Sino Siya? Ito ba ay nagmula sa Kristiyanismo?
Siya si Woden (Odin) ng paganong relihiyon na Celtic Druid. Ang kanilang paniniwala sa isang matanda, mahiwaga, naninirahan sa kagubatan na may kakaibang kapangyarihan sa mga hayop at may kakayahan na tuklasin ang mga bagay – at nakalilipad pa, ang napakahusay na dahilan upang siya ay gawing karakter sa mga kathang-isip, mga kuwento at pantasya para sa mga VIKING (mga sinaunang Norse), mga taong NORSE (mga Scandinavian bago ang pananakop ng Kristiyanismo sa Scandinavia) at sa karamihan ng Uropa sa maraming siglo bago pa ang pananakop ng Kristiyanismo sa hilaga. Sino Siya? Saan Siya Nagmula? Si Odin (binibigkas na Woden) sa makabagong Santa – Ang isang masayahin na matandang duwende na nakasuot na pulang kasuutan ng isang saserdote – ay bigla na lang lumitaw. 1) Woden – Ang Pinakamataas na diyos ng Norse, nakasakay sa kanyang lumilipad na kabayo na may 8 (walong) mga binti na kasama ang kanyang mga uwak, ay kumakatawan sa kanyang matalas na memorya at matalinong pag-iisip. 2) Odin - matanda, may balbas, isa ang mata, nakatungkod na matalinong tao na gumagala. 3) Odin – suot ang kulay dugong pagkapula ng kanyang kasuutan, kasama ang kanyang mga uwak at ngayon ay dala ang pugot na ulo na kanyang gabay sa kaalaman, si Mimir. 4) Odin – ang panginoon ng YULE (mga troso) ay lumitaw na walang mga uwak at ulo ni Mimir – na ngayon ay suot ang kanyang korona, nakatungkod, na may banal na hiwaga at isang trosong yule na nakapatong sa kanyang likuran bilang “Ama ng Pasko” – nang katatapos salakayin ng Katolisismo ang lupain ng mga Norse (ang Kagubatan ng Alemang Uropa). 5) Ama ng Pasko – ay naging Patron ng Kawanggawa (pagbibigay aginaldo), Santo Nikolas. Bilang ‘Old Saint Nick’ (o ang Matandang si Santo Niko) na siya ngayon, sa halip na trosong yule ang kanyang pasan-pasan ay puno ng
pino (pine tree) na lang ang kanyang dala-dala at mga laruan para sa mga bata. Ang mga pagawaan ng mga laruan sa tunay
na buhay naman ay nag-umpisa nang mamuhunan sa ganitong konsepto ng negosyo. 6) Santa Claus – nagsisikap na burahin ang kanyang nakaraan. Sa panahon ngayon siya pa rin ang simbolo ng Kapaskuhan na may parehong pangunahing hitsura, na may maliit lamang na mga pagbabago sa kung saan siya ay ang dating si Woden (Odin) ang diyos-ng-digmaan, sa kanyang pulang kasuutan, mayroon pa ring mahabang balbas at itinataguyod ang pagsamba sa puno. Kapalit ng kanyang lumilipad na kabayo na may 8 (walong) mga binti, siya ngayon ay mayroon nang 8 (walong) lumilipad na mga raindeer (o usa) – ito ay mga pantasya ng mga taong Norse – na hatak-hatak ang kanyang mahiwagang kareta sa taas ng mga kabahayan. Si Rudolph at ang kanyang ‘red nose’ ay isang pagbabago sa konsepto ng pasko na idinagdag noong taong 1900, at huwag kayong mag-alala – sila ay marami pang idadagdag Ang Pantasya ng Woden, Panginoon ng kagubatan, panginoon ng digmaan, duwendeng may balbas, suot ang kulay dugong pagkapula ng kanyang kasuutan, kasama ang kanyang mga hayop na lumilipad at ang sikretong kaalaman ay mananatili – hanggang mayroong tindahan ng mga laruan ng bata (at para na rin sa mga malalaki) sa mga nagtitinda (na gumagamit ng credit card) sa buong mundo. Ano ang sinasabi ng mga Tunay na Mananampalataya patungkol kay Santa Claus? Ang mga Kristiyano ay sumasalungat kay Santa Claus dahil na rin sa pagano nitong pinagmulan, walang patunay mula sa mga talata ng Bibliya, o di kaya ay mga kaugalian mula sinaunang Hudyo o Kristiyano. Ni hindi nga tinatanggap ng mga Hudyo si Hesukristo, sumakanya nawa ang kapayapaan, bilang isang ipinanganak na mahimala (samantala ang mga Kristiyano at mga Muslim ay naniniwala), o bilang isang nakagagawa ng himala (ang mga Kristiyano at mga Muslim ay naniniwala) o di kaya ay iniangat sa Diyos (Allah) upang magbalik sa Huling Araw (ang mga Kristiyano at
Muslim ay naniniwala). Kaya’t bakit sila pipilitin na hayaan ang kanilang mga anak na mapabilang sa ganitong mga paganong paniniwala, gayung hindi nila alintana ang kapakinabangan sa “Diwa ni Santa Klaws” o sa “Hiwaga ng Pasko”? Ang mga Ateista at mga agnostiko (yaong mga nagsasabi na maaaring may diyos subali’t hindi nila alam kung sino) ay sumasalungat sa konsepto ng Santa Claus, dahil lang sa ito ay naghahatid ng ilan sa mga hindi kapani-paniwalang mga pangyayari at mga kasinungalingan na lampas sa saklaw ng karaniwang katotohanan. Ang mga Muslim ay sumasalungat din sa idea ng Santa Claus, subali’t sa ibang kadahilanan. Ang Islam ay nagtuturo bilang katotohanan, na si Hesus, ay ang matagal nang hinihintay na Kristo (Arabik – Mesiyah) at siya ang nagpatunay sa mga pangunahing mensahe ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Panginoon ninyong Diyos, ay iisang Panginoon at kinakailangan ninyo Siyang mahalin at Siya lamang nang buo ninyong isipan at nang buong puso at nang buong lakas.” Sa anumang pagkakataon, si Hesus ay simbolo ng isang makapangyarihang kalinangan na hindi maaaring ipagwalangbahala, pero hindi ito nangangahulugan na dapat siyang tanggapin na walang pagtatanong. Mayroong ilan na napakagandang mga kadahilanan na wakasan ang mga maling kaugalian na ito. Kinakailangan ng mga Magulang na magsinungaling tungkol kay Santa Claus: Marahil ang pinaka-seryosong pagsalungat sa di-makalimutang paniniwala kay Santa Claus para sa mga bata ay ang siya rin na pinakamadali: Kinakailangang magsinungaling ng mga Magulang sa kanilang mga anak nang palagian.
Para sa isang Muslim na nakatira sa Kanluran, ang panahon ng pagdiriwang ng Pasko ay isa sa mga nakakapagod na pagkakataon dahil na rin sa pagkakaiba ng mga kaugalian sa pagtanggap dito at ang pangkalahatang pagdiriwang ng mga tao. Kahit na sa mga bansang Muslim, maaaring may hindi pagkakaunawaan sa mga usaping ito para sa kanilang mga kasamahang Kristiyano. Kailangan nating alisin ang ganitong hidwaan upang maitaguyod ang pang-unawa sa Islamikong pananaw tungkol sa paksang ito. Ang salitang Christmas (o Pasko sa wika natin) ay nagmula sa termino ng lumang Ingles na “Cristes maesse, nangangahulugan na Christ’s mass”. Ito ang pangalan ng pista ng paglilingkod na pagsamba na ginagawa sa ika-25 ng Disyembre upang sariwain ang kapanganakan ni Hesus. Subali’t wala namang katiyakan na kaalaman tungkol sa araw ng kanyang pagsilang, kahit na ang taon kung kailan siya ipinanganak. Isa sa dahilan ng pag-aalinlangan sa kaalamang ito ay ang kasaysayan ng kanyang pagsilang, na naitala sa Bagong Tipan sa mga aklat nina Mateo at Lukas, ay naisulat maraming panahon na ang nakalilipas matapos ang kanyang kapanganakan. Yaong mga nagsulat nito ay hindi nakapagbigay ng tiyak na mga petsa para sa mga pangyayari na kanilang isinalaysay. Sa ilang mga siglo ang Simbahang Kristiyano mismo ay nagbigay lamang ng maliit na pansin sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus. Sumusunod lang ito sa Kuwaresma (mahal na araw), Pentekost, at Epiphany (hal. pista ng tatlong hari) – kung ang pag-uusapan lamang ay ang kahalagahan ng Liturhiya. Ang pinakamalaking pagdiriwang ng mga Kristiyano noon ay Kuwaresma; ang araw na si Hesus ay nabuhay na muli. At kailan lamang, nang ang simbahan ay bumuo ng kalendaryo upang gunitain ang mga malalaking kaganapan sa buhay ni Hesus, naging mahalaga ang pagdiriwang ng kanyang kapanganakan. Dahil sa walang kaalaman tungkol sa petsa ng kanyang kapanganakan, kinakailangan nilang pumili ng isang araw. Ang Silangang
Kaugalian (Eastern Orthodox) at ang Simbahan ng Seremonyang Silangan (Eastern Rite Churches) na kabilang sa Simbahan ng Romano Katolika ay pinili ang ika-6 ng Enero. Ang araw na pinangalanang Epiphany, na nangangahulugan ng “paglitaw” (hal. Ang araw ng pangyayari kay Hesus). Ang Simbahang Kanluran naman, na nakabatay sa Roma, ay pinili ang ika-25 ng Disyembre. Ito ay batid mula sa isang pahayag sa sinaunang almanake ng Romano na ang Pasko ay ipinagdiwang noong ika-25 ng Disyembre sa Roma na mas maaga pa sa 336 AD.
Sa kahulihang bahagi ng ika-apat na siglo, ang mga Simbahan ng Silangan at Kanluran ay pinagtibay ang pagdiriwang ng bawa’t isa, magkagayon ay itinatag ng makabagong Kristiyano ang labindalawang (12) araw ng pagdiriwang mula Pasko hanggang Epiphany. Sa ibang mga lugar ang ika-12 araw ay tinatawag na “Pista ng Tatlong Hari” sapagka’t pinaniniwalaan na ang tatlong maalam na kalalakihan, o mga mago, ay dinalaw ang sanggol na si Hesus sa araw na yaon, na may dalang mga aginaldo para sa kanya. Sa kasalukuyan ang Pasko ay higit pa sa isang araw na pagdiriwang o kaya ay ang labindalawang araw na pista. Ito ay bahagi ng isang mahabang bakasyon ng kapaskuhan na sumasakop sa halos buong buwan ng Disyembre. Sa Estados Unidos, ang bakasyon ng kapaskuhan ay nagsisimula sa Araw ng Pasasalamat (Thanksgiving Day) at nagtatapos sa ika-1 ng Enero, Araw ng Bagong Taon, ang panahon na umaabot sa halos limang linggo. Sa katotohanan, ito rin ay isang mahalagang bahagi sa pag-ikot ng negosyo – katiyakan na ang buwan ay maituturing na mahalagang panahon ng bentahan para sa taon.
Ang pagbibigayan ng aginaldo ay isa sa pinakamatandang kaugalian na kaakibat sa Pasko: Magkagayon ay mas matanda pa ito sa mismong Pasko. Nang ang petsa ng Pasko ay naitalaga ng Disyembre, ito ay nagawa bilang bahagi ng pakikipagpaligsahan sa mga sinaunang pista ng mga pagano na naganap din ng mga parehong panahon. Halimbawa, ang mga Romano ay nagdiwang ng Satumalia ng ika-17 ng Disyembre. Ito ay isang pista sa taglamig ng pagsasayahan at pagpapalitan ng aginaldo. Makalipas ang dalawang linggo, sa Bagong Taon ng Romano – ika-1 ng Enero – ang mga bahay ay napapalamutian ng mga halaman at mga ilaw, at ang mga aginaldo ay ibinibigay sa mga bata at mga mahihirap. Nang ang tribu ng mga Aleman sa Uropa ay tumanggap ng Kristiyanismo at nagsimulang magdiwang ng Pasko, sila din ay nagbigay ng mga aginaldo.
Noong unang panahon bago pa ang Kristiyanismo, sa tuwing sumasapit ang pista ng taglamig sila ay gumagamit ng mga halaman, mga ilaw at mga apoy upang kumatawan sa buhay at init sa kalagitnaan ng lamig at kadiliman. Ang gamit ng mga “evergreen” at mga korona bilang mga simbolo ng buhay ay isang lumang kaugalian ng mga Ehipto, mga Intsik at mga Hebreo, kasama ang ilang mga grupo. Ang pagsamba sa puno ay isang pangkaraniwang tampok ng relihiyon mula sa mga grupo ng Tectonic at Scandinavian ng hilagang Uropa
bago pa nila niyakap ang Kristiyanismo. Pinapalamutian nila ang mga tahanan at kamalig ng mga “evergreen” sa Araw ng Bagong Taon upang bugawin ang mga demonyo, at palagian silang nag-aayos ng mga puno tuwing taglamig para sa mga ibon. Para sa mga taga-hilagang Uropa, ang pagdiriwang na ito sa taglamig ay ang pinakamaligayang panahon sa taon sapagka’t ito ay palatandaan na ang pinakamaikling araw ng taon – ay sa dakong ika-21 ng Disyembre – ay lumipas. Batid nila na ang mga araw ay magiging mas mahaba at mas maliwanag. Ang buwan kung saan ang pagdiriwang na ito ay naganap ay pinangalanang YOL, kung saan dito naman hinango ang salitang Ingles na “YULE”. Magkagayon, ang kahulugan ng Yule ay naging Pasko na sa ibang mga Bansa. Sa katotohanan, marami sa mga Kristiyano ang hindi nila naiisip na ang karamihan sa mga bagay ng kanilang pagdiriwang sa Pasko ay talagang nagmula sa kaugaliang Pagano. Ipinagdiwang ng mga Romano ang Pista ng “Araw na Di-malulupig” sa ika-25 ng Disyembre. Ang mga kaparian sa sinaunang simbahan ay pinili ang petsang ito upang ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus, gayong walang tiyak na kadahilanan sa pagpili nito. Gayunpaman, marami sa mga Kristiyanong iskolar ang ipinaglaban na si Hesus ay talagang ipinanganak sa panahon ng tag-init at hindi sa buwan ng Disyembre na panahon ng taglamig. Ang katotohang ito ay alinsunod sa mga salaysay sa Qur’an na sumusunod, sapagka’t mayroong tiyak na tinukoy tungkol sa hinog na datiles na lumalaglag kay Maria (kalugdan nawa siya ng Allah): “At yugyugin mo ang puno ng palmera; malalaglag sa tapat mo ang mga sariwang hinog na datiles.” Qur’an 19:25 Ang pangkaraniwang tema sa mga napakaraming pagdiriwang ng mga Kristiyano ay pagiging katotohanan na ang mga ito ay galing sa mga Paganong pinagmulan. Mukhang ang mga sinaunang mga nakatatanda sa simbahan ay pinili na manatili ang maraming mga pagdiriwang na dati nang nakasanayan at muli nila itong tinukoy sa Kristiyanong pamamaraan, binibigyan nila
ng katuwiran ang mga ito bilang pagdiriwang sa ilang mga aspeto ng aral ng kanilang Iglesiya tungkol sa buhay ni Hesus. Inihahalo nila ang mga bagay na wala namang kaugnayan sa tunay na nangyari kay Hesus at ginagawa nila itong bahagi ng ritwal ng kanilang pagsamba. Sa panahon ngayon, iilan na lamang ang nakababatid ng mga kadahilanan para sa iba’t ibang mga kaugalian na kanilang isinasagawa.
Ang pinakamahalagang usapin para sa mga Muslim sa lahat ng dako ay kung ang Pasko ba ay dapat na ipagdiwang... Maaaring bigyan ng diin ng kanilang mga kasamahan na Krisitiyano na ito ay walang kinalaman sa aspeto ng relihiyon, sa halip kanilang ikakatuwiran na ito ay kinakailangan upang maitaguyod lamang ang ugnayang panlipunan. Maraming beses na ang mga Muslim ay sinasabihan lamang ng mga Kristiyano na huwag isipin ang Pasko bilang isang relihiyosong pagdiriwang sa halip ay isipin lamang na ito ay isang okasyong panlipunan – lalo na sa Estados Unidos. Sa maraming mga kompanya sa Amerika, isang kaugalian na magkaroon ng isang malaking pagdiriwang para sa mga manggagawa sa panahong ito. Ang hindi paglahok dito ay pagpapakita ng hindi mo pakikisama. Kinakailangan niyang akyatin ang hagdan ng tagumpay sa pamamagitan ng pakikisama, at mahirap iwasan ang tumalima sa puwersa ng karamihan. Sa kasamaang-palad, marami sa mga taga-Kanluran na ang pakiramdam nila ay dapat na ipagdiwang ng mga Muslim ang Pasko. Binibigyan nila ng mga halimbawa ang ibang mga hindi-Kristiyano na nagsasagawa nito, kabilang na ang mga Hudyo, Hindu, at iba pa na nakikilahok sa pagkakatuwa. Ikinabibigo nila na maraming
mga Muslim ang hindi tumatalima at ito ay nagbubunga ng hindi nila pakikisama. Nakapanghihinayang na hindi nila inilalapat ang parehong pamantayan sa kanilang mga sarili. Hindi nila inaasahan na pilitin natin sila na makiayon sa ating mga pagdiriwang o di kaya ay tayong mga Muslim ay magbigay ng puwersa sa kanila para lang makisama sa atin. Magkagayon, kinakailangan nating sundin ang talata sa banal na Qur’an 2:256 (na may kapakahulugan) “Kinakailangan na walang sapilitan sa (pagtanggap ng) pananampalataya…” Gayunman, ang pakiramdam ng iba ay tungkulin nila na subukang ipilit ang kanilang pagdiriwang para sa atin. Sa katotohanan, may ibang mga tao na nagsasabi na isa raw insulto na ang mga Muslim ay hindi makipagdiwang sa kanila. Sa ganitong kadahilanan, maaaring tanungin ng Muslim ang isang Kristiyano: “Si Hesus ba o ang ibang mga Propeta ay nagdiwang ng kanilang mga kaarawan?” Kung gayon, anong kapahintulutan ang pinagbatayan mo na ang Pasko ay dapat ipagdiwang? Siyempre, mayroon ding problema para sa mga bata. Sila ay tagtag ng napakaraming mga patalastas para sa mga laruan at lubos na naingganyo kaya’t sila ay nagkakaroon ng isipan na mayroong nakalaang aginaldo sa paanan ng “Christmas Tree” sa araw ng Pasko. Kailangang tanggapin na ang maliwanag na ilaw na may iba’t ibang kulay sa “Christmas Tree” ay isang kaakit-akit na pananaw, na lalo pang nakapag-akit kung mayroong maraming mga nakabalot na aginaldo sa ilalim nito.
ISLAMIKONG KAALAMAN Para sa mga Muslim, ang bawa’t bagay na ginagawa natin ay isang bahagi ng ating pagsamba sa Nag-iisa, ang Pinakamataas na Diyos – at walang naihihiwalay mula sa mga gawaing ito. Hindi natin binibigyan ng pagkakaiba sa pagitan ng mga bagay na walang kaugnayan sa relihiyon at ang mga
relihiyosong gawain. Sa katotohanan, ang katawagang relihiyon ay hindi sumasaklaw sa lahat ng bagay na siyang likas sa Arabik na katawagang “Deen”. Maaari nila tayong tagurian na mga “Pundamentalista”, subali’t mayroon pa bang mas nauna sa panimula (o “pundamental”) kaysa sa pagsasagawa ng ating mga pangunahing pamantayan ng pag-uugali na hindi pabagu-bago sa lahat ng ating ginagawa? Hindi ba’t ito ang pinakamataas na panuntunan? Ang batayan ng ating panuntunan ng pag-uugali ay ang Qur’an, ang nag-iisang tanging Kapahayagan na hindi nagbago, at ang mahigpit na pinatotohanang mga obserbasyon ng mga nagmasid sa Propeta Muhammad na kilala bilang “Hadeeth”. Sa madaling salita, tayong mga Muslim ay sumusunod sa mga ehemplo ni Propeta Muhammad kung saan natin ibinabatay ang ating pang-araw-araw na mga gawain. Kung tutuusin, mayroon lamang dalawang pagdiriwang para sa mga Muslim, ang dalawang Eid: na tinatawag na. “Eid Al-Fitr – ang pagdiriwang sa pagtitigil ng pag-aayuno sa pagtatapos ng Ramadhan, at ang Eid Al-Adha – ang pagdiriwang ng pag-aalay o pagkakatay sa panahon ng Hajj. Dapat nating iwasan ang pagdiriwang ng mga kaarawan (kahit pa na ito ay pangkaraniwang pagtitipon ng mga taga-kanluran) kahit pa ang kapanganakan ng mga propeta pati na rin si Propeta Muhammad, itaas nawa ng Allah ang pagbanggit sa kanila. Nirerespeto ng mga Muslim si Hesus bilang isa sa pinakadakilang mga propeta. Gayunpaman, ay hindi nila ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan o ang kaarawan ng iba pang mga propeta. Kahit pa na ikasama ng mga Kristiyano na ang mga Muslim ay hindi nagdiriwang ng kaarawan o kaya ay nakikipagbatian sa kanila sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, ito ay sa dahilan ng respeto kay Hesus kung kaya’t tayo ay tumatanggi sa pag-ayon sa ganitong mga kagawian. Hindi natin maaaring balewalain ang mga kagawian na sa ating pananaw ay sumasalungat kay Hesukristo at naglalagay sa kanya na sentro ng pagsamba bilang isang kumakatawan na diyos. Sa karagdagan, ang mga
nabanggit na patunay ay nagpapakita na ang mga kaugalian na ito ay walang kaugnayan o anuman kay Hesukristo at sa halip ito ay nagmula sa mga paganong pinagmulan. Tayo ay magtanong! Kinakailangan ba nating ipagdiwang ang kalayuan ng araw sa taglamig? Natatakot ba tayo na ang araw ay hindi na magbabalik sa atin sa kalamigan na ito, kadiliman sa panahon ng taglamig? Ang mga kaugalian ba ng mga pagano sa pagpapalitan ng aginaldo o ang mga simbolo ng pagpapalit (katulad ng mga evergreen) ay isang mahalagang paalaala sa atin na ang tagsibol ay darating muli? Ang materyalismo sa kapanahunang ito, na laganap sa Kanluran, ay isang bagay na karapat-dapat tularan? Ipinaliwanag sa Qur’an ang pinakamahalagang mga bagay na ipagdiriwang. Winika ng Allah (na ang kapakahulugan): “Kaya’t maging mahinahon sa kanilang sinasabi at kilalanin (ang Allah) na may pagpupuri sa iyong Panginoon bago ang pagsikat ng araw at bago ang paglubog nito; at sa kahabaan ng gabi (dakilain Siya) at sa katapusan ng araw, upang kayo ay masiyahan. At huwag ninyong ituon ang inyong mga mata sa mga bagay na binigyan namin ng palamuti, (ito ay mga bagay lamang) ang kagandahan ng makamundong buhay kung saan Namin sila sinusubok. At ang tadhana na ibinigay ng iyong Panginoon ay higit na mabuti at mas higit na walang maliw.” Qur’an 20:130-131 Sa mga Muslim, si Hesus ay isa sa hanay ng mga Propeta (25 sa kanila ang katiyakan na nabanggit sa Qur’an na ang pinakahuli sa kanila ay si Muhammad ). Ang mga propeta at mga mensahero na ito ay ipinadala sa mga partikular na pangkat ng mamamayan, na maliban kay Muhammad kung saan ang kanyang mensahe ay ang pinakahuli na ipinadala (sa anyo ng kapahayagan) para sa kapakinabangan ng buong sangkatauhan. Si Hesus ay isa sa mga mensahero na isinugo sa isang partikular na pangkat ng mamamayan, ang mga angkan ng Israel. Sa kasamaang-palad, maliban lamang sa Qur’an, wala sa alinmang mga naunang mensahe ang napanatiling puro. Lalong higit, wala tayong Ebanghelyo o Injeel na
sang-ayon kay Hesus : Gayunman, mayroon tayong hanay ng mga sulatin na karamihan sa mga ito ay gawa-gawa lamang pagkalipas ni Hesus at pangunahing naimpluwensiyahan ni Pablo. Maraming mga iskolar ng Kristiyano, na sa kanila mismo, sa kasaysayan ay umaamin na ang mga sulating ito ay kahina-hinala ang katotohanan at hindi kumakatawan sa mga pananaw ng mga sinaunang tagasunod ni Hesus. Sa kabaligtaran, ang Huling Kapahayagan, ang Qur’an, ay napanatili ng wasto at naglalaman lamang ng orihinal na teksto ng Arabik. Hindi katulad ng Bibliya ng mga Kristiyano (bigyang-diin natin ang karamihan ng mga salin at pagkakaiba sa pagitan ng mga ito), ang Qur’an ay walang mga pagbabago o di kaya ay mga pagsasalin sa ibang mga wika. Ang paniniwala ng mga Kristiyano ang siyang sumira sa kanilang mga pananagutan, kung gayon, tayo bilang mga Muslim ay hindi palalampasin o di kaya ay makikiayon sa gayon na mga kaugalian. Tandaan natin na ang pagtanggi sa pakikipagdiwang sa Pasko ay hindi kawalan ng galang sa ating mga kasamang Kristiyano, bagaman, ito ay sa pagbibigay ng pitagan at pagmamahal kay Hesus at Maria. Bilang pangwakas, ipanalangin natin na maalala natin kung ano ang kinakailangan nating ipagdiwang (hal. Ang pagpupuri sa Kadakilaan ng Diyos) katulad ng nabanggit sa Qur’an (na ang kapakahulugan): “Hindi mo ba nakikita na ang Allah ay Pinakamataas na kung saan ang lahat ng napapaloob sa mga kalangitan at sa lupa at (sa pamamagitan) ang mga ibon na may mga pakpak ay nakalilipad? Ang bawa’t isa sa kanila ay batid ang (kanyang pamamaraan) ng pagsamba at pagdakila sa Kanya, at batid ng Allah kung ano ang kanilang ginagawa. At ang Allah ang makapangyayari sa mga kalangitan at sa mundo, at sa Allah ang kanyang kahihinatnan.” Qur’an 24:41-42
SURAH MARYAM Kabanata ni Maria (Ina ni Hesus) (Talata bilang 19:16-36) Sa Ngalan ng Allah Ang Mahabagin, Ang Maawain 16. At banggitin mo [O Muhammad] sa Aklat, [ang kasaysayan ni] Maria5, nang siya ay lumayo sa kanyang pamilya sa isang pook sa dakong bahagi ng silangan. 17. Pagkaraan, siya ay naglagay ng isang kubli upang siya ay mapag-isa mula sa kanila. Kaya, Aming ipinadala sa kanya ang Aming Ruh [Banal na Espiritu, ang Anghel Gabriel], at siya ay nagpakita sa kanya sa [anyo ng] isang ganap na tao. 18. Siya [si Maria] ay nagsabi: „Katotohanan, ako ay humihingi ng paglingap sa Mahabagin laban sa iyo [ako ay iyong layuan], kung tunay ngang ikaw ay may takot [sa Allah]. 19. Siya [Anghel Gabriel] ay nagsabi: „Ako ay isang Sugo ng iyong Panginoon [upang] igawad sa iyo ang [magandang balita ng] isang pinagkakapuring anak na lalaki. 20. Siya [Maria] ay nagsabi: „Paano ako magkakaroon ng isang anak na lalaki, gayong wala namang lalaki ang sumaling sa akin, at ako ay hindi naging marumi [o walang dangal]?” 21. Siya [Anghel Gabriel] ay nagsabi: „Kahit na [ito ay mangyayari], ang iyong Panginoon ay nagsabi: „Ito ay sadyang madali para sa Akin; at siya ay Aming gagawin bilang palatandaan para sa sangkatauhan at isang habag mula sa Amin. At ito ay isang pangyayaring naitakda [na]. 22. Kaya siya ay nagdalang-tao sa kanya [kay Hesus] at siya ay humayong nagtungo sa isang malayong pook. 23. “At ang sakit [na dala] ng kanyang panganganak ay naghatid sa kanya sa puno ng isang datiles. Siya ay nagsabi [habang nanganganak]: 'Sana ako
ay namatay bago pa man dumating [ang pangyayaring] ito at ako ay nabaon na sa limot.” 24. Kaya, siya [si Maria] ay tinawag niya6 mula sa kanyang ibaba [paanan], [at nagsabing]: “Huwag kang malungkot! Sa katunayan, ang iyong Panginoon ay gumawa ng isang umaagos na bukal [ng tubig] sa [bahaging] ibaba [ng iyong paanan]; 25. “At yugyugin mo ang puno ng datiles na nasa iyong harapan, ihuhulog nito sa iyo ang hinog na sariwang bungang datiles.” 26. “Kaya, ikaw ay kumain at uminom at masiyahan, at kung ikaw ay makakita ng sinumang tao, [ito ang iyong] sabihin: “Katotohanan, ako ay nagpanata ng isang pag-aayuno [bilang pagsunod] sa Mahabagin [Allah] kaya ako ay hindi makikipag-usap sa sinumang tao sa araw na ito.” 27. Kaya, kanyang dala-dalang iniuwi ito [ang sanggol na si Hesus] sa kanyang mga mamamayan. Sila [mga tao] ay nagsabi: “O Maria! Tunay nga na ikaw ay nagdala ng isang bagay na nakapanghihilakbot.7 28. “O kapatid na babae ni Aaron.8 Ang iyong ama ay hindi masamang tao at ang iyong ina ay hindi isang marumi [o walang dangal]. 29. Kaya,9 kanyang itinuro siya [ang sanggol]. Sila [mga tao] ay nagsabi [kay Maria]: “Paano kami makikipag-usap sa isang batang musmos na nasa duyan?” 30. Siya [ang sanggol na si Hesus] ay nagsabi: Katotohanan, ako ay alipin ng Allah, Kanyang ipinagkaloob sa akin ang [banal na] Kasulatan at ako ay Kanyang ginawang isang Propeta; 31. At ako ay Kanyang pinagpala saan man ako naroroon, at itinagubilin sa akin ang pagdarasal, at kawanggawa, habang ako ay nabubuhay.” 32. „At [ginawa akong] isang masunurin sa aking ina at ako ay hindi Niya ginawang malupit, hindi lapastangan. 33. “At ang kapayapaan ay mapasaakin sa araw na ako ay ipinanganak. At sa araw na ako ay mamamatay at sa araw na ako ay muling bubuhayin.” 34. Iyan si Issa [Hesus], anak lalaki ni Maria. [Ito ay] isang pahayag ng katotohanan na kanilang pinag-aalinlanganan. 35. Hindi [naangkop] para sa [Kadakilaan ng] Allah na Siya ay magkaroon ng anak na lalaki. Luwalhati sa Kanya. Kapag Kanyang itakda ang isang pangyayari, Siya ay magsasabi lamang dito na: „„Mangyari, kaya mangyayari nga. 36. [Si Hesus ay nagsabi]: At katotohanan, ang Allah ay aking Panginoon at inyong Panginoon. Kaya Siya ay inyong sambahin [tanging Siya lamang]. Ito ang matuwid na landas."
Ang Pasko
Dawah Batha
batha1409
BATHA ISLAMIC CENTER
batha1409en
P.O. Box 20824 Riyadh 11465 K.S.A. Tel. no. 011-4030251 Mob.: 0545999353