angcaviteñan
OPINYON p5
ISPORTS p18
Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Cavite National High School, Chief E. Martin, Caridad, Lungsod ng Cavite, Sangay ng Lungsod ng Cavite, Rehiyon IV-A
DEBOSYON TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019-PEBRERO 2020
VIVA LA BIRHEN! Tunay ngang galak at pagkakaisa ang dala ng pagdalaw ng Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga sa bawat deboto na nakiisa sa pag bisita nito. Matapos ang prusisyon ay nagdaos ng isang misa upang magpasalamat sa walang hanggang pag gabay at pag-protekta nito sa lungsod. Mark Vincent Millona
LATHALAIN p12
Dalaw Soledad, naghatid ng pagkakaisa Gerard Guiang
ang mga guro at mag-aaral na deboto ng Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga na salubungin ng buong galak at tuwa ang Reina Nagkaisa de Cavite bilang pasasalamat sa walang hangang pag-iingat nito sa lungsod. Sinundan ng banal na misa ang pagsalubong sa Reyna de Cavite na dinaluhan ng mga kaguruan at mga mag-aaral. Sinasabing naging parte na ng buhay ng bawat Caviteño ang Nuestra Senora dela
Soledad se Porta Vaga na naging kapitapitagang ina na gumagabay sa lungsod ng Cavite at sa buong lalawigang ito. Itinuturing ng mga Caviteño na isang napakahalagang kayamanang ipinasa ng kanilang
mga “antepaso” o ninuno ang debosyon sa Mahal na Ina ng Soledad. Tatagal ang dalaw birhen hanggang sa huling linggo ng Oktubre kung saan naman gaganapin ang paghahanda para
Pagbuhay sa Wikang Chavacano, pinangunahan ng simbahan Almira Olazo
P
agdaraos ng banal na misa sa dialektong Chavacano ang naging paraan ng simbahan ng San Roque sa Lungsod ng Cavite upang muling buhayin ang wikang Chavacano na lubhang nakakalimutan na ng kabataang Caviteño.
Nilalayon ng simbahan na imulat muli ang kabataan sa wikang kinagisnan ng mga ninuno kaya’t naging tugon nila ang pagdaraos ng seminar tuwing sabado ng umaga sa loob ng prokya ng libre kasabay ang paglulunsad ng diksiyonariyong Chavacano upang lalong maintindihan ang nasabing wika. Ayon sa salaysay ng isang sakristan ng parokya na si Jeici Vinta bilang kabataan nararapat na imulat na ang mga gaya niya sa wikang tila ay namamatay na sa lipunan. Idinaraos ang Misa de Chavacano tuwing ika-lima na hapon ng araw ng Sabado. Mula awit hanggang pagbasa ang mga salitang ginagamit ay nasa wikang Chavacano. Tinatayang lalong paiigtingin ng simbahan ang kampanya sa muling pagbabalik ng wika sa pamumuno ng Kura Paroko na si Dominador Medina katuwang ang iba pang mga pari ng simbahan upang sa gayon ay maisalba ang wikang tila nakalilimutan na. AGHAM p12
Tawa-tawa vs Dengue
sa Fiesta dela Reina o Unang Linggong Kapistahan ng Mahal na Ina. Nag-iwan ng maraming kalat na papel ang naturang selebrasyon. Ayon sa mga mag-aaral ang kalat na iyon ay lilikumin at itatapon sa
mga basurahan na dagli namang tinugon ng mga mag-aaral na siyang naglinis ng mga confetti pagkatapos ng pagpasok ng mahal na birhen sa silid-aklatan ng paaralan.
Clearing Operations sa Cavite City, isinagawa Jasmin Delos Reyes
augnay ng pagdedeklara ni Pangulong Duterte K noong Hulyo 30, 2019 ang pagsasagawa ng clearing operation at road widening sa buong Pilipinas ay
iniutos ni Mayor Bernardo “Totie” S. Paredes na linisin at tanggalin ang mga sagabal sa mga kalsada sa buong lungsod ng Cavite. Lahat ng mga barangay sa Cavite City ay sabay-sabay kumilos sa pagsasagawa ng clearing operation. Ang mga iligal na istruktura at konstruksyon tulad ng mga pwesto ng mga paninda na nakakaabala sa daanan at mga istruktura na lagpas sa takdang sukat nito ay aalisin. Sinabi na walang extension ang deadline na Setyembre 29,2019
kaya naman puspusan ang pagaasikaso ng kanya-kanyang mga barangay. Idineklara rin ni Mayor Totie na may kaukulang multa sa mga hindi susunod sa petsa ng pagtatanggal. Makikita ngayon ang pagbabago at pagluwag ng mga pampublikong kalsada sa lungsod pati na rin sa mga karatig bayan nito.
BALITA
ANG CAVITEÑAN
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
Drop-out rate sa CNHS, napababa ng ADM Almira Olazo
ng Alternative Delivery Mode ang bilang ng mga estudyanteng nadadrop-out sa Cavite National High School at sinasabing malaking Naibaba karangalan ito kung magtutuloy-tuloy ito taon-taon. Sa tulong ng ADM, ang ilang mga estudyanteng SARDO o Students At Risk of Dropping-Out ay hindi tuluyang napapahinto sa pag-aaral bagkus ang iba sa kanila’y naipapasok sa programa. Ayon sa Grade 8 Guidance Teacher na si Gng. Susan Goddard epektibo ang ADM kahit noong nakaraang taon na tumaas ang drop-out rate ng paaralan mula 5.71% na naging 6.79% dahil sa mga estudyanteng ayaw nang pumasok. Aniya, ginagawa ng paaralan ang makakaya upang di na mangyaring tumaas ang drop-out rate at pinapatatag nila ang ADM sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga guro sa dibisyon tuwing Hunyo at kinakausap ng mga nangangasiwa ang mga magulang at estudyanteng bahagi nito.
Droupout Rate sa Cavite National High School
Impormasyon mula sa CNHS Admin
Bagong SSG, tinaguriang better generation Yozhabelle Huet
tinuturing na better generation ang mga bagong I(SSG) halal na officer ng Supreme Student Government ng Cavite National High School (CNHS) dahil
sa mga proyektong matagumpay nilang naisagawa na sinasabing nakatutulong sa pagpapaunlad ng paaralan ayon kay Mr. Sosa at Ms. Jurak, mga tagapayo ng organisasyon.
Marami na ang mga proyektong natapos ng SSG katulad na lamang ng project O.K. o Oplan Kalinga kung saan namigay sila ng school supplies sa 50 na mag-aaral na kulang ang gamit. Kabilang din sa mga ito ang project bisikleta kung saan nagpamigay sila ng bisikleta sa limang estudyante na tuloy sa pagpasok sa paaralan sa kabila ng kakulangan sa pamasahe. Ayon kay Sosa, isang magandang ehemplo din ang mga miyembro ng SSG ngayon sa mga estudyante dahil kahit
na mayroon silang posisyon sa organisasyon ay hindi lumaki ang ulo ng mga ito. Sinisigurado ng kanilang mga tagapayo na hindi maapektuhan ang trabaho ng mga ito sa paaralan kapag sila ay may sariling problema. Patuloy sa pagkilos ang organisasyon na may kaakibat na pag-iingat upang walang pumalya sa kanilang plano para sa paaralan. Inaasahan pa ang mga susunod na hakbang na gagawin ng SSG para sa pagpapalago ng CNHS.
Caviteñan na sumabak sa UPCAT, naalarma Sean Santiago
N
abahala ang mga mag-aaral ng Cavite National High School na kukuha ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) upang makapasok ng unibersidad dahil sa nakaambang paglaya ng UP student rape convict na si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Matapos ang opisyal na pahayag ng Department of Justice (DOJ) na maaring makalaya si Sanchez dulot ng Conditional Expanded Good Time Allowance (CE-GCTA) na ginagawad sa mga presong nagpapakita ng magandang asal sa loob ng selda. Ayon sa mga Caviteñan na kumuha ng pagsusulit, itinuloy ng mga mag-aaral ang pagkuha ng UPCAT sa kabila ng
nakakaalarmang hatol ng DOJ. Ani pa nila, nangamba man sa seguridad, hindi ito hadlang upang ituloy ang kanilang pangarap na nakapasok at makapag-aral sa pinaka prestihiyosong paaralan sa bansa. Kung papalarin mang pumasa sa Unibersidad ng Pilipinas, saka na lamang pag-aaralan ng mga mag-aaral ang mga paraan tungo sa kanilang kaligtasan.
Harang na yero at gate, ikinadismaya Mikaela Villarin
minungkahi ng Head Teacher at Physical Facilities Ipermanente Coordinator na si Dennies Reyes na gawin nang ang namamagitang yero at gate sa Senior
High School at Junior High School ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite dahilan para madagdagan ang pagkadismaya ng ibang mga magaaral dahil hindi na nila tuluyang makakasalamuha ang nasa kabilang bakod.
Ayon kay Ginoong Reyes ay ipinatayo ang mga ito para maprotektahan ang mga estudyante at hindi na maulit muli ang insidenteng pagkakagulo ng isang Junior High at Senior High noong nakaraang taon. Sinasabi ring solusyon ito sa mga nangyayaring pambubulas sa pagitan ng SHS at JHS. Sinabi ng ilang Senior High, ipinaparamdam nito sa kanila na hindi sila kabilang sa paaralan dahil hindi sila pinahihintulutang
makiisa sa mga gawain na sakop ng Junior High. Inihalintulad pa nila ang kanilang sarili sa mga taong may nakakahawang sakit na inilalayo sila sa ibang tao. Ang iba naman ay humahanga sa mga di nila kabaitang kaya nalungkot sila nang nagkaroon ng pagbabawal sa pagpasok sa dalawang kampus. Nahihirapan din silang makauwi kapag umuulan nang malakas dahil may pagkakataong bumabaha sa kanilang lugar.
BANDALISMO. Tila ginawang freedom wall ng mga estudyante ang bagong pintang pader ng palikuran na kakaayos lamang nitong nakaraang buwan. Melbie Del Rosario
Kawalang disiplina, ibinunyag na dahilan ng pagkasira ng palikuran Jonabeth DC. Reyes
aipagawa ang mga bagong palikuran kasabay ng rehabilitasyon ng Gabaldon N Building para makagamit ang mga mag-aaral ng maayos na palikuran subalit kalaunan, katulad ng ibang C.R. ay hindi ito ginagamit nang maayos ng mga estudyante.
“Walang disiplina ang mga gumagamit. Di ko naman nilalahat, pero karamihan ng mga gumagamit walang disiplina”, ani Jojo Eugenio, tagalinis ng palikuran. Ultimo pagpapahid ng liptint sa pader, pag-iiwan kung saan-saan ng maduduming napkin at hindi pagbuhos ng ginamit nilang kubeta ay ginagawa ng mga estudyante sa palikuran. Ayon naman sa ilang mga estudyante, hindi na sila makagamit ng palikuran sa ibang pagkakataon dahil sa sobrang dumi nito. Hindi rin sila makapaniwalang may mga kapwa mag-aaral silang may lakas ng loob na iwanang madumi ang kanilang ginagamit na palikuran. Sa kabilang banda, ang kabilang c.r. ay nakakandado at kakaunting tao lamang ang nakakagamit kaya dinaragsa ng mga tao ang kabilang palikuran. Umaksyon ang General Parents Teachers Assiociation ng paaralan, humihingi ng pera pang-ayuda sa mga magulang para maibayad sa tagapaglinis ng palikuran.
No Homework Policy, ipinanukala Gerard Guiang
inatigan ng Kagawaran ng Edukasyon ang panukalang sinumite sa kongreso K na pinagliliban ang pagbibigay ng takdang aralin sa pribado at pampublikong paaralan mula Kindergarten hanggang Senior High School. Nakikitang solusyon ito ng Kagawaran upang maibsan ang labis na gawain ng mga estudyante at sa gayon magkaroon ng free time ang mga mag-aaral na maaring ilaan sa pamilya at mga kaibigan.
Sumang-ayon ang Kalihim ng Kagawaran na si Leonor Magtolis Briones sa panukalang isinulong at sinabing “I’m in favor of this” karugtong ito na sinabi ng kalihim na ito ay magbubunga karagdagang oras upang ilaan sa pakikipagugnayan sa pamilya at kaibigan ng mga estudyante. Umugat ang usapin sa sinulong na House Bill 3883 ni Quezon City Congressman Alfred Vargas na panukalang pinagbabawal ang pagbibigay ng takdang aralin sa mga mag-aaral tuwing weekends upang sa gayon magkaroon ng sapat na panahon ang mga estudyante sa kanilang pamilya. Bagaman may nauna nang ipinatupad ang Kagawaran ng Edukasyon, mas mainam na may batas na titindig at susuporta sa isang panukala ani ni Vargas. Ipinanukala ni Sorsogon Representative Evelina Escudero ang House Bill 3611 na lumalayon naman na i-ban ang lahat ng gawaing bahay mapa-weekend o weekday man mula kindergarten hanggang senior high school. Kaugnay din ng panukalang batas na ito ang pagbabawal sa pagdadala ng mabibigat na libro at kagamitan ng mga mag-aaral. Tumutugma ang mga dahilan ng dalawang panukala, isa na rito ang paglalaan ng sapat na panahon upang makapagpahinga ang mga estudyante mula sa nakakapagod na araw sa paaralan. Ani ni Vargas matututo naman ang isang tao kahit ito ay walang takdang aralin, sa pamamagitan ng paglalakbay at pag laan ng oras para sa pamilya marami na ang matututunan ng isang bata. Tinuligsa ng samo’t-saring mga grupong pang edukasyon ang panukalang No-Homework na inmungkahi sa kongreso sa mga pampubliko at pribadong paaralan ng bansa. Sinasabi ng mga grupong ito na di solusyon ang pagliban sa mga takdang aralin upang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa, bagkus magiging dahilan pa ito upang bumaba ang kalidad ng edukasyon. Dadaan pa sa masusing pag-aaral ang panukalang isinulong ng dalawang kongresista ngunit sa ngayon iisa lang ang malinaw dito mahirap timbangin ang isang panukala na maaring magbunga ng mabubuti at masamang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante at sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
BALITA 03 Proyektong Hugot sa Buwan ng Nutrisyon, tinangkilik Darlene Joy Vitangcol
mugong ang Social U Media dahil sa proyektong inilunsad
ng Supreme Students Government patungkol sa pagpopost sa facebook ng mga hugot para sa buwan ng nutrisyon na nilahukan ng mga mag-aaral ng Cavite National High School at sinasabing naglalayon na magpalawig ng impormasyon sa kahalagahan ng balanseng kalusugan.
BAGONG BILIHAN. ‘Di gaanong patok sa mga estudyante ang bagong bukas na kantina dahil kakaunti lamang ang “variety” ng pagkain dito. Melbie Del Rosario
Mga estudyante sa CNHS, ‘di na bumibili sa canteen Alyssa Crisostomo
inasabing maraming mag-aaral ang nais nang humanap ng ibang pagkain dahil hindi na raw nila nagugustuhan S ang mga pagkain sa kantina ng Cavite National High School at ang iba ay bumibili sa ibang tindahan kaya bumababa na ang benta ng CNHS Canteen. Ayon sa ibang mga mag-aaral, nagsasawa na sila dahil palagi na lang paulit-ulit ang kanilang kinakain sa loob ng paaralan, ang iba naman ay naiinip at nauubusan ng oras dahil sa haba ng pila at dami ng estudyante tuwing break time kaya hindi nakakabili sa huli, mayroon namang ilan na may gusto ng junk foods kaya hindi sila bumibili sa canteen. Ayon sa Canteen Manager, dinudumog pa rin naman ang canteen ngunit kapansin-pansin ang pagbaba ng benta nito at sa tingin nila’y nangyari ito dahil nagbenta ulit ang karibal nilang tindahan na tinatawag ng iba na “Tiangge” na nagbebenta ng junk foods na siyang ipinagbabawal na ibenta sa canteen kaya maraming mag-aaral ang bumibili dito. Mayroon pa umanong mga estudyanteng humihiling na magbenta sila ng pagkain na karamihan ay di masustansiya tulad ng milktea, nagbebenta sila nito noon ngunit ipinatanggal sa kadahilanang hindi ito masustansiya. Nailipat na ang kantina sa mas maayos na lugar ngayong Oktubre at posibleng baguhin ang sistema ng pagtitinda dito.
Sinimulan ang kampanya noong unang lingo ng Hulyo. Ayon sa Adviser ng SSG na si Ginoong Reymie Sosa, di nila inasahan ang dami ng sumali sa pakulong ginawa ng organisasyon. Umusbong ang samu’t saring joke, hugot at ang ilan ay gumawa pa ng tula na ang mga salitang ginamit ay naayon sa nutrisyon na kalimitan ay gulay at prutas. Bilang pakikiisa sa Buwan ng Nutrisyon, ito ay isa sa naging paraan ng SSG upang mahikayat ang mga mag-aaral at staff ng paaralan sa pagsulong ng mas masustansiya at balanseng kalusugan. Tumagal ang patimpalak hanggang katapusan ng buwan hanggang hinirang ang mga nanalo sa kumpetisyon na nakakuha ng premyo na isang garapon ng stick-o.
DFoT: Talino at talentong Caviteñan, umariba Julia Tirona
umida ang husay at galing ng mga mag-aaral ng Cavite National High School nang B tanghaling kampiyon sa ginanap na Division Festival of Talents sa dibisyon ng Lungsod ng Cavite. Sa kabila ng kagipitan sa oras lumusot sa butas ng karayom ang mga Caviteñan upang maging kinatawan sa Pangrehiyong patimpalak. Nagpakitang gilas ang bawat kalahok sa larangan ng interpretatibong pagbasa na ginanap sa mababang paaralan ng Garita. Buong tapang na lumaban ang mga mag-aaral na naging dahilan ng pagkasungkit ng tatlong pangunahing pwesto. Tumatak naman ang pagtatanghal ng grupo ni Gng. Nenita Agustin na nakakuha ng pinakamataas na grado sa kabila ng pagkagahol sa oras. Nag-ensayo lamang ang grupo sa loob ng isang araw bago ang kumpetisyon. Ginatimpalaan rin sa larangan ng Kasaysayan at Population Education ang mga mag-aaral ng CNHS na may temang “Kapit kamay: Informing the Youth
to make Informed Choices”. Nakuha ni Miko Ofiaza ang gintong medalya para sa Jingle making, Gintong medalya din ang nasungkit ni Theresse Hernandez para sa debate at si Faith Reymundo ang magiging kinatawan para sa Population Education Quiz. Sumentro ang kaganapan sa mga napapanahong isyu gaya ng Over population, Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Bill. Pumokus naman ang debate sa Sustainable Development Goals. Ayon kay Gng Marita Untalan (Puno ng Kagawaran ng Araling panlipunan) sa kabila man ng pagkagahol ng oras naisagawa pa rin ng mga mag-aaral ng CNHS
na masungkit ang kampeonato sa iba’t ibang kategorya. “Pinatunayan ng bawat isa na sa kabila ng kawalan ng oras, basta’t ay may determinsayon naisasakatuparan ang lahat” ani ng Tagapagsanay sa Debate na si Bb. Nelia Ocson. Nagawa ring pataubin ng mga Caviteñan ang Sangley Point National High School na nakakuha lamang ng ikatlong pwesto sa Jingle Making Competition. Sisimulan na ang pagsasanay sa mga nagwagi upang sa gayon maging handa na lumaban sa Pangrehiyon na Festival of Talents sa Lungsod ng Antipolo.
PAGKAKAISA. Lumahok ang mga guro at mag-aaral ng CNHS sa International Coastal Clean up Drive na isinagawa sa Brgy. 14 - Loro. Melbie Del Rosario
International Coastal Clean Up Drive,
nilahukan ng mga Guro at Mag-aaral ng CNHS Maria Magdalene Rosal
inagsa ng mga mag-aaral at mga guro ng Cavite National High School ang International Coastal Clean No Assignment Policy, dala ay pahirap D Up Drive noong Setyembre 21,2019 sa Barangay 14-
I
Almira Olazo
mbes na makakatulong ay magiging pahirap sa mga estudyante, maging sa mga guro ang House Bill 3611 No Assignment Policy sakaling maipatupad dahil masisiksik sa isang oras ng klase ang mga gawain kung kaya’t tutol silang maipatupad ito.
Giit ng ilang estudyante mula sa STE na malaki ang tulong ng takdang aralin para sa kanila dahil napapataas nito ang kanilang grado at kung maipapatupad ang panukalang batas na ito’y magmamadali silang tapusin ang mga gawain sa klase na bawal maiuwi. Ayon sa isang guro sa Cavite National High School na si G. Jacinto Luyun ay ‘di siya sang-ayon dito sapagkat sinasabi niyang dapat tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante kahit sa bahay upang maalala nila ang natututunan nila. Dagdag pa niya’y hindi sapat na dahilan ang sinasabing paggawa ng takdang hindi aralin ng mga magulang para sa kanilang anak dahil pamantayan ito ng mga sapat na natututunan ng mga bata pagdating sa klase. dahilan ang Mula naman sa isang magulang na si Gng. Marilou Garcia na kapag sinasabing paggawa naipatupad ito ay gagamitin lamang ng kanilang mga anak sa gadget ng takdang aralin ng ang oras sana nilang gumawa ng takdang aralin at mas lalo pa silang mabababad sa teknolohiya. mga magulang para sa Alinsunod ang batas na ito mula sa panukala ni House Deputy Speaker kanilang anak dahil Evelina Escudero na sinang-ayunan ng DepEd kung saan ipinagbabawal na pamantayan ito ng mga ang pagbibigay ng takdang aralin upang magkaroon ng maraming oras para natututunan ng mga sa pamilya ang mga estudyante.
bata pagdating sa klase
Loro gayundin ang mga volunteers as iba’t ibang mga barangay sa kabila ng malakas na ulan.
May kanyang kanyang dalang gloves, sako, at iba pang cleaning materials ang mga nakilahok upang maging madali ang paglilinis. “Kahit na naging maulan ay nakita ko pa rin ang dedikasyon ng mga mag-aaral lalo na ng mga club presidents na makapaglinis at makiisa sa ginawang proyekto” ani ni Charles Lota na Student Activity Coordinator at Student Council Adviser ng Cavite National High School- Senior High School. Bagama’t naging maulan noong araw na iyon ay naging matagumpay pa rin ang isinagawang paglilinis dahil sa pagtutulungan ng mga mag-aaral, guro at mga volunteers. Ito ay taon-taon ng ginagawa bilang kontribusyon ng mga Caviteño sa pandaigdigang adbokasiya para sa kalikasan. Nakilahok din ang clubs din ng Senior High School na binubuo ng ASSETS, SAMAFIL, HANDS, TELLUSIAN, SIPCAV, ELAS, SALTY BOTS, TEKSTURA, TVL, GLEE, at SSG na Student Councils ng Paaralan.
Kahit na naging maulan ay nakita ko pa rin ang dedikasyon ng mga magaaral
04 BALITA
ANG CAVITEÑAN
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
F.A.S.: Tugon sa Sakuna Raya Dela Cruz
ampok sa mga Tsilid-aralan bagong tayong ng Cavite
National High School ang Fire Alarm System na siyang aaksyon sa di inaasahang kalamidad gaya ng sunog.
Pinondohan ng Kagawaran ng Edukasyon ang dalawang apat na palapag na imprastraktura na may 16 at 12 silid bawat isa kasama rin dito ang pagpopondo para sa fire alarm na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. Ayon kay Ginoong Dennies Reyes isa sa punong abala sa pagplaplano ng proyekto, ipinasadya ang naturang Fire Alaram System upang sa gayon ay di na maulit ang trahedyang naidulot ng nakaaran. “Kung matatandaan natin noong nakaraang taon ay nasunog ito kaya naman pinasadya na magkaroon ng fire alarm system at mga sprinkler para di na maulit ang sunog. Pinlano rin ni Reyes katuwang ng Punong guro ng paaralan na si Augusto Ferma na lagyan ng tulay ang bawat palapag na kumukonekta sa bawat palapag ng magkatapatang gusali.
PAGBABALI-WALA. Isang bagong istraktura ang napabayaan at di naagapan ng mga estudyante mula sa maliit na kalat papuntang sandamakmak na kalat sa paaralang Cavite National High School. Melbie Del Rosario
Kalinisan ng bagong gusali, kinabahala Mikaela Villarin
asalukuyang ginagamit ang bagong gusali ng DepEd sa Cavite National High School upang punan ang kakulangan K ng silid-aralan dito dahilan para mabahala ang tagapamahala ng mga pasilidad na maaaring hindi ito pangalagaan ng mga mag-aaral partikular sa gagamit nito. Inaasahan ng DepEd at ng punong guro na tutulong ang mga estudyante at guro para sa kaayusan at kalinisan ng paaralan, sinulong rin ni G. Reyes ang pagpapalaganap ng kaniyang adbokasiya sa Solid Waste Management na ipagpatuloy sana ng lahat ng mag-aaral ang Waste Segregation para sa patuloy na pagkakaroon ng malinis na paaralan. Isa sa mga solusyon na binigay ng DepEd ay ang paglilinis ng guro at mga estudyante sa kanilang silid bago pa man magsimula ang talakayan nila sa klase. Nabanggit ni G. Reyes na maaring magkaroon ng Orientation tungkol sa tamang pag-aalaga ng bagong tayong building kasama ang YES-O Officers. Ayon sa panayam ng ilang mga estudyante, hindi pa nagkakaroon ng problema sa kalinisan ng nasabing gusali dahil sa pagtutok ng nabanggit na organisasyon sa kaayusan ng building.
Araw ng Ciudad de Cavite, sinimulan ng Fund Raising Almira Olazo
inunita ang taunang Lingo ng Lungsod ng Cavite sa G pamamagitan ng Fund Raising upang makalikom ng pondong pang-ayuda sa mga kapus-palad na mamamayan ng lungsod.
Ipinagdiwang ang ika-79 na pagkakatatag ng lugar bilang lungsod sapul pa noong termino ng dating alkalde na si Manuel Rojas na kinikilalang nagsulong ng batas upang maging Lungsod ang noo’y Pueblo de Cavite noong 1940. Ayon sa pahayag ng isa sa mga dumalo ng taunang alay lakad, na si Ricca Evangelista ang aktibidad na ito ay isang mabuting paraan upang makalikom ng pera at alam naman niya kung saan mapupunta ang perang naiambag sa mga mahihirap at kapus-palad na mamamayan ng Lungsod
Sinimulan ang alay lakad sa Heroes Arch ng lungsod na nagtapos sa Samonte Park sa Distrito ng San Roque at doon ay nagkaroon ng munting programa upang alalahanin ang mga bayani at huwaran at batikang mamamayan ng Siyudad na malaki ang naiambag sa naturang lungsod. Tinatayang ang nalikom na pera ay magagamit sa mga proyekto at pagkalinga ng mga batang lansangan at sa mga salat sa pera ng mamamayan ng Lungsod ng Cavite upang sa gayon ay mairaos sila sa kahirapan.
Patimpalak para sa Buwan ng Nutrisyon, pinremyuhan ng junk food Gerard Guiang
mugong ang social media sa pakulo ng Supreme U Student Government na pagpopost ng hugot ukol sa buwan ng nutrisyon na may premyong garapon ng stick o na tumataliwas naman sa layunin nito na ilunsad ang magndang kalusugan ng bawat isa.
Nilayon ng Supreme Student Government na isulong ang wastong pangangalaga noong buwan ng Nutrisyon na may tema na ”Kumain ng Wasto at maging Aktibo, Push natin To” at ayon sa SSG Social Media ang pinakamadaling lugar para ipalaganap ang layunin na ito. Hinandugan ng garapon ng Stck-o ang bawat nagsipagwagi na isa rin namang junk food o di masustansiyang pagkain. Depensa ng Grade 9 Representative na si Maironn Sinalo “We all know na hindi naman nutritious ang Stick O for students pero pinili ng SSG ito dahil we all know na ang mga
kabataan ngayon ay mahilig sa mga ganung klaseng pagkain (Stick O, chocolates, cakes etc.) So yun ang napili namin para mas maging active ang mga student ng CNHS sa paggawa ng kanilang witty entries sa ating Hugot or Jokes contest, at sa paraang yang mas lumawak ang isip ng mga estudyante about sa paggawa ng hugot or joke and also to remind them na celebration and how important ang nutrition month” Tinangkilik ng maraming Caviteñan ang pakulong ginawa ng SSG at marmi din ang piumuna na tila naglalaban ang papremyo sa tunay na layunin.
ADM, inilunsad bilang tulong sa mga SARDO
I
Almira Olazo
nihandog ng Department of Education ang paglulunsad ng programang Alternative Delivery Mode (ADM) kung saan nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral ang sinumang ‘di nakakapasok ng regular kabilang ang mga mag-aaral ng Cavite National HIgh School.
Sinasabing isa ito sa solusyon upang mapababa ang drop-out rate ng paaralan dahil ang mga Students At Risk of Dropping-Out (SARDO) ay naipapasok sa programa. Isa sa bahagi ng ADM ay ang Open High School kung saan dito inililipat ang mga nadadrop-out upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral kahit ‘di regular at pumupunta lamang sila ng paaralan sa tuwing kukuha at magpapasa sila ng modyul. Para sa mga estudyanteng hindi nakapasok sa ibang markahan ay mayroong Flexible Learning Options ang paaralan at dito ay pinag-aaralan nila ang hindi nila naabutan at sa susunod na markahan ay papasok na sila. Ayon sa Grade 8 Guidance Teacher na si Gng. Susan Goddard ay epektibo ang ADM kahit noong nakaraang taon na tumaas ang drop-out rate ng paaralan mula 5.71% na naging 6.79% dahil sa mga estudyanteng ayaw nang pumasok. Tumaas noong taong 2016-2017 ang drop-out rate ng paaralan na umabot sa 7.59%, ngunit napababa ito taong 2017-2018 sa 5.71% at muling tumaas ng 1.08% taong 2018-2019. Aniya, ginagawa ng paaralan ang makakaya upang di na mangyaring tumaas ang drop-out rate at pinapatatag nila ang ADM sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga guro sa dibisyon tuwing Hunyo at kinakausap ng mga nangangasiwa ang mga magulang at estudyanteng bahagi nito. Ayon naman sa gurong nangangasiwa ng ADM na si Bb. Ella Salonga ay epektibo ito at sapat para sa mga estudyanteng hindi nakakapasok upang makapag-aral at suportado ng paaralan ang ibang pangangailangan ng mga ADM. Dagdag pa niya, sa pamamagitan nito ay abot kamay na ng mga estudyante ang kanilang edukasyon kahit lamang sa alternatibong pamamaraan upang makapagtapos sila.
Pagpili ng tracks sa Senior High, pinadali Almira Olazo
aglaan ng Career Guidance Program ang Cavite National High School para sa mga N papasok ng Senior High kung saan tinalakay rito ang bawat track upang matulungan sa pagpili ang mga estudyante base sa kani-kanilang kakayahan. Bawat track at strands na mayroon ang CNHS ay ipinaliwang kung anong klase ng kaalaman ang matatanggap ng mga estudyante pati na rin kung anong kurso sa kolehiyo ang maari nilang kuhanin. Sinasabing sa pamamagitan ng pagsasagawa ng progaramang ito ay maiimpluwensiyahan ng paaralan ang desisyon ng mga mag-aaral sa pagtungtong nila sa Senior High kung anong nababagay sa kakayahan nila. Layon din nitong makatulong sa mga estudyante
na baka kalauna’y maging job mismatched kung saan hindi konektado ang tinapos na kurso sa kung ano mang magiging trabaho nito kaya sinasabing pumili ng nababagay na track sa Senior High na ipagpapatuloy sa hinaharap. Binibigyan nito ng pagpipilian ang mga estudyanteng wala pang naiisip na kuhanin sa Senior High at sinasabi kung anong sa tingin nilang makabubuti sa kakayahan ng estudyante.
Sangley Airport, nagbigay ng oportunidad sa mga Caviteño Yozhabelle Huet
naasahang magbibigay ng oportunidad sa mga tao ang ginagawang Sangley Airport Iprobinsiya. sa Cavite City na sinasabing magigig solusyon sa kakulangan sa trabaho sa nasabing Nagsimula noong Agosto ang pagtanggap ng mga aplikante para sa airport. Ayon sa Civil Aviation Authority of Philippines (CAAP), maraming posisyon ang maiaalok nila gaya ng Accounting Assistant, Accounting Analyst, Administrative Assistant, Airport Firefighter, Airport Security Assistant, Building Maintenance Workers at iba pa. Sinasabing bukas ang airport para sa mga gustong pumasok at ayon naman sa ilang mamamayan ng
Cavite makakatulong ang mga trabahong inaalok dito para sa pagtustos ng kanilang gastusin at pagpapaaral sa mga anak nila. Tuloy naman ang konstruksyon ng airport at inaasahang magbubukas sa katapusan ng Oktubre lalo na’t sinimulan ito noong Enero kahit na wala pang utos ng Pangulong Duterte. Sinisigurado ng pamahalaan na lahat ay makikinabang sa itinatayong bagong airport kapag ito ay natapos na.
ANG CAVITEÑAN
OPINYON
Pagsulat para sa bayan
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
“Mga perwisyo at walang utang na loob!” “Mag-aral na lang kayo!”
ng mga katagang iyan ang kadalasang A lumalabas sa bibig ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Pilipinas ukol sa mga
estudyanteng aktibista o mga “tibak”. ‘Di maipagkakailang bulag ang ilang mga Pilipino sa tunay na dahilan ng pagiging isang aktibista ng isang estudyante, at kung paano sila nakatutulong sa pagsasaayos ng mga katiwalian sa komunidad at sa bansa. Ang akala ng ilan ay halos puro pag-ra-rally lamang ang ginagawa ng mga estudyanteng aktibista ngunit ‘di nila alam na mayroon pang isang paraan ng pag-alma sa katiwalian – ang pagsusulat. Ang pagiging isang campus journalist ay isang magandang hakbang tungo sa paglaban sa katiwalian hindi lamang sa paaralan, pati na rin sa komunidad. Sa pamamagitan ng pagsulat ng mga artikulo, maaari itong makatulong sa pagpapalaganap ng katotohanan pati na rin ng mga katiwaliang maaaring itinatago ng mga piling institusyon sa lubos na nakaaapekto sa buhay ng mga estudyante. Ang pagiging estudyanteng aktibista ay hindi lamang umiikot sa pag-ra-rally dahil kahit sa simpleng pagpansin ng katiwaliang nakita, maaari itong maging magsimula sa isang makabagong rebolusyon. Lik ha Kung babalikan ang kasaysayan ng ni Nie student activism sa Pilipinas, 1945 pa ma rC lamang ay aktibo na ang mga estudyante hu a sa politika sa paaralan pati na rin sa komunidad. Sa simula pa lamang ay hindi na nagpapatinag ang mga estudyanteng Pilipino. Likas na sa kanila ang pagiging isang aktibista. Lalo pa itong pinalalakas ng mga katiwaliang kanilang nais ituwid. Dagdag pa rito ang kanilang uhaw para sa katotohanan. Hindi basta-basta kikilos ang mga estudyante kung wala silang nakikitang katiwalian sa komunidad at bansa. Bilang mga pag-asa ng hinaharap, nasa kanilang mga kamay kung paano maaaring tumakbo ang bansa sa kanilang panahon. Nais lamang nilang ayusin at ituwid ang magiging daan tungo sa kinabukasan. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), 85% ng mga estudyante ang nagnanais ng tahimik, malinis, at mapayapang pamumuhay sa hinaharap. Hindi maipagkakailang hinahagilap ng mga estudyante’t kabataan ang kapayapaan sa kanilang pinaplanong kinabukasan. Hindi masama umalma kapag mayroong nakikitang katiwalian. Oo, ang bansang Pilipinas ay isang demokratikong bansa, at may karapataang magreklamo ang kahit sino man. Ayon sa isang panayam kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde, isang positibong katangian ng demokrasya sa ating bansa ang aktibismo. Dapat ay huwag matakot isigaw ang hinaing, dahil kung hindi ito isisigaw, walang makatutulong sa kanila kung hindi ang mga sarili nila. Maraming mga problema ang hindi kayang resolbahin ng isang normal na estudyante kaya’t sila’y humihingi ng tulong sa mga may awtoridad upang madinig ang kanilang hinaing. Malaki ang naitutulong ng pag-ra-rally at pagsusulat sa pagkamit ng mga karapatan na dapat ay tinatamasa ng lahat ng Pilipino. Pinaglalaban ng mga estudyanteng aktibista ang pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa komunidad. Kagaya ni Dr. Jose Rizal, ginagamit ng mga estudyanteng ito ang kanilang talino at galing sa pagsusulat, samahan pa ng tapang at gutom sa pagbabago na sadya pang nagpapainit sa kanilang mga artikulong isinusulat. Ang pagpoprotesta ay para sa mga minorya; sa mga under-represented na grupo ng komunidad. Malaki ang bahagi ng mga kabataan at estudyante dahil sila ang nagsisilbing boses ng minorya sa komunidad. Ginagamit nila ang kanilang pribelehiyo upang madinig ng administrasyon ang hinaing ng iba’t ibang grupo sa komunidad. Sa kabilang banda, may katotohanan din na lumalabag sa batas ang ilang mga estudyante para ipaglaban ang kanilang karapatan. Andyan ang paninira ng private properties, vandalism, pagiging sagabal sa trapiko, at marami pang iba. Talagang masasabing sila’y namemerwisyo lalo na sa mga normal na commuter sa mga lugar kung saan ginaganap ang mga rally. Minsan ay nakalilimutan na rin ng mga estudyanteng ito ang kanilang mga araling pang-akademiko. Mas inuuna nila ang pagsusulat ng mga artikulo kaysa sa mga gawain na iniatas sa kanila ng kanilang guro. May mga pagkakataon pa nga na ayaw na nilang pumasok sa kanilang regular na klase sa kadahilanang mas nagiging produktibo sila sa paggawa ng mga artikulo para sa paaralan at sa komunidad. Kung tutuusin, ginagamit lamang ng mga mag-aaral na ito ang kanilang mga natutunan sa paaralan sa tunay na buhay. Kagaya na lamang ng kanilang mga natutunan sa Edukasyon sa Pagpapakatao – ang pagkakapantay-pantay ng tao pati na rin ang pagpapahalaga sa karapatang pantao. Hindi ba’t kaysarap isipin na naiuugnay ng mga estudyanteng ito ang kanilang mga natutunan sa mga libro sa pakikisalamuha sa mga tao sa paaralan pati na rin sa komunidad? Hindi natatapos sa apat na silid ng paaralan ang pangangarap ng mga estudyanteng aktibista kagaya ng mga campus journalist. Kung tutuusin, dito lamang nagsisimula ang lahat. Sa kanilang pakikibaka, dala nila hindi lamang ang pansariling kagustuhang magtagumpay. Sila ay lumalaban gamit ang kanilang mga panulat at boses hindi para sa sarili lamang kung hindi para sa susunod na henerasyon, para sa kanilang mga magulang na tila ba nakalimot na sa minsan rin nilang pinangarap para sa bayan.
EDITORYAL
silakbo Irina Loanzon
TAMAkDang-aralin
ahagi na ng buhay ng bawat estudyante ang Bkamakailan paggawa ng kanilang mga takdang-aralin. Subalit lang, naglabas ng isang panukala ang ating
Bago tayo magtagumpay sa larangang ating tatahakin, kailangan nating pagdaan ang walang katapusang bagsubok
pamahalaan tungkol sa pagbabawal ng pagbibigay ng mga takdang aralin at ito ang House Bill 3611 at House Bill 3883. Layunin ng mga panukalang itong makapaglaan ang kabataan ng oras kasama ang kanilang mga pamilya at makapagpahinga pagkagaling sa kanilang paaralan. Hindi masama ang layuning ito ng ating pamahalaan dahil mayroong mga estudyanteng hindi na nakakapagpahinga at hindi na nagkakaroon ng sapat na oras upang malibang dulot ng napakaraming gawaing iniaatas sakanila. Ngunit hindi sapat na dahilan ito upang pagbawalan na ang pagbibigay ng takdang-aralin. Maaaring limitahan ang pagaatas ng mga gawain ngunit
malaking pagsisisi sa lahat ang pagpapatuloy sa pagpapatupad ng panukalang ito. Sa kabila ng lahat ng magagandang layunin na ito ng ating Gobyerno, naisip ba nila kung ano ang magiging resulta nito sa katotohanan? Sa ngayon, marami ng mga kolehiyo na humahagulgol sa dalawang gawin palamang, paano pa kaya ang mga kabataang mahuhubog sa ganitong sistema? Isipin nalang natin na nararapat tayong humarap sa realidad. Bago tayo magtagumpay sa larangang ating tatahakin, kailangan nating pagdaan ang walang katapusang bagsubok at kinakailangan natin itong malagpasan upang makatutong sa inaasam nating tagumpay. Ngunit paano haharapin ng mga kabataan ang mga ganitong hamon sa buhay kung simpleng pag gawa palang ng kanilang takdang-aralin ay kanilang kinakatamaran? Hindi kinakailangang tanggalin ang ganitong mga bagay na para naman sa dagdag kaalaman ng mga mag-aaral, sapagkat ang kailangan upang ito’y masolusyunan ay ang paglilimita ng mga gawain. Upang sa ganun ay mahanda parin ang kabataan sa hinaharap kasabay ng pagkakaroon din ng oras upang makapagpahinga ng tama. Malaking kawalan sa lahat, lalo na sa mga estudyante kung ang pagtutuunan lamang nila ng pansin ay kung ano ang nangyayari sa ngayon at ipagsasawalang bahala nila ang hinaharap.
ANG CAVITEÑAN
06 opinyon
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
SIGNIFICATIVO Yeoj Enna Enriquez
etsaPwERA
uling umingay ang pangalan ni dating alkade Antonio Sanchez na nahatulang guilty M sa salang paggahasa at pagpatay sa isang dalaga, nang ipahayag ang posible nitong paglaya dahil sa Good Conduct Time Allowance bill. Higit na nakapanlulumo
na dahil sa karampot na kabaitan at sobreng siksik ng salapi sa loob ng kulunga’y matatakasan ang mabigat na kamalian nang nakaraan. Sa kabila ng iyak ng publiko tila ang makapangyarihang banal na aso’y binigyan pa rin liwanag na nararapat lamang na ipagkait dito. Hindi lamang binaboy ni Sanchez and pagkatao ng isang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños, ngunit pinutol rin nito ang buhay ng inoseteng dalaga. Dahil dito, pinatawan ito ng pitong terminong reclusion perpetua, katumbas ng 40 taong pagkakakulong kada termino, kung kaya’t 280 taong pananatili sa bilibid ang kailangang pagbayaran ni Sanchez. Nakababahala man ngunit dahil sa GCTA at kapurihang ipinakita ng dating alkade sa awtoridad, pinagpasayahang mapaaaga ang labas nito mu/la sa malamig na rehas ng New Bilibid Prison. Sa sitwasyon ni Sanchez, na dating nakupo sa gobyerno — makapangyarihan, maipluwansya’t mayaman, hindi malabong magkaroon ng ganitong sistema ng pagpapaiksi ng sintensya. Ngunit sa mga paa ng ordinaryong Pilpino, tila walang katiyakan kung parehong pagtuturing ang kanilang mararanasan. Kaunting
Kaunting kalabit lamang habang hawak ang limpak na saalapi’y garantisado na ang paglaya ano man ang naging pagkakasala
kalbit lamang habang hawak ang limpak na saalapi’y garantisado na ang paglaya ano man ang naging pagkalkasala. 25 taon pa lamang ang pinagdurusahan ni Sanchez, katiting na oras lamang kumpara sa kinuha nito mula sa biktima. Isang sikat na halimbawa lamang ang kaso ni Sanchez sa matagal na palang bentahan ng GCTA sa bilibid. Nakakalungkot man ngunit inamin ng kabiyak ng isang mayamang inmate sa NBP na umabot sa P50,000,000 ang ibinayad sa hindi kinikilalang awtoridad upang mapaikli ang oras nito sa presinto. Nakabibilib na ang mga nagbabantay pa sa mga piitan ang siya ring dapat maparusahan. Nakaaalarama na sa naturang batas ay hindi naibabanggit ang mga maaring eksepsyon sa GCTA. Ang mga madilim at kasuklam-suklam na mga krimeng nararapat na pagbayaran ng nahatulan nang buong buhay nito’y maari palang malusutan basta magpakaplastik at santuhin ang mga tumatao sa kulunga’t awtoridad.Hindi naman ipinapalabas sa publiko kung paano at ano ang nagiging batayan sa paghusga ng kanilang asal. Kung magpapatuloy ang kanilang tagong sistema, mananatiling na sa isip ng masang tila ba’y nnawawalangsaysay at na-eetsapwera ang mga kasalanang idinulot ng mga kriminal sa kapwa tao. Ang mundo ay puno ng kasalanan. Mabuti ang hangarin ng GCTA bill na bigyan ang mga taong minsang nagkamali ng pangalawang pagkakataon. Ngunit dahil sinasamantala, hindi lamang hustisya ang isinakripisyo ng tao, kung hindi’y kapakana’t kinabukasan rin ng sambayanang Pilipino. Ang kawalang-hanggan ng mga buwayang nasa koral ay hindi dapat binibigyan ng prebilehiyong mamuno, nararapat sa kanila’y sinisibak sa piuwesto. Higit na makabubuti sa sistema ng hustisiya kung hindi lamang ang batas ang siyang babaguhin kung hindi pati na rin ang mga tiwaling nanatili.
dokomento
resiklo
Gwyneth Balduman
Gwyneth Ardrei Baylon
Maganda ka
sa mga sakit sa ulo ng mga guwardya sa Cavite National High School Inasa(CNHS) ang araw araw na kaliwa’t kanang paninita sa mga mag-aaral nakalimot sa tamang itsura o ayos sa paaralan. Pak na pak kasi ang
labi ng mga kababaihan dahil sa kabilaang pagkauso ng mga liptint at marami din ang “maangas” na kulay ng buhok ng mga mag-aaral. Nakakadismayang makita na sa kabila ng mga aksyon na ginagawa ng paaralan ay hindi pa din mabilang ang mga kaso ng mga estidyanteng nasasaway dahil sa nasabing sitwasyon. Ayon sa gurong tagapatnubay ng CNHS, ang pagbabawal sa sobrang kolorete sa mukha at iba’t ibang kulay ng buhok sa loob ng paaralan ay matagal ng nakasaad sa student’s handbook. Ngunit, hanggang ngayon ay isa ito sa mga pangunahing problema nila sa twing sasapit ang pasukan. Makikita na marami na ang ginagawang kilos ng mga gwardya ng paaralan. Kada umaga, nananaway na agad sila sa mga estudyanteng sobra sa paglalagay ng mga kolorete at pinatatanggal ito sa kanila. Minsan na ring sumama ang gurong tagapatnubay ng paaralan sa pagbabantay sa mga estudyanteng iba ang kulay ng buhok at binibilinan sa dapat nilang gawin kaugnay nito. Masasabing ang ilan ay hindi na umuulit ngunit ang iba’y nanatiling matigas ang ulo. Gayundin naman, makikitang sinasaway na din ng mga guro ang kanilang mga estudyante patungkol dito. Muli may ibang sumusunod at may natitira pa ding hindi nakikinig. Makikita na ang problemang ito ay matagal nang sinusolusyunan at nangangailangan ng tulong. Hindi lamang mga mga guwardya at mga guro, ngunit pati na din ang kooperasyon ng mga mag-aaral mismo. Kaya’t bilang isang estudyante, nawa’y ang isang simpleng patakaran lamang na katulad nito ay masunod na. Tandaan, hindi nito
hanagad na mahadlangan ang pagpapahayag ng sarili ng isang mag-aaral, hinihiling lamang nito ang pagiging pormal ng mga estudyante sa loob ng eskwela.
Sa huli, ang paarala’y mananatiling paaralan at hindi lugar kung saan ang dami ng kolorete o angas ng kulay ng buhok ang sukatan ng iyong kagandahan.
Lumbay sa Dilim arami sa kabataan ang M pumapasok sa loob ng paaralan na mayroong ngiti
sa labi. Walang katapusang tawanan at lokohan kasama ang mga kaibigan. Nakakatuwang tingnan, ngunit nakakalumbay isipin na Isa lamang itong maskara na pinipilit takpan ang mukhang binabalot ng lungkot at kadiliman. Sa ngayong panahon, mahirap matanaw sa pangkat ng mga kabataan kung sino ang tunay na nakakaranas ng depresyon, kung saan isa itong problema sa pag iisip na nakakaramdam ng labis na kalungkutan. At madalas sa ating mga kabataan ayon sa mga eksperto ang kumpirmadong mayroong sakit na ito. Dagdag nila, maraming kabataan ang tinapos ang kanilang buhay dahil sa patuloy na pagbalot ng lungkot at kadiliman. Sapakat, marami sa ating mga ay mapagpanggap dahil sa takot na mahusgahan. Imbis na ipaalam ang tunay nilang nararamdaman, mas pinipili nilang magtago sa likod ng mga naka ngiting maskara. Ang ilan naman ay kadalasang nararamdamang sila’y mapag-isa at ito ay nakakabahala sa ngayong
henerasyon. Marami sa ating mga kabataan ay mahilig makipagbiruan, ngunit hindi lahat ay tinuturing na biro ng kabilang panig. At madalas ang mga sinsabi na ating mga labi ay nakakaapekto sa emosyon ng tao. Hindi nawawala ang mga mapanglait na mga mata ng kabataan na hindi pa personal na kilala ang tao, ay agad na itong hinuhusgahan dipende sa kanyang nakikita. Ang ating mga binibigkas ay minsan ng nakasakit ng kapwa natin kaya kailangan nating magingat at maging sensitibo sa mga sasabihin natin upang hindi tayo makasakit ng damdamin. Sa ngayong henerasyon, madalas sa atin ay kabado sa tuwing grado na ang usapan. Idagdag na natin ang mga magulang na mataas ang inaasahan sa kanilang anak, sa kabilang madalas sa kanila ay hindi marunong magpahalaga. Ito ay isa sa nag bibigay lumbay sa mga kabataan ngayon, sapagkat ang ang ilan sa atin ay hindi nakakaranas ng pagpapahalaga mula sa sariling mga magulang. Kaya naman marami sa atin ay ang perspektibo’y, hindi sapat lahat ng kanilang paghihirap. Higit pa sa ating kaalaman, mayroon rin mga
Imbis na ipaalam ang tunay nilang nararamdaman, mas pinipili nilang magtago sa likod ng mga naka ngiting maskara personal na isyu na pampamilya na posibleng pang mas maghila sa isang estudyante sa patungo sa kadiliman at kalungkutan. Mahirap labanan ang depresyon dahil matinding lumbay ang dala nito. Minsan, kailangan lang natin ng kausap upang malabas natin ang ating saloobin. Hindi natin pwedeng hayaan na mayroong mga estudyanteng ang kanilang pananaw sa buhay ay sila lang ang haharap sa lahat ng problema. Huwag natin iparamdam sa ilang kabataan na sila’y nag-iisa at tapusin ang buhay nila dahil sa mga problema. Tayo ay maging alerto.
opinyon 07
agudo Gwyneth Balduman
saludo
Labis na Pagkasabik M
abilis ang pagtaas ng populasyon nating mga Filipino sa bansa. At isa sa mga dahilan nito ay ang maagang pagbubuntis ng mga kababaihan. Marami sa ating mga kabataang nasa edad 15-19 ang maagang nabubuntis. Isa ito sa mga kasalukuyang problema na kinakaharap natin ngayong henerasyon.
Nakakaabalang malaman na maraming batang kababaihan ang maaagang nagiging ina. Nakakalungkot sapagkat hindi lahat ng dalagang ina ay napapanagutan. Marami rin ang hindi na tinanggap sa kanilang pamilya sapagkat ang maagang pagbubuntis ng isang kabataan ay isang malaking kahihiyan para sa kanila. Higit sa lahat, dahil sa maagang pagbubuntis nila, hindi hindi na sila nakakapagtapos para sa natin kanilang kinabukasan. Kabilang sa mga dahilan kailangang ng maaagang pagbubuntis ibuhos ang sisi sa ay ang kakulangan sa edukasyon. Madalas sa kanila dahil walang ating mga kabataan ay perpektong magulang, mausisa, sapagkat hindi pa at ang ninanais ng mulat sa reyalidad ng buhay at puro kaligayahan lamang nakararami ay ang ang iniisip. Ang kakulangan kabutihan ng sa edukasyon at kaalaman ay isa sa mga problema ng ating kanilang mga bansa, sapagkat malaki ang anak epekto nito sa atin. Karagdagan, dahil sa maaagang pagbubuntis
maraming mga kabataan ang walang nagagawa kundi tumigil sa pag-aaral upang magawa ang responsibilidad nila bilang batang ina. Nakalulumbay malaman sapagkat ang mismong magulang na tumanggi sa kanilang mga anak na rin ang may problema. Dahil kung sila mismo ay nagawa ng maayos ang kanilang responsibilidad at nagabayan ng maayos ang kanilang anak hindi mangyayari ang ganitong klase ng aksidente. Ngunit hindi natin kailangang ibuhos ang sisi sa kanila dahil walang perpektong magulang, at ang ninanais ng nakararami ay ang kabutihan ng kanilang mga anak. Sadyang may mga kabataang nawalan ng direksyon sa buhay gawa ng impluwensiya ng nasa paligid nito. Ang ilan ay hindi talaga ginusto, at posibleng ginahasa. Ngunit mayroon talagang lumagpas sa limitasyon at ninais ito dulot ng kuryosidad.
EFECTIVO Aaliyah Bastinen
Tagumpay sa Dulo ng Lawa para sa mga mag aaral ng Cavite Pnaagsubok National High School-Senior High School tawirin ang piraso ng kahoy at bato upang
makaiwas sa nag lalawang baha na may kasamang makapal na putik. Ngunit hindi ito ang makakapigil sakanila abutin ang kanilang minimithing pangarap para sa kinabukasan. Mistulang nasasanay na ang mga estudyanteng makipag bakbakan sa mga rumaragasang tubig na dulot ng malakas na ulan sa loob mismo ng paaralan. Kanya kanyang gawa ng paraan ang iilan upang hindi malagyan ng makapal na putik ang kanilang sapatos. Pinipilit namang solusyunan ng mga kawani ng paaralan ang problemang ito sa pamamagitan ng pag lalagay ng mga kahoy na maaaring daanan ng mga kabataan patungo sa kanilang silid. Ayon sa isang mag aaral ng Senior High School na si Chreybelle Reynante, hindi talaga madaling tawirin ang maputik na daanan sapagkat magkamali ka lamang ng tapak maaari ng lumubog ang iyong paa at matabunan ng putik ang iyong sapatos. Dagdag pa niya na maaaring maging sanhi ng pag kadulas ang mga putik na ito lalo pa at basa ang mga kahoy at bato na iyong tatatawiran upang marating ang silid aralan.
makikita ang determinasyon ng isang mag aaral sa kabila ng pag subok na tatahakin nila sa pag pasok ng paaralan
Mula sa karanasang ito, makikita ang determinasyon ng isang mag aaral sa kabila ng pag subok na tatahakin nila sa pag pasok ng paaralan. Nakakatuwang hindi nagiging sapat na dahilan ang hirap na ito upang tamarin sila at lumiban na lamang dahil may pangarap silang ninanais abutin. Ayon naman sa ikalawang punong-guro ng Cavite National High School na si Bb. Cherryleen C. Marquez, noong nakaraang Agosto nakipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Cavite City. Bilang tugon binigyang pansin ng mga ‘City Civil Engineers’ ang problemang ito at makikipag ugnayan sila sa Local School Board (LSB) upang makalikom ng dagdag pang pondo para dito. Dagdag pa ni Bb. Marquez, magtutulungan din ang ‘Faculty Club’ ng shs at ‘Parents Teachers Association’ (PTA) upang matugunan ang suliraning ito. Nananawagan din siya sa mga estudyanteng makipagtulungan din sa paaralan sa pamamagitan ng pag papalaganap ng balitang kinakailangan ng paaralan ng pondo para dito. Sa huli sinabi niya na pagtutulungan lamang ng bawat isa ang tanging kasagutan sa isyung ito. Makikitang hindi pinababayaan ng ahensya ng paaralan na lumala ang problemang kinahaharap nila sa kasalukuyan. Hindi sila tumitigil na maaksyunan at tuluyang masolusyunan ito upang hindi mahirapan ang mga estudyante. Sinisigurado din nila ang kaligatasan ng lahat ng mag-aaral na pumapasok at nag titiwala sa paaralang ito lalo pa at paaralan ang pangalawang tahanan ng mga kabataan at sinasabing pangalawa sa pinaka ligtas na lugar para sakanila. Hindi madaling matupad ang matayog na pangarap ng bawat isang mag-aaral. Ngunit sa pagsusumikap at sama samang pag tutulungan ng bawat isa hindi imposibleng makamit ito, gaano man katayog at kaimposible itong makamit.
Gwyneth Balduman
HIVang
akakaalarmang malaman na patuloy ang pagtaas ng kaso ng HIVN AIDS sa ating bansa. Pilipinas din ang natatanging bansa sa TimogSilangang Asya na patuloy na pataas ang kaso ng nabibiktima ng sakit na
ito. Katunayan, itinuturing tayo ng Joint United on HIV/AIDS Programme Nations o UNAIDS na mayroong “fastest growing HIV epidemic” sa Asia Pacific region. Nakababahala na ang lalawigan ng Cavite ay isa sa mga nangungunang lugar sa Pilipinas na may mataas na kaso ng naturang nakahahawang sakit. Ayon sa huling tala ng Department of Health (DOH) CALABARZON, may 9,926 katao na ang bilang ng mga biktima ng HIV/ AIDS sa buong rehiyon mula pa noong 1984 hanggang 2019 at bidangbida rito ang Cavite na nakapagtala ng 3, 555 na kompirmadong kaso. Ang nakapanlulumo pa, malaking porsyento ng mga biktima ay mga kabataang nasa edad 15 hanggang 24 taon. Mausisa ang maraming kabataan sa mga bagay-bagay lalo na sa usapin ng sex. Marami ang mapusok at nagmamadaling pumasok sa ganitong gawain kahit hindi pa handa at walang sapat na kaalaman tungkol dito. BASIC, ‘ika nga nila – bagay na naglalagay sa mga kabataan sa peligro. Mabuti na lamang at sinimulan na sa Bacoor, ang lugar sa Cavite na may pinakamataas na kaso ng HIV/AIDS, ang mga hakbangin upang magabayan ang mga kabataan sa naturang lungsod. Isa pang nakikitang lunas sa isyung ito ay ang pagsasama ng usapin ukol sa reproductive health sa mga aralin at talakayan sa paaralan. Malaking tulong ito nang sa gayon ay maliwanagan ang mga itinuturing na pag-asa ng bayan sa halaga ng pangangalaga sa sarili at sa peligrong dala ng maagang pakikipagtalik at unsafe sex. Sa huli, magsilbi nawa itong aral para sa kabataan. Magingat at alamin ang limitasyon . Huwag magpadalos-dalos sa pagbuo ng desisyon. Palawakin ang kaalaman upang problema sa HIV/ AIDS ay tuluyang matuldukan. Huwag manatiling hibang sa mga usaping walang lubos na kamalayan.
Mag-ingat at alamin ang limitasyon
Pagkaing Pangkaisipan “Sapagka’t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.”
Romans 8:18
K
ung mayroon ka mang pinagdadaanan sa kasalukuyan manalig ka lamang. Wag mong hayaang kainin ka ng iyong kalungkutan, isipin mong kalianman hindi mapapantayan ng lungkot mo ngayon ang kasiyahang matatamasa mo sa hinaharap. Palagi mong tatandaang hindi ka bibigyan ng Diyos ng isang problemang hindi mo kakayaning harapin. Kailangan mo lamang magtiwala sakanya, kailangan mong maniwala na iingatan ka niya dahil ikaw ang pinakamamahal niyang anak.
08 opinyon
ANG CAVITEÑAN
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
markado Gwyneth Balduman
sapantaha Kimberly Secima
Pangmatagalang lunas
a patuloy na pagtaas ng bilang ng mga estudyante at kawalan ng Sshifting” silid-aralan na kayang tumugon sa mga mag-aaral, isa ang “double sa solusyon para maresolba ang nasabing problema.
Sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite, mayroong humigit kumulang na 132 na silid-aralan- kabilang na rito ang mga silid para sa mga guro at opisyal ng paaralan. Kasalukuyan itong okupado ng mga estudyante mula Baitang 7 hanggang Baitang 10 na umaabot sa 5,725 na mag-aaral. Sa kalagayang ito, hindi sapat at naayon ang silid para umagapay sa mga mag-aaral ng CNHS kaya’t isinagawa ang “double shifting” sa halos lahat ng silid-aralan. Ayon sa World Bank, ang mga eskuwelahan na may double shift ang nagbibigay daan upang magamit ng husto ang mga kagamitan at maiwasan ang masyadong masikip na silid-aralan. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipaghatian ng silid sa ibang pangkat kung saan ang isa ay sa umaga at pang-hapon naman ang kabila. Hindi kaaya-aya ang ganitong sitwasyon para sa mga guro at magaaral. Tunay nga na sa larangan ng edukasyon, kailangan ng maraming sipag, tiyaga at determinasyong baon. Maraming sirkumstansiya na kailangan isaalang-alang at mahabang pasensiya’t pagtitiis. Maisasabuhay ito sa epekto ng double shifting, kung saan apektado ang oras ng pag-uwi ng mga mag-aaral. Sa kadahilanang mayroong kahati sa silid, ang Baitang 7 at Baitang 8 ay pumapasok ng ala-siyete ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali habang ang Baitang 9 at Baitang 10 ay nagsisimula ng alas-dose ng tanghali hanggang ala-siyete ng gabi. Ang maaga na pagpasok at pag-uwi ng gabi ang resulta nito. Ang nakakabahala rito ay ang kaligtasan ng mga estudyanteng gabi ang uwian- ito’y alanganin at ‘di nabibigyang pansin. Kasabay nito ang pag-usbong ng mga problema katulad ng paglilinis ng silid, pagkasira ng mga kagamitan at pagkawala ng mga bagay Ang ang ilan sa mga kaakibat ng nakakabahala rito pagsasakatuparan ng “double shifting”. Ang mga basura na ay ang kaligtasan nagmula sa kahati sa silid ay ng mga estudyanteng kailangan pa linisin at asikasuhin ng kabilang pangkat. Imbis gabi ang uwianna puro pag-aaral na lamang ito’y alanganin at ang aasikasuhin ng mga magaaral, iintindihin pa nila ang ‘di nabibigyang mga problema sa silid tulad ng pansin pagpapanatili ng kalinisan. At ang mga bagay na maaari nilang maiwan ay maaring hindi na nila maabutan o makitang muli. Gayunpaman, ang pagsasagawa ng “double shifting” ay isang malaking tulong na para sa mga estudyante na walang nakaatas na silid. Kung hindi dahil sa solusyong ito, maaaring nasa ‘covered court’ o kaya’y sa labas magkaklase ang mga magaaral. Sa labas kung saan ka’y hirap marinig ang boses ng guro at makapagpokus sa kanilang pag-aaral. Maraming distraksyon at mahihirapang ituon ang pansin sa leksyon. Sa lahat ng ito, patuloy ang pagkakaroon ng double shifting habang nagpapatayo ang kinauukulan ng mga gusali para sa karagdagang silid ng mga estudyante. Ika nga ng mga nakakatanda ‘tiis tiis muna’ habang inaaksyonan ito ng mga tagapangawasiwa. Maganda ang layunin ng pagkakaroon ng double shifting kahit na may karampatan itong paghihirap para sa mga estudyante, marapat lamang na mas lalo pang pag-igihin ang pag-aaral at gawin itong motibasyon upang sa oras na matuldukan ang problema, taas-noong ipapakita ang katatagan at determinasyon ng isang Caviteñan.
Pinto ng Bahaghari
ailan lamang ay umalingawngaw K ang isyu patungkol sa pagpapalagay ng hiwalay na palikuran para sa mga taong may pangatlong kasarian. Suportado naman ng mga kasapi ng Lesbian Gay Bisexual Transgender Queer+ Community (LGBTQ+) ang programang ito dahil ninanais nilang makamit ang pantay na karapatan para sa mga katulad nila. Kasabay ng pag putok ng isyu tungkol sa isang ‘transgender’ na si Gretchen Diez, lumabas din ang muling pagpaplano ng pag papasasabatas ng ‘Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill’ (SOGIE BILL). Pilit itong sinusulong ng mga kasapi ng nasabing komunidad dahil ayaw na nilang may makaranas pa ng pang aabuso mula sa ibang tao. Ngunit hindi pa din lahat sangayon dito, sa kadahilanang mas marami pang mas malalang isyu ang dapat pagkagastusan at mas pinagtutuunan ng pansin ng ating pamahalaaan kaysa sa usaping ito. Sa kasalukuyan hindi pa din naisasabatas ang bill na ito, ngunit sa usapin tungkol sa pagpapagawa ng pangatlong palikuran para sa mga may pangatlong kasarian, sang ayon dito ang Pangulong Duterte. Ayon sa tagapagsalita ng malacañang palace na si G. Salvador Panelo, mula sa napag usapan nila ng presidente nararapat lamang daw na magkaroon ng pangatlong palikuran para sa mga taong hindi lamang babae o lalaki ang kasarian. Mainam ang pag papadagdag ng isa pang ‘comfort room’ para
na din nga sa kaligtasan ng mga katulad nila mula sa mga mapagsamantala at mapangabuso na tao. Hindi din naman nila makakamit ang ‘comfort’ na sinasabi kung papasok sila sa palikuran at nararamdaman nilang hindi kumportable ang mga tao sa paligid nila at kung minsan pa kinukutya at pinagtatabuyan lamang sila. Nag pahayag din ng kanyang opinyon ang isa sa mga kilalang artista na kasapi din ng LGBTQ+ Community na si Vice Ganda tungkol sa isyung ito. Inamin niyang hindi din siya sang ayon dito noon, ngunit sa pag-iisip niya nag bago ito. Ani niya “For as long as marunong tayo rumespeto ng kapwa, hindi magiging isyu kung saan tayo papasok. Pero since isyu siya, parang nag-iisip ako — dapat yata may CR (comfort room) na ‘yung mga LGBT,” Dagdag pa niya, “Bakit hindi niyo na lang bigyan ng sariling CR ang LGBT, para may safe place? If men feel that they are unsafe, if women feel unsafe, and the LGBT community feels unsafe, then create a safe place for everyone.” Mahalagang pakinggan ang ganitong pahayag mula sa isang tao na parte ng samahang ito. Maaaring maging panawagan ito para mas marinig ng kinauukulan ang libong libong boses mula sa iba pang mga kasapi nito. Importanteng mapakinggan at maunawaan sila, dahil sa isyung ito sila ang nalalagay sa alanganin at kapahamakan. Marami pa din naman ang nag nanais maligtas ang mga LGBTQ lanban sa kamay ng diskriminasyon. Mula sa isang
makikita ang determinasyon ng isang mag aaral sa kabila ng pag subok na tatahakin nila sa pag pasok ng paaralan Adan ang kasarian ng mga taong ito parte pa din sila ng lipunan kung kaya’t malaki pa din ang epekto sa bansa kung hindi sila bibigyang pansin. Kailanman hindi magiging sapat na basehan ang kasarian ng isang tao para masukat kung gaano siya nararapat respetuhin. Hindi magiging isyu ang simpleng palikuran kung alam ng lahat ang salitang respeto kahit sino man ang kanilang kaharap.
punto de vista Maironn Sinlao
Pababain pa natin
Bakit nga ba patuloy nagaganap ang pag drop sa mga estudyante? Ano na ang drop out rate sa Cavite National High school?
a datos na inilabas ng guidance ng CNHS bumaba S2015-2016 ang drop out rate sa 1.81% mula sa taong panuruan hanggang sa 2016-2017. Napababa ito ng
paaralan dahil sa patuloy na pagtutok ng mga guro sa mga estudyante at sa tulong na din ng mga magulang o suporta sa kanilang mga anak Sa paglipas ng isa pang taon, muling bumaba ang drop out rate noong 2017-2018 nang makuha ang 5.71% na nanggaling sa 7. 59%. Humigit kumulang dalawang porsyento ang ibinaba nito na sumisimbolo sa kahusayan ng isang paaralan. Ngunit, sa di inaasahang pangyayari tumaas ito sa 6.79% sa taong panuruan 2018 hanggang 2019. Ito’y naging paraan upang muli o patuloy nilang pagtibayin ang mga paraan nila upang mapababa ang porsyento nito sa taong ito. Sa proseso ng drop out hindi ito kaagad napapatupad. Naglulunsad ang paaralan ng mga home visit, guidance o pagbibigay payo at
pagtatanong kung bakit siya mahahatulan ng drop out sa paaralan. Isa sa pangunahing rason ay “Family Problem”. Itong dahilan na ito ay ginagamit o nangyayari sa buhay ng isang estudyante mula sa baitang 7 hanggang 10. Pumapangalawa dito ay ang maaga na pagtatrabaho dahil sa dala ng kahirapan sa buhay . Maging ang maagang pagbubuntis o pag-aasawa kaya sila’y nahahatulan ng drop sa mga estudyante ng baitang siyam at sampu. Hindi nararapat ang basta-bastang paghatol dahil ang iba ay nagkakaroon ng maayos na pag transfer sa ibang paaralan. Ngunit, ang mas mabisang paraan dito ng CNHS ay ang pagpapatupad ng mga programa tulad ng ADM. Mahihinuha na kapag mataas ang dropout rate sa isang paaralan may pagkukulang o may kailangan pagtibayin na paraan ang mga guro upang mapababa ito. Nang sa ganon ay gumanda ang talaan ng paaralan ukol dito. Sa kabuuan hindi nating kailangan magpakampante sa resulta ng nakaraan. Tanging susi lamang o lunas ay kung paano natin papagtibayin o pahahalagahan ang biyaya ng kasalukuyan.
Para sa mga Ninja Cops...
KAPIT LANG. Kalakip ng bawat umaga ay mga bagong pag asa at oportunidad na nag-iintay sa atin. Mark Vincent Millona
survey na isinagawa ng ‘Social Weather Stations’ (SWS), walumpu’t limang pursyento ang nagsasabing nararapat lamang na bigyang kaligtasan ang mga myembro ng LGBTQ samantalang limang pursyento naman ang hindi sang ayon dito at sampung pusyento ang hindi pa sigurado sa kanilang pinipiling desisyon. Totoong marami pang mas malalaking isyu ang dapat pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno. Ngunit sa kabilang banda, paano masosolusyunan ang pang malawakang isyu kung hindi maaaksyunan ang mga simple at mababaw na problemang kagaya nito. Hindi man simpleng Eba o
Ugali ng karamihan sa ating Filipino ang abusuhin ang kanilang posisyon. Iniisip nila na dahil sila na rin ay makapangyarihan at sila ang mas nakakalamang sa lahat. Kaya hindi ibig sabihin na kayo ay alagad ng batas, tama lahat ng inyong pagkikilos. Hindi dahilan ang posisyon niyo para masabi niyong pwede niyong gawin lahat. Kayo ang nasa mataas na posisyon, kayo ang isa sa aming ginagalang at tinitigalaan bilang mga modelo, ngunit bakit ang impluwensiya niyo ay negatibo? Alam naman nating illegal na droga ay nakakasama sa lahat ng aspekto ng buhay. At bilang mga pulis, resposibilidad niyong hulihin ang mga mamamayang kabilang sa mga nagdodroga hindi ang maging kagaya ng mga hinuhuli niyang lulong ditto sa droga. At kayong mga tiwaling alagad ng batas, “nirerecycle” niyo ang mga drogang inyong nakukuha. Wala kayong pinagkaiba sa kanila. Wala kayong awa sa mga taong naaapektuhan ng pagrerecycle niyo ng droga. Puro kaligayahan at pag abuso ang inyong inaatupag. Hindi kayo karapat-dapat sa inyong posisyon, bilang mga modelo ng bansa. Sarili niyo lang ang inyong iniisip at hindi niyo na naiisip ang iba. Walang masama sa pag-amin ng inyong ginawa, hindi niyo iakakabawas ang pagtanggap ng inyong pagkakamali. Ilabas niyo ang tapang niyo kagaya sa pagrecycle niyo ng droga sap ag-amin ng pagkakamali niyo. Pagbabago ang solusyon. Linisin niyo ang inyong pangalan. Dahil hindi lang kayo ang naaapektuhan, ang ilang mga pulis na inosente pati na rin ay napagkakamalan. Dahil hindi lang ito para sa inyo, kundi pa rin sa ating mga Filipino.
ANG CAVITEÑAN
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
lathalain
Mula sa Taga-Cavite City ka Kapag Facebook Group Page
Walang Imposible Ezekiel Escobar
na sa dugo ng mga Pilipino Lnaikas ang pagtulong sa kapwa kahit sa maliit na paraan. Kahit
bata ka man o matanda, may kapansanan man o wala, mayaman man o mahirap ay may sarili kang kakayahan para maging bukas palad sa lahat—nang walang hinihinging kapalit. Sa murang edad pa lamang ay namulat na sa ganitong pananaw sa buhay ang 17-anyos na si Rica Mae Legson na kasalukuyang nag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite sa ilalim ng HUMSS 1-B. Kamakailan lamang ay nag viral sa isang Facebook group ng Cavite City ang pakikihalubilo at pakikipagusap ni Rica sa mga batang lansangan sa tapat ng
Jollibee. Ayon sa kaniya, binibisita niya ang mga musmos na ito kapag may bakanteng oras o walang masyadong ginagawa sa paaralan. Ang perang kaniyang ibinibigay o ipinapapambili ng pagkain sa mga batang ito ay galing sa kaniyang sariling pawis kung saan ay tumutulong siya sa tindahan ng kaniyang tiyahin. Labing isang taong gulang noon si Rica Mae nang iwanan sila ng kaniyang ina samantalang ang kaniyang ama naman ay namatay sa isang aksidente kaya ang kaniyang tito at tita ang siyang kumupkop sa kaniya at tumustos ng lahat ng kaniyang pangangailangan sa pag-aaral.
Bilang kapalit ay tumutulong siya sa pag-aasikaso sa tindahan at doon niya kinukuha ang perang pinangtutulong niya sa mga bata. “Sa totoo lang, nakakatuwa po sila dahil sa tuwing tinatanong ko sila kung ano ang kanilang pangarap, lagi nilang sinasabi na makatulong sa kapwa’ ani Legson. Dito pa lamang ay makikita na maganda ang kaniyang impluwensiya at natuturo sa mga paslit na ito. Marahil siya ang kanilang inspirasyon para magpatuloy sa buhay at abutin ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kahirapan at kawalan ng edukasyon. Kahit kailan ay hindi nagtanim ng sama ng loob o paghihiganti
ang puso ni Legson kahit pa siya ay nakaranas ng matinding pambubully noon. Inilapit niya ang sarili sa Diyos at nagsilbi sa kanilang simabahan upang magbalik loob at ipakita na kaya niyang mabuhay nang mabuti at mapayapa kahit walang magulang sa tabi niya. Tunay ngang si Legson ang siyang dapat tularan at gawing modelo ng mga kabataan ngayon. Payo nga niya, “Buksan natin ‘yung mga mata natin upang makita ang tunay na kulay ng mundo. Huwag na huwag nating kakalimutang magbigay, magpasalamat at maging isang mabuting tao.” Sa kaniyang mga binitawang salita pa lamang ay masasabing ito
ay pinalaki ng maayos at hindi hinayaang maapektuhan ang sarili sa lahat ng hamong ibinabato ng mundo. Dahil sa kaniyang ginawang pakikisalamuha sa mga batang lansangan ay naantig at pinuri siya ng mga netizens dahil sa mabuting kalooban nito. Nagpapasalamat ng buong puso si Rica Mae sa lahat ng taong na inspired sa kaniyang kuwento lalong lalo na sa mga kabataang nakasaksi rin. Nawa sana’y itanim ng bawat isa sa kanilang utak at puso ang tumulong sa kapwa kahit anong oras nang walang hinihinging kapalit.
Always Tatag, Pag Lumingon ka,Makakarating ka Never Tibag Jamilla Bausing
Ezekiel Escobar
awat mag-aaral ay may kaniya-kaniyang pananaw sa buhay, B marahil iba’t ibang ambisyon ang kanilang nais maabot ngunit iisa lamang ang kanilang misyon at ito ay ang maging matagumpay
sa buhay. Ika-nga nila, ang taong may matibay na puso lamang ang nakakarating sa dulo at nakakakuha ng malaking premyo. “Matutong mangarap dahil libre lamang iyon.”, ani George. Ang sentro kung bakit tayo nabubuhay sa mundo ay dahil kinakailangan nating mangarap at ito nga ang siyang sinundan ni George Bachao Obregoso Jr., isang alumni ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite na kasalukuyang namamayagpag na sa kaniyang tinahak na landas. Si George ang siyang bunso sa tatlong magkakapatid at ang ina na lamang niya ang tumatayong Padre de pamilya sa kanila. Ang kaniyang tatay ay nasawi bago pa siya naisilang kaya hindi na niya ito nagawang masilayan. Bunsod nito, naging mahirap ang kanilang buhay lalo na’t sa pinansiyal na estado.Ito nga ang siyang naging pangunahing hadlang sa kaniyang pag-aaral pero ganunpaman ay hindi nito nagawang tibagin ang matibay na pundasyong itinayo ni Obregoso para sa kaniyang pangarap. Ito ay nakapagtapos ng 2 degree, Bachelor of Science in Civil Engineering sa Technological University of the Phlippines-Manila at Bachelor of Science in Environmental and Sanitary Engineering sa National University. Si George rin ay lisensiyado na sa ilalim ng PRC bilang Registered Civil Engineer, Master Plumber at Sanitary Engineer. Kung titignan ang kaniyang mg naabot na sa buhay ay tunay ngang hindi nagpaapekto si Obregoso sa mga hamong ibinato sa kaniya ng mundo. Siya ngayon ay kasalukuyang propesor na sa Adamson University para sa mga mag-aaral na kumukuha ng BS Civil Engineering. Ang pagbalik nito sa mga kaalamang naituro sa kaniya ay isinasagawa na niya ngayon. Ang mga munting hakbang na kaniyang pinagsisikpan ay para sa pamilya nito at sa Poong Maykapal na nag gawad sa kaniya ng malaking talento at gumabay hanggang sa dulo ng laban nito. “Gusto kong matulungan ang nanay ko lalo na’t napakalaki ng sakripisyo niya para makapagtapos kaming magkakapatid” saad ni George. Makikita sa bakas ng bawat salita nito na mayroon siyang nais patunayan at patunguhan ngayon pa’t nakikita niya ang matinding suporta sa mga taong tunay na nagmamahal sa kaniya. Kahit malayo na ang narating ni Obregoso sa buahy ay nananatili itong mapagkumbaba sa lahat ng 1bagay, ito ang kaniyang naging pananaw at konsepto sa buhay na kahit saan ka man dalhin ng tadhana ay laging magpasalamat sa Diyos.
Kung minsan ba, ay naaalala mo ang dati mong pinapasukang paaralan nung ika’y nasa elementarya ka pa lang? Nakakamiss, ano? Yung dati niyong stage, classroom, pati na rin yung mga paligsahang sinasalihan mo? Kung mabibigyan ka ng pagkakataong maipakita ang pasasalamat mo bilang alumni ng isang paaralan, paano mo gagawin ‘yon? Kilalang kilala ang Cavite National High School bilang paaralang matagal ng nakatayo sa ating bansa. Isa na ako sa mga mag-aaral na masayang makatungtong at makapag-aral sa eskwelahang ito dahil maipagmamalaki ko talaga ito pagdating sa punto ng buhay ko kung saan ang ginagawa ko na lang ay alalahanin ang lahat ng tungkol dito. At bilang isang manunulat sa larangan ng lathalain ay nabigyan ako ng napakagandang pagkakataon para makapanayam ang isa sa mga alumni ng CNHS na hanggang ngayon ay ipinapakita pa rin ang walang sawa niyang pasasalamat at pagsuporta sa paaralan. Si Ginoong Arnel Soler na ang nais ay ang tanging pagtulong sa CNHS ay nag-donate kakailanganing kamera para sa mga mamamahayag ng paralan at para sa iba pang aktibidad ng eskwelahan. Siya ay naghandog din ng isang panayam tungkol sa wastong paggamit ng social media. Sa kung anong kapahamakan ang maidudulot nito kapag hindi wasto ang paggamit. Gayundin ay iminulat niya ang isipan ng mga mag-aaral sa responsableng pagbabahagi at pagkuha ng impormasyon mula sa internet. Maging sa mga guro ay nagbahagi siya ng kaalaman sa mga application at softwares na pwedeng magamit sa pagtuturo. Kaligayahan ang naidudulot sa kanya sa pagbibigay niya ng donasyon para sa dati niyang paaralan. Ganoon siguro kaganda ang buhay hayskul niya para magabot ng tulong dito kahit na nasa ibang bansa na siya. Para sa akin ay isa siya sa mga taong may magandang estado sa
Mula kay George Bachao Obregoso Jr.
buhay dahil hindi niya kailanman nakalimutan ang mga tumulong at nagsilbing tulay sa kanya. Sabi nga nila, “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” Para lang naman ‘yang guro na madadaanan mo. Hindi mo talaga maiiwasang pasalamatan ng ilang ulit bago ka muling maglakad papalayo. Kaya ako, ang hiling ko kapag ako ay nakarating na sa tuktok ng aking pangarap ay matulungan din ang paaralan ng Cavite National High School, bilang pasasalamat sa pagiging parte ng aking napakagandang highschool life. Dahil kagaya ni Sir Arnel ay gusto ko din makitang mas nakikilala ang dati kong paaralan sa ganda ng pagbabago nito. Dahil kung lilingunin mo ang nakaraan para pasalamatan ang lahat ng naging daan sa tagumpay mo, mas magiging matagumpay ka. Sana ay mas dumami pa ang G. Arnel Soler na handang magbahagi ng kaniyang biyaya na walang hinihinging kapalit.
Kuha nina Christine Carl Mesa at John Gabriel Roa
ANG CAVITEÑAN
10 LATHALAIN
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
Chalk na Hindi na Malalaglag
Mula sa Facebook page ng INCEthink
Ezekiel Escobar
templo ng ating pagkatao ay ang ating utak at ang angking abilidad nito. Dito naninirahan ang kakayahan at pansariling pananaw sa buhay Isang sabawat isa. Nahahasa rin dito ang galing sa pamamalakad at pagpapatakbo ng isang indibidwal sa kaniyang nasasakupan. Katulad ng isang pisarang ginagamitan ng yeso upang makapagtala ng mga impormasyon na siyang maituturing na kaalaman ay ganito rin ang naging takbo ng buhay ni James Louie Andeza, isang mag-aaral ng STEM at kasalukuyang Pangulo ng Student Council sa Senior Highschool ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite. Si Andeza ay biniyayaan ng Diyos ng kagalingan sa pamamahala ng isang organisasyon na ang layunin ay makapagsagawa ng pagbabago. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong talento kaya maituturing na swerte ka kung mayroon kang abilidad katulad nito. Hindi naging madali ang proseso para kay James lalo na’t naranasan nito na ikimkim na lamang ang kaniyang saloobin noon sapagkat wala siyang sapat na tapang sa katawan upang ilabas ang kaniyang nalalaman o opinyon. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nagbago ang ihip ng hangin; buong kumpiyansa na nitong pinulot ang chalk sa pagkakalaglag at muling nagsimula na hasain ang kaniyang paglilingkod sa paaralan. Siya ay naging Pangulo ng Supreme Pupil Government noong Elementarya at Youth for Environmental Science Organization (YES-O) sa kaniyang Sekondarya kung saan siya ay nagkamit ng dalawang JCI Youth Leadership Excellence Award at Gen. Emilio Aguinaldo Leadership Award. Sa kasalukuyan, si Andeza naman ngayon ang President g Tellusians Club at Student Council. “Pag nagiging leader ako, lagi kong sinisiguro na walang lumalamang at napag-iiwanan” ani Andeza. Ito lamang ay repleksiyon ng kaniyang konsepto sa pigging lider sa mga estudyante. Ang pagbibigay opurtunidad niya sa mga ka miyembro na maglabas ng suhestiyon, pananaw at opinyon sa mga programa na kanilang isinasagawa at pagkakaroon niya ng pantay-pantay na pagtingin dito ay isang magandang kaalamang dapat itala sa puso ng mga kabataan na kahit sa murang edad ay maaari na tayong maging isang mahusay na lider ng bansa. Ayon kay Andeza, mas napalapit na ang kaniyang kalooban sa pamumuno lalo na’t sobrang hinubog ang kaniyang talento sa mga seminars na kaniyang pinupuntahan kung saan siya ay minsan na ring naging speaker. Sa lahat ng papuri at parangal na kaniyang natanggap sa edad na 17-anyos ay nakuha na niya ang malaking respeto mula sa mga kaibigan kapwa mag-aaral at mga guro na kung saan ay masasabing handa na ito sa mas malaking mundo at sa mas malaking pisarang naghihintay sa kaniya sa kinabukasan. Sa kaniyang nalalapit na paglisan sa Sekondarya ay asahan nang bibitbitin nito ang aral na kaniyang napulot sa pagiging batang lider upang mamuno sa ating bansa. “Sa pagiging leader, hindi dapat tayo tumitingin sa kung ano yung nakakamit natin na pansarili, kundi kung ano yung napupunan natin para sa lahat.”- Andeza, 2019. Ang chalk na kaniyang ginamit para maglingkod sa bayan at ang pisarang kaniyang naging sandigan sa kaniyang mga naisin at plataporma sa buhay ay kailanman hindi na mabubura ng panahon--- ito ay mananatili na sa kaniyang puso at diwa.
Magsimula para
Matingala Jamilla Bausing
adalasan sa ating mga Pilipino K ay mas ninanais pa na alamin ang kultura ng ibang bansa. Isa
Weight ka Lang!!! Ezekiel Escobar
indi natin makakaila na sa H ating paglaki ay nagiging conscious na tayo sa ating
pangangatawan at kalusugan. Tiyak na marami kayong kakilala na siyang aburido na rin sa kaiisip kung paano ba magpapayat nang mabilis kaya naman nagkalat ngayon sa internet ang iba’t ibang paraan ng diet upang ma-achieve ang body goals. Bata pa lamang si Dayniele Loren ay taglay na nito ang mabigat na timbang , sabi nga ng kaniyang ina ay hindi umaakma ang kaniyang laki sa edad nito. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting tumaas ang kaniyang timbang lalo na’t sobrang kinahihiligan nito ang pagkain ng mga nagmamantika at matatamis na pagkain. Ito marahil ang kaniyang takbuhan o ika nga’y “happy pill” kapag nakakaranas ng stress sa katawan. Dahil nga sa paglobo nito ay nakaranas siya ng pambubully at paghihirap lalo na sa mga physical activities sa klase nila sa PE kaya naman ay pinayuhan na ito ng kaniyang magulang na magbawas na lalo’t umabot ang kaniyang timbang sa 105 na kilo. Sa kabila nito ay nanatiling matatag si Loren sa buhay, mas lalo siyang pinagtibay ng panahon kahit daladala nito ang mabigat na pangangatawan. Dito niya nakita ang tamang pananaw sa buhay upang magsimula ng malaking pagbabago. Enero ng taong 2019 ng simulan ni Dayniele ang low carbohydrate diet kung saan ay umiiwas siya sa pagkain ng kanin, tinapay, noodles at iba pang may matataas na
sugar o starch content. Ginamit nito ang kapangyarihan ng internet upang magsaliksik kung ano ang mga maiinam na gawin para kahit nagda-diet ay may lakas pa rin itong gawin ang mga pangarawaraw na aktibidad. “Nung una, mahirap talaga kasi likas na sa mga Pilipino ang pagkain ng kanin pero pag tumagal at nakita mo yung changes, parang yun ang nagfufuel sa akin para ituloy yung ginagawa ko” ani Loren. Dito mababakas na displinado siya sa mga gusto niyang gawin. Determinado itong abutin ang inaasam asam na timbang kaya naman ay mabilis siyang nakabawas ng 30 kilo sa kaniyang katawan. Bunsod nito ay kaliwa’t kanang puri ang kaniyang natamo mula sa mga kaibigan at guro dahil sa mabilis nitong pagpayat. Marami rin ang siyang na-inspired sa kaniyang natamo at gusto ring subukan ang naturang diet. Mas
nakakakilos na rin ng maginhawa at maayos si Loren ngayon at nasanay na rin ang kaniyang katawan sa kaunting pagkain. Ika-nga ni Dayniele, “ Pahalagahan ang iyong kalusugan dahil ito ang magdidikta ng iyong kinabukasan.” Payo lamang nito ay bigyang pansin ng bawat isa ang pansariling katawan dahil isa itong mahalagang sangkap sa pag-abot natin sa ating pangarap. Magiging balewala lamang ang iyong mga pinaghirapan at pinagsikapan kung ang iyong kalusugan ay mauwi sa maling landas.
Kuha ni Dayniele Loren
Mula sa Facebook page ng SB19
na dito ay ang mga Kpop idols na hanggang ngayon ay nauuso pa rin. At ngayong nabibigyang pansin na ang grupong umuusbong sa bansang Pilipinas, ano ang dapat nating gawin? Tatangkilikin o hindi pagtutuunan ng pansin? Kapansin pansin sa ating mga Pilipino ang palagiang pagbibigay papuri sa ating mga iniidolong Kpop idols. Mula sa malaporselanang kutis hanggang sa kamangha manghang talento nila, ay sadyang nakakabilib para sa atin. Tila ba tanging sa kanila lang natin nakikita ang ganitong uri ng pagtatanghal. Pero bakit nga ba ganito na ang katwiran ng iba? Kesyo hindi kayang tapatan ng Hashtags ang BTS, EXO, at GOT7? Kesyo mas magaling ang TWICE, BLACKPINK, at RED VELVET kaysa sa GirlTrends? Porket Pilipino ang sumayaw, muntik lang magkasabay sabay? Akala ko ba, tangkilikin ang sariling atin? Bakit parang, huwag piliin ang galing sa atin? Bakit hindi natin pagtuunan ng pansin ang talentong ipinapakita ng ating mga kababayan? Kung saan naipapamalas nila ang kanilang mga talentong dapat ay naipagmamalaki. Mga kakayahang masasabi mo man na limitado, ngunit kung ipamalas man ay parang sigurado. Na handang pakinggan ang opinyon ng mga hurado, walang kabang
nararamdaman at parang kalmado. Tayong mga Pilipino ay dapat na magpakitang gilas, dahil paniguradong lahat ay may maipapamalas. Kung lumaban ay patas, dahil tiyak na maitataas ang bandera ng ating bansang Pilipinas. At dahil unti-unti ng nakikilala ang grupong SB19 na nagmula dito sa Pilipinas, maaaring ito ang maging daan para malaman ng iba na, "Yaman muna natin ang ipagbunyi, bago ang iba.". Mula sa mga salitang bumubuo sa kanilang kanta na "Go Up", hanggang sa sayaw na sila ang mismong bumuo, ay sadyang nakakatuwang isipin na may limang mga binata na nagpapakita ng kakayahan ng isang Pilipino. Ika nga nila, ilang bese pa man silang mabigo, ay hinding hindi sila susuko. Ito ang tunay na Pinoy Pride! Sabay sabay tayong magdiwang para sa grupo na ang nais lamang ay magpasaya, magpahayag ng damdamin, magpakita ng talento at humikayat sa kapwa nila Pilipino na kung kaya nila, ay kaya din natin! Hindi kailangang maging edukado para magpamalas ng talento. Ang tanging kailangan ay tiwala sa sarili at lakas ng loob magpamalas ng natatanging kakayahan. Paano nga ba ang tanong mo? Unahin muna ang sa atin bago ang sa iba! "Kahit ilang beses pang matumba, yeah we gonna go up!"
Opisyal na PampamayananPampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite
lathalain 11 Pagsuko’t Paglaban:
Rampa ng Tagumpay
Kuha ni Robert Bardon
Ezekiel Escobar
ng bawat sulok ng entablado ay may kani-kaniyang istorya,istorya na siyang repleksyon Apundasyon ng pagsisikap at determinasyon ng mga taong may pangarap sa buhay. Ito marahil ang ng kanilang simulain sa pag-abot ng magandang kinabukasan. Dito mahuhubog
ang angking kakayahang binigay ng Diyos sa kanila na siyang susi sa tugatog ng tagumpay. Labinlimang taong gulang pa lamang si Guillana Dyanne Sueco ay punung puno na ito ng mga parangal sa kaniyang tinahak na landas- ang mundo ng pagrampa. Bata pa lamang ito ay nakitaan na siya ng potensyal ng kaniyang magulang kaya naman suportado nila ito sa bawat laban. Pinasok niya ang pagsali sa mga beauty pageants dahil sa mga opurtunidad na maaring magbukas sa kaniya at sa impluwensiya nito na makatulong sa maraming tao. Si Sueco ay itinanghal na Bb. Kalikasan –Philippines kung saan ay nasungkit niya ang inaasam na korona na magbigay karangalan sa buong Cavite at sa paaralang kaniyang pinapasukan. Tila hindi pagsidlan ng saya ang kaniyang puso dahil ito ang kaniyang kauna-unanhang title na nahawakan at sa National level pang patimpalak. Ang suporta, pagmamahal at tiwala diumano ng taong nasa paligid nito ang siyang rason kung bakit siya lumaban at rumampa ng buong tapang. Ayon sa kaniya, hindi naging madaling ang proseso bago niya maabot ang titulo lalo na’t ilang kompetisyon pa muna ang kaniyang sinalihan- at dito niya naranasan ang paulit-ulit na pagkadapa. Unang sumali si Sueco sa Ms. Teen Cavite City kung saan namulat ang kaniyang kaisipan sa larangan ng beauty pageants. Lumahok din ito sa pang eskuwelahan na patimpalak kagaya ng Mutya ng Filipino kung saan ay hindi pa rin siya pinalad o inayunan ng tadhana kaya naman sinubukan niyang sumali sa Bb. Kalikasan at dito niya natagpuan ang kaniyang kumikinang na tagumpay. Sa unang subok nito ay nakamit niya ang ikatlong pwesto na kung tutuusin ay isa ng magandang parangal pero wari’y may nais talagang patunayan si Dyanne kaya naman sumubok ulit siya sa ikalawang pagkakataon kung saan ay nasungkit niya ang ikalawang pwesto. Sa pagsabak nito sa National Level ay bitbit nito ang stomach-in na sakripisyo, chest-out na kumpiyansa at mala 7 inch heels na hangaring makamit ang inaasam na korona na kung saan ay hindi siya binigo ng Diyos dahil nagbunga ang kaniyang pagod, puyat at matinding kaba.
BAHAGHARI:
ele n
e Lor
at pangkasariang kultura pero sa halip na pantay-pantay na karapatan ay pang-aabuso at pangungutya ang kanilang natanggap at naranasan. Ika nga, “Pagkatapos ng ulan ay may bahagharing naghihintay”, ito ay simbolo ng pag-asa at panimula na siya ring kumakatawan sa banderang itinayo ng LGBT. Sila ang maituturing na pinakamakulay na grupo ng ating lipunan sapagkat ang pitong kulay na bumubuo sa kanilang watawat ay may kaniya-kaniyang kahulugan at ipinaglalaban. Dito sa Pilipinas, hindi lahat ay pabor at sumasang-ayon sa pagbuo ng LGBTQ lalong lalo na ang Simabahang Katolika na siyang naniniwala na ang lalake ay para sa babae at ang babae ay para lamang sa lalake. Dito makikita ang malaking impluwensya ng relihiyon sa pagkontrol ng dalawang kasarian. Isa rin sa mga isyung kinakaharap ng LGBT ay ang standardisasyon o PAGKAKAHON kung saan ay naging imahe na ng lipunan ang LGBT bilang katatawanan lalong lalo na sa mga gay pageants. Ayon kay Nicole Buena, 34 taong gulang, dating sumasali sa mga gay pageants, “Dahil nga mga bakla kami, inaasahan talagang kami yung magbibigay kasiyahan at aliw sa mga manonood, kumbaga expected na ‘yun eh, kaya ganun na lang siguro ang naging tradisyon dito sa Pilipinas”. Pagdating naman sa social meda ay binigyang simbolo ang mga bakla bilang hayok sa init ng laman samantalang ang mga tibo naman ay laging naka-MIO. Sa aspeto naman ng diskriminasyon ay malimt nangyayari sa mga pampublikong banyo kung saan ay hindi pnapayagan ang mga bakla o transwoman sa female washroom katulad na lamang ng nangyari kay Gretchen Diez na nag facebook live habang pinoposasan at sinasaktan ng janitress dahil lang sa paggamit ng pambabaeng comfort room. Isa rin sa mga nakaranas ng panghuhusga galing sa tao ay ang mag-aaral na ng HUMSS sa CNHS na si Ronchie Bhabes Tagle. Ayon dito, nakatanggap siya ng mga pambabatikos at pangmamaliit na mga salita mula sa mga taong hindi pa naman siya lubos na kilala. ‘Hayaan ko lang silang mapagod basta alam ko sa sarili ko na wala akong tinatapakang tao.’ ani Tagle. Sa mga tinuran nito ay masasabing confidently beautiful with a heart na siyang lumalaban sa buhay. Kahit pa sabihin ng marami na siya ay isa lamang bakla at walang ambag sa lipunan ay hindi ito nagpaapekto bagkus ay hinubog pa ang sarili at iwinagayway ang bandera ng LGBT sa pagsali sa mga school ramp pageants. Kung marami ng naging Out and Proud na miyembro ng LGBT community ay mayroon din namang hindi pa kilala ang sarili. Isa na rito ang magaaral na si Marky Mendoza kung saan kinekwestiyon lagi ng maraming tao dahil sa kaniyang pagsali sa mga panlalaking pageants kahit diumano ito’y miyembro ng LGBT. Ito naman ay pinabulaanan ni
i ayn
musbong ang salitang LGBT noong dekada 90’s na kumakatawan sa “lesbian, gay, U bisexual at transgender” community na dating tinatawag na gay community. Ito ay inilaan upang bigyang diin ang pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base sa sekswalidad
ni D
Ezekiel Escobar
ha Lik
ANG LABAN NI TIBO AT BEKI
Mendoza dahil ayon sa kaniya ay hindi niya pa natatagpuan ang kaniyang tunay na pagkatao at hinahayaan pa lamang niya ang sarili na mag diskubre pa ng mga bagay. ‘Higit na mas kilala ko ang sarili ko kaya dapat magtiwala ako sa sinasabi ng puso ko’ ani nito. Sa lahat ng maling pagtrato at pang-aabusong natatanggap ng mga miyembro ng LGBT Community ay isa lamang ang mapapansin-ang kawalan ng pagkilos o askyon ng ating pamahalaan upang matugunan ito. Sa hinaba haba ng panahon ay hindi pa rin nasosolusyunan ang ganitong isyu at hindi pa rin magawang mapasa ang SOGIE Bill na naglalayon ng “gender equality”. Nararapat lamang na bigyan diin ng pantay na karapatan ang LGBT na mamuhay ng wasto at payapa sa ating lipunan. At bilang isang Filipino, dapat sa atin nagsisimula ang responsibilidad na respetuhin ang mga kasariang katulad nito sapagkat pagbalik-baliktarin man ang mundo, sila pa rin ay manananatiling tao-nahinga’t namumuhay ng totoo.
Determinasyon at Dedikasyon:
Pinakamatibay sa Lahat Ezekiel Escobar
ng pagdala pa lamang ng pangalan ng PILIPINAS sa ibang bansa ay isa ng maituturing na yaman sa buhay. Kinakailangan nito ng lakas ng loob A at determinasyon upang maabot ang inasam asam na karangalan para sa ating bansa. Hindi ito kailanman magiging madali, tibay ng puso ang siyang magiging susi.
Ang Cavite City ang siyang kauna-unahang nagpasimula ng Robotics Team sa bansa at nasa likod nito ay ang Saltybots Team ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite.Ito ay binubuo ng mga kabataan may angking talento sa pagbuo ng isang bot na siyang pinapagana sa pamamagitan ng programming at iba pa. Para sa taong ito ay nakapaguwi sila ulit ng panibagong medalya para sa ating bansa kung saan sila ay itinanghal na Silver Awardee sa kategoryang Innovative Robotics na siyang ginanap sa Pathum tani, Thailand. Kahit pa nagkaroon ng aberya sa pagpapagana ng bot ay hindi ito naging hadlang upang masungkit nila ang medalya. Ang kanilang puyat at inilaang pagod para sa pagbuo ng robot ay hindi matatawaran kaya naman masasabing sulit ito lahat dahil sa karangalan na kanilang naiuwi. Ayon kay Zidane Kadmiel Valerio, ang namumuno sa team, ay dedikasyon ang siyang naging susi sa pagkapanalo ng grupo. Ang gabi-gabi nilang pag-uwi mula sa paggawa at minsan ay nalilipasan din ang gutom ang nagdala sa kanila sa tugatog ng tagumpay. Si Valerio ay unang sumali sa Robotics Team noong 2017 dahil sa panghihikayat ng kaniyang guro at hindi na rin ito bago sa kaniya lalo’t nahihilig ito sa pagbubunting at panonood ng videos tungkol sa paggawa ng bot kung kaya naman kinalaunan ay naging interesado na siya dito. ‘Nakakatulong sa akin ang Robotics lalo na’t ito ‘yung first step ko kasi baka ang kuhanin ko sa college ay Electronics Engineering’ ani Zidane. Dito pa lamang ay makikitang isang magandang training ground ang pagsali sa Robotics sa kukuhaning kurso sa kolehiyo. Ayon naman kay Aemie Francesca D. Pasco, miyembro ng Saltybots Team at siyang nag-iisang babae sa grupo ay nagbukas ng maraming opurtunidad para mas makilala niya pa ang sa sarili sa pagsali sa Robotics team. Tumaas ang kumpiyansa nito lalo na’t nabigyan siya ng tiyansag maipakita ang kaniyang kakayahan at makapag ambag sa team upang makapag uwi ng karangalan. ‘Time-management lang talaga ang kailangan kasi asahan mong kakainin talaga ng paggawa ng bot ang oras mo’ saad ni Pasco. Sa kaniyang binitawang salita ay masasabing oras ang siyang pangunahing kalaban sa pagbuo ng prototype kung kaya naman isang malaking responsibilidad ang nakataya sa iyo sa oras na sumali ka. Kuha ni Issac Thomas Banac
ANG CAVITEÑAN
12 LATHALAIN
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
Kumareng Lamok ft. Tips sa Pag-iwas dito Lordale Melencio
ng Dengue ay isang virus o A malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na kung
tawagin ay Aedes aegypti. Sa matalas na proboscis at striped na kulay ng lamok ay masasabing nakakamatay ang virus nito kapag pumasok sa katawan kaya nararapat lamang ang doble pagiingat. Ito ay karaniwang namamahay sa mga malilinis na tubig kung saan sila ay may pagkakataong mangitlog kaya naman ang babaeng uri lamang ng lamok na ito ang siyang may kakayahang magdala ng sakit sa bawat tao. Ito ay umaatake lamang tuwing umaga. Ang taong magiging biktima nito ay makakaranas ng sintomas katulad ng pagsusuka, panghihina ng katawan, pagdurugo ng ilong at pagpapantal sa balat, mataas na lagnat at pagsakit ng kasukasuan na siyang tumatagal mula tatlo hanggang pitong araw. Sa mga balitang lumalabas ngayon tungkol sa dengue outbreak sa bansa ay siguraduhin
Siguraduhing gumamit ng insect Mas mainam repellant tuwing na maglagay Ang lalabas ng bahay lalo ng window at paggamit ng door screen sa loob na’t kung ang pupuntahan aerosol spray ng bahay para hindi ay matataong lugar. Ito ang sa loob ng bahay ay Laging linisin mabilisang makapasok Kung ikaw ay siyang primaryang aksyon makakatulong rin at siguraduhing At panghuli, ang mga pesteng nasa loob ng para makaiwas sa sa pagpuksa ng walang nakaimbak kung maari ay lamok. isang kwarto na lamok. pagdapo ng lamok na tubig sa lata, gulong, umiwas sa sobrang may air conditioner, sa katawan. paso ng halaman at mga populated na lugar mas mabuting buksan ito alulod ng inyong bahay kung saan ay maaring pamugaran ng itlog ng lamok.
ang kaligtasan ng katawan sapagkat nakasalalay dito ang buhay at kinabukasan. Ang maagang pag-iwas sa dengue ay isang produktibo at magandang paraan upang hindi na maranasan ang epekto nito sa katawan.
at manatili na lamang dahil pinapatuyo nito Kung ika’y Kung sa loob ng bahay kung ang hangin na siyang matutulog na, pupunta sa wala namang ayaw ng lamok. maaari kang gumamit mga matatao o importanteng ng kulambo sa bahay. Ito madilim na lugar, lakad. ay isang epektibong paraan mas maina na magsuot para matiyak na walang ng long sleeves at lamok na makakaistorbo pantalon. at kakagat sa iyong pagpapahinga.
Ma..Ganda, Ma..Husay, Ma..Ipagmamalaki:
Limang Bagay na naibigan sa Hello Love Goodbye
Milktea:
Droga ng Kabataan Joshua Arguson
Jamilla Bausing
sang inumin na nasa magagarang lalagyan at ang laman ay isang sa atin ang hindi makapili sa pagitan ng pag-ibig at pangarap. Pero kung isa ka sa pipili ng pag-ibig, Ingayon masarap at manamis namis na patok sa mga tao na kilalang kilala Marami huwag mo na itong basahin. Magbibilang ako hanggang lima. na marami ang nabili sa nasabing inumin.
Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima
Sa sobrang galing ng dalawang kilalang aktor na si Kathryn Bernardo at Alden Richards ay marami ang “naka-relate” sa palabas na “Hello, Love, Goodbye”. Tila ba nadama ng mga manonood ang sitwasyon nina Joy at Ethan. Naging bahagi din ng kasaysayan ang kanilang pelikula bilang kauna-unahang Filipino Film na pinalabas sa Jeddah, Saudi Arabia. Kaya narito ang limang dahilan kung bakit ko naibigan ito. Isa. Isang kakaibang Kathryn Bernardo ang nakita ko sa pelikula. Mula sa mga pa-tweetums na role hanggang sa mga pelikulang palaging kasama ang kanyang nobyong si Daniel Padilla ay talagang napahanga niya ako sa husay niya bilang aktres. Isang aktres na hindi mo masasabing kaya lang mahusay dahil laging ‘isa’ lang ang leading man kundi ipinakita niya rito ang pagiging flexible at independent niya. Kung paano niya ibinigay ang buo niyang pagkatao sa iba’t ibang bahagi ng pelikula. Dalawa. Dalawang magkaibang karakter ang pinagtagpo pero sa huli hindi mo malalaman kung sila ba ang nakatadhana. Nakakabitin. Nakakagigil. Tatlo. Tatlong linyang tumatak sa isip at bumaon sa puso ko. “May mga lugar na pangmatagalan. May mga lugar na dinadaanan lang. Parang Hongkong. Kaya bawat oras dapat sulitin mo dahil walang nagtatagal dito.” -Joy “Walang imposible sa taong naniniwala”- Ethan “Ganoon naman talaga, ‘di ba? Kapag nagmahal ka, it is all or nothing. Kasi kung hindi, bakit ka pa nagmahal.”-Ethan Apat. Ikaw Ay Isang ALAMAT! Apat na salita para sa direktor ng pelikula na si Direk Cathy Garcia-Molina. Isang ‘di matatawarang direktor ng mga pelikulang Filipino na kung hindi nagpatawa, nagpakilig ay nagpa-iyak sa ating lahat. Inilabas mo dito na talagang may maibubuga si Kathryn Bernardo bilang Joy pagdating sa drama at siyempre hindi nagpahuli si Alderd Richards bilang Ethan. Maganda ang naging atake sa pelikula na hindi puro kilig, tawa, iyak, kundi naipakita ang tunay na kalagayan ng mga kababayan natin bilang mga Domestic Helper sa Hongkong. Lima. Limang letra para sa official soundtrack nito S-A-K-E-T. Sheket besh! December Avenue ba naman ang kumanta kasama pa si ate mong Moira Dela Torre. Ewan ko na lang kung hindi parang sinasaksak ang puso mo sa bawat linya ng kantang ‘Kung ‘Di Rin Lang Ikaw’. Pinatunayan ng karakter ni Joy na may kaniya-kaniya tayong prayoridad sa buhay. Pangarap para sa pamilya o pag-ibig para sa sariling ikaliligaya? Mamili ka.
Sumubok kami sa pagkahabang pila para malaman at matikman ang inumin na pinag titiyagaan pilahan ng mga. Sa inumin na iyon mas nabibigyan ng buhay ang kulay ng bawat nagtitinda nito nagkakaroon ng hanap-buhay ang mga nagnenegosyo sa tamis ng inumin ay lumalabas ang aming mabuting pagsama kaya naman ang milktea ay hindi lang patok kundi mas nakikilala pa at ang iba ay mas nagkakroon ng magandang hanap buhay. Sa talinong taglay ng mga Pilipino ay nakaimbento na sila ng napakaraming flavours ng milktea na tiyak na hahanap hanapin ng panlasa mo. 1. Okinawa: Ito ang siyang masasabing best seller sa lahat ng flavours ng milktea pagdating sa mga Pilipino. Ito ay gawa sa roasted na brown sugar na siyang nagdadagdag ng tamis at magandang panlasa sa milktea. Ang paghalo nito sa tapioca ay nakakabuo ng kakaibang panlasa na tiyak ay babalik balikan mo. 2. Wintermelon: Isa rin ito sa mga suking flavours ng milktea shops, ang bersyon nito sa Pilipinas ay “kundol”, ang wintermelon milktea ay caffeine-free kung kaya naman ay masasabing ideal na bilhin. Taglay nito ang panlasang tiyak magrerefesh ng dry mong lalamunan. Nagbibigay rin ito ng napakaraming nutrients katulad ng Vitamin B12 at Vitamin C. 3. Matcha: Ito rin ang isa sa mga patok sa panlasa ng mga Pinoy. Ang “vegetal taste” nito ay masasabing asset ng milktea na ito. Ang pangmayamang aroma nito kaakibat pa ng manamis namis na lasa ang siyang dahilan kung bakit ito binabalik balikan. Bukod dito, ang matcha ay nakakatulong rin sa paggamot sa diabetes, cancer at heart disease. 4. Hokkaido: Ang gatas na siyang ginagamit nito na nagsimula sa Japan ang siya nagbibigay ng kakaibang panlasa na parang caramel sa milktea. Ito ay may kakaibang aroma na siyang magtutulak sayo para bilhin ito ng paulit ulit. Ito ang siyang ginagamit ng mga Hapon para manataling fresh ang kanilang seafoods katulad ng sea urchins.
The Virgin of a Thousand Miracles Ezekiel Escobar
ung titignan ang balangkas ng pananampalataya ng mga Kabitenyo K ay sadyang masasabi niyo na isang malaking parte na ng kanilang buhay ay ang mamanata sa dambana ng Mahal na Birhen kung kaya’t ‘di
mabilang na biyaya ang naging kapalit nito sa bawat isa. Ayon sa kasaysayan, bago pa man makuha sa baybayin ng Cavite ang larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad, nagpakita raw ito sa isang sundalong Kastila na bantay sa pintuan ng Porta Vaga. Natagpuan ang kaniyang naka-kuwadradong larawan sa dalampasigan ng Canacao sa lalawigan ng Cavite noong mismong araw na nagpakita umano ang Mahal Na Birhen. Nakita naman sa likod ng kuwadrado ang sulat ni Juan Oliba na mayroong petsang Abril 12, 1692 na may paniniwala na ang nasabing petsa na nakatala ay ang araw na iniluklok ang dambana ng Ermita Porta Vaga. Kilala rin ito sa tawag na “Reina De Cavite” at “Luz de Filipinas” o Reyna ng Cavite at Ilaw ng Pilipinas. Ang larawan ng La Virgen de la Soledad de Porta Vaga ay ang pinakamatandang larawan ng Mahal na Birhen sa buong Pilipinas. Itinuring ito na isang napakahalagang kayamanang ipinamana ng kanilang mga ninuno. Ang dambana ng Mahal na Birhen ng Soledad ay nasa simbahan ng parokya ni San Roque o mas kilala sa tawag na “San Roque Parish Church” dito sa Lungsod ng Cavite. Kaya naman, isang malaking karangalan at pagkakataon para sa Lalawigan ng Cavite na maideklara ito bilang National Cultural Treasure , ang pinakamataas na karangalang maaaring ibigay ng pamahalaan
sa kayamanan ng ating bansa. Marahil ito ay isang malaking tulong rin upang mabigyan ng alaga’t proteksyon an gating Mahal na Birhen. Sa natanggap nitong titulo ay pinakanasiyahan ang guro na si Jeaneveve Nonan, 62 taong gulang. Taong 1975 diumano siya nagsimula mamanata at magdebosyon sa Mahal na Birhen, ito marahil ang nakatulong sa kaniya upang maabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay. “Nakatunghay, Nakatingin, Nakaalalay”, iyan ang siyang kaniyang paniniwala na kahit anumang dasal ang kaniyang hilingin ay matutupad ito lalo na’t ito ang siyang tagapagugnay ng Diyos. Ito rin ang siyang naging modelo ni Nonan sa pagtulong sa kapwa kahit na sa maliit na paraan na walang hinihinging kapali kung kaya naman ayon sa kaniya ayhindi ititigil ang pagdedebosyon lalo nat’ napakaaki ang parte nito sa kaniyang buhay. “Huwag bibitaw sa pananalig, magtiwala kahit anuman ang pagsubok na kaharapin.” Ito ang kaniyang payo para sa mga kabataan na hindi hadlang ang murang edad upang simulang pagtibain ang pananampalataya. Sa lahat ng ito, masasabing tunay na pinagpala ang Cavite sa yaman ng kultura at tradisyon na siyang maipagmamalaki sa buong bansa. Kaya sana ay hindi matapos ang pagmamahal at pananampalataya ng mga Kabitenyo sa ating Mahal na Birhen. Nawa’y maging inspirasyon ang titulo nito upang mas paigtingin pa ang ating debosyon nang maipasa sa susunod na henerasyon.
Kuha ni Ray Morandante
Birhen ng Soledad ng Porta Vaga:
ANG CAVITEÑAN
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
AGHAM
Natural Ahleia Cajilis
augnay ng naging dengue K outbreak sa Pilipinas, kaniya-kaniyang diskarte
BAKUNA. Upang matiyak ang kaligtasan nang bawat mag aaral, isinagawa ang annual immunization na makatutulong upang maprotektahan ang bawat isa sa mga posibleng sakit. Dayniele Loren
CNHS Medical Department, aminadong nahirapan sa Annual Immunization Ahleia Cajilis
nitong Agosto sa Cavite National High School (CNHS) ang annual immunization o pagbabakuna sa mga magIkinasa aaral sa baitang 7 laban sa mga sakit tulad ng tetanus at iba pa, sa pangunguna ni Dra. Elisa Magbanua.
CAULERPAmazing Ahleia Cajilis
ahilig ka ba gulay? E sa M seaweed? Bilang isang Caviteño, alam mo ba kung anong
uri ng seaweed ang mayro’n sa inyong lugar? Caulerpa lentillifera o mas kilala sa tawag na “lato” ang uri ng seaweed na matatagpuan sa Cavite City. Kung hindi ka pa rin pamilyar dito, maaari itong makita sa palengke o ‘di kaya sa tabingkalye kung saan marami ring nagbebenta ng hipon, alimasag, at iba pang lamang-dagat. Ang lato ay kulay berde at tinatawag ding “sea grapes” dahil sa itsura nitong maikukumpara sa ubas. Tumutubo ang lato sa tubigalat na hindi bababa sa 25% ang salinity o lebel ng alat at maaari ring matagpuan sa iba’t ibang bansa tulad ng Japan. Ngunit marami nito sa Pilipinas at karaniwang isinasama sa mga putahe, o kaya naman ay kinakain kasama ng kamatis. Ngunit maliban pa sa mga nabanggit, hindi lamang isang masarap na pagkain ang lato dahil marami rin itong magandang
epekto sa ating katawan. Ang lato ay sagana sa protein, dietary fiber, mineral, at samot saring bitamina na siyang kailangan ng bawat tao. Hindi lamang ‘yon, napagalaman ding may anticoagulant activity ang nasabing pagkain, kung saan napipigilan nito ang pamumuo ng dugo kaya naman nababawasan din ang posibilidad na magkaroon ng mga sakit sa puso. Sa pagkain ng lato, pinalalakas nito ang resistensya ng isang tao at nakatutulong din upang labanan ang mga oxidizing agents na sumisira sa cells ng ating katawan dahil sa laman nitong siphonaxanthin, isang uri ng antioxidant na nakapagpapapigil sa cancer cells mula sa pagkalat nito. Ayon pa sa pag-aaral nina Bhesh Raj Sharma at Dong Young Rhyu (2014) ng Asian Pacific Journal of Tropical Biomedicine (APJTB), maaaring may anti-diabetic property ang C. lentillifera base sa mga laman nitong bitamina, ngunit nangangailangan pa itong kumpirmahin sa pamamagitan ng pag-eeksperimento sa hayop at pagsasagawa ng isang phytochemical analysis, kung saan mas mapag-aaralan ito ng mga eksperto. Ngayon ay alam mo na kung ano ang lato at ang kahalagahan nito. Tunay na kahangahanga naman talaga na ang isang uri ng lamang-dagat ay mainam ‘di lamang bilang isang pagkain, pati na rin bilang isang medisina. O ‘di ba? CAULERPAmazing! Mula sa www. uses.plantnet-project.org
din ng “side effects” ang MRTD sa kanilang mga anak. Dagdag pa niya, maging ang pamimigay ng Iron supplementation at mga gamot pampurga ay hindi rin sinang-ayunan ng nasa halos 50 hanggang 60 porsyento ng mga magulang. Samantala, nakatakda namang magsagawa ng iba pang mga programa ang medical department ng CNHS. Gaya ng pagbibigay ng medical at dental services para sa lahat ng estudyante mula baitang 7 hanggang 10 para mabantayan ang estado ng kanilang kalusugan. Sisimulan din sa ika-6 ng Disyembre ang medical at dental mission sa tulong ng mga magulang at mga volunteer, kasama ng Supreme Student Government (SSG) at ng Barkada Kontra Droga (BKD).
Tawa-tawa vs Dengue Ahleia Cajilis
indi lingid sa kaalaman ng mga tao na napakaraming uri ng halamang H gamot sa ating bansa. Lalo na sa mga probinsya, kung sa’n ang paniniwala ng mga nakatatanda ay mayroong halaman na sagot sa bawat
karamdaman ng tao. Nitong taon lamang ay naglabas ng anunsyo ang Department of Science and Technology (DOST) ukol sa bagong herbal supplement laban sa dengue, kaugnay ng idineklarang national outbreak ng naturang sakit. Noong 2012 ay nakuha ng mga mag-aaral mula sa University of Santo Tomas (UST) ang unang puwesto sa DOST Research Competition dahil sa gamit ng tawa-tawa o Euphorbia hirta laban sa dengue virus. Ang nasabing halaman ay madalas na nakikita sa paligid, maging sa Cavite at kilala rin bilang isang halamang gamot. Naging trending na rin ang tawa-tawa noong 2012 nang mapag-alamang maaari rin itong gamitin upang gamutin ang sakit na tuberculosis. Base sa naging pag-aaral, napatunayang may anti-viral properties ang tawa-tawa na siyang ginawang tablet ng Herbanext, isang kompanyang bihasa sa mga natural na produkto para sa mga posibleng herbal medicine na pwedeng gamitin sa iba’t ibang karamdaman. Ayon sa resulta ng pre-clinical trial, nakatutulong ang tawatawa upang maitaas ang bilang ng platelets na siyang inaatake ng dengue virus, at nakapagpapabawas sa bleeding time nang subukan ito sa mga daga. Samantala, iginiit naman ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na nilalabanan lamang nito ang virus at hindi puwedeng gamitin upang maagapan ang sakit. Sa kasalukuyan, nakarehistro pa lamang ito bilang isang supplement na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA). Maaari namang tumagal pa ng ilang taon bago tuluyang matapos ang clinical trial ng supplement, ‘pagkat kailangan muna itong subukan sa tao upang mapatunayang epektibo ang tawatawa laban sa dengue. Mula sa www. uses.plantnet-project.org
8 sa 10 na mag-aaral ng CNHS ang pabor na gawaing legal ang paggamit ng Marijuana bilang lunas sa sakit.
Kuha ni Altheia Cajilis
Bilang isa sa mga pangunahing ipinatutupad sa paaralan, pinangunahan ng medical department ng CNHS ang pagbabakuna alinsunod sa mga programa ng Department of Health (DOH). Layunin nitong matulungan ang mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang kalusugan nang sa gayon ay mas maging epektibo rin sila sa loob ng silid-aralan. Ngunit ayon kay Dra. Magbanua, ang school physician, nahirapan sila sa pagbabakuna lalo noong nakaraang taon dahil sa naging isyu kaugnay ng Dengvaxia. Tinatayang nasa 98 hanggang 99 porsyento ang nababakunahan ng Measles, Rubella, Tetanus, and Diptheria (MRTD) sa populasyon ng baitang 7 bago naging mainit ang kontrobersiya ng bakuna laban sa dengue. Ngunit matapos ang pangyayari, bumaba ito sa 23.9 porsyento noong nakaraang taon dahil sa takot ng mga magulang na baka magkaroon
rin ang mga tao kung paano mababawasan at maiiwasan ang pagkakaroon ng lamok sa kanilang mga tahanan. Kaya naman, heto ang isa sa mga nag-trending na DoIt-Yourself (DIY) mosquito repellents. Hindi lamang mga kahanga-hangang kuwento ang trending ngayon sa social media, kundi maging mga DIY na bagay na maaaring mapakinabangan ng mamamayan. Kamakailan lang matapos ideklara ang nasabing outbreak, nagtrend ang isang DIY mosquito repellent na ang gamit lamang ay mga materyales na karaniwang nakikita sa loob ng bahay. Bawang, tubig, bote, at isang maliit na stick. ‘Yan lamang ang mga kailangan upang magawa ang naturang repellent upang makaiwas sa mga lamok, lalo na sa mga panahong kalat ang sakit na dengue. Itutusok lamang ang isang pirasong bawang sa stick at ilalagay sa ibabaw ng boteng puno ng tubig. Pero teka lang, siguraduhin mo munang naaabot ng tubig ang dulo ng bawang upang maging epektibo ito. Karaniwang ginagamit sa pagluluto, ang bawang o Allium sativum ay ginagamit ding edible repellent. May laman itong allicin, na responsable sa pagaalis ng natural na amoy natin na nagiging dahilan kung bakit nakakaiwas mula sa mga lamok. Napatunayan din sa mga pag-aaral na may insecticidal activity ang bawang, at maaaring maging isang magandang alternatibo para sa mga komersyal na pesticide. Nagpapatunay lamang na hindi natin kailangang gumastos para solusyunan ang isang problema dahil minsan, nasa loob na ng ating mga tahanan ang sagot para rito. O ‘di ba? Ika nga nila, sobrang natural, walang halong kemikal!
ANG CAVITEÑAN
14 AGHAM
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
Kaso ng Dengue sa Cavite, tumaas ng 99% Ahleia Cajilis
ang taong bayan matapos ideklara ng Department of Health (DOH) ang National Dengue Epidemic noong Naalarma ika-6 ng Agosto 2019 matapos lumobo ang bilang ng mga kaso ng nasabing sakit sa iba’t ibang panig ng bansa.
Tinatayang nasa 146,062 kaso na ang naitala simula Enero hanggang Hulyo nitong taon, na mas mataas ng 98 porsyento sa nakuhang bilang noong 2018. Ayon sa naitala ng DOH, may higit 622 nang namatay mula sa unang buwan ng 2019 hanggang ika-20 ng Hulyo. Kabilang ang dengue sa mga sakit na dala ng mga lamok, na karaniwang suliranin sa mga bansang tropical at subtropical o kadalasang mainit ang klima tulad ng Pilipinas. Inaatake ng naturang sakit ang platelets sa katawan, o mga maliliit na blood cells na responsable sa blood clotting upang matigil ang pagdurugo. Samantala, kabilang naman ang lalawigan ng Cavite sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity noong ika-18 naman ng Hulyo dulot ng tumataas na kaso ng nasabing sakit, kung saan ipinahayag ng gobernador na si Jonvic Remulla na kailangan nang aksyunan ang naturang problema. Sa kasalukuyan, 27 na ang namatay dahil sa dengue mula sa 6,232 na kaso nito base sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) na 99 porsyento namang mas mataas kaysa nung nakaraang taon. Bagaman hindi gaanong apektado ang Cavite National High School (CNHS), nakapagtala pa rin dito ng isang kaso ng dengue virus mula sa baitang 7 ayon sa medical department ng eskuwelahan. Ayon kay Dra. Elisa Magbanua, ang nangunguna sa naturang kagawaran, hindi naman kailangang mag-alala dahil tinutukan at sinigurado nilang gumaling ang nasabing mag-aaral mula sa sakit. Pinaiigting naman sa buong bansa ang iba’t ibang paraan upang maiwasan at mabawasan ang mga kaso ng dengue, tulad ng pagpapanatili sa kalinisan ng paligid nang sa gayon ay walang mapamugaran ang mga lamok na may dalang sakit. Idinagdag din ni Dra. Magbanua na suportado nila ang programang Water in School, Hygiene, and Sanitation (WINS) na may layuning magpanatili ng isang malinis na kapaligiran sa CNHS. Nais din ng nasabing programa na turuan ang mga estudyante tungkol sa kalinisan sa loob at labas ng kanilang mga silid-aralan para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.
Dengvaxia pt. 2 Henry Germo
itong Agosto lamang ay muling N uminit ang usaping Dengvaxia matapos igiit ng Department of
Health (DOH) na naiwasan sana ang naideklarang dengue outbreak sa bansa kung itinuloy lamang ang pagbibigay ng nasabing bakuna. Sa kabilang banda, hindi naging malinaw at hindi rin sila nagbigay ng konkretong rason at ebidensya upang patunayang maaari nga itong magamit pa sa bansa. Matatandaang naging kontrobersyal ang Dengvaxia nang sisihin ito para sa pagkamatay ng ilang mga batang nabakunahan nito, na siya naming dahilan kung bakit binawi ng Food and Drug Administration (FDA) ang certificate of product registration. Samantala, noong nakaraang buwan ay napag-usapan na ito ulit sa gobyerno, kung saan suportado ng isang grupo ng mga doctor ang pagbabalik at muling paggamit nito sa kadahilanang ginagamit naman ito sa ibang bansa at napatunayang epektibo. Idinagdag ding ayon sa pananaliksik ay hindi nakamamatay ang naturang bakuna. Ngunit lumalabas lamang na ang mga opisyal na ito ay nagbabase lamang sa kung anong nakikita nila sa sitwasyon ng iba nang hindi nagsasagawa ng mas detalyadong pagsasaliksik upang malaman kung ano nga bang epekto ng Dengvaxia, lalo na’t maraming kaso ng pagkamatay ang iniuugnay dito. Ayon kay Dr. Edsel Salvaña ng National Institutes of Health (NIH) sa University of the PhilippinesManila, ang nasabing bakuna kontra dengue ay ginagamit upang mabawasan ang tsansang magkaroon ng dengue, na siyang epektibo para sa mga nagkaroon na nito. Kaya naman kung tuturukan ng Dengvaxia ang isang taong hindi pa nakakaranas ng nasabing impeksyon ay maaari lamang itong maging isang salik sa pagtaas ng posibilidad ng pagkakaroon ng dengue infection.
Hindi dahil nagagamit ito ng ibang bansa ay dapat na ring ibalik ito sa ‘tin. Maaaring tama na gamitin itong muli subalit nangangailangan muna ng masusing pag-aaral bago ito mangyari, sapagkat buhay ng batang matuturukan ng bakunang ito ang nakataya. Kung sakali mang mapagdesisyunang ibalik ang Dengvaxia, isa sa mga dapat na alamin tungkol sa bata ay kung nagkaroon na sila ng dengue, dahil lumabas na rin sa pagsasaliksik ng NIH na epektibo lamang ito sa mga nahawaan na ng naturang sakit. Kaugnay nito, mainam din na maalam ang medical department ng bawat paaralan bago simulan ang pagbabakuna upang maiwasang madagdagan pa ang bilang ng mga kaso ng pagkamatay na naiuugnay sa pagbabakuna ng Dengvaxia. Pabor sa nabanggit, inihayag ni Dra. Elisa Magbanua, namumuno sa medical department ng Cavite National High School (CNHS) na “The government should provide first a test specific for dengue so that children can be tested first.” Kung positibo ang lumabas, maaari silang mabakunahan at kung negatibo naman ay hindi pwede. Naging tampulan ng kontrobersiya ang usapin tungkol sa Dengvaxia hanggang ngayon dahil sa naiuugnay na mga kaso ng pagkamatay, na siyang dahilan kung bakit nakaramdam ng takot ang karamihan sa mga magulang. Maibalik man ito ng pamahalaan upang gamitin ulit o hindi, nangangailangan pa rin ng malalim na pagsasaliksik upang makumpirma kung isa nga ba ang naturang bakuna sa mga naging salik sa pagkamatay ng ilang mga batang nabigyan nito.
PAGTUTULUNGAN. Pagkakaisa ang naging susi ng mga mag-aaral ng CNHS-SHS upang maging malinis at maaliwalas ang paaralan. Dan Francis De Castro
Guro’t mag-aaral, pinaganda ang CNHS-SHS Franzene Gonzales
ilang panimula sa panibagong taong-panuruan, pinangunahan ng Tellusian Club B ang clean-up drive sa Cavite National High School-Senior High School (CNHS-SHS) upang linisin at pagandahin ang paligid ng paaralan. Katulong ang bawat strand, naging aktibo ang bawat magaaral sa pagtulong upang mapaganda ang kapaligiran ng CNHS-SHS. Kaisa ng mga Caviteñan ay ang mga guro tulad nina Ma’am Ruth Miranda, ginabayan sila sa naging aktibidad. Naging isang malaking proyekto ang naturang clean-up drive dahil bukod sa naging mas malinis ang lugar, nagkaroon din ito ng mga disenyo bunga ng pagtutulungan ng bawat mag-aaral. Mula sa daanang puno ng tuyong dahon at mga likod ng gusaling may mga basura, naging maaliwalas
ang paaralan at nabigyang-kulay sa pagtutulungan ng mga guro’t estudyante. Bagaman hindi lahat ay nakiisa sa naging clean-up drive sa paaralan, ipinahayag naman ni Ma’am Ruth na nakatutuwang may mga tumulong. “At least may mga bata na talagang innate, kasi yung clean-up drive hindi naman sapilitan… so ‘yung mga ganun, nakakatuwa kasi nakikita mong may concern sila sa environment,” ayon sa guro. Idinagdag niya namang upang maging mas epektibo at matagumpay ang mga susunod
pang proyekto ng Tellusian, mas mainam na itaas ang bilang ng mga estudyanteng dadalo para sa partisipasyon. Samantala, nakatakda namang muling ilunsad ang Science Fair 2019, isa sa mga pangunahing proyekto ng Tellusian Club ngayong Setyembre na may layuning ipamalas ang husay ng mga mag-aaral na nasa ilalim ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) ‘di lamang sa kanilang mga kapwa Caviteñan, kundi maging sa mga iimbitang estudyante mula sa ibang eskuwelahan.
Amazon: Makiusisa at makialam Ahleia Cajilis
Likha ni Joseph Felix Arevalo
indi na lingid sa kaalaman ng nakararami ang nag-trending na mga balita ukol sa pagkasunog ng Amazon H Rainforest sa Brazil. Ika nga nila, sa oras na dumating ito sa punto ng tuluyang pagkasira, mananatiling ‘irreversible’ na ang climate change.
20 porsyento. Mga numerong nagdidikta ng halaga ng Amazon Rainforest— ang bilang ng oxygen na nanggagaling sa naturang kagubatan na siyang nagbibigay-buhay ‘di lamang sa mga hayop na nakatira dito, ngunit maging sa mga tao. Isa ang Amazon Rainforest sa mga pinakamahalagang sandata ng mundo laban sa lumalalang global warming. Ayon kay Rachael D’Amore (2019), ang naturang kagubatan ay kadalasang tinatawag na ‘lungs of the Earth’ dahil sa kakayahan nitong i-absorb ang carbon dioxide sa hangin at sa dami ng oxygen na naibibigay nito. Subalit hanggang sa mga oras na ito ay patuloy itong nasusunog na base sa National Institute for Space Research (INPE) noong Agosto, nasa 74,000 fires na ang kanilang naitala. Ang unang itinuturo—deforestation o ang pagkakalbo ng kagubatan. Hindi lamang sa naturang rainforest nagkakaroon ng deforestation dahil talamak ito sa iba’t ibang panig ng mundo, maging sa Pilipinas kung saan nasa 47,000 ektarya ng kagubatan ang nalalagas taon-taon ayon sa Forest Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Nakalulungkot na dahil lamang sa kapabayaan at kasakiman ng ilang mga tao ay madadamay maging ang mga hayop na itinuturing ng endangered o paubos na, dahil nawawalan sila ng tahanan. Apektado rin ang mga tao sa oras na tuluyang masunog ang kabuuan ng Amazon Rainforest. Lalong mararamdaman ng mundo ang epekto ng climate change— pagtaas ng temperatura, pagkatunaw ng mga glacier o yelo, at maaapektuhan din ang air quality partikular sa mga bansang malalapit dito. Nakalulungkot na sa puntong ito kung kailan nagkakandaugaga na ang lahat sa paggawa ng aksyon ay nasa 20 porsyento na ng rainforest ang nawala, na kung ikukumpara sa 25 porsyentong hangganan nito ay napakakonti na lamang ng tsansang maisalba ang kabuuan ng Amazon Rainforest at ng mundo. Ito ay kung walang epektibong aksyon na siyang babago sa mga pangyayari. Bagaman malayo ang Amazon Rainforest sa Pilipinas, mainam na matuto ang lahat mula sa pangyayaring ito. Oras na upang baguhin ang ilang mga gawi at nakasanayang hindi nakabubuti para sa kalikasan.
Caviteñan, Kinilala sa Indie-Siyensya 2018
15
Dayniele Loren
inilala sa 3rd Indie-Siyensya film making competition noong ika-28 K ng Nobyembre nitong nakaraang taon ang isang team mula sa Cavite National High School-Junior High School, matapos magwagi ng ikalawang pwesto sa youth category ng nasabing patimpalak.
ginagamit ng mga mangingisda para manghuli ng mga lamangdagat. Inilahad naman ng direktor na si Cyah Somblingo ang pagkabahala niya nang mapag-aralan pa nila ang suliranin ng polusyon sa mga katubigang malapit sa Cavite City. Aniya, “Film making ang aming nagiging platform upang maipahayag ang measures na aming natutunan sa mas malaki pang audience sa labas ng paaralan.” Nakuha naman ng “Buhay at Peligro” ng pangkat mula sa CNHS-SHS ang unang pwesto sa nasabing kategorya ng film making contest. Sa kabilang banda, nag-iwan naman si Cyah
ng isang paalala na “Bilang tao rin ang cause ng lahat ng masasamang nangyayari sa environment, tayo rin ang may kakayahan na umayos ng lahat ng ito.” Sinimulan na rin ngayong Setyembre ang School-based Indie-Siyensya sa pangunguna ng Tellusian Club, kung saan ang mananalong pangkat ang kakatawan sa paaralan sa pang-nasyonal na patimpalak.
Mula sa Facebook page ng Indie-siyensya
“Lambat” ang pamagat ng naturang pelikulang tumatalakay sa water pollution na siyang pangunahing suliranin sa Cavite City. Ipinakita nito ang reyalidad kung saan nakaaapekto na sa mga lamang-dagat at mga tao ang problema natin sa polusyon. Samantala, ang pangkat ng mga mag-aaral mula sa Science, Technology, and Engineering (STE) program na nasa likod ng pelikulang ito ay nagbigay din ng solusyon sa nasabing problema, sa tulong ng asignaturang Research o pananaliksik. Napagpasyahan ng produksyon na gumamit ng lambat upang unti-unting malinis ang katubigang nakapaligid sa lungsod, gaya ng kung paano ito
Papuntang Kalawakan Ahleia Cajilis
aging disadvantage talaga ang kawalan ng sariling space agency dito sa Pilipinas “N dahil may mga estudyante na gustong maging astronomer sa kinabukasan,” ayon kay Leonard Directo, isang mag-aaral ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) sa baitang 12. Tulad ni Leonard, may mga estudyanteng nangangarap na pag-aralan ang iba’t ibang aspeto ng agham. Aniya, gusto niyang pag-aralan ang meteorolohiya, o ang pag-aaral ng mga kaganapan sa mababang himpapawid. Sa naturang larangan ay isinasaalang-alang ang samot-saring salik tulad ng ulan, hangin, at araw na mahalaga sa pagkakaroon ng kaalaman ukol sa lagay ng panahon. Subalit sa kadahilanang may pagkukulang pa rin ang Pilipinas sa pasilidad at mga ahensiya, mistulang malabo para sa mga nag-aasam na maging astronomer dahil kakailanganin pa nilang lumipad sa ibang bansa imbis na magamit ang kanilang kaalaman dito sa bansa. Ngunit nitong nakaraang ika-8 ng Agosto lang ay nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11363 o ang “Philippine Space Law”, ang tutugon sa pangangailangan ng Pilipinas para sa pangkalawakang pag-aaral na kabilang sa mga salik ng pag-unlad nito. Bilang isang bansang papaunlad pa lamang, problema natin ang kakulangan sa mga ahensiyang nakatuon sa iba’t ibang aspeto gaya na lamang ng space science. Kaya naman ang mga Pilipinong eksperto rito ay nangingibang-bansa pa upang makapagtrabaho sa mga ahensiyang pangkalawakan sa ibang bansa, tulad ng National Aeronautics and Space Administration (NASA). Kaakibat din ng kawalan ng ganitong klaseng sektor ng pamahalaan ay ang mabagal ding pag-usad ng wi-fi sa bansa, na siyang isa sa mga pangunahing reklamo ng mga Pilipino at maging mga dayuhan sa pumupunta rito. May mga lugar ding hindi pa naaabot ng kuryente sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-angat ng antas ng teknolohiya sa kasalukuyang panahon.
Subalit dahil naaprubahan na ng pangulo ang nasabing batas, nakahanda nang itayo ang Philippine Space Agency (PhilSA) na pagtutuunan ng pansin ang mga naturang isyu. Magiging prayoridad ng PhilSA ang mga pagsasaliksik sa labas ng daigdig, kabilang ang pagbibigaypansin sa mga bagay na konektado sa agham at teknolohiya. Masosolusyunan na rin ang mga hinaing ng bayan ukol sa internet, dahil sa tulong ng bagong space agency ay makakapagpadala ang bansa natin ng satellite na magpapabilis sa internet connectivity at magpapalakas ng signal. Makatutulong din ito sa pagpapaigting ng seguridad ng mga teritoryo ng Pilipinas, at maaari pang maging daan para sa mga imbensyon at inobasyong makatutulong ‘di lamang sa bansa, kundi sa lahat ng tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Makikiisa rin ang PhilSA sa Philippine Space Science Education Program ng Department of Science and Technology (DOST), na naglalayong suportahan ang mga mag-aaral na gustong maging bihasa sa naturang larangan. “Nagulat ako nang marinig na naitatag na ang space law dito sa Pilipinas. Sigurado ako na maraming estudyante ang matutuwa dahil ito ay isang napakalaking oportunidad para sa kanila at sa mga estudyanteng nakapagtapos nan g pag-aaral na nais magkaroon ng magandang trabaho,” dagdag pa ni Leonard. Makatutulong din ang pagkakaroon ng PhilSA sa mga tulad niyang nangangarap na maging meteorologist, dahil sa tulong ng pagkakaroon ng satellite sa labas n gating daigdig ay makakapagpadala ng mas eksaktong impormasyon ukol sa lagay ng panahon sa ating bansa. Kaya naman hindi na muling mai-stress si Gov tuwing magsususpinde ng klase, dahil hindi na magkakamali pa ang ating mga meteorologist sa pagbibigay ng ulat tungkol sa panahon. Matapos lagdaan ng pangulo ang naturang batas, ang magagawa na lang natin sa ngayon ay umasang hahantong ito sa pag-unlad ng antas ng teknolohiya sa Pilipinas. Asahan din nating magiging prayoridad ng PhilSA ang pagbibigay ng trabaho sa napakaraming Pilipino.
Langoy
Suicide prevention, isinulong sa World Mental Health Day
Ahleia Cajilis
a pagsapit ng tag-ulan ay Ssunod siyang pagpasok din ng sunodna pagsususpinde ng klase.
Subalit kung sinuswerte ka nga naman ay hindi post ni Gov ang sasalubong sa ‘yo sa malamig at makulimlim na umaga, kundi baha at mapuputik na daanan. Mistulang tambak ng lupa ang paligid ng Cavite National High School-Senior High School (CNHS-SHS) dahil sa nakabimbing pagsasaayos ng daan, na siya namang nagiging putik sa maulang panahon. Matatandaang 2017 noong unang inilunsad ang CNHS-SHS at masasabing pasibol pa lamang ang lugar kung
FREE PARKOUR LESSONS IN CNHS-SHS
Mula sa www.twipu.com
ikukumpara sa Junior High School (JHS). Bagaman epektibo ang kurikulum ng SHS sa nasabing paaralan, hindi maikakailang may malaking pagkukulang sa mga pasilidad at maging sa mga silidaralan. Nitong taong panuruan lamang ay lalong lumala ang problema na makikita sa mga post ng Caviteñans sa social media. “Free parkour lessons in CNHSSHS” kung ilalarawan nila, dahil nangangailangan pang lumakad ng mga mag-aaral sa tagpitagping daanan upang maiwasan ang bahang dulot ng malakas na ulan. Hindi lamang mga estudyante, maging ang mga guro ay nahihirapang tumawid papunta sa kani-kanilang mga klase. Ipinakikita lamang ng sitwasyong ito na ang hindi pagsasaayos ng paaralan ay pwedeng makaapekto sa pagaaral at trabaho. Sa paningin ng isang normal na tao, maaaring sabihin na ito ay isang perwisyo sapagkat nagiging abala ito sa mga mag-aaral at guro. Sablay din ang pagpaplano dahil bukod sa maputik na kalye, nagtitiis pa ang iba sa pagkaklase sa covered court o sa mga ilalim ng hagdan. Dito mahihinuha na hindi naisama ang relokasyon ng mga
Kyle Manaig
estudyante sa tamang lugar kung saan makakapag-aral sila nang maayos, imbis na laging maaabala ng ingay dahil wala silang sariling silid. “Challenge ito para sa aming mga estudyante na makapag-aral kahit mahirap ‘yung sitwasyon,” ayon kina Nico Gajum at Jefrey Salonga, mga mag-aaral mula sa baitang 11. Ipinahayag din nila ang kanilang pagkadismaya dahil sa kasalukuyan, ‘di lamang daanan ang problema nila kundi pati ang kakulangan sa silid dahil sa pagkukumpuning isinasagawa sa kanilang gusali. Mainam na gumagawa sila ng aksyon, ngunit dapat ay isinasagawa ito sa tamang panahon. Maaaring bago magbrigada sa panahon ng tag-init upang hindi ito makaperwisyo sa mga nagtatrabaho, at lalong walang naaapektuhang klase. Nararapat lang na planuhin itong mabuti ng eskuwelahan dahil nagiging sagabal ang dapat sana’y magpapagaan sa buhay ng mga mag-aaral at guro. Subalit ayon nga sa mga estudyante ng CNHSSHS, pagsisikapan pa rin nilang makamit ang mataas na kalidad ng edukasyon at tagumpay kahit pa sa pamamagitan ng paglangoy sa bahang daanan.
inanap ang World Mental Health Day noong G Oktubre 10, 2019 na mayroong temang tungkol sa “suicide prevention”, kaugnay ng “40 seconds of action” na kampanya ng World Health Organization (WHO) laban sa suicide.
Ayon kay Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director general ng WHO, mayroong pag-asa sa paghahanap at pagbibigay ng tulong sa isa’t isa lalo na sa mga nakararanas ng problema sa mental health. Ayon sa website ng WHO, isang tao ang namamatay dahil sa suicide kada 40 na segundo, na nagreresulta sa halos 800,000 na pagkamatay bawat taon.
“Suicide can affect anyone, anywhere, young and old from all walks of life If you’re struggling and wondering how you can go on, talk to someone you trust and ask for help,” ani Ghebreyesus. Dagdag pa niya, suicide ang maituturing na nangunguna sa dahilan ng pagkamatay ng mga taong edad 15 hanggang 29 taon, at mas marami ang kaso ng suicide kaysa sa pinagsamang mga kaso ng alitan at homicide.
Dahil dito, nais nilang magsulong ng mga hakbang para mabawasan ang mga kaso nito gaya ng school-based interventions, pag-train sa mga health worker, follow-up care and community support, at responsableng pagbabalita sa media. Ibig-sabihin nito, hinihikayat nilang makilahok ang iba’t ibang sektor ng lipunan para sa kampanyang ito, kabilang na rito ang sa kalusugan, politika, agrikultura, media, business at edukasyon. Resulta nito, patuloy na pinaiigting ang pagbabantay sa mga kabataan, lalo na sa mga paaralan, upang maibahagi ang mensahe ng WHO at World Mental Health Day laban sa suicide. Ani Ghebreyesus, ang bawat pagkawala ng isang buhay ay isang trahedya at maaari nating mapigilan ito sa hinaharap sa pamamagitan ng pagkilos sa kasalukuyan.
“You can find joy in life again. Never give up, never ever give up,” aniya.
Project Calycasan 2.0
16 AGHAM
Hanna Basa
sinulong ng Youth for Environment Iang in Schools Organization o YES-O isang proyekto na naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng bawat silid sa ating paaralan. Ito ay ang Project Calycasan 2.0. Itinuturing itong paligsahan ng lahat ng silid ng Cavite National High School kung sino ang ituturing na modelong silid kada buwan. Ayon sa G10 Representative, Marvick Cipriano, “bawat building ay may mga officer na nagbabantay ng kaayusan sa loob at labas ng bawat silid. Ang mga officer ay nakagrupo kada araw sa isang linggo. Dagdag pa nito, mayroong daw rubriks na sinusunod ang bawat officer sa pabibigay ng marka ng bawat silid. Maging ang pagkakaroon ng DRRM Kit o Emergency Kit ay inoobserbahan din. Bawat buwan ay mayroong silid bawat building ang nananalo bilang isa sa mga modelong silid sa paaralan.” Ang proyektong ito ay nakaraang taon pa isinulong ngunit may kaibahan ito ng kaunti kaysa dati. Ang bawat officer ay may sash na isinusuot sa kanilang pagiikot upang mabigyang batid ng bawat
mag aaral kung sino ang mga taong nag-oobserba sa kanilang kwarto. Sa mga nananalo ay may matatanggap isang tarpaulin na nakalagay sa inyong pintuan at sertipiko ng pagkilala sa pangkat at sa inyong gurong tagapayo. “Pagrespeto at pag-unawa ang hinihingi namin mula sa inyo.” Isang katagang madalas marinig na TV man o kahit saan pagLGBT na ang pinag-uusapan. Ayon sa isang artikulo, sinasabing ang pilipinas ang isa sa pinakaimpluwensyang bansa pagdating sa LGBT. Isang bill ang nais ipasa sa congreso na tinatawag Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill (SOGIE Bill) o mas kilala bilang Anti-Discrimination Bill (ADB). Ito ay naglalayong maiwasan ang mga taong nanghuhusga at nagsasalita ng masama dahil sa kasarian at pagkatao ng isang indibidwal. Naglalayon itong bigyan ng halaga ang mga taong naiiba ang kasarian. Isang sitwasyon ang nakapagbago ng pananaw ng bawat miyembro ng LGBT. Kamakailan lamang ay pumutok
Kaso ng dengue sa lalawigan ng Cavite, dumoble
I
Rhoviline Mateo
nanunsyo na ng Department of Health (DOH) na halos dumoble ang bilang ng mga nagkakaroon ng dengue sa Pilipinas at isa na ang lalawigan ng Cavite sa mga nakararanas nito.
GAD Symposium: “Kulang ang kamalayan ng kabataan sa HIV” Princess Dela Cruz
ulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Human D Immunodeficiency Virus (HIV) sa lungsod ng Cavite ay pinangunahan ng Cavite National High School (CNHS) ang pagkakaroon ng symposium ukol sa naturang sakit para sa paggugunita ng Gender and Development (GAD) sa lugar. Nagtipon-tipon ang mga guro ng CNHS para sa isang symposium ukol sa HIV nitong ika-4 ng Oktubre sa silid-aklatan ng naturang paaralan. Tinalakay dito ang unti-unting pagtaas ng bilang ng mga kaso sa iba’t ibang parte ng Cavite, na may layuning magbigay-kamalayan sa nakararami lalo na’t patuloy na dumarami ang HIV patients. Ayon sa mga datos na iprinesenta, tinatayang nasa 230 katao ang apektado ng sakit base sa naitala noong Marso 2019. Naging pangunahing layunin ng symposium ang ipaalam sa mga guro, na silang mas nakakasama ng mga mag-aaral sa paaralan, na kahit sino ay pwedeng maging apektado ng HIV lalo na kung walang sapat na kaalaman ang mga ito.
Sinasabing higit sa isa sa tatlong kabataang Pilipino na mula sa Rehiyon IV-A ang nasasangkot sa pre-marital sex, na maaaring naging dahilan kung bakit nagkaroon ng 216 porsyentong pagtaas sa bilang ng mga kabataang nabubuntis nang maaga mula 2002 hanggang 2013. Naglabas din ng mga datos ukol sa mga kabataang nagbabayad at binabayaran para sa pakikipagtalik na isa mga dahilan ng pagkalat ng nasabing virus, na tinatayang nasa 95 porsyento. Iginiit naman sa symposium na kaya patuloy itong tumataas ay dahil kulang sa kaalaman ang lahat patungkol sa HIV at AIDS, lalo na ang mga magaaral. Samantala, nagpahayag naman ng pagkaalarma ang ilang mga guro na nag-post sa social media.
na naiiba sa atin. Pare-parehas naman tayong mga taong naninirahan nga tahimik sa mundo. Pantay-pantay tayong mga pangarap na nais maaabot sa buhay. Ngunit bigyang respeto niyo din kameng mga taong umiintindi sa sitwasyon ng bawat isa sa inyo. Ilagay natin an gating sarili kung saan tayo nabibilang at kumilos ng naaayon sa estado. Sumisikat ngayon ang isang paraan ng komunikasyon sa isang website na tinatawag na Omegle. Isa itong paraan ng komunikasyon sa mga taong hindi naten kilala. Sa pamamagitan nito, maaaring makipagkilala at makipagkaibigan sa isang tao. Hindi nito ipinapakita ang personal na impormasyon ng isang tao iyong maaaring makausap. Isang youtube influencer ang muling nagpabuhay nito. Maaaring video o kaya naman chat. Naging patok ito lalong lalo na sa mga mag-aaral ng Cavite National High School. Ayon sa isang mag-aaral, “ang omegle ay nakakatulong upang madadagdagan ang kaibigan na may kaparehas na interes. Ngunit ang iba ay ginagamit ito
upang manira ng kapwa, yun lang naman yung hindi maganda doon.” Dagdag pa nito na “nagdudulot ito ng kasiyahan dahil kapag sa oras na wala kang ginagawa ay may maaari kang makausap.” Hindi lang naman ito sa Cavite High, maging saang sulok ng mundo ay pwede ito. Kapag nagbigay ka raw ng iyong baitang madalas ang iba ay pumupunta pa sa silid ng taong kausap nila. Sa ibang banda naman, marami din ang nababahala dahil sa masamang epekto ng omegle. Ang iba ay ginagamit ito sa masamang paraan. Karamihan dito ang nagpapanggap ng identidad at impormasyon. Ang iba naman ay nagsasabi ng mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan. MInsan ay nagsasalita di sila ng mga bastos na salita. Binibigyan naman ng paalala ng website ang gumagamit nito na ang iba dito ay hindi mo maaaring magustuhan. May masama at magandang maidudulot ang omegle. Bilang isang mag-aaral, buong ingat parin ang ating kailangang gawin upang maprotektahan ang ating kaligtasan.
ipis-dagat cucaracha Ahleia Cajilis
uwing napapadayo ka sa muralya, napapansin mo TSiguro ba ‘yung mga insektong nakadikit sa semento? ay pawang ordinaryong mga insekto lamang
sila sa paningin mo, ngunit may kayang gawin ang mga maliliit na hindi magagawa ng isang tao. Kapansin-pansing may isang uri ng ipis na namumuhay malapit sa Cañacao Bay, na ipis-dagat kung tawagin. Ito ay ang wharf roach o Ligia exotica na maaaring makita sa iba’t ibang lugar, partikular sa mga tabing-dagat. Ang mga wharf roaches na ito ay may malalaking mata at malakas din ang pakiramdam nila sa kanilang paligid. Mabibilis din silang tumakbo, dahil kailangan nilang umiwas sa mga mandaragit katulad na lamang ng mga ibon. Subalit hindi lamang organikong bagay na makikita sa mga bato ang kinakain nila, dahil kumakain din sila ng biodegradable plastics. Ito ay nadiskubre ng mga mag-aaral mula sa Cavite National High School-Senior High School (CNHS-SHS) na siyang ginawan ng dokumentaryo para sa ginanap na SchoolBased Indie Siyensya noong Academic Camp na pinamagatang “cucaracha”. Inilahad ni Yeoj Enriquez, isang mag-aaral mula sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand ang kuwento kung paano nila naisip ang paksang ito. Aniya, dahil masyado nang
pangkaraniwan ang gumawa ng pelikula tungkol sa mga tahong, nag-isip sila ng mga insekto o lamangdagat na madalas na nakikita sa lungsod ng Cavite, ngunit hindi nabibigyang-pansin. “Since maraming ipis-dagat sa PN tapos wala namang may alam sa ginagawa nila, naging maganda siyang topic,” ayon kay Enriquez. Matapos ang pagsasaliksik ng kanilang pangkat, napag-alaman nila na ang terrestrial isopods, na katulad din ng mga ipis-dagat ngunit namumuhay sa lupa ay kumakain ng biodegradable o nabubulok na plastik. Naisip nila na dahil halos parehas din naman ang dalawang species na ito, maaari rin itong magawa ng ipis-dagat. Kaya naman pinageksperimentuhan ito ng kanilang grupo mula sa Baitang 11 STEM. Kumuha sila ng nasabing insekto at inilagay ang mga ito sa isang terrarium na may lamang lupa at mga halaman at unti-unti ay pinakain ng plastik ang mga ito. Natapos ang pag-aaral na napatunayan nilang kayang kumain ng biodegradable plastic ang mga ipis-dagat nang hiwain at suriin nila ang mga nasabing insekto. “Makakatulong sila sa locals kung mabe-breed nila ng marami ‘yun sa mga tabing-dagat na sobrang marumi, at least mapapabilis nu’n ‘yung decomposition nung waste kahit papaano,” dagdag pa ni Yeoj.
Kuha ni Ahleia Cajilis
Ayon sa DOH, mula Enero hanggang Hulyo ng taong 2019 ay may naiulat na 146,062 na kaso ng dengue sa bansa at tumaas ito ng 98% kumpara sa datos mula sa parehong buwan ng nakaraang taon. Kaugnay nito, nagdeklara na ng National Dengue Epidemic ang Health Secretary ng DOH na si Francisco Duque III.. Giit ni Duque, mahalaga ito upang malaman kung saang lugar kailangan ng tulong ng local na gobyerno para magamit ang pondo nito na nakalaan sa mga suliraning katulad ng nasabing epidemya para mabilis na masolusyunan ang problema. Kabilang ang dengue sa mga sakit na dala ng mga lamok, na karaniwang suliranin sa mga bansang tropical at subtropical o kadalasang mainit ang klima tulad ng Pilipinas. Inaatake ng naturang sakit ang platelets sa katawan, o mga maliliit na blood cells na responsable sa blood clotting upang matigil ang pagdurugo. Bagaman hindi gaanong apektado ang Cavite National High School (CNHS), nakapagtala pa rin dito ng isang kaso ng dengue virus mula sa baitang 7 ayon sa medical department ng eskuwelahan. Ayon kay Dra. Elisa Magbanua, ang nangunguna sa naturang kagawaran, hindi naman kailangang mag-alala dahil tinutukan at sinigurado nilang gumaling ang nasabing mag-aaral mula sa sakit. Pinaiigting naman sa buong bansa ang iba’t ibang paraan upang maiwasan at mabawasan ang mga kaso ng dengue, tulad ng pagpapanatili sa kalinisan ng paligid nang sa gayon ay walang mapamugaran ang mga lamok na may dalang sakit. Idinagdag din ni Dra. Magbanua na suportado nila ang programang Water in School, Hygiene, and Sanitation (WINS) na may layuning magpanatili ng isang malinis na kapaligiran sa CNHS. Nais din ng nasabing programa na turuan ang mga estudyante tungkol sa kalinisan sa loob at labas ng kanilang mga silid-aralan para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.
ang balitang isang Transgender ay sari-sari ang panananaw ng karamihan ukol sa isyung ito. Marami ang nagsasabing sana ay magkaroon ng hiwalay na palikuran para sa mga LGBT. Kung ating pag-iisipan dalawang kasarian lamang ang ginawa ng ating diyos upang mamuhay dito sa mundo. Noong ikaw ay ipinanganak, dalawang kasarian lamang ang maaaring ilagay sa iyong sertipiko ng kapanganakan. Habang ikaw ay lumalaki doon mo lamang malalaman kung saang identidad ka nabibilang. Kung matutuloy nga ang paggawa ng magkakaibang palikuran ang lahat ng maaaring kasarian, isama na natin ang palikuran para sa mga person with disabilities, maaring maging balakid pa ito sa iba. Kahit ikaw man ay may ibang identidad pagdating sa iyong kasarian, maging mapanuri. Kung ninanais mong pumasok sa CR na saliwat sa iyong tunay na kasarian, magdudulot lamang ito ng gulo na pagitan ng dalawang panig. Handa ang respeto palagi ang respeto at pag-unawa naming sa bawat mga tao mga identidad
Malabong tumingin sa iba
o malabo ang mata? Ahleia Cajilis
00/100. Hindi ‘yan perpektong marka sa isang 1mata pagsusulit, kung ‘di bilang ng grado ng mga ng isang tao. Malabong tumingin siya sa iba
dahil sa isa lamang ang pinagtutuunan niya ng pansin— pero pa’no kung sadyang malabo lang talaga ang paningin? Tayo ang nasa panahon ng patuloy na pag-akyat patungong modernisasyon at hindi maikakailang isa ang teknolohiya sa mga gumawa ng hakbang. Sa tulong nito, mayroon tayong mga gadgets na mas pinadadali ang halos lahat ng aspeto sa ‘ting buhay tulad ng komunikasyon at transaksyon. Ngunit ika nga nila, ang lahat ng sobra ay hindi maganda. Ayon sa Common Sense Media (2018), karamihan sa mga teenager ay nasa siyam na oras ang inilalagi sa social media gamit ang kanilang mga cellphone. Nakababahala dahil ito ay nangyayari araw-araw at nakaaapekto na ito sa paraan ng kanilang pamumuhay. Dulot nito, dumarami na rin ang nakararanas ng panlalabo ng paningin maging ng iba’t ibang kondisyon katulad ng myopia.
Ang myopia o nearsightedness ay itinuturing na isang epidemya ‘di lamang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo. Ito ay isang kondisyon kung saan malinaw ang paningin ng isang tao kapag sa malapit at malabo naman kapag mas malayo. Sa kasalukuyan, nasa halos 40 porsyento ng mga Pilipino ang myopic o may ganoong kondisyon na maaari pang umakyat sa 50 porsyento sa pagsapit ng 2030 (Essilor, 2019). Kung noon ay hereditary lamang ito o namamana, ngayon ay posible na ang childhood myopia dahil marami sa Pilipinong kabataan ang madalas na gumagamit ng gadgets ng ilang oras ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Domingo. Maging sa Cavite National High School ay may mga apektado ng naturang kondisyon. Ayon kay Celine Luna, isang mag-aaral, nararanasan niya ang hirap na dulot ng myopia. “Mahirap kasi lalo kapag wala kang salamin, kapag mataas na talaga ‘yung grado ng mata mo, nahihirapan kang makisabay sa discussion sa klase lalo na kung nagsusulat ang teacher sa board. Kailangan mong lumapit dahil ayun nga, nearsighted ka,” aniya.
ANG CAVITEÑAN
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
isports Diaz, Tinumbok ang gintong medalya Aubry Bugayong
inatalsik ni John Reiner Diaz si Liemarc Robrigado, P 7-4, sa kanilang naging matinding sarguhan sa 9-ball Intramurals championship na ginanap sa Espiritu street, Caridad Cavite City noong Agosto 28. Nanaig si Diaz matapos ang isang gitgitang laban upang masungkit ang gintong medalya sa iskor na 7-4. Simula palamang ay sunodsunod ng pumasok ang mga tira ni Diaz dahilan upang makuha ang lamang sa simula pa lamang ng laro. Nakipagsabayan naman si
Robrigado ngunit mas nanatali ang momentum para kay Diaz. “Magaling siya at siguro kulang lang sa training at preparation” ani Robrigado matapos ng kanilang laban. Nagtapos si Robrigado ng 3rd puwesto nitong nakaraang taon sa parehas na kategorya.
KALIWAAN. Depensa ang naging dominanteng paraan ng Blue Eagles para makamit ang gintong medalya. Dan Francis De Castro
Blue Eagles, selyado na sa Ginto Aubry Bugayong
inupalpal ng Blue Eagles ang pag-asa ng Yellow Tigers na madagit ang inaasam na S kampeyonato matapos nila itong lampasuhin sa iskor na 54-29 sa ginanap na CNHS Intramurals Women’s Basketball Finals sa CNHS-SHS Covered Court noong ika-28 ng Agosto.
TUTOK. Seryosong nakipagkompetensya sa chess intramurals na nagana noong ika-29 ng Agosto sa CNHS si Steven Edward Montalvo habang unang pagsabak pa lamang ay nagwagi na agad ito. Caster Troy Rosal
Montalvo, Tagumpay sa First Game kontra Villacrusis Ezekiel Liwanag
sa naganap na 2019 CNHS Chess Intramurals sa school library noong ika-29 ng Agosto sa ganap na ika-isa ng hapon.
Nagpakitang gilas agad ang dating silver medalist sa CNHS Chess Intramurals na si Montalvo sa pagkakaroon ng early developing officials sa kabila ng paglalaro sa itim na piyesa ng chess board. Lamang ang pambato ng Montalvo sa pagkontrol sa gitna ng board upang maging dahilan ng limitadong galaw ni Villacrusis. “Inunahan ko na sya sa pagkakaroon ng kontrol sa gitna kahit itim ang piyesang nilalaro ko” saad ni Villacrusis. Umarangkada na ang Queen ng white side at nakasuporta ang rook upang magtala ng first check Qd8 at sinigurado naman agad ni Villacrusis ang Queen upang protektahan ang King Qd2 at nagresulta ng Queen to Queen Exchange . “Nahihirapan ako noong nawalan ako ng Queen dahil isa iyon sa malakas na piyesang mayroon ako” pahayag ni Villacrusis. Nagsimula ang offensive plays ni Senior High upang ubusin at paglaruan ang opisyal ng kalabang Junior High at kontrolin ang buong laro. Nagtala ng isang major offense si Vincent noong maexposed ang King sa open check ng Rook ni Steven. “Hindi ko napansin yung Rook nya at open check ako kaya’t ang naigalaw ko ay Knight” ang dahlian ng bata ng Yellow Tigers. Pinabagsak ni Montalvo si Villacrusis sa isang Pawn Checkmate sa a5 na nagbunsod ng pagwawagi ni Montalvo sa first game ng kompetistyon. “Pwede nang tapusin ayaw pang tapusin”,saad ni Louie Salvador ang facilitator ng chess nang makita ang kalamangan ni Steven. Aabangan at susubaybayan ng bawat isa ang pagarangkada ni Montalvo sa mga susunod na round at sisiguraduhin na ni Montalvo ang Gold Medal at pwesto sa 2019 City Meet.
Tigers ay hindi na nila nagawang idikit ang iskor matapos bitbitin ng Blue Eagles ang nabuo nilang kumpyansa, tuluyan na nila itong inilampaso at isinara ang iskor sa 54-29. Bagaman mas bata at bagitong maituturing ay hindi nagpahuli ang Blue Eagles at buong lakas na nakipagsabayan sa mas malalaki at matatandang Yellow Tigers. Kapansin-pansin ding kapos sa koneksyon sa court ang mga manlalaro ng Yellow Tigers nang lamangan sila ng Blue Eagles pagdating sa assist na may 26 at
rebound na may 38 sa kabuuan. “Hindi kami nagpasindak sa kanila, kahit na mas matanda sila iba parin yung may tiwala ka sa sarili at teammates mo. Masaya ako para sa medalyang ito. Salamat sa Panginoon at sa lahat ng suporta” ani Buo, ang itinanghal na MVP. Ngayon ay naghahanda na sila para sa nalalapit na City Meet sapagkat ang kinatawan ng Cavite National High School Women’s Basketball team ay galing karamihan sa Blue Eagles.
MAPEH Department, nanatiling kampyeon Aubry Bugayong
uling dinagit ng MAPEH Department ang kampyeonato matapos lampasuhin M ang sumusubok na departamento ng Filipino sa iskor na 25-16 sa ginanap na Teacher’s Day Volleyball Tournament sa CNHS Court noong ika-27 ng Setyembre. Pinangunahan nina Mrs. Beibs Naval at Mrs. Lanie Pineda ang kanilang departammento upang madagit ang ikalawang sunod na kampyeonato matapos nilang magpakawala ng service aces at drop ball. Dikit at pursigidong manalo ang parehong koponan nang halos magpalitan lamang ito ng puntos sa umpisa ng laro, 7-6. Naging malaking tinik naman para sa Filipino ng maging front line sina Mrs. Pineda, Mrs. Naval at Mr. Fajardo para sa MAPEH ng magsimula na silang magpaulan ng play na talagang nagpahirap sa depensa ng katunggali, 18-11. Nabago at bahagyang naagaw ng Filipino ang momentum ng laro at nakapagtala ng 4-1 run sa pagpasok ni Mr. Ray Morandante nang bantayan niya ang matatalim at mabibigat na serves ng MAPEH na siyang nagpahirap sa kanila.,19-15. Hindi na pinaporma pa ng MAPEH ang kabilang koponan nang tuluyan na nilang tapusin ang tormento at selyuhan ang gintkng medalya sa ikalawang sunod nna pagkakataon gamit ang drop ball ni Mrs. Pineda, 25-16. Kapansin-pansin ang butas na depensa ng
Filipino drop ball narin sa pagod na kaanilang ngunit gayon naiuwi parin ikalawang sa nasabing torneyo
pagdating sa mga ng MAPEH at bakas kanilang mukha ang siyang nagbunsod sa pagkatalo pa man ay nila ang pwesto para
“Nakakahiya kung matalo pa kami kasi sa amin galing ang mga taga train ng bata na nilalaban sa sports, pero all in all masaya kasi may bonding na kaming mga teachers” ani Mr. Jaicee Luyun. Manalo man o matalo ay walang makakatumbas sa kanilang kadakilaan pagdating sa silid-aralan na siyang nagpapanalo sa bawat buhay ng gurong lumaban sa torneyo.
Calinawan at Santonil, Umarangkada sa Badminton PlayDays Caster Rosal
umungkit ng gintong medalya sina Isaiah Santonil at Embrikane Calinawan ng STEMS AD Black Hornets sa score na 25-22 kontra sa pambato ng ABM Golden Lions na sina Nathaniel Ramos at John Rick Cristino sa Montano Hall Stadium noong ika-15 ng Agosto.
ASINTADO. Ang asintadong pagtira sa shuttlecock ang siyang nagdala sa pambato ng Hornets para maselyuhan ang gintong medalya. Dan Francis De Castro
Mala-kidlat na smash ang ibinabato ng Hornets sa kabila ng net upang ungusan ang kalamangan ng Golden Lions na nagresulta ng kanilang tagumpay sa naganap na Play Days. Coordination ang ipinakita ng Hornets STEM-AD, nagaapy na smash ni Calinawan at mabilis na segunda sa floor defense ni Santonil ang naging dahilan ng kanilang paghahari sa larangan ng Badminton sa SHS Play days
Nagpakitang-gilas ang Hornets sa kalagitnaan ng Laro matapos na mabaon sa limang kalamangan ng Lions dahil sa offensive plays ni Cristino. “Nahirapan kami dahil mas sanay at batak na sila sa larangan na to kontra samin na hindi gaano nakapag training”saad ng atletang mula sa STEM. Bigo ang Lions sa pagkamit ng gintong medalya kontra sa Hornets sa score na 25-22 pabor sa mga
naka-itim. “Wala kaming magandang training at baguhan lang kami sa larangan na to katulad ko dahil noong grade 9 lang ako nagsimula maglaro ng Badminton”ayon kay Calinawan. Malakas ang hiyawan ng mga nakaitim upang supportahan ang pambato ng STEM sa kanilang huling laban sa Playdays 2019 sa pagkamit ng medalya bilang karangalan sa buong STEM at AD.
POKUS. Mahusay na reception ang siyang maging pokus ni Naval para paandaran ang kanilang kalaban ng mahirap na depensa. Mark Vincent Millona
inontrol ni Steven Edward Montalvo ang laro sa K kanyang mga kamay sa pamamagitan ng developing officials kontra sa defensive plays ni Vincent Villacrusis
Umpisa pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas na si Rashell Buo ng magpakawala ito ng sunod sunod na tres at lay-up na siyang nagpahirap sa mas matandang koponan, 26-13. Nagpatuloy pa ang magandang laro ng Blue Eagles sa pamamagitan ng kombinasyon nina Buo at Lyka Sabordo, isang magandang assist ang pinakawalan ni Buo at tres ni Sabordo ang tuluyang nagpalaki ng kanilang lamang sa ikalawang quarter, 39-18. Pinilit mang humabol ng Yellow
ANG CAVITEÑAN
18 ISPORTS
TOMO 82 BLG. 1 HUNYO 2019 - PEBRERO 2020
White Cranes, pumalo ng ginto sa Table Tennis John Michael Liwanag
asungkit ng Pambato ng White Cranes na si Julius Art solis ang gintong N medalya,matapos pataubin ang Pambato ng Red Fox na si Adrian Malicdem sa iskor na 11-6,11-7 at 11-9, noong nakaraang CNHS Intramurals Table Tennis Boys Division na
PUNTO POR PUNTO
ginanap noong ika-29 at ika-30 ng Setyembre sa Montano Hall. Pagpasok pa lamang ng unang set ay nag pakawala na si Solis ng mga Forehand spins at Solid Flatdrives, kaya naman maaga nyang nasungkit ang unang set sa iskor na 11-6. Sinubukan ni Malicdem na sungkitin ang ikalawang set, nagbigay ng mga Pimple-chops at side-loops si Malicdem, ngunit, hindi parin ito naging sapat upang maipanalo ang ikalawang set.
Lamang ni Solis ang kanyang katangkaran kay Malicdem, kahit bigyan ng mga dulo dulong bola si Solis ay nakukuha niya paren ito, at tuluyan nya nang nakuha ang ikalawang set sa iskor na 11-9. Pagpasok ng ikatlong set,binuhos na ni Solis ang kanyang buong lakas. Natambakan niya si Malicdem sa iskor na 5-0 dahil sa mga flat-drives at mga solid pimple blocks.
Nakahabol si Malicdem sa kalagitnaan ng set sa iskor na 9-6,ngunit, dahil sa pagod ay hindi na nagawang ipagpatuloy ni Malicdem ang kanyang pamamayagpag sa set, at tuluyan nang nakuha si Solis ang ikatlong set sa iskor na 11-8. Bigo man si Malicdem na depensahan ang kanyang ginto ay nagkamit paren ito ng silver medal.
Mula sa www. news.abs-cbn.com
Kandilian: Hingalo ng Talento Aubry Bugayong
ung ang Batangas ay hitik sa mga K pangmalakasang balibolista at ang Laguna ay ang tahanan ng mga makikisig na basketbolista aba’y
syempre papahuli ba ang mga Caviteño na tanyag sa larangan ng baseball? Suntok sa buwan kung ilarawan ng ibang mga atleta ang pagpasok sa palarong pambansa ngunit ang mga Caviteño ay tila minamani lamang ito higit sa larangan ng baseball. Walong taon halos pinagharian ng mga atleta mula sa Cavite National High School ang nasabing larangan sa pangangalaga ng kanilang tagapayo na si “sir Frits” kung tawagin. Ngunit sa paglipas ng mga panahon ay tila nawala ang dagitab ng talento ng mga Caviteño. Untiunting nalihis ang landas nila mula sa nnasabing larangan. Taon 2015 pa huling nasaksihan ng buong Pilipinas ang galing ng mga manlalaro ng CNHS. Apat na
taon mula ng halos hakutin ng paaralan ang lahat ng medalya. Hindi na muli pang nnapagtuunan ng pansin ang larangan simula ng mapagdesisyunan ng nasabing tagapayo na lumipad at tumungo sa Amerika. Animo’y nawala ang tagapagkandili ng baseball. Hindi na muli pang nakatungtong ang Caviteño sa entablado ng Palarong Pambansa. Nagsumikap ang CNHS sa muling pagsasabuhay ng baseball. Sa pangunguna ng MAPEH Department ay isinama nila ang baseball sa intrams taong 2015 ngunit hindi ito nagbunga ng magandang resulta sapagkat wala talagang tagapayo na eksperto sa larangan ng baseball. Pansamantala , labag maan sa kalooban ay itinigal ng departamento ang pagsasama ng baseball sa intrams sapagkat unti-unti rin namang nawalan ng mga manlalarong interesado. Ika nga sa kasabihang matapos ang unos ay may sisilip na bahaghari, ngayong taon lamang ay nagkaroon na ng isang gurong mamamahala sa baseball, si sir Randolph Fajardo. Bata pa lamang siya ay nakahiligan na niya ang nasabing larangan. Elementarya pa lamang siya ay subok na ang kanyang galing ng taon taon siyang nakakapag-uwi ng medalya sa ibat-ibang baseball contest. Nagpatuloy pa ito sa kanyang kolehiyo ng makapasok siya bilang varsity. Ngayon ay muling binubuhay ng Caviteño ang naghingalong talento. Hulyo pa llamang ay nagsimula na ang preparasyon ng mga piling manlalaro sa baseball upang humarap sa city meet sa pangunguna ni Fajardo. Sinisikap niya higit ng mga atleta sa CNHS na buhayin ang naghingalong talento
Eduard Nepomuceno
Intrams para sa lahat
aun-taon pinagdiriwang ang Intramurals na isa sa pinakaTisang inaabangan ng mga mag-aaral, atleta maging ng mga guro. Ito ay aktibidad na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga
estudyante na maipakita ang kanilang husay hindi lamang sa akademiks kung hindi pati narin sa larangan ng isports. Tatlong taon ang nakalipas nang magdagdang ng dalawang taon para sa sekondarya mula nang maitatag ang K-12 program na naglalayong madagdagan ng dalawang taon ang secondary upang maihanda ang mag-aaral para sa kolehiyo. Dahil dito, nadagdagan pa ng dalawang baitang ang mga maaring lumahok sa intramurals. Kung iisipin, higit na mas lamang ang mga atleta mula sa baitang 11 at 12 kumpara sa mas batang manlalaro. Simula nang maitatag ang ito ay lagi ng lumalamang ang mga nakaktandang atleta partikular ang baitang 10, 11 at 12. Dahil dito, napagdesisyunan ng pamunuan o ng komite ng Junior High School (JHS) na ihiwalay na ang intrmurals ng JHS sa Senior High School (SHS). Malaki ang naging epekto nito para sa mga nakababatang atleta dahil nabawasan na ang tinik na kanilang kakahrpin. Ninais parin ng mga Senior high school na sumali sa paligsahan ng Junior high school dahi sa ilang mga kadahilanan. Kung susumahin, hindi hamak na may lamang ang mga nakatatandang atleta dahil na din sa laki, lakas at kanilang karanasan. Naging pabor ang desisyong ito para sa mga atleta ng Jhs. dahil nabawasan ang mga kalabang kanilang kakaharapin. Sa kabilang banda, pinayagan ang Senior high school na makasali sa Mr. and Ms. Intramurals sa kondisyong hindi lalagpas sa taong 2002 ang kapanganakan ng nais lumahok dito. Kung titignan, hindi hamak na mas hubog ang katawan at mas lamang na agad sila kumpara sa mga nakakabatang kalahok. Nitong mga nakaraang taon, natalo ng mga lalaking grade 7 ang grade 10 sa isang basketball game. At nitong nakaraang taon ay nakuha ni Ms. Grade 7 ang titulong Ms. Intrams sa kabila ng kaniyang kasanayan at hubog ng katawan. Pinatutunayan lang nito na wala sa edad, lakas ng katawan, tangkad at iba pang katangiang dapat taglayin ng isang atleta o kandidata ang kanyang galing husay kung hindi nasa pagsasanay at pagtitiwala sa sarili. Ang Intrams ay isang espesyal na gawain na kahit Senior high Kaman o Junior high ay maaari kang makilahok. Hindi ang mga medalya at tropeyo ang magsasabi kung gaano ka kagaling sa isang bagay kundi ang pagkakaisa, pagtutulugan at higit sa lahat ay tinuturan tayo nito na magkaroon ng ugnayan sa ating kapwa mag-aaral ang siyang pinaka mahalaga.
Hindi ang mga medalya at tropeyo ang magsasabi kung gaano ka kagaling sa isang bagay
ASINTADO Aubry Bugayong
Dekalidad na Pampalakasan
ka nga’y “the more, the merrier” ngunit tila taliwas ito sa katatapos ISchool lamang na Intramurals ng Cavite National High School – Senior High kung saan ito ang kauna-unahang intrams nila na hiwalay sa
TIBAY. Lakas at liksi ng katawan ang siyang naging puhunan ni Arellano para patumbahin sa pagkakatayo ang kaniyang kalaban. Mark Vincent Millona
Arellano, nakuha ang gintong medalya Aubry Bugayong
agpakitang gilas si Lyka Gayle Arellano sa middle weight full contact taekwondo N championship matapos talunin si Zyra Dimapilis,20-8, Sa katatatapos lang na 2019 intramurals taekwondo championship sa Cavite national High School covered court noong Agosto 9.
Mabibilis at malalaks na sipa ang agad na pinakita ni Arellano sa simula palamang ng laro. Nagpatuloy ang pagigigng matatag katawan at ng mga pinakitang galaw ni Arellano upang mabawasan ang pagkakaron niya
ng gangeom penalty. “Ok naman po satingin ko, Ang naging advantage ko ay yung experience at saka yung flexibility ng sipa ko” ani Arellano. Naghahanda na ngayon si Arellano para sa paparating na
laban sa Imus, city at City Meet. Sa ibang kategorya, nakuha ni Angel De Mesa ang gintong medalya habang si Shan Honey Maxino ang pilak na medalya sa welterweight Category.
CNHS-Junior High School. Bagaman di hamak na mas kaunti ang bilang nilang nagdaos ng intramurals ay bakas parin sa mga mag-aaral ang saya at pagkasabik sa isa sa mga pinakainaabangan aktibidad ng paaralan. Hindi gaya sa nakasanayang intrams kung saan bawat baitang ang siyang naglalaban upang magkaalaman ng angking galing at talento ay bawat strand naman ang siyang nagtagisan sa nagdaan nilang aktibidad. Nagsanib pwersa ang STEM at AD na siyang tinawag na Black Hornets, Golden Lions naman ang sa ABM, Gray Sharks para sa HE, Green Rhinoes naman para sa CSS at Blue Falcons naman ang HUMSS. Bawat strand ay hindi nagpahuli at nagpakabog. Sa tulong ng kanikanilang mga guro na siyang naging tagapayo at tagapagsanay nila ay namayagpag ang bawat strand sa ibat-ibang larangan. Nagmistulan pa ngang suki ng Avins, isang sports center sa Cavite City, ang mga manlalaro ng CNHS-SHS upang makapag-ensayo lamang. Sa huli ang itinaanghal na overall champion ay walang iba kundi “Basta bongga, HUMSS yan!” matapos manguna sa bilang ng ginto, pilak at tansong medalya sa lahat ng strand. Bagaman bigong masungkit ng Black Hornets ang pangkalahatang kampyeonato ay sila naman napili upang makilahok sa Intramurals ng Junior High School na ginanap noong ika-28 ng Agosto matapos mapagtagumpayan ang Best Yell and Cheedance Competition. Dumalo rin ang ibat-ibang piling mag-aar ng bawat strand sa Intramurals ng JHS sa kabila ng pagkabigo. Ito ang kauna-unahang Intramurals kung saan opisyal nang humiwalay ang SHS sa JHS ng pagdaraos nito sa loob ng apat na taon matapos maipasa ang K to 12. Sa kabila ng pagkahiwalay ay tila walang nagbago, buong husay na nakipagbakbakan sa ibat-ibang larangan ang magaaral. Hindi lamang sa pampalakasan nangibabaw ang lahat ng manlalaro, higit na nagningning ang bawat isa sa pagkakaroon ng bagong kaibigan, pagkakaisa na nabuo sa kabila ng pagkkakaiba-iba ng strand, at pagkakaroon ng ikalawang pamilya bagaman mas kaunting bilang sa pagdaraos ng sariling Intramurals na siyang nagtanghal na kampeyon sa bawat isa.
isports 19
ISPORTS EDITORYAL
HAMPAS. Matindi at naglalagablab na opensa ang siyang pinairal ng mga dilawan para maibalik ang kampyonato sa kanilang baitang. Aubry Bugayong
Yellow Tigers, humampas ng gintong medalya Aubry Bugayong
inangunahan ni Jolo Moya ang Yellow Tigers dahilan upang maibalik ang korona sa P kanilang koponan laban sa katunggaling Blue Eagles sa iskor na 29-27 at 25-14 sa ginanap na CNHS Men’s Volleyball Intrams Finals sa finals sa Montano Hall noong ika30 ng Agosto.
Umpisa pa lamang ng laro ay naagpalitan na ng umaatikabo at naglalagablab na mga palo, blocks at matatalim na serves ang parehong koponan sa pangunguna ni Moya at Tyrone Celestino para sa Blue Eagles. Limang ulit na nakapagtala ng deuce ang dalawang magkalaban, nagpalitan sina Joshua Kyle Rosero ng Blue Eagles at Julius Parnala ng Yellow Tigers ng mga malalakas na spikes na siyang nag-extend sa unang set sa maraming deuce ngunit isang block ni Moya ang tuluyang tumapos ng laro, 29-27. Bitbit ang kumpiyansa, hindi
na pinabuwelo pa ng Yellow Tigers ang mas batang koponan at sunod-sunod na nagpaulan ng spikes sina Parnala, Moya at Roscoe Toledo dahilan upang isara ang huling set sa 25-14. Naging malaking lamang ng nagwaging koponan ang kanilang setter na si James Sadorra sa pagkamit ng gintong medalya, hindi lamang excellent set ang naiambag niya, nangibabaw din siya sa pagpapamalas ng one-two play na talaga naming humamon sa floor defense ng kalaban. Kapansin-pansin rin ang connection ng mga manlalaro
ng Tigers, mula sa excellent receives, excellent set hanggang sa lumalagablab na mga palo ng manlalaro ay talaga namang naipamalas nila ang kanilang teamwork dahilan upang tapusin nila ang Intrams ng walang dungis, 5-0 standing. “Salamat sa Panginoon unanguna tapos sa coach at team. Para sa atin ang panalong ito” ani Edric Alvarez. Muling magpapamalas ang mga pilin manlalaro na siyang magrerepresenta sa paaralan para sa nalalapit na City Meet 2019.
PAGHINGA’T PAGHANGA. Sa bawat pagahon ni Raya sa tubig ay katumbas nito ang maidsing hangaring makaabot sa finish line sa pinakambilis na oras. Dan Francis De Castro
Dela Cruz, 5-peat champion na! Aubry Bugayong
inabilib ni Raya Ghellaine Dela Cruz ang Active Maroons sa ikalimang sunod sunod P na pagkakataon matapos muling mag-uwi ng kampeyonato at magtala ng 5-peat champion record sa ginannap na 2019 Division Athletic Meet Swimming Competition sa El Palacio Noveleta Cavite City. Pinagharian ni Dela Cruz ang apat na category ng swimming competition matapos ungusan sina Aimi Rashidah Mitani, Kym Charize Gruco, Jaimie, Anne Gilo, Lorraine Tamondong at Alamea De Leon dahilan upang muli niyang madagit ang kampeyonato. Nagtala ng pinakamabilis na oras si Dela Cruz sa 100 meters freestyle na may 1 minute 15 seconds, 200 meters freestyle na may three minutes, 100 meters breaststroke na may 1
minute 37 seconds at 200 meters breaststroke na may 3 minutes 31 seconds. Naging malaking advantage para kay Dela Cruz ang pagiging gamay niya sa pool kung saan dito rin siya nag-eensayo, bukod pa rito ay naging sandata rin niya ang kasanayan na sa pakikipaglaban sa larangan ng swimming sapakat ito na ang kanyang ika-13 taon sa pagsuswimming. “Every training, self discipline talaga kasi yun yung
pinakamahalaga. Since may advantage yung mga kalaban kasi nakakapagtraining sila, sineryoso ko talaga yung iilang araw na training na meron ako.” Ani Dela Cruz. Ngayon ay puspusan na ang kaniyang paghahanda para sa sunod na laban na kaniyang haharapin, abangan at siguradong tayo’y muli niyang pabibilibin.
Kapos sa Ensayo, Kapos sa Pagkapanalo
at pag-eensayo ang isa sa mga pinakamahalagang Pmgaaghahanda pundasyon ng isang atleta upang makamit nito ang inaasam na medalya. Ika nga’y “Practice makes us perfect” ngunit tila taliwas
ito sa pumutok na balita kamakailan lamang na ang Gilas Pilipinas ay naglaan lamang ng dalawang linggong preparasyon para sa ginanap na FIBA World Cup nitong nakaraang araw na siyang nagresulta sa limang sunod na pagkatalo. Sa tuwing magkakaroon ng isang paligsahan mapa school level man iyan o national level ay hindi nawawalan ng pondo upang panuporta sa mga atleta. Nakakalungkot lamang isipin na ang pondong ito ay nadadale pa ng mga buwayang uhaw sa pera at kinukurakot pa. Nito lamang nakaraang araw ay lumabas ang balitang dalawang linggo lamang ang nnaging paghahanda ng Gilas Pilipinas para FIBA World Cup. Sanhi ito ng kapos sa nakalaang pera upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga atleta. Nakababahala ang ganitong senaryo ay nakikita at nararanasan kahit na pang nasyonal na patimpalak na ang pinag-uusapan, higit pa sa pampaaralang lebel. Isa sa pinakapasakit na nadarama ng mga atleta partikular sa Cavite National High School ay ang kakapusan sa ensayo. Hindi napaglalaanan ng sapat na oras ang paghahanda sapagkat walang maayos na pasilidad at hindi binibigyang importansya. Madalas na isinasabahala na lamang ngunit ang pera ay naibulsa na pala. Kinumpirma ng kakaresign lamang na coach ng Gilas Pilipinas na si Yeng Guiao ang balitang dalawang linggo lamang ang preparasyon ng nasabing koponan. Hindi rin niya itinanggi ang maling paggamit ng pondo para sa nasabing patimpalak. Kapansin-pansin din na maraming atleta ang nakapagcommit na sa ibang patimpalak kaya’t hindi naibuhos ang buong oras para sa FIBA World Cup. Hindi nalalayo ang senaryong ito sa kinakaharap ng CNHS. Hindi maibigay ng mga atleta ang kanilang buong oras at atensyon sapagkat kahati nito ang oras sa pang-akademika at marami pang iba. Maging ang pondo ay hindi sapat na talaga namang nagpasakit sa ulo ng maraming atleta. Madalas na masisi ang mga atleta sa tuwing pagkatalo ang kanilang matatamo ngunit huwag kalimutang walang sinomang manlalaro ang nais na matalo. Kadalasan ay nasa namamahala ang pinaka problema. Huwag lamang sa atleta isisi ang lahat. Kung walang pagbibigay ng pagpappahalaga ay walang maibubungang mahalaga. Wastong paggamit ng pondo, sapat na atensyon at disiplina ang susi. Huwag iwawaglit sa isip na walang makakatalo sa isang atletang hinubog ng paghahanda. Paghihirap muna bago ang sarap na animo’y dadalhin ka sa alapaap.
Huwag iwawaglit sa isip na walang makakatalo sa isang atletang hinubog ng paghahanda
Cuerpo, nilampaso si Arquero sa 2019 PlayDays John Rick Cristino
inalis ni Jemar Cuerpo si Wilvie Arquero at nag tala ng isang head kick sa naganap W na Cavite National High School Senior High School PlayDays sa larangan ng Taekwando Heavyweight Division noong ika-14 ng Agosto sa Montano Hall Staduim.
Umukit si Cuerpo ng isang Head Kick kontra kay Arquero upang makapagtala ng tatlong puntos na naging dahilan ng kanyang pagkapanalo. Nagpaulan ng mga sipa si Cuerpo sa kanyang kapwa STEM student sa kalagitnaan ng tunggalian upang makalamang at makasigurado na mapasakamay niya nag tagumpay. Malakidlat ang galaw ni Cuerpo sa kabila ng kanyang katangkaran na nagbigay sa kanya ng malaking kalamangan kontra sa kanyang kalaban. Maraming sipa ang namintis ni Arquero dahil sa magandang defensive plays at mahuhusay na foot work ni Cuerpo sa loob ng Arena. Baguhan man “Mas matangakad ako sa kanya kaya siguro may malaki akong kalamangan sa pisikal na aspeto” ayon kay Cuerpo. ako, kaya kong Tinatagan ni Wilvie Arquero at pilit na bumabawi sa sipa ng baguhang si Cuerpo makipagsabayan upang makapagtala ng puntos at mahabol ang malaking kalamangan ng kanyang katunggali. sa ibang atleta Hindi alintana ni Cuerpo ang pagod habang nakikipaglaban sa loob ng kahon para mapatunayan ang kayang husay sa madla na malaki ang supporta sa kanya lalo na ang STEM 11-A kung saan panig siya napapabilang. “Baguhan man ako kaya kong makipagsabayan sa ibang atleta at siguro sa training ko naimprove ung galing ko sa paglalaro” saad ni Cuerpo matapos mag wagi sa kompetisyon.
PANGMALAKASAN. Isang matibay na panapos na head kick ang siyang itinala ni Cuerpo upang daigin ang lakas ni Arquero. Chey Cristobal Niere
FIGHTING CARABAOS NANANALAYTAY. Tila tumatakbo na sa dugo ng mga Carabaos ang kanilang angking galing sa bawat departamento ng 3x3 Basketball upang madepensahan ang kampyeonato. Mark Vincent Millona
angcaviteñan
ISPORTS Carabaos, nananatiling hari ng 3x3 Basketball Dominick Tulang
noong inuwi ng CNHS Mens Carabaos 3x3 Team ang gintong medalya sa naganap na City Meet 2019 sa Julian Felipe Elementary School mula Taas nitong ika-15 hanggang 17 ng Oktubre. Ipinamalas ng Carabaos ang husay at kakayahan sa loob ng court matapos pataubin ang San Sebastian College 18-10, Saint Joseph College 18-11 at Sangley Point National High School 15-14, sa pangunguna ni captain ball John Gabriel Roa. Isa sa naging sangkap ng kanilang pagwawagi ay ang kanilang teamwork at playmaking skills sa pamamagitan ng isolation at pick-and-roll plays, walang nagawa ang mga koponan kung hindi panoorin kung paano sila unti unting bumagsak. “Syempre masaya ako na nanalo kami, una ako yung captain so happy ako na napangunahan ko ng maayos yung mga teammates ko.”, ayon kay Roa, “Okay lang di makascore basta makapagset ako ng play.” dagdag pa nito. Nanatiling buo ang kalooban at pagnanais ng SPNHS sa kabila ng matchup. Matibay na
depensa at matalim na opensa ang kanilang naging armas upang maidikit ang laro ngunit agad itong binuwag ng defending champions, 15-14. “Iba ang Sangley, parang mas lumakas pa sila lalo. Inalat kami tapos sunod sunod pa tres nila.”, ayon kay Roa, “ Inaral ko laro nila sabay tawag ng timeout tapos after nun nabasa na namin sila sabay birada.” Gamit ang nabuong karanasan ni coach Maverick Lujero, binuo niya ang 3x3 team na sina: John Gabriel Roa, John Louis Barrera, Aeromel Espinosa at Gerald Herrera. Hinihintay na lamang ng CNHS 3x3 Team kung ang bandera ng paaralan ay mamayagpag sa prestihiyosong Provincial Meet 2019.
JOUST. Naging mainit ang agawan ng puntos sa pagitan ng Carabaos at Baycats. Paunahan sa matatalim na palo at patalbugan sa asintadong depensa. Aubry Bugayong
Rodil,Villaflor, at Martinez, nagpakitang-gilas sa solo baston Aubry Bugayong
auleen R. Rodil(SPNHS), Jhersey Ann Nicole P Martinez(CNHS) at Frenzy D.R. Villaflor(CNHS) silyado na sa gaganaping Provincial Meet matapos dominahin
ang 2019 Athletic Meet Girls Solo Baston Competition sa CNHS Covered Court noong ika-15 ng Oktubre sa ganap na ika-8 ng umaga.
Ikalawang pwesto, napasakamay ng Laniecians Aubry Bugayong
atagumpay na tinapos ng Laniecians Men’s Volleyball Team ang 2019 Division M Athletic Meet sa ikaalawang pwesto matapos pataubin ang Sangley Point Men’s Volleyball Team at Saint Joseph Men’s Volleyball Team at makapagtala ng 3-1 record dahilan upang madagit ang ikalawang pwesto noong ika-17 ng Oktubre sa CNHS Covered Court. Bagaman kinapos sa dulo ang Laniecians para maiuwi ang kampyeonato matapos matalo sa San Sebastian Men’s Volleyball team ay nauna na nila itong pinataob sa first round ng laro. Umaatikabo at mainit na laro ang pinakita ng CNHS at Baste, nagpakawala ng malulupit na quick ang Baste sa pangunguna ni Ian Gabrielle Canlubo at Julius Parnala para naman sa CNHS ngunit sa huli ay mas lumamang ang Laniecians pagdating sa floor defense na siyang naging advantage nila upang makuha ang unang panalo. Sunod namang pinataob ng Laniecians ang SPNHS Gray Wolves matapos paulanan ng mga kargadong serves at mga drop ball na siyang nagpahirap sa kanila at nagpanalo naman sa Laniecians,2-0. Nagpatuloy pa ang panalo ng
Laniecians matapos ibigay sa Saint Joseph ang ikatlo nilang sunod na pagkatalo sa pangunguna ni Sean Manalad, 3-0. Ika nga’y bilog ang bola, napatid at bigong makuha ng Laniecians ang 11-peat championship campaign nila matapos matalo sa Baste sa kanilang sunod na paghaharap. Bagaman may homecourt advantage ang Laniecians ay di rin magkamayaw ang sigawan ng mga tagasuporta ng Baste matapos pantayan ang sigawan ng mga taga suporta ng CNHS team. Muling nagpasiklaban ang dalawang koponan, pareho silang nagpakita ng puso sa paglaban sa inaasam na kampeyonato ngunit sa huli ay bigong makuha ito ng Laniecians matapos sila matalo sa 5 set crucial game sa Baste, 25-20,19-25,25-19, 21-25, 9-15.
“Bilog ang bola, sa laro may natatalo at nananalo. Nagkataon na sa taong ‘to, tayo ang natalo” mapait na wika ni Mrs. Pineda, coach ng Laniecians. Hindi man nagtagumpay ang Laniecians na sungkitin ang ika-11 sunod na kampeyonato para sa taong ito ay panalo parin sila sa suporta ng Active Maroons na buong puso sumigaw at sumuporta sa kanila. Hindi matatawaran ng kahit na anong kinang ng medalya ang aral na kanilang babaunin upang muling lumaban .
Dikdikan ang laban sa unang pwesto ngunit nanguna parin si Rodil ng Sangley Point National High School(SPNHS) at sumungkit ng gintong medalya sa puntos na 9.46 kontra sa pambato ng Cavite National High School(CNHS) na sina Martinez na tumanggap ng silver medal sa puntos na 9.45 at si Villaflor na nagtala ng 9.18 para sa ikatlong pwesto. Tanaw sa
mukha ng manlalaro ng Espada De Cavite na si Pauleen Rodil ang husay niya sa larangan ng Arnis at ang maliliksi niyang galaw sa loob ng arena na
nakumbinsi sa hurado upang magbigay ng mataas na puntos. Sa kabilang banda ang atletang mula sa Carabaos Arnis na sina Villaflor at Martinez ang muling nagbigay ng karangalan para sa Cavite National High School at magrerepresenta sa Lungsod ng Cavite sa gaganaping Provincial Meet Pinatunayan ng bawat isa ang kanilang galing sa larangang ng Arnis Solo Baston upang ungusan ang iba pang kalahok. Mala kidlat na palo at mahuhusay na rollings ang ipinakita nila kasabay ang facial expressions at magandang footwork na naghatid sa kanila sa rurok ng tagumpay sa City Meet. Mala kulog na hiyawan ng bawat isang manonood sa kanilang ipinakita at kanya kanyang suporta ang bawat isa sa kanilang pambato. Muling aabangan ng bawat isa ang paglahok nila Rodil,Villaflor at Martinez sa Provincial meet na magdadala ng pangalan ng lungsod.
BASTUNGGALI. Patibayan sa husay ng nag iisang midyum na gamit ng bawat koponan ang tulay para maabot ang gintong medalya. Gabriel Esteban