〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com
Vol.5 Issue 60 June 2016
features
Kultura at Sining
showbiz
A Trip to the Fair City of Fukuoka
Sion Sono's Whispering Star
Mariel Rodriguez, Buntis Na Naman
15
8
21
Duterte Transition Team, Kumpleto Na! sundan sa Page 5 Duterte
ka-daloy of the month
Janitor Noon, Successful Businessman Na Ngayon
T
ubong-Cebu, walang sino man no on a n g n a k a k a k i l a l a k ay Aroma. Sino ba naman ang magaaksaya ng panahon sa isang janitor lamang noon? Pero sa kabila ng kanyang paghihirap, sinikap ni Aroma na maabot ang kanyang mga pangarap dahilan upang makamit niya ang tagumpay. Mula sa pagiging taga-barrio
Isa lamang siyang simpleng taga-barrio na anak ng isang mangingisda at guro. Tubong Catmon, Cebu, si Edwin ay isa lamang sa limang magkakapatid. Dahil na rin sa paglaki ng kanilang pamilya, kinailangang tumigil ng kanyang ina sa pagtuturo para tutukan ang pagaalaga sa kanila. Dahil na rin dito, hindi na naging sapat pa ang kinikita ng kanyang ama para tustusan ang kanilang pamilya. sundan sa Page 7 Janitor
JUNE 2016
2
BALITANG GLOBAL
Oxygen Sa Mars, Na-Detect Ng Space Observatory Sa Kalawakan SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, naka-detect ng atomic oxygen ang Stratospheric Observatory for Infrared Astronomy (SOFIA) na isang modified Boeing 747 jet na dapat sana ay magdadala lamang ng hightech scientific equipment sa kalawakan. Ang nadiskubreng atomic oxygen sa atmosphere ng Mars ay maituturing na isang breakthrough discovery sa nakalipas na 40 taon. Sa sobrang taas ng nilipad ni SOFIA, nagawa daw nitong i-distinguish ang atomic oxygen na meron sa Earth, gayundin ang oxygen na meron sa Mars lalo pa nga’t mas malapit ngayon sa isa’t isa ang dalawang planeta. Gamit din ng observatory ang advanced detector ng German Aerospace Centre na German Receiver for Astronomy at Terahertz Frequencies. Ayon sa isa sa mga project scientist ng SOFIA na si Pamela Marcum: “Atomic oxygen in the Martian atmosphere is notoriously difficult to measure. To observe the far-infrared wavelengths needed to detect atomic oxygen, researchers must be above the majority of Earth’s atmosphere and use highly sensitive instruments, in this case a spectrometer. Sofia provides both capabilities.”
Global
Batang Walang Kamay Sa U.S., Nanalo Sa Isang Penmanship Contest Ipinanganak ng walang parehong kamay ang pitong taong gulang na si Anaya Ellick. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang siya ay magsikap mag-aral gaya ng iba pang mga batang kasing-edad niya. Sa kabila ng kanyang kapansanan, nanalo si Anaya sa isang manuscript penmanship contest, ang Nicholas Maxim Special National Handwriting Competition na ginanap sa Chesapeake, Virginia. Si Anaya ay isa lamang sa 50 estudyanteng lumahok sa timpalak na nagmula pa sa iba’t ibang states. Kagaya ni Anaya, ang mga lumahok ay nagpakita ng kani-kaniyang talento sa kabila ng kanilang mga kapansanan. Naging kahanga-hanga ang ipinamalas ni Anaya, na 1st grader sa Greenbrier Christian Academy, dahil imbes na gumamit ng prosthetics ay mas pinili nitong gamitin ang kanyang mga braso para makapagsulat. Iniipit lang kasi ni Anaya ang lapis sa kanyang braso habang patayong nagsusulat. Proud din naman ang principal ng GCA na si Tracy Cox kay Anaya. “Anaya is a remarkable young lady. She does not let anything get in the way of doing what she has set out to do,” ika niya. “There is truly very little that this girl cannot do.”
May Sikreto Nga Ba Ang Pagtulog Ng Maaga? MARAHIL AY isa ka sa milyun-milyong taong napupuyat sa gabi dahil hindi ka makatulog. Pero ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Scientific Advances, maaaring kalikasan ang may dahilan kung bakit hirap kang matulog. Sa mga nakaraang pag-aaral, lumabas na naaapektuhan ng later sunrises ang shift wake at bedtime patterns ng isang tao. Nakakaapekto naman ang later sunsets sa haba ng itinutulog ng tao. Ayon naman sa mga datos na nakalap ng bagong research, napag-alaman na magkakaiba ang global sleep patterns ng mga taong nasa iba’t ibang panig ng mundo. Halimbawa, mas mahaba ng isang oras ang itinutulog ng mga Dutch kumpara sa mga taong nasa Japan o Singapore. Napag-alaman din sa pag-aaral na mas mahabang matulog ang mga babae ng 30 minuto kaysa sa mga lalaki. Nagbabago din ang sleep patterns ng isang tao kapag nagkakaedad na lalo na iyong mga nasa edad 30 pataas. Lumabas din sa pag-aaral na ang mga middle-aged na mga lalaki ang may pinaka-kaunting tulog habang mas maaga at mas mahaba namang matulog ang mga taong exposed sa sikat ng araw kumpara sa artificial light lamang.
Mars, Mas Lalapit Sa Earth Ngayong May
Magnesium Batteries, Mas Mainam Kaysa Mga Lithium-Ion Batteries SA PANAHON ngayon, mas dumadalas na ang pagdami ng mga smartphones, tablets at iba pang mobile devices. Gayunpaman, nakasalalay pa rin sa battery life ang itatagal ng mga nasabing gadgets. At ngayon nga, imbes na ang tipikal na lithium-ion batteries, pinag-aaralan na ng mga researcher ang posibilidad ng paggamit ng magnesium batteries. Sa bagong pag-aaral na inilunsad ng Toyota Research Institute of North America (TRINA), napag-alaman nilang higit na mas mainam at mas
tumatagal ang mga magnesium batteries kumpara sa lithium-ion batteries. Nagiging unstable kasi ang mga lithium-ion batteries kapag na-expose sa init hindi katulad ng magnesium. Kung magiging positibo nga ang resulta ng pag-aaral na ito ng TRINA, maikokonsidera na itong breakthrough discovery, lalo na para sa industriya ng mobile devices. Bukod pa rito, maaari ring mabenepisyuhan ang mga sasakyan na gumagamit din ng lithium-ion batteries.
KUNG TITINGALAIN mo ang langit sa gabi, malaki ang tyansa mong makita ang planetang Mars. Masasabing makasaysayan ang pagiging malapit na ito ng red planet sa ating planeta na huling nangyari 11 taon na ang nakararaan. Sa kalkulasyon nga ng mga scientist, sa August 28, 2287 pa ulit mangyayari na magkakalapit ang Mars at Earth sa kalawakan. Sa May 30, magiging 75.3-M kilometro na lamang ang layo ng Mars sa Earth. Hindi hamak itong mas malapit kaysa sa orihinal na 400-M kilometrong layo nito sa ating planeta. Siyempre pa, ang paglapit ng Mars sa Earth ay nangangahulugan na mas magiging malaki ang itsura nito sa ating kalawakan. Dahil tinaguriang “red planet” ang Mars, magiging mas makinang din ito kaya naman matutuwa ka kung isa ka sa mga mahilig mag-stargazing sa gabi. Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), maaari nang makita ang Mars sa ating kalangitan simula May 18 hanggang June 3. Hindi mo na rin kailangan pang maghintay ng gabi para makita ito dahil maaari kang gumamit ng binoculars o kaya ay telescope. Dagdag pa ng NASA, mas magiging malapit pa ang Mars at Earth sa isa’t-isa sa July 31, 2018 dahil magiging 57.6-M kilometro na lamang ang magiging pagitan ng mga ito.
JUNE 2016
BALITANG LOKAL
Lokal
Longform Journalism, Nana-natiling Buhay SA ISANG pag-aaral na inilabas ng Pew Research Center nito lamang May 5, napag-alaman na bagama’t nauuso na ang mga smartphones ay nananatili pa ring buhay ang paggamit ng marami ng mga longform news o articles. Ang nasabing pag-aaral ay isinagawa upang pasubalian ang mga naunang paniniwala na dahil sa pagigigng uso ng paggamit ng smartphones ay iilan na lamang ang nagbabasa ng mga mahahabang news article o longform news. Ayon sa director of journalism research na si Amy Mitchell: "These findings suggest that on small, phonesized screens, the public does not automatically turn away from an article at a certain point in time — or reject digging into a longer-length news article," Ang mga longform articles ay yung may bilang na 1,000 words o higit pa. Lumabas din sa pag-aaral na mas nagko-commit ang mga users sa mga longform articles kumpara sa mas maiiksing balita online. Bukod dito, napag-alaman din ng mga eksperto na pinakamaraming nagbabasa sa umaga at bandang hatinggabi. Napag-alaman din na ang social media – lalo na ang Facebook at Twitter – ang may pinakamalaking traffic pagdating sa balita.
Breakthrough Cancer Drug Na Nakapagpagaling Kay Jimmy Carter, Nasa Pilipinas Na GOOD NEWS para sa mga naghahanap ng lunas sa cancer: nasa Pilipinas na ang gamot na Pembrolizuma na tinaguriang wonder drug ngayon para malunasan ang terminal illness na cancer. Napatunayan ang bisa ng nasabing gamot nang ma-diagnosed ang former president ng Amerika na si Jimmy Carter ng liver cancer. August 2015 noon nang madiagnosed si Carter ng liver cancer kasabay ng pagkakaroon ng melanoma. Dito na rin nagsimulang gamitin ng former US president ang gamot na isang immunotherapy drug. Makalipas lang ang ilang buwan, idineklara na bilang cancer-free si Carter noong Disyembre ng parehong taon kung kailan siya nadiagnose. Dahil dito, kumalat na ang balita tungkol sa wonder drug na nakapagpagaling kay Carter. Nito lamang Pebrero, inaprubahan na ng Food and Drug ADministration ang paggamit ng Pembrolizuma bilang panlunas sa mestastic o advanced lung cancer at melanoma, isa namang uri ng cancer sa balat.
‘Talking Gloves,’ Kayang MagTranslate Ng Sign Language
HINDI PA man nagtatapos, isang groundbreaking invention na ang nagawa ng dalawang estudyante para matulungan ang American Sign Language community. Sina Thomas Pryor at Navid Azodi, sophomores ng University of Washington, ang nasa likod ng pagkakaimbento ng “SignAloud,” isang gloves na maaaring magtranslate ng sign language bilang audible verbal sounds. Dahil na rin sa galing ng kanilang imbensyon, binigyan ng Lemelson-MIT program ng $10,000 na premyo ang kanilang prototype. Sa YouTube video clip na ini-upload ng dalawa, sinabi ni Azodi na mahalaga ang komunikasyon at karapatan ito ng bawat tao. Ngunit dagdag niya. “[T]hose who are deaf or mute communicate differently than everyone else. They primarily use sign language while the rest of the world communicates verbally. This puts the deaf and mute community at a disadvantage.” Dahil dito, naisipan ng dalawa na gumawa ng nasabing gloves na mayroong mga sensors para ma-detect ang hand movement. Ipinapasa naman ng mga sensors ang nakakalap nitong data gamit ang Bluetooth papunta sa computer para mai-process. Ani Pryor: “With this invention, over 70 million people achieve a new level of independence.”
3
Huawei, Inilabas na ang Bagong P9 Smartphone Sa South Pacific
Bagong Smartphone Game, Makatutulong Para Maagang MaDetect Ang Dementia
KUNG TITINGNAN maigi, mukhang isang ordinaryong adventure game lamang ang Sea Hero Quest. Gaya ng ibang smartphone games, ang kailangan mo lang ay kontrolin ang mga ships para matalo ang mga kalaban. Pero hindi kagaya ng ibang laro, ang Sea Hero Quest ang isa sa mga larong ginagamit ngayon ng mga researchers upang mas lalo pang maunawaan ang neurological disorder na dementia. Ayon na rin sa mga nasabing researcher, ang nasabing laro daw ay maaaring gamitin upang mas maagang madetect ang sakit na dementia. Sa ulat ng The Telegraph, ang 3D game daw ay nagawa sa pamamagitan ng mga game designers na Glitchers kasama na ang mga scientists mula sa University of East Anglia, University College London, at Deutsche Telekom. Dagdag ng head ng Alzheimer's Research UK na si Hilary Evans, ang spatial skill daw ang unang nawawala sa mga taong may dementia kaya naman malaki ang naitutulong ng 3D environment navigation na focus ng laro. Ani Dr. Hugo Spiers ng UCL Dementia Research Center: “This project provides an unprecedented chance to study how many thousands of people from different countries and cultures navigate space. It’s a massive online citizen science experiment that will give us an idea of what is ‘normal’ through this game.” Available for download ang Sea Hero Quest sa parehong Android at iOS.
NITO LAMANG May 5, inilabas na ng Huawei ang bago nitong flagship phone – ang Huawei P9 sa Bali, Indonesia. Ang nasabing smartphone launch ng Huawei ay ginanap Sa Huawei Consumer Business Group 2016 Southern Pacif ic Conference. Nauna na itong nai-release sa London noong nakaraang buwan at inaasahan ang pagla-launch ng P9 sa Indonesia ay simula na rin ng pagla-launch nito sa iba pang bansa sa South Pacific, gaya ng Australia, Malaysia, New Zealand, Thailand at Singapore. Ang nasabing pagre-release ng Chinese tech company ng bagong smartphone ay dahil na rin sa
pagnanais nitong maging “leading mobile device developer” sa buong mundo. H i-t e c h d i n a n g m g a b a g on g f e at u r e s n g Huawei P9 na merong dual-lens rear camera na gumagamit ng 12MP sensor, 8 MP front camera, professional DSP, built-in dual-core ISP, Hybrid Focus, 5.2 inch display na may HD resolution na 1,080 x 1,920 pixels, built-in 3000 mAh fast charging battery, 3GB RAM, Kirin 995 chipset at Android 6.0 Marshmallow. Inaa sa ha n din na sa Hunyo ng ayong t aon magiging available and Huawei P9 sa Pilipinas.
JUNE 2016
4
KOLUMN > OPINYONG GLOBAL
Salitang Maanghang
Ang ‘Dutertismo’ Bilang Mariing Kondemnasyon, Rebelyon, Pag-aalboroto at Galit ng Sambayanan Laban sa mga Ilustrado, Burgesya at mga YellowTards
MARIO DE VEGA | MARIO_THE_RADICAL@YAHOO.COM
Tanong:
A
ng munting sanaysay na ito ay hindi lamang tugon sa artikulo ni G. David na lumabas sa PDI nitong a-uno ng Mayo, kundi manapa ay isa ding pagtatangkang ipaliwanag ang Duterte phenomenon.
Narito ang unang dalawang pahayag ni G. David:
“At the end of his rambling speeches before mesmerized crowds, presidential candidate and preelec t ion poll f ront runner Rodrigo Duter te touches the Philippine flag that is brought to him on cue. He brings it to his lips, and solemnly proclaims: “Together let’s fix this country.” As he raises his clenched fist, the audience breaks into ecstatic applause.
“No other presidential candidate in Philippine political histor y has used the nation’s highest symbol so deliberately and to such effect. This melodramatic patriotic gesture seems to work. Instead of explaining his political program, Duterte regales his listeners with stories of his frustrating encounters w it h a dysf unc t ional nat ional government and how he deals with these to produce tangible results in Davao City. He himself admits he has no program of his own to offer, and that he intends to copy some of the good plans of his rivals.” Komento:
Sa pagpapahayag ni G. David, para ba gang ang mga rallies ni G. Duterte ay maikukumpara sa isang prayer rally o isang malaking pulong ng mga panatiko sa pangunguna ng kanilang propeta. Sa sumunod niyang pagsasalarawan o obserbasyon ay para bang si Duterte lamang ang marunong gumamit o nakagamit ng mga simbolo at sagisag ng bansa na lalong nagpapainit ng damdamin at umaantig sa kamalayang makabansa ng kanyang mga tagasuporta’t kapanalig.
STUDENT CORNER: ASSOC. OF FILIPINO STUDENTS IN JAPAN
Nais kong itanong kay G. David, si Apolinario de la Cruz ba na lider ng Confradia de San Jose, hindi ba’t gumamit din ang taong ito ng mga simbolo at mga sagisag na kung saan ay nauunawaan at naiintintihan ng kanyang mga kapanalig kung ano ang ibig sabihin? Maganda siguro na rebyuhin nya ang monumental na aklat ni Dr. Ileto na “Pasyon and Revolution”!?
Sina Andres Bonifacio at iba pang mga Katipunero sa kanilang pagtatatag ng Katipunan hanggang sa kanilang pagsusulong ng Himagsikan, hindi ba’t gumamit din sila ng mga sinaunang sagisag at likas na simbolo ng bansang sinalaula’t binaboy ng mga dayuhang kolonyalista? Ano ang halaga ng Sanduguan para sa mga bagong kasapi?
Ano ang saysay ng titik K sa mga bandila ng Katipunan? A no ang k abuluhan ng Haring A raw sa mga watawat ng Katipunan?
Magalang kong iminumungkahi kay G. David na basahin nya ang pamoso at batikang aklat ni Jim Richardson na “The Light of Liberty” para mas maunawaan nya kung ano ang mga kahalagahan at saysay ng mga nasabing simbolo’t sagisag sa atin bilang mga tao at gayundin sa ating kasaysayan!
Ang punto ko ay ganire, hindi lang si G. Duterte ang gumamit o pat uloy na gumagamit ng mga simbolo o sagisag ng bansa. Ta m a s i G . D a v id n a s a k on t e mp or a r yon g panahong ito ay si G. Duterte lamang ang gumamit ng mga nasabing sagisag at simbolo na matagumpay n a n a g p a a l a b n g d a md a m i n g m a k a b a n s a a t nagtulak sa mga tao para magkaisa sa isang layon at mithi.
Ngunit kung pakasusuriing mabuti ay tila duda pa din si G. David sa tagumpay na ito. Sabi nya: “This melodramatic patriotic gesture seems to work.” Anak ng patola oh! Parang contradicting si G. David! Bakit po? Bago ito ay sinabi nyang: “As he raises his clenched fist, the audience breaks into ecstatic applause. “No other presidential candidate in Philippine political histor y has used the nation’s highest symbol so deliberately and to such effect.”
Ano ba talaga, G. David, does Mr. Duterte’s patriotic gesture works or not? Anggulo nyo eh!
Sinabi nyo, it seems to work tapos parang pinagdududahan nyo kung epektibo ba talaga? Ang katotohanan ay epektibo talaga. Kung gayon ang susunod na tanong ay: bakit ito epektibo o matagumpay na tinaggap at patuloy na tinatanggap ng masa at sambayanan? Tugon:
Ewan ko bakit hindi nyo maamin at nagtataka ako kung anong nangyari sa inyo. Bakit po mula sa Kaliwa ay tila bumagsak kayo sa Kanan o baka nga gitna pa! Asan na kayo ngayon? Anong nangyari? Bakit hindi nyo makita ang naghuhumiyaw na katotohanang: a ng D ut er t i s mong i nyong t i nut u koy ay dek l a r a s yon at manipestasyon ng rebelyon at hinaing ng Bayan. Ang Dutertismo na sinasabi nyo ay walang iba kundi ang mariing kondemnasyon at galit ng Sambayanan laban sa mga ilustrado (na tropa nyo na ho ba ngayon?), mga burgesya at YellowTards (sa pamumuno ni Panot, Boy Pick up at ng ulol nilang aso na si Utak-Pulburang si Brownie Tril)!
Ang Dutertismong inyong pinilit na isulat ay walang iba kundi ang naglalagablab at kumukulong galit ng mga tao lalonglalo na yaong nasa ibaba, sila na mga maliliit, sila na mga magsasaka, mga manggagawa, mga Karaniwang-Tao — na higit na nakakarami sa putang-inang lipunang ito, sa ilalim ng inyong basura, di-pantay at hindi makatwiran at walang katarungang “republika”. Bakit nag-aalboroto ang Taong-Bayan?
Sosyolohista ho kayo, hindi ba? Ito ho ba ang inabot lang ng inyong pag-aaral? Sapagkat ang “republikang” basahan at basurang sistema na ito ay gobyerno ng mga elitista, ng mga kupal na “disente” daw, ng mga naghaharing-uri, ng mga caciques, ng mga hasyendero, ng mga panginoong may-lupa, ng mga kreole, mga burgis, mga ilustrado at mga kapitalista-compradores de pataranta y iho de putas! Mapapasubalian nyo ho ba ang bagay na ito?
Bakit hindi nyo itanong sa sarili ninyo, bakit nagkakaisa’t naniniwala ang mga tao kay G. Duterte? Bakit? Bakit? Bakit?
“What is urgent, he says, is that we restore order and respect for authority. He laments the fact that criminals, drug peddlers, and corrupt public officials have been able to act with impunity by exploiting the weaknesses of the judicial system. In this manner, he articulates the exasperation and desperation that the people experience in their daily lives.”
TAGSIBOL 2016: Pagsalubong sa mga Bagong Kohai KASABAY NG bagong pag-asang hatid ng tagsibol para sa mga Pilipinong naninirahan sa bansang Hapon ay ang pagdating ng mga bagong mag-aaral mula sa Pilipinas. Bilang isa sa mga inisyatibo ng Association of Filipino Students in Japan (AFSJ), idinaos ang 2016 Spring Welcome Party noong ika-23 ng Abril 2016 sa Yoyogi Park na dinaluhan ng sampung bagong Pilipinong mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa Tokyo, Chiba, at Saitama. Dumalo rin ang ilang sempai at alumni upang makilala ang mga bagong mag-aaral na dumating sa bansa kamakailan lamang. Nagsimula ang programa sa pagtipon sa mga kohai sa Harajuku at paglibot sa kanila sa Omotesando Hills hanggang Meiji Shrine hanggang sa magsimula ang picnic at pagsalubong sa Yoyogi Park kung saan nagkaroon ng pagkakataong magpakilala ang mga
bagong mag-aaral. Kasama sa mga dumalo ay sina Philippine National Bank (PNB) Deputy Managing Director Julius Rifareal at Ms. Pauline Beset na nagbahagi ng ilang payo at impormasyong pangpinansyal para sa mga kohai. Sinundan ito ng mga palaro na malugod na sinalihan ng mga alumni, sempai, at mga kohai. Natapos ang programa na maraming umaasa na masusundan pa ito ng mas marami pang masayang pagtitipon para sa mga Pilipinong mag-aaral sa bansang Hapon. Nais muling pasalamatan ng AFSJ ang PNB sa patuloy na pagsuporta nito sa mga programa ng organisasyon para sa mga mag-aaral sa bansa. Para sa mga iba pang impormasyon at kaganapan tungkol sa AFSJ, pumunta lamang sa https://www.facebook.com/ afsjpage/.
JUNE 2016
GLOBAL AT LOKAL NA BALITA
5
Duterte Transition Team, Kumpleto Na BUO NA umano ang magiging miyembro ng Duterte Transition Committee na siyang magsisiguro sa maayos na proseso ng pagpapalit ng administrasyong Aquino tungong Duterte. Ayon sa ulat ng bomboradyo.com, mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang tumawag kay assistant campaign manager at executive assistant Christopher Bong Go nang sa gayon ay magiging matiwasay ang transition sa dalawang administrasyon.
Pilipinas, Top 8 Bilang ‘Best Medical Destination’ Sa Buong Mundo PUMASOK ANG Pilipinas bilang isa sa top medical tourism destinations sa buong mundo sa listahan ng International Healthcare Research Center at ng Medical Tourism Association (MTA). Sa kabuuan, naungusan pa ng Pilipinas ang mga bansang Japan at France matapos pumasok sa ikawalong pwesto sa Best Medical Destination in the World in 2015. Sa ulat, mas maraming OFW ang mas nagnanais na gawin ang kanilang mga medical procedures sa Pilipinas. Nasa mahigit 80,000-250,000 din ang bilang ng mga turistang nagpupunta pa sa Pilipinas taun-taon upang magpagamot o magpa-opera. Ang MTA ay kinikilala bilang isang global non-profit association para sa medical tourism at international patient industry.
Kinakatawan ng organisasyon ang iba’t ibang gobyerno, healthcare providers, insurance companies, mga employers at iba pang nangangailangan at sumusuporta sa tulong medikal. Ang bansang Canada ang nakakuha ng top spot sa medical tourism destination sa buong mundo, ayon na rin sa MTA index. Ang bansang ito raw kasi ang may “most suitable economical, secure and cultural environment and an acceptable healthcare cost” sa buong mundo. Pumangalawa naman ang United Kingdom na sinundan ng Israel. Pang-apat naman sa listahan ang Singapore na sinundan ng Costa Rica sa ikalimang pwesto. Nasa ika-anim at ikapitong puwesto naman ang magkasunod na bansa ng Italy at Germany.
Katunayan, ilalabas na umano ni Pangulong Aquino ang isang Executive Order na bubuo sa nasabing team. Ang transition team ang binubuo nina: campaign finance committee head at dating cabinet member Carlos “Sonny” Dominguez, Christoper Bong Go, campaign manager ng Team Duterte Leoncio Evasco, Atty. Loreta Ata, Atty. Salvador Medialdea, Peter Lavina at mga personal na lawyers ng susunod na pangulo.
Mga Scientists, Nakagawa Ng ‘Miracle Second Skin’ MARAMI SA atin ang gumagawa ng paraan para maiwasan ang pagtanda. Ngayon, hindi mo na kailangan pang mangamba. Mayroon na kasing “miracle second skin” na naimbento ang mga scientists na maaari mong gamitin para mas lalo kang bumata. Ang pangako ng miracle second skin: “You look 20 years younger.” Gayunman, ang nasabing miracle skin na kinilala bilang XPL na gawa sa silicon film ay may 24 hours lamang na bisa. Para naman sa mga scientists, hindi ito problema dahil maaaring gamitin ang XPL kung mayroong isang malaking event kang dadaluhan. Kaya rin nitong takpan ang mga nasirang bahagi ng iyong balat dahil sa
sugat o peklat. Bukod sa pagpapabata, mayroon ding moisturizing property ang XPL na mainam para sa mga may dry skin. Lumabas pa nga sa pagaaral na mas mainam pa itong moisturizer kaysa sa petrolatum na siyang pinakamabisang moisturizer para sa dry skin. Matibay at clear din ito kaya hindi mahahalata ng sinuman na gamit mo nga ito. Pwede rin itong i-stretch ng dalawa’t kalahating ulit ng orihinal na laki nito. Naka-publish na ang nasabing pag-aaral sa journal ng Nature Materials, ayon sa dailymail. co.uk.
PAGKATAPOS UMANONG maiproklama bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Mayor Rodrigo Duterte, Indonesia umano ang una niyang bibisitahin. Dahil pareho umano ang kinakaharap na problema ng Pilipinas at Indonesia, naniniwala umano si Duterte na magkakasundo sila ni President Joko Widodo, partikular na pagdating sa maritime border security.
Naniniwala umano si Duterte na ang mahigpit na pagbabantay sa borders ng dalawang bansa ang isa sa mga tinitingnang solusyon sa terorismo. Ayon sa ulat ng bomboradyo. com, ginawa umanong halimbawa ni Duterte ang pagkakabihag ng ilang Indonesian sailors nitong Marso. Kagagawan umano ito ng Abu Sayyaf.
AYON SA International Monetary Fund (IMF), isa ang Pilipinas sa inaasahang may pinakamabilis na paglago padating sa gross domestic product (GDP) sa Southeast Asia. Dahil na rin dito, hindi na nakapagtataka na kabilang ang Pilipinas sa tinaguriang ASEAN-5 ngayong 2016. Ang ASEAN-5 ay lupon ng mga bansa na may pinakamalakas at pinakamatatag na ekonomiya ngayon sa Southeast Asia, at kabilang na nga rito ang Pilipinas batay na rin sa datos na nakalap ng Regional Economic Outlook for Asia and the Pacific ng IMF. Inilabas ng IMF ang nasabing
report nito lamang May 3. Sinabi nito na kung magtutuloy-tuloy ang paglago ng PH economic growth ay tiyak na mauungusan ng Pilipinas ang iba pang bansa sa pagyaman at paglago pagdating sa ekonomiya. Dagdag pa ng IMF, inaasahan nila na aabot sa 6% ang GDP ng bansa ngayong 2016 at 6.2% naman sa susunod na taon. Kung saka-sakali, mauungusan ng Pilipinas ang ilan pang karatig na bansa na mayroong GDP na hindi hihigit sa 5%, gaya ng Indonesia, Malaysia, Thailand at Singapore, ayon sa ulat ng rappler.com.
Duterte, Una Umanong Bibisitahin Ang Indonesia Sa Kanyang Termino
PH Economy, Pasok Sa Top ASEAN-5 Ngayong 2016
JUNE 2016
6
EDITORYAL
Editorial Dutertenomics: Paano Tatakbo Ang Ekonomiya Sa Panahon Ni Pangulong Digong ANG PAGKAHALAL ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sumibol sa pangangailangan ng tao sa isang mas mapayapa at maayos na komunidad. Hindi kahirapan at hindi solusyon sa gutom, ang pinaka-issue ng nakaraang halalan. Maaring dahil ito sa pagangat ng ekonomiya ng bansa na nagresulta sa pagkakaroon ng mas maraming trabaho.
Mula sa pagdami nga mga nagsusulput an na rest aurant at cof fee shops hang gang sa pagdami ng kot se sa k alye, hindi mapagkakailang dumami ang pambili ng mga tao, kahit man lang sa mga urban areas. Kaya peace and order. Kumbaga, nais sabihin ng mga tao: “Hindi naman naming inaasa ang pag-unlad ng buhay namin sa gobyerno. Nais lang naming ng maluwag na mga kalye, tumatakbong mga tren at maayos na serbisyo para mas marami kaming magawa.”. Kami na ang bahalang kumita, bigyan niyo lang kami ng maayos at mapayapang komunidad --- ito ang naging sigaw ng mga tao sa nagdaang halalan. Ito rin ang premise ng mga plano ni Pang ulong Digong sa ekonomiya. Naniniwala siya na ang isang lipunang may kaayusan at kapayapaan ay mas makakahalina ng mga nais magnegosyo. Nitong ikalabindalawa ng Mayo, inihayag ng transition team ni P.Rody ang kanyang plano para sa bayan sa aspeto ng ekonomiya. Narito ang ilan sa mga nakapukaw ng aking atensyon: •
JAIME ZEUS AGUSTIN
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Daloy Kayumanggi Editorial Collective Sales and Marketing: Erwin Brunio erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jong Pairez jong.pairez@gmail.com neotasaday.wordpress.com Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Aries Lucea Erwin Brunio Mario Rico Florendo Pido Tatlonghari Avic Tatlonghari Melbert Tizon Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo
The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.com
www.facebook.com/daloykayumanggi
• • • • • •
Pagtuloy ng mga macroeconomic policies ng Pangulong Aquino. Pagpapabilis ng mga PPP projects. Pagsasaayos ng tax system. Pagpapabilis ng proseso ng pagregister ng negosyo. Pagtulong sa sector ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasaka. Pagsasaayos ng infrastructure ng bansa. Pagsasayos sa economic provisions ng konstitusyon upang mas maging liberal sa pagpasok ng dayuhan sa pagnenegosyo sa bansa.
“Simple lang ang basehan ng Dutertenomics, ang maayos at mapayapang bansa ay magbibigay daan sa mas masiglang ekonomiya.” Sa aking pananaw, malinaw na nakita ni P.Rody ang mga tagumpay ng dating Pangulong Aquino sa larangan ng ekonomiya. Maaring hindi ito lingid sa mga tao, ngunit ang pagsasaayos ni PNoy ng paggastos ng pamahalaan ay nagbigay daan sa mas konserbatibong pag-utang ng gobyerno. Hindi masyadong umutang ang gobyerno ni PNoy, dahil dito, bumaba ang interest rates ng mga bangko. Nagbigay daan ito sa mas madaling pag-finance ng mga loans ng mamayan para sa kotse, bahay o maliit na negosyo. Isang magandang bagay na bukas si President Rody na ipagpatuloy ang mga magandang nasimulan ni PNoy. Sa kabila nito, may mga problemang hindi rin nasolusyonan ang nakaraang administrasyon. Biglang bumagal ang pagexecute ng mga PPPs ng gobyerno. Marahil ay epekto ito ng mas mahigpit na paggastos at pagdadagdag ng safeg uards laban sa korapsyon. Maari rin namang dala ito ng hindi maayos na pamamahala sa aspetong ito. Magkagayonman, binigyan diin sa mga plano ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng mabilis na pagkilos ng gobyerno. Mabilis sa serbisyo, mabilis sa mga proseso. Sa katunayan, target niya na gawing hanggang tatlong araw lang ang pagproseso ng negosyo sa bansa, isang modelong nagawa niya na sa Davao. Maganda ito dahil isa ito sa mga nirereklamo ng negosyante sa bansa. Ang daming hinihingi ng gobyerno, ang daming red t ape. Nahirapan si Pang ulong Aquino sa pagpapabilis ng burokrasya sa termino niya, papaano kaya ito masosolusyonan ni Digong ng hindi nakokompromiso ang integridad ng ekonomiya ng bansa. Isa pa, malinaw na ninanais ni Pang ulong Digong na big yang diin ang inf rast r uc t ure. Nasimulan na ito ni PNoy. Sa katunayan, nakalinya na ang mga proyektong tulad ng mga dagdag na MRT lines at mga expressways. Kailangan pa natin
ng mga dagdag na paliparan at ports. Nakakaexcite ang mga planong ito. Malinaw na sa dami ng capital na pumapasok sa bansa, nagkakaroon ng demand para sa marami pang economic spaces sa labas ng Maynila. Ang pagkakabit-kabit ng mga progresibong siyudad sa labas ng Maynila ay magiging susi sa patuloy na pagunlad ng bansa.
Nais din ni Pangulong Digong na ayusin ang tax system ng bansa. Hindi malinaw ang mga plano niya dito sa ngayon, pero bilang taxpayer, mas makakatulong nga kung mababawasan ang buwis na ibinabayad. Paano niya kaya ito gagawin ng hindi nababawasan ang panggastos ng gobyerno? Ma r a h i l m a k a k at u lon g a n g p a g h i h ig pit n g pamunuan niya laban sa korapsyon. Ninanais din ni Pang ulong Digong ng mas maunlad na sec tor ng ag r ik ult ura. Mahirap itong makamit sa bansa dahil sa dami ng mga kalamidad na nakakaapekto sa mga pananim natin. Sa kabila nito pansin na pansin natin na isa sa mga mahalagang kalakal ng bansa sa mundo ay mga agricultural products. Sana magkaroon ng mas maraming farm-to-market roads. Isa pa, sana magkaroon ng bangko kung saan puwedeng umutang ang mga magsasaka at sabay na rin na mag-insure ng kanilang mga pananim. Hirap na hirap ang mga magsasaka dahil mataas ang interes ng mga nagpapautang sa kanila. Dapat masolusyonan ito ng gobyerno. Panahon na rin para sa mas progresibong agrarian reform. Simple lang ang basehan ng Dutertenomics, ang maayos at mapayapang bansa ay magbibigay daan sa mas masiglang ekonomiya. Maraming nagawa si PNoy sa aspeto ng ekonomiya. Ngunit sa pagdala ni PNoy sa bansa mula point A hanggang point B, malinaw na nangangailangan tayo ng bagong mga ideya upang patuloy pang umunlad. Sana, madala naman ni President Rody ang bansa mula point B hanggang point C.
JUNE 2016
KOLUMN > OPINYONG LOKAL
7
Ka-Daloy of the Month
Janitor Noon, Successful Businessman na Ngayon
DAVE LOREEN CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM
***Bagama’t may lahing Amerikano, hindi naging madali ang buhay para kay Edwin N. Aroma.
Mula sa pagiging taga-barrio Isa lamang siyang simpleng tagabarrio na anak ng isang mangingisda at guro. Tubong Catmon, Cebu, si Edwin ay isa lamang sa limang magkakapatid. Dahil na rin sa paglaki ng kanilang pamilya, kinailangang tumigil ng kanyang ina sa pagtuturo para tutukan ang pagaalaga sa kanila. Dahil na rin dito, hindi na naging sapat pa ang kinikita ng kanyang ama para tustusan ang kanilang pamilya. Bagama’t mahirap, sinikap ni Edwin na makatapos sa pag-aaral. Nais niya sanang maging engineer subalit walang kakayanan ang kanyang mga magulang na mapagaral siya sa gusto niyang kurso. Dahil hindi siya marunong magsaka o mangisda, naghanap siya ng trabaho at pinalad na maging janitor.
Ang simula ng pag-abot sa kanyang mga pangarap
Habang nagtatrabaho sa loob ng apat na taon, kumuha ng kursong accounting si Edwin sa Univesity of the Visayas. Dahil sa sipag, tiyaga at talino, siya ay naging scholar, student leader, at university senator. Tinukso man ng mga ka-eskwela matapos malamang siya ay janitor lamang, nagpatuloy si Edwin sa pag-aaral at nakapagtapos sa kursong Accounting noong 1973.
T
ubong-Cebu, walang sino man noon ang nakakakilala kay Aroma. Sino ba naman ang mag-aaksaya ng panahon sa isang janitor lamang noon? Pero sa kabila ng kanyang paghihirap, sinikap ni Aroma na maabot ang kanyang mga pangarap dahilan upang makamit niya ang tagumpay.
Matapos pumasa sa CPA exams, nagpaalam at nag-resign na si Aroma sa kanyang trabaho.
Ang pagkatok ng maraming oportunidad
Dito na nagsimula ang takbo ng tagumpay para kay Edwin. Nauna siyang naging auditor ng Carlos J. Valdez & Co. hanggang 1976 bago naging auditor ng San Miguel
Manager siya ng pinakamalaking planta ng plywood sa Indonesia, ang P.T. Hartaty Jaya Plywood. Kinalaunan, na-promote siya bilang general manager ng planta at lumago ang nasabing negosyo sa ilalim ng kanyang pamamahala. Kumuha rin ulit siya ng isa pang master’s degree sa Business Administration na ang focus ay Financial Management sa University of Singapore.
“Dahil hindi siya marunong magsaka o mangisda, naghanap siya ng trabaho at pinalad na maging janitor.”
Corporation sa Cebu at Manila hanggang 1978. Matapos nito, naging Chief Accountant naman siya ng Mandaue Printers hanggang 1982. Gayunpaman, hindi natapos mangarap si Aroma. Habang nagtatrabaho, kumuha siya ng dalawa pang bachelor’s degree sa Management at Economics bago nagmaster’s degree sa management engineering. Dito na sunud-sunod na dumating ang oportunidad para kay Aroma. Noong 1982, naging Accounting
Ang daan tungo sa tagumpay Pagbalik niya sa Pilipinas matapos mag-resign sa kanyang trabaho sa Indonesia, naisipan ni Aroma na magnegosyo gamit ang kanyang ipon. Aniya sa isang panayam: “I decided on a mango farm because I found out that the demand is high for mangos, the number one fruit in the Philippines. The Philippines can only supply 27% of Asia’s requirements.” Nag-click naman ang ideyang
ito ni Aroma. Simula sa maliit na plantasyon, mayroon nang mahigit 25,000 punong mangga ang kanyang mga plantasyon sa Cebu at Bohol. Hindi hamak na mas marami ang bilang na ito sa 15, 000 punong mangga sa plantasyon ni Danding Cojuangco Jr. na nasa Davao. Dahil na rin dito, kinikilala na si Aroma bilang isa sa may pinakamalaking plantasyon ng mangga sa buong Pilipinas. Bukod sa mangga, nagpatanim din ng avocado at langka si Aroma para i-export. “I buy idle lands and plant them with trees. I make these idle lands productive, help provide employment for the barrio folks, and, at the same time, help in the ecological development of the country. I am happy to feel that I am helping in the economic development of the country,” dagdag niya. Dahil sa pagsisikap at tiyaga, nakapagtayo na ng iba pang negosyo si Aroma sa loob at labas ng bansa. Ngayon, siya ay presidente ng Trans-World Services Inc., isang management at financial services sa U.S. Bukod pa rito, nagmamay-ari din siya ng ilang daan rental units at iba pang malalaking mga negosyo na nakabase sa U.S. lalo na sa Van Nuys, California kung saan siya kasalukuyang naninirahan.
Ang ilan sa mga impormasyon sa artikulong ito ay mula sa kanto4.wordpress.com
フィリピンの⼈材を必要としませんか?
広告で つ媒体に掲載
1* Print (印刷):
2* ウェブサイト:
3* フェイスブック:
3,555+ 配布先
4,680+ 毎⽉のページビュ
2900+ Facebook ファン
お問い合わせ:ダロイかユマンッギ新聞 D&K(株) 03-5825-0188 / 090-6025-6962 (アーウィン)
Daloy Kayumanggi Newspaper Advertisement Rate
JUNE 2016
8
KULTURA AT SINING
Sion Sono’s “Whispering Star”—The Return to Present: A Brief Visit to Dystopia JONG PAIREZ
I
n their little-known single “Fare Thee Not Well Mutineer” the rock band Grandaddy sing of a ghastly post-apocalyptic future. The dystopian song also tells us reveries of living again in a healthy planet, long-ago obliterated by utopian human progress. In that distant future, amidst the high-rise carcasses and deadened malls there is nothing else to do but to helplessly daydream of another place to live peacefully, however, impossible ideal.
The feeling of despair, weariness, and longing portrayed in that song resonates with Sion Sono’s recent films, “Himizu” and “The Land of Hope”. This time around, however, the infamous poet and radical filmmaker of contemporary Japan, has traversed time and space in order to deliver terrible News to humankind from an unknown future. This message is encapsulated in his recent solo ex hibit ion t it led “ T he W hisper ing St ar ”, feat ured by t he cont roversial ar t group Chim↑Pom for the debut of Garter– an artist-run-space located in the old Koenji neighborhood, which continues to fight back the threat of gentrification. The solo exhibition is formulated around t hree main facet s, represent ing t he works “Tokyo Gagaga”, “Hachiko Project”, a nd “ W h i s p er i n g St a r ”, i nc or p or at i n g resemblances of architec t ure, v ideo installation, film, and performance art. Each work is possessed of its own unique context in time, while yet seamlessly connecting like a narrative film.
One of t he t hree work s is a v ideo installation taken from his latest feature film, “Whispering Star” that is scheduled to hit local theaters next year. The installation d i splays f r ag ment s of t h i s f i l m ac r oss multiple screens, telling us, in whispers, the story of a future gone wrong. Shot in different locations across the evacuated zone of an irradiated Fukushima, Sono profoundly frames the decaying world of time to come, and embodies it in a site-specific composition reminiscent Andrei Tarkovsky’s sci-fi classic “Stalker” (1979).
Tarkovsky’s film anticipated unimaginable nuclear disaster (as witnessed in Chernobyl a n d F u k u s h i m a) b y p o r t r a y i n g t h e apocalyptic future already present in the nuclear forces of the day, metaphorically depicted in the film as the Zone of Alienation. Sono’s performance group “Tokyo Gagaga” (1993) understood precisely the meditations of Tarkovsky’s “zone”, which, Sono believed, was already contagious in the daily life of Japan’s post-bubble economy in the early nineties. Armed only with creativity and audacity, Sono’s notorious performance group waged a two-year war against normalization of alienated daily life by occupy ing and hijacking the densely populated streets of Tokyo, much to the surprise of the regulating authorities. With the question of “public
space” currently enjoying much renewed interest, Sono’s daring actions have been unearthed from his archive of video footage, and has been repurposed here along with the endless fabric of protest banners to form an architectural piece mummifying the dilapidated building that houses the exhibition space. This second part of his work clearly expresses cynicism towards t he i l lu sion of indu s t r ia l prog ress a nd development that was once the ideology of the early 20th century utopian avant-garde.
In the future when all is gone and nothing is left but the mummified debris of modern life, our common impulse is to return in the beginning—of going back. The third part of Sono’s work, “Hachiko Project”, speaks to us of this nostalgic longing for return. Hachiko, the famed statue outside Shibuya Station of a dog who waits dutifully for his master who never returns, is also popularly known as a meeting spot. By reproducing exac t copies of t he iconic st at ue and distributing them across the deserted zones of Fukushima, stricken by nuclear disaster, Sono hopes dramatically for the impossible return of a once simple and lively prefecture in the northeast.
T h i s lon g i n g f or r e t u r n m ay a l s o b e i nt er pr et ed t h r oug h t he ph i losoph ic a l concept of Nietszche’s “Amor Fati”, a love o f f a t e , a n d S c h o p e n h a u e r ’s “ E t e r n a l Recurrence”, holding up a cyclical repetition of time in which we must, in death, return to the same dysfunctional bodies that we discard in the pursuit of the ideal (endless material wealth) and the abstract (money). Given this impossibility of idealized form of return, Sion Sono in his solo exhibition is after all not about reincarnation of paradise lost. Instead, he wants us to take a closer look in our present reality, or, as Nietszche poignantly said in Ecce Homo, “My formula for greatness in a human being is amor fati: that one wants nothing to be different, not forward, not backward, not in all eternity. Not merely bear what is necessary, still less conceal it—all idealism is mendacity in the face of what is necessary—but love it.”
Sion Sono’s “Whispering Star” can be viewed through to July 26, 2015 at Garter artist-run-space in Koenji, Tokyo from 3pm to 8pm.
“In the future when all is gone and nothing is left but the mummified debris of modern life, our common impulse is to return in the beginning—of going back.”
JUNE 2016
9
Alamin Ang Ilang Travel Tips Para Sa Inyong Pamilya
U
SO NA ngayon ang pagbibiyahe nang buong pamilya para makapagbonding. Isa kasi ito sa pinakamabisang paraan para makapagunwind at mas maging close pa ang bawat miyembro ng iyong pamilya. Pero ano nga ba ang benepisyo ng pagbabakasyon kasama ang iyong pamilya? Bukod kasi sa mas nagiging close ang buong maganak, maaari ding maging educational ang i nyon g p a g bi y a he l a lo n a k u n g k asama ang inyong mga anak. Magandang
Tips Para Ma-Enjoy ang Family Road Trip – Part 1
Kung may plano ka o ang iyong pamilya na sumabak sa isang road trip, may ilang bagay na dapat tandaan upang maiwasan ang aberya habang kayo ay nasa biyahe. Hindi totoong hindi mo ma-eenjoy ang pagbibiyahe kasama ng iyong mga anak. Sa katunayan, narito ang ilang travel tips para masigurong magiging kaaya-aya at masaya ang iyong planong road trip para sa buong pamilya. • •
• • •
halimbawa nito ang camping, kung saan maaaring matuto ng survival skills ang inyong mga anak na maaari nilang magamit. Siyempre pa, magiging memorable din ang inyong bawat pagbibiyahe lalo na kung taun-taon niyo itong ginagawa. Kung nais mo namang magplano ng bakasyon kasama ang iyong pamilya, dapat na isama mo ang bawat miyembro ng iyong pamilya – lalo na ang inyong mga anak – sa pagpaplano. Kung sawa ka nang mag-swimming ngayong taon, maaari kayong magorganize ng camping o kaya naman ay bumiyahe para i-explore ang ilang makasaysayan o magagandang lugar sa bansa.
Tips Para Ma-Enjoy ang Family Road Trip – Part 2
Narito naman ang ikalawang bahagi ng naunang segment ng tips para gawing enjoyable ang inyong family road trip.
Maghanap ng mga lugar na kid-friendly. Ito ay para na rin masigurong mag-eenjoy ang iyong mga anak. Maghanap ng mga murang resor t s. Dahil summer ngayon, uso ang pagsu-swimming sa maraming Pilipino. Para ma-enjoy mo ito ng todo, maghanap ng mga resorts na bukod sa mura ay marami pang offer na swak sa inyong pamilya. Hayaan ang iyong mga anak na mag-pack ng k a nila ng sa r iling g a mit . Sa g a nitong paraan, pwede nilang dalhin ang mga bagay n a m a k a k ap a g p a s ay a s a k a n i l a h ab a n g nagpapalipas oras. Magdala ng mapa. Makakatulong ito para hindi kayo mawala lalo’t hindi kayo pamilyar sa biyahe. Uso na naman ngayon ang Google Maps at maaari mo itong gamitin. Magdala ng portable DVD player lalo na kung mahaba ang biyahe upang makapaglibang ang mga bata.
Paano Nga Ba Masasabing FamilyFriendly ang Iyong Destinasyon Ngayong Bakasyon?
• • • • • •
Magdala ng mga coloring books, puzzles, o board games na maaaring paglibangan ng iyong mga kids. Magdala ng sapat na snacks para hindi na kayo gumastos pa sa biyahe. Mas mainam ding healthy snacks ang inyong i-prepare para sa mga kids. Hayaang magdala ng cellphone o camera ang inyong anak. Dahil uso na ang selfie ngayon, tiyak na mas mae-enjoy nila ang biyahe kung meron silang souvenir pictures sa mga lugar na iyong pupuntahan. Planuhing maigi ang inyong biyahe lalo kung kasama ang inyong mga anak. Madaling bumiyahe sa gabi dahil walang traffic pero mas safe magdrive sa umaga dahil mas malinaw mong makikita ang daan at mas maiiwasan ang aksidente. Mat ulog nang maaga. Ito ay para na rin maikondisyon ang inyong mga anak sa inyong magiging biyahe. Magplano ng ‘pee’ stop kapag mahaba ang biyahe lalo na para sa mga batang inyong kasama.
SA TUWING mamimili ka ng lugar kung saan mo gustong magbakasyon ang iyong pamilya, tiyak na may mga bagay kang isinasaalang-alang sa pagpili. Siyempre, dapat na family-friendly ang iyong mapipiling lugar. Pero paano mo nga ba masasabing swak para sa iyong pamilya ang iyong napiling travel destination?
Sapat na activities para sa mga kids.
Lahat ng magandang travel destination na pampamilya ay dapat mayroon ding activities na para sa mga bata. Dapat kang pumili ng lugar kung saan tiyak
Narito Ang 3 Tips Kung Nais Mong Bumiyahe Kasama Ang Iyong Mga Kids ANG PAGBIBIYAHE ang isa sa mga pinakamagandang experience na maaari mong ibahagi sa iyong mga anak. Isa rin itong paraan upang makapag-bonding ang iyong pamilya. Pero kung nais mong maging smooth sailing ang inyong biyahe ngayong bakasyon at sa mga susunod pang pagkakataon, narito ang ilang mga tips. 1.
Isama sila sa pag paplano. Kung g usto mong maging involved ang iyong anak sa pagbibiyahe, isama mo ang iyong mga anak sa pagpaplano. Tanungin mo sila kung saan nila gustong pumunta nang sa gayon ay mas maging excited sila sa inyong magiging biyahe. 2. Ihanda sila sa pagbibiyahe. Kahit na bat a pa ang iyong mga anak , dapat mo silang i-t rain nang maaga kung ano ang dapat nilang gawin para maging enjoyable ang pagbibiyahe para sa kanila. Turuan din silang i-pack ang kanilang mga gagamitin habang maaga. 3. Bigyan sila ng mga activities na nakaka-enjoy. Para hindi sila ma-bore, samahan sila sa mga activities na mag-eenjoy sila bilang bata. Pwede mo rin silang turuang gumawa ng journal para itala ang mga nakakatuwa at exciting na bagay na nangyari sa kanilang bakasyon.
na mag-eenjoy ang mga bata gaya ng beach o swimming pool, mga sports field, public parks o mga lugar na may mga playing area.
Friendly environment.
Siyempre pa, mas mae-enjoy ng iyong mga anak ang kanilang bakasyon kung meron silang mga kasamang kaibigan o makakaibigan sa lugar na inyong pupuntahan. Maaaring bumiyahe kayo kasama ng iba pang kakilala o kaibigan o kaya naman ay hayaan silang makipagkaibigan sa mga kapwa nila bata na nagbabakasyon din.
Ligtas na lugar. Pinakaimportante ang kaligtasan ng iyong mga anak sa pagpili ng lugar kung saan kayo magbabakasyon. Dapat ay masiguro mong magiging ligtas ang iyong pamilya sa lahat ng oras upang makapaglibang kayo nang maayos.
YY
JUNE 2016
10
25 Travel Tips Para Sa Bawat Biyahe, Alamin – Part 1 KUNG BALAK mong bumiyahe, makatutulong na alam mo ang ilang practical tips para mas gawing kaaya-aya ang iyong biyahe. Alamin ang ilan sa mga pinakamahahalagang travel tips na maaari mong gawin kung balak mong mamasyal sa loob o labas ng bansa.
1. Magdala lamang ng iyong kailangan. Kung maaari, handluggage lamang ang iyong dala sa tuwing nagbibiyahe. Bukod kasi sa mas madali itong dalhin, hindi mo na rin kailangan pang magbayad ng extra para sa check-in kung saka-sakali. 2. Mag-print out ng kailangan mong impormasyon. Pwede mo ring i-save lahat ng info na kailangan mo sa iyong smartphone. Hindi hamak na mas madali ito kaysa dalhin mo
ang isang buong libro ng travel guide kung saan ka pupunta. 3. Mag-aral ng lenggwahe. Kung pupunta ka sa lugar kung saan iba ang lenggwaheng gamit sa gamit mo, dapat lang na may mga salita kang alam kahit na kapiraso. Makakatulong kasi ito para mas maging maayos ang pakikipag-usap mo sa mga tao roon. 4. Manahimik. Kung pupunta ka sa lugar na hindi safe ang inuming tubig, iwasan mo munang magsalita o maglikot para hindi ka kaagad mauhaw. 5. Pwede kang mag-stay sa ibang lugar bukod sa hotel. Mas mura ang mga hostel. Pwede ka ring mag-renta ng isang kwarto o kaya naman apartment o bahay mismo kung marami kayo.
Part 2 NARITO NAMAN ang ikalawang bahagi ng aming travel tips para ma-enjoy nang todo ang inyong biyahe. 6. Bumiyahe nang solo. Para na rin ito sa iyong experience. Mas magiging memorable kasi ang iyong pagbiyahe lalo na kung first time mong bumiyahe nang mag-isa. 7. Magbaon / magsuot ng hoodie. Kung mahaba ang biyahe, perfect ang hoodie para ipantakip sa iyong mukha ‘pag gusto mong matulog. Convenient din ito kung ayaw mong gaanong mapansin ng mga tao. 8. Iwasan ang mamantikang pagkain. Normal lang na tumikim ka ng mga pagkaing matatagpuan mo sa lugar na iyong pupuntahan. Pero kung
hindi ganoon katibay ang iyong sikmura, iwasan ang mga mamantikang pagkain. Umiwas din sa mga pagkaing maaaring makapagpasama ng iyong tiyan lalo na kung ikaw ay nasa biyahe. 9. Magdala ng anumang Internet-ready device. Kung meron kang smartphone o tablet na may access sa wi-fi, dalhin mo ang mga ito. Sa ganitong paraan, hindi mo na kailangan pang mag-renta sa mga Internet cafes kung kailangan mong gumamit ng Internet. 10. Magdala ng malong / sarong. Multipurpose na kasi ang gamit nito. Pwede itong gawing kumot, palda, damit, kurtina, towel at pwede ring gawing emergency bandage kung kinakailangan.
Alamin Ang 5 Travel Rules Na Maaari Mong Baliin Para Sa Mas Enjoyable Na Bakasyon
KUNG NAIS mong i-enjoy ang iyong bakasyon ng walang inaalalang problema kasama ang iyong pamilya, meron kang 7 travel rules na maaari mong baliin. Alamin kung anu-ano ang mga ito. Hindi na kailangang mag-plano. Sa totoo lang, kailangan mo pa ring magplano kung gusto mong ma-enjoy nang todo ang inyong bakasyon. Magdala ng lahat ng inyong kakailanganin gaya ng snacks, mga laruan, at maging mga gamot. Kumain sa labas. Nakaka-enjoy mang kumain sa labas, maaaring wala ka namang budget para rito. Para ma-solusyonan ito, maaari kang bumili ng mga local ingredients sa lugar para ikaw na lamang ang magluto. Mag-renta ng hotel. Minsan, mas mainam na mag-renta na lamang kayo ng bahay-bakasyunan kaysa
magsiksikan sa isang masikip na hotel. Mas mainam din ito kung isang buong pamilya kayong magbabakasyon dahil mas makakatipid kayo kaysa sa hotel. Magtanong-tanong sa lugar. Kung maaari, dapat ay alam mo na ang layout ng lugar na inyong pupuntahan bago pa man ang inyong bakasyon. Dapat ay aware ka na rin kung saan pwedeng mag-renta ng sasakyan o ng iba pang mga amenities na maaari mong kailanganin. Iwanan ang inyong alaga sa bahay. Kung meron kang alaga sa bahay, hindi mo na kailangan pa silang iwan sa iyong kapitbahay para alagaan. Marami na kasing hotel at iba pang establishment na tumatanggap ngayon ng mga alagang hayop kaya mas mae-enjoy mo na ang iyong bakasyon kasama ang iyong paboritong alaga.
Part 3
Part 4
NARITO NAMAN ang ikatlong bahagi ng mga travel tips na dapat mong malaman.
PARA SA ikaapat na bahagi, narito ang ilan pang travel tips na makatutulong sa iyo.
11. Magdala ng portable DVD player. Tiyak na hindi ka mabobore gaano man kahaba ang biyahe kung nakakapanood ka ng mga paborito mong movies. 12. Magdala ng noisecancelling headphones. Medyo mahal ang mga ito pero sigurado namang hindi ka na mai-istorbo ng mga ingay lalo na kung may humihilik na pasahero, umiiyak na bata, o nagtatawanang mga teenagers. 13. Laging tingnan ang lugar na aalisan. Ito ay para na rin masiguro mong wala kang ano mang gamit na naiwan. 14. Irolyo ang mga damit kaysa itupi. Mas makakapagsave ka kasi ng space kung iro-rolyo mo ang iyong mga dadalhing damit. Sa ganitong paraan, hindi mo kakailanganing magdala pa ng napakaraming bag. 15.Gumamit ng body language. Kung hindi kaaral sa lenggwahe ng lugar na siyong pupuntahan, maaari kang gumamit ng sign language o body language para maintindihan ka.
16. Huwag maglagay ng pera sa iisang lugar. Pwede kang magdala ng wallet, money belt o lagyan ng pera ang iyong bulsa. Safety measure na rin ito sa mga masasamang-loob na maaaring magkainteres sa dala mong pera. 17. Huwag magdala ng maraming cash. Kung meron ka namang ATM, pwede kang magwithdraw kung may kailangan kang biilhin. 18. Maghanap ng tour guide. Kung nais mong malaman ang
Part 5
PARA NAMAN sa huling bahagi, narito na ang mga travel tips na dapat mong malaman para mas ma-enjoy ang iyong pagbibiyahe. 21. Magdala ng Tiger Balm. Para itong all-in-one first aid kit na pwede mong gamitin para alisin ang hilo, bigyang ginhawa ang mga sumasakit mong kasukasuan at pwede ring gawing insect repellent. 22. Maging maingat sa iyong pagsasalita. Para sa iyong pagiingat, iwasang magsalita ng basta-basta gaya ng mga negatibong bagay lalo na kung hindi ka pamilyar sa lugar. Hindi mo kasi alam na baka merong nakakaintindi ng iyong sinasabi at ma-offend sila dahil dito. 23. I-respeto ang kultura ng lugar na pupuntahan. Maaari
kasaysayan ng isang lugar o sulitin ang iyong biyahe at punuin ito ng kaalaman, dapat ay maghanap ka ng isang local guide para i-tour ka sa lugar. 19. Mag-abang ng sale. Kahit saang lugar mo pa gustong pumunta, maraming mga travel packages na naka-sale na maaari mong i-avail para makamura. 20. Kumuha ng travel insurance. Hangga’t maaari, kumuha ng insurance para sa iyong magiging biyahe para handa ka kung sakaling may mangyaring aberya sa iyong biyahe.
kasing may mga bagay silang ginagawa na magpapataas ng iyong kilay. Pero dahil iyon ang nakagisnan nilang kultura, dapat lamang na irespeto mo ito bilang turista. 24. Maglakad. Kung gusto mo talagang i-enjoy lahat ng tanawin sa lugar na iyong pupuntahan, maglakad ka kaysa sumakay. Pero siyempre, tantiyahin mo din ang mga lugar kung saan ka lang pwedeng maglakad o kung kailan mo kailangang sumakay. 25. Iwasang maging paranoid. Ayos lang maging maingat sa biyahe pero huwag masyadong maging paranoid. Mas marami pa ring mabubuting tao sa mundo. Kailangan mo lang maging maingat para masiguro ang kaligtasan mo.
JUNE 2016
11
Alamin Ang 7 Travel Tips Sa Airport
Best Travel Tips – Part 2
KUNG NAIS mong maging mabilis at kaaya-aya ang iyong pagbiyahe simula pa lamang sa airport, narito ang ilang mga tips na dapat mong tandaan. • Mag-book ng maaga. Sa ganitong paraan, maaari mong makuha nang mura ang iyong ticket. Hindi mo pa kailangang sumabay sa pila ng mga taong rush na bumibili ng ticket. • Huwag magsuot ng flip flops. Kung gusto mong makasakay nang maayos at maaga, iwasang magsuot ng flip flops sa airport. Mainam pa ring magsapatos para na rin makaiwas sa aksidente. • Huwag pumila kung saan may mga bata. Pagdating sa mga security checks, mas mabilis gumalaw ang pila kung saan walang mga bata. • Magdala ng ear plugs. Nakababawas ang mga ito sa ingay kung nais mong matulog sa eroplano. • Magdala ng extrang damit. Pwede ka namang mag-request ng kumot sa eroplano. Pero sa sobrang nipis nito, tatagos pa rin ang lamig na nararamdaman mo. Magdala ng extrang damit na maaari mong isuot para naman maibsan ito. • Pumili ng maayos na upuan. Iwasang tumabi sa mga maiingay o madaldal, mga bata o babae dahil mas madalas silang tumayo para mag-toilet, ayon na rin sa pag-aaral. • Gumalaw-galaw kapag may turbulence. Ayos lang maging malikot kung may turbulence na nae-encounter ang eroplanong sinasakyan mo. Nakakatulong kasi ito para hindi mo gaanong maramdaman ang uga ng eroplano.
NARIRITO PA ang ilang mga dapat mong isasaalang-alang kapag ikaw ay nagta-travel, para masigurong hassle-free ang iyong trip. 1.
I-photocopy lahat ng importanteng dokumento. Kabilang na rito ang iyong passport o travel itinerary. Ito ay para na rin meron kang kopya sakaling mawala ang iyong passport. Pwede mo rin itong i-scan at i-email sa iyong sarili. 2. Isang bag lang ang dalhin kung aalis. Sa ganitong paraan, sa isang bagay lang nakapokus ang atensiyon mo. 3. Laging magbaon ng sombrero. Makatutulong ang mga ito lalo na kung summer at mainit ang panahon. 4. Lagyan ng protector jacket ang iyong passport. Ito ay para na rin iwas-basa at gusot ang iyong passport. 5. Magbaon ng dry shampoo. Lalo na kung limitado ang water supply o wala ka ng panahong maligo. 6. Magbaon ng reusable bottle water. Mahal kung lagi kang bibili ng bottled water. Mas mainam na magbaon ka na lang ng iyong sarili. 7. Magbaon ng toilet paper. Hindi lahat ng comfort room sa buong mundo ay meron nito. Mabuti na yung handa ka. 8. Magdala ng first aid kit tuwing bibiyahe. Magbaon ng mga gamot gaya ng pain killer, paracet amol, decongest ant, antibiotic cream, panlinis ng sugat at mga bandages.
Ilang Mabisang Travel Tips – Part 1
Best Travel Tips – Part 3
KUNG PANGARAP mong gawing hobby ang pagbibiyahe, naririto ang ilang tips na maaari mong magamit kailanman at saan mo man maisip pumunta para sa iyong next trip.
NARIRITO NAMAN ang ilan pang mga dagdag na travel tips na dapat mong isasaalang-alang.
1.
Bago bumili ng mga nakalimutang dalhin, magtanong muna sa hotel staff. Kung sa hotel ka mag-i-stay, magtanong muna sa mga staff kung meron silang toothbrush, toothpaste, shower caps, razors o kung anupamang kailangan mo. Kadalasang libre ang mga ito kaya hindi mo na kakailanganin pang bumili. 2. Huwag ilagay ang wallet sa iyong back pocket. Simple lang, mas mabilis madukot ang wallet mo sa likod nang hindi mo namamalayan. Ilagay na lamang ito sa iyong backpack o magdala ng purse. 3. Huwag kalimutan ang iyong mga charger. Mapa-camera man ‘yan o cellphone, siguraduhing nasa bag mo na ang iyong charger ilang oras bago ka pa bumiyahe para hindi mo ito makalimutan. 4. Huwag mag-iwan ng ano mang bagay sa sasakyan. Kahit pa naka-lock ang sasakyan mo, mas safe pa ring dalhin mo nalang lahat ng bagay na importante para sa iyo. 5. Ipares ang mga damit sa pag-eempake. Sa ganitong paraan, hindi mo na kakailanganin pang maghalungkat ng isusuot dahil naka-ready na ang mga ito.
1.
M a g - e mp a k e n g m g a d a m i t n a h i n d i n a k a i l a n g a n g plantsahin. Sa ganitong paraan, hindi mo na kakailanganin pang manghiram o magdala ng plantsa. 2. Mag-jot down. Kung meron kang kailangang alalahanin, isulat ito para hindi mo makalimutan. 3. Maglaba bago mag-empake. Sa ganitong paraan, mas marami kang damit na pwede mong dalhin. 4. Mag-pack ng mas maraming under wear. Kapiraso lang ang space na kailangan ng mga ito pero mas higit mo itong kailangan dahil kailangan mo itong palitan araw-araw, hindi katulad ng pantalon na maaari mong isuot ulit. 5. Matuto ng basic phrases. Kung iba ang lenggwahe ng lugar na pupuntahan mo, mag-aral ng basic phrases gaya ng I’m sorry, please, at thank you. Pwede rin ang mga salitang where at how much. 6. Ugaliing magbaon ng snacks. Mas mura kung meron kang baon kaysa mag-i-impulse buying ka. Tandaan, nakakagutom ang mahabang biyahe kaya dapat ay handa ka. 7. Una h i ng i- empa ke a ng mg a su mu su nod: t oot hbr u sh, deodorant at gamot. Ito kasi ang mga items na madalas naiiwan kapag nag-eempake.
JUNE 2016
14
JUNE 2016
KOLUMN > TRAVEL
15
A Trip to the Fair City of Fukuoka Slice of Mango. Slice of Life ARIES LUCEA | ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM
F
ukuoka city in Kyushu was the first city I have been to in Japan. Although that was 9 years ago, and I only stayed in the city for a whole day, and just remained inside a building for tests and job interview. It was a glimpse not of the city, but only of the train station and the street where I had my interview, then it was off to Yanagawa again, which is my wife’s hometown. Living in Osaka, our frequent visits to Fukuoka were always a family affair and spent with the in-laws in the country. Always nice to have refuge of sorts in the countryside away from the daily grind of the big city. But never get to experience the city till last Golden Week, wherein I devoted two day trips to the city from our Yanagawa base. Fukuoka is a shipping hub, and is the third largest city next to Tokyo and Osaka. A visit to Kyushu National Museum, being very Asian centric rather than Japanese only, will give you a lavish look at its trading past with a lot of its neighbors. I sent my kids on a mission to find an artifact from the Philippines, and they successfully did find an old jar. Looking at the elegant porcelain and china; and colorful mosaic glass work from Iran were a real treat. It was also fascinating to note, Japan’s long time affinity and trade partnership with Iran and of course Korea, being one of its closest neighbor. The area on Political Power: Cultivating Rice, made me smile knowing Asian’s obsession on arguing which country has the better tasting rice. The museum collection was enough to feed one’s yearning for history. It was nice to see these things, but even better we didn’t come to the museum solely for the main exhibit.
I came to the Kyushu National Museum with my tiny explorers for its special exhibition of the Terracotta Army of China’s first emperor. Terracotta army is a form of funeral life sized art buried with the emperor in 210-209 BC. Its’ archaeological search had so far found 8,000 soldiers, 130 chariots and more than 600 horses. It was wonderful to see, albeit very tiny portion of this find, around 6 life-sized warriors and around
50 replicas with numerous artifacts around that period on loan and display at the museum until June 12, 2016. Without any plans of visiting China anytime soon, and my long time fascination with this discovery, I was really glad to see it. I rented two electronic guides for my children and let them go on their own around the exhibit. They were very interested and seemed lost in their own little world of ancient China. I was a bit of a proud dad whenever I see my kids devour cultural experience such as this.
“I sent my kids on a mission to find an artifact from the Philippines, and they successfully did find an old jar.”
We were able to experience some cityscapes, going around the city by bus and spending a good part of the day at a Canal City. A huge shopping complex with a man-made canal that runs through it. Children can play at a certain area of the canal and there was also an hourly water fountain show with music accompaniment. For us the best thing about Canal City was a whole area dedicated to ramen. Yes, devouring and ramen appreciation at the Ramen Stadium. Not really a stadium size place but fair enough to engage in a wanton ramen induced eating frenzy. Fukuoka is famous for its culinary offerings and Hakata Ramen and Kurume ramen are just among the best tasting Japanese cuisine.
We were set to visit the nightly yattai (food kiosks) which is very popular in Fukuoka, but it was raining heavily, but this is a must do when in Fukuoka, hopefully we get to experience it in the future. So beaten by the rain, we decided to eat at a restaurant offering another fine regional delicacy, “unagi” or eel. Mouth-watering and flavorful eel topped on hot rice, simply the best way to end a fun and lovely travelling day with the family.
Fukuoka has a lot of things to offer. It even has a popular harbor with a man-made beach and real beautiful ones too. I promise to myself to find a way and devote more time in exploring this lovely place. For now, back in Osaka and happy in the company of my “mentaiko” (spicy fish eggs) and “membei” (mentaiko sembei), which we bought in loads every time we visit Fukuoka.
JUNE 2016
16
JUNE 2016
KOLUMN > OPINYONG GLOBAL
17
Finding JOY in Heritage
Little Great Joys AVIC C. TATLONGHARI
W
hen we moved to this side of Saitama more than 3 years ago, we discovered an old hotel with a golf course, a swimming pool and hot spring. It is located one train station away from where we live and a few minutes by car or the free shuttle the resort provides to visitors and guests. The shuttle service provides a few trips all throughout the day, starting at 8:30 am from the station and 8:30 pm as the last trip from the hotel to the Shinrinkoen station.
It has always been our happy and secret place. When we want to relax after a heavy snowfall… When we want to celebrate birthdays quietly… When we want to eat Japanese food in a place with a very Japanese ambience… When we want to enjoy some night time illumination… When we want to visit a golf course and take pictures… When we want to swim in summer when public pools can become crowded… When we want to relax and not spend a lot… When we want to buy good Japanese sweets one cannot normally find in supermarkets… When we want to enjoy the onsen or hot spring… The hotel/resort is quite old, but well maintained. It provides vast space if you have children you want to run around. There is a place for a swing and a slide as well as for putter golf. There are two big restaurants (maybe there is another one on the top floor) open for non-guests and visitors. And offers a good place to just sit, relax and read a good book. At night, one can enjoy an illumination that sits there all throughout the year. During the Christmas season, they play Christmas songs too.
So this has been our routine:
From our station, we get on the train and get off at Shinrinkoen station (about 3 minutes away by Tobu Tojo line).
“Nobody is talking. It can be crowded on some days but last night, it was just me and the night sky” Then we get on the free shuttle (a van or a mini bus). There is a stop across the station for the resort as well as the other golf country clubs. We usually take the 2:30 shuttle. It takes about 15 minutes to the resort.
We walk around the resort ground, play with Adana (or we sit and talk as she plays). We take pictures and we enjoy an early dinner. Sometimes we eat in the big Japanese hall that serves udon, tempura, among others. Recently, we tried the Chinese restaurant that sits beautifully in a round shaped restaurant with a good view of the hotel grounds. At lunch, there is a set meal of ¥1,300 including salad and dessert. For dinner they serve a la carte for about 1,000 or a little more per dish. Then we go to the other side of the hotel where the hot spring is located. Because Adana does not like hot spring, Pido goes first while I and the little girl watch TV, explore the shops, or just play in the small area for kids. Sometimes, I sit on the tatami floor, order snacks and wait for the little girl to wake up from her nap. Pido comes back after an hour, happy and relaxed. He plays with Adana while I enjoy onsen.
For those who don’t know the Japanese hot spring, men and women go to separate areas. There are lockers to leave your clothes and valuables. You go in naked. Take a shower (shampoo, conditioner and body wash all provided). Then you walk slowly and quietly to the indoor and outdoor onsen. The rest is beautiful history. I love the outdoor onsen. Even in winter it is just awesome. I soak in very hot, mineral-rich water right under the sky. Nobody is talking. It can be crowded on some days but last night, it was just me and the night sky. Then I would shower and dry my hair. Moisturizers and everything you need are provided in the grooming area. I dress up and meet up with Pido and Adana.
Last night, I got to see the other onsen where bathing suit is allowed because both men and women can go. With water falls and several places to soak, it is a good place to invite friends for a hot spring party. And one can even order drinks as there is a “bar” in the area. And if one is too shy to go naked with strangers (same gender of course), this is a good alternative. Oh, the onsen costs ¥1,000 per person and you can stay for as long as you like. On regular days, it costs ¥1,300. I usually stay for about an hour or so.
We take the 8:30 pm shuttle back to the station. Last night there was a big mascot to entertain the kids on Children’s Day. We spent a good 30 minutes being entertained. Adana and the mascot chased each other. It was a day well spent.
And we will be back, as a family and with other good friends.
www.littlegreatjoys.com
JUNE 2016
18
KOLUMN > SPORTS
Larong Kalye
FIBA Olympics Qualifiers Primer Part 1: France, Canada at Turkey
MELBERT TIZON | MBTIZON@GMAIL.COM
S
a darating na Hulyo, anim na national teams, kasama dito ang Gilas Pilipinas, ang maglalaban laban para sa pagkakataong makatuntong sa Olympics na gagawin sa Brazil. Isang slot lamang ang ibibigay at mukhang malabo ang tsansa natin laban sa mga powerhouses ngunit dahil gaganapin ito sa atin, maraming mga eksperto ang nagsasabi na baka sapat iyon upang sorpresahin ang mga dayuhan. Sino-sino ba ang mga makakalaban natin sa Qualfying Tournament? Isa-isahin natin sila.
“Maliksi, mabilis, matangkad at may shooting. Magaling rin sa depensa.”
France: Ang France ang unang team na makakaharap natin sa Hulyo. Gaano kalakas ang France? Ang team nila, kung kumpleto, ay kayang makipagsabayan sa mga bigatin ng mundo katulad ng Spain at USA. Sa katunayan, tinalo na nila ang Spain sa EuroCup ilang taon na ang nakakaraan.
Iyon nga lang, mukhang marami sa core group nila ang hindi maglalaro sa Manila. Kinumpirma na ni small forward Nicolas Batum, shooting guard Evan Fournier, power forward Ian Mahinmi at Center Rudy Gobert na hindi sila maglalaro. Sa tingin ko, ang 7’3” center na kilala sa depensa ay magiging problema para sa mga manlalaro natin. Hirap ang mga pinoy sa mga teams na may matatangkad at malalakas na sentro. Makakatulong ang pagkawala niya. Bukod dito, maaring hindi rin maglaro si Tony Parker at Boris Diaw kung patuloy ang pagalagwa ng Spurs sa Playoffs. Maaring hindi na rin maglaro si Joakim Noah ng Chicago Bulls dahil sa injury.
Pitong NBA starters ang hindi maglalaro. Nakakalungkot din kasi ang sarap sana panoorin ng Les Blues (o France National Team) na kumpleto sila. Gayunpaman, hindi naman humina ng todo ang koponan nila. Sila pa rin ang llamado laban sa atin. Si Joffrey Lauvergne na pinahirapan ang Gilas noong nagtapat sila ay maglalaro. Andoon rin ang shooter-playmaker na si Nando de Colo at ang defensive players na sina Mickel Gelabale at Charles Kahudi. Mga magagaling na manlalaro sa Euroleague ang mga ito. Noong huli kong napanood ang exhibition game natin laban sa kanila, nakakasorpresa na hirap silang tapatan ang liksi at bilis ng mga gwardya natin. Sa katunayan, napilitan silang magzone defense noon. Hindi nila
kailangang gawin ito laban sa Spain noon. Kung tatakbo ang Gilas at pananatilihing mabilis ang pace, may tsansa tayo. Tinalo tayo ng France nang nagsimula na silang dikdikin tayo sa ilalim gamit si Jeffrey lauvergne. Tignan natin kung masosolusyunan ito ng Gilas sa susunod nilang paghaharap.
Canada Hindi natin kabracket ang Canada. Pero maaring makalaban natin sila pagdating sa Playoffs. Hindi malinaw kung sino sino ang maglalaro sa kanila pero i-assume natin na lahat ng mga manlalaro nila ay available. Maaring makita natin sina Andrew Wiggins, Cory Joseph, Trey Lyles at Kelly Olynyk. Lahat ito ay mga magagaling at batang manlalaro sa NBA. Si Andrew Wiggins ang magiging pinaka problema ng Gilas. 6’8”, maliksi, at mataas tumalon. Marunong dumepensa, marunong sumalaksak at may shooting na rin. Siya ang pinaka-athletic na manlalaro sa Maynila sa Hulyo. Kakayanin kaya siya ni Gabe Norwood? Matt Ganuelas? Calvin Abueva? Kung iiskor lagi si Wiggins at hindi papasa sa mga kakampi, may tsansa tayo. Mapipilitan ding mag-extend ng depensa ang mga bigmen natin dahil may tira sa labas ang mga counterpart nilang sila Trey Lyles at Kelly Olynyk. Pisikal at maliksi ang dalawa, ngunit mas magulang si Ranidel at Ping sa tingin ko. Maaring ma foul trouble ang mga batang Canadian laban sa mga beterano nating bigmen.
Maliksi, mabilis, matangkad at may shooting. Magaling rin sa depensa. Magiging mabigat ang Canada para sa atin. Sila ang pinaka-NBA ang style ng paglalaro sa lahat ng kalaban natin. Sa kabila nito, hindi pa nila nakaharap ang Pilipinas. Noong nakaraang FIBA worlds, nakita nating hirap ang mga kalaban sa gung-ho style natin. Kung isang game lang naman, baka kaya nating gulatin ang Canada.
TurkeyMedyo pamilyar tayo sa sistema ng laro ng Turkey dahil may pagkakatulad sila sa Croatia. Matangkad,
may shooting at mahahaba ang mga galamay.
Mabigat ang Turkey National team. Malakas sila sa ilalim dahil sa 7’2” na si Omer Asik. Maglalaro rin para sa kanila si Ersan Ilyasova, isang 6’10” power forward na may tira sa labas parang si Troy Rosario na mas malaki at magaling. Maaring maglaro rin para sa kanila si Enes Kanter na pinahihirapan ang San Antonio Spurs dahil sa laki at galling nito sa ilalim, parang isang mas malaki at magaling na Junemar.
Pero malamang mahina ang point guard play nila. Mahihirapan silang depensahan sina Castro at Romeo. Iyon nga lang, kung puro isolation ang gagawin natin, magiging predictable tayo, isang kahinaang inexpose ng China National Team. Kung tatakbo tayo at magpepressure defense sa buong laro, maaring manalo tayo. Sa tingin ko, ang ball handling ang bagay na maari nating samantalahin. Mahihirapan ang mga manlalaro natin na iikot ang bola sa mga set plays dahil mahahaba ang galamay ng Turkish Squad. Kaya kailangan makakuha ng mas maraming steals at fastbreaks laban sa kanila.
JUNE 2016
19
Attractive Eyes
INA: Eh tanga yun doc! Ano pinangalan sa mga anak ko?! DOC: Sa babae, DENICE. INA: Aba, ok yun! Eh sa lalake? DOC: DENEPHEW!
Anak sa Labas
Tindera: Sir, bili na po kayo ng kurtina. Juan: Ale, pabili nga ako ng isa para sa computer ko. Tindera: Sir, bakit po para sa computer niyo? Juan: Ang computer ko kasi may windows eh.
Pedro: Alam mo, Rosa. Rosa: Ano yun? Pedro: Your eyes are really attractive Rosa: Talaga? Pedro: Oo, they attract each other! Pedro: Pare, anong gagawin mo kapag nalaman mong may anak ka sa labas? Juan: Huh? Anong klaseng tanong yan, pare? Siyempre, papasukin ko sa loob ng bahay.
Boats
Alaga: Yaya look, boats! Yaya: Dows are not boats, dey’re yachts. Alaga: Yaya, spell ‘yacht.’ Yaya: Yor rayt, they are boats.
Barber Shop
Barber: Sir, anong klaseng gupit po? Lalaki: Yung uka-uka, masagwa at hindi pantay. Barbero: Ano po yun? Hindi ko alam yun. Lalaki: Anong hindi? Ganun ang gupit mo sa akin last time.
Concentrate
Hindi makapagtimpla ng juice si Inday... Tahimik lang siyang nakatitig sa bote ng juice... Dahil nakasulat: CONCENTRATE Harlem Shake Pedro: Tara pare, harlem shake tayo. Juan: Ay, ayoko. Pedro: Bakit naman? Juan: Baka mahal eh. Coke float nalang.
Kambal
DOC: Kambal anak mo, sister mo ang anagbigay ng pangalan
Kurtina
LCD
BOY: Dad, patulong sa assignment ko DAD: Tungkol saan ba anak? BOY: Find the least common denominator? DAD: Ha? Aba'y elementary pa lang ako eh, hinahanap na nila yan ah? Aba'y di pa aba nila nakikita?
Love Letter Alphabet
Sumulat si Juan ng love letter gamit ang alphabet: ABC = Always Be Careful DEF = Don't Ever Forget GHI = Go Home Immediately JKLM = Just Keep Loving Me NOPQRSTUVW = No One Perfectly Quite Romantic Shall Treat You Very Well Nabaliw si Juan kasi 3 letra na lang... XYZ kaya sinulat niya: XEE YOU ZOON!
Lumang Vase
Nakabasag si Juan ng isang malaking vase sa museum. Nataranta ang attendant. Attendant: Naku po Sir! More than 50 years na po ang vase na yan. Juan: Hay, salamat naman! Akala ko kasi bago eh.
Magiging Tatlo
Misis: Love, malapit na tayong maging tatlo dito sa bahay. Mister: Talaga, love? Magiging daddy na ako? Misis: Hindi love, dito na titira yung nanay ko.
Mapa ng Pilipinas
Teacher: Jose, ituro mo sa mapa ang Pilipinas. Jose: Ito po Ma’am (sabay turo ng Pilipinas sa mapa) Teacher: Magaling. Mga bata, sino ang nakatagpo ng Pilipinas? Mga bata: Si Jose po Ma’am!
Modern Bahay Kubo
Bahay ko po dami putik, ang pumasok doon ay sari-sari. Nilamas na karton, sirang medyas at damit, silya, basurang mapanghe! ONDOY parusa binura Marikina at saka meron pa lubog din ang Edsa. Montalban at Pasig, Taytay at Cainta sa paligid-ligid ay puno ng baha.
Tatakas sa Mental
Dalawang baliw gustong makatakas sa mental hospital. DING: Alam ko na gagawin para makatakas tayo DONG: Paano? Nakapadlock yung gate DING: Yun ana nga eh. Sisirain natin pag nasira, makakatakas na tayo. DONG: Oo nga galing mo talaga! Tara na... DING: Brad malas! DONG: bakit? DING: Hindi naka-lock yung padlock. Hindi natin masisira. Di tayo makakatakas DONG: Ang tanga mo naman brad. Eh di ilock natin para pwede na natin sirain…
Aries
Cancer
Libra
Taurus
Leo
Scorpio
Natural kang masayahin at determinado. Dahil na rin dito, mas magiging maganda ang takbo ng lahat sa buhay mo. Bakit hindi? Ang pag-ibig ang magsisilbing inspirasyon mo ngayong buwan. Dahil diyan, walang bagay na hindi mo kayang gawin o pagsubok man na hindi mo kayang lalagpasan. Power numbers: 10, 19 at 37. Lucky colors: red. Ito na ang oras para tanggapin mo anuman ang ibinibigay sa’yo ng kapalaran. Dahil maraming mas mabuting bagay ang darating sa buhay mo, ibahagi mo ang iyong kasiyahan sa iyong pamilya, mga kaibigan at sa iyong minamahal. Ito na rin ang panahon ng katuparan ng iyong mga pangarap. Power numbers: 20, 29, at 37. Lucky colors: green, pink, at blue.
Gemini
Habang naghihintay ka ng panahon, huwag mong hayaan ang iyong sarili na mag-alala. Hindi man nangyayari ang mga bagay ayon sa iyong kagustuhan, dapat mong pakalmahin ang iyong sarili. Darating sa ayos ang lahat kapag kalmado ka na at tiwala sa kung ano mang darating. Power numbers: 12, 21, at 30. Lucky colors: yellow.
Magiging kaabang-abang ang buwan na ito para sa iyong buhay pag-ibig. Para matupad mo ang lahat ng iyong pangarap, ito na ang panahon para umaksyon ka at kumilos. Maging confident ka lang sa lahat ng bagay at makikita mo ang magandang resulta ng lahat ng iyong plano. Power numbers: 13, 40, at 49. Lucky colors: green at silver.
Maayos ang takbo ng iyong relasyon sa iyong mga kaibigan at kapamilya. Gayunpaman, nagbabadya ang selos na maaaring makasira ng iyong relasyon sa iyong minamahal. Huwag basta-basta magsabi ng iyong sikreto. Madiskarte ka at ang kakayahan mong ito ang magpapaunlad sa iyo sa trabaho. Power numbers: 9, 16, at 43. Lucky colors: yellow at indigo
Mag-ingat sa iyong mga ikinikilos lalo na kung ang partner mo ay mahilig magselos. Pagdating sa iyong career, marami ka pang taong makikilala na makapagpapabuti ng iyong financial status sa ngayon. Ingatan din ang iyong sarili dahil maaari kang magkasakit dahil sa pagpapabaya. Power numbers: 23, 32, at 41. Lucky colors: red, gold, orange.
Magiging masaya ang panahong itp para sa iyo. Ito na kasi ang tamang panahon para ikaw ay umibig o para aminin ang iyong natatagong pagmamahal sa taong iyon. Maging maingat sa paggastos. Kung nais mong mas kumita pa, maging constructive sa iyong pakikipag-usap sa ibang tao. Power numbers: 17,35, at 53. Lucky colors: maroon, crimson, at red.
Maganda ang buwang ito para mas palakasin pa ang iyong pakikipag-komunikasyon sa mga taong mahal mo maging sa iyong mga katrabaho. Gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa’yo. Hindi ka rin dapat mag-alala dahil may naghihintay sa iyong promotion o magandang bonus sa trabaho. Power numbers: 15, 33, at 51. Lucky colors: violet at indigo.
Nahihirapan kang makontento dahil pabagu-bago ang iyong isip. Pero huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat bago matapos ang buwang ito. Kung sa palagay mo ay hindi mo na nakakasundo pa ang maraming tao, panahon na siguro para mag-reflect ka o makipagusap sa kanila. Power numbers: 9, 36, at 45. Lucky colors: lavender, violet, at purple.
Virgo
Sagittarius
Namatay na Elepante
Pedro: Bakit ka umiiyak? Juan: Namatay kasi yung elepante. Pedro: Bakit, alaga mo ba yun? Juan: Hindi, pero ako ang huhukay ng libingan niya.
Gay bar
INA: Ikaw na bata ka! Nagpunta ka nga ba sa gay bar kagabi? ANAK: Opo! INA: Ano ang nakita mo dun na ‘di mo dapat makita? ANAK: Si ITAY po.. ang landi! Tumitili pa!
Pwedeng Maligo
JUAN: Dok, ako po yung pasyente niyo LAST YEAR! DOC: Oo naaalala ko! may problema ba? JUAN: Itatanong ko lng po sana kung pwede na akong maligo!
Cake at Ice Cream
Boy: Yang kili-kili mo parang cake. Girl: Bakit? malambot ba? hihihi Boy: Hindi. Parang Black Forest. Hahaha Girl: Yang face mo naman parang Ice Cream Boy: Nambola ka pa, Bakit? Nakakatunaw ba? Girl: Hindi. Parang Rocky Road
Langit at Impiyerno
ANAK: Nay, yung GF ko hindi naniniwala sa Langit at Impiyerno.. NANAY: Pakasalan mo, anak. Patikim mo sa kanya ang LANGIT. ... Ako na bahala sa IMPIYERNO!
Capricorn
Maraming sorpresang naghihintay para sa iyo ngayong buwan. Huwag kang magalala dahil positibo naman ang lahat ng bagay na darating sa iyong buhay. Ipagpatuloy mo rin ang iyong pagsisipag at determinasyon sa iyong trabaho. Power numbers: 8, 28, 55. Lucky colors: gray at black.
Aquarius
Malaki ang posibilidad na maraming positibong bagay kang mararanasan ngayong buwan. Mas magiging mapagbigay at welcoming din kasi ang iyong pamilya at mga kaibigan. Ikaw din ang klase ng taong maaasahan at nagbibigaykulay sa bawat samahan. Power numbers: 29, 38, at 47. Lucky colors: royal blue at sky blue.
Pisces
Huwag kang mahihiyang sumandal sa iyong pamilya at mga kaibigan. Tunay mo silang maaasahan at sila ang totoong nagmamahal sa iyo. Masasagot na rin ang ilang katanungan sa iyong isip ngayong buwan. Maniwala ka sa iyong swerte at darating ang bagay na matagal mo nang hinihintay. Power numbers: 21, 39, 57. Lucky colors: aqua blue at sea green.
JUNE 2016
20
BALITANG SPORTS
Filipino Long Jumper, Pasok na sa Rio Olympics
OPISYAL NANG tinanggap ng International Association of Athletics Federation (IAAF) ang Pinay long jumper na si Maristella Torres-Sunang. Ang magandang balitang ito ay ibinahagi
ni Athletics chief Dr. Philip Ella Juico, ayon sa ulat ng bomboradyo.com. Ikaanim na si Sunang na Pinoy athlete na nakapasok sa Olympics na isasagawa sa Brazil sa darating na Agosto ngayong taon.
Miyembro ng Philippine Taekwondo Team, Abogado Na ISANG MIYEMBRO ng taekwondo team ng Pilipinas ang ngayo’y abogado na. Kinumpirma mismo ng Philippine Taekwondo Community ang pagkakapasa ni Francesca Camille Alarilla sa nakaraang 2015 Bar Exam. Kabilang umano siya sa team na nag-kampeyon
sa Southeast Asian Games at World Poomsae Championships noong 2015. Nagkampeon din si Alarilla, kasama nina Rani Ana Ortega at Janice Lagman, sa 2009 World Poomsae Championship at sa SEA Games noong 2009 at 2011.
A ng approva l k ay Sunang ay sinabi umano ni I A A F compet it ion manager Carlo de Angeli. Iyon nga lang, kailangan daw umanong maabot ni Sunang ang 6.70 meters na qualifying standard sa Olympics.
SPORTS NEWS
Lebron: Hindi Dapat Si Kerr ang Coach Of The Year
Wade ng Miami Heat, Nag-Sorry sa Canada HINDI UMANO sumasang-ayon si Lebron James ng Cleveland Cavaliers na si Steve Kerr ang tinaguriang Coach of the Year. Paniniwala kasi ni James ay si Portland Trail Blazers coach Terry Stotts ang deserving sa titulong iginawad kay Kerr. Bagama’t nalagasan umano ng apat ang koponan nito, matagumpay pa rin umanong nalagpasan ang kampanya, kung kaya karapat-dapat lamang umanong bigyan ng parangal si Kerr. Ilan sa mga nabawas na players ay sina Wesley Matthews, Robin Lopez, LaMarcus Aldridge at Nicolas Batum.
Pacman, Malayo nang Bumalik pa sa Boxing
MATAPOS MAGING kontrobersiyal, humingi na ng paumanhin si Miami Heat basketball star na si Dwayne Wade sa mga residente ng Canada. Nasa hot seat kamakailan si Wade nang batikusin siya ng kanyang patuloy na paglalaro habang inaawit ang Canadian national anthem. Ika ni Wade, ayon sa ulat ng bomboradyo.com,
wala naman daw siyang intensiyong bastusin ang Canada, dahil malaki umano ang respet niya sa bansang ito. Binatikos din si Wade ni Toronto Mayor John Tory. Ayon kay Tory, nabastusan daw umano siya sa inasta ng sika na basketbolista tungo sa bansa.
MALAKI ANG paniniwala ni coach Freddie Roach na ukhang hindi na umano makakabalik pa sa boxing si Manny Pacquiao. Base kasi sa unofficial results ng nakaraang eleksiyon, mukhang pasok na bilang senador si Pacquiao. Ayon sa unofficial result sa listahan ng Parish Pastoral Council for Reponsible Voting (PPCRV), nasa ikapitong puwesto na si Pacman. Ika ni Roach, kapag naging senador na si Pacquiao, siguradong magiging busy na raw ito sa maraming mga bagay.
JUNE 2016
BALITANG SHOWBIZ
Mariel Rodriguez, Buntis Na Naman
21
Georgina Wilson, Ibinahagi Ang Kanyang Love Story Kay Arthur Burnand NITO LAMANG April 29, nasorpresa ang marami matapos lumabas ang balitang engaged na ang model-host-actress na si Georgina Wilson sa kanyang British boyfriend na si Arthur Burnand. Isang araw lamang ang nakalipas, lalong nagulat ang lahat nang mabalitaang kasal na nga ang dalawa. Walang gaanong detalye ang naging kasal ni Georgina. Pero ilang oras bago ang kanyang bridal shower, nagpaunlak siya ng interview para sa May issue ng ‘Preview.’ Sa nasabing issue, ikinuwento ni Georgina kung paano sila nagkita ni Arthur, paano ito nag-propose, at ano ang mga bagay na naisip niya ukol sa pag-aasawa. Kwento ni Georgina, very private daw talaga ang nonshowbiz husband niya na noon ay boyfriend niya pa lamang. Walong taon na rin silang magkakilala dahil pawang
magkaibigan ang kanilang mga pamilya. Dagdag ni Georgina, sa panahon na magkakilala sila, noong 2015 niya lang narealize na si Burnand ang gusto niyang mapangasawa habang papunta sa Australia. Kwento ni Georgina sa Preview, “When I was with him, I was like, 'Oh my God, this is the guy I am going to marry!'” Ayon kay Georgina, sa hometown ng kanyang boyfriend sa Winchester ito nag-propose. "I was looking at swans and taking photos of them, but when I turned around, he was on one knee, crying. I couldn't stop laughing hysterically! I was so oblivious about how it all happened," ika niya. Siyempre pa, isang matamis na “yes” ang isinagot ni Georgina na ngayon nga ay happily married na.
Raymond Gutierrez, masaya para sa pagpapakasal ng kaibigang si Georgina Wilson Georgina’s “happiest version.”
MATAPOS ANG bigong mga pagbubuntis ng sikat na TV host na si Mariel Rodriguez, buntis na naman daw siya uli. Una itong ibinalita sa isang Twitter post ng komedyante at talk show host na si Ogie Diaz. Kuwento pa ni Diaz, binate pa raw umano niya ang aktres nang minsan
silang magkita. “’Yan na yun,” ika umano ni Diaz. Matatandaang nakunan ng dalawang beses si Rodriguez noong nakaraang taon. Isa nga sa mga ipinagbuntis ni Mariel ay triplets. Kung totoo ang balita ni Diaz, ito na ang ikatlong pagbubuntis ng TV host.
Iza Calzado, Naghahanda Na Nga Ba Para Sa Kanyang Hollywood Career? KAMAKAILAN LAMANG ay nakauwi na ng Pilipinas si Iza Calzado mula Amerika matapos kumuha ng audition technique course sa Los Angeles. Sa panayam kay Iza, sinabi niyang wala naman siyang proyekto sa ngayon kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makapag-aral sa ibang bansa. “It’s better to be prepared. I took Improved Classes, Audition Technique Class, Speech Class… I’m just preparing for my future,” ika niya. “Why do you have to wait for a role to come to you, why don’t you prepare for it?" Kilala si Iza bilang isa sa mga pinakamahuhusay na aktres sa ngayon, subalit nais pa rin niyang
mas paghusayan pa ang sarili pagdating sa kanyang career. Ayon kay Iza, mas pinili niyang pumunta ng Los Angeles dahil mas maraming acting classes doon na tumatagal ng mula six to eight weeks kumpara sa Pilipinas na dalawang linggo lamang. Nang tanungin naman siya tungkol sa kanyang paghahanda para sa kanyang Hollywood career, nakangiting sumagot si Iza: “Basta, huwag muna nating pag-usapan ‘yan.” Para kay Iza, higit na mainam ang pagiging handa lalo na nga’t kung may opportunity na darating para sa kanyang acting career abroad.
GANYAN INILARAWAN ni Raymond Gutierrez ang kasiyahan ng newlywed friend niyang si Georgina Wilson kay Arthur Burnand. Ayon kay Raymond, masaya siya dahil mala-fairytale ang naging kasal ng isa sa kanyang mga best friends na si Georgina sa English businessman boyfriend nito na si Arthur Burnand. Wika ni Raymond, “[It] was so nice. Only her closest friends were there. It was very proper and very British. She looked gorgeous. It was the wedding of her dreams.” Sa panayam ng GMA Network
kay Raymond sa Magnum Infinity VIP launch kamakailan, sinabi niyang “very intimate” ang naging kasal ng kanyang kaibigan sa St. Peter’s Catholic Church sa Winchester. Ani Raymond, “I told her, I’ve never seen her so happy, so I wish her well with her new life that she has with Arthur.” Sa ilang taon daw kasi na magkakilala sila ni Georgina, ngayon lang daw nakita ni Raymond ang ganoong klase ng kasiyahan sa kaibigan simula nang makilala nito ang ngayon nga’y asawa na niya na si Arthur Burnand.
Tom Rodriguez, May Isinawalat Tungkol sa Nababalitang “Girlfriend” BALI-BALITA NGAYON na girlfriend na raw ni Tom Rodriguez ang kapwa kapuso star na si Carla Abellana. Paglilinaw naman ni Tom, “exclusively dating” lang ang status ng relationship nila ni Carla sa ngayon. Sa halos tatlong taong magkakilala ang dalawa, napanatili nilang sikreto kung kailan nga ba nag-umpisa ang kanilang ligawan. Kwento ni Tom, una niyang nakita sa Carla nang magaudition siya para sa “My Husband’s Lover.” Naisip niya raw noon na seryoso, istrikto at suplada si Carla, pero nagkamali raw siya sa kanyang unang akala.
“Iyon pala, ‘pag wala ng mga kamera, ‘pag kayo na lang, napakakulit na tao, napakalambing, and one of the nicest persons with the best heart I’ve ever known,” ika niya. Matapos ang kanilang serye sa My Husband’s Lover, muling nagsama ang hunk actor at Kapuso actress sa isa pang TV series na “My Destiny.” Ayon kay Tom, kahit walang tulog at corny siyang mag-joke ay ini-entertain pa rin siya ni Carla. Pero dagdadg niya, sa pelikula nilang “So It’s You” niya pa mas nakilala ang personality ng aktres. Bukod sa pagiging big fan ng aktres, marami rin daw natutunan si Tom kay Carla.
JUNE 2016
22
BALITANG SHOWBIZ
Ai-ai Delas Alas, Naudlot Ang Pagiging Lola MAGIGING LOLA na sana ang sikat na komedyanteng si Ai-ai delas Alas. Iyon nga lang, nagkaroon ng miscarriage ang girlfriend ng kanyang anak na si Sancho. Si Shanna Retuya ay nakunan bunsod sa blighted ovum na kondisyon, base sa ulat ng bomboradyo.com. Ibig sabihin umano nito, hindi tumuloy na na-develop ang pagbubuntis ni Retuya. Ito ay bagay na ikinalungkot umano ng pamilya ni Ai-ai. Subalit, ika ng aktres, tinanggap na lang daw umano nila ito nang maluwag. Dagdag pa niya, may plano umano para sa kanila ang panginoon. Dalawang buwan ang pagbubuntis ni Retuya nang makunan ito.
Singer Na Si Jay-R, May Iniindang Sakit
alma moreno files
NA-OSPITAL umano kamakailan si Jay-R dahil sa pananakit sa ibabang bahagi ng kanyang likod. “Now confined in the hospital,” ika ni Jay-R. “What I thout was a lower back pain are my kidney stone’s acting up and attacking. It’s my first time to have an IV. Please send good positive energy my way if you
get some time.” Nananawagan ang singer sa kaniyang mga mahal sa buhay at sa fans na ipagdasal siya na malagpasan ang pagsubok na ito sa buhay nito. Dahilan sa sakit, sasailalim umano si Jay-R sa intravenous therapy.
Beauty Gonzales, Dumanas Ng Post-Partum Depression
Alma Moreno, Hindi Nalulungkot Sa Pagkatalo Sa Pagka-Senador HINDI NAPASAMA sa magic 12 ang aktres na si Alma Moreno sa senatorial race kamakailan. Gayunpaman, hindi umano masama ang look ng aktres. Ika ni Moreno, naniniwala umano siyang may ibang plano sa kaniya ang Panginoon. Ang maganda umano nito ay may bumoto
pa rin sa nasabing aktres at hindi naman umano siya huli sa listahan ng mga senatoriables. Mas mababahala pa nga raw umano siya kapag nanalo siya, sapagkat hindi pa umano sapat ang kanyang karanasan. Dagdag pa niya, tumakbo lamang umano siya dahil siya ay hinimok.
Pekeng Twitter Account Ni Alma Moreno, Inalis Na TINANGGAL NA umano ng Twitter ang pekeng account sa nasabing social networking site ni Alma Moreno. Bagama’t biro lang daw, nasaktan pa rin umano si Moreno sa paglabas ng nasabing pekeng Twitter account. Hindi rin idinetalye ng aktres kung sino ang nag-report sa Twitter para mapatanggal ang nasabing account.
Paglilinaw ni Moreno, wala umano siyang active na Twitter account, kaya hindi dapat maniwala ang publiko sa mga tweets na umano’y galing sa kanya. Nagsimulang makatanggap ng pambabash si Moreno nang mainterview siya ng isang sikat na broadcaster bago ang eleksiyon, kung saan siya tumatakbo bilang senador.
ISA SI Beauty Gonzales sa mga inang nakaranas ng isang medical condition na tinatawag na pos-partum depression. Ika ng aktres, dahil sa kondisyon, may mga pagkakataon raw umano na habang umiiyak ang kanyang anak, hindi umano niya alam ang kanyang ginagawa. Minsan nga raw ay bigla na lang daw siya naiiyak. Caesarian umano isinilang
ni Beauty ang kanyang anak sa kanyang partner na si Norman Crisologo, isang art curator. Sinabi rin niyang malaki umano ang itinulong ni Crisologo sa kanyang naging kondisyon. Ito na kasi ang ikalimang anak ni Crisologo. Masarap naman daw ang maging magulang, ika ni Beauty, sa kabila ng dinanas na paghihirap.
JUNE 2016
BALITANG SHOWBIZ
23
Twit ni Idol
K
amakailan, naging viral ang ilan sa mga tweets ng ilang mga celebrities at big personalities sa mundo ng showbiz at pulitika. Ilan lamang sa mga nagtrend sa nasabing social networking site ay ang mga sumusunod. US President Barack Obama
Zsa Zsa Padilla, Break Na Muna Sa Social Media MATAPOS ANG paghihiwalay nila ng kanyang fiancé na si Architect Conrad Onglao, gusto umanong mag-break ng Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa social media. Ika ng aktres, masyado raw naging bukas, sa pamamagitan ng social media, ang kanyang buhay sa publiko. Paniniwala niya, mayroon daw mga bagay na kailangang manatiling pribado
lamang. Humingi rin si Zsa Zsa ng paumanhin sa kanyang mga fans, na sa edad na 51 taong gulang ay nagkakamali pa rin umano siya. Natutunan din umano niya na mahalin ang sarili at ang pamilya na nanatili sa kanyang tabi noong siya’y dumaan sa problema.
Zsa Zsa, Pamilya at Kaibigan ang Sandigan sa Breakup SA PAMILYA umano kumakapit at humuhugot ng lakas ng loob si Divine Diva Zsa Zsa Padilla matapos ang hiwalayan nila ni Architect Conrad Onglao. Si Karylle na mismo ang nagkumpirma sa pinagdadaanan ni Zsa Zsa. Tungkol naman umano sa posibilidad
ng pagbabalikan nina Conrad at Zsa Zsa, wala umano sa tamang posisyon para sagutin iyon ni Karylle. Dagdag pa ni Karylle, wala raw umano siyang sama ng loob sa 60-year-old na dating kasintahan ng kanyang ina, sa kabila ng hiwalayang naganap.
Naging viral ang isang tweet na galing mismo sa account ng White House na naglalaman ng video na nagpapakita ng pagsayaw nina US President Barack Obama at first lady Michelle Obama kasama ang mga karakter ng “Star Wars.” "Dance. Or dance not. There is no try. #MayThe4thBeWithYou" ika ng caption ng Twitter post.
2015 Miss Universe Pia Wurtzbach Gusto naman umanong bumisita ni Wurtzbach ang mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa bansang Ecuador. Nakikiramay rin umano ang beauty queen sa mga biktima ng kalamidad. "My thoughts and prayers go out to Ecuador and all of those affected by this tragedy," ika ng tweet ni Pia.
Kelly Clarkson at Carrie Underwood Nakikiramay naman ang ilang mga personalities sa pagkamatay ng legendary country music artist na si Merle Haggard. Ilan sa mga ito ay sina Kelly Clarkson at Carrie Underwood.
“RIP Merle Haggard. I was woken up most mornings when I was a kid to Okie From Muskogee being played down the hall n my house,” ika ni Kelly Clarkson. “Love and prayers for the Haggard family. Merle was a pioneer...a true entertainer...a legend. There will never be another like him,” ika naman ni Carrie Underwood.
Heart Evangelista, Plano Nang Buuin Ang Kanilang Pamilya Ni Sen. Chiz
Arnel Pineda, Tampok Sa The Ellen Show NAG-PERFORM ang frontman ng Journey na si Arnel Pineda sa isang episode ng The Ellen Show. Ang nasabing pagtatanghal ay bahagi ng promotion ng concert tour ng kanilang banda at ng The Doobie Brothers. Sa awiting “Open Arms,” nakisabay pa ang fans sa pagkanta. Sa California isasagawa ang simula ng kanilang tour, partikular sa Irvine Meadows Amphiteatre sa darating na May 12.
Toni G., Halata Na Ang Kanyang Baby Bump TANGGAP UMANO ng aktres na si Heart Evangelista ang pasya ng taumbayan sa nakaraang eleksyon para sa asawang si Sen. Chiz Escudero na tumakbo sa pwesto ng pagka-Vice President. Bagama’t natalo si Escudero, wala umanong sama ng loob si Heart. Katunayan, ika niya ay mararanasan na raw niya ang tahimik na
pamumuhay. Dagdag pa ni Heart, itutuloy daw nila ang naudlot na honey moon nila ng k anyang husband. Plano na rin umano nilang simulan ang pagbubuo ng kanilang sariling pamilya. Marami rin aniyang kailangan pa nilang pagtuunan ng pansin ng asawa.
MUKHANG NGAYON pa lang ay proud mommy na ang aktres at TV hot na si Toni Gonzaga. Ang larawan ng baby bump ni Toni ay lumabas ilang linggo matapos umaming buntis sa first baby nila ni Direk Paul Soriano. Ang mismong stylist ni Toni na si Kim Yap mismo ang nagpakita ng maternity shoot ng aktres na nagpapakita ng kanyang baby bump, base sa
ulat ng bomboradyo.com. Suutsuot ni Toni ang isang white na off-shoulder dress sa nasabing picture. Matatandaang una umanong sinabi ni Toni kay Alex Gonzaga ang kanyang pagbubuntis. Bagama’t nagdadalang-tao, ipagpapatuloy pa rin naman umano ni Toni ang pagtatrabaho sa mga programang kanyang kinabibilangan.