Araling pang Islam unang antas

Page 1


Batha Training and Education Center

ARALING PANG-ISLAM UNANG ANTAS 1 WIKANG FILIPINO



PAUNANG SALITA Sa panimula ay ang pangalan ng Allah, ang Pinakamapagpala ang Pinakamahabagin. Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay para sa Allah lamang na Siyang nagkaloob sa atin nang ganap na biyaya, nagkaloob nang buong pananampalataya na siyang pinili Niya para sa atin. Ang pagpapala at kapayapaan ay maitampok nawa sa Kanyang huling Sugo na si Muhammad‫( ﷺ‬saw – sallalahu alayhi wassalam – na ang ibig sabihin ay “ilayo nawa siya ng Allah mula sa mga paninira at kawalan ng katotohanan”) sa kanyang pamilya, mga kasamahan, at sa lahat ng mga sumusunod hanggang sa huling araw. Inihanda ng BTEC (Batha Training and Education Center / Sentrong Pagsasanay at Pag-aaral – Al-Batha) sa ilalim ng pamamahala ng COCG Al-Batha (The Cooperative Office for Call and Guidance / Tanggapang Nakikipagtulungan para sa Panawagan at Gabay) ang aklat na ito para sa Unang Antas (Level 1) sa Panimulang Pag-aaral ng Araling Pang-Islam – Filipino, na naglalayong makapagbigay pakinabang sa mga naghahangad na matututo sa pananampalatayang Islam. Binubuo ng anim na yunit ang aklat na ito: (1) Tawhid [Kaisahan ng Allah]; (2) Fiqh [Batas ng Islam]; (3) Hadith [mga salaysay na tinuran, ginawa at pinahintulutan ng Propeta ‫ﷺ‬sa kanyang mga Kasamahan (Sahabah)]; (4) Seerah [ang talambuhay ng Propeta5) ;[‫ )ﷺ‬Qur’an [pagsasaulo ng mga maiikling kabanata]; (6) Arabic [pag-unawa at pagsaulo sa Alfabetong Arabik]. Ang bawa’t yunit ay binubuo ng labindalawang aralin na ang bawa’t aralin ay tatalakayin naman sa loob ng isang oras, maliban sa yunit 5 at 6 na anim na aralin lamang subali’t dalawang oras na pagsasanay ang kinakailangan.

Sinikap na isalin sa wikang Filipino sa isang simple at malinaw na pamamaraan upang magkaroon ng isang masiglang talakayan sa pagitan ng mga mag-aaral at mga tagapagsanay sa pag-unawa ng mga aralin. Ang aklat na ito ay patnubay lamang para sa mas malawak na talakayan na maaaring ibigay ng tagapagsanay.


Pinasasalamatan ko ang mga masugid at matatapat na tagapagsanay sa aming Sentro na sina Muhammad Dela Pena, Raed Capule, Omar Taron, Amrollah, Rashid Angeles, Omar Tomarocon at Abdurahman Sobrado. Gayundin ay pinasasalamatan ko sina Abdulaziz at Abdullah Gonzales para sa mga disenyo at pabalat ng aklat na ito. Para sa lahat ng mga naunang mga mag-aaral ng BTEC at sa mga nagpapalaganap ng Islam sa COCG AlBatha… Khalid De Guzman, Jamal Ramirez, Adam Dizon, Yusop Butucan, Muhammad Cruz, Abdulmalik Magturo, Omar Bulaon, Mikael Sultan, atbp. Hinihiling namin sa Allah ang pakinabang na makukuha natin dito at nawa ay ilayo Niya tayo sa anumang bagay na maaaring magligaw sa atin sa tuwid na landas… Amin!

Ahmad Felix Fernandez Ang Pamunuan BTEC – Batha Training and Education Center The Cooperative Office for Call and Guidance – Al-Batha

August 26, 2014


TAWHID



NILALAMAN Pahina Aralin 1 Ang Tatlong Saligan na dapat malaman ng tao

5

Ang Pinagmulan ng Tunay na Relihiyon

7

Aralin 2 IBADAH

9

Ang Layunin ng Pagkakalikha

9

Kahulugan ng Ibadah

10

Ang Khalifah

12

Aralin 3 Mga Haligi ng Islam

15

Ash-Shahadatain

15

La Ilaha Illa Allah – ) ‫ ( ال إله إال هللا‬Ang kahulugan ng

15

Aralin 4 Ang kahulugan ng Pagsaksi na si Muhammad  ay Sugo ng Allah

21

Aralin 5 Salah

26

Zakat

26

Sawm

27

Hajj

27

Aralin 6 Mga Haligi ng Pananampalatayang Islam

29

)Paniniwala sa Kaisahan ng Allah (Tawhid

29

Tawhid ar-Rububiyyah

30

Tawhid al-Uluhiyyah

32

Tawhid al-Asma’ was-Sifat

35

Aralin 7 Paniniwala sa Kanyang mga Anghel

37

3


Aralin 8 Paniniwala sa Kanyang mga Kapahayagan

41

Paniniwala sa Kanyang mga Sugo

42

Aralin 9 Paniniwala sa Huling Araw

45

Mga Palatandaan ng Huling Araw

45

Araw ng Pagkabuhay na Muli

47

Aralin 10 )Al-Mizan (ang Timbangan

50

Jannah at ang mga katangian nito

51

Jahannam at ang mga katangian nito

53

Aralin 11 Paniniwala sa Kahihinatnan

55

Aralin 12 Ihsan

4

58


ARALIN – 1

ANG TATLONG SALIGAN NA DAPAT MALAMAN NG TAO 1. Ang makilala ng tao (bilang alipin) ang kanyang Rabb (Panginoon). Kapag tinanong: Sino ang iyong Rabb? Ang nararapat na isagot ay: Ang Allah ang aking Rabb. Siya ang lumikha at humubog sa akin gayundin sa Sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala. Ang aking pagsamba ay buong katapatang iniaalay lamang sa Kanya. Walang ibang dapat sambahin maliban sa Allah. ANG MAKILALA NG TAO ANG KANYANG RABB (PANGINOON)

Ang kahulugan ng: Rabb )(Panginoon

Siya ang Tanging Tagapaglikha, ang Hari at ang Tagapanustos ng lahat ng .Kanyang mga nilikha

Ang mga bagay na nagpapatunay sa iyong Rabb (Panginoon): ang Kanyang mga palatandaan at mga .nilikha

Ang pinakamalaking palatandaan na iyong nakikita sa Kanyang :mga nilikha tulad ng

gabi, liwanag, araw, buwan, bituin, kalangitan, kalupaan, karagatan, ang .iba’t ibang uri ng hayop, halaman at marami pang iba

5


‫س َو اَل ل ِْل َق َم ِر َواسْ ُج ُدوا‬ ِ ْ‫َو ِمنْ آ َيا ِت ِه اللَّ ْي ُل َوال َّن َها ُر َوال َّشمْسُ َو ْال َق َم ُر اَل َتسْ ُج ُدوا لِل َّشم‬ ‫) سورة فصلت‬37( }‫ون‬ ِ َّ‫لِه‬ َ ‫ل الَّذِي َخ َل َقهُنَّ إِن ُكن ُت ْم إِيَّاهُ َتعْ ُب ُد‬ Winika ng Allah: “At kabilang sa Kanyang mga palatandaan ay ang gabi, araw at buwan, huwag kayong magpatirapa sa araw at buwan nguni’t sa Allah kayo magpatirapa na Siyang lumikha sa lahat ng mga ito kung tunay ngang Siya ang inyong sinasamba” [Surah Fussilat:37] 2. Ang makilala ng tao ang kanyang Propeta . Kapag tinanong: Sino ang iyong Propeta? Ang nararapat na isagot ay: Si Muhammadr ang aking Propeta. Anak ni Abdullah bin Muttalib bin Hashim. Si Hashim ay mula sa angkan ng Quraish, at ang Quraish ay isang angkang Arabo. Ang mga Arabo ay mula sa angkan ni Ismail, na anak ni Ibrahim AlKhalil (ang kaibigan ng Allah). Bahagi ng pananampalataya ng bawa’t Muslim ang pagmamahal sa Propetar. Ang Propeta  ay nagsabi: “Walang sinuman ang magiging isang tunay na mananampalataya maliban na mahalin niya ako nang higit sa kanyang mga anak, mga magulang at sa lahat ng tao.” (Bukhari at Muslim) Minsan ay may lumapit sa Sugor at nagsabi: ‘Mahal kita ng higit pa sa aking buhay, sa aking kayamanan at sa aking pamilya. Kapag ako ay kapiling ng aking pamilya ay hindi ako mapalagay na hindi ka makita, tatakbo ako sa iyo upang makita lang kita, subali’t kapag sumasagi sa aking isipan ang aking kamatayan at ang iyong kamatayan ay nalulungkot akong isipin na ikaw ay makakasama ng mga Propetau sa mataas na lugar sa kalangitan at ako, kung matatanggap sa langit, ay hindi ka malalapitan at hindi kita makikita. Sa pagkakataong ito ay inihayag ng Allah:

ّ‫َهّ َ َّ ُ َ َ ُ ْ َ َ َ َ ذَّ َ َ ْ َ َ ُه‬ ّ ‫ني َو‬ َ ‫الص ّدِيق‬ َ ‫الل َعلَيْهم ّم َِن انلَّب ّي‬ ‫ني‬ ‫َو َمن يُ ِطعِ الل والرسول فأولـئِك مع الِين أنعم‬ ِ ِ ِ​ِ ِ ُّ َ ً َ َ َ ُ َ ُ َ َ َ َّ ‫الش َه َداء َو‬ ِ‫الص ح‬ ‫ال ِني وحسن أولـئِك رفِيقا‬ ‫و‬ Ang lahat ng sumusunod sa Allah at sa Sugo ay makakasama ng mga biniyayaan ng Allah, - ang mga Propeta (na nagturo), ang matapat (Makatotohanan), Ang mga Saksi (na nagpapatunay), at ang mga Matutuwid (na gumagawa ng kabutihan). Anong husay kung sila ang makakasama! Surah an-Nisa 4:69 6


Inihayag ng Allah ang talatang ito upang bigyang-halaga ang pangangailangan ng pagmamahal sa Propeta at pagsunod sa kanya kung nais natin na makasama ang Propetar ng panghabang-buhay. Pag-aralan ang mga buhay ng mga kasamahan ng Propetar at tingnan kung papaano sila naging tapat sa kanya; pinakikinggan nilang mabuti ang kanyang bawa’t salita, minamasdan nilang mabuti ang bawa’t kilos niya at matapat na sinusundan. Ang mga kasamahan ay masusing sinusubaybayan ang buhay ng Propetar, paano siya matulog at gumising, paano siya kumain at uminom, paano siya kumilos, paano siya ngumiti at tumawa, paano siya makipagkamay o yumakap kung siya ay bumabati, papaano niya isinasagawa ang kanyang mga pagdarasal at pag-aayuno, at kung papaano niya ipinamuhay ang kanyang sarili sa kanyang pampribado at pampublikong buhay bilang isang pinuno. Ang mga kasamahan ay maingat na pinag-alaman ang lahat ng kanyang mga gawain at pinagbatayan ang mga ito na nag-iwan ng mga tala ng kanilang pagsunod sa Propetar upang patunayan ang kanilang pagmamahal sa kanya. Anumang pagsasabi na mahal ng isang tao ang Propetar ay nangangailangan ng tapat na pagsunod sa kanya. Na ang pagmamahal ay nagiging isang pandaraya o panloloko kapag hindi siya kaagad sumusunod sa Sunnah ng Propetar; na ang pagmamahal ay sinungaling at pinagmumulan ng pagtatalo kapag hindi niya pinagsisikapang sundin ang Propetar; na ang pagmamahal na hindi nagtuturo na magpakumbaba sa Propetar ay isang pagpapakita ng pagkukunwari at pakitang-tao; na ang pagmamahal na hindi naglalapit sa iyo sa Sunnah ay pagpapakita na ikaw ay di-tapat at mapanghimagsik. 3. Ang matutuhan ng tao ang kanyang Deen (Relihiyon). Kapag tinanong: Ano ang iyong relihiyon? Ang nararapat na isagot ay: Islam ang aking relihiyon (pananampalataya) na nangangahulugan ng tapat na pagsuko at pagtalima sa Allah sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang Kaisahan, pagsunod sa Kanyang mga Kautusan at pag-iwas sa pagsamba sa mga diyus-diyusan (Shirk) at pagkapoot sa mga naninindigan dito.

ANG PINAGMULAN NG TUNAY NA RELIHIYON Ito ay nakasalalay lamang sa dalawang bagay: Ang pag-anyaya sa tao na sumamba lamang sa Allah –

7


Ang tanging Nag-iisang Tunay na Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba. Siya ay walang katambal o kasama sa pagiging Diyos. Hikayatin ang iba na isakatuparan ang pagsamba, mabuting pakikipag-ugnayan sa mga mananampalataya ukol dito, at sa sinumang nagtatakwil nito ay itinuturing na walang pananalig o kaya ay mga dimananampalataya. 4. Ang pagbibigay babala laban sa Shirk (pagbibigay katambal sa pagsamba sa Allah) Ang mahigpit na pakikitungo o pakikipag-ugnayan sa kanila, ang pagkapoot sa kanilang maling paniniwala at ang pagtuturing sa kanila bilang mga dimananampalataya. Sinabi ng Sugo ng Allah ď ˛: “Sinuman sa inyo ang (tunay na) nagmamahal sa Allah bilang Rabb (Panginoon) at Islam bilang Deen (Relihiyon) at si Muhammad bilang Propeta, nararapat sa kanya ang (gantimpala na) Paraiso.1

1 Ulat mula kay Muslim sa Aklat na Al-Imarah, tungkol sa salaysay na anumang ipinaghanda ng Allah sa mga Mujahideen sa Paraiso 3/1501/0116.

8


ARALIN – 2

IBADAH ANG LAYUNIN NG PAGKAKALIKHA Napakahalaga na maunawaan natin ang layunin kung bakit tayo nilikha; dahil kung hindi ay para lamang tayong nagsasayang ng ating oras sa paggawa ng mga bagay na wala namang mga kabuluhan. Halimbawa, kung ang bawa’t isa ay pinapaaral at hindi naman niya alam kung bakit siya pinapaaral, malamang na lahat sila ay maglalaro lamang hangga’t sa may isang magpayo sa kanila ng layunin kung bakit sila nag-aaral. Ang Allah, na Siyang Pinaka-Maalam, ay hindi tayo lilikhain ng walang layunin – Nilikha Niya tayo para sa isang napakahalagang layunin. Alam nating lahat na ang layunin ng pagkakalikha sa atin ay hindi natin nababatid; dahil kung sakali ay alam ng bawa’t isa sa atin kung ano ito at lahat tayo ay magisisipaggawa ng parehong mga bagay. Dahil ang layunin sa pagkakalikha sa atin ay nakatago, pinili ng Allah na ihayag ito sa atin sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Propeta na may mga banal na aklat na naglalaman ng Kanyang mga salita. Maaari Siyang magpadala ng mga anghel na may mga mensahe o ihayag ito sa ibang mapaghimalang pamamaraan na walang sinuman mag-aalinlangan tungkol sa kanilang layunin, subali’t pinili ng Allah na magpadala ng mga tao para sa sangkatauhan upang subukin ang kanilang pananampalataya. Nagpadala rin Siya sa mga propetang ito ng ilang mga himala upang ipakita sa mga tao na ito ay ipinadala ng Allah. Ipinaliwanag ng Allah mula sa Qur’an, ang huling aklat ng kapahayagan na dala ng huling Propeta, kung ano mismo ang layunin ng pagkakalikha. Winika ng Allah:

ُ ّ ُ‫ل‬ ّ‫ً َ ْ ْ َه‬ َ ْ‫َولَ َق ْد َب َعث‬ ‫ف‬ ‫ا‬ ‫ن‬ ‫ك أ َّم ٍة َّر ُسوال أ ِن اع ُب ُدوا الل‬ ِ ِ‫ي‬ “Katotohanan, nagpadala Kami ng sugo sa bawa’t bansa na nagsasabi: Magsagawa ng Ibādah (pagsamba) para sa Allah.” (Surah al-Nahl 16:36) ,Winika din Niya

ْ‫َ َ َ َ ْ ُ ج‬ ُ ُ ْ َّ‫ال َّن َو إْ َ لا‬ ‫ون‬ ِ ‫النس إ ِ يِلَعبد‬ ِ ‫وما خلقت‬ ِ

9


“At Hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga tao maliban lamang na sambahin nila Ako.” (Surah Adh-Dhaariyaat 51:56) Magkagayon, ang layunin natin sa buhay na ito ay ang Ibādah (pagsamba) .sa Allah

ANG LAYUNIN NG PAGKAKALIKHA SA MGA TAO AT JINN Sila (Tao at Jinn) ay nilikha ng Allah sa isang dakilang layunin Ito ay upang Sambahin lamang Siya (Allah) at tanging Siya lamang at .wala nang iba pa :Ang Sabi ng Allah ُ ‫َو َما َخ َل ْق‬ ‫) سورة الذاريات‬56( ‫ُون‬ َ ِ‫ت ْال ِجنَّ َو إْال‬ ِ ‫نس إِ اَّل لِ َيعْ ُبد‬ At Hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga tao maliban lamang na sambahin nila“ .]56:Ako.” [Surah Adh-Adhariyat

Ang kahulugan ng Ibadah )(pagsamba

Ito ay ang Kanyang Kaisahan at pagsunod sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasagawa sa lahat ng Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa .lahat ng Kanyang mga ipinagbabawal

KAHULUGAN NG IBADAH Upang maisagawa nang maayos ang Ibādah, kinakailangang malaman natin kung ano ito at ano ang hindi para rito. Ang Ibādah ay kalimitang nauunawaan bilang “pagsamba”, na ipinapakahulugan bilang: parangal at pitagan na may halong pagmamahal at takot sa Diyos, ang diyos o ang sagradong bagay. Sa wikang Arabik ito ay likas na nangangahulugan na pagsamba (hal. ang kusang-loob na paglilingkod na may pagpapakumbaba) gayundin ay nangangahulugan na pagsuko (hal. ang pagsuko ng kanyang sarili o mga karapatan). Nagmula ito sa salitang ‘Abd na ang ibig sabihin ay “alipin o lingkod”. 10


Sa punto ng Islam, ang Ibādah ay ang pagsunod sa Allah sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng Kanyang ipinag-uutos at sa pag-iwas sa anuman na Kanyang ipinagbawal. Ang uri ng pagsunod na ito ay tinatawag na Ibādah, sapagka’t kalakip nito ay ang paglilingkod sa Diyos at ang pagsuko ng sariling kagustuhan para sa kagustuhan ng Diyos. Kaya nga’t ang pinakamagandang pangalan na maaaring makuha ng isang Muslim ay ‘Abd Allah (‘Abdullāh), na ang ibig sabihin ay alipin o lingkod ng Allah, iniulat ni Ibn Umar na ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: “Katotohanan, ang pinakamahal ng Allah sa inyong mga pangalan, ang Pinaka-Dakila at Maluwalhati, ay ang ‘Abdullāh at ‘Abdur-Rahman.” (Sahih Muslim Vol. 3 page 118 – hadith no. 5315, English Translation) Ang Propetar ay nagnais din ng pangalang ‘Abd kaugnay sa kanyang sarili na nagsabi: “Huwag kayong magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano kay Hesus na anak ni Maria, dahil sa katotohanan ako ay alipin (‘Abd) lamang kaya’t ituring ninyo ako bilang ‘Abd ng Allah at Kanyang Sugo.” (Sahih Al-Bukhari Vol. 4 page 435 – hadith no. 654, Arabic-English, and Muslim) Ang Ibādah ay ang buod ng Islam sapagka’t ang salitang “Islam” ay nangangahulugan ng pagsuko ng sariling kagustuhan para sa Allah, na siyang pinakamataas na antas ng pagsunod na maaaring abutin ng kahit na sino. Ang ating pisikal na bahagi ay sumusunod sa batas ng Allah, pangkaraniwang tinatawag na “mga batas na likas”, na wala tayong magagawa. Magkagayon, ang mga bahagi ng ating katawan ay maituturing na mga Muslim sa pagsuko sa Allah katulad ng iba pang mga nilikha. Subali’t ang ating mga isipan, na pinatatakbo ng ating mga kaluluwa, ay may kakayahang mamili na magpakupkop sa mga sosyal at ispirituwal na batas ng Allah o hindi. Kapag tayo ay pumili na ilagay ang ating mga kaluluwa kaugnay ng ibang mga nilikha sa pagtanggap sa kataas-taasang kapangyarihan ng Allah, tayo ay nagiging mga Muslim sa tunay na diwa ng salita. Ang pagpiling ito ay maaaring ihayag sa dalawang natatanging pamamaraan: 1. Sa mga salita ng pagpapahayag ng pananampalataya (ang Shahādah): “Lā ilāha illal-lāh” Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa 11


Allah; at “Muhammadur-Rasulullāh” Si Muhammadr ay Propeta ng Allah. 2. Sa mga gawa ng pagsunod o Ibādah, hal. Salah, Zakah, Sawm at Hajj. Dahil sakop ng Islam ang lahat ng bahagi ng buhay, ang bawa’t pagkilos sa buhay ng isang Muslim ay maaaring gawing Ibādah. Kapag sinunod niya ang mga batas ng Allah sa lahat ng pagkakataon sa kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa pamamaraan ng Propetar, ang pinakapayak o simple sa kanyang mga gawa ay maaaring maging Ibādah. Halimbawa, kung sa iyong pang-araw-araw na pagkain ay magsisimula ka sa pagbanggit ng ’Bismillah’ (sa panimula ay ang pangalan ng Allah); kakain at iinom na gamit lamang ang kanang kamay; umiiwas sa paggamit ng mga ginto at pilak na kagamitan; umiiwas sa pagkain ng labis sa pamamagitan ng pagkain para sa ikatlong bahaging mailalaman sa kanyang tiyan, iinom para sa ikatlong bahagi at hahayaan ang ikatlong bahagi para sa kanyang paghinga; at wawakasan ang kanyang pagkain sa pagbanggit ng al-Hamdu lil-lāh (ang lahat ng papuri ay para sa Allah lamang), ang pang-araw-araw na ginagawa niyang pagkain na ito ay nagiging gawa ng pagsamba at pagsuko sa Allah na bibiyayaan para sa kanya.

ANG KHALIFAH (Kalipa) Kung gagampanan natin ang layunin ng pagkakalikha sa buhay na ito, kinakailangang alamin natin kung ano ang nais ng Allah mula sa atin sa lahat ng mga bahagi ng ating mga buhay. Matapos nating malaman ang mga hinihingi sa atin, kinakailangang isagawa natin ang mga kaalaman na ito upang humantong sa mabubuting mga gawa. Kung ang ating mga buhay ay sumasang-ayon sa batas ng Allah, tayo ay nagiging mas mataas at mas dakila sa lahat ng mga nilikha. Kahit na ang mga anghel na hindi sumusuway sa Allah, ay magiging mas mababa ang antas kaysa sa atin. Ito ang kahulugan ng kautusan ng Allah sa mga anghel na magpatirapa kay propeta Adam :

َ َ َ َ‫ْ ُ ْ َ ْ َ لا‬ َ َ ْ‫َ َ َ َ َ ُ لاَّ ْ َ اَ َ َ ج‬ ْ ِ‫كة‬ ُ‫ج‬ ُ ‫اس‬ ‫ال ِّن فف َس َق ع ْن أ ْم ِر‬ ‫ِن‬ ‫م‬ ‫ن‬ ‫ك‬ ‫ِيس‬ ‫ل‬ ‫ب‬ ‫إ‬ ‫إ‬ ‫وا‬ ‫د‬ ‫ج‬ ‫س‬ ‫ف‬ ‫م‬ ‫د‬ ‫ل‬ ‫وا‬ ‫د‬ ِ‫آ‬ ِ ِ ِ ِ ‫ِإَوذ قلنا ل ِلم ئ‬ 12


“At nang inutos Namin sa mga anghel na magpatirapa kay Adam, lahat sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis (Satanas). Siya ay isa sa mga jinn, Sinuway niya ang utos ng kanyang Panginoon…” (Surah Al-Kahf 18:50) Ganito ang pamamaraan ng Allah sa pagpapakita na ang tao ay nilikha sa mas mataas na katayuan kaysa sa mga anghel at lahat ng mga nilikha. Si Iblis, ang Jinn, na kasama ng mga anghel na napag-alaman ito ay tumangging magpatirapa kay Adam. At nang tanungin siya ng Allah kung bakit hindi siya nagpatirapa, siya ay sumagot,

ْ َ َ َ َّ ْ َ َ ُ ْ ّ ٌ ْ‫َ َ َ َ َ َ َ َ َّ َ ْ ُ َ ْ َ َ ْ ُ َ َ َ َ َ ْ َ ر‬ َ َ ُ ‫ِني‬ ٍ ‫ار وخلقته مِن ط‬ ٍ ‫قال ما منعك أال تسجد إِذ أمرتك قال أنا خي مِنه خلقت يِن مِن ن‬ “… Mas mabuti pa ako kaysa sa kanya. Nilikha Mo ako sa apoy at siya ay nilikha mula sa putik…” Surah Al-‘Araf 7:12 Kung naabot natin ang mas mataas na mga antas ng pagsuko sa pamamagitan ng matapat na Ibādah, nagagampanan natin ang papel ng isang Khalifah, na siyang may tungkulin sa pamamahala ng mga naninirahan sa mundo, at nagpapanatili ng batas at kaayusan sa lahat ng mga naninirahan at mga hindi naninirahan dito. Ito ang layunin ng pagkakalikha ng tao kaugnay sa iba pang mga nilikha. Ang pagkakataong ito ay batay sa mga pangungusap ng Allah,

َ ّ َ َ ْ َ َ َ ْ ًَ َ ٌ ْ ‫ِإَوذ قال َر ُّبك ل ِل َمالئِكةِ إ ِ يِن َجاعِل يِف األر ِض خل ِيفة‬ “At nang winika ng inyong Panginoon sa mga Anghel: Katotohan Ako ay maglalagay sa mundo ng Khalifah…” Surah Al-Baqarah 2:30 Kung, sa isang pagkakataon, tumanggi tayong iayon ang mga buhay natin sa mga batas ng Allah, at maghimagsik kagaya ni Iblis, tayo ay magiging mas mababa pa sa pinakamababa sa mga nilikha. ‘Iyan ang ipinakahulugan ng Allah ng Kanyang ilarawan yaong mga lumabag sa Kanyang batas na nagsasaad,

ُّ َ َ ْ ُ ْ َ َ ْ َ ْ‫َ ْ حَ ْ َ ُ َ َّ َ ْ رَ َ ُ ْ َ ْ َ ُ َ َ ْ َ ْ ُ َ ْ ُ ْ لاَّ اَلأ‬ َ ِ ‫أم تسب أن أكثهم يسمعون أو يعقِلون إِن هم إ ِ ك نع‬ ‫ام بل هم أضل سبِيل‬ “Katotohanan sila ay parang mga baka, magkagayon, sila ay mas naligaw

13


pa mula sa landas …” Surah Al-Furqan 25:44 Yaong mga walang takot sa Allah kapag minsan ay nanunugis ng mga hayop para sa kanilang laro hanggang sa maubos nila ang lahat ng mga uri ng hayop. Samantala ang mga hayop ay nanunugis lamang ng ibang mga hayop dahil sa kanilang pangangailangan. Itinuturo sa Islam na bawal ang manugis ng mga hayop para lamang sa laro o kasayahan. Kagaya rin nito ay ang mga naglalakihang mga industriya na ang tanging layunin ay kumita, sila ay nagtatapon ng mga mapanganib na chemical sa kapaligiran na sumisira sa mga batis, ilog at mga kagubatan sa buong mundo. Ang Islam ay nagbabawal na sumira ng kalikasan kahit ito pa ay panahon ng mga digmaan, at naghihikayat sa pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa mga ilog, lawa at karagatan.

ANG UNANG KAUTUSAN Ang Unang Kautusan ng Allah sa iyo ay Ang sambahin mo ang Nag-iisang Allah at huwag kang gumawa ng .anumang pagtatambal sa Kanya :Ang katibayan ay ang sabi ng Allah Sambahin ang Allah at huwag kayong magbigay ng katambal sa« .]36:Kanya» [Surah An-Nisa

14

Ang pinakadakilang Kautusan ng Allah

ay ang Pagsamba sa Kanya at huwag magbigay ng katambal sa Kanya

Ang pinakamalaking ipinagbabawal ng Allah

ay ang bigyan Siya ng Katambal .sa pagsamba sa Kanya


ARALIN – 3

ANG MGA HALIGI NG ISLAM Ang Limang Haligi ng Islam: 1. Ash-shahadatain: Ang Pagsaksi na walang ibang Diyos maliban sa Allah at si Muhammadr ay Sugo ng Allah. 2. Salah (Pagsasagawa ng Pagdarasal). 3. Zakat (Pagbibigay ng Kawanggawa). 4. Sawm (Pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan) 5. Hajj (Pagsagawa ng Hajj sa mga may kakayahang pananalapi, pangangatawan at sapat na kaisipan).

ASH-SHAHADATAIN Ito ang pagsaksi na walang ibang Diyos (na dapat sambahin) kundi ang Allah lamang at si Muhammadr ay Sugo (at alipin) ng Allah.

Ang kahulugan ng ) ‫ – ( ال إله إال هللا‬La Ilaha Illa Allah. Ang paniniwala na walang dapat sambahin maliban sa Allah lamang. Ang batayan: Winika ng Allah:

ْ ً َ َ ْ ْ ْ ُ ْ ُ َ ُ َ َ َ ْ َ َ ُ َّ َ َ َ ُ َّ َ ّ‫َ َ ُه‬ َّ َ َ َ ْ َ‫ال ُهو‬ ِ ‫ش ِهد الل أنه ال إِلـه إِال هو والمالئِكة وأولوا العِل ِم قآئِما بِالقِس ِط ال إِلـه إ‬ ُ ‫الْ َعز‬ ُ ‫الك‬ َ ْ‫يز ح‬ ‫ِيم‬ ِ “Ang Allah ay sumaksi na La ilaha illa Huwa (walang Diyos kundi Siya at maging ang mga Anghel at yaong may (taglay na) kaalaman (ay sumasaksi rin) pinangangalagaan (Niya ang Kanyang mga nilikha) nang makatarungan. La ilaha illa Huwa (Walang Diyos (na dapat sambahin) kundi Siya lamang, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan”. Al-‘Imran 3:18.

15


Mga Kondisyon Upang ang bahaging ito ng pagsaksi ay maging karapat-dapat kinakailangan itong magtaglay ng mga sumusunod na kondisyon: 1. Kaalaman (al ‘Ilm) Kinakailangan na ang nagpapahayag ng kanyang pananampalataya ay mayroong mga pangunahing kaalaman tungkol sa Allah at sa Kanyang mga Katangian upang ang kanyang paniniwala ay maging tama. Sa ganito magkakaroon ng kabuluhan ang kanyang pagpapahayag para sa Allah at upang magkaroon ng kapakinabangan dito sa mundo pati na rin sa kabilang buhay. Ang katibayan:

ْ َ ُ َّ‫اعلَ ْم َأنَّ ُه لاَ إ هَ َل إلاَّ ه‬ ‫الل‬ ‫ف‬ ِ ِ “Kaya’t dapat mong malaman na walang karapat-dapat sambahin maliban sa Allah…” Surah Muhammad 47:19 2. Katiyakan (al Yaqin) Ang nagpahayag ng kanyang pananampalataya ay hindi dapat magkaroon ng pag-aalinlangan sa kanyang isipan tungkol sa Allah bilang Nag-iisang Totoong Diyos at hindi Siya nakikibahagi ng Kanyang kapangyarihan sa sinumang nilalang. Ang katibayan:

َ ُ ْ ُ ْ َ َّ َ َ ُ َّ‫ه‬ َ ‫ِين‬ َ ‫ون ذَّال‬ ِ‫آم ُنوا بِاللِ َو َر ُس ه‬ ‫ولِ ث َّم ل ْم يَ ْرتابُوا‬ ‫إِنما المؤمِن‬ “Katotohanan ang mga mananampalataya ay yaong mga naniniwala sa Allah at Kanyang Sugo na hindi nagkakaroon ng pag-aalinlangan.” (Surah al-Hujurat 49:15) Ang Propeta  ay naitala na nagsabi: “Sinuman ang sumaksi na walang dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay Sugo ng Allah, kapag humarap siya sa Allah na walang pag-aalinlangan tungkol dito ay papasukin siya ng Allah sa Paraiso.” Muslim, vol 1 p. 20, hadith no.41 Hindi nabibilang sa kondisyon na ito ang mga sumasamba sa Allah dahil lamang sa kanilang pag-iingat upang masabi na sila ay nagsa-salah. Mayroong mga Muslim na nagsa-salah lamang ng ilang mga salah bawa’t araw, halimbawa’y palagiang hindi nagsa-salah ng Fajr. Ang iba ay nagsasagawa ng kanilang salah na pinagsasama bago matulog sa gabi 16


dahil sa kanilang pagiging abala sa maghapon. Mayroon din namang nagsa-salah lamang kapag Biyernes (Jumu’ah) samantala ang iba naman ay kapag buwan lamang ng Ramadhan. Ito ay naging pangkaraniwang gawain sa likod ng paglaganap ng mga pangkalahatang kaalaman na ang mga salah ay may mga nakatakdang oras, kagaya ng pagsasalaysay ng Allah sa Qur’an:

َ‫َّ َّ َ َ اَ َ ْ لَى‬ ً ُ َ ‫ع ال ْ ُم ْؤ ِمن‬ ‫ِني ك َِتابًا َّم ْوقوتا‬ ‫إِن الصالة كنت‬ “Katotohanan na ang Salah ay inutos sa mga mananampalataya na isagawa sa itinakdang oras.” Surah an-Nisa’ 4:103 Ang dahilan ng ganitong pangkaraniwang gawain ay ang pagkakaroon ng pag-aalinlangan sa puso ng mga tao tungkol sa Allah. Hindi sila tiyak kung ang Allah nga ay totoo o hindi. Sila ay nagsa-salah lamang upang makatiyak na baka sakali nga na totoong nananatili ang Allah at haharap sila sa Kanya sa paghuhukom. Subali’t ang mga salah na ito dahil sa kanilang pag-iingat ay walang kabuluhan dahil ang mga ito ay hindi nagmula sa katiyakan ng kanilang pananampalataya. Ang mga pag-aalinlangan na ito ay maaari ring mauwi sa mga pambubuyo ni Satanas, kagaya ng sinabi ng Propetar: “Si Satanas ay pupunta sa bawa’t isa sa inyo at magtatanong: ‘Sino ang lumikha nito at niyan? – hanggang sa kanyang itanong: Sino ang lumikha ng iyong Panginoon?” Bukhari at Muslim 3. Katapatan o Kadalisayan (al Ikhlas) Isa ito sa mga kinakailangang kondisyon upang ang pagpapahayag ng iyong pananampalataya ay maging makatotohanan. Binanggit ng Allah sa maraming bahagi sa Qur’an na ang relihiyong Islam na Kanyang itinakda ay ang pananampalataya na ang mga ritwal at mga gawain ay nakasalalay sa katapatan o kadalisayan ng isang tao upang ang mga ito ay maging katanggap-tanggap sa Kanya. Ang katibayan:

ْ‫َلاَ للِهَّ ّ ُ خ‬ َ ُ ‫ِ ادلِين الال ِص‬ ‫أ‬ “Katiyakan na ang katapatan sa pananampalataya ay para sa Allah lamang.” Surah az-Zumar 39:3

َّ‫ه‬ َ ‫الل خُمْل ِص‬ ُ ‫َو َما أُم ُِروا إلاَّ يِلَ ْع ُب‬ ّ ‫ني هَ ُل‬ َ َ ‫ادل‬ ‫ِين‬ ‫وا‬ ‫د‬ ِ ِ

17


“At hindi sila pinag-utusan maliban lamang sa kanilang tapat na pagsamba sa Allah sa pagpapatupad ng kanilang pananampalataya.” Surah al-Baiyyinah 98:5 4. Makatotohanan (Al Sidq) Kinakailangan na maging makatotohanan ang nagpapahayag ng kanyang Shahadah nang sa gayon ay hindi ito mawalan ng katapatan at maging hindi katanggap-tanggap sa Allah. Ang katibayan:

َ ْ َ‫ُ لا‬ ُ َّ‫ِب انل‬ َ ‫ت ُكوا أَن َي ُقولُوا‬ َ ‫أَ َحس‬ َ ْ‫اس أَن ُي ر‬ ‫آم َّنا َوه ْم ُيف َت ُنون‬ َ ‫ِين َص َدقُوا َو يَلَ ْعلَ َم َّن الْ اَكذِب‬ ُ َّ‫ِين مِن َقبْلِه ْم فَلَ َي ْعلَ َم َّن ه‬ َ ‫الل ذَّال‬ َ ‫َولَ َق ْد َف َت َّنا ذَّال‬ ‫ني‬ ِ ِ “Inaakala ba ng tao na sila ay hahayaan na lamang sapagka’t sila ay nagsasabing ‘Naniniwala kami!’ at sila ay hindi na susubukan? Katotohanan, Aming sinubukan ang mga nauna sa kanila at katiyakan na ipababatid ng Allah kung sino ang mga makatotohanan at sino ang mga sinungaling.” Surah al-‘Ankabut 29:2-3 Ang kondisyon ng pagiging makatotohanan ay may kaugnayan sa katapatan. Maaaring ang isa ay maging makatotohanan subali’t hindi naman siya matapat. Gayundin ay maari rin siyang maging matapat subali’t hindi naman siya makatotohanan. Ang katapatan ay bunga ng pangako sa katotohanan. Mayroong mga Muslim na gumagawa ng kasalanan at magsasabi na siya ay mag-uumrah upang malinis ang kanyang mga kasalanan. Ang ganitong uri ng tao ay hindi makatotohanan. Dinadaya lamang niya ang kanyang sarili sa pag-iisip na ang Islam ay isang laro ng mga ritwal na maaaring laruin para sa Allah. 5. Pagmamahal (al Mahabba) Katulad ng pagiging makatotohanan ang kondisyon ng pagmamahal ay kaugnay din sa katapatan. Ito ay likas na ibinubunga ng katapatan. Upang ang pagpapahayag ng pananampalataya ay maging katanggap-tanggap kinakailangan na ito ay ihayag ng dahil sa pagmamahal sa Allah. Ang bawa’t dahilan na hinahanap ng mga tao sa pagmamahal nila sa ibang mga tao ay nagmumula sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Diyos, subali’t sa mas mataas na katayuan at sa mas malawak na sakop. Likas sa mga tao na kapag sila ay pinagkalooban ng kanilang mga pangangailangan ay minamahal nila ang taong ito na nagbigay sa kanila. Biniyayaan ng Allah ang mga tao sa napakaraming mga pamamaraan na hindi na nila kayang 18


bilangin. Winika ng Allah:

َ ْ ُ‫َ ُ ُّ ْ ْ َ َ هّ َ ح‬ ‫ت اللِ ال ت ُصوها‬ ‫ِإَون تعدوا ن ِعم‬ “Kung susubukan na bilangin ang mga biyaya ng Allah ay hindi mo makakayang bilangin ang mga ito.” Surah Ibrahim 14:34 6. Pagsuko (al Inqiyad) Ang likas na kahahantungan ng tunay na pagmamahal ay ang pagsuko. Ang katapatan na sumibol mula sa pagmamahal ay maggagabay sa isang sumasaksi ng kanyang paniniwala sa Allah upang tanggapin at isagawa ang mga kautusan. Ang Allah ay nagwika:

َ ُ َ‫َ َ ُ ى‬ َ‫ه‬ ‫ِيبوا إِل َر ّبِك ْم َوأ ْسل ُِموا ُل‬ ‫وأن‬ “At manumbalik sa inyong Panginoon (nang may pagsisisi) at sumuko sa Kanya…” Surah az-Zumar 39:54

ْ ‫ِينا ّم َِّم ْن أَ ْسلَ َم َو‬ ْ َ‫َو َم ْن أ‬ ً ‫ح َس ُن د‬ ٌ‫ج َه ُه هلل َو ُه َو حُمْسِن‬ “At sino pa ba ang nakahihigit sa pananampalataya sa isa na isinusuko ang kanyang sarili sa Allah (habang gumagawa ng kabutihan) at siya ay isang Muhsin (masigasig na gumamagawa ng kabutihan at umiiwas sa kasalanan)? ” Surah an-Nisa 4:125 Ang pagsuko ay bunga rin ng paniniwala na ang Allah ang nakababatid sa lahat at ang pinakamaalam. Kaya nga’t kapag Siya ay nag-utos sa mga tao, ito ay sa kadahilanan na kinakailangan nila itong gawin upang magtagumpay dito sa mundo at sa kabilang buhay. Gayundin, kapag Siya ay nagbawal, sa kadahilanan na ito ay makasasama sa pisikal, sikolohikal, at espiritwal nilang katauhan. Ang pagsuko ay isang paghahayag ng paniniwala na kinakailangan na mayroong mabuting kadahilanan sa likod ng mga kautusan. Ang mga kautusan ng Allah ay hindi mga basta-basta lamang o di kaya ay walang-katuturan. Ang mga walang kabuluhan na ginawa ng mga tao ay nagpapakita ng kawalan ng kanilang mga katinuan o isang malubhang kamangmangan. Ang tamang pagtugon sa mga kautusan ng Allah ay ang pagtalima, maging 19


ang kadahilanan ng mga ito ay naiintindihan o hindi. Ang apat na haligi ng Islam matapos ang pagsaksi ng pananampalataya ay mga haligi ng gawa upang patunayan ang katotohanan at katapatan ng pagsaksi. 7. Pagtanggap (al Qubul) Upang maging ganap ang kondisyon ng pagsuko ang karagdagang kondisyon ng pagtanggap ay kinakailangan ding isakatuparan. Ang pagsuko ay hindi nararapat kapag ganito ang sasabihin: “Gagawin ko ito dahil sa ito ay ipinag-utos ng Allah subali’t hindi ko iniisip na ito ay kailangan.” Ang pagtanggap ay kinakailangan din upang ang pagsuko ay maging tapat at hindi lamang isang ritwal. Kung wala ang ganap na pagtanggap ang kautusan ng Allah ay hindi maayos na naisagawa. Ang Allah ay nagwika:

ْ‫هَّ ُ َ َ ُ هُ ُ َ ْ ً َ َ ُ َ َ ُ ُ خ‬ ْ َ‫لا‬ ْ َ َ‫ا‬ َ‫َ َ ى‬ َ َ‫ال ر‬ ‫ِيةُ م ِْن‬ ‫َو َما كن ل ُِمؤم ٍِن َو ُمؤم َِن ٍة إِذا قض الل ورسول أمرا أن يكون لهم‬ َ ‫أ ْم ِره ِْم‬ “Hindi nararapat sa mga mananampalataya, lalake man o babae, na kapag ang Allah at ang Kanyang Sugo ay nag-utos ng isang bagay, na sila ay mayroon pang ibang pagpipilian sa kanilang pagpapasiya.” Surah al-Ahzab 33:36 Ang Propeta ay nagsabi: “Tunay na ang gabay at kaalaman na ipinadala sa akin ng Allah ay katulad ng isang masaganang ulan na dumilig sa lupa. Ang iba sa mga lupa ay dalisay at malinis at tinanggap ang tubig, kaya’t mula rito ay sumibol ang mga pananim. At ang iba sa mga tubig ay umabot sa mga tuyot na lupa na walang tumutubong halaman… Ito ang halimbawa ng isang nabiyayaan ng pang-unawa sa relihiyon at nakinabang sa kung ano ang ipinadala ng Allah sa akin, kaya’t pinag-aralan niya at nakamit ang kaalaman. At ang isang halimbawa ay ang katulad ng isang hindi nagtaas ng kanyang ulo upang alamin ito o di kaya ay tanggapin ang gabay ng Allah na ipinadala sa akin.” Bukhari at Muslim

20


ARALIN – 4

Ang kahulugan ng Pagsaksi na si Muhammad  ay Sugo ng Allah Ang paniniwala na si Muhammadr ay Sugo mula sa Allah na nararapat paniwalaan, mahalin at sundin ang Kanyang mga kautusan. Ang batayan mula sa Salita ng Allah:

َ َ ْ ُ َ ّ ّ َ َ َ َ ٌ َّ َ ُ‫َّ اَ َ ح‬ َ َ َ َّ‫َّ ُ َ ه‬ َ ‫ات َم انلَّب ّي‬ ُ َّ‫ني َو اَك َن ه‬ ‫الل‬ ‫خ‬ ‫و‬ ‫الل‬ ‫ول‬ ‫س‬ ‫ر‬ ‫ن‬ ‫ك‬ ‫ما كن ممد أبا أح ٍد مِن رِجال ِكم ول‬ ِ ِ ِ​ِ ُ ً ‫ش ٍء َعل‬ ْ َ‫ك ّل ي‬ ‫ِيما‬ ِ ِ‫ب‬ “Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan, subali’t siya ay Sugo ng Allah at ang pang-huli sa mga Propeta. At ang Allah ay nananatiling nakababatid sa lahat ng bagay “ (Surah al-Ahzab 33:40) Mga Kondisyon 1. Ang Allah ang nakababatid nang higit Ang pagsaksi ng pananampalataya na si Muhammadr ay ang piniling Sugo ng Allah ay maituturing lamang na katanggap-tanggap kapag tinanggap na ang Allah lamang ang nakababatid nang higit kung bakit Niya pinili si Muhammadr para sa misyon. Winika ng Allah:

َ‫هّ ُهّ َ ْ َ ُ َ ْ ُ جَ ْ َ ُ َ ت‬ ُ َ ... ‫اللِ الل أعلم حيث يعل رِساله‬ “Higit na alam ng Allah kung kanino Niya ipadadala ang Kanyang mensahe…” Surah al-An’am 6:124 Maraming mga tao nang nakalipas ang tinatanong ang pagpili ng Allah at itinatakwil ang mga Sugo na ipinadala para sa kanila sapagka’t iniisip nila na hindi karapat-dapat ang mga pinili ng Allah para sa kapahayagan. Sa kabanata “Ang Mananampalataya”, isinalaysay ng Allah ang kahalintulad ng pagtanggi ng mga tao sa mga propetang ipinadala magmula sa kapanahunan ni Propeta Noah hanggang sa kapanahunan ni Propeta Musa. Sa panahon 21


ng mga nasasakupan ni Propeta Noah, sila ay nagnais pa na dapat ang propeta ay isang anghel. Winika ng Allah:

َ ُ ُ ْ ُ ُ ْ ّ َ‫َ ْ َ َ َ لاَّ َ ر‬ َ َّ َ َ َ َّ‫َ َ َ ْ َ لأَ ُ ذ‬ ٌ ‫ك َف ُروا مِن قو ِمهِ ما هذا إ ِ ب‬ ‫يد أن َي َتفضل‬ ‫ش مِثلكم ي ِر‬ ‫فقال الم الِين‬ َ َ‫لا‬ َ‫لأ‬ َ َ ُ َّ‫ه‬ ًَ َ َ ُ َ ‫نزل َم ئِكة‬ ‫َعليْك ْم َول ْو شاء الل‬ “Subali’t ang mga pinuno ng kanyang mga mamamayan na di-naniniwala ay nagsabi, ‘Siya ay hindi hihigit pa sa isang tao lamang na katulad ninyo, naghahangad lang siya na mangibabaw mula sa inyo. Kung ninais ng Allah, katiyakan na makapagpapadala siya ng mga anghel.” Surah al-Mu’minun 23:24 At bilang kasagutan naman sa paanyaya nila Propeta Musa (Moises) at Harun (Aaron), ang Allah ay nagwika:

َ ُ َ‫َ َ ُ َ ُ ْ ُ َ رَ َ ْ ْ َ َ َ ْ ُ ُ َ لنَ َ ا‬ ‫فقالوا أنؤمِن ل ِبشي ِن مِثل ِنا وقومهما ا عبِدون‬ “Sila’y nagsabi, ‘Dapat ba kaming maniwala sa dalawang nilalang na katulad namin, samantalang ang kanilang mga mamamayan ay aming mga alipin?” Surah al-Mu’minun 23:47 Ang mensahe ni Propeta Muhammadr ay itinanggi ng isa sa kanyang kapanahunan, na iniwanan ang gawi ng mga taga-Makkah na pagsamba sa mga diyus-diyusan na sumamba sa Allah ayon sa kanyang sarili katulad ng Propeta sapagka’t kanyang naisip na siya ay karapat-dapat sa pagtanggap ng kapahayagan katulad ng Propeta. Lumipas ang panahon, ang iba sa mga tao ng Kanluran ay itinanggi ang mensahe sa kadahilanan na ang Propeta ay hindi nagmula sa kanilang kultura. Ang katotohanan sa tunay na paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng pagtanggap sa Kanyang pinili na tatanggap ng Kanyang mensahe. Hindi dapat tanungin kung ano ang ginagawa ng Allah sapagka’t tayo ang Kanyang tatanungin.2 2. Hindi maaaring magkamali (Infallibility) Ang pagsaksi sa pagkapropeta ni Muhammadr ay walang-saysay kapag ang sumaksi ay hindi tinatanggap na siya ay malaya sa kamalian. Ang paniniwala na siya ay hindi nagkamali sa paghahatid ng mensahe ng Islam ay kinakailangan sa paniniwala sa kanyang pagkapropeta. 2 Surah al-Anbiya’ 21:23

22


َ‫َس ُن ْقر ُؤ َك فَلاَ تَ ى‬ ُ َّ‫نس إلاَّ َما َشاء ه‬ ‫الل‬ ِ ِ “Ipababasa Namin sa iyo (O’ Muhammad, ang Qur’an) upang hindi mo ito malimutan. Maliban na lamang sa kung ano ang naisin ng Allah.” Surah al-‘Ala 87:6-7 Ang kondisyon na ito ay hindi nangangahulugan na siya ay malaya sa lahat ng mga kamalian bilang isang nilalang. Ang ilan sa kanyang mga kamalian bilang nilalang ay nakatala sa parehong Qur’an at Sunnah. Siya ay isang nilalang na nangangahulugan na nakagawa ng mga pagkakamali. Subali’t ginawa siya ng Allah bilang isang halimbawa sa sangkatauhan, at kapag siya ay nagkakamali sa pagpapasiya, itinutuwid siya ng Allah at ang kanyang pagkakamali ay nagiging daan sa pagtuturo ng tama sa kanyang mga tagasunod at sa mga panahong darating. Ang mga uri ng pagkakamali na kanyang nagagawa ay hindi ang pagpili ng haram sa halal. Ang kanyang pagkapili sa kung ano ang nakikita niyang maganda sa kung ano ang mas higit na nakabubuti. Ang katangiang ito ay hindi lamang kay Propeta Muhammadr, ito rin ay tinataglay ng ibang mga propeta. Subali’t itinatanggi ng Islam ang ibang mga ulat sa ibang relihiyon hinggil sa mga propeta katulad sa pagsasalarawan kay Propeta Dawud (David) na nagnasa sa asawa ng iba, nakipagtalik sa babae at ipinadala ang asawa ng babae sa unang linya ng digmaan upang mapatay. Ang ganitong pag-uugali ay hindi nararapat sa isang propeta. Itinatakwil sa Islam ang anumang mga kuwento tungkol sa mga propeta na nagpapakita na sila ay nakagawa ng mga malalaking kasalanan. 3. Pangkalahatan (Universality) Ang pagsaksi sa pagkapropeta ni Muhammadr ay umiikot sa paniniwala sa kanyang dala-dalang mensahe na pangkalahatan. Isang pangangailangang kondisyon na maniwala na ang Allah ay nagbigay ng mensahe kay Propeta Muhammadr na para sa sangkatauhan. Ang mga mensahe ng mga naunang mga propeta ay para lamang sa mga natatanging mga tao, mga lugar, at para sa mga natatanging panahon. Ang panghuling mensahe na ipinaabot ni Propeta Muhammadr ay para sa buong sangkatauhan hanggang sa huling panahon. Maraming mga talata sa Qur’an na nagpapatunay sa prinsipyong ito:

23


ُ ْ َ‫ُ ْ َ َ ُّ َ َّ ُ ّ َ ُ ُ هّ ي‬ ً ‫ك ْم مَج‬ ‫ِيعا‬ ‫قل يا أيها انلاس إ ِ يِن رسول اللِ إِل‬ “Sabihin, O’ sangkatauhan, ako ang Sugo ng Allah para sa inyong lahat…” Surah al-‘Araf 7:158

ّ ً َّ َ‫َ َ َ ْ َ ْ َ َ لاَّ ا‬ َّ ً ِ‫اس بَش‬ ً‫ريا َونَذِيرا‬ ِ ‫وما أرسلناك إ ِ كفة ل ِلن‬ “At hindi ka Namin isinugo maliban lamang na maghatid ng mabuting balita at bilang tagapagbabala sa lahat ng sangkatauhan.” Surah Saba’ 34:28 Si Propeta Muhammad  ay nagsabi rin na siya ay pinagkalooban ng limang mga bagay na hindi ipinagkaloob sa ibang mga propeta na nauna sa kanya, at ang isa sa mga ito ay nang isugo siya sa lahat ng sangkatauhan.3 4. Kabuuan (Completeness) Ang pagkakatanggap sa pangalawang pagpapahayag ng pananampalataya ay nakasalalay sa pagtanggap ng paniniwala na si Propeta Muhammadr ay naghatid ng buong mensahe na inihayag sa kanya. Dahil sa siya ay malaya sa anumang kamalian pagdating sa kanyang mensahe, ito ay naihatid sa kabuuan nito at walang anuman na nakaligtaan. Inutos ng Allah sa Propeta na ihatid ang lahat ng inihayag sa kanya dahil kung hindi, ang misyon ay maituturing na hindi natupad.

َ ّ َّ َ ْ َ‫َ َ ُّ َ َّ ُ ُ َ ّ ْ َ ُ َ ي‬ ُ‫ت ر َس تَالَه‬ َ ‫ك ِإَون ل َّ ْم َت ْف َع ْل َف َما بَ َّل ْغ‬ ِ ِ ‫نزل إِلك مِن رب‬ ِ ‫يا أيها الرسول بل ِغ ما أ‬ “O’ Sugo! Ihatid kung anuman ang inihayag sa iyo mula sa iyong Panginoon. At kung hindi mo ito ginawa (sa kabuuan nito), hindi mo naihatid ang Kanyang Mensahe.” Surah al-Ma’idah 5:67 5. Katapusan (Finality) Kasama sa pagtanggap sa pangalawang pagpapahayag ng pananampalataya ay ang paniniwala na si Muhammadr ang pangwakas sa pagkapropeta. Hindi na muling magpapadala ang Allah ng panibagong propeta o Sugo matapos siya. Ang kabanata ng banal na kapahayagan ay natapos kasabay ng kanyang pagkamatay. Ang katapusan ng pagkapropeta ay hindi konsepto na nilikha lamang ng mga Muslim matapos ang kapanahunan ng Propeta. 3 Muslim (English Translation), vol. 1 page 264-5, hadith no. 258

24


Malinaw na nasasaad sa Qur’an ang konseptong ito at gayundin ay muling nasabi ng Propeta. Winika ng Allah:

َ َ ْ ُ َ ّ ّ َ َ َ َ ٌ َّ َ ُ‫َّ اَ َ ح‬ َ َ َ َّ‫َّ ُ َ ه‬ َ ‫ات َم انلَّب ّي‬ ‫ني‬ ‫خ‬ ‫و‬ ‫الل‬ ‫ول‬ ‫س‬ ‫ر‬ ‫ن‬ ‫ك‬ ‫ما كن ممد أبا أح ٍد مِن رِجال ِكم ول‬ ِ ِ ِ​ِ “Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, subali’t siya ang Sugo ng Allah at ang panghuli sa mga propeta…” Surah al-Ahzab 33:40 At kahit na ang Propeta sa kanyang sarili ay nagpatunay mula sa mga salaysay na naitala na siya ang panghuli sa mga propeta.4

4 Bukhari (Arabic-English), vol. 4, p. 439 hadith bilang 661, at Muslim (English Translation), vol. 4 p. 1284, hadith bilang 5914 at p. 1235 hadith bilang 5673-8

25


ARALIN – 5

SALAH (PAGDARASAL) Ang Limang (5) Tungkuling Salah: 1. 2. 3. 4. 5.

Al-Fajr – salah sa madaling-araw Ad-Dhuhur – salah sa tanghali Al-‘Asr – salah sa hapon Al-Maghreb – salah pagkalubog ng araw Al-‘Isha – salah pagsapit ng gabi

Ang kahulugan ng pagtatag ng pagdarasal Ang pagsamba sa Allah, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagdarasal sa mga itinakdang oras nito. Ang batayan mula sa salita ng Allah:

َّ‫َ َ ُ ُ لا‬ َّ‫ه‬ َ‫الز اَكة‬ ْ َّ ‫يموا‬ َ ‫الل خُمْل ِص‬ ُ ّ ‫ني هَ ُل‬ َ ُ َّ ‫الصلاَ ةَ َو ُي ْؤتُوا‬ ُ ِ‫ِين ُح َن َفاء َو ُيق‬ َ ‫ادل‬ َ ‫وما أمِروا إ ِ يِلعبدوا‬ ِ ْ َ َ ُ َ َ ‫وذل ِك د‬ ِ‫ِين الق ّي ِ َمة‬ “At hindi sila pinag-utusan maliban sa sila ay sumamba lamang sa Allah, (maging) tapat sa Kanyang relihiyon na matuwid, at magsagawa ng pagdarasal (salaah) at magbigay ng Zakat (kawanggawa). Ganito ang tunay na relihiyon (pananampalataya)” Surah Al-Bayyinah 98:5 Ang batas sa sinumang taong hindi naniniwala sa tungkulin ng pagsaSalah: Ka’ffir – tunay na hindi mananampalataya sa Allah.

ZAKAT (KAWANGGAWA) Ang Kahulugan ng Pagbibigay ng Zakaat Ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagbibigay ng nabanggit na bahagi ng kayamanan sa itinakdang panahon; at ito ay ibibigay sa mga 26


taong nararapat pagbigyan. Ang batayan sa pagiging tungkulin sa pagbibigay ng Zakat mula sa salita ng Allah:

َ ُ َ‫َّ لاَ َ َ ُ َّ اَ َ َ َ ُ َّ ُ َ َ َ َّ ُ ْ ُ ْ م‬ ُ ‫َوأَق‬ ‫حون‬ ‫ِيموا الص ة وآتوا الزكة وأطِيعوا الرسول لعلكم تر‬ “At itatag ninyo ang pagdarasal (salaah) at magbigay kayo ng Zakat at sundin ninyo ang Sugo upang kahabagan kayo ng Allah” (Surah An-Noor 24:56)

SAWM (PAG-AAYUNO) Ang Kahulugan ng Sawm: Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadhan Ang pagsamba sa Allah, sa pamamagitan ng pag-iwas sa anumang uri ng pagkain at inumin mula sa pagbubukang liwayway hanggang takip-silim. Ang batayan ay mula sa salita ng Allah:

َ‫َ َ ُّ َ ذَّ َ َ ُ ْ ُ َ َ َ ْ ُ ُ ّ َ ُ َ َ ُ َ لَى‬ َ ُ َّ َ ُ َ ‫ع ذَّال‬ ‫ِين مِن قبْل ِك ْم ل َعلك ْم‬ ‫الصيام كما كتِب‬ ِ ‫يا أيها الِين آمنوا كتِب عليكم‬ َ ُ َ ‫ت َّتقون‬ “O kayong mga mananampalataya ang pag-aayuno ay ipinag-utos sa inyo, katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang (sa gayun ay) magkaroon kayo ng takot sa Allah” Surah Al-Baqarah 2:183 Ang batas sa sinumang hindi naniniwala sa pagiging tungkulin ng pagaayuno: Ka’ffir – tunay na hindi mananampalataya.

HAJJ (PAGLALAKBAY SA MAKKAH) Ang Kahulugan ng Pagsasagawa ng Hajj Ang pagsamba sa Allah sa itinakdang panahon na ang layunin ay ang pagpunta sa Baitulllahil Haram (Makkah) upang isagawa ang mga alituntunin ng Hajj. 27


Ang batayan sa pagiging tungkulin ng pagsasagawa ng Hajj:

ْ‫ب‬ َ‫للِهّ لَى‬ َ َ‫َ َ َ ا‬ ُ َ َّ ٌ َ ّ َ ٌ َ َ ‫ام إب ْ َراه‬ ِ َّ‫ِيم َو َمن دخل ُه كن آم ًِنا َو ِ ع انل‬ ‫ت َم ِن‬ ِ ْ‫اس ح ُِّج الَي‬ ِ ‫فِيهِ آيات بيِـنات مق‬ ً َ ْ َ‫ْ َ َ َ ي‬ َ َ ‫ن َعن الْ َعالَم‬ َ ‫يال َو‬ ٌّ ‫ك َف َر فَإ ِ َّن اهلل َغ‬ ‫ني‬ ‫ن‬ ‫م‬ ِ ِ ‫استطاع إِلهِ سب‬ ِ‫ي‬ ِ “At ang Hajj (paglalakbay sa Makkah) sa Bahay (Ka’bah) ay isang tungkulin na nararapat gawin para sa Allah, yaong may kakayahang pananalapi (para sa paglalakbay, pagkain at matitirahan); at sinuman ang hindi maniwala, katotohanan ang Allah ay hindi nangangailan ng anuman sa Al-Alamin (tao, jinn at lahat ng mga nilikha).” Surah Al-Imran 3:97 Ang batas sa mga taong hindi nila pinaniniwalaan ang pagiging tungkulin ng pagsasagawa ng Hajj: Ka’ffir- tunay na hindi mananampalataya.

28


ARALIN – 6

ANG MGA HALIGI NG PANANAMPALATAYANG ISLAM Ito ay ang mga sumusunod: 1. 2. 3. 4. 5. 6.

Paniniwala sa Kaisahan ng Allah. Paniniwala sa Kanyang mga Anghel. Paniniwala sa Kanyang mga Kapahayagan. Paniniwala sa Kanyang mga Sugo. Paniniwala sa Huling Araw. Paniniwala sa Tadhana o Kahihinatnan.

PANINIWALA SA KAISAHAN NG ALLAH (TAWHID)

Ang paniniwala sa Kaisahan ng Allah sa Kanyang Pagka-Panginoon, sa Kanyang Pagka-Diyos o Pagsamba at sa Kanyang mga Magagandang Pangalan at Katangian. Ang kahulugan ng Tawhid ay ang Kaisahan ng Allah sa pagsamba at ito ang mensahe ng lahat ng mga Propeta na ipinadala ng Allah sa Kanyang mga alipin, winika ng Allah:

ُ َّ ْ ُ َ ْ َ ّ‫لُ ّ ُ َّ َّ ُ ً َ ْ ُ ُ ْ َه‬ َ‫اغوت‬ َْ َ َ ْ َ​َ​َ ‫ك أم ٍة رسوال أ ِن اعبدوا الل واجتنِبوا الط‬ ِ ‫ولقد بعثنا يِف‬ “Katotohanan, Kami ay nagpadala sa bawa’t mamamayan ng isang Sugo upang ipahiwatig sa kanila na sambahin lamang ang Allah at iwasan ang taghoot” Surah An-Nahl 16:36 Mga Paalala: 1. Hindi maaaring magkaroon ng Tawhid ang isang tao hangga’t hindi niya ginagawang isa ang Allah sa lahat ng uri ng kanyang pagsamba. 2. Isa sa malaking biyaya ng Allah sa Kanyang nilalang ay ang Kanyang pagpapadala ng mga Sugo upang mapatnubayan ang mga tao sa tuwid na landas. 3. Ang mga Propeta ay nag-anyaya sa lahat tungo sa Tawhid 29


(Kaisahan ng Allah) at nagbawal sa pagtatambal. Ang Tawhid ay mayroong tatlong Uri: 1. Tawhid Ar-Rububiyyah; Kaisahan sa pagka-Panginoon 2. Tawhid Al-Uluhiyyah; Kaisahan sa pagsamba 3. Tawhid Al-Asma’ Wa Sifat; Kaisahan sa mga Pangalan at Katangian

TAWHID AR-RUBUBIYYAH Ang Kaisahan ng Allah sa Kanyang Pagkapanginoon. Ito ay ang paniniwala sa Kaisahan ng Allah, sa Kanyang mga gawa katulad ng paglikha, pagbigay ng panustos at pagpapanatili sa mga ito, pagbibigay biyaya, halimbawa ay ulan atbp. Ang batayan mula sa salita ng Allah:

ْ‫ح‬ َ ‫ال ْم ُد هّللِ َر ّب الْ َعالَم‬ َ ‫ني‬ ِ ِ “Ang lahat ng papuri ay nauukol lamang sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha (tao, mga jinn at lahat ng nananatili - nakikita man o hindi)” Surah al-Fatiha 1:2 Ako ay naniniwala na ang Allah lamang ang Siyang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan at wala nang ibang makalilikha nito maliban lamang sa Kanya. At ako ay naniniwala na ang Allah lamang ang Siyang nagbibigay panustos sa lahat ng Kanyang nilikha, at wala nang iba pang makapagbibigay panustos sa kanila maliban lamang sa Kanya. At ako ay naniniwala na tanging ang Allah lamang ang nagbibigay ng buhay at bumabawi ng buhay, at wala nang iba pang makapagbibigay buhay sa kanila maliban lamang sa Kanya. Noong panahon ng Sugo ng Allah (saw), ang mga di-mananampalataya ay naniniwala rin sa Kaisahan ng Allah. Subali’t sila ay hindi pinalad na makapasok sa Islam. Ipinahintulot ng Allah ang pakikipagdigma sa kanila 30


at ang pagkuha ng kanilang mga ari-arian. Ang batayan ay ang salita ng Allah:

ُ ُ​ُ َْ َ ُْ َّ ‫الس َماء َواألَ ْر ِض أَ َّمن َي ْمل ُِك‬ َّ ‫كم ّم َِن‬ َ ‫الس ْم َع واألَب ْ َص‬ َّ َ‫ار َو َمن خُيْر ُج الْ ي‬ ‫قل من يرزق‬ ‫ح‬ ِ َ َ ْ ْ ْ ُ َ ّ َْ َ َ ُ َ َ َ ْ ُ َ ّ‫َ ُ ُ َ ُه‬ َ ‫خر ُج ال َم َّي‬ ّ َ‫ت م َِن ال ي‬ ‫ح َو َمن يُ َدبّ ِ ُر األ ْم َر ف َس َيقولون الل فقل أفال ت َّتقون‬ ِ ِ ‫مِن المي‬ ِ ِ ‫ت وي‬ “Sabihin mo (Muhammad) [sa kanila], sino ang nagbibigay ng biyaya sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at paningin? At sino ang makapagbibigay buhay sa patay at makapagdudulot ng kamatayan sa nabubuhay? At sino ang namamahala sa lahat ng pangyayari? Kanilang sasabihin: “Ang Allah.” Sabihin: ‘Hindi pa ba kayo matatakot sa pagbibigay katambal sa pagsamba sa Allah?” Surah Yunus 10:31 at winika ng Allah:

َ َ َ ُ ُ َ ‫قُل ل ّ َِمن الأْ َ ْر ُض َو َمن ف‬ ‫نت ْم ت ْعل ُمون‬ ‫ِيها إِن ك‬ ِ “Sabihin mo (O Muhammad) [sa kanila], sino ang magmamay-ari ng kalupaan at ang mga nilalaman nito kung sakaling alam ninyo” Surah Al-Mu’minun 23:84

‫ُون‬ ِ َّ‫ون لِه‬ َ ‫ل قُ ْل أَ َف اَل َت َذ َّكر‬ َ ُ‫َس َيقُول‬ “Tiyak na ang kanilang sasabihin: Ito ay sa Allah! Sabihin: Hindi ba ninyo naaalala?” Surah Al-Mu’minun 23:85

‫ش ْال َعظِ ِيم‬ ِ ‫قُ ْل َمن رَّ بُّ ال َّس َم َاوا‬ ِ ْ‫ت ال َّسب ِْع َو َربُّ ْال َعر‬ “Sabihin: Sino ang Panginoon ng pitong kalangitan, at ang Panginoon ng Dakilang Trono?” Surah Al-Mu’minun 23:86

َ ُ َّ َ َ‫َ َ ُ ُ َ للِهَّ ُ ْ َ َلا‬ ‫سيقولون ِ قل أف تتقون‬ “Kanilang sasabihin: Ang Allah. Sabihin: Hindi pa ba ninyo katatakutan ang Allah?” Surah Al-Mu’minun 23:87 31


َ ُ َ ُ‫ُ ْ َ َ َ َ ُ ُ لُ ّ يَ ْ َ ُ َ جُ ُ َ لاَ ج‬ َ َ َ ُ ُ ‫نت ْم ت ْعل ُمون‬ ‫ار َعليْهِ إِن ك‬ ‫يري و ي‬ ِ ‫ك ش ٍء وهو‬ ِ ‫قل من بِي ِده ِ ملكوت‬ “Sabihin: Sa Kaninong Kamay makapangyayari ang lahat ng bagay? Pinangangalagaan Niya ang lahat subali’t liban sa Kanya ay walang makapangangalaga, kung inyong nalalaman?» Surah Al-Mu’minun 23:88

َ ُ َ ْ ُ َّ‫َ َ ُ ُ َ للِهَّ ُ ْ َ َ ى‬ ‫سيقولون ِ قل فأن تسحرون‬ “Kanilang sasabihin: Sa Allah lamang. Sabihin: Papaano kayo nalinlang at tumalikod mula sa katotohanan?” Surah Al-Mu’minun 23:89 Mga Paalala: 1. Ang Kaisahan ngAllah sa Kanyang mga gawa ay nangangahulugan ng paniniwala na ang Allah lamang ang lumikha at nagbigay ng biyaya at Siya lamang ang bumubuhay at bumabawi ng buhay at iba pang Kanyang mga gawa. 2. Ang mga kuffar (di-mananampalataya) nang dumating sa kanila ang Sugo ng Allah (saw) sila’y naniniwala sa Tawhid ArRububiyyah – Kaisahan ng Allah sa Kanyang Pgkapanginoon nguni’t ang kanilang pananampalataya ay walang kabuluhan dahil itinakwil nila ang pagsamba sa Allah. 3. Sinuman ang naniniwala na ang Allah ang Siyang lumikha sa kanya at nagbigay ng biyaya sa kanya nguni’t hindi niya sinamba ang Nag-iisang Allah katunayan siya ay mushrik - nagtatambal. ANG TAWHID AL-ULUHIYYAH Ang pangalawang Uri ng Tawhid: Tawhid Al-Uluhiyyah – Kaisahan ng Allah sa Pagsamba o Pagka-Diyos.: Ang Kaisahan ng Allah sa mga gawa ng tao na kanilang iniaalay sa Allah, katulad ng panalangin, pangako, pagsasakripisyo, paghingi, pagkatakot, pagmamahal, paggalang, pagpapakupkop, pagpapatulong, pagpapakumbaba, atbp. Sa Tawhid na ito nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao 32


at ang mga Propeta sa makauna at makabagong panahon. May mga taong nagsasabi na kung nais mong dumaing sa direktor ng kumpanya, bilang isang manggagawa ay hindi ka maaaring dumiretso sa kanyang opisina. Kinakailangang makipag-ugnayan ka sa iyong supervisor na magdudulog ng iyong hinaing sa manager, kung saan siya ang magdudulog naman nito sa direktor para sa iyo. Sa magkahalintulad na pagkakataon, mas mabuti na manawagan sa sinumang malapit sa Diyos, katulad ng mga propeta o mga santo, upang magdala ng iyong panalangin. Ang ganitong uri ng paniniwala ay ginagawa ang Allah na kahalintulad ng mga tao na nangangailangan ng tagapamagitan. Subali’t ang Allah ay naiiba, naririnig at nalalaman Niya ang lahat ng bagay, kaya’t hindi kailangan ng kahit na sino na magdadala ng ating panalangin para sa Kanya. Winika ng Allah sa Qur’an:

َ ُ ُ َ َ ُ ْ َ ْ َ َ َّ‫َ ْ َ ْ َ ُ ْ َّ ذ‬ َ ُ ْ ُ ُ ُّ َ َ َ َ ‫بون ع ْن ع َِباد يِت َس َي ْدخلون‬ ِ‫جب لكم إِن الِين يستك ر‬ ِ ‫ون أست‬ ِ‫وقال ربكم ادع ي‬ َ ‫َج َه َّن َم َداخِر‬ ‫ين‬ ِ “At ang inyong Panginoon ay nagwika: manalangin kayo sa Akin at diringgin Ko kayo. Katotohanan, sinumang humamak sa pagsamba sa Akin ay katiyakang papasok nang kahiya-hiya sa Impiyerno” Surah Ghafir 40:60 Samakatuwid, ang manalangin kay Propeta Muhammadr o iba pang matutuwid na tao na tinatawag ng iba na mga “Santo”, na umaasang ang kanilang mga panalangin ay aabot sa Allah at diringgin sa pamamagitan nila ay isang Shirk, ang pinakamalaki sa lahat ng mga kasalanan. Dapat nating alalahanin na ang pagsamba ay hindi lamang ang ating mga panalangin. Kung susundin natin ang sinuman na gumagawa ng Halal (pinahihintulutan) kung ano ang ginawa ng Allah na Haram (ipinagbabawal) o ang kabaligtaran, sinasamba rin natin sila. Ang patunay nito ay mula sa hadith na iniulat ni ‘Adiy ibn Hatim na narininig niya ang Propetar na binigkas ang talata.

ّ‫ه‬ ُ ّ ً َ ْ َ ْ ُ َ َ ْ ُ َ ْ ُ َ َ ْ َ ْ ُ َ َّ‫خ‬ ِ‫ون الل‬ ِ ‫اتذوا أحبارهم ورهبانهم أربابا مِن د‬ “Ginawa nila ang kanilang mga Rabbis at Monghe bilang mga panginoon kasama ng Allah” Surah At-Tawbah 9:31 33


Sinabi ni ‘Adiy Ibn Hatim, “Hindi namin sila sinasamba.” Sinabi ng Propeta : “Hindi ba nila ginawang Haram kung ano ang ginawa ng Allah na Halal5 at ginawa ninyong lahat ito na Haram, at ginawa nilang Halal kung ano ang ginawa ng Allah na Haram6 at ginawa ninyo itong Halal?” Siya ay sumagot, “Siyanga.” At sinabi ng Propeta , “Iyan ang pagsamba ninyo sa kanila.” Tirmidhi Paalala: Ang Tawhid Al-Uluhiyyah – Kaisahan ng Allah sa Pagsamba - ito ang dahilan kung bakit ipinadala ang mga Sugo at ipinahayag ang mga Aklat at dito nag-umpisa ang lahat ng mga Sugo sa kanilang pag-anyaya katulad nang sinabi nina Propeta Noah, Hud, Saleh, Shuaib, (a.s.w.)

ُ َ َ َ َّ‫َ َ ْ ِ ْ ُ ُ ْ ه‬ ُ ْ‫كم ّم ِْن إ هَ ٍل َغ ر‬ ُ‫يه‬ ‫يا قوم اعبدوا الل ما ل‬ ِ “O aking mamamayan, sambahin ang Allah! Wala kayong ibang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya” Surah Al-‘Araf 7:59 Ang panalangin ay ang pinakamahalaga sa lahat ng uri ng Tawhid at pagsamba kung kaya ang Allah ay nagwika:

َ َ ُ ْ َ ْ َ َ َّ‫َّ ذ‬ َ ‫بون ع ْن ع َِبادت‬ ِ‫إِن الِين يستك ر‬ “Katiyakan, sila na masyadong nagmamalaki para sa pagsamba sa Akin… “ Surah Ghafir 40:60 Ay ang panalangin batay sa unang talata nito. { ‫{ } ْادعُونِي‬Manalangin kayo sa akin.}

34

Ipinagbawal ng ibang mga pinuno ng mga Kristiyano ang pag-aasawa nang higit sa isa, pag-aasawa 5 sa pinsan, pag-aasawa ng mga pari, at ang diborsiyo. Pinahintulutan ng ibang mga pinuno ng mga Kristiyano ang pagkain ng karne ng baboy, pag-inom 6 ng alak, at ang paggawa ng mga imahe ng Diyos at ng mga Propeta.


ANG TAWHID AL-ASMA’ WAS-SIFAT Pangatlong uri ng Tawhid: Tawhid al-Asma’ was-Sifat: Kaisahan ng Allah sa lahat ng Kanyang mga Pangalan at Katangian. Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan sa Allah ayon sa mga pangalan at katangian na Kanyang inilarawan para sa Kanyang sarili sa banal na Qur’an o sa mga pamamaraan ng paglalarawan ng Propetar. Dahil sa ang Allah ang pinaka-Dakila, ang Kanyang mga pangalan ay tinatawag na alAsma’ al-Husna (Ang Pinakamahusay o Pinakamagandang mga Pangalan). Winika ng Allah sa Qur’an:

َ ُ َّ‫ه‬ ُ ْ‫الل لاَ إ ِ هَ َل إِلاَّ ُه َو هَ ُل الأْ ْس َماء ح‬ ‫ال ْسن‬ “Allah, walang diyos maliban sa Kanya. Siya ang nagtataglay ng pinaka Magandang mga Pangalan “ Surah Ta-Ha 20:8 Ang lahat ng nananatili ay may kanya-kanyang mga katangian at uri kung saan ito nakikilala. Natutuhan natin sa agham na ang mga hayop ay kakaiba sa mga halaman dahil sa mga katangian. Ang mga hayop ay nakagagala at karamihan sa mga ito ay nangangalaga sa kanilang mga supling, samantala ang mga halaman ay walang ganitong mga katangian. Kagaya nito, ang bawa’t Pangalan ng Allah ay naglalarawan ng Katangian na nabibilang lamang sa Kanya. Halimbawa, tinatawag ng Allah ang Kanyang sarili na al-Awwal – ang Una, na nangangahulugan na bago pa ang lahat ay naroroon na ang Allah. Walang sinuman o anuman ang nabuhay o nanatili bago ang Allah, dahil nilikha ng Allah ang lahat. Ang isang magaaral ay maaaring tawagin na una sa klase o nangunguna, subali’t hindi siya maaaring maging una bago ang lahat. Hindi rin maaaring ihalintulad ang mga pangalan ng Allah o di kaya ang Kanyang mga katangian kagaya ng Kanyang mga nilikha. Hindi natin dapat bigyan ng Katangian ang Allah katulad ng Kanyang mga nilikha o kaya ay bigyan natin ang isang nilikha ng katangian katulad ng sa Allah. Winika ng Allah sa Qur’an:

َّ ‫ش ٌء َو ُه َو‬ ُ ‫يع ابلَ ِص‬ ُ ‫الس ِم‬ ْ َ‫لَيْ َس َك ِمثْلِهِ ي‬ ‫ري‬ 35


“Walang anuman na makatutulad sa Kanya, nakikita at naririnig Niya ang lahat.” Surah ash-Shura 42:11 Sa katuruan ng mga Kristiyano at mga Hudyo, nasasaad na ang Allah ay gumugol ng anim na araw sa paglikha ng sanlibutan at pagkatapos ay nagpahinga sa ikapitong araw. Kaya’t ginagawa nila ang Sabado o Linggo bilang araw ng kanilang pagpapahinga na kung saan ang paghahanapbuhay sa araw na ito ay itinuturing na kasalanan. Samantala, sa pagtuturing sa Allah katulad ng mga tao na napapagod sa paggawa at nangangailangan ng pahinga, sila ay nakagagawa ng pinakamalaking kasalanan na Shirk. Sa Qur’an, winika ng Allah:

َ َ ٌ َ ُ ُ ُ ْ َ َ ُ ُّ َ ْ َُّ‫ُهّ َ َ َ َّ ُ َ ْ ي‬ ٌ‫ال نَ ْوم‬ ‫الل ال إِلـه إِال هو الح القيوم ال تأخذه سِنة و‬ “Allah, walang ibang diyos maliban sa Kanya. Ang Laging-Buhay, ang Tagapanatili sa lahat. Hindi Siya napapagod o di kaya ay natutulog….” Surah al-Baqara 2:255 Mga Paalala: 1. Nararapat paniwalaan ang mga Pangalan at Katangian ng Allah. 2. Ang mga Pangalan at Katangian ng Allah ay malalaman mula sa Qur-an at Hadith batay sa pagkakaunawa ng mga mabubuting Salaf- ang mga naunang tao sa Islam.

36


ARALIN – 7 1. PANINIWALA SA KANYANG MGA ANGHEL Sinabi ng Sugo : Ang pananampalataya ay ang paniniwala sa Allah at sa Kanyang mga Anghel, mga Kapahayagan, mga Sugo at paniniwala sa Huling Araw at sa Tadhana - mabuti man o masama. Muslim Ang paniniwala sa pagkakaroon ng mga anghel na siyang mga nilikha sa liwanag na naninirahan sa mga kalangitan. Sinabi ng Propetar: Walang gadangkal na lugar sa kalangitan ang hindi kinaroroonan ng mga anghel na nagsisipagyuko o nagsisipagpatirapa.7 Sila ang mga kagalang-galang na mga alipin ng Allah na buong husay na nagsasagawa ng kanilang mga tungkulin na walang pagtanggi, at walang tigil sa pagpupuri sa Allah, umaga at gabi na walang kapaguran. Hindi sila babae o kaya ay lalake, o di kaya ay kumakain o umiinom. Ang bilang ng mga Anghel: Napakarami ng mga anghel at tanging ang Allah lamang ang nakaaalam ng kanilang bilang. May isang lugar sa ikapitong langit na kung tawagin ay alBait al-Ma’moor (ang Tahanan na laging puno) kung saan ang Propeta  ay nagsabi: “Pitumpung-libong mga anghel ang pumapasok dito araw-araw at wala ni isa man sa kanila ang may pagkakataon na makapasok pang muli.” Maiisip din natin ang dami ng kanilang mga bilang kung isasaalang-alang natin ang katotohanan na ang bawa’t tao ay may nakatalagang anghel upang pangalagaan ang patak ng semilya kung saan nabubuo ang tao, dalawang tagatala ng kanyang mga gawa, at ang iba sa kanila ay upang magbantay at bilang kasama upang igabay siya sa tuwid na landas. Ang kanilang mga pangalan at mga tungkulin: Mayroong mga pangalan ang mga anghel subali’t ilan lamang sa kanila nabanggit sa Qur’an at mga Ahadith: Jibril Ang pinagkatiwalaan ng Allah sa Kanyang banal na Mensahe na inihayag sa mga Sugo. Siya ang espiritu na ipinadala ng Allah kay 7 Ibn Maja at iba pa

37


Maria. Nakita ni Propeta Muhammad  ang tunay na anyo ni Jibril na mayroong anim na raang (600) mga pakpak; at ang bawa’t isa sa mga ito ay humaharang sa kagiliran. (Imam Ahmad) Israfil Ang anghel na iihip sa trumpeta sa unang pagkakataon bilang tanda ng pagwawakas ng buhay dito sa mundo. Malik Ang tagabantay ng Impiyerno. Ang mga tao dito ay tatawagin siya upang sabihin sa Allah na wakasan na ang kanilang mga paghihirap. Ridhwan

Ang tagabantay ng Jannah (Paraiso).

Munkar at Nakeer Ang dalawang anghel na magbibigay ng mga katanungan o pagsubok sa patay sa libingan. Malak al-Mawt Ang Anghel ng Kamatayan na siyang huhugot sa mga kaluluwa ng tao sa sandali ng kanyang kamatayan. Raqeeb at Ateed Ito ay hindi pangalan ng dalawang anghel, subali’t ito ay dalawang pangngalan na nangangahulugan ng tungkulin ng dalawang anghel na ito. Patuloy nilang sinasamahan ang tao. Winika ng Allah:

ْ ُ ْ ُ َ َ َ ّ َ ْ‫ح‬ ْ َ ِْ‫ِيد َما يَلْف ُظ مِن قَ ْول إلاَّ لدَ َ يه‬ ُ ‫نت مِنْ ُه حَت‬ َ ‫ت بِال ِق ذل ِك ما ك‬ ِ ‫َوجاءت َسك َرة ال َم ْو‬ ِ ِ ٍ ٌ ِ ‫ِيب َعت‬ ٌ ‫َرق‬ ‫يد‬ “Kapag ang dalawang anghel na tagapagtala ay magsusulat ng mga gawa ng tao; ang isa ay umuupo sa kanang bahagi at ang isa naman ay sa kaliwa. Wala ni isa mang salita ang kanyang masasabi maliban na may isang tagabantay sa kanya na handang magtala nito.” Surah Qaf 50:18-19 Tagatala ng hinaharap ng isang sanggol (fetus) Si Abu Dhar ay nagsabi: “Narinig ko ang Sugo ng Allah  na nagsabi, makalipas ang 120 gabi na pagkapit ng patak ng semilya sa sinapupunan, ang Allah ay nagpapadala ng anghel upang hubugin ito, at nililikha Niya ang pandinig, paningin, balat, laman at buto. Pagkatapos ay magsasabi ang anghel: ‘O aking Panginoon! Lalaki o babae?’ Ididikta ng Allah sa anghel 38


ang lahat na Kanyang naisin.” Muslim Sa ibang ulat: “Ang Propeta  ay nagsabi, ‘Ang Allah ay nagpapadala ng anghel upang hingahan ito ng buhay, at ididikta sa kanya na itala ang apat na mangyayari; ang mga panustos ng sanggol (fetus), ang itatagal ng buhay, ang kanyang mga kahusayan, at ang kanyang tadhana; maging siya man ay mahirap o masagana.” Ang lahat nang ito ay mangyayari at magaganap habang ang sanggol ay nasa sinapupunan ng kanyang ina. Tagabantay sa tao Ang Allah ay nagwika:

َ ّ‫هَ ُ ُ َ ّ َ ٌ ّ َينْ َ َ ْ َ ْ َ ْ حَ ْ َ ُ َ ُ ْ َ ْ هّ َّ َه‬ َ ُ ّ ‫ال ُي َغ‬ ‫ل مع ِقبات مِن ب ِ يديهِ ومِن خلفِهِ يفظونه مِن أم ِر اللِ إِن الل‬ ‫ي َما بِق ْو ٍم‬ ِ‫ر‬ ُ ْ َ َ ْ ُ ّ َ ُ َّ‫َ ى‬ ّ‫َ َ َ ُه‬ ‫س ِه ْم ِإَوذا أ َراد الل‬ ‫ف‬ ِ ‫حت يغ رِيوا ما بِأن‬ “May mga anghel na mangangalaga sa tao na nasa kanyang likuran at sa kanyang harapan mula sa mga kapahamakan sa pamamagitan ng kapahintulutan ng Allah.” Surah ar-Rad 13:11 Ipinaliwanag ni Ibn Abbas na tinutukoy ng Allah sa talatang ito ang mga anghel na Kanyang itinalaga upang mai-iwas sa kapahamakan ang tao mula sa mga sakuna na nakapalibot sa kanya. Subali’t kapag ang sakuna ay nakatalaga na mangyari sa tao, sa pagkakataong ito ay iniiwanan siya ng tagabantay na anghel upang maganap ang nakatakdang sakuna. Nananalangin para sa mga mananampalataya May iba pang mga anghel na nananalangin para sa mga mananampalataya upang maigabay sila sa tamang landas, at para rin sa mga nagsa-salah ng Jama’ah (sama-sama) sa masjid, at gayun din sa mga taong maagap sa salah. Ang iba sa mga anghel ay nakatayo sa mga pintuan ng masjid at nagtatala ng mga pangalan ayon sa oras ng kanilang pagdating sa pagsasalah ng Jumu’ah kapag Biyernes at kapag ang Imam ay dumating na ay isinasarado na nila ang kanilang talaan. Pinalilibutan ang mga nagdi-Dhikr (nag-aalaala sa Allah) Sinabi ng Propeta : “Mayroong mga anghel ng Allah na nag-iikot upang maghanap ng mga nagdi-Dhikr. At kung mayroon silang natagpuan, kung 39


saan ang mga tao ay nag-aalaala sa Allah, tinatawag nila ang bawa’t isa, ‘Halika, narito ang hinanap mo!’ Sinabi ng Propeta , ‘Pinapalibutan nila ang mga naroroon ng kanilang mga pakpak sa taas ng bawa’t isa hanggang sa maabot nila ang pinakamababang langit (na nagpapahiwatig kung gaano karami ang kanilang mga bilang). Bukhari at Muslim Nararapat na mahalin ng Muslim ang lahat ng mga anghel na walang pagtatangi dahil lahat sila ay mga matatapat na alipin ng Allah. Siya na namumuhi sa isa mga anghel ay namumuhi sa kanilang lahat. Ang batas sa mga hindi naniniwala sa mga Anghel: Ka’ffir – di-mananampalataya dahil pinasisinungalingan nila ang Qur-an at Sunnah.

40


ARALIN – 8

PANINIWALA SA KANYANG MGA KAPAHAYAGAN Isa sa mga pangunahing paniniwala ay ang matapat na paniniwala sa mga Mensahe na ipinadala ng Allah sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo at Propeta, at ang paniwalaan na ito ay kanilang inihayag sa kanilang mga nasasakupan. Pinarusahan ng Allah ang mga naunang mamamayan dahil sa pagtanggi nila sa kanilang mga Propeta at Sugo. Tungkulin natin na maniwala sa lahat ng mga Kapahayagan na walang pagtatangi. Winika ng Allah:

َ َ ْ َ َ ْ َ‫ُ ُ ْ َ َّ هّ َ َ ُ َ يَ ْ َ َ َ ُ َ ى‬ ْ ‫ِيل‬ َ ‫ِإَوس‬ َ‫ح َق َو َي ْع ُقوب‬ ‫نزل إِل إِبراهِيم ِإَوسماع‬ ِ ُ ‫نزل إِلنا وما أ‬ ِ ‫قولوا آمنا ب ِ ُاللِ ومآ أ‬ َ َ َ ْ‫ُ َ ُ ين‬ ْ َ‫وت ُم ى‬ ْ ‫َو‬ َ‫وس َوع ى‬ َ ‫ِيس َو َما أ‬ َ ‫اط َو َما أ‬ ‫وت انلَّب ِ ُّيون مِن َّر ّب ِ ِه ْم ال نف ّ ِرق َب َ أ َح ٍد ّمِن ُه ْم‬ ِ ‫األس َب‬ ِ‫ي‬ ِ‫ي‬ َ‫حَ ْ ه‬ َ ‫َون ُن ُل ُم ْسل ُِمون‬ “Sabihin (O mga Muslim): ‘Naniniwala kami sa Allah at sa kung ano ang ibinaba sa amin, at sa ibinaba kay Ibrahim, Ismail, Ishaq, Ya’qub, at sa alAsbat [ang mga anak ng labindalawang mga anak ni Ya’qub], at sa kung ano ang ibinigay kay Musa at Eissa, at kung ano ang ibinigay sa mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Wala kaming pagtatangi sa sinuman sa kanila kami yaong mga Muslim.” Surah al-Baqarah 2:136 Mayroong mga anyo ng kapahayagan na binanggit ng Allah ang pangalan sa Qur’an katulad ng Kalatas ni Ibrahim, ang Torah ni Musa, ang Zaboor ni Dawud, ang Ebanghelyo ni Eissa, at ang Qur’an na inihayag kay Muhammadr. May iba pang mga Kasulatan na inihayag ng Allah sa Kanyang mga Sugo subali’t hindi na binanggit sa Qur’an. Paniwalaan natin kung ano ang inihayag sa mga naunang kapahayagan at tungkulin ng mga mamamayan, kung kanino ipinadala ang mga Aklat na ito, na kanilang panghawakan. Paniwalaan din natin na ang mga Banal na Aklat ay nagtataguyod sa bawa’t isa at nagpapatunay sa katotohanan ng mga ito. Gayunpaman, dapat din nating paniwalaan na ang bawa’t nahuling aklat ay nagpapawalang bisa sa mga nakatakdang batas ng mga nauna, bahagi man o kabuuan nito. Sinabi ni Eissa sa angkan ng Isra’il: 41


َّ‫َ ذ‬ ُ َ ُ َ َّ ُ َّ ‫َو ُم َص ّدِقًا ل ّ َِما َبينْ َ يَ َد َّي م َِن‬ ‫اتل ْو َراة ِ َولأِ حِل لكم َب ْعض الِي ُح ّ ِر َم َعليْك ْم‬ ّ‫َ ّ َّ ّ ُ ْ َ َّ ُ ْ َه‬ ُ ُ ‫الل َوأَط‬ َ ‫ون‬ ‫ِيع‬ ‫جئْ ُتكم بِآي ٍة مِن ربِكم فاتقوا‬ ِ ِ ‫و‬ “Ako ay naparito upang patunayan kung ano ang nauna sa akin mula sa Tawrat, at upang pahintulutan kung ano ang bahagi na ipinagbawal sa inyo, at ako ay naparito na may dalang patunay mula sa inyong Panginoon. Kaya’t matakot sa Allah at sundin ninyo ako.” Surah al-‘Imran 3:50 Batay dito ang Qur’an bilang pinakahuling kapahayagan ay nagpawalang bisa rin sa maraming mga nakatakdang batas na napapaloob sa Torah at Ebanghelyo. Winika ng Allah:

ْ‫َّ ْ َ َ ج‬ َّ‫ُ ّ َّ ذ‬ ْ َ ُ َ ُ َ‫ج‬ َ ُ َّ َ ُ َّ َ َ َّ‫ذ‬ ُ َ ُ ً ْ َّ َّ‫ول انل‬ ِ ‫يل‬ ‫ن‬ ‫اإل‬ ‫و‬ ‫ة‬ ‫ا‬ ‫ر‬ ‫و‬ ‫اتل‬ ‫ف‬ ‫م‬ ‫ه‬ ‫ِند‬ ‫ع‬ ‫ا‬ ‫وب‬ ‫ت‬ ‫ك‬ ‫م‬ ‫ه‬ ‫ون‬ ‫د‬ ‫ي‬ ‫ِي‬ ‫ال‬ ‫م‬ ‫األ‬ ‫ب‬ ‫الِين يتبِعون الرس‬ ِ‫ي‬ ِ‫ي‬ ِ ِ ِ ِ ْ‫خ‬ ِ‫ي‬ ْ ْ ُ ُ َُْ َ َ َ ُّ َ َ​َ ُ ْ َ ُّ َ َُ ُ ََْ​َ َ ْ َّ ُ َ ْ ُ ّ َ َ ُ ُ ُ ‫ات ويح ِرم علي ِهم البآئِث‬ ِ ‫يأمرهم بِالمعر‬ ِ ‫حل لهم الطيِب‬ ِ ‫وف وينهاهم ع ِن المنك ِر وي‬ َ َّ‫ذ‬ ْ َّ َ َ َ ْ َ‫ا‬ ْ َ‫ص ُه ْم َواألغالل الت كن‬ َ ‫ِين‬ ُ‫صوه‬ َ ‫ت َعليْه ْم فَال‬ َ ْ‫َو َي َض ُع َعنْ ُه ْم إ ر‬ ُ َ‫آم ُنوا بهِ َو َع َّز ُروهُ َونَ ر‬ ِ ِ ِ ُ ِ‫ُي‬ َّ‫ذ‬ ْ ْ َ َ ْ َ ُ َ َ ُّ ُ َ َّ َ َ ‫نزل َم َع ُه أ ْولـئِك ه ُم ال ُمفل ُِحون‬ ِ ‫واتبعوا انلور الِي أ‬ “Sila na sumunod sa Sugo, ang Propeta na hindi makabasa o makasulat, na kanilang nakita na nakasulat sa Tawrat at sa Ebanghelyo na siya ay nag-uutos sa kanila ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan; pinahintulutan sa kanila ang mga dalisay na bagay at ipinagbawal ang marurumi; pinagaan ang kanilang mga pananagutan at pinalaya sila sa mga hadlang na nasa kanila. Kaya’t sinuman ang naniwala sa kanya at sumunod sa liwanag na ipinadala sa kanya, sila yaong mga matagumpay.” Surah al-‘Araf 7:157 Ang batas – sinumang tao na hindi naniniwala o tumatanggap sa alinman sa mga Kapahayagang nagmula sa Allah: Ka’ffir – di-mananampalataya dahil sa kanilang pagsisinungaling sa Qur-an at Sunnah.

PANINIWALA SA KANYANG MGA SUGO Ang tunay na paniniwala na ang Allah ay nagpadala sa lahat ng pamayanan 42


ng Sugo na nagmula sa kanila upang hikayatin sila na sumamba lamang sa Nag-iisang Allah at huwag magtambal sa Kanya. Winika ng Allah:

ُ َّ ْ ُ َ ْ َ ّ‫لُ ّ ُ َّ َّ ُ ً َ ْ ُ ُ ْ َه‬ َ ‫اغ‬ َْ َ َ ْ َ​َ​َ ‫وت‬ ‫ك أم ٍة رسوال أ ِن اعبدوا الل واجتنِبوا الط‬ ِ ‫ولقد بعثنا يِف‬ “At katotohanang Kami ay nagpadala ng Sugo sa bawa’t Pamayanan upang sambahin lamang ang Allah at iwasan ang Ta›ghoot- pagsamba sa mga diyus-diyusan” Surah An-Nahl 16:36 Ang lahat ng mga Sugo ay makatotohanan at naghatid sa kanilang mga pamayanan ng Mensahe na ipinadala sa kanila ng Allah. Nagpadala ang Allah ng maraming mga Sugo kung saan ang bilang nila ay tanging Siya lamang ang nakakaalam. Ang habag ng Allah at ang Kanyang kaalaman ay nangangailangan ng pagpapadala ng mga Sugo sa sangkatauhan upang sambahin lamang Siya. Hindi niya itinalaga ang kanyang mga nilikha na walang pangyayarihan. Samakatuwid ang paniniwala sa Allah ay kinakailangang maniwala sa Kanyang mga Sugo. Iwinawaksi ng Allah ang naniniwala sa Kanya subali’t hindi naman naniniwala sa Kanyang mga Sugo:

ُْ َ ُ ُ ّ‫َّ ذَّ َ َ ْ ُ ُ َ هّ َ ُ ُ َ ُ ُ َ َ َ ُ ْ ينْ ه‬ ‫يدون أن ُيف ّ ِرقوا َب َ اللِ َو ُر ُسلِهِ َويقولون نؤم ُِن‬ ‫إِن الِين يكفرون بِاللِ ورسلِهِ وي ِر‬ ُ ُْ َ َ ُ َ‫َ ُ ُ َ َ َ َّ ُ ْ َينْ َ َ َ َ ً ْ َ َ ُ ُ ْ ا‬ ْ ْ ‫خذوا ب ذل ِك سبِيال أولـئِك هم الكف ِرون‬ ِ ‫ب ِ َبع ٍض َونكف ُر ب ِ َبع ٍض وي ِريدون أن يت‬ ً‫ين َع َذابًا ُّمهينا‬ َ ‫َح ًّقا َوأَ ْع َت ْدنَا ل ِلْ اَكف ِر‬ ِ ِ “Katotohanan, yaong mga hindi naniniwala sa Allah at Kanyang mga Sugo at naghahangad na gumawa ng pagkakaiba sa pagitan ng Allah at ng Kanyang mga Sugo (ang maniwala sa Allah at hindi paniwalaan ang Kanyang mga Sugo) na nagsasabing – ‘Pinaniniwalaan namin ang ilan subali’t hindi namin tinatanggap ang iba’ – at naghahangad na magangkin ng ibang paniniwala sa pagitan nito. Sa katotohanan sila ay mga hindi mananampalataya. At Kami ay naghanda sa kanila ng kahiya-hiyang parusa.” Surah an-Nisa’ 4:150-151

43


Ang una at huling sugo: Ang mga Muslim ay kinakailangang maniwala sa lahat ng mga Propeta at Sugo. Sinuman ang magtakwil sa isa sa kanila ay nagtatakwil sa lahat. Ang mga Sugo ay napakarami nguni’t ang unang Sugo ay si Noah at ang huli sa kanila ay si Muhammadr at ang pinakamainam sa kanila ay ang mga Ul Al-Adhim na sila: Noah, Ibrahim, Musa, Issa at Muhammadu. Ang batas sa sinumang pinasisinungalingan ang mga sugo at ang iba sa kanila: Ka’ffir- di mananampalataya dahil pinasisinungalingan nila ang Qur’an at Sunnah at nararapat na sundin ang anumang ipinahayag ni Muhammad . Ang pagsagawa sa anumang dala ni Muhammad  ay Wajib (kinakailangan), ayon sa winika ng Allah:

ُ َ َ َ َ ُ ُ ُ َ ُ ُ َّ ُ ُ َ َ َ َ َ‫اك ْم َعنْ ُه ف‬ ‫انت ُهوا‬ ‫وما آتاكم الرسول فخذوه وما نه‬ “At anuman ang ibinigay sa inyo ng sugo – Muhammad (saw) ay kunin ninyo at anuman ang ipinagbabawal niya sa inyo ay iwasan ninyo” Surah Al-Hashr 59:7 Walang isa man sa mga Propeta at Sugo ang nagtataglay ng mga banal na katangian. Silang lahat ay mga tao. Itinangi sila ng Allah sa pamamagitan ng pagbibigay tungkulin sa kanila bilang mga Propeta at Sugo at inalalayan sila sa pagbibigay ng mga himala sa kanila. Wala silang mga kaalaman tungkol sa al-ghaib (ang hindi nakikitang mundo) maliban lamang sa mga inihayag sa kanila ng Allah. Wala silang kapangyarihan na magbigay biyaya o makasakit ng iba, o di kaya ay kabahagi sa kapangyarihan ng Allah.

44


ARALIN – 9

PANINIWALA SA HULING ARAW Kinakailangan sa isang Muslim na maniwala sa katotohanan ng lahat ng winika ng Allah, at lahat ng sinabi ng Kanyang Sugor tungkol sa kamatayan, ang pagbibigay katanungan sa libingan at ang mga kaparusahan dito, Pagkabuhay na muli, ang Pagtitipon, ang pagtutuos sa mabuti at masamang nagawa, ang Tulay sa ibabaw ng Impiyerno, ang Timbangan, Paraiso, Impiyerno, at lahat ng mga mangyayari sa Araw ng Paghuhukom.

Mga Palatandaan ng Huling Araw Tanging ang Allah lamang ang nakababatid sa pagsapit ng oras ng Huling Araw: “Ang mga tao ay nagtatanong sa iyo tungkol sa Oras, sabihin: ‘Ang kaalaman nito ay tanging sa Allah lamang. Ano ang nalalaman mo? Maaaring ang Oras ay malapit na!’” Surah al-Ahzab 33:63 Sinabi ng Sugo ng Allahr na mayroong dalawang palatandaan ang Huling Araw – Maliliit at Pangunahin. Maliliit na Palatandaan Maraming maliliit na palatandaan ang Huling Araw katulad ng: ang misyon ng Propeta Muhammadr, ang pagbuga ng apoy sa Probinsiya ng Hijaz (ang lupang kinaroroonan ng Makkah at Madinah), ang pagikli ng oras, ang pagsasalita ng mga walang buhay na bagay, mga aliping babae na magbibigay anak sa kanilang amo, paligsahan ng mga pastol sa pagpapatayo ng matatayog na mga gusali, pasikatan ng mga tao sa pagpapatayo nang naggagandahang mga masjid, paglaganap ng gulo, pagdami ng bilang ng mga massaker, paglaganap ng pangangalunya at pag-inom ng alak.

Pangunahing Palatandaan 1. Ang pagdating ng Dajjal (Bulaang-Mesiya) - ang impostor na 45


mag-aangkin bilang diyos. Ang kanyang mga tagasunod ay karaniwang mga Hudyo. Lalakbayin niya ang buong mundo, maliban lamang sa Makkah at Madinah, na binabantayan ng mga anghel. Ang Dajjal ay isang malaking pagsubok, dahil mauutusan niya ang langit upang magbuhos ng ulan at ang lupa upang magbunga ng mga pananim. Nagbabala ang Propetar laban sa pagsunod at paniniwala sa kanya. 2. Ang pagbaba ni Eissa (Hesus) mula sa langit patungong Damascus (Kabisera ng Syria). Papatayin niya ang Dajjal, hihikayatin ang mga tao sa Islam, sisirain niya ang krus, papatayin ang baboy, itatakwil ang jizyah (ang bayad na itinakda sa mga Hudyo at Kristiyano sa lugar ng mga Muslim para sa kanilang pangangalaga), mamamatay si Eissa sa bandang huli at ang mga Muslim ay magsasagawa ng salatul janazah (salah sa patay) para sa kanya. 3. Ang paglitaw ng Ya’jooj at Ma’jooj (Gog at Magog), ang dalawang dambuhalang taong bansa na maghahasik ng pagkawasak sa mundo. Si Eissa at ang mga mananampalataya na nasa kanilang taguan, ay mananalangin sa Allah upang wakasan ang mga ito, at sila ay pakikinggan ng Allah. 4. Ang paglitaw ng Halimaw ng Lupa ilang sandali bago ang Huling Araw. Ito ay makikipag-usap sa mga tao at magbibigay babala sa kanila tungkol sa pagsapit ng mga kaparusahan at pagkawasak. Winika ng Allah: “At kapag ang hatol ay naipataw na laban sa kanila, maglalabas Kami ng isang halimaw mula sa lupa upang magbigay babala na ang mga tao ay nag-aalinlangan tungkol sa Aming mga tanda.” Surah an-Naml 27:82 Ang pagsikat ng araw mula sa Kanluran. Sa pagkakataong ito lahat ng mga hindi Muslim ay magpapahayag ng kanilang paniniwala sa Allah, subali’t ang lahat ay huli na dahil ang paniniwala sa sandaling ito ay hindi na makatutulong sa taong hindi naniwala ‘nung una, o di kaya ay pakinabangan ang kanyang paniniwala. May iba pang mga palatandaan na ipinahiwatig ang Sugo ng Allahr na nasasaad: 46


Araw ng Pagkabuhay na muli Ang mundong ito ay magwawakas sa pamamagitan ng unang pag-ihip ng Trumpeta. Isinalarawan ng Allah ang pangyayari:

َ َ َّ‫لأْ َ ْ لا‬ َ ُ َّ ُ ُ َّ‫ه‬ ُّ ‫َونُف َخ ف‬ َّ ‫الصور فَ َصعِ َق َمن ف‬ َ ‫الس َم‬ ‫ات َو َمن يِف ا ر ِض إ ِ من شاء الل ثم نفِخ‬ ِ ‫او‬ ِ‫ي‬ ِ‫ِ ي‬ ِ َ َ ْ‫لأ‬ ْ َ َ َ ْ‫ُ ْ َ َ ُ َ ٌ َ ُ ُ َ َ ر‬ ُ ْ ُ ّ َ ُ ‫ض َع الك َِت‬ َ َ ُ َ‫اب َو يِجء‬ ِ ‫ت ا رض بِنورِ ربِها وو‬ ِ ‫فِيهِ أخرى فإِذا هم قِيام ينظرون وأشق‬ ْ‫ح‬ َ‫لا‬ َ ُّ َ َ ّ َّ ْ َ ُ َ ُ َ ْ َ َ ِ‫الش َه َداء َوقُ ي‬ ‫بِانلبِيِني و‬ ‫ال ّ ِق َوه ْم ُيظل ُمون‬ ِ ‫ض بينهم ب‬ “At ang Trumpeta ay hihipan, at ang lahat nang nasa mga kalangitan at sa lupa ay labis na masisindak maliban lamang sa mga hindi isinama ng Allah. At ito ay hihipang muli sa ikalawang pagkakataon, at pagmasdan; sila ay magsisipag-tayo na nakatingin (sa mga kagimbal-gimbal na pangitain ng Araw na ito.), at ang mundo ay magliliwanag ng tanglaw na mula sa kanyang Panginoon, at ang mga tala ay ilalantad, at ang mga Propeta at mga saksi (mga anghel na nagtatala) ay ihaharap, at ang sangkatauhan ay pantay na hahatulan, at hindi sila madadaya.” Surah az-Zumar 39:68-69 Ang mga tao ay babangon mula sa kanilang mga libingan na naguguluhan. At sila ay titipunin sa isang lugar na ang tagal ng isang araw ay katumbas ng limampung-libong taon; nakahubad, walang sapin sa paa, at mga hindi tuli; na naghihintay sa hatol ng Allah na walang mainom o makain man lamang. Sinabi ng Propetar na sa araw na ito ang mga hindi mananampalataya ay malulunod mula sa kanilang pawis nang hanggang sa kanilang mga tainga.

Pamamagitan Bilang kinahinatnan, ang sangkatauhan ay magdaranas nang labis na pagdurusa hanggang sa sila ay maghahanap ng kahit na sino upang mamagitan sa Allah para sa kanilang mga kasalanan. Pupunta sila kay Adam, ang kanilang ama, at makikiusap sa kanya na mamagitan sa kanila para sa Allah, subali’t sasabihin niya sa kanila na magpunta kay Nuh, na siya rin ay magdadahilan at sasabihan sila na pumunta kay Ibrahim. Si Ibrahim din ay magdadahilan at sasabihan sila na pumunta kay Musa. Sasabihin 47


ni Musa sa kanila na pumunta kay Eissa, na itatanggi ang kanyang sarili at ipaaalam sa kanila, katulad ng mga Sugong nauna sa kanya, na ang Allah ay nagalit – ang galit na hindi pa Niya nagawa noon, at hindi na mas magagalit pa kaysa dito. Sasabihan sila ni Eissa na pumunta ka Muhammadr. Ang tao na pinatawad ng Allah ang kanyang mga nakalipas at mga kasalanang hindi pa nagagawa. Tatanggapin niya ito at mamamagitan sa Allah para sa kanila. At magsisimula ang Allah sa pagtutuos ng mga ginawa ng Kanyang mga alipin. Pagpapakita at Pagtutuos Ang buong sangkatauhan ay haharap sa Allah:

َ َ ْ َّ‫َ ُ ُ لَىَ َ ّ َ َ ًّ َّ َ ْ ْ ُ ُ َ َ َ َ َ ْ َ ُ ْ َ َّ َ َ َّ َ ْ َ َ ْ ُ ْ َ َّ ج‬ ‫جئتمونا كما خلقناكم أول مر ٍة بل زعمتم ألن نعل‬ ِ ‫وع ِرضوا ع ربِك صفا لقد‬ َ ُ ‫لكم َّم ْوع ًِدا‬ “At sila ay ihaharap sa kanilang Panginoon na nakahanay. ‘Ngayon ba ay dumating kayo sa Amin katulad nang pagkakalikha Namin sa inyo sa unang pagkakataon. At inyong inisip na hindi Kami makikipagkita sa inyo.” Surah Al-Kahf 18:48 Ang Allah ay tuwirang makikipag-usap sa bawa’t isa, sa pamamagitan nang kanilang wika na walang tagasalin, upang tuusin ang kanilang mga ginawa. Sinuman ang makatanggap ng kanilang mga talaan sa kanilang kanang kamay ay ang mga mapapalad, at yaong makatatanggap ng kanilang mga talaan sa kanilang kaliwang kamay o mula sa kanilang mga likuran ay mga kaaba-aba, at sila ay malupit na pakikitunguhan. Ang buong sangkatauhan ay tutuusin maliban lamang sa pitumpung-libo na nagmula sa mga tagasunod ni Muhammadr, sila ay tatanggapin sa Jannah na walang pagtutuos at pagpaparusa. Ang unang pamayanan na tatawagin sa pagtutuos ay ang kay Muhammadr, at ang unang itatanong ay ang kanilang Salah. Kung ang Salah ng isang Muslim ay katanggap-tanggap sa Allah ang lahat nang kanyang mabubuting mga gawa ay katanggaptanggap din. Kung hindi naman, wala sa kanyang mga mabubuting gawa ang tatanggapin.

48


Al-Hawdh (ang lawa) Ito ay napakalaking lawa na ipinagkaloob ng Allah kay Muhammadr. Ang kanyang pamayanan ay makakamit ito sa Araw ng Pagkabuhay na muli. Yaong mga lumihis sa gabay ni Muhammadr ay hahadlangan dito. Ang tubig ng lawa na ito ay mas maputi pa sa gatas at mas matamis pa sa pulot. Ang mga inuman dito ay kasindami ng mga bituin sa kalangitan. Ang kanyang haba ay kasinlayo ng isang buwang paglalakbay at gayundin ang kanyang luwang. Ito ay naririto na, sinuman ang uminom dito ay hindi na muling mauuhaw.

49


ARALIN – 10

Al-Mizan (ang timbangan) Ang Timbangan ay ihahanda sa araw nang pagkabuhay na muli upang timbangin ang mga gawa ng tao. Ito ang tunay na timbangan na mayroong dalawang bahagi upang magpatupad ng Banal na katarungan. Winika ng Allah:

َ ُ ْ ُ ْ ُ ُ َ َ ْ ُ َ ُ ُ َ َ ْ َ ُ َ َ َ ُّ َ ْ‫ح‬ ْ ‫ون َو َم ْن َخ َّف‬ ُ ‫ت َم َواز‬ َ ‫َوال ْ َو ْز ُن يَ ْو‬ ُ‫ينه‬ ‫ال‬ ‫ذ‬ ‫ئ‬ ‫م‬ ‫ِح‬ ‫ل‬ ‫ف‬ ‫م‬ ‫ال‬ ‫م‬ ‫ه‬ ‫ك‬ ‫ئ‬ ‫ـ‬ ‫ل‬ ‫و‬ ‫أ‬ ‫ف‬ ‫ه‬ ‫ين‬ ‫از‬ ‫و‬ ‫م‬ ‫ت‬ ‫ل‬ ‫ق‬ ‫ث‬ ‫ن‬ ‫م‬ ‫ف‬ ‫ق‬ ٍ ِ ِ ِ ِ َ ُ ْ َ َ ْ ُ َ‫َ ُ ْ َ َ ذَّ َ َ ُ ْ َ ُ َ ُ َ ا‬ ‫فأولـئِك الِين خ رِسوا أنفسهم بِما كنوا بِآيات ِنا يِظل ِمون‬ “At ang pagtitimbang sa Araw na ito ay totoo. Kaya’t yaong ang mga timbang nang kanilang mabubuting gawa ay mabigat ay magtatagumpay. Samantala ang mga timbang na magaan ay yaong sumira sa kanilang mga sarili sapagka’t ipinagkaila nila ang Aming mga tanda.” Surah al-A’raf 7:8-9 At para naman sa mga taong pantay ang kanilang mabuti at masamang mga gawa sila ang mga kasamahan ng al-A’raf8. Walang titimbangin sa mga mabubuting gawa ng isang di-mananampalataya, sa halip ang mga ito ay gagawing abo na isasaboy sa hangin. Isinalarawan ng Propeta  ang as-Sirat: “Ang as-Sirat ay isang Tulay sa ibabaw ng Impiyerno na ang mga paa nito ay hindi matibay. Ito ay mayroong mga kalawit at tinik katulad ng mga puno ng as-Si’dan9. Ito ay mas matalim kaysa espada at mas manipis kaysa buhok. Sa bawa’t magkabilang panig nito ay mga kalawit na humahatak pababa sa sinuman na inutos dito. Mayroong makatatawid dito nang mabilis, ang iba ay mabagal, at mayroon ding makatatawid nga dito subali’t sila ay masusugatan at mahihiwa, samantala ang iba ay babagsak sa Impiyerno.” Al-Hakim 8 Ang mga kasamahan ng al-Āraf ay ang mga taong ang kanilang mabuti at masamang mga gawa ay pantay kaya’t hindi nila dapat makuha ang Jannah o kaya ay mapunta sa Impiyerno. Gayunpaman, sa bandang huli ay tatanggapin sila sa Jannah matapos ang pagpapatawad sa kanilang mga kasalanan. 9 Ang matinik na puno.

50


Ang lahat ng tao ay tatawid sa Tulay na ito at ang mga mananampalataya ay tatanggapin sa Jannah matapos silang makatawid dito. Winika ng Allah:

َّ‫ّ ُ لا‬ ْ َّ ْ َ َ ّ َ‫ُ َ اَ َ لَى‬ ‫ض ًّيا‬ ِ ‫ِإَون مِنك ْم إ ِ َوارِدها كن ع َربِك حت ًما مق‬ “Lahat kayo ay tiyak na dadaan dito. Ito ay pangako na katiyakang tutuparin nang inyong Rabb.” Surah Maryam 19:71 Si Ibn al-Qayyim, kahabagan nawa siya ng Allah, ay nagsabi: “Ang katatagan ng paa ng isang tao sa Tulay na nasa ibabaw ng Impiyerno ay kahalintulad ng katatagan sa tuwid na landas sa mundong ito. Tatawirin niya ang Tulay kung papaano siya nanindigan dito sa mundo.” At-Tafsir alQayyim pahina 9 - 10 Ang unang taong tatawid sa Tulay ay si Muhammad  at ang mga mananampalataya. Ang kaligtasan nang ibang mga Muslim ay nakasalalay sa kanilang mga nagawa. Ang iba ay tatawid na mas mabilis pa sa pagkurap ng mata, ang iba ay parang kidlat, ang iba ay parang hangin, ang iba ay sintulin nang mabibilis na kabayo, at ang iba ay mabibilis ang kanilang mga hakbang, ang iba ay naglalakad, at ang iba naman ay gumagapang, samantala ang iba naman ay hatak-hatak ang kanilang mga paa. Ang iba ay tuluyan nang babagsak sa Impiyerno. Ang mga Muslim na pinanghahawakan ang Aklat ng Allah at ang Sunnah ng Kanyang Sugo  ay ang mga pinakamatulin sa pagtawid sa Sirat papuntang Jannah – hilingin natin sa Allah na isama tayo sa ganitong mga mananampalataya. Amin!

Jannah at ang katangian nito Ang Jannah ay ang kahahantungan na inihanda ng Allah para sa mga mananampalataya sa Araw ng Pagkabuhay na muli. Kasama rito ang lahat nang uri ng kaligayahan kung saan ay hindi pa nakita ng mata, o di kaya ay narinig ng tainga, o di kaya ay naisalarawan ng isipan ng tao. Ang Jannah ay inihanda na may iba’t ibang bahagdan para sa mga matatapat at ang bawa’t isa ay sang-ayon sa kanyang katapatan, pananampalataya at takot sa Allah. Mayroong mga makakasama sa Jannah na mga dalisay na magagandang mga babae, Hur al-‘Ayn, sila ay mga batang birhen na nakasuot ng sutlang tela na kulay berde. Mayroong mga ilog na hindi tumitigil sa pag-agos, mga 51


ilog ng dalisay na pulot, mga ilog na kasintulad ng gatas, at mga ilog na alak na ikasisiya nang mga iinom, mga prutas na hinahangad nang mga manahan sa Jannah, karne ng mga ibon na kanilang nais, mga palamuti, at mga palasyo na yari sa ginto at pilak. Ang mga bato sa Jannah ay mga perlas at corales, ang lupa nito ay simbango ng matamis na amoy ng musko. Maraming mga bagay sa Jannah na pinakaaasam-asam at pinakasasabikan nang mga mapupunta rito. Ang mga maninirahan dito ay mananahan nang walang-hanggan. Ang mga babaeng mananampalataya, anuman ang kanilang edad, ay papasok sa Jannah sa mas murang edad upang ikaligaya nila ang kanilang mga lalaking kasama rito.10 Ang pagtingin sa Dakilang Mukha ng Allah Ang Propeta  ay nagsabi: “Kapag ang mga maninirahan sa Jannah ay pumasok dito, tatanungin sila ng Allah. ‘Nais ba ninyong bigyan Ko pa kayo?’ Sila ay magsasabi, ‘Hindi Mo ba pinaputi ang aming mga mukha? Hindi Mo ba kami tinanggap sa Jannah at iniligtas mula sa Impiyerno?’ Nagpatuloy sa pagsasalita ang Propeta , ‘Sa pagkakataong ito ay ipakikita ng Allah ang Kanyang mukha. Wala sa anumang ipinagkaloob sa kanila ang higit na kasiya-siya sa pagkakita sa kanilang Rabb, ang Nagbigay ng Biyaya, ang Kapuri-puri.” Muslim “Katotohanan, makikita ninyo ang inyong Rabb na kasinliwanag kung papaano ninyo nakikita ang kabilugan ng buwan sa gabi na walang pagaalinlangan.” Bukhari at Muslim Makikita ng mga mananampalataya ang Allah sa kabilang buhay lamang. Ang pagtingin sa Allah ay totoong pinatunayan sa Kanyang salita:

ٌ‫اضةٌ إ ىَل َر ّب َها نَاظ َِرة‬ َ ِ‫ُو ُجوهٌ يَ ْو َمئ ٍذ نَّ ر‬ ِ ِ ِ “Ang mga mukha sa Araw na ito ay pagliliwanagin, nakatingin sa kanilang Rabb.” Surah al-Qiyamah 75:22-23

10 Kung ang mag-asawa ay parehong tinanggap sa Jannah, sila ay magsasamang muli dito. Subali’t kung ang babae ay nag-asawa nang higit sa isa sa mundo ito, ayon sa salaysay ng Propetar, siya ang magiging asawa ng huli niyang napangasawa, o kaya ay makakapamili siya. (al-Baihaqi)

52


Jahannam (Impiyerno) at ang katangian nito Ang Apoy ay ang kahahantungan na inihanda ng Allah para sa mga dinanampalataya na itinatanggi ang Allah at ang Kanyang mga Sugo, na nagbibigay sa Allah ng anak, asawa, o katambal. Ito ay para rin sa mga nangangangkam ng kayamanan ng iba sa pamamagitan ng pagpapatubo at iba pang mga lihim na pamamaraan, at sa mga gumagawa ng mga larawan o rebulto ng mga tao o hayop. Ito ang kahahantungan ng mga babaeng nagpapaganda nang kanilang sarili para sa iba na hindi nila asawa, ang mga nangangalunya, at para sa mga nagpapakamatay. Ang Impiyerno ay mayroong pitong daanan at bahagdan. Ipinaliwang ng Propeta  ang Impiyerno sa pagsasabi na: “Ito ay sinindihan sa loob ng mga libong taon hanggang sa ito ay maglagablab, at nanatiling nagliliyab sa loob ng mga libong taon pa hanggang sa ito ay mamuti, at nagpatuloy sa loob ng mga libong taon pa hanggang sa ito ay mangitim. Ang ningas nito ay hindi kumukupas. Ang kasuutan ng mga mananahan dito ay gawa mula sa apoy, ang kanilang pagkain ay ang ghisleen11, Az-Zaqqoom12, at Dharee13. Ang mga pagkaing ito ay hindi nakatataba o nakapapawi ng gutom. Samantala ang kanilang mga inumin ay ubod ng init na nakalulusaw ng bituka. Sa tuwing masusunog ang kanilang mga balat ay papalitan itong muli ng Allah nang sa gayon ay patuloy nilang malasap ang hapdi ng mga pagdurusa.” At-Tirmidhi Ang Impiyerno ay mayroong pitong malalaking mga tarangkahan. May mga alakdan at mga ahas sa mga ito. Inihanda ng Allah para sa mga mapupunta rito ang mga kadena, posas, at nagbabagang mga apoy. Sila’y maninirahan dito nang habambuhay na walang mga kaibigan o kaya ay mga makatutulong. Ang Sukat ng mga tao sa Impiyerno Ang mga makukulong sa Impiyerno ay magsisilaki sa hindi inaasahang sukat na tanging ang Allah lamang ang nakaaalam. Ang Propetar ay nagbigay ng paglalarawan sa sukat ng mga di-mananampalataya sa pagsasabi na: 11 Ang mga katas mula sa mga laman at dugo ng mga nakakulong sa Impiyerno, at ang mga umaagos mula sa kanilang mga balat at sugat. 12 Ang halaman na tumutubo sa Impiyerno na ang kapaitan nito ay hindi matutumbasan. 13 Ang halaman na tumutubo sa Impiyerno.

53


“Ang layo ng balikat ng mga di-mananampalataya ay katumbas nang tatlong araw na paglalakbay ng isang matulin na kabayo. Ang kanyang bagang ay sinlaki ng bundok ng Uhud.” Muslim Ito ay sa dahilan na kapag mas malaki ang sukat ng isang di-nananampalataya ay mas higit ang pagdurusa sa kanyang kaparusahan. Winika ng Allah:

ْ‫ُ ْ َ ً َ ُ ُ َ َّ ُ َ ح‬ ْ َ َ ْ ُ َ ُ َ ُ ُ َ َ َّ‫َ َ ُّ َ ذ‬ َ‫ارةُ َعلَيْها‬ َ ‫ال َِج‬ ‫يا أيها الِين آمنوا قوا أنفسكم وأهل ِيكم نارا وقودها انلاس و‬ َ ُ َ ْ ُ َ َ ُ َ ْ َ َ ْ ُ َ َ َ َ َ َّ‫َ لاَ َ ٌ لاَ ٌ َ ٌ لاَ َ ْ ُ َ ه‬ ‫م ئِكة ِغ ظ شِداد يعصون الل ما أمرهم ويفعلون ما يؤمرون‬ “O kayong mga naniniwala? Iligtas ninyo ang inyong sarili at ang inyong mga pamilya mula sa Apoy na ang panggatong ay mga tao at mga bato na mayroong mga anghel na nakatalaga, mahigpit at malupit, na hindi sinusuway ang mga inuutos ng Allah sa kanila, at ginawa kung ano ang inutos sa kanila.” Surah at-Tahrim 66:6

54


ARALIN – 11

PANINIWALA SA KAHIHINATNAN (al-Qadha at al-Qadar14) “Ang Qadar ay ang pagtatakda ng Allah sa mga bagay bago pa ito mangyari at ang pagtatala nang mga ito sa Pinanatiling Talaan. Itinakda na ng Allah ang lahat bagay limampung-libong taon bago pa Niya nilikha ang kalangitan at ang mundo.” Ahmad, Muslim at at-Tirmidhi Ang Allah ang Tagapaglikha nang lahat ng mga nilikha at lahat nang kanilang mga gawa. Kaya’t anuman ang kanilang gawin, mabuti o masama, ay naaayon sa Kanyang itinakda. Winika ng Allah:

ْ َ َ ْ َ‫َّ لُ َّ ي‬ َ ‫ش ٍء خلق َناهُ بِق َد ٍر‬ ‫إِنا ك‬ “Katotohanan, nilikha Namin ang lahat sa pamamagitan ng Qadar.” Surah al-Qamar 54:49 Mga Bahagi ng Qadar: Ang paniniwala sa Qadar ay nangangailangan na: 1. Nababatid ng Allah ang lahat nang nangyayari at ang Kanyang kaalaman ay sakop ang lahat. Winika ng Allah:

َّ‫َّ َ َ لَىَ ه‬ َ ‫الس َماء َوالأْ َ ْر ِض إ َّن َذل َِك ف ك‬ َّ ‫الل َي ْعلَ ُم َما ف‬ َ َّ‫َأل َ ْم َت ْعلَ ْم أَ َّن ه‬ ‫ِت‬ ِ‫اب إِن ذل ِك ع الل‬ ِ‫ي‬ ِ ِ‫ي‬ ٍ ٌ ‫يَس‬ ‫ِري‬ “Hindi mo ba nalalaman na nababatid ng Allah anuman ang nasa kalangitan at sa mundo? Katiyakan, ang lahat nang ito ay nakapanatili sa isang talaan, at ito ay madali lamang para sa Allah.” Surah al-Hajj 22:70

Ang al-Qadha’ ay tumutukoy sa pangkalahatang pangyayari na tinakda ng Allah katulad ng ang lahat 14 nang nabubuhay ay mamamatay, samantala ang al-Qadar ay tumutukoy naman sa partikular na mangyayari na tinakda ng Allah, o ang pagpapatupad ng al-Qadha, katulad ng ang isang tao ay mamatay sa isang partikular na oras at lugar.

55


1. Itinalaga ng Allah ang mga bahagi nang lahat ng bagay sa Aklat ng mga Itinakda. Winika ng Allah:

َ‫لأْ َ ْ َ لا‬ ُ َ َ َ َ ْ‫ّ َ ْ َ َّ ر‬ ُ َ ‫ِك ْم إلاَّ ف ك‬ َ ‫اب مِن ُّم ِص‬ َ ‫َما أَ َص‬ ِ ‫بأها‬ ‫اب مِن قب ِل أن ن‬ ‫ِت‬ ‫س‬ ‫نف‬ ‫أ‬ ‫ف‬ ‫و‬ ‫ض‬ ‫ر‬ ‫ا‬ ‫ف‬ ‫ة‬ ‫يب‬ ٍ ِ‫ِ ي‬ ِ‫ي‬ ِ‫ي‬ ٍ “Walang anuman, na nagaganap sa mundo, o sa inyo, malibang ito ay naitala na bago pa man Namin pangyarihin,” Surah al-Hadid 57:22 2. Walang anuman ang mangyayari sa mga kalangitan o sa mundo kung hindi ninais ng Allah; anuman ang naisin ng Allah ay magaganap, at anuman ang hindi Niya naisin ay hindi mangyayari. Winika ng Allah:

َ َّ َ َ َ َ ُ ُ َ ُ َ‫َ ْ ُ َ ه‬ ‫إِن َما أ ْم ُرهُ إِذا أ َراد شيْ ًئا أن َيقول ُل ك ْن ف َيكون‬ “Katotohanan, ang Kanyang kautusan, kung nais Niya ang isang bagay ay sasabihin lamang Niya na ‘Mangyari’! At ito ay magaganap.” Surah Ya-Sin 36:82 3. Ang Allah ang Tagapaglikha nang lahat ng bagay. Walang ibang tagapaglikha maliban sa Kanya, o kaya naman ay ibang panginoon maliban sa Kanya. Ang Propeta  ay nagsabi: “Walang sinuman sa inyo na ang kanyang lugar sa Paraiso man o sa Impiyerno ay hindi itinalaga para sa kanya.” May lalaking nagtanong sa kanya, ‘Maaasahan ba natin ito (ang hindi na tayo magsisikap pa upang makamit ang Paraiso) Sugo ng Allah ? Siya ay nagsabi, ‘Hindi, sa halip ay magsikap kayong mabuti dahil ang bawa’t isa sa atin ay binibigyan ng pagkakataong gumawa kung papaano siya nilikha.” Al-Bukhari Ipinakahulugan ng Propeta  na walang sinuman ang nakababatid sa kanyang tadhana, kaya’t dapat na gawin ang kanyang makakaya upang ikalugod ng Allah, dahil ang tadhana nang lahat ng bagay ay tanging ang Allah lamang ang nakaaalam. Ang taong itinatanggi ang Qadar (Banal na Pagtatakda) Iniulat ni Muslim na si Ibn Umar ay nagsabi: 56


“Sa Kanya (Allah) kung Kaninung Kamay nakasalalay ang kaluluwa ni Ibn Umar, kapag may nagmamay-ari ng ginto na sindami ng bundok ng Uhud at gamitin ang lahat ng ito para sa Allah, hindi ito tatanggapin ng Allah maliban na siya ay maniwala sa Qadar.” At siya ay nagbigay ng patunay mula sa mga salita ng Propeta: Ang Iman (Paniniwala) ay ang maniwala sa: 1) Allah (sa Kanyang Kaisahan); 2) Kanyang mga anghel; 3) Kanyang mga kapahayagan; 4) Kanyang mga Sugo; 5) Ang Araw na Pagkabuhay muli; at ang 6) al-Qadar (Mga Banal Itinakda), ang mabuti at ang masama nito. Iniulat ni Ubadah bin As-Samit: Sinabi niya sa kanyang anak na lalaki, “O aking anak, hindi mo malalasap ang tamis ng pananampalataya hangga’t hindi mo napag-isipan na kung ano ang sinapit mo ay hindi ito ang iyong kabiguan at kung ano ang naging kabiguan mo ay hindi ito ang sasapitin mo. Narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsabi: ‘Ang unang bagay na nilikha ng Allah ay ang panulat. Inutusan Niya itong magsulat. Ito ay nagtanong: Aking Panginoon ano ang dapat kung isulat? Kanyang winika: Isulat mong ang lahat ng Kahihinatnan ng lahat ng mga bagay hanggang sa pagsapit ng Takdang Oras.’ O aking anak, narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsabi: ‘Sinuman ang mamatay na naniniwala sa iba maliban dito ay hindi nabibilang sa akin.’” Sa ibang salaysay ni Ibn Wahab, ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Sinuman ang hindi maniwala sa Qadar, maging ito ay mabuti o masama, ay susunugin ng Allah sa apoy ng Impiyerno.”

57


ARALIN – 12

IHSAN Ang haligi ng Ihsan ay ang sambahin ang Allah na kagaya nang nakikita mo Siya, kahit hindi mo Siya nakikita, tiyak na nakikita ka Niya. Dapat nating malaman na alam ng Allah ang lahat tungkol sa Kanyang mga nilikha. Alam Niya ang mga pangyayari sa kanila at ang kanilang mga gawa. Wala Siyang nakakalimutan at wala ring naililihim sa Kanya, kahi’t na ang pinakamaliit na langgam – wala nang liliit pa rito o mas malaki. Winika ng Allah:

ْ ُ َّ َ ُ َ َ ُ ُ َ َ​َ َ ُ َ ْ ُ‫ون ف َشأن َو َما َتتْلُو مِنْ ُه مِن ق‬ ‫آن َوال ت ْع َملون م ِْن ع َم ٍل إِال ك َّنا َعليْك ْم‬ ‫ر‬ ِ‫وما تك ي‬ ٍ ٍ َ َ َْ َ َْ َ ُ ُ ْ ً ُ َ َّ َ ‫ش ُهودا إِذ تفِيضون فِيهِ َو َما َي ْع ُز ُب َعن َّر ّبِك مِن ّمِثقا ِل ذ َّر ٍة يِف األر ِض وال يِف السماء‬ َّ َ َ‫َ َ َ َ ْ ر‬ َ ْ َ َ َ ُّ َ َ ‫ني‬ ٍ ِ ‫اب مب‬ ٍ ‫وال أصغر مِن ذل ِك وال أكب إِال يِف كِت‬ “Ni ikaw (O’ Muhammad) ang gumawa nang anumang gawa o di kaya’y bumigkas nang anumang bahagi ng Qur’an, o di kaya ay kayo (O sangkatauhan) ang gumawa nang anumang gawa (mabuti o masama) datapuwa’t Kami ang Saksi nang ginagawa ninyo ito. At walang maikukubli mula sa inyong Panginoon kahi’t na ito pa ay kasinliit ng isang butil sa lupa o sa kalangitan. Hindi ang kung ano ang mas maliit kaysa dito o ano ang mas malaki kaysa dito malibang ito ay nasa Malinaw ng Talaan.” Surah Yunus 10:61 Ang pakiramdam na ‘nababatid ng Allah ang lahat’ ay dapat na maging mas marubdob lalo na kapag ang Muslim ay nagsasagawa ng kanyang pagsamba. Sa sandali na siya ay nakatayo sa harap ng kanyang Panginoon na tumimo sa kanya ang pakiwari na nakikita siya ng Allah at kapag ito naman ay naging parang nakikita niya ang Allah; ito ang pinakamataas na katayuan ng pananampalataya na nilinaw ng Sugor nang kanyang ipaliwanag ang Islam, Iman at Ihsan. Sinabi niya: “Ang Ihsan ay ang pagsamba sa Allah na para bang Siya ay nakikita mo, at kahit na Siya ay hindi mo nakikita, katiyakan na nakikita ka Niya.”

58


Kahulugan ng Ihsan Sa wikang Arabik, ang Ihsan ay ang kabaligtaran ng mali o kasalanan. Ang taong gumagawa ng kabutihan ay tinatawag na Muhsin o kaya ay Mihsan. Ang mabubuting mga gawa ay tinatawag na Mahasin, gayundin naman ang masasamang mga gawa ay tinatawag na Masawa’. Ang Ihsan ay nangangahulugan nang kabutihan sa gawa, katapatan, at pagiging makatotohanan. Sa pagkakagamit sa Shari’ah, nababago ang kahulugan ng Ihsan sangayon sa pagkakagamit nito. Kapag binabanggit kasama ng Islam at Iman, ito ay nangangahulugan nang mabuting pagsunod at isinasaalang-alang ang kanyang ginagawa. Ang Ihsan ay nangangahulugan nang pagsasagawa ng mga gawa na nalalaman niyang batid ng Allah ang kanyang ginagawa at nangangahulugan din ito nang pagiging masunurin sa Kanya. Samakatuwid ang kanyang pagsasagawa ng kabutihan ay lalo pa niyang pinagbubuti. Ang Ihsan ay isa sa pinakamataas na katayuan nang pagsamba sapagka’t hindi lamang ito ang diwa ng pananampalataya sa halip ay ito ang kanyang kabuuan. Ang mga katayuan ng Ihsan Ang Ihsan ay nangyayari sa iba’t ibang uri ng katayuan at ang pinkamataas dito ay ang nararamdaman nang isa na siya ay nasa harapan ng Allah katulad nang pagkakapaliwanag ng Propetar sa Hadith. Ang mas mababang katayuan ay ang pagnanais na mapalapit sa Allah sa pamamagitan ng pagsasagawa nang mga kusang-loob na kabutihan. Ang iba pang mga gawa ng Ihsan ay sumusunod matapos nitong kumatawan sa layunin, naisin, o mga gawa. Kapag ang pagsamba ay mahirap isagawa nang ayon sa mga nabanggit, ang sumasamba ay dapat na humingi ng tulong sa pamamagitan nang kanyang pananampalataya na ang Allah ay nakatingin sa kanya at nalalaman hindi lamang ang kanyang ginagawa pati na rin ang mga pinakatagong mga lihim. Alam nang sumasamba na wala sa kanyang mga gawa ang nalilihim sa Allah. Kapag umabot na sa ganitong katayuan madali na para sa kanya ang umusad sa susunod na katayuan at ito ay ang palagiang paggawa na para bang nakikita niya ang Allah at ayon sa kaalaman na ang Allah ay malapit sa kanya. Ang Ihsan ay binubuo ng dalawang mga katayuan: 59


1. Ang katayuan ng katapatan. Ito ay ang pagsamba sa Allah na nalalaman ang katotohanan na nakikita siya ng Allah at malapit sa kanya. Kapag ito ay isinagawa siya ay nagiging tapat sa Allah. Ang pag-aalaala na ang Allah ay malapit sa kanya at nakikita ang lahat nang kanyang mga ginagawa habang siya ay nagsasagawa ng pagsamba ay nagpipigil sa kanya upang ang kanyang pagsamba ay maialay sa iba maliban sa Allah. 2. Ang katayuan ng Mushahid (tagamasid). Ito ay nangangahulugan na ang pagsamba ay tumutugma sa nararamdaman ng puso na nakikita siya ng Allah. Ito ay para sa puso na pinakikinang ng pananampalataya at upang tumimo ang kalaliman ng mga kaalaman hanggang sa ang mga bagay na hindi nakikita sa kanya ay maging bagay na nakikita. Ito ang katotohanan ng Ihsan na ipinaliwanag sa Hadith ni Jibril, mapasakanya nawa ang kapayapaan.

60


FIQH



NILALAMAN Pahina Aralin 1 Ang Pinagmulan ng Batas Islamiko

5

Ang Qur’an

6

Ang Sunnah

8

Aralin 2 Ang Ijma’

11

Ang Qiyas

12

Aralin 3 Taharah

16

Ang Mga Uri ng Tubig

16

Mga Kaugalian sa Pagtugon sa Tawag ng Kalikasan

17

Ang Istinja at Istijmar

17

Aralin 4 Ang Wudhu - Paghuhugas bago magsagawa ng Salah

20

Ang Paghaplos ng Khuf o Medyas

24

Aralin 5 Ghusul (ang pagligo nang lubos)

26

Tayammum

27

Aralin 6 Ang Adhan at Iqamah

29

Aralin 7 As-Salah – Pagdarasal

31

Kondisyon ng Salah

32

Ang mga Oras ng Salah (Pagdarasal)

33

Aralin 8 Ang mga Rukon ng Salah (Haligi ng Salah)

34

Ang mga Wajib sa Salah

36 3


Ang Pinagkaiba ng Rukn at Wajib sa pagsasalah

37

Aralin 9 Ang Pamamaraan ng pagsasalah

38

Ang mga Sunnah sa Salah

41

Ang Sujod na as-Sahu

42

Aralin 10 Ang mga magagandang asal sa paglalakad patungo sa Salah at paghihintay nito

43

Ang mga kilos na makruh – hindi kanais-nais sa pagsasalah

44

Ang Salatul Jama’ah – Pangmaramihang Dasal

44

Aralin 11 Ang Batas sa Pag-iimam – Pamumuno sa Pagsasalah

47

Ang Batas sa Paghahabol sa Salah kapag nahuli ka sa pagdating

50

Aralin 12

4

Ang mga dahilan kung kailan katanggap-tanggap ang pagliban sa pagsasalah sa jama’ah at jum’ah

51

Ang Salah at-Tatawwo – Sunnah na hindi obligado

53

Ang mga Sandali na ipinagbabawal magsagawa ng Salah

55


Aralin – 1

Ang Pinagmulan ng Batas Islamiko Ang Batas Islamiko ay nakabatay sa dalawang pangunahing mga pinagkukunan ng banal na kapahayagan: ang Qur’an na kumakatawan sa tuwirang salita ng Diyos sa tao, at ang Sunnah na maaaring tawagin na dituwirang salita ng Diyos. Ang Allah ay nagwika sa banal na Qur’an na may kinalaman sa mga pangungusap ni Propeta Muhammad .

ٌ ْ‫َو َما يَن ِط ُق َعن ال ْ َه َوى إ ِ ْن ُه َو إ ِ اَّل َو ي‬ ‫ح يُوح‬ ِ ”Siya (Muhammad) ay hindi nagsasalita mula sa sarili niyang kagustuhan. Ito ay walang iba maliban sa kapahayagan na ibinaba sa kanya.“ Surah an-Najm 53:3-4

Ang mga batas na napapaloob sa dalawang pinagkunan na ito ay mga pangunahing mga batas na hindi maaaring mabago kahit kailanman. Subali’t, sa pag-unawa at sa paggamit ng mga batas na ito, ang pampangalawa na mga pinagkunan ay sumibol. Ang pinakamahalaga sa mga ito sa pag-aaral ng Fiqh ay ang Ijma, ang mga pananaw na pinagkasunduan, at Qiyas, ang pagbibigay katuwiran sa pamamahala sa pamamagitan ng paghahambing. Pamamaraan Kung nais nating malaman kung papaano natin dapat pamahalaan ang isang bansa, o kung paano natin dapat husgahan ang mga kriminal, gayundin sa pag-aayos nang mga alitan sa pagitan ng mga tao, o kahit na ang pagpapatakbo ng ating sariling pamilya, dapat muna nating tingan ang Qur’an, para malaman kung ano ang sinasabi ng Allah tungkol sa mga ito. Kung hindi tayo nakakita nang sapat na kasagutan mula sa Qur’an, tingnan naman natin ang Sunnah upang makita kung ano ang ginawa o sinabi ng Propetar na may kaugnayan sa paksa. Kung hindi pa rin natin makita kung ano ang hinahanap natin, titingnan naman natin kung anong mga puntos ng batas ang pinagkasunduan ng mga Sahaba (Kasamahan ng Propetar). Ang palibot nang pinagkasunduang ito ay tinatawag na Ijma’. Kapag natapos ito, at hindi pa rin natin makita ang hinahanap natin, tayo ay 5


binibigyan na nang pahintulot upang gumamit ng ating sariling katuwiran upang makapagpasiya. Ang pagpapasiya na ito ay kinakailangan na may patunay mula sa Qur’an, Sunnah at Ijma, at kapag ganito, ito ay tinatawag na Qiyas.

Ang QUR’AN Ang Qur’an ay ang salita ng Allah kung papaano Niya ito inihayag sa Kanyang huling Propeta na si Muhammadr, na patula sa wikang Arabik, na ang pagbigkas nito ay ginagamit sa Salah at iba pang uri nang pagsamba, at ang pinakamaliit na kabanata nito ay isang himala na maituturing. Ang Himala ng Qur’an 1. Hinamon ng Allah mula sa Qur’an ang mga Arabo, pati na rin ang sangkatauhan, winika sa kanila:

ْ ّ ّ َ ُ ْ ُ ْ َ َ ْ َ َ‫ُ ُ ْ َ ْ ّ َّ َ َّ نْ َ لَى‬ ِ‫ب مِما نزلا ع عبدِنا فأتوا بِسور ٍة مِن مِثلِه‬ ٍ ‫ِإَون كنتم يِف ري‬ ”Kung kayo ay may pag-aalinlangan tungkol sa kung alin ang inihayag Namin sa Aming alipin, maglahad ng isang Kabanata na kahalintulad nito...“ Surah al-Baqarah 2:23 Alam nating lahat na ang pinakamaikling kabanata sa Qur’an ay ang Surah al-Kawthar na mayroon lamang tatlong maiikling mga talata, gayunpaman, ang mga Arabo noong panahon na ang Qur’an ay inihayag ay hindi nakagawa ng isang kahalintulad nito. 2. Ang Qur’an ay naglalaman nang mga tiyak na siyentipikong katotohanan na hindi pa nalalaman noong mga panahong yaon. Halimbawa, winika ng Allah na ang dibdib ng isang di-mananampalataya ay nagsisikip na katulad nang isang umaakyat pataas patungo ng langit.

َّ َ َ ً َ َ ً ّ َ ُ َ ْ َ ْ َ َْ‫َ َ ُ ْ َ ُ َّ ُ ج‬ َّ َّ ُ َّ َ َ َ ‫ضله يعل صدره ضيِقا حرجا كأنما يصعد يِف السماء‬ ِ ‫ومن ي ِرد أن ي‬ ”...Sinuman ang Kanyang hayaan na maligaw, pinagsisikip Niya ang kanyang dibdib at sinisiksik na katulad ng isang papaakyat sa langit...“ Surah al-’An’am 6:125 6


Kailan lamang natuklasan ng tao na habang tumataas sa himpapawid ang kanyang nararating, mas kakaunting oxygen ang nananatili. Kaya’t kapag ang isa ay umakyat sa mataas na lugar, siya ay nahihirapan sa kanyang paghinga at ang kanyang dibdib ay nakararamdam na parang nagsisikip dahil sa kakulangan ng oxygen. Binanggit din ng Allah sa Qur’an ang tungkol sa pagkilos ng araw at ng buwan:

َّ‫ُ ذ‬ ٌّ ُ‫ْ َ ل‬ َّ َ َ َّ‫َ َ َ َّ ْ َ َ نل‬ َ ُ َ َْ َ​َ ‫حون‬ ‫ار َوالش ْم َس َوالق َم َر ك يِف فل ٍك يسب‬ ‫َوه َو الِي خلق الليل وا ه‬ ”At Siya ang lumikha ng gabi at araw, ang araw at ang buwan, ang lahat ng mga ito umiinog na lumulutang sa kalawakan.“ Surah al-’Anbiya’ 21:33 Ang tao, ilang taon lamang ang nakalilipas, ay natuklasan na ang buwan ay umiikot sa palibot ng mundo. At tungkol naman sa Araw, kanila ngayong tinatanggap na ito ay umiikot sa loob ng Milky Way Galaxy na maituturing din na kumikilos sa kalawakan. Gayunpaman, hindi pa nila natitiyak ang eksaktong larawan nang pagkilos nito. Ang iba ay iniisip na ito ay patuwid samantala ang iba naman iniisip na ito ay paikot. Maraming pang mga hindi mabilang na mga siyentipikong katotohanan ang nabanggit sa Qur’an na lubusang hindi pa nalalaman sa nakalipas na 1,400. Pinatutunayang ito ay nagmumula lamang sa Tagapaglikha. 3. Ginawa rin ng Allah na madaling maisaulo ang Qur’an. Ganoon kadali na milyun-milyong mga Muslim ang nakasaulo nito magmula nang ito ay inihayag. 4. Pinangalagaan din ng Allah ang Qur’an mula sa anumang mga pagbabago. Magmula noong ito ay inihayag hanggang sa ngayon, ito ay nanatiling dalisay. Nangako ang Allah sa Qur’an noong panahon na ito ay inihayag na pangangalagaan Niya mula sa anumang pagbabago:

َ ُ َ َ‫َّ حَْ ُ َ َّ نْ َ ّ ْ َ َّ هَ ُ ح‬ ‫لاف ِظون‬ ‫إِنا نن نزلا اذلِكر ِإَونا ل‬ ”Katiyakan na Kami ang nagpahayag ng Paalala (Qur’an) at tunay na Kami ang mangangalaga nito.“ Surah al-Hijr 15:9 Kung ang lahat ng mga relihiyosong mga aklat ay mawala, ang tanging aklat na maaari lamang maibalik nang wasto ay ang Qur’an. 7


Halimbawa ng mga batas na hinango mula sa Qur’an a) Mana Kung may isang namatay at may naiwan siyang kayamanan para sa kanyang mga anak, kinakailangan itong hatiin sa kanyang mga tagapagmana sangayon sa pamamaraan ng mga batas. Ang Qur’an ay nagbibigay ng ilang mga pangunahing mga batas sa paghahati ng mana para sa mga kamaganakan ng namatay. Winika ng Allah:

َ ْ‫َ َ ُ ْ َّ َ ْ ُ َ ّ ُ َ َ ن‬ ْ‫ُ َّ َ َ ْ َ ْ َ َ ن‬ ّ‫ُ ُ ُه‬ ‫ي‬ ‫ت‬ ‫ن‬ ‫اث‬ ‫ق‬ ‫و‬ ‫ف‬ ‫اء‬ ‫ِس‬ ‫ن‬ ‫ن‬ ‫ك‬ ‫ن‬ ‫إ‬ ِ ُ‫ي‬ ِ ِ ‫وصيكم الل يِف أوْالدِكم ل ِذلك ِر مِثل ح ِظ األنثي‬ ِ‫يف‬ َ​َ ُ ْ َ‫فَلَ ُه َّن ثُلُ َثا َما تَ َر َك ِإَون اَكن‬ ‫ت َواح َِدةً فل َها انلّ ِْصف‬ ”Inuutos ng Allah sa inyo ang tungkol sa (mamanahin ng) inyong mga anak; ang sa lalaki ay isang bahagi na katumbas ng bahagi ng dalawang babae. Kung mayroon lamang mga anak na babae, ang dalawa o higit pa ay dapat na makatanggap ng dalawa mula sa tatlong bahagi ng mana at kung siya ay isa lamang ang kanyang mana ay kalahati...“ Surah an-Nisa’ 4:11 b) Pagnanakaw Sa magkatulad na pagkakataon, kung ang isang tao ay nahuli sa pagnanakaw, ang parusa sa ganitong kasalanan ay binanggit sa Qur’an:

ّ‫َ َّ ُ َ َّ َ ُ َ ْ َ ُ ْ َ ْ َ ُ َ َ َ َ َ َ َ َ َ ً ّ َ هّ َ ُه‬ ٌ‫الل َعزيز‬ ‫والسارِق والسارِقة فاقطعوا أيدِيهما جزاء بِما كسبا نكاال مِن اللِ و‬ ِ ٌ ‫َحك‬ ‫ِيم‬ ”At (tungkol) sa lalaking magnanakaw at sa babaing magnanakaw – putulin (mula sa pulso) ang kanilang (kanang) kamay bilang kaparusahan para sa kanilang nagawang kasalanan, isang halimbawang magsisilbi mula sa Allah. At ang Allah ang Makapangyarihan, ang Maalam.“ Surah al-Ma’idah 5:38

Ang SUNNAH Ang Sunnah ay kumakatawan sa mga tala ng mga tunay na mga sinabi, 8


ginawa at pinahintulutan ng Propetar na inulat ng kanyang mga Sahaba (Kasamahan ng Propetar) hanggang sa sumunod na henerasyon ng mga Muslim at kinalap na maging aklat ng mga maalam na sumunod sa kanila. Nang pumanaw ang Propetar, ang mga kasamahan ay naiwan upang pamahalaan ang Islamikong pamahalaan batay sa mga simulain na natagpuan sa Qur’an at kung ano pa ang itinuro ng Propetar sa kanila. Kapag may dumating na suliranin, na hindi malunasan sa pagsangguni lamang sa Qur’an, ang Kalipa (pinuno ng Islamikong Pamahalaan) ay magtatanong mula sa kanyang mga kasamahan kung mayroong isa sa kanila na narinig ang Propetar na nagsabi nang anuman tungkol sa bagay na ito. Kalimitan, mayroong isang tumatayo at nagsasabi na narinig ko ang Propetar na nagsabi nang ganito o ganyan, o kaya ay nakita ko siya na ginawa ang ganito at ganyan. Sa ganitong pamamaraan ang mga sinabi at ginawa ng Propetar ay nagiging pangkaraniwang kaalaman sa nakararami. Habang lumalawig ang Islamikong pamahalaan at malalaking mga bilang ng tao ang tumatanggap ng Islam, marami ang naglalakbay nang malayo upang makarating at makapag-aral mula sa mga Sahabah upang matutuhan ang Islam. Ang Sahabah ay magsasabi sa kanila kung ano ang narinig nila na sinabi ng Propetar, o ipakikita sa kanila kung ano ang nakita nila na ginawa ng Propetar. Sa ganitong pamamaraan, ang mga salita at mga gawa ng Propetar ay naisalin sa mga sumunod na henerasyon ng mga Muslim na kinikilala bilang mga Tabi’un. Ito ay noong kapanahunan ng mga Tabi’un na ang mga Ahadith ay simulang naitala nang maramihan sa panitikan, subali’t sa kapanahunan nang mga sumunod na henerasyon na kilala bilang Atba’ at-Tabi’in at ang mga henerasyon na sumunod sa kanila na ang mga Ahadith ay naisaayos sang-ayon sa mga nagtipon at nailagay sa isa sa mga anim na pangunahing aklat ng mga Ahadith na tinatawag na Kutub as-Sittah.1 Halimbawa ng mga batas na hinango mula sa Qur’an a) Mana Ang halimbawa ng mana para sa mga malalapit na kamag-anak ay malinaw na naipaliwanag sa Qur’an. Subali’t, ang pag-iwan ng kayamanan para sa mga hindi Muslim na mga kamag-anak ay hindi nabanggit sa Qur’an. Sa Sunnah ay makikita natin na ang Propeta  ay nagsabi:

1 Sa literal na kahulugan ay “Ang Anim na Mapaniniwalaan”, ito ay ang: ang dalawang Sahih alBukhari at Muslim, at apat na mga Sunan nila Abu Dawud, Tirmidhi, Nasa’I at Ibn Majah.

9


”Ang isang Muslim ay hindi maaaring kumuha ng mana mula sa isang hindi Muslim, o di kaya ay ang isang hindi Muslim na kukuha ng mana mula sa isang Muslim.“ Muslim b) Pagnanakaw Ang pinakamaliit na halaga kung saan ang kamay ng isang magnanakaw ay maaaring putulin at kung gaano kalaking bahagi bahagi ng kamay ang puputulin ay makikita lamang sa Sunnah. ”Si A’isha ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagsabi, ’Ang kamay ng isang magnanakaw ay puputulin lamang sa (halaga ng) ikaapat ng dinar at pataas.’“ Muslim Talakayin: 1. Pinagkunan ng batas sa Islam 2. Ang Qur’an at halimbawa ng batas na hinango mula rito. 3. Ang Sunnah at ang halimbawa ng batas na hinango mula rito.

10


Aralin – 2

Ang IJMA’ Ang Ijma’ ay ang pinagsamang kasunduan ng mga Sahaba sa punto ng batas ng Islam na hindi natagpuan sa Qur’an o sa Sunnah, subali’t batay sa isa sa mga ito (na hindi sumasalungat kung ano ang nasasaad). Kapag may mga suliranin na dumarating matapos ang pagpanaw ng Propetar, ang mga Sahabah ay nagtitipun-tipon upang malunasan ang mga ito. Susuriin nila ang Qur’an upang makita kung ang Allah ay may sinasabi kaugnay sa paksa, at kung wala silang makita, ang Kalipa ay magtatanong kung mayroong isa sa kanila na nakarinig sa Propetar na nagsabi nang anuman na may kaugnayan dito. At kung hind pa rin nila makita ang kasagutan, ang Kalipa ay magbibigay ng kanyang pananaw at gayundin ang iba, kung sa palagay nila na ang kanilang pananaw ay mas mabuti. Ang iba’t ibang mga pananaw ay pag-uusapan hanggang sa kanilang mapagkasunduan ang pinakamahusay na pananaw at pagkatapos ay kanila itong gagawing batas para sa lahat ng mga Muslim. Sa ganitong paraan ang mga batas ng Islam ay maaaring hubugin na tumugma sa lahat ng mga panahon at lahat ng mga pangyayari. Ang mga bagong batas na ginawa mula sa Ijma’ ay hindi pangunahing mga batas, sapagka’t ang lahat ng mga pangunahing batas ay naibaba na ng Allah sa Qur’an at sa pamamagitan ng Propetar sa kanyang mga Sunnah. Ang mga batas na ito ay mga pampangalawang mga batas na maaaring magbago sang-ayon sa iba’t ibang kalagayan. Halimbawa ng mga batas na hinango mula sa Ijma’ a) Pagtitipon ng Qur’an Ang Qur’an ay baha-bahaging inihayag sa Propeta  sa loob ng 23 taon. Sa tuwing may talatang inihahayag, ito ay ipinasusulat ng Propeta  sa ilan sa kanyang mga kasamahan, saan man ito maaaring isulat, at marami rin ang nakasasaulo nito kapag binibigkas ito ng Propetar sa Salah. Noong kapanahunan ng Propetar, hindi pa naisulat sa mga bahagi ang Qur’an na pinagsama-sama sa isang aklat. Matapos ang pagpanaw ng Propetar, ang iba’t ibang mga bahagi ng Qur’an, na naisulat sa mga sanga ng puno, mga balat at buto ng hayop, ay nanatili sa pag-aari ng mga Sahaba. Karamihan 11


din sa kanila ay nakasaulo nang maraming mga bahagi ng Qur’an noong kapanahunan ng Propetar, subali’t may ilan sa kanila na nakasaulo nang kabuuan ng Qur’an. Noong panahon nang pamumuno ni Kalipa Abu Bakr, ang mga Sahaba ay nagpasiya sa pamamagitan ng Ijma’ na titipunin nila ang lahat ng mga bahagi ng Qur’an upang maging isang kumpletong aklat. Ang tungkulin ay inatas kay Zayd ibn Thabit dahil siya ay isa sa mga tagasulat ng Propeta  at kanyang nasaulo ang lahat nang ito at binigkas niya ito nang maraming ulit sa Propeta . Tinipon ni Zayd ang lahat ng mga nakasulat na bahagi at inihambing niya ito mula sa kanyang nasaulo at sa nasaulo ng iba, at pagkatapos ay isinulat sa isang aklat, na kanyang ibinalik sa Kalipa. b) Ang mga Adhan sa Jumu’ah Noong kapanahunan ng Propeta  ay mayroon lamang isang Adhan para sa Salah ng Jumu’ah (ang pagtitipon sa Salah sa Araw ng Biyernes) at ito ay ginawa pagkapasok ng Propeta  sa masjid at nagsabi “Assalamu Alaykum“. Sa kapanahunan nang pamumuno ng una at ikalawang Kalipa, ang Adhan ay nanatili sa ganito, subali’t nang sumapit ang pamumuno ng ikatlong Kalipa, si Uthma ibn ’Affan, ang isa pang Adhan ay idinagdag. Ang siyudad ng Madinah ay lumaki kaya’t nagkaroon ito ng palengke, kaya naman ang Adhan ng Jumu’ah ay mahirap marinig dahil sa ingay ng mga nagbebenta at ng kanilang mga mamimili. Nang mapag-isip ito, si Kalipa Uthman ay nagmungkahi sa iba pang mga Kasamahan na ang isa pang Adhan ay ipanawagan bago ang pangunahing Adhan, at ito ay gagawin sa gitna ng palengke. Lahat sila ay sumang-ayon sa pamamagitan ng Ijma’, at sa gayon ang isa pang Adhan ay naidagdag.

Ang QIYAS Ang Qiyas ay isang pangangatuwiran ng mga Batas Islamiko na hindi matatagpuan mula sa Qur’an, Sunnah, o kaya ay Ijma’, subali’t pinagbatayan ang mga batas na matatagpuan mula sa isa sa mga nabanggit. Kapag may isang suliranin na dumating at wala sa isa man sa tatlong mga pinagkukunan ang tumutukoy dito ang tuwiran, maghahanap ngayon tayo ng isang batas mula sa tatlong mga ito na mayroong kahalintulad na kadahilanan, at bigyan uri ang suliranin sa parehong pamamaraan.

12


Halimbawa ng mga batas na hinango mula sa Qiyas a) Mga Bawal na Gamot Halimbawa, ang mga bawal na gamot katulad ng marijuana at cocaine o iba pang kahalintulad ng mga ito na wala noong kapanahunan ng Propeta  o di kaya ay noong kapanahuhan ng mga Sahaba, kaya’t walang tuwirang binanggit tungkol dito. Gayunpaman, ang Propeta  ay nagsabi: “Ang bawa’t nakalalasing ay Khamr2, kaya’t ang bawa’t nakalalasing ay Haram.“ Iniulat ni ibn Umar at tinipon nina Bukhari at Muslim Kung mapapansin natin ang mga humihithit o ipinapasok ang marijuana, cocaine at iba pang mga kahalintulad na mga bawal na gamot, mapapansin natin na sila ay nawawalan ng mga pang-unawa, at nalalasing. Kaya’t ating maipapasiya na ang marijuana at ang coke ay mga uri ng Khamr, at kung gayon ay maituturing na Haram. At para sa mga nagsasabi na kami ay tumitikim lamang at hindi sila nalalasing, sinabi rin ng Propeta , “Anumang nakalalasing sa dami ng paggamit ay Haram sa kaunting paggamit.“ Iniulat ni Jabir ibn Abdullah at tinipon nina Ibn Majah at Abu Dawud b) Paninigarilyo Nang unang umabot ang mga sigarilyo at tabako sa kaharian ng mga Ottoman na Muslim noong ika-17 siglo halos lahat ng mga maalam na nagpasiya sa pamamagitan ng Qiyas ay nagsabi na ito ay Makruh (hindi kanais-nais), sapagka’t ang tanging alam lamang nila na masamang idudulot nito ay ang mabahong hininga, na hindi kanais-nais. Ang batas na ito ay batay sa mapagkakatiwalaan Hadith na kung saan ay sinabi ng Propetar, “Sinuman ang kumain mula sa mga di-kanais-nais na mga halaman (bawang) ay hindi dapat pumasok sa masjid.“ Ang mga tao ay nagsabi, “Ito ay ipinagbawal! Ito ay ipinagbawal!“ Nang ito ay makarating sa Propeta, sinabi niya, “O mga tao, hindi ko maaaring ipagbawal ang ipinahintulot ng Allah, subali’t ito ay halaman na hindi ko nais ang amoy.“ Iniulat ni Abu Sa’id at tinipon ni Muslim 2 Sa literal na kahulugan ay ang mga inuming may alcohol na gawa mula sa mga sinalang katas ng ubas.

13


Sa ibang pagkakataon ay isinama niya ang sibuyas at ang mga uri nito bilang mga di-kanais-nais. Gayunpaman, sa panahon natin sa kasalukuyan, ang propesyong medikal ay nagsasabi na ngayon na ang paninigarilyo ay nagiging sanhi ng kanser at iba pang mga karamdaman. Dahil sa kalimitang mga nangyayari na ang kanser ang nagiging sanhi ng kamatayan, masasabi na rin na ang paninigarilyo ay nakamamatay. Kaya maraming mga maaalam sa ngayon na nagpasiya sa pamamagitan ng Qiyas na ang paninigarilyo ay Haram, sapagka’t ang isang naninigarilyo, sa katotohanan, ay nagpapakamatay at ang Allah ay nagwika:

ُ َ َ‫َ َ َ ْ ُ ُ ْ َ ُ َ ُ ْ َّ َهّ ا‬ ً ‫ك ْم َرح‬ ‫ِيما‬ ِ ‫وال تقتلوا أنفسكم إِن الل كن ب‬ “...at huwag ninyong patayin ang inyong sarili, dahil sa katunayan ang Allah ay mahabagin sa inyo.“ Surah an-Nisa’ 4:29

َ ْ ُُْ َ َ ُ ْ َّ َ‫ُ ْ ى‬ ْ ِ‫َوال تلقوا بِأيدِيكم إِل اتلهلكة‬ “...at huwag ninyong itapon ang inyong mga sarili sa kapahamakan na dulot ng inyong mga sariling mga kamay...“ Surah al-Baqarah 2:195 Sinabi rin ng Propeta , “Sinuman ang gumamit ng kutsilyo sa pagpapakamatay ay mapupunta sa Impiyerno at habambuhay niyang sasaksakin ang kanyang sariling tiyan. Sinuman ang uminom ng lason at magpakamatay ay habambuhay niya itong iinumin sa Impiyernong apoy. At sinuman ang magpatiwakal sa pagtalon mula sa bundok ay habambuhay na malalaglag sa apoy ng Impiyerno.“ Iniulat ni Abu Hurayrah at tinipon ni Muslim Ang Kabuluhan Sa paggamit ng alituntunin ng Qiyas, ang pangunahing mga batas ng Islam ay maaaring gamitin sa anumang sandali at saanmang lugar. Ang mga bagong batas ay maaaring magawa sa anumang bagong mga pangyayari, batay sa pagkakahalintulad nito sa mga pangunahing mga batas ng Qur’an at Sunnah. Sa ganitong pamamaraan, ang banal na mga batas na inihayag sa Qur’an at Sunnah ay mananatiling hindi nabago na hindi napaglilipasan ng panahon. Hindi mapagtatagumpayang pagtalunan na ang batas Islamiko ay hindi maaaring gamitin sa ika-20 siglo sapagka’t ito ay 1,400 na taon pa lamang. Ang mga pundamental ng mga batas ng Islam 14


ay ginawa ng Diyos na Siyang may lalang sa tao at higit na nakababatid kung ano ang pinakamahusay sa kanya sa anumang mga kalagayan. Mayroong ilang mga katangian ang tao na hindi nagbabago kahit na magbago pa ang panahon at lugar. Ito ang mga bagay na pinatutungkulan ng mga pangunahing batas ng Islam. At para naman sa nagbabagong mga kalagayan ng buhay ng tao, ang Qur’an at ang Sunnah ay nagbibigay ng mga pangunahing mga prinsipyo na maaaring gamitin sa pamamagitan ng Qiyas, kapag kinakailangan. Sa gayon, ang batas Islamiko ay angkop sa sangkatauhan sa lahat ng panahon saanman siya naroroon, maging sa mundo o sa mga planeta o nasa malayong bituin. Talakayin: 1. Ang Ijma’ at halimbawa ng batas na hinango mula rito. 2. Ang Qiyas at halimbawa ng batas na hinango mula rito. 3. Kabuluhan ng Qiyas.

15


Aralin – 3

TAHARAH – Ang Kadalisayan ∑ Ang Allah ay nag-utos sa atin na magsagawa ng Taharah – Kadalisayan ∑ Ang Wudhu - Paghuhugas ay bahagi ng kadalisayan. ∑ Ang paglilinis nang marurumi sa pamamagitan ng tubig mula sa katawan, damit at sa lugar na kung saan isasagawa ang pagdarasal, ay isang uri ng kadalisayan. ∑ Nararapat sa atin na magsagawa ng wudhu bago mag-alay ng pagdarasal.

Ang Mga Uri ng Tubig Ang Tubig ay may Dalawang Uri Una: Malinis na Tubig - Ang tubig na nanatili sa kanyang orihinal na anyo sa pagkakalikha ng Allah; katulad ng dagat, ilog, ulan at balon. Ang batas: Ito ay maaring gamitin sa paglilinis. Pangalawa: Maruming Tubig - Ang tubig na nagbago ang kulay at amoy dahil sa maruming nakahalo dito, marami man o kaunti. Ang batas: Ito ay hindi maaaring gamitin sa paglilinis at ipinagbabawal ang pag-inom at paggamit sa pagkain at iba pa. Ang Batas sa Tubig na Nahaluan ng Malinis sangkap o bagay: Kapag ang tubig na malinis ay nahaluan ng isang bagay na malinis din katulad ng tsaa, Sabon, Za’faran, alikabok, Tinta at iba pa at nagbago ang kulay nito nguni’t hindi naman nasira ang pagkadalisay nito, ang tubig ay mananatili sa kalinisan nito. Nguni’t kapag ang tubig ay nasira dahil nagmistulang tsaa o Tinta o di kaya’y tumigas, hindi na ito maaaring gamitin sa paglilinis, dahil hindi na ito tubig.

16


Mga Kaugalian sa Pagtugon sa Tawag ng Kalikasan Ang mga kaugalian sa pagtugon sa tawag ng kalikasan (pagdumi) at pag-ihi: 1. Sa pagpasok sa palikuran, kinakailangang iuna ang kaliwang paa at bigkasin ang Allahumma inni audhu bika minal khubthi wal khaba-ith. At sa paglabas, ang kanang paa naman ang unahin at bigkasin ang Gufraa’nak. 2. Ingatan na makapagdala sa palikuran ng Qur’an o anumang papel na may nakasulat na pangalan ng Allah. 3. Kinakailangang takpan ang Awrah (maselang bahagi ng katawan) sa tuwing dudumi at iihi. 4. Iwasan ang pagharap at pagtalikod sa Qiblah sa tuwing dudumi at iihi. 5. Ipinagbabawal ang pagsasalita sa loob ng palikuran. Mga lugar na hindi maaaring dumihan at ihian 1. 2. 3. 4.

Ang dinadaanan ng mga tao Ang silong at mga hardin na pampubliko Silong nang namumungang punongkahoy Ang tubig na hindi umaagos.

Ang Istinja at Istijmar Ang Istinja, ay ang paglilinis ng ari o likuran sa pamamagitan ng tubig pagkatapos dumumi at umihi. Ang Istijmar, ay ang paglilinis ng ari o likuran sa pamamagitan ng maliliit na bato at iba pa, pagkatapos dumumi at umihi. Ang mga ipinahihintulot gamitin sa Istijmar. Anumang mga bagay na malinis at ipinahihintulot gamitin sa paglilinis, katulad ng maliliit na bato, papel at iba pa. 17


Ang mga ipinagbabawal gamitin sa Istijmar 1. Mga bagay na nakasulat ang pangalan ng Allah (halimbawa: Qur’an, Aklat mga kaalaman sa Islam) a. b. c.

Mga pagkain Mga buto Dumi ng hayop

Ang Kondisyon sa Pagpapahintulot ng Istijmar Mga kondisyon sa pagpapahintulot nang pagsasagawa ng Istijmar: 1. 2. 3. 4.

Kinakailangang malinis at ipinahihintulot ang gagamitin sa Istijmar. Gamitin itong panglinis sa ari o likuran nang tatlong ulit. Hindi magkakalat ang dumi at ihi mula sa pinagmulan nito. Kapag hindi nasunod ang isa sa mga kondisyong ito ay nararapat magsagawa ng Istinja at gumamit ng tubig. 5. Kapag nagawa na ang Istijmar ay hindi na kailangan magsagawa muli ng Istinja.

Ang Pagtatanggal ng Maruruming Bagay Nararapat tanggalin ang maruruming bagay katulad ng dumi ng tao, ihi at iba pang mula sa tatlong mga sumusunod na bagay: 1. Mula sa katawan, Sinabi ng Allah.

‫(و هللا يحب المطهرين)التوبة‬ “Tunay na minamahal ng Allah ang mga taong nililinis ang mga sarili)” [Surah Atawbah: 108] 2. Mula sa damit, Sinabi ng Allah.

‫(وثيابك فطهر)المدثر‬ 18


(At linisin mo ang iyong kasuotan) [Surah Al-Muddathir: 4] 3. Ang lugar na kung saan isinasagawa ang pagdarasal. Sinabi ng Sugo ng Allah: “Katunayan ang Masjid ay hindi dapat madumihan ng ihi at dumi� Talakayin: 1. Taharah 2. Kaugalian sa pagtugon sa tawag ng kalikasan. 3. Istinja at Istijmar

19


Aralin – 4

Ang Wudhu - Paghuhugas bago magsagawa ng Salah Ang Paglilinis at ang mga katangian nito: Sinabi ng Allah:

‫(إن اهلل حيب اتلوابني ويحب المتطهرين) ابلقرة‬ “(Tunay na, minamahal ng Allah ang mga taong (bumabalik sa Kanya) upang humingi ng kapatawaran at Kanyang minamahal silang nililinis ang mga sarili)” Surah al-Baqarah 2:222 At sinabi ng Sugo ng Allah (s.a.w.) “Nais ba ninyong ipabatid ko sa inyo ang mga gawang makapagbubura sa inyong mga kasalanan at itataas kayo sa mataas na antas sa Paraiso?” “Oo Sugo ng Allah”, sinabi ng Sugo ng Allah (s.a.w.) “kumpletuhin ang wudhu mula sa mga kinamumuhiang bagay at damihan ang paglalakad patungo sa Masjid at hintayin ang susunod na dasal sa Masjid pagkatapos ng unang dasal.” Makakamit ng isang Muslim ang kalinisan sa pamamagitan ng dalawang bagay: 1. Sa pamamagitan ng Wudhu 2. Sa papamagitan nang pagtanggal dumi Ang mga gawaing nangangailangan ng Wudhu: Nararapat sa isang Muslim na magsagawa muna ng Wudhu bago isagawa ang mga sumusunod: 1. Pagdarasal 2. Paghawak ng Qur’an 3. Tawaf (Pag-ikot sa Ka’bah)

20


Wajibul Wudhu - Ang mga tungkulin sa pagsasagawa ng Wudhu Nararapat na bigkasin sa pagsasagawa ng wudhu ang Bismillah (‫هللا‬

‫)بسم‬

1. Ang pagbigkas nito ay sa simula nang pagsasagawa ng wudhu. 2. Kung nakalimutan bigkasin sa simula ang Bismillah, maaring bigkasin kapag naalala habang nagsasagawa ng wudhu. 3. Kung nakalimutan bigkasin ang Bismillah hanggang sa ang wudhu ay matapos, sa ganitong kalagayan, ang kanyang wudhu ay tama at hindi na kailangang ulitin pa.

Ang mga Alituntunin sa Pagsasagawa ng Wudhu Mga Alituntunin sa pagsagawa ng wudhu: 1. Niyah (layunin) upang magsasagawa ng wudhu at bigkasin ang )‫هللا‬

‫ (بسم‬Bismillah.

2. Hugasan ang dalawang kamay hanggang pulso nang tatlong beses. 3. Mag-mumog nang tatlong beses, suminghot ng tubig para linisin ang ilong nang tatlong beses at isinga. 4. Hugasan ang buong mukha nang tatlong beses. 5. Hugasan ang dalawang kamay (simula dulo ng daliri) hanggang sa siko nang tatlong beses. 6. Basain ng tubig ang kamay at ihaplos sa ulo, simula unahan (nuo) papuntang likod (batok) kasama ang dalawang tainga nang isang beses. 7. Hugasan ang magkabilang paa hanggang sa bukung-bukong nang tatlong beses, unahin ang kanan bago ang kaliwa. Ang Kondisyon sa Pagsasagawa ng Wudhu Mga Kondisyon nang Pagsasagawa ng wudhu, ito ay ang mga sumusunod: 1. Niyah- Layunin, isaisip ang pagsasagawa ng wudhu na lilinisin ang 21


hadath (marumi) o dili kaya ay isaisip na magsasagawa ng wudhu para sa pagdarasal o pagbabasa ng Qur’an at iba pa. 2. Nararapat na ang tubig na gagamitin sa pagsasagawa ng wudhu ay malinis at hindi maaaring isagawa ito kung walang tubig o kung ang tubig ay marumi. 3. Nararapat na ang tubig na gagamitin sa wudhu ay (Mubaah) ipinahihintulot at hindi (Haraam) ipinagbabawal, katulad ng tubig na ninakaw at iba pa. 4. Walang matitirang tuyo sa hinuhugasan (kailangan tanggalin ang anumang nakadikit sa katawan, katulad ng harinang tumigas dahil sa tubig, putik, cutix at iba pa upang ang mga bahaging ito ay mabasa ng tubig) 5. Kinakailangang linisan ang ari o likuran kapag umihi o dumumi. Ang mga Obligadong dapat Hugasan sa Wudhu Furudhol Wudhu - Mga obligado sa wudhu. Mayroong anim na bahagi ng katawan na obligadong mabasa sa pagsasagawa ng wudhu, ito ay ang mga sumusunod: 1. Ang paghuhugas ng mukha (kasama na ang pagmumog at pagsinghot ng tubig sa ilong). 2. Ang paghugas ng dalawang kamay hanggang sa siko. 3. Ang paghaplos ng basang kamay sa ulo (kasama ang dalawang tainga). 4. Ang paghugas ng dalawang paa hanggang bukung-bukong. 5. At-Tartib- pagsasagawa ng wudhu na nasa tamang kaayusan at ayon sa pagkakasunud-sunod nito. 6. Al-Muwalah - pagsasagawa ng wudhu nang tuloy-tuloy na hindi hahayaang matuyo ang isang bahagi na hinugasan. Ang mga Sunnah sa pagsasagawa ng Wudhu

22


1. Ang paghuhugas ng dalawang kamay. 2. Ang paggamit ng siwak tuwing magmumumog. 3. Ang kumpletong pagmumumog at paghuhugas ng ilong sa hindi nagaayuno. 4. Ang paghaplos ng mga daliri sa dalawang kamay at dalawang paa. 5. Unahin ang kanan bago ang kaliwa at ang paghuhugas ng kanang paa bago ang kaliwang paa. 6. Ang paghuhugas nang tatlong beses sa mukha, dalawang kamay at dalawang paa. 7. Ang pagbigkas ng dua’a matapos magsagawa ng wudhu ng;

)‫(أشهد أن ال اهل إال اهلل وحده ال رشيك هل و أشهد أن حممدا عبده ورسوهل‬ )‫(اللهم اجعلين من اتلوابني واجعلين من المتطهرين‬

Ash-hadu an la ilaha ilallah, wah dahu la sharika lah wa ash-hadu anna Muhammadan a’bduhu wa rasuluh. Allahuma aja’alni min at-tawwabin wa aja’alni min al-mutatahirin Ang Nagpapawalang-bisa ng wudhu 1. 2. 3. 4.

Ang pagdumi, pag-ihi at pag-utot Ang pagkawala ng malay. Ang pagkatulog nang mahimbing. Ang paghawak sa maselang bahagi ng katawan (ari o likuran) na walang sapin (skin-to-skin). 5. Ang pagkain ng karne ng kamelyo

Ang Paghaplos sa Khuf o Medyas Ang Paghaplos sa Khuf o Medyas Nabanggit sa naunang paksa na ang isa sa obligadong dapat hugasan sa pagwu-wudhu ay ang dalawang paa hanggang sa bukung-bukong, nguni’t

23


may pagkakataong hindi na kinakailangang hugasan pa ang mga ito kung may suot na khuf o medyas (sanhi ng mga ilang kadahilanan tulad ng lamig, at iba pa). Ang tanong dito ay: Kinakailangan bang tanggalin ito tuwing magsasagawa ng wudhu? Sagot: Hindi na ito kailangang tanggalin pa; dahil sa habag ng Allah sa kanyang mga alipin ay ipinahintulot Niya ang paghaplos ng Khuf o medyas kapalit ng paghuhugas ng dalawang paa. Batay sa Hadith na naiulat mula kay Bilal (raa) na ang Sugo ng Allah (saw) ay naghaplos ng kanyang Khuf. Al-khuf – bagay na isinusuot sa dalawang paa, at ito ay balat at iba pa. Al-Jawrab - ay ang medyas. Mga kondisyon ng paghaplos sa Khuf: 1. Ang khuf ay gawa mula sa balat o iba pang malinis na materyales. 2. Kailangan ang Khuf ay Mubaah (ipinahintulot) at hindi Haraam katulad ng inagaw o ninakaw o dili kaya ay hareer (sutla) na mahigpit na ipinagbabawal gamitin ng mga kalalakihan. 3. Kinakailangan sa khuf at medyas ay natatakpan ang paa hanggang sa bukung-bukong. 4. Kinakailangan na ang khuf o medyas ay isinuot pagkatapos magsagawa nang kumpletong paghuhugas (Tahara) Tagal ng bisa nang Paghaplos sa Khuf o Medyas: Residente (hindi naglalakbay) - isang araw at gabi (24 oras) Musafir (naglalakbay) - tatlong araw at tatlong gabi (72 oras) Ang simula nang paghaplos ng khuf at huling paghaplos. Ang bisa nang paghaplos ay nagsisimula sa unang paghaplos sa medyas o khuf pagkatapos magsagawa nang paghuhugas ng hadaath at ito ay magtatagal sa loob ng isang araw at isang gabi para sa hindi naglalakbay, at magtatagal naman sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi para sa mga naglalakbay. 24


Halimbawa: Kapag nagsagawa ng wudhu para sa dasal ng Dhur at isinuot niya ang kanyang khuf o medyas at pagkatapos ay nawalan ng bisa ang kanyang wudhu bago mag-Asr, kailangang magsagawa siya ng panibagong wudhu para sa dasal na Asr. Hindi aalisin ang khuf o medyas at ito ay magkabilang hahaplusin lamang. Ang bisa ay magsisimula sa unang paghaplos niya (Salah ng Asr) at sa bawa’t salah niya ay hahaplusin lamang niya ang kanyang khuf o medyas bago sumapit ang pagtatapos ng bisa nito. Sa susunod na salah ng Asr na kung saan magtatapos ang bisa nang kanyang paghaplos ay magsasagawa na siya ng wudhu na kinakailangan tanggalin na niya ang kanyang khuf o medyas at hugasan ng tubig. Papaano haplusin ang khuf o medyas: Basain ng tubig ang dalawang kamay at ihaplos nang pataas mula sa dulo ng mga daliri sa paa hangang sa bahagi ng bukung-bukong. Ang kanang kamay ang pinanghahaplos sa kanang paa at ang kaliwang kamay ang para naman sa kaliwang paa. Gawin ito nang sabay kung maaari at isang beses lamang itong ginagawa. Hindi kasama sa mga alituntunin nang paghaplos ang likod o ilalim ng Khuf. Gawain: 1. Isagawa ang Wudhu.

25


Aralin – 5

Ghusul (ang pagligo ng lubos) Mahigpit na iminungkahi ng Propetar sa mga Muslim na maligo ng lubos (Ghusul) sa mga araw ng Biyernes. Kapag ang isang tao ay bagong yakap sa Islam, ipinayo rin ng Propetar na siya ay maligo ng lubos, si Qays ibn ‘Assim ay nagsabi, “Nagpunta ako sa Propeta upang tumanggap ng Islam at sinabihan niya ako na maligo nang lubusan sa pamamagitan ng tubig at Sidr (mga dahon ng punong lote).” Abu Dawud Kinakailangan sa mga kababaihan na dalisayin ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng Ghusul upang maisagawa nila ang pagsasalah pagkaraan ng kanilang regla o pagkatapos ng kanilang pagdurugo sanhi nang panganganak. Ang pagdadalisay sa pamamagitan ng Ghusul ay kinakailangan din sa mga pagkakataon na nilabasan ng semilya habang natutulog (wet dreams), at pakikipagtalik. Ang ganitong mga uri ng karumihan kapag pinagsama-sama ay tinatawag na al-Hadath al-Akbar. Ang paghuhugas ng pribadong bahagi at Wudhu ay kinakailangan sa mga pagkakataon na ang pangkaraniwang mga likido ay lumabas. Si A’isha ay nag-ulat na kapag ang Propetar ay nagnais magsagawa ng Ghusul una muna niyang hinuhugasan ang kanyang mga kamay, pagkatapos ay huhugasan ang maselang bahagi ng kanyang katawan sa pamamagitan ng kaliwang kamay. Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Wudhu, tatlong beses niyang bubuhusan ang kanyang ulo at kukuskusin ito ng kanyang mga daliri hanggang sa mga ugat ng kanyang buhok (anit). Susunod dito ang pagbuhos ng tubig sa buo niyang katawan3 at kapag minsan ay umuusog siya at huhugasang muli ang kanyang mga paa.4 Si Ubayd ibn Umayr ay nag-ulat na noong nalaman ni A’isha na si Abdullah ibn ‘Amr ay nag-utos sa mga kababaihan na tanggalin ang tirintas ng kanilang mga buhok, siya ay nagsabi: 3 Sahih al-Bukhari 4 Iniulat ni Maymunah at tinipon ni Muslim

26


“Nakapagtataka na si ibn ‘Amr ay mag-uutos sa mga kababaihan na tanggalin ang tirintas ng kanilang mga buhok kapag sila ay magsasagawa ng Ghusul. Bakit hindi na lang niya ipag-utos ang pagpapagupit (sapagka’t ito ay mas madali)? Ang Sugo ng Allah at ako ay nagsasagawa ng Ghusul mula sa isang lalagyan at nagbubuhos lamang ako ng tubig nang tatlong ulit mula sa aking mga kamay sa aking ulo (na hindi tinatanggal ang tirintas ng buhok).” Sahih Muslim Sa paggamit ng sabon sa pagligo, tapusin muna ang pagsasabon at paghuhugas ng buong katawan kasama ang buhok, pagkatapos ay magpatuloy sa pagsasagawa ng Wudhu at ang buong pagligo. Ang paghuhugas ay maaaring sa paggamit ng shower. Gayunpaman, ang paghuhugas ay hindi dapat isagawa sa loob ng mga tub na ang tubig ay naiipon sapagka’t ang tubig na kanyang ginagamit ay hindi na dalisay.

Tayammum Kapag ang isang Muslim ay nais magsagawa ng pagdarasal kinakailangang magsagawa siya nang paghuhugas at gumamit ng tubig dahil ito ang pangunahin kondisyon ng pagdarasal. Nguni’t kung sakaling wala siyang makitang tubig, o may tubig nguni’t hindi niya ito kayang gamitin sanhi ng kanyang sakit tulad ng mga sugat sa katawan, o sobrang lamig o init ng panahon, sa ganitong kalagayan ay maaari siyang magsagawa ng tayammum batay sa sinabi ng Allah sa Qur’an:

َ​َ ْ ُ ْ ُ َ ْ َ ً ّ َ ً َ ْ ُ َّ َ َ َ َ ْ ُ َ‫َ َ ْ ج‬ ُ ْ ْ } ‫حوا ب ِ ُو ُجوهِكم وأيدِيكم‬ ‫تدوا ماء فتيمموا صعِيدا طيِبا فامس‬ ِ ‫{فلم‬ ‫النساء سورة‬

“Kapag wala kayong makitang tubig ay maaari kayong magsagawa ng tayammum mula sa malinis na lupa at haplusin ang inyong mukha at dalawang kamay.” Ang kahulugan ng tayammum: Ito ay isang uri ng tahara na ginagawa sa pamamagitan nang paghaplos sa mukha at dalawang kamay ng alikabok na mayroong partikular na gawain. 27


Paraan ng pagsasagawa ng tayammum: 1. Ilagay ang layunin sa puso na magsasagawa ng Tayammum 2. bigkasin ang “BISMILLAH” (‫)بسم هللا‬ 3. itapik nang isang beses ang dalawang palad sa tuyo at malinis na lupa o kahit anong bagay na may alikabok kagaya ng pader, dingding, bato, buhangin, at iba pa; at 4. ihaplos nang isang beses lamang ang mga palad sa buong mukha at saka ihaplos ang kaliwang palad sa kanang kamay at kanang palad sa kaliwang kamay nang tig-iisang beses lamang. Ang mga kondisyon ng tayammum: 1. Niyyah - isapuso ang pagsasagawa ng tayammum 2. Walang tubig o kaya ay makasasama sa katawan ang paggamit nito 3. Kinakailangang malinis na lupa, buhangin o alikabok ang gagamitin. 4. Kinakailangang Halal o pinahihintulot ang pinagkunan o pinanggalingan nito. Ang mga nakawawalang-bisa sa tayammum 1. Kapag nagkaroon na ng tubig kahit sa oras ng pagdarasal (hindi pa natatapos ang dasal), o kapag kaya nang gamitin ang tubig. 2. Ang lahat nang nakasisira sa wudhu katulad ng: a. Pagdumi, Pag-ihi, Pag-utot. b. Pagkatulog c. Pagkawala ng malay. d. Ang pagkain ng karne ng kamelyo Gawain: 1. Isagawa ang Ghusul. 2. Isagawa ang Tayammum.

28


Aralin – 6

Ang Adhan at Iqamah Ang Adhan ay ang pagpapaalala sa mga tao nang pagsapit ng oras ng Salah (pagdarasal). Ang Iqamah naman ay ang pagpapa-alala sa mga tao na uumpisahan na ang Salah (pagdarasal). Ang labinlimang katagang bibigkasin sa Adhan: Allahu Akbar, Allahu Akbar Allahu Akbar, Allahu Akbar Ashhadu an la ilaha ilallah, Ashhadu an la ilaha ilallah Ashhadu anna Muhammad ar-rasulullah, Ashhadu anna Muhammad ar-rasulullah Hayy a’las salah, hayy a’las salah Hayy a’lal falah, hayy a’lal falah Allahu Akbar, Allahu Akbar La ilaha ilallah Ang adhan sa Salah ng Fajr ay may karagdagan pagkatapos bigkasin ang Hayy a’lal falah nang ganito: Assalatu khairum minan nawm, assalatu khairum minan nawm Ang mga katagang binibigkas sa Iqama ay may labing isang kataga: Allahu Akbar, Allahu Akbar Ashhadu an la ilaha ilallah, Ashhadu anna Muhammad arrasulullah Hayy a’las salah, Hayy a’lal falah Qadi qamatissalatu, Qadi qamatissalah Allahu Akbar, Allahu Akbar La ilaha ilallah

29


Ang mga Sunnah sa pagsasagawa ng Adhan Ang mga sunnah sa pagsasagawa ng adhan ay ang sumusunod: 1. Ang pagharap sa Qiblah. 2. Ipasok ang kanang hintuturo sa butas ng kanang tainga at gayundin ang kaliwang hintuturo sa butas ng kaliwang tainga. 3. Ilakas ang tinig sa pagtawag ng Adhan. 4. Huwag magmadali sa pagbigkas ng Adhan. 5. Dahan-dahang lumingon sa kanan kapag binibigkas ang hayy a’las salah at kaliwa kapag binibigkas ang hayy a’lal falah. Ang mga sunnah sa sinumang nakarinig ng adhan: 1. Ulitin ang binibigkas nang tumatawag ng Adhan maliban lamang sa hayy a’las salah at hayya a’lal falah; sa halip ay bigkasin ang La hawla wa la Quwwata ila billah. 2. Sunnah sa nag-Adhan at nakarinig nito na bigkasin pagkatapos ng adhan ang: a. Allahumma salli a’laa nabi sallAllahu alaihi wasallam. b. Bigkasin ang nabanggit sa hadith ni Jaber (raa) na ang Sugo ng Allah (saw) ay nagsabi: “sinuman ang magsabi nito pagkatapos ng adhan: Allahumma rabba hadhihid da’wati at taammati was salatil qaimati, aati muhammadan al wasilati walfadhilati, wab athuhu makaman mahmudan alladhi wa adtaho, ay mapapasakanya ang safaat ko pagdating ng araw ng paghuhukom’. Al-Bukhari bilang 0614 3. Nararapat sa Muslim na kapag narinig na niya ang adhan ay magtungo na sa masjid at iwanan ang lahat ng kanyang ginagawa.

Gawain: 1. Bigkasin ang Adhan. 2. Bigkasin ang Iqamat

30


Aralin – 7

As-Salah – Pagdarasal Ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng mga partikular na gawain at mga salitang bibigkasin na magsisimula sa takbir at tatapusin nang taslim. Ang kahalagahan ng salah Ang salah ay may napakataas at napakalaking antas sa Islam dahil ito ang pangalawang haligi ng Islam pagkatapos ng shahadatayn. Ito ay haligi ng Islam at mawawalang kabuluhan ang pagiging Muslim ng isang tao kung wala ito. Dahil sa kahalagahan nito ay ipinag-utos ng Allah mula sa langit sa gabi ng lailatul isra wal miraj na kung saan ang Sugo ng Allah (saw) ay umakyat sa langit. Naiulat mula kay ibn Umar (raa) mula sa Sugo ng Allah (saw) na kanyang sinabi: “binuo ang Islam ng limang haligi, ang pagsaksi na walang ibang diyos maliban sa Allah at pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah at ang pagtatatag ng pagdarasal at pagbibigay ng kawanggawa at pagsasagawa ng hajj at pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan”. Ang batas para sa Salah Ang Salah ay tungkulin na ipinag-uutos ng Allah sa Kanyang mga alipin at sinuman ang tumangging magdasal nang sinasadya o nagpabaya, o sanhi ng katamaran ay maituturing na isang hindi mananampalataya (isang kafir). Kung siya ay hindi magsasagawa ng Tawba o pagsisisi ay tunay nga na siya ay isang kafir batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Ang pagitan natin at ng mga di-mananampalataya ay ang salah, sinuman ang di-magsagawa nito ay tunay na nakagawa ng isang Kufr.” At-Tirmidhi Kanino ipinag-uutos ang salah bilang isang obligadong tungkulin? Ipinag-uutos ang salah bilang isang obligadong tungkulin sa Muslim na nasa tamang gulang at matinong pag-iisip lalaki man o babae. Sanayin ang mga bata na nasa ika-7 taong gulang na mag-Salah at kapag sila ay sumapit sa ika-10 taong gulang ay paluin sila kung tumangging magsagawa ng Salah, batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Utusan ninyo ang inyong mga anak na mag-Salah sa gulang na pitong taon 31


at kung sila ay umabot na sa sampung taon, paluin sila kung tumangging mag-Salah at paghiwalayin ninyo sila sa pagtulog.” Abu-Dawud at iba pa.

Kondisyon ng Salah Mayroong siyam na kondisyon ang Salah na kung wala ang mga ito ay hindi magiging katanggap-tanggap ang Salah: 1. Muslim - hindi maaaring magsagawa ng salah ang hindi Muslim. Kasama sa kondisyong nang pagtanggap ng gawa ang pananampalataya sa Allah, dahil dito ang ang Salah ng isang hindi Muslim ay hindi katanggap-tangap. 2. Al-Aql – matinong pag-iisip, hindi matatanggap ang salah ng isang tao na wala sa katinuan ang pag-iisip. 3. Attamyij - nasa tamang gulang, kaya hindi matatanggap ang salah ng batang maliit hanggat hindi umabot sa tamang gulang. 4. Attahara minal hadath - malinis mula sa mga hadath, kaya hindi matatanggap ang salah nang mayroong hadath hangga‘t hindi nakapaghuhugas (wudhu) batay sa sinabi ng Sugo ng Allah: “hindi tatanggapin ng Allah ang salah ng isa sa inyo kung mayroon siyang hadath hangga’t hindi siya makapaghugas (wudhu). Ang taong mayroong hadath ay yaong mga taong nawalang-bisa ang kanilang wudhu sanhi ng pagdumi, pag-ihi, at iba pang nakawawalang-bisa ng wudhu. 5. Attaharato minan najasah: kalinisan mula sa marumi, at kinakailangan linisan ang maruruming nasa katawan, damit, o lugar na kung saan isasagawa ang pagsasalah. 6. Dokhulol Waqt - itinakdang oras ng salah, hindi maaring magsalah bago dumating ang oras ng salah at ipinagbabawal din isagawa sa huling panahon nito kung sakaling walang katanggap-tanggap na dahilan. Sinabi ng Allah: (katotohanan ang salah ay mayroong panahong itinakda para sa mga mananampalataya) 7. Satrul Awrah: kinakailangan takpan ang Awrah, ang awrah ng mga lalaki ay magmula sa kanyang pusod hanggat sa kanyang tuhod at ang awrah ng mga babae ay ang lahat ng kanyang katawan maliban sa kanyang mukha at dalawang palad sa pagsasagawa ng salah. 8. Istiqbalul Qiblah - Ang pagharap sa Qiblah o sa Ka’abah tulad nang sinabi ng Allah: 32


َ َْ َ َّ​َ ْ ‫ك َش ْط َر ال ْ َم‬ َ ْ‫ج ِد ح‬ ‫س‬ ‫{ فو ِل وجه‬ ‫ال َر ِام } سورة ابلقرة‬ ِ “Iharap mo ang iyong mukha sa masjid al-haram” (Surah al-Baqarah 2:149) ∑ Kapag ang taong nagsasagawa ng salah ay nasa loob ng masjid al-haram ay kinakailangang humarap siya sa ka’abah. ∑ Kapag siya ay malayo haharap lamang siya sa bandang qiblah. 9. Aniyyah - isapuso na siya ay magsasagawa ng isang pagdarasal ng dhuhr halimbawa o ‘Asr gayundin sa ibang dasal batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “katunayan Lahat ng gawain ay nakasalalay sa layunin at lahat ng bagay ay mayroong layunin.” Al-Bukhari. At ang layunin ay kinakailangan isapuso at hindi binibigkas dahil ang pagbigkas nito ay bid`ah at labag sa batas ng Islam.

Ang mga Oras ng Salah (Pagdarasal) Ang mga Oras ng mga obligadong Salah 1. Fajr - Ang pangmadaling-araw na dasal, magsisimula sa pagbukangliwayway hanggang sa pagsikat ng araw. 2. Duhr - Pangtanghaling dasal, magsisimula pagkatapos ng tanghaling tapat hanggang sa ang anino ng isang bagay ay kasing-sukat nito. 3. ‘Asr - Panghapong dasal, magsisimula pagkatapos ng dhuhr hanggang sa ang anino ng isang bagay ay kasing-sukat nito ng dalawang bahagi. 4. Maghrib - Ang dasal paglubog ng araw, magsisimula sa paglubog ng araw hanggang maglaho ang pamumula sa langit. 5. ‘Isha - Panggabing dasal, magsisimula sa paglaho ng pamumula sa langit at pagkagat ng dilim hanggang sa hatinggabi. Talakayin: 1. As-Salah 2. Mga Kondisyon ng Salah 3. Ang mga oras ng Salah 33


Aralin – 8

Ang mga Rukon ng Salah (Haligi ng Salah) Ang Labing-apat na rukon - saligan ng Salah 1. Qiyyam - Ang pagsasagawa ng salah na nakatayo batay sa hadith ni Emran bin Husain (raa) na kanyang sinabi mayroon akong sakit sa katawan kaya tinanong ko ang Sugo ng Allah (saw) kung papaano ako magsasagawa ng salah at kanyang sinabi: “ Magsalah nang nakatayo at kung hindi mo kayang tumayo magsalah ng naka-upo at kung hindi mo kayang magsalah ng nakaupo, magsalah ka nang nakahiga.” Al-Bukhari 2. Takbiratul Ihram - unang bibigkasin sa pagsasalah (Allahu Akbar) sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “kapag tumayo ka sa pagsasalah bigkasin mo ang Allahu Akbar” 3. Surah Al Fatiha - Ang pagbasa ng Suratul Fatiha sa lahat ng rakaah sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “walang salah kung hindi binasa ang suratul fatiha” Al-Bukhari 4. Rukoo - Ang pagyuko, sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “pagkatapos ikaw ay yumuko hanggang sa ikaw ay nanatiling nakayuko” 5. Ang pagbangon mula sa iyong pagyuko at ang pagtayo nang matuwid mula sa pagbangon sa pagyuko, sinabi ng Sugo ng Allah: “pagkatapos ay tumayo ka nang matuwid mula sa iyong pagkakayuko” 6. Sujud - Ang pagpapatirapa ng pitong bahagi ng katawan, batay sa hadith ni Ibn Abbas (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Inutusan ako na magsujud (magpatirapa) ng pitong bahagi ng katawan: ang noo, itinuro niya sa kanyang dalawang kamay sa kanyang ilong at ang dalawang kamay at dalawang tuhod at dalawang dulo ng paa. Ito ay ang: a. (ang Noo at ang Ilong) b. (Dalawang kamay) c. (Dalawang Tuhod) d. (ang dulo ng dalawang Paa) 7. Ang pagbangon mula sa pagpapatirapa. 8. Julus - Ang pag-upo mula sa dalawang pagpapatirapa batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “pagkatapos ikaw ay magbangon mula sa 34


pagpapatirapa hanggang ikaw ay naka-upo nang matuwid.” 9. Ang pagbigkas ng huling Tashahud. 10. Ang pag-upo sa huling tashahud sinabi ni Ibn Abbas (raa); “noon ay aming binibigkas sa salah bago magtashahud ang: (Assalamo ala Allah ala Jibril wa mikael) nguni’t sinabi sa amin ng Sugo (saw): “ huwag ninyong sabihin yan sa halip ay ito ang sabihin ninyo :

‫(التحيات هلل وال�صلوات والطيبات ال�سالم عليك �أيها النبي ورحمة اهلل وبركاته ال�سالم‬ ‫ الن�سائي‬.‫علينا وعلى عباد اهلل ال�صاحلني �أ�شهد �أن ال اله �إال اهلل و �أ�شهد �أن حممدا عبده ور�سوله‬ ATAHIYATU LILLAHI WA SALAWATU WA TAYIBAT, ASSALAMU ALAYKA AYUHA NABI WARAHMATULLAHI WA BARAKATUH, ASSALAMU ‘ALAYNA WA ‘ALA IBADILLAHI SALIHIN, ASH-SHADU AN LA ILAHA ILALLAH WA ASH-SHADU ANA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULUH 11. Ang Assalato ala nabi sallAllahu alaihi wasallam, pagkatapos basahin ang huling tashahud. Sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “sabihin ninyo ang:

‫ �إنك حميد‬، ‫ وعلى �آل �إبراهيم‬، ‫ وعلى �آل حممد كما �صليت على �إبراهيم‬، ‫(اللهم �صل على حممد‬ ‫ وعلى �آل �إبراهيم �إنك‬، ‫ كما باركت على �إبراهيم‬، ‫ وعلى �آل حممد‬، ‫ اللهم بارك على حممد‬.‫جميد‬ ‫ ) البخاري‬.‫حميد جميد‬ ALLAHUMMA SALI ‘ALA MUHAMMAD, WA ‘ALA ALI MUHAMMAD KAMA SALAYTA ‘ALA IBRAHIM , WA ‘ALA ALI IBRAHIM, INNAKA HAMIDUN MAJID. ALLAHUMMA BARIK ‘ALA MUHAMMAD, WA ‘ALA ALI MUHAMMAD KAMA BARAKTA ‘ALA IBRAHIM , WA ‘ALA ALI IBRAHIM, INNAKA HAMIDUN MAJID 12. Ang dalawang taslim, sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Ang tahlil nito ay ang dalawang taslim.” 13. Ang pagpahinga nang kaunti sa lahat mga saligan nito. Ang basehan ay ang hadith na nabanggit sa isang taong hindi maayos ang kanyang pagsasalah, ulat mula kay Abu Hurairah (raa) “ Ang Sugo ng Allah (saw) ay pumasok sa masjid at pumasok ang isang lalaki at nagsagawa ng dasal pagkatapos niyang magdasal sinalam niya 35


ang Sugo ng Allah (saw) at sumagot ang Sugo (saw) at kanyang sinabi sa lalaki: “magdasal ka uli dahil hindi ka nakapagdasal”, at nagdasal muli ang lalaki katulad ng kanyang unang dasal at nang matapos siyang magdasal sinalam niya muli ang Sugo at sumagot ang Sugo at sinabi niya sa lalaki, “magdasal kang muli dahil hindi ka nakapagdasal” at nagdasal na muli ang lalaki at nang matapos siyang magdasal ay sinalam niyang muli ang Sugo ng Allah, at sinagot ng Sugo ng Allah (saw) at sinabi niya sa lalaki magdasal ka dahil hindi ka nakapagdasal, (nang tatlong ulit) at sinabi ng lalaki; “Sumpa man sa nagsugo sa iyo ng katotohanan ay wala na akong alam na mas higit pa sa aking mga dasal kaya turuan mo ako”, sumagot ang Sugo ng Allah (saw): “Kapag nakatayo ka sa pagsasalah ay bigkasin mo ang Allahu Akbar pagkatapos magbasa ka ng ilang talatang alam mo mula sa Qur’an at yumuko ka hanggang sa ikaw ay nakapahinga sa pagyuko, pagkatapos tumayo ka hanggang sa ikaw ay makatayo nang matuwid, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa ikaw ay nakapagpahinga sa pagpapatirapa, pagkatapos bumangon ka mula sa pagpapatirapa hanggang sa makapagpahinga kang nakaupo at ganyan ang gagawin mo sa lahat ng iyong salah” Al-Bukhari 14. Ang pagsunud-sunurin ang lahat ng mga saligan ng salah dahil ang Sugo ng Allah ay nagsagawa ng salah sa ganitong pamamaraan at sinabi niya (saw): “mag-Salah kayo katulad ng nakita ninyong pagsasalah ko” Al-Bukhari.

Ang mga Wajib sa Salah Ang mga wajib sa salah ay walo: 1. Lahat ng mga takbir maliban sa takbiratul Ihram (rukun) 2. Ang pagbigkas ng (Sami allahu liman hamidah) para sa mga Imam at nag-iisa 3. Ang pagbigkas ng (rabbana walakal hamd) para sa lahat. 4. Pagbigkas ng (subhana rabbiyal adhim) sa pagyuko. 5. Ang pagbigkas ng (subhana rabbiyal a`la) sa pagpapatirapa. 6. Ang pagbigkas ng (rabbigfirli) sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa. 36


7. Ang tashahud al awwal. 8. Ang pag-upo sa tashahud al awal.

Ang Pinagkaiba ng Rukn at Wajib sa pagsasalah Magkatulad ang rukn at wajib sa isang bagay at ito ay magkaiba rin sa isang bagay: a) Magkatulad ang rukn at wajib na nakawawalang-saysay ng Salah kapag sinadyang hindi gawin. b) Magkaiba naman ang rukn at wajib sa isang kalagayan dahil kapag hindi naisagawa nang nagsasalah ang rukun sanhi ng pagkalimot o hindi niya alam, ito ay kinakailangang ulitin at magsagawa ng sujud as-sahu. Samantala, kapag hindi naisagawa ang wajib sa parehong kadahilanan, hindi na kailangan pang ulitin ito, nguni’t kinakailangang mag-sujud as-sahu. Talakayin: 1. Ang mga Rukn ng Salah 2. Ang mga Wajib ng Salah 3. Ang mga oras ng Salah

37


Aralin – 9

Ang Pamamaraan ng pagsasalah Ang Unang Rakaah 1. Tumindig at humarap sa qiblah – ka’abah. 2. Bigkasin ang “Allahu Akbar” )‫ (هللا أكبر‬takbiratul Ihram at itaas ang dalawang kamay sa hangganan ng balikat o tainga. 3. Ipatong ang kanang kamay sa kaliwang kamay at ilagay sa dibdib at manatili ang paningin sa kung saan magpapatirapa. 4. Sabihin ang pambungad na panalangin sa sarili ang:

.‫�سبحانك اللهم وبحمدك وتبارك ا�سمك وتعاىل جدك وال اله غريك‬ SUBHANAK ALLAHUMA WA BIHAMDIK WA TABARAK ISMOKA WA TA’ALA JADUK WA LA ILAAHA GHAYRUK 5. Sabihin sa sarili:

)‫(�أعوذباهلل من ال�شيطان الرجيم‬

A’UDHU BILLAHI MIN ASH-SHAYTANI RAJIM

)‫( ب�سم اهلل الرحمن الرحيم‬

BISMILLAHI RAHMANI RAHIM 6. Bigkasin ang Suratul Fatiha at sabihin ang Aamen sa huli ng Al Fatiha. Bumigkas ng mga ilang karagdagan Surah o talata mula sa Qur’an. (Ang pagbigkas ng Suratul Fatiha at ang ilan talata mula sa Qur’an ay binibigkas nang malakas sa mga salah ng Fajr, Maghrib at Isha, samantalang binibigkas ito nang tahimik sa mga Salah ang Dhuhr at ‘Asr) 7. Itaas ang dalawang kamay at bigkasin ang Allahu Akbar bago yumuko. Ilagay ang dalawang kamay na nakahawak sa dalawang tuhod at pantay ang katawan at ulo sa pagyukod. At bigkasin ang (subhana rabbiyal adhim) nang tatlong ulit. 8. Tumayo mula sa pagkakayuko at bigkasin ang (sami allahu liman 38


hamidah) kung siya ay imam o munfarid at bigkasin ng lahat ang (rabbana walakal hamd hamdan kathiran tayiban mubarakan fihi mil as samawati wa milal ardi wa mil o ma baynahuma wa mil a masi`ta min shai in ba`adaho). Ang ma`mun ay bibigkasin ang (rabbana walakal hamd) tuwing aangat mula sa pagkakayuko at kapag nakatayo na siya ay bibigkasin niya ang (hamdan kathiran) at ilagay niya muli ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib. 9. Magpapatirapa at bigkasin niya ang (Allahu Akbar) at habang nakasujud (patirapa) ay bibigkasin niya ang (subhana rabbiyal a`ala) nang tatlong ulit. 10. Aangat mula sa pagkakasujud at sabihin ang (Allahu Akbar) at maupo nang iftirash (kaliwang paa na nakahiga at ang mga daliri nito ay nakaturo sa gawin kanan habang ang kanan paa ay nakatukod at ilagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang hita at tuhod at sabihin niya ang (rabbigfirli warhamni wahdini wajburni warzikni wa ‘afini) 11. Muling magpatirapa at bigkasin ang (Allahu Akbar) at gawin niya ang kanyang ginawa sa unang pagpapatirapa.

Pangalawang rakaah 1. At ibangon niya ang kanyang ulo at bigkasin ang (Allahu Akbar) at tumindig siya sa pangalawang rakaah at gawin niya ang kanyang ginawa sa unang rakaah, hindi na niya bibigkasin pa ang pambungad na panalangin. 2. Kapag natapos na niya ang ikalawang rakaah ay maupo na siya ng upong pa-iftirash, maupo sa kaliwang paa na nakalapat at ang mga daliri nito ay nakaturo sa gawing kanan habang ang kanan paa ay nakatukod at gawin niya ang mga daliri nang kanyang mga paa na nakaturo sa qiblah at ilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang kanang hita at pagalawin ang hintuturo habang nagtatashahud at ilagay ang kaliwang kamay sa kaliwang hita at tuhod at basahin ang tashahud. (Attahiyatu lillahi was salawato wattayibatu assalamo alaika ayyuhan nabiyu wa rahmatullahi wabarakatuh assalamo ala’ina wa ala ibadillahis salihin ashhadu an la ilaha ilallah wa ashhadu anna muhammadan abduhu warasuluh.) Ang Pangatlo at Pang-apat na Rakaah 39


1. Kapag ang Salah ay mahigit dalawang rakaah ay kinakailangang magbangon siya mula sa unang tashahud at magtakbir siya at itaas ang dalawang kamay sa banda ng kanyang balikat at tainga at basahin nang tahimik ang suratul fatiha at gawin niya ang ginawa niya sa dalawang naunang mga rakaah. Ang Huling tashahud At kapag natapos na niya ang huling rakaah ay maupo na siya at isagawa ang huling tashahud at sabihin ang sumusunod:

‫(اللهم �صل على حممد وعلى �آل حممد كما �صليت على �إبراهيم وبارك على حممد وعلى �آل حممد‬ ).‫كما باركت على �إبراهيم وعلى �آل �إبراهيم �إنك حميد جميد‬ ALLAHUMA SALI ‘ALA MUHAMMAD WA ‘ALA ALI MUHAMMAD KAMA SALAYTA ‘ALA IBRAHIM WA ‘ALA ALI IBRAHIM INNAKA HAMIDUN MAJID WA BARIK ‘ALA MUHAMMAD WA ‘ALA ALI MUHAMMAD KAMA BARAKTA ‘ALA IBRAHIM WA ‘ALA ALI IBRAHIM INNAKA HAMIDUN MAJID at basahin ang:

‫(اللهم �إين �أعوذبك من عذاب جهنم ومن عذاب القرب ومن فتنة املحيا واملمات ومن فتنة امل�سيح‬ ).‫الدجال‬ ALLAHUMA INNI A’UDHUBIKA MIN ADHAABA JAHANAM WA MIN ADHAABAL QABR WA MIN FITNATI AL MAHIYA WAL MAMAAT WA MIN FITNATIL MASIHIL DAJAAL Ang dalawang taslim At pagkatapos ay lumingon sa kanan at pagkatapos ay sa kaliwa at sabihin ang:

)‫ ال�سالم عليكم ورحمة اهلل‬، ‫(ال�سالم عليكم ورحمة اهلل‬

ASSALAMU ALAYKUM WARAHMATULAH, ASSALAMU ALAYKUM WARAHMATULLAH 40


Ang mga Sunnah sa Salah Mayroong mga bibigkasin at mga gawain na ipinahintulot sa pagsasagawa ng Salah nguni’t hindi naman masisira ang Salah kung hindi naman magawa ito, sinasadya man o hindi bagama’t ito ay makakadagdag ng gantimpala ng salah kapag ito ay nagawa, at ito ay hinati sa dalawang bahagi: Una: Sunan Al-qawliyah: mga sunnah na sinasabi - ito ay ang pagbigkas ng: 1. (Subhanaka Allahumma wa bihamdika wa tabaraka ismuka wa ta’ala jadduka wala ilaha ghayruk) sa pag-umpisa ng Salah. 2. (Audhuu billahi minash shaitanir rajim) bago magbasa ng Qur’an mula sa unang rakaah. 3. (Bismillahir rahmanir rahim) bago ang fatiha at ang mga surah na babasahin. 4. (Amin) pagkatapos ng fatiha. 5. Ang pagbasa ng anumang surah mula sa Qur’an sa una at pangalawang rakaah sa lahat ng Salah. 6. Ang mga panalangin sa pag-upo mula sa huling tashahud pagkatapos ang Assalatu alan nabi (saw). Pangalawa: Sunan Al fi`liyah - mga sunnah na isinasagawa. 1. Ang pagtaas ng dalawang kamay sa bandang balikat at tainga mula sa apat na bagay: mula sa takbiratul ihram, sa pagyuko, sa pagbangon mula sa pag-yuko, pagkatapos tumayo sa pangatlong rakaah. 2. Paglagay ng kanan kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay at ilagay ito sa dibdib habang nakatayo. 3. Ang pagtingin kung saan magpapatirapa. 4. Ang pag-upong Iftirash sa pagitan ng dalawang sujod at unang tashahud. 5. Ang paglagay ng dalawang kamay sa dalawang tuhod at paghihiwalayin ang mga daliri nito habang nakayuko. 6. Maglagay ng tungkod o iba pa bilang pangharang sa unahan nang nagsasalah. 7. Harangin ng kamay ang dumadaan sa harap nang nagsasalah.

41


Ang Sujud na as-Sahu Ang sujud na as-sahu ay ang dalawang sujud na isasagawa nang nagsasalah sa huling bahagi sanhi nang pagkalimot sa anumang alituntunin ng Salah. Ipinahintulot ang pagsujud ng as-sahu sa mga sumusunod na dahilan: 1- kapag nadagdagan ang Salah: Katulad nang nakapagsalah ka ng limang rakaah sa dhuhur o nakapagsujud ka nang tatlong ulit. At kapag nangyari ito sa nagsasalah nang sinasadya ay mawawala ng saysay ang kanyang salah, sa halip, kung ito ay hindi sinasadya ay magsujud na lang siya ng as-sahu ng dalawang sujud bago magsasagawa ng taslim batay sa hadith ni Ibn Mas-ood (raa) na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “kapag nadagdagan ng isang lalaki ang salah o nabawasan niya ay kinakailangan magsujud ng sahu� Muslim 2- Nabawasan ang Salah: Halimbawa nakalimutan nang nagsasalah ang pag-upo sa unang tashahud o nakalimutan niya ang tasbih sa pagruko o pagsujod. Kapag nangyari ito sa isang nagsasalah ng sinasadya ay mawawalan ng saysay ang kanyang Salah at kapag hindi sinasadya ay kinakailangang magsujud siya ng dalawang sujud na as-sahu bago magsasagawa ng taslim. 3- Ang Pagdududa sa Salah: Kapag ikaw ay nagsasalah ng ‘Asr at ikaw ay nagdududa sa isang rakaah, ito ba ay pangatlong rakaah o pang-apat na, at kapag ganito ang kalagayan mo gawin mong pangatlo at kumpletuhin mo ang pang-apat at magsujud ka ng sujud as-sahu bago ka magsasagawa ng taslim. Talakayin: 1. Ang pamamaraan ng pagsasalah. 2. Ang mga Sunnah sa Salah 3. Ang Sujud na as-Sahu

42


Aralin – 10

Ang mga magagandang asal sa paglalakad patungo sa Salah at paghihintay nito. Kapag ang isang Muslim ay nagtungo sa masjid para sa salah, kinakailangan na gawin niya ang mga sumusunod: 1. Lumabas ng bahay na nakapagwudhu. 2. Bigkasin sa paglabas ng bahay ang (bismillahi tawakkaltu alallah la hawla wala quwwata illa billah) Abu Dawud. 3. Maglalakad siya ng mahinahon at mapakumbaba. Sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “kapag narinig ninyo ang Iqamah maglakad kayo nang mahinahon at sumama kung ano ang naabutan ninyo sa jama’a at kumpletuhin kung ano ang hindi naabutan sa mga alitununin ng salah”. 4. Unahin ang kanang paa sa pagpasok sa masjid at ang kaliwa sa paglabas at bigkasin ang hadith ni Abu Humaid o Abu Usaid na sinabi; sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid ay bigkasin niya ang (Allahumma aftahli abwaba rahmatika) at kapag lumabas siya (Allahumma inni as aluka min fadhlika) Muslim. Ang mga magagandang asal sa paghihintay ng Salah sa masjid Kinakailangan sa isang Muslim na sundan niya ang mga magagandang asal sa pagpasok sa masjid tulad ng mga sumusunod: 1. Magdasal ng dalawang rakaah bago umupo, ito ang tahiyyatul masjid. 2. Manatiling nakaharap sa qiblah at iwasan ang mga di-kinakailangang pagkilos. 3. Magsagawa ng mga mabubuting gawa habang naghihintay ng salah tulad ng pagsasagawa ng mga karagdagang salah, pagdhikr at paggunita sa Allah, o ang pagbabasa ng Qur’an. 4. Huwag gambalain ang mga nagsasalah sa masjid at iwasang makaagaw ng pansin o gumawa ng ingay (dahil ang isang Muslim kapag siya ay nasa loob ng masjid habang naghihintay ng salah ay tulad na din ng isang tao na nag-aalay ng salah. Iniulat ni Abu Hurairah (raa) na ang Sugo ng Allah (saw) ay nagsabi: “Habang naghihintay ang tao ng salah sa kanyang dinadasalan, siya ay para na ring nagaalay ng salah at siya ay ipinapanalangin ng mga anghel na kanilang sinasabi: O Allah patawarin mo po siya, o Allah mahalin mo po siya, 43


hangga’t hindi siya umaalis o nawalan ng bisa ang kanyang wudhu..” Al-Bukhari.

Ang mga kilos na makruh – hindi kanais-nais sa pagsasalah Dapat basahin ng isang Muslim ang sinabi ng Allah sa banal na Qur’an:

َ ُ َ ْ َ‫َ ا‬ ُ َ َّ‫َ ْ َ ْ َ َ ْ ُ ْ ُ َ ذ‬ ْ ‫قد أفلح المؤمِنون الِين هم يِف صلت ِ ِهم خاشِعون‬ Katunayan mapalad ang mga mananampalataya na kung sila ay nagsasalah, sila ay nagpapakumbaba : Surah Al-Mu`minun 1-2 Pinangangalagahan nila ang kanilang mga Salah, at ito ay kanilang isinasagawa sa maayos na pamamaraan na kumpleto ang mga kondisyon at mga alituntunin nito, at hindi sila gumagawa ng anumang makasisira nito katulad ng pagsasalita o pagtawa o anumang bagay na ipinagbabawal dito, dahil ang kanilang layunin ay upang makamit ang gantimpala mula sa Allah at maligtas sa Kanyang mga kaparusahan, bagama’t mayroong mga gawang hindi kanais-nais sa Salah na kapag ito ay nagawa ng isang nagsasalah ay mababawasan ang gantimpala ng kanyang Salah - ito ay ang mga sumusunod: 1. Ang pagtingin sa iyong dibdib na hindi naman kailangan, at kapag tumingin ka sa bahagi ng iyong katawan, ang iyong Salah ay masisira. 2. Ang pagtingin sa langit (pagtingala). 3. Ang pagpikit ng iyong mga mata na hindi naman kinakailangan. 4. Ang paghawak-hawak sa iyong ilong at bibig. 5. Ang pagdikit ng iyong dalawang braso sa lupa kung ikaw ay nagpapatirapa. 6. Ang pagkilos ng palagi na hindi naman kinakailangan

Ang Salatul Jama’ah – Pangmaramihang Dasal Ang Batas sa Salatul Jama’ah – pangmaramihang dasal Ang Salatul Jama’ah – pangmaramihang dasal ay obligado sa mga lalaki maging sa paglalakbay o sa pananatili sa kanyang bayan, at ang ating mga 44


batayan dito ay ang sumusunod: 1. Sinabi ng Allah :

ْ ُ َ ْ َ َ َ‫َ َ َ ُ ْ َّ ا‬ ْ ُ َ​َ َ‫الراكِعني‬ َ َ َّ ‫وأقِيموا الصَّالة وآتوا الزكة واركعوا مع‬ ِ At itatag ninyo ang Salah at magbigay kayo kawanggawa at yumuko kayo kasama ng mga nagsisipagyuko. Surah al-Baqarah - 4 Ang talatang ito ay nagpapatibay na ang salatul Jama’ah ay obligado, kaya’t inutusan tayo na yumuko hindi lang mag-isa kundi lahat tayo kasama ng mga nagsisipag-yuko, ito ay nangangahulugan na pangmaramihan. 2. Iniulat ni Abu Hurairah (raa) na kanyang sinabi: Dumating ang isang lalaking bulag sa Sugo ng Allah (saw) at kanyang sinabi: O Sugo ng Allah (saw) walang maggagabay sa akin papuntang masjid, at siya ay humingi ng pahintulot mula sa Sugo ng Allah (saw) na sa bahay na lang siyang mag-isang magsagawa ng Salah, at pumayag ang Sugo ng Allah (saw) nguni’t nang umalis na siya tinawag siya ng Sugo ng Allah (saw) at kanyang sinabi (saw): “naririnig mo ba ang Adhan – panawagan sa Salah?) Oo, sagot ng lalaki, at sinabi ng Sugo (saw) tugunan mo ito.” Muslim. 1- Ulat mula kay Abu Hurairah (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Walang salah na napakabigat sa mga Munafiq (mapagkunwari) maliban sa pangmadaling-araw na dasal (fajr) at panggabing dasal (‘Isha) at kung nababatid lamang nila kung ano ang mayroon (na gantimpala sa pagsasagawa) sa dalawang ito (sa mga takdang oras), sila ay magtutungo (sa masjid) kahit na sila pa ay kinakailangang gumapang. Naisip ko na utusan ang mga tao na magsalah at italaga ang isang lalaki upang mamuno ng kanilang salah, habang ako ay lalabas na may kasamang ibang mga lalake na may dalang tuyong kahoy upang sunugin ang mga bahay ng mga taong hindi nagsasalah.” Bukhari Ang Salatul Jama’ah ay napakahalaga na ito ay tinukoy ng Sugo ng Allah sa kanyang hadith: “Ang salatul Jama’ah ay napakahalaga, ito ay nakahihigit nang dalawampu’t pitong bahagdan kaysa sa munfarid – magisang nagdarasal.” Muslim

45


Ang pinakamaliit na Jama’ah: ay dalawa. Ang nakaabot ng Jama’ah: maaabutan ang Jama’ah kung naabutan ang isang rakaah kasama ang Imam. Ang nakaabot ng rakaah: maaabutan ang rakaah kapag naabutan ang ruko, at sinuman sa inyo ang naabutan niya ang imam na nakaruko, siya ay mag-takbir ng takbiratul Ihram habang nakatayo at magtakbir muli para sa ruko at magruko. At kapag dumating siya pagkatapos tumayo ng Imam mula sa pagruko ay naabutan niya ang Salah nguni’t hindi ito maibilang na rakaah ng kanyang salah. Ang Dasal na sunnah pagkatapos ng Iqamah: Kapag sinumulan na ang obligadong salah, hindi na maaari pang magsagawa ng salah na sunnah. Ang taong nagsasalah ng sunnah na patapos na sa ikalawang rakah ay kinakailangan na tapusin na niya ito, at kung sakali naman na hindi pa niya natatapos ang pangalawang rakah, nararapat na ihinto na niya ito at sumama sa pagdarasal ng obligadong salah. Talakayin: 1. Ang magandang pag-uugali sa paglalakad patungo ng Salah at paghihintay ng pagsasalah. 2. Ang mga kilos na makruh sa pagsasalah. 3. Ang batas ng Salat ul-Jama’ah

46


Aralin – 11

Ang Batas sa Pag-iimam – Pamumuno sa Pagsasalah Ang mga may karapatan sa Pag-iimam Una: Ang mga may karapatan sa pag-iimam: 1. Sinuman ang pinakamahusay at pinakamarunong sa Qur’an. 2. Ang Pinakamarunong at pinakamaraming nalalaman sa Sunnah ng Sugo ng Allah (saw) at pinakamarunong sa lahat ng mga batas ng Islam. 3. Ang Pinakamatanda sa kanila. Pangalawa: Ang may-ari ng bahay ang siyang may karapatan na magimam, at katulad din ng imam ng masjid siya rin ang may karapatan na mag-imam kung sakaling marunong siyang mag-imam kahit na mayroon pang mas higit na marunong kaysa sa kanya. Pangatlo: Ang maytungkulin at kapangyarihan ang siyang may karapatan mag-imam kaysa ibang tao, ang batayan ay ang hadith ni Abu Mas-ood (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Ang mag-iimam sa mga tao ay ang pinakamarunong sa kanila sa Qur’an, at kapag sila ay pareho ng nalalaman sa Qur’an, sino sa kanila ang pinakamarunong sa Sunnah, at kapag pareho ang kanilang kaalaman sa Sunnah, sino ang mas nauna sa kanila sa paglikas, at kapag pareho rin sila, sino ang mas nauna sa kanilang yumakap ng Islam, at huwag mag-imam ang lalaking mas marunong kaysa sa Imam ng masjid at huwag umupo sa ibang bahay maliban lamang kung ipinahintulot sa kanya. ” Muslim Ang ilan sa mga batas ng pag-iimam ∑ Kapag nagsasalah ang Imam at siya ay mayroong hadath- hindi nakapag wudhu- saka lang niya nalaman nang matapos na ang Salah, sa ganitong kalagayan ang Salah ng mga ma`mon ay tama, nguni’t ang Imam ay kinakailangan ulitin ang kanyang Salah. ∑ Hindi maaaring mag-imam ang (ummi) na hindi marunong magbasa ng al-fatiha maliban na lamang kung pareho sila ng mga ma`mon. 47


∑ Maaaring magpa-imam ang nagsasalah ng fardh sa likod nang nagsasalah ng sunnah, halimbawa magsasalah ka ng ‘Isha sa likod ng Imam na nagsasalah ng Taraweh batay sa salaysay ni Muadh (raa) na siya ay nagsasalah sa likod ng Sugo ng Allah (saw) ng Taraweh at nang dumating ang kanyang mga kasamahan siya ay nagsalah sa likod nila. Bukhari ∑ Sunnah na habaan ang pagbasa sa unang rakaah kaysa sa pangalawang rakaah. Ang tinatayuan ng Imam at ng Ma`mun ∑ Kung ang Ma`mun ay nag-iisa; ang sunnah ay siya ang tatayo sa tabing kanan ng Imam. ∑ Kung ang Ma`mun ay dalawa o higit pa; ang sunnah ay sila ang tatayo sa likod ng Imam at ang imam naman ay sa gitnang harapan nila batay sa ulat nila Jabur at Jabbar (raa) na ang isa sa kanila ay tumayo sa tabing kanan at ang isa naman ay sa tabing kaliwa ng Sugo ng Allah (saw) at sinabi ni Jabur (raa) hinawakan ng Sugo ng Allah (saw) ang aming kamay at itinulak kami sa likod niya. Muslim. ∑ Hindi maaaring magsalah na nag-iisa sa likod ng Imam o sa likod ng Saf maliban lamang kung hindi niya kayang sumingit sa saf. ∑ Kapag ang Ma`mun ay nasa loob ng masjid kinakailangan na sumunod siya sa Imam kahit hindi pa niya nakikita o malayo sa kanya nguni’t naririnig naman niya ang tinig nito. ∑ Kung Ang Ma`mun ay nasa labas ng masjid kinakailangan na sumunod siya sa Imam sa tatlong kondisyon: 1. Nakikita niya ang Imam o ang mga Ma`mun. 2. Naririnig niya ang takbir. 3. Ang saf ay kinakailangang sunud-sunod ∑ Makruh kung ang Imam ay mas mataas ang kanyang kinalalagyan kaysa sa mga Ma`mun ∑ Hindi rin naman Makruh kung ang mga Ma`mun ay higit na mataas ang kanilang pinagsasalahan kaysa Imam katulad halimbawa kung sila’y nagsasalah sa atip ng masjid. ∑ Kapag nagsasalah ang ilan sa mga Babae kasama ng mga lalaki, sila ay magsagawa ng saf sa likod ng mga lalaki at lumayo na lang sila ng kaunti mula sa mga lalaki. 48


Ang Pagsunod ng Ma`mun sa Imam Susunod ang Ma`mun sa Imam sa apat na paraan: Una: Obligado: kinakailangan sundan ng Ma`mon ang Imam sa lahat ng kanyang kilos, kapag siya ay nagtakbir ay magtatakbir na rin siya, at kapag siya ay yumuko ay yuyuko na rin siya, at ang batayan dito ay ang hadith ni Abu Hurairah (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (saw) : “Katunayan na ginawa ang Imam upang siya ay sundan, at kapag siya ay nagtakbir, magtakbir na rin kayo, at kapag siya nagruko magruko na rin kayo, at kapag sinabi niya ang SamiAllahu liman hamidah, sabihin ninyo ang: rabbana walakal hamd, at kapag siya ay nagsujud, magsujud na rin kayo, at kapag siya ay nagsalah nang nakaupo magsalah na rin kayo nang nakaupo.” Bukhari. Pangalawa: Sabayan siya: makruh na magruko ang ma`mun sabay sa Imam at kapag nagkasabay ang kanilang takbiratul Ihram ay mawawalan ng saysay ang salah ng Ma`mun. Pangatlo: Unahan ang Imam: ito naman ay Haram – bawal – katulad halimbawa ng magtakbir o magruko o magsalam bago ang Imam batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “ Hindi ba natatakot ang isa sa inyo na kapag itinaas niya ang kanyang ulo bago ang Imam ay gagawin ng Allah ang kanyang ulo katulad ng ulo ng isang asno o ang katawan niya katawan ng asno.” Bukhari Pang-apat: Mahuli sa Imam: sa dalawang paraan: 1. Kapag nagruko ang Imam at siya ay nanatiling nakatayo pa rin, at pagkatapos nagruko siya bago magbangon ang Imam mula sa ruko, sa ganitong kalagayan ang kanyang salah ay tama nguni’t nasuway niya ang sunnah dahil hindi siya nagruko agad. 2. Kapag nagruko ang Imam at nagbangon na siya mula sa kanyang pagruko bago ang Ma`mun. Kung ang pagkahuli ng Ma`mun ay mayroong dahilan katulad ng inaantok siya o di kaya`y ang Imam ay napakabilis magsalah, magkagayon ay kailangan gawin niya ang naunang gawa at habulin niya ang kanyang Imam. At kung ang kanyang pagkahuli ay walang dahilan ang kanyang Salah ay masisira.

49


Ang Batas sa Paghahabol sa Salah kapag nahuli ka sa pagdating Ang kahulugan ng (huli sa Salah) ay kapag dumating ka sa Salah na ang mga tao ay nagsasalah na ng isang rakaah o higit pa kasama ang Imam. ∑ Kapag dumating ka sa Salah at ang Imam ay nakaruko, kinakailangang magtakbir ka ng takbiratul ihram na nakatayo at magtakbir ka muli para sa ruko at magruko ka, sa ganitong kalagayan ay naabot mo na rin ang rakaah at ang jama’ah. ∑ Nguni’t kapag ikaw ay nagdududa kung naabutan mo ba ang rakaah o hindi, sa ganitong kalagayan huwag mong ibilang itong rakaah at magsujud ka na lang ng sahu bago mag taslim. ∑ Kapag dumating ka sa masjid na ang Imam ay nakasujud o nakaupo, ang sunnah para sa iyo ay pumasok sa salah at magtakbir ng takbiratul ihram na nakatayo at magsujud kung ang Imam ay nakasujud, o maupo kung ang Imam ay nakaupo na wala nang takbir at huwag mong hintayin pang tumayo ang Imam. ∑ Kinakailangang tumayo upang kumpletuhin ang anumang hindi naabutan sa Salah pagkatapos magtaslim ng Imam. ∑ Sinuman ang hindi umabot sa Jama’ah; ang sunnah para sa kanya ay bumuo muli ng isang jama’ah. ∑ At kapag wala ng jama’ah, sunnah sa ibang tao na nasa loob ng masjid na samahan siya sa pagsasalah na kahit siya ay nakapagsalah na, batay ito sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “ Sinuman sa inyo ang nais magbigay ng Sadaqah ay samahan siya sa pagsasalah.” Al-Imam Ahmad. Talakayin: 1. Ang batas sa pag-iimam. 2. Ang tinatayuan ng imam at ma’mun. 3. Ang pagsunod ng ma’mun sa imam.

50


Aralin – 12

Ang mga dahilan kung kailan katanggaptanggap ang pagliban sa pagsasalah sa jama’ah at jum’ah Nararapat sa isang tao na magsalah ng jama’ah sa masjid nguni’t kung sakaling mayroon siyang sapat na dahilan siya ay maaring hindi na magsalah ng jama’ah o jum’ah batay sa hadith ni Ibn Abbas (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Sinuman ang nakarinig sa panawagan sa Salah na hindi niya ito tinugon ay mawawalan ng saysay ang kanyang Salah maliban na lamang kung mayroon siyang sapat na dahilan.” Al-Bayhaqi Ang mga dahilan kung kailan tinatanggap sa pagliban sa pagsasalah ng jum’ah at jama’ah ay ang mga sumusunod: 1. Sakit. 2. Pagkatakot na mayroong maaaring mangyari sa iyo, sa pamilya, o sa ari-arian. 3. Malakas na ulan o baha at malakas na hangin o kaya ay sobrang lamig. 4. Sa sandali na ang pagkain ay nakahain na, nguni’t ito ay minsan lamang at hindi maaring gawing dahilan sa pagliban sa salah ng jama’ah at jum’ah. 5. Kung hindi mapigilan ang pag-ihi at pagdumi, dahil ito ay nakahahadlang sa pagpapakumbaba sa pagsasalah. 6. Kung mayroong binabantayang bagay na kapag iniwan ay maaaring mawala. 7. Kung nagbabantay sa maysakit na walang mapag-iiwanan sa kanya. Makruh sa sinumang kumain ng sibuyas ang pumasok ng masjid batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Sinuman ang kumain ng sibuyas ay huwag pumasok sa aming masjid sa halip ay manatili na lang sila sa kanilang bahay upang hindi niya maistorbo ang mga tao at ang mga malaikah.” Bukhari. Nguni’t hindi rin ito maaring gawing dahilan upang mabigyan siya ng pahintulot na huwag nang magsagawa ng salah sa masjid. Dahil mahigpit na ipinagbabawal ito sa kanya – haram - nguni’t kung kaya niyang tanggalin ang amoy, mas makabubuti ito para sa kanya. 51


Ang Pagsasalah ng mga taong may tamang dahilan na hindi magsa Salah ng jama’ah Una: Ang maysakit: Ipinahintulot ng Allah sa mga taong mayroong malubhang karamdaman, na hindi na nila kayang isagawa ang Salah sa maayos na pamamaraan, na isagawa ang Salah sa anumang kilos na kaya nila, tunghayan ang mga sumusunod: 1. Kinakailangang magsalah nang nakatayo ang maysakit kung sakaling kaya niyang tumayo. 2. At kung hindi niya kayang magsalah na nakatayo, magsalah siya nang nakaupo at iyuko lang niya ang kanyang likod sa pagruko, at tungkol naman sa pagsujud ay kapag kaya niyang magsujud magsujud siya at kung hindi niya kaya ay iyuko na lamang niya ang kanyang likod na higit na mas mababa kaysa sa kanyang pagruko. 3. Kung sakaling hindi niya kayang magsalah nang nakaupo, magsalah siyang nakatagilid at ang kanyang mukha ay nakaharap sa qiblah. 4. At kung hindi niya kayang magsalah nang nakatagilid, magsalah siyang nakahiga at ang kanyang dalawang paa ay nakaharap sa qiblah, batay sa hadith ni Imran Ibni Husain (raa) na ang Sugo ng Allah (saw) ay nagsabi: “Magsalah ka nang nakatayo, at kapag hindi mo kaya, magsalah ka nang nakaupo, at kapag hindi mo kaya, magsalah ka nang nakahiga.” Bukhari. ∑ Kapag nagsalah ang maysakit na nakatagilid o nakahiga ay iyuko lang niya ang kanyang likod sa pagruko at pagsujud na mas mababa nang kaunti ang sujud kaysa ruko, kapag hindi niya kaya ay itingin na lang niya pababa ang kanyang dalawang mata. ∑ Maaaring magsalah ang maysakit ng (jam) pag-isahin niya ang dhuhur at ‘asr o kaya ay Maghrib at ‘Isha nguni’t hindi niya maaaring bawasan ang apat na rakaah at gawing dalawa (qas`r), ito ay ipinahintulot kung sakaling nahihirapan siya sanhi ng kanyang sakit. Pangalawa: Ang Musafir- naglalakbay Ipinahihintulot sa isang naglalakbay ang magsalah ng Qasr - bawasan ang bilang ng rakaah ng Salah - at ang batas dito ay sunnah. Kapag kinumpleto mo ang rakaah nasuway mo ang sunnah ng Sugo ng Allah (saw) dahil siya 52


ay nag-qasr nang siya ay naglakbay, ang ating Propetar ay ang ating batayan, iniulat ni Muslim bin Malik (raa) na kanyang sinabi: Kami ay nagpunta ng Makkah na kasama ang Sugo ng Allah  at siya ay nagsalah ng tagdadalawang rakaah hangga’t sa kami ay makabalik Madinah. Bukhari Ang mga Batas na may kaugnayan sa Salah ng Musafir- naglalakbay 1. Bawasan ang apat na rakaah ng mga Salang rubaiyah (apat na rakaah) at gawing dalawang rakaah. Ang mga Salang rubaiyah ay ang (Dhuhur- ‘Asr- ‘Isha) subali’t ang Maghrib at Fajr naman ay hindi na maaaring bawasan. Kapag ang Musafir ay magsasalah ng mag-isa o mayroon siyang mga kasamang musafirin din; silang lahat ay magsasalah ng tagdadalawang rakaah sa bawa’t apat na rakaah na Salah. Nguni’t kapag nagsasalah ang Musafir sa likod ng Mokim- hindi naglalakbay- ay dapat kumpletuhin niya ang apat at hindi niya ito maaaring bawasan. 2. Al-Jam- ang pag-isahin ang oras ng dalawang Salah, maaaring magsalah ng Dhuhur at ‘Asr sa isang oras, magsalah ng Dhuhur pagkatapos ay Asr, sa oras ng Dhuhur – ito ang tinatawag na Jam takdim, o kaya naman ay sa oras ng ‘Asr – ito naman ay tinatawag na Jam Ta’khir, at maaari rin itong gawin sa salah ng Maghrib at ‘Isha na katulad din nito.

Ang Salah at-Tatawwo – Sunnah hindi obligado Ang Salah at-Tatawwo ay ang Salah na isinasagawa na hindi obligado sa kanya. Ang Islam ay nag-anyaya sa lahat ng mga Muslim na damihan ang Salah dahil ito ay isa sa mga ikinalulugod ng Allah sa Kanyang mga alipin dito sa mundo at kabilang buhay; ang mga Salah na ito ay napakarami at kabilang dito ang mga sumusunod: Una: Sunan Rawatib: Ang mga Salang hindi obligado na isagawa kasama sa kanyang mga tungkuling Salah - ganito ang paliwanag: 1- Dalawang Rakaah bago ang Fajr. 2- Apat na Rakaah bago ang Dhuhur. 53


3- Dalawang Rakaah matapos ang Dhuhur. 4- Dalawang Rakaah matapos ang Maghrib. 5- Dalawang rakaah matapos ang Isha. At ang Asr ay walang sunna rawatib. Ang batayan dito ay ang hadith ni Ummi Habibah (raa) na kanyang sinabi: narinig ko ang Sugo ng Allah na kanyang sinabi: “Kung sinuman mula sa mga aliping Muslim na nagsasalah ng labing dalawang rakaah, na hindi obligado sa kanya, ay gagawan ng Allah ng isang bahay sa Paraiso” sinabi ni Ummi Habibah: Mula nang sabihin ito ng Sugo ng Allah (saw) ay akin na itong isinasagawa” Muslim. Pangalawa: Salah Al-witr Ang Batas nito: Sunnah al-Mu’akkadah, ang Batayan ay ang hadith ni Abu Hurairah (raa) na kanyang sinabi: “Inutusan ako ng aking pinakamamahal na propeta na gawin ang tatlong bagay; mag-ayuno nang tatlong araw bawa’t buwan, magsalah nang dalawang rakaah sa umaga (Dhoha), at magsalah ng Witr bago matulog.” Bukhari

Ang Oras nito: Simula sa pagkatapos ng Salah ng Isha hanggang sa pagsapit ng oras ng Fajr. Pinakamainam na ito ay isagawa mula sa pangatlong bahagi ng gabi at kapag nangangamba na baka hindi magising, mas mainam na magsalah na lang siya ng Witr bago matulog. Ang bilang ng Rakaah: Ang pinakamababa ay isang rakaah at ang pinakamarami ay labing-isang rakaah at ang pinakamababang kumpleto ay tatlong rakaah. Pamamaraan ng pagsasagawa: Magsalah ng dalawang rakaah at tapusin sa pamamagitan ng taslim, magsalah uli ng dalawang rakaah at tapusin sa pamamagitan ng taslim, at tapusin ang witr ng isang rakaah. Sunnah na magsasagawa ng du`a (panalangin) pagtayo mula sa pagruko sa anumang uri ng du`a na makakabuti sa iyo para sa mundo at kabilang buhay. Mas mabuti na gamitin 54


ang du`a mula sa Sugo ng Allah (saw) na tinatawag na du`a al-qunut. Ang Du`a al-qunut: Mula kay Hassan bin Ali (raa) na kanyang sinabi : Tinuruan ako ng Sugo ng Allah (saw) ng panalangin na dapat kong bigkasin sa pagsasalah ng witr: (Allahummah dini fiman hadaita wa afini fiman afaita watawallani fiman tawallaita wabarikli fimaa a`taita wakini sharra maa qadhaita fainnaka taqdhi walaa yuqdha alaika wa innaho la yazillo man wa laita tabarakta rabbana wa taalaita) At-Tirmidhi

Ang mga Sandali na ipinagbabawal magsagawa ng Salah: Sunnah sa isang Muslim na damihan niya ang Salah at-tatawwu upang makamit niya ang anumang biyaya na inihanda ng Allah para sa kanya, nguni’t mayroong tatlong pagkakataon na ipinagbawal ng Allah ang magsagawa ng Salah: Una: Pagkatapos magsagawa ng Salah fajr hanggang sa pagsikat ng Araw sa tagal na labing limang minuto pagkatapos sumikat ng araw. Pangalawa: Habang ang Araw ay nasa gitna pa ng langit hanggang sa (zawal) at ang kahulugan ng zawal ay pababana ng kaunti ang Araw sa bandang kanluran. Pangatlo: Pagkatapos mag-Salah ng ‘Asr hanggang sa paglubog ng Araw. Mahigpit na ipinagbabawal na magsagawa ng Salah at-tatawwu sa mga oras na ito, nguni’t mayroong uri ng mga Salah na maaring isagawa kahit sa ganitong oras, ito ay ang mga sumusunod: 1. Pagpapalit sa mga nakaraang Salah na hindi mo naisagawa.)‫(قضاء‬ 2. Tahiyyatul Masjid – Salah na pagbati sa masjid. 3. Salatul Janazah – Salah na inaalay sa mga patay. Talakayin: 1. Ang mga dahilang tatanggapin sa pagliban sa pagsasalah ng Jama’ah at Jum’uah 2. Ang Salah tatawo at ang mga sandali na ipinagbabawal ang Salah. 55


HADITH



NILALAMAN Pahina Aralin 1 Usul al-Hadith

5

Ang Sanad

5

Ang Matn

6

Mga uri ng Hadith

6

Aralin 2 Hadith-1: Ang kahalagahan ng paghahanap ng kaalaman sa Islam

10

Hadith-2: Ang pagbabawal sa pagsasalita ng masama sa mga magulang

11

Aralin 3 Hadith-3: Mula sa mga pag-uugali sa Islam

12

Hadith-4: Ang pagbabawal sa pamamalimos

13

Aralin 4 Hadith-5: Ang kabutihan nang pagdalaw sa may karamdaman

15

Hadith-6: Mga pamamaraan sa paggawa nang kabutihan sa Islam

16

Aralin 5 Hadith-7: Ang ilan sa magagandang ugali sa pagbahin

18

Hadith-8: Babala sa pagka-magagalitin

19

Aralin 6 Hadith-9: Babala sa pagmamalaki

20

Hadith-10: Ang ilan sa magagandang ugali sa pagkain

21

Aralin 7 Hadith-11: Ang kabutihan nang pag-aalaala sa Allah

23

Aralin 8 Hadith-12: Ang pagmamahal sa Sugo ng Allah ď ˛

25

Aralin 9 3


Hadith-13: Ang kagandahang asal

27

Hadith-14: Ang kabutihan ng pagkamahiyain

28

Aralin 10 Hadith-15: Ang palatandaan ng Nifaq (pagkukunwari)

29

Hadith-16: Ang pagpapaumanhin at pagpapasensiya

30

Aralin 11 Hadith-17: Ang pagbabawal sa Ghibah

31

Hadith-18: Ang pagbabawal sa pagtakwil ng isang Muslim sa kanyang kapatid na Muslim

32

Aralin 12

4

Hadith-19: Ang idinudulot ng pakikipagkaibigan

34

Hadith-20: Ang ilan sa magagandang pag-uugali sa paghingi ng pahintulot

35


ARALIN - 1

Usul al-Hadith Ang Hadith sa literal na kahulugan ay ang pagsasabi o pag-uusap, subali’t sa punto ng Islam ito ay kumakatawan sa mga sinabi at ginawa ng Propeta Muhammad  na inulat ng kanyang mga Kasamahan at tinipon sa aklat ng mga maaalam na sumunod pagkatapos nila. Ang sumusunod ay ang halimbawa ng Hadith:

Si Musaddad ay nagsabi sa atin na ipinabatid sa kanya ni Yahya mula kay Shu’bah, mula kay Qatadah, mula kay Anas mula sa Propeta na kanyang sinabi: “Walang sinuman mula sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga’t hindi niya hinahangad sa kanyang kapatid kung ano ang hinahangad niya para sa kanyang sarili.” Bukhari at Muslim Ito ay nangangahulugan na ang iskolar ng Hadith na si Muhammad ibn Isma’il al-Bukhari ay nagtipon sa kanyang aklat ng mga Ahadith na tinatawag na Sahih al-Bukhari ang salaysay na: “Wala sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga’t hindi niya hinahangad sa kanyang kapatid kung ano ang hinahangad niya para sa kanyang sarili.” – na narinig niya mula sa kanyang guro sa Hadith na si Musaddad, na narinig niya sa kanyang guro na si Yahya, na sinabihan ng kanyang guro na si Shu’bah na narinig niya ito mula sa kanyang guro na si Qatadah, ang mag-aaral ng Kasamahan ng Propeta, na narinig itong sinabi mula sa Kasamahang si Anas ibn Malik mula sa Propeta. Ang pag-aayos ng Hadith Ang Hadith ay binubuo ng dalawang pangunahing mga bahagi: ang Sanad (‫ )السند‬at ang Matn (‫)المتن‬.

Ang Sanad Ang pinagmulan ng mga tagapag-ulat nang sinabi o ginawa ng Propeta ay 5


tinatawag na Sanad. Halimbawa, sa nabanggit na Hadith ang Sanad ay: “Si Musaddad ay nagsabi sa atin na ipinabatid sa kanya ni Yahya mula kay Shu’bah, mula kay Qatadah, mula kay Anas mula sa Propeta na kanyang sinabi:”

Ang Matn Ang paksa ng Hadith o kung ano ang aktuwal na sinabi o ginawa ng Propeta ay tinatawag na Matn. Halimbawa, sa nabanggit na Hadith ang Matn ay: “Wala sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga’t hindi niya hinahangad sa kanyang kapatid kung ano ang hinahangad niya para sa kanyang sarili.”

Mga uri ng Hadith Ang Hadith ay nahahati sa dalawang pangunahing uri: Hadith Sahih at Hadith Da’if Ang Hadith sahih Kung ang lahat ng tagapag-ulat sa sanad ay nagampanan ang tatlong sumusunod na mga kondisyon, ang Hadith ay mauuri bilang isang eksaktong sinabi o ginawa ng Propeta at tinatawag na Sahih. Nangangahulugan ito na makatitiyak tayo na ang Propeta ang tunay na nagsabi o gumawa kung ano ang naiulat sa Hadith. 1. Ang mga tagapag-ulat ay kinakailangang kilala sa pagiging makatotohanan. 2. Sila ay kinakailangan na mayroong mahusay na memorya, o kaya ay naisulat kung ano ang kanilang narinig. 3. Kinakailangan na nagkatagpo ang bawa’t isa. Ang ganitong Hadith ay magagamit upang patunayan ang isang punto ng Batas Islamiko na kinakailangang sundin. Ang mga Hadith ay ang pangalawang pinakamahalagang pinagkukunan ng Batas Islamiko (matapos ang Qur’an) at ang lahat ng mga totoong Muslim ay kinakailangang sundin ang mga ito. Ang Allah sa Qur’an ay nagwika:

ُ َ َ َ َ ُ ُ ُ َ ُ ُ َّ ُ ُ َ َ َ َ َ‫اك ْم َعنْ ُه ف‬ ‫انت ُهوا‬ ‫وما آتاكم الرسول فخذوه وما نه‬ “…At kung anuman ang ipinag-utos sa inyo ng Mensahero – sundin ito; at 6


anuman ang ipinagbawal sa inyo – iwasan ito…” Surah al-Hashr 59:7 Ang tanging paraan na masusunod natin ang utos ng Diyos ay ang pagaralan natin ang mga Hadith ng Propeta at isabuhay natin ito. Ang Hadith na nabanggit sa panimula ng aralin ay isang Hadith Sahih na nagtuturo sa mga Muslim tungkol sa Pananampalataya (Iman). Ang tunay na paniniwala sa Diyos ang magiging dahilan na pakitunguhan ang iba nang maayos lalo na ang kanilang kapatid sa pananampalataya. Likas sa mga tao ang nagnanais na pakitunguhan nang mahusay, sa ganito, ang mabuting pakikitungo ay isang mahalagang bahagi ng isang maginhawa at matiwasay na buhay. Ito ay nagpapaunlad sa pagmamahal, tiwala, paggalang at marami pang ibang mga mabubuting katangian mula sa mga tao. Upang magkaroon nang mabuting ugnayan sa bawa’t isa, ang Islam ay naghihikayat sa mga Muslim na pakitunguhan ang iba sa parehong mabuting pamamaraan na kung saan ay ninanais nilang pakikitungo ng iba sa kanila. Tinipon ni Bukhari mula kay Muhammad ibn al-Muthanna, mula kay AbdulWahhab, mula kay Ayub mula kay Abu Qilabah, mula kay Malik na ang Propeta ay nagsabi: “Magdasal kung papaano ninyo ako nakitang nagdarasal.” Ang Hadith na ito ay tinutupad ang mga kondisyon na nabanggit kaya’t ito ay Sahih. Ang punto ng batas Islamiko dito ay – na sa pormal na pagdarasal (Salah) kinakailangan nating tularan ang pamamaraan ng Propeta. Ang mga Muslim ay hindi pinahihintulutang gumawa ng kanilang sariling pamamaraan ng pagdarasal, dahil hindi lamang ito pagsuway sa Propeta subali’t ito rin ay magpapalito sa hanay ng pagdarasal. Ang tamang paglalarawan ng Salah ng Propeta ay matatagpuan sa mga aklat ng Hadith. Kaya’t kinakailangan nating magbasa at hanapin kung papaano nag-Salah ang Propeta upang masunod natin siya nang tama. Ang Hadith da’if Kung sinuman sa mga tagapag-ulat sa Sanad ay nakilala nang anuman sa mga sumusunod na mga pagkakamali, ang Hadith ay maiuuring hindi wasto at maituturing bilang isang Da’if. 7


1. Kung sinuman sa kanila ang nakilalang sinungaling. 2. Kung sinuman sa kanila ang nakilalang may mahinang memorya. 3. Kung sinuman sa kanila ang nakilala na hindi nakatagpo ang sinasabing pinagmulan ng kanyang ulat. Ang Hadith na Da’if ay hindi tunay na sinabi o ginawa ng Propeta at hindi maaaring gamitin na patunay sa anumang punto sa Batas Islamiko. Anumang batas na nakabatay sa ganitong Hadith ay maituturing na hindi tama. Halimbawa, ang iskolar ng Hadith na si Abu Dawud at Ahmad ay nakatipon ng isang salaysay mula kay Hafs ibn Ghayyah na nag-ulat mula kay AbdurRahman ibn Ishaq mula kay Ziyad ibn Zayd mula kay Abu Juhayfah na si ‘Ali ibn Abi Talib ay dapat na sinabi, “Ang Sunnah na paglalagay ng mga kamay sa Salah ay ang ipatong ang isang kamay sa kabilang kamay, sa baba ng pusod.” Gayunpaman, ang Hadith na ito ay inuring da’if sapagka’t si Abdur-Rahman ay kilalang sinungaling. Samakatuwid, hindi ito magagamit na patunay upang ang pagpapatong ng isang kamay sa kabilang kamay sa baba ng pusod sa Salah. Ang tamang pagsasagawa ay ang inulat ni Tawus sa ibang Hadith na Sahih. Sinabi niya na ang Mensahero ng Allah ay palaging ipinapatong ang kanang kamay sa ibabaw ng kanyang kaliwang kamay at inilalagay ang mga ito sa kanyang dibdib kapag siya ay nagsasalah. Ang Hadith na ito ay natipon din ni Abu Dawud at Ahmad gayundin si Ibn Khuzaymah. Gayunpaman, ang paglalagay ng kamay sa baba ng pusod o sa pusod ay hindi nakasisira ng Salah ng isang tao. Si Al-Hasan ibn ‘Atiyyah ay nag-ulat mula kay Abu ‘Atikah mula kay Anas na ang Propeta ay nagsabi, “Maghanap ng kaalaman kahit (ito pa ay naroon) sa Tsina.” Ang Hadith na ito ay natipon ng iskolar ng Hadith na sina Ibn ‘Adiy at Abu Nu’aym. Kahit na ito ay pangkaraniwang nababanggit na Hadith na kilala sa lahat ng mga Muslim, ito ay hindi eksakto. Si Abu ‘Atikah ay naakusahan sa pagsisinungaling ng mga Hadith, kaya’t ang salaysay na ito ay inuri bilang isang Da’if. Sa katotohanan, ang mga iskolar ng Hadith ay naglagay ng isang espesyal na uri ng mga Hadith na Dai’f na tinatawag na Mawdu’ (gawa-gawa). Samakatuwid, hindi tama na pagbatayan ang salaysay na ito bilang Hadith ng Propeta, sapagka’t marami sa kanyang mga Kasamahan ang narinig siya sa pagsasabi ng: “Hayaan ang sinumang sinasadyang magsinunangaling tungkol sa akin na makuha niya ang kanyang lugar sa Impiyernong-Apoy.” Ang pinakakilalang mga aklat ng Hadith ay ang tinatawag na “Ang Anim na Mapagkakatiwalaan” (as-Sihah as-Sittah). Ito ay ang Sahih al-Bukhari, 8


Sahih Muslim, Sunan Abi Dawud, Sunan at-Tirmidhi, Sunan an-Nasa’i at Sunan Ibn Majah. Ang pinakamatandang natipon na mga Hadith na umabot sa atin ay ang Muwatta ni Malik at ang pinakamaraming natipon na mga Hadith ay ang Musnad ni Ahmad. Ang pinaka-wastong tinipon na mga Hadith ay ang kay Bukhari at pinapangalawahan ng kay Muslim. Ito ay, maaaring kumuha ng mga Hadith ang isa mula sa parehong mga Sahih nina Bukhari at Muslim bilang patunay, sapagka’t ang mga ito ay magkakalapit na mga wastong ulat na maaaring gamitin bilang patunay. Magkagayon, tanging ang mga Hadith lamang na inuring wasto ng mga iskolar ang maaaring gamitin mula sa ibang mga aklat. Nararapat din nating malaman na ang mga makabagong aklat ay nagbabanggit lamang ng mga huling tagapag-ulat bago ang Propeta sa paglalahad ng Hadith upang makatipid ng oras at espasyo.

9


ARALIN - 2 Hadith - 1

ANG KAHALAGAHAN NG PAGHAHANAP NG KAALAMAN SA ISLAM

ُ ‫ « َمنْ ُي ِر ِد‬:‫ َي ُق ْو ُل‬ ‫هلل‬ ُ ‫َعنْ ُم َعا ِو َي َة ْب ُن �أَبِي ُ�س ْف َيا َن َر ِ�ض َي‬ ‫اهلل ِب ِه َخ رْياً ُي َف ِّق ْه ُه‬ ِ ‫ َ�سمِ ْعتُ َر ُ�س ْو َل ا‬: ‫اهلل َع ْن ُه َما َقا َل‬ .‫يِف ال ِّد ْي ِن « �أخرجه البخاري وم�سلم‬ Si Mu`awiyah ibn Sufyan – kalugdan nawa sila (siya at ang kanyang ama) ng Allah – ay nag-ulat: Narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsabi: “Sinuman na hinangad ng Allah sa kanya ang kabutihan ay ipauunawa sa kanya ang Pananampalataya (Islam).” Isinalaysay nina Bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: Siya ang isang dakilang Sahabi (tagasunod ng Propeta (saw)) na si Mu`awiyah ibn Abu Sufyan Sakhr ibn Harb Al-Qurashy Al-Umawy na tinaguriang Ameerul Mu’mineen. Ipinanganak limang taon bago mahirang na Sugo si Muhammad . Yumakap sa Islam sa taon ng pagtagumpay. Siya ay isa sa mga tagasulat ng Sugo at tinangkilik ni Umar sa Sham. Binawian ng buhay sa buwan ng Rajab, ika-60 ng Hijrie. Kalugdan nawa siya ng Allah at ang kanyang ama. Patnubay ng Hadith: 1. Ang kahusayan ng pag-unawa sa Kaalaman sa Islam ng higit sa anumang mga kaalaman. 2. Katotohanan, ang sinumang hindi umunawa sa Kaalaman sa Islam ay tunay na napagkaitan ng maraming kabutihan. 3. Ang kaalaman ay nagbibigay ng buhay sa puso at liwanag sa paningin. Sa pamamagitan ng kaalaman ay masasamba ng isang Muslim ang kanyang Panginoon ng may tiyak na kaalaman na siyang mag-aangat ng kanyang antas dito sa mundo at kabilang buhay. 4. Ang katapatan ng Niyyah (layunin) sa paghahanap ng kaalaman ay isang Ibadah (pagsamba) na ginagantimpalaan.

10


Hadith – 2

ANG PAGBABAWAL SA PAGSASALITA NG MASAMA SA MAGULANG

ُ ‫ا�ص – َر ِ�ض َي‬ ِ‫ (مِ َن ا ْل َك َبا ِئ ِر َ�ش ْت ُم ال َّر ُجل‬: ‫هلل‬ ِ ‫ َقا َل َر ُ�س ْو ُل ا‬: ‫اهلل َع ْن ُه – َقا َل‬ ِ ‫َعنْ َع ْبدِ ا‬ ِ ‫هلل ْب ِن َع ْمرو ْب ُن ال َع‬ َ َ َ ‫ َن َع ْم َي ُ�س ُّب �أ َبا ال َّر ُجلِ َف َي ُ�س ُّب �أ َبا ُه َو َي ُ�س ُّب �أ َّم ُه‬:‫ َقا َل‬،ِ‫ َوه َْل َي ْ�ش ُت ُم ال َّر ُج ُل َوا ِل َد ْيه‬، ‫هلل‬ ِ ‫ َيا َر ُ�سو َل ا‬:‫ َقا ُلوا‬،ِ‫َوا ِل َد ْيه‬ .‫َف َي ُ�س ُّب �أُ َّم ُه ) �أخرجه البخاري وم�سلم‬ Iniulat ni Abdullah ibn `Amr ibn Al-`As – kalugdan nawa sila ng Allah – kanyang sinabi na ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: “Nabibilang sa mga malalaking kasalanan ang pagsasalita ng masama ng isang anak sa kanyang magulang.” Sila ay nagsabi: “O Sugo ng Allah! Maaari bang magsalita ng masama ang isang anak sa kanyang magulang?” Kanyang sinabi: “Oo! Ang pagsasalita niya ng masama sa ama ng iba ay pagsasalita niya ng masama sa kanyang sariling ama, at ang pagsasalita niya ng masama sa ina ng iba ay pagsasalita niya ng masama sa kanyang sariling ina.” Isinalaysay nina Bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: Siya ang isang dakilang Sahabi na si Abdullah ibn `Amr ibn Al-`As ibn Wail Al-Qurashiy As-Sahamiy – kalugdan nawa siya ng Allah – naunang yumakap sa Islam bago ang kanyang amang si `Amr ibn Al-`as – kalugdan nawa siya ng Allah. Lumahok sa karamihan ng mga digmaan ng Propeta (saw). Siya ay kilala sa pagiging masigasig sa pagsamba at nakapag-ulat ng maraming mga hadith. Binawian ng buhay noong ika-animnapu’t limang taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah. Patnubay ng Hadith: 1. Ang pagsasalita ng masama sa magulang ay nabibilang sa mga malalaking kasalanan. 2. Ang pagsasalita ng masama sa ama ng iba ay pagsasalita ng masama sa kanyang sariling ama. 3. Ang pagsasalita ng masama sa ina ng iba ay pagsasalita ng masama sa kanyang sariling ina. 4. Mahalin at igalang ang ating mga magulang dahil ito ay isa sa mga pangunahing kautusan ng Allah sa atin. 11


ARALIN - 3 Hadith – 3

MULA SA MGA PAG-UUGALI SA ISLAM

َ ‫هلل َوا ْل َي ْو ِم الآخِ ِر َف‬ ،ُ‫ال ُي�ؤْ ِذ َجا َره‬ ِ ‫ ( َمنْ َكا َن ُي�ؤْمِ ُن بِا‬:‫ َقا َل‬ ‫هلل‬ ِ ‫هلل َع ْن ُه – �أَ َّن َر ُ�س ْو َل ا‬ ِ ‫َعنْ �أَبِي هُ َر ْي َر َة َر ِ�ض َي ا‬ ) ْ‫هلل َوا ْل َي ْو ِم الآخِ ِر َف ْل َي ُق ْل َخ رْياً �أَ ْو ِل َي ْ�ص ُمت‬ ِ ‫ َو َمنْ َكا َن ُي�ؤْمِ ُن بِا‬،ُ‫هلل َوا ْل َي ْو ِم الآخِ ِر َف ْل ُي ْك ِر ْم َ�ض ْي َفه‬ ِ ‫َو َمنْ َكا َن ُي�ؤْمِ ُن بِا‬ .‫�أخرجه البخاري وم�سلم‬ Si Abu Huraira – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nag-ulat: Ang Propeta ng Allah (saw) ay nagsabi “Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw ay hindi dapat makasakit ng kanyang kapit-bahay. Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw ay dapat na maging magiliw sa kanyang panauhin. Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw ay dapat na magsalita lamang ng mga makabubuti o di kaya ay manahimik na lamang.” Isinalaysay nina Bukhari at Muslim. Kilalanin ang Nag-ulat: Siya ang marangal na Sahabi (kasama ng Propeta) Abdulrahman bin Sakhar Addawsy. Yumakap sa Islam pitong (7) taon matapos ang Hijrah. Matagal siyang namalagi sa piling ng Propeta (saw). Si Abu Huraira ang una sa pinakamaraming naiulat na mga Ahadith ng Propeta (saw). Binawian siya ng buhay limampu’t pitong (57) taon matapos ang Hijrah. Kahulugan ng mga Salita: Salita

Kahulugan

Huling Araw

Araw ng Paghuhukom

Manahimik

Huwag magsalita

Patnubay ng Hadith: 1. Mula sa kapakinabangan ng ating pananampalataya ang magnais ng anumang bagay na magpapalapit sa bawa’t isa at magtataguyod ng pagkakapatiran. 12


2. Ang mga karapatan ng inyong kapit-bahay: a. Ang pagbibigay sa kanila kabutihan kagaya ng anumang bagay na kanilang pakikinabangan o pagbibigay sa kanila ng mga mabubuting salita.

3. 4. 5.

6.

b. Iwasang makasakit sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na makapipinsala sa kanila. Halimbawa ay; ang pagpasok sa kanilang tahanan na walang pahintulot, pananakit sa kanilang mga anak, pagsusulat sa kanilang mga pader o dingding, paglalaro sa kanilang sasakyan hanggang sa ito ay masira, o ang pagharang ng anuman sa kanilang daanan. Ang ganap na pananampalataya ay ang paggawa ng mga mabubuting bagay sa inyong kapit-bahay at huwag kailanman silang sasaktan. Ang pagbibigay karapatan sa kapit-bahay ay nagpapatatag ng pagkakapatiran. Karapatan ng panauhin na maging magalang tayo sa ating pananalita sa kanila, tanggapin sila ng taos-puso, gumawa ng kabutihan sa kanila, ayusin ang lugar na pagtatanggapan sa kanila, at hainan sila ng mga pagkain na hindi labis-labis. Tungkulin nating pangalagaan ang ating dila. Gamitin ito sa pagsasalita ng mga kabutihan at iwasan ang masasamang mga salita.

Hadith – 4

ANG PAGBABAWAL SA PAMAMALIMOS

ُ ‫َعنْ �أَبِي هُ َر ْي َر َة – َر ِ�ض َي‬ َ َّ‫ا�س �أَ ْم َوا َل ُه ْم َت َك رُّثاً َف�إِ م‬ ‫نا َي ْ�س�أَ ُل‬ ِ ‫ َقا َل َر ُ�س ْو ُل ا‬:‫اهلل َع ْن ُه – َقا َل‬ َ ‫ ( َمنْ َ�س�أَ َل ال َّن‬: ‫هلل‬ ْ ِ‫ َف ْل َي ْ�س َت ِق َّل �أَ ْو ِل َي ْ�س َت ْك ر‬،ً‫َج ْمرا‬ .‫ث ) �أخرجه م�سلم‬ Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi na ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: “Ang sinumang mamalimos sa mga tao upang magparami ng kanyang ipon ay naghahangad ng Jamra (kapirasong apoy). Nasa tao kung siya ay maghangad ng kapirasong apoy o magparami ng apoy.” Isinalaysay ni Muslim

13


Kilalanin ang nag-ulat: (Tunghayan sa Hadith – 3) Patnubay ng Hadith: 1. Ipinagbabawal ang pamamalimos kung hindi naman kailangan. 2. Ipinahihintulot ang pamamalimos dahil sa pangangailangan kagaya ng pambayad sa utang at iba pang kahalintulad nito. 3. Mas mainam sa isang Muslim na huwag mamalimos kaninuman kahit pa siya ay nangangailangan, sapagka’t ang sinumang hindi umaasa sa kaninuman ay pasasaganahin ng Allah. 4. Kabilang sa magagandang katangian ng isang Muslim ay ang pagiging malaya sa kadustahan, umiiwas sa pamamalimos. 5. Nararapat na magtrabaho at magsumikap ang isang Muslim upang makamit niya ang kabuhayan at makaiwas hangga’t maaari sa pamamalimos.

14


ARALIN - 4 Hadith – 5

ANG KABUTIHAN NG PAGDALAW SA MAY KARAMDAMAN َ‫ يَا ر َ ُسوْل‬: َ‫َم يَزَلْ فِيْ ُخر ْ َف ِة اْجلَن َّ ِة ِق ْيل‬ ِ ‫ي اهلل ُعَ نْ ُه – عَ نْ ر َ ُسوْ ِل ا‬ ً ْ ‫(منْ عَ ادَ َم ِري‬ َ : َ‫ قَال‬ ‫هلل‬ ْ ‫ضا ل‬ َ ‫ ر َ ِض‬- ‫عَ نْ ث َوْبَا َن‬ ْ َ‫ال‬ .‫اها " أخرجه مسلم‬ ِ ‫ا‬ َ ‫هلل و َ َما ُخر ْ َف ُة اجلَن َّ ِة؟ ق َ " َج َن‬ Iniulat ni Thawban – kalugdan nawa siya ng Allah – na ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: “Ang sinumang dumalaw sa isang may karamdaman ay mananatili sa loob ng Khurfat ng Paraiso. May nagtanong: O Sugo ng Allah! Ano ang Khurfat ng Paraiso? Kanyang sinabi: Ang mga halamanan nito.” Isinalaysay ni Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: Siya ang isang dakilang Sahabi na si Thawban ibn Bujdud na nagpalayaw ng Abu Abdullah. Isang tagapaglingkod ng Propeta (saw). Nanirahan siya sa Madinah at nang pumanaw ang Propeta (saw) ay lumipat sa Sham matapos makilahok sa pagsakop sa Egypt. Pumanaw sa Hims noong ikalimampu’t apat na taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah. Patnubay ng Hadith: 1. Ang kalusugan ay isa sa mga pinakadakilang biyaya ng Allah sa Kanyang mga alipin. Maari tayong bigyan ng pagsubok ng Allah sa pamamagitan ng karamdaman. 2. Kabilang sa mga karapatan ng may karamdaman sa kanyang mga kapatid na Muslim ay ang pagdalaw sa kanya at paulit-ulit ito. 3. Ang pagdalaw sa may karamdaman ay may gantimpalang makakamit mula sa Allah. 4. Ang pagdalaw sa may karamdaman ay nagpapagaan sa sakit na kanyang nararamdaman at nagdudulot ito ng kasiglahan para sa kanya. 5. Ang pagdalaw sa may karamdaman ay nagpapagunita sa taong malusog na tumatamasa sa biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Allah. 6. Kabilang sa mga dahilan ng pagkakabuklud-buklod ng mga Muslim at ang paglaganap ng pagmamahal sa pagitan nila ay ang pagpapalitan ng kanilang pagdalaw sa isa’t isa lalung-lalo na sa pagdalaw sa may karamdaman. 15


7. Itinatagubilin sa sinumang dumalaw sa may karamdaman na ipanalangin niya at sabihin sa kanya: “Laa Ba’sa Thahoorun Insha Allah” (Walang anuman! Kadalisayan. Nawa’y ipahintulot ng Allah), at huwag manatili nang matagal sa pagdalaw sa kanya. Hadith – 6

MGA PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG KABUTIHAN SA ISLAM

ُ ‫َعنْ �أَب ِْي هُ َر ْي َر َة – َر ِ�ض َي‬ َ ‫ ( ُك ُّل ُ�س‬:  ‫هلل‬ ‫ ُك َّل َي ْو ٍم‬،‫ا�س َعلَ ْي ِه َ�ص َد َق ٌة‬ ِ ‫ َقا َل َر ُ�س ْو ُل ا‬:‫اهلل َع ْن ُه – َقا َل‬ ِ ‫المَى مِ َن ال َّن‬ َّ ‫َت ْط ُل ُع ِف ْي ِه‬ ُ ْ‫ َو ُيع ن‬،‫ي َ�ص َد َق ٌة‬ َ ْ‫ال�ش ْم ُ�س َي ْعدِ ُل َب ن‬ ‫ِي ال َّر ُج َل َعلَى دَا َّب ِت ِه َف َي ْحمِ ُل َعلَ ْيهَا �أَ ْو َي ْر َف ُع َعلَ ْيهَا َم َتا َع ُه‬ ِ ْ‫ي ا ْث َن ن‬ َّ ‫ي ْي ُط الأَ َذى ع َِن‬ َّ ‫ َوا ْل َك ِل َم ُة‬،‫َ�ص َد َق ٌة‬ َ ‫ال�ص‬ ِ‫الط ِر ْيق‬ ِ ُ‫ال ِة َ�ص َد َق ٌة َو م‬ َّ ‫ َو ُك ُّل َخ ْط َو ٍة َي ْخ ُط ْوهَا ِ�إ ىَل‬،‫الط ِّي َب ُة َ�ص َد َق ٌة‬ .‫ رواه البخاري وم�سلم‬.)‫َ�ص َد َق ٌة‬ Si Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allah  : “Tungkulin ng isang tao na bigyan ng Sadaqah (kawanggawa) ang bawa’t bahagi ng kanyang katawan. Sa bawa’t pagsikat ng araw na may napagkasundo ka na dalawang hindi nagkakaunawaan, ikaw ay nakapagbigay ng Sadaqah. Ang pagtulong sa isang tao na sumakay sa kanyang hayop o pag-abot ng mga bagay na kailangan niya ay pagbibigay ng Sadaqah. Ang pagsasalita ng mga kabutihan sa isang tao ay Sadaqah. Sa bawa’t hakbang patungong masjid upang mag-salah ay Sadaqah. Ang pagtanggal sa mga balakid na makapipinsala sa daanan ay Sadaqah.” Isinalaysay nina Bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: (Tunghayan sa Hadith – 3) Kahulugan ng mga Salita: Kawanggawa

16

Anumang uri ng gawa na magdudulot ng kabutihan sa sarili man o sa kapwa tao.


mga balakid

Anumang bagay katulad ng pako o matutulis na bagay, bato, dumi o anuman na maaaring makapinsala sa tao.

Patnubay ng Hadith: 1. Habag ng Allah sa atin na pinagaan Niya para sa atin ang paggawa ng mga Kabutihan. 2. Nararapat na pasalamatan ang Allah sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa atin. Kasama rito ay ang biyaya sa bahagi ng ating katawan pati na rin ang ating mga pakiramdam. 3. Ang pagtulong sa iba sa paggawa ng kabutihan ay nagpapahiwatig nang pasasalamat sa Allah na may kaakibat na gantimpala. 4. Tungkulin nating ipagkasundo ang mga di-nagkakaunawaang magkakapatid, magkakaibigan, magulong nagtatalunan at mga nagpuputol ng kanilang mga ugnayan. 5. Kabilang sa mga ginagantimpalaan sa isang Muslim at nagiging kaaya-aya sa kanya sa iba ay ang pakikipag-usap niya sa kanila nang magagandang pangungusap at mabubuting salita. 6. Bawa’t hakbang ng isang Muslim patungong Masjid ay nakadaragdag sa kanyang mga kabutihan at nakapapawi sa kanyang mga kasalanan. 7. Ang pag-alis sa mga balakid na makapipinsala sa tao sa mga daanan, paaralan at iba pa ay dahilan upang madagdagan ang ating kabutihan.

17


ARALIN - 5 Hadith – 7

ANG ILAN SA MAGAGANDANG PAG-UUGALI SA PAGBAHIN

ُ ‫َعنْ �أَبِي هُ َر ْي َر َة – َر ِ�ض َي‬ َ َ‫ ا‬:‫ (�إِ َذا ع َ​َط َ�س �أَ َح ُد ُك ْم َف ْل َي ُق ْل‬:‫ َقا َل‬ ‫اهلل َع ْن ُه – ع َِن ال َّن ِب ِّي‬ ‫ َو ْل َي ُق ْل َل ُه �أَ ُخ ْو ُه‬، َّ‫حل ْم ُد للِه‬ ُ ‫ َيهْدِ ْي ُك ُم‬:‫اهلل – َف ْل َي َق ْل‬ ُ ‫ َي ْر َح ُم َك‬:ُ‫ َف�إِ َذا َقا َل َله‬.‫اهلل‬ ُ ‫ َي ْر َح ُم َك‬:ُ‫�أَ ْو َ�صاحِ َبه‬ .‫ رواه البخاري‬.)‫اهلل َو ُي ْ�ص ِل ُح َبا َل ُك ْم‬ Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi: Ang Propeta (saw) ay nagsabi: “Kapag ang isa sa inyo ay bumahin, kanyang sabihin: AL-HAMDU LILLAH (ang pagpupuri at pasasalamat ay sa Allah). At sabihin sa kanya ng kanyang kapatid o kasamahan: YARHAMUKALLAAH (kahabagan ka nawa ng Allah). At kapag sinabi sa kanya ang: YARHAMUKALLAAH. Kanyang sabihin: YAHDEEKUMULLAAH WA YUSLIHU BAALUKUM (patnubayan nawa kayo ng Allah at ituwid ang inyong kalagayan)”. Isinalaysay ni Bukhari. Kilalanin ang nag-ulat: (Tunghayan sa Hadith – 3) Patnubay ng Hadith: 1. Kabilang sa mga katangian ng Pananampalataya nating Haneef (hindi kumikiling sa huwad na pananampalataya) ay ang pagsasabatas nito nang pakikipag-ugnay sa pag-aalaala sa Allah sa lahat ng pagkakataon, kabilang na rito ang pagbahin. 2. Nakabubuti sa bumahin na kanyang purihin at pasalamatan ang Allah pagkatapos niyang bumahin at kanyang sabihin: (ALHAMDULILLAAH). 3. Kapag narinig ang isang tao na bumahin at nagpuri sa Allah, ipanalangin niya na siya ay kahabagan, sabihin ang: (YARHAMUKALLAAH). 4. Nakabubuti sa bumahin na kapag narinig niya ang isang nagsabi sa kanya ng: “YARHAMUKALLAH” ang sasabihin niya ay: YAHDEEKUMULLAAHU WA YUSLIHU BAALAKUM. 5. Ang mga panalangin na ito ay nagdudulot ng pagmamahalan at pagkakabuklud-buklod sa pagitan ng mga Muslim.

18


Hadith – 8

BABALA SA PAGKAMAGAGALITIN

ُ ‫َعنْ �أَب ِْي هُ َر ْي َر َة – َر ِ�ض َي‬ ً ‫اهلل َع ْن ُه – �أَ َّن َر ُج‬ ‫ ( َال‬:‫ َقا َل‬،ً‫ ( َال َت ْغ َ�ض ْب) َف َر َّد َد مِ َرارا‬:‫ َقا َل‬،‫ �أَ ْو ِ�صنِي‬-  ‫ال َقا َل لِل َّن ِب ِّي‬ .‫ �أخرجه البخاري‬.)‫َت ْغ َ�ض ْب‬ Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – na may isang lalaking nagsabi sa Propeta – Payuhan mo ako! Siya ay nagsabi: (Huwag kang magalit). At inulit-ulit niya ito (ang paghingi ng payo). Siya ay nagsabi: (Huwag kang magalit). - Isinalaysay ni Bukhari Kilalanin ang nag-ulat: (Tunghayan sa Hadith – 3) Patnubay ng Hadith: 1. Ipinahiwatig ng Hadith ang pagiging masigasig ng mga Sahabah – kalugdan nawa sila ng Allah – sa mga payo ng Sugo ng Allah . 2. Ipinagbawal ng Sugo (saw) ang pagiging magagalitin sapagka't ito ay mula kay Satanas at nagdudulot ng pinsala. 3. Ang Sugo (saw) ay nagbigay ng babala tungkol sa pagiging magagalitin. Dapat na umiwas ang Muslim na magalit pati na rin ang mga kadahilanan nito upang di siya masadlak dito. 4. Salungat ng pagiging magagalitin ay ang pagiging mahinahon at mapagpaumanhin, ang dalawang ito ay naibibilang sa mga kapuripuring katangian ng isang Muslim kaya’t nararapat na taglayin niya ang mga katangiang ito. 5. Ipinapayo sa sinumang nagagalit na gawin ang mga sumusunod: 1Magpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang satanas. 2- Banggitin ang pangalan ng Allah. 3- Magsagawa ng Wudu'. 4- Magpalit ng puwesto.

19


ARALIN - 6 Hadith - 9

BABALA SA PAGMAMALAKI

ُ ‫هلل ْب ِن م َْ�س ُع ْو ٍد – َر ِ�ض َي‬ َ ْ‫ ( َال َيد ُْخ ُل ا‬: –  ‫ قاَ َل ال َّن ِب ُّي‬:‫اهلل َع ْن ُه – َقا َل‬ ‫جل َّن َة َمنْ َكا َن يِ ْف َق ْل ِب ِه‬ ِ ‫َعنْ َع ْبدِ ا‬ َ ‫ (�إِ َّن‬: e ‫ َقا َل‬،‫ َو َن ْع ُل ُه َح َ�س َن ًة‬،ً‫ �إِ َّن ال َّر ُج َل يُحِ ُّب �أَ ْن َي ُك ْو َن َث ْو ُب ُه َح َ�سنا‬:‫ َقا َل َر ُج ٌل‬.)‫مِ ْث َق ُال َذ َّر ٍة مِ نْ ك رِْب‬ ‫اهلل َجمِ ْي ٌل‬ َ ْ‫ِب َب َط ُر ا‬ َ ْ‫يُحِ ُّب ا‬ .‫ رواه م�سلم‬.)‫ا�س‬ ِ ‫حل ِّق َو َغ ْم ُط ال َّن‬ ُ ْ‫ اَلك ر‬،‫جل َما َل‬ Iniulat ni Abdullah ibn Mas`ud – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi: Ang Propeta (saw) ay nagsabi: “Hindi makapapasok ng Paraiso ang sinuman na may gabutil na timbang nang pagmamalaki sa kanyang puso”. Sinabi ng isang lalaki: “Subali’t nais ng isang tao na maging maganda ang kanyang kasuutan maging ang kanyang sapin sa paa.” Sinabi niya (saw): “Ang Allah ay nagtataglay ng kagandahan at nais Niya ang mga magagandang bagay, ang pagmamalaki ay ang pagkubli sa katotohanan at paghamak sa tao”. Isinalaysay ni Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: Siya ang dakilang Sahabi na si Abdullah ibn Mas`ud ibn Ghafil Al-Huzaly, isa sa mga yumakap sa Islam noong mga unang panahon ng pagkasugo ng Propeta (saw). Kabilang sa mga dakilang iskolar ng mga Sahabah. Naging tanyag sa pagiging mahusay sa Fiqh. Nasaksihan niya ang pagsakop sa Sham at ipinadala siya ni Umar sa Kufah upang turuan ang mga mamamayan nito sa mga bagay na nauukol sa kanilang pananampalataya. Pagkatapos nito ay itinalaga siya ni Uthman bilang Gubernador dito. Binawian ng buhay sa Madinah noong ika tatlumpu’t dalawa ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah. Kahulugan ng mga salita: gabutil na timbang ng pagmamalaki Pagkubli sa katotohanan

20

Katiting na pagmamalaki Pagtakwil ng katotohanan dahil sa pagmamataas at pagmamalaki


Patnubay ng Hadith: 1. Ang babala sa pagmamalaki, pagmamataas, at ang paghamak sa mga tao. 2. Ang Islam ay pananampalataya ng kalinisan, nararapat sa isang Muslim na laging malinis sa kanyang kasuutan, sa kanyang katawan, sa lahat ng kanyang mga kasangkapan tulad ng lamesa, mga bag, atbp. 3. Nararapat sa isang Muslim na dalisayin ang kanyang puso mula sa lahat ng pagtitikis, kasakiman, pagmamalaki at panlalait sa ibang tao upang siya ay maging dalisay sa kanyang panlabas at panloob. 4. Nararapat sa isang Muslim na magbigay-galang at magbigay ng pagpapahalaga sa mga tao. Igalang ang mga mas-nakatatanda at maging mabait sa mga mas-nakababata at mahalin sila nang tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. 5. Nararapat sa isang Muslim na tanggapin ang katotohanan, sapagka’t ang pagtakwil nito ay isang uri ng pagmamalaki. Hadith – 10

ANG ILAN SA MAGAGANDANG PAG-UUGALI SA PAGKAIN

ُ ‫َعنْ ُع َم َر ْب ِن �أَبِي َ�سلَ َم َة – َر ِ�ض َي‬ َ ‫ ُكنْتُ ُغ‬:‫اهلل َع ْن ُه َما – َقا َل‬ ‫ َو َكا َنتْ يَدِ ي َتطِ ْي ُ�ش يِف‬e ‫هلل‬ ِ ‫الماً يِ ْف َح ْج ِر َر ُ�سولِ ا‬ َ ‫ ( َيا ُغ‬: ‫هلل‬ ُ ‫ َف َقا َل يِل َر ُ�س‬،ِ‫ال�ص ْح َفة‬ .‫ رواه البخاري وم�سلم‬.)‫ما َي ِل ْي َك‬ ِ ‫ول ا‬ َّ َّ ِ‫ َو ُك ْل م‬،‫ َو ُك ْل ِب َيمِ ْين َِك‬،‫ال ُم َ�س ِّم اهلل‬ Iniulat ni Umar ibn Abi Salamah – kalugdan nawa silang dalawa ng Allah – kanyang sinabi: “Noong ako’y bata pa at nasa pangangalaga ng Sugo ng Allah, madalas na palipat-lipat ang aking kamay sa hapag-kainan. Sinabi sa akin ng Sugo ng Allah: O bata! Banggitin ang Pangalan ng Allah, kumain sa pamamagitan nang iyong kanang kamay, at kainin lamang ang alinmang malapit sa iyo.” Isinalaysay ni bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: Siya ang dakilang Sahabi na si Umar ibn Abi Salamah ibn Abdul Asad Almakhzumy – kalugdan nawa siya ng Allah – siya ay ipinanganak noong ika dalawang taon ng Hijrie. Inaruga sa pamamahay ng Sugo ng Allah . Ang nanay niya ay si Ummu Salamah na asawa ng Propeta (saw). Itinalaga ni Ali ibn Abi Talib – kalugdan nawa siya ng Allah – bilang Gobernador sa Bahrain. Binawian ng buhay sa Madinah noong ikawalumpu't tatlo ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah. 21


Patnubay ng Hadith: 1. Ang pagkain at inumin ay isang dakilang biyaya mula sa mga biyaya ng Allah sa Kanyang mga lingkod. Kaya’t nararapat na pasalamatan ang Allah para rito. 2. Karapat-dapat sa isang Muslim bago mag-umpisang kumain ay magsabi ng: BISMILLAAH (Sa panimula ay ang Pangalan ng Allah). 3. Nararapat sa isang Muslim na kumain sa pamamagitan nang kanyang kanang kamay. Hawakan ang baso sa pamamagitan nang kanang kamay kapag siya ay iinom. 4. Kapag ang isang Muslim ay kumakain; kainin lamang ang anumang nasa malapit sa kanya. 5. Ang paglalaro sa pagkain ay sumasalungat sa pagtanaw ng utangna-loob sa mga biyaya. 6. Tungkulin ng isang Muslim na ituro sa iba ang mga kagandahang asal sa pagkain at pag-inom.

22


ARALIN - 7 Hadith – 11

ANG KABUTIHAN NG PAG-AALAALA SA ALLAH

ُ ‫َعنْ �أَبِي ُم ْو َ�سى الأَ ْ�ش َعرِيِّ – َر ِ�ض َي‬ ‫ َوا َّلذِ ي َال َي ْذ ُك ُر‬،ُ‫ ( َم َث ُل ا َّلذِ ي َي ْذ ُك ُر َر َّبه‬:  ‫ َقا َل ال َّن ِب ُّي‬: ‫اهلل َع ْن ُه – َقا َل‬ َ ‫َر َّب ُه َم َث ُل ا‬ .‫ �أخرجه البخاري‬.) ِ‫حل ِّي َوامل َ ِّيت‬ Si Abu Musa Al-Ashary – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nag-sabi: Sinabi ng Propeta (saw): Ang kahalintulad ng isang nag-aalaala sa kanyang Panginoon at ng isang hindi nag-aalaala sa kanyang Panginoon ay katulad ng isang buhay at ng isang patay.” Isinalaysay ni Bukhari Kilalanin ang Nag-ulat: Siya ang marangal na sahabi (kasama ng Propeta) Abu Musa Abdullah Bin Qais Al-Ashary. Tumanggap ng Islam sa Makkah at isa sa mga lumikas patungong Habasha. Naging pinuno ng Basrah nuong kapanahunan ni Umar (ra) at ng Kufah nuong kapanahunan naman ni Uthman. Nagturo ng Qur’an at Fiqh. Isa sa may pinakamagandang tinig sa pagbabasa ng Qur’an. Binawian ng buhay noong ika-42 taon makalipas ang Hijrah. Patnubay ng Hadith: 1. Ang pag-aalaala sa Allah ay sa pamamagitan ng Al-Tahlil (La Ilaaha Ilallah), Al-Tahmid (Alhamdulillah), Al-Tasbeh (Subhanallah), pagbigkas ng Qur’an at iba pang mga kahalintulad. 2. Ang pagkilala sa kabutihan ng pag-aalaala sa Allah. 3. Ang pag-aalaala sa Allah ay nagiging dahilan nang pagkabuhay ng puso sa: a.

Labis na pagmamahal para sa Allah

b.

Kapanatagan, ginhawa at pagkapit sa Allah.

c.

Proteksiyon laban sa mga shayatin (mula sa mga tao at mga jin).

4. Kinakailangang alalahanin ang Allah upang makuha ang mga biyaya nito. 5. Ang paglimot sa Allah ay dahilan ng pagkamatay ng puso.

23


Talakayin: 1. Ano ang pinagkaiba ng isang nag-aalaala sa Allah at ng isang hindi nag-aalalala sa Allah? 2. Magbigay ng dalawang pakinabang na makukuha natin sa pagaalaala sa Allah. 3. Magbigay ng mga halimbawa nang pag-aalaala sa Allah. Takdang-Aralin: 1. Hanapin ang hindi tama sa sumusunod na salaysay: Si Jamil ay pumasok ng kanilang bahay at nagulat sa kanyang nakita. Nabasag ng kanyang kapatid ang isa kanilang mga gamit. Sa laki ng galit ay pinagsalitaan niya nang masama ang kanyang nakababatang kapatid. Lumabas siya na may galit at humarurot na umalis na hindi alam kung saan patungo. Nakita siya ng isang kaibigan sa may tindahan at tinanong kung bakit siya galit. Ikinuwento ni Jamil ang pangyayari. 2. Lagyan ng Tsek (√) kung ang pangungusap ay Tama at Ekis (X) kung ito ay Mali.

24

(

) a. Ang pagbanggit sa pangalan ng Allah ay mabigat sa dila subali’t magaan sa timbangan.

(

) b. Ang pag-aalaala sa Allah ay nagbibigay proteksiyon laban sa shayatin (mula sa mga jin at mga tao).

(

) c. Ang hindi nag-aalaala sa Allah ay katulad ng isang patay.


ARALIN - 8 Hadith – 12

ANG PAGMAMAHAL SA SUGO NG ALLAH 

ُ ‫َعنْ �أَ َن ٍ�س – َر ِ�ض َي‬ ‫ ( َال ُي�ؤْمِ ُن �أَ َح ُد ُك ْم َح َّتى �أَ ُك ْو َن �أَ َح َّب ِ�إ َل ْي ِه مِ نْ َوالِدِ ِه َو َو َلدِ ِه‬:‫ َقا َل‬ ‫هلل‬ ِ ‫اهلل َع ْن ُه – �أَ َّن َر ُ�س ْو َل ا‬ َ ْ‫ا�س �أَ ْج َمع ن‬ .‫ِي ) �أخرجه البخاري وم�سلم‬ ِ ‫َوال َّن‬ Iniulat ni Anas – kalugdan nawa siya ng Allah – katotohanang ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: “Hindi magiging mananampalataya ang sinuman sa inyo hangga’t hindi niya ako minamahal nang higit sa kanyang ama, anak at sa lahat ng tao.” Isinalaysay ni Bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: Siya ay ang dakilang Sahabi na si Anas ibn Malik Al-Ansary Al-Khazrajie, dinala siya ng kanyang ina na si Ummu Sulaim sa Propeta (saw) noong siya ay sampung taon gulang. At sinabi niya: O Sugo ng Allah! Ito si Anas, isang batang maglilingkod sa iyo. Kanyang tinanggap si Anas at ipinanalangin nang ganito: “ALLAAHUMMA AKTHIR MAALAHU WA WALADAHU WA ADKHILHU AL-JANNATA (O Allah! Paramihin Mo ang kanyang kayamanan at anak; papasukin Mo siya sa Paraiso”.) Si Anas ay nakapag-ulat ng maraming mga Ahadith. Siya ang pinakahuling Sahabi na namatay sa Al-Basrah sa taon na ikasiyamnapu’t tatlo ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah. Patnubay ng Hadith: 1. Tungkulin nating mahalin ang Propeta (saw) nang higit pa sa pagmamahal natin sa ating ama, anak, kahi’t sinong tao at sa ating sarili. 2. Ang pagmamahal sa Sugo ay kabilang sa pananampalataya. 3. Ilan sa mga palatandaan ng pagmamahal sa Sugo ng Allah . a. Ang sundin natin siya sa kanyang mga kautusan, iwasan ang kanyang mga ipinagbabawal, at paniwalaan ang kanyang mga naihatid na pahayag. b. Ang ipanalangin natin siya sa tuwing mababanggit ang kanyang pangalan na ang mga pagpapala at kapayapaan ng Allah ay 25


maitampok sa kanya. c. Ang pamarisan natin siya sa kanyang mga pananalita at mga gawa, at huwag tayong lumabag sa kanyang mga isinabatas. d. Ang iuna natin ang pagmamahal sa Sugo (saw) kaysa pagmamahal natin sa iba pang mga nilalang.

26


ARALIN - 9 Hadith – 13

ANG KAGANDAHANG ASAL

ُ ‫هلل ْب ِن َع ْم ُرو – َر ِ�ض َي‬ ُ ‫ َفاحِ �شاً َو َال ُم َت َف ِّح�شاً َو َكا َن َي ُق‬ ‫مل ْ َي ُك ِن ال َّن ِب ُّي‬ َ : ‫اهلل َع ْن ُه َما – َقا َل‬ ‫ ( �إِ َّن‬: ‫ول‬ ِ ‫َعنْ َع ْبدِ ا‬ َ َ َ ‫مِ نْ خِ َيا ِر ُك ْم �أ ْح َ�س َن ُك ْم �أ ْخ‬ .‫ �أخرجه البخاري وم�سلم‬.) ً‫القا‬ Iniulat ni Abdullah ibn `Amr – kalugdan nawa silang dalawa ng Allah kanyang sinabi: Ang Propeta (saw) ay hindi naging Fahish, o kaya ay naging Mutafahhish. Sa halip siya ay nagsabi: “Ang pinakamabuti sa inyo ay yaong may pinakamahusay na pag-uugali.” Isinalaysay ni Bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: (Tunghayan sa Hadith – 2) Kahulugan ng mga salita: Fahish

Ang taong nakakagawa ng mga masasamang salita at gawain.

Mutafahhish

Ang taong sinasadyang gumagawa ng masasamang mga salita at gawain

Kabutihan ng asal

Ang paggawa ng mga mararangal at pag-iwas sa mga masasamang pananalita

Patnubay ng Hadith: 1. Ang Sugo ng Allah  ang may pinakadakilang pag-uugali sa sangkatauhan at may pinakamabuting asal. 2. Tungkulin ng isang Muslim ang pamarisan ang Sugo ng Allah  kaya't pairalin niya ang magagandang mga pag-uugali. 3. Ang pinakamabuti sa mga tao ay yaong nagpapairal ng magagandang mga pag-uugali, tulad ng: mabuting pakikitungo, malumanay na pananalita, maaliwalas na mukha, pagsusumikap sa paggawa ng kabutihan, pagpigil sa mga pamiminsala, at pagpapalaganap ng Salam. 27


4. Ang kabutihang asal ay nagsisilbing daan sa pagkamit ng pagmamahal ng Allah at pagmamahal ng mga tao. 5. Ang kabutihang asal ay bahagi ng Pananampalataya. 6. Ang pikamalapit na tao sa Sugo ng Allah  sa Araw ng pagkabuhay na muli ay yaong may pinakamabuting pag-uugali. Hadith – 14

ANG KABUTIHAN NG PAGKAMAHIYAIN

ُ ‫ي – َر ِ�ض َي‬ َ َ‫ ( ا‬:  ‫هلل‬ ‫ �أخرجه‬.) ‫ي‬ ٍ ْ‫َعنْ عِ ْم َرا َن ْب ِن ُح َ�ص ن‬ ِ ‫ َقا َل َر ُ�س ْو ُل ا‬: ‫اهلل َع ْن ُه َما – َقا َل‬ ٍ ْ‫حل َيا ُء َال َي�أْتِي �إِ َّال ب َِخ ر‬ .‫البخاري وم�سلم‬ Iniulat ni Imran ibn Husain – kalugdan nawa sila ng Allah – kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: Ang pagkamahiyain ay walang ibang naidudulot kundi pawang kabutihan. Isinalaysay ni Bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: Siya ang dakilang Sahabi na si Imran ibn Husain Al-Khuza`iy, siya at ang kanyang ama ay yumakap sa Islam sa taon ng labanan sa Khaibar. Isa siya sa mga itinuturing na iskolar mula sa mga Sahabah. Ipinadala siya ni Umar ibn Al-Khattab – kalugdan nawa siya ng Allah – sa Basrah upang turuan ang mga mamamayan nito. Binawian ng buhay noong ika-52 taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah. Ang mga kahulugan ng salita: Ang pagkamahiyain

Ang pag-iwas sa mga makasasama sa tao maging sa salita at gawa.

Patnubay ng Hadith: 1. Ang paghikayat ng Islam sa pagkamahiyain. 2. Ang pagkamahiyain ay nagsisilbing susi sa lahat ng kabutihan sapagka’t ito ay nag-aanyaya sa paggawa ng mga mararangal at nagbabawal sa paggawa ng salitang masama. 3. Isa sa mga katangian ng Sugo ng Allah  ay ang pagkamahiyain. 4. Kabilang sa pagkamahiyain ay ang pag-iwas sa mga nakayayamot na salita, masasamang salita, panlalait at pagmumura. 28


ARALIN - 9 Hadith – 15

MGA PALATANDAAN NG NIFAQ (PAGKUKUNWARI)

ُ ‫َعنْ �أَبِي هُ َر ْي َر َة – َر ِ�ض َي‬ َ ‫ ( �آ َي ُة امل ُ َنافِقِ َث‬: ‫ َقا َل‬ ‫هلل‬ ‫ َو�إِ َذا َو َع َد‬،‫ال ٌث �إِ َذا َحد َ​َّث َك َذ َب‬ ِ ‫اهلل َع ْن ُه – �أَ َّن َر ُ�سو َل ا‬ .‫ �أخرجه البخاريُّ وم�سل ٌم‬.) ‫ َو ِ�إ َذا ا�ؤْ مُت َِن َخا َن‬،‫�أَ ْخلَ َف‬ Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – Katotohanan ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: “Ang palatandaan ng isang Munafiq (mapagkunwari) ay tatlo: Kapag siya ay nakikipag-usap - siya ay nagsisinungaling; kapag siya ay nangako – siya ay sumisira sa pangako; at kapag siya ay pinagkatiwalaan - siya ay nagtataksil”. Isinalaysay ni Bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: (Tunghayan sa Hadith – 3) Kahulugan ng mga salita: Tatlo

Ibig sabihin: Tatlong katangian.

Munafiq

Ang taong nagpapahayag ng mga mabubuting bagay na kasalungatan ng kanyang tunay na layunin.

Patnubay ng Hadith: 1. Ang pagbibigay babala ng Islam sa mga masasamang pag-uugali. 2. Ang Nifaq ay kabilang sa masasamang mga katangian na dapat iwasan ng isang Muslim. 3. Ang Nifaq ay may mga palatandaan na dapat iwasan. At ang ilan sa mga ito ay: a. Ang kasinungalingan sa pananalita. b. Ang pagsira sa pangako. c. Ang pagtataksil. 4. Sinuman ang nag-angkin ng isa sa mga katangian ng Munafiq ay kapopootan ng Allah at ng mga tao. 29


Hadith – 16

ANG PAGPAPAUMANHIN AT PAGPAPASENSIYA

ُ ‫َعنْ عَائ َِ�ش َة – َر ِ�ض َي‬ ُ ‫ي َر ُ�س‬ َ ْ‫ َب ن‬ ‫هلل‬ ْ‫ َمالمَ ْ َي ُكن‬،‫ي �أَ ْم َر ْي ِن َق ٌّط �إِ َّال �أَ َخ َذ �أَ ْي َ�س َرهُ َما‬ ِ ‫ول ا‬ َ ِّ‫ ( مَا ُخ ر‬: ْ‫اهلل َع ْنهَا – َقا َلت‬ ُ ‫ َومَا ا ْن َت َق َم َر ُ�س‬،ُ‫ا�س مِ ْنه‬ ‫هلل‬ ِ ‫ ِل َن ْف�سِ ِه يِف َ�ش ْي ٍء َق ٌّط �إِ َّال َ�أ ْن ُت ْن َته َ​َك ُح ْر َم ُة ا‬ ‫هلل‬ ِ ‫ول ا‬ ِ ‫ َف ِ�إ ْن َكا َن ِ�إث ْماً َكا َن �أَ ْب َع َد ال َّن‬،ً‫�إِث ْما‬ .‫ �أخرجه البخاريُّ وم�سل ٌم‬.) ِ َّ‫َف َي ْن َت ِق ُم ِبهَا للِه‬ Si `Aishah – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nag-ulat: “Kailanman ay hindi nangyaring pinapili ang Sugo ng Allah sa dalawang bagay kundi ang kanyang pinili ay ang pinakamadali’t magaan dito, kung ito’y hindi naging makasalanan. Sapagka’t kung ito’y makasalanan, siya na ang taong may kalabisang pangingilag dito. Hindi kailanman naghiganti ang Sugo ng Allah para sa kanyang sarili dahil sa isang bagay maliban na lamang kung lapastanganin (sa pamamagitan ng paggawa) ang ipinagbabawal ng Allah. Sa ganito siya ay maghihiganti alang-alang sa Allah”. Isinalaysay ni Bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: Siya ang isa sa mga tinaguriang Ina ng mga mananampalataya. Ang makatotohanan na anak na babae ng As-Siddeeq (ang ganap na makatotohanan) na si Aisha bint Abu Bakar – kalugdan nawa silang magama dalawa ng Allah – na asawa ng Sugo ng Allah . Siya ay Faqihah (isang iskolar na may malalim na pag-unawa) at Pantas, siya ay nakapagulat ng maraming mga Ahadith mula sa Sugo ng Allah . Binawian ng buhay noong ika limampu't pitong taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah.

30

Patnubay ng Hadith: 1. Ang Islam ay pananampalatayang mapagbigay, mapagpasensiya, mapagpaumanhin at mapagparaya. 2. Kabilang sa mga katangian ng Sugo ng Allah  ay ang mapagpaumanhin, mapagpasensiya, at matiisin sa mga pasakit at pagpapahirap. Kaya’t dapat siyang pamarisan tungkol dito. 3. Ang pagpapasensiya ay hindi pinapapangyari sa mga karapatan ng Allah, tulad nang pagsang-ayon sa mga ipinagbabawal. 4. Ang mga ipinagbabawal ng Allah, mga hangganang itinakda Niya, at ang Kanyang mga kautusan ay karapat-dapat dakilain at igalang. Ipinagbabawal na lapastanganin ang mga ito. 5. Ang isang Muslim na nagpapaumanhin at nagpapasensiya ay nagkakamit ng dakilang gantimpala mula sa Allah. Makakamit din niya ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga tao.


ARALIN - 11 Hadith – 17

ANG PAGBABAWAL SA AL-GHIBAH (PANINIRANG-PURI)

ُ :‫ َقا ُلوا‬.) ‫ ( �أَ َت ْد ُر ْو َن مَا ال ِغ ْي َب ُة ؟‬: ‫ َقا َل‬ ‫هلل‬ ُ ‫َعنْ �أَبِي هُ َر ْي َر َة – َر ِ�ض َي‬ ‫اهلل َو َر ُ�سو ُل ُه‬ ِ ‫اهلل َع ْت ُه – �أَ َّن َر ُ�سو َل ا‬ َ ‫ ( ِذ ْك ُر َك �أَ َخ‬:‫ َقا َل‬.‫�أَ ْعلَ ُم‬ ِ‫ ( ِ�إ ْن َكا َن ِف ْي ِه مَا َت ُق ْو ُل َف َقد‬:‫ �أَ َف َر�أَ ْيتَ ِ�إ ْن َكا َن يِف �أَخِ ي مَا �أَ ُق ْو ُل؟ َقا َل‬: ‫ ِق ْي َل‬.)ُ‫اك مِبَا َي ْك َره‬ .‫ رواه م�سل ٌم‬.) ‫ َو�إِ ْن لمَ ْ َي ُكنْ ِف ْي ِه َف َق ْد َب َه َّت ُه‬،ُ‫ْاغ َت ْب َته‬ Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – katotohanang ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Alam ba ninyo kung ano ang Al-Ghibah?” Ang sabi nila: “Ang Allah po at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.” Sinabi niya: “Ito ay ang pagbanggit mo sa iyong kapatid sa kanyang mga ikinamumuhi”. May nagtanong: Sabihin O Sugo! Paano kung nasa aking kapatid ang mga pinagsasabi ko? Kanyang sinabi: “Kung nasa kanya ang mga pinagsasabi mo, tunay na siya’y iyong siniraan ng puri, at kung wala sa kanya, tunay na siya’y iyong pinaratangan”. Isinalaysay ni Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: (Tunghayan sa Hadith-3 pahina 78) Patnubay ng Hadith: 1. Ang pagiging tungkulin nang paggalang sa dangal ng Muslim. 2. Karapat-dapat sa isang Muslim ang umiwas sa pagbanggit ng mga kapintasan ng iba kahit pa man ito’y nasa kanila. 3. Ang pagbabawal sa Al-Ghibah (paninirang-puri) at sa Al-Buhtan (pagsisinungaling laban sa puri ng kapwa). 4. Ang Ghibah at ang Buhtan ay isang dahilan na nagsisilbing daan sa pagkakaroon ng hinanakit, poot at pagkayamot sa pagitan ng mga Muslim. 5. Tungkulin ng isang Muslim na banggitin ang mga tao ayon sa kanyang nais na banggitin nila sa kanya.

31


Hadith – 18

ANG PAGBABAWAL SA PAGTAKWIL NG ISANG MUSLIM SA KANYANG KAPATID NA MUSLIM

ُ ‫وب الأَ ْن َ�صارِيّ – َر ِ�ض َي‬ َ ‫ ( َال يَحِ ُّل لمِ ُ ْ�سل ٍِم �أَ ْن َيه ُْج َر �أَ َخا ُه َف ْو َق َث‬: ‫ َقا َل‬ ‫هلل‬ ِ‫الث‬ ِ ‫اهلل َع ْن ُه – �أَ َّن َر ُ�س ْو َل ا‬ َ ‫َعنْ �أَبِي �أَ ُّي‬ َ ‫ِال�س‬ ُ ‫ِ�ض َه َذا َو ُي ْعر‬ ُ ‫ َي ْل َت ِق َيانِ َف ُي ْعر‬، ٍ‫َل َيال‬ .‫ال ِم ) �أخرجه البخاريُّ وم�سل ٌم‬ ُ ْ‫ َو َخ ر‬،‫ِ�ض َه َذا‬ َّ ‫يهُ َما اَ َّلذِ ي َي ْب َد�أُ ب‬ Iniulat ni Abu Ayyub Al-Ansari – kalugdan nawa siya ng Allah – Katotohanang ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: “Hindi nararapat sa isang Muslim na magtakwil ng kanyang kapatid (na Muslim) nang humigit sa tatlong gabi (na walang katanggap-tanggap na Islamikong kadahilanan), nagkikita silang dalawa nguni’t nag-iiwasan sa bawa’t isa. Ang mas mabuti sa kanila ay yaong nagsisimula nang pagbati ng Salam.” Isinalaysay nina Bukhari at Muslim. Kilalanin ang nag-ulat: Siya ang dakilang Sahabi na si Khalid ibn Zaid Al-Ansari, nakilahok sa pagtitipon na tinaguriang Bai`atul Aqabah. Nakibaka sa labanan ng Badr at ang mga sumunod pa rito. Sa kanya tumuloy ang Propeta (saw) sa Madinah habang ipinapatayo ang kanyang mga bahay at Masjid. Isa sa mga tagasulat ng kapahayagan. Nanatiling nakibaka sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah pagkamatay ng Propeta (saw) hanggang sa siya ay binawian ng buhay sa mga labanan sa Al-Qustantiniyyah noong ikalimampung taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah. Kahulugan ng mga salita:

32

Hindi nararapat

Ipinagbabawal.

magtakwil

Iniiwasan ang kanyang kapatid na Muslim, ni hindi kinakausap ito.

Nagsisimula

Inunahan ang kanyang kasama sa pagbati ng Salam.


Patnubay ng Hadith: 1. Ang Islam ay nag-aanyaya sa pagkakabuklud-buklod at pagkakabigkis sa pagitan ng mga Muslim. 2. Hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na umiwas sa kanyang kapatid na Muslim at huwag siyang batiin ng Salam nang humigit sa tatlong araw. 3. Tungkulin ng isang Muslim na lumayo sa anumang mga kadahilanan na magsisilbing dahilan upang magkaroon ng di-pagkakaunawaan at pagkakawatak-watak sa pagitan ng mga Muslim. 4. Kapag iniiwasan ka ng iyong kapatid na Muslim, sikapin mong unahan siya na batiin ng Salam sapagka’t ito ang mas higit na mainam para sa iyo - sa Allah. 5. Karapat-dapat na pag-ayusin ang pagitan ng mga magkakapatid at magkakaibigan na may nagaganap na pagtatalo o pagkakawatakwatak sa kanila.

33


ARALIN - 12 Hadith – 19

ANG IDINUDULOT NG PAKIKIPAGKAIBIGAN

ُ ‫َعنْ �أَبِي ُم ْو َ�سى اَلأَ ْ�ش َعرِيِّ – َر ِ�ض َي‬ َ َّ‫ " �إِ م‬:  ‫هلل‬ ‫ال�صال ِ​ِح‬ ِ ‫ َقا َل َر ُ�س ْو ُل ا‬:‫اهلل َع ْن ُه – َقا َل‬ َّ ‫نا َم َث ُل الجْ َ ِل ْي ِ�س‬ ‫ت َد‬ ِ َ‫ال�س ْو ِء َك َحامِ لِ املْ ِْ�سكِ َو َناف ِ​ِخ ا ْلك رِْيِ؛ َف َحامِ ُل املْ ِْ�سكِ ِ�إ َّما �أَ ْن ُي ْحذِ َي َك َو ِ�إ َّما �أَ ْن َت ْب َتا َع مِ ْن ُه َو ِ�إ َّما �أَ ْن ج‬ ُّ ‫َوالجْ َ ِل ْي ِ�س‬ .‫ �أخرجه البخاريُّ وم�سل ٌم‬." ‫ت َد مِ ْن ُه ِر ْيحاً َخ ِب ْي َث ًة‬ ِ ْ‫ َو َنا ِف ُخ ا ْلك ر‬،‫مِ ْن ُه ِر ْيحاً َط ِّي َب ًة‬ ِ َ‫ِي �إِ َّما �أَ ْن ُي ْح ِر َق ِث َيا َب َك َو�إِ َّما �أَ ْن ج‬ Iniulat ni Abu Musa Al-Ashari – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: "Ang tanging halimbawa ng mabuting kasama at ng masamang kaibigan ay katulad ng tagadala ng Misk (pabango) at ng tagaihip ng Keer (bulusan); sa tagadala ng pabango ay maaari ka niyang bigyan nito o di kaya ay pagbentahan nito o di kaya ay makalanghap ka sa kanya ng isang halimuyak. Samantala, sa tagaihip ng bulusan ay maaaring masunog niya ang iyong damit o di kaya ay makapagdulot siya ng mabahong amoy.” Isinalaysay ni Bukhari at Muslim. Kilalanin ang Nag-ulat: (Tunghayan sa Hadith – 11) Kahulugan ng mga salita: Misk

Isang uri ng pabango na may kakaibang halimuyak

Keer

Bulusan ng panday.

Patnubay ng Hadith: 1. Ang pagpapahalaga ng Islam sa pangangaral sa mga tao nito kung ano ang makabubuti para sa kanila rito sa mundo at sa kabilang buhay. 2. Ang matuwid na kasamahan at mabuting kaibigan ay nakatutulong sa tao sa mga mabubuting bagay at inilalayo nito sa kasamaan. 3. Ang masamang kaibigan ay nakapagdudulot ng masamang kalalabasan laban sa kanyang kaibigan sa mga gawain nitong masasama: Tulad ng pagliban sa Salah, paglapastangan sa magulang, pamiminsala sa mga tao, paninigarilyo, atbp. 4. Karapat-dapat sa isang Muslim na maging masigasig sa pagpili ng mabubuting mga kaibigan na may magagandang pag-uugali; at maging maingat sa mga may masasamang gawain. 34


Hadith – 20

ANG ILAN SA MGA MAGAGANDANG PAG-UUGALI SA PAGHINGI NG PAHINTULOT

ُ ‫ُو�سى الأَ ْ�ش َعرِيِّ – َر ِ�ض َي‬ َ ‫اال�س ِت ْئ َذ ُان َث‬ ُ ‫ َقا َل َر ُ�س‬: ‫اهلل َع ْن ُه – َقا َل‬ ‫ال ٌث َف�إِ ْن �أُ ِذ َن َل َك َو ِ�إ َّال‬ ِ ‫ول ا‬ َ ‫َعنْ �أَبِي م‬ ْ " :  ‫هلل‬ .‫ �أخرجه البخاريُّ وم�سل ٌم‬." ‫َفا ْرجِ ْع‬ Iniulat ni Abu Musa Al-Ashari – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: "Ang paghingi ng pahintulot ay tatlo kung ito’y ipinahintulot sa iyo, at kung hindi naman ay bumalik ka na lang." Isinalaysay ni Bukhari at Muslim. Kilalanin ang Nag-ulat: (Tunghayan sa Hadith – 11) Kahulugan ng mga salita: Ang paghingi ng pahintulot

Ang paghingi ng pahintulot sa pagpasok

Tatlo

Tatlong beses (pagkatok)

Patnubay ng Hadith: 1. Ang paghingi ng pahintulot ay mayroong magagandang pag-uugali na dapat alamin upang maipatupad ng isang Muslim sa kanyang buhay. 2. Ang ilan sa magagandang pag-uugali sa paghingi ng pahintulot ay ang pagkatok sa pinto nang tatlong beses, at sa bawa’t pagkatok ay dapat na may agwat kahit man lang ilang sandali upang mabigyan ng pagkakataon ang makaririnig nito sa pagtugon, at walang masama kung humigit man sa tatlo kapag nakatitiyak siyang hindi naririnig ng may-ari ng bahay ang kanyang pagkatok. 3. Ito ay kapag ipinahintulot sa tao, at kung hindi nararapat siyang lumisan nang walang hinanakit dito. 4. Ang paghingi ng pahintulot ay pinangyayari sa pamamagitan nang pagkatok na maririnig ng nasa loob at hindi sa pamamagitan nang mga nakabubulabog na ingay; hindi sa pamamagitan ng busina ng sasakyan, o ng bisikleta, o sa pamamagitan ng malakas na mga bulyaw, o sa pamamagitan ng walang tigil na pagdiin sa buzzer. 35


5. Ang paghingi ng pahintulot ay pinangyayari sa pagpasok ng bahay, silid-aralan at sa mga pansariling lugar. 6. Ang isang Muslim ay hindi pumapasok sa kaninumang mga pansariling silid maliban na lamang kapag siya ay binigyan ng pahintulot.

36


SEERAH



NILALAMAN Pahina Kabanata 1 Ang angkan ng Propeta 

5

Kabanata 2 Ang kuwento ng elepante

6

Kabanata 3 Ang kamatayan ni Abdullah, ang ama ng Mensahero ng Allah 

10

‘Abdul Muttalib, ang lolo ng Mensahero ng Allah 

11

Abdullah, ang ama ng Mensahero ng Allah 

15

Kabanata 4 Abu Talib, ang amain ng Mensahero ng Allah 

17

Ang paglalakbay niya sa Ash-Sham at ang pagpapakasal niya kay Khadija 

19

Kabanata 5 Ang pag-iisa sa kuweba ng Hira

21

Ang pagtatayong muli ng Ka’bah

21

Kabanata 6 Ilan sa mga paniniwala ng mga tao ng Jahiliyyah (kamangmangan)

26

Si ‘Amr bin Luhayy ay ang una sa nagbago ng relihiyon ni Abraham

27

Kabanata 7 Ang panimula ng paghahayag

33

Mga uri ng Kapahayagan

36

Ang unang naniwala

38

Ang kuwento ni Zaid bin Haritha

38

Sumayyah, ang unang martir

40 3


Kabanata 8 Ang panimula ng panawagan (para sa Allah)

42

Kabanata 9 Ang unang paglikas sa Abyssinia

46

Ang pangalawang paglikas sa Abyssinia

47

Kabanata 10 Yumakap sa Islam si Hamzah bin ‘Abdul Muttalib

53

Yumakap sa Islam si ‘Umar

53

Ang pangangalaga ni Abu Talib sa Mensahero ng Allah 

55

Kabanata 11 Ang boykot ng Banu Hashim sa may Bangin

57

Ang pagpapawalang-bisa ng Kasulatan

60

Kabanata 12 Ang kamatayan ni Khadijah at Abu Talib

4

64


KABANATA - 1

Ang angkan ng Propeta  Muhammad bin Abdullah bin Abdul-Muttalib bin Hashim bin Abdi Manaf bin Qusai bin Kilab bin Murrah bin Ka’b bin Lu’ayy bin Ghalib bin Fihr bin Malik bin An-Nadr bin Kinanah bin Khuzaimah bin Mudrikah bin Ilyas bin Mudar bin Nizar bin Ma’ad bin Adnan. Napag-alaman na ito ay tama hanggang sa puntong ito. Mayroong kaunting pagtatalo tungkol sa angkan na pinagmulan ni Adnan. Nguni’t walang sinuman ang nakipagtalo na si Adnan ay nagmula sa angkan ni Propeta Ismail, at si Propeta Ismail ang inalay ng kanyang ama na si Propeta Abraham. Ang sinasabing si Propeta Isaac ang inalay ay isang maling salaysay. Subali’t walang pinagkaiba sa kanilang mga palagay tungkol sa katotohanan na ang Propeta  ay ipinanganak sa Makkah noong Taon ng Elepante. Ang pangyayari tungkol sa mga elepante ay ang panimula na ginawa ng Allah upang sundan nang kapanganakan ng Kanyang Propeta  at ng kanyang pamilya; at kung hindi, magkagayon ang kasama ng mga elepante ay mga Kristiyano, mga Angkan ng Kasulatan, na ang kanilang relihiyon ay mas mabuti kaysa sa mga mamayan ng Makkah. Sila ay sumasamba sa mga diyus-diyusan, subali’t tinulungan sila ng Allah hindi dahil sa mga tao doon sa halip ay bilang panimula sa pagdating ng Propeta , na pinalayas ng mga Quraish mula sa Makkah, at para sa pagbibigay-galang sa Sagradong Siyudad.

5


KABANATA - 2

Ang kuwento ng elepante Ang dahilan sa kuwento ng mga Kasamahan ng Elepante – sang-ayon sa naiulat ni Muhammad bin Ishaq.1 – na si Abrahah Ibn As-Sabah, na kumakatawan kay Negus, ang hari ng Abyssinia sa Yemen ay nakita ang mga tao na naghahanda sa panahon ng Hajj upang maglakbay sa Makkah. Nagtayo siya ng simbahan sa San’a at sumulat siya kay Negus, “Nagpatayo ako ng simbahan para sa iyo at hindi ako titigil hangga’t hindi nababaling ang paglalakbay ng mga Arabo dito.” Isang lalaki mula sa tribu ng Banu Kinanah ang nakarinig nito. Isang gabi ay pinasok niya ito at pinahiran niya ng dumi ang altar. “Sinong malakas ang loob na gumawa nito?” ang sabi ni Abrahah. “Isang lalaki na naninirahan sa Bahay na iyon na nakarinig ng iyong sinabi,” ang sagot sa kanya. Dahil dito ay sumumpa si Abrahah na lulusubin niya ang Ka’bah at wawasakin ito. Sumulat siya kay Negus upang ipaalam ang nangyari at hilingin sa kanya na ipadala ang kanyang elepante. Mayroon siyang isang elepante na ang pangalan ay Mahmud. Ang kahalintulad ng sukat at lakas nito ay hindi pa natatagpuan. Ipinadala niya ito kay Abrahah. Sumugod si Abrahah sa Makkah at nabalitaan ito ng mga Arabo kaya’t sila ay labis na nabahala. Naisip nila na siya ay kinakailangang labanan. Isa sa mga hari ng Yemen na tinatawag na Dhu Nafar ay nakipaglaban sa kanya. Subali’t tinalo siya ni Abrahah at ginawang bilanggo. “O Hari! Pakawalan mo ako, mas makabubuti para sa iyo,” ang sabi niya. Kaya’t pinakawalan siya ni Abrahah at ginawa na lang niyang alipin ito sapagka’t si Abrahah ay isa ring maginoo. Siya ay nagpatuloy hanggang sa makarating siya malapit sa lupa ng Khath’am. Lumabas sa kanya si Nufail Ibn Habib Al-Kath’ami na kasama ang mga umaalalay sa kanya mula sa mga tribu ng Arabo. Nakipaglaban sila sa mga ito. Tinalo sila ni Abrahah at nabihag si Nufail. “O Hari! Ako ang maggagabay sa iyo sa lupa ng mga Arabo at ang kapangyarihan na mapakinig at mapasunod ang aking mga tao ay nasa aking mga kamay. Kaya’t pakawalan mo ako at magiging mabuti ito para sa iyo,” ang sabi ni Nufail. Pinakawalan niya ito at umalis sila na kasama siya bilang gabay sa kanilang paglalakbay. 1 Muhammad bin Ishaq: Siya ay nagsulat ng Seerah na hindi na hindi na matatagpuan. Ibinatay ni Ibn Hisham ang kanyang Seerah dito. Sang-ayon sa mga iskolar ng Hadith, palagi siyang nakagagawa ng Tadlis (pagtatakip sa mga kahinaan sa daloy ng mga tagapagsalaysay) na mahina rin.

6


Nang mapadaan sila sa At-Ta’if, lumabas si Mas’ud bin Mu’tab na kasama ang ilang mga kalalakihan mula sa Thaqeef. “O Hari! Kami ay iyong mga alipin at dapat kaming magpasama ng isang tao upang gumabay sa inyo,” ang kanyang sinabi. Kaya’t ipinasama nila si Abu Righal na kanilang alipin. Sila ay nagpatuloy sa paglalakbay hanggang sa umabot sila sa AlMughammas, kung saan namatay si Abu Righal na ang kanyang libingan ay pinagbababato. Pagkatapos ay nagpadala si Abrahah ng isang lalaki mula sa Abyssinia na ang pangalan ay Al-Aswad bin Mafsud. Siya ang tagapamahala sa mga pulutong na sumasalakay. Inutusan siya na salakayin ang hayupan ng mga tao. Natipon ni Al-Aswad para kay Abrahah ang mga ari-arian ng Sagradong Pook. Nakuha niya ang dalawang daang kamelyo na pag-aari ni ‘‘Abdul Muttalib. Pagkatapos ay nagpadala siya ng isang tao mula sa Himyar patungo sa mga naninirahan sa Makkah. “Sabihin sa kanilang mga pinuno na hindi ako naparito upang makipaglaban; naparito lamang ako upang wasakin ang Bahay,” ang kanyang utos. Kaya’t ang lalaki ay nagtungo kay ‘Abdul Muttalib at sinabi ito. Sumagot si ‘Abdul Muttalib, “hindi namin siya kayang pigilan; dapat kaming umiwas mula sa pagitan niya at ng kanyang hangarin, sapagka’t ito ang Bahay ng Allah at ang Bahay ng Kanyang Khalil, (Abraham), kaya’t kung nanaisin Niya na pigilan siya sa kanyang binabalak dito, ito ang Kanyang Bahay at kung hahayaan Niyang makalapit siya rito, sumpa man sa Allah, wala kaming kakayahan na pigilan siya.” Sinabi niya, “Sumama ka sa akin sa Hari at sabihin mo ito sa kanya.” Si Dhu Nafar ay isang dating kaibigan ni ‘Abdul Muttalib kaya’t siya ay nagtungo sa kanya. “O Dhu Nafar! Maaari mo bang kaming tulungan sa mga nangyayari sa amin?” ang kanyang pakiusap. “Walang mapapala mula sa isang bihag, na hindi ligtas na mapatay sa umaga o sa gabi, subali’t magpapadala ako ng mensahe sa Unais, ang tagapag-alaga ng elepante, sapagka’t siya ay aking kaibigan at pakikiusapan ko siya na ipaalam ang kahalagahan mo sa Hari,” ang sabi niya. Kaya’t nagtungo siya kay Abrahah at sinabi, “Siya ang pinuno ng mga Quraish, humihingi siya ng pahintulot na makita ka at dumating siya na wala siyang sama ng loob sa iyo. Wala siyang plano na suwayin ang iyong mga kautusan, kaya nga’t hinahangad ko sana na pagkalooban mo siya ng pahintulot.” Si ‘Abdul Muttalib ay isang lalaki na mayroong matipunong pangangatawan at makisig na hitsura. Pagkakita ni Abrahah sa kanya ay nirespeto siya nito at pinakitunguhan ng mahusay. Si ‘Abdul Muttalib ay nakiusap na isauli sa kanya ang dalawang daang kamelyo na inagaw niya mula sa kanya. “Sabihin sa kanya: ‘Ako ay natuwa sa iyo ng makita kita, at ngayon ay wala akong 7


anumang gagawin sa iyo.’” ang ipinasabi ni Abraha sa kanyang tagasalin. “Bakit?” ang tanong ni ‘Abdul Muttalib. “Pinuntahan ko ang Bahay – na siyang sentro ng inyong relihiyon at ng inyong mga ninuno, dito nagmumula ang inyong karangalan at ito ay nasa ilalim ng iyong pangangalaga – upang wasakin ito at wala ka man lamang sinabi sa akin, subali’t nakikipag-usap ka sa akin tungkol sa dalawang daang kamelyo?” ang sabi ni Abrahah. Si ‘Abdul Muttalib ay sumagot, “Ako ang may-ari ng mga kamelyo at ang Bahay ay may Isang nagmamay-ari na siyang magtatanggol nito mula sa iyo. “Walang makapagtatanggol nito mula sa akin!” ang sabi ni Abrahah. Siya ay sumagot, “Tignan na lang natin.” Kaya’t ang hari ay nag-utos na isauli ang mga kamelyo sa kanya. Si ‘Abdul Muttalib ay lumisan at ipinaalam niya sa mga Quraish ang balita at sinabihan sila na humayo patungo sa mga daanan ng bundok at magtago sa mga tuktok nito, sa takot na baka sila ay mapahiya o kaya ay gambalain ng mga hukbo. Ginawa nila ito habang si ‘Abdul Muttalib ay nagpunta sa Bahay at inalis ang anilyo (ring) mula sa pintuan nito at nagsabi: O Panginoon! Hindi ako umaasa ng tulong laban sa kanila malibang mula sa Iyo, O Panginoon! Kaya’t pigilan mo sila sa pamamagitan ng Iyong Pagtatanggol, Katiyakan, ang mga kaaway ng Bahay ay yaong mga sumasalungat sa Iyo, Kaya’t pigilan sila mula sa paninira ng Iyong Siyudad. Sinabi rin niya: O Allah! Katiyakan na ang isang tao ay ipagtatanggol ang kanyang sariling ari-arian, Kung kaya’t pangalagaan ang Sarili Mong Ari-arian, Ang kanilang krus at ang kanilang lakas ay hindi kailanman madadaig ang Iyong Lakas, Dala nila ang kanilang mga hukbo kasama lahat ng kanilang mga mamamayan, at ang elepante, Upang bihagin ang mga naninirahan sa Iyong Bahay, Kung pababayaan Mo sila at ang Iyong Ka’bah, ito ay Nasasaiyo. At siya ay nagtungo papunta sa bundok kasama ang kanyang mga mamamayan, samantala si Abrahah ay dumating sa Al-Mughammas at naghahanda na lusubin ang Makkah kasama ng kanyang mga tropa at ang kanyang elepante. Lumapit si Nufail sa elepante at bumulong sa tainga 8


nito: “Lumuhod ka, Mahmud, sapagka’t ikaw ay nasa Sagradong Siyudad ng Allah.” Kaya’t ang elepante ay lumuhod. Sinikap nilang pasulungin ito subali’t ang elepante ay tumanggi. Pagkatapos ay iniharap nila ito patungo sa Yemen at ang elepante ay tumayo at tumakbo, at iniharap nila ito patungo ng Ash-Sham at ang elepante ay tumakbo rin, at iniharap nila ito patungo ng silangan at ang elepante ay tumakbo rin, pagkatapos ay iniharap nila ito patungo sa Sagradong Bahay subali’t ang elepante ay lumuhod. Si Nufail ay nagmamadaling umalis hanggang sa maakyat niya ang bundok. Pagkatapos ay nagpadala ang Allah ng mga ibon mula sa direksiyon ng dagat at ang bawa’t isa sa kanila ay may dalang tatlong mga bato, dalawa sa bawa’t paa at isa naman sa tuka nito. Nang matapatan nila ang mga tao ay inilaglag nila ang mga bato at walang hindi namatay sa mga tinamaan ng mga ito, subali’t hindi tinamaan ang lahat sa kanila. Nakatakas ang mga natira na hinahanap si Nufail upang igabay sila sa daan patungo ng Yemen. Nagkagulo silang lahat, nagsisipagtakbuhan sa bawa’t direksiyon at namamatay sa bawa’t malaglagan na kanal. At nagpadala ang Allah ng karamdaman kay Abrahah na pumipinsala sa kanyang katawan, nagiging dahilan ng pagkaputol ng kanyang mga daliri, hanggang sa marating niya ang San’a’, na noong mga sandaling iyon, ay para siyang isang ibon na nalagasan ng mga balahibo at hindi siya namatay hanggang sa ang kanyang dibdib ay nabiyak upang lumabas ang kanyang puso, pagkatapos siya ay tuluyang namatay.

9


KABANATA - 3

Ang kamatayan ni Abdullah, ang ama ng Mensahero ng Allah  Ang mga iskolar ay nagkakaiba kung ang kamatayan ba ng ama ng Propeta  ay nangyari bago o matapos siyang ipinanganak, subali’t marami sa kanila na pinanghahawakan na siya ay namatay noong hindi pa siya isinisilang. Gayunpaman ay walang pag-aalinlangan na ang kanyang ina ay namatay sa pagitan ng Makkah at Al-Madinah, sa Al-Abwa’, nang siya ay dumadaan mula sa Al-Madinah galing sa pagbisita sa mga kapatid ng kanyang ina. Noong mga panahong iyon ang Propeta  ay nasa ikaanim na taong gulang pa lamang. Ang kanyang lolo na si ‘Abdul Muttalib ang kumalinga sa kanya at minahal siya nito ng isang pagmamahal na hindi niya naipakita sa sarili niyang mga anak. Hindi niya ito inaalisan sa kanyang tabi at wala sinuman sa kanyang mga anak ang umuupo sa kanyang kama dahil sa kanilang paggalang sa kanya, maliban sa Mensahero ng Allah . Nang makita siya ng ilan sa mga taong nagpupunta sa Makkah mula sa tribu ng Banu Mudlij sa Al-Qafah, sinabi nila sa kanyang lolo: “Alagaan mo siya, wala pa kaming nakitang paa na kahalintulad ng paa sa Al-Maqam2 ng higit dito.” “Pakinggan mo ang sinasabi ng mga taong ito”, ang sabi niya sa kanyang apo. At siya ay inalagaan nito. Namatay ang kanyang lolo noong siya walong taong gulang. Iniwan siya sa pangangalaga ni Abu Talib at sinabi niya dito na: O Abdu Manaf! Inihahabilin ko sa iyo ang nag-iisang bata kung ako ay mamamatay, Na nag-iisa matapos mamatay ang kanyang ama, At parang ako na ang kanyang ina, Kung kanino siya naging malapit kaysa sa atay at mga bituka ng kanyang ina, At ikaw ang aking paboritong anak, Sapagka’t ipanagtatanggol mo ang naaapi at tinutulungan ang mga iba. 2 Al-Maqam: Maqam Al-Ibrahim, ang lugar na tinatayuan ni Ibrahim.

10


Abdul Muttalib, ang lolo ng Mensahero ng Allah  Si Ibn Ishaq ay nagsabi: Si ‘Abdul Muttalib ay isa sa mga pinuno ng Quraish, siya ay tumutupad sa mga kasunduan, nakapagpakita ng isang marangal na katauhan, minamahal niya ang mga mahihirap at nangangailangan, ginawa niyang hanapbuhay ang paglilingkod sa mga naglalakbay para sa Hajj, nagpapakain sa mga taong nasalanta ng kalamidad, at nilalabanan niya ang mga nang-aapi. Palagi rin siyang nagpapakain ng mga maiilap na mga hayop at ibon sa mga tuktok ng mga kabundukan. Mayroon siyang mga anak, ang pinakamatanda rito ay si Al-Harith, na binawian ng buhay ng kanyang kapanahunan. Ang mga anak ni Al-Harith na yumakap sa Islam ay sina Ubaidah (napatay sa labanan ng Badr), Rabi’ah, Abu Sufyan at Abdullah. Isa rin sa kanyang mga anak ay si Az-Zubair bin ‘Abdul Muttalib, ang buong kapatid ni Abdullah, na naging pinuno ng Banu Hashim at Banu Al-Muttalib noong labanan ng Al-Fujjar (ang mga mapaniil),3 isang marangal at isang makata, subali’t hindi na niya inabutan ang Islam. Ang mga yumakap sa Islam sa kanyang mga anak ay sina Abdullah (napatay sa labanan ng Ajnadain4 - Duba’ah, Majl, Safiyyah at Atikah. Kabilang din sa mga ito na yumakap sa Islam ay sina Hamzah bin ‘Abdul Muttalib at Al-‘Abbas. Ang iba pa sa mga anak ay si Abu Lahab, na namatay ilang sandali makalipas ang labanan ng Badr. Ang kanyang mga anak: Utaibah, kalaban ng Propeta  at napatay ng mabangis na hayop. Siya ay mayroong dalawang anak, sina Utbah at Mut’ab, na yumakap sa Islam sa araw ng pananakop sa Makkah. Kasama sa kanyang mga anak na babae: Arwa, na napangasawa ni Karaz bin Rabi’ah bin Habib bin Abdi Shams na naging anak nila sina Amir at Arwa. Napangasawa ni Arwa si ‘Affan bin Abil-‘As bin Umayyah na naging anak nila si Uthman, pagkatapos ay nag-asawa siyang muli kay ‘Uqbah bin Abi Mu’it na naging anak nila si Al-Walid bin ‘Uqbah, at nabuhay siya hanggang sa panahon ng pamamahala ng kanyang anak bilang isang kalipa, si Uthman. 3 Ang Labanan ng Al-Fujjar ay naganap sa pagitan ng Quraish at kanilang mga kakampi sa isang panig at Hawazin sa kabilang panig. Ito ay tumagal ng dalawampung taon. 4 Ang labanan ng Ajnadain: Naganap sa taong 13 A.H. (634 C.E.) sa ilalim ng pamamahala ni Kalipa Umar bin Al-Khattab

11


Gayundin ay kabilang sa kanyang mga anak na babae is Barrah bint ‘Abdul Muttalib, ang ina ni Abu Salamah bin ‘Abdul Asad Al-Makhzumi. Kabilang din sa mga ito si ‘Atikah na ina ni ‘Abdullah bin Abi Umayyah. Siya ang nanaginip bago ang Araw ng Badr. Kung siya ba ay tumanggap ng Islam o hindi ay mayroon pa ring pinagtatalunan tungkol dito. Kabilang din sa mga ito sina: Safiyyah na ina ni Az-Zubair bin Al-‘Awwam, yumakap siya sa Islam at lumikas sa Al-Madinah; Arwa na ina ng pamilya Jahsh – ‘Abdullah, Abu Ahmad, ‘Ubaidullah, Zainab at Hamnah na ina ni ‘Abdul Muttalib na ang pangalan ay Salma bint Zaid mula sa tribu ng Banu An-Najjar. Ang kanyang ama ay si Hashim bin ‘Abdi Manaf. Nagtungo si Hashim sa Ash-Sham at iniwanan ang asawang si Salma sa kanyang pamilya dahil kapapanganak pa lamang niya kay ‘‘Abdul Muttalib, tinawag niya itong Shaibah Al-Hamd. Namatay ang kanyang ama sa Gaza at si Abu Ruhm bin ‘Abdul ‘Uzza ay nagbalik sa Al-Madinah na dala-dala ang kanyang pamana at kanyang asawa. Kinagigiliwan si ‘‘Abdul Muttalib ng kanyang mga amain sa ina. Kapag siya ay nakikipagtalo sa ibang mga bata ay palagi niyang sinasabi, “Ako ang anak ni Hashim!” Isang araw, isang lalaki na mula sa Quraish ang nakarinig sa kanya at sinabi nito sa kanyang amain, Al-Muttalib: “Napadaan ako sa pintuan ng Bani Qailah at narinig ko ang isang batang lalaki na nagsasabing siya raw ay anak ng iyong kapatid. Hindi nararapat sa isang bata na katulad niya ang mapabayaan na malayo mula sa kanyang tahanan.” Kaya’t naghanda si Al-Muttalib patungo ng AlMadinah sa paghahanap sa bata. Nang makita niya ito ay napuno ng luha ang kanyang mga mata. Niyakap niya ang bata at binigkas ang sumusunod na mga tula: Batid ko ang Shaibah at ang Banu An-Najjar ay naglagay Ng kanilang mga anak na lalaki sa paligid niya Na may mga pana at handang makipaglaban, Batid ko ang halaga niya sa amin at ang kanyang katangian, At ang aking luha ay bumuhos na parang ulan para sa kanya. At isinakay niya ito sa kanyang likuran sa sasakyan niyang hayop. “O aking amain! Kailangan mong pumunta sa aking ina,” ang sabi ng bata. Kaya’t pinuntahan niya ang ina ni ‘‘Abdul Muttalib upang sabihan siya na ipasama sa kanya ang bata, subali’t tumanggi ang ina ng bata. “Aalis lamang siya upang manahin ang pamumuno ng kanyang ama at ang Sagradong Bahay ng Allah,” ang katuwiran ni Al-Muttalib. Pumayag siya at dinala ang bata sa Makkah. “Ito si ‘‘Abdul Muttalib!” ang sabi ng mga tao. “Kapighatian sa inyo! Siya ang nag-iisang anak ng aking kapatid – si Hashim,” ang kanyang 12


sinabi. Nanirahan siyang kasama nila hanggang sa siya ay lumaki at ipinagkaloob sa kanya ang pamamahala sa Banu Hashim na kasama ang mga ugnayan tungkol sa Sagradong Bahay, pagpapakain sa mga naglalakbay ng Hajj, pagbibigay ng inumin sa kanila, ang mga ugnayan ng mga naglalakbay ng Hajj at ang iba pang mga bagay. Si ‘Abul Muttalib ay isang marangal, sinusunod siya ng kanyang mga mamamayan. Tinatawag siyang Al-Fayyad (ang bukas-kamay) ng mga Quraish dahil sa kanyang kabutihang-loob. Siya ang nakipagkasundo sa Negus para sa mga Quraish. Ang kanyang mga anak na lalaki ay sina Al-Harith, Makhramah, ‘Ibad, Anees, Abu ‘Umar, Abu Ruhm at mga iba pa. Nang binawian ng buhay ang amain niyang si Al-Muttalib, si Nawfal bin ‘Abdi Manaf ang nag-angkin ng kanyang pamamahala sa pagbibigay pasiya sa pagitan ng mga pamilya, na ang pag-aangking ito ay isang labag sa batas. Humingi siya ng tulong sa ilang mga kalalakihan mula sa Quraish. “Hindi kami makikialam sa inyo ng iyong amain,” ang kanilang sinabi. Kaya’t sumulat siya sa kanyang mga amain sa ina mula sa Banu An-Najjar ng isang tula: Gaano kahaba ang aking mga gabi Dahil sa kalungkutan at pag-aalala, Mayroon bang mensahero na magpapabatid Ng aking kalagayan sa An-Najjar, Ang aking mga amain? Banu ‘Adiyy, Dinar, Mazin at Malik, Upang pangalagaan ako mula sa kalituhan ng aking kalagayan? Kung kasama sila ay hindi kinatakutan Ang mga pang-aapi ng sinumang palalo, Sapagka’t ako’y isang minamahal at pinangangalagaan na nabubuhay ng isang buhay na walang pag-aalala, Hanggang sa ako ay maglakbay sa aking mamamayan at aking amin, si Muttalib Na nagpagulo sa akin ng ako ay dalhin doon, At nang wala na ang aking amain, Sa napakalalim na bakas ng kamatayan, Biglang dumating si Nawfal at inangkin ang aking mga ari-arian, 13


Nang makita niya ang isang lalaki na ang kanyang mga amain sa ama ay nagsilayo, at ang kanyang mga amain sa ina ay napakalayo, Iniwanan siyang walang kahit na sinong tagapangalaga, Kaya’t halina at itigil ang pang-aaping ito mula sa anak ng inyong kapatid na babae, At huwag ninyo siyang pababayaan, sapagka’t batid ko na hindi ninyo ako pababayaan. Nang mabasa ito ni Abu Sa’d bin ‘Adiyy bin An-Najjar, siya ay nanangis at naghanda mula sa Al-Madinah na binubuo ng walumpung mangangabayo hanggang sa sila ay makarating sa Makkah. Siya ay huminto sa Al-Abtah kung saan niya natagpuan si ‘Abdul Muttalib. “Doon tayo sa bahay ko, O aking amain,” ang sabi niya. “Hindi, sumpa man sa Allah, gusto ko munang makita si Nawfal,” ang sagot ng kanyang amain. “Iniwanan ko siyang nakaupo sa may Itim na Bato kasama ng ibang matatandang kalalakihan mula sa kanyang tribu,” ang paliwanag ni ‘Abdul Muttalib. Nagpatuloy si Abu Sa’d hanggang sa makaharap niya sila. “O Abu Sa’d! Pinagpala ng Allah ang umagang ito,” ang sinabi ni Nawfal habang siya ay papatayo. “Hindi pinagpala ng Allah ang umaga para sa iyo!” ang kanyang isinagot. Hinugot niya ang kanyang espada, “Sumpa man sa Panginoon ng Bahay na ito, kung hindi mo ibabalik sa anak ng kapatid kong babae ang inagaw mo mula sa kanya, papatayin kita ng espadang ito,” ang pagalit niyang sabi. “Ibinalik ko na ito sa kanya,” ang kanyang paliwanag. Tinawag niya ang matatandang kalalakihan ng Quraish upang sumaksi sa kanyang mga salita. Pagkatapos nito ay nagpunta siya kay Shaiba at nanatili sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw. Bago siya umalis ay nagsagawa muna siya ng Umrah at bumalik sa Al-Madinah. Sinabi ni ‘Abdul Muttalib: Mazin, Abu ‘Adiyy at Dinar Ibn Taimillah Iwinaksi ang pang-aapi laban sa akin, Sa pamamagitan nila, ibinalik sa akin ng Allah ang aking mga karapatan At ang ugnayan ko sa kanila ay labas mula sa aking tribu. Nang mangyari ito, gumawa si Nawfal ng pagkakasundo sa pagitan ng Banu ‘Abdi Shams bin ‘Abdi Manaf at Banu Hashim. Ang Banu Hashim ay gumawa ng pagkakasundo sa pagitan ng Khuza’ah at Banu ‘Abdi Shams at Nawfal; at ito ang naging dahilan ng pananakop sa Makkah, na ating matutunghayan. At nang makita ni Khuza’ah ang pagtataguyod ng Banu An-Najjar para kay 14


‘Abdul Muttalib, sila ay nagsabi, “Sa angkan natin siya nagmula kaya’t mas may karapatan tayo sa pagtataguyod sa kanya.” Ito ay sa dahilan na ang ina ni ‘Abdu Manaf ay nagmula sa kanila. Kaya’t pumasok sila sa Bulwagan ng Pagpupulong at nagkasundo na sumulat ng isang kasunduan sa pagitan nila.

Abdullah, ang ama ng Mensahero ng Allah  Ang tungkol naman kay ‘Abdullah na ama ng Propeta , siya ang dapat na inalay sa kadahilanan na si ‘Abdul Muttalib ay inutusan sa kanyang panaginip na hukayin ang Zamzam na kung saan ay itinuro sa kanya ang lugar nito. Sa mga nakalipas na taon, ang Jurhum ay pumalit sa pamilya ni Ismail bilang mga tagapangasiwa ng Makkah. Pinangasiwaan nila ito sa mahabang panahon, subali’t sila ay nakagawa ng mga katiwalian sa Sagradong Pook ng Allah at ang digmaan ay naganap sa pagitan nila at ng Khuza’ah na mula sa mga tribu ng Yemen na mga naninirahan sa Saba’ (Sheba) at wala ni isa man mula sa Banu Isma’il ang nakapag-asawa na taga kanila. Tinalo sila ng Khuza’ah at pinalayas sila sa Makkah. Sa paglisan ng mga Jurhum ay inilibing nila ang Itim na Bato, Maqam Ibrahim at ang balon ng Zamzam. Nang si Qusai bin Kilab ang pumalit sa pamamahala ng Makkah ay naibalik sa kanya ang mana ng Quraish. Ang iba sa kanila ay nanirahan sa Makkah, at sila ay ang mga Quraish ng mga lambak. Samantalang ang iba ay nanirahan sa labas ng Makkah, at sila ay ang mga Quraish na nakatira sa paligid ng Makkah. Kaya’t ang Zamzam ay nanatiling nakabaon sa lupa hanggang sa panahon ni ‘Abdul Muttalib. Nang makita niya sa kanyang panaginip ang lugar nito ay nag-umpisa na siyang maghukay hanggang sa matagpuan niya ang mga espada na nakabaon dito kasama ang mga alahas at usa na yari sa ginto na may mga palamuti ng perlas, isinabit ito ni ‘Abdul Muttalib sa Ka’bah. Wala siyang ibang anak na lalaki maliban kay Al-Harith kaya’t ang mga Quraish ay nakikipagtalo sa kanya, “Paghatian natin,” ang sabi nila sa kanya. “Hindi ko ito gagawin! Ito ay isang gawain na tanging ako lamang ang napili na gumawa, kung gusto ninyo ay maghanap kayo kung sino ang gusto ninyong mamagitan sa atin.” ang kanyang pangangatwiran. Sa mga sandaling ito, si ‘Abdul Muttalib ay gumawa ng isang panata na kung siya ay pagkakalooban ng Allah ng sampung mga anak na lalaki at sila ay lumaki upang pangalagaan siya, iaalay niya ang isa sa kanila na susunod sa Ka’bah. At nang umabot sa sampu ang bilang nila at batid niya na sila ay nasa tamang gulang na upang siya ay pangalagaan, ipinabatid niya sa kanila ang kanyang panata at siya ay kanilang sinunod; ang bawa’t isa sa kanila ay nagsulat ng kanilang pangalan sa kanya-kanyang pana 15


at pagkatapos ay ibinigay nila ang mga ito sa tagapangalaga ni Hubal, sapagka’t palaging siya ang nagpupukol ng mga pana, at ang pana ni ‘Abdullah ang nangibabaw, kaya’t kinuha ni ‘Abdul Muttalib ang kutsilyo niyang pangkatay upang ialay siya, subali’t lumapit ang mga Quraish mula sa kanilang pagtitipon at pinigilan siya sa kanyang gagawin. “Ano ang dapat kong gawin sa aking panata?” ang sabi niya. Iminungkahi nila sa kanya na mag-alay na lamang ng sampung kamelyo kapalit ni ‘Abdullah. Kaya’t siya naghagis ng palatandaan kung alin ang iaaalay sa pagitan ni ‘Abdullah at ng mga kamelyo. At ito ay sumalungat sa kanya na kanyang kinainis, patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga kamelyo ng tagsasampu. Patuloy na sumasalungat ang palatandaan kay ‘Abdullah hanggang sa ang bilang ay umabot sa isang daang kamelyo. Pagkaraan ay tumigil ang palatandaan na salungat sa mga kamelyo at kinatay ang mga ito, bilang kapalit niya, na ito ay naging isang pangkaraniwang gawain. Naiulat mula sa Propeta  na siya ay nagsabi: “Ako ay anak ng dalawang mga alay.”5 (halimbawa ay sina Propeta Isma’il at ang kanyang ama na si Abdullah) Pagkatapos ay pinabayaan ni ‘Abdul Muttalib ang mga kamelyo at pinagbawalan niya maging ang mga tao o mababangis na hayop na kumain mula rito. At ang garantiya sa bawa’t pagdanak ng dugo sa mga Quraish at sa mga Arabo ay nagpatuloy na kapalit ng isang daang mga kamelyo. Ipinatupad ito ng Mensahero ng Allah  sa Islam at si Safiyyah bint ‘Abdul Muttalib ay nagsabi: Hinukay namin ang Zamzam para sa mga naglalakbay ng Hajj, Ang matubig na lugar ng Al-Khalil at kanyang marangal na anak (Isma’il) Si Jibril ay hindi masisisi, Ang Zamzam ay gamot sa karamdaman at isang pagkain.

5 Iniulat ni Al-Hakim sa kanyang Mustadrak, na: “Isang Bedouin ang nagsabi sa Propeta, ‘O anak ng dalawang mga alay!” na binanggit sa Kashf Al-Khafa ‘Anil-Maqasid

16


KABANATA - 4

Abu Talib, ang amain ng Mensahero ng Allah  Ang tungkol kay Abu Talib, ginampanan niya ang tungkulin sa pagpapalaki sa Mensahero ng Allah  pagkatapos ng kanyang lolo. Inaruga siya nito ng labis na pagmamahal, kahit na ipagpalit pa niya ang sarili niyang mga anak para lamang sa Mensahero ng Allah . Si Al-Waqidi6 ay nagsabi, “Mula sa ikawalong taon matapos ipanganak ang Mensahero ng Allah  hanggang sa ikasampung taon ng Pagkapropeta, siya ay pinangalagaan ni Abu Talib, inako ang tungkulin para sa kanyang kapakanan, ipinagtanggol siya at naging mabuti sa kanya.” Si Abu Muhammad bin Qudamah ay nagsabi, “Pinatotohanan niya ang Pagkapropeta ng Propeta at sa ganitong punto ay lumikha siya ng isang tula: Ipabatid kay Lu’ayy ang tungkol sa akin, Lalo na si Lu’ayy mula sa Banu Ka’b, Na natagpuan namin sa Kasulatan na si Muhammad ay isang Propeta, Katulad ni Moises, at siya ay nabanggit sa mga naunang mga Kapahayagan At ang mahalin siya ay isang tungkulin ng sangkatauhan, Sapagka’t wala nang hihigit pa sa isang pinili ng Allah upang mahalin. - at: Napag-alaman ng mga mahuhusay na tao na si Muhammad Ay isang ministro para kay Moises at sa Mesiyas, anak ni Maria, Kaya’t huwag magbigay ng mga katambal sa Allah at maging Muslim. Sapagkat hindi madilim ang Landas ng Katotohanan Subali’t tinanggihan niya ang pagsunod dito sa takot na mawalan siya ng paggalang (sa kanyang mga ninuno) at nang dalawin siya ng Mensahero ng Allah  sa higaan na kanyang kinamatayan habang naroroon si Abu Jahl at ‘Abdullah bin Abi Umayyah, siya ay nagsabi: 6 Sang-ayon sa mga iskolar ng Hadith, si Al-Waqidi ay isa sa mga bantog sa kasamaan na mapaggawa ng Hadith. Sinabi ni Ash-Shafi’i, “Mayroong pitong tao sa Al-Madinah na palaging ginagaya ang mga daloy ng tagapagsalayasay. Ang isa sa kanila ay si Al-Waqidi.” (Tahzeeb Al-Kamal, Aklat 26 p. 194)

17


“O aking amain! Sabihin, ‘La Ilaha illallah (walang sinuman ang may karapatan na sambahin maliban sa Allah) – ang salita na maaari kong gamitin na patunay para sa iyo sa pagharap sa Allah.” Subali’t sila ay sumalungat, “Itatakwil mo ba ang relihiyon ni ‘Abdul Muttalib?” Ipinagpatuloy ng Propeta  ang pag-ulit sa pagsasabi nito sa kanya subali’t nagpatuloy din sila sa pag-uulit ng kanilang pagsalungat. Hanggang sa si Abu Talib ay nagsalita, “Ako ay nasa relihiyon ni ‘Abdul Muttalib.” Kapagdaka ay nagsalita ang Mensahero ng Allah : “Dapat kong ipagpatuloy na ipanalangin ka para sa iyong kapatawaran hangga’t hindi ako binabawalan na gawin ito.” Pagkatapos ay inihayag na: “Hindi nararapat sa isang Propeta at sa mga nananampalataya na hingin ang kapatawaran ng Allah para sa mga Mushrikun (politista, sumasamba sa diyus-diyusan, pagano, di-naniniwala sa Kaisahan ng Allah), maging sila man ay kamag-anak, matapos na maging malinaw sa kanila na sila ay mga mananahan ng Apoy (dahil namatay sila sa kalagayan ng dipaniniwala).” Surah At-Tawbah 9:113 At ang mga Salita ng Allah, ang Pinakamataas ay naihayag: “Katotohanan, ikaw (O Muhammad) ay hindi makapaggagabay ng sinuman na iyong naisin, subali’t iginagabay ng Allah sinuman ang Kanyang naisin. At kilala Niya nang lubos yaong mga ginabayan.”7 Surah Al - Qasas 28:56 Si Ibn Ishaq ay nagsabi, “At ang kanyang anak na si ‘Ali ay nagdalamhati sa kanya sa pagbigkas ng tula, katulad ng sumusunod: Hindi ako makatulog dahil sa awit ng mga ibon sa huling bahagi ng gabi, Ipinaaalala nito ang labis na kalungkutan na nagbabalik sa akin, Si Abu Talib, kanlungan ng mga mahihirap, isang taong may mabuting kalooban, Bukas-palad, kapag siya ay pinakiusapan, gagawin niya ito, Masaya ang mga Quraish matapos siyang pumanaw, 7 Surah Al-Qasas 28:56. Ang kuwento ng kamatayan ni Abu Talib ay iniulat ni Al-Bukhari at Muslim, sa kapahintulutan ni Sa’id bin Al-Musayyib mula sa kanyang ama na ito ay naiulat nina Ahmad, Muslim at At-Tirmidhi, sa kapahintulutan ni Abu Hurayrah.

18


Subali’t wala pa akong nakita na isang tao na nabuhahay magpakailanman, Sila ay nagnananasa dahil sa pang-aakit ng kanilang mga isipan, Na nagiging sanhi ng pagtahak nila sa landas ng pagkakasala, Hinahangad nilang itatwa at patayin ang Propeta, At siraang-puri siya at itakwil siya, Nagsinungaling kayo, sumpa man sa Bahay ng Allah,8 (Maghintay) hanggang parusahan namin kayo… sa pamamagitan ng isang espadang Indiano. Naulila ni Abu Talib ang apat na anak na lalaki at dalawang babae; ang mga lalaki (ayon sa pagkakasunod) ay sina: Talib, ‘Aqil, Ja’far, at ‘Ali na lahat sila ay sampung taon ang mga agwat sa bawa’t isa. Ang tungkol kay Talib, pinilit siya ng mga pagano na makipaglaban na labag sa kanyang kalooban sa araw ng Labanan ng Badr. Nang mapalibutan ang mga pagano, siya ay hinanap, subali’t wala siya sa mga namatay o di kaya ay sa mga nabihag, ni hindi rin siya nagbalik sa Makkah at wala nang narinig muli tungkol sa kanya. Ang tungkol kay ‘Aqil, siya ay nabihag sa araw na iyon. Wala siyang salapi o ari-arian kaya’t ang kanyang amain na si Al-‘Abbas ang tumubos sa kanya.9 Nagbalik si ‘Aqil sa Makkah at nanatili dito hanggang sa ikawalong taon matapos ang Hijrah. Siya ay lumikas sa Al-Madinah at nakibaka sa Labanan ng Mu’tah na kasama ang kanyang kapatid na si Ja’far; at ito ay tungkol sa kanya ng ang Propeta  ay nagsabi, “May itinira pa ba si ‘Aqil para sa atin?”10

Ang paglalakbay niya sa Ash-Sham at ang pagpapakasal niya kay Khadijah Nang sumapit sa ikadalawampu’t limang taong gulang ang Propetar, siya ay nagtungo sa Ash-Sham upang mangalakal para kay Khadijah, na 8 Maliban sa katotohanan na si Ibn Ishaq ay mahina, ang patunay sa kahinaan ng salaysay na ito ay nakasalalay sa pagsasabi na si ‘Ali ay sumumpa sa Bahay ng Allah, sapagka’t ito ay Shirk, samantala naiulat sa kapahintulutan ni Ibn ‘Umar na siya ay tinanong ng isang lalaki na kung kasalanan ba ang sumumpa sa Ka’bah, at sa halip ay sinabihan siya na sumumpa sa Panginoon ng Ka’bah, sinasabi niya na sinabi ng Propeta na, “Sinuman ang sumumpa sa iba maliban sa Allah ay nakagawa ng isang Shirk.” (Iniulat ni Ahmad) 9 Iniulat ni Anas bin Malik, “Ang ibang mga kayamanan ay dinala sa Propeta mula sa Bahrain. Si Al-‘Abbas ay lumapit sa kanya at nagsabi, “O Mensahero ng Allah! Bigyan mo ako (ng ilan sa mga ito), dahil binayaran ko ang aking pantubos at ang kay ‘Aqil.” Sinabi ng Propeta, “Kunin mo,” at ibinigay niya ang galing mula sa kanyang bulsa.” 10 Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim sa kapahintulutan ni Usamah bin Zaid.

19


kasama niya si Maisarah na alipin ni Khadijah. Narating niya ang Busrah at ilang araw pagkalipas ng kanyang pagbabalik ay pinakasalan niya si Khadijah bint Khuwailid. Siya ang unang babae na kanyang pinakasalan at ang una sa kanyang mga asawa na namatay. Hindi nag-asawa ng iba ang Propeta ď ˛ habang sila ay nagsasama. Ang anghel Gabriel ay nag-utos sa Propeta ď ˛ na bumigkas ng mga pagbati mula sa kanyang Panginoon para kay Khadijah at bigyan siya ng mabubuting balita ng isang tahanan sa Paraiso na gawa mula sa perlas.11

11 Iniulat ni Al-Bukhari, Muslim, At-Tirmidhi, Ibn Majah at Ahmad

20


KABANATA - 5

Ang pag-iisa sa kuweba ng Hira’ Nagsimula ang pagnanais niya na mapag-isa at sambahin ang kanyang Panginoon. Palagi niyang inihihiwalay ang kanyang sarili sa Kuweba ng Hira’ at dito siya sumasamba.12 Ang mga diyus-diyusan at relihiyon ng kanyang mga mamamayan ay kasuklam-suklam para sa kanya at wala ng iba pa siyang kinasusuklaman. Ginawang dahilan ng Allah na lumaki siya sa pinakamahusay na paraan, upang nang sa gayon siya ang maging pinakamahusay sa kanyang mga mamamayan sa dangal at kabutihangloob at ang pinakamabuti sa kanila sa pag-uugali. Siya ang pinakamarangal na tagapagtanggol at kasama, ang pinakadakila sa kanila sa pagiging malumanay at paghuhunos-dili. Ang pinakamatapat sa kanila sa pananalita at ang pinakamaingat sa pagbabantay ng mga ipinagkatiwala, higit pa dito na siya ay binansagan nilang Al-Amin (ang mapagkakatiwalaan), dahil sa mabubuti niyang pag-uugali at kalugud-lugod niyang mararangal na mga katangian.

Ang pagtatayong muli ng Ka’bah Nang ang Mensahero ng Allah  ay tatlumpu’t limang taong gulang na, isinagawa ng mga Quraish ang pagtatayong muli ng Ka’bah nang ito ay humantong sa pagkakasira. Ang mga iskolar ng Seerah ay nagsabi na matapos bawian ng buhay si Ismail, ang pamamahala ng Bahay ay nasa mga kamay ng kanyang mga anak na lalaki, pagkatapos ay pinalayas sila ng Jurhum at nanatili ito sa kanilang pamamahala hanggang sa lumabag sila sa kabanalan nito at gamitin kung anuman ang inalay para rito, sila ay nakagawa ng mga karahasan laban sa mga pumapasok sa Makkah. Pagkatapos nila, nakuha ng Khuza’ah ang tungkulin para dito, maliban na ang tribu ng Banu Mudar ay mayroong tatlong mga tungkulin:

12 Ang pagsamba niya ay tanging sa pamamaraan ng pagninilay-nilay sa kadiliman ng kamangmangan na kung saan ang kanyang mga mamamayan ay papaurong, na itinanggi ng tamang kaisipan at mabuting Fitrah (ang likas na katayuan kung saan ipinanganak ang tao) at kung papaano sila ililigtas sa ganitong nakasisirang mga karamdaman. Ito ay pinatunayan ng Salita ng Allah, ang Pinakamataas: “At natagpuan ka Niya na ligaw at iginabay ka Niya.” (Surah Ad-Duha 93:7) at Kanyang Salita: “Hindi ba Namin binuksan ang puso mo para sa iyo, at inalis sa iyo ang bigat na magpapababa sa iyong likod?” (Surah Ash-Sharh 94:1-3)

21


Ang Una: Pahintulutan ang mga tao na pumunta mula ‘Arafah patungo ng Muzdalifah sa panahon ng Hajj, na binabantayan ng Sufah. Ang Pangalawa: Ang pag-alis ng sabay-sabay mula sa Muzdalifah sa Araw ng Pag-aalay patungo ng Mina, ito ay tungkulin ng Yazeed bin ‘Adwan. Ang panghuli na humawak ng tungkuling ito ay si Abu Sayyarah. Ang Pangatlo: Ang pagpapaliban ng Ipinagbabawal na mga Buwan. Ito ay tungkulin ng isang lalaki mula sa Banu Kinanah, na tinatawag na Hudhaifah, pagkatapos ay napunta ito kay Junadah bin ‘Awf. Si Ibn Ishaq ay nagsabi, “Nang umabot sa tatlumpu’t limang taong gulang ang Mensahero ng Allah , nagtipon ang mga Quraish upang itayong muli ang Ka’bah. Nag-aalala sila sa paglalagay ng bubong dito subali’t nangangamba sila sa pagwasak nito. Binubuo lamang ito ng mga hanay ng mga bato na pinagpatong na mas mataas lamang sa sukat ng isang tao. Nais nila itong itaas at takpan ito ng bubong. Ito ay sa dahilan na ang ilang mga tao ay ninakaw ang mga kayamanan ng Ka’bah, na nailagay sa isang balon sa loob ng Ka’bah. Samantala, isang barko na nagkawatak-watak na pag-aari ng mga mangangalakal na Romano ang inanod ng dagat patungo ng Jeddah. Kinuha nila ang mga kahoy nito at ginamit upang bubungan ang Ka’bah. Mayroong nakatira sa Makkah na isang maparaan na karpintero na naghanda sa kanila kung ano ang mapakikinabangan mula rito. Mayroong isang ahas na palaging lumalabas mula sa balon ng Ka’bah, araw-araw ay inihahagis dito ang mga alay. Pinaaarawan ng ahas ang sarili mula sa mga pader ng Ka’bah, ito ay kanilang kinatatakutan sa dahilan na kapag mayroong isang lalapit dito, iniaangat nito ang kanyang ulo, gumagawa ng ingay ng kaluskos at ibinubuka ang kanyang bibig. Isang araw habang ito ay nagpapaaraw sa pader ng Ka’bah, nagpadala ang Allah ng ibon sa ahas at dinagit niya ito, na kasama niyang lumipad. Sinabi ng mga Quraish, “Ngayon ay masasabi natin na nagalak ang Allah sa binabalak natin. Mayroon tayong kaibigan na mahusay na karpintero, mayroon tayong mga kahoy, at inalis para sa atin ng Allah ang ahas.” Nang napagpasiyahan nilang alisan ng kasangkapan at itayo itong muli, si Abu Wahb bin ‘Amr bin ‘A’id Al-Makhzumi ay kumuha ng bato mula sa Ka’bah, subali’t ito ay lumundag mula sa kanyang kamay at nagbalik sa 22


dati nitong lugar. Dahil dito, kanyang sinabi, “Oh mga mamamayan ng Quraish, huwag kayong maglagay sa gusaling ito ng anuman maliban lamang sa mga kinita ninyo sa tamang pamamaraan, hindi ang mga kinita sa prostitusyon, o di kaya ay ang mga kinita sa pagpapatubo, o anumang bagay na nakuha dahil sa panlalamang laban sa kaninumang tao.” Matapos ito, hinati ng mga Quraish ang paggawa sa pagtatayong muli ng Ka’bah; ang bahagi kung saan naroroon ang pintuan ay ipinagkatiwala sa Banu ‘Abdi Manaf at Zahrah, samantala ang nasa pagitan naman ng panulukan ng sulok kung nasaan ang Itim na Bato at sulok na Yemeni ay ipinagkatiwala sa Banu Makhzum at sa ilang mga tribu mula sa Quraish na kabilang sa kanila. Ang pagtatayong muli sa likuran ng Ka’bah ay ipinagkatiwala sa Banu Jumh at Banu Sahm. Ang tungkulin para sa bahagi kung saan ilalagay ang Bato ay ipinagkatiwala sa Banu ‘Abdid-Dar, Banu Asad bin ‘Abdil ‘Uzza at Banu ‘Adiyy – at ito ang pader na bumabagsak. Takot ang mga tao na gibain ang Ka’bah, subali’t si Al-Walid bin Al-Mughirah ay nagsabi, “Ako ang mauuna sa inyo na magsisimulang gibain ito.” Kinuha niya ang palakol at nagsimula itong gibain habang sinasabi na, “O Allah! Hindi kami lumihis (mula sa Iyong relihiyon), O Allah! Nais lamang namin na gumawa nang mabuti,” at nagiba niya ang gilid ng dalawang sulok. Ng gabing iyon, naghintay ang mga tao at nagsasabi na, “Anuman ang mangyari sa kanya, hindi na natin dapat gibain ang anuman dito at ibalik natin ito sa dati, subali’t kung walang nangyari, ang ibig sabihin ay nagagalak ang Allah sa ating nagawa.” Maaga nang kinabukasan, ipinagpatuloy ni Al-Walid ang paggiba ng nakaraang gabi at ang mga tao ay tumulong sa kanya. Nagpatuloy sila sa paggiba hanggang sa umabot sila sa mga pundasyon – ang mga pundasyon ni Abraham na binubuo ng mga berdeng bato na kung tingnan ay parang hinabi na magkakakadugtong. Isa sa kanila ang nagsingit ng kanyang bareta sa pagitan ng dalawang bato upang pilitin na matanggal ang isa sa mga ito, subali’t nang magalaw ang isang bato, ang buong Makkah ay nayanig. Kaya’t hinayaan na lamang nila ang mga pundasyon. Nagtipon ng mga bato ang tribu ng Quraish upang itayo itong muli. Ang bawa’t isa sa kanila ay kukuha mula dito at mag-isa nilang itatayo, hanggang sa ang gusali ay umabot na sa taas na kahanay ng Itim na Bato. Sila ay nagtalo tungkol dito, ang bawa’t isang tribu ay nagnanais na mailagay ito sa lugar. Nagpatuloy ang kanilang di-pagkakaunawaan na umabot hanggang sa bumuo sila ng mga alyansa at naghanda na magsagupaan sa bawa’t isa 23


para dito. Ang Banu ‘Abdid-Dar ay nagdala ng isang lalagyan na puno ng dugo, sila at ang Banu ‘Adiyy bin Ka’b ay gumawa ng kasunduan na sila ay handang mamatay (para sa karangalan) at inilubog ang kanilang mga kamay sa dugong ito na tinawag nilang “La’qah Ad-Dam”13. Nanahimik ang mga Quraish sa loob ng mga apat o limang mga gabi. Pagkatapos ay nagtipon sila sa masjid at nagbigayan ng payo sa bawa’t isa. Ang ilan sa mga manunulat ay nagsabi na si Abu Umayyah bin Al-Mughirah bin ‘Abdullah bin ‘Amr bin Makhzum Al-Makhzumi – na noong panahon na iyon ay ang pinakamatanda sa mga Quraish – ay nagsabi, “Bakit hindi natin pagkasunduan na kung sino ang unang papasok sa pintuan ng masjid, siya ang magpapasiya sa pagitan ninyo.” Kaya’t sila ay nagkasundo at ang unang taong pumasok ay ang Mensahero ng Allah . Nang makita siya nila, sila ay nagsabi, “Siya ang Al-Amin! Tinatanggap namin siya. Siya si Muhammad!” Nang umabot siya sa kanila, ipinaalam nila sa kanya kung ano ang nangyari. Sinabi niya na, “Magdala kayo sa akin ng isang tela.” Dinala ito sa kanya at kinuha niya ang Pansulok na Bato at inilagay ito dito sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, kanyang sinabi: “Ang bawa’t tribu ay hahawak sa isang dulo ng tela, pagkatapos ay sabay-sabay itong bubuhatin ng lahat.” Ginawa nila ito hanggang sa mailagay nila ang Bato sa lugar nito, pagkatapos ay itinulak niya ito papasok sa lugar sa pamamagitan ng sarili niyang mga kamay – kapayapaan at mga pagpapala ng Allah ay mapasakanya… at nagpatuloy sila sa pagtatayo ng Ka’bah. Habang itinatayo ang Ka’bah, kasama ng mga tao sa paglalagay ng bato ang Mensahero ng Allah , isinasabit nila ang suot nilang tela na pangibaba sa ibabaw ng kanilang mga balikat na ginawa rin ng Mensahero ng Allah . Subali’t siya ay yumuko at may isang sumigaw, “Takpan mo ang iyong mga pribadong bahagi!” Matapos ito, ang mga pribadong bahagi niya ay hindi na muling nakita. Nang maabot nila ang labinlimang pulgada, nilagyan nila ng bubong ang itaas nito na may anim na mga biga ang umaalalay dito. Ang Ka’bah ay nabalutan ng Qabati,14 pagkatapos ay binalutan ito ng Burud.15 Ang unang tao na nagpalamuti nito ng makakapal na telang binurda ay si 13 La’qah Ad-Dam, sa literal na kahulugan ay ang Pagdila sa Dugo. 14 Qabati; puting tela mula sa Ehipto 15 Burud; ang uri ng tela mula sa Yemen

24


Al-Hajjaj Ibn Yusuf. Inalis ng mga Quraish ang bato dahil sa kakulangan ng pondo at itinaas nila ang pintuan ng Ka’bah mula sa lupa upang walang sinuman ang makapasok dito maliban sa kanilang pahintulutan. At kung sinuman ang magnais na pumasok dito na hindi nila ninais na makapasok, hahayaan nila hanggang sa maabot niya ang pintuan at saka nila pagbabatuhin. Nang abutin niya ang ikalimampung taong gulang, ipinadala siya ng Allah bilang tagahatid ng mabuting balita, ang tagapagbabala at tagatawag sa landas ng Allah sa pamamagitan ng Kanyang kapahintulutan at ng isang gabay sa liwanag.

25


KABANATA - 6

Ilan sa mga paniniwala ng mga tao ng Jahiliyyah (kamangmangan) Bago ito, kinakailangan muna nating banggitin ang ilan sa mga gawain ng Jahiliyyah at kung ano ang kanilang mga paniniwala bago ipinadala ang Mensahero ng Allah . Si Qatadah ay nagsabi, “Nabanggit sa atin na ang pagitan ni Adan at Noah ay mayroong sampung siglo, na noong kapanahunan na iyon ang mga tao ay matuwid na nagabayan at sumusunod sa batas ng katotohanan. Pagkalipas, sila ay nagkaroon ng pagkakaiba kaya’t ipinadala ng Allah si Noah. Siya ang unang Mensahero sa sangkatauhan ng mundo.” Sinabi ni Ibn Abbas ang tungkol sa Salita ng Allah:

ً‫اس أُ َّم ًة َواح َِدة‬ ُ َّ‫اَك َن انل‬

“Ang sangkatauhan ay iisang pamayanan.” Surah Al-Baqarah 2:213 - “Lahat sila ay sumunod sa Islam.” Ang unang bagay na pinanglinlang ng Satanas sa mga tao ay ang pagsamba sa mga matutuwid na tao. Binanggit ito ng Allah sa Kanyang Aklat, sa Kanyang mga Salita.

َ ُ َ َ َ ُ َ َ‫َ َ ُ اَ َ َ ُ َّ َ َ ُ ْ َ اَ َ َ ُ َّ َ ًّ َ اَ ُ َ اً َ ا‬ ً ْ‫وق َون َ ر‬ ‫سا‬ ‫وقالوا ل تذرن آل ِهتكم ول تذرن ودا ول سواع ول يغوث ويع‬ “At kanilang sinabi: ‘Hindi ‘nyo dapat iwanan ang inyong mga diyos, o di kaya’y iwanan si Wadd, o kaya si Suwa, Yaghuth, Ya’uq, Nasr’ (ito ang mga pangalan ng kanilang mga diyus-diyusan.” Surah Nuh 71:23 Si Ibn Abbas ay nagsabi, “Ang mga taong ito ay mga matutuwid na tao at nang sila ay yumao ng isang buwan, ang kanilang mga kamag-anak ay nagdalamhati sa kanila kaya’t gumawa sila ng mga larawan nila.” At ito ay naiulat sa kahit na saan na ang kanilang mga kasamahan ay nagsabi, “Kung tayo ay gagawa ng mga larawan nila, mas magiging deboto tayo sa ating pagsamba.” Sinabi ng nag-ulat, “Ang isang lalaki ay magpupunta sa kanyang kapatid na lalaki at sa kanyang pinsang lalaki at sasamba sa kanya hanggang sa maubos ang henerasyong ito, pagkatapos ay panibagong 26


henerasyon ang darating at sasamba sa kanila ng mas higit sa antas ng pagsamba sa mga nauna sa kanila, pagkatapos ay darating ang ikatlong henerasyon at sila ay magsasabi, ‘Ang mga naunang henerasyon sa amin ay hindi sumamba sa kanila maliban lamang sa paghingi ng pamamagitan para sa Allah,’” kaya’t sila ay kanilang sinamba. Nang ipadala ng Allah si Noah sa kanila – at yaong mga nilunod ng Allah ay naglaho – inanod ng tubig ang mga diyus-diyusan at tinangay ang mga ito sa iba’t ibang mga lugar, hanggang sa ito ay matangay sa lupa ng Jeddah. Nang humupa na ang tubig, nanatili ang mga ito sa tabing-dagat at hinipan ng hangin ang buhangin na napunta sa mga ito hanggang matabunan.

Si ‘Amr bin Luhayy ay ang una sa nagbago ng relihiyon ni Abraham Si ‘Amr bin Luhayy ay pinuno ng Khuza’ah. Isa siyang manghuhula at may kaugnayan sa Jinn na nagpunta sa kanya at nagsabi: Madaliin mo ang iyong paghakbang at magtungo sa Tihamah, Na mayroong mabuting kapalaran at kaligtasan, At matatagpuan mo ang mga diyus-diyusan na naghihintay doon, Dalhin ang mga ito sa Tihamah at huwag katakutan, Manawagan sa mga Arabo na sambahin sila at sila ay tutugon. Kaya’t nagpunta siya sa Jeddah at natagpuan ang mga ito, dinala niya ang mga ito hanggang makarating siya sa Tihamah. Dumalo siya sa Hajj at nanawagan sa mga Arabo na sambahin ang mga ito. Si ‘Awf bin ‘Uzrah ay tumugon at ibinigay niya ang diyus-diyusan na si Wadd na kanya naman itong tinanggap. Siya ay nakatira sa Wadi Al-Qura sa Dawma Al-Jandal. Tinawag ni ‘Awf ang kanyang anak na lalaki na ‘Abdu Wadd, na siyang unang tinawag sa ganito. Ang kanyang kaanak-anakan ay nagpatuloy na pinamahalaan ito hanggang sa pagdating ng Islam, ipinadala ng Mensahero ng Allah  si Khalid Ibn Walid upang wasakin ito (Wadd). Ang Banu ‘Uzrah at Banu ‘Amir ay pumagitna sa pagitan niya at ng diyus-diyusan upang pigilan siya. Subali’t sila ay naglabanan at napatay sila ni Walid, pagkatapos ay pinagwawawasak niya ang mga ito at pinagdududurog. Si Mudar bin Nizar ay tumugon din sa panawagan ni ‘Amr bin Luhayy. Iniharap niya sa isang lalaki mula sa Huzail ang diyus-diyusan na Suwa’. 27


Ito ay nasa isang lugar na kilala bilang Wuhat sa Batn Nakhlah. Sinuman ang lumapit mula sa Mudar ay sasamba dito, at ang tungkol dito ay may nabanggit: Makikita mo sila na nakapalibot sa kanilang Qiblah sa pagsamba, Katulad ng palagiang pagsamba ng mga Hudhail kay Suwa’. Si Mazhaj ay tumugon din sa kanya. Iniharap ni ‘Amr bin Luhayy kay Na’eem bin ‘Amr A’-Muradi ang diyus-diyusan na kilala bilang Yaghuth. Ito ay nasa Akmah sa Yemen at Mazhaj, ang kanilang mga kapanalig ay sumasamba dito. Tumugon din ang Himyar sa kanyang panawagan at iniharap sa kanila ang diyus-diyusan na Nasr. Ito ay nasa lugar ng Saba’ (Sheba) at Himyar na ang kanilang mga kapanalig ay sumasamba dito. Ang mga diyus-diyusan na mga ito ay patuloy na sinamba hanggang sa ipadala ng Allah ang Kanyang Mensahero at pinagwawawasak ang mga ito. Maliwanag na naiulat sa kapahintulutan ni Abu Hurairah na ang Mensahero ng Allah  ay nagsabi: “Nakita ko sa aking panaginip si ‘Amr bin ‘Amr Al-Khuza’i na hila-hila ang kanyang mga bituka sa Apoy, at siya ang unang tao nagsagawa ng tradisyon na nagpapakawala ng mga hayop (para sa kanilang mga diyus-diyusan).”16 Sa ibang mga salaysay, siya ay nagsabi, “… at binago ang relihiyon ni Abraham.” At sa ibang salaysay naman ay naiulat mula kay Ibn Ishaq, “Siya ang kauna-unahan na nagbago ng relihiyon ni Abraham at nagtayo ng mga diyus-diyusan.” Ang mga tao nang kamangmangan ay sinunod ito, subali’t mayroong mga natira mula sa kanila na mayroong mga bakas ang relihiyon ni Abraham, katulad ng pamimitagan sa Bahay (ng Allah) at ang pag-ikot dito, Hajj at Umrah, pananatili sa ‘Arafah at Muzdalifah at pag-aalay ng mga kamelyo. Kalimitang sinasabi ni Nizar, “Narito ako, sa paglilingkod sa Iyo, O Allah! Walang kang mga katambal maliban sa katambal na nabibilang sa iyo, Pagaari Mo siya at ang lahat ng kanyang mga pag-aari.” Kaya’t inihayag ng Allah: 16 Iniulat ni Al-Bukhari

28


َ‫ُ ْ َ َّ ُ ّ َّ َ َ َ ْ َ ْ َ ُ ُ ّ رُ َ ا‬ ُ َ ْ ً‫رَ َ َ َ ُ َّ َ ا‬ ‫ضب لكم م َثل مِن أنفسِكم هل لكم مِن ما مَلكت أيمانكم مِن شكء يِف‬ ْ‫ُ َ َ َ ُ َ ّ ُ آ‬ ُ ُ َ َ ْ ُ َ ُ َ َ‫َ َ خ‬ ُ َ ُ ََْ َ ‫ات‬ ِ َ‫خيفتِك ْم أنف َسك ْم كذل ِك نف ِصل الي‬ ِ ‫ما َرزقناك ْم فأنت ْم فِيهِ سواء تافونهم ك‬ َ َ ُ ‫ل ِق ْو ٍم َي ْعقِلون‬

“Siya ay naghanda para sa iyo ng isang parabula mula sa inyong mga sarili: Mayroon ka bang mga katambal mula sa kanila na pag-aari ng iyong kanang kamay (hal. ang iyong mga alipin) upang makibahagi ng pantay sa kayamanan na ipinagkaloob Namin sa inyo na inyong kinatatakutan katulad ng pagkatakot ninyo sa bawa’t isa? Kung gayon, ipinaliwanag ba Namin ang mga palatandaan ng mabuti sa mga taong may pang-unawa?” Surah Ar-Rum 30:28

Ang diyus-diyusang Manat Isa sa mga sinaunang diyus-diyusan ay si Manat, na itinayo sa tabing-dagat, sa rehiyon ng Qudaid, pagitan ng Makkah at Al-Madinah. Ang lahat ng mga Arabo ay dating sumasamba dito, subali’t hindi pa hihigit kaysa Al-Aws at Ak-Khazraj; dahil dito, ang Allah, ang Pinakamataas, ay inihayag:

َ ْ َ َ َ َ ُ َ َ َ َ ْ َ َ ْ ْ‫هّ َ َ ْ َ َّ ب‬ ْ َ َّ َّ َ ‫الصفا َوال َم ْر َوةَ مِن ش َعآئ ِ ِر اللِ فمن حج الَيت أوِ اعتم َر فال جناح عليهِ أن‬ ‫إِن‬ َ‫َي َّط َّو َف بهما‬ ِ​ِ

“Katiyakan, ang As-Safa at Al-Marwah (dalawang mga bundok sa Makkah) ay mga Palatandaan ng Allah. Kaya’t hindi kasalanan sa kanya na nagsasagawa ng Hajj o ‘Umrah sa Bahay (Ka’bah sa Makkah) na gawin ang pagsulong (Tawaf) sa pagitan ng mga ito (As-Safa at Al-Marwah).” Surah Al-Baqarah 2:158 Pagkatapos ay ipinadala ng Mensahero ng Allah  si ‘Ali sa taon ng pananakop ng Makkah at winasak niya ito. Ang diyus-diyusang Al-Lat At ginawa nilang diyus-diyusan si Al-Lat sa At-Ta’if na ang pinagmulan nito ay sa isang lalaki na palaging winawasak si Saweeq para sa mga 29


naglalakbay at siya ay namatay, kaya’t sila ay nag-umpisang manambitan sa kanyang libingan, na natatakpan ng isang kuwadradong bato. Iniangat ito ni Thaqeef at nagtayo sa ibabaw nito (ng rebulto). Lahat ng mga Arabo ay nakasanayang sumamba dito. Tinatawag ng mga Arabo ang kanilang mga sarili ng mga pangalang katulad ng Zaid Al-Lat at Taim Al-Lat. Ito ay nakatayo kung nasaan ngayon nakatayo ang minaret ng pangkasalukuyang masjid ng At-Ta’if. Nang yumakap sa Islam si Thaqeef, ipinadala ng Mensahero ng Allah  si Al-Mugherah na giniba niya ito at sinunog. Ang diyus-diyusang Al-‘Uzza Pagkatapos ay hinirang nila si Al-‘Uzza bilang isang diyos, at naging mas madalas ito kaysa sa paghirang nila kay Al-Lat bilang isang diyos. Ito ay nakalagay sa Wadi Nakhlah, sa itaas ng Zat ‘Irq. Sila ay nagtayo ng isang gusali sa itaas nito at palagi silang nakaririnig ng tinig na nagmumula dito. Nakaugalian ng mga Quraish na sambahin ito at nang masakop ng Mensahero ng Allah  ang Makkah, ipinadala niya si Khalid Ibn Al-Walid at kanya itong tinagpas. Mayroong tatlong puno at nang pinutol niya ang pangatlo, natagpuan niya ang kanyang sarili na nakaharap sa isang babae ng Abyssinia na ang dulo ng mga buhok ay nakatayo at ang mga kamay ay nakalagay sa kanyang mga balikat na nagngangalit ang mga ngipin, ang nasa likod nito ay ang kanyang tagapangalaga. Sinabi ni Khalid: O ‘Azz! Hindi kami naniniwala sa iyo, at hindi ka namin niluluwalhati, Nakita ko na hinamak ka ng Allah, Pagkatapos ay tinagpas niya ang babae at hinati ang kanyang bungo na kanyang ikinamatay, at saka niya pinatay ang tagapangalaga. Ang diyus-diyusang Hubal Maraming mga diyus-diyusan ang mga Quraish sa loob ng Ka’bah na nakapalibot. Ang pinakamalaki sa mga ito ay si Hubal na gawa mula sa pulang carnelian sa hugis ng isang tao. Kapag mayroon silang hindi napagkakasunduan tungkol sa isang bagay o nagnanais na maglakbay, lalapit sila dito at magpapalabunutan kasama ng mga nagpapabanal na pana sa tabi nito. Ito ang diyus-diyusan na binanggit ni Abu Sufyan noong araw ng Uhud: “Aba Ginoong Hubal!” Ang Propeta  ay nagsabi: 30


“Sabihin: ‘Ang Allah ay Mas Mataas at Mas Makapangyarihan.”17 Mayroon din silang mga diyus-diyusan na Isaf at Na’ilah; ayon sa kuwento, si Isaf ay isang lalaki mula sa Jurhum at si Na’ilah naman ay isang babae mula sa kanila. Sila ay pumasok sa Sagradong Bahay at sila ay nakagawa nang ipinagbabawal na pagtatalik sa loob nito kaya’t ginawa sila ng Allah na mga bato at sila ay inilabas nila upang maging babala sa mga tao. Subali’t, makalipas ang mahabang panahon ang mga diyus-diyusan ay sinamba na kasama ang dalawang ito. Ang diyus-diyusang Dhul-Khalasah Ang Khath’am at Bajeelah ay may isang diyus-diyusan na tinatawag nilang Khalasah. Ito ay nakatayo sa pagitan ng Makkah at Al-Madinah. Sinabi ng Mensahero ng Allah  kay Jarir bin ‘Abdullah Al-Bajali, “Hindi mo ba ako ipag-aadya kay Dhul-Khalasah.” Kaya’t siya ay nagpunta dito na may dalang sagisag at ang tribu ng Hamdan ay nakipaglaban sa kanya. Nailigaw niya sila at nawasak niya ito. Ang mga tribu ng Qada’ah, Lakhm, Jadam ‘Amilah at Ghatafah ay mayroong diyus-diyusan na nasa bandang bahagi ng silangan ng Ash-Sham. At ang mga tao sa bawa’t lambak ng Makkah ay may kani-kaniyang diyus-diyusan. Sinuman ang magnais sa kanila na maglakbay, ang huling gagawin niya sa kanyang bahay ay ang humaplos dito. Ang diyus-diyusang ‘Amm Anas Si Ibn Ishaq ay nagsabi, “Ang mga Khawlan ay mayroong diyus-diyusan na tinatawag nilang ‘Amm Anas, inihayag ng Allah ang tungkol sa kanila:

َ َ ْ ّ‫َ َ َ ُ ْ للِهّ ّ َ َ َ َ حْ َ ْ َ َ ْ َ ِ َ ً َ َ ُ ْ َ َ للِه‬ ‫يبا فقالوا هـذا ِ ب ِ َزع ِم ِه ْم َوهـذا‬ ‫ث واألنعام ن ِص‬ ِ ‫وجعلوا ِ م ِ​ِما ذرأ مِن الر‬ َ‫ى‬ َ‫ى‬ َ َ َ ُ‫رُ َ َ َ َ َ اَ َ ر‬ َ‫ا‬ َ ُ َ َ ّ‫ه‬ َ ُ‫اللِ َو َما ك َن للِهّ ِ ف ُه َو يَ ِص ُل إل ر‬ ‫ل ِشكآئِنا فما كن ل‬ ‫شكآئ ِ ِه ْم‬ ‫ِشكآئ ِ ِه ْم فال يَ ِصل إِل‬ ِ َ ُ ُ َْ‫َ َ ح‬ ‫ساء ما يكمون‬

Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni Al-Bara’ bin ‘Azib at ni Ahmad sa kapahintulutan ni 17 Abdullah bin ‘Abbas.

31


“At naglaan sila para sa Allah ng bahagi ng kanilang ani at baka na likha ng Allah. Sila ay nagsasabi, ‘Ito ay para sa Allah,’ para lang kanilang papaniwalain, ‘at ito ay para sa (Kanyang) mga katambal na may kinalaman sa amin.’ Magkagayon, kung alin ang (inilaan nila) para sa (Kanyang) mga katambal na may kinalaman sa kanila, ay hindi umaabot sa Allah at kung alin ang (inilaan nila) para sa Allah, ay napunta sa (mga sinasabing) katambal. Kasamaan ang pamamaraan ng kanilang pagpapasiya!” Surah Al-An’am 6:136 At nang ipadala ng Allah si Muhammad  na may dalang (Mensahe ng) Tawhid, ang mga Quraish ay nagsabi:

َ ْ‫آ‬ َ ‫ش ٌء ُع‬ ٌ‫جاب‬ َْ‫أ َج َع َل الل َِه َة إِل َ ًها َواح ًِدا إ ِ َّن َه َذا ل َ ي‬ “Pinagsama ba niya ang lahat ng mga diyos sa iisang Diyos (Allah)? Katiyakan, ito ay isang bagay na nakapagtataka.” Surah Sad 38:5 At katulad ng Ka’bah, pinagpitaganan din ng mga Quraish ang mga bahay ng Tawaghit (mga diyus-diyusan) katulad ng pamimitagan nila sa Ka’bah. Nang masakop ng Mensahero ng Allah  ang Makkah, natagpuan niya sa palibot ng Ka’bah ang tatlong daan at animnapung mga diyus-diyusan. Pinagsususundot niya ang mga mata at mukha ng mga ito at nagsabi:

ً ُ َ َ‫َ بْ ُ َّ بْ َ ا‬ َ ْ‫َوقُ ْل َجاء ح‬ ‫ال ُّق َو َزه َق الَاطِل إِن الَاطِل كن َزهوقا‬ “At sabihin, ‘Ang Katotohanan (hal. Islamikong paniniwala sa Kaisahan ng Allah, o ang Qur’an, o ang Jihad laban sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan) ay dumating na at ang Batil (kasinungalingan) ay naglaho. Katiyakan na ang kasinungalingan ay palaging maglalaho.’” Surah Al-Isra 17:81 at naglalagan ang mga ito na nauna ang mga ulo, pagkatapos ay iniutos niya na tanggalin ang mga ito mula sa masjid at sinunog.

32


KABANATA - 7

Ang panimula ng Paghahayag Maliwanag na naiulat sa kapahintulutan ni ‘A’isha na kanyang sinabi, “Ang panimula ng Banal na Inspirasyon sa Mensahero ng Allah  ay sa anyo ng mga mabubuting panaginip na nagkatotoo katulad ng liwanag ng isang umaga. Sumunod dito ang pagnanais niya na mapag-isa ay ipinagkaloob sa kanya. Palagi siyang nagpupunta sa kuweba ng Hira upang mapag-isa kung saan niya nakaugalian na sambahin (ang Allah nang nag-iisa) nang tuluy-tuloy bago ang pagnanais niya na makita ang kanyang pamilya. Palagi siyang nagdadala ng pagkain sa kanyang paglalakbay para sa kanyang pananatili at pagkatapos ay magbabalik kay Khadijah (ang kanyang asawa) upang kumuha uli ng kanyang makakain. Hanggang sa bigla na lang bumaba sa kanya ang Katotohanan habang siya ay nasa kuweba ng Hira. Dumating sa kanya ang anghel at inuutusan siyang magbasa. Sumagot ang Propeta , “Hindi ako marunong magbasa.” Sinabi ng Propeta , “Niyakap ako ng anghel nang napakahigpit hangga’t sa hindi ko na ito makayanan. Pinakawalan niya ako at inutusan niya akong muli na magbasa, isinagot ko na, ‘Hindi ako marunong magbasa.’ Pagkasabi ko ay niyakap niya ako ng napakihigpit sa pangalawang pagkakataon hangga’t sa hindi ko na naman ito makayanan. Pinakawalan niya akong muli at inutusan na magbasa, isinagot ko uli na, “Hindi ako marunong magbasa. Pagkasabi ko ay niyakap niya ako ng napakihigpit sa pangatlong pagkakataon, at pinakawalan niya ako at nagsabi:

ْ ْ َ ْ َ ْ‫َ لأ‬ َ َ ْ‫َ َ َ إ‬ َ َّ ْ َْْ َ َ‫ك ذَّالِي َخل‬ ‫) اق َرأ َو َر ُّبك ا ك َر ُم‬٢( ‫نسان م ِْن َعل ٍق‬ ‫ال‬ ‫ق‬ ‫ل‬ ‫خ‬ )١( ‫ق‬ ِ ِ ‫اقرأ بِاس ِم رب‬ )٣(

“Basahin! Sa pangalan ng iyong Panginoon na Siyang lumikha (sa lahat ng nananatili). Nilikha niya ang tao mula sa isang namumuong dugo. Basahin! At ang iyong Panginoon ang Pinakamapagbigay.” Surah Al-‘Alaq 96:1-3 Nagbalik ang Mensahero ng Allah  na may dala-dalang Inspirasyon habang ang kanyang puso ay malubha ang pagtibok. Nagpunta siya kay Khadijah bin Khuwailid at nagsabi, “Kumutan mo ako! Kumutan mo ako!” Kinumutan nila ang Propeta  hanggang sa humupa ang kanyang takot. Ikinuwento niya ang lahat ng nangyari at sinabi, “Natatakot ako na baka 33


mayroong mangyari sa akin.” Sumagot si Khadijah, “Hindi kailanman! Sumpa man sa Allah, hindi ka ipahahamak ng Allah. Pinananatili mo ang mabuting ugnayan sa iyong mga kamag-anak, tumutulong sa mga mahihirap at sawimpalad, pinaglilingkuran ang iyong mga panauhin ng napakahusay, at tinutulungan ang mga taong karapat-dapat na nasalanta ng kalamidad.” Sinamahan siya ni Khadijah sa kanyang pinsan na si Waraqah bin Nawfal bin Asad bin ‘Abdul ‘Uzza, na noong kapanahunan bago sumapit ang Islam ay naging Kristiyano. Madalas siyang magsulat na gamit ang mga titik ng Ebreo. Magsusulat siya mula sa Ebanghelyo ng Ebreo hangga’t sa naisin ng Allah na kanyang isulat. Siya ay matanda na at nawalan ng paningin. Sinabi ni Khadijah kay Waraqah, “Makinig sa kuwento ni Muhammad, o aking pinsan!” Nagtanong si Waraqah, “O Muhammad! Ano ang iyong nakita?” Inilarawan ng Mensahero ng Allah  kung ano ang kanyang nakita. Sinabi ni Waraqah, “Ito ay kahalintulad nang nagtatago ng mga lihim (anghel Gabriel) na ipinadala ng Allah kay Moises. Sana ay bata pa ako at mabubuhay pa hanggang sa ang iyong mga mamamayan ay iiwanan ka.” Nagtanong ang Mensahero ng Allah , “Palalayasin ba nila ako?” Sa Waraqah ay sumagot ng paayon at nagsabi, “Sinuman ang dumating na mayroong dala ng katulad ng iyong dinala ay kinakalaban ng mga tao; at kung mananatili akong buhay hanggang sa araw na ikaw ay kanilang itakwil, magkagayon ay ipagtatanggol kita ng lubos.” Pagkatapos ay binigkas ni Waraqah ang mga sumusunod na tula: Ako ay nagsisikap at palaging nag-aalaala (sa Allah), O Allah! (Sa Iyo) ako’y nananawagan, Kapagdaka’y inilarawan ni Khadijah ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari (na naganap), Kay tagal kong naghintay, O Khadijah, sa pusod ng Makkah, Umaasa na maririnig ko ang katulad ng iyong sinabi, Na makikita ko siya na lalabas, Sang-ayon sa patunay na sinabi mo sa akin kung ano ang sinabi ng isang pari, -Kinasusuklaman ko na siya ay hindi matuwid-, Na si Muhammad ay magiging pinuno ng kanyang mga mamamayan, At yaong hindi sumasang-ayon sa kanya ay sasalungatin siya, Subali’t siya ay lilitaw sa isang bayan na tila isang liwanag na gumagabay, Ginagabayan ang mga tao sa kabutihan, Yaong kumakalaban sa kanya ay sasalubungin ng pagkatalo, Nguni’t yaong nagtatanggol sa kanya ay sasalubungin ng 34


pagtatagumpay, Nais kong masaksihan ang araw na ito, At ako ang una sa kanila na papasok, Na pasukin kung ano ang kinamumuhian ng mga Quraish, Kahit na yaong mga nasa Makkah ay maingay na tumututol, Umaaasa ako na kung ano ang kinamumuhian nilang lahat ay makararating sa Allah, Ang Nagmamay-ari ng Trono, samantalang sila ay nasa kawalan-ngdangal, Ano ang kanilang pananampalataya maliban sa di-paniniwala, Ihambing sa pananampalataya ng yaong abot ang mga bituin? Subali’t sa maikling panahon matapos ito, binawian ng buhay si Waraqah at ang Kapahayagan ay panandaliang natigil, na ikinalungkot ng labis ng Mensahero ng Allah . Kahi’t na ang pag-akyat sa tuktok ng mga bundok, nag-iisip na magpatihulog mula sa mga ito. Si anghel Gabriel ay magpapakita sa kanya at magsasabi, “O Muhammad! Ikaw ay Mensahero ng Allah sa katotohanan,” at dahil dito ay mapapanatag ang kanyang puso at siya magbabalik sa kanyang tahanan. Sa tuwing ang panahon ng pagdating ng kapahayagan ay napahaba, gagawin niya ang tulad ng dati, subali’t kapag mararating na niya ang tuktok ng bundok, magpapakita sa kanya si anghel Gabriel at sasabihin sa kanya kung ano ang sinabi niya dati. Hanggang sa isang araw nang siya ay naglalakad, nakarinig siya ng isang tinig mula sa kalangitan at siya ay nagsabi, “Kaya’t itinaas ko ang aking paningin at nakita ko ang anghel na lumapit sa akin sa kuweba ng Hira. Siya ay nakaupo sa isang trono sa pagitan ng langit at ng lupa. Natakot ako sa kanya at bumalik ako sa aking tahanan na nagsabi, ‘Kumutan ‘nyo ako! Kumutan ‘nyo ako!’” At pagkatapos ay inihayag ng Allah ang sumusunod na mga Talata (ng Qur’an):

َ​َ ُ َ ّ ْ )٢( ‫) ق ْم فأنذ ِْر‬١( ‫يَا أ ُّي َها ال ُم َّدث ُِر‬

“O ikaw (Muhammad) na nakatalukbong ng kumot! Magbangon at magbigay babala!” Surah Al-Muddaththir 74:1-2 Matapos ito, ang Kapahayagan ay nagsimulang dumating nang napakalakas, madalas at palagian.”18

18 Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni ‘A’isha (na hindi kasama ang mga taludtud ng tula)

35


Mga uri ng Kapahayagan Ang Kapahayagan na dumarating sa Mensahero ng Allah  ay sa iba’t ibang uri: Ang una: Isang pangitain; si ‘Ubaid bin ‘Umair ay nagsabi, “Ang mga pangitain ng Propeta  ay isang uri ng Kapahayagan.” Pagkatapos ay kanyang binigkas:

َ ّ َ َ‫ْ َ َ ِ َ ّ َ ْ ح‬ ‫ام أ يِن أذبُك‬ ‫إ ِ يِن أ َرى يِف المن‬

“Nakita ko sa aking panaginip na ikaw ay aking kinakatay (iniaalay ka sa isang pagsasakripisyo sa Allah).” Surah As-Saffat 37:102 Ang pangalawa: Kung ano ang inilalagay ng anghel (Gabriel) sa kanyang puso, na hindi siya nakikita ng Propeta , katulad ng kanyang sinabi: “Ang Espiritu (anghel Gabriel) ay nagbulong sa aking puso, na walang kaluluwang mamamatay hanggang ang kanyang mga panustos at kanyang taning ay naganap, kaya’t katakutan ang Allah at humiling sa Kanya sa mabuting paraan at kung kayo ay maghihintay para sa panustos, huwag ninyo itong hayaan na maging dahilan sa inyo upang hanapin ito sa pamamagitan ng pagsuway sa Allah, sapagka’t kung ano nasa Allah ay hindi makakamit maliban lamang sa pamamagitan ng pagsunod.”19 Ang pangatlo: Na ang anghel ay nagpapakita sa kanya sa anyo ng isang lalaki at nakikipag-usap sa kanya; at sa ganitong anyo ay nakikita rin siya kapag minsan ng mga Sahaba. Ang pang-apat: Na ito ay dumarating sa kanya na katulad ng ingay ng isang kalembang; at ito ang pinakamahirap sa lahat, sapagka’t ang anghel ay umaanib sa kanya hanggang sa siya ay pagpawisan sa kanyang nuo, kahit na ito ay isang napakalamig na umaga20 at kahit na ang kanyang kamelyo ay napapaluhod na kasama niya sa lupa. At sa isang pagkakataon, ito ay dumating sa kanya habang ang kanyang hita ay nasa hita ni Zaid bin Thabit, na halos ito ay mawasak.21 19 Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni ‘Ubaid bin ‘Umair; at At-Tirmidhi, sa kapahintulutan ni bin ‘Abbas. 20 Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni ‘A’ishah. 21 Iniulat ni An-Nasai’, sa kapahintulutan ni Zaid bin Thabit.

36


Ang panglima: Na ang anghel ay darating sa kanya sa anyo ng pagkakalikha nito at ipahahayag sa kanya ang nais ng Allah. Nangyari ito sa dalawang pagkakataon, katulad ng binanggit ng Allah sa Surah AnNajm. Ang pang-anim: Kung ano ang inihayag ng Allah sa kanya sa itaas ng mga kalangitan noong Gabi ng Al-Miraj, kasama ang tungkulin sa pagdarasal at iba pang mga bagay. Si Ibn Al-Qayyim – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nagsabi, “Ang unang bagay na inihayag sa kanya ng kanyang Panginoon ay ang basahin sa Pangalan ng kanyang Panginoon na Siyang lumikha. At ito ang panimula ng kanyang Pagkapropeta. Iniutos Niya na bigkasin ito sa sarili niya at hindi Niya inutos sa kanya na ibahagi ito kahit kanino. At ang Allah, ang Pinakamataas ay inihayag sa kanya:

َ​َ ُ َ ّ ْ ٢ ‫ ق ْم فأنذ ِْر‬١ ‫يَا أ ُّي َها ال ُم َّدث ُِر‬

“O ikaw (Muhammad) na nakatalukbong ng kumot! Magbangon at magbigay babala!” Surah Al-Muddaththir 74:1-2 Sa gayon ay ipinabatid sa kanya (ang kanyang Pagkapropeta) sa pamamagitan ng “Basahin!” at ipinadala siya (upang magbabala) sa pamamagitan ng “O ikaw (Muhammad) na nakatalukbong ng kumot! Magbangon at magbigay babala!.” Ipinag-utos sa kanya na bigyang babala ang malapit niyang kamag-anak, ang kanyang mamamayan, ang mga nakapalibot sa kanya mula sa mga Arabo, lahat ng mga Arabo, ang buong mundo (ng sangkatauhan at Jinn).” Nagpatuloy siya nang humigit sa sampung taon ng pagbibigay babala sa kanila sa pamamagitan ng pangangaral, na walang pakikipaglaban at pagpapataw ng Jizyah22 at iniutos ng Allah sa kanya na maging mahinahon at matiyagang magpunyagi. Pagkatapos ay pinahintulutan siya na lumikas (Hijrah) sa Al-Madinah at pinahintulutan na makipaglaban. Iniutos ng Allah sa kanya na labanan yaong mga nakikipaglaban sa kanya. Pinahintulutan siya na labanan ang mga sumasamba sa mga diyus-diyusan hanggang sa ang bawa’t pagsamba ay para na lamang sa Allah.

22 Jizyah: Isang alay na ibinabayad ng mga Hudyo, Kristiyano at mga Midyano na naninirahan sa ilalim ng pangangalaga ng mga Muslim.

37


Ang unang naniwala Nang manawagan ang Propeta  na maniwala sa Allah, ang mga alipin ng Allah mula sa bawa’t tribu ay tumugon sa kanyang panawagan at ang una sa kanila ay si Abu Bakr, ang Siddeeq23 ng bansang ito. Tinulungan niya ang Propeta  sa pagtatanggol ng relihiyon ng Allah at kasama siyang nanawagan para sa Allah. Kasama sa tumugon sa kanyang panawagan ay sina ‘Uthman, Talhah at Sa’d. Isa pa sa maagang tumugon sa kanyang panawagan ay si As-Siddeeqah, Khadijah, gayundin si ‘Ali bin Abi Talib noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Sinasabi na siya ay mas matanda pa, habang siya ay nasa pangangalaga ng Mensahero ng Allah , na siya ay kinuha mula sa kanyang amain (Abu Talib).

Ang kuwento ni Zaid bin Harithah Si Zaid bin Harithah ay isa sa mga unang yumakap sa Islam; siya ay minamahal ng Mensahero ng Allah . Siya ay naging alipin ni Khadijah at ibinigay siya sa Mensahero ng Allah  nang pakasalan niya ang Propeta . Ang kanyang ama, Haritha at kanyang amain ay nagpunta sa Propeta  upang siya ay tubusin at sinabi nila sa Propeta , “O anak ng pinuno ng kanyang mga mamamayan! Kayo ang mga mamamayan ng Santuwaryo ng Allah at Kanyang pamamahala; pinalalaya ninyo yaong mga nagdurusa, pinakakain ninyo ang mga bihag, kaya’t kami ay nagtungo sa iyo tungkol sa aming anak, na iyong alipin, pakiusap na maging mabuti sa amin at tanggapin ang tubos para sa kanya.” Ang Propeta  ay nagsabi: “Maaari ba akong magmungkahi ng iba pa!” Sila ay nagsabi, “At ano iyon?” Kanyang sinabi: “Tatawagin ko siya at papipiliin; kung pipiliin niya kayo, kunin ‘nyo siya, subali’t kung pipiliin niya ako, sumpa man sa Allah, hindi ako pipili ng iba pa maliban sa isa na pinili ako.” Sila ay nagsabi, “Sinagot mo kami sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin 23 Siddeeq: Ang tawag na ibinigay sa kanya ng Propeta dahil sa katotohanan na siya ay naniwala sa kuwento ng Propeta noong Gabi ng Paglalakbay (Al-Isra’) at ang pag-akyat sa mga kalangitan (Al-Miraj), samantala ang iba ay hindi naniwala.

38


ng pagkakataon at mahusay ang pakikitungo mo sa amin.” Kaya’t tinawag niya si Zaid at kanyang tinanong: “Kilala mo ba ang mga taong ito?” Siya ay sumagot, “Oo, (sila ay ang) aking ama at aking amain.” Kanyang sinabi: “At kilala mo ako at alam mo kung paano kita pakitunguhan, kaya’t piliin mo ako o piliin mo sila.” Kanyang sinabi, “Hindi ako pipili ng maliban sa iyo. Para sa akin, ikaw ay katulad ng isang ama at isang amain.” Sila ay nagsabi, “Nakakahiya ka Zaid! Pipiliin mo ba na maging isang alipin kaysa sa kalayaan at sa iyong ama, sa iyong amain at iyong pamilya?” Siya ay nagsabi, “Oo, nakita ko kung ano ang taong ito at hindi ako pipili ng iba pa maliban sa kanya.” Nang matunghayan ito ng Mensahero ng Allah , hinatak niya ito palabas ng Hijr Ismail24 at nagsabi: “Kayo ang saksi na si Zaid ay aking anak; ako ang kanyang tagapagmana at siya ang aking tagapagmana.” Nang marinig ito ng kanyang ama at amain, sila ay natuwa at lumisan. Siya ay tinawag na Zaid bin Muhammad hanggang sumapit ang Islam at ang sumusunod na talata ay inihayag:

َْ ُ َّ‫َ ه‬ ُ ْ ‫اد ُعوه ْم آِلبَائ ِ ِه ْم ه َو أق َس ُط ع‬ ِ‫ِند الل‬

“Tawagin sila (mga ampon) sa pamamagitan (ng pangalan) ng kanilang mga ama, ito ay mas makatarungan sa Allah.” Surah Al-Ahzab 33:5 - matapos ito ay nakilala na siya bilang Zaid bin Harithah.25 Si Az-Zuhri ay nagsabi, “Wala kaming kilala na yumakap sa Islam bago si Zaid.”26 At si Waraqah bin Nawfal ay yumakap sa Islam; naiulat ito sa Jami ni At-Tirmidhi na nakita siya ng Propeta  sa kanyang panaginip na nasa 24 Hijr Isma’il: Isang lugar malapit sa Ka’bah na pangkaraniwang ginagamit para sa pampublikong pagbabalita noong kapanahunan ng Propeta. 25 Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni Ibn ‘Umar 26 Iniulat ni ‘Abdur-Razzaq sa ‘Al-Musannaf

39


mabuting mga katayuan.27 Ang mga tao ay nagsipasukan sa Islam ng isa-isa at hindi tumutol ang Quraish dito hanggang sa nagsimula siyang ituwid ang kanilang relihiyon at tutulan ang pagkilala sa kanilang (maling) mga diyus-diyusan.28 Sa puntong ito, nagsimula silang magpakita ng malubhang galit sa kanya at sa mga Sahaba. Pinangalagaan ng Allah ang Kanyang Mensahero sa pamamagitan ni Abu Talib, sapagka’t siya ay ginagalang at kinikilala nila. At ito ay mula sa Kaalaman ng Pinakamakatarungan sa mga hukom na siya ay manatili sa relihiyon ng kanyang mga mamamayan dahil sa mga pakinabang na makikita ng mga tao na nag-iisip tungkol sa kanila. At para sa kanyang mga Sahaba, ang ilan sa kanila na nabibilang sa isang tribu na makapangangalaga sa kanila ay ligtas mula sa kanila, subali’t ang iba sa kanila ay inumpisahan nilang pahirapan, kasama si ‘Ammar, ang kanyang ina at mga miyembro ng kanyang pamilya. Sila ay pinahirapan dahil sa kanilang paniniwala sa Allah. At nang sila ay madaanan ng Mensahero ng Allah  habang sila ay sinasaktan, siya ay nagsabi: “Magtiis, O pamilya ni Yasir, sapagka’t katotohanan, kayo ay pinangakuan ng isang lugar sa Paraiso.”29

Sumayyah, ang unang martir Nadaanan ni Abu Jahl si Sumayyah, ang ina ni ‘Ammar habang siya ay pinahihirapan na kasama ng kanyang asawa at kanyang anak na lalaki. Tinusok ni Abu Jahl ng sibat ang ari ni Sumayyah at siya ay pinatay. Sa tuwing si As-Siddeeq (Abu Bakr) ay makadadaan sa isang alipin na pinahihirapan, babayaran niya ito at kanyang palalayain. Kasama sa 27 Iniulat ni Tirmidhi at Ahmad 28 Ang Mensahero ng Allah ay hindi kabilang sa mga nag-aalipusta, o di kaya ay naninira, o di kaya ay nagsusumpa at ito ay kung ano ang inihayag sa kanya (sa Surah Al-An’am 6:108): “At huwag hamakin ang kanilang sinasamba maliban sa Allah, magkagayon ay hahamakin nila ang Allah ng mali at walang nalalaman.” Binibigkas lamang niya sa kanila ang mga Talata na inihayag ng Allah sa kanya na nagpapakita ng katotohanan tungkol sa kanilang Awliya’ (kaibigan, tagapagtanggol, yaong kanilang inaasahan na mamamagitan sa Allah) at ang katotohanan na ang mga ito ay pawang mga kasinungalingan na ang mga demonyo mula sa sangkatauhan at mga Jinn ay itinanim sa isipan ng sangkatauhan upang sambahin lamang nila sila na ang pagsambang ito ay dapat na sa Allah lamang. Katunayan, nagbibigay sila ng mga katangian sa mga ito katulad ng mga Katangian ng Allah, na pinaniniwalaan nila na ang mga ito (diyus-diyusan) ay makagagawa ng lahat ng mga bagay na ang mga ito ay nakaririnig at makasasagot (ng panalangin) at iba pang mga bagay na nagiging sanhi upang sila ay manalangin sa mga ito, ang mangako ng mga panata sa mga ito, ang sumumpa sa pamamagitan ng mga ito, atbp. At nang bibigkasin ng Menshero ng Allah ang mga Talata sa kanila, ang kanilang mga tagapangalaga ay magkakalat ng mga kuwento na siya ay naninira ng kanilang mga diyus at kanyang inaalipusta. 29 Iniulat ni Ibn Ishaq at At-Tabarani.

40


kanyang mga binili at pinalaya ay si Bilal – sapagka’t siya ay binigyan ng malubhang pagpapahirap – kasama rin sina ‘Amir bin Fuhairah at isang babaeng alipin na pag-aari ng Banu ‘Adiyy. Palagi siyang pinahihirapan ni ‘Umar dahil sa pagyakap niya sa Islam, at si Abu Qahafah – si ‘Uthman bin ‘Amir – ay nagsabi sa kanyang anak na lalaki, Abu Bakr, “O aking anak! Nakikita ko na nagpapalaya ka ng mga mahihinang mga alipin; kung ikaw ay magpapalaya ng mga malalakas na tao, maaari ka nilang pangalagaan.” Kanyang isinagot, “Ito ang gusto ko.” At mas mahirap ang nararanasan ni Bilal sa pagpaparusa sa kanya, mas malakas ang pagsasabi niya ng: “Ang Allah ay Nag-iisa! Ang Allah ay Nagiisa!”

41


KABANATA - 8

Ang panimula ng Panawagan (para sa Allah) Si Az-Zuhri ay nagsabi, “Nang dumating ang Islam, ilan sa mga dimananampalataya mula sa mga Quraish ay nagtutungo sa mga mananampalataya at kanilang mga pamilya upang sila ay parusahan at ikulong, sa pagnanais na ilayo sila mula sa kanilang relihiyon. Si Al-Waqidi ay nagsabi, “Ako ay pinag-alaman ni Muhammad bin Saleh, sa kapahintulutan ni Saleh bin ‘Umar bin Qatadah, Yazeed bin Ruman at iba pa, na kanilang sinabi: “Ang Mensahero ng Allah ay nangaral ng palihim sa Makkah sa loob ng tatlong taon, pagkatapos ay lantaran siyang nangaral sa ikaapat na taon, nanawagan sa mga tao (para sa Allah) sa loob ng sampung taon, nagsasagawa ng paglalakbay (Hajj) sa tuwing sasapit ang panahon nito taun-taon, sumusunod sa mga tao sa kanilang mga hinihintuan at lumalahok sa mga pagdiriwang sa ‘Ukaz, Majannah at Dhul Majaz. Nananawagan sa kanila na pangalagaan siya upang maihatid niya ang mga Mensahe ng kanyang Panginoon. Ipinababatid sa kanila na bibiyayaan sila ng Paraiso, subali’t wala siyang nakita na umalalay o kumalinga sa kanya. Ipinagtatanong pa niya ang tungkol sa kanilang mga tribu at ang kanilang mga pinaghihintuang lugar sa bawa’t isa sa kanila at sinasabi sa kanila, “O mga tao! Sabihin: ‘La Ilaaha Ilallah’ (walang dapat sambahin maliban sa Allah) at kayo ay magtatagumpay at kayo ang mangunguna sa mga Arabo at ang mga hindi Arabo ay susunod sa inyo; at kung kayo ay mamamatay, magiging mga hari kayo ng Paraiso.” At habang sinasabi niya ang mga salitang ito, si Abu Lahab ay nasa kanyang likuran na nagsasabi, “Huwag ninyo siyang sundin, siya ay isang Sabian30 at isang sinungaling.” Kaya’t sila naman ay magsasabi sa Mensahero ng Allah  ng mga panlalait at pang-aabuso: “Mas kilala ka ng sarili mong pamilya, gayung hindi ka nila sinunod.” At siya ay magsasabi ng: “O Allah! Kung ninais Mo, hindi sila magiging ganyan.” At nang inihayag ng Allah sa kanya:

َ َ​َ َ ْ َ​َ َ‫ك الأْ َقْ َربني‬ ‫وأنذِر عشِ ريت‬ ِ

30 Sabian – isang taong gumagawa ng pagbabago.

42


“At bigyan ng babala ang iyong tribu (O Muhammad) na malapit na kamag-anak.” Surah Ash-Shu’ara’ 26:214 Umakyat siya sa As-Safa at nagsabi: “Wa Sabaha!”31 At nang magtipon ang mga tao sa kanyang palibot, kanyang sinabi: “Kung ipababatid ko ba sa inyo na mayroong mga mangangabayo na paparating sa palibot ng bundok upang kayo ay salakayin, paniniwalaan ‘nyo ba ako?”32 Sila’y nagsabi: “Oo. Hindi ka pa namin nakilalang nagsinungaling.” Kanyang sinabi: “Magkagayon (sasabihin ko sa inyo na) ako ay isang tagapag-babala sa inyo ng isang malupit na kaparusahan.” Si Abu Lahab ay sumagot: “Mamatay ka na sana! Tinipon mo ba kami ng walang kapararakan maliban dito?” Pagkatapos ay inihayag ng Allah:

ْ ‫ َت َّب‬O ‫ب‬ َّ‫ت يَ َدا أَب ل َ َهب َوتَب‬ َ ‫ال َو َما َك َس‬ ُ ُ‫َما أَ ْغ ىَن َعنْ ُه َم ه‬ ِ‫ي‬ ٍ

“Mawalan ng dalawang kamay si Abu Lahab at siya ay mamatay! Ang kanyang kayamanan at kanyang mga anak ay hindi niya pakikinabangan!” Surah Al-Masad 111:1-2 Si Ibn Al-Qayyim – kahabagan nawa siya ng Allah – ay nagsabi: “Ang Mensahero ng Allah  ay nanawagan para sa Allah ng palihim sa loob ng tatlong taon, pagkatapos ay inihayag sa kanya: “Magkagayon ay hayagang magpahayag (sa Mensahe ng Allah – ang Kanyang Kaisahan) na ipinag-utos sa iyo, at umiwas mula sa Al-Mushrikun (politista, sumasamba sa mga diyus-diyusan, at mga di-nananampalataya).” Surah Al-Hijr 15:94 Ang unang pagdanak ng dugo 31 Wa Sabaha Ya Sabaha: Isang babala 32 Iniulat ni Al-Bukhari, Muslim, At-Tirmidhi at An-Nasa’i – sa kapahintulutan ni Ibn ‘Abbas.

43


Sa ikaapat na taon, tinaga ni Sa’d bin Abi Waqqas ang isang lalaki mula sa mga pagano at nabasag niya ang kanyang bungo; nangyari ito noong ang mga Kasamahan ng Mensahero ng Allah  ay huminto sa bundok na kanilang nadaanan at nagdasal, nang ang isang lalaki mula sa mga dimananampalataya na may kasamang mga Quraish ang nakakita sa kanila at nagsimula silang pinagmumura, kaya’t tinaga ni si Sa’d bin Abi Waqqas ang isa sa kanila at ito ay duguan. Ito ang unang pagdanak ng dugo sa Islam. Ang panunuya ng mga politista Sa tuwing ang Propeta  ay uupo na nakapalibot sa kanya ang bilang ng mga mahihina mula sa kanyang mga Kasamahan katulad nina ‘Ammar bin Yasir, Khabbab bin Al-Aratt, Suhaib Ar-Rumi, si Bilal at ang mga katulad nila, kapag sila ay nadaanan ng mga Quraish, sila ay nilalait ng mga ito at kanilang sasabihin: “Ang mga tao bang ito (mga nakapalibot sa kanya) ay kabilang sa atin na biniyayaan ng Allah?” Kaya’t inihayag ng Allah:

َّ َ َ ْ َ ّ‫َ َ ْ َ ُه‬ َ‫الشاكِرين‬ ِ ‫أليس الل بِأعلم ب‬ ِ

“Hindi ba nababatid nang higit ng Allah yaong mga mapagpasalamat?” Surah Al-An’am 6:53 At naihayag din ang tungkol sa kanila:

ْ َ َ َ َّ‫َ ذ‬ َ َ‫ُ ْ لن‬ ّ‫ه‬ ْ َ َ‫ُّ ْ َ َ َ َ ً َ لأ‬ َِ ‫ج ُر اآلخِرة‬ ‫اج ُروا يِف اللِ مِن َب ْع َ ِد َما ظل ُِموا ُ َب ّوِئ َّن ُه ْم يِف ادلنيا حسنة و‬ ‫والِين ه‬ َ ُ َ ْ َ ْ ُ َ‫ْ رَ ُ َ ْ ا‬ ‫أكب لو كنوا يعلمون‬

“At para sa mga nagsilikas para sa Allah, matapos na sila ay ginawan ng kamalian, katiyakan na pagkakalooban Namin sila ng mga mabubuting matitirahan dito sa mundo, subali’t sa katotohanan ang biyaya sa Kabilang-buhay ay mas nakahihigit; kung kanila lamang nalalaman!” Surah An-Nahl 16:41 Si Abu Jahl ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, kung makita ko si Muhammad, tiyak na bibigtiin ko ang kanyang leeg.” At naipabatid sa kanya na ang Mensahero ng Allah  ay nagdarasal, at sinabi niya sa kanya: “Hindi ko ba ipinagbawal sa iyo ang pagdarasal?” Pinigilan siya ng Mensahero ng Allah  at siya ay nagsabi: “Pipigilan mo ba ako, gayung ako ang pinakamakapangyarihan mula sa mga mamamayan ng Al-Batha?” At 44


inihayag ng Allah:

َّ‫َ ْ ً َ َ ى‬ َ‫َ َ َ ْ َ ذَّ َ ْ ى‬ )١٠( ‫) عبدا إِذا صل‬٩( ‫أرأيت الِي ينه‬

“Nakita mo ba (O Muhammad) siya (Abu Jahl) na nagpipigil. Ang isang alipin (Muhammad) kapag siya ay nagdarasal.” Surah Al-‘Alaq 96:9-10 Sa ibang mga salaysay, naiulat na siya ay nagsabi: “Hindi ko ipinagbawal sa iyo? Sumpa man sa Allah, walang sinuman sa Makkah na ang kanyang kapulungan ay mas hihigit kaysa sa akin!” Iniulat ni Muslim sa kapahintulutan ni Abu Hurairah na si Abu Jahl ay nagsabi: “Inilagay ba ni Muhammad ang kanyang mukha (sa lupa) sa iyong harapan.” Sinabi sa kanya: “Oo.” Kanyang sinabi: “Sumpa man kay Al-Lat at Al-Uzza, kung makikita ko siya na gagawin niya ito, aapakan ko ang kanyang leeg, o kaya ay hihilamusan ko ang kanyang mukha ng alikabok. Lumapit siya sa Mensahero ng Allah  habang ito ay nagdadasal at naisip niya na apakan siya sa leeg (at ang mga tao ay nagsabi) na siya ay lumapit sa kanya subali’t siya ay tumalikod at sinubukang pigilan ang ibang bagay sa pamamagitan ng kanyang kamay at nagsabi: “Mayroong nasa pagitan ko at sa kanya na isang lagusan ng apoy ng sindak at mga sanga.” Dahil dito ay sinabi ng Mensahero ng Allah , “Kung siya ay nakalapit lamang sa akin, pipira-pirasuhin siya ng mga anghel.” Kapagdaka ay inihayag ng Allah ang talatang ito, siya (ang nag-ulat) ay nagsabi: “Hindi namin alam kung ang Hadith na ito ay naisalin kay Abu Hurairah o may iba pa na naghatid nito sa kanya mula sa iba.

َ‫َ اَّ َّ إْ َ َ يَ ى‬ ْ ُ‫أَن َّرآه‬ َ‫اس َت ْغ ى‬ )٧( ‫نسان لَ ْطغ‬ ‫ال‬ ‫ن‬ ‫إ‬ ‫ل‬ ‫ك‬ )٦( ‫ن‬ ِ ِ

“O hindi! Katiyakan, ang tao ay naligaw (sa di-paniniwala at masamang gawa). Sapagka’t itinuturing niya ang kanyang sarili na kayang mag-isa.” Surah Al-‘Alaq 96:6-7

45


KABANATA – 9

Ang unang paglikas sa Abyssinia Sa ikalimang taon, iniutos ng Propeta  sa kanyang mga Kasamahan na lumikas patungong Abyssinia, nang ang pagpapahirap at pananakit ay lumubha, sa pagsasabi na: “Mayroong isang tao na kapag siya ay naroroon ay walang naaapi.” Ang Abyssinia ay dating lugar na pinaglalakuan ng mga Quraish. Ang mga una sa gumawa ng paglikas na ito ay binubuo ng labindalawang (12) mga kalalakihan at apat na kababaihan. Ang una sa kanila na lumikas dito ay sina Uthman bin ‘Affan na kasama ang kanyang maybahay na si Ruqayyah, ang anak ng Mensahero ng Allah  at ilan sa mga taong inililihim ang kanilang pagpasok sa Islam (at nanatili sa Makkah). Ang ilan sa mga naiwanan ay sina: Az-Zubair at Abdulrahman bin ‘Awf, Ibn Mas’ud, Abu Salamah at ang kanyang maybahay – kalugdan nawa silang lahat ng Allah – sila ay isa-isang lumisan ng palihim at pinagkalooban sila ng Allah ng tagumpay na matagpuan nila ang dalawang bangka nang sila ay makarating sa tabing-dagat, sila ay lulan nito patungo ng Abyssinia. Hinabol sila ng mga Quraish hanggang sa marating nila ang karagatan, subali’t wala silang nahuli sinuman sa kanila. Lumisan sila sa buwan ng Rajab at nanatili sa Abyssinia hanggang sumapit ang Sha’ban at Ramadhan. Sila ay nagbalik sa Makkah sa buwan ng Shawwal ng ang ulat ay nakarating sa kanila na ang mga Quraish ay nakipagkasundo na sa Mensahero ng Allah  at tumigil sa paglalapastangan sa kanila. Ang dahilan nito ay nang bigkasin ng Mensahero ng Allah  ang Surah AnNajm at siya ay umabot sa Salitang:

ْ َ َ َّ‫َ َ َ َ ْ ُ ُ ا‬ ْ ُ ْ‫َ َ َ َ َّ َ َ لأ‬ ُ َّ َ )٢٠( ‫الة ا خرى‬ ِ‫) ومناة اثل ث‬١٩( ‫أفرأيتم اللت والعزى‬

“Itinuring mo na ba si Al-Lat, at Al-‘Uzza (dalawang mga diyus-diyusan ng mga Arabong pagano), at Manat (isa pang diyus-diyusan ng mga paganong Arabo), na bahagi ng tatlo?” Surah An-Najm 53:19-20 Inilagay ng demonyo sa kanyang bibig na sabihin: “Yaon ay mga dakilang Gharaneeq na ang kanilang pamamagitan ay hahangarin.” Pagkatapos 46


ay sinabi ng mga politista na: “Wala siyang sinabi na mabuti tungkol sa aming mga diyos maliban lamang ngayon, at alam namin na ang Allah ang lumilikha, nagpapanatili, nagbibigay buhay at nagbibigay sanhi ng kamatayan, subali’t ang aming mga diyos ang namamagitan sa Kanya.” At nang marating niya ang Sajdah (pagpapatirapa), ang lahat ng mga Muslim at mga pagano ay nagsipagpatirapa na kasama niya maliban lamang sa isang matandang lalaki mula sa Quraish, na nagtaas ng isang dakot na mga bato sa kanyang nuo at nagpatirapa dito na nagsasabi: “Ito ay sapat na para sa akin.”33 At ang Mensahero ng Allah  ay labis na naging malungkot at lalong natakot sa Allah kaya’t Kanyang inihayag:

ُ َ َ َ َّ ْ ُ ُ َ ْ َّ َ‫َ اَ َ ّ اَّ َ َ َ ىَّ َ ْ ى‬ ُ ‫َو َما أَ ْر َسلْ َنا مِن َقبْل َِك مِن َّر‬ ‫نسخ‬ ‫ب إِل إِذا تمن ألق الشيطان يِف أمن ِيتِهِ في‬ ‫ن‬ ‫ل‬ ‫و‬ ‫ول‬ ‫س‬ ٍ ِ‫ي‬ ْ َ ُ َّ‫ه‬ ُْ‫َّ ْ َ ُ ُ َّ ٍح‬ ُ َّ‫الل آيَاتِهِ َو ه‬ ُ َّ‫ك ُم ه‬ ٌ‫ِيم َحكِيم‬ ٌ ‫الل َعل‬ ِ ‫الل ما يُل يِق الشيطان ثم ي‬ “Hindi Kami nagpadala ng isang Mensahero o isang Propeta bago ka, na kung kanyang binigkas ang Kapahayagan o nagsalaysay o nagsalita, si Satanas ay naghahalo (ng ilang mga kasinungalingan) mula dito. Subali’t pinuksa ng Allah kung ano ang mga inihahalo ni Satanas. At pagkatapos ay itinataguyod ng Allah ang Kanyang Kapahayagan.” Surah Al-Hajj 22:52

At nang nagpatuloy ang Mensahero ng Allah  sa pagpuna sa kanilang mga diyos, sila ay nanumbalik sa dati nilang mga pag-uugali, naging mas masahol pa kaysa dati at dinagdagan pa nila ang pang-aalipusta sa mga yumakap sa Islam.

Ang pangalawang paglikas sa Abyssinia Nang ang mga nagsilikas sa Abyssinia ay nakarating sa Makkah at ang mga balita tungkol sa kanilang mga kalagayan ay naihatid sa kanila, sila ay nag-alangan na pumasok, at ang bawa’t isa sa kanila ay pumasok sa ilalim ng pangangalaga ng isang lalaki mula sa Quraish. Matapos ito, ang mga pagsubok at pagpapahirap ay nadagdagan at ang kanilang mga pamilya ay nagsikap na mamagitan para sa kanila. Napakahirap para sa kanila na 33 Tiniyak ng mga iskolar ng Hadith na ang kuwento ng Gharaneeq ay walang batayan. Si al-Qasi ‘Ayyad ay nagsabi: “Ang mga nag-ulat nito mula sa mga iskolar ng Tafsir at iba pa ay hindi naglahad ng daloy ng mga tagapagsalaysay para dito at hindi nila ito inakibat sa isang Sahabi, maliban kay Al-Bazzar at nilinaw niya na ito ay hindi nalalaman mula sa anumang pinahihintulutang pinagkunan maliban lamang sa isa na kanyang nabanggit at (sa katotohanan) mayroong ilang mga depekto mula dito.” Ang mga pagano ay nagpatirapa lamang sapagka’t sila ay nadala sa kadakilaan ng Qur’an, ang kapangyarihan ng istilong panitikan nito, ang kagandahan ng mga Talata nito, ang pinahihintulutang mahika nito, ang pang-akit ng mga salita nito at ang mga matatamis na panghalina nito.

47


mapag-alaman ang tungkol sa ligtas na lugar na inaalok para sa kanila ng Negus ng Abyssinia, kaya’t sila ay pinahintulutan ng Mensahero ng Allah  na lumikas na muli patungo ng Abyssinia sa ikalawang pagkakataon, at sila ay lumisan. Ang bilang ng mga nagsi-lisan sa pagkakataong ito ay walumpu’t tatlong mga kalalakihan – ipinapalagay na si ‘Ammar bin Yasir ay isa sa kanila – at labing-siyam na mga kababaihan. Nang mabalitaan nila ang paglikas ng Mensahero ng Allah  patungo ng Al-Madinah, tatlumpu’t tatlong mga kalalakihan at walong mga kababaihan mula sa kanila ang nagbalik at dalawang lalaki mula sa kanila ang binawian ng buhay sa Makkah, samantala pito naman ang nabilanggo; at dalawampu’t apat na mga kalalakihan mula sa kanila ang nakilahok sa labanan ng Bader. Ang liham ng Mensahero ng Allah  para sa Negus, hinihiling sa kanya na ipagkaloob si Habibah upang kanyang mapakasalan: Sa buwan ng Rabi’, noong ikapitong taon makalipas ang Hijrah, ang Mensahero ng Allah  ay lumiham sa Negus na nanawagan sa kanya sa Islam at hinihiling na mapakasalan niya si Umm Habibah bint Abi Sufyan. Siya ay lumikas sa Abyssinia na kasama ang kanyang asawa na si Ubaidullah bin Jahsh na tumanggap ng Islam doon at binawian ng buhay bilang isang Kristiyano. At lumiham din siya na humihiling sa kanya na pabalikin ang kanyang mga Sahabah na nanatili sa kanya. Nang mabasa ng Negus ang liham, siya ay tumanggap ng Islam at nagsabi: “Kung makapupunta lamang ako sa kanya, pupuntahan ko siya.” At ipinakasal niya si Umm Habibah sa kanya at siya ay nagbayad ng dote na umabot sa apat na raang dinar at pinabalik ang natitira sa kanyang mga Sahabah sa dalawang bangka. Sila ay dumating matapos ang labanan ng Khaibar, nang masakop na ito ng Mensahero ng Allah . Nagpadala ng kahilingan ang Quraish sa Negus para sa pagbabalik ng mga Muslim Matapos ang labanan ng Bader, nagpulong ang mga Quraish sa kanilang bulwagan (Dar An-Nadwah) at nagsabi: “Maaari tayong makaganti sa mga Muslim sa pamamagitan ng Negus, kaya’t magtipon ng pera at ipadala ito sa Negus bilang regalo, kaya’t baka sakali na ipadala niya yaong nasa 48


kanya. Magtalaga tayo ng dalawang kinatawan na gagawa nito mula sa mga taong mayroong parehong pananaw na katulad ng sa inyo.” Ipinadala nila sina ‘Amr bin Al-’As at ‘Imarah bin Al-Walid na may dalang regalo na tumawid ng karagatan. Nang sila ay pumasok sa lugar na kinaroroonan ng Negus, sila ay nagpatirapa sa kanyang harapan at binati siya ng kapayapaan at nagsabi: “Ang aming mga mamamayan ay mga matatapat na lingkod mo at kami ay ipinadala sa iyo upang bigyan ka ng babala tungkol sa mga taong ito na nagtungo sa iyo, sapagka’t sila’y mga taong sumunod sa isang taong sinungaling. Siya ay humarap sa amin at nag-aangkin na siya ay Mensahero ng Allah  subali’t walang sumunod sa kanya maliban sa mga hangal na tao. Hindi namin sila tinigilan at pinalayas namin sila hanggang sa sila ay mapadpad sa bangin sa aming lupain kung saan ay walang pinahintulutan na makisama sa kanila at walang pinahintulutan na pakawalan sila hanggang sa ang gutom at uhaw ay pumatay sa kanila. At nang naging mahirap sa kanila ang mga bagay, ipinadala niya ang kanyang pinsan sa iyo upang maghasik ng katiwalian sa inyong relihiyon at inyong kaharian. Kaya’t mag-ingat sa kanila at ipadala ‘nyo sila sa amin at kami na ang bahala sa kanila para sa inyo. At ang patunay (ang katotohanan ng mga sinabi namin) nito ay kapag sila ay haharap sa iyo, hindi sila magpapatirapa sa iyo, o di kaya ay batiin ka nila na kung papaano ka dapat batiin, sapagka’t itinatatwa nila ang inyong relihiyon.” Kaya’t ipinatawag sila ng Negus at nang sila ay dumating, si Ja’far bin Abi Talib ang nanawagan sa may pintuan: “Ang panig ng Allah ay humihiling ng iyong pahintulot sa pagpasok.” Ang Negus ay nagsabi: “Lapitan ang nanawagan at sabihin mo na ulitin ang kanyang sinabi.” Inulit niya ito at ang Negus ay nagsabi: “Oo, hayaan silang pumasok sa kapahintulutan ng Allah at sa ilalim ng Kanyang pangangalaga.” Kaya’t sila ay pumasok na hindi sila nagpatirapa sa kanya. Siya ay nagtanong: “Anong pumipigil sa inyo na magpatirapa sa akin?” Sila ay nagsabi: “Sa Allah lamang kami nagpapatirapa na Siyang lumikha sa iyo at sa iyong kaharian. Nagamit lamang namin ang ganitong uri ng pagbati noong kami ay sumasamba pa sa mga diyusdiyusan hanggang sa ipadala ng Allah sa amin ang makatotohanang Propeta. Ipinag-utos niya sa amin na magbatian sa bawa’t isa ng pagbati na kalugud-lugod sa Allah at ito ang “As-Salam”, ang pagbabatian ng mga tao ng Paraiso.” Napag-isip ng Negus na ito ay totoo at ito ay nasa Torah at sa Injil (ang kapahayagan na ibinigay kay Hesus). Ang Negus ay nagtanong, “Sino sa inyo ang nanawagan na humingi ng pahintulot na makapasok?” Sinabi ni Ja’far, “Ako ‘yon.” Ang Negus ay nagsabi, “Kung gayon ay magsalita ka.” 49


Siya ay nagsabi: “Ikaw ay isang hari na hindi tumatanggap ng labis na pananalita o di kaya’y pang-aabuso at nais kong sumagot sampu ng aking mga kasamahan, kaya’t pag-utusan ang isa sa dalawang lalaking ito na magsalita at pagkatapos ay pakinggan ang aming paliwanag.” Sinabi ni ‘Amr kay Ja’far: “Magsalita ka.” Kaya’t sinabi ni Ja’far kay Negus: “Katulad niya kung kami ay mga alipin, o mga malayang tao, at kung kami ay mga alipin na tumakas mula sa kanilang mga panginoon, kung gayon ay ibalik mo kami sa kanila.” Si ‘Amr ay nagsabi: “Hindi, sila ay mga kagalanggalang na mga taong malalaya.” Siya ay nagtanong: “Kami ba ay lumabag sa batas sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo kaya’t kinakailangan kaming parusahan?” Si ‘Amr ay sumagot: “Wala ni isang patak.” Siya ay nagtanong: “Kami ba ay lumabag sa batas sa pamamagitan ng pagkuha ng kayamanan ng mga tao kaya’t kinakailangan kaming magbayad para rito?” Si ‘Amr ay nagsabi: “Wala ni isang kusing.” Ang Negus ay nagtanong: “Kung gayon ay ano ang nais ninyo sa kanila?” Siya ay nagsabi: “Dati kaming magkakabuklod sa iisang bagay, ang relihiyon ng aming mga ninuno, iniwanan nila ito at sumunod sa iba.” Ang Negus ay nagtanong: “Ano ang dati ninyong sinusunod at ano ang inyong sinunod? Magsalita, sabihin sa akin ang katotohanan.” Si Ja’far ay sumagot: “Para sa dati naming sinusunod, iniwanan namin ito dahil ito ay relihiyon ng Satanas. Dati kaming hindi naniniwala sa Allah at sinasamba namin ang mga bato. At para sa aming sinunod, ito ang relihiyon ng Allah, ang Islam. Isang Mensahero ang dumating sa amin mula sa Allah na kasama nito na may dalang Aklat na katulad ng Aklat ng anak ni Maria, na nagpapatunay dito.” Siya ay nagsabi: “Ikaw ay nagsasabi ng dakilang bagay, dahan-dahanin mo.” At kanyang ipinag-utos na kalembangin ang kampana at ang lahat ng mga pari at monghe ay nagtipon sa kanya. At kanyang sinabi sa kanila: “Nakikiusap ako sa inyo sa pamamagitan ng Allah, na naghayag ng Injil kay Hesus, mayroon ba kayong nakita (anuman dito) tungkol sa isang Propeta na nasa pagitan ni Hesus at ng Araw ng Pagbabangong Muli?” Sila ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, oo; ipinabatid ito ni Hesus sa amin at siya ay nagsabi: “Sinuman ang naniwala sa kanya ay naniwala sa akin at sinuman ang hindi naniwala sa kanya ay hindi naniwala sa akin.” Sinabi ng Negus kay Ja’far: “Ano ang sinasabi ng taong ito sa inyo at ano ang ipinag-uutos sa inyo na gawin, ano naman ang ipinagbabawal niya sa inyong gawin?” Si Ja’far ay sumagot: “Binasa niya sa amin ang Aklat ng Allah at ipinag-utos niya sa amin ang Al-Ma’ruf (Islamikong paniniwala sa kaisahan ng Diyos at ang lahat ng mga kabutihan). Inutos niya sa amin na maging matapat sa aming pakikipagkasundo ng pangangalaga, panatilihin 50


ang ugnayang pampamilya, maging mapagbigay sa mga ulila, at iniutos niya sa amin na sambahin lamang ang Allah na walang pagtatambal sa Kanya.” Ang Negus ay nagsabi: “Basahin ‘nyo ang anuman na binabasa niya sa inyo.” Kaya’t kanyang binasa ang Surah Al-‘Ankabut at Surah Ar-Rum, kung saan ang mata ng Negus ay napuno ng luha at siya ay nagsabi: “Basahin ‘nyo para sa amin ang ilan pa sa magagandang salita nito.” Kaya’t binasa niya sa kanila ang Surah Al-Kahf. Ninais ni ‘Amr na magalit ang Negus kaya’t kanyang sinabi na: “Sinaraan nila si Hesus at ang kanyang ina.” Siya ay nagtanong: “Ano ang masasabi ninyo tungkol kay Hesus at sa kanyang ina?” Kaya’t binasa niya sa kanila ang Surah Maryam at nang dumating sa bahagi na binabanggit si Hesus at ang kanyang ina, umangat ang nahati mula sa siwak ng Negus na ang sukat nito ay maaaring makatusok sa mata at siya ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, ang Messiah ay hindi lumabis ng isang tuldok sa mga sinabi ninyo.” At ang tungkol sa Negus, inihayag ng Allah:

ُ َ ْ ُ َ ُ ْ َ َ َ ُ َّ َ‫َ َ ُ ْ َ ُ َ ى‬ َّ ‫يض م َِن‬ َ ْ‫ادل ْمعِ م َِّما َع َرفُوا ْ م َِن ح‬ ‫ال ّ ِق‬ ِ‫نزل إِل الرسو ِل ترى أعينهم تف‬ ِ ‫ِإَوذا ُ س ِمعوا ما أ‬ ْ َ‫لن‬ َ َ َّ َ َُ َ ُْ ّ‫ه‬ َ ‫ون َر َّب َنا‬ َ ‫آم َّنا فاك ُتبْ َنا َم َع الشاهِد‬ ‫يقول‬ ‫) َو َما َا ال نؤم ُِن بِاللِ َو َما َجاءنا م َِن‬٨٣( ‫ِين‬ َ ْ‫ح‬ ْ َ َ َ ْ َّ َ َ ْ ّ َ َ َّ ُ َ ِ‫ال ِق َونط َم ُع أن يدخِلنا َربنا م َع الق ْو ِم الص ح‬ )٨٤( ‫ال ِني‬ “At nang sila (na tinatawag ang kanilang mga sarili na Kristiyano) ay nakinig sa kung ano ang ibinaba sa Mensahero (Muhammad), makikita ninyo ang kanilang mga mata na dumadaloy ang mga luha dahil sa katotohanan na kanilang napag-alaman. Sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Kami ay naniniwala; kaya’t ibilang kami sa mga nakasaksi. “At bakit kami hindi maniniwala sa Allah at sa dumating sa amin na katotohanan.” Surah Al-Ma’idah 5:83-84

At nilapitan ng Negus si Ja’far at kanyang sinabi: “Humayo kayo, sapagka’t kayo ay Suyum (nangangahulugan na ligtas) sa aking lupain at sinuman ang manakit sa inyo ay pagbabayaran ito. Kaya walang pahintulot ngayon kahit na kanino laban sa panig ni Abraham.”

51


Ang kamatayan ng Negus Nang mamatay ang Negus, lumabas ang Mensahero ng Allah  at nag-alay ng pagdarasal para sa kanya katulad ng pag-aalay ng isa sa pagdarasal sa isang patay. Ang mga taong mapagkunwari ay nagsabi: “Ipinagdarasal niya ang isang hindi mananampalataya na namatay sa Abyssinia.” Kaya’t inihayag ng Allah:

ُ َْ‫َّ ْ َ ْ ْ َ َ َ ُ ْ ُ هّ َ َ ُ َ ي‬ َ‫ك ْم َو َمآ أُنز َل إليَْه ْم َخا ِشعني‬ ‫نزل إِل‬ ِ ِ ِ ِ ِ ‫ِإَون َمِن أه ِل الكِت‬ ِ ‫اب لمن يؤمِن بِاللِ وما أ‬ َ ُ َ‫َ ْ ر‬ ّ‫هّ َ َ ً َ ً ُ ْ َ َ َ ُ ْ َ ْ ُ ُ ْ َ َ ّ ْ َّ َه‬ ّ‫للِه‬ ُ‫الل رَسيع‬ ‫ات اللِ ثمنا قل ِيال أولـئِك لهم أجرهم عِند رب ِ ِهم إِن‬ ‫ِ ال يش‬ ِ َ‫تون بِآي‬ ِ ْ‫ح‬ َ ‫اب‬ ِ ‫ال ِس‬

“At katiyakan na mayroong mula sa angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano), yaong mga naniniwala sa Allah at sa kung ano ang inihayag sa iyo, at sa kung ano ang inihayag sa kanila, nagpapakumbaba para sa Allah.” Surah Al-‘Imran 3:199 Nabanggit din na ang mga Quraish ay nagpadala ng mga mensahero upang hilingin ang kanilang pagbabalik bago ang Hijrah sa Al-Madinah. At sa ikalimang taon ng Pagkapropeta, ang Mensahero ng Allah  ay

52


nagtago sa bahay ni Al-Arqam Ibn Al-Arqam.

KABANATA – 10

Yumakap sa Islam si Hamzah bin ‘Abdil Muttalib Sa ikaanim na taon, sina Hamzah bin ‘Abdil Muttalib at ‘Umar ay yumakap sa Islam. Sinabi ni Ibn Ishaq: “Si Abu Jahl ay dumaan sa Mensahero ng Allah  sa AsSafa at nilusob siya at sinaktan, subali’t nanatiling tahimik ang Mensahero ng Allah , pagkatapos ay tumayo siya at pumasok sa Masjid. Isang aliping babae na pag-aaari ni ‘Abdullah bin Jud’an ay nasa kanyang tahanan sa AsSafa at narinig niya kung ano ang sinabi ni Abu Jahl. Dumating si Hamzah mula sa pangangaso na sukbit ang kanyang pana sa balikat – at siya ay kilala bilang: A’azzu Quraish (ang pinakamagiting sa Quraish) – at nang ipinabatid sa kanya ng aliping babae ni Ibn Jud’an kung ano ang kanyang narinig mula kay Abu Jahl, siya ay nagalit at pumasok sa Masjid na naabutan niya si Abu Jahl na nakaupo kasama ang kanyang mga tauhan, sinabi niya sa kanya: “O ikaw na isang duwag! Lalaitin mo ba ang aking pamangkin gayung sinunod ko ang kanyang relihiyon?” Hinataw niya ng kanyang pana si Abu Jahl at nasugatan sa kanyang ulo upang ipakita niya ang kanyang punto. Ang ilan sa Banu Makhzum ay tumayo upang ipagtanggol siya at ang ilan din sa Banu Hashim ay tumayo, subali’t si Abu Jahl ay nagsabi: “Hayaan ‘nyo siya Abu ‘Imarah, nilait ko ang kanyang pamangkin sa pinakapangit na paraan.” Matapos ito, napag-alaman ng mga Quraish na naging matatag ang Mensahero ng Allah  at sila ay tumigil mula sa pananakit sa kanya katulad ng ginagawa nila nuon.

Yumakap sa Islam si ‘Umar Naiulat sa kapahintulutan ni Ibn ‘Umar na ang Mensahero ng Allah  ay nagsabi: “O Allah! Palakasin ang Islam sa pamamagitan ng sinuman sa dalawang taong ito ang pinakamahal sa Iyo: Maaring si ‘Umar bin Al-Khattab o si Abu Jahl bin Hisham.” At ang mas mahal ng Allah sa dalawa ay si ‘Umar.34 34 Iniulat ni Ahmad sa kanyang Musnad at sa pamamagitan ni At-Tirmidhi at bin Sa’d Al-Baihaqi sa anyo ng

53


Naiulat din sa kapahintulutan ni Ibn ‘Abbas na kanyang sinabi kay ‘Umar: “Bakit ka tinawag na Al-Faruq?” Siya ay sumagot: “Si Hamzah ay yumakap sa Islam tatlong araw bago ako, pagkatapos ay binuksan ng Allah ang aking puso sa Islam at ang unang bagay na aking narinig mula sa Qur’an ay:

َ ُ َّ‫ه‬ ُ ْ‫الل اَل إ ِ هَ َل إ ِ اَّل ُه َو هَ ُل الأْ ْس َماء ح‬ ‫ال ْسن‬

“Allah! La ilaha illa Huwa (walang may karapatan sa pagsamba maliban sa Kanya)! Sa Kanya nabibilang ang Pinakamagandang mga Pangalan.” Surah Ta Ha 20:8 Ngayon ay walang kaluluwa sa mundo na mas malapit sa akin kaysa sa Mensahero ng Allah . Ako ay nagtanong tungkol sa kanya at sinabi sa akin: “Siya ay nasa Dar Al-Arqam35.” Kaya’t nagtungo ako duon at naabutan ko si Hamzah na nakaupo na kasama ang kanyang mga kasamahan na kasama roon ang Mensahero ng Allah . Kumatok ako sa pinto at ang mga tao ay nakinig at si Hamzah ay nagsabi: “Ano ‘yon?” Sila ay nagsabi: “Si ‘Umar.” Pagkatapos ay lumabas ang Mensahero ng Allah  at hinatak ako sa aking kuwelyo, binuno niya ako ng malakas sa paraan na hindi na ako makakilos, hanggang sa pinilit niya akong mapaluhod at saka sinabi sa akin: “Hindi ka ba titigil, ‘Umar?” Siya ay nagsabi: “Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin maliban sa Allah at ikaw ay Mensahero ng Allah.” At ang mga tao sa loob ng bahay ay nagsabi: “Allahu Akbar!” (ang Allah ay Dakila) na napakalakas na narinig ito ng mga tao sa Masjid. Pagkatapos ay aking sinabi: “O Mensahero ng Allah! Hindi ba natin sinusunod ang katotohanan, maging tayo man ay mabuhay o mamatay?” Siya ay sumagot: “Oo.” Kaya’t aking sinabi: “Kung gayon ay ano ang dahilan ng pagtatago? Sumpa man sa Kanya na nagsugo sa iyo ng may katotohanan, nararapat tayong lumabas.” Kami ay nagsilabas na dalawang hanay, si Hamzah sa isang hanay at ako sa isa – at mabigat ang kanyang mga hakbang, kasintunog ng panggiling ng arina – at pinasok namin ang Masjid at nang makita ako ng Quraish sila ay nakaramdam ng pagkabigo na ang katulad nito ay hindi pa nangyari sa kanila. Kaya’t ang Mensahero ng Allah  ay pinangalanan akong Al-Faruq.” Si Suhaib ay nagsabi: “Nang yakapin ni ‘Umar ang Islam, umupo kami sa palibot ng Ka’bah na paikot. Inikot namin ang Ka’bah at kami ay naghiganti laban sa mga nananakit sa amin.” Marfu’, katulad ng nabanggit sa Kash Al-Khafa. 35 Dar Al-Arqam: ang tahanan sa Makkah na pag-aari ni Al-Arqam bin Abi Al-Arqam, na ginagawang masjid, paaralan at lugar ng pagpupulong para sa mga Muslim.

54


Ang pangangalaga ni Abu Talib sa Mensahero ng Allah  Nang makita ng Quraish na ang relihiyon ng Mensahero ng Allah  ay lumalaganap at nagkakaroon ng puwersa at nakikita nila kung ano ang ginagawa ni Abu Talib para sa kanya, sila ay nagpunta sa kanya na kasama si ‘Imarah bin Al-Walid at sila ay nagsabi: “O Abu Talib! Ito ang pinakamahusay na bata sa Quraish at ang pinakamakisig, kaya’t kunin mo siya at isauli ang taong ito na sumasalungat sa inyong relihiyon at dapat natin siyang patayin, iisa lamang ang taong ito kapalit ng iba.” Siya ay sumagot: “Napakasama naman ng kasunduan na inihahain mo sa akin, Ibinibigay mo ang iyong anak upang mapalaki ko at ibibigay ko ang anak ko sa iyo upang iyong mapatay!” Si Al-Mut’im bin ‘Adiyy bin Nawfal ay nagsabi: “O Abu Talib! Ang iyong mga mamamayan ay naging tapat sa iyo at nagsikap na mapalaya ka (mula sa kanya) sa anumang maaaring paraan.” Siya ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, hindi kayo naging makatarungan sa akin, subali’t kayo ay nagkaisa upang pabayaan ako, kaya’t gawin kung ano ang sa palagay ninyo ay mabuti para sa inyo.” Ang mga kilalang tao sa Makkah ay nagsabi kay Abu Talib: “Maaaring iwanan mo siya sa amin at kami na ang bahala sa kanya para sa iyo, sa ganitong paraan ay masusunod mo kung ano ang aming sinusunod, o maghanda ka sa pakikipaglaban sa amin, sapagka’t hindi namin hahayaan ang anak ng iyong kapatid na magpatuloy sa ganitong paraan hanggang sa siya ay mapatay namin o maitigil niya ang ginagawa niyang labag sa amin. Ginawa na namin ang bawa’t paraan na aming maisip upang maiwasan lamang ang makipaglaban sa iyo.” Si Abu Talib ay nagsugo para sa Mensahero ng Allah  at sinabi niya sa kanya: “O anak ng aking kapatid! Ang iyong mga mamamayan ay nagtungo sa akin at nagsabi ng kung anu-ano… kaya’t hayaan mo ako at ang iyong sarili at huwag mo akong alalahanin ng higit sa kung ano ang makakaya mo o makakaya ko. Iwasan mo ang pagsasabi ng mga bagay na hindi nais marinig ng iyong mga mamamayan.” Ang Propeta  ay sumagot: “Sumpa man sa Allah, kahit na ilagay pa nila ang araw sa kanang kamay ko at ang buwan sa kaliwang kamay ko, hindi ako titigil sa pagpapalaganap ng relihiyong ito hangga’t sa pangyarihin ng Allah na ito ay mangibabaw sa lahat ng mga relihiyon, o kaya ay mamatay ako sa pagsasagawa nito.” 55


Kaya’t kanyang sinabi: “Ituloy mo ang iyong misyon, sumpa man sa Allah, hindi kita ibibigay sa mga Quraish.” Pagkatapos ay nanawagan siya sa kanyang mga kamag-anakan upang siya ay suportahan. Ang Banu Hashim at Banu Al-Muttalib ay tumugon, maliban kay Abu Lahab, si Abu Talib ay nagsabi: Sumpa man sa Allah, hindi nila aabutin ang inyong mga bilang, Hanggang sa ako ay malibing at masaraduhan sa aking libingan. Magpatuloy sa inyong layunin na hindi sinisisi, Na dito ay inihahatid ko sa inyo ang magandang balita, makasisiguro dito, Inanyayahan ‘nyo ako, at katiyakan, alam ko na pinapayuhan ninyo ako, Sinabi ninyo ang katotohanan at kayo ay mga mapagkakatiwalaan, At ipinakita ninyo sa akin ang relihiyon na sa katiyakan ay aking nababatid, Ang pinakamahusay na inihayag sa sangkatauhan, Na kung hindi dahil dito ako ay haharap sa pag-uusig o pang-aabuso,

56


Makikita ninyo akong malayang tinatanggap ito.

KABANATA – 11

Ang boykot ng Banu Hashim sa may Bangin Nang sila – ang parehong Mananampalataya at di-mananampalataya – ay nagkasundo na pangalagaan ang Mensahero ng Allah , ang mga Quraish ay nagtipon at nagkaisa na hindi sila makikisama sa kanila, o di kaya ay makikipagkasundo sa kanila, o kaya’y pumasok sa kanilang mga tahanan hangga’t hindi sila sumasang-ayon na ang Mensahero ng Allah  ay patayin. Bunga nito ay gumawa sila ng isang kasulatan na kung saan ay mayroong mga kasunduan at pangako na huwag tumanggap ng anumang pakikipagkasundo sa mga Banu Hashim, o di kaya ay magpakita sa kanila ng kabutihan o habag hangga’t hindi nila isinusuko ang Mensahero ng Allah  sa kanila upang patayin. Kaya’t ipinag-utos sa kanila ni Abu Talib na pumunta sa bangin na kanyang pag-aari at sila ay nanatili roon sa loob ng tatlong taon habang ang mga paghihirap na kanilang dinaranas ay lumulubha. Isinarado nila ang mga pamilihan para sa kanila at hindi nila pinahihintulutan na maipasok ng Makkah ang kanilang mga pagkain o di kaya ay mailako roon maliban na ito ay kanilang bilhin. Hindi nila pahihintulutan ang anuman sa mga ito na makarating sa Banu Hashim upang nang sa gayon ay marinig ang tinig ng mga kababaihan na lagpas sa bangin na sumisigaw sa gutom. Dinagdagan pa nila ang pagpapahirap sa mga yumakap sa Islam na hindi nanatili sa bangin at ginawa nilang mga bilanggo. Ang pagpapahirap ay napakalubha na labis nilang dinamdam. Kapag sumasapit ang gabi at ang mga tao ay magkakanya-kanya na sa pagtulog, ipag-uutos ni Abu Talib sa Mensahero ng Allah  na matulog sa kanyang higaan upang sa gayon ay makita ito ng kahit na sino na nagnanais na paslangin siya. At kapag tulog na ang mga tao, ipag-uutos niya sa isa sa kanyang mga anak, kanyang mga kapatid o kanyang mga pamangkin na matulog sa higaan ng Mensahero ng Allah  at ipag-uutos sa kanya na matulog sa isa sa kanilang mga higaan. Dahil dito, si Abu Talib ay nakabuo ng ilang mga talata ng tula na kilala bilang ‘Qaseedah Al-Lamiyyah’ na naging tanyag: Nang makita ko ang mga tao na walang pagmamahal At pinutol nila ang lahat ng paraan ng pakikipag-ugnayan, At nagpahayag ng pakikipag-away at pananakit At sinunod ang mga utos ng kalaban, Ako ay nagtimpi sa kanila at naging mabait at naging maunawain katulad 57


ng inaasahan mula sa aming kultura. Inilapit ko ang aking pamilya sa Bahay ng Allah, At pinanindigan ang takip (ng Ka’bah) upang iugnay (sa Allah), Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng sangkatauhan mula sa kasamaan ng bawa’t mapanirang-puri, At sa bawa’t tao na magdudulot sa amin ng mga mungkahing masama, At mula sa isang nagpapakita ng kanyang galit at poot para sa amin, At para sa isa na nagtatangi ng relihiyon na kung saan ay hindi bahagi nito, Sa pamamagitan ng (Bundok ng) Thawr at sa Kanya na naglagay ng (Bundok ng) Thabir sa lugar nito, At sa kanya na umakyat at bumaba mula sa Hira’, At sa pamamagitan ng Bahay (ng Allah) – sa pamamagitan ng karapatan ng Bahay na nasa gitna ng Makkah, At sumusumpa ako sa pamamagitan ng Allah, ang Allah ay hindi nagbabalewala, At (sumusumpa ako) sa pamamagitan ng Itim na Bato kapag kanila itong pinunasan, At ikutan ito sa tanghali at sa hapon, At (sumusumpa ako) sa pamamagitan ng bakas ng paa ni Abraham sa putik, Na ginawa niyang tumindig ng nakayapak, na magkapantay, At (sumusumpa ako) sa mga pagligid sa pagitan ng As-Safa at AlMarwah, At sa mga larawan at rebulto na naroroon, At sa pamamagitan ng pinakamalayong himpilan kapag sila’y pabalik mula rito, At sa pamamagitan ng bawa’t manlalakbay sa Bahay ng Allah, Kasama na ang bawa’t mangangabayo, bawa’t taong nagpupuno ng isang pangako at bawa’t naglalakad, At sa pamamagitan ng gabi ng pagtitipon at ang mga himpilan sa daanan ng Mina, Mayroon pa bang higit na sagrado at mas mataas na kalagayan? At matapos (ang panunumpa sa pamamagitan) ng mga bagay na ito, Mayroon pa bang hihigit na kanlungan sa pamamagitan ng mga bagay na ito? At ang isa ba na naghahangad ng kanlungan at natatakot sa Allah ay makatarungan? Kayo (O Quraish) ay nagsinungaling, sa pamamagitan ng Bahay ng Allah, hindi namin lilisanin ang Makkah, At magsihayo, sapagka’t ang inyong pamamahala ay nakalilito, 58


Nagsinungaling kayo, sumusumpa kami sa pamamagitan ng Bahay ng Allah, hindi namin pababayaan si Muhammad, Pangangalagaan namin siya at makikipaglaban para sa kanya, At hindi namin siya isusuko sa inyo hanggang sa kami ay mamatay na nakapalibot sa kanya, Kahit na mapabayaan namin ang aming mga anak at mga asawa, Ang aming mga tao ay lalaban sa inyo na may dalang bakal (espada, atbp.) Itataas ang mga bandila (ng digmaan) sa ibabaw ng nagkakalampagang mga baluti. At kami ay nangangako, sumpa man sa Allah, na kung maganap ang aking inaasahan, Ipaghahalo namin ang aming mga espada sa aming mga kalaban, Sa mga kamay ng isang kabataan na isang bulalakaw… Ang aking kapatid ay makatotohanan, nangangalaga sa katotohanan at isang matapang, Walang bansa na magpapabaya sa isang pinuno Na nangangalaga sa dangal maliban sa yaong naghiwalay sa kanya o di kaya ay naiiba, Walang-bahid at kagalang-galang, naghahangad ng ulan sa pamamagitan ng kanyang paninindigan, Kaibigan ng mga ulila at tagapangalaga ng mga balo, Ang natatakot at mahina mula sa angkan ng Hashim ay tumatakbo sa kanya, Sa kanyang paningin sila ay pinagpipitaganan at iginagalang, ‘Utbah, huwag makinig sa sinasabi ng aming kalaban tungkol sa amin, Paninibugho, hindi makatotohanan, pagkapoot at pagiging taksil, Dinaanan ako ni Abu Sufyan ng may paghamak, Gayundin ang mga pinuno mula sa mga mahilig makipagtalo, Tumakbo kayo sa Najd at doo’y malamig ang tubig, At iniisip mo na hindi ko alam ang tungkol sa iyo, Si Mut’im, sinabi ng mga tao sa iyo ang kanilang pakay, Subali’t kung ako’y masasakmal, hindi mo kakainin ang hain, Gantimpalaan nawa ng Allah sina ‘Abdu Shams at Nawfal Para sa ginawa nila laban sa amin, ng isang malupit na kaparusahan sa 59


nalalapit sa halip ng pagkalipas, ‘Abdu Manaf, ikaw ang pinakahigit sa iyong mamamayan, Kaya’t huwag iuugnay ang bawa’t makasalanan bilang katambal ng inyong relihiyon, Hanggang kamakailan, ikaw ang panggatong para sa palayok, At ngayon ikaw ang tagapagdala ng panggatong para sa mga palayok at kaldero, Sa bawa’t kaibigan at kaanak na inaasahan natin ng tulong, Subali’t sa pagdating ng huli, nakita namin na ito ay walang pakinabang, Maliban na ang pangkat mula kay Kilab bin Murrah, Ay nagpahayag na sila ay walang kinalaman sa mga taong nagpabaya sa amin, Anong husay na tao ang pamangkin ng tribu, na hindi nagsisinungaling, Zuhair, isang kakaibang espada mula sa … Sa pamamagitan ng aking buhay, pinagkalooban ako ng mahirap na tungkulin sa pag-aalaga Sapagka’t si Ahmad at ang kanyang mga kapatid (sa pananampalataya), (Siya ay) ang landas ng kanilang pagmamahal na nagpapanatili ng malapit na mga ugnayan, Sino kaya ang makatutulad niya na maaari naming asahan sa aming mga pag-asa, Kung ang mga hurado ay ihahambing siya sa mga iba? (Siya ay) mabait, mahal at makatarungan – hindi salawahan, Naniniwala siya sa isang Diyos na hindi nagpapabaya, Sumpa man sa Allah, kung hindi lamang ako magdurusa ng panlalait, Mula sa aming nakatatanda sa mga lugar ng tagpuan, Susundan ko siya sa lahat ng pagkakataon, Sa lahat ng sandali sa lahat ng kapahamakan, Alam nila na ang aming mga anak ay pinalaki namin na maging makatotohanan, At hindi siya nababahala sa sinasabing mali ng mga tao, Binantayan ko siya at pinangalagaan ko siya, At ipinagtanggol siya kasama ng aking pamilya at ng aming mga buhay.

Ang pagpapawalang-bisa ng kasulatan Matapos ito, si Hisham bin ‘Amr mula sa tribu ng Banu ‘Amr bin Lu’ayy – na palaging nakikipagtagpo ng palihim kung gabi sa mga Banu Hashim sa may 60


bangin na may dalang pagkain – ay nagpunta kay Zuhair bin Abi Umayyah Al-Makhzumi – na ang kanyang ina ay si ‘Atikah bint ‘Abdul Muttalib – at nagsabi: “O Zuhair! Masaya ka ba na kumain at uminom gayung ang iyong mga amain ay nasa mga kalagayan na iyong nababatid?” Kanyang sinabi: “Mahiya ka! Anong magagawa ko kung nag-iisa lamang ako? Subali’t sumpa man sa Allah, kung mayroon lamang isang tao na kasama ko ay kikilos ako na mapawalang-bisa ito.” Siya (hal. Hisham) ay nagsabi: “Ako (ang pangalawa).” Siya ay nagsabi: “Kailangan natin ng pangatlo.” Si Hisham ay nagsabi: “(Ano kaya si) Abul Bakhtari bin Hisham?” Siya ay nagsabi: “Kailangan natin ng pang-apat.” Si Hisham ay nagmungkahi: “Si Al-Mut’im bin ‘Adiyy.” Siya ay nagsabi: “Kung gayon ay magtipon sa Al-Hajun (isa sa mga pasukan ng Makkah) at gumawa ng kasunduan na itaguyod ang pagpapawalang-bisa ng kasulatan.” Si Zuhair ay nagsabi: “Pangungunahan ko ito.” Kaya’t sila ay nagtungo sa Ka’bah at natagpuan ang mga Quraish na nakaupo sa palibot nito. Nanawagan si Zuhair: “O mamamayan ng Makkah, kumakain tayo ng ating pagkain, umiinom ng ating mga inumin, at nagsusuot ng ating mga damit samantala ang Banu Hashim ay namamatay; sumpa man sa Allah, hindi ako titigil hanggang hindi napapawalang-bisa ang di-makatarungang kasulatan ng boykot na ito.” Si Abu Jahl ay sumagot: “Nagsisinungaling ka! Sumpa man sa Allah hindi ito mapapawalang-bisa!” Si Zam’ah ay nagsabi: “Ikaw, sumpa man sa Allah, ay mas malaking sinungaling! Hindi kami sumang-ayon dito na ito ay isulat noong panahon na inyong itinakda.” Si Abul Bakhtari ay nagsabi: “Si Zam’ah ay nagsasabi ng katotohanan. Hindi namin tinatanggap ang nasasaad dito o di kaya kinikilala namin ito.” Si Al-Mut’im bin ‘Adiyy ay nagsabi: “Kayo (Zam’ah at Abul Bakhtari) ay nagsabi ng katotohanan at sinuman na iba ang sabihin ay nagsinungaling. Ipinahahayag namin sa Allah ang aming kawalang-malay dito at sa mga nilalaman nito.” At si Hisham bin ‘Amr ay nagsabi din ng gayon. Sumagot si Abu Jahl: “Ang usaping ito ay napagkasunduan matapos ang gabi ng sanggunian sa isang pook maliban dito.” Pagkatapos ay nagpadala ang Allah ng mga anay upang kainin ang kanilang kasulatan at kinain ng mga ito ang lahat ng mga Pangalan ng Allah na walang tinira maliban lamang sa mga salitang Shirk, di-makatarungan at boykot. Pagkatapos ay ipinabatid ng Allah sa Kanyang Mensahero kung ano ang nangyari sa kanilang kasulatan at binanggit niya ito sa kanyang amain na nagsabi: “Hindi, sa pamamagitan ng mga bituin, hindi ka nagsinungaling

61


sa akin.” Kaya’t siya ay lumisan kasama ang isang pangkat mula sa Banu ‘Abdil Muttalib at nagtuloy sa Masjid na natagpuan itong puno ng mga Quraish; nang sila ay kanilang makita, inakala nila na kanilang kinalimutan ang paghihirap dulot ng boykot at nagpunta upang isuko ang Mensahero ng Allah  sa kanila. Nagsalita si Abu Talib: “May isang bagay na nangyari na maaaring mag-ayos sa pagitan namin at ninyo, ilabas ang inyong kasulatan.” Sinabi niya ito nang may pangangamba na maaaring tingnan muna nila ito bago nila ilabas at kung gayon ay hindi na nila ilalabas. Ito ay kanilang inilabas ng may pagmamalaki at pagyayabang, walang pagaalinlangan na ang Mensahero ng Allah  ay isusuko sa kanila. Sila ay nagsabi: “Dumating na ang takdang panahon sa inyo na magbalik sapagka’t mayroong panganib na ang inyong mamamayan ay maglaho.” Si Abu Talib ay nagsabi: “Bibigyan ko kayo ng isang mainam na mungkahi: Ipinabatid sa akin ng aking anak (hal. ang Propeta ) – at hindi siya nagsinungaling sa akin – na ang Allah, ang Makapangyarihan, ay walang kinalaman sa kasulatang ito na nasa inyong mga kamay, na Kanyang binura ang lahat ng Kanyang mga Pangalan mula dito at iniwan lamang Niya ang mga salita ng inyong mga kataksilan at boykot. Sa gayon kung ang sinasabi niya ay totoo, hindi namin siya isusuko sa inyo hangga’t may nabubuhay sa amin. Subali’t kung ang sinasabi niya ay hindi totoo, isusuko namin siya sa inyo at maaari ‘nyo siyang patayin o hayaang mabuhay.” Kanilang sinabi: “Tinatanggap namin.” At nang buksan nila ang kasulatan, natagpuan nila ito kung papaano niya ito ipinabatid sa kanila, sila ay nagsabi: “Ito ay isang pangungulam mula sa inyong kasama (Muhammad).” Sila ay nasawata dahil dito subali’t di nagtagal ay nagbalik kaagad sa kanilang mga masasamang gawa. At yaong mga nakipagkasundo (upang mapawalang-bisa ang kasulatan) ay nagsalita – katulad ng nabanggit – at si Abu Talib ay bumigkas ng ilang tula ng pagpuri sa mga taong gumawa ng kasunduan na ipawalang-bisa ang kasulatan: Gantimpalaan nawa ng Allah ang pangkat sa Al-Hajun, Na nagtulungan sa bawa’t isa, Hanggang sa makaharap nila ang mga tao, Ginabayan sa pamamagitan ng tibay ng loob, Sila’y umupo sa Al-Hajun, Na para bang nakikipagpulong, Subali’t sa katotohanan, sila’y kasama sa isang layon, 62


Higit na dakila at mas kapuri-puri kaysa rito. Kaya’t nilisan ng Banu Hashim ang kanilang bangin at malayang nakihalubilo sa mga tao; ang kanilang paglisan dito ay nasa ikasampung taon ng Pagkapropeta at si Abu Talib ay binawian ng buhay anim na buwan matapos ang lahat nang ito.

63


KABANATA – 12

Ang kamatayan ni Khadijah at Abu Talib Si Khadijah, ang Ina ng mga Mananampalataya ay binawian ng buhay ilang araw matapos si Abu Talib. Ang mga pang-aapi na ipinadarama nila sa Mensahero ng Allah  ay nadagdagan matapos ang kanilang kamatayan. Sila ay nagpapakita ng kasamaan ng ugali sa kanya at nagpapakita ng karahasan laban sa kanya. Pinagtangkaan nilang patayin ang Mensahero ng Allah  subali’t pinigilan sila ng Allah na gawin ito. Si ‘Abdullah bin ‘Amr bin Al-‘As ay nagsabi: “Pinuntahan ko sila at natagpuan ko na ang mga kilala mula sa kanila ay nagtipon sa Al-Hijr na binabanggit ang pangalan ng Mensahero ng Allah : ‘Ang pasensiya namin sa kanya ay hindi na mapapantayan: Hinamak niya ang aming pasensiya at pagtitimpi, nilait ang aming mga ninuno at pinaghiwalay ang aming lipunan…’ at habang sinasabi nila ito, siya ay dumating at humipo sa panulukan ng Yemeni at nang mapadaan siya sa kanila, nagsimula silang sumulyap sa kanya.” Naiulat sa isang Hadith na sinabi niya sa kanila sa pangalawang pag-ikot: “Binabalaan ko kayo ng kamatayan.” Sinabi nila sa kanya: “O Abul Qasim! Hindi ka isang mangmang na tao (na sabihin kung ano ang sinabi mo), kaya’t umalis ka nang maayos.” Sila ay nagtipon ng sumunod na araw at nagsabi: “Sinabi mo ang sinabi mo hanggang sa siya ay dumating sa iyo kung ano ang iyong kinasusuklaman at pagkatapos ikaw ay tumigil.” Habang sila ay magkakaharap, siya ay nagpakita sa kanila at nagsabi: “Puntahan mo siya ng nag-iisa sapagka’t nakita ko si ‘Uqbah bin Abu ‘Uqbah bin Abu Mu’ait na hinahawakan ang kanyang laylayan…” si Abu Bakr ay tumayo sa tabi niya na umiiyak habang nagsasabi na: “Papatayin mo ba ang isang taong nagsasabi: Ang aking Panginoon ay ang Allah. At sa Hadith ni Asma’, nasabi na: “Sinigawan ng mga tao si Abu Bakr: ‘Puntahan mo ang iyong mga kasama!’ Kaya’t iniwanan niya kami, siya ay may apat na tirintas sa kanyang ulo. Umalis siya na nagsasabi: ‘Kapighatian sa inyo! Papatayin ‘nyo ba ang taong nagsasabi na: “Ang Allah ang aking Panginoon”? Kaya’t iniwanan siya nila at nagtungo kay Abu Bakr, siya ay nagbalik sa amin na nangangakong hindi niya gagalawin ang tirintas ng kanyang buhok hangga’t hindi siya bumabalik na kasama niya.” 64


Sa ibang pagkakataon, siya ay nagdarasal malapit sa Bahay nang ang grupo ng mga kilalang tao sa kanila ay nakita siya at ang isa sa kanila ay lumapit sa kanya na may dalang mga bituka ng kinatay na hayop at inihahagis sa kanyang likuran. Alam nila ang kanyang pagiging makatotohanan at ang kanyang katapatan na ang kanyang dala ay katotohanan subali’t katulad ng tinuran ng Allah:

َّ َّ َ َ َ َ ُ ّ َ ُ َ ْ ُ َّ َ َ ُ ُ َ َّ‫َ ْ َ ْ َ ُ َّ ُ يَ َ ْ ُ ُ َ ذ‬ ّ‫ه‬ َ ‫الظالِم‬ َ ‫آي‬ ‫ب‬ ‫ني‬ ‫كن‬ ِ‫ات الل‬ ِ ِ ِ ِ ‫قد نعلم إِنه لحزنك الِي يقولون فإِنهم ال يكذِبونك ول‬ َ َ َْ‫ج‬ ‫ح ُدون‬ ‫ي‬ “Hindi kayo ang kanilang itinatatwa, subali’t ito ang mga talata (sa Qur’an) ng Allah na itinatatwa ng mga Dhalimun (mga sumasamba sa diyusdiyusan at mapaggawa ng masama).” Surah Al-An’am 6:33 Si Az-Zuhri ay nag-ulat na si Abu Jahl at ang pangkat ng kanyang tagatangkilik – kasama na si Al-Akhnas bin Sharif – isang gabi ay narinig niya ang pagbigkas ng Mensahero ng Allah  at siya ay nagsabi kay Abu Jahl: “O Abul Hakam! Ano sa palagay mo ang tungkol sa narinig mo mula kay Muhammad?” Siya ay nagsabi: “Kami at ang Banu ‘Abdi Manaf Ash-Sharaf ay nagpaligsahan sa isa’t isa: Kami ay nagpakain at sila ay nagpakain, kami ay tumulong at sila ay tumulong, kami ay nagbigay at sila ay nagbigay hanggang sa kami ay nagsiluhod at para kaming dalawang mga kabayo sa isang karerahan at kanilang sinabi: “Mayroong isang Propeta na mula sa amin na sa kanya ay dumating ang Kapahayagan mula sa langit!” Papaano kami makikipagdaigan kung ganito? Sumpa man sa Allah, hindi kami makikinig sa kanya at hindi kami maniniwala sa kanya!” Sa ibang salaysay, nasabi na: “Katiyakan, alam ko na ang kanyang sinasabi ay katotohanan, subali’t ang Banu Qusai ay nagsabi: “Wala ba tayong (Dar) An-Nadwah?” Kami ay nagsabi: “Oo.” Sila ay nagsabi: “At wala ba tayong Hijabah?” Kami ay nagsabi: “Oo.” Sila ay nagsabi: “At wala ba tayong Saqayah?” Kami ay nagsabi: “Oo.” at ipinagpatuloy niya ang nalalabi sa Hadith.”

65


QUR'AN



NILALAMAN Pahina Aralin 1 Surat Al-Fatiha (Ang Pambungad)

4

Aralin 2 Surat An-Nas (Ang Sangkatauhan)

5

Aralin 3 Surat Al-Falaq (Ang Bukang-liwayway)

6

Aralin 4 Surat Al-Ikhlas (Ang Kadalisayan)

7

Aralin 5 Surat Al-Masad (Ang Lubid ng Palmera)

8

Aralin 6 Surat An-Naser (Ang Tulong)

9

3


Aralin – 1

‫سورة الفاحتة‬

ّ‫ْ ه‬ َ ‫ال ْم ُد هّللِ َر ّب الْ َعالَم‬ َّ ‫الر مْح َـن‬ َّ ِ‫الل‬ َّ ‫الر مْحـن‬ َّ )٢( ‫ني‬ َ ْ‫) ح‬١( ‫الرحِي ِم‬ ‫بِس ِم‬ ‫الرحِي ِم‬ ِ ِ ِ ِ َ َ َ ْ َ َ َ ْ َّ َّ َ ُ ‫) إياك نع ُب ُد وإياك نستع‬٤( ‫ادلِين‬ ّ ‫) مـال ِ​ِك يَ ْو ِم‬٣( ‫) اهدِنــــا‬٥( ‫ني‬ ِ ِ ِ ِ َ َ َ َ ْ َ َ َ َ َ َّ‫َ َ ذ‬ ُ َ َ ‫الم‬ ُ ‫الص َاط‬ َ ِ‫ستق‬ َ ِ‫ّ ر‬ ‫وب َعلي ِه ْم َوال‬ ‫غض‬ ‫الم‬ ‫ري‬ ‫غ‬ ِ‫) ر‬٦( ‫يم‬ ِ ِ ‫صاط ال ِّين أنعمت علي ِهم‬ َّ َ ‫الضال‬ )٧( ‫ِني‬ Transliteration

SURAT AL-FATIHAH (Kabanata 1) 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

BISMIL-LAHIR-RAHMANIR-RAHIM ALHAMDU LILLAHI RABBIL-‘AALAMIN AR-RAHMAANIR-RAHIM MAALIKI YAWMID-DIN ‘IYYAKA NA’BUDU WA ‘IYYAKA NASTA’IN IHDINAS-SIRAATAL-MUSTAQIM SIRAATAL-LADHINA ‘AN’AMTA ‘ALAYHIM GHAYRIL-MAGHDUBI ‘ALAYHIM WA LAD-DAALIIN Kahulugan

(ANG PAMBUNGAD)

1. Sa Panimula ay ang pangalan ng Allah, ang Pinkamapagpala, ang Pinakamahabagin. 2. Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa Allah lamang, ang Panginoon ng ‘Alamin (sangkatauhan, jinn, at lahat ng nananatili). 3. Ang Pinakamapagpala, ang Pinakamahabagin. 4. Ang Tanging Nagmamay-ari (at ang Tanging Hukom na Mamumuno) sa Araw ng Pagtutuos (hal. Araw ng Muling Pagkabuhay). 5. Ikaw (Lamang) ang aming sinasamba, at Ikaw (Lamang) ang hinihingian namin ng tulong (sa bawa’t anuman at lahat ng bagay) 6. Igabay kami sa Tuwid na Landas. 7. Sa Landas ng mga pinagkalooban Mo ng Pagpapala, hindi (ang landas) ng mga nakamit ang Iyong Galit, o di kaya’y ang landas ng mga nangaligaw. 4


Aralin – 2

‫سورة انلاس‬ ‫بسم اهلل الرمحن الرحيم‬ َ‫ه‬ ُ ُ َ ُْ َ ّ َّ َّ َّ َ ِ ‫) إِلِ انل‬٢( ‫اس‬ ِ ‫ِك انل‬ ِ ‫ب انل‬ )٣( ‫اس‬ ِ ‫) مل‬١( ‫اس‬ ِ ‫قل أع ْوذ بِر‬ ْ‫خ‬ َّ‫ذ‬ َّ َ ‫اس‬ ّ َ‫مِن ر‬ ِ َّ‫) الِي يُ َو ْسوِ ُس يِف ُص ُدورِ انل‬٤( ‫اس‬ ِ ‫الن‬ ِ ‫ش ال َو ْس َو‬ )٥( ‫اس‬ ِ ْ‫َ ج‬ ِ َّ‫ال َّنةِ َو انل‬ )٦( ‫اس‬ ِ ‫مِن‬ Transliteration

SURAT AN-NAS (Kabanata 114) BISMIL-LAHIR-RAHMANIR-RAHIM 1. QUL ‘A‘UDHU BI-RABBIN-NAS 2. MALIKIN-NAS 3. ‘ILAHIN-NAS 4. MIN SHARRIL-WASWASIL-KHANNAS 5. ALLADHI YUWASWISU FI SUDURIN-NAS 6. MINAL-JINNATI WANNAS

Kahulugan (ANG SANGKATAUHAN) 1. 2. 3. 4.

Sabihin: “Nagpapakupkop ako sa (Allah) Panginoon ng sangkatauhan, Ang Hari ng sangkatauhan – Ang Ilah (Diyos) ng sangkatauhan, Mula sa kasamaan ng mga nagbubulong na nagpapabaya (mula sa kanyang pagbubulong) 5. Na nagbubulong sa mga puso ng sangkatauhan. 6. Mula sa mga jinn at mga tao.

5


Aralin – 3

‫سورة الفلق‬

‫بسم اهلل الرمحن الرحيم‬ َ َ‫ا‬ ُ ُ َ ُْ َ َ‫ر‬ َ ‫ش غسِق إذا َوق‬ ّ ‫) َومِن‬٢( ‫ش َما َخلَ َق‬ ّ َ‫) مِن ر‬١( ‫وذ ب َر ّب الْ َفلَق‬ )٣( ‫ب‬ ِ ٍ ِ ِ ‫قل أع‬ ِ ِ ِ ْ َ َ َّ ّ َ‫ر‬ َُ َ َ ّ َ‫ر‬ )٥( ‫ش َحاس ٍِد إِذا َح َس َد‬ ِ ‫ش انلَّفاث‬ ِ ‫) ومِن‬٤( ‫ات يِف العق ِد‬ ِ ‫ومِن‬ Transliteration

SURAT AL-FALAQ (Kabanata 113) 1. 2. 3. 4. 5.

BISMIL-LAHIR-RAHMANIR-RAHIM QUL ‘A‘UDHU BI-RABBIL-FALAQ MIN SHARRI MA KHALAQ WA MIN SHARRI GHASIQIN IDHA WAQAB WA MIN SHARRIN-NAFATHATI FIL-‘UQAD WA MIN SHARRI HASIDIN IDHA HASAD Kahulugan

(ANG BUKANG-LIWAYWAY) 1. Sabihin: “Nagpapakupkop ako sa (Allah) Panginoon ng bukangliwayway, 2. Mula sa kasamaan ng kung ano ang Kanyang nilikha. 3. At mula sa kasamaan ng pagsapit ng dilim kapag ito ay lumalaganap. 4. Mula sa kasamaan ng mga nagbubulong na nagpapabaya (mula sa kanyang pagbubulong) 5. Na nagbubulong sa mga puso ng sangkatauhan. 6. Mula sa mga jinn at sangkatauhan

6


Aralin – 4

‫سورة اإلخالص‬ ‫بسم اهلل الرمحن الرحيم‬ َ ُ َّ‫ُ ْ ُ ه‬ َ َ َّ‫ه‬ َْ‫لد‬ َّ َ ُ ِْ‫د‬ َ ٌ ُ ْ ْ ُ َ َ )٣( ‫) لم يل ولم يو‬٢(َ ‫) الل الصمد‬١( ‫قل ه َو الل أحد‬ َ ُ ُ َّ‫ُ ه‬ )٤( ‫َول ْم يَكن ُل كف ًوا أ َح ٌد‬ Transliteration

SURAT AL-IKHLAS (Kabanata 112) BISMIL-LAHIR-RAHMANIR-RAHIM 1. QUL HUWAL-LAAHU ‘AHAD 2. ALLAAHUS-SAMAD 3. LAM YALID WA LAM YULAD 4. WA LAM YAKUL-LAHU KUFUWAN ‘AHAD Kahulugan

(ANG KADALISAYAN) 1. 2. 3. 4.

Sabihin: “Siya ang Allah, (ang) Nag-iisa.” Allah – ang sandigan ng lahat ng nilikha. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak At walang makapapantay o maihahambing sa Kanya.

7


Aralin – 5

‫سورة املسد‬ ‫الرمحن الرحيم‬ ‫بسم اهلل‬ َ ُ‫ه‬ َ ْ َ َ َ َ َ َ َ ْ َّ َ ْ َ َ‫ى‬ َ َ َ ُ َّ َ َ َ ُ )٢( ‫) ما أغن عنه مال وما كسب‬١( ‫ب وتب‬ ‫تبت يدا أ يِب له‬ َ​َ َ َ ً َ َ‫ٍ َ َ ْ ى‬ )٣( ‫ب‬ ٍ ‫َ َ حْسيصل نارا ذات له‬ ٌْ َ َ َ‫َ ْ َ َ ُ ُ م‬ َّ َّ ّ َ َ َ )٥( ‫جيدِها حبل مِن مس ٍد‬ ِ ‫) يِف‬٤( ‫ب‬ ِ ‫وامرأته حالة الط‬

Transliteration

SURAT AL-MASAD (Kabanata 111) 1. 2. 3. 4. 5.

BISMIL-LAHIR-RAHMANIR-RAHIM TABBAT YADA ‘ABI LAHABIYU WA TABB MA ‘AGHNA ‘ANHU MALUHU WA MA KASAB SAYASLA NARANDHATA LAHAB WAMRA ‘ATUHU HAMMALATAL-HATAB FI JIDIHA HABLUM-MIM-MASAD. Kahulugan

(ANG LUBID NG PALMERA) 1. Mawalan ng mga kamay si Abu Lahab (ang amain ng Propeta at siya ay mamatay). 2. Ang kanyang kayamanan at mga anak ay hindi niya pakikinabangan! 3. Siya ay susunugin sa apoy na naglalagablab. 4. Gayundin ang kanyang asawa, na magdadala ng mga panggatong (mga tinik ng Sa’dan na kanyang inilalagay sa daanan ng Propeta, ang ginagamit sa panunuya sa kanya). 5. Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad (palmera)

8


Aralin – 6

‫سورة انلرص‬ ‫اهلل الرمحن الرحيم‬ ‫بسم‬ َ َ ُ ْ َ ُ ْ َ َ َّ َ ْ َ َ َّ‫ه‬ َّ‫َ َ َ رْ ُ ه‬ ً ‫اللِ أف َو‬ ُ ْ‫اللِ َوالْ َفت‬ ‫إِذا جاء نص‬ )٢( ‫اجا‬ ‫ِين‬ ‫د‬ ‫ف‬ ‫ون‬ ‫ل‬ ‫خ‬ ‫د‬ ‫ي‬ ‫اس‬ ‫انل‬ ‫ت‬ ‫ي‬ ‫أ‬ ‫ر‬ ‫و‬ )١( ‫ح‬ ِ‫ي‬ ِ َ‫ا‬ َ ْ َّ َ َ َ َ ْ ‫ف َس ّب ْح ب ْمد َر ّبك َو‬ )٣( ‫اس َتغ ِف ْرهُ إِن ُه كن ت َّوابًا‬ ِ ِ ِ‫ِ ح‬ Transliteration

SURAT AN-NASR (Kabanata 110) BISMIL-LAHIR-RAHMANIR-RAHIM 1. IDHA JA ‘ANASRUL-LAHI WAL FATH 2. WA RA ‘AYTAN-NASAYADKHULUNA FI DINIL-LAHI ‘AFWAJA 3. FA SABBIH BIHAMDI RABBIKA WASTAGFIRH; ‘INAHU KANA TAWWABA Kahulugan

(ANG TULONG) 1. Kapag dumating ang tulong ng Allah (sa iyo O Muhammad laban sa iyong mga kaaway) at ang Pananakop (ng Makkah) 2. At makikita mo ang mga tao na maramihang magsisipasukan sa relihiyon ng Allah 3. Kaya’t, ipagbunyi ang mga Papuri ng iyong Panginoon at hilingin ang Kanyang kapatawaran. Katiyakan, Siya ang palagi nang tumatanggap ng pagsisisi at ang nagpapatawad.

9


ARABIC



NILALAMAN Pahina Aralin 1 Ang Alfabetong Arabik (1-10)

4

Aralin 2 Ang Alfabetong Arabik (11-20)

5

Aralin 3 Ang Alfabetong Arabik (21-30)

6

Aralin 4 Mga katinig “a” (Fatha)

7

Aralin 5 Mga katinig “i” (Kasrah)

8

Aralin 6 Mga katinig “u” (Dammah)

9

3


Aralin – 1

ANG ALFABETONG ARABIK ( 1 – 10)

ALIF BA TA THA JIM HA KHA DAL DHAL RA

‫ا‬ ‫ب‬ ‫ت‬ ‫ث‬ ‫ج‬ ‫ح‬ ‫خ‬ ‫د‬ ‫ذ‬ ‫ر‬

SAULUHIN AT SANAYIN SA PAGSUSULAT ANG NASA ITAAS NA ARALIN.

4


Aralin – 2

ANG ALFABETONG ARABIK ( 11 – 20)

ZA SIN SHIN SAD DAD TA DHA ‘AYN GHAYN FA

‫ز‬ ‫س‬ ‫ش‬ ‫ص‬ ‫ض‬ ‫ط‬ ‫ظ‬ ‫ع‬ ‫غ‬ ‫ف‬

SAULUHIN AT SANAYIN SA PAGSUSULAT ANG NASA ITAAS NA ARALIN.

5


Aralin – 3

ANG ALFABETONG ARABIK ( 21 – 30)

QAF KAF LAM MIM NUN WAW HA HAMZAH YA YA

‫ق‬ ‫ك‬ ‫ل‬ ‫م‬ ‫ن‬ ‫و‬ ‫هـ‬ ‫ء‬ ‫ي‬ ‫ى‬

SAULUHIN AT SANAYIN SA PAGSUSULAT ANG NASA ITAAS NA ARALIN.

6


Aralin – 4

MGA KATINIG Mayroong anim na mga katinig sa Alfabetong Arabik, ang tatlo sa mga ito ay maikli at ang iba pang tatlo ay mahaba. Maikling katinig “a” Katinig “a” (a=

َ Fathah)

( Ja=

‫َذ‬

‫( ) َج‬Ba = ‫ب‬ َ )

Ang tandang ito na nakasulat sa itaas ng titik ng Arabik ay tinatawag na Fathah. ‫ء‬Aa

َ‫أ‬

Dha

Ba

‫ب‬ َ

Ra

Ta

َ ‫ت‬ َ ‫ث‬

Za

Tha

‫َر‬ ‫َز‬

Dha Aa Gha

‫َظ‬

Na

‫َن‬

‫َع‬ ‫َغ‬

Wa

‫َو‬

Ha

‫َهـ‬

Sa

‫س‬ َ

Fa

‫ف‬ َ

Ha

‫َه‬

Ja

‫َج‬

Sha

‫ش‬ َ

Qa

‫َق‬

‫ء‬Aa

‫َء‬

Ha

‫َح‬ ‫َخ‬

Sa

‫ص‬ َ

Ka

‫َك‬

Ya

‫ي‬ َ

Da

‫ض‬ َ ‫َط‬

La

‫َل‬

Ya

‫ى‬ َ

Ma

‫َم‬

Kha Da

َ‫د‬

Ta

SAULUHIN AT SANAYIN SA PAGSUSULAT ANG NASA ITAAS NA ARALIN.

7


Aralin – 5

Maikling katinig “i”

‫( ) ِج‬Bi = ‫ب‬ ِ ) Ang tandang ito na nakasulat sa ibaba ng titik ng Arabik ay tinatawag na

Katinig “i” (i =

ِ

Kasrah)

(Ji =

Kasrah. ‫ء‬Ii

‫ِأ‬

Dhi

‫ِذ‬

Dhi

‫ِظ‬

Ni

Bi

‫ب‬ ِ

Ri

Ii

‫ت‬ ِ

Zi

Thi

‫ث‬ ِ

‫ِع‬ ‫ِغ‬

Wi

Ti

‫ِر‬ ‫ِز‬

Si

Ji

‫ِج‬ ‫ِح‬

Shi

Hi Khi Di

‫ِخ‬ ‫ِد‬

‫س‬ ِ ‫ش‬ ِ

Ghi

Hi

‫ِهـ‬

Fi

‫ف‬ ِ

Hi

‫ِه‬

Qi

‫ِق‬ ‫ِك‬

‫ء‬Ii

‫ِء‬

Yi

‫ِل‬ ‫ِم‬

Yi

ِ‫ي‬ ‫ى‬ ِ

Si

‫ص‬ ِ

Ki

Di

‫ض‬ ِ

Li

Ti

‫ِط‬

Mi

SAULUHIN AT SANAYIN SA PAGSUSULAT ANG NASA ITAAS NA ARALIN.

8

‫ِن‬ ‫ِو‬


Aralin – 6

Maikling katinig “u” Katinig “u” (u =

ُ

Dammah)

(Ju =

‫) ُج‬

(Bu =

ُ‫)ب‬

Ang tandang ito na nakasulat sa itaas ng titik ng Arabik ay tinatawag na Dammah. ‫ء‬Uu

ُ‫أ‬

Dhu

Bu

ُ‫ب‬

Ru

Tu Thu

ُ ‫ت‬ ُ ‫ث‬

Zu

‫ُذ‬ ‫ُر‬ ‫ُز‬

Dhu Uu Ghu

ُ ‫ظ‬

Nu

ُ‫ن‬

‫ُع‬ ‫ُغ‬

Wu

ُ‫و‬

Hu

‫هُـ‬

Su

ُ‫س‬

Fs

ُ‫ف‬

Hu

ُ‫ه‬

Ju

‫ُج‬

Shu

ُ‫ش‬

Qu

‫ُق‬

‫ء‬Uu

‫ُء‬

Hu

‫ُح‬ ‫ُخ‬

Su

ُ‫ص‬

Ku

ُ ‫ك‬

Yu

ُ‫ي‬

Du

ُ‫ض‬ ُ ‫ط‬

Lu

‫ُل‬

Yu

ُ‫ى‬

Mu

‫ُم‬

Khu Du

‫ُد‬

Tu

SAULUHIN AT SANAYIN SA PAGSUSULAT ANG NASA ITAAS NA ARALIN.

9


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.