng sapat na karunungan ang mga estudyante sa pagtuturong hilaw kumpara sa pagtuturong pinanday na ng maraming taon ng karanasan?” dahilan kung bakit at paano nagdesisyon ang pinakamamahal nating pamantasan ukol sa usaping ito. Ito ay ayon sa isang fakulti ng CAS na aking napagtanungan. Una, ang mga guro sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local College and Universities (LCUs) ayon sa Resolution No. 1200638 ng Civil Service Commission (CSC) ay kinakailangan makakuha ng “master’s degree in the area of specialization” dahil ito ang minimum requirement upang patuloy si-

www.collegian.clsu.edu.ph

limang taon upang tapusin nila ito. Noong 2008, pinaalahanan ang ating mga guro na tapusin na ang kanilang MS Degree. Ngayong taon ay ang panglimang taon na palugit na ibinigay ng pamantasan kasabay ang pag-aaplay ng CLSU para sa isang institutional accreditation. Kung kaya ang mga gurong hindi natapos ang MS Degree ay kinakailangan ng tanggalin noong April 30. Kabilang ako sa maaraming estudyante na nagtaka at naguluhan. Ngunit naintindisundan sa pahina 7

Kung iyon ang nararapat, bakit hindi? Mga estudyante din naman ang makikinabang. --- Marlon, CEd Mas maganda siguro kung hahayaan nalang nila hanggang magretiro, madami na ding mga experience sa pagtuturo ‘yung mga ibang natanggal. Sayang. --- Jenny, CAg Sa palagay ko hindi magandang master’s degree ang basehan. Kasi madaming propesor ang hindi nagtuturo, minsan nga lang kung magturo sa isang buwan! Sila dapat ang tanggalin at hindi ang mga mahuhusay na bachelor’s degree pero daig pa ang doctor’s degree kung magturo. --- Ann, CBAA Nakalulungkot nga ‘yun. Pero syempre pa wala na tayong magagawa kasi natanggal naman na. Pero sana din pati mga manyak, bastos, tamad, at mga manghuhulang propesor eh alisin na din. Mas lalong maganda ‘yun! --- Lea, CHSI

Roadrunner

...mula sa pahina 5

laga ang maaaring kapasidad ng isang tricycle bawat byahe? Base sa impormasyong nakalap ko, pinakamarami na ang tatlong sakay bawat byahe. Pero nakalulungkot, madami padin ang nagsasakay ng apat pataas na mga pasahero. Ang resulta? Nag-uumapaw na tricycle na kulang nalang ay maupo sa gawing manibela ang driver at uupuan pa ang bubungan nito. Nakalulungkot ngunit sa dinami dami ng mga pasahero ay nakukuha pang maging gahaman ng ilang driver. Maaaring idahilan ninyo na ipinipilit ng mga estudyanteng ito dahil sa sila ay mga magkakaibigan o magkakatropa. Pero malinaw na sa gayong mga kalagayan, kayo po na mga driver ang mas nakaaalam ng tama at mali. Hindi po masamang sumuway at ipatupad ang

protokol ng NATO, minsan ang nagpapahirap ay ang suwayin ang sariling kagustuhan. Ano po bang mas mahalaga? Ang seguridad ng estudyante o kapakanan ng inyong bulsa? Totoo na madami pang bagay ang kapansin-pansin sa unibersidad, lalong higit ang bawat pag-uugali at serbisyo ng ilang empleyado ng unibersidad. Maaaring wala na tayong (mga estudyante) magagawa dito pero nakasisiguro ako na mababago din ito balang araw. Marahil mas makabubuting ituring na mga sariling kamag-anak na lamang nila ang bawat pinaglilingkuran nila. Ituring ng bawat empleyado partikular ng mga driver ng NATO na kamag-anak nila ang kanilang sakay sa bawat byahe nila nang sa gayo’y magkaroon ng kaunting konsensya.


www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

OPINYON

Underscored

...mula sa pahina 6

han ko ang sitwasyon ng malaman at maipaliwang sa akin ito ng mabuti. Sa pagtatanong namin sa ibang guro ukol sa isyung ito, sa kasamaang palad, imbes na ganitong sagot ang kanilang ibigay, wala kaming natanggap na kongkretotong paagpapaliwanag. Ilan sa kanila ay hindi daw masyadong alam iyon. Sabi ng isa naming pinagtanungan, policy is policy daw at wala na tayong magagawa. Iyon na nga po, wala na tayong magagawa. Ang punto lamang po namin ay bakit ang ibang mga guro ay hindi maipaliwanag ng mabuti sa estudyante ang isyu at bakit hindi man lamang ito ipinaalam at ipinaliwanag ng mga nakatataas sa

aming mga estudyante? Kailangan po bang ilihim sa amin ito? Oo nga pala, mga estudyante lang naman po kasi kami at hindi naman ganoon kahalaga ang aming mga saloobin at magiging reaksyon. Nakakahiya naman po sa inyo. Ipagpatuloy lamang po ninyo yan. Ang pagtatanggal sa mga gurong Bachelor’s Degree lamang ang tinapos at ang pagtanggap sa mga may MS Degree ay makapagpapataas ng “kalidad ng edukasyon” sa CLSU ngunit magkakaroon kaya ng sapat na karunungan ang mga estudyante sa pagtuturong hilaw kumpara sa pagtuturong pinanday na ng maraming taon ng karanasan?

Spasmodic

...mula sa pahina 18

ilan lamang ito sa mga maaaring maging katanungan natin. “Sa totoo lang, puro black eye nga ang tinatamo ng Philippine boxing sa ngayon,” ayon sa ating boxing analyst na si Atty. Ed Tolentino. Malaki naman ang tiwala ni Tolentino at sa iba pang mga Pilipinong boksingero na makakabawi pa ang mga ito sa mga susunod na sabak. “Nobody is a champion forever. Down the road, ipapasa ni Manny Pacquiao, ipapasa ni Nonito Donaire ang kanilang trono, korona sa succeeding Pinoy fighters,” dagdag pa ni Tolentino Sadyang may mga pagkakataon na tayo’y masadlak sub-

alit hindi nito ibig sabihin na kumupas na ang husay ng isang manlalaro. Gayunpaman, magwagi man o mabigo ang ating mga atleta nagsislbi pa rin silang mga bayani ng ating henerasyon dahil sa kanilang dedikasyon lakas ng loob at pagmamahal sa ating bayan, na walang takot irepresenta ang ating bansa para patunayan na tayong mga Pilipino ay hindi papahuli at patuloy pa rin nilang pinakikilala ang Pilipinas bilang perlas ng silangan na may mga manlalarong maipagmamalaki sa larangan ng isports at dapat na kilalanin bilang mga world class champions.

ISANG PAANYAYA Isa ka bang makata? Hilig mo ba ang sumulat ng tula, maikling kwento, prosa at sanaysay? Kung OO, ito na ang pagkakataon mo! Maging bahagi ng Genre, ang opisyal na pampanitikang aklat ng CLSU Collegian. Lahat ng likha ay dapat tumalakay at may kilalaman sa salitang KAMANDAG. Isumite ito sa opisina ng CLSU Collegian o sa CLSU Collegian offical FB page. Ilakip ang pangalan at pirmahan.

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

7

Fishball Ipagpalagay na ikaw ay naatasang mag-evaluate nang press releases ng dalawang magkaibang publikasyon na kung saan ang isa ay nakalathala lamang sa simpleng coupon bond na xerox copy at yung isa ay makulay at maganda ang packaging, alin sa dalawa ang bibigyan mo ng mataas na evaluation? Malamang sa malamang , alam ko na ang tumatakbo sa isip mo. Natural at alam kong alam mo yan kaibigan na mas iaangat mo ang publikasyong naglabas ng makulay at magandang packaging kumpara sa naka-xerox copy lang na malabo at maitim-itim pa ang dating ng mga litrato ng bawat artikulo. Totoong mabisa ang tinatawag nilang ‘aesthetic appeal’ at naiibang packaging upang halina-

TAKEDOWN

Paul John P. Villamor pjpjvillamor@yahoo.com

nusuportahang kolehiyo, ang iba’t-ibang college-based publications maging ang CLSU Collegian ay kapit-na-kapit sa pinakaaabangang aktibidad na ito sa unang semestre. Dahilan sa nakagawian na at maliit lang kasi ang nilalaan para sa intrams special issues, xerox copy lang

“Kagaya ng mataas na ebalwasyon ninyo sa kagandahan ay gayundin sana ang taas ng inyong tingin sa nilalamanlan.” hin ang ating mga mata, ngunit bago ka siguro magbitaw ng komento lalung lalo na kapag iyo na itong isasapubliko, mas mainam siguro at maaari mo pang maipayo sa iba ang mga katagang ‘read before you speak’ at ‘going beyond the limits’. Balikan natin ang isinulat ko sa unang talata nang artikulong ito na ikaw ay pagpalagay na mag-eevaluate, ito kasi ay batay sa totoong senaryo. Kasalukuyang idinadaos noong nakaraang taon ang ika-49 na Intramurals sa ating unibersidad na kung saan ay nakatutok ang mga mag-aaral ng CLSU sa eksena na kinauugnayan ng kanilang mga si-

na may 7-8 pahina lamang ang pinamimigay ng CLSU Kule. Bilang sentral na publikasyon ng CLSU, hindi maikakaila na wala kami sa paglutang ng ganda ng ibang press releases ng mga college-based pubs na bukod sa maganda sa paningin ay talaga namang kaakit-akit. Paunmahin po sa aming panig, gayundin sana kayo sa amin. Di naman lingid sa kaalaman nating mga mag-aaral na dalampu’t dalawang piso at singkwenta sentimos lamang ang natatanggap ng aming publikasyon na kapag pinagsamasama ay nasa humigit-kumulang dalawang daan libong piso kada semestre. Malaking numero sundan sa pahina 17


LATHALAIN

8

CLSU Collegian

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official Pebrero 2013 - Hunyona 2013may disability, gumawa ng statement “Kailangan sa akin sa ibang tao na mayroon akong ibubuga, na hindi dapat ako ma-bully kasi alam ko ‘yung mga rights ko.”

o0o Sa isang unibersidad gaya ng CLSU, ang isang katulad niya na may kapansanan ay hindi karaniwan sa paningin ng karamihan. Nakatatawag-pansin ang kanyang kalagayan dahil imbis na sakay ng isang pampasadang sasakyan gaya ng mga karaniwang estudyante na pumapasok araw-araw, siya ay lulan ng isang silyang de gulong.

Pamilya Simula ng siya ay ipinanganak, dala na niya ang kanyang kapansanan na ayon sa mga doktor ay walang lunas. Maituturing na isang kalbaryo para sa karamihan ang pagkakasadlak sa ganitong uri ng sitwasyon. Mga mapanuring tingin at mga bulung-bulungan mula sa mga taong nakapaligid ang karaniwang mararanasan. Ika-pito sa walong magkakapatid at ang tanging anak na lalaki sa pamilya nina G. Josefino Tabing, isang Mechanical Supervisor sa isang Engineering Company at Gng. Leonila Tabing na isang butihing asawa at ina. Malaking bahagi ng oras ng kanyang papa ay naituon nito sa kanyang trabaho subalit hindi ito nagkulang sa mga payo at suporta para sa kanya. Malaking porsyento rin ng kanyang lakas ng loob ay nagmumula sa kanyang mga kapatid na tumutulong sa kanyang moral at pinansiyal na pangangailangan. Subalit ang isa sa mga taong nais niyang pasalamatan ay si Enzo Lapurga. Dalawampu’t isang taong gulang, mabuting kapitbahay, mapagmalasakit sa kapwa at isang matalik na kaibigan si Enzo. Sa sampung taon bilang magkaibigan ay masasabing kilala na nila ng lubusan ang isa’t isa. Si Enzo ang nagsisilbing mga paa para sa kanya simula ng tumungtong siya sa kolehiyo. Sa araw-araw niyang pagpasok sa pamantasan ay kaagapay niya si Enzo na matiyagang naghihintay at umaalalay sa kanya.

Edukasyon Siya ay nakapagtapos mula sa Guimba East Central School, kung saan ginugol niya ang kanyang buhay bilang isang pangkaraniwang bata. Subalit hindi tulad ng karanasan ng ibang mga batang pumapasok sa paaralan, siya ay makikita lamang na masayang pinanunuod sa hindi kalayuan ang kanyang mga Si Reginald kasama si Enzo

kamag-aral habang ang mga ito’y masaya na naglalaro at masiglang nagtatakbuhan. Ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan, itinuturing niyang isa itong masayang parte ng kanyang b u h a y kung saan itinaya niya ang anim na taon sa elementarya. Mapalad siyang nakatagpo ng mga matutulungin at maaalahaning mga kaklase at mga guro na umunawa sa kanyang sitwasyon. Isang guro ang tumatak sa kanyang murang isipan. Si Ginang Belinda Dionisio, ang kanyang butihing titser sa ika-apat na baitang na nagsilbing isa sa kanyang mga inspirasyon upang magpatuloy sa kanyang pag-aaral at sa buhay. Kinahiligan niya ang History at Science. Naging aktibo rin siya sa paglahok sa mga Quiz Bees dahil na rin sa lubos-lubos na suporta at tiwalang nagmula sa kanyang pamilya, mga guro at mga kaklase. Umakyat siya sa entablado na puno ng galak at isa sa mga nagkamit ng karangalan nang sila ay nagsipagtapos sa elementarya. “Ibang-iba ang hayskul,” tugon nito nang tanungin ang kanyang persepsyon bago tumungtong sa bagong kabanata ng kanyang edukasyon. Hindi na siya naging aktibo sa mga aktibidades kumpara noong siya’y nasa elementarya sapagkat nakita niya ang lumalawak na kompetisyon s a kanyang paaralan. Nagkaroon siya ng mga butihing kaibigan nang siya ay nasa high school at hindi nakaranas ng anumang uri ng pang-aalipusta mula sa mga tao sa paligid niya. Sa loob ng dalawang taon na inilagi niya sa Our Lady of the Sacred Heart College, natutunan niyang magadjust sa mga sitwasyon na nangangailangan ng pasensya at un-


www.collegian.clsu.edu.ph o0o

CLSU Collegian

9

Ang istorya sa likod ng silyang de gulong Pebrero 2013 - Hunyo 2013

at

si

Reginald

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

awa. Hindi maiiwasan ang mga pagkakataon kung saan mas pinipili na lamang niya na hindi na sumama sa mga lakad ng kanyang mga kabarkada dahil ninais niyang huwag maging pabigat sa ibang tao. Labag man sa kanyang kalooban ay kinailangan niyang huminto sa pagsisimula ng kanyang ikatlong taon sa sekondarya dahil sa pagkakaroon niya ng Third Degree Pressure Ulcer dala na rin ng kanyang matagalang pag-upo sa silya de gulong. Sa mga panahong ito ay naramdaman niya ang isang matinding depresyon, hindi dahil sa pagkakaroon ng isang kapansanan niyang kinalakhan kundi sa panghihinayang na siya’y mapag-iiwanan ng kanyang mga kamag-aral at kaibigan. Sa loob ng isang taon ay nag-aral siya sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na isang programa ng ating gobyerno na tumutulong sa mga estudyanteng hindi nagkaroon ng pagkakataon na tapusin ang sekondarya dahil sa mga kanya-kanyang kadahilanan. Buong taon ay pinadadalhan siya ng mga modules at activities bilang habol sa mga panahon na dapat ay nagugol sa ikatlo at ika-apat na taon. At noong Disyembre 2012 ay kumuha siya ng Accreditation and Equivalency Test , isang malaking pagsusulit upang makatanggap ng high school diploma sa pagtatapos ng taong panuruan. Sa tatlong daan na nagsipagtapos sa ALS ay isa siya sa mga estudyanteng may ngiti sa mga labi habang iniaabot ang kanilang mga diploma nitong Marso 26. Ang pagpasok sa kolehiyo ay isang panibagong hamon para sa kanya, isang bagay na kung tutuusin ay hindi madali para sa bawat mag-aaral. Higit ang bigat na kanyang daranasin kumapara sa mga estudyanteng walang kapansanan ngunit ang kaniyang pagpupursigi at dedikasyon sa pag-aaral ang kanyang pinanghahawakan upang patuloy na harapin ang mga pagsubok na darating sa kanyang buhay bilang isang estudyante sa isang pamantasan tulad ng CLSU.

Pangarap Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang papa na siyang nagudyok sa kanya upang mangarap maging isang Engineer. Subalit iniurong niya ito sapagkat isina-alang-alang niya ang kanyang kapasidad laban sa kanyang kagustuhan. Ayon sa kanya, mas mapapanatag siya sa pagkuha ng Business Course dahil hindi lubos na kinakailangan ang mga pisikal na aktibidades. At mula rito, nabuo ang kanyang pangarap na maging isang Certified Public Accountant (CPA). “Gusto ko talaga makapasok ng Accountancy. Yung hindi ako magshi-shift ng Manangement. Makapasa ng board at magtatrabaho. ‘Pag my sarili na akong pera ay magtatayo ako ng sarili kong negosyo, ” tugon nito sa tanong tungkol sa kanyang mga hangarin sa buhay.

Nais din niyang ibigay lahat ng kagustuhan ng kanyang pamilya sa sarili niyang sikap at pagtitiyaga. “Huwag manghusga ng basta-basta. Kasi hangga’t hindi pa nila nakikita na walang kayang patunayan ang isang tao, hindi dapat nanghuhusga dahil sa pisikal [na anyo],” ang mensahe niya sa lahat ng estudyanteng nakararanas ng pang-aapi. Pinatunayan niya na ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi hadlang upang magkaroon ng isang normal at masayang buhay. Hindi rin ito dahilan upang siya ay tumigil sa pag-abot sa kanyang mga pangarap. Dahil para sa kanya, hindi ang pagkakaroon ng kapansanan ang problema bagkus ay kung paano tingnan ang pagkakaroon ng kapansanan. Kasama ng mga taong nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya, si Reginald Tabing ay patuloy na sasabay sa gulong ng buhay lulan ng kanyang silyang de gulong. Si Reginald ay sumasalamin sa isang tao na puno ng pag-asa na sa kabila ng isang mabigat na pasanin ay hindi tumitigil sa pag-usad patungo sa kanyang inaasam na tagumpay.

"Huwag manghusga ng basta-basta. Kasi hangga't hindi pa nila nakikita na walang kayang patunayan ang isang tao, hindi dapat nanghuhusga dahil sa pisikal [na anyo]."

Isinulat nina Jessa M. Rarama at Karina Yvonne O. Pascua

Si Reginald habang nakaupo sakay ng silya de gulong kasama si Enzo


LATHALAIN

10

CLSU Collegian

www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Pebrero 2013 - Hunyo 2013

University of the Filipinas. Bangko Sentral ng Filipinas. Filipinas Airlines. Filipinas Daily Inquirer. Republika ng Filipinas. Filipinas kong mahal. Finoy ako, Finoy tayo (?!). It’s more fun in the Filipinas. Ano pa? Isang malaking kontrobersiya ngayon ang naging kapasiyahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na ibalik ang ‘Filipinas’ bilang opisyal na pangalan ng ating bansa. Sa isang resolusyon na pinirmahan ni Virgilio S. Almario, tagapangulo ng KWF, at ng kanyang mga kagawad noong ika-12 ng Abril 2013, nasasaad na pinapipigil ang paggamit ng ‘Pilipinas’ “upang mapalaganap ang opisyal at modernisadong katawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng pagkabansa nito.” Nakasaad din sa resolusyon ang unti-unting pagbabago sa iba’t ibang mga kasangkapan at entidad na may tatak na ‘Pilipinas’ tungo sa ‘Filipinas’. Ngunit hindi naman ito magiging sapilitan “lalo sa mga entidad na naitatag sa panahong wala pang ‘F’ sa alpabetong Filipino.” Ang kapasiyahang ito ng KWF ay naging dahilan ng pagbatikos mula sa iba’t ibang mga sektor sa lipunan lalo na sa mga kilalang social networking site ngayon. Mayroon namang mga gumawa ng katatawanan ukol dito sapagkat ang salitang ‘Filipinas’ ay

Filipinas: Ang bagong

Ferlas ng Silangan? Isinulat ni Prince Jerson Señorin nagpapakilala sa mga kababaihan sa ating bansa (e.g.University of the Filipinas). Filipinas, Philippines, Pilipinas. Ayon sa artikulo ni Almario sa Dyaryo Filipino noong 1992, sinabi niya na ang pagkakaroon ng tatlong pangalang ito ang sintomas ng ating pambansang pagkalito. Napili niya ang una sapagkat ito raw ang orihinal na pangalang ibinasbas sa ating bansa.

‘Filipinas’

Noong Nobyembre 1542, pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos ang isang expedisyon patungong Spice Islands sa silangan. Matapos niyang makarating sa Mindanao noong Pebrero 1543, nagtungo naman siya sa isla ng Samar at Leyte na kalaunan ay tinagurian niyang ‘Las Islas Felipenas’ bilang pagkilala kay Prinsipe Felipe na anak ni Haring Carlos I ng Espanya. Ito ay nabago na lamang sa ‘Filipinas’ sa nakaraang tatlong siglo na paninirahan ng mga Espanyol sa ating bansa.

‘Philippines’

Walang pagtatala na nagsasabi kung kailan unang ginamit ang salitang ‘Philippines’. Lumaganap na lamang ito mula nang angkinin ng mga Amerikano ang ating bansa sa pamamagitan ng Treaty of Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898. Ang salitang ito ay nagmula naman sa pangalang Philip na katumbas ng Felipe sa Espanyol. Bagamat sa internasyonal na pagkakakilala sa atin sa pangalang ito, ayon kay Almario, ito pa ang unang kailangang mabura sapagkat ito ay tatak ng pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa. Tumutol naman ang karamihan sa mga netizens sa argumento niyang ito at nagsabi na maging ang ‘Filipinas’ ay naging tatak din ng pananakop ng mga Espanyol.

‘Pilipinas’

Ayon kay Almario, lumitaw lamang ang ‘Pilipinas’ nitong bungad ng ika-20 siglo bilang pagpapalaganap ng mga ma-

nunulat sa lumang abakadang Tagalog na walang titik F. Ang salitang ito ay Tagalog na salin mula sa ‘Filipinas’ na, ayon sa mga netizens, sumasagisag sa kagustuhan nating magkaroon ng sariling pagkakakilanlan.

Tungo sa modernisasyon

Ang pagiging modernisado ng ating alpabeto ang isa sa mga naging pangunahing dahilan ng KWF para ibalik sa ‘Filipinas’ ang pangalan ng ating bansa. Ngunit minsan, ang pagsunod sa daloy ng modernisasyon ay nagiging dahilan din ng pagkalimot natin sa ating kultura at pagkakakilanlan. Ang paggamit ng titik F sa ‘Filipinas’ ay nangangahulugan ng pagsunod sa daloy ng modernisasyon at maging sa pagkilala sa orihinal na pangalan ng ating bansa. Sa kabilang banda, ang paggamit ng ‘Pilipinas’ ay nangangahulugan ng ating kagustuhan na kumawala sa gapos ng kolonyal na nakaraan at sa kagustuhan na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Sa ngayon, wala pang nagiging desisyon si pangulong Benigno S. Aquino III ukol sa isyung ito. Ito ay mandato ng KWF. Ngunit sa bandang huli, sina Nene at Pepe pa rin ang totoong nakaaalam kung saan ang kanilang lupang sinilangan. Filipinas mula sa mga Espanyol, Philippines mula sa mga Amerikano, Pilipinas mula sa mga Pilipino—saan ka?


www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Komiks

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

Masaya ni Ramon D. Rarama

11

Psst...

ihinto mo muna ang iyong pag-iyak sa katatawa! Basahin mo muna ‘to!

May talento ka ba Naloko na ni Ramon D. Rarama

sa pagsusulat? sa pagguhit?

paglalapat? sa pagkuha ng litrato? sa

Palipas oras ni Ramon D. Rarama

Kung meron, ISA ka sa hinahanap namin! Ang publikasyong ito ay magsasagawa ng

Qualifying Examination sa darating na

Matinong kausap

Hulyo 22 - 26, 9AM - 6PM ni Ramon D. Rarama

sa opisina

ng CLSU Collegian, Student Union Building tapat ng Lagoon

at

katabi ng Alumni Building.

Mag-aaral ni Ramon D. Rarama

Ano pang hinihintay mo? Huwag nang magpatumpik-tumpik pa, SALI NA! at maging kaisa namin sa malawakang pagbabalita at pamamahayag ng samu’t saring usapin

sa loob at labas Grades ni Ramon D. Rarama

ng unibersidad!

Para sa higit pang impormasyon, kontakin lamang sa alinmang numerong ito:

0935-175-0920 0926-845-1313 0905-938-3190


12 Sa

Likod ng Hikab ni Toto

CLSU Collegian

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Pebrero 2013 - Hunyo 2013

Bawat pihit at bawat konting paggalaw ng ibat ibang bahagi ng iyong katawan ay may katumbas na dahilan at ibig sabihin.Pag pintig ng puso para sa pag mamahal, pag iling ng ulo para sa pagtanggi,pag taas ng dalawang kilay para sa pag sang ayon, ngiti para sa kasiyahan , pag tulo ng luha para sa sakit na nararamdaman at hikab para sa pagpupunyagi at pag titiis hindi lamang para sa iyong sarili kundi sa mga taong higit na umaasa sa iyo. Isang taon nalang magtatapos na ko,isang taon nalang makakatulong na ko,isang taon nalang mapag aaral ko na si Nene,isang taon nalang hindi na maghihirap si inay, isang taon nalang may maipag mamalaki na ko sa ama kong nang iwan sa amin,isang taon nalang sana… pero tila bakit ang isang taong iyon ay di na dadating pa? Ganito naba kasama ang humikab sa loob ng klase? Para palabasin ka at wag pakuhanin ng pagsusulit?

Isinulat ni Lorelyn Casita

Ganito naba ang nagagawa ng pag hikab para makita ko ang sarili kong nakakulong sa isang rehas na kinakalawang? Tanda ko ang mga araw na na nag pupuyat ako na mag lako ng kung ano-ano sa lansangan may maipang baon lamang,may maibayad lamang sa librong ginto ang halaga at may maitulong man lang sa kapatid at ina kong mahina na.Araw ng pag susulit noon, medyo huli na kong nakapasok, bukod sa sumasakit ang ulo ko dahil sa ilang araw naring pag pupuyat makumpleto lang ang kulang ko sa matrikula upang makakuha ng pagsusulit, kumakalam pa ang sikmura ko dahil mula kagabi wala pa kong nailalaman dito.Ilang minuto lang nagsimula narin.Di ko mapigilan ang pag hikab ko…antok na antok na ko, di ko namalayang kinakausap pala ako ng guro namin, marahil sa gutom,pagod at antok di ko siya napansin bagkus humikab pa ako sa harap niya. Nagalit siya! Sa pag kakataong iyon narinig ko siya. “Lumabas ka sa loob ng silid na ito! “ umaalingaw-ngaw na sigaw niya.Nagulat ako, biglang nawala ang antok ko. “Pano po itong exam ko?” di nyo-“ di niya ko pinatapos bagkus kinuha niya ang sagutang papel ko at pinunit sa harap ng mga kaklase ko. “Umalis kana kung ayaw mong ipahila pa kita mula sa upuan mo!, Mag exam

Kaman o hindi sa tingin mo makakapag tapos ka? Sa tingin mo ba ipapasa ko ang isang tulad mong bastos?! Wala karin naman kakayahang mabayaran ang matrikula mo! Isang kahid isang tuka na nga lang nagagawa mo pang pumasok!”. Unti unting nag dilim ang paningin ko! Pakiramdam ko wala na kong kilala! Hawak ko ng mahigpit ang panulat ko.Di kona alam pa ang mga sumunod na nangyari pero nakita kong duguan ang palad ko,rinig ko ang hiyawan ng mga nasa paligid ko at naramdaman kong may mga kalalakihang kumuyog sa akin! Walang sawa nila ko hinagupit ng kung ano-anong bagay…wala sa isip ko ang galos ,ang pasa at sakit ng katawan na mararamdaman ko dahil iniisip ko palang ang mga nabasag na pangarap ko para sa kapatid kong gustong makapag aral , ang ina kong nag kanda kuba-kuba na para lang matulungan akong makapag tapos, ay nasasaktan na ko, mas masakit malamang hindi ko na sila matutulungan pa kumpara sa mga sugat na natatamo ko.Nakita ko nalamang ang sarili kong hinihila papasok sa rehas habang tinatawanan ng mga animo’y mga nanonood sa nagpapatawang payaso. Nalaman kong binawian na ng buhay ang guro ko.Ilang araw narin akong nanginginig sa gutom at pagal sa mga pagmamalupit sakin ng mga kasama ko sa preso.Pero sa ilang araw na iyon di ko pa nasisilayan ang Ina ko at sa bawat araw na nagdadaan tila nawawalan na ako ng pag asang makalaya pa sa maduming presong iyon. Dahil sa pagkalat ng

balita,Nalaman ni Ina na nakakulong ako, Pinuntahan niya ko kasama ang kapatid kong mas payat pa sa akin na ilang araw ng di pa kumakain.Maigi nyang hinawakan ang kamay ko, hinaplos niya ang mukha ko habang nag uunahang bumagsag ang mga luha niya.Alam kong hinahaplos niya ang mga pasa sa katawan ko, pero tila di ko ito maramdaman dahil manhid na ang mga ito. “Aalis na kami…Tandaan mong mahal na mahal kita anak”. Iyon ang huling salitang narinig ko kay Ina.Matapos ang usapang iyon, ayaw ko mang bumalik pa muli sa tila impyernong silid na iyon ay wala akong magawa.Nakita kong nakangisi ang mga dimonyong nasa paligid ko…Inikutan nila ako, Mayamaya pay hinawakan ng isang barako ang dalawa kong braso, di ko magawang makapalag at isa isa ko nalamang sinalo ang mga sipa’t suntok nila.Nahintakutan ako ng may ilabas na panulat ang isa sa kanila katulad ng panulat na ginamit ko nung pagsusulit. Namanhid na ng tuluyan ang katawan ko at tanging pag patak nalamang ng aking luha ang nararamdaman ko. “Mahal na Mahal din kita Ina” Salitang di ko alam kung masasabi ko pa sa kaniya.Kasabay non ang pag pikit ng dalawang mata ko at pagtigil ng pagpintig ng puso ko.Na kahit sa huling pagkakataon,Ako ang tanging masama sa paningin ng iba na walang alam kundi kutyain ang mga hamak na tulad ko at mag bulag-bulagan sa tunay na katotohanan sa likod ng mga nagawa ko.

“Ganito na ba ang nagagawa ng paghikab para makita ko ang sarili kong nakakulong sa isang rehas na kinakalawang?”


www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CLSU Collegian 13 PanitikaN CLSU Collegian

Pebrero 2013 - Hunyo 2013

Bukas Paggising Ko! ni Lorelyn Casita

Lakbay Pangarap ni Lorelyn Casita

Lakad patungo kung saan Lakbay sa baku-bakong daan Kahit sikmuray alang laman Pagpapatuloy nasimulang laban Malayo si Ina’t Ama Matagal bago ko muli silang makita Madalas mang butas itong bulsa Kakayanin kahit pagal na pagal na Pag aaralan ilan mang pahina ng libro Di iindahin ulan at bagyo Luhay pipigilang tumulo Makatapos lamang sa kolehiyo! Ano pa’t magwawakas din ito… Balang araw makaka apak narin ako sa entablado Pangarap malapit ng matamo Maipagmamalaki diplomang hawak ko!

Kahapong ayaw ng balikan Mga luha lamang na nasayang Huwag na nga sanang ipag pilitan Kahit nag mumukhang katanga tanga sa karamihan Sino kaba para bigyang pansin ko?! Isa kalang namang hamak na tao Kung baga wala dapat sa mundong ito Dahil kapag nakikita ka… Kasama niya! Buhay ko’y gumugulo At puso’y gumuguho! Ilang beses ng nag paka bobo Kahit na nasasaktan, ika’y patuloy na sinusuyo Ilang beses naring sa pader ay iumpog ang ulo Baka matauhan ako’t ika’y isuko! Bibitaw,lalayo sayo! “Oo” iyon ang plano! Bukas pag gising ko… Wala kana sa lintik na pusong ito!

Tunay ni King Philip G. Britanico Hindi hilig ng masa ang ganitong klaseng paksa Walang tatangkilik at wala ding dadagsa Pero kailangan natin to para mailabas ang tunay Na ang buhay ay mahiwaga at iba't iba ng kulay Gamitin ang regalo ng langit sa mabuti Alisin ang pinagkaiba ng itim at puti Na magkakapantay ang lahat ng uri Ang iniidulo at tinitingala ay dapat sinusuri Ibukas ang isip at imulat ang mata Wag magbulag-bulagan, gumising ka! Habaan lang ang pangunawa at pisi Sa hinaharap ay wala kang pagsisisi


14

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

BALITA

www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CLSU ROTC ...mula sa pahina 3

WAGI. Ginawaran ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence ng Certificate of Recognition sina Rich Milton R. Dulay (ikaapat mula kaliwa); Dr. Renato G. Reyes, dekano ng College of Arts and Sciences; (gitna) at Dr. Sofronio P. Kalaw, direktor ng Center for Tropical Mushroom, Research and Development, (ikaapat mula kanan) matapos manalo ng Best Poster sa kanilang “Mycelial Growth Response and Mycoremediation Activity of Coprinus comatus on CuSO4-Contaminated Media” sa 13th National Annual Scientific Conference na ginanap sa Cebu Business Hotel, Cebu City nitong Mayo 22. Kasama sa paggagawad sina president C. Sevileja kasama ang apat ng vice presidents at ng direktor ng Research ng pamantasan. (Litrato mula sa PAO)

CLSU nagtala ng 56.67% passing rate sa November 2013 CEnLE ni King Philip G. Britanico Nagtala ng 56.67% passing rate ang CLSU College of Engineering matapos pumasa ang 17 gradweyt nito sa nakaraang November 2013 Civil Engineering Licensure Examination (CEnLE) na ginanap sa magkakahiwalay na examination centers sa Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi City at Lucena nitong Mayo 6-7. Kabilang sina Abel Jan D. Acapuyan, Amado Reed C. Agad, Michelle B. Aquino, Tina

B. Blancas, Kyle Eduard G. Cortez, Ludy Marisse M. Dagdag, Saturnino R. Fabro Jr., Nico Aldrin P. Faustino, Dominick D. Gabres, Ralph Jayson A. Loto, Marijun R. Morales, Rommel M. Novesteras, Edanniel O. Pascua, Daren Derek L. Ponce, Gychelle A. Rubio, Joemar B. Sevilla, atGezavil E. Villegas sa listahan ng inilabas na resulta nitong Mayo 6 ng Professional Regulation Commission. “If the CLSU passing percentage is higher than the national passing percentage then

Populasyon ng CLSU College of Engineering. Tumaas din ng 8.47% ang bilang ng mga mag-aaral sa College of Arts and Sciences habang 8.24% naman sa College of Business Administration and Accountancy at 7.62% naman sa College of Education. Samantala, bumaba ng 0.21% ang bilang ng mga estudyante sa College of Home Science and Industry. Base sa dekana ng OAd na

the performance is good,” saad ni Dr. Ireneo C. Agulto, dekano ng College of Engineering. “Makikita rin natin sa records na for the past few years, approximately, 90% ng passing rate results ng CLSU ay mas mataas sa national passing rate,” dagdag pa ni Agulto. Bahagyang naungusan ng CLSU ang national passing rate na 42.82 % lamang. Ginanap ang Oathtaking Ceremony nitong Hunyo sa Cultural Center of the Philippines Complex, Pasay City.

...mula sa pahina 1

si Dr. Melissa Agulto, hindi pa ito ang pinal na bilang ng mga enrolled students ngayon dahil mayroon pang mga late enrollees at mga hindi pa opisyal na nakababayad ng matrikula. Sinabi rin niya na ang kumpletong bilang ng enrollees ngayong taon ay malalaman lamang sa kalagitnaan o halos sa dulo na ng semestre. Samantala, isiniwalat naman ng College Testing Evalua-

tion Center director na si Prof. Milagros A. Santos na mayroong 6,466 ang kumuha ng eksaminasyon ngayong taon kumpara sa 5,781 noong nakaraang taon at aasahan ding madadagdagan pa ang bilang ng mga ito dahil sa mga late examinees at mga iskolar na manggagaling sa ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare and Development na kukuha pa ng eksaminasyon.

panahon na pagiging kampeoon matapos manguna ng walong magkakasunod na taon sa buong rehiyon. Bumaba ng dalawang puwesto ang ROTC na nagsilbing hamon para sa mga sususnod pa na taon. “Dahil din sa mababang rate ng enrolees sa ROTC ng nakaraang taon kaya biglang bumaba iyong performance natin, wala din masyadong praktis dahil sa maraming programang nagawa noon sa NSTP, Ganun din sa facilities at rifles, ” ayon kay Sgt. Christopher Narne na instructor ng ROTC. “Sisikapin namin na makuha ulit ang pagiging kampeon at para sa hamon ni Pres. Sevilleja, kailangan naming magpursigi .” Tinatayang humigit 1000 ang bilang ng enrolee ng ROTC ngayong semester at naniniwala ang yunit na malaki ang maitutulong nito sa muling pagkuha ng trono sa susunod na RAATI. “Sana mai-provide na yung mga facilities, kulang sa blackboard, gayon din sa financial budget at mas paghahandaan na namin ng mas maaga,” dagdag pa ni Narne.

PAUNAWA

Walang sinumang First Year ang pinahihintulutang sumali sa kahit anumang organisasyon dito sa campus. KAPARUSAHAN: -suspensyon ng organisasyon ng sinalihan ng isang taon. - suspensyon ng officers at miyembro ng sinalihang organisasyon ng isang semestre. - suspensyon sa estudyanteng sumali ng organisasyon ng isang semestre. Psst.. Basahin mo to! HUWAG PASAWAY!


www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

BALITA

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

15

CVSM nanguna ...mula sa pahina 1 Nagpaskil ang CLSU ng 97.6% passing rate kontra sa 97.2% passing rate noong nakaraang taon. Ang taunang pagsusulit ay ginaganap upang maging basehan para sa mga nagnanais na kumuha ng kursong Doctor of Veterinary Medicine (DVM). Ang mga hindi pinalad makapasa ay sasailalim sa probationary status at kinakailangan nilang ipasa ang lahat ng kanilang subjects na katumbas ng 15 units upang mai-reconsider sila. “We are fortunate to have students like them aiming for excellence. A large percentage of the credit should go to the student for being responsible. There are some situations where we encourage them and it helps a lot,” ani Dr. Romeo Gundran, dekano ng College of Veterinary Science and Medicine. Samantala, pumangalawa ang CLSU sa 24 na pamantasang nag-aalok ng kursong DVM sa buong bansa kasunod sa University of the Philippines-Los Banos na nagtala ng 100% passing rate habang ikatlong pwesto naman ang Cagayan State University na nagpaskil ng 90.3 % passing rate.

CLOSING TIME. Matamang nakikinig kay president Ruben C. Sevileja ang 1,121 magsisipagtapos

habang pinahahayag ang kanyang mensahe para sa kanila sa taunang Commencement Exercises. (Litrato mula sa CERDS)

1,121 na mag-aaral, nagsipagtapos Umakyat sa 1,121 ang bilang ng mga nagtapos kabilang ang 34 na nagtamo ng karangalan sa katatapos na 61st Annual Commencement Exercises naginanap sa Graduation Site nitong Abril 11. Umabot sa libo ang bilang ng mga nagtapos dahil sa desisyon ng unibersidad na magdagdag ng populasyon ng mga freshmen na na tatanggapin sa CLSU na nagtaas ng higit 3,300 ngayong taon. Nagsilbing guest speaker si

PASASALAMAT. Iginawad ni president Ruben C. Sevilleja ang Plaque of Appreciation kay Alberto D. Lina na nagsilbing panauhing tagapagsalita sa 61st Annual Commencement Exercises. (Litrato mula sa CERDS)

ni Ellaine Aquino

Hon. Alberto Lina, isang Corporate Entrepreneur at Financial Executive na nagbigay ng inspirasyon sa kanyang mensahe sa mga nagsipagtapos. Samantala, ang BS Animal Husbandry na si Marvin Bryan Salinas naman ang nanguna sa mga nagtapos bilang Magna Cum Laude ng taon na may GPA na 1.40. Nagkamit din si Salinas ng Manny Villar Excellence Award. Kasama sa mga nagsitapos ang unang batch ng BS Hotel and Restaurant Mangenent na may kabuuang bilang na 105, ang BS Accounting Technology na may bilang 85 at ang Master of Business Administration na nasa ilalim ng College of Business Administration and Accountancy. May 31 bilang ng nagtapos na Cum Laude at dalawa naman ay “with honors” sa nasabing okasyon. Samantala ang mga nagkamit naman ng mga special awards ay

ang mga sumusunod: Academic Destinction- Wawie DG. Ruiz, AB Psychology at Angelica A. Buen, BS Hotel and Restaurant Management; Athletic Award - Maria Rosenda A. Abucay, BS Business Administration at Harvey F. Gonzaga ,BSA griculture; Best Thesis Award- Rolando P. Javellonar, Doctor of Philosophy at Joseph Rae Ribu Alili, Doctor of Veterinary Medicine; Cultural Award- Renmar M. Dela Cruz, Doctor of Veterinary MedicineCampus Journalism Award- Aldrin P. De Leon, BS Civil Engineering; Leadership Award- Angeli Rizza S. Dela Cruz, BS in Accountancy at Loyalty Award- Krizel Daneille DJ. Beronio, Doctor of Veterinary Medicine; Rachel Joy M. Castelo, BS in Accountancy;Jamila Fatima L. Saturno, Doctor of Veterinary Medicine; Michael G. Villacorta, BS in Accountancy; Allan Moore S. Cabrillas, Doctor of Philosophy at Emelda S. Roderos, Master in Chemistry.


16

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

BALITA

www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Belacha napiling VP

BSHRM nagdaos ng culminating activity Nagsagawa ng Culminating Activity ang mga estudyante ng Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management noong Marso 7 sa College of Home Sciences and Industry-DHM Events Place. Ayon kay Prof. Dana G. Vera Cruz ang Department Chairperson ng Hotel and Restaurant Management, nagsagawa ang mga estudyante ng kanilang departamento ng isang exhibit. Ang mga first year students ay nagkaroon ng exhibit para sa kanilang asignatura na Food and Beverage, gayun din ang mga second year students sa kanilang asignatura na Bread &Pastry Techniques with a 3 ft cake at Bartending-Flair tending. Samantala, ang mga third year students naman ay nagorganisa ng nasabing event para sa kanilang subject na Events and Convention Management at ang mga fourth year students naman ang nakiisa sa mga hamon. Ayon kay Ginang Rachelle Soriano, ang culminating activity na ito ay makatutulong upang mahubog at maipakita ang mga potentials o skills ng mga estudyante. Ang ilan sa mga features sa ikatlong HRM Skills Challenge ay Cakes-On-Parade, Trilogy Desserts Challenge, Gourmet Cupcakes Challenge, Flair tending: Amateur & Advanced Challenge, Table Setting Exhibits & Skirting Challenge. Ang mga nanalo sa Skills Challenge ay magiging kinatawan ng unibersidad para sa Skills Olympics.

...mula sa pahina 1

KILATIS. Isa-isang pinagmamasdan ng mga hurado ang mga

Cake na gawa ng mga estudyante ng Hotel and Restaurant Management na kalahok sa 3rd HRM Skills ChallengeM sa DHM-Multipurpose Hall.(Litrato mula sa CERDS)

Bilang pakikiisa sa 2013 Chingay Parade

SCS, TAGA-CLSU lumipad sa Singapore Nakiisa ang Student Cultural Society at Tanghalang Gagalaw sa CLSU nang ipinagdiwang ang Chingay Parade Singapore 2013 nitong Pebrero 23-24 sa Formula One Pit Building Area. Ang 36 na miyembro mula sa SCS at TAGA-CLSU kasama sina Dr. Elizabeth S. Suba, dekana ng Office of Student Affairs, Bb. Christine Saturno, Dr. Zenaida Serna at Prof. Jennifer T. De Jesus, Tagapayo ng SCS ay kasama sa mahigit kumulang 20,000 kataong mula sa iba’t-ibang bansa ang lumahok sa pagdiriwang ng bagong taon sa Singapore. Ipinamalas ng mga mananayaw ng ating unibersidad ang

kanilang galing sa iba’t-ibang mga katutubong sayaw ng mga Pilipino. Nahati ang pagdiriwang sa Grand Parade at Thank You Party na dinaluhan din ng Prime Minister, Cabinets, at Former Prime Minister ng Singapore. Ayon kay Prof. Jennifer T. De Jesus, ang Chingay Parade Singapore ay ang pinakamalaking Street Dance at Float Parade sa buong Asya. Ang ilan sa mga itinampok sa selebrasyon ay ang mga vibrant floats, dancing dragons, prancing lions, stilt walkers, wushu master, performers of different races in their traditional costumes at marami pang iba.

Estudyante patay sa karambola ni Ruwan Weerakkody

Isang estudyante ng CLSU ang namatay sa karambola ng apat na sasakyan sa Brgy. Malasin, San Jose City, nitong Marso 14. Kinilala ng mga imbestigador ang biktima na si Neil Mark Ladores, 18, ng Brgy. Tayabo. Sinasabing papunta si Ladores sa CLSU habang nakasakay sa tricycle nang mabang-

ga ito ng Mitsubishi forward truck. Nahulog si Ladores mula sa tricycle dahil sa pagkabangga. Idineklarang dead on arrival sa district hospital si Ladores dahil sa Multiple head and body injuries Si Ladores ay mula sa BSIT2-1 at miyembro ng BITS (Builders of Information Technology Society).

sasyon sa kaunaunahang pagkakataon na mula sa CLSU at natatanging paaralan sa labas ng Metro Manila. “I am very glad and thankful for the honor that I made for CLSU”, saad ni Belacha, nasa ika-apat na taon ng BSBA Marketing Management. “I assured everyone that CLSU marketing students will be closer to the organization.” Mayroong 70 mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong Pilipinas ang kabilang sa mga pinagpilian para sa mga posisyon. Dumaan ang mga kalahok sa masususing pagsasanay, mga panayam, iskrining at depensa bilang isang synergy trainee sa halos isang taon. Kabilang sa mga pumili sa bagong mga posisyon ay ang dating mga opisyales ng naturang organisasyon at ng Philippine Marketing Asssociation. “Thank you so much to the people who are always there for me; my parents, friends, Co-Synergy Trainees, NEB-NEC12-13, classmates, co-JMAers, schoolmates, and most specially our almighty Father, I offer this for you!” saad ni Belancha, ang former president ng Junior Marketing Association ng CLSU chapter. “I know that without your support, I will never reach this far.” Ginanap ang turn-over ceremony nitong Abril 2728 sa Laiya Leisure Resort, San Juan, Batangas. Ang PJMA ay ang National Organization of Marketing Students ng bansa.


www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

BALITA

PITBulls kampeon sa Night League Season 39 – 4th Kanapi Cup ni Jessa M. Rarama

Nailusot nang koponan ng PITBulls ang kampeonato matapos dominahin ang Eco-Patrollers ng Acacia dormitory sa pinale ng Night League Season 39 – 4th Kanapi Cup na ginanap sa Multi-Purpose Gym nitong Pebrero 13. Matatandaang pinayuko nang grupo ni College of Agriculture (CAg) standout Jerwin Undan ng Eco-Patrollers noong nakaraang Intrams ang langkay ni Adrian Gallardo nang College of Arts and Sciences (CAS) na bumitbit sa powerhouse selection ng PITBulls upang mahiklat ang unang puwesto nang naturang torneo. Sa kabilang banda, napurnada ang pagbalik ng volleyball tourney sa 4th Kanapi Cup bunsod ng kaunting bilang ng mga teams na lumalahok dahil

Takedown

sa nasiksik na mga aktibidad ng unibersidad. “Itaas ang rate ng prizes, information campaign, encouragement sa mga dormitories kasi yun talaga ang potentials,” saad ni Mr. Elpidio Dizon, coordinator ng nasabing liga ukol sa kung papaano mapapalakas ang panghihikayat sa susunod na taon. Samantala, itinanghal na Mr. and Ms. Night League 2013 sina G. A.J. Santiago ng Alpha Phi Omega (APO) at Bb. Kaila Diaz ng Critical Hauz Internet Cafē sa opening ceremony noong Enero 16. Ang taunang Night League ay pinasimulan ni Prof. Benito Kanapi Sr. para magsilbing libangan ng mga magaaral at buong komunidad ng CLSU at mahasa ang kanilang mga potensyal sa larangan ng isports.

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

Cobras

...mula sa pahina 20 at Mighty Jemuel Sotto ang reputasyon ng CLSU Karatedo team makaraang pagwagian ang ginto sa kata event. Umangat sa 8 ginto-1 pilak-1 tanso ang naitagpi ng CLSU sa kanilang puder mula sa 2 ginto-12 pilak-3 tanso na kinamada noong nakaraang national meet. “Nasa preparation lang ang nagiging result, sa long term planning tayo dahil sa dami rin ng narecruit na student athlete at mga trainors at siyempre iyong suporta natin sa team,” banggit ni Mr. Jay Santos,director ng ISPEAR. Ang iba pang mga nakapagbuslo ng medalya sa nationals ay sina Lea Prado,women’s 4x400m relay at Jackielyn Alviar, women’s long jump na kapwa nagtapos sa ikalawang puwesto; at Rezellyn Resulta, Jonard Cabading at men’s beach volleyball team na pawang mga naluklok sa ikatlong puwesto sa karatedo, swimming, at beach volleyball ayon sa pagkakasunud-sunod.

17

ARIES TOLEDO

EMMANUEL WAING

...mula sa pahina 7

ngunit maliit pagdating sa pagpapatakbo ng isang central publication na kailangang maghatid ng impormasyon sa mamamayan ng CLSU, malaki ngunit maliit pagdating sa paghahasa ng galing ng mga naturang manunulat na dumadalo ng mga seminars at contests na hindi lamang para sa kasiyahan at paglilibot kundi para sa mga mag-aaral din ng CLSU upang makapaghatid sa kanila ng makinis at hitik sa impormasyong mga balita. Malaki ngunit maliit po talaga. Muli, paumanhin po ang ipinaaabot namin kakabit ng aming mga kamalian sa impormasyon kagaya na lamang ng statistical errors, pangalan ng mga nauugnay sa artikulo, mga quotations

mula sa iniinterbyung mga tao na kinakailangan sa balita, mga litrato at maging wrong spelling po ay di namin kinaliligtaan. Tanggap po namin na kaya ninyong hamakin sa panlabas na anyo ang pahayagan ng ating unibersidad na akda ng mga estudyante para sa mga estudyante at iba pang kasangkot ngunit huwag naman na sanang sasagad doon sapagkat di namin maitatanggi at sana ay bigyan nyo ng konsiderasyon ang maliit naming bilang ng mga manunulat dito sa CLSU Collegian na kumakayod upang kahit papaano ay mapaglingkuran kayo ng sakto at tapat. Sa inyo na po ang pag-intindi sa aming mga kamalian at pagkukulang. Kagaya ng mataas na ebal-

wasyon ninyo sa kagandahan ay gayundin sana ang taas ng inyong tingin sa nilalaman. Sa katunayan, dito na lamang sa Central Luzon ay isa tayo sa may mababang publication fee at di na tumaas-taas kung kaya’t limitado lamang ang galaw namin sa pagpapaganda ng ating dyaryo. Bilang paghahambing, ang NEUST ay may publication rate na tatlumpong piso at sa Wesleyan University Philippines ay may walumpong piso na nakalaan para sa kanilang mother publication na kapag pinag sama-sama ay nasa kulang isang milyong piso lang naman. Pawang ang mga unibersidad na ito ay nakalatag sa Gitnang Luzon.

Ang pagtingin sana nating mga mag-aaral sa mga pahayagan sa CLSU lalu na sa CLSU Collegian ay di lamang sana sa pabalat kundi pati sa nilalaman nito. Kaibigan, sana kahit papaano ay nalinawan ka sa kalagayan naming mga manunulat at pahayagang CLSU Collegian sa ating unibersidad. Nanalig akong nakabuo ka ng awra ng konsiderasyon sa iyong sarili para sa susunod na makatanggap ka ng kopya ng Kule ay ramdam muna ang mga tao sa likod ng publikasyon na iyon ng mas lubos.Para lang kasing sa love yan, kung maraming naiinlove dahil sa love at first sight, ganun din sana sa second sight.


18

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

ISPORTS

World class champions Sa larangan ng isports gumuhit sa kasaysayan ang galing ng bawat atletang Pilipino sa ating bansa. Nagsilbing tagawagayway ng ating bandila sa tuwing paparangalan at makakasungkit ng mga tropeyo at medalya mula sa ibat-ibang pampalakasan. Kaya naman taas noo natin ito maipagmamalaki saan mang sulok ng mundo tayo mapadpad. Sa pamamagitan nito naging kilala ang ating bansa. Kapag narinig natin ang isports tunay ngang hindi papahuli ang ating mga atleta, isa na rito ang dalawang hari ng Billards na sina Efren “Bata” Reyes at si Jango Bustamante na nag-uwi ng mga World Pool Titles kung saan-saang international tournaments. Mula naman sa Philippine National Football Team

SPASMODIC

Ellaine M. Aquino

ellaineaquino33@yahoo.com ilan din sa ating mga mahuhusay na boksingero na nagpakitang gilas alang-alang sa ngalan ng ating bansa. Alam natin na ang boksing ang higit na sinubaybayan ng bansa , kaya naman bawat sabak ng ating mga pambato ay talaga namang ating inaabangan , subalit sa hindi

“Kaya naman taas noo natin ito maipagmamalaki saan mang sulok ng mundo tayo mapadpad.” na grupo ng mga AZKALS na sumipa ng suporta mula sa ating mga Pilipino. Pinatunayan ang potensyal ng mga Pinoy na makipagkompetensya at makipagsabayan sa malalaking bansa pagdating sa Football. Nagbigay inspirasyon sa iba pang mga atleta dahil sa kanilang pinakitang dedikasyon sa bawat laban. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa eight-division world champion at pound for pound king, Manny Pacquiao na nakapagtala ng record na 54-3-2 at kilalang nagpapatumba hindi lamang ng mga matitinik na Mexicano maging ibat-ibang lahi. Kasabay ng

natin inaasahan ay dalawang magkasunod na laban ni Pacman ang hindi niya palaring pagtagumpayan. Sa kalabang sina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez. Maging si Nonito “The Filipino Flash” Donaire laban sa katunggaling si Guillermo Rigondeaux para sa titulong WBO world super bantamweight belt ay hindi rin niya napanatili. Kung ating iisipin, kumupas na kaya ang husay ng ating mga boksingero? Samantalang noon mga nagadaang taon ay sunud-sunod ang kanilang mga panalo. Ano na kayang nangyari sa kanila? Marahil sundan sa pahina 7

www.collegian.clsu.edu.ph www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CLSU FC pumang-apat sa 2013 POC-PSC ni Paul John P. Villamor

Naluklok sa ikaapat na puwesto ang CLSU FC (Football Club) Cobras nang kanilang maialpas ang walang bahid na rekord sa eliminasyon at magtungo sa crossover round ng 2013 POC-PSC (Philippine Sports Commission) national games (futsal event) na ginanap sa Ultra Stadium, Pasay City nitong Mayo 26 hanggang Hunyo 1. Sumabit sa mahigpit na mga engkwentro ang top seeded CLSU men’s futsal team ng bracket B nang dumapa ito sa grupo ng Cavite FC, 10-6 sa semi-finals at mabitin kontra Komrads FC ng NCR, 5-4 para sa ikatlong karangalan. Nabawian lamang ng 2012 Pilipinas Futsal Cup Grand Champion Komrads ang CLSU FC sa kanilang girian sa ikatlong puwesto makaraang una silang payukuin ng naturang Nueva Ecija-based footballers sa elimination round, 4-2. “Hindi namin inaasahan yun as-in pure na half-foreign line-up ng nakatapat namin sa crossovers at battle-forthird, gayunpaman nagkulang din kami sa depensa,” saad ni

CLSU futsal coach Cornelio “Conge” Francis Cruz. Sa kabilang dako, napagtibay ng Philippine National Futsal team ang kanilang matikas na reputasyon nang hirangin silang kampeon ng nasabing open league tourney matapos ang ginawang pagdurog sa kapwa bracket A semis qualifier, Cavite FC sa finale. Kalakip ng POC-PSC national games ngayong taon, ang CLSU ay lumahok lamang sa futsal event. Pinaghahandaan sa ngayon ng hukbo ni coach Conge Cruz ang bakbakan sa State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) meet na inaasahang idadaos sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), Cabanatuan City ngayong taon, kung saan sila ang naninindigang hari ng futsal sa nabanggit na regional competition. Kasalukuyan din silang nageensayo para sa posibleng mga parating na laban, kabilang ang nalalapit na Luzon Premeire Futsal League sa kalakhang buwan ng Septyembre 2013 na gaganapin sa Makati City.

CLSU FC Cobras lusot ang tatlong puntos na bentahe at selyuhan ang mautak na girian, 10-7 laban sa Zambales-based squad. Sa pagkatalo na tinamo sa FC Cobras, nagtapos sa ikalawang puwesto ang Lighthouse Amihan FC na nagpader ng 12 puntos at nilikuran ng Futbulakenyos ng Bulacan sa pagtatapos ng CL Futsal League.

...mula sa pahina 20

Ayon kay Cruz ay posibleng lumahok ang kaunaunahang kampeon ng CLFL sa mga papalapit na national tournaments, una na ang Pilipinas Futsal Collegiate Champions League sa Oktubre 1920 na gaganapin sa Naga City, Camarines Sur at Pilipinas Futsal Cup-Winners’ Cup sa Subic, Zambales sa darating na Disyembre 13-14.


www.collegian.clsu.edu.ph

ISPORTS LENTE

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CLSU Collegian Pebrero 2013 - Hunyo 2013

19

PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK PITIK

Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat Sipat

SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP

Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Litrato mula sa ISPEAR


20

CLSU Collegian

www.collegian.clsu.edu.ph

Pebrero 2013 - Hunyo 2013

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CLSU Collegian

TIKAS. Kasama ang buong CLSU Football Club Cobras, tangan ni coach Francis Cornelio Cruz ang tropeo sa 1st Central Luzon Futsal League.(Litrato mula sa ISPEAR)

ISP RTS

CLSU FC Cobras kampeon sa 1st CLFL Tumuhog lamang ng isang talo ang CLSU Football Club (FC) Cobras, sagad na upang trangkuhan ang kampeonato sa 1st Central Luzon Futsal League (CLFL) na ginanap sa kalakhang parte ng Gitnang Luzon nitong Abril 7 hanggang Hunyo 15.

ni Paul John P. Villamor Buhat sa anim na laro na tisyon na kung saan ang bawat sinabakan ng Cobras ay nag- panalo ay katumbas ng tatlong paskil sila ng 15 puntos na ka- puntos, isang puntos kung tabla tumbas ng limang panalo na ang laban at walang puntos na nagbigay daan sa kanila upang igagawad sa natalong koponan. pangibabawan ang torneo. Tablado sa 12 puntos na Base sa tinatawag na ‘ag- naitala ang Cobras at Lightgregate system’ na sinusunod sa house Amihan FC ng Zambales mga European football leagues bago magtapat ang dalawang ang inilapat sa naturang kompe- top-runners ng liga sa kapwa

ika-anim at huli nilang duwelo na magsisilbing tie-breaker upang maigawad sa mananalo ang korona. Rumatsada ang mga bata ni coach Francis Cornelio Cruz nang madiskartehan nilang maiukit ang mga nais nilang plays at tuluyang maisundan sa pahina 18

Cobras humakot ng 10 ginto sa 2013 NSCUAA ni Ellaine M. Aquino Humakot ng 10 ginto ang CLSU Green Cobras sa taunang National State Colleges and Universities Athletic Association (NSCUAA) meet na ginanap sa Jose Rizal Memorial State University, Dapitan City, Zamboanga del Norte nitong Pebrero 17-23. Pinangunahan ng apat na ginto na nadakip sa long jump, 400m dash, 200m dash, at 4x100m relay ni Aries Toledo ng athletics team ang total medal tally ng CLSU, 10

ginto-13 pilak-4 tanso sa NSCUAA. Kaalinsabay ng mga nakamit ni Toledo sa nationals, hinirang din ang beteranong manlalaro ng College of Arts of Sciences bilang Best Male Athlete of the year at Best Coach ang kanyang tagapagsanay na si Emmanuel Waing matapos upuan ng athletics team ang unang puwesto sa nakaraang SCUAA-III sa Zambales. Umani rin ng dalawang ginto si Mandy Valdez sa triple jump at 4x100m relay at pilak

sa long jump na kanyang pinagkampeonan noong nakaraang taon. Sumungkit ng ginto si Archieval Magtalas sa men’s 110m high hurdles habang pinuwestuhan naman ni Marlon Bernabe ang unang parangal sa men’s 4x100m relay. Sa taekwondo, nanaig bilang pinakamatikas si Henezy Francisco matapos mamayani sa women’s flyweight division. Sa kabilang banda, iniangat ng tambalang Ralph Servando sundan sa pahina 17

HALIMAW. Tila ninanamnam

sa ere ni Aries Toledo ang rurok ng tagumpay sa kanyang pagtalon sa Long jump event. (Litrato mula sa CERDS)


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.