Ang Caviteñan 2018 - 2019

Page 1

OPINYON

LATHALAIN

Putol na Magkadugtong

Maliit kung Pagmamalaki

AGHAM

Vision Ecobricks

ISPORTS

Timpla ng Pagsisikap

ANG CAVITEÑAN Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite Chief E. Martin, Caridad, Lungsod ng Cavite, Sangay ng Lungsod ng Cavite, Rehiyon IV-A TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

HAKOT TUNGO SA KALINISAN

Sa huling pagtatala ng CNHS... 2014-2015

TAGAPANGALAGA NI INANG KALIKASAN. Ilang grupo ng mga kabataan ang boluntaryong nakisama para isagawa ang ika-33 International Coastal Clean-up na ginawa sa Cavite City, noong Setyembre 22, 2018 Sarah Pico

Caviteñans, humakot ng mahigit 50 sako ng basura Maricon Naiza Enage

ng mahigit 50 sako ng basura ang mga mag-aaral at guro ng Cavite National High School nang matapos sa paglilinis ng baybayin ng ilang Nakaipon barangay sa lungsod sa ginanap na 2018 International Coastal Cleanup (ICC) noong Setyembre 22. Kinikilala ang ICC bilang isang organisasyon na naglalayong magkaroon ng malinis na lugar ang lungsod at bawasan ang masasamang epekto ng basura sa ating kapaligiran kasabay ng pagpapalaganap ng konsepto ng waste management. Binuo ang proyektong ito ng Ocean Conservatory na isang samahang nagmula sa Washington, D.C. na may

layuning pangalagaan ang karagatan. Umabot naman ng ilang oras sa paglilinis ang mga mag-aaral na nagsimula ng ika-7 ng umaga sa baybayin ng Barangay 8, Barangay 11 – Lawin, Barangay 13 – Aguila at Barangay 14 – Loro. “Bukod sa nakatulong tayo sa pagbabawas ng mga kalat sa paligid, ito rin ay nagsilbing aral ukol sa

Proper Waste Segregation, hakbang tungo sa kalinisan sa paaralan Dropout Rate sa CNHS

2,261,305.74 Total Generated Resources Brigada Eskwela 2017-2018 2016-2017

2017-2018

Bilang ng mag-aaral sa CNHS

T

Maricon Naiza Enage

proper waste segregation na mahalaga upang mapanatili ang kalinisan sa ating paaralan.” saad ni Alexandra Mendoza, presidente ng Tellusian Club ng SHS. Nagbigay din ng listahan sa mga grupo ng mag-aaral upang kanilang itala ang dami at kung anong klase ng basura ang kanilang nakolekta. Batay sa datos ng Ocean

Conservatory sa isinagawang ICC ngayong taon, umabot sa 12 milyong volunteers ang nakisama mula sa iba’t ibang bansa. Kinilala ang mga bagay na nakapaloob sa top 10 basura na nakolekta tulad ng sigarilyo, plastic bottles, plastic bottle caps, food wrappers, grocery bags, plastic lids, straws, stirrers, at glass bottles.

Pangangalaga sa Manila Bay, magiging adbokasiya ng mga guro at mag-aaral Kathleen Tuazon

inutukan ni Waste Segregation Management Coordinator Dennies Reyes ang paniniguro ng tamang ensayo ng pagbubuklod ng basura sa Cavite National High School (CNHS) upang mapanatili ang kalinisan sa bawat sulok ng paaralan.

iniling ni Department of Education(DepEd) Senior Program H Specialist Mrs.Estrella Gonzales na lahat ng mag-aaral at mga guro ang magpasimula ng adbokasiya sa pangangalaga at pagpapanatili ng

Hinahangad ni Reyes na magkaroon ng magkakahiwalay na basurahan ang bawat silid-aralan na siyang magiging lalagyan ng mga basura ayon sa kanilang kinabibilangan katulad ng nabubulok, hindi nabubulok, plastic bottles, at recyclable materials na maaari pang muling magamit sa paggawa ng makabuluhang bagay. “Kailangan matutunan ng bawat estudyante ang mga tamang paraan ng paghihiwalay ng basura nang sa gayon ay hindi na mahirapan pa ang mga kapwa natin basurero at para na rin magamit ulit ang ilang mga basura sa tamang paraan,” saad ni Reyes.

Nagbahagi din ng mensahe si Gonzales para sa mga mamamayan ukol sa pagiging responsible sa tamang pagtatapon ng basura pati na ang pagbubuklod-buklod ng mga nabubulok sa di-nabubulok at recyclable. Katulong ng DepEd ang Apo Casy na isa ring organisasyong naglalayon na panatilihin ang kalinisan para magtulungan sila sa mga magaganap na Coastal Clean Up sa Cavite City. Kabilang na rin ditto ang Philippine Environment Nature Reduction Office(PENRO),City Disaster Risk Reduction Management

Dagdag pa nito, isa rin ito sa mga paraan ng magandang pagdidisiplina sa mga mag-aaral upang matuto sila ng tamang gawain na siya ring makatutulong sa kalikasan. Sa kabilang banda, nagkaroon din ng proyektong pinamagatang “Eskool” si Reyes kung saan bubuo ng ilang mga basurahan mula sa pinagdikit-dikit na bote ng Lewis & Pearl Cologne. Kasalukuyan namang nangongolekta ng mga bote ang grupo ni Reyes sa tulong ng ilang mga magaaral at mga guro upang marami pang mga basurahan ang mailagay sa ilang pwesto ng paaralan.

kalinisan ng Manila Bay at maging bahagi din ng DRRM Advocacy.

Office(CDRRMO),Arm Forces of the Philippines(AFP) at Philippine National Police(PNP) sa pagpapanatili ng kaayusan sa ginanap na Coastal Clean Up. Bilang isa sa mga proyekto ng DepEd nagkaroon ng International Coastal Clean Up para sa pagpapanatili ng kalinisan noong Setyembre sa Cavite City. Ginanap ang naturang Coastal Clean Up sa mga ilang barangay sa Cavite City ayon kay Gonzales ay apat na barangay ang pinuntahan nila at nakapuno sila ng mahigit isanglibong sako sa lahat ng barangay.


ANG CAVITEÑAN

B

BALITA

Gusali para sa Junior High School, tugon sa malaking populasyon ng mga mag-aaral Maricon Naiza Enage

inimulan nang ipatayo ang apat SSchool na gusali sa Cavite National High (CNHS) bilang solusyon sa bahagyang mataas na populasyon ng mga mag-aaral na siyang naging dahilan ng kakulangan ng silidaralan para sa kanila.

Sinimulan nang ipatayo ang apat na gusali sa Cavite National High School (CNHS) bilang solusyon sa bahagyang mataas na populasyon ng mga magaaral na siyang naging dahilan ng kakulangan ng silid-aralan para sa kanila. Pinasimulan ang proyektong ito ng Department of Education (DepEd) sa gabay ng Departmwnt of Public Works and Highways (DPWH) upang makapaglatag ng plano para sa ilang mga silid-aralan para sa bawat paaralan kasama na rin ang ilan pang pangangailangan ng mga ito na may kaugnayan sa pagpapatayo ng mga imprastraktura. “Tinatayang 30 milyon ang ibinigay na pondo ng gobyerno sa nasabing gusali at inaasahan naming matatapos ang gusali sa Marso at maipapagamit na ito kaagad sa lalong madaling panahon,” pahayag ni General Foreman Jaime Rolle, ang punong abala sa pagaasikaso ng pagpapatayo ng gusali. Nagsilbing paraan naman ito ng gobyerno upang masagot ang malaking problema sa kakulangan ng mga silid-aralan na gagamitin ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Sa gusaling itatayo, magkakaroon ang mga mag-aaral ng apat na palapag na may walong silid at kanya-kanyang palikuran sa bawat palapag na ilalaan para sa baitang 7 - 10.

BAGONG MUKHA. Patuloy ang pagpapatayo ng mga bagong istruktura para sa lumalaking populasyon ng mga estudyante ng Cavite National High School Paul Christian Salme

CNHS Alumni, nakapaghandog ng 20 kahon ng school materials Maricon Naiza Enage

umipad patungong Estados Unidos si Augusto D. Ferma Jr., L Punonggurong IV ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite, upang personal na pasalamatan ang ilan sa mga dating mag-aaral na

nakapagbigay ng 20 kahon ng mga donasyon sa paaralan noong ika-17 ng Agosto. Nagkaroon ng pagpupulong sa kanilang pagtitipon ang punongguro, na isa ring dating mag-aaral ng paaralan, kasama ang iba pang mga alumni sa Malou Prudente Roughton’s, San Diego, California upang ibahagi ang balita tungkol sa mga pagbabagong naganap sa buong paaralan. “Maraming umattend from different alumni batches ng CNHS. Naging masaya naman ang meeting and they asked updates kung ano na ang mga programs at iba pang kailangan ng school na pwede nilang maibigay para makatulong.” masayang pahayag ng punongguro. Lubos din naman ang pasasalamat ng punongguro sa mga alumni at ipinahayag ang kanyang pagmamalaki sa mga ito dahil umano sa matagumpay na mga career at mga narating ng mga ito. Dagdag pa niya, sa kabila ng pagkalayo ng mga ito sa kanilang dating paaralan, hindi pa din nila

nakalimutan na ipahatid ang kanilang pagmamahal dito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga donasyon. Isinaayos ang nasabing pagpupulong ni Rene Prudente, na nagmula sa Batch 75 na siyang nakatira sa San Diego, kung saan nanguna si Malou Raugton na nagmula naman sa Batch 80. Samantala, nakapagbigay ang mga ito ng iba’t ibang reading materials para sa silid-aklatan, kagamitan sa isports para magamit ng mga manlalaro ng paaralan, at ilan pang mga kagamitan na makatutulong sa pag-aaral ng bawat estudyante sa naturang paaralan. Nagsilbing daan din ang pagtitipong ito sa paghingi pa ng suporta at tulong para sa mga kakailanganin pang mga kagamitan sa paaralan upang higit na mapaayos ang paaralan at matulungan sa pag-aaral ang mga estudyante at sa pagtuturo ng mga guro.

CNHS, naggawad ng pagkilala sa stakeholders Jery Marcelino Reynoso

agkaroon paggawad ng sertipiko upang pasalamatan ang mga stakeholders bilang N pagkilala sa natatanging gawain na kanilang ibinigay sa Cavite National High School napinangunahan ng Adopt-a-School Program. Layunin ng programa na humikayat ng mga pribadong tao at institusyon upang isulong ang pagkakaroon ng bawat batang Pilipino ng malusog at globally competitive na edukasyon sa pagmamagitan ng pagpapaganda at pagpapabuti ng mga pambublikong paaralan sa lungsod. Ayon kay Abigail C. Ramos, coordinator ng Adopt-a-School Program, ang pagbibigay nila ng sertipiko ay paraan ng pagpapahalaga sa mga stakeholders gayundin ang pagpopost ng mga donations at pangalan nila sa Adopt-a-School Program Facebook page.

“Sometimes they are giving because their heart desires to give. Wala tayong paraan kung paano natin sila mapapasalamatan but through a simple Certificate of Appreciation”, dagdag pa niya. Sa kasalukuyang bilang ng halaga ng donasyon, umabot sa 2 milyon ang binigay ng mga stakeholders sa taong panuruang 2018-2019 na halos nagmula sa mga Alumni ng CNHS. Binabahagi ng Adopt-a-School Program ang mga ibang donasyon sa kanilang mga proyekto tulad ng Brigada Eskwela, Project Bisikleta, Sagip-Upuan at iba pa na siyang

makakatulong sa mga mag-aaral, kaguruan at maging sa paaralan. Kitang-kita ang unti-unting pagbabago at pagtaas ng kalidad sa edukasyon ng CNHS sa tulong ng Adopt-a-School Program kung saan naging kaagapay sa pamamahala ang ilan sa mga guro tulad ni Sir Dennies E. Reyes at School Based Management (SBM) Team gayundin ang mga organisasyon ng mga magaaral tulad ng Youth for Environment Schools Organization (YES-O), Senior Red Cross Youth Council (SRCYC) at Supreme Student Government (SSG).

Husay ng Caviteñan, wagi Kenneth Macugay

uling ipinamalas ng mga piling mag-aaral ng Cavite National High School-Senior High School (CNHS-SHS) ang M husay sa iba’t ibang kategorya sa ika-10 patimpalak ng St. Dominic College of Asia bilang pagdiriwang sa buwan ng wika na may temang “Filipino: Wika ng Saliksik” noong ika-23 ng Agosto. Nagkamit ng unang pwesto sina Kim Nunez (Dagliang Talumpati) at Sheena Baoy (Pagbuo ng Dibuho), habang nasungkit naman ni Kristine Rose Anne Luching ang ikatlong pwesto para sa isahang pag-awit. “Walang katumbas na kasiyahan

CNHS, muling nagkampeon sa DSPC

ang kanyang nadama ng marining ang kanyang pangalan na nag kampeon sa dagliang talumpati,” wika ni Nuňez, matapos ang timpalak. Bukod ditto, nanguna ang CNHSSHS matapos maiuwi ang ikalawang

pwesto sa pangkalahatang kategorya. Ayon kay Lota, tagapayo ng PILAKSHS, hindi naging madali para sa kanila ang maiuwi ang mga titulo sapagkat kulang at gipit na sila sa oras para sa ensayo.

Maricon Naiza Enage

muli ng Cavite National High School (CNHS) ang pagiging ‘Overall Nabawing Champion’ sa Division Schools Press Conference (DSPC). Nagpakitang-gilas ang bawat mamamahayag ng ‘Ang Caviteňan’ at ‘The Caviteňan’ sa larangan ng pamamahayag sa nagdaan komperensya na may temang “Fostering 21st Century Skills and Character-based Education Through Journalism”. Nagkamit ng unang pwesto ang mga istaper na sina Isaac Banac (Photojourn-English), Elaine Tengco (News-English), Naiza Enage (News-Filipino), Dean Manalad (Editorial-English), Yeoj Enriquez (Editorial-Filipino), Trisha Ybaňez (Science-English), Manilyn Daria (Sports-Filipino), at Janelle Caringal (Copyreading-English). Samantala, nauwi naman sa pangalawang pwesto ang mga istaper na sina Sarah Pico (Photojourn-Filipino), Sherry Perez (Feature-Filipino), Ahleia

Cajilis (Science-Filipino), at Kyle Manaig (Copyreading-Filipino), habang nakuha nina Michael Santos (Cartooning-English), Czarina Garduque (Cartooning-Filipino), Merielle Morales (Feature-English), at Chelsey Suniega (Sports-English) ang ikatlong pwesto. Nagwagi rin ang paaralan sa ilang team category katulad ng Collaborative Desktop Publishing (English at Filipino), Radio Broadcasting (Filipino), at TV Broadcasting (English at Filipino). “Sobrang saya kasi iba yung pakiramdam ng maibalik yung karangalan sa CNHS lalo pa’t noong mga nakaraan na taon, hindi natin nakuha ang titulong ‘Overall Champion’. Nakakatuwa din kasi halos mga bago lang sa larangan ng campus journalism ang mga inilaban ng paaralan natin pero nanalo pa rin

kaya’t napatunayan lang na talented talaga ang Active Maroons sa pagsulat at pamamahayag,” saad ni Mikko Offiaza, punong patnugot ng Ang Caviteňan. Dagdag pa niya, kailangan na maipagpatuloy ang pagpupursige ng mga susunod pang mag-aaral na lalahok sa ganitong kompetisyon upang muling maipagpatuloy ang naputol na pagkanalo ng nasabing paaralan. Bilang paghahanda sa nalalapit na RSPC, nagsisimula ng sumailalim ang mga nagsipagwagi upang makakuha ng titulo sa nasabing kompetisyon. Samantala, sinabi naman ni Gng. Jonabeth Reyes na siyang tagapayo ng Ang Caviteňan na naging masusi ang kanilang naging paraan sa pagpili ng mga ilalaban sa DSPC 2018.

SIGAW NG PAGBABALIK. Bakas sa mukha ng mga mamamahayag ng Cavite National High School ang tuwa ng muling makamit ang “Overall Champion” sa Komperensya ng Pamamahayag noong Setyembre 3, 2018 Sarah Pico


Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

ANG CAVITEÑAN BALITA 03 Oplan Sagip Upuan, sagot sa kakulangan ng upuan TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

Maricon Naiza Enage

aisaayos ang mahigit na 288 N na upuan sa pamamahala ni Brigada Eskwela Coordinator at

Physical Facilities Coordinator Dennies Reyes na nakatulong sa mag-aaral ng Cavite National High School (CNHS). Inilunsad ni Reyes ang proyektong ‘Sagip Upuan’ upang muling kumpunihin ang humigit kumulang 400 sa mga nasirang upuan sa naganap na sunog sa nasabing paaralan noong nakaraang Marso. “Nagkulang ang mga upuan para sa mga mag-aaral na nag-enroll noong March dahil sira na ang ilan sa mga upuan at nasunog pa ang iba,” pahayag ni Reyes. Kaugnay dito, gumawa naman ng upuan mula sa mga nakatambak na upuan na nagmula sa ilang silid sa paaralan at napinturahan upang maibigay sa mga mag-aaral na walang magagamit na upuan habang nagkaklase. Tumulong din ang mga guro ng paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon upang makadagdag sa budget na kakailanganin sa pagpapagawa ng mga upuan. Ilan lamang sa mga may mabubuting puso na nagbigay ng donasyon sina Back Prince at Fernandes na nakatulong sa pagbibigay ng pintura at pako para sa mga upuan at man power. Ipinangako naman ni Reyes na ipagpapatuloy ang proyektong ‘Sagip Upuan’ sa mga susunod pang mga taon upang hindi na magkulang pang muli ang mga upuan na gagamitin ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

SAGIP UPUAN. Muling binuhay ang mga upuang sira sa tulong ni Mr. Ednel Almorade na nagpapatupad ng Oplan Sagip Upuan sa ilalim ng “Project Kisame” Johan Villenueva

Kahimanawari, tinalakay ang isyu sa depresyon

I

Maricon Naiza Enage

tinanghal bilang kampeon ang maiksing pelikulang Kahimanawari ng isang pangkat mula sa Cavite National High School (CNHS) matapos nitong itampok ang pagkalubog sa depresyon ng isang babae na dumaan sa matinding pagsubok, kaugnay ng naibigay na tema para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nagpakitang-gilas ang mga piling mag-aaral mula sa STEM 12 ng kanilang husay sa direksyon, paghanap ng magandang anggulo, at magaling na pagganap sa kanilang karakter. Binigyang-pamagat bilang Kahimanawari ang nasabing pelikula na siyang nakatuon sa isang babaeng naghahanap ng kaligayahan sa ibang tao. Ayon kay na siyang isa sa mga hurado, napakalinaw ng pagpapakita ng kaugnayan ng pelikula sa kanilang binigay na temang ‘Umasa, Palaasa, Pag-asa’ na siyang naging batayan ng

mga maiking pelikulang inilahok sa paligsahan. Nabigyang-lalim sa nasabing pelikula ang pagkalubog sa depresyon ng isang babae na pilit hinahanap ang kanyang kaligayahan dahil sa pagkalayo ng loob sa kanyang sariling ina. Ibinahagi ng grupo ang naging maikling preparasyon at paggawa, maging sa pagbuo ng iskrip at pagbuo ng aksyon sa bawat tagpo sa pelikula. “Ginamit namin yung mga natutunan namin mula sa mga nakaraan naming ginawang mga short films at inisip ang ang sari-sarili

naming kakayahan at limitasyon,” pahayag ni Patrick Pimentel, ang director ng Kahimanawari. Ipinasa ang nasabing pelikula noong nakaraang Agosto 11 sa kamay ng mga tagapayo ng samahan ng PILAK na sina G. Charles Lota, Bb. Princess Penueco at Bb. Jessica Estares. Liban kay Pimentel, hindi maitatanggi ang kasiyahang nadama ng mga kagrupo nito na sina Sarah Pico, Patrick Galindo, Elaine Tengco, Kimberly Salvador, Jermaine Pilar, Kenlord Pamatian, Naiza Enage, Manilyn Daria, at Shiella Espiritu nang sila’y manalo.

Anti-Bullying Campaign, naglalayong mapababa ang bilang ng kaso ng bullying Maricon Naiza Enage

nilunsad ng Cavite Medical Society sa Cavite National High School (CNHS) ang isang symposium bilang paraan I2013 ng pagpapabagsak ng tumataas na kaso ng bullying at maging suporta sa ipinatupad na Anti-Bullying Act noong na siyang dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang at pangkat. Naganap ang nasabing symposium sa tulong ng Supreme Student Government (SSG), Teen Health Kiosk at Youth for Environment Schools Organization (YES-O) ng CNHS sa Conference Hall ganap na 8 ng umaga noong Agusto 24 kasama si Dra. Caroline Enriquez na siyang nagpakilala sa speaker ng symposium. Naglalayon ang kampanyang ito na magbigay ng kamalayan sa bawat mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon nila ng karapatan laban sa bullying at malimitahan ang

pag-uugali ng mga ito upang magdulot ng kabawasan sa bilang ng kaso ng bullying sa nasabing paaralan kung saan pinaniniwalaang mas mataas ang bilang kaysa sa mga paaralang primarya. Ipinatupad ang RA 10627 o kilala bilang Anti-Bullying Act noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Ayon sa Bullying Statistics 2014, naitalang 29% ng bullying ang nagaganap loob ng silid-aralan at 12% naman ang sa mga palikuran.

Tinatayang 1 mula sa 10 kabataan ang nagddrop-out sa kani-kanilang paaralan na dulot ng paulit-ulit na karanasan sa bullying na kadalasang mga batang sinasabing naiiba mula sa mga tao sa paligid niya katulad ng LGBT, overweight at mga itinuturing na mahihinang estudyante. Samantala, nagbigay naman ng ilang standard public health approaches ang nasabing speaker gaya na lamang ng pagbabawas ng mga lugar kung saan malaki ang posibilidad ng pambubuska at iba pa.

SK Reform Law, isinulong laban sa Political Dynasty Maricon Naiza Enage

nimplementa na ng gobyerno ang Sangguniang Kabataan Reform Iprovision. Law (SK Reform Law) upang maipatupad ang anti-political dynasty Sa nasabing batas, hindi pinahihintulutang kumandidato ang sinumang may kamag-anak na opisyal sa lugar na may balak tumakbo sa halalan mula sa posisyon ng barangay hanggang gobernador. “Kasi dati kapag kamag-anak talaga, e di kung anong ginagawa lang ng kamag-anak sa barangay council, i-iimplement lang din sa SK level,” giit ni Asec. Gian Carlo Cardema, OIC chairman ng National Youth Commission (NYC). Ayon pa sa kanya, malaking tulong din na itinaas sa 18 anyos hanggang 24 anyos ang kinakailangang edad para tumakbo sa SK dahil sa edad na ito ay may pananagutan na ang mga SK official sa mga proyektong ipatutupad nila. Pasok naman sa nasabing edad ang ilan sa mga mag-aaral ng Senior High School (SHS) upang tumakbo sa SK dahil rin sapat na ang kaalaman ng mga ito sa pagpapatupad ng mga proyekto na kanila ring mapag-aaralan sa loob ng paaralan sa pamamagitan ng pagsali sa ilang mga organisasyon katulad ng Supreme Student

Government (SSG). Batay sa isinagawang pag-aaral ng Ateneo School of Government, mula 2007 hanggang 2016, umiiral ang political dynasty kung saan magkakamag-anak ang karamihang nakaupo o nanunungkulan sa pamahalaan sa limang pangunahing mahihirap na probinsya sa bansa . Ito ay ang Lanao del Sur, Maguindanao Northern Samar, Saranggani at Sulu. Dahil dito, nakita ng gobyerno bilang solusyon ang pagsasabatas ng panukala kung saan lilimitahan lamang ang bilang ng maaaring tumakbo sa isang pamilya o magkakamag-anak. “Kailangan niyong mag-budget planning, kailangan niyong maglegislate ng mga legislative matters diyan sa inyong youth community, kailangan niyong mag-training ng mga kabataan diyan, ‘yan po ang ituturo natin sa mandatory training,” dagdag pa ni Cardema. Binanggit din nito na dadaan sa mandatory training ang mga mananalong SK official para maturuan sa kanilang mga responsibilidad.

SHS, nagpamalas ng talino sa Academic Camp 2018 Henry Anthony Germo

ang kauna-unahang Academic Camp sa Cavite National High School-Senior High School na siyang Ginanap nagsilbing daan upang magkaisa ang bawat mag-aaral noong nakaraang ika-11 ng Agosto, 2018. aghanda ang iba’t ibang clubs at naman ng ELAS Club upang makita Nagluto at naghain ng mga N organization ng kanilang mga ng lahat kung gaano kagagaling sa masasarap na pagkain ang SHEA Club, pakulo upang makiisa at makilahok pagbuo at pagbigay ng kanilang mga BPP, Cookery at FBS upang mabigyan sa okasyon na iyon habang ang bawat gurong tagapayo ang naging gabay ng bawat estudyante upang maging organisado ang nasabing araw. Isinagawa ng Tellusian Club ang Academic Trail na nilahukan ng iba’t ibang magaaral na nagmula sa bawat track/strand. Nagkaroon naman ng Indie Film Making Contest ang PILAK sa kung saan ipinapakita ang iba’t ibang talento ng mga mag-aaral sa pagbuo ng isang konsepto sa paggawa ng maikling pelikula. Bukod dito, may nakahanda ring mga palaro katulad ng Fling a Ring na inihanda ng HANDS Club. Nagpakitang-gilas din ang mga mag-aaral sa Spoken Word Poetry (SLAM) Contest, na naging pakulo

piyesa ang mga magaaral ng CNHSSHS. Nakipagtagisan din naman ng talino ang ilang mag-aaral sa pamamagitan ng paglahok sa ABM Quiz Bee na nilahukan ng mga magaaral mula sa ABM Strand na naging ambag ng ASSETS Club. Inihain naman ng ICT POWER ang pagpapalaro ng Mobile Legends, Electric Maze at History Arcade sa mga estudyanteng mahilig sa kompyuter at sa mga online games. Para naman sa SIPCAV Club, Rubik’s Cube Competition ang kanilang isinagawa upang maipakita kung gaano kabibilis ang mga magaaral sa pagbuo ng rubik’s cube at maipakita ang kani-kanilang diskarte.

ng sagot ang mga kumakalam na tiyan ng mga dumalo. Nagsilbing daan ang naturang pagdiriwang upang magtulungan ang lahat simula sa pagtatayo ng booth hanggang sa makaipon ng kanilang mga pondo para sa mga susunod pa nilang proyekto. Sa kabilang banda, nagkaroon din ng patimpalak para kilalanin ang kauna-unahang Mr. and Ms. Senior High School 2018 na siyang inabangan at hinintay ng lahat. Hindi din naging hadlang ang malakas na hangin at ulan para sa kauna unahang Academic Camp na isinagawa at idinaos para mag-iwan ng saya, galak, at magandang karanasan para sa mga guro at estudyante ng CNHS-SHS.

KAMPEON NG MASA. Mga mukha ng ligaya at saya ang ipinakita nina Alexander Ray Olaes at Shau Ortiz matapos na koronahan bilang Mutya at Lakan 2018 Sarah Pico

Olaes, Ortiz, kinoronahan bilang Lakan, Mutya 2018 Jasmine Delos Reyes

nakaraang Agosto 31, 2018, matagumpay na ginanap ang Lakan at Nitong Mutya 2018 na pinangunahan ni G. Ray Morandante. Ang mga kalahok mula baitang pito hanggang labing-isa ay mahusay na ipinakita ang kanilang mga talento at kasuotan. Nakamit ni Alexander Ray Olaes ng Baitang 11 ang titulong Lakan 2018 at si Shau Ortiz naman ang Mutya 2018. “Nagpapasalamat talaga ako ng lubos sa sumuporta at nagpalakas ng loob ko para sumali sa patimpalak na

ito lalo na sa aking gurong si G. Charles Lota na talagang tumulong sa akin,” pahayag ni Olaes. Nagwagi din naman sina Guillana Sueco (Mutya ng Luzon), Marky lewis (Lakan ng Luzon), Henalie De Guzman (Mutya ng Visayas), Justin Cruz (Lakan ng Visayas), Kyla Segura (Mutya ng Mindanao), at Jayedric Borja (Lakan ng Mindanao).


04

BALITA

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

Unang Mr. & Ms. SHS, kinoronahan Maricon Naiza Enage

wagi sina Jonjon Isadineklarang Hernandez at Jasmin Delos Reyes kauna-unahang Mr. and Ms. Senior High School (SHS) ng Cavite National High School (CNHS).

Nagningning sa paligsahan sina Hernandez na nagmula sa ABM at Delos Reyes sa HUMMS na nilahukan ng mga piling kalalakihan at kababaihan mula sa iba’t ibang strand ng CNHS – SHS. “Sobrang saya ko nung nanalo ako kasi dati palagi din akong nagttry na sumali sa mga contests at hindi naman ako nananalo tapos minsan palaging runner up lang nakukuha ko kaya naging inspirasyon ko yun para sumali lalo na’t suportado ako ng mom ko pati na ng mga kaklase’t kaibigan ko,” saad ni Delos Reyes, mula sa HUMMS 11 – C, matapos ang timpalak. Kaugnay nito, hinakot naman ni Delos Reyes ang apat sa mga special awards – Ms. Popularity, Ms. Photogenic, Best in Strand Attire, at People’s Choice Award. Sa kabilang banda, sa obserbasyon ng karamihan, likas na napalutang ni Delos Reyes ang kanyang angking husay sa pagpapakita nito ng kanyang magandang ngiti at pagkakaroon ng mataas na kumpyansa sa sarili sa tuwing imomodelo ang kanyang mga kasuotan na siyang hindi makikita sa iba pang kalahok. “Before the pageant sobrang kinakabahan ako dahil yung mga makakalaban ko ay hindi na baguhan sa mga ganoong kompetisyon although napasali na naman ako sa ibang pageant pero iba ito dahil ito ang kauna-unahang pageant na isinagawa ng CNHS-SHS, but after the pageant sobrang thankful ako kay Lord dahil binigyan niya ako muli ng isang blessing na hindi ko malilimutan at sobrang worth it talaga at nawala yung pagod ko maging ng mga nag-asikaso at sumoporta sa akin dahil sa aking pagpakanalo,” pahayag ni Hernandez, na siyang nakatanggap ng mga special awards na Best in Formal Wear, Best in Production Number at Best in Production Outfit. Samantala, bukod sa dalawang nabanggit, nagwagi rin sina Sean Manalad at Rea Bocalbos (first runner-up); Danielle Lucero at Lyka Benitez (second runner-up); Mark Reyes at Arvie Garcia (third runnerup); Kelsey Ignacio at Jaime Cahilig (fourth runner-up). Naglalayon ang kauna-unahang Mr. and Ms. SHS na mabigyangpansin ang mga natatanging mag-aaral na lalaki at babae sa nasabing paaralan at magsilbing modelo sa mga kapwa nila magaaral na magtaglay ng hindi lamang kagandahan, kung hindi maging matalino at magtiwala sa sariling talent at kakayahan sa kabila ng mga kahinaan.

PAGHAHANDA PARA SA KALIGTASAN. Mr. Erwin V. Ordan, representative ng CDRRMO-Cavite City ay detalyadong ipinaliwanag sa mga DRRM Team at Waste Management Team ng Cavite National High School ang mga dapat pang ayusin sa pagsasagawa ng Earthquake drill, noong Agosto 2018 Paul Christian Salme

SDRRM: Panatilihin ang pagiging handa sa kalamidad I

Maricon Naiza Enage

binahagi ng School Disaster Risk Reduction Management (SDRRM) Spokesperson Mark Neil Arpon ang layunin ng Disater Risk Reduction Management (DRRM) na siyang makapagbigay ng kahandaan sa kalamidad ng bawat mag-aaral at guro ng Cavite National High School (CNHS).

Kabilang sa grupo ng SDRRM ang ilang mga guro na nagmula sa iba’t ibang baitang na nagbitaw ng kanilang panagakong tutuparin nila ang kanilang tungkulin sa maprotektahan ang bawat bata. “Mahalagang mapanatili natin ang kaayusan sa mga ganitong bagay upang maging handa ang lahat sakaling may biglang dumating na

hakbang ang grupo sa pamamagitan ng pagkakaroon nila ng mga programa at seminar na magbubukas ng isipan ng karamihan at makapagbigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa mga sakunang maaaring maranasan. Ipinangako naman ng grupo ang pagpapatupad ng DRRM ng iba’t ibang programa upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

John Ezekiel Liwanag

ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng Lungsod ng Cavite ang Alay Lakad upang kanilang maipakita ang kanilang pagmamahal Sinuportahan sa nasabing lugar. Sinimulan ang parada ng 6:30 ng umaga noong ika-1 ng Setyembre sa Checkpoint at natapos sa Samonte Park, PN ang mga gawaing kanilang ginagawa bilang paraan ng kanilang pagdiriwang ng 447th Foundation at 73rd City Charter Day ng lungsod. Nakisama sa pagpapakita ng suporta sa Alay Lakad 2018 ang sektor ng edukasyon sa lungsod kung saan

Kathlene Tuazon

inasalamatan ni Punongguro IV Augusto D. Ferma Jr. ang ilang mga P stakeholders ng paaralan matapos makapagbigay ang mga ito ng mga kagamitan sa paaralan na magagamit ng bawat mag-aaral at guro ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite.

at maging stakeholder na siyang magpapaayos at magpapaganda ng pampublikong paaralan na ito.

Kaalaman, naging bentahe sa Academic Trail Tedd Namron Sinchongco

angibabaw ang lawak ng kaalaman at karunungan ng mga mag-aaral N ng Cavite National High School - Senior High School (CNHS-SHS) upang makipagtagisan ng talino at makumpleto ang bawat misyon na nakaatas sa bawat istasyon ng Academic Trail. Nakamit naman ng Black Team ang unang pwesto sa nasabing paligsahan kaugnay ng pagsasagawa ng Academic Camp noong ika-11 ng Agusto. “Sobrang saya ng experience sa academic trail kasi kahit malakas yung ulan at sobrang basa na kami habang pinupuntahan naming yung mga stations, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at sobrang dami ko ding natutunan mula dun sa mga bonus questions na nakahanda sa laro,” masayang pahayag ni Hiyasmin Basa, isang miyembro ng Black Team. Dagdag pa niya, naging daan ang Academic Trail upang magamit nila ang kanilang mga napag-aralan sa mga nakaraang taon pati na rin ang aplikasyon ng mga naituro sa kanilang mga konsepto. Hindi maitatanggi ang kahalagahan

sa tuwing may kalamidad. Ipinaliwanag din naman ni Arpon ang salitang ‘disaster’ na siyang may kahulugang kalamidad kung saan maraming insidente ang maaring mangyari gaya na lamang ng pagkasira ng mga kagamitan at gusali, pagkakaroon ng sugat mula sa mga debris at pagkamatay. Samantala, gumagawa na ng

CNHS, nakiisa sa Alay Lakad

Adopt-A-School Program, tagumpay na naisagawa

Layunin ng Adopt-A-School Program na makahikayat ng mga tao, organisasyon at mga institusyon na nakahandang makapagbigay ng tulong

kalamidad sa lugar natin at isang paraan para magawa ito ay ang pagtuturo sa bawat mag-aaral ng mga paraan ng pagtugon sa sakuna,” giit ni Arpon. Dagdag pa niya, isa sa misyon nila ang paniniguro ng kaligtasan ng bawat gusali sa loob ng paaralan upang maging ligtas ang lahat mula sa mga bumabagsak na mga imprastraktura

ng ganitong paligsahan kung saan nabigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang track at strand na ipakita ng kanilang kaalaman sa mga bagay katulad na lamang ng tray holding at paggawa ng masa o dough. Kaugnay nito, isa sa mga mag-aaral na kasali sa paligsahan ang nagsabing karapat-dapat lamang na magkaroon ng ganitong klase ng paligsahan upang maunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng kanilang mga natututunan sa paaralan sa mga bagay na kanilang ginagawa sa pangaraw-araw na buhay. Nasungkit naman ni Cleonard Panoringan ang Best Facilitator Award at ng Red Velvet Team ang Best Yell Award.

kasama ang mga kaguruan at iba’t ibang organisasyon ng mga magaaral mula sa Cavite National High School (CNHS), tulad ng Supreme Student Government (SSG) at Youth for Environment Schools Organization (YES-O). Sa kabila ng mainit na panahon, hindi nagpatinag ang mga mamamayan at sama-sama

silang naglakad upang makiisa sa pagdiriwang kung saan sumama din ang mga pulis, sundalo, mga barangay at ilang non-government organizations (NGO) katulad ng Rotary Club of Cavite at Senior Citizens. Bukod dito, nagkaroon din ng isang programa matapos ang parada na pinangunahan ni Mayor “Totie” Paredes at iba pang miyembro ng lokal

na pamahalaan. Sa kanyang talumpati, kanyang kinumbinsi ang bawat isang mamamayan sa lalo pang pagtibayin ang kanilang pakikisama at pakikiisa sa lahat ng mga proyekto at programa na kanya pang pasisimulan para sa ikabubuti at ikauunlad ng Lungsod ng Cavite.

Drop Out Rate, bumaba ng 1.88% sa pagtutulungan ng mga tagapayo at guidance koordineytor ng CNHS Maricon Naiza Enage

abawasan ng 1.88 bahagdan ang naitalang drop out rate ng mga mag-aaral sa Cavite National High School N (CNHS) para sa taong panuruan 2017 – 2018 matapos magsagawa ng ilang hakbang ang mga kaguruan sa tulong ng Guidance Office. Batay sa nailabas na tala ng Guidance Office ng CNHS, mula sa 5935 noong 2017-2018, bahagyang bumaba sa kabuuang bilang na 5902 ang mga mag-aaral sa nasabing paaralan para sa kasalukuyang taong panuruan. Kung ihahambing sa datos noong nakaraang taon, ang bilang ng mga mag-aaral na nasa baitang 8 ngayong 2018 – 2019 ay bumaba ng 8.19 bahagdan. Samantala, umakyat naman ang populasyon ng baitang 9 ng 3.30 bahagdan.

Umangat din ang bilang ng mga transferees ngayong taon na mapapansing tumaas kung ikukumpara sa nakaraang taon. Ayon sa tagapamuno ng Guidance Office ng CNHS na si G. Lorenzo Lagula, nagkaroon ng pagpaplano ang mga guidance counselors kasama ang bawat guro ukol sa pagpapatupad ng mga hakbang na nakatutulong sa pagbibigay ng solusyon sa pagpapababa ng drop-out rate. Isa sa mga naisip nilang paraan ay ang paggamit ng budget sa pagpapagawa ng ilan pang silid-aralan

at food supplements para sa mga estudyante. Kumuha din ng mga mahuhusay na guro na siyang magtuturo at gagabay sa bawat mag-aaral. Sinikap din ng bawat guro ang pagsasagawa ng mga home visits sa mga mag-aaral na napapabilang sa tinatawag na Student at Risk of Dropping Out (SARDO). Binuksan din naman ang Open School para sa mga ilang mag-aaral bilang solusyon sa kawalan ng pagkakataon ng mga ito sa pag-aaral.

Caviteñan, naihalal bilang kalihim sa organisasyong panrehiyon Katherine Bundal

sang regional Supreme Student Government (SSG) election ang ginanap sa Sitio Elena Events, Cainta, Rizal nitong IMarie nakaraang Agosto 14, kung saan napili ang kumakatawan sa Cavite National High School (CNHS) na si Czarina H. Mendoza bilang kalihim ng samahan. Isang regional Supreme Student Government (SSG) election ang ginanap sa Sitio Elena Events, Cainta, Rizal nitong nakaraang Agosto 14, kung saan napili ang kumakatawan sa Cavite National High School (CNHS) na si Czarina Marie H. Mendoza bilang kalihim ng samahan. Sa labing-siyam na batang lider sa kani-kaniyang paaralan, sa rehiyon ng CALABARZON, isa si Mendoza, pangulo ng SSG ng CNHS, sa pitong mapapalad

na nailagay sa puwesto, tanda na siya ay pinagkakatiwalaan ng mga kapwa niya pinuno. "Masaya akong pinagkakatiwalaan nila ako, una sa lahat, hindi ko sila kakilala. Honored din at the same time, hindi lang naman pangalan ko ang dinala ko, pati na rin ang school natin, ang CNHS," sabi pa ni Mendoza. Inamin niya rin na pressured siya dahil sa kanyang bagong gampanin. Alam din naman ni Mendoza na isa

lamang itong pagsubok sa kanyang natatanging kakayanan. Sinamahan naman siya ng tagapayo ng SSG na si G. Edgardo V. Lucban sa kanyang apat na oras na biyahe. Maging ang ibang may matataas na katungkulan sa DepEd Division Office ay kasama. Kasabay ng kaganapang ito, pinarangalan ang mahuhusay na superintendents sa CALABARZON.


ANG CAVITEÑAN

O

OPINYON

Putol na Magkadugtong

EDITORYAL

ka-tatlong taon na ng pagkakaroon ng K-12 Program at ito’y matagumpay paring naisasakatuparan sa Cavite National High School. Kung ating babalikan ang nakaraan, apat na taon lang ang Ikaakibat pag-aaral na kinagisnan ng ating mga magulang sa sekondarya ngunit tila ito’y natuldukan na. Nadagdagan ng mga taon ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Dalawang taon ang idinugtong subalit naman nito ang pagkaputol ng paaralan sa dalawang parte ng nasabing paaralan: ang lugar ng Junior High at lugar ng Senior High. Balitang-balita parin ngayon ang pagpapabawal sa mga Senior High students na pumunta sa parteng Junior High dalawang buwan na ang nakakalipas ng maipatupad ito. Dahilan daw ito ng ilang mga hindi inaasahang pangyayari na laging kasangkot ‘di umano ang mga Senior High students. Ayon kay Ms. Cherryleen Marquez, tagapamahala sa SHS, pasukan pa lamang ay lumobo kaagad ang bilang ng mga mag-aaral na nag-cucutting dahil umano sa paghihimok ng mga estudyante sa Senior High sa mga estudyante sa Junior High. Upang maiwasan ito, ipinatupad ngayon ang pagba-ban sa mga nasabing estudyante na palagi at bukas ang pagpunta sa erya ng mga Junior. Dagdag ni Marquez sa kaniyang panayam na ang pinakanag-udyok sa pagbabawal sa mga Senior sa Junior ay nang magkaroon ng insidente kung saan may nakapasok na outsider sa paaralan. Ang taong ito ay nakauniporme pa na kagaya ng isinusuot ng mga Senior. Ito ay may dalang panaksak dahil di umano ay may tangkang saktan na mag-aaral sa Junior High. Dumating na nga raw sa punto na nag-ambahan na ang mga ito at naghabulan ng panaksak sa loob mismo ng paaralan, mabuti na lamang ay agad itong naawat. Gayon na lamang ang takot ng mga kaguruan kaya kaagad nilang ipinatupad ang pagba-ban sa mga Senior na makatapak sa lugar ng Junior. Hindi man lahat ng mga Senior ay kagaya ng mga ito ay nandirito parin ang paninigurado na hindi na ito mauulit. Kaya nawa’y maintindihan ito ng mga mag-aaral na hindi makaunawa sa mabilisang pagbabawal. Nakakatuwa lamang dahil hindi man mukhang maganda ang turing sa mga Senior at tila pinagkakaitan ito ng kalayaan ay maganda rin naman pala ang dulot nito lalo na sa mga Junior. Tiyak na maganda rin ang dulot nito sa mga guro dahil marami sa kanila ang mga nag-rereport dahil sa distraksyon na binibigay ng ilang mga pasaway na Senior sa kanilang mga klase. Hindi rin maiiwasan na kailanganing pumunta ng mga Senior sa School Library at may mahalaga itong gagawing rito kaya naman naglabas ang Admin ng Library Pass at Gate Pass kung saan makukuha sa Admin Office ng SHS. Ito’y pirmado ni Ms. Abulog na katuwang ni Marquez sa pamamahala sa Senior High School at kinakailangan lamang ipakita sa mga gwardiya na nakabantay sa pagitan ng JHS at SHS. Sa mga mag-aaral naman na ang ipinuputok na ng kanilang mga butsi ay burong-buro na raw sila sa pagkain sa SHS dahil ang tanging pinagbibilhan nito sa loob ng paaralan ay isang maliit na kantina. Ayon kay Marquez, pinahihintulutan naman daw ang mga magaaral na makalabas ng paaralan sa mga oras na bakante at lunch break. Sa kabila nito, ganoon din ang paniniguro na maiiwasan ang pagcucutting kagaya ng nangyayari sa JHS. Ayon sa Guidance Office ng CNHS, nang masimulan ito ay malaki ang naging pagbabago sa loob ng JHS. Hindi man naiwasan ang pagcu-cutting ng mga mag-aaral dito ay malaki naman ang porsyento ng pagkabawas nito. Nagiging maayos narin ang pagtuturo ng mga guro sa gusali kung saan may mga Senior na palaging nanggugulo. At higit sa lahat, nabawasan na ang mga kaguluhan sa paaralan na ang laging sangkot ay ang mga mag-aaral ng SHS. Sana lamang talaga ay maging bukas ang kaisipan ng mga mag-aaral na kahit pa sabihing hindi naman sila kasama o sangkot sa ganitong mga pangyayari ay para naman sa kaligtasan at ikabubuti ng lahat. Alam natin na gagabayan tayo ng Panginoon sa mga susunod pang mga taon upang siguradihin na tayo ay ligtas. At kung naputol man ang lugar ng paaralan sa dalawa ay mananatili paring magkadugtong ito dahil iisa lamang ang pangalan na mayroon ito, ang Cavite National High School.

SIGNIFICATIVO

SALUDO

saludo – pagbibigay-pugay

significativo – pagiging makahulugan

Mikko Ofiaza

Bibong-bibo oong March 22, 2018 naganap N ang insidenteng hindi inaasahan. Nasunog ang ilang

bahagi ng silid-aralan ng Cavite National High School. Dahil dito, naglunsad si Brigada Eskwela/ Physical Facilities Coordinator Dennies Reyes ng isang programa kung saan ang mga nasirang upuan ay mapakikinabangang muli. Tinatayang 400 ang mga upuang naisagip ng Sagip-Upuan Project na nagagamit ngayon ng ilang mga mag-aaral dahil sa maayos na nitong kondisyon. Bagaman maaari namang humingi ng tulong ang paaralan sa gobyerno ay pinilit, sinasabing umaabot ng buwan ang pagsangguni ng mga ito at kung minsan pa nga’y inaabot na ng taon kung kaya’t pinilit pa rin nitong tumayo sa sarili nitong mga paa. Ayon kay Reyes, nakapang hihinayang daw kasi ang mga upuan lalo pa’t pagmamay-ari ito ng gobyerno at tila hiram lamang ng mga mag-aaral at mga guro. Dagdag pa niya, ang pangunahing inilulunsad ng nasabing proyekto ay ma-rehabilitate at masolusyonan ang kakulangan sa upuan ng mga estudyante nang sa ganoon ay maging komportable sila sa kanilang pag-aaral. Marami ang nakinabang sa proyekto lalo’t higit ang mga pangkat na dati’y nagkaklase sa covered court. ‘Di alintana ang trabaho ng mga gurong nagtulungan upang maisakatuparan lamang ang proyekto. Kahit na maraming ginagawa at abala y ay nagawa pa ring tumulong. Ang iba’y kani-kaniyang nagbigay ng mga kagamitan kagaya ng mga pako at pintura, ang iba nama’y lakas-paggawa ang ibinigay na talagang kinakailangan para sa proyekto.

Mataas ang pagpapahalaga natin sa edukasyon. Kaya naman, hangga’t maaari ay tinitiyak ng pamahalaan na naibibigay ang mga pangangailangan ng mga guro’t magaaral. Ang sabi’y muling kikilos ang mga ito sa darating na Oktubre upang i-check ang mga upuang naipamigay para kung sakaling kinakailangang ayusin muli, ito ay kanilang aayusin. Paniguradong magaan na lamang ang trabahong ito dahil tiyak na kakaunti na lamang ang mga upuan na aayusin. Tunay nga na masisipag talaga ang mga Caviteño. Ika nga sa mga nauusong mga salita, matatawag itong ‘pabibo’ na ang ibig ipagkahulugan ay sobrang aktibo ka kahit marami nang ginagawa ay pilit paring sinisingit sa kaniyang oras. Nawa’y hindi lamang sa mga ganitong kaganapan maging pabibo ang mga mamamayan ng Cavite bagkus pati narin sa ibang larangan at aspeto sa lipunan.

Yeoj Enna Enriquez

Sigla

atuloy ang pag-unlad ng P lungsod ng Cavite. Ang mga negosyo’y muling nabubuhay at

dagdag pa rito ang patuloy na rumaraming mga komersyal na establisiyamentong pinatatayo sa ating lugar. Maibabalik kaya ang mga dating nawala? Kilala ang Cavite bilang pook ng mga bayani. Nagng tanyag ang ganito dahil sa mga natatanging kontr¬ibusyon nito sa kasaysayan ng Pilipinas. Kung kaya’t maituturing ito bilang isa sa mga kayamanan ng ating bansa. Kapansin-pansin ang pagbabago ng lungsod sa mga nagdaang taon. Itinuturing ang ating lungsod noon na isa sa mga pinakamauunlad na lungsod sa Pilipinas sapagkat dito

Ang pag-unlad ng mga lungsod at bayan ay tanda ng pag-unlad ng bansa.

ang daungan ng mga nakikipagkalakan sa ating bansa. Naging kilala rin ang lungsod sa komersyo at mga negosyong patok hindi lamang sa mga Caviteño pati na rin sa mga turista at dayuhang napapadpad sa lugar. Matagal na ang nakalipas ng abutin ng Cavite ang tugatog ng kaunlaran. Kasabay ng pagdaan ng panahon, nagbabago rin ang ekonomiya ng Pilipinas at kalagayan ng pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan. Napanatili ba ang nagbabagang apoy ng pag-unlad. Bahagyang nabawasan ang buhay ng lungsod sa panahon ng modernisasyon, nakalulungkot sapagkat hindi naging mabilis ang transisyon ng lugar mula sa nakaraan at sa bagong panahon. Dito

ANG CAVITEÑAN Ang Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite Kasapi: Pambansang Samahan ng Pahayagang Pansekondarya

PATNUGUTAN

Punong Patnugot: MIKKO C. OFIAZA Ikalawang Patnugot: YEOJ ENNA S. ENRIQUEZ Tagapamahalang Patnugot: DAYNIELE D. LOREN Tagapamahalang Pansirkulasyon: EZEKIEL P. ESCOBAR Pambalitang Patnugot: NAIZA MARICON B. ENAGE Panlahthalaing Patnugot: SHERRY MAY PEREZ Pang-agham na Patnugot: AHLEIA JEENAN CAJILIS Pampalakasang Patnugot: MANILYN V. DARIA Tagaguhit: CZARINA CLAUDETTE GARDUQUE Litratista: SARAH NORMELEEN T. PICO Mga Kontributor: ALNIA BAUTISTA, AUBRY S. BUGAYONG, KATHERINE BUNDAL, JASMIN DELOS REYES, JERVIE JOIE FAMY, HENRY ANTHONY GERMO, THERESE NICOLE F. HERNANDEZ, JOHN EZEKIEL LIWANAG, DANIELLE LUCERO, SEVERO KENNETH IV MACUGAY, KYLE ANGELA MANAIG, LORDALE MELENCIO, REYMARK PACHO, JC PICO, JERY MARCELINO REYNOSO, JERICO ROSARIO, PAUL CHRISTIAN SALME, SEAN DOMINIE SANTIAGO, NAMRON TEDD SINCHONGCO, KAMIAH ANELLA TOLENTINO, KATHLEEN TUAZON, CHESKALENE ZAPANTA Tagapag-anyo ng Pahina: DAYNIELE D. LOREN, AARON JOSH R. ABULOG

unting bumagal ang dati’y mabilis na pag-unlad ng lungsod. Bagaman nananatiling buhay ang mga negosyo’t kabuhayan sa lugar ay masasabing hindi na ito katulad ng dati. Ngayon ay bumabangon na ang lungsod ng Cavite, mas malakas pa sa dati nitong katayuan. Unti-unting sumusulpot ang iba’t ibang uri ng pamilihan at mga komersiyal na mga gusali. Ang mga negosyong mula pa noon ay naitatag na’y pinaganda at pinagtibay. Nakikitang dahilan nito ang napipgtong pagpapatayo ng paliparan sa Sangley Point Naval Base. Inaaasahan na ang pagpasok ng mga panibagong negosyo ay magpatuloy. Unti unti nang nanunumbalik ang sigla at kulay ng lungsod ng Cavite. Ariba!

GNG. JONABETH DC. REYES BB. CHRISTINE CARL F. MESA G. MARK VINCENT MILLONA GNG. ELISA N. LAJERA G. RAY C. MORANDANTE G. CHARLES D. LOTA BB. DARLENE JOY A. HUELAR BB. APRIL JESSICA ESTARES Tagapayo BB. JEANEVEVE P. NONAN Kritik G. AUGUSTO D. FERMA JR. Punongguro GNG. PILITA A. VILLANUEVA Tagamasid Pansangay sa Filipino DR. EDGARDO MILITANTE Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay DR. CELEDONIO B. BALDERAS JR. Punong Tagapamanihalang Pansangay


06

opinyon

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

Giliw kong Punong Patnugot,

RESIKLO Lordale Melencio

Ganoon na lang ba?

aaralan daw ang ating P pangalawang tahanan, karapatan natin na makaranas ng

kumportableng pamumuhay sa loob ng silid-aralan, kasama na rito ang pagkain at sapat at malinis na palikuran.

Sa kaayusan ng kapaligiran, disiplina ang kinakailangan. Sinisiguro ng ating paaralan ang pagpapagawa ng maayos at malilinis na mga palikuran para sa mga magaaral. Nagkakaroon ng iba’t ibang proyekto kung saan pinapanatili ng administrasyon ang kaayusan ng mga

banyo. Maging ang Parent-Teacher Association ay nakikiisa sa mga proyektong ito. Nakababahala na sa kabila ng mga ito, patuloy pa ring kumakalat ang reklamo sa mga palikuran sa loob ng paaralan. Ang mga pader ay puno pa rin ng “vandal” kung saan nakaguhit ang mga ‘di kanais-nais na larawan. Ang mga “toilet bowl” ay sira-sira at wala na ring maayos na tubig. Sa pagkakataong ito, nasa mga mag-aaral na ang pagkukulang at kawalan ng disiplina. Patuloy silang binibigyan ng kanilang mga kailangan ngunit sila rin ang gumagawa ng paraan upang mawala ito. Maging ang ibang mga guro ay nadismaya sa itsura ng mga naturang palikuran sa kasalukuyan. Anila, binibigay naman sa mga mag-aaral ang lahat ng paraan upang makaranas ng magagandang pasilidad ngunit nakakalungkot na sila pa mismo ang sisira sa mga ito. Nitong nakaraang Agosto lamang

ay isinapubliko sa social media ang suliranin ng paaralan pagdating sa paggamit ng mga pasilidad. Ipinost ng isang guwardiya ng CNHS ang hitsura ng isang palikuran sa loob ng eskuwelahan kung saan magkakasunod ring binigyan ng opinion ng mga guro. Nakadidismaya lamang na naglalaan ang mga nakatataas ng sapat na pondo upang masigurong may maayos na palikurang mapakikinabangan ng mga mag-aaral, ngunit nasasayang lamang ito dahil sa kawalan ng disiplina ng mga Caviteñan. Tunay ngang ginagawa naman ng paaralan ang lahat upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga mag-aaral. Marapat lamang na ingatan ito ng mga mag-aaral na nakikinabang rito at magkaroon ng sapat na disiplina upang hindi masayang ang pinaghirapan ng administrasyon at pamahalaan para sa kanilang ikabubuti.

justo

justo - makatarungan Dayniele Loren

Pag-asa ng mga Pag-asa ng Bayan nakaaalarma ang Sngadyang napabalitang pagpapatiwakal isang guro mula sa isang

pampublikong paaralan. Umani ito ng mga opinyon ng mga tao at karamihan dito ay mga guro rin. Naglabas din sila ng kani-kanilang mga hinanakit. Sa dami ng mga nagbahagi ukol sa isyung ito, masasalamin na mistulang isang epidemya ang depresyon at stress sa mga guro. Hindi mga robot ang mga guro. Kagaya ng mga normal na tao, kailangan din nila ng tulog at pahinga. Dahil sa kanilang propesyon, madalas na naaabuso ang kanilang kasipagan. Kung maraming gawain ang mga estudyante, doble ang bilang ng mga nakaatang na gawain o workload sa mga guro. Sa 36 na common school forms pa lang ay tiyak na nahihirapan na sila. Karagdagan pa rito ang kanilang mga lesson plan at mga report na agad-agarang ipinapagawa at ipinapapasa sa kanila. Ayon sa isang survey na isinagawa ng isang propesor mula sa University of the Philippines – Diliman, 47% ng gawain ng mga guro ay nagreresulta sa pisikal na pagod at 12% naman ang nakakaapekto sa sikolohikal na kalagayan ng mga ito. Kahit na hindi man gaanong kalaki ang porsyento ng sikolohikal na aspeto, malaki pa rin ang epekto nito sa mga guro. Base sa isang artikulo mula sa MentalHealth.gov, ang mental na kalagayan ng isang indibidwal ang isa sa mga pinakamahalagang aspetong dapat isinasaalang-alang kapag

nagtatrabaho dahil dito nakasalalay ang emosyonal, pisikal, sikolohikal at sosyal na pakikitungo sa ibang tao. Kung patuloy na babagsak ang mental na kalagayan ng mga guro, maaari itong magmitsa sa hindi maayos na pagtuturo na magiging dahilan din ng hindi pagkatuto ng mga estudyante. Hindi lang mga guro ang apektado, damay rin ang mga estudyante.

Sa gitna ng dilim at kawalan, Diyos ang ating makakapitan. Ayon sa Department of Education, mayroon lamang 38,284 nonteaching personnel and support staff na nakaatas sa 687,229 na guro noong 2017. Mahihinuha rito na isang non-teaching staff lamang ang sumusuporta sa 18 na guro sa bawat araw ng operasyon ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Napakahirap ng ganitong kondisyon sa mga guro. Maraming mga guro ang hindi natutulog hanggang madaling araw, hanggang kinabukasan, ginagawa ang mga trabahong hindi naman nakaatas sa kanila. Sa kabilang banda, agad na umaksyon ang DepEd pagkatapos

ng napabalitang pagsuko ng ilang guro. Binawasan nito ang dating 36 common school forms at ginawang 10 na lamang. Isa itong malaking kaginhawaan para sa mga guro. Mas makapagtutuon sila ng atensyon sa pagtuturo pati na rin sa kanilang sarili. Ayon sa pahayag ng DepEd, ang pampublikong serbisyo ay kailangang pagtiyagaan. Ayon din sa kanila, lahat naman ng government employees at mga guro ay pare-pareho ang pinagdadaanan. Nangangailangan ito ng dugo’t pawis pati na rin pagsasakripisyo upang maisulong ang tunay na adbokasiya ng pampublikong serbisyo – ang makatulong sa mga mamamayan. Isa sa mga epekto ng hindi maayos na kalagayan ng kalusugang mental dulot ng stress ay depresyon – hindi ito basta-basta. Hindi ito depresyon “lamang”. Marami nang kinitil na buhay ang depresyon. Ayon kay Dr. Cornello Banaag Jr. ng Philippine Mental Health Association, stress ang kadalasang sanhi ng pagpapatiwakal o suicide. Ang tambak na gawain ay sadyang nakadadagdag sa stress ng mga guro, hihintayin pa ba natin na madagdagan ang bilang ng mga gurong sumusuko dahil sa dami ng gawain? Kagaya ng mga normal na tao, napapagod at nalulungkot din ang mga guro. Marapat lamang na bigyan sila ng oras upang magpahinga at bawasan ang bigat ng kanilang mga pasanin at gawain. Dapat ay pahalagahan sila dahil sila ang pag-asa ng pag-asa ng bayan.

Pagkaing Pangkaisipan 2 Mga Taga-Corinto 5:17 Kaya’t kung ang sinoman at na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago. Una nang ipinakita ng Diyos ang pagbabago sa ating buhay noong ipinako ang kaniyang na anak na si Hesus dahil sa kaniyang lubos na pagmamahal sa sanlibutan. Nang dahil sa pagmamahal na iyon, kaniya ngang ibinigay ang kaligtasan sa atin na masasabing hindi naman tayo karapat-dapat para dito. Pagmamahal na kailanma’y hindi

nawawaglit sa ating tabi dahil ito ang nag-iisang makapangyarihan na ibinigay sa atin ng Diyos. Hindi niya alam noon na kung maibabalik ba natin ang pagmamahal na ibinigay niya patungo sa atin o hindi. Subalit, patuloy parin niyang ipinagkaloob ito sa atin. Pangalawa, ipinapakita ng Diyos ang pagbabago sa ating buhay arawaraw. Kung natulog ka man ng may nagawang mga kasalanan. Kung natulog ka man ng puro masasamang emosyon ang nasa iyong puso. Hayaan mo dahil ang Diyos na mismo ang lumilinis sa iyong puso.

Ang iyong puso na sinasabing templo niya. Ang iyong puso na lugar kung saan kinakausap ka ng Diyos. Kaya’t nararapat lamang na panatilihin mong malinis at busilak ang iyong puso dahil iyan ang nakikita niya sa iyo at hindi ang iyong pisikal na kaanyuan. Tandaan lamang natin na hindi mo mahahayaan ang Diyos na baguhin at linisin ka kung hindi mo naman siya pinapatuloy at hinahayaang gumalaw sa iyong buhay. Pagkatiwalaan mo siya. Isuko mo na ang lahat-lahat sa kaniya.

Pagbati ng kapayapaan! Malugod ko pong pinasasalamatan ang inyong pahayagan sa ika-81 taon ng paghahatid ng mga kaganapan sa ating paaralan. Tumatak na sa aming isipan ang taon-taon ninyong pamamayagpag sa larangan ng pampaaralang pamamahayag. Dahil sa inyo, nalalaman at nauunawaan namin ang mga napapanahong balita at isyu na kinakailangan naming malaman. Malaking tulong po sa amin ito, kaya naman dalangin ko na magpatuloy ang inyong tagumpay. Sa pagkakataong ito, ako po ay dumudulog sa inyo dahil sa aking pananaw, ang atin pong paaralan ay may kinakaharap na problema. Naniniwala po ako na ito ay dahil sa patuloy na paggamit sa isa sa ating mga covered court bilang pansamantalang silid-aralan ng ilan sa aking mga kapwa mag-aaral. Sa kasalukuyan, may isang section o pangkat na lamang sa Baitang 9 ang palagiang gumagamit ng covered court bilang kanilang classroom. Nagagamit ang naturang lugar sa umaga upang pagdausan ng klase, ngunit naiiwan naman itong nakatiwangwang pagdating ng hapon. Bunga nito, ang ilang mga mag-aaral sa hapon na wala sa kanilang mga klase ay nagagamit ang nasabing lugar bilang kanilang tambayan. Kaugnay pa rin nito, nagkakaroon ng mga insidente ng pagkasira at pagkawala ng mga upuan at ilan pang kagamitan sa naturang lugar. Naiiwan ding puno ng kalat at basura ang lugar, bagay na lalo pang nagpapahirap sa sitwasyon ng mga mag-aaral ng section na gumagamit nito bilang kanilang classroom. Batid kong kinakailangan ng ilan sa amin na magtiis muna dahil sa kakulangan ng magagamit na silid-aralan. Subalit lubha pa rin akong nababahala dahil may mangilan-ngilang kabataan na mistulang walang disiplina at pagpapahalaga sa mga bagay-bagay sa paligid nila. Mga kagamitan na para sa kanila ay maaaring walang halaga, ngunit para sa mga lubos na gumagamit nito ay kayamanan nang maituturing. Ako po ay umaasa na magkakaroon ng solusyon sa pangyayaring ito. Naniniwala rin ako na ang inyong pahayagan ay makagagawa ng hakbang na makatutulong upang maaksyunan ang naturang isyu. Akin nang ibinibigay ang aking pagsaludo sa inyo. Pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha. Nagpapasalamat, Justin Delos Reyes Justin, Bago ang lahat, nais kong magpaabot ng pasasalamat sa iyo dahil sa iyong pagbati at patangkilik sa aming pahayagan pasalamatan sa iyong pagbati at lalong-lalo na ang iyong pagtangkilik sa ating pahayagan . Ang Caviteñan ay lubos na nagagalak na kami’y nakatutulong sa aming mga kapwa mag-aara sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga napapanahong isyu at balita. Ang paggamit ng covered court bilang “makeshift classroom” ay talagang kailangang gawin dahil sa kakulangan ng silid-aralan para sa mga mag-aaral ngunit meron din itong kaakibat na problema. Mababatid natin na kulang sa pagpapahalaga ang ibang mag-aaral sa ating paaralan. Mula sa pagkasira ng mga upuan hanggang sa pag-iiwan ng mga kalat at basura sa covered court. Lahat nga naman tayo ay nararapat na magpakita ng pagmamalasakit at pag-iingat sa mga bagay na ipinagkatiwala sa atin. Nakalulungkot lamang isipin na may ilan tayong kapwa mag-aaral na bigong gawin ito. Disiplina: ito ang nakikita naming pinakamabuting solusyon. Malaking tulong kung sakaling makakapaglagay ng paskil o anunsyo sa bahagi ng covered court na ginagamit na classroom na nagsasabing ipinagbabawal ang pamamalagi o pagtambay sa naturang lugar. Mainam din kung paiigtingin pang lalo ang pagbabantay dito nang sa gayon ay may sasaway sa mga estudyanteng lalabag sa tuntuning nabanggit. Sa mga estudyanteng may malaking pagpapahalaga sa mga kagamitan sa paaralan, saludo ako sa inyo. Nawa’y kayo ang tularan ng iba pang kabataang Cavitenan upang hindi na lumala pa ang mga ganitong problema.

Ang Caviteñan, 2018-2019

punto por punto Mikko Ofiaza

Gintong Pananggalang

O 40, s. 2102- isang polisiya D ng Department of Education (DepEd) na naglalayong bigyang

proteksyon ang mga kabataan sa paaralan laban sa pang-aabuso, diskriminasyon at pambubulas. Subalit, tila’y nawalan ng saysay ang naturang patakaran dahil kamakailan lamang ay nilabag ng mismong punong-guro ang mga karapatan ng kaniyang mga mag-aaral. Umani ng batikos ang video ng pagsunog sa mga bag ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Bicol Central Academy, isang pribadong institusyon sa Libmanan, Camarines Sur dahil umano’y hindi sinunod ng mga mag-aaral ang patakaran na inihain ng naturang paaralan. Nakapanghihinayang at nakababahala ngunit walang magawa ang mga ito kung hindi titigan ang nasusunog nilang mga kagamitan. Nakahahabag ang sinapit ng mga kabataang ito sapagkat bukod sa mga kagamitang pampaaralan ay kasama ang kanilang mga gadgets tulad ng cellphone at mga laptop

ang naabo. Tiyak na ito’y mahalaga dahil ito’y kanilang pinaghirapa’t pinagpaguran. Kung ating maalala, ang paulit-ulit at gasgas na linya ng ating mahal na bayaning si Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan makukuha natin mula rito na ang kabataan ang magsasalba sa ating lipunan. Binibigyan ngang proteksyon ang kabataan ngunit hindi naman nito nasisigurado na ang kanilang mga karapatan ay nasusunod sa loob ng paaralan. Isa lamang patunay ang naging insidente sa Bicol Central Academy na nananatiling laganap ang pang-aabuso sa kapangyarihan sa mga ganitong institusyon at hindi ginagalang ng iilan ang batas. Sa lahat ng ito, nangangailan ang mga mag-aaral ng gintong pananggalang na siyang magsisilbing proteksyon nito mula sa anumang uri ng paglabag sa ating mga karapatan. Hindi dahil tayo’y bata lamang ay hahayaan natin na tayo’y maliitin at yurakan tayo’y dapat lumaban sapagkat tayo ang pag-asa ng kinabukasan.


OPINYON

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

EFECTIVO efectivo - mabisa Kyle Angela Manaig

Teenagers: Disiplina, nasaan ka? atuloy na lumalaki ang P populasyon ng mga indibiduwal na nasa edad 13 hanggang 19 sa

kasalukuyan. Kasabay nito ang normal na pagbabago ng katawan na kung minsan ay nagdudulot ng kapusukan at maagang pakikipagtalik ng mga kabataan na nasa ganitong edad na hanggang ngayon ay ginagawan pa rin ng solusyon upang mapigilan ng pamahalaan at maging ng paaralan ang pagdami ng kaso ng teenage pregnancy.

Ang kabataan ang pagasa ng bayan. Paggabay at pag-aruga ay lubos nilang kailangan.

Ayon sa huling survey ng National Demographic and Health Survey (NDHS 2017), tumaas ng siyam na porsyento ang dami ng mga nanganganak mula sa edad na 15 hanggang 19 na taon. Samantala, noong 1999 naman ay umabot sa 114,205 ang naitalang kaso ng teenage pregnancy sa bansa, subalit pagsapit ng 2009 ay umakyat pa ito sa 195, 662 kaso. Bilang isang paraan upang mapigilan ang patuloy na pagdami ng mga kasong ito, isang seminar ang dinaluhan ng mga piling magaaral mula sa Cavite National High School. Pinili ang mga mag-aaral mula sa Baitang 7 at Baitang 9 para daluhan ang nasabing seminar na pinamagatang ‘Alay Forum on Teen Pregnancy’ na inihanda ng Cavite Medical Society. Sinamahan din sila ng mga Teen Health Workers ng Teen Health Kiosk ng CNHS. Nabanggit sa lecture ng naturang seminar ang kahalagahan ng tamang tao, oras at dahilan ng pakikipagtalik

upang mabuksan ang isipan ng mga kabataan sa isyung dulot ng kanilang kapusukan. Hinikayat rin ang mga mag-aaral na iwasan ang maagang pakikipagtalik at alagaan ang kanilang pangkalahatang kalusugan. Bagaman naglulunsad ng iba’t ibang programa upang masolusyonan ang suliraning ito, nakababahala na wala pa ring pagbabago sa numero ng mga kaso ng teenage pregnancy. Marahil ay hindi lang talaga nasa kamay ng pamahalaan at paaralan ang kahihinatnan ng mga menor de edad na ito, kundi sa tamang paggabay ng mga magulang at nasa kanilang mga desisyon rin. Hindi lamang kaalaman, kundi kung magkakaroon ng tamang disiplina ang bawat isa, mas madaling maiiwasan ang patuloy na paglala ng problemang ito. Lagi lamang nilang itatak sa kanilang mga isipan, nasa mga kamay pa rin nila ang kanilang magiging kinabukasan.

AGUDO agudo - matalim Dayniele Loren

Makapapasok at Makapapasok pa rin

akababahala ang pagiging N talamak ng droga hindi lang sa lansangan, pati na rin sa pa

ilang mga paaralan. Dahil dito, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) ang Preventive Drug Education na idadagdag sa curriculum ng mga mag-aaral mula sa elementarya hanggang sekondarya. Isa itong malaking hakbang sa tuluyang pag-aalis ng droga sa mga paaralan ngunit makakapasok at makakapask pa rin ang droga sa mga paaralan kung hindi rin maghihigpit ang mga kinauukulan. Ayon sa pahayag ni dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, sa paaralan kadalasang unang nakatitikim ng pinagbabawal na gamot

ang kabataan, at hanggang ngayon ay ginagamit at ibebenta ang illegal na droga sa loob at paligid ng ilang paaralan. Mahihinuha rito na hindi gaanong kahigpit ang pagbabantay sa mga estudyante sa paaralan. Kung hindi gaano kahigpit ang pagbabantay sa mga mag-aaral. Kung hindi gaanong kahigpit ang pagbabantay, mababalewala ang proyekto ng DepEd. Maagang nagsisimula ang paggamit ng kabataan sa illegal na droga. Ayon sa 2015 Global School-Based Student Health Survey, nasa 10.1 porsiyento ng mga estudyanteng 13 hanggang 15 taong gulang ang sumubok na ng illegal na droga ng isang beses o higit pa. At sa mga nakagamit na ng droga, 76 porsiyento ang sumubok habang nasa edad 13 anyos pababa. Sa kabilang banda, ang proyektong

ito ay lubos na makatutulong sa pagpapaigting ng peace and order sa mga paaralan. Magsisilbi rin itong gabay sa mga mag-aara upang sila’y mapadpad sa daan na magkakaron sila magandang kinabukasan. Isa rin sa mga butas ng proyektong ito ay kung papayag ang ba ang mga magulang sa pagtuturo ng preventive drug addiction sa kanilang mga anak. Kasama rin ako dito. Kasama rin ksi dito ang pagtalakay sa iba’t ibang uri ng ilegal na droga. Maganda ang layunin ng proyekto ng DeEd ngunit sana’y isipin din nila ang mga implikasyon at reaksyon ng mga taong sangkot dito. Dapat ay isaalang-alang din ang paghihigpit ng mga kinauukulan, dahil kung hindi nila ito gagawin ang droga ay makapapasok at makapapasok pa rin.

SAPANTAHA sapantaha – haka-haka, hinala, hinuha Czarina Claudette Garduque

Ignorante

ng paaralan ay isang sangay ng A pamahalaan. Kung anumang pagbabagong maganap sa

pamahalaan, tiyak ring pagbabago sa paaralan kung kaya’t nararapat lamang na ang bawat mag-aaral ay may kamalayan sa pinaplanong pederalismong gobyerno. Ngunit ang karamiha’y imbes na itanong kung ang pederalismo’y may kabutihang handog, ang makukuhang sagot ay “Ha? Hatdog”. Bali-balita ang nais na pederalismong pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit tila nagiging hanging napadaan lamang sa tainga ng bawat isa ang naturang isyu ng bansa. Nakalulungkot na ang mga mag-aaral na siyang nararapat na higit na nakaiintindi dito’y hindi alam kung ano ang kahulugan ng salitang

pederalismo mismo. Kamakailan lamang ay gumawa ng ingay ang kontrobersiyal na video ni Asec. Esther Margaux “Mocha” Uson na pilit pinapaliwanag ang konsepto ng pamahalaang pederalismo. Sa kasamaang palad, maaaring dito natuto ang mga mag-aaral na siyang malimit na gumamit ng social media sites tulad ng Facebook na kung saan napost ang video ni Uson. Sa kabila ng maling impormasyon, hindi pa rin ninanais ng karamihan na matutuhan ang tama tungkol sa naturang paksa. Paano na kung ang kabataan na siyang makakaranas nito sa hinaharap ay magkaroon ng maling ideya sa pamamalakad nito? Ang kawalan ng kamalayan at pagiging ignorante ng karamiha’y ating pagbabayaran sa kinabukasan.

Ang maling ideya na napulot sa nakaraan ay magbubunga ng hindi maganda sa hinaharap. Maaaring marami ang mabigla at magalit dulot ng pagbabagong hindi nila naunawaan. Kung kaya’t kahit tayo’y abala sa ating klase sa araw-araw, tandaan na may mundo sa labas ng ating paaralan na nararapat na tayo’y maalam. Imbes na mga ‘memes’, mga scandal, at mga walang kabuluhang post ang ating bigyang pansin at halaga, sana bilang mga mamamayan ng ating Pilipinas at bilang mga mag-aaral sa isang pampublikong institusyo’y magkaroon tayo ng kamalayan sa mga nagaganap sa ating pamahalaan at ang mga kinakaharap ng bansa. Hindi iyong limitado lamang ang ating mga mata’t isipan sa mga bagay na nais nating pagtuunan.

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

PULSO NG CAVITEÑAN

07


08

opinyon

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

AYUDANTE ayudante – kaagapay Cheskalene Zapanta

Panukalang Pangkaalaman

aun-taon ang kinakaharap T na kalbaryo ng mga Pilipino dahil sa epekto ng hagupit ng

mga mapaminsalang kalamidad na nananalasa sa ating bansa, na nag-iiwan ng hindi lamang pinsala sa ari-arian kung hindi pati na rin takot na patuloy na umuugong sa isipan ng bawat nakaranas nito.

Lamang ang may alam at kahandaan sa oras ng sakuna at kalamidad Sa kadahilanang ito, patuloy na tumutuklas ng mga solusyon ang ating pamahalaan na maaaring maging sagot sa kasalukuyang problemang ito, kung paano maipapalaganap sa bawat mamamayan ang kaalaman patungkol sa disaster prevention at ano ang mga posibleng paraan ang

maaaring gamitin upang mabawasan ang epekto at pinsalang dulot ng mga naturang kalamidad. Bilang tugon, sinabi ni Sen. Bam Aquino na magiging malaki ang maitutulong ng sektor ng agham at teknolohiya sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa sa pagtugon sa nasabing problema. Dito, kaniyang inilatag ang panukalang tinatawag na Senate Bill No. 1211 o kilala rin bilang Philippine Space Act. Kung tuluyang maipapatupad ang panukalang ito, maaari ngang malaki ang magiging kontribusyon nito lalo na’t isa itong kaluwagan sa paghinga ng mga ahensiya ng pamahalaan na pangunahing umaasikaso sa isyung ito tulad ng PAG-ASA at DOST. Magkakaroon sila ng katulong na puwersa sa pagpapalaganap ng mga impormasyon at kaalaman sa taumbayan. Ngunit sa kabilang banda, wala pang kasiguraduhan kung magtatagumpay nga ba talaga ang panukalang ito. Sa panahon ngayon, importante na magkaroon ng inisyal na kaalaman pagdating sa disaster prevention ang mga mamamayan lalo na ang mga mag-aaral. Paano na lamang kung may biglaang kalamidad ang mangyari

habang tayo ay nasa paaralan? Paano kung wala tayong sapat na kaalaman kung paano ang mga dapat gawin pagdating ng isang sakuna? Hindi ba’t mas magandang tayo ay maalam upang may sapat na kahandaan sa maaaring maging epekto ng kalamidad? Importante ang pagtuturo sa ating mga paaralan ng disaster prevention dahil alam naman natin na nakararanas tayo ngayon ng pabagu-bagong panahon o climate change na dulot ng unti-unting pagkasira ng ating ozone layer na isang sanhi ng paglipana ng samu’t saring kalamidad sa ating bansa. Hindi pa nga rin natin talaga masasabi ang katagumpayan ng panukalang ito dahil alam naman natin na uhaw pa ang ating bansa sa makabagong teknolohiya at hindi pa ganoon kayabong ang ating kalaaman pagdating sa inobasyon hindi tulad ng sa ibang mga bansa. Ngunit umaasa tayo na sana pagdating ng panahon ay dumating na ang tunay na solusyon na makakatulong sa atin sa pagsugpo ng lalong pagdami ng mapaminsalang epekto ng mga kalamidad sa ating bansa.

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

Tiis-Unlad S

Reymark Pacho

a pagdaan ng panahon , ang patuloy na pag-unlad ay maituturing na isang hudyat ng pagbabagong hated ng pakikibaka ng Pilipinas sa iba pang bansa. Sa kabila ng ating pag-ungos, nananatiling naiiwan ang ating edukasyon. Masasabing maunlad ang Cavite National High School ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami na ang paaralang ito na siyang nangunguna sa usapang akademiko’y humaharap sa pagkukulang sa mga silidaralan. Nakalulungkot na ang natatanging solusyon sa problemang ito’y maaaring maglagay sa ating kaligtasan sa alanganin. Aabot na sa isang taon ang paggamit sa isa sa mga covered court bilang pansamantalng silong ng iilan sa mga pangkat sa baitang 9 at 10. Ito’y nagsimula nang ipagiba ang mga lumang silid-aralan upang patayuan ng mga bago at matataas na gusali. Nakadidismaya na sa ating pagpasok ng paaralan, ang iilan ay walang silid-aralan na madaratnan. Nakababahala na ang lugar kung saan mananatili ang mga mag-aaral ng higit na kalahating araw ay nakabibingi ang ingay, magulo, at

salaula na hindi angkop para sa mga batang pumasok upang matuto at mapaunlad ang sarili. Kasalukuyang pinupunan ng paaralan ang kakulangan sa silidaralan. Ang agarang pagpapatayo ng gusali na nagpapakita ng madaliang pagaksyon ng mga tagapangasiwa ay nakatutuwa upang matuldukan ang paghihirap ng mga mag-aaral na hanggang sa ngayon ay nagtitiis sa kanilang mga pansamantalang silid. Ngunit nakaaalerto na ang pagpapagawa ng mga naturang gusali ay natapat sa panahon ng pasukan. Ang mga naglalahikang bato at sasakyang pangkonstruksiyon ay maaaring magdala ng panganib lalo sa mga mag-aaral na malapit sa sakop ng paggawa. Ang layunin ng pagpapatayo ng gusali ay kayang-kayang unawain ngunit kung ito’y magiging banta sa atin, nangangailangan na angkaligtasan pa rin ang unahin. Higit 50 mag-aaral ang nagdurusa sa kawalan ng silid-aralan. Maliit na bagay kung tutuusin ngunit malaki ang magsisilbing epekto sa kanilang pag-aaral. Determinasyon at tiyaga ang kanilang baon sa kabila ng paghihirap na kanilang dinaras na. Konting tiis para sa ngalan ng pag-unlad.

Dokomento Yeoj Enna Enriquez

Habulan

akararanas ang Pilipinas ng N humigit kumulang 20 bagyo kada taon. Hindi maiiwasan na sa

pagtama ng bagyo sa ating bansa ay magkakaroon ng pagsuspinde ng klase sa mga lugar na higit na maaapektuhan nito. Kung kaya’t hiyawan at ngiting abot langit ang masisilayan mula sa mga mag-aaral sa tuwing lalakas ang ulan ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan ang kawalan ng pasok ay atin ring pagdudusahan.

Ang edukasyon maging ang oras o panahon ay kapwa maihahalintulad sa ginintuang kayamanan. Mga weather update mula sa iba’t ibang istasyon sa telebisyon at radio, at mga post mula sa mga Facebook page ng mga opisyal ng bawat distrito ang mga pinakaaabangan ng lahat lalong lalo na ng mga magaaral sa tuwing mayroong pumapasok na bagyo sa ating bansa. Kung lumalakas ang ulan at hangin, magsasaya na ang

Bukas na Liham Mahal naming Punongguro,

Mapagpalang araw po sa inyo! Kami na mga mamamahayag ng “Ang Cavitenan” ay nais kunin ang inyong atensyon hinggil sa mga nagdaang pangyayari kung saan tinaguriang “CNHS Water Park” ang ating paaralan. Naging kapuna-puna na sa tuwing may dumaraang bagyo o habagat na may dalang malalakas na pag-ulan, mabilis na napupuno ng tubig ang paligid ng ating

mga mag-aaral ‘pagkat ibig sabihin nito’y wala nang pasok kinabukasan o kung hindi man nag-anunsyo ng pagsususpinde ng pasok ay maririnig ang mga hinaing tulad ng “Gov, baka naman” sa kagustuhang mabawasan ang araw sa paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa, habulan ang resulta. Kalahati palamang ng taong pampaaralan ngunit umaabot na sa isang buwan ang panahon ng walang pasok sanhi ng pananalasa ng iba’t ibang bagyong tumama sa Cavite. Dahil dito, nangangailangang tumakbo ng mabilis ang mga mag-aaral pati na rin ang mga guro upang mahabol ang mga leksyon at talakayang nabigong ituro gawa ng pagsuspinde ng mga klase. Nakalulungkot dahil naaabala nito ang iskedyul ng paaralan higit lalo ng mga guro. Sa kabila ng saya dulot ng bawas oras sa paaralan ay bungad naman sa pagdating ng pasukan ang tambak tambak na gawain na nararapat kumpletuhin. Hindi dahilan ang bagyo upang maantala ang pagpapasa ng mga kinakailangan para sa pag-aaral. Nakaaawang tingnan na napipilitan ang mga mag-aaral na tapusin ang kanilang gabundok na gawain sa maiksing oras lamang upang umabot sa deadline ng pagpapasa. Hindi lamang mga mag-aaral ang nagdurusa sa tag-ulan pati ang mga guro ay aligaga rin sa panahong ito. Masasabing mas mabilis pa nga ang

kanilang takbo upang habulin ang mga leksyong plinano na nila sa mga takdang araw na sa kasamaang palad ay sinuspinde ang klase. Sila rin ay namomroblema sapagkat kung ang pagtuturo ay mamadaliin upang maibalik ang itinakdang iskedyul ay malamang sa malamang ay mahihirapan ang bata upang matuto ng lubusan. Bilang tugon sa problemang paulit-ulit na lamang na ikinakaharap sa panahon ng bagyo ay nakabuo na ng solusyon ang iilang mga guro upang sila pati ang kanilang mga mag-aaral ay hindi mahirapan dahil sa suspensiyon. Dahil marami ang nakagagamit ng mga social media sites tulad na lamang ng Facebook, naging daan ito upang maipadala sa mga magaaral ang mga leksyon at mga learning material na kanilang kakailangin sa mga talakayang nabigo nilang isagawa. Nakatutuwa na sa pamamaraang ito, hindi nasasayang ang oras ng walang pasok at natututo ang bata sa bahay nang ligtas. Hindi masisisi ang sinuman sa natural na mga pangyayari tulad ng bagyo na sanhi upang maantala ang pag-aaral sa paaralan ng bawat isa sapagkat ating pakatandaan na ang ating kaligtasan ang nararapat unahin sa lahat ng pagkakataon dahil ang mga leksyon ay kaya nating habulin ngunit ang buhay ay hindi na kayang mabawi pa.

covered court. Sa mga ganitong kaganapan, marami sa aming mga kapwa estudyante at maging ang ilan sa aming mga guro ang nahihirapang dumaan sa paligid nito. Marami rin ang nakapagsasabi na nagmimistulang resort or malaking swimming pool ang lugar ng covered court tuwing umuulan nang malakas. Dagdag pa rito, hindi rin nakaligtas ang naturang pangyayari sa mapaglarong isipan ng iilan. Kumalat sa social media ang mga edited pictures ng covered court at kasama

ang hashtag na #CNHSWaterPark. Umani ito ng maraming likes at nagviral pa sa social media. Nagtanong-tanong kami at aming napag-alaman na isa sa mga maaaring dahilan ng mabilis na pagbaha sa area ng covered court ay ang pagtaas ng lupa sa bahagi ng ginagawang Grand Stand. Bunga nito, ang tubig na naiipon sa mataas na lupa ay pumapasok at naiipon sa loob ng ating paaralan. Maliban pa rito, nakita namin ang kawalan ng posibleng pagdaluyan ng naipong

SULYAP SA PANGARAP. Isang out of school youth ang pinagmamasdan ang isang pulutong ng magaaral na tila ninanais niya rin na makapag-aral. Johan Villanueva

tubig ulan. Nakatatawa man isipin sa una, ngunit hindi rin natin maitatanggi ang bantang dala ng mga ganitong kaganapan. Maaari itong maging dahilan ng pagkaka-antala ng mga klase malapit sa covered court at maging ng pagkaka-aksidente ng mga estudyante at gurong dumadaan sa lugar na ito. Bilang ang pangunahing iniisip ay ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kaguruan ng ating paaralan, humihiling po kami na

masolusyunan ang ganitong pangyayari. Sa ngayon ay wala pa namang nasasaktan o napipinsala dahil sa pangyayari. Nawa’y maaksyunan ito agad nang sa gayon ay maiwasan na humantong sa hindi kanais-nais na sitwasyon. Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon. Ang Caviteñan, 2018-2019


ANG CAVITEÑAN

L

LATHALAIN

SUPERMANGGAGAWA: Kagalakan sa Gitna ng Paghihirap Sherry May Perez

DON’T JUDGE A FOOD BY ITS COLOR:

Pansit Pusit NG MGA CAVITEÑO Sherry May Perez

Paul Christian Salme

arahil ay narinig niyo na ang MNagmula pansit na tanyag sa Silangan. pa sa Silang Cavite ang

akas ang pagod na nananalaytay B sa kaniyang katawan. Kasabay ng pagtaya sa tirik na araw ay ang

sakripisyo niya upang maitaguyod ang pamilya. Siya si Dark Ace Alaghay, 26, isa sa maraming manggagawa ng mga gusali sa ating paaralan. Kasiyahan raw ang umaapaw sa kaniyang damdamin habang isinasagawa ang mga gusali ng kaniyang dating paaralan. “Masaya, kasi yung pinagdaanan ko noon habang nag-aaral ako, naaalala ko lahat, tapos ngayon, yung dati kong pinapasukan ako na ‘yung gumagawa ng gusali sa sarili kong paaralan,” Batid pa niya. Malugod din niyang tinatanggap ang bawat hamon

para sa kaniyang pamilya sapagkat sila raw ang kaniyang inspirasyon upang ipagpatuloy ang buhay. Tatlong taon na ang nakaraan simula noong nagtrabaho siya sa konstruksyon. Minsan pa ay nakararamdam ng pagod ngunit hindi ito alintana sapagkat hindi niya nais ang sumuko. “Nakakainggit nga ‘yung mga estudyante ngayon, kasi habang nag-aaral ako noon hindi ganito kaganda ang paaralan. Yung ibang gusali hanggang first floor lang. Kaya masuwerte talaga sila,” dagdag pa niya. Natural na raw sa ilang mga mag-aaral ngayon ang pagsasagawa ng “vandalism” kaya minsan ay nalulungkot sila sapagkat hindi ito

binibigyang halaga ngunit wala naman silang magagawa. Sa lahat ng kaniyang pinagdaanang hirap noon, para raw itong napalitan ng magandang bunga. Nagagalak siyang makatulong sa mga gawain sa kaniyang dating pinapasukang paaralan. Kung kaya’t ginagawa niya at ng iba pa niyang kasamahan ang lahat upang mapaganda pa ito sapagkat gusto niya ang kaginhawaan at kasiyahan para sa mga mag-aaral. Ang tanging ala-ala na hindi niya malimutan noon ay kaniyang ipinapagpatuloy at binibigyang kulay ngayon. Ginugunita ang masasayang ala-ala sa nagdaang panahon upang gawing inspirasyon sa pagpapatuloy ng kaniyang buhay.

Team Leader. Ngunit katulad ng isang teleserye, kailangan mo munang dumaan sa butas ng karayom para maabot ang minimithing ambisyon. Ito ay dumaan sa napakaraming pagsubok at minsan pa nga’y nais na lamang sumuko sa buhay pero dahil sa katatagan ng loob ay nagawa pa ring maging positibo ang pananaw at ituloy ang laban ng buhay. Bitbit ang angking talento ay pinasok niya rin ang mundo ng hosting sa mga debut, kasal, children’s party at marami pang iba-ibang malaking tulong sa kaniya bilang isang breadwinner ng buong pamilya. Bunsod ng matinding pagsisikap sa buhay katulong ang pagtawag sa Panginoon ay isa na siya ngayong Manager ng Jollibee na malamang ay isang malaking opurtunidad sa sarili para maabot ang tugatog ng tagumpay. Tunay nga namang isa siyang magandang ehemplo sa bawat isa upang magpursigi at tanggapin ang bawat hamon sa buhay Bukod sa kaniyang trabaho ay isa

rin siyang mabuting anak na may simpleng pangarap para sa buong pamilya. Isang anak na binuhay ang sarili ng mag-isa, nagsusumikap makapag-uwi lang lagi ng pagkain para sa pamilya at pinasok ang iba’t-ibang trabaho upang matustusan lamang ang pangangailan nila, malamang ay sapat na iyon upang maranasan niya ngayon ang hitik ng pagtatagumpay sa bawat dugo at pawis na kaniyang inalay. Larawan siya ng isang INSPIRASYON sa bawat indibidwal na hindi hadlang ang kahirapan o kung gaano man kasalimuot ang kinalakihang pamayanan at pamilya upang tumigil na abutin ang pangarap. “Hindi kasalanan ang maging mahirap, ang kasalanan ay mamatay kang mahirap”, iyan ang siyang tumatak sa kaniyang puso’t diwa noon dahilan upang maging inspirasyon na siya ngayon. Inaasahang makakapagtrabaho na ito sa ibang bansa at doon na planong makapang-asawa.

Asiong’s Filipino Restaurant na kung saan tanyag ang pinakamasarap na Pansit Pusit sa buong lalawigan. Ayon kay Sonny Lua, nagmula raw ang Pansit Pusit sa kaniyang maternal grand mother na si Lola Intang. Kapag marami ang pusit ay ginagawa nila itong “Pusit Sotanghon” ngunit maaari ka rin namang gumawa ng iyong sariling pansit sa iba’t-

Hirap at Sarap: Kuwento ng Tagumpay Ezekiel Escobar

uwag sumuko, harapin ang “H tunay na realidad ng buhay at magsumikap sa lahat ng bagay,” iyan

ang mga katagang bumalangkas sa bibig ng isa sa mga matagumpay ng maituturing sa kaniyang larangan ngayon. Tibay ng loob at pananampalataya sa Diyos ang siyang naging puhunan ng 26-anyos na si Ronnel Buena Casaway matapos magbunga ang kaniyang mga pinaghirapan sa nakalipas na mga taon. Nakapagtapos sa Cavite National High School at nagpatuloy sa pagaaral sa kolehiyo sa STI College upang kumuho ng kursong Hotel and Restaurant Services at Culinary Arts. Ito marahil ang siyang nagdala sa kaniya sa unang hakbang sa pag-abot ng pangarap. Hindi nagpatinag si Ronnel sa matinding kahirapan bagkus ay ginamit niya ito bilang motibasyon sa buhay na magsikap kung kaya’t pinag-aral ang sarili sa tulong ng pagtatrabaho sa Jollibee bilang isang

Mga salitang hango sa wikang balbal:

Iba’t-ibang uri ng MABISANG PAMBARA Sherry May Perez

aranasan mo na bang N makipagkwentuhan sa iyong kapatid, kamag-aral o kaibigan? ‘Yung

tipong kakausapin mo ng maayos pero pasimple kang babarahin ng hindi mo namamalayan? Narito ang iba’t-ibang uri ng mga salitang pambara: Share mo lang (SML) - Ito ang pinakatanyag sa lahat. ‘Yung tipong magkukwento ka ng seryoso tapos ang isasagot sayo ay “Share mo lang?” Ha? Hatdog - Ito ‘yung pag hindi mo narinig ang sinasabi ng iyong kausap. Bigla bigla ka na lamang babarahin at sasagutin ng “Ha? Hatdog!” Mama mo - Marahil ay pamilyar din sa inyo ang katagang ito. Ito naman ang uri ng “pambara” na kadalasang ginagamit kapag wala kang mapangasar sa kaibigan o kamag-aral mo. Yung mga sandaling magbabarahan kayo tapos ang isasagot sa iyo ay “Mama mo!” Sino? Kausap mo? - Ito naman ‘yung tipo ng pambara na kung saan ay magkukwento ka tapos ang sasabihin sa iyo ay “Sino?” at idurugtong ang mga katagang “Kausap mo?” kapag tapos ka na magkuwento na para bang sinasabi nila na wala ka namang kausap ngunit bakit ka pa nagkukwento. Ang mga salitang ito ay maaari na din maihango sa wikang balbal.

Ang balbal ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita. “Sa ngayon kasi, normal na sa amin yung mga ganung salita kasi nga nauuso siya sa social media. Pero minsan, nakakainis na at nakakawalang gana magkuwento kasi seryoso ka na tapos iyon ang isasagot sayo. Para bang nawalan ka ng karapatan para magkuwento dahil sa mga sinasagot nila sa iyo.” Sabi pa ng ilang mag-aaral na nakararanas nito. Nakakatuwa pa gamitin ang mga salitang ito kapag bagong rinig sa tainga ngunit habang tumatagal hindi na ito magandang pakinggan. Subalit ano nga ba ang epekto nito sa mga taong mahilig mambara? Sabi ng iilan sa kanila, minsan ay hindi na sila kinakausap ng kanilang mga kaibigan at kamag-aral sapagkat naiinis raw ang mga ito sa kanilang ginagawa. Minsan naman ay binabara na rin sila pabalik dahil sa inis at ang pinakamalala, binabalewala na lang ang kanilang mga sinasabi kahit pa dumating na sila sa sitwasyong sila na ay seryoso. Malaking kabawasan sa kanila

ang paggamit nito. Ang epekto’y mas lalong lumalala kung kanila pang ipagpapatuloy. Dahil sa kasanayan, pati mga nakatatanda ay sinasabihan na rin nila ng ganito. Marahil para sa iilan, ito ay katuwaan lamang ngunit para naman sa iba ito ay hindi na tama. Nag-babago lamang ang pananaw at pagtanggap ng mga tao sa mga salitang ito batay sa sitwasyon. Sabi pa nila, kung seryoso ang usapan marapat lamang na seryoso at maayos din ang sagot at kung ito naman ay pangkatuwaan, pwede itong gamitin. Minsan din ay nagdudulot ito ng pag-aaway o kaya naman ay hindi pagkakaintindihan. Mayroon kasing mga estudyante na hindi mabilis mapikon sa mga asaran ngunit ang iba naman ay maubusin talaga ang pasensiya. Ngunit kung iyong titignan, ang nakagawiang ito ay hindi na dapat pang sanayin sapagkat ito ay maituturing na mali. Para sa iba, simula noong ito’y mauso, wala na raw silang matinong makausap. Hindi ipinagbabawal ang paggamit nito ngunit dapat lamang ilugar ayon sa sitwasyon upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Dahil kung ito ay hindi maiiwasan o kaya naman ay matigil, baka mas lalo pang lumala ang mga sitwasyon. Imbis na katuwaan lamang ay nagdudulot pa ng hindi magandang samahan.

maliit kung

ibang pamamaraan. “Hindi lang siya yung masabaw na ulam na pusit sotanghon, ginawa niya rin yun na magmukhang pansit siguro dahil nagkakaroon ng over-fishing. Hindi na namin siya masyadong naipepresent sa public hanggang halos makalimutan na ito ng mga young generation.” dagdag pa ni Lua. “So para mas maappreciate siya ng makabagong panahon ngayon, ang ginawa namin ay inumpisahan na namin siyang gawing pansit pusit,” Dagdag pa niya. Dahil nga sa dinami-rami ng mga putahe ng pansit na nauuso sa panahon ngayon, nalimutan na ito ng nakararami ngunit gumawa sila ng paraan upang ito’y maalala at lubos pang makilala. Ang pansit pusit ay sinahugan ng tinta ng pusit at iba’t ibang uri ng gulay. Tunay nga itong masustansya, subalit kinaaayawan ng iilan dahil sa kulay nito. Sabi nga nila, “Don’t judge a book by its cover” at ang isinisigaw naman nila ay “Don’t judge a food by its color” sapagkat ang pansit pusit ay hindi lamang masarap at masustansya, ito rin ay nangangahulugan na maitim man sa paningin, tiyak na nakabubusog pa rin.

PAGMAMALAKI

Sherry May Perez

ng ating katawan ay templo ng A Panginoon kung kaya’t ano mang anyo, kulay hugis o laki ay maituturing

na hindi kamalian. Subalit ang mundo’y binabalot ng panghuhusga. Ito nama’y ating pilit na nalalagpasan. Ano nga ba ang dahilan? Habang ang iyong mga mata’y nililibot ang kagandahan ng paaralan marahil ay minsan mo na siyang nasilayan. Munting mag-aaral kung ituring dahil sa kaniyang pisikal na kaanyuan. Siya si Jomari Alepante mag-aaral mula sa Baitaing 10 - Marcelo H. Del Pilar. Kung siya’y inyong titignan, hindi normal ang kaniyang taas kapag ikinumpara sa iba. Minana niya raw ang kondisyon niyang ito. Bakas sa kaniyang mukha ang pangamba sa mga susunod pang yugto ng kaniyang buhay. Samot saring pangungutya ang naririnig niya mula sa tinig ng mga taong mapanghusga subalit hindi na raw ito ang mahalaga. Sa kabila ng kaniyang mga naranasan mas nangibabaw pa rin ang kaniyang kasiyahan. Maliit man kung ituring ay ganoon naman siya ipagmalaki ng kaniyang mga kaibigan. Mga tunay na kaibigan na ang hangad lamang ay ang makabubuti para sa kaniya. Hindi raw naging hadlang para sa kaniyang mga kaibigan ang kaniyang kondisyon sapagkat hindi nila nais iparamdam kay Jomari ang pagiging iba nito sa kanila. Masipag rin siyang mag-aral at nangibabaw ang pagtitiyaga sa diplomang nais niyang makamit. Pagsama-samahin man ang mga taong patuloy pa rin siyang kinukutya, mayroon siyang tiwala sa kaniyang sarili na hindi ito magiging dahilan upang hindi na niya ipagpatuloy ang hamon sa kaniyang buhay. Masakit sa pakiramdam ngunit mas pinipili niyang hindi na lamang ito pakinggan dahil alam niya sa kaniyang puso’t isipan na wala siyang tinatapakan. Hindi naging hadlang ang kaniyang kondisyon upang ipagpatuloy ang nasimulang paglaban. Pilit mang minamaliit ng iba, ginamit naman niya ang kaniyang malaking puso at malinis na kalooban bilang depensa. Ang kaniyang ipinakitang kabutihan at kasipagan ay tunay ngang kahangahanga. Hangga’t kayang pagsumikapan ang pag-aaral ay kaniyang ginagawa. Hangga’t kayang tiisin ang mga pangungutiya, ito na lamang ay kaniyang binabalewala sapagkat wala

naman raw itong mabuting maidudulot sa kaniya. Para sa kaniya, hindi sa panghuhusga ng mga taong nasa kaniyang paligid magtatapos ang lahat bagkus ay sa lakas ng loob upang harapin at malagpasan ang mga ito. Masalimuot man ang mga karanasan na kaniyang napagdaana’t dumating sa puntong pagsuko na lamang ang tanging paraan ay hindi niya ito ginawa. Pinatunayan niya na kahit nasa ganoon siyang kondisyon ay kaya niya pa ring makipagsabayan sa kaniyang mga kaibigan at kamag-aral. Isang munting mag-aaral na ang nais lamang ay normal na buhay at magandang kinabukasan. Siya si Jomari, nagsilbi mang teleserye ang kaniyang buhay ngunit sa ipinakita niyang lakas at tapang na taglay, ang kaniyang kuwento’y magwawakas ng may ngiti sa labi at puno ng kulay.


10

lathalain

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

Bagyo at Ako:

Mga aral mula sa sama ng panahon Sherry May Perez

agmula sa pinakamahusay na pangkat…” at doon ko unang narinig ang aking pangalan. Rumampa “N sa entablado’t sinabitan ng medalya kasabay ng paghawak sa kamay ng aking pinakamamahal na ama. At doon, doon ko rin narinig ang unang patak ng ulan. Mulat na ako sa katotohanang magiging bagyo ang aking buhay habang lumilipas ang panahon. Dito rin nagsimula ang ikalawang patak na nanggaling sa kalangitan. Ikalawang patak na nagsasabing ito’y simula pa lamang. Sariwa pa sa aking ala-ala ang tamis ng nakaraan. Sa ika-anim na baitang ay ang hudyat ng aking pagtatapos. Suot ang aking toga, narito na naman ako sa puntong kinakabahan habang umaakyat sa entablado’t hindi lamang medalya ang matatanggap kundi pati diploma. Sa araw ng aking pagtatapos, hindi ko lamang narinig, naramdaman ko pa… ang ikatlong patak ng ulan. Sa patak na ito ay aking napagtanto na marami pa pala akong mapagdadaanan, na ang buhay ay hindi pala ganoon kadali. Sekondarya, dito naman nagsimula ang ikalawang yugto ng aking pag-aaral at ang ikaapat na tubig mula sa itaas. Dito ko naranasan ang pagkatutong tumayo sa kabila ng maraming pagkadapa. Dito ko natuklasan ang iba’t-ibang bagay na maaari ko pa palang matutunan. Dito ako binubuo ng aking pagkasino sa pagtuklas ng totoong ako. Dito ako lumaban ng may paninindigan at hindi na naging alintana ang pagsuko sa napakalakas na bagyo ng aking buhay. Sa kabila ng aking mga naranasan, dito ko naman nakita ang lagusan patungo sa ikalimang patak. Isang taon na lamang ay magtatapos na ako ng Sekondarya. Dito bumuo sa aking isipan na magiging sapat lamang ang una hanggang ikalimang patak kapag hindi ako nagpatalo sa bagyong pilit na sumisira sa akin. Kaya’t narito ako, tinatahak pa rin ang mga susunod na patak ng ulan. Mga patak na nagpatibay, nagpapatibay at magpapatibay pa sa akin. Ako ay kawangis ng Poong Maykapal, matapang na tinatanggap ang bawat bagyong darating sa aking buhay.

Birhen ng Soledad ng Porta Vaga:

Pambansang Yamang Pangkalinangan Ezekiel Escobar

ung titignan ang balangkas K ng pananampalataya ng mga Kabitenyo ay sadyang masasabi

niyo na isang malaking parte na ng kanilang buhay ay ang mamanata sa dambana ng Mahal na Birhen kung kaya’t ‘di mabilang na biyaya ang naging kapalit nito sa bawat isa. Ayon sa kasaysayan, bago pa man makuha sa baybayin ng Cavite ang larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad, nagpakita raw ito sa isang sundalong Kastila na bantay sa pintuan ng Porta Vaga. Natagpuan ang kaniyang naka-kuwadradong larawan sa dalampasigan ng Canacao sa lalawigan ng Cavite noong mismong araw na nagpakita umano ang Mahal Na Birhen. Nakita naman sa likod ng kuwadrado ang sulat ni Juan Oliba na mayroong petsang Abril 12, 1692 na may paniniwala na ang nasabing petsa na nakatala ay ang araw na iniluklok ang dambana ng Ermita Porta Vaga. Kilala rin ito sa tawag na “Reina De Cavite” at “Luz de Filipinas” o Reyna ng Cavite at Ilaw ng Pilipinas. Ang larawan ng La Virgen de la Soledad de Porta Vaga ay ang pinakamatandang larawan ng Mahal na Birhen sa

buong Pilipinas. Itinuring ito na isang napakahalagang kayamanang ipinamana ng kanilang mga ninuno. Ang dambana ng Mahal na Birhen ng Soledad ay nasa simbahan ng parokya ni San Roque o mas kilala sa tawag na “San Roque Parish Church” dito sa Lungsod ng Cavite. Kaya naman, isang malaking karangalan at pagkakataon para sa Lalawigan ng Cavite na maideklara ito bilang National Cultural Treasure, ang pinakamataas na karangalang maaaring ibigay ng pamahalaan sa kayamanan ng ating bansa. Marahil ito ay isang malaking tulong rin upang mabigyan ng alaga’t proteksyon an gating Mahal na Birhen. Sa tulong ni Mr. Arnaldo, ang kasalukyang Internal Vice President ng Cofradia dela Virgen dela Soledad at ng Cofradia at simbahan ng San Roque sa pangunguna ni Fr. Dominador Medina ay pormal ng maisasakatuparan ag kanilang mithiin na mahirang ang Mahal na Birhen bilang National Cultural Treasure. Hindi diumano nagging madali para sa kanila ang nagging proseso ng pagdedeklara lalo na’t dumaan sila

LAKBAY PAGOD Ezekiel Escobar

alaki pa sa malaki ang dalang M pasanin ng mga estudyante higit lalo na sa pagkamit ng mga inaasahan

sa kanila ng mga magulang. Matapang nilang lalakbayin ang matinding sakripisyo at paghihirap upang hindi lamang mabigo ang mga taong umaasa sa kanila. Matanong ko lamang kayo, sa kabila ba lahat ng inyong mga natamo ay nakaramdam ka ng tunay na kasiyahan? Sa lahat ba ng mga medalya at sertipikong iyong natanggap ay nakaramdam ka ba ng tunay na kaligayahan? Narito ang isang paglalakbay ng mag mag-aaral ngayong henerasyon Fort Sakripisyo. Ito ang unang destinasyon ng kanilang paglalakbay, dito nila naranasan na ibigay ang kanilang buo at natatanging lakas sa lahat ng mga gawaing pampaaralan. Katulad na lamang ng mag-aaral ng STEM 11 na si Lea Jelizabeth Pico na dinala ang karanasan at mga natutunan noong Batang 10 upang hindi mahirapan sa hamon ng Senior High School. Dito niya rin nailabas ang angking talino at talento sa mga piling pagkakataon. Magiting Monument. Ito naman ang ikalawang lugar na kanilang pinuntahan, dito sila nagmimistulang bayani sa pag-aaral huwag lamang makakuha ng mababang marka -tiyak na kagagalitan sila. Katulad na lamang ng mag-aaral ng ABM 12 na si Meriel Asia Palomares na nagpapakapuyat sa pag-aaral ng iba’t-ibang leksyon at

nagpapakabayani sa paggawa ng mga proyekto para lamang makamit ang ninanais na grado. Tunay lamang na may kasingtaas ng isang monumento ang kaniyang hangarin sa buhay. Depression Park. Ito naman ang ikatlong hantungan ng mga estudyante na imbis saya ng parke ang maramdaman ay kasukdulan sa kanilang pag-aaral ang nakakamtan. Kung mabigo man sila sa pagkuha ng mataas na grado o matalo man sa sinalihang kompetisyon ay asahan na ito’y kanilang didibdibin pagkat alam nilang hindi magiging masaya ang kanilang pamilya lalo na’t ng kanilang mga magulang. Sa lugar na ito personal kong naranasan ang matinding kalungkutan na minsan kong hindi makamit ang “Wth High Honors” noong Baitang 9, tunay nga naman kapag may pinapatunayan ka ay gagawin mo ang lahat para lamang maging masaya sila. Sa kabuuan, matatawag ring bayani ang mga estudyanteng ito na siyang ginagawang tahanan ang pagaaral at nagsisikap ng maigi maabot lamang ang kagustuhan ng kanilang mga magulang. Sadyang nagiging masama lamang ito kung pinpilit ang mga sarili sa hindi nila kayang gawin na hindi man lang nakakaramdam ng angking kaligayahan sapagkat, pagdating sa pag-aaral, hindi lamang kaalaman na natututunan ang mahalaga bagkus ang sariling kasiyahan ay dapat ring maipadama.

sa napakaraming hakbang katulad ng pagsusumite ng petition, pagsasagawa ng public hearing, pagpunta ng mga eksperto sa San Roque Church upang pag-aralan ang naturang Birhen, at mabusising deliberasyon. Ayon kay Mr. Arnado, napili nila ang Mahal na Birhen dahil sa mayamang kultura at tradisyon ng pananamalataya at debosyon ng mga Kabitenyo at ang walang katapusang pagmamahal nila dito. Bukod ditto ay isa rin sa mga dapat nating saksihan ay ang tatlong importanteng pangyayari sa ating bansa para sa nalalapit na pagsasara ng Jubilee patungkol sa 350 taong anibersaryo ng Mahal na Birhen. Ito ay ang pagpapalit ng pangalan ng San Roque Parish, Pormal na Deklasyon sa Mahal na Birhen bilang Natural Cultural Treasure sa Nobyembre at ang Pontifical Coronation na pangungunahan ni Pope Francis. Sa lahat ng ito, masasabing tunay na pinagpala ang Cavite sa yaman ng kultura at tradisyon na siyang maipagmamalaki sa buong bansa. Kaya sana ay hindi matapos ang pagmamahal at pananampalataya

ng mga Kabitenyo sa ating Mahal na Birhen. Nawa’y maging inspirasyon ang titulo nito upang mas paigtingin pa ang ating debosyon nang maipasa sa susunod na henerasyon.

ESTUDYANTE TYPES Kuhang larawan mula sa Reina de Cavite: La Virgen de Solidad de Porta Vaga (Pajina Oficial)

Ezekiel Escobar

awat sulok ng paaralan ay makikita B ang iba’t-ibang uri ng estudyante na may mga sariling pananaw,

kaisipan at ginagawa, kaya’t hayaan niyo akong ibigay sa inyo ang limang uri ng estudyanteng kalimitang nangingibabaw ngayon sa aking mga mata. Bungo’t Bangag. Mga estudyanteng mala Jose Rizal ang datingan, gagawin ang lahat para makakuha lang ng mataas na markha. Puyatan sa paggawa ng project na animo’y lumalaklak ng isang litro ng kape basta’t makapagpasa lang ng sobrang ganda, patibayan rin sila katawan lalo na’t sumulpot ang tambak-tambak na activities o gawain sa silid-aralan at higit sa lahat ay patalasan din sila ng isip sa matindihang review sa darating na exam- ilang mga

bagay na nananalaytay sa kanilang katawan. Kalimitan ay sinasabing “mamaw” dahil sa tindi ng kanilang pagsisikap at talinong taglay. Clashers. Sila naman yung mga mag-aaral na napasok lang sa eskuwelahan upang lumaban sa iba’t-ibang kompetisyon, wari ba’y ito na ang kanilang pangmatagalang kagustuhan. Kanta dito, Physically Present but Mentally Absent. sila naman yung mga estudayanteng complete attendance pero laging nasa kawalan ang utak sa loob ng silid aralan. Tila ba nag iisip kung ano ang ulam nila mamaya, kalian magrereply ang mga jowa nila at kung kalian kaya matatapos ang walang kwentang pagtuturo ng guro nila.

Walwalan to the max. Sila naman yung mga estudyanteng taliwas sa Bungo’t Bangag sapagkat sila naman yung mga tipo ng estudyante na walang pag iintindi sa pag aaral o pinapagawa ng guro sa kanila. Tapos ng klase ay diretso inuman o di kaya’y galaan. Yung iba naman ay tambayan lang ang hantungan at pakikipag usap ng buong magdamag sa kaibigan ang libangan. Iba’t-ibang uri ng estudyanteng bumubuo ngayon sa isang paaralan, alam kong kulang pa iyan pero isa ka ba sa mga estudyanteng iyan?

Tampok-Pasyalan Ezekiel Escobar

Kung mapapadpad ka sa Lungsod ng Cavite ay hindi mo dapat kaligtaang puntahan ang isa sa mga pinakamagandang pook-pasyalan dito na siyang matatagpuan sa gilid ng monumento ng Trese Martires. Tinatayang 500 metro ang haba at may 15 metro naman ang lapad ng Muralla na dating tinatawag na isthmus ng Rosario na talaga namang pang-masa ang datingan dahil sa inihahandog nitong malamig na simoy ng hangin, nakakapawing problemang tunog ng dagat at nakamamanghang tanawin sa paglubog ng araw, dahilan upang dagsain ito ng mga Kabitenyo

lalo na’t pagsapit ng gabi. Asahan na magandang lugar ito sa mga magkakaibigan, magkakapamilya at magjowa upang magmuni-muni at damhin ang gandang ibinibigay nito. Kung nakaramdam ka naman ng gutom ay nagkalat rin sa Muralla ang iba’t-ibang mga stalls katulad ng mga ihaw-ihaw, milkshake, takoyaki, siomai at marami pang iba. Bukod diyan ay maganda rin itong lugar upang kumuha ng mga litrato na talaga namang pang instagram ang datingan. Isa rin sa mga hinahanggan dito tuwing gabi ay ang mga nakahilerang poste ng ilaw na talaga namang

nagbibigay liwanag sa mahabang pasyalan ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay perpekto itong matitignan lalo na’t ang karamihan ay walang disiplina lalo na’t sa pagtatapon ng basura na kalimitan ay sa dagat pa at mga taong walang habas na nagsusulat sa mga sandalan o semento nito. Kung titingnan ay malaking bentahe ito sa Cavite City upang mangganyak ng mga turista ngunit sa ating mga Kabitenyo dapat na nagsisimula ang tamang gawain at obligasyon sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan at kagandahan nito.


lathalain

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

11

Sina Sir at Mam, Legends na rin! Ezekiel Escobar

a pagpasok ng makabagong henerasyon ay tiyak na asahang magsusulputan ang mga modernong kagamitan na malamang ay Skanang papatusin ng bawat indibidwal, partikular na ng mga “Millenials” at “Gen Z’s”. Kaakibat sa mga pagbabagong ito ay ang kaliwa’tpaglabas ng mga laro or mobile games na siyang mabilis na pumatok sa karamihan- wari’y totoong iisipin ng mga tao na

kakagatin lamang ito ng mga kabataan. Kung titignan ang kasalukuyang panahon at estado ng mga estudyante ngayon ay makikita mo na isa sa mga laro na matindi nilang kinahuhumalingan ngayon ay ang Mobile Legends. Tila ito’y isang paglalakbay sa buhay na kailangan mo munang dumaan sa butas ng karayom bago maabot ang tugatog ng tagumpay o nexus kung sa laro ang pagbabasehan. Noong taong 2016 ay nailabas ang larong Mobile Legends: Bang Bang o MOBA ng Shanghai Montoon na kung saan ay ang dalawang pangkat ay mag-uunahang sirain ang base ng kalaban kasabay ng pagdedepensa nila sa sariling base kung kaya’t naging patok agad ito sa karamihan, hindi lamang sa kabataan kundi maging sa mga matatanda rin. Nakaaapekto rin sa mabilisang pagkalat at pagtangkilik dito ay ang opisyal na paglagay ng karakter na si Lapu-Lapu sa laro na talaga namang masasabing bayani at dugong Pilipino. Halos umabot na nga sa 100 milyon ang gumagamit nito kaya’t masasabing madami ang naaadik at nalilibang sa larong ito. Ang siyang naging kakaiba sa larong ito ay hindi lamang kabataan ang ginawang sentro ng paglalaro, maging ang mga guro rin- talagang nakakamanghang isipin na sa kabila ng kanilang mga tambak tambak na gawain sa paaralan ay nakakahanap pa rin sila ng oras upang maisingit ang naturang laro. Isa na rito ay ang guro ng CNHS na si Christine Carl Mesa na mahigit kumulang dalawang taon ng nasakop ng larong ito. Inaabot siya diumano ng 30 minutos hanggang tatlong oras sa paglalaro ng MOBA na kaniyang naging takbuhan kapag nakakaramdam ito ng stress o gustong makapaglibang. Kalimitan siyang naglalaro nito tuwing bago pumasok at pagkatapos ng trabaho upang matiyak na hindi ito nakakaapekto sa mga dapat niyang gawin bilang guro. Ngunit, minsan ay hindi talaga maiiwasan na mapasobra ang paglalaro kaya’t ito’y nagdudulot ng masamng epekto sa kaniyang kalusugan katulad ng pangingimay ng kamay at sakit ng ulo. Sa kabila nito ay nakatulong din ang laro upang tumaas ang kaniyang strategy skills sa mga bagay-bagay na malamang ay maaaring magamit sa tunay na buhay. Isa rin sa mga gurong nahumaling sa larong ito ay ang 29-taong gulang na si Marvin Galban na katulad ni Ma’am Mesa ay dalawang taon na ring naglalaro. Mula isa hanggang anim na oras naman ang kaniyang inilalaan para malibang kung kaya’t nakakatulong ito upang mapawi ang kaniyang stress sa trabaho. Ang ikinaganda lamang dito ay alam niya ang priority at dapat unahin kung kaya’t kahit naglalaro ay hindi nawawala sa kaniyang isipan ang responsibilidad bilang isang guro. “Umatras kapag hindi na kaya, Lumaban hangga’t kaya pa”, ito ang bagay na kaniyang natutunan sa paglalaro ng MOBA na malamang ay naging dala na rin niya sa pangaraw-araw na buhay. Sa kabuuan, hindi masama ang paglalaro lalo na’t libangan ito ng karamihan, nasa sa atin na lamang kung hahayaan natin itong manipulahin ang ating mga sariling buhay at apektuhan ang ating tungkulin bilang isang mabuting mamamayan. Katulad nga ng larong “Mobile Legends” ay nawa’y magsimula sa ating mga sarili an g pagiging BAYANI!

Halina’t Maglakbay: Ang Cabag Cave ng Cavite Sherry May Perez

ago lamang ba sa inyo ang B salitang “Cabag Cave” na nagmula pa sa Silangan? Marahil

ang ilan sa inyo ay hindi pa ito kilala. Sabi nila, lahat daw ng kuweba ay may istorya. Mayroong ilan na

hindi komportable sa pagpunta dito samantalang para naman sa iba, ito ay isa sa mga pinakamasayang karanasan. Ang isa sa tatlong kuweba sa Cavite ay ang Cabag Cave at ito rin ang kilala o tinaguriang pinakatanyag sa tatlo na 50 kilometro ang kahabaan.

Marami ang turista na nais magpunta dito dahil sa pambihirang ganda at taglay nitong pagiging natural. “This natural wonder is beautified with the foliage surrounding the mouth of the cave and the pool of

Si Baklush: Nadapa, Bumangon at Lumaban! Sherry May Perez

a lahat ata ng baklang pangit, “S ikaw lang yung kalait-kalait, hala bakit?! Hahaha!” Bungisngis ng aming

mga kamag-aral sa bayot naming kaklase. Bakas sa kanyang mukha ang labis na lungkot at galit sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya. Siya si Lance, ang aking baklang kamag-aral noong elementarya. Lubos akong naaawa sa kanyang sinasapit tuwing papasok siya sa loob ng apat na sulok ng aming silid aralan at puro panlalait lamang ang kanyang nadadangog. Wari ko’y hindi ba siya nagsasawa? Araw-araw siyang nakikipagtalastasan sa aming mga kamag-aral upang ipagtanggol ang kaniyang sarili ngunit walang sinuman ang nais tulungan siya, maging ako. Marahil ay nagtataka kayo subalit isa lamang ang aking masasagot. Hindi ito isang teleserye na kung saan ang bida ang laging naaapi’t nasasaktan. Sa puntong ito, iba ang hanging dala

ng kanyang pagkatao at mas lalong hindi siya nagpapatalo sa kahit na sino. Natututo siyang lumaban habang siya’y niyuyurakan. Olats? Purita? Chaka? Iba’t ibang mga balbal na salita ang ginamit sa panghuhusga. Sinisigurado kong nasa bokabularyo na niya ang lengguwaheng iyan. Araw-araw mo ba namang marinig ay tiyak na masasanay ka na. Hanga lamang talaga ako sa kanyang tapang na labanan ang aming mga kamag-aral na walang ibang ginawa kundi ang manlait ng kapwa. Kahit saang anggulo mo tignan ay mali ang manghusga. Ano mang uri ng diyalekto’t lengguwahe, naiintindihan man ng nakararami o hindi, ang mali ay maituturing pa ring mali. Apat na taon na ang lumipas simula nang mangyari iyon ngunit sariwa pa rin sa aking ala-ala. Minsan ay nakikita ko siyang palakad lakad sa eskinita ng aming paaralan. Nais ko siyang tanungin, “Puritang Chaka, Musta Ka

Na?” ngunit umuurong ang aking dila sapagkat alam ko na ang tanging sagot. Masaya siya sa kanyang mga kaibigan at maaaring sa kanyang perspektibo, ito ang pinakamagandangpaghihiganti na kanyang naibigay, ang maging masaya sa kabila ng ala-alang puno ng panghuhusga. Nais ko ring palitan ang aking tanong mula sa “Puritang Chaka” patungo sa “Matapang na bakla, kamusta ka na?” Sapagkat iyon ang kaniyang ipinamalas. Subalit datapwat, malakas ang epekto ng iba’t ibang uri ng wika sa mundong ating ginagalawan. Nauunawaan man o hindi, marapat lamang na gamitin ito sa tama sapagkat ang ating wika ay simbolo ng ating buong pagkatao. Ano mang uri ng diyalekto ang gamitin sa masama, tiyak na tayo’y apektado.

natural water.” Ang pahayag na ito ay nagpapatunay lamang sa angking kagandahan na dala nito sa mga tao. Ang Cabag Cave ay may layong 40 kilometro mula sa Maynila at 11 kilometro naman mula sa Provincial Capitol.

Bago nga lang ito sa panrinig ng mga nakararami, ngunit magbabago din ang kanilang pananaw kapag ito ay kanilang nakita ng malapitan.

Talentadong Caviteñans Ezekiel Escobar

ung talento rin lamang ang pag‘K uusapan ay hitik ang mga batang Cavite High diyan !’

Tila nasa dugo na yata ng mga Kabataang Kabitenyo ang iba’t-ibang kakayahan at talento ngayon kaya’t narito ang ilan sa mga pinagmamalaki ng Cavite National High School sa iba’t-ibang larangan. Kung sayaw lang naman ang paguusapan ay bida diyan si Jervie Joie Famy ng HUMSS 12-C, kung saan ay nakatanggap na ng iba’t-ibang parangal sa mga kompetisyon na sinalihan nito katuwang ang grupong The Flipside. Ginamit nito ang sariling talento sa pagtuturo ng sayaw upang kumita ng pera at makatulong sa pamilya. Pagdating naman sa pag-guhit ay walang inuurungan itong si James Louise Andez ng STEM 11-A kung saan ay nakasungkit na ng labindalawang medalya dahil sa pagsali sa iba’-ibang patimpalak. Nagsilbi nitong inspirasyon ang pamilya at ang mga papuri ng tao sa paligid niya upang lalo pang paghusayan ang naturang kakayahan. Kapag tindi naman sa aktingan ang labanan ay si Franzene Gonzales naman ang dapat hangaan. Naipamalas na nito ang kaniyang angking galing sa pag-arte matapos makasungkit ng pagkilala bilang

pinakamahusay na katulong na aktres sa magkasunod na taon, bilang Doña Victorina sa El Filibusterismo at Chay sa maikling pelikula na ‘Rosas’. Sa pagdako naman sa galing sa pag-awit ay si Lady Bench Marquez naman ng Grade 10-Andres Bonifacio ang hinahangaan. Sa malamig na hagod na boses nito na nakakitaan na ng potensyal noong dalawang taong gulang pa lamang ay hindi na nakakapagtaka na siya ang naging kampyon sa ginanap na Match Camp Singing Contest at ikalawang pwesto sa Isahang Pag-awit sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Iniidolo nito sa pagkanta si KZ Tandingan, Moira Dela Torre at Adele. Pagdating naman sa paggawa ng tula ay si Aaliyah Marie Bastinen ang kinikilala. Dahil sa mabigat na naranasan nito noong nasa Baitang 9 siya ay ang pasulat ng tula ang naging kaniyang takbuhan upang ilabas ang kaniyang saloobin at hinanakit sa buhay. Dito niya ibinuhos lahat ng gustng sabihin sa lalaking pinaminahal niya noon ngunit iniwanan na siya ngayon , kung kaya’t sa paglipas ng panahon na nahasa ang talent nito ay nasungkit siya ang Unang Pwesto sa Paggawa ng Tula nito lamang Buwan ng Wika.


12

lathalain

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

Kulay DUGO sa labi ng mga BRUSKO Sherry May Perez

umarami na ang naiimbento’t nagiging tanyag na iba’t-ibang kolorete para sa karamihan. Isa na dito ang pinagkakaguluhang “liptint” na DNgunit ginawa para sa mga kababaihan. tila ba mayroong hiwaga ang tinta na ito at pati mga tunay na kalalakihan ay gumagamit na rin. Nakakapagtaka kung ituring subalit

ano nga ba ang pinakamalalim na dahilan? Naniniwala ang karamihan na isang dampi lamang nito’y tiyak na gaganda ka. Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtanong ako sa aking kamag-aral na si Jelo, wari ko’y ano nga ba ang benepisyo’t kagandahang dulot nito? Batid niya’y tumataas ang kaniyang kumpyansa sa sarili sa bawat dampi nito sa kaniyang labi. Kaya naman walang araw na hindi siya gumagamit nito sapagkat ito rin ang isa sa mga sumisimbolo ng kaniyang kagandahang taglay at bilang depensa sa mga taong humuhusga sa kaniyang pagkatao. “Ito na rin ang kasiyahan ko bilang isang mag-aaral. Kaya’t kung alam kong walang mali sa aking ginagawa, hindi koi to ititigil dahil ditto na rin ako sumasaya.” Dagdag pa niya. Hindi naman nagpahuli si Jonas mula sa ika-siyam na baitang sa paggamit nito. Tunay nga raw na nakakaadik ang paglalagay niya ng liptint sa kaniyang labi sapagkat sa tingin niya ito raw ay nakakaagaw ng pansin sa karamihan. Marahil ay para sa iba, ang paggamit nito ay para lamang sa pagporma ngunit hindi mo masisisi sa kanila ang pagkakaroon ng ibang pananaw dito. Katumbas ng kagandahang hatid ng “liptint” na ito sa panlabas sa kaanyuan ay magsisilbing replikasyon na marapat lamang taglayin ng kalooban. Ngunit ano nga ba ang papanaw ng mga kaguruan ukol dito? “Ang kabataan talaga ay mahilig mag-explore. Kung ano ‘yung mga bago tiyak na dapat talaga nilang subukan. Pero para sa akin, hindi pa rin siya magandang tignan. Hindi naman ako strikto bilang guro, sinasakyan ko naman mga trip nila at di ko naman pinagbabawalan ang mga estudyante ko pero kinakailangan pa rin talaga silang pagsabihan.” Ayon kay Ginoong Mark Millona. Tunay ngang maganda ang dulot ng koloreteng ito sa ating katawan ngunit hindi pa din maiaalis sa pananaw ng mga mas nakatatanda na ang paggamit ng mga kalalakihan dito ay hindi magandang tignan. Sa makabagong panahon, ang liptint ay ginagamit na rin sa pangkalahatan, mapababae man o lalaki. Nakapagdaragdag ng kumpiyansa sa sarili, nakaaagaw ng atensiyon, at nakagaganda sa paningin ng iba. Hindi mo man maiaalis sa ilang kalalakihan ang paggamit nito dahil sa hindi magandang tignan, kinakailangan pa rin nila ng gabay sa kung ano ang mga nararapat na gawin. Sa tuwing titignan at susuriin nga nila ang kanilang sarili sa salamin, hindi na sila nagdududa sapagkat kanilang napagtanto na hindi mahalaga ang pisikal na kaanyuan sa pagbase ng tunay na kagandahan bagkus ay ang kabutihang nasa kalooban na hindi mapapalitan ng kahit anong bagay dito sa mundong ating ginagalawan. Ang isang dampi ng pansamantalang kagandahan ay hindi rin magtatagal sa huli.

ALFAMAzing: Pagsakop ng Alfamart Sherry May Perez

ailibot mo na ba ang iyong mga N mata? Napagmasdan mo na ba ang ganda ng Cavite City? Noo'y tila

ba sinakop tayo ng mga Espanyol ngunit ngayon, sinakop na rin tayo ng Alfamart. Teka, Alfamart? Marahil ay lingid na sa inyong mga kaalaman na dumarami na ang Alfamart sa ating lugar. Kung tutuusin, busog na ang ating mga mata sa Convinient Store na ito. Mayroon pa ngang itinatayong pampitong Alfamart sa ating mahal na lugar. Nakapanayam ko ang isa sa mga cashier sa isang Alfamart Store. Batid niya sakin, malaking benepisyo daw ang pagtatayo ng mga ito sa kanilang pamumuhay sapagkat marami ang mga Kabiteńo na nagkakaroon kaagad ng trabaho pagkatapos mag-aral. Nakakatuwang isipin na hindi lamang mga kontinente at anyong tubig ang nakapalibot sa atin kundi ang katotohanang mas napapadali ang ating buhay dahil sa tulong ng pamilihan na ito. Kung minsan nga ay gutom ang ating mga tiyan at ito ang ating puntahan lalo na kung wala ng bukas

na mga pamilihan. Nagpapatunay lamang na ang kapakinabangan naidudulot nito sa atin ay malaking bahagi na sa ating pang araw-araw na buhay sa iba’t ibang paraan. Sa ngayon, ang Alfamart Convinient Store ay mayroon ng kabuuang pitong bilang sa Cavite City. Magpunta ka man sa iba't ibang bahagi ng ating lugar, tiyak ay mayroon kang makikita at mapapasukang Alfamart. Nakakapagpagaan ito ng mga gawain sapagkat bukas ito buong araw. Mayroon ka mang malimutang bilhin, o kaya naman ay kumakalam na ang iyong tyan, isa lang ang iyong maiisip na puntahan, syempre ang Alfamart. Tunay ngang pinagpala ang ating lugar dahil sa pagtatayo ng iba't ibang bahagi ng ating lugar. Hindi lamang ang mga mamimili ang nakikinabang kundi pati na rin ang mga empleyado. Sinakop man tayo ng mga Espanyol noon, ngunit ang Alfamart ay sinakop naman tayo upang makapagdulot ng benepisyo sa ating lahat na lubos na nakatutulong sa pagpapadali ng ating mga mabibigat na gawain.

Ika-Siyam: Isang Butihing Ina Sean Dominie Santiago

#Throwback:

Tara't Baybayin! Danielle Lucero

indi na dapat balikan ang “H nakalipas na, ngunit inyong tandaan, hindi mabubuo ang

kasalukuyan kung walang nakaraan.” Sa panahon ng mga millennials, iba't ibang “hashtags” ang nabubuo. Nariyan ang #OOTD, #ATM, #OTW at marami pang iba. Ganoon na lamang kalawak ang isip ng mga kabataan sa pag-iisip ng hastags na ika-“caption” sa “feed” nila. Kaya naman, tayo na sa isang #AlpabetoThrowback. Marahil karamihan sa mga millennials ay ‘di batid ang pinagdaanan ng ating sinaunang alpabeto, ang Alibata – este Baybayin. Bagaman marami na ang tumatanggap sa terminong ,”baybayin” sa ating sinaunang alpabeto ay hindi maipagkakailang mas marami pa rin ang nag-aakalang ang “baybayin” ay “alibata” rin. Ayon sa UP Diksyunaryo Filipino, magkaiba ang kahulugan mg dalawang nasabing alpabeto. Ang katotohanang matagal nang naikubli sa mga hindi pa lubos na nakaaalam sa kanilang kaibahan; Alibata ang alpabetong Arabiko at Baybayin naman ang sa atin.

Para sa mga millennials, #NowYouKnow. Ito ay ang mga sinaunang simbolo ng kasaysayan na nararapat lamang malaman at ibahagi ng bawat millennials sa kanilang “feed” at gamitin ang #ProudFilipino. Sa kasalukuyang panahon, maaaring mabuhay muli ang baybayin “in a millennial way”. Naniniwala ang isang millennial na si Cleonette Panoringan na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang pagdiriwang kung saan gugunitain ang baybayin, untiunting maibabalik ang kaalaman ng mga Pilipino sa ating sinaunang alpabeto. Gawin naman nating makabuluhan ang “social media life,” ng mga millennials. Sa simpleng paggamit ng social media sites sa pagpo-post ng mga bagay kaugnay ng baybayin ay makapupukaw na ito ng atensyon ng madla. Ang pagiging “unique” ng baybayin sa panahon ng mga millennials ang magiging daan sa muling pagkabuhay ng sinaunang alpabeto sa makabagong panahon.

Gaano ba karami ang mga trabahador upang magawa ang isang gusali? Pito? Walo? Siyam? Hindi na nga mabilang. Teka, Siyam? Siyam na beses, siyam na riles, siyam na beses, siyam na riles. Teka, bakit umuulit? “Binabati ko kayo sapagkat babae ang inyong pangalawang anak.” Ang sabi mo sa akin habang isinasalaysay mo ang iyong karanasan sa iyong pagbubuntis. Sabi mo noon, walang araw na hindi ka ngumiti habang nasisilayan mo ang aking mukha. Labis ang iyong saya sa tuwing binubuhat ako ng aking ama tuwing umaga. Ang iyong kalinga’t pagmamahal ay walang

kapantay na kahit ano mang bagay dito sa mundo. Siyam, siyam na beses ang buhay ng isang pusa at parang ganoon rin ang iyong buhay. Kahit paulit-ulit ang pagsubok ng tadhana ay hindi ka pa rin nawawalan ng pag-asa upang harapin ang mga ito. Ako’y isang gusali na iyong binuo’t pinalaki. Ikaw naman ang hindi mabilang na trabahador na handang gawin ang lahat magkaroon lamang ako ng magandang direksyon sa buhay. At doon pa lamang, aking ina ako’y lubos na nagpapasalamat. Siyam, siyam na riles ang tinahak mo papunta sa ating masaganang

buhay. Siyam na riles ng pagkadapa’t pagbangon para lang makamit ang kaginhawaang iyong inaasam at ngayo’y tinataglay. Humagibis na treng dumadaan sa riles ang katumbas ng gusaling kaybilis na mabuo. Siyam, siyam na buwan mo akong dala dala sa iyong sinapupunan. Siyam na buwang nagtiis sa aking sipa’t puro sakit lamang ang dala sa iyo. Ngunit kagaya ng iyong sinabi lahat ng ito’y napaltan magmula noong araw na ako’y iyong isinilang. Kagaya rin ng isang gusaling umaabot ng siyam na buwan bago magawa, dito mo hinubog ang aking pagkatao.

itong “The Rock” ng lahat dahil sa katatagan nito --- ito ang pinakahuling base ng mga Amerikanong bumagsak. Ayon pa sa mga kwento, wala itong balak sumuko at sumuko lamang ito dahil sa utos ng commander na si Hen. Wainwright. Talagang siyam-siyam ang inabot ng mga Hapon para lamang makuha ito. Pawer! Caballo. Matatagpuan ito sa timog ng naunang isla. Naging stratehikal ang posisyon nito upang lalo pang pagtibayin at palakasin ang depensa. Nagsilbi itong natural na panghati sa North at South Channel kung saan naganap ang makasaysayang kabayanihan. Pawer! El Fraile. Ito ang batong barkong pandigma, literal na barkong pandigma na binuo ng mga Amerikano. Dahil sa katangian niyang

ito, binansagan nitong “concrete battleship” at pinangalanan ng mga Amerikano bilang Fort Drum. Gamit ang kanyang batteries at iba pang armas, hirap na hirap any mga kalaban sa paggapi dito. Pawer! Carabao. Ito ang islang unang sumalubong sa mga Hapon, sapagkat ang isla ay nakapwesto sa baybayin ng Maragondon, na nasa bukana pa lamang ng Look ng Maynila. Ang heograpiya ng isla ay binuo ng mga bangin --- pinalilibutan ang isla ng marami nito. Dahil dito, nahirapan ang mga Hapong pasukin at patumbahin ito. Pawer! Sa tulong ng apat na islang ito, dumanas ng hirap ang mga kalaban, na tumatak sa kasaysayan. Naging parts ang mga ito ng kagitingan at katatagan ng ating mga bayani. Pawer!

Dagat ng Pawer! Jervie Joie Famy

N

agawa man nilang masakop ang Pilipinas, hindi naman makalilimutan ng mga Hapon ang hirap at pasakit na nakuha nila upang magawa ito. Bukod pa, hindi lamang sa kanila tumatak ito kundi pati na rin sa kasaysayan ng daigdig dahil sa katatagang naipakita ng ating mga bayani. Liban pa sa kabayanihan ng ating sandatahang lakas, naisakatuparan nila ang kanilang misyong ipagtanggol ang Manila Bay sa tulong na rin ng mga natural nitong “Pawer,”. May apat na islang matatagpuan sa bibig ng look na tumulong upang hindi basta-basta magtagumpay ang mga Hapon: Corregidor. Ito ang pinakamalaki sa apat. Pinangalanan bilang Fort Mills ng mga Amerikano, tinawag naman


ANG CAVITEÑAN

A

AGHAM

HIV/AIDS Bill, Inaprubahan na ng Senado Ahleia Jeenan Cajilis

augnay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng HIV sa K Pilipinas, inaprubahan na ng senado ang HIV-AIDS Bill para sa huling pagbasa noong nakaraang Mayo. Nitong taon lamang ay nagsimulang madagdagan ng mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus Infection and Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) na siyang ikinamatay ng nasa humigit-kumulang 70 katao noong nakaraang Abril lamang. Paiigtingin nito ang Republic Act 8504 o ang Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998, upang mas matugunan ang lumalaking problema ng virus sa bansa. Kabilang sa mga layunin nito ay mapigilan ang posible pang paglala at pagdami ng HIV cases habang tinutulungan naman ang mga Pilipinong naghihirap dahil sa naturang virus. Sa ilalim ng Senate Bill No. 1390, obligasyon ng pamahalaan na linangin ang HIV services sa Pilipinas, lalo na sa

aspetong pinansyal partikular sa mga lugar kung saan pinakalaganap ang sakit. Dagdag pa rito, obligado rin ang gobyernong dagdagan ang pondo para sa kampanya ng HIV prevention. Nauna nang inilabas ng Department of Health (DOH) ang datos na naitala noong Hulyo, kung saan nasa mahigit 850 ang bagong kaso ng HIV sa Pilipinas. Samantala, pinakamataas namang naitala noong Enero, kung saan nasa mahigit 1,000 katao ang nadiskubreng may dalang virus. Hindi lamang sa aspetong pangkalusugan apektado ang isang pasyenteng may HIV, kung ‘di pati rin sa aspetong social na isa ring layunin ng Bill 1390, ang kampanya para sa anti-discrimination sa mga taong pinahihirapan ng nasabing virus.

PAGHAHANDA. Pakikiisa ng mga mag-aaral ng CNHS sa Quarterly Earthquake Drill Johan Villanueva

DRRM: Kagawarang Pangkaligtasan Ahleia Jeenan Cajilis

GALING NG CAVITEÑAN. Pagkapanalo ng natatanging Caviteñans sa PNSQ Philippine Nuclear Science Quiz Bee – PNSQ

Caviteñans, Nakapag-uwi ng Unang Gintong Medalya sa PNSQ

S

Ahleia Jeenan Cajilis

a kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-uwi ng panibagong medalya ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite mula sa Philippine Nuclear Science Quiz (PNSQ) na ginanap sa Philippine Nuclear Institute (PNRI) noong ika-25 ng Setyembre.

Naging matagumpay ang unang pagsabak nina Aames Juriel Morales at Maria Stella Dotillos bilang mga kinatawan ng paaralan sa PNSQ, kung saan sila ang umuwing “top scorer” sa naganap na patimpalak. Ayon kay Dotillos, ang mga ganitong klase ng paligsahan ay isang malaking tulong upang maging globally competitive ang kabataang Pilipino sa larangan ng agham. Nahahasa rin nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura. Ang mga nabanggit na mag-aaral

ay parte ng Alchemist Club na kinabibilangan ng mga natatanging Caviteñan na ipinanglalaban para sa mga kompetisyong may kaugnayan sa agham. Ito ay pinangangasiwaan naman ng mga guro mula sa Science Deparment, kabilang si Bb. Jocelyn Ibañez na siyang naging coach para sa PNSQ. Layunin ng alchemist club na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral na kasapi nito upang maipamalas nila ang kanilang galing sa iba’t ibang larangan ng agham.

M

atapos ang banta ng iba’t ibang sakuna, lalong pinaigting ang sistema ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa bansa. Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami ang pagbabanta ng peligro sa Pilipinas, partikular ng mga bagyo at lindol. Subalit nang lumabas ang mga balita tungkol sa 7.2 magnitude na lindol na tinatawag nilang “Big One”, nagsimula nang paigtingin ng pamahalaan ang pangangasiwa sa DRRM bilang paghahanda sa anumang pangyayaring maaaring dumating. Nitong nakaraang taon lamang ay dumaan sa paggawa ng plano ang gobyerno para sa bagong kagawaran ng DRRM. Kaugnay nito ang datos na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology

(PHIVOLCS) na kung sakaling tumama sa bansa ang sinasabing “Big One”, maaaring mabawasan ang posibleng 48,000 kataong masasawi sa Metro Manila at sa mga karatig-probinsya nito kung maipapasa ang naturang kagawaran. Dagdag pa ni PHIVOLCS Chief Renato Solidum, matagal nang dumaraan sa diskusyon ang pinaplanong kagawaran ng DRRM dahil kasalukuyang nirerebisa ang Republic Act No. 10121 o ang Philippine DRRM Act. Aniya, sa tulong ng pagpapasa ng kagawaran ng DRRM, magiging mas malawak at epektibo ang pagpaplano ng paghahanda sa oras ng sakuna. Dagdag pa niya, malaki ang maitutulong nito sa pagliligtas ng buhay kung sakali mang tumama ang

“Big One” sa bansa. Kaugnay nito, naging madalas na rin ang pagkakaroon ng earthquake drill sa mga paaralan tulad na lamang sa Cavite National High School (CNHS). Maliban pa rito, may mga ginaganap ding seminar-orientation upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa mga tamang gawin kung sakaling dumating ang unos. Kung mangyayari mang maipapasa ang naturang kagawaran, mas mabibigyang-diin ang paghahanda para sa anumang peligrong pwedeng mangyari. Bukod pa rito, mas mapahahalagahan ang kaligtasan at buhay ng bawat isa dahil mabibigyangpokus ito ng kagawaran. Sa ngayon, wala pang nakakalap muling impormasyon tungkol sa lagay ng plano ng pamahalaan.

RC3 wagi sa IRO Preliminaries at Summer Sumo Games Therese Hernandez

muwing panalo ang mga miyembro ng Robotics Club of Cavite City sa magkasamang aktibidad ng International U Robotics Olympiad (IRO) preliminaries at Summer Sumo Games na ginanap sa Sports Pavilion ng De La SalleZobel School, Muntinlupa City noong 16 at 17 ng Hunyo, 2018.

HANDOG-KAALAMAN. Pagpapakita ng mga mag-aaral na SHS ng mga eksperiment Sarah Pico

SciMath Month, ipinagdiwang ng SHS Maricon Naiza Enage

akilahok ang Caviteñan sa ginanap na pagdiriwang ng Science and N Math Month na pinangunahan ng Tellusian Club, Robotics Club of Cavite City (RC3) at Sipnayanong Caviteňan sa tulong kanilang mga

tagapayo. Mula Baitang 11 hanggang Baitang 12 ay bukas ang lahat ng patimpalak na sinalihan naman ng mga mag-aaral bilang kanilang suporta sa nasabing okasyon. “CNHS-SHS community celebrates Science and Technology Month this September with a heart ready for new knowledge and discoveries and we hope that the activities prepared for everyone will make them appreciate the importance of Science and Mathematics in their lives, as well as find meaning in our daily experience of phenomena and adventures. Starting today, let Science and Mathematics take you

on a journey to knowledge and truth. Enjoy learning, and enjoy life,” saad ni Gng. Miranda, tagapayo ng Tellusian Club. Kabilang sa mga paligsahang inihanda ng grupo ay ang Slogan Making Contest, Poster Making Contest, Rubik’s Cube Competition, Damath, at Mathematics Quiz Bee. Magkakaroon din ng Science Fair ang mga organisasyon kung saan magkakaroon ng iba’t ibang pakulo katulad na lamang ng Do-It-Yourself (DIY) Booth, Live Specimens Booth, Laboratory Techniques, Research Project, Science Investigatory Projects (SIP), at Photobooth.

Itinanghal na kampeonato Si Fiona Nathalie J. Rosga habang pumangalawa naman si Ginrex Tosco sa Sumobot 1kg – Junior Category na kapwa nagmula sa Paaralang Elementarya ng Ladislao Diwa. Nakamit naman ng mga manlalarong si Janelle Caringal ang Technical Award sa Sumobot 500g – Challenge Category at ni Abba Celestial ang Technical Award sa Sumobot 1kg – Challenge Category. “Hindi naging madali ang pageensayo at preparasyong ginawa namin para sa nasabing laban dahil halos dalawang linggo lamang ang ginugol naming panahon sa paggawa ng mga robot,” pahayag ni Abba

Celestial, mula sa Baitang 12 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite. Dagdag pa nito, may mga panahong nakararamdam sila ng pressure dahil sa napakaraming robot na dapat matapos at sinasabayan pa ng puyat at stress pagdating naman sa araw ng laban ngunit sa awa ng Diyos, itinanghal pa na technical awardee na laki niyang pasasalamat. Nanguna naman sa Poster Making Contest si James Louie F. Andeza ng CNHS na may temang “Robotics Saving Seas”. Samantala, hindi man pinalad na manalo ginawa pa rin ni Zidane Kadmiel D. Valerio mula pa rin sa

CNHS ang makakaya niya at handang lumaban muli sa mga susunod na mga paligsahan. Dinaluhan naman ng lahat ng kalahok ang Youth Robotics Convention, isang forum kung saan ipinapakita at tinalakay kung ano ba ang magagawa ng robotics at para saan ito at pati na ang mga karanasan ng mga manlalaro sa iba’t-ibang kategorya. Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ng buong RC3 para sa nalalapit na World Robot Games kung saan ang Pilipinas ang siyang host para sa taong ito na gaganapin sa Oktubre 24-26 sa Tagaytay International Convention Center.

ang isang kutsarang baking soda sa tubig at ito ang gamiting pangmumog araw-araw. Maaari rin itong gamitin bilang alternatibong toothpaste. Sapagkat ang baking soda ay may mga property na nakatutulong upang mas mapaputi ang ngipin. Maliban pa rito, pwede rin itong gamiting deodorizer sa refrigerator. Nakakapag-alis din ng iritasyon sa balat ang baking soda sa pamamagitan ng paghahalo nito sa tubig na ipampapaligo. Nakapagpapagaling din umano ito ng kagat ng insekto. Kumuha lamang

ng kaunting baking soda at idampi sa parteng nakagat. Nakakatanggal din ng amoy sa paa ang baking soda, ihalo lamang ang dalawang kutsarang baking soda sa maligamgam na tubig at ibabad ang mga paa rito. Samantala, ginagamit din itong panlinis ng sahig at nakapag-aalis ng sebo at langis sa kasangkapang pangkusina. Maraming simpleng solusyong nasa ating tahanan lamang, kung ito ay iyong mapapansin, tiyak na makakaiwas sa gastusin. Simple ngunit may mabisang taglay, magagamit sa pang-araw

Baking soda, may ibang gamit pala! Ahleia Jeenan Cajilis

A

lam nating lahat na ang baking soda ay ginagamit lamang sa pagkain,ngunit ito rin pala ay napapakinabangan sa iba pang mga paraan. Ang Baking Soda ay nagtataglay ng alkaline na pinagsamang acid na naglalabas ng Carbon dioxide gas kaya ito ay mas epektibo na gamitin. Meron din itong Sodium bicarbonate kaya ito ay mas mainam na gamitin sa ating tahanan. Samakatuwid, ito pala ay may iba pang maaaring paggamitan katulad ng paggamit bilang pangmumog upang maalis ang bad breath. Ihalo lamang


14

AGHAM

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

Ginintuang Kalooban Ahleia Jeenan Cajilis

N

itong buwan ay inilunsad ng Lions Club ang proyekto nilang Sight for Kids sa Cavite National High School (CNHS) upang bigyan ng libreng salamin ang mga magaaral na malabo ang paningin. Kamakailan lamang ay naglunsad ng ilang mga proyekto ang Lions Club sa CNHS upang patuloy na tulungan ang paaralan at ang mga mag-aaral nito. Kabilang sa mga tulong na iniabot ng naturang organisasyon ay ang pagdodonate ng mga libro para sa silid-aklatan ng paaralan. Ang Lions Club ay isang international association at nonpolitical na organisasyong nabuo noong 1916 sa Chicago, Illinois. Kasama sa mga layunin ng Lions Club ay ang makatulong sa komunidad at aktibong magbigay ng suporta sa mga programa. Maliban pa rito, nais din nilang tulungan ang mga volunteer na gusting maglingkod sa lipunan. Ilan sa mga layunin ng mga

HANDOG-TULONG. Pamumuno ng Lions Club para sa proyektong “Sight for Kids” sa CNHS Lions Club Cavite City

proyekto ng nasabing asosasyon ay ‘di lamang makatulong sa kapwa, tila mababakas din ang adbokasiya nila ukol sa patuloy na pagpapaunlad pa ng komunidad at pamumuno sa mga programang mas magbubuklod sa bawat mamamayan. Samantala, hindi lamang sa CNHS nag-abot ng tulong ang organisasyon kundi sa kalikasan mismo. Noong ika-17 lamang ng Marso ay pinangasiwaan ng Lions Club ang isang coastal clean-up drive kasama ang Caviteñan Youth for Environment in Schools Organization (YES-O). Nakatutuwa lamang isipin na may mga taong may pusong nakalaan sa pagtulong sa kanilang kapwa nang walang hinihinging anumang kapalit, kaya naman isang magandang halimbawa ang organisasyon ng Lions Club sa bawat isa sa atin. Sa kabilang banda, saludo kaming mga Caviteñan sa inyo ‘pagkat kayo ay tunay na may mabuting kaloobang ninanais na maglingkod sa iba.

Natural Gas: Ang Kinabukasan ng Daigdig Datos ng Carbon Emissions sa Pilipinas

Ahleia Jeenan Cajilis

Electricity Usage Direct Emissions

lang taon na ang nakalilipas Ipalala subalit hindi maitatangging nang palala ang suliranin ng

daigdig pagdating sa kalikasan at ang climate change, ika nga nila ay isang problemang imposible nang matuldukan ngunit may mga aksyong maaaring gawin upang ang epekto nito’y mabawasan. Kilala ang paggamit ng fossil fuels bilang isa sa mga dahilan ng climate change at global warming. Ito ang pinakakaraniwang pinagkukunan ng fuel oil upang gamitin sa pang-araw araw na pamumuhay, maging sa industriya.

Ngunit sa sobrang daming gumagamit nito, bilang may produktong carbon dioxide at may dalang greenhouse gases ang fossil fuels, ito ang naging ugat ng unti-unting pagtaas ng temperatura ng daigdig at kalauna’y naging sanhi ng global warming. Samantala, ang climate change ay ang unti-unting pagtaas ng temperatura sa iba’t ibang parte ng mundo na siyang maaaring makaapekto sa lahat ng may buhay. Ayon sa datos, halos 2 degrees ang itinaas ng average surface temperature ng mundo magmula noong 19th century, na resulta ng mataas na concentration ng greenhouse gases. Ito rin umano ang dahilan kung bakit nakararanas ang mga bansa ng mga supertyphoon, katulad na lamang ng tumama sa Pilipinas nitong buwan at ang bagyong Yolanda na ilang taon nang nakalilipas. Naging sanhi rin ang climate change sa patuloy na pagtaas

ng sea level, maging ang pagkatunaw ng mga yelo. Kabilang sa mga naging solusyon para rito ay ang pagbabawas ng carbon emissions upang mapigilan ang patuloy na paglala pa ng climate change, subalit ‘di natin maitatangging wala itong masyadong epekto. Ngunit nitong taon lamang ay inilabas ng Net Power ang kanilang pahayag ukol sa tinatawag nilang Zero Carbon Natural Gas, na anila’y pwedeng pagkunan ng energy nang hindi masisira ang kalikasan sa murang halaga lamang. Ang naturang natural gas ay prinoproseso sa isang power plant sa US, kung saan ginagamit ang carbon dioxide na resulta ng fossil fuels upang paganahin ang mga makina nito. Ayon sa Net Power, isa itong magandang paraan upang mairecycle ang carbon dioxide imbis na sirain nito ang ating kalikasan. Sa tulong din ng Zero Carbon Natural Gas, mababawasan ang gastos sa pagkonsumo ng nuclear power. Sa kasalukuyan, dumaraan pa sa initial testing ang power plant para masigurong magiging matagumpay ito sa pagproproseso ng nasabing natural gas. Ayon sa Net Power, maaari nilang ilabas ang mga naging resulta nito sa mga susunod na buwan.

Robotics: Kinabukasan ng Caviteñan Ahleia Jeenan Cajilis

a kasalukuyan, patuloy na SEducation binibigyan ng Department of (DepEd) ng suporta ang

mga paaralan sa larangan ng robotics. Kaugnay nito, nauna na itong ilunsad sa Cavite National High School (CNHS) noong Mayo 2017. Bilang paggunita sa naging tagumpay ng mga mag-aaral at guro sa nasabing larangan pati na rin ang naiaambag nito sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa bansa, ipinahayag ng DepEd ang kanilang suporta at sinabing patuloy nilang lilinangin ang narrating ng robotics sa Pilipinas. Ayon sa isang panayam kay DepEd Undersecretary Ann Sevilla, inaasahan niya ang mas malaking suporta ng kagawaran para sa robotics, bagaman isa itong bagong konsepto para sa kanila. Ang robotics, sa kabilang banda, ay isang sangay ng technology at engineering. Nabibilang sa larangang ito ang pagdidisenyo, paggawa, at paggamit ng mga robot sa iba’t ibang paraan. Samantala, sa CNHS, kung saan nailunsad na rin ang robotics ay nagsimula na noong nakaraang taon at nakapagkamit na ng parangal mula sa mga patimpalak. Bagaman naging matagumpay ang paglulunsad nito para sa

MAKABAGO. Masusing inaayos ng isang mag-aaral ang kanilang robot Johan Villanueva

mga Caviteñan, ayon kay G. Nestor Donina, isa sa mga gurong nagtuturo nito, hindi maitatangging isang malaking pangangailangan ang pera. Kabilang sa mga magagandang dulot ng robotics sa isang mag-aaral ay ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa pagpapagalaw ng robot at maging sa programming. Malilinang din ang kanilang mga kakayahan sa tulong ng mga seminar at workshop na ginaganap sa paaralan upang ihanda sila sa pagsabak sa mga patimpalak. Subalit ang isang kakulangan naman nito ay ang malaking pangangailangan ng pera na siyang gagamitin para sa mga kompetisyon pati na rin sa pagbili ng mga materyales na kakailanganin. Sa ngayon ay patuloy pa ring sumasali sa mga paligsahan ang CNHS upang ipakita ang husay ng mga Caviteñan sa larangan ng robotics.

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

Pagkukulang Ahleia Jeenan Cajilis

oong ika-30 lamang ng Hulyo ay N ginanap sa Cavite National High School (CNHS) ang isang orientation-

seminar patungkol sa solid waste management sa pangunguna ng Youth For Environment in Schools Organization (YES-O), katulong ang School DRRM at School Solid Waste Management Team bilang paggunita sa National Resilience Month. Hindi na lingid sa kaalaman ng bawat Caviteñan ang sakit sa ulong iniinda ng paaralan patungkol sa basura, ‘pagkat sa paaralan pa lamang ay mahirap nang pangasiwaan ang problema sa kapaligiran. Sa katunayan, nakalilikom ng halos 35,000 tonelada ng basura sa buong Pilipinas araw-araw, kung saan ang 8,600 tonelada rito ay nagmumula lamang sa Metro Manila ayon sa pahayag ng isang eksperto mula sa Asian Development Bank (ADB) noong 2017. Napakalawak na suliranin kung iisipin, subalit gumawa naman ng hakbang ang pamahalaan— sa pamamagitan ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, ngunit wala nga namang silbi ang batas kung walang mangunguna sa pagsunod dito. Marahil ay panahon na upang pagnilayan kung ano nga ba ang dahilan bakit patuloy na nalulugmok ang Pilipinas pagdating sa usaping pangkapaligiran. Bakit walang nangyayaring pagsulong sa kabila ng pagtugon ng gobyerno? Panigurado ay hindi na maitatanggi pang nagkulang din ang bawat isa bilang mamamayan sa paggawa ng hakbang, dahil may responsibilidad din ang tao sa pagpapanatili ng kalinisan ng paligid sapagkat base sa datos, tinatayang nasa 52% ng basurang nakokolekta ay nanggagaling sa mga tahanan. Kung pagmamasdan ang paligid, mula sa tapat ng paaralan hanggang sa mga mismong daluyan ng tubig ay may basura. Wala ring nagpapatupad ng maayos na paraan ng pagtatapon at pangongolekta nito at kung mayro’n man, naisasawalang-bahala rin dahil ang karamihan ay hindi sumusunod. Ang kawalan ng disiplina ng mga mamamayan ay nagbunga ng

isang malaking epekto ‘di lamang sa kapaligiran kung ‘di sa tao rin mismo, sa pamamagitan ng mga tinatawag na natural hazard o mga sakunang dala ng kalikasan tulad ng malawakang pagbaha. Anila, isa raw itong paraan ng pagganti ng mundo ‘pagkat hindi na namamalayan ng tao ang pangaabusong ginagawa nila rito. Sa kabilang banda, naging isang mahalagang aksyon ang paglulunsad ng YES-O sa bawat eskuwelahan— dahil hindi lamang natututo ang mag-aaral ng pangangalaga sa kapaligiran, ngunit naisasagawa nila ito sa iba’t ibang paraan. Ilang taon na rin simula nang mailunsad ang naturang organisasyon sa paaralan at masasabing naging mahusay ang pamumuno ng mga Caviteñan dito. Sa kasalukuyan, may samu’t saring programa ang YES-O katulad na lamang ng Trashformers, Vision Ecobricks, pati na rin ang Science Camp na taun-taong isinasagawa. Sang-ayon sa mga nabanggit, magandang naipatupad ang pagkakaroon ng naturang organisasyon sapagkat sa murang edad pa lamang ay natututunan ng isang mag-aaral ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Bukod pa rito, isang paraan din ito upang malinang ang kakayahan nila sa pamumuno at pagtulong, ‘di lamang sa kanilang kamag-aral kundi sa kapaligiran mismo. Bagaman may mga Caviteñan na may pusong nakalaan para sa pagtulong sa inang kalikasan, hindi maitatangging ganoon pa rin ang sitwasyon— tuwing uwian at kahit pagpasok pa lamang sa paaralan ay may mga kalat pa rin sa paligid. Hindi ito maiiwasan, ika nga nila. Wala nga namang silbi ang mahusay na pamumuno kung marami pa rin ang hindi sumusunod. Payong Caviteñan lamang, hindi makakamit ang ninanais na pagbabago kung walang magkukusa para sa kanilang sarili. Makabubuti kung ang bawat isa ay pagninilayan ang kanilang mga aksyon at tingnan kung anong mga nararapat na baguhin dito.

Peligro Ahleia Jeenan Cajilis

atapos ang mga banta ng M “Big One”, ipinatupad na ang pagkakaroon ng Disaster Risk

Reduction and Management (DRRM) sa mga paaralan sa bisa ng Republic Act No. 10121. Sa ilalim ng naturang batas, nagsimula nang magkaroon ng mga earthquake drill bilang paghahanda ng mga mag-aaral. Nitong nakaraang taon lamang ay lumabas ang mga balita ukol sa 7.2 magnitude na lindol na maaaring tumama sa bansa. Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), daraanan nito ang Metro Manila pati na rin ang iba pang lugar na binabaybay ng West Valley Fault. Bunga nito, ang naturang “Big One” ay maaaring pumatay ng mahigit 37,000 katao. Bilang pagtugon sa mga kapahamakang pwedeng idulot ng lindol, ipinatupad na ang pagkakaroon ng DRRM sa bawat eskuwelahan sa ilalim ng Section 14 ng RA 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. Kabilang sa mga pangunahing layunin nito ay magbigay-kaalaman, partikular sa mga mag-aaral at siguraduhing handa ang lahat para sa mga posibleng pangyayari sa oras ng sakuna. Isa itong magandang hakbang dahil kung tutuusin, mahalagang makapagbahagi ng kaalaman sa mga estudyante pagdating sa ganoong sitwasyon. Sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga dapat gawin sa oras na dumating ang nasabing lindol, nagkakaroon sila ng kaalaman tungkol sa mga nararapat at ‘di nararapat na gawin kung sakaling dumating ang “Big One”.

Maliban pa rito, hindi lamang nagtatapos sa salita ang nasabing paghahanda sa oras ng sakuna at ang pagtuturo sa mga mag-aaral. Idinaraan din ito sa pamamagitan ng mga earthquake drill upang aktwal na maisagawa ang natututunan ng bata mula sa mga seminar na kaugnay nito. Ngunit kung iyon lang din naman ang pag-uusapan, tila ba napupunta lamang sa wala ang kaalamang nakukuha mula sa mga orientation at kung anu-ano pa. ‘Pagkat ang karamihan din naman ay mukhang hindi sineseryoso ang pagsasagawa ng mga drill. Oo nga’t maaaring sabihing kaisa ng paaralan ang mga guro mula sa iba’t ibang kagawaran, subalit paano naman ang mga estudyanteng tunay na dahilan kung bakit ipinatupad ang pagtuturo ng DRRM? Nakadidismaya lamang isipin, dahil nagmumukhang kampante ang iba na hindi mangyayari ang ganoon kalalang unos tulad ng sinasabi nilang “Big One” sa Pilipinas. Bagaman hindi sigurado kung kailan ito tatama, mabuti na ring maghanda at agapan ang mga posibleng mas malalang pangyayari kung ang lahat ay walang sapat na kaalaman ukol sa DRRM. Ang kawalan ng kaalaman ay maaaring maging sanhi ng dagdag pang peligrong magdudulot ng kapahamakan sa karamihan. Magandang siguraduhing sineseryoso ng lahat ang mga drill ‘pagkat doon nakasalalay ang paghahanda para sa kabutihan ng bawat isa. Maaaring hindi pa mangyari ang “Big One” ngayon, subalit mas mainam na ang lahat, lalo na ang mga mag-aaral, ay may baong kaalaman ukol dito saan man sila magpunta.

KALIGTASAN NG CAVITEÑAN. Pakikiisa ng mga Caviteñan sa kampanya ng DRRM para sa mas ligtas na paaralan Caviteñan YES-O


AGHAM

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

15

Solid Waste Management Team, Inilunsad sa CNHS Ahleia Jeenan Cajilis

augnay ng suliranin ng paaralan K sa basura, inilunsad ang Schoolbased Solid Waste Management

Team sa Cavite National High School (CNHS) sa ilalim ng Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Patuloy pa rin ang paglala ng problema natin sa basura sa kasalukuyang panahon, partikular sa paaralan. Base sa datos, inihayag ng National Solid Waste Management Corporation (NSWMC) na umabot na ng mahigit 37,000 tonelada ang nakokolektang basura sa bansa arawaraw. Dagdag pa nila, may kaugnayan umano ito sa pag-unlad ng estado sa buhay, populasyon, pati na rin ang patuloy na industriyalisasyon sa Pilipinas. Ayon kay G. Dennies Reyes, isa sa mga gurong namumuno sa Solid Waste Management Team ng CNHS, kabilang sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin ang problemang ito ay dahil sa mayroong ibang mag-aaral na hindi sumusunod sa mga patakaran ng paaralan pagdating sa pagtatapon ng basura. Aniya, ang kakulangan sa pakikiisa ng mga Caviteñan ay isa sa mga nagpapalala ng suliranin. Dagdag pa rito ang kakulangan din sa pagmomonitor ng mga guro dahil hindi sa lahat ng oras ay bakante sila at walang ginagawa, kung kaya’t hindi parating nababantayan ang mga estudyante. Maliban pa rito, hindi rin umano nagtutugma ang oras ng pag-iinspect at pag-iikot ng mga kasapi ng school utility kaya nagkakaroon ng mga pagkakataong walang naglilibot sa paaralan para siguraduhing malinis ang paligid. Isa rin sa mga problemang nabanggit ay ang pagsesegragate ng basura. Pahayag ni G. Reyes, nagkakahalo-halo lamang ang mga basura pagdating sa mga basurahan kahit pa makikitang nakasegregate na ang mga ito sa oras ng pag-iinspect ng Solid Waste Management Team. Kaya naman mahalaga ring may

PULONG PARA SA KALINISAN. Pakikinig sa orientation-seminar ukol sa Solid Waste Management Caviteñan YES-O

nagbabantay sa sistema ng pagtatapon ng basura sa paaralan, upang masigurong maayos na nakahiwalay ang mga kalat. Sa kabilang banda, bagaman

matagal nang nailunsad ang Youth for Environment in School Organization (YES-O) sa CNHS, wala pa silang proyekto kasama ang naturang Solid Waste Management Team ayon kay

G. Reyes. Subalit ipinahayag niyang kaniya namang sinusuportahan ang mga programa ng Caviteñan YES-O katulad na lamang ng Vision Ecobricks at Trashformers.

Sa kasalukuyan, marami pang plano ang School-based Solid Waste Management Team upang patuloy na bawasan ang bilang ng basurang nakokolekta sa paaralan.

makokolekta araw-araw na dulot ng 47.3% namang pagtaas ng populasyon sa bansa. Bilang pagtugon, ipinahayag ng Philippines Environmental Management Bureau (EMB) na nangangailangan nang magtayo ng MRF sa bawat barangay sa ilalim ng Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, upang magkaroon na rin ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura. Dagdag pa nila, maliit lamang ang kakailanganing pondo para rito at madaling makokontrol ang naturang suliranin sa tulong nito. Subalit matatatandaang ibinalita naman noong 2015 ang pagtatambak ng Canada ng kanilang mga basura sa bansa. Naayos na umano ng pamahalaan at natugunan na ang nasabing isyung nag-iwan ng isang

palaisipan sa lahat. Samantala, ang sabi naman ng iba ay hindi na naglabas pa ng pahayag ang administrasyon upang hindi maapektuhan ang relasyon ng bansa sa Canada. Kung titingnan ang sitwasyon ngayon, tila ba lalong naging lugmok ang Pilipinas pagdating sa usaping basura. Marahil ay dahil sa walang maayos na pamamahala at wala ring magandang sistema ng pagtatapon, kung kaya’t lalo lamang lumalala ang sitwasyon hanggang sa kasalukuyan. Samantala, malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng isang pasilidad kung saan maiproproseso ang basura kung kaya’t malaki rin ang epekto kung wala nito. Sa tulong ng MRF, mabilis na naihihiwalay ang mga recyclable sa mga non-recyclable na basura. Bukod pa rito, nagiging madali

rin ang pagdidispose at nakukuha pa ang mga bagay na maaari pang gawing kapaki-pakinabang. Ngunit nasaan na nga ba ang planong pagbabago? Tila lalo lamang lumala ang suliranin ng bansa sa basura sa patuloy na pag-usad ng panahon. Hindi rin maitatangging ang karamihan ay walang disiplina pagdating sa pagpapanatili ng kalinisan. Kaliwa’t kanan din ang mga dump site na base sa huling datos ay nasa 960 na ang bilang nito sa Pilipinas. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na tumataas ang mga laman nitong bundok-bundok na basurang siyang nakasasama para sa kalikasan dahil sa oras na mabulok ang mga ito, maaari itong magsilbing lason lalo kapag ito ay humalo sa mga daluyan ng tubig.

Kaugnay nito, base sa datos noong Pebrero 2015, ikatlo ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming naitambak na basura sa mga katubigan, partikular na ang plastik. Maihahambing naman ang ganitong sitwasyon sa paaralan, kung saan isa ring malaking suliraning pampaaralan ang pangangasiwa sa basura. Bagaman masasabing may mga programa nang ipinatutupad sa eskuwelahan kaugnay ng paglutas sa naturang problema, tila walang nangyayari ‘pagkat hindi lahat ay nakikiisa upang matamo ang pagbabago. Sa kabila ng lahat ng mga programa, orientation, proyekto, at kung anu-ano pa, hindi sapat ang mga bagay na ito ang magiging daan sa pagtugon sa problema, kung ‘di ang pagtutulungang kinakailangan.

ang naaapektuhan nito. Base sa mga tala, nasa 10 hanggang 15 porsyento ng kabataang Pilipinong may edad 5 hanggang 15 ang nagdurusa sa pagkakaroon ng mental health disorder. Masasalamin ang mga numerong ito sa naging pag-aaral ng National Statistics Office (NSO), kung saan may kabuuan ng 88 na kaso ng mental health problem sa bawat 100,000 na Pilipino. Kaugnay nito, napagalaman ding schizophrenia ang nangungunang mental health illness sa bansa ayon sa Philippine Health Information System on Mental Health (PHIS-MH). Sinasabing 42 porsyento umano ng mga Pilipinong may mental health problem ay schizophrenic at ang karamihan dito ay lalaki. Isa ring problema ang suicide o pagpapakamatay sa Pilipinas, kung saan may mahigit 2,500 na Pilipino ang napag-alamang nagpakamatay noong 2009 at karamihan din umano rito ay mga lalaki. Bagaman ayon sa World Health Organization (WHO), maaaring hindi pa ito ang kabuuang bilang ‘pagkat para sa mga Catholic na bansa, pwedeng

maging under-reported ang mga ganitong kaso. Ilan sa mga itinuturong sanhi kung bakit hindi natutugunan ang ganitong klaseng sitwasyon ay dahil umano sa kawalan ng pondo pati na rin ng

institusyon para rito. Sa katunayan, limang porysento lamang ng Department of Health (DOH) ang nakalaan para sa mga kaso ng mental health problem. Dagdag pa rito, bagaman may mga mental health care facility sa bansa, ang karamihan ay nasa National Capital Region (NCR) kaya naman hindi lahat ay may kakayahang kumonsulta sa isang psychiatrist upang matulungan sila. Samantala, sa kabila ng liwanag sa pagpapasa ng Philippine Mental Health Law ay nagkakaroon pa rin ng mga balitang ukol sa suicide. Nitong nakaraan lamang ay matatandaang may ibinalitang guro na nagpakamatay. Dahil dito, maaari nating sabihing kailangan pang linangin ang batas upang mas matutukan at mapigilan o mabawasan na ang mga napapabalitang kaso ng suicide at mental health problems sa bansa. Mula sa mga datos ay mahihinuhang walang sinumang ligtas sa pagkakaroon ng mental illness. Maging ang mga mag-aaral ay pwedeng magkaroon nito, kadalasan ay dulot ng stress sa pag-aaral, o maaari ring dahil sa aspetong social katulad na lamang ng pambubulas.

Bagaman walang malinaw na kampanya sa paaralan ukol sa mental health awareness, mayroon namang Teen Health Kiosk (THK) na maaaring maging sandigan ng mga Caviteñan. Kabilang sa mga layunin ng THK ay magsilbing kaibigan sa bawat magaaral na nangangailangan ng tulong sa iba’t ibang aspeto. Ngunit mahalaga pa rin na magkaroon ng kampanya ukol dito at magbahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral, dahil mabigat ang pinagdaraanan ng isang taong may mental health illness. Lalo sa ating bansa kung saan hindi ito gaanong pinagtutuunan ng pansin, may dala itong social stigma sa isang tao na maaaring maging dahilan kung bakit matatakot siyang lumapit sa iba para humingi ng tulong. Nararapat lamang na simulang pahalagahan ng bawat isa ang mental health dahil hindi naman ito naiiba sa mga sakit na alam natin. Bilang unti-unting nabibigyan ng liwanag ang sitwasyon nito sa bansa, dapat itong ipagpatuloy nang hindi na muling bumalik sa madilim na sulok ang mga taong nakararanas nito. Makabubuti kung ang lahat ay may sapat na kaalaman dito, upang kung sakaling may kaibigan tayong nangangailangan ng tulong ay mabilis na matutugunan ang sitwasyon.

Pagbabago, Nasaan Ka Na? Jerico Rosario

ayo 2011 noong pagplanuhan M umano ng pamahalaan ang pagtatayo ng Materials Recovery

Facility (MRF) sa bawat lugar sa Pilipinas, bilang tugon sa lumalalang suliranin ng bansa sa basura. Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring lumalala ang problema ng mamamayan sa kapaligiran dahil kahit ang tao mismo ay walang habas ding nagtatapon ng kanilang basura sa kung saan-saan. Kaya naman kahit sa mga tabi ng kalsada, tapat ng eskuwelahan, o sa mismong daluyan ng tubig ay may mga kalat na nakabara. Mukhang hindi pa mabibigyan ng permanenteng solusyon ang ‘di mamatay-matay na problema ng bansa sa kapaligiran ‘pagkat ayon sa World Bank (WB), posible pang tumaas ng 165% ang bilang ng basurang

Liwanag sa Walang Hanggang Dilim Ahleia Jeenan Cajilis

itong ika-21 lamang ng Hunyo N ay pormal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang

Republic Act No. 11036 o ang Philippine Mental Health Law upang mas mabigyang-pansin ang mga isyung may kaugnayan dito. Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami na kakaunti lamang ang kaalaman ng mga Pilipino ukol sa kahalagahan ng mental health ‘pagkat unang-una, hindi ito itinuturo sa lahat ng antas na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit hindi nabibigyan ng tulong ang mga taong nangangailangan nito. Sa katunayan, isa sa limang Pilipino ang mayroong mental health problem. Nakababahala ito sapagkat sa isang bansang may mahigit 100 milyong populasyon, nasa 700 lamang ang bilang ng mga psychiatrist at nasa 1000 naman ang dami ng mga psychiatric nurse. Mistulang nabigyang-liwanag ang napakadilim na sitwasyon ng mental health sa ating bansa, ayon kay Senador Risa Hontiveros. Dagdag pa rito, ngayon lamang nagkaroon ng batas na pagtutuunangpansin ang ganitong klaseng isyu. Samantalang una na itong ginawa noong 1980, ngunit hindi tuluyang naisabatas. Maaaring sabihin na ang mental health ay isang suliraning kailangang tugunan ng bansa, dahil habang tumatagal ay nagiging mas bata rin

PROBLEMA. Ang sakit sa ulong iniinda ng mga mag-aaral Dan Francis de Castro


AGHAM Vision Ecobricks, Pinangunahan ng YES-O 16

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

Ahleia Jeenan Cajilis

aganap ang isang seminar N patungkol sa Ecobricks noong ika27 ng Hunyo sa Cavite National High

School (CNHS) na siyang pinamunuan ng iba’t ibang science club, kasama ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) at ng organisasyong SIFcare. Kabilang sa mga naging layunin ng naturang seminar ay ang kahalagahan at kung paano mapapangalagaan ang kalikasan. Tinalakay din dito na ang solusyon sa basura ay ang basura rin

mismo, sa pamamagitan ng Ecobricks. Batay sa datos, ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang may pinakamaraming nakokolektang basura taun-taon, na siyang resulta ng magulong sistema ng pagtatapon ng basura. Sang-ayon ito sa impormasyong inilabas ng World Bank (WB), kung saan nabanggit na inaasahang aakyat ng 165% ang bilang ng Municipal Solid Waste (MSW) na makukuha mula sa iba’t ibang lungsod sa ating bansa

pagdating ng 2025. Ayon sa mga nabanggit sa naturang seminar, ang Vision Ecobricks ay may layuning maging solusyon para sa suliranin ng paaralan sa basura dahil ang pangunahing materyal nito ay plastik na isang uri ng ‘di nabubulok na basura. Gumagamit ito ng soft plastics na maninipis lamang at ng hard plastics na mas makakapal katulad ng mga balat ng tsitsirya. Samantala, nagbigay naman ng maikling kumento ang pangulo ng

Science Investigatory Project:

Flood Detector? Say No More! Ahleia Jeenan Cajilis

NGITING TAGUMPAY. Nakamit ng PMV Device ang unang pwesto sa naganap na SSTFC sa larangan ng Applied Science Team. - Kuha ng CNHS Science Department

N

agsimula na naman ang maulang panahon at tuluytuloy ang pagpasok ng bagyo sa bansa. Subalit ‘di lamang iyon ang mismong problema, dagdag pa rito ang malawakang pagbahang dulot ng malalakas na pag-ulan. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa Asya na kadalasang binibisita ng mga bagyo. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa humigit-kumulang 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) tauntaon at ilan lamang sa mga ito ay ang mga tinatawag na supertyphoon tulad

na lamang ng Yolanda na sumalanta sa libo-libong mga Pilipino noong 2013. Kaugnay nito, noong mga nakaraang buwan lamang ay nagsimula na muli ang maulang panahon sa bansa. Nananatili namang alerto ang mga mamamayan at ang mga lokal na pamahalaan sa mga epektong dala nito tulad na lamang ng pagbaha. Ayon sa datos, nangunguna ang Cavite sa listahan ng flood-prone areas sa Pilipinas na inilabas ng MMDA. Lumabas mula sa isang pag-aaral na ang mga pangunahing dahilan ng malawakang pagbaha sa bansa ay ang kahirapan, climate change, at ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino. Mababakas ito sa hitsura ng paligid: mula sa mga tabi ng kalsada, sa tapat ng tindahan, lahat ay ginagawang tapunan ng basura. Ang PMV device ay isang water level indicator na magagamit sa oras ng pagbaha, bilang madalas na binibisita ng bagyo ang bansa at mabilis ding bahain ang ibang mga lugar partikular sa Lungsod

ng Cavite. Ito ay isang three-in-one device prototype na gumagamit ng mobile alarm system na magbibigayalam sa isang tao ukol sa sitwasyon ng pagbaha sa kaniyang lugar kahit pa siya ay nasa loob o nasa labas ng tahanan. Ayon kina Zia Maxinne Valencia, Aliyah Xyris Peralta, at Graciella Matro, nabuo lamang nila ang ideyang ito mula sa iba’t ibang imbensyong natuklasan nila sa mga online video at kabilang sa mga dahilan kung bakit ito ang napili nilang gawin ay dahil sa madalas bumaha sa kanilang lugar kaya naman malaki ang maitutulong nito sa mga mamamayan. Dagdag pa ni Valencia, madali lamang gawin ang PMV device dahil recyclable materials naman ang ginamit para rito at ang tanging binili lamang nila ay ang mga circuit at wire na siyang kailangan upang mapagana ang nasabing device. Maaari rin daw itong gawing basehan pa ng ibang mga mananaliksik na Caviteñan na nais gumawa ng isang investigatory project na tulad nito. Tunay na kahanga-hanga ang talino ng mga mag-aaral sa pag-iimbento ng mga bagay na mapakikinabangan ‘di lamang ng kanilang mga kapwa magaaral, kundi ng bawat mamamayan. Maituturing na isa lamang ito sa mga dahilang nagpapatunay sa katagang “kabataan ang pag-asa ng bayan”.

Magulang, higit na nabahala dahil sa epekto ng Dengvaxia Mark Anthony Maucani

ubhang tumaas ang reklamo sa Lbansa pagbabakuna ng Dengvaxia sa ating na hindi umano’y kaugnay ng

pagkamatay ng ilang estudyanteng nabigyan ng naturang bakuna. Dahil dito, kinahaharap pa rin ng DOH ang pagrereklamo ng mga magulang sa naturang vaccine. Lubos na pangangamba ang naramdaman ng mga magulang dahil umano sa pagkakabakuna sa kanilang mga anak ng Dengvaxia. Pinawi naman ng Malacañang ang pangamba ng mga magulang ukol sa pagkabakuna sa kanilang mga anak ng Dengue Vaccine. Ayon sa kanila, pananagutan nila ang mga ito kung sakaling may mangyaring masama sa mga estudyanteng nabakunahan. Umabot na sa 7,000 ang nabigyan ng Dengvaxia Vaccine at posibleng 10 porsiyento lamang ang hindi tinamaan ng dengue. Ayon sa pahayag ni Department of Health Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy. Dumaan sa proseso ng DOH ang naturang gamot at handa silang harapin ang anumang imbestigasyon ukol dito. Ayon sa Department of Justice (DOJ) iimbestigahan nilang mabuti ang naturang usapin. Samantala, ipinahayag ni Presidential Spokeman

Sec. Harry Roque, ”Huwag po tayong magpanik at kung meron man pong ibang datos na mga magpapakita ng pagkakabahala ng publiko sasabihin naman po ito ni Presidente Duterte at wala naman po kaming balak na itago sa publiko na pahayag,” wika niya. Umabot na rin sa 62 ang bilang ng mga pasyenteng dinala sa Muntinlupa Hospital upang suriin ang sanhi ng kanilang nararamdaman at matiyak kung ano ang pinagmulan ng kanilang dinadaing na karamdaman. Pinauwi ang mga karamihan na tapos na at nagnegatibo sa Laboratory test. Nanatili naman sa ospital ang limang pasyente sa kabila ng positibong mayroong dengue, kabilang ang 12 taong gulang na si Christian Tobias. ”Hindi ko mawaring na mayroong palang dengue ang aking anak,” pahayag ng ina. Ilang mga sintomas na naramdaman ng karamihan sa mga estudyanteng ay ang pagkahilo,nasusuka,namamanhid ang buong katawan,pananakit ng tiyan,at ito ay pare parehas na nabigyan ng Dengvaxia Vaccine. Maliban pa rito, nagkaroon din ng parehas na kaso sa Pampanga kung saan may namatay na magaaral dahil sa pagpapabakuna para

sa Dengvaxia. “Nababahala po kami, lalo na yung asawa ko ninenerbiyos siya, ‘yun pong gabi naiisip niya yung katulad niyan nabalitaan na naman naming may namatay,” ayon kay Mary Jane Aguhayon na isang residente sa Pampanga. Iwasang maging padalos dalos sa paggawa ng desisyon. Isipin itong mabuti kung ito ba ay makatutulong o makapapamiminsala sa ating sarili.

62

YES-O na si Norie Bautista ukol

sa pagsasagawa ng naturang seminar. Aniya, nais niyang mahikayat ang kaniyang mga kapwa mag-aaral na pangalagaan ang kalikasan at isang daan ang paggawa ng ecobricks upang maisakatuparan ito. Dagdag pa rito, mula sa seminar ay mahihinuha ring hindi lahat ng basura ay agad-agad dapat na itapon, kailangan lamang na alamin natin kung ano ang mga posibleng paraan upang ito ay mapakinabangan pa.

Bilang ng Naninigarilyo sa Bansa, Dulot ng Smoking Ban Ahleia Jeenan Cajilis

oong nakaraang taon lamang ay ipinatupad na ni Pangulong Duterte N ang Executive Order No. 26 o ang nationwide smoking ban na pinagbabawal ang paninigarilyo partikular sa mga pampublikong lugar dahil sa mga posible nitong epekto sa tao. Isa sa mga naging salik ng pagpapatupad ng naturang ban ay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong namamatay dulot ng mga sakit na nakukuha mula sa paninigarilyo tulad ng stroke, heart disease, at iba pa. Maliban pa rito, ang kapahamakang dala rin ng second-hand smoke na maaaring makaapekto sa kahit na sino kung palaging nakalalanghap ng usok na mula sa paninigarilyo. Nauna nang ipinatupad ang Republic Act No. 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003 ngunit sa kabila nito ay walang masyadong epekto sa bilang ng mga Pilipinong naninigarilyo. Ayon kay Jim Asturias, isang abogado mula sa Health Justice Philippines, sa tulong ng nationwide smoking ban ay natutugunan ang mga hindi gaanong nabibigyangatensyon ng nasabing batas tulad na lamang ng mga uri ng tobacco products na ibaban. Sa ilalim ng nationwide smoking ban at RA 9211, hindi maaaring bumili ang mga menor-

de-edad ng tobacco products. Ang lalabag sa naturang probisyon ay pagmumultahin ng 5,000 pesos at posibleng makulong ng hanggang 30 araw o matanggalan ng business license. Samantala, ayon sa World Health Organization (WHO) Global Adult Tobacco Survey, nasa mahigit 15.9 milyong Pilipinong nasa edad 15 pataas ang naninigarilyo na mas mababa kumpara sa 17.3 milyong naninigarilyo noong 2009 bilang resulta ng ilang pagbabago sa mga batas. Ilan lamang sa mga batas na ito ay ang Republic Act 10351 o ang Sin Tax Reform Law na ipinatupad noong 2012 na siyang dahilan ng pagdaragdag ng tax sa tobacco products at ang Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warnings Law noong 2014 kung saan obligado ang mga manufacturer ng sigarilyo na maglagay ng mga larawan sa kanilang mga lagayan ng maaaring kalabasan kung ipagpapatuloy pa ang paninigarilyo.

Pilipinas, Nagkamit ng Unang Puwesto sa MSC 2018 Ahleia Jeenan Cajilis

patuloy na pag-angat ng antas ng teknolohiya, nagkaroon ng iba’t Say aibang bagay na nauso partikular sa kabataan at kabilang sa mga ito ang e-sports. Nitong nakaraang Agosto lamang ay nag-uwi ng panalo ang ilang teams mula sa Pilipinas sa ginanap na Mobile Legends Southeast Asia Cup (MSC) sa Jakarta, Indonesia. Ito ay isang all-Filipino finals game kung saan naglalaban-laban ang pinakamagagaling na Filipino gamers. Kabilang sa mga nag-uwi ng panalo ay ang pangkat ng Aether Main na nakapag-uwi ng unang puwesto sa MSC 2018. Sila ay nag-uwi ng halos 2,684,000 milyong piso habang ang kanilang nakatapat naman na pangkat ng Digital Devils ay nag-uwi ng nasa 1,450,000 milyong piso sa pagkamit ng ikalawang puwesto. Tinalo ng Aether Main at Digital Devils ang walong iba pang pangkat

mula sa anim na bansa sa Southeast Asia na siyang naging daan ng pagkakaroon naman nila ng puwesto sa MSC 2018 Grand Finals. Bilang marami rin sa Pilipinong kabataan ang nahuhumaling sa Mobile Legends, naging laman na rin sila ng iba’t ibang e-sports tournaments na isinasagawa sa bansa. Maaaring dahil sa madali lamang itong idownload ‘pagkat hindi na nangangailangan pa ng computer para rito, hindi gaya ng ibang laro tulad ng League of Legends o DOTA2. Samantala, maging ang mga Caviteñan din ay nahihilig sa naturang laro. Kaya naman isinama ito ng YES-O at ng iba pang science clubs sa mga gaganaping kompetisyon sa darating na science camp sa ika-20 ng Oktubre.

725 Hospitalized Deaths Datos ng DOH ukol sa Dengvaxia mula Marso 2016 hanggang Enero 2018.

Oplan Kalusugan, Inilunsad ng DepEd Kamiah Anella Tolentino

PAGKAKAISA. Pagsuporta ng mga mag-aaral ng CNHS sa naturang programa ng YES-O Caviteñan YES-O

ng Deparment of Education (DepEd) ang programang Oplan Kalusugan noong ika-13 ng Hulyo sa Inilunsad Paaralang Elementarya ng Pembo sa Makati City, kaugnay ng kanilang mga plano, patakaran, at gawain.

Trashformers, inilunsad ng YES-O

Sa tulong ng naturang programa ay nailunsad din ang limang pangunang health programs kabilang ang SchoolBased Feeding Program (SBFP), National Drug Education Program (NDEP), Adolescent Reproductive Health Education (ARH), Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) in Schools (WinS) Program at mga medical at dental services sa pamamagitan ng pagtatayo ng iba’t ibang booths, exhibits, mga presentasyon, at iba pang adbokasiyang nilahukan ng mga opisyal mula sa National Capital Region (NCR). “Maraming salamat na nandito

aglunsad ng isang proyektong tinatawag na Trashformers ang N Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite na pinamunuan ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O).

tayo ngayon upang magpahiram ng suporta. Sana hindi matapos an gaming mga pagsisikap pagkatapos ng paglulunsad,” ani DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones sa kaniyang keynote address. Pinasalamat din niya ang Pamahalaang Lungsod ng Makati, kasama ang mga iba pang stakeholder para sa kanilang walangsawang suporta sa mga programang ipinatutupad ng kagawaran. Ipinaliwanag din ni Briones kung gaano kahalaga ang edukasyon at kalusugan sa patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa kahirapan. Maliban pa rito, inilarawan din ng kalihim kung ano ang pagkakaiba

ng mga hamong pangkalusugang kinakaharap ng Pilipinas ngayon at kung anong kinaharap ng bansa limang taon nang nakalilipas. Ipinahayag din ni Briones na higit na nakatuon ang kampanya ng kanilang kagawaran sa paglaban sa ilegal na droga, ‘pagkat maging ang mga mag-aaral ay apektado na nito. Ayon naman kay Usec. Annalyn Sevilla, bilang malapit na ang pagdinig ng badyet para sa 2019 ay nais nilang ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagpopondo sa programa ng DepEd dahil anila, nilalayon ng OK ang pangako ng pag-unlad ng lipunan at para matuldukan ang kahirapan.

Ahleia Jeenan Cajilis

Ang Trashformers ay isang Solid Waste Management (SWM) incentive system kung saan ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga recyclable waste kapalit ng school supplies. Kabilang sa mga layunin ng naturang proyekto ay ang pagkakaroon ng disiplina sa segregasyon ng basura sa mga mag-aaral. Ayon sa National Solid Waste Management status report noong 2015, ang Pilipinas ay nakalilikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw

at 52.31% nito ay mga bio-degradable o nabubulok. Sa pamamagitan ng proyektong ito, mahihikayat ang mga mag-aaral na magsegregate ng kanilang mga basura nang sa gayon ay hindi magkakahalo-halo ang mga ito sa oras na kolektahin at dalhin sa mga landfill. Maliban pa rito, kabilang sa mga layunin ng Trashformers ay ang makatulong sa mga estudyante sa pamamagitan ng kapalit na kagamitan sa bawat kaukulang trash points.


ANG CAVITEÑAN

I

ISPORTS

Euler, Kampeon sa Singles A Manilyn Daria

I

nilampaso ng beteranong manlalaro ng Yellow Tigers na si Euler Aguilucho ang bagohang manlalaro ng Blue Eagles na si Allaine Sapo sa ginanap na Badminton Finals Battle for Gold sa iskor na 21-3 noong CNHS intramurals sa Montano Hall. Nagpaulan ng naglalagablab na mga smash si Euler upang agarang palakihin ang lamang 5-0. Maaga pa lmang ay nahirapan ng makaiskor si Alaine dahil narin sa matataas ang mga pasa nito kung kaya’t mabilis na naiismash ito ng kalaban. Matapos ang 7-0 run ni Euler ay nakamit n ni Allaine ang kanyang unang iskor gamit ang dropshot. Muli na namang pinasayaw ni Aguilucho ang kanyang kalaban at muling nakapagtala ng 9-0 run. Ipinakita naman ni Sapo ang kanyang skills sa smash ng makaiskor ng dalawang sunod. Matapos ang 2-0 run ni Alaine ay hindi na ito muling nakaporma pa nang agad na tapusin n ani Euler ang

laro 21-3. Dala na rin ng mas matagal na ang manlalaro ng Yellow Tigers ay hindi na ito nahirapan pa sa pagpapataob sa kalaban. Iniuwi ni Euler ang gintong medalya at pilak namang ang nakamit ni Alaine. Naging maganda ang pagtatapos ng lrong ito para kay Euler lalo n at ito na ang kanyang huling taon sa Junior Highschool. “Masaya ako na ito na lahat, nagbunga na lahat ng pagod ko eh” ani ni Euler. Puspusan na ang paghahanda hindi lamang ni Euler kundi ng iba pang nanalo para sa darating na City Meet.

Bangis ng Red Foxes, Nagkampeon!

P

Manilyn Daria

inangunahan ni Jolo Moya ang Red Foxes tungo sa pagkakampeonato laban sa mas beteranong Yellow Tigers sa sikor na 25-21, 26-28, 15-10 sa ginanap na Men’s Volleyball battle for Gold noong CNHS Intramurals sa Covered Court. Naging mahirap para sa dalawang bumalik ang higpit ng kanilang floor koponan na kuhanin ang parehong defense sa pangunguna ni Edric inaasam na kampeonato dala ng Alvarez sa pagpasok ng huling set. mahigpit na depensa at lumalagablab Kumamada ang liberong si Edric na opensa ng parehong koponan. ng 14 excellent digs at matagumpay Bagaman higit na mas batang namang napaglaruan ni James maituturing ang Red Foxes kaysa sa Sadorra ang depensa ng Yellow Yellow Tigers, hindi nagpahuli ang Tigershigit sa ikatlong set nang mga ito nang maaga nilang kunin ang makapagtala siya ng 24 excellent momentum gamit ang mala pader sets sa tulong narin ng 17 excellent na blocks na naging resulta rin ng receive ni Alvarez. pagkamit sa unang set, 25-21. Naging malaking susi si Alvarez Pinangunahan ni Moya ang kanyang sa pagkakuha ng huling set na siya koponan nang siyay magtala ng 25 ring nagresulta sa pagkakampeon puntos, 20 spikes, 3 aces, 2 blocks. nila dahil sa higpit ng kanyang floor Kumamada naman ng tig 15 sina defense na talaga namang nagpahirap Kevin Labajo at Julius Parnala na may sa Yellow Tigers, 15-11. parehong dalawang aces, dalawang kill Namayani ang Red Foxes sa lahat blocks para kay Kevin Labajo at apat ng larangan, mapaspikes, blocks, naman kay Julius. aces, excellent set, receive at digs. Mababakas na nagpakakampante Kapansin-pansin din ang ang Red Foxes nang makapagtala dami ng errors at kakulangan sa sila ng malaking kalamangan na siya komunikasyon ng Yellow Tigers na namang sinamantala ng Yellow Tigers. naging dahilan ng pagkatalo nila. Pinangunahan ni Earl Matthew “Masaya ako para sa team, Dacillo ang Yellow Tigers nang siya’y nagbunga lahat ng efforts naming”, magpaulan ng spikes dahilan upang ani ni Edric. masilat nila ang ikalawang set at Teamwork naman ang naging susi iextend ang laro sa ikatlong set, 28-26. ng Red Foxes upang lampasuhin Muling nanumbalik ang kumpyansa ang kalaban at maiuwi ang ng mas batang koponan nang muling pagkakampeonato.

Paghahanda: Basurang Sistema Aubry Bugayong

Kakulangan sa pondo para sa mga piling manlalaro ng Cavite City na siyang haharap sa Provincial Meet ang nakikitang dahilan ng maraming sports analyst at officials kung bakit patuloy na bumababa ang ranggo ng Cavite City sa nasabing palaro. Bagaman naglaan ng humigit kumulang 200,000 libong pisong pondo ang gobyerno para sa mga manlalaro ay di parin ito sapat upang tugunan ang pangangailangan ng mga manlalaro. Sa katunayan, idinadaing ng maraming manlalaro ang huling pagbibigay ng pocket money para sa kanila. Matatapos na ang palaro ngunit di parin ito naibibigay hanggat sa kadalasa’y nakakaligtaan na. Malaking suliranin ding kinakaharap ng mga manlalaro ang kakulangan sa suplay ng pagkain. Mahirap mang paniwalaan ngunit kapos at nagkakaubusan ang mga manlalaro pagdating sa pagkain. Kailangan pa tulo’y nilang magunahan sa pagbangon sa umaga upang makapag-almusal ng maayos samantalang almusal ang itinuturing na pinakamahalagang pagkain. Apektado tuloy maging ang paglalaro ng mga pambato. Nakakahiya mang isipin ngunit wala ring maayos na jersey ang mga manlalaro. Wala kasing inaasahang sasagot pagdating sa gastusin ng mga kasuotan. Nagdudulot tuloy ito ng pagbaba sa confince level ng mga manlalaro. Ayon sa kanila, nagmumukha silang gusgusin sa tuwing haharap sa mga ibang lalawigang kalaban. Mapapansin mo ito sa resulta ng laro ng basketball team ng Cavite City. Wala silang matinong jersey at di umano’y nabulas sila ng kalabang koponan na siyang nagdulot sa sunod sunod na pagkatalo. Kulang kulang din ang gears na ginagamit ng mga manlalaro particular sa arnis. Talo na nga nadisgrasya pa. magpahanggang ngayon ay hindi parin ito naasikaso kahit na sobrang laki ng

problemang idinudulot nito. Isa ang intensive training sa susi sa pagkapanalo ngunit papaano kung sa training pa lamang ay bausra din ang sistema. Dinadaing ng manlalaro ang kapos na suporta sa kanilang training. Walang maayos na facilities, walang sapat na kagamitan, walang sapat na tubig at marami pang iba. Sa training pa lamang ay ligwak na tayong mga Caviteno. Sa lahat ng problemang kinakaharap ng mga Cavitenong manlalaro ay isa lamang ang solusyon dito, sapat na pondo ngunit ito rin ang dahilan sa namumungang problema. Kapos na kapos ang nasabing lungsod pagdating sa pinansyal. Nagiging sanhi tuloy ito ng pagbaba ng ranggo ng Cvite City sa mga palarong pambansa. Sa pagtagal ng panahon ay nawawala na ang Lungsod sa top 5. Hindi narin sila nakatutungtong sa STACAA. Bagaman maraming problema ang kinakaharap ng Cavite city ay hindi ito sapat na dahilan upang pabayaan ang sports fund ng lungsod lalo nat may kanya kanyang distribusyon ang pera. Naway ang pera ng sports ay sa sports lamang lalo nat hindi ginagalaw ng sports ang pondo ng iba. Karangalan din naman ang dulot ng bawat panalong maaring maiwui ng mga manlalaro. Huwag sana isantabi ang kahalagahan ng sport hindi lamang sa sariling interes ng manlalaro ngunit maging ng Lungsod. Kung matutuganan lamang ng gobyerno ang pangangailangan ng mga manlalaro ay muling maitatas ang bandera ng mga manlalrong Caviteno at sa ganitong paraan ay maaari itong makatulong sa pagpapalago ng turismo. Nawa’y hindi sana ipagsawalang bahala ang mga problemang patuloy nilang kinakaharap lalo nat talent at kinabukasan ang nakataya rito.

CNHS, nanguna sa Table Tennis Manilyn Daria

atagumpay na nasungkit ni Adrian B. Malicdem ng M Cavite National High School (CNHS) ang gintong medalya sa ginanap na City Meet 2018, Table Tennis Men’s Division Championship noong ika-26 ng Setyemre sa Montano Hall Stadium.

Pinataob ni Malicdem ang kaniyang mga kalaban na nagmula sa iba’t ibang mataas na paaralan sa Cavite City. Ipinamalas niya ang kaniyang natatanging kahusayan sa nasabing isports at hindi nagpaawat sa kaniyang mga laban. Binakuran ni Malicdem ang kaniyang mga kalaban at hindi hinayaan na maungusan siya ng mga ito bagaman bakas na ang pagod s kaniyang mukha. Nasuklian ang kaniyang pagod nang magtagumpay siyang maiwi ang gintong medalya. Nakapag-uwi rin ng medalya ang dalawa pang pambato ng CNHS na sina

John Michael Liwanag na nakasungkit ng bronze medal at Andrew Raphaele S. Valerio na nakakuha ng ika-apat na pwesto. Sa kabilang banda naman ay nagpalas din ng angking galing ang pambato ng CNHS sa Table Tennis Girl’s Division kung saan naiuwi nina Jeinuary B. Vicente ang silver medal at Sofia Mae P. Navarette na nakapag-uwi ng bronze medal. Pinatunayan ng mga manlalaro ng CNHS na hindi sila magpapahuli pagdating sa larangan ng isports na Table Tennis.

HAMPAS PARA SA MEDALYA. Paghampas ng isang Caviteñan para sa ginto Sarah Pico

Allen, Humampas ng Ginto JC Pico

anaig ang lakas ng pambato ng Yellow Tigers na si Allen Avelino nang lampasuhin nya ang manlalaro ng Blue N Eagles na si Rain Alvarez sa ginanap na Badminton battle for Gold (Singles D) sa iskor na 21-6 noong CNHS Intramurals sa Montano Hall. Walang hirap na pinasayaw ni Allen si Rain sa kanilang pagtutunggali ng agad nitong nakuha ang momentum at makapagtala ng 6-0 run sa umpisa ng laro. Isang mahabang rally naman ang napagtagumpayan ni Rain ng samantalahin niya ang mataas na pasa

ni Allen at makuha ang una niyang puntos sa laro,1-6. Hindi na muling pinabuwelo pa ni Allen si Alvarez ng itala niya ang ang pinakamahabang run 11-2 nang paulanan nito ang mas batang manlalaro ng smash, 18-3. Kumamada naman ng 3-0 run si

Rain ng samantalahin nya ang mataas na pas ani Allen, 6-18. Matapos ang run na naitala ni Rain ay tinapos n ani Allen ang laro ng walang kahirap hirap gamit ang dropshot 21-6. “Paid off lahat, City Meet naman!” masayang ani ni Allen.

matugunan ng mga taong mas may kakayanan. Isa sa mga programang iniaalok ng Cavite National High School (CNHS) ay ang Special Education (SPED) Program na nagbibigay ng pangunahing atensyon pang-edukasyon sa mga kabataang "mentally challenged". Sa ginanap na City Meet 2018 ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga mga mag-aaral sa ilalim ng SPED Program na makibahagi at lumahok sa iba't ibang larong pampalakasan. Ang ilan sa mga ito ay ang larong BOCCE, Running (100 m at 200 m), Shot Put at Long Jump. Nagsipag-uwi ng mga

medalya ang mga manlalaro mula sa CNHS. Itinanghal na mga kampeon ang manlalaro na sina Jhammiel Aricayos, Precila Bartolome, Edward Saria at Danica Calasin at nagsipag-uwi ng gintong medalya sa iba't ibang isports. Sa kabila ng kanilang kalagayan, ang mga mag-aaral na ito ay buong tapang na nakilahok at nakipagsabayan maging sa mga larong pampalasan o isports. Pinatunayan ng mga kabataang ito na bagaman sila ay may kapansanan, handa pa rin silang makipagsabayan sa iba na may normal na kalagayan.

Hadlang na hindi balakid Manilyn Daria

ng mga atleta ay may mga Lng ahat kaniya-kaniyang mga kwento kanilang mga pinagdaanan sa

buhay. Marami sa ating mga atleta ay humarap sa matinding mga pagsubok na siyang mas nagpatibay sa kanila hindi lamang bilang mga atleta kundi maging bilang mga indibidwal. Ngunit kailanman, ang pangarap ay hindi nahahadlangan ng kahit na ano pa mang mga pagsubok basta't ang isang tao ay determinado. Hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng maayos at malusog na pangangatawan dahil 'yung iba ay may mga espesyal na pangangailangan na kailangang

Caviteño, Mabangis! Manilyn Daria

ung ang Korea ay may taekwando, K ang China ay may Kung Fu at ang Japan ay may karate, tayong mga

Filipinonay may sariling ating na dapat ipagmalaki, walang iba kundi ang arnis! Marami ang nahuhumaling sa isports na arnis na siya ring kilala bilang kali o eskrima dahil sa magandang dulot nito sa ating kalusugan at talaga namang nakakaaliw. Bagaman kapos o nagkulang sa pagdodokumento noon ang mga Pilipino sa larangan ng arnis , hindi ito naging hadlang upang hindi pagyabungin ng maraming Pilipino ang isports na ito. Sa katunayan , bago pa man mapasa ang R.A 9850 na syang pinangungunahan ni Senator Juan Miguel Zubiri na nagsasabing ang arnis na ating pangbansang isports ay bulaklak na ito ang usap usapan hindi lamang ng mga manlalaro at sports enthusiast kundi ng lahat mapa bata man o matanda. Isa sa mga kilalang nagtaguyod ng arnis ay si Remy Presas na siyang itinuturing na ama ng modernong arnis. Tunay na hindi matatawaran ang kanyanng mga kontribusyon sa kanyang napiling larangan . Nagsilbi siyang ilaw sa mapanglaw na gabi para sa mga nanghihinang manlalaro . Dako sa Cavite partikular sa Cavite City, may isang ama rin ng arnis na talaga namang itinaguyod ang isporrts na ito. Sa panahon ng paghihingalo ng arnis hatid ng pag usbong ng teknolohiya, hindi nawala ang gabay ng isang grandmaster, si Grandmaster Henry Cerilla. Walong taong gulang pa lamang si Grandmaster Henry ay nakitaan na sya galing sa pag-aarnis. Sa murang edad ay natutunan na niyang mahalin ang sariling atin. Samut-saring tagumpay narin ang nakamit niya. Pagtungtong niya ng ika-17 taong gulang ay legal na siyang naging isang tagapagsanay.

Buong puso niyang ibinahagi sa iba ang kanyang karansan sa arnis. Sa loob ng 47 taon niya sa kanyang larangang tinahak ay magkahalong saya at hirap ang kanyang dinanas. Ayon sa kaniya, teknolohiya ang isa sa mga kaniyang kalaban. Nagmistulan itong kaagaw ni grandmaster sa atensyon ng kanyang mga sinasanay. Gayon pa naman ay mababakas mo sa mga naiuwing parangal ng Cavite City na talagang namang napagtagumpayan niyang gabayan ang sariling bayan sa larangan ng arnis. Sa nagdaang mga patimpalakng arnis ay hindi mawawala ang lungsod ng Cavite sa listahan ng mga nagwagi. Mapa Milo Little Olympics, Batang Pinoy Arnis at National UKP ay talaga namang hindi tayo magapahuli. Ilan sa mga nag-uwi na ng karangalan bilang isang arnisador para sa Cavite City ay sina Aliyah Peralta na siyang namayagpag sa lahat ng uri ng arnis higit sa solo baston. Lagi syang nakapag-uuwi ng mga gintong medalya na talaga namang nakabibilib. Nag-uwi narin ng madaming gintong medalya sina Marc Ferin Sacueza at Cairo Porcioncula na siyang namayagpag naman sa Milo little Olympics at Batang Pinoy Olympics. Marami pang Caviteno ang talaga namang nagpakita ng bangis at namayani sa arnis. Bukod sa galing at pagmamahal sa arnis, may isa pang susi ang mga Caviteno, si Grandmaster Henry. Isa ang gabay niya sa nagtuyaguyod sa Cavite City upang mamayagpag. Naglalakihang lugar ang nakakalaban ng Cavite City gaya na

lamang ng Bicol, Laguna, Batangas at marami pang iba ay hindi nagpapahuli ang mga Caviteno. Bitbit nila ang kakaibang estilo sa pag-eensayo upang maipanalo ang bawat laro. Ang estilo na siyang nagpaiba ng arnis sa Cavite City mula sa ibang lugar. Lubhang pinapahalagahan ng mga manlalaro ang pagsasamahan nila kaya bago pa man simulan ng mga Caviteno ang pormal nilang pag-eensayo ay may pormal din silang kulitan at kwentuhan kasama ang Grandmaster. Isa ito sa kanilang paraan upang hindi rin tuluyang tangayin sa agos ng teknolohiya. Magbago man ang ihip ng panahon, mawala man ang gabay ng isang maestro, kumupas man ang galing ng Cavitenong arnisador, hindi na mabubura pa ang katotohanang dapat katakutan ang Cavite City sa larangan ng arnis.


isports Yellow Tigers at White Cranes, nanguna sa Cheerdance Competition 18

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

Manilyn Daria

agpamalas ng mga kakaibang N galaw at ng angking husay sa pagsayaw ang Grade 10

Yellow Tigers at ang Grade 11 White Cranes nang itanghal sila bilang kampeon sa ginanap na Cheerdance Competition kasabay ng pagbubukas ng Intramurals 2018 ng Cavite National High School (CNHS) sa Montano Hall Stadium noong ika-20 ng Agosto. Naglaban-laban ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang mula sa Baitang 7 hanggang Baitang 10 at naglaban naman ang Baitang 11 at ang Baitang 12 para sa kampeonato. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kani-kanilang pinaghandaang yells at kanilang mga cheers na naging dahilan upang mas lalong lumakas ang hiyawan at umingay sa loob ng stadium. Inangkin ng Yellow Tigers ang entablado nang ipamalas nila ang kanilang natatanging mga galawan at nakakakabang mga buhatan maging ang mga pagbali-baliktad nila kaya sila ang ginawaran ng tropeyo at naging kampeon sa Cheerdance Competition sa buong Junior High School. Sa kabilang banda ay ibinigay rin ng White Cranes ang lahat upang makuha ang tropeyo at tanghalin bilang kampeon laban sa Grade 12 Black Jaguars. "Syempre thankful kami kasi hindi namin inaasahan kasi magagaling 'yung mga kalaban namin pero mas nagkaroon kami ng loob dahil kay Sir Aei at kay Ma'am Parnala na kahit alam nilang pasaway kami, nandoon pa rin sila pa i-cheer up kami sa bawat gagawin namin. Kahit kami po 'yung nag-champion, para sa amin lahat panalo kasi lahat ay nagpagod at lahat nag-effort," pahayag ni Trisha Datugan na isang miyembro ng Yellow Tigers.

BUHAT NG WAGI. Pagsasagawa ng White Cranes sa isang sa kanilang nakakakabang stunt na ginawa Sarah Pico

STEM/ABM 11, nanaig sa Volleyball SHS Ball Games Manilyn Daria

N

asungkit ng koponan ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics at Accountancy, Business and Management 11 (STEM/ ABM 11) kontra sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics at Accountancy, Business and Management 12 (STEM/ABM 12) sa kaunaunahang Cavite National High School - Senior High School (CNHS-SHS) Ball Games, Volleyball Women’s Division Championship na ginanap sa CNHS noong ika-23 ng Agosto Winakasan ng STEM/ABM 11 ang laban sa dalawang set sa parehong iskor na 25-14 at itinanghal na kampeon sa naturang pampalakasan. Sinimulan sa isang service ace ni Lheisha Lee ng STEM/ABM 11 ang unang set ngunit agad itong nasundan ng mga unforced errors na siyang naging dahilan upang malamangan sila sa unang parte ng set, 6-4. Nakuha ng STEM/ABM 11 ang unang set mula sa mga pinagsamasamang puntos mula sa service aces nila at mga unforced errors na pinakawalan ng mga manlalaro ng STEM/ABM 12 na naging dahilan upang hindi na nito nahabol ang kalamangan, 25-14.

Nalamangan kaagad ng ng STEM/ ABM 11 ang kalaban sa pagsisimula ng ikalawang set dahil sa mga unforced errors ngunit agad din namang nakahabol ang STEM/ABM 12 at naitabla ang iskor, 6-6. Pinilit ibalik ng mga manlalaro ng STEM/ABM 12 ang kontrol sa laro ngunit laging may sagot ang mga manlalaro ng STEM/ABM 11. Pinataob ng dalawang magkasunod na beses ng STEM/ABM 11 ang STEM/ABM 12 sa pinal dahil ito ang nakakuha ng twice to beat kaya't mas naging mahirap para sa kanila ang laban ngunit mas nangibabaw pa rin ang pagtutulungan.

Laniecians Wagi Kontra SPNHS Aubry Bugayong

inangunahan ni Rishalyn P Mendoza ang Laniecians Volleyball Team womens division

dahilan upang magwagi kontra sa Sangley Point National High School sa iskor na 25-18, 25-15 sa ginanap na 2018 Cavite City Volleyball Tournament kahapon sa Covered Court. Kumamada ng 16 points ang team captain ng Laniecians na si Mendoza, 10 spikes, 4 service ace at dalawang kill blocks. Hindi nagging mahirap para sa CNHS na masungkit ang unang panalo dala na rin ng madaming errors ng kabilang koponan. Katuwang ni Rishalyn si Kristel Samalea na siyang nagpakitang gilas sa pagpapakawala ng down the line hit na nagbunsod ng mahahabang runs. Nakapagtala naman ng 7-0 run ang CNHS kontra sa SPNHS nang magpakawala ng msunod sunod na smart plays si Mendoza at Nicole Camantigue, 24-18. Isang ace naman ni Jamica Rocero ang tuluyang nagsarado sa first set,

Timpla ng pagsisikap tungo sa pangarap Manilyn Daria

M

ahirap pagsabayin ang pagiging estudyante at pagiging isang atleta sa parehong panahon. Bukod sa pagbabalanse ng oras, pagod din ang isa pang kalaban ng ating mga atleta. Sa dami ng mga

MALA-PADER NA BLOCK. Isang matibay na block ang isinagawa ng isang Cavitenan Sarah Pico

25-18. Isang drop ball naman ni Rishalyn ang tumapos sa laro nang mahanapan niya ng butas ang depenssa ng SPNHS,

25-18. “Masaya ako na nanalo kami kahit na marami pa sa amin ay kinakabahan ng sobra” ani ni Mendoza.

STEM/ABM 12, pinataob ang HE/EIM 12 sa Volleyball Championship Manilyn Daria

kailangang gawin, aralin at ipasa sa paaralan ay paano pa nga naisisingit ng mga atletang ito ang kanilang panahon para sa pagsasanay? Hindi biro ang pinagdadaanan ng ating mga atleta na siyang nagbibigay parangal sa ating paaralan. Ang isang atleta ng isports na Taekwondo na kasalukuyang magaaral ng Cavite National High School (CNHS) na si Laniel Jade Arellano ay patuloy na nag-uuwi ng karangalan hindi lamang sa ating paaralan ngunit maging sa ating lungsod. Kasalukuyang nasa ika-10 baitang at parte ng Ciudad de Cavite Taekwondo Team. Simula ng walong taong gulang pa lamang siya ay nakahiligan na niya ang Taekwondo kaya naman agad din niya itong sinimulan sa tulong ng kaniyang ina na siya ring nagimpluwensiya sa kaniya sa larangang ito. Sa pananatili ni Arellano sa CNHS ay mas nahasa at mas napagtuunan ng pansin ang kanilang mga pangangailangan sa kagamitan na siyang nakatulong upang mas makapagsanay sila ng maayos. Natulungan din siya ng paaralan na makalahok sa iba’t ibang lugar at makarating sa mga matataas na kompetisyon. Ilan sa mga napagwagian niya ay ang 2018 Milo Olympics (silver medalist), 2018 Bacoor Taekwondo Championship (gold medalist), 2018 Imus Taekwondo

Championship (gold medalist). Bukod sa mga medalyang nasungkit niya ay nagawaran din ng siya ng scholarship mula sa LPU Cavite ngunit dahil siya ay nahirapan dito, mas minabuti na muna niyang bumalik sa sa CNHS upang ipagpatuloy ang pagsasanay. Hindi lamang ang LPU Cavite ang sumubok na makuha si Arellano dahil maging ang Perpetual Help Las Piñas ay nagbigay rin ng scholarship sa kaniya at handang magsanay upang mailaban siya sa Palarong Pambansa. Isang malaking oportunidad ito para sa kaniya kung kaya’t sa susunod na taon ay doon na niya ipagpapatuloy ang pag-aaral at maging ang kaniyang pagsasanay. Sa panibagong landas na tatahakin ni Arellano ay bitbit niya ang mga natutunan niya sa paaralang CNHS na kaniyang pinagkatiwalaan na humubog sa kaniyang kakayahan pagdating sa naturang isport na Taekwondo. Patuloy siyang mag-aaral nang mabuti at mas pagbubutihin pa ang pagsasanay upang makamit niya ang kaniyang pangarap. Patuloy siyang mamamayagpag sa larangang ito at patuloy siyang ipagmamalaki hindi lamang ng paaralan na CNHS kundi maging ng mga taong naniwala at nakasaksi sa kaniyang paghihirap at sa kaniyang pagsisikap. “Ang maipapayo ko po sa mga katulad kong student athlete ay mag-aral sila ng mabuti at mag practice ng mabuti at be humble,” pahayag ni Arellano.

inangunahan ni Bryan Ponce ng Science, Technology, Engineering, P and Mathematics at Accountancy, Business and Management (STEM/ ABM 12) kontra sa koponan ng Home Economics at Electricity Installation

Maintenance 12 (HE/EIM 12) nang tuldukan nito ang laban sa isang humahagupit na pagpalo sa bola sa ginanap na Cavite National High School - Senior High School (CNHS-SHS) Ball Games, Volleyball Men's Division Championship sa Covered Court ng CNHS noong ika-23 ng Agosto.

Nagharap ang dalawang natirang matibay na koponan sa pinal at parehong ibinuhos ang lahat upang masungkit ang kampeonato ngunit mas nanaig ang STEM/ABM 12, 2513, 15-25, at 15-11. Nagpaulan kaagad ng mga naglalakasang ispayk ang magkatunggaling koponan sa paguumpisa pa lamang ng laban. Ipinamalas ni Ponce ang kaniyang pagiging propesyonal sa paglalaro ng balibol nang pangunahan nito ang mga pag-atake sa tulong din ng kapwa manlalaro na si Jerron Anggaco kaya't nailayo nila ang kalamangan at nakuha ang unang set. Umarangkada naman ang mga beteranong manlalaro ng HE/EIM 12 na sina Bryan Bieles, Adrian Manansala at Jerico Guita sa ikalawang set at pinagtibay pa ang depensa sa pamamagitan ng mga solidong blocks kaya nagtagumpay silang maitulak pa ang laban sa ikatlong set. Bigong makalusot ang mga palo ng STEM/ABM 12 sa tindi ng depensa na ipinamalas ng mga manlalaro ng HE/EIM 12. Rumaragasang mga pag-atake

naman ang sumalubong sa mga manlalaro ng HE/EIM 12 nang magpakawala agad si Ponce ng mga bumubulusok na pag-atake sa pagsisimula pa lamang ng huling set ng laban at tuluyan ng tumalab ang mga estratehiya nila na siyang naging dahilan upang maiuwi ang kampeonato. "Ang aking nararamdaman habang lumalaban ay kasiyahan habang ako'y nakakapuntos, takot na magkamali at hindi na muli makabawi at kaba dahil nakaka pressure din kasi yung ingay ng manonood at yung kalaban at syempre iniisip ko sa sarili ko na kaya kong gawin yung mga trabaho ko sa loob ng court, iniisip ko din yung mga diskarte na gagawin ko sa laban at hindi mawawala at laging nakatatak na sa isip ko yung salitang "BAWI" kung saan aking maitatama ang aking pagkakamali sa loob ng court at huli iniisip ko rin na manalo sa laban kahit nahihirapan kami dahil kailangan namin maging matatag sa loob ng court upang manalo sa laban at umuwi ng kampeon," pahayag ni Ponce na siyang tumapos sa laban.


isports

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite

ANG CAVITEÑAN

TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

19

Badminton Girl’s Championship, dinomina ng CNHS Aubry Bugayong

agsipagwagi ang mga manlalaro N ng Badminton Girls ng Cavite National High School (CNHS) kontra

sa mga pambato ng San Sebastian College Recolletos de Cavite (SSCRdC), Sangley Point National High School (SPNHS), at Saint Joseph College (SJC) sa ginanap na City Meet, Badminton Girl’s Division noong ika-27 ng Setyembre sa Montano Hall Stadium. Nakasungkit ng dalawang gold medals at dalawang silver medals ang pambato ng CNHS sa Badminton. Inararo nina Aenjel Castillo, Ma. Shiella Alora, Angel Geivette, at Lyanne Tapado ang ibang manlalaro mula sa iba’t ibang mataas na paaralan sa lungsod ng Cavite na lumahok sa City Meet. Nasungkit ni Castillo ang silver medal at nasungkit ang ikalawang pwesto sa Badminton Girl’s Championship Single A Category. Matagumpay namang nasungkit ni Alora ang gold medal at itinanghal na kampeon sa Single B Category sa Badminton Girl’s Championship. Sinigurado rin ni Geivette ng CNHS na maiuwi ang gintong medalya sa Single C category ng Badminton Girl’s Championship. Hindi rin nagpahuli sa laban si Tapado na siyang pambato ng CNHS sa Single D Category ng Badminton Girls nang masungkit nito ang silver medal sa pagtatapos ng laban. Iba-iba man ng pamamaraan ang mga manlalarong ito upang irepresenta ang CNHS sa isports na Badminton ay matagumpay naman nilang nakuha ang mga matataas na posisyon sa naturang isports.

HUSAY NG CAVITEÑAN. Pagsisimula ng isang laro sa pamamagitan ng isang “serve” mula sa isang Caviteñan Sarah Pico

EDITORYAL

HUMSS/AD 11, kinapos kontra HE/EIM 11 sa pinal Aubry Bugayong

angibabaw ang koponan ng Electrical Installation Mantenance at Home Economics 11 (EIM/HE 11) kontra sa N koponan ng Humanities and Social Sciences at Arts and Design 11 (HUMSS/AD 11), 66-62, sa ginanap na Cavite National High School - Senior High School (CNHS-SHS) Ball Games, Basketball Men's Division Championship sa Montano Hall Stadium noong ika-24 ng Agosto. Umarangkada ang magkatunggaling koponan upang masungkit ang kampeonato ngunit sa huli ay mas umangat ang pwersa ng EIM/HE 11 kontra sa koponan ng HUMSS/AD 11. Naghabulan ng iskor ang dalawang koponan sa first at second quarter at parehong nagpakawala ng mga jump shots at field goals upang makuha ang kalamangan. Magkalapit lamang ang iskor ng dalawang koponan at nakuha ng HUMSS/AD 11 ang kalamangan pagkatapos ng first half ng laban ngunit nag-init ang mga ace players ng EIM/HE 11 sa pagpasok ng

third quarter at nabawing muli ang kalamangan sa apat, 47-44. Rumatsada si Lenard Saltonis ng EIM/HE 11 na nagtala ng sunodsunod na puntos sa pagsisimula ng fourth quarter at sa tulong din ng mga agresibong mga kakampi niya na sina Hendry Maguicay, Ian Lloyd Espiritu at Lorenzo Cario ay naiangat pa nila ang kalamangan sa pito, 54-47. Nagkayod-marino naman ang mga manlalaro ng HUMSS/AD 11 na sina Charlea Dela Peña, John Paul Presa Granados at maging si John Carlo Jaime upang mahabol ang iskor at mapantayan ang intensidad ng laro ng

katunggaling koponan. Nag-apoy ang laban nang mailapit ng HUMSS/AD 11 ang kalamangan sa tatlo sa huling minuto ng laban, 6562, ngunit agad namang pinigilan ni Saltonis ang umaangat na momentum ng kalaban nang maagaw nito ang bola at makabingwit ng foul na siyang naging dahilan upang maitala nito ang huling puntos mula sa freethrow. Sa ipinakitang dedikasyon ng koponan ng EIM/HE 11 ay sila ang nakasungkit ng kampeonato at naguwi ng tropeyo na siyang sukli sa kanilang pinaghirapang mga laban.

Yellow Tigers at Green Falcons, itinanghal na Mr. at Ms. Intramurals

Buhayin o Patayin?

arami sa ating mga kabataan M ang nahihilig sa iba't ibang gawain tulad ng pagkanta, pagsayaw,

paggamit ng social media at maging ang pagsusulat. Sa kabila ng kapakipakinabang na mga bagay na ito, nalilimutan natin na mayroon din tayong iba't ibang isports na maaari nating pagtuunan ng pansin. Ipagpapasawalang bahala na lang ba natin ang pagsasantabi ng nakararami sa isports? Iilan lamang sa mga kabataan ang nahihilig sa mga isports tulad ng basketbol, balibol, badminton, at marami pang iba, at ito ay isang malaking dagok para sa susunod pang henerasyon. Kung ngayon pa lamang ay hindi na bukas ang isip ng bawat isa patungkol sa isports, sino na ang magpapatuloy ng nasimulan ng mga kasalukuyang atleta na mayroon tayo ngayon? Ang Cavite National High School (CNHS) ay isa sa mga paaralan sa Cavite City na humuhubog sa kakayanan ng mga estudyante at sa mga nakikitaan ng potensyal sa larangan ng isports. Aktibo ang CNHS sa iba't ibang mga pampalakasan sa loob at maging sa labas ng Cavite City. Marami na ring naiuwing mga medalya at tropeyo ang mga atletang nagmula sa CNHS dahil sa sipag at tiyaga nila at maging ng kanilang mga gurong tagapagsanay. Tulad ng ibang talento, ang pagiging mahusay at pagiging dalubhasa sa isports ay natututunan din at nakukuha sa matinding pagsasanay. Nawawala ang interes ng mga kabataan sa isports dahil iniisip nilang hindi nila kaya at masyado silang mahina para rito ngunit ang katotohanan ay lahat tayo ay may kakayanan na maging mahusay sa larangan ng isports. Marami rin ang ang nagsasabi na walang patutunguhan ang sinuman sa larangang ito ngunit hindi ata alam

ng lahat na maraming mga atleta ang nakapagpatuloy ng pag-aaral, nakatulong sa pamilya at nakatapos ng pag-aaral sa tulong ng isports. Isa sa mga nakikita kong hadlang upang mas mapalapit ang lahat sa isports ay ang umuusbong na teknolohiya. Mas nagugustuhan ng mga kabataan ngayon ang umupo at maglaro ng computer games kaysa ang magpakapagod sa paglalaro ng isports. Parehong pagpapagana sa isip at katawan ang kailangan upang mapagtagumpayan ng isang atleta ang kaniyang laban kung kaya't marapat lamang na sila ay suportahan at bigyang parangal. Nakatutulong ang isports upang linangin ang kaisipan, pagpapanatili ng maayos na pangangatawan at pagkakaroon ng maayos na kalusugan. Importanteng malaman ng lahat ang kahalagahan ng isports sa buhay ng tao. Pagtutulungan ang siyang susi upang hindi tuluyang makaligtaan ang isports dahil isa ito sa mga nagiging daan upang matupad ang pangarap ng isang mag-aaral o ng isang kabataan. Huwag nating hayaang mamatay ang nasimulan ng ating mga atleta sa kasalukuyan. Maraming oportunidad ang naghihintay sa nakakararami sa pagkahumaling sa iba't ibang isports. Hikayatin natin ang isa't isa na subukan at bigyang halaga ang isports dahil marami itong maitutulong sa ating buhay. Ang isports ay hindi isports lamang dahil ang isports ay isang paraan upang mas mahubog pa ang ating kaisipan at maging ang pisikal na pangangatawan. Huwag nating isantabi ang isports dahil tulad ng iba pang bagay, ito ay may maganda ring maidudulot sa buhay ng bawat isa. Hindi natin alam na baka isa na pala sa atin ang susunod na Hidilyn Diaz na siyang makapag-uuwi ng gold medal at makapagbibigay karalangalan sa ating bansa.

Aubry Bugayong

a ipinakitang ganda, talino at talento, nasungkit ng pambato ng Grade 10 Yellow Tigers ang titulo bilang Spatimpalak Mr. Intramurals at nakoronahan naman ang pambato ng Grade 7 Green Falcons bilang Ms. Intramurals sa na Mr. and Ms. Intramurals 2018 na ginanap sa Montano Hall Stadium noong ika-20 ng Agosto. Naglalakasang mga sigawan at palakpakan ang bumalot sa loob ng stadium nang lumabas ang mga pambato ng iba't ibang baitang suot ang kanilang sports wear. Bakas ang kasabikan sa mga manonood na mga mag-aaral at mga guro nang ipakilala ng mga kalahok ang kanilang sarili ng buong pagmamalaki bilang kinatawan ng kanilang baitang. Ang pambato ng Yellow Tigers na si

Christian Paul R. Solomon ang hinirang na Ms. Intramurals na nakakuha rin ng mga special awards na Best in Sports Wear at Best in Casual Wear, samantalang ang pambato naman ng Green Falcons na si Angela Tano Tipa naman ang hinirang bilang Ms. Intramurals na nakakuha rin ng special awards na Best im Sports Wear at People's Choice Award. Lahat ng mga kalahok ay lakas loob na sinagot ang mga katanungan na

ibinato sa kanila ng mga hurado ng may tiwala sa sarili. "Masaya ako noong manalo bilang Mr. Intramurals dahil nagbunga lahat ng paghihirap ko," pahayag ni Solomon, ang bagong Mr. Intramurals. Hindi man pinalad ang iba pang kalahok na maiuwi ang titulo at parangalan bilang Mr. at Ms. Intramurals 2018 ay panalo naman sila sa puso ng kanilang mga tagasuporta.

maging isang guro at maging isang tagapagsanay, marami muna siyang pinagdaanan na mga pagsubok. "My struggle in studying was 'yung dumating 'yung time na kapos kami sa pera and and I go to school na five pesos lang ang laman ng bulsa ko na saktong pamasahe ko lang. After I graduated, mahirap magkatrabaho agad dahil na rin sa inflation ng ekonomiya and the only and easiest way para makapagtrabaho kami ay ang mag-aral ulit para makapagturo," pahayag ni Gng. Villaflor matapos tanungin patungkol sa mabigat niyang pinagdaanan sa buhay. Makikita natin sa pahayag ni Gng. Villaflor na nagsikap at nagtiis siya upang makarating kung nasaan man siya ngayon. Hindi naging hadlang sa kaniya ang hirap ng buhay bagkus mas ginamit niya ito upang mas maging matibay sa pagharap sa mas mahihirap pang pagsubok na darating sa buhay niya. Hindi pinili ni Gng. Villaflor ang propesyon na ito dahil sa alam niyang dadalhin siya nito sa karangyaan ngunit hindi ito ang

rason kung bakit narito siya. Ibang kwento ang nakatago rito. Sa mga pinagdaanan niya sa buhay, mas nakita niya ang halaga niya sa mga kabataang patuloy na nangangarap at nagsisikap. Isa sa mga naging paraan niya upang mapagsabay ang pagiging guro, pagiging tagapagsanay, at pagiging isang ina at asawa ay ang tamang paggamit sa oras. Inumpisahan niya itong gawin mula pa lamang nang magsimula siya sa pagtuturo. Bukod sa pagiging guro, isa rin si Gng. Villaflor sa mga naiimbitahang guro ng CNHS upang maging referee sa iba't ibang gawaing pampalakasan at ilan sa mga ito ay ang Cavite City Volleyball League, Medical Hospital League at Batch of CNHS League. Naimbitahan rin siya sa Gov. Ferrer MNHS Intramurals 2018 at naging isa ring referee sa Arnis Combative sa parehong gawain. Ngayon, isa sa mga pinagkakaabalahan ni Gng. Villaflor ay ang pagiging tagapagsanay ng mga pambato ng Lungsod ng Kabite sa iba't ibang lugar sa Arnis.

Hirap bago sarap Aubry Bugayong

insan, hindi natin alam ang M gusto nating patunguhan sa buhay marahil dahil marami pang

kailangang isaalang-alang bago tayo makagawa ng isang desisyon. Isa na siguro sa pinakamahirap na gawan ng desisyon ay kung ano nga ba ang propesyon na nais nating makamit sa hinaharap. Walang nakaaalam kung anong mangyayari sa atin pagdating ng panahon dahil kung minsan, kung ano pa ang inaasahan natin na mangyayari ay 'yun pa ang hindi natutupad. Sa pagtupad ng pangarap, isang malaking balakid ang kakulangan sa salapi kasabay ng patuloy na pagtaas ng ekonomiya at pagtaas ng mga bilihin. Mas nagiging mahirap mangarap ng mataas dahil alam naman nating hindi ito kakayanin ng ating bulsa. Pero iba si Gng. Ethel Clima Morgia Villaflor na kasalukuyang guro ng Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) sa Cavite National High School (CNHS) at isa ring aktibong tagapagsanay sa iba't ibang isports. Bago pa man siya


ANG CAVITEÑAN

ISPORTS MAGSALITA

SABIHIN

Opisyal na Pampamayanan-Pampaaralang Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite Chief E. Martin, Caridad, Lungsod ng Cavite, Sangay ng Lungsod ng Cavite, Rehiyon IV-A TOMO 81 BLG. 1 HUNYO 2018-PEBRERO 2019

IHAYAG

Laniecians Men’s Volleyball Team, Naghari sa City Meet Aubry Bugayong

inangunahan ng team captain na P si Jerron Anggaco ang Laniecians sa pagsungkit ng kampeyonato

kontra sa Sangley Point National High School Volleyball Team dahilang upang koronahang 2018 Cavite City Volleyball Champions sa iskor na 25-20, 25-17 sa ginanap na 2018 Cavite City Volleyball Tournament noong Setyembre 28 sa CNHS Covered Court. Hindi nagkakalayo ang puntos ng dalawang koponan, parehong nagtagisan si Reate at Anggaco sa pagpapalitan ng malulupit na spikes ngunit sa floor defense naman ay lumamang ang Laniecians sa pangunguna ni Bryan Tria at Edric Alvarez. Nawala ang init ng laro ng SPNHS nang sunod sunod na tawagan ang kanilang koponan ng rotating violation dahilan upang maagaw ng CNHS ang momentum ng laro, 8-4. Kumamada naman ng sunod sunod na mala pader na blocks sina Kevin Labajo katuwang si Jerron dahilan upang saraduhan ang pag-asa ng SPNHS na makahabol pang muli. Matapos ang 7-0 run ng Laniecians ay tumawag si Coach Eileen, coach ng SPNHS ng timeout na siyang umapula sa naglalagablab na runs ng Lanecians. Bagaman nasa kalagitnaan na ng laro ay kapansin pansing kabado parin si Ignacio, ang setter ng Laniecians, nang siya’y matawagan ng sunod sunod na double contact, 18-14. Nakapagtala naman ng 3-0 run ang SPNHS nang makuha nila ang momentum matapos mablock si Labajo, 18-17. Muling nanumbalik ang init ng laro sa CNHS nang magtala ito ng 5-0 run sa tulong ng mga smart plays ni Jerron at tuluyan nang maisarado ang unang set sa 25-20. Pinangunahan naman ni Sean Manalad, Julius Parnala at Alfonso Chan ang ikalawang set nang silay ipasok sa court. Nagpakawala sila ng malulupit na palo at sila din ang nanguna sa pagpapakawala ng mala-pader na blocks. Sa kalagitnaan ng laro ay ipinasok si James Sadorra upang palitan si Ignacio ngunit gaya ng mga nakaraan niyang laro ay nahirapan siyang kumonekta sa mga spikers niya dala narin ng kaba ngunit siyay nagpakitang gilas naman sa one-two play. Determinado nilang ipinakita na kayang punan ng manlalaro ng Laniecians ang kung ano man ang nawala sa team. “Nakakaproud dahil kahit maraming nawalang players ay nakaya nilang magkampeyon, alam kong magaling sila” ani ni Coach Lanie.

TUMPAK. Pasok sa depensa ng SPNHS ang kill ng isang Caviteñan sa finals ng Volleyball Boys Sarah Pico

CNHS, nakipagsabayan sa Taekwondo sa Milo Summer Clinic U

Manilyn Daria

marangkada ang mga manlalaro ng Taekwondo na Cavite City at matagumpay na nakapag-uwi ng tatlong medalya sa ginanap na 2018 Milo Summet Clinic na ginanap sa Marikina Sports Complex.

Nabigyan ng pagkakataon na magpamalas ang mga manlalarong sina Laniel Jade Arellano na nakasungkit ng silver medal, Lyka Gale Arellano at Shan Honey Maxino na nakasungkit ng parehong bronze medal sa nasabing patimpalak. Nabigo mang makasungkit ng medalya ang iba pang mga manlalaro na sina Mark Gerald Ronquillo, Angel de Mesa, Kurt Delasa at Isabela Villanueva ay umangat pa rin ang kanilang kagalingan sa larangang ito nang matagumpay silang napasama sa quarter finals. Pinatunayan ng mga manlalaro ng Cavite City na hindi sila magpapahuli sa larangan ng Taekwondo laban sa

mga manlalaro na nagmula pa sa rehiyon ng National Capital Region (NCR). Dumaan sa matinding pagsasanay ang mga manlalarong ito at naglaan ng oras at pagod upang paghandaan ang kanilang mga laban. Ipinakita ng mga manlalaro ng Taekwondo na parte ng Ciudad De Cavite Taekwondo Club ang kanilang dedikasyon pagdating sa larangan na kanilang napiling tahakin at pagyamanin. "As one of their coaches, I am always reminding them that above all discipline is the key to success in our game. I am always preparing their minds and hearts for the sacrifices

that they have to do in order for them to become a martial artist. It is not easy, but I am thankful that everyone of them are willing to absorb this mindset, and they have developed the team work that we need to grow as a team," pahayag ng kanilang tagapagsanay na si Ginoong Anthony Javaluyas na kasalukuyang guro sa Cavite National High School - Senior High School (CNHS-SHS). Hindi rito natatapos ang paglalakbay ng mga mahuhusay na manlalarong ito pagdating sa isports na Taekwondo at tiyak na marami pang mga susunod na kompetisyon ang kanilang haharapin kaya't patuloy ang pagsasanay nila.

Yellow Tigers, Itinanghal na Kampeon! JC Pico

agi ang G10- Yellow Tigers wagi matapos matalo ang kanilang kalaban na G9- Red Foxes na pinangunahan ni W Faith Santos sa iskor na 46-36 sa Girls Basketball Championship na ginanap sa Montano Hall noong Agosto 22.

Naging mainit ang dalawang koponan sa unang pagsalang sa court sa simula, dahil sa kanilang pagpapalitan ng puntos na naging sanhi ng mabilis ng kanilang panghihina. Inaasam ng G9-Red Foxes ang kampeonato matapos ang kalamangan nila as 1st half kaya’t

sila’y naging kampante matapos nilang makuha ang kalamangan kontra sa G10- Yellow Tigers. Kumana ng tatlong sunod na tres si Faith sa ikatlong laban at lumakas ang kanilang depensa kaya’t nabawi ng mas matandang koponan ang kalamangan. Ipinako ng Yellow Tigers ang

puntos ng Red Foxes upng makuha nila ang pagkapanalo. Ipinamukha ni Santos sa kalaban na hindi sila matatalo dahil sila’y isang beterano na sa larangan ng basketball. Ibinulsa ng Yellow Tigers ang ginto matapos nilang talunin ang Red Foxes sa iskor na 46-36.

Laniecians, Nasungkit ang Unang Pagkapanalo Aubry Bugayong

agpakawala ng mga lumalagablab na palo ang CNHS Laniecians Team sa N pangunguna ni Jeicy Opriasa para masungkit ang unang pagkapanalo laban sa Saint Joseph College of Cavite Incorporated iskor sa 25-15, 25-15 sa ginanap na 2018 Cavite City Volleyball Tournament kahapon sa CNHS Coverd Court.

Maagang nakapagtala ng 4-0 run ang visitor team sa kabila ng walang humpay na suporta ng mga magaaral ng CNHS sa sarili nitong team sa pangunguna ng team captain ng SJCCI na syang nagpakawala ng matatalas na serve. Mabilis na naagaw ng Laniecians ang momentum sa katunggali ng magmistulang ma-activate ng setter na si Ignacio sina Jerron Anggaco, Jolo Moya at Opriasa dahilan para sunod sunod na kumamada ng malulupit na palo, 11-6. Napako na sa 11 ang puntos ng SJCCI nang mag-init sa court si Kevin Labajo, na siyang nagpakawala ng lumalagablab na mga palo at kill blocks dahilan upang masira ang unti-unting momentum na binubuo ng SJCCI. Hindi na rin nahirapahan pang tapusin ng CNHS Volleyball Team ang unang set dahil sa matinding depensa ng libero na si Edric Alvarez ang mga pasa ng setter ng kabilang koponan. Umpisa pa lamang ng ikalawang set ay inagaw na agad ng Laniecians ang momentum at makapagtala ng 7-1 run sa tulong nina Opriasa at Anggaco. Sa kalagitnaan ng laro ay ipinasok ni Coach Lanie Pineda si James Sadorra, ang ikalawang setter ng Laniecians at agad namang nagpakita ng one-two play, 13-7. Kapansin pansing nahihirapang kumonekta ang mga middle blocker

kay James bunsod na rin ng biglaang transition at pagpapakawala ng tatlong sunod sunod na errors dahilan upang muling ibalik sa court si Ignacio, 18-10. Naging kapanapanabik ang mga sumunod na rally ng magpakitang gilas ang mga libero ng parehong koponan, pareho nilang hinigpitan ang floor defense ngunit errors naman ang nagsilbing kalaban ng SJCCI ng matapos ang bawat rally sa erros, 24-15. Isang service ace naman ni Jerron ang tumapos sa laro, 25-15. Kapansin pansin ang kakulangan ng komunikasyon sa court, magandang receive at tamang koneksyon ng setter at spiker ng SJCCI na siya ring nagbunsod ng kanilang pagkatalo. Bagaman nakamit ng Laniecians ang una nilang laro ay hindi pa lubusang nasiyahan ang coach nila, “Kulang padin sa receive ang team kaya sana maimprove nila yun sa next game” ani ni Coach Lanie. “Masaya akong nanalo kami agad, malaking confidence to para sa susunod na laro”, sabi ni Jerron, ang team captain ng CNHS Volleyball Team. Inaasahang makakaharap ng SJCCI ang SPNHS Volleyball Team na siyang makakapagsabi kung uusad ba sila sa championship game, samantala naghihintay na lamang ang CNHS sa makakalaban nila sa Finals.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.