EDITORIAL
120th Philippine Independence Day 2018
Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan
S
a anim na salitang iyan sa tema ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay madali nang mauunawaan ang kahulugan nito. Hindi na kailangan ng mahahaba at makukulay na paliwanag. Alam na naman ng bawat Pilipino at itinuturo ito sa mga paaralan kung paanong ang tinatamasa nating kasaganaan ngayon sa ating bansa kasama na ang kalayaan ay bunga ng pagsasakripisyo ng ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay para makalaya ang Pilipinas mula sa kadena ng panunupil ng kolonyalistang Kastila. Nagkaroon ng mga pagbabago sa buhay ng mga Pilipino bagaman naging saglit lang ito dahil sa pagpasok naman ng mga Amerkano na siya namang sumakop at kumontrol sa ating bansa sa loob ng may apat na dekada. Nalipat sa paglaban sa mga Amerkanong mananakop ang lakas ng mga rebolusyunaryong Pilipino. Naging malakas ang impluwensiya ng Estados Unidos sa kultura, edukasyon, pulitika at ibang sistema ng pamumuhay ng mga Pilipino na unti-unting lumusaw sa impluwensiya ng mga Kastila. Pumasok ang may tatlong taong pananakop ng mga Hapon na kahit paano ay nagkaroon ng impluwensiya sa ating kultura. Nang mapatalsik ang mga Hapones, bumalik sa Pilipinas ang Amerika bagaman sinasabing iginawad na ng huli ang kalayaan ng una na kinukuwestyon ng maraming historyador at progresibong sektor ng lipunan. Bukod sa pagkawala sa kamay ng mga mananakop na dayuhan, laging may mga pagbabago sa ating lipunan kapag nagbabago ang liderato ng bansa. Halimbawa ang pagbalik ng demokrasya makaraang mapatalsik sa puwesto ang diktador na si Marcos sa pamamagitan ng People Power. May positibo man o negatibo sa sumunod na mga gobyerno, lahat ay pawang nangangako ng masaganang kinabukasan ng bansa.
EDITOR EDITORIAL
Ramon Bernardo George Babiano Manny Flores Manny Camato Maria Luisa Bernabe
MANAGER COORDINATOR ADMINISTRATION Layouts
Neegal Noronha Morena Altura Ishani J Joven Garcia
ADVERTISEMENT
Fedz Belleza Abdul Majid Khan Fahad Muhammed Geo Thomas
CONTACT DETAILS: Dar Al Sharq (Foreign Publications) P O Box 3488, D Ring Road Doha – Qatar Tel: 44557825 email: editorfp@daralsharq.net / marketingfp@daralsharq.net
RAMON M. BERNARDO Editor Pilipino Star Ngayon-Middle East edition
3
MESSAGE
120th Philippine Independence Day 2018
Philippine Ambassador to Qatar
M
abuhay! Ngayong araw na ito ay ating ginugunita ang ika-120 taong anibersaryo ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas. Makalipas ang isang siglo at dalawang dekada, ang kasaysayan ng ating kalayaan ay patuloy na magbibigay saksi sa katapangan at kabayanihan ng ating mga ninuno.
Ang tema ng ating pagdiriwang ngayong taon, “Kalayaan 2018: Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan” ay nagbibigay-halaga sa mga pagpapakasakit ng ating mga ninuno na nagbigay-daan sa kalayaan na ating tinatamasa ngayon. Ating nakikita at nararamdaman na tayo ay nagtagumpay sa maraming balakid na sumubok sa katatagan natin bilang isang bansa. At ngayon, tayo ay tumatayong kapantay ng mga malaya at progresibong bansa sa pandaigdigang pamayanan. Umaasa ako na sama-sama nating tatahakin ang kinabuksan na binigyang liwanag ng dugo at pawis ng ating mga ninuno, na gagabayan tayo ng ating pagmamahal sa bayan at pagmamalasakit sa ating kapwa Pilipino. Tayong mga Pilipino ay dapat magkaisa sa ilalim ng isang bandila upang sama-sama nating makamtan ang magandang buhay at masaganang kinabukasan. Nais ko din pasalamatan ang bawat isa sa inyo para sa inyong mga pagpupunyagi na nagdudulot ng magandang imahe ng Pilipinas dito sa Qatar. Nawa kayong lahat ay patuloy na magpakita sa gagalingan sa inyong napiling mga propesyon para sa kagalakan sa inyong pamilya at karangalan ng inyong bansa.
Allan L. Timbayan Philippine Ambassador to Qatar
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Labor Attaché DAVID DES T. DICANG Labor Attaché QATAR
W
e are here in a country not of our own in search for better opportunities for the sake of our families back in our motherland. We should always be reminded not just to care for ourselves and our loved ones but we should be more caring for one another. We should put duty to God and duty to country above duty to family and self in order to achieve unity among our peoples and abundance for our nation. While we live with the hope that our families back home will have a brighter tomorrow, we should do what we can to encourage and inspire the success of our fellow citizens. We can make a real difference in upholding and in fervently praying for the leaders of our country and for the prosperity and security of our beloved Philippines. This is the essence of independence, choosing to sacrifice so that others may have better lives. We can be more independent if we do not forget our identity, our culture, the gallant struggles of our heroes, and what it means to be a true Filipino.
It is our blessing to express our warm appreciation to the good citizens of and the government of the State of Qatar for the privileges in residing and working in this fine and welcoming land. We especially thank the Ministry of Administrative Development, Labour and Social Affairs (MADLSA) for the continuing support to our Filipino workers. As we celebrate the 120th Anniversary of the Declaration of Philippine Independence, we extend our heartfelt gratitude to all of you who continually give your labor of love for our brethren. Happy Philippine Independence Day! Long live the Philippines! Mabuhay Pilipinas kong mahal!
5
120th Philippine Independence Day 2018
‘Pinas Numero Uno
Sa mga bansang mas magandang mamuhunan: Ni Helen Flores and Mary Grace Padin
N
anguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang mas magandang mamuhunan sa taong ito batay sa isang survey ng isang American media company. Sa report nitong pinamagatang “2018 Best Countries to Invest In,” pinuri ng US News & World Report ang Pilipinas bilang pangunahing destinasyon ng pamumuhunan dahil sa $304.9-billion gross domestic product ng bansa, 103.3 million population nito at $7,739 GDP per capita. “Taliwas sa bumababang pagpasok ng foreign direct investment (FDI) sa Southeast Asia bilang kabuuan, patuloy ang magandang gawain ng Pilipinas, ayon sa datos ng United Nations,” sabi sa report. “Sa darating na mga taon, inaasahang tatanggap ang bansa ng marami pang FDI sa loob ng rehiyon mula sa mga powerhouses tulad ng China na naghahanap ng mga manggagawa sa mga nagpapaunlad na bansa,” dagdag sa report. Idinagdag nito na ang Pilipinas ay binabaha ng bilyun-bilyong dolyar sa pamamagitan ng mga remittances at nagtatamasa ng yumayabong na industriya ng turismo na nakatilong para mamantini
ng bansa ang budget surplus. Sinapawan ng Pilipinas ang mga katabi nitong bansa sa Southeast Asia. Pumangalawa ang Indonesia, pangatlo ang Malaysia, panglima ang Singapore at pangwalo ang Thailand. Ang Poland ay 4th spot habang ang Australia ay ikaanim kasunod ang Spain. Nasa ikasiyam na puwesto ang India kasunod ang Oman, Czech Republic, Finland, Uruguay, Turkey, Ireland, Netherlands, United Kingdom, Brazil, France at Chile. Ang mga ranking ay ibinatay sa 65 attributes na iprinisinta sa isang survey sa mahigit 21,000 respondent sa mundo. Pinokus nito ang walong attributes: entrepreneurship, economic stability, favorable tax environment, innovation, skilled labor, technological expertise, dynamism at corruption. “Ibinatay ito sa kung paanong tinutukoy ng global perceptions ang mga bansa pagdating sa bilang ng qualitative characteristics, impressions that have potential to drive trade, travel and investment, at directly affect national economies,” saad sa report. “Kung lalo pang ipinalalagay ang isang bansa na halimbawa ng isang katangian in relation sa average, mas magiging mataas ang attribute score ng 6 5
bansa at iba pa,” dagdag pa. Binanggit naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang iba’tibang dahilan at bentahe na masasabing dahilan kung bakit naranggo ang Pilipinas bilang pinakamahusay na bansa na mapaglalagyan ng puhunan. “Maaaring ang mga dahilan ay: mas bata at masisipag na mga manggagawa, mahusay na excellent inclusive growth momentum, lumalawak na middle class, katatagang pulitikal, matatag na patakaran sa pananalapi, pagiging miyembro ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), matatamong programa sa imprastruktura, malakas na kampanya laban sa katiwalian, at bumuting koleksyon sa buwis,” paliwanag niya sa text message. Naunang ipinahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na ang Pilipinas ang third fastestgrowing economy siya Asia na may full-year GDP na 6.7 percent noong nakaraang taon. Ayon pa kay Pernia na hepe ng National Economic and Development Authority, ang Pilipinas ay inaasahang mananatiling isa sa fastest growing economies of Asia sa susunod na mga taon. “Sa 2018, ang Philippine GDP growth ay maaaring maging second fastest kasunod lang ng India,” wika niya.
120th Philippine Independence Day 2018
Kahit tumaas ang inflation: GDP lumaki nang 6.8% sa Q1 2018
L
umaki nang 6.8 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang tatlong buwan ng taong ito kaya nananatili itong isa sa best performer sa Asya kasunod ng Vietnam at China. Lumilitaw sa datos ng Philippine Statistics Authority na sa ikasampung magkasunod na quarter, tumama sa 6.5 porsiyento at pataas ang gross domestic product (GDP). Gayunman, sa unang quarter (unang tatlong buwan), hindi ito gaanong umabot sa fullyear na 7-8 porsiyento na target ng pamahalaan. Pero ang paglago sa unang tatlong buwan ay mas mabilis kaysa sa 6.5 porsiyento sa unang quarter ng taong 2017 at sa 6.7 porsiyento rin ng 2016 na taon ng halalan na kinatatangian ng malakas na consumer spending. Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Ernesto Pernia na ang paglagong ito ay bunsod ng upbeat performance sa public construction, government consumption at capital formation “na nagpapahiwatig na an gating pagsisikap sa mga reporma ay nagbubunga at bumibilis ang mga kaunlaran sa imprastruktura na gaya ng plinano.” Ayon naman kay Budget Secretary Benjamin Diokno sa isang panayam, naging pangunahing tagapagtulak sa paglago ng ekonomiya ang dagdag na paggasta ng estado. Binanggit niya na ang ambisyosong Build… Build….Build program ay nagbunsod sa mas mataas na public outlays para sa imprastruktura sa unang taong buwan ng taon. Sinabi pa niya na ang infrastructure at iba pang capital outlay (pangpuhunang gastusin) ay tumaas nang mula 33.7 porsiyento sa P157.1 bilyon nang naturan ding kapanahunan. Gayunman, sinabi ni Pernia na ang mas mataas pa sana ang paglago sa panahong iyon kung hindi dahil sa pagtaas ng inflation- ang sukat ng pagtaas
ng presyo ng basic goods at services- na nagpahina sa konsumo at productivity ng ilang sektor. Sinabi pa niya na, kahit ang pagtaas ng inflation ay epekto lang ng bagong tax reform law at inaasahang maiibsan sa pagtatapos ng taon, kailangang maipatupad ang kagyat na solusyon para mapigilan ang hindi magandang epekto sa ekonomiya. Kabilang ditto ang pagpapatupad ng panukalang-batas para mapaluwag ang kalakalan ng bigas sa bansa, maibsan ang naaantalang pagpapatupad ng unconditional cash transfer sa pinakamahirap na 50 porsiyento ng mga pamilya at kagyat na pagpapatupad ng Pantawid-Pasada subsidy para sa mga jeepney drivers. “Kaya ang inflation ang spoiler, kaya kailangan talaga nating tutukan ang inflation,” din ni Pernia. Ang inflation ay umakyat sa 5.4 porsiyento noong Abril mula sa 4.3 porsiyento ng Marso at 3.2 porsiyento ng Abril 2017. Nakikitang mas malakas ang inflationary pressire sa pagpapabawas sa household consumption growth sa 5.6 porsiyento sa unang quarter na mula sa 6.2 porsiyento ng fourth quarter ng 2017 at 5.9 porsiyento ng first quarter ng 2017. “Karaniwang naaantala ang unconditional cash transfers. Kamakailan lang ito naipamigay. At hindi pa naipapalabas ang Pantawid Pasada. Kaya kapag naipamigay na ang mga ito, makakaangkop na ang mga mamamayan (sa inflation) sa pamamagitan ng mas mataas na lakas sa paggasta. Kaya inaasahan naming aangat ang private consumption sa darating na mga quarter,” paliwanag ni Pernia. Sinabi naman ni Diokno na dapat bumuti ang pagkonsumo sa darating na mga buwan dahil nagsisimula nang maramdaman ng mga manggagawa ang epekto ng kaltas sa buwis na nagkakahalaga ng P138 bilyon sa 2018 at ng unconditional cash transfers
para sa mitigating measures na halagang P24 billion sa taong ito. “Optimistiko ako na ang paglago sa darating na mga quarter ay bibilis sa low end ng aming target lalo na sa pinalalagay na pagbangon ng sektor ng agrikultura at mas mataas na paggasta ng konsiyumer,” wika pa niya. Sa supply side, sinabi ni pernia na ang sektor ng agrikultura ay naging mabagal ang paglago sa 1.5 porsiyento sa unang quarter mula sa 4.9 porsiyento ng nakaraang taon. Mas nakakabawi ang industriya na mabilis na lumalago sa 7.9 porsiyento kumpara sa 6.5 poresiyento ng kahalintulad na panahon. Ang sector ng serbisyo ay lumalago nang mabilis sa tantos na pitong porsiyento mula sa 6.7 porsiyento sa comparative period ng nakaraang taon. Ang mga pangangailangan sa ibang bansa ng mga produkto ng Pilipinas ay lubhang humina na tulad ng mahihiwatigan sa lupaypay na paglago ng export sa 2.9 porsiyento sa unang quarter mula sa 21 porsiyento na consistent growth average sa 2017. “Lumubha ang net export sa naturang quarter. Ito ang bagay na kailangan nating matyagan,” wika ni Pernia. Samantala, kumbinsido pa rin ang mga economists at analysts na mananatili ang robust growth momentum ng bansa dahil bumilis ang GDP growth sa unang quarter. Sinabi ng economist ng Nomura Securities na si Euben Paracuelles na minamantini nito ang GDP growth forecast nito na 6.9 porsiyento para sa taong ito at 6.7 porsiyento para sa susunod na taon. “Namamantini pa rin ang robust growth momentum: sa isang quarter-on-quarter seasonally adjusted basis, ang GDP growth ay tumaas sa 1.5 porsiyento na hindi nabago mula sa naunang quarter,” sabi pa ni Paracuelles. Ayon sa kanya, ang investment growth pa rin ang key 8 7
driver na mas bumilis sa 12.5 porsiyento sa unang quarter mula sa 9.3 porsiyento ng fourth quarter na sumasalamin sa mas marami pang progreso sa pagtutok ng pamahalaan sa pagpapagawa ng imprastruktra. Ang administrasyong Duterte ay gumagasta ng P8.4 trillion para sa iba’t-ibang proyektong imprastuktura sa ilalim ng Build Build Build program hanggang 2022. Sinabi ni ING Bank Manila senior economist Joey Cuyegkeng na minamantini pa rin nito ang sarili nitong 6.8 percent GDP growth forecast para sa taong ito at 6.9 percent para sa 2019. “Inaasahan naming magpapatuloy ang paglago sa 2018 at 2019 sa pamamagitan ng paggasta ng pamahalaan, ng negosyo at ng household. “Ang mga tagapagtulak ng paglagong ito ay makakatagal sa measured monetary tightening sa taong ito at sa susunod. Sinalamin ng market interest rate ang mas mataas na inflation at mas mataas na policy rates. Nakita namin ang lakas sa ekonomiya sa panahong ito ng tumataas na financing costs,” sabi pa ni Cuyegkeng. Sinabi naman ng ANZ research na nanatili pa ring matatag sa first quarter ang paglago na tinutulak ng 8.7 porsiyentong pagtaas ng domestic demand. Bumilis rin ang consumer spending ng pamahalaan. “Sa pangkalahatan, nananatiling malusog ang growth prospect sa Pilipinas dahil ang pinaplanong paggasta ng pamahalaan sa imprastruktura na bunsod ng reporma sa buwis ay susuporta pa sa malakas nang domestic demand conditions,” sabi pa ng ANZ Research. (Ceriza Valencia, Mary Grace Padin, Lawrence Agcaoili)
120th Philippine Independence Day 2018
Ayon sa IMF:
Paglago ng Pilipinas pinakamabilis sa ASEAN at pangalawa sa buong mundo
I
naasahang ang Pilipinas ay magiging pinakamabilis na growing economy sa Southeast Asia at pangalawa sa pinakamabilis sa mundo sa susunod na dalawang taon habang nananatili itong nakakabawi sa mga external shock. Ito ang isinaad sa pinakahuling World Economic Outlook na ipinalabas ng International Monetary Fund (IMF). Ayon kay YongZheng Yang, IMF resident representative for the Philippines, pinanatili ng multilateral lener ang gross domestic product (GDP) growth projection
nito para sa Pilipinas sa 6.7 percent sa 2018 at 6.8 percent para sa 2019. “Gaya ng maaaring alam ninyo na, ang mga growth forecasts na ito ay kabilang sa pinakamataas sa Asia-Pacific region,” sabi ni Yang makaraang ipalabas ng IMF ang pinakabago nitong economic outlook. Ang bagong growth forecast ng IMF para sa Pilipinas ay pinakamabilis sa hanay ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at pangalawang pinakamabilis sa mundo kasunod ng 7.4 percent growth ng
India ngayong taong ito at 7.8 percent para sa susunod na taon. Ang China ay inaasahang lalago nang 6.6 percent sa 2018 at 6.4 percent sa 2019 habang ang Vietnam ay maaaring lumaki nang 6.6 percent sa 2018 at 6.5 percent sa 2019. Batay sa pinakabagong WEO, ang ekonomiya ng ASEAN-5 na binubuo ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Thailand at Malaysia ay maaaring lumago nang 5.3 percent sa taong ito at 5.4 percent sa susunod na taon. Sinabi pa ni Yang na ang malakas na strong growth forecast para
sa Pilipinas ay gagatungan ng malusog na domestic demand at mas mataas na puhunan. “Naniniwala kaming ang ekonomiya ng Pilipinas ay patuloy na lalago nang malakas na bunsod ng matatag na domestic demand at public investment,” diin ni Yang. Idinagdag ni Yang na ang malakas na global growth na 3.9 percent para sa 2018 at 2019 ay magbibigay din ng paborableng external environment para sa export sector ng Pilipinas, remittances at business process outsourcing (BPO) sector. (Lawrence Agcaoili)
Kabigha-bighaning
Matnog
K
ung ang Matnog ay isang sayaw, magiging isa itong waltz na nakakatulala pero malumanay. Nakahilera sa baybaying-dagat ang mga palm frond na umiindayog sa ihip ng hangin. Malumanay na sumasayang ang mga alon sa dalampasigan na ang mga bula ay nakikipagnig sa buhahanging kulay
caramel bawat minuto. Naghahalo ng ritmong nakakabighani at nakakarelaks ang mga bundok sa paligid ng baybaying-bayan sa lalawigan ng Sorsogon. Sa pagitan ng nagliliwaliw kong isipan, natitigilan ako. Nagiging buo ako at ginagawa akong malaya ng mga tubigan ng Matnog. Lahat ng lilim ng bughaw. Tahimik na bumibighani ang Matnog. Ang third-class na baybaying bayan na ito sa Sorsogon ay pinaninirahan ng 50,000 mamamayan. Tumutuldok sa panloob na mga sitio ng Matnog ang isang batis o maliit na taon. Makikita ang isang 10 9
maliit na kapilya sa gitna ng makapal na niyogan na parang sinasabing ang pakikipagsapalaran mo sa Matnog ay kinikindatan ng Diyos. Sa baryo ng Poropandan na aming daan sa pagtuklas sa yaman ng magagandang tubigan ng bayan, sinalubong kami ng ngiti ng mga matatanda at kainosentehan ng mga bata sa dalampasigan. Mabait din kahit ang mga asong kalye sa baryo na parang sila ang unang tumatanggap sa amin sa pamamagitan ng malumanay na mga tahol na tila ipinapahayag ang aming pagdating. Ayon sa ilang residente, ang pangalang mula sa pahina 22
120th Philippine Independence Day 2018
Sabi ng World Bank: Paglago ng ekonomiya ng ‘Pinas mananatili sa 2018 at 2019
I
naasahan ng World Bank na mamamantini ng ekonomiya ng Pilipinas ang growth rate nito sa taong 2018 at 2019. Idinagdag pa ng World Bank na dapat manatiling alerto ang Bangko Sentral ng bansa at paghandaan ang mas mahigpit na monetary policy setting sa gitna ng peligro sa overheating economy. Sa outlook report nito na ipinalabas kamakailan, sinabi ng Washington-based lender na, sa taong 2018 at 2019, malamang lumago ang ekonomiya nang 6.7 percent flat mula sa full-year growth rate ng taong 2017 bago mag-moderate sa 6.6 percent sa 2020. “Inaasahang makikinabang ang bansa sa global recovert sa 2018,” sabi pa ng Banko. Ang pagtataya ng World Bank ay mas mababa sa 7-8 percent target ng pamahalaan para sa taong ito hanggang sa pagtatapos ng anim na taong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pinaplano ng administrasyong Duterte na gumasta nang mahigit
P8 trillion para mapabago ang sira-sirang mga imprastuktura at tumatandang mga pantalan ng bansa sa ilalim ng “Build, Build, Build” program— para magbunsod ng gross domestic product expansion hanggang 2022. “Anumang hihigit sa 6.7 percent ay nangangailangan ng mas malakas na puhunan sa physical at human capital para itulak ang ekonomiya sa mas mahigit opa sa kasalukuyang potential output,” paliwanag ng lender. “Ang paglago sa puhunan ay nakasalalay sa abilidad ng pamahalaan sa epektibo at napapanahong pagpapatupad ng ‘Build, Build, Build’ public investment program,” dagdag pa ng World Bank. Kasabay nito, nirebisa ng Philippine Statistics Authority pababa sa 6.5 percent ang fourth quarter 2017 GDP ng bansa mula sa 6.6 percent pero nasa 6.7 percent pa rin ang taunang growth rate. Sa kabila ng may kumpiyansang pagtataya para sa 12
Pilipinas, sinabi ng World Bank na merong mga peligro o downside risks sa mga pagtataya sa ekonomiya kabilang ang mas mabilis sa inaasahan na pagtaas ng interest rate sa advanced economies na maaaring makaapekto nang masama sa agos ng phunan at ibayong paghina ng peso. Tumataas ang mga consumer prices kasunod ng pagpapatibay ng isang bagong batas sa buwis habang patuloy ang pagbagsak ng peso kontra sa dolyar habang lumalawak ang kasalukuyang account deficit ng bansa. “Kailangang matyagan ng monetary authority ang senyales ng maagang overheating at kung kailangan ay i-adjust ang accommodative monetary policy nito,” payo ng World Bank. Idiniin din ng lender na dapat patuloy pa ring pag-isipan ng pamahalaan ang lumalaking budget deficit habang tumataas ang expenditures sa likod ng mabilis na paggasta sa imprastuktura. Ipinunto pa ng World Bank na magiging isang hamon ang lumalaking financing costs
bagaman maaaring maibsan ito sa revenue impact ng kasalukuyang ipinatutupad na batas sa reporma sa buwis. “Ang medium-term growth prospects ay nakasandig kapwa sa public at private investment na bahagyang umaasa sa pagpapatupad ng pamahalaan sa public investment program nito,” dagdag nito. Samantala, sinabi pa ng World Bank na ang pinakamapaghamon sa bansa ay ang delivery ng inclusive growth pero ang poverty rate na batay sa lower middle-income class line ay tinatayang bababa sa 22.9 percent sa 2018. “Ang takbo ng pagpapabawas sa kahirapan ay maaaring bahagyang humina dahil sa pagtaas ng inflation pero inaasahang patuloy na mababawasan ang kahirapan habang patuloy sa paglago ang ekonomiya at transisyon mula sa agrikultura,” sabi pa nito. “Ang sustained overall growth ay susuporta sa patuloy na pagpapabawas ng kahirapan.” (Ian Nicolas Cigaral)
120th Philippine Independence Day 2018
Samut Saring Kaganapan
H. E. Dr. Mohammed bin Abdul Wahed Al Hammadi, Minister of Education and Higher Education; Ibrahim Fakhroo, Director of Protocol; at Alan Timbayan (gitna), Philippines
Philippine teamsa pagbubukas ng 6th Asian Communities Football Tournament sa doha
Hagalpak ng tawa ang mga ofw sa doha sa Laugh Out Loud ni Kiray at Boobita
mga nanalo sa torneo ng Black Wolves Badminton CluB
14
Celebrate the
WITH A CHANCE TO WIN
HYBRID ELECTRIC VEHICLES
with every Toyota
you purchase
2
2 TAKE ADVANTAGE OF LEASE-TO-OWN BENEFITS:
GUARANTOR
LEASE TO OWN option available
Shop with Confidence 16001 For Complaints and Suggestions
FREE
INSURANCE
DOWN PAYMENT
FREE
SERVICE
BANK APPROVAL
FREE
REGISTRATION
Raffle draw is valid for retail customers only and is also vaild at Al Tadamon Motors & Trading Co. & Al Tariq Automobiles & Spare Parts Co. Valid from 20th May till 16th June 2018.
License number: 2888/2018
HOTLINE
800 1800
120th Philippine Independence Day 2018
Beach cleanup drive isinagawa ng Scorpion Delta Group
Samut Saring Kaganapan
Tanghalang Overseas PInoy (TOPI) 30 17
120th Philippine Independence Day 2018
I
sang bagong mapagkukunan ng oil at natural gas ng Pilipinas ang natuklasan sa Alegrica sa katimugan ng lalawigan ng Cebu. Idineklara ng Department of Energy na ang Alegrica Oil Field ay merong komersiyal na kantidad ng natural gas at oil resources makaraang maani sa exploration at drilling activities sa oil field ng service contractor ang inaasam na deposits. Ang 2018 Joint Declaration of Commerciality ay ginawa ng DOE at ng China International Mining Petroleum Company Limited (CIMP Co. Ltd.), ang service contractor na nag-e-explore sa oil field mula pa noong 2009. Noong 2016, nabuo ng DOE at CIMP Co. Ltd. Na ang oil field ay naglalaman ng komersiyal na kantidad ng natural gas pagkatuklas ng natitipong gas sa adjacent hydrocarbon traps sa loob ng Alegria underground area. Nakatuklas ang DOE at CIMP Co. Ltd. Ng tinatayang 27.93 million barrels of oil (MMBO) na may possible production recovery na 3.35 MMBO o conservative estimate na 12% ng total oil in place/reserves. Para sa natural gas, may 9.42 billion cubic feet (bcf) reserves ang natuklasan na may recoverable resource na tinaya sa 6.6 bcf o 70% ng total natural gas in place/reserves. Batay sa development plan na ginawa pagkatapos ng initial testing, ang natural gas at oil production ng the field ay tatagal hanggang 2037. Sa isang Cebu government report, sinabi ni site engineer Engr. Dennis Guardiario ng East Asia drilling contractor na pangatlo, pang-apat at panglimang balon sa Barangay Montpeller, Alegria ay maaaring makalikha ng 300 to 400 barrels na crude oil araw-araw. Sinabi ni DOE-7 regional director Saul Gonzales na ang crude oil and gas sa commercial quantity ay magbubunsod ng economic growth sa Alegria at sa buong lalawigan ng Cebu at maging sa bansa.
Bagong oil at natural gas source natuklasan sa Cebu
I
pinahayag kamakailan ng Department of Tourism na may dalawang milyong dayuhang turista ang dumating sa Pilipinas sa unang quarter ng 2018. “Nakatanggap tayo ng dalawang milyong dayuhang bisita sa Pilipinas sa loob lang ng tatlong buwan kumpara ng sa nakaraang taon na inabot ng apat na buwan o hanggang Abril para umabot sa dalawang milyon,” sabi ng DOT sa isang pahayag. “Sa unang tatlong buwan, naglalabanan sa dami ang mga dayuhang Intsik at Koreano. Ang totoo, ang dalawang pangunahing key market na ito kasama ng mga Amerkano ay bumubuo na sa mahigit kalahati ng mga dumating na turista,” sabi pa ng DOT. Lumitaw sa datos ng DOT ang 14.80-percent yearon-year increase: 2,049,094 dayuhang turista sa unang quarter ng 2018 kumpara sa 1,784,882 tuyrista sa kahalintulad na mga buwan ng taong 2017. Pinuna rin ng DOT na ang mga Intsik pa rin ang “fastest-growing market” na may 371,429 arrivals sa unang tatlong buwan ng 2018 pero sinusundan ang mga Koreano na may bilang na 477,087. Noong Marso, 114,549 Intsik at 122,387 Koreano ang bumisita sa bansa. “Ang target namin para sa Chinese arrival sa taong ito ay 1.5 milyon pa rin habang sinisikap namin na mas marami pang quality tourist ang gumasta pa sa bansa,” dagdag ng departamento. Kabilang din sa mga dayuhang turista na dumating ang mga Amerkano, (284,946 arrivals), sumunod ang mga Hapones (181,178), at Australians (74,027). Ang iba pang mga dumating na dayuhang turista ay nagmula sa Canada (70,501), Taiwan (59,877), United Kingdom (56,521), Singapore (44,398), Malaysia (37,090), Hong Kong (36,777), at India (32,999). (Halaw sa ulat ng GMA News)
Mahigit 2-M dayuhang turista dumalaw sa Pilipinas
16 19
120th Philippine Independence Day 2018
Uuwi ako Ni Ericka Macarayan
D
isisiyete anyos ako nang una akong mabigyan ng pagkakataong katawanin ang Pilipinas sa isang pandaigdigang kumperensiya. Unang pagkakataon iyon na nakasakay ako sa isang eroplano, lumabas ng bansa at tuklasin ang isang naiibang bansa. Natatandaan ko pa ang kasabikan at agam-agam na nararamdaman ko sa daan. Ang hindi ko inaasahan ay kung paanong ang karanasang ito ay magpapabago sa aking perspektiba at kung paano nito iminulat ang mga mata ko para makita ang ganda ng pagtuklas sa ibang bansa. Mula noon, pumupunta ako sa ibang bansa taon-taon. Sa bawat biyahe ay lalo akong kinikilig na makahanap ng marami pang lugar. Nagugustuhan ko ang pagkakaiba at ganda ng karanasan sa iba’t-ibang kultura at magkaroon ng mga kaibigan sa dayuhang lupain. Doon ko nasabi sa sarili ko na titira ako sa ibayong-dagat pagkagradweyt sa kolehiyo. Naging ultimong pangarap koi yon na isiping maranasan ang mas mahusay na sistema ng transportasyon, malamig na klima kapag winter at oportunidad na matutuo ng ibang wika. Hinabol ko ang pangarap na iyon hanggang sa mapasakamay ko. Sumunod na nalaman ko, nagpapa“book” ako ng biyahe sa eroplano patungo sa hindi pamilyar na teritoryo. Sa sikolohikang bahagi ng aking physical exam, itinanong ng counselor, “Kaya mo ba? Kasi marami ang umuuwi kasi naho-homesick sila.” Kumpiyansang isinagot ko sa counselor na mag-isa akong namumuhay dahil sa buong kolehiyo ay sa dormitory ako nakatira at hindi ko problema ang homesickness na iyan. Maraming tao ang nagtatanong sa akin kung magagawa ko iyon dahil mangangahulugan iyon na mapag-iisa ako at sinabi ko na magagawa ko.
Maaaring hindi ko sila nauunawaan kung ano ang ibig sabihin nang mapunta sa malayong lugar. Tuwing dadating ako sa isang dayuhang lupain, namamangha ako sa ganda ng kapaligiran, sa mahusay na sistema ng transportasyon at katapatan ng mga tao. Sa oras na ito, hindi kumukupas ang pakiramdam ng kasabikan pero ang mga unang buwan ay naging isang pakikibaka dahil nakita ko na lang ang sarili ko na umaangkop sa naiibang kapaligiran. Dagdag dito, ipinupursige ko ang graduate studies na iba sa nakuha kong undergraduate course. Nagtatrabaho pa ako sa isang kumpanya na naiiba sa nakagisnan ko at nag-aaral ng bagong wika. Parang nagsisimula sa wala ang buhay ko. Kahit nakikibaka ako, masaya ako dahil nakikita ko ang sarili ko na lumalaki at nagiging mas hinog. Hindi madali ang pagbalansihin ang pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa. Tanggap naman ako at nauunawaan ng mga kasamahan ko. Nag-aaral man ako ng mga bagong bagay, dinoble ko ang pagsisikap lalo na sa mga pag-aaral ko na nagbunga sa mas mataas na score pagkatapos ng semestre. Natutunan ko ring magsalita ng ilang pariralang Intsik at maunawaan ang ilan sa mga karakter. Sa gabi, naaalala ko ang mga nagsabi sa akin ng hinggil sa homesickness. Para sa akin, isang konsepto lang iyon noon doon, pero pagkatapos ng isang taon sa ibang bansa, sa tiningin ko ay nauunawaan ko na ang totoong ibig sabihin nito. Ang malayo nang libu-libong milya mula sa sariling bansa ay iba doon sa mapunta ka sa ibang lalawigan sa iyong bansa. Kapag tumira ka sa ibang bansa, hindi ka basta-basta makakadalo sa class reunion, kaarawan ng mahal mo sa buhay, Christmas party at pagdiriwang ng Bagong Taon. Malaki ang kaibahan ng naroon ka nang pisikal at ang pagtingin sa mga litrato sa screen ng computer. Wala ring nagsabi sa akin kung paanong hahanap-hanapin ko ang pagkaing Pilipino at ang pagkain ng taho sa umaga. 18 21
Sa naging karanasan ko sa ibang bansa ay lalo kong nirespeto ang mga makabagong bayani ng ating bansa, ang ating mga overseas Filipino worker. Tuwing Linggo, magtitipon-tipon sa isang lugar ang mga Pilipino at nakikita ko sila minsang kausap sa telepono ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa mga araw na ito ay mahaba ang pila sa mga remittance center at sa mga courier business na nag-aalok ng mga balikbayan box. Maraming buwan ang ginugol nila para mapuno ng laman ang mga kayong iyon bago ipadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Gayunman, ang hindi nakikita ng kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas ay ang maharang oras ng kanilang pagtatrabaho para mapuno ang mga kahong iyon. Ang higit kong hinahangaan hinggil sa mga OFW ay, sa kabila ng kanilang pakikibaka sa malayong lugar, nakakahanap pa rin sila ng paraan para sumaya at maging matapang para sa kanilang mahal sa buhay. Sa mga tagumpay at kabiguan, ang karanasan sa pagtira sa ibang bansa ay isa sa pinakamalaking tampok sa buhay ko. Nakatulong ito para lalo kong maunawaan kung ano ang totoong kahulugan ng pamumuhay sa isang dayuhang lupain at makisalamuha sa naiibang kultura. Sa pamamagitan ng karanasang ito ay lalo akong naging mas malakas at matalino. Bagaman nagbago ang mga plano ko, laging magiging bahagi ng sarili ko ang hangaring makalabas sa aking comfort zone, makipagsapalaran, at matuto ng mga bagong bagay. Babalik ako sa aking bansa na mayroong album na puno ng mga alaala, habambuhay na karanasan, at kuwentong maipapahayag. (Ang awtor, si Ericka Macarayan, 22, ay nagtapos ng Industrial Engineering sa University of Santo Tomas. Pagkatapos ng graduation, nangibang-bansa siya para mag-aral at magtrabaho roon)
(X) �
0 N
Lulu Ciroup has a world-class Sourcing, Food Processing and Export Unit in Philippines
!!lRT�_y MAY EXPORTS PHIL.INC.
A Division of Lulu Group International
HYPERMARKETS. DEPARTMENT STORES.
Buy better.
May Exports Phil.Inc.
Warehouse No.1 Calamba Premiere International Park (PEZA Zone) Calamba, Laguna, Philippines Website: www.mayexports.com Phone: +63 917 1401 000
Now Shop Online
luluwebstore.com
�L11L11 -VtI
Where the world comes to shop
S luluhypermarket.com D LuluHypermarket O luluhypr U luluhypermarkets ii luluwebstore.com
Lulu Hypermarket, D Ring Road Tel: 974 44667780, Al Gharafa Tel: 974 44074000, Al Khor Mall Tel: 974 44533533, 8arwa City Tel: 974 40056000, Lulu Hypermarket, Al Hessila, Tel: 974 44698888, Lulu Center -Al Rayyan Road Tel: 974 44322442, Lulu Express-Al Rayyan Tel: 974 44800448
120th Philippine Independence Day 2018
Hindi lang asukal ang makikita sa Negros Occidental
From the warm, cheerful nature of its people, Masskara Festival to heirloom flavors and historical destinations, Negros Occidental can charm anyone into staying without a doubt.
H
indi lang pangunahing prodyuser ng asukal ang Negros Occidental. Mas maraming maihahandog ang lalawiugang ito sa Visayas na mayaman sa kultura at maipagmamalaking kasaysayan. Sino man ay walang dudang maaakit tumigil sa Negros Occidental lalo na dahil sa kanyang pagkaing tutukso sa mga panlasa, mula sa iconic landmark na may kanya-kanyang isyorya, sa mainit at likas na masayahing mga mamamayan nito. Ang isang paglalakbay sa katimugan ay nagsisimula sa ilang bagay na doon mo lang mararanasan. 1. Lupain ng mga ngiti at pestibal Sa Bacolod City, tunay na mararamdaman ang init at kasiyahan ng mga Negrenses sa pamamagitan ng MassKara Festival na idinaraos tuwing Oktubre. Ipinagdiriwang para iangat ang kalooban ng mga mamamayan pagkaraan ng back-t0-back sugar crisis noong mga 1980s, ang MassKara Festival ay naging isa sa pinakakaabangan at madalas bisitang pestibal sa bansa ngayon. Nagtatampok sa makukulay na maskarang naglalarawan sa mga malalaking ngiti, ang
pestibal ay naging manipestasyon ng tawag sa lunsod na “Lunsod ng mga Ngiti” at ng malakas at hindi matitinag na spirit ng Negrense. 2. Heirloom flavors Isa ring culinary destination ang Negros Occidental na may heirloom recipes na patuloy na nagpapagalak sa maraming henerasyon ng mga lokal at turista. Nariyan ang hinahanap-hanap an Guapple Pie ng El Ideal Bakery, ang sikat na empanada at pili squares ni Emma Lacson, at sariwang lumpiang ubod ni Sinda Belleza. May sariling bersyon ng baklava ng Turkey ang Negros Occidental gamit ang pili, muscovado, at coconut oil bilang mga sangkap. Para sa orihinal na Bacolod chicken inasal – na itinuturing na pinakamalasang chicken barbecue sa bansa- subukan ang Manokan Country na merong iba’t-ibang food stall na nagsisilbi ng kani-kanilang putahe. 3. Makasaysayang destinasyon Yumabong ang industriya ng asukal sa Negros island noong pre- at post-colonial eras. Maluho ang pamumuhay ng mga sugar landlord na makikita sa kanilang engrande at malalaking 38 23
mga bahay. Sa Silay City na kinatatayuan pa rin ng maraming ancestral houses, maaaring magsagawa ng heritage tour ang mga turista at bisitahin ang Balay Negrense, Bernardino Jalandoni Museum, Maria Ledesma Golez Heritage Building, at Hofileña Heritage House. Ilang minute lang ang biyahe sa sasakyan mula sa Bacolod City patungo sa mga lunsod ng Silay at Talisay. 4. Posh shopping and dining Isang malaking commercial center ang itinayo sa Negros Occidental na lubhang kakambal ng idea ng kasaganaan. Inasahang matatapos itayo ngayong taong ito sa Bacolod City ang Northhill Town Center, isang 7.5 ektaryang horizontal development na lalagyan ng karamihan ay stand-alone, two story structures ng mga retail shop at dining establishment. Masisiyahan ang mga turista sa mga world-class cuisine nito at lahat ay napapaligiran ng mga landscaped leisure park at open spaces. Meron din itong supermarket na mabibilhan ng mga sariwang pagkain,m mga sinehan para sa mga bagong pelikula, at pasalubong center para sa mga bisita. (Euden Valdez)