Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas - Kampus sa Lambak ng Cagayan
Mataas na Heat Index, ikinabahala sa PSHS-CVC; iba't ibang estratehiya, pinairal
Bilang tugon sa mataas na heat index na namataan noong Abril, ipinatupad ng Philippine Science High School - Cagayan Valley Campus (PSHS-CVC) ang iba't ibang estratehiya tulad ng pagsasagawa ng half-day na klase, paglimita ng mga aktibidad sa labas, pagsuot ng komportable na pananamit bilang halili sa uniporme, paglipat sa mga pasilidad na may air conditioning bilang pansamantalang silid-aralan at pagdagdag ng mga water dispenser sa mga academic building.
Suspendido ang mga gawaing academic at extracurricular tuwing hapon kung kailan ang temperatura ay pinakamainit.
Pinaikli sa 30 minuto ang mga klase mula upang malimita ang pagpasok ng mga mag-aaral sa umaga na hindi nasasakripisyo ang kalidad ng pagtuturo.
Pinaalalahanan din ang mga mag-aaral at mga empleyado na ugaliing magdala ng payong at tubig upang manatiling ligtas sa kabila ng mga epekto ng matinding init ng panahon.
Siniguro naman na handa ang tanggapan ng PSHS-CVC Health Services Unit sa anumang kasong pangkalusugan sa gitna ng mainit na panahon.
Noong Mayo 2 at 3, ipinatupad naman ang Online Synchronous Classes bunsod ng pagpalo ng heat index sa 44°C.
Pinatunayan ng administrasyon ng PSHS-CVC ang pagiging handa ng paaralan sa pagbibigay ng kalidad na serbisyong edukasyon sa kabila ng matinding init ng panahon.
Aliyah ALLAM
Kung may katanungan, i-access ang Facebook page ng pahayagan online.
Dibuho ni Eaiae CUBALIT
Pahina
PAGTITIBAYING SAMAHAN
Family Day, nagbabalik matapos ang limang taon
Muling nagkulay ang Capitol Grounds ng Bayombong, Nueva Vizcaya matapos pasinayanan ang panunumbalik ng Family Day ng Philippine Science High School - Cagayan Valley Campus (PSHS-CVC) hatid ng Dormers Parents Association (DPA) at Generals Parents and Teachers Association (GPTA) nitong Abril 20.
Muling isinabuhay ang programang ito matapos ang pandemya at kawalan ng pagkakataong mailunsad ang programa sa nakaraang taon.
Kinikilala ang FamRun na Benefit Run for Indigent Scholars sapagkat ang mga nalikom na donasyon mula
Sa pagdinig ng boses ng mga magaaral ng Philippine Science High School - Cagayan Valley Campus (PSHS-CVC) sa Panagpipili 2024, muling kinilala ang mga bagong student leader na mamumuno sa student body ng paaralan para sa taong panuruan 2024-2025.
Nagkaroon ng ilang pagbabago ang sistema ng student administration tulad ng pagpapalit-ngalan sa Supreme Student Government (SSG) na ginawang Student Council (SC) kasabay ng pagbabago ng ilang posisyon: Internal at External Secretary imbes na isang secretary lamang, dalawa pang Project Managers na dagdag sa dating
Ang
Patuloy ang pamamayagpag ng Ang
Siklab matapos umani ng tatlong gantimpala sa school paper contest, pito sa group contests at dalawa sa individual contests sa idinaos na Regional Schools Press Conference (RSPC) 2024 sa Tuguegarao City, Cagayan noong Mayo 1-4.
Nakopo ng publikasyon ang ika-8 puwesto sa pahinang
apat na Project Managers, pagdagdag ng dalawang Logistics Managers at binawasan ng isa ang dating dalawang Provincial Representatives kada probinsya.
Nagtagisan sa eleksyon o Panagpipipili 2024 ang dalawang partido ng OA Party at Partido del Gato kasama ang dalawang independent candidates para sa NV Representative at G8 Batch Representative.
Nahirang sina Eiman Carlo Turla bilang President, Mia Francel Marquez bilang Vice President, Jims Patrick Ramos bilang Internal Secretary, Vee Jae Garello bilang External Secretary, Ingrid Dominique Par
sa RSPC 2024
balita, ika-7 puwesto sa pahinang lathalain, at ika-8 puwesto sa pahinang isports.
Aabante ang mga pahinang nabanggit sa National Schools Press Conference (NSPC) 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu sa Hulyo 7-12, 2024 bilang natatanging pambato ng Schools Division Office (SDO)of Nueva Vizcaya sa School Paper ContestSecondary Filipino.
sa mga lumahok at isponsor ay ibibigay sa mga indigenous na magaaral.
Hinati sa tatlong kategorya ang mga mag-aaral at mga kasama nito: 3K, 5K at Family Treat na magkakaiba ang layo ng itinakbo mula sa Capitol Grounds.
Bahagi ang FamRun sa Family Day na itinuloy sa PSHS-CVC Gymnasium sa parehong araw kung saan mayroong isinagawang pagtitipon na kasama ang sari-sariling pamilya upang ipagdiwang ang Family Day.
Inihatid ng Supreme Student Government (SSG) ng kampus ang
bilang Treasurer, Ameer Bandar Sallaf L. Al Shammari bilang Auditor at Althea Elaine Pua bilang Public Information Officer (PIO); lahat ay mula OA party.
Nahalal naman bilang Project Managers sina Aliyah Kaye Alejandro, Quisha Maree Carag, Hannah Faith Perez, Hayak Tumaliuan, Elijah Khurt Valdez galing OA Party at si Jorence Segovia ng Partido del Gato.
Pinili rin ng mga mag-aaral sina JunsDavid Mapili at Zethe Faye Sanchez ng OA Party bilang Logistics Managers.
Para sa bagong Provincial Representatives, kinilala sina Cedrick Alexis Rivera (OA) bilang Cagayan Representative, Lauren Journey Corpuz (OA) bilang Isabela Representative, Lance Voltaire Visitacion (Gato) bilang Nueva Vizcaya Representative
Samantala, nakamit naman ng TV Broadcasting and Script Writing team, 4 mula sa 7 miyembro ay mga LambakIsko na sina Claire Quines, Prince Rivera, Fate Rapanan at Joshua Birco ang 5th best script, 4th best technical application, 4th best dev com at 5th overall production.
Nakuha rin nina Rapanan ang 3rd best reporter at Rivera ang 2nd best anchor.
Natamo rin ng Radio Broadcasting and Script Writing team, 5 mula sa 7 miyembro ay mga LambakIsko na sina Precious Accad,
Julio Gabuyo, Jenver Ilumin, Earvin Seva at Pia Zipagan ang 2nd best infomercial.
Pinarangalan naman si Raphael John Dasalla bilang ikatlong pinakamahusay na kalahok sa larangan ng Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita sa sekundarya, habang nagwagi naman si Prince Rivera bilang ikaapat na pinakamahusay sa larangan ng Mobile Journalism.
iba't ibang laro na Spelling Bhie, Pisay Quiz Bee, Bingo at Raffle Draw na sinalihan ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang kabilang ang mga guro.
Nakakuha ng mga premyo mula sa sponsors ang mga kalahok ng iba't ibang laro.
Ayon kay Raizon Asis, isang magaaral mula 12-Andromeda, "Grade 7 ako noong huling nagkaroon ng Family Day, and ngayon Grade 12 na ako, it brings back memories and masaya akong makasama at maglibang kasama ang aking pamilya sa FamDay as a graduating student."
at Renee Xylia Montesa (OA) bilang Other Provinces Representative.
Nagwagi naman bilang Batch Representatives sina Ashley Joy Mangaoil (Independent) bilang Grade 8 Representative, Jasmin Nicole Agnes Paraiso (OA) bilang Grade 9 Representative, Ma. Mikaela Angelique Dela Cruz (Gato) bilang Grade 10 Representative, Zakaree Zea Bouffard (OA) bilang Grade 11 Representative at Rica Mae Tugad (Gato) bilang Grade 12 Representative.
"For me, the chance to study outside the Philippines promises academic and personal growth, 2 things that I highly value."
sa lamang ito sa mga nagsisilbing motibasyon ni Hadiya G. Andoy nang makamit niya ang National Taiwan University (NTU) International Undergraduate Student Scholarship noong Pebrero 2, 2024.
Naglalaman ang NTU scholarship ng Full Tuition Subsidy at buwanang stipend na umaabot sa humigit kumulang P14,000.
Kinikilala ang scholarship bilang isa sa mga benepisyo ng partnership ng Philippine Science High School
System (PSHSS) sa iba't ibang kilalang unibersidad sa Taiwan.
Tanyag ang NTU bilang isa sa mga nangungunang unibersidad sa larangan ng agham at teknolohiya na may ranggo bilang ika-26 na unibersidad sa buong Asya.
Napili si Andoy mula sa limang nominadong kandidato sa kampus na alukin ng prestihiyosong NTU dahil sa kanyang natatanging academic performance, mahusay na co-curricular portfolio at mga makabuluhang sanaysay.
Ayon kay Andoy, ang pagkakataong mag-aral sa labas ng Pilipinas ay isang hakbang tungo sa isang pagkakataon na makaranas at matuto tungkol sa iba't ibang kultura; kaya balak niyang kunin ang bagong programa ng NTU na English Taught Intelligent Engineering and Technology.
Bukod dito, kasalukuyan na ring naghahanda ng mga dokumento si Andoy sa kanyang paglalakbay patungong Taiwan.
Naaprubahan ng House of Representatives sa botong pabor ang 215 na kongresista sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 9726 o ang "Expanded Philippine Science High School System (PSHS) Act."
Layunin ng panukalang batas na palawakin ang serbisyo ng PSHS sa buong bansa sa pamamagitan ng paglalaan ng dalawang kampus sa bawat rehiyon.
Bukod dito, layon ng panukala na paunlarin ang PSHS bilang nangungunang paaralang pang-sekondarya sa larangan ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) education.
"Through this bill, we aim to expand the number of PSHS campuses per region, making world-class education even more accessible to more deserving Filipino students across the country. The bill will not just improve the management of PSHS but also accommodate more government scholars, and increase the access to quality, free and globally competitive education for the country's science, technology and innovation manpower," ani Speaker Martin Romualdez.
Siklab, nag-alab
TATAK PISAY 'YAN
Zion Mhar Kaezer CORPUZ
PISAYER TUNGO NTU. Nakatanggap ng scholarship si Hadiya Andoy sa prestihiyosong paaralan ng National Taiwan University (NTU), Pebrero 2, 2024.
Kuha ni RO Viloria
GALING NG
Ibinandera ni Raphael Dasalla ang PSHS-CVC matapos makamit ang ikatlong gantimpala sa Pagwawasto ng Sipi sa RSPC 2024 na ginaganap sa Tuguegarao City, Cagayan.
Kuha ni CH Misanes
Larawan mula EducationUSA
Liham sa editor
Mahal naming mga patnugot, Nais kong ipahayag ang aking malaking pasasalamat sa inyong walang sawang paglilingkod sa Pisay-CVC. Ang inyong dedikasyon sa pagbabalita at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon ay tunay na nakatutulong sa aming mga estudyante. Sa kabila ng mga hamon, patuloy kayong nagsisilbing mata at boses ng komunidad, nagdadala ng katotohanan at kaalaman sa bawat sulok ng ating kampus. Ang inyong mga artikulo ay hindi lamang nagbibigay ng impormasyon kundi nagbibigay rin ng inspirasyon. Ang mga balitang inyong inilalathala ay nagiging daan upang kami ay maging mas mulat sa mga isyung kinakaharap ng ating paaralan at ng ating bansa. Maraming salamat din po sa inyong integridad at dedikasyon sa pagsunod sa etika ng pamamahayag. Ang inyong pagsusumikap na maghatid ng patas at balanseng balita ay nagbibigay sa amin ng tiwala at kumpiyansa sa inyong pahayagan. Lubos na nagpapasalamat, Lira
Mahal na Lira,
Maraming salamat sa iyong liham at sa taos-puso mong mga salita ng pasasalamat at papuri para sa aming pamatnugutan ng "Ang Siklab". Kami ay lubos na natutuwa at nagpapasalamat sa iyong pagkilala sa aming pagsusumikap na maghatid ng makatotohanan at makabuluhang balita sa ating kampus. Ang iyong pasasalamat ay nagiging inspirasyon para sa amin upang patuloy na pagbutihin ang aming serbisyo at maging masigasig sa aming adbokasiya ng tamang pamamahayag.Kami rin ay natutuwa na ang aming mga artikulo at proyekto ay nakakatulong sa iyo at sa iba pang mga mag-aaral sa inyong pag-aaral at personal na pag-unlad. Kami ay laging bukas sa mga suhestiyon at opinyon mula sa ating mga mag-aaral. Nawa'y magpatuloy tayong magtulungan para sa ikauunlad ng Pisay CVC.
Malugod na sumasainyo, Patnugot
IKINUKUBLING PATSADA
“
Sa hangaring mamuhay nang mapayapa, kinakailangan bang gamitan ng dahas ang walang sala?
Nasilayan ng buong mundo kung paano nagsimula ang alitang Israel-Palestine. Nag-umpisa ang alitang ito noong 1947 nang napagpasyahang
hatiin sa dalawang estado – ang Arab state at ang Jewish Stateng United Nations General Assembly –ang lupain ng Palestine sa pamamagitan ng pagpapatibay
sa Resolution 181 o Partition Resolution subalit magmula noon ay hindi naging maayos ang pakikitungo ng dalawang bansa sa isa't isa.
Kamakailan lamang ngayong taon, tinatalang humigit-kumulang 40,000 na ang nasawi dahil sa hindi maresolusyonang alitan ng dalawang bansa. Nababahala ang madla dahil sa tuluyang pagtaas ng mga numero, gayundin ang patuloy na pag sangkot ng mga inosenteng mamamayan maging ang mga kabataan. Bagamat nasa murang edad pa lamang sila, maaga silang namulat sa mapait na reyalidad na kanilang ikinakaharap.
Umaaligid ang nakabibinging pagsabog ng mga bomba
Samu't-saring reaksyon naman ang lumaganap sa internet tungkol sa nasabing pangyayari. Inilalahad ng karamihan ang kanya-kanyang paninindigan sa nasabing isyu. Talamak din ang iba't ibang uri ng aktibismo tulad ng pakikisama sa mga rally, boycotts at pagkakalat ng mga karagdagang impormasyon sa internet. Bagamat magkakaiba ang mga komento ng madla, iisa lamang ang hangaring nais nilang matuldukan: ang pagwawakas ng alitang Israel-Palestine.
Sa bawat galaw ay may buhay na nanganganib; sa bawat gulo ay may
Dibuho ni Eaiae CUBALIT, Abcdee ZINAMPAN
Yamang –Pera o Likas?
“
Iyan ang tanyag na liriko ng isa sa mga sikat na kantang Pilipino, Piliin mo Ang Pilipinas. Subalit ano na lamang ang maisusulat sa kasaysayan, kung hindi alam ng mamamayan ang tunay na yaman?
Nagulantang ang sambayanang Pilipino nang maisapubliko ang pagpapatayo ng Captain's Peak Resort sa Patag na bahagi ng Chocolate Hills, Bohol – isa sa mga naturang "National Geographical Monument" ng bansa. Halo-halo ang reaksyon ng mamamayan, lalo na nang ilabas ng naturang resort ang mga dokumento kung saan sumasang-ayon ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman o DENR sa pagpapatayo ng gusali.
Hindi nakagugulat ang reaksyon ng karamihan. Ang mga burol ng Chocolate Hills ay naturang likas-yaman hindi lamang ng Bohol, kundi ng buong bansa. Ito ay nakatali sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino at ang naturang pagpapatayo ng isang resort sa loob mismo ng Chocolate hills ay nagmistulang walang respeto.
Sa katunayan, ang Captain's Peak resort ay walang ECC o Environmental Compliance Certificate, dahilan kung bakit temporaryong ipinasara ng DENR noong Setyembre 2023. Subalit, sa mas malawak na perpektibo, hindi ito mangyayari kung sa una pa lamang ay hindi na sana pinayagan ng DENR ang negosyo. Bagaman ayon sa batas, may karapatan ang nagmamay-ari na magpatayo ng resort, hindi ba't mas importante pa rin ang pag preserba ng likas-yaman, kaysa sa pagpapalawak ng perang yaman?
Kung tutuusin, tatlo na ang gawang taong pasilidad ang naitayo sa loob ng Chocolate Hills. Lahat ng mga ito ay may sang-ayon galing sa DENR, sapagkat "Wala naman silang nilabag na batas." Subalit kung magpapatuloy ang pang-aabusong ito, hindi maipagkakaila ang katotohanan: mga regulasyon ng DENR mismo ang nangangailangan ng rebisyon.
Ayon sa datos, 75 porsyento ng mga dokumentong kailangan ay naibigay naman ng Captain's Peak. Subalit sapat ba ang 75 porsiyentong ito upang sirain
ang natural at napakagandang tanawin ng Chocolate Hills? Ang simple at madaling sagot ay hindi.
Maari ring sabihin ng iba na "Para sa ekonomiya ng Pilipinas" ang pagpapatayo
Hindi ito napaghahalo sa isang bagay, at kailanma'y hindi dapat napag-iisa. Sapagkat alam ng lahat na sa bandang huli, ang tunay na yaman ng mamamayan ay iyong natural, matagal, at likas sa bansa.
Libing ng Labing Pula
inong mag-aakala na sa loob ng apat na dingding ng silid-aralan, matatagpuan ang libingan ng koloreteng kabataan?
Sa pag-usbong ng ika-21 siglo ay sumabay ang laganap ng mga makabagong pag-iisip at pamantayan sa lipunan.
Ang pagbukas ng isipan ng mamamayan sa mga bagay gaya ng kolorete ay naging daan upang ito ay maging normal sa karamihan.
Subalit tila ang loob ng paaralan ay patuloy na naiiwan sa kapanahunang walang pagbabago at puno ng sarado ang isipan.
Ang kolorete ay isa sa mga pangunahing paraan upang
mapalaganap ng mga kabataan ang sarili. Kung tutuusin, karamihan sa populasyon ng mga babae sa labas ng paaralan ay gumagamit nito. Samakatuwid, ito ay nakatali sa indibidwalidad at pagkakakilanlan ng maraming kabataan, hindi lang sa mga babae.
Sa kolorete rin nakakakuha ng kumpiyansa sa sarili ang maraming estudyante. Sa oras ng pagkabahala at labis na lungkot, paggamit ng kolorete ang nagiging gamot. Maliban sa tradisyunal na pagguhit, dito rin nilalabas ng mga estudyante ang pagiging malikhain at pagkakaroon ng artistikong kasanayan. Sa madaling salita, ang paghihigpit ng mga paaralan sa paggamit ng kolorete ay nangangahulugang mawawalan na naman ang mga estudyante ng
Pick
II
indi maaaring maging kalmado sa dami ng baril na nakatutok sa iyong ulo dulot ng agawan ng mga pulo. Manatiling walang gawin at tignan natin kung ang buhay mo'y manatali rin. Magandang huwag mag-isip ng mga negatibong bagay ngunit maging handa sa mga paparating na peligro. Sa kabila ng panganib na dala, bakit nagpapakampante ka?
Nito lamang Marso 27, 2024, isinaad ni Senator Ronald "Bato" Dela Rosa na hindi sagot ang digmaan ukol sa patuloy na pang-aabuso at pananakot na
ginagawa ng China Coast Guard sa West Philippine Sea. Dagdag niya pa ay hindi naman daw makakayanan ng Pilipinas ang China kung sakaling magkaroon ng digmaan laban sa dalawang bansa. "Naubos na ang sasabihin ko dapat dyan. Short of declaring war na tayo dyan against sa kanila e, pero hindi naman natin kaya. Hindi tayo pwedeng mag-declare ng war against sa kanila," saad ni Bato.
Tila di kapanipaniwalang parehas na tao ang nagpupumilit ng Reserve Officers' Training Corps (ROTC) sa mga kabataan upang sila ay matutong humawak ng armas at sandata sa kadahilanang kakailanganin nilang ipagtanggol ang bansa lalo na't mayroong nag-iinit na sagupaan sa West Philippine Sea. Nakakatawa lamang na ang kasalungat ng kanyang gustong gawin para sa bansa. Kung ganito lamang ay nasaan ang kasiguraduhang ligtas tayo sa posibleng mga panganib
Ano nga ba ang mga sinasabi ni Bato ang kanyang mga sinasabi at tila wala itong silbi mga salitang binabato sa taumbayan dahil napakalaking bagay nito. Huwag lang basta-bastang magsalita nang
plataporma upang ipahayag ang kanilang mga sarili.
Bagaman sa tingin ng mga paaralan ay nagsisilbing gambala sa pag-aaral ang paggamit ng kolorete, malayo dito ang katotohanan. Bagkus, ginagawa nito ang kabaliktaran nagsisilbing bukal ng inspirasyon, katangian, at kumpiyansa.
Ang mga paaralan ay hindi dapat nahihiwalay sa agos ng mundo. Ito ay nakikipagsabayan sa pagbabago tungo sa mas inklusibong lipunan, at ang pundasyon ng masayang mamamayan. Hindi dito nakikita ang libingan ng mga kolorete ng kabataan, bagkus ay napupuno ng mga ngiti sa labi nilang pula.
“ Huwag pakampante ngunit maging handa sa maaaring maging komplikasyon. Higit sa lahat, piliin mo ang iyong sinasabi.
Dibuho ni Eaiae CUBALIT
Dibuho ni Eaiae CUBALIT
Althea Gwyneth SORIANO
Abcdee ZINAMPAN
Abcdee ZINAMPAN
sa Usaping pagbabawal ng make-up sa kampus hindi sang-ayon sang-ayon
"Piliin mo, yakapin mo, kayamanan niyang likas. Piliin mo ang Pilipinas."
LATHALAIN
Patnugot | Claire Quines
Pag-asang Lumiliwanag
Sa pamamagitan ng mga
susing pangaral ng Pisay, namulat ang mga isip ng mga kabataang may natatanging kagalingan at kahusayan. Hindi lamang kami binubuo ng mga numero at formula; kami ay hinuhubog upang maging mga tagapagtanggol ng katotohanan at mga alagad ng pagbabago.
Sa bawat paghakbang, sa bawat pagsikat ng araw, nariyan ang
aming sigla't determinasyon na magpakita ng husay at kagalingan sa larangan ng agham at teknolohiya. Kami ang mga taong may tanging pangarap na maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng aming natatanging kakayahan at kaalaman.
Pisayers kami, siyempre mataas ang inaasahan sa amin. Nariyan ang aming mga adhikain at nagsusumikap na mapanatili ang ningning ng kaalaman sa gitna ng madilim
na hamon ng realidad. Sa bawat eksperimento, sa pagtuklas, kami'y patuloy na naglalakbay, handang harapin ang anumang pagsubok na dumating. Pisayers kami, siyempre kakayanin namin.
Sa bawat sulok ng aming paaralan, makikita ang mga estudyanteng handang magbahagi ng kanilang kaalaman at magtulungan upang maging instrumento ng pagbabago. Pisayers kami, siyempre ang alam
ng karamihan, sa Sipnayan at Agham lang kami magaling. Diyan sila nagkakamali, hindi limitado ang aming kakayahan; kami ay patuloy na hinuhubog upang maging mga lider at tagapagtaguyod ng kaalaman at teknolohiya sa aming lipunan. Pisayers kami, siyempre iskolar kami ng bayan, hindi ng gobyerno. Bilang mga iskolar ng bayan, mayroon kaming tungkulin na gamitin ang aming kaalaman at kahusayan sa paraang makakatulong sa pag-unlad ng ating bansa.
Sa gitna ng kadiliman, kami ang mga bituin na patuloy na nagbibigay
liwanag sa kawalan. Kaming mga iskolar ng Pisay ay hindi lamang mga mananaliksik, kami ay mga tagapagtanggol ng katotohanan, mga manlalakbay ng karunungan at mga huwaran ng kagitingan. Sa aming mga kamay, muling nagliliwanag ang pag-asa para sa isang mas maunlad at mabungang kinabukasan.
Kuha rito, angulo roon, paulitulit, makuha lamang ang resultang gusto. Iyak rito, tawa roon, hindi nagsasawa, maipadama lamang ang emosyon nang husto.
Pisay Bandila'y iwawagayway, mula sa umpisa ng isang simpleng dula hanggang sa pagtatapos ng makabuluhang pelikula.
Sa nagdaang siglo, nakagisnan nang gumawa ng mga proyektong pampelikula, mapa-komedya, romantiko, katatakutan, o bakbakan
pa man iyan, lahat ay tinatangkilik. Kabilang na rito ang paglunsad ng
Marahuyo ng isang mala-pasineng programa na tinaguriang "Filmsay," na siyang pagbibidahan ng mga obra ng Batch 2027 o ika-siyam na baitang ng paaralan.
Pisay Bandera sa Eskwela
Angking taglay nang mga iskolar ang pagkakaroon ng higit na kaalaman sa agham at teknolohiya,
anumang paligsahan ay nilalahukan, di nagpapatalo at patuloy na lumalaban. Isang pagsubok ang nakatadhana sa kanila-ang pagbuo ng makabuluhang pelikula-na siyang susukat sa kanilang kakayahan na ipagpugay ang bandera ng paaralan.
Mula sa pag-iisip ng mga natatanging konsepto, hanggang sa pagbuo ng mga linya, walang pag-aatubiling ginagawa ng tama, makagawa lamang ng kapanapanabik na pelikula.
Pisay Karera sa Bidyong Kuha Lokasyon ay dapat maisaayon, kagamitan ay dapat may preparasyon. Pinagsasama-sama ang kanilang mga kuro-kuro, mabigyan lamang ng hustisya ang mga kuhang bidyo. Sa pag-aayos at pagsasama ng mga senaryo, mga elemento at pakulo ay iniisip, mabigyan lamang ng magandang karera ang kabuoan ng pelikula. Pangangampanya upang ito'y dumugin ay isinasagawa, buong pusong hinihikayat ang buong madla.
Walang hanggang sakripisyo ang kailangan, makamtan lamang ang alindog ng kagalakan. Sakripisyong walang katumbas, isang nagbabagang "Awarding's Night" ay dapat maganap. Mga parangal at tropeyo ang siyang magsisilbing lunas sa kanilang pagod at hirap.
Nagkikislapang mga diyamanteng nakapalibot sa bawat ternong suot ng mga binata at dalaga na tila mga bituin sa karagatan ng kadiliman-nagbibigay ningning sa gabing walang tulog at purong kagalakan ang nagiging pamawi sa lamig ng gabi. Tuluyang umiinit ng gabi, dala ng kanilang mga damdamin na nagliliyab na tila tanghaling tapat ang madarama sa entablado at mga mesa.
Kagaganap lamang ng Prom nitong Mayo sa PSHS-CVC Gymnasium
Noong ika-14 ng Marso 2024, ang kampus ay nagniningning sa talino at kasiyahan habang ipinagdiriwang ang Pi Day, isang espesyal na aktibidad na handog ng Batch Salindunong. Pi Day, na ginugunita tuwing ika-14 ng Marso dahil ang 3, 1, at 4 ay ang unang tatlong mahahalagang bilang ng π, ay nagsilbing inspirasyon para sa Project 22-7. Ang selebrasyon, bilang bahagi ng kanilang SCALE Project, ay puno ng mga natatanging laro at paligsahan na nagpakita ng galing at husay ng mga magaaral.
Digits of Pi 14: Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang talas ng memorya. Binigyan ang mga manlalaro ng tatlong minuto upang isulat ang pinakamaraming tamang numero ng pi.
Guesstimate: Ang hamon ay hulaan ang timbang at dami ng laman ng isang garapon. Ang siyang makapagbigay ng pinakamalapit na hula ay ang nag-uwi ng premyo.
15 - Puzzle: Pinagsikapan ng mga kalahok na ayusin ang isang 4x4 grid
ngunit tila hanggang ngayon ay tila rinig pa rin ang mga hiyawan at padyak ng mga paa sa kantang ibinubulyaw sa mga speaker sa gabing iyon. Isang gabing hinding-hindi malilimutan ng malapit nang makapagtapos na Salindunong at ng kanilang mga nakababatang mga mag-aaral mula sa Batch 2025. Isang gabing puno ng hiyawan, kansiyahan, at mga litratong nakatatak sa utak ng bawat mag-aaral. Sa gabing ito nabuklod muli ang dalawang grupo ng magaaral upang maibigay ng Salindunong ang responsibilidad sa kanilang mga nakababatang mag-aaral samantalang mga dasal at pampatibay-loob naman ang handog ng Batch 2025 sa Salindunong.
Matapos ang munting programa upang masimulan ang kasiyahan ay nagpakitang gilas ang mga mag-aaral sa kanilang husay sa pagsayaw at pag-awit sa kanilang mga pagtatanghal. Hindi rin
ng mga numero mula 1 hanggang 15 ng pinakamaikling oras.
Rubik's Race: Bawat kalahok ay binigyan ng 15 segundo upang suriin ang kanilang cube bago simulan ang timed solve.
Sudoku: Ang mga kalahok ay sumabak sa medium-level Sudoku puzzles gamit ang kanilang gadgets, nalutas ang puzzle sa pinakamaikling oras.
Lock Guessing: Tatlong 3-digit combination locks ang kailangan buksan ng mga kalahok sa pamamagitan ng tamang hula
Math Trivia: Ang bawat kalahok ay binigyan ng papel na naglalaman ng mga trivial na katanungan sa Math, bumuo ng pangungusap gamit ang mga tamang sagot.
mawawala ang pinakahihintay ng lahat na kainan sa gitna ng programa kung saan mas nabigyang panahon ang mga mag-aaral upang makilala at makausap ang isa't-isa sa huling pagkakataon habang kanilang ninanamnam ang mga nakakatakam na putahe.
Sa kahulihan naman ay masigabong palakpakan at malalakas na hiyawan ang muling iginawad sa mga nabigyan ng espesyal na parangal, lalong-lalo na ang Prom Queen at Prom King.
Patapos pa man ang mga panahong kanilang araw-araw makikita ang isa't-isa, hindi pa rito nagtatapos ang kanilang istorya kasama ang isa't-isa. Tulad na lamang ng gabing kasing-init ng tanghali, isang gabi lamang ito ngunit ang mga damdaming bumusilak sa kanilang mga puso ay kanilang panghahawakan panghabambuhay.
Pinatunayan ng aktibidad na ang pag-aaral ng matematika ay hindi lamang tungkol sa mga numero, kundi isang pagkakataon upang magpakitang-gilas, magtulungan at magsaya kasama ang mga kaibigan at kaklase.
Bawat laro, bawat tanong, bawat hakbang-binubuo natin ang isang komunidad na sama-samang lumalago sa karunungan at kasiyahan.
John Mark COMA
Jims RAMOS
Gwyneth Rose MARQUEZ
Shamira Althea LO
Kuha ni RO Viloria
Kuha ni Nayah ONOFRE
AGHAMTEK
Bagong Kaaway
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng temperatura sa bansa at lumalalang epekto ng climate change, isa sa nakikitang hamon na kinakaharap nating mga estudyante ay ang pagtaas ng heat index. Ang heat index ay isang sukatan ng kontribusyon na nagagawa ng mataas na halumigmig na may abnormal na mataas na temperatura sa pagbabawas ng kakayahan ng katawan na palamig ang sarili nito. Sa maraming bahagi ng bansa, ang heat index ay tumataas sa mapanganib at nagbabanta sa kalusugan. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring umabot sa mahigit 40°C ang heat index sa ilang lugar sa bansa na lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga tao lalo na sa mga kabataan.
Bilang mag-aaral, araw-araw naming hinaharap ang iba't ibang hamon sa loob ng silid-aralan mula sa mga pagsusulit at proyekto hanggang sa mga aktibidad sa klase. Ngunit sa kasalukuyan, isa sa pinakamalaking pagsubok na aming kinakaharap ay ang mataas na heat index. Dahil dito, pakiramdam namin ay hindi makatarungan ang inaasahan na mag-excel pa rin kami sa kabila ng matinding init na nararanasan namin sa loob ng mga silid-aralan.
Ayon sa PAGASA, ang heat index sa ilang bahagi ng bansa ay umaabot na sa mahigit 40°C. Kapag ganito na kainit sa isang lugar, hindi lamang katawan ng mga mag-aaral ang naaapektuhan, kasama na rito ang aming kakayahan na mag-concentrate at mag-aral nang
maayos. Ayon sa pag-aaral, ang mataas na heat index ay direktang nakaaapekto sa aming cognitive function na nagreresulta sa mas mababang academic performance. Napakahirap mag-focus at mag-isip nang maayos kapag pakiramdam mo ay parang niluluto ka sa sarili mong pawis.
Ang mga sintomas ng heat stress ay hindi biro. Mula sa simpleng pagod at pananakit ng ulo, madali ring mahilo at mawalan ng konsentrasyon. Kapag hindi agad naagapan, maaaring humantong ito sa mas malalang kondisyon gaya ng heat exhaustion at heat stroke. Sa ganitong sitwasyon, paano kami inaasahan na magperform nang maayos sa aming mga klase?
Maganda ang naisip ng mga guro sa kampus na gawing silid-aralan pansamantala ang mga silid na may air conditioning units para maagapan ang nakakaalarmang heat index sa bayan ng Bayombong. Ngunit bakit ito inimplementa lamang nang dalawang araw at hindi pinatagal? Matapos nito ay pinabalik lamang din kami sa aming mga silid na ang iba ay may hindi gumaganang electric fans.
Kailangan ang pag-upgrade ng mga pasilidad sa mga paaralan upang mapabuti ang bentilasyon at maglagay ng mga cooling system. Malaking tulong din ang pagkakaroon ng mga shaded area sa loob ng kampus upang mabawasan ang init na nadarama kapag
lumalabas ng silid-aralan kapag pupunta sa kantina o uuwi. Bukod pa rito, mahalaga rin na mabigyan kami ng tamang edukasyon at impormasyon tungkol sa mga paraan ng pag-iwas sa heat stress at iba pang sakit na dulot ng init.
Napakahalaga na magkaroon ng isang ligtas, komportable at maayos na kapaligiran sa pag-aaral. Sa ganitong paraan, magkakaroon kami ng patas na
pula para sa Team SULTAN, dilaw para sa Team LAKAN, at puti para sa Team
Isa sa mga eksperimento na ginamit ay ang iodine test, na nagpakita ng iba't ibang kulay upang ipakita ang presensya ng starch (isang klase ng carbohydrates). Ang pangunahing reagent na ginamit dito ay ang iodine solution, na binubuo ng iodine at potassium iodide na hinalo sa tubig. Sa pagsasagawa ng iodine test, nagpatak ng iodine solution sa sample ang isang magician , at agad na nagbago ang kulay nito sa asul-itim kung may presensya ng
Ang iodine test na ito ay naging bahagi ng palabas, na nagpapahiwatig kung paano maaaring gawing biswal at nakakaaliw ang isang sangay ng agham. Ang simpleng eksperimento na ito ay nagpamalas ng dramatikong pagbabago ng kulay, isang epektibong paraan upang ipakita ang iba't ibang aplikasyon ng
Dibuho ni Leah GALIMA
Frances Jan CASTILLO
AGHAMTEK
Patnugot | Raphael John DASALLA
Maraming tao ang nagulat sa muling lindol na naibalita ngayon. Ang lindol na ito ay naganap sa Taiwan. Isa itong malakas na lindol na nagbigay ng mga pinsala sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Ang lindol ay ang paggalaw ng lupa at isa ito sa mga karaniwang sakuna sa planeta. Nagkakaroon lindol o pagyanig ng lupa dahil sa tinatawag sa 'Tectonic Plates.' Kaya't sa tuwing tumama, bumunggo, o dumudulas ang plates na iyon at doon na magkakaroon ng lindol.
Noong Abril 3, isang malakas na lindol na may 7.4 magnitude at isa sa muling naitala na pinakamalakas na lindol na nangyari sa bansa.
Sa ganitong malakas na lindol, hindi talaga mawawala ang mga taong maapektuhan. Siyam ang namatay sa lindol na ito at higit sa 900 ang mga nasugatan.
Ayon sa Taiwan News, ang epicenter ng unang lindol ay 23 km hilaga-hilagang-silangan ng Hualien County Hall na may mababaw na focal depth na 24.9 km. Ayon naman sa Central Weather Administration o CWA, yumanig ang magnitude 6.1 na lindol sa hilagang-silangan ng Taiwan dakong 2:21 A.M. at sinundan ng magnitude 5.8 na lindol bandang 2:49 A.M..
Ang lindol na ito ay mayroon ding malalang pinsala sa kapaligiran ng Taiwan tulad na lamang
ng pagkatumba o pagkasira ng ilang mga gusali sa bansa. Yumanig ang mga gusali bago mag 8:00 A.M. sa lokal na oras ng bansa. Halos 100 na katao ang nakulong at hindi makaalis sa mga nasirang gusali.
Kung may mga ganitong pagkakataon, dapat alam natin ang mga dapat gawin upang tayo pa rin ay ligtas. Una, kung kayo ay nasa loob ng bahay, eskwelahan, o opisina, huwag tayong tumakbo at laging tandaan ang Duck, Cover, and Hold. Kung nagkataon na ikaw ay nakahiga, huwag ka nang umalis sa kinaroroonan; sa halip, gawing panakip ng ulo ang unan at hanggang maaari ay huwag tumabi sa mga bintana at mga salamin.
Pagkatapos naman ng lindol, huwag muna gumawa ng kilos at suriin kung mayroon pa bang mga bagay na maaring bumagsak sa iyo. Kung ikaw naman ay nakulong sa isang gusali, gumawa lamang ng ingay upang marinig ng rescuers. Mahalaga rin na magkaroon ng First Aid Kit dahil maaari itong magamit kung sakaling makulong sa isang lugar kung may lindol.
Walang may alam kung kailan at saan tatama ang mga lindol kaya tayo ay dapat laging handa at sundin ang mga dapat gawin kung ikaw man ay naabutan ng lindol. Laging unahin ang kaligtasan ng bawat isa at maari ka ring magsaliksik sa internet kung mayroon bang susunod na lindol na mangyayari.
Ang ibang bahagi sa Pilipinas ay idineklara na ang pagsiklab ng Pertussis katulad na lamang sa Quezon City. Sa katunayan, marami ang nahawaan at ilang mga bata na rin ang namatay dahil dito. Ngunit, dahil sa Pertussis na ito, posible nga bang magkaroon muli ng lockdown?
Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo na delikado sa mga bata. Nagkakaroon ng Whooping Cough dahil sa isang bacteria at ang tawag sa bacteria na ito ay Bordetella Pertussis. Sunud-sunod ang ubo hanggang sa mawalan ng hininga at hahabulin sa huli.
Ayon sa Department of Health o DOH noong Marso 23, 2024, nasa 453 na ang kaso ng Pertussis sa bansa. Ang pinakamaraming naitalang mga kaso ay sa Manila. Ang Pertussis ay kumakalat sa pamamagitan ng
Noong Marso 23, lumahok ang Pilipinas sa Earth Hour, isang pandaigdigang aktibidad upang bigyang-diin ang pangangailangan ng pagkilos sa kapaligiran laban sa pagbabago ng klima. Milyon-milyong Pilipino ang nag-off ng kanilang mga ilaw sa loob ng isang oras, upang markahan ang sandali ng pagmumunimuni at pangako sa pagpapanatili ng kagandahan ng planeta.
Ang Earth Hour ay ginaganap tuwing katapusan ng Marso dahil sa panahong ito malapit ang Spring at Autumn equinox sa north at south hemispheres na nagdudulot ng halos sabay na paglubog ng araw sa parehong hemispheres. Sa ganitong paraan, mas nakakamit ang pinakamalaking biswal na epekto para sa isang pandaigdigang 'lights out' na kaganapan. Dito maipapakita ang pagkakaisa ng mga mamamayan para sa kalikasan.
Ang aktibidad na ito ay nagmula sa Sydney, Australia noong 2007 at naging isang pandaigdigang kilusang pangkapaligiran. Sa Pilipinas, isang bansang lubhang nadadamay sa mga epekto sa pagbabago ng klima, hindi
masyado binibigyang-diin ng Earth Hour. Hindi masasabing mulat ang mga Pilipino sa kalagayan ng planeta kaya ang Earth Hour ay isang simple at madaling paraan upang maisalba ang kapaligiran.
Ipinagdiriwang ito sa iba't ibang komunidad sa Metro Manila at Mindanao kung saan pinapatay ng mga skyscraper at commercial establishment ang mga neon sign at facade lights. Ang kaganapang ito ay nagpapakita ng ating pagkakaisa at layunin na protektahan ang kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.
Itinampok ng Earth Hour 2024 ang pag-unlad ng Pilipinas tungo sa mga layunin sa klima na binibigyang-diin ang sama-samang pagsisikap at mga aksyon upang bawasan ang mga greenhouse gas emissions at paglipat sa renewable energy sources. Binibigyan nito ng kahalagahan ang pagprotekta sa planeta at pagbibigaykapangyarihan sa mga Pilipino na tumulong sa pagpapanatili ng magandang kinabukasan.
droplets mula sa bibig at ilong kapag ang isang taong may Pertussis pagubo, pagbahing o pakikipag-usap.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagbabara ng ilong at pagkakaroon ng tuyong ubo o dry cough. Makalipas naman ng ilang araw o linggo ay mapapansin na ang pag-ubo ay may kasunod na ng hirap sa paghinga. Maaari ring pagkatapos umubo nang malala ay nahihirapan sa paghinga at naduduwal-duwal.
Ang Pertussis ay kumakalat sa pamamagitan ng droplets mula sa
bibig at ilong kapag ang isang taong may Pertussis pag-ubo, pagbahing, o pakikipag-usap. Kaya naman upang maiwasan ang pagkalat, dapat lagi tayong mayroong sapat na paghinga. Lagi rin dapat sapat ang pag-inom ng tubig. Kung ikaw naman ay may ubo, iwasan ang pakikisalamuha sa mga bata lalo na sa mga sanggol. Higit sa lahat, iwasang pumunta sa mausok na lugar o sa mga taong naninigarilyo. Talagang nakahahawa ang sakit na ito. Malala at malubha ito lalo na mga sanggol. Hanggang kaya, tayo ay magpatingin sa ating mga doktor upang laging ligtas. Kung ikaw naman ay nag-ooverthink, huwag mag-alala dahil kung ating aalagaan ang sarili, hindi magkakaroon ng panibagong lockdown.
SOLAR ECLIPSilim
Sa saglitang panahon ay muling magtatagpo ang araw at ang buwan, makalipas ang ilang buwan mula noong huling solar eclipse noong Oktubre ng nakaraang taon. Nitong buwan ng Abril ay masasaksihan ng ilan ang pandilim ng kalangitan kasabay ng pagsilip ng kaunting liwanag.
Walang hinto ang paglibot ng ating planeta sa orbit na pumapalibot sa araw, habang ito mismo ay iniikutan din ng buwan. Ito ay hanggang sa mapagitnaan ang buwan ng dalawang celestial bodies kung kaya't mula sa perspektibo ng ating daigdig ay natatakpan ng buwan ang araw.
Panandaliang maninilim ang kalangitan at ang tanging maaaninag ay ang ningning na pumapalibot sa hugis ng buwan – ito ay liwanag mula sa araw na pilit sumisilip kahit natabunan na. Ang tanawing ito ay inaabangan ng mundo dahil sa ganda nitong taglay. Hanggang sa tuluyang dumilim ang kalangitan, lilisan na ang buwan at magpapatuloy sa nakasanayang ruta.
Nitong Abril 8, natunghayan ang unang solar eclipse ng taong 2024. Gaya ng karaniwan ay sumunod ang lunar eclipse dalawang linggo makalipas nito ang pagkakasunod ng mga pangyayaring ito ay sinusuportahan ng maraming pag-aaral sa astronomiya. Minsan ay may mga pagkakataon na nauuna ang lunar eclipse bago ang solar eclipse.
Ayon sa pananaliksik ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang partikular
na solar eclipse na ito ay lilitaw nang mas matagal kumpara sa mga nakalipas na. Dagdag pa nila sa kanilang pahayag ay aabutin ng 20 na taon ang susunod na solar eclipse at sinasabing ito ay magaganap pa sa Agosto 2044.
Kahit sabik ang lahat na makita ang pangyayaring ito, mayroong dapat sundin upang masiguro ang kaligtasan. Kinakailangang magsuot ng specialized eye protection, maaaring nasa anyo ng camera lens, binocular, telescope, o glasses. Mainam na gumamit ng mga nasambit dahil ang direktang pagtitig sa solar eclipse ay maaaring magdulot ng permanenteng pinsala sa mata nangangahulugan ng pagkasira ng paningin.
Hindi lamang mata ang kailangan bigyanpansin, maging ang kutis din. Ang matagalang pagkabilad sa araw ay maaaring magdala ng panganib, kaya mahalagang magsuot ng protective clothing at samahan na rin ng sunscreen upang maiwasan ang pagkasira ng balat.
Gustuhin man ng lahat na masaksihan ang magaganap na solar eclipse ay bilang lamang ang mga bansang nakakita nito. Ilan lamang ang nasa listahan na iyon ay Mexico, United States, at Canada.
Hindi man nabigyan ng oportunidad ang mga Pilipinong nagnanais makita ang 2024 solar eclipse ay maaari pa rin itong makita sa mga larawang kinuha na mahahanap online. Hindi man dumilim ang kalangitan sa ating bansa, kaysa magreklamo ay dapat magpasalamat sa liwanag na suminag at matiyagang maghintay para sa susunod na pagkakataon.
Bernadette CALAUSTRO
Aliyah ALLAM
Jamelle DELA CRUZ
Bernadette CALAUSTRO
Larawan mula sa Google
Larawan mula sa Google
Larawan mula sa Google
Rajah, naghari sa table tennis
Eiman TURLA
Sa kabila ng init ng kompetisyon at kahigpitan ng laban, nangingibabaw ang Rajah sa table tennis noong nakaraang Bigkis 2024 noong Pebrero 1923 sa PSHS-CVC Gymnasium.
Mula sa mga kinatawan ng Rajah makasaysayang tagumpay na kinatatakutan ng mga pambihirang manlalaro na sina Judge Edmond Manas, Arwen Arce at ang power duo na sina Janina Fabi at Joshua Fajardo.
Nagreyna sa Singles Women si Arwenjan Arce na manlalaro din ng Ugnayan dahil sa kaniyang pagpapakitang-gilas sa bawat set at rally ang kanyang strategic na pag-iisip at matibay na loob.
Bilang kilalang isang Ugnayan 2022 gold medalist, hindi siya nagpakita ng pagod o kompetensya sa bawat laban niya. Inangkin niya rin ang titulo na People's Support Award dahil sa galing niya sa larangan na ito.
Naging sentro naman ng atensyon sa Singles Men si Judge Edmond Manas, isang sa kilalang manlalaro sa nakaraang Ugnayan 2022, dahil sa kaniyang husay at galing sa isport na kaniyang ginamit upang durugin ang mga manlalaro mula sa ibang pangkat.
Samantala, hindi rin matatawaran ang tambalang Janina Fabi at Joshua Fajardo sa mixed doubles.
Matapos maging undefeated sa quarter finals hanggang semi-finals, ang kanilang pagiging power duo ay nagbigay ng kakaibang chemistry at koordinasyon sa laro na nananatiling nangingibabaw sa buong paligsahan.
Laro't Libro
Frances Jan CASTILLO
Sa bawat karera, sagupaan at larong pampalakasan, hindi kailanman maisasantabi ang lakas at liksi ng mga mag-aaral sa Pisay. Kasabay nito ang patuloy na pamamayagpag ng mga atlea sa tugatog ng kaalaman.
Tulad ng mga karakter sa mga teleserye, ang pagbabalanse ng pagiging atleta at mag-aaral ay hindi simpleng gawain lamang kundi isa ring pagsubok na nangangailangan ng mahusay na balanse, sipag, tiyaga at lakas ng loob. Tulad nila, mayroon ding hamon na hinaharap ang mga student-athletes: ang pagbabalanse ng kanilang pusong nagmamahal sa isports at kanilang isip na gustong mag-aral.
Bahagi ng kanilang karanasan bilang student-athlete ang mga tagumpay at kabiguan kagaya ng mga karakter sa serye na nakararanas ng pag-angat at pagbagsak. Ang mga student-athletes ay sinusubukang kamtin ang tagumpay sa larangan ng sports at akademiko. Kung minsan nga lang ay nagkakaroon sila ng mga kabiguan at ito ay nagiging aral at inspirasyon sa kanilang mga sarili pati na sa iba. Nakararanas din sila ng iba't ibang uri ng pagsubok at panganib sa kanilang mga laban.
Ang mga karakter sa serye ay nagsisilbing inspirasyon sa kanilang mga manonood habang ang mga studentathletes naman ay nagsisilbing inspirasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral.
Wika nga ni Francis Edz Gammad, student-athlete mula sa ika-10 na baitang, “Sa salitang ‘student-athlete’, student pa rin ang mananaig.” Sa likod ng isang sikat na atleta sa kampus ay ang Edz na kabilang sa top 5 ng kanilang batch. Isang halimbawa si Edz sa mga mag-aaral na pinipili pareho ang laro at libro; hindi pumipili kung laro o libro.
Hamon para sa kanila ang pagbalanse ng pag-aaral at paglalaro dahil ang pagpapabaya sa pag-aaral para matutukan lamang ang sports ay maaaring humantong sa pagbagsak sa klase. Samantala, ang pagiging labis na pabaya sa isports ay maaaring humantong sa hindi pagkamit ng kanilang potensyal bilang atleta.
Sa silakbong umaalab sa damdamin ng bawat mag-aaral na atleta ay ang mithiing makapagtapos ng pag-aaral. Ang kanilang pamamayani sa bawat hampas, talbog at palo ng bola sa kani-kanilang laro ay sumasalamin sa pagsisikap na ibinubuhos saanmang larangan mapaibig.
43.5% ng Populasyon ng PSHS-CVC ay Student Atlethes
Aizhien Jae MONTAÑEZ
Halos limang siglo na ang nakaraan mula noong tayo'y unang nadiskubre at 'di-kalauna'y nasakop ng mga Espanyol. Noong una ay magiting nating naprotektahan ang ating bansa sa mananakop ngunit sadyang mas naisahan tayo ng mga mananakop. Ngunit sa kabila ng mga nangyari sa mga sumusunod na siglo, patuloy pa rin nating naaalala ang mga mandirigmang buong giting na lumaban upang protektahan ang ating bansa mula sa mga mananakop. Sa panahon ngayon, isa sa mga pinakakilalang mandirigma na iyon ay ang datu ng Mactan na si Lapu-Lapu na siyang tumalo sa hukbo ni Magellan. Ngunit paano naman ang mga ibang taong nakipaglaban hindi lang sa Mactan ngunit sa Luzon, Visayas at Mindanao? Dapat ba natin silang kalimutan na lamang? Paano natin sila maaalala sa panahon na kung saan ay teknolohiya na ang may ari?
Halina't magsilbing BIGKIS sa lahat ng mga bagay na ito. Bigyang Importansya at Gabay ang mga tao sa Kultura ng nakaraan at ngayon habang isinasama ang Isports at Siyensya.
LAKAN - Kawal ng Bitiun sa Norte
ko, ang gulo, waring, pinapaikot ang utak ko sa
Tuwing nababanggit ang salitang "Bituin sa Norte,"
ang itsura. Isang LAKAN?
Teka lang, lakan? Mga lider ng naninirahan sa Luzon noong panahon
Ako'y kaniyang binigyang gabay, tungo sa aking mga hangarin, tanglaw sa diwa, and kawal ng bituin sa Norte.
DATU - Kawal ng mga Dugo
Gulo rito, gulo roon, gulo kung saan-saan. Ano ang rason raw? Di nanaman magkasundo. Hays, para bang pinagbubuklod tayo. Maraming dugo, iisang lahi, ngunit bakit tayo nabubuklod? Hindi ba dapat tayo'y nagkakaisa? At doon na namin naramdaman, kulo ng dugo na para bang plano nang mundo na maglaho kami na pasingaw. Akala ko'y katapusan ko na ngunit aking nakita ay... isang tao, kulay pula, hawak ay, isang lubid na kulay pula rin na nakadikit sa bawat isa sa amin, kanyang katawa'y napakakisig, parang katulad ng isang DATU
Datu? Mga datu na namumuno sa mga kapuluan sa Visayas? At doo'y kaniyang sinabi ang mga salitang "Iba't iba man ang dugo, ngunit sa pamamagitan ng aking lubid na pula, aking pagbibigkisin, iisang lahi."
Gubat na masukal, ganda ng kalikasan. Rajah - mga hari ng mga lupain sa iba't ibang bahagi ng kapuluan bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Sila ang mga tagapagtaguyod ng yaman at karangyaan ng Maharlika; nagsusumikap upang mapanatili ang kaunlaran at pagkakaisa ng kanilang nasasakupan.
Sa kanilang mga kamay, ang likas na yaman ng kalikasan ay pinangangalagaan at pinayayabong. Sa kanilang angking talino, ang mga kasanayan ng mamamayan ay pinauunlad.
RAJAH, tagapagbantay ng likas-yaman, ikinabubuhay ng bayan, katuwang sa pagsulong, inspirasyon ng kalinangan. Sa kanilang pamumuno, mga lupain ay nagiging mayabong, mamamayan ay umuunlad, may pagkakaisa at malasakit sa isa't isa. Ang Rajah ang tagapamagitan ng kapayapaan at tagapagtaguyod ng kalikasan at kultura.
SULTAN - Kawal ng Kalayaan
Sa gitna ng pakikipaglaban, ako'y halos sumuko na. Sa dami at lakas ng mga aking katunggali, katawan ko'y 'di na kaya. Mga kalamna'y nanghihina, lakas ko'y naglalaho na. Puting bandila, handa ng iwagayway.
Magigiting na kawal ng mga taga-Mindanao, iyan lang ba ang inyong makakaya? Hindi lamang dugo ang ibig sabihin ng kulay na pula, ngunit kasama na rin nito ang inyong mga karangalan at hangarin. Ito'y inyong isabuhay at maging iyong sariling SULTAN.
Sultan - mga pinuno ng taga-Mindanao. Mga pinunong sobrang tatag, hindi patatalo kahit anong mangyari, para sa kanilang mga hangarin at para sa bayan. Sa kanilang tatag ay halos hindi sila masakop, sa kanilang pagpupursige, mga digmaa'y mahihirap, kanilang pinagtatagumpayan. Sa kanilang kamay, kanilang bantay, ang kalayaan.
Rajah, nanaig sa Bigkis 2024
aghari ang Rajah Likas-Yaman na nakakuha ng kabuuang 344 overall na puntos laban sa Lakan Tanglaw-Diwa, Sultan Bantay-Laya, at Datu Bigkis-Lahi sa 5-day BIGKIS 2024 ng Philippine Science High SchoolCagayan Valley Campus, Pebrero 19-23. Nangibabaw ang Rajah sa Softball, at Frisbee Men, nakuha naman nila ang panagalawang pwesto sa larangan ng Volleyball Men at Women, gayundin sa Basketball Men, Women, at Frisbee Women upang umambag sa kanilang panalo overall.
Kinulang ng limang overall na puntos ang Lakan upang agawin ang korona sa Rajah matapos silang magtala ng 340 kabuuang puntos subalit sa kabila ng lahat, nagpakitang gilas sila sa Volleyball Women, at Basketball Men matapos nilang iuwi ang gintong medalya.
Dikit ang laban ng Datu at Sultan para sa ikatlong puwesto ngunit naselyuhan ito ng Sultan with a 1-point difference, 311-310, at magwagi sa Volleyball Men, Basketball Women, Frisbee Women at pumangalawa sa Frisbee Men at Softball.
Nabigo ang Datu matapos silang kapusin subalit ang
binigay naman nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makipagcompetisyon sa kanilang mga karibal at selyuhin ang ikatlong pwesto sa Volleyball Men, Women, Basketball Men, Frisbee Women, at Softball.
"Ayaw ko na..." aking nasabi habang ako'y napaupo sa lupa. Sobra na, hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa kapaligiran
iba't ibang direksyon. Hanggang sa nakita ko ang bituin sa Norte.
laging pumapasok sa isip ko ang salitang "gabay at "huwag kang sumuko." Teka, hindi ba ito kakaiba? Ano... ang... aking... narinig... At saka... bakit mukha itong isang tao? Isang taong tila hari
bago ang panahon ng mga Kastila.
RAJAH - Kawal ng Kayamanan
Patnugot | Dioneter MEFLORES
Kuha ni RO Viloria
Logo at Larawan mula kay RO Viloria
Tomo XX Blg II
Enero - Hunyo 2024
Dioneter King MEFLORES
Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas - Kampus sa Lambak ng Cagayan